NATIONAL ACHIEVEMENT TEST (NAT) REVIEWER
FILIPINO 10 (Quarter 4)
MODYUL 1
Panuto: Para sa bilang 1-5, tukuyin sa pagpipilian ang
KASALUNGAT ng sinalangguhitang salita sa loob ng
bawat pangungusap. Para sa bilang 6-10, tukuyin
naman ang KASINGKAHULUGAN ng salita sa loob ng
bawat pangungusap.
1. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na
pagbitay sa tatlong paring martir.
A. kaawa-awa C. kahapis-hapis
B. kahanga-hanga D. kapalad-palad
2. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na
hatid ng mensahe ng salitang Filibusterismo dahil
mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang
pagsambit sa salitang ito.
A. pagbanggit C. pagtahimik
B. pagbigkas D. pagtikom
3. Tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga
makapangyarihang Espanyol matapos matunghayan
ang nilalaman nito.
A. nagliyab C. nagsaya
B. nagngitngit D. nagtimpi
4. Palihim na tumalilis ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal
matapos siyang payuhan ng gobernador-heneral.
A. kumaripas nang mabilis C. mabagal na umalis
B. lumayas nang matulin D. mabilis na umalis
5. Nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at
nagpakasal kay Juanito.
A. hindi tumupad sa pangako
B. nakipagkalas sa pag-iibigan
C. tumupad sa pangako
D. walang isang salita
6. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral.
A. di nakinig C. tumutol
B. pumayag D. umiwas
7. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na
pagbitay sa tatlong paring martir.
A. kahabag-habag C. kahindik-hindik
B. kahapis-hapis D. kumaripa
8. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa
pagkakamit ang minimithing pagbabago at kalayaan
ng mga Pilipino.
A. adhikain C. pangako
B. pananaw D. pangitain
9. Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na
daan tungo sa kanyang adhikain subalit siya’y
nagtagumpay.
A. napakadali C. napakahirap
B. napakaganda D. napaka-init
10. Nakaratingsa pinagpalang mga kamay ang ikalawang
obra maestrang El Filibusterismo ni Jose Rizal.
A. mabuti C. maramot
B. mapalad D. masama
Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong
isinulat ang El Filibusterismo batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito, mga patunay sa pag-iral ng
kondisyong ito sa kabuoan ng akda at layunin ng may-
akda sa pagsulat ng akda.
11. Sa anong nobela mas maramingpahina ang tinanggal,
nilagyan ng ekis, binura, o hindi isinama ni Rizal sa
akda?
A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere
B. Isang Libo’t Isang Gabi D. Walang Sugat
12. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang
nobela?
A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere
B. Hindi siya nahirapan. D. Parehong nahirapan
13. Ano angginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil
sa tindi at bigat na kanyang nadarama?
A. Ibinenta sa kakilala C. Ipinatago sa kaibigan
B. Inihagis sa apoy D. Itinapon sa basurahan
14. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang
kanyangpangangailagan habangisinusulat ang nobela
sa Brussels, Belgium?
A. Namasukan bilang katulong.
B. Nanggamot ng mga maysakit.
C. Nagbenta ng kanyang mga obra.
D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya.
15. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng
nobela ang pangyayari sa ibaba na umiral sabahagi ng
El Filibusterismo?
Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si
Paulita Gomez.
A. Nagpakasal si Maria Clara sa ibang lalaki.
B. Nagpakasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki.
C. Nagpakasal si Josephin Bracken sa ibang lalaki.
D. Nagpakasal si Segunda Katigbak sa ibang lalaki.
16. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng
nobela ang pangyayari sa ibaba na umiral sabahagi ng
El Filibusterismo?
Nakita ni Simoun ang nagdusang ama at si Elias
sa kanyang pangitain.
A. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Rizal.
B. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose
Alejandrino.
C. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain ang kapatid ni
Rizal.
D. Nagkaroon ng masamang pangitain ang ina ni Jose
Rizal.
17. Ang mga sumusunod ay kabilang sa layunin sa
pagsulat ni Rizal ng El Filibusterismo MALIBAN sa?
A. Ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop.
B. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng
mga Pilipino.
C. Masalamin ngmga kabataan ang nakaraan ng ating
mga ninuno.
D. Makamit ang minimithing pagbabago at kalayaan
ng mga Pilipino.
18. Bakit pinagtibay ni Rizal ang kanyang loob upang
ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa
panustos mula sa pamilya?
A. Dahil sa pag-ibig ng taong-bayan kay Rizal.
B. Dahil sa inpirasyon mula sa kanyang pinakaiibig.
C. Dahil sa adhikaing imulat ang kaisipan ng mga
Pilipino.
D. Dahil sa paghanga ng mga kababayan sa
katapangan niya.
19. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng
nobela ang pangyayari sa ibaba na umiral sabahagi ng
El Filibusterismo?
Pagkaroon ng suliranin ni Kabesang Tales sa
pangangamkam ng mga prayle kahit walang
katibayan.
A. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaibigan dahil sa
usapin sa lupa.
B. Pinag-uusig ng Espanyol ang kapitbahay dahil sa
usapin sa lupa.
C. Pinag-uusigngEspanyol angkaaway ni Rizal dahil sa
usapin sa lupa.
D. Pinag-uusig ng Espanyol ang pamilya ni Rizal dahil
sa usapin sa lupa.
20. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi
agad natapos ni Rizal ang pagpalimbag ng aklat
MALIBAN sa?
A. Naubos ang salaping kanyang natipid.
B. Nilimot ang pangakong tulong sa paglimbag ng
nobela.
C. Hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa
kanyang pamilya.
D. Tinanggal ni Rizal ang ibang bahagi ng nobela dahil
sa sama ng loob.
Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong
isinulat ang El Filibusterismo batay sa kaligirang
pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng kondisyong
ito sa kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa
pagsulat ng akda.
21. Kanino niya ibinigay ang orihinal na manuskrito at
nilagdaang sipi ng aklat ng nobelang El Filibusterismo?
A. Dr. Ferdinand Blumentritt
B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero
C. Jose Alejandrino
D. Valentin Ventura
22. Ang taong nakatulong kay Rizal para matuloy ang
paglilimbag.
A. Ambeth Ocampo C. Jose Alejandrino
B. Dr. Ferdinand Blumentritt D. Valentin Ventura
23. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang
pamilya?
A. Dahil namatay ang kanyang ina.
B. Dahil lumayas ang kanyang ama.
C. Dahil hinahabol ng batas ang pamilya.
D. Dahil nagkasakit ang kanyang kapatid.
24. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang
puso?
A. Dahil hindi makahinga.
B. Dahil nahihirapang huminga.
C. Dahil nagkaroon ng sakit sa puso.
D. Dahil nagpakasal ang kanyang iniibig sa iba.
25. Bakit iilan lang ang nakalusot na kopya ng nobela ni
Rizal sa Pilipinas?
A. Itinago ito ng pamahalaang Espanyol.
B. Sinunog ito ng pamahalaang Espanyol.
C. Ipinasira ito ng pamahalaang Espanyol.
D. Hinarang ito ng pamahalaang Espanyol.
26. Paano nakatulong ang kanyang adhikain sa bigat ng
kanyang damdamin?
A. Ipinagtibay nito ang kanyang kalooban.
B. Nakapagpahinga siya sa tindi ng damdamin.
C. Gumaan ang kanyang loob sa bigat na pinapasan.
D. Nagingmasaya siyangtapusin angkanyang layunin.
27. Bakit nahinto ang pagpapalimbag ni Rizal sa kanyang
nobela?
A. Dahil nalaman ito ng mga Kastila.
B. Dahil ipinasira ng mga Espanyol ang palimbagan
C. Dahil kinapos ng pondo si Rizal sa pagpapalimbag.
D. Hindi na tinaggap ng palimbagan ang nobela ni
Rizal.
28. Bakitikinalungkotni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa
ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya?
A. Dahil unti-unting naging mahina ang mga Pilipino.
B. Dahil nagkawatak-watak tuloy ang mga Pilipinong
Illustrado.
C. Dahil hindi nagingmatibay angmga Pilipino laban sa
mga Espanyol.
D. Dahil sila sana ang pag-asa ng nakalugmok na
mamamayang Pilipino.
29. Paano nakatulongkina Andres Bonifacio atsa kanyang
kilusan ang akdang ito ni Rizal?
A. Nakakuha sila ng ideya kung paano maghimagsik.
B. Gumaan ang kanilang loob laban sa mga Espanyol.
C. Nakita nila ang kabuktutan ng pamahalaang
Espanyol.
D. Naiwaksi nito ang mga balakid na nakasagabal sa
paghihimagsik.
30.Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang mga
kaibigan?
A. Dahil trinaidor siya ng kanyang mga kaibigan.
B. Dahil nag-aaway-away ang kanyang mga kaibigan.
C. Dahil ipinasara ng kanyang kaibigan ang La
Solidaridad.
D. Lumayo ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad
Panuto: Para sa bilang 1-5, tukuyin ang pagkasunod-
sunod ng pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng nobelang El
Filibusterismo.
31. Sinimulan angpagsulatngEl Filibusterismo sa London,
England.
A. ikalawa C. ikatlo
B. ikalima D. una
32. Binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo.
A. ikaapat C. ikatlo
B. ikalima D. una
33. Ipinadala at sinamsam ang El Filibusterismo sa
Honkong.
A. ikaapat C. ikalima
B. ikalawa D. ikatlo
34. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El
Filibusterismo.
A. ikaapat C. ikatlo
B. ikalawa D. una
35. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo.
A. ikaapat C. ikalima
B. ikalawa D. ikatlo
Panuto: Tukuyin ang panahon at pangyayari sa pagsulat
ni Rizal ng nobelang El Filibusterismo.
36. Kailan binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo?
A. 1875 C. 1885
B. 1884 D. 1985
37. Kailan naman natapos angsulat-kamay ng nobelang El
Filibusterismo?
A. Marso 1891 C. Setyembre 1891
B. Abril 1891 D. Marso 1892
38. Anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El
Filibusterismo?
A. 1885 C. 1895
B. 1890 D. 1980
39. Anong taon ipinadala at nasamsam ang El
Filibusterismo sa Hongkong?
A. 1885 C. 1891
B. 1890 D. 1980
40. Anong taon ipinuslitat naipasara ng pamahalaan ang
mga nakumpiskang nobela?
A. 1885 C. 1896
B. 1891 D. 1980
MODYUL 2
Panuto: Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga
pangyayaring napakinggan sa kaligirang pangkasaysayan
ng nobela.
1. Saan maiuugnay sa nobela ang naging pag-uusig sa
kanyang pamilya sa usapin sa lupa?
A. Kay Basilio C. Kay Kabesang Tales
B. Kay Isagani D. Kay Kapitan Tiago
2. Maliban sa suliranin sa pamilya, ano pan suliranin ang
kinaharap ni Dr. Jose Rizal?
A. Sulirain sa hanap-buhay. C. Sulirain sa pag-ibig.
B. Sulirain sa kaibigan. D. Sulirain sa sarili.
3. Anong samahan ang lumayo kay Dr. Jose Rizal?
A. La Independencia C. La Liga Filipino
B. La Liga Espanyol D. La Solidaridad
4. Paano nilisan ni Dr. Jose Rizal ang Pilipinas?
A. Di umalis ng bansa. C. Nagpaalamsa pamahalaan.
B. Nagpaalam sa kaibigan. D. Umalis nang palihim
5. Ang may pakana ng pagsamsam at pagsira sa mga sipi
ng nobela.
A. Ispiya ngpamahalaan C. Pamahalaang Espanyol
B. Kaaway ni Rizal D. Tulisan sa bayan
6. Anong dahilan kung bakit binitay ang tatlong pari?
A. Dahil sila ay mga filibusterong pari.
B. Dahil sila ay nagnakaw sa kaban ng bayan.
C. Dahil pinaratangan silang may kaugnayan sa naudlot
na pag-aaklas.
D. Dahil hindi nila sinusunod ang pinag-uutos ng
pamahalaang Espanyol.
7. Bakit matinding takot ang hatid ng salitang
Filibusterismo kay Rizal?
A. Dahil ipinagbabawal itong salita.
B. Dahil bastos ang tunay na kahulugan nito.
C. Dahil ang salitang ito ay labag sa pamahalaan at
simbahan.
D. Dahil mahigpitna ipinagbabawal ang pagsambit nito
sa kanilang bahay.
8. Bakit tumulak pa ibang bansa si Dr. Jose Rizal.?
A. Dahil iyon ang ipinayo sa kanya.
B. Dahil iniwan niya ang pagkakautang.
C. Dahil may trabaho siya sa ibang bansa.
D. Dahil ayaw niyang madamay sa himagsikan
9. Anong dahilan ng pagkaantala ng pagpapalimbag ng
nobela?
A. Dahil nawala ang kanyang manuskrito.
B. Dahil walang tumanggap na palimbagan.
C. Dahil sa kawalan ng pondo sa pagpapalimbag.
D. Dahil hindi pumayag ang pamahalaang Espanyol.
10. Ano ang naging dulot ng nobela sa mga Pilipino?
A. Nagkaisa ang mga Pilipino at Kastila.
B. Nailagay ang mga Pilipino sa kapahamakan.
C. Namulat sila sa pang-aalipin ng mga Kastila.
D. Nagbigay ito ng magandang oportunidad sa mga
Pilipino
Panuto: Tukuyin ang mga batis ng impormasyon.
11. Ito ay tumutukoy sa anumang mapagkukunan ng
impormasyon upang matiyak ang isang bagay.
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sanggunian
12. Ano ang dalawang uri ng saggunian?
A. Malaya at di malaya
B. Nakasulat at di nakasulat
C. Primarya at sekundarya
D. Sanggunian 1 at sanggunian 2
13. Ito ay batis ng impormasyon na pangunahin o
mismong pinanggalingan ng impormasyon.
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sanggunian
14. Ito ay batis ng impormasyon na nakuha mula sa ibang
tao o nagawa matapos maganap ang isang bagay o
pangyayari.
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian
15. Ito ay primaryangbatis na naglalaman ng mga ulat ng
kaganapan, tala, opinyon o pananaw ng may-akda.
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian
16. Ito ay primaryang batis na tumutukoy sa bagay o
gamit na naiwan ng isang kaganapan na naging saksi sa
mga pangyayari.
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian
17. Ito ay sanggunian na galing sa mismong taong
nakasaksi ng pangyayari
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian
18. Ito ay maaaringginamitngmga tao sa isangpartikular
na panahon at mga ebidensiya ng pag-iral ng isang tao
at pangayari.
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian
19. Ang ganitong uri ng impormasyon ay maaaring o may
kasama nang interpretasyon, komentaryo o pagsusuri.
A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian
B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian
20. Ang Encyclopedia ay halimbawa ng____________?
A. Primaryang saggunian
B. Sanggunian 1
C. Sanggunian 2
D. Sekundaryang sanggunian
Panuto: Tukuyin kung anong hakbang ito sa
pananaliksik.
21. Ito ay pagpili ng paksa na naaayon sa iyong interes.
A. Pagsulat ng Borador
B. Pangangalap ng mga Tala
C. Pag-alam o Pagpili ng Paksa
D. Paghahanda ng Tentabtibong Balangkas
22. Ito ay nagsisilbing direksiyon at nagiging patnubay sa
pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
A. Paglalahad ng Layunin
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi
23. Ito ay paghahanda ngtalaan ngiba’t ibangsanggunian
katulad ng artikulo, report, magasin, mga aklat at iba pa.
A. Paglalahad ng Layunin
B. Pangangalap ng mga Tala
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi
24. Gumagamit ng index card sa pangangalap ngmga tala.
A. Pangangalap ng mga Tala
B. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
C. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi
25. Sa bahagingito ay binibigyang-pansin angnilalaman at
paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at
wastong gamit ng salita.
A. Pagsulat ng Borador
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
26. Ito ay uri ng tala na kung saan ay isulat ang tala sa
sariling salita nang walang kahulugan o impormasyong
nawawala.
A. Hawig C. Sipi
B. Lagom D. Tuwirang sipi
27. Malayang ipinapahayag ang tala sa pagbibigay-
paliwanag sa sinabi sa orihinal.
A. Hawig C. Sipi
B. Lagom D. Tuwirang sipi
28. Sa tala namang ito ay kinokopya ang mga salita sa
aklat at ipaloob iyon sa panipi.
A. Hawig C. Sipi
B. Lagom D. Tuwirang sipi
29. Ito ay isangsistematikongpaghahanap ngmahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
A. Pananaliksik
B. Paglalahad ng Layunin
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
30. Ito ay pag-isa-isang dahilan o layunin kung bakit nais
isagawa ang pananaliksik.
A. Pananaliksik
B. Paglalahad ng Layunin
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
MODYUL 3
Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari, kaisipan at
tauhan.
1. Tauhan na napakamayamang mag-aalahas, kaibigang
matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral.
A. Basilio C. Kapitan Tiyago
B. Isagani D. Simoun
2. Tauhan na nilunok ang pangmamaliit sa kanya ng
kapwa mag-aaral at guro.
A. Basilio C. Kapitan Tiyago
B. Isagani D. Makaraig
3. Tauhan na tumulong kay Basilio na makapag-aral.
A. Basilio C. Kapitan Tiyago
B. Isagani D. Simoun
4. Tauhan sa nobela na nalampasan niya ang mga hilahil
ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiyago.
A. Basilio C. Kapitan Tiyago
B. Isagani D. Makaraig
5. Ano ang nagingpakikitungo kay Basilio ng kanyang mga
kaklase at guro sa paaralan?
A. Kasundo niya ang lahat.
B. Parati siyang nilalait.
C. Tinutulungan siya sa klase.
D. Walang pakialam sa kanyan.
6. Anong kasawian ang naranasan ni Basilio?
A. Kawalan ng hanap-buhay. C. Ulila sa kaibigan.
B. Kawalan ng tahanan. D. Ulila sa pamilya.
7. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun?
A. Sa pamamagitan ng kaibigan.
B. Sa pamamagitan ng pag-iimbestiga.
C. Sa pamamagitan ng bulong-bulungan sa bayan.
D. Sa pamamagitan ng di sinasadyang pagtatagpo sa
gubat.
8. Bakit hindi magiging wikang pambansa kailanman ang
Kastila?
A. Dahil hindi ito galing sa ating bansa.
B. Dahil hindi ito sasalitain ng mga tao.
C. Dahil bawal itong gamitin ng mga Indiyo.
D. Dahil para lamang ito sa mga mayayaman.
9. Paano natulungan ni Kapitan Tiyago si Basilio na
makapagsimula ng bagong buhay?
A. Inampon niya si Basilio.
B. Kinupkop niya si Basilio.
C. Pinag-aral niya si Basilio.
D. Pinakain niya si Basilio.
10. Ano ang ibig sabihin ng "Walang manlulupig kung
walang magpapaalipin."?
A. Walang sino man ang dapat na lupigin.
B. Walang karapatan ang tao na mabuhay.
C. Walang mayaman o mahirap sa lipunan.
D. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi.
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng matalinghagang
pahayag.
11. Litong-lito nang umalis si Simoun. Halos sumabog ang
kaniyang dibdib.
A. Nag-aalala C. Napupuot
B. Nangungulila D. Natutuwa
12. Batid niyanghimagsikan lamangangmakapagbubukas
ng pintuan ng mga kumbento.
A. Mapipilitan C.Pilit
B. Pipilitin D. Sapilitan
13. Sumaisip niya ang kinahinatnan ng dalawang
kapuspalad na kapwa pinagkaitan ng kapalaran.
A. Mahirap C. Marangya
B. Mapalad D. Mayaman
14. Kaya nangmakaratingsa San Juan de Dios at tanungin
ng kaniyangmga kaibigan tungkol sa paghihimagsik ay
napalundag si Basilio at naalaala ang binalak ni
Simoung hindi natuloy dahil sa mahiwagang sakunang
nangyari sa mag-aalahas.
A. Naguguluhan C. Namamangha
B. Nahihiwagaan D. Naniniwala
15. Pinagpayuhan siya nitong iligpit ang anumang papel
na maaring magsubo sa kaniya sa panganib.
A. Mag-aalala C. Maggunita
B. Magdala D. Maghimutok
Panuto: Tukuyin kung anong salita o mga salita ang
nagpapahayag ng matalinghaga sa pangungusap.
16. Litong-lito nang umalis si Simoun. Halos sumabog ang
kaniyang dibdib.
A. Ikalawang pahayag C. Litong-lito nang umalis
B. Kaniyang dibdib D. Si Simoun
17. Batid niyanghimagsikan lamangangmakapagbubukas
ng pintuan ng mga kumbento.
A. Buong pahayag C. Makapagbubukas ng pintuan
B. Himagsikan lamang D. Pintuan ng mga kumbento
18. Sumaisip niya ang kinahinatnan ng dalawang
kapuspalad na kapuwa pinagkaitan ng kapalaran.
A. Kapalaran C. Kapuwa
B. Kapuspalad D. Sumaisip
19. Kaya nangmakaratingsa San Juan de Dios at tanungin
ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa paghihimagsik ay
napalundagsi Basilio atnaalaalaangbinalak ni Simoung
hindi natuloy dahil samahiwagangsakunangnangyari sa
mag-aalahas.
A. Buong pahayag
B. Mahiwagang sakunang nangyari
C. Naalaala ang binalak
D. Paghihimagsik ay napalundag
20.Pinagpayuhan siyanitongiligpitanganumangpapel na
maaring magsubo sa kaniya sa panganib.
A. Buong pahayag
B. Iligpit ang anumang papel
C. Magsubo sa kaniya sa panganib
D. Pinagpayuhan siya
Panuto: Tukuyin ang pagtunton sa mga pangyayari sa
kabanata.
21. Ano ang pormulang "Nitro-glicerina" na ibinulong ni
Simoun kay Basilio?
A. Dinamita C. Inumin
B. Gamot D. Lason
22. Ano angkinuha ni Simoun sa kahon ng mesa at ibnigay
kay Basilio?
A. Baril C. Gulok
B. Bomba D. Itak
23. Anong di matiyak na ipinagbabawal na mga aklat ang
ipinaratangan na iniigatan ni Basilio?
A. Medicina Legal y Toxicologia
B. Medicina Illegal y Toxicologia
C. Medicina El Espanya y Legal
D. Medicina El Espanya y Illegal
24. Ano ang tungkuling iniatang ni Simoun kay Basilio
kapag sumabog na ang bomba?
A. Dalhin ang mga baril sa bodega ni Quiroga.
B. Itago ang mga baril upang walang ebidensya.
C.Linlangin ang mga guardia civil papuntang
kagubatan.
D. Tatayo sa mga tulay upang humanda sa pagsaklolo
sa kanila.
25. Bakitinalislang si Padre Carmorra sa bayan ng Tiani?
A. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng prayle.
B. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng Kapitan Heneral.
C. Upang takasan ang kanyang mga kasalanan sa
bayan.
D. Upang malipatngibangbayan o mamalagi muna sa
kumbento.
Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng
pangyayari
26. Ang tanging hindi nakalaya ay ang kaawa-awang si
Basilio. Pinaratangan pa siyang nag-iingat ng mga
ipinagbabawal na mga aklat.
A. Bilangguan C. Palengke
B. Paaralan D. Plaza
27. Gayon na lamangang pagtitimpi ngmataas na kawani.
Hindi niya pinansin ang mga pasaring ng heneral at
umisip siya ng ibang kaparaanan.
A. Bilangguan C. Palengke
B. Paaralan D. Plaza
28. Si Basilio ang dumating. Kay laki ng kanyang
ipinagbago. Kung malaki ang ipinagbago ni Simoun sa
loob ng dalawang buwan, ang sa binatang mag-aaral ay
kagulat-gulat.
A. Tahanan ni Basilio. C. Tahanan ni Kabesang Tales.
B. Tahanan ni Isagani. D. Tahanan ni Simoun.
29. "Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu", para sa
mga huling tagubilin.
A. Azotea C. Paaralan
B. Liwasang bayan D. Simbahan ng San Sebastian
30."Sa ganap na ikasiyam, nararapat na malayo,
malayong-malayo ka."
A. Bilangguan C. Tanggapan ng bayan
B. Daang Anluwage D. Simbahan ng San Sebastian
Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha para sa
sumusunod na mga pangyayari.
31. Pinakamasarap at pinakamahal ang mga pagkain at
inuming inihanda sa isang espesyal na lugar ng
kasalan.
A. May bayad ang pinaka-espesyal na lugar.
B. Maseselan angmga panauhin sa pagkain at inumin.
C. Matataas at kilalang panauhin ang uupo at
magsasalo-salo.
D. Mayaman ang naghanda dahil nakapili siya ng
pinakamasarap.
32. Pinalitan ni Don Timoteo ang mga inukit na antigong
palamuti at mga santo ni Kapitan Tiago sa tahanan
nito.
A. Ayaw ni Don Timoteo ng gawang Pilipino.
B. Mas gusto niya ang gawa ng mga Pilipino.
C. Mataas ang panlasa ni Don Timoteo sa mga
palamuti.
D. Galit siya kay Kapitan Tiago kaya ayaw niyang
makita ito.
33. Nakaramdam ng matinding kasiyahan si Basilio nang
sumagi sa kanyang isipan ang mangyayari sa piging
hanggang mapahalakhak pa ito.
A. Nababaliw na sa gutom at pagod si Basilio.
B. Sadyang nasisiyahan ni Basilio sa mga sandaling
iyon.
C. Naliligayahan si Basilio para sa ikakasal na nag-
iibigan.
D. Magbabayad na ang mga taong dahilan ng mga
kasawian niya.
34. Naalalani Basilio si Isagani kungdapat niyang sabihan
ang kaibigan hinggil sa madugong balak ni Simoun
subalitnaisip din niyangdi siya sasali sa patayan dahil
iba ang karanasan niya sa kanya.
A. Magaganda ang karanasan ni Isagan sa buhay.
B. Ayaw niyang madamay ang kanyang kaibigang.
C. Gustong isama ni Basilio sa kilusan ang kaibigang.
D. Batid niyangtatanggi si Isagani kung isasali niya sa
kilusan.
35. Nagtungo si Basilio sa dating tinirhan nang makalaya
at nakita niya itong ayos na ayos na napakaganda.
A. Nakita ni Basilio na wala na siyang gamit.
B. Naalala ni Basilio ang masasayang sandali.
C. Nagugutom si Basilio at nais niyang kumain.
D. Nalaman ni Basilo na may mahalagang pagtitipon.
Panuto: Tukuyin ang tauhang nagpahayag ng
pangungusap.
36. Punong-abala sa gagawing piging.
A. Basilio C. Isagani
B. Don Timoteo D. Simoun
37. May binabalak sa araw na iyon.
A. Basilio C. Isagani
B. Don Timoteo D. Simoun
Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng
pangyayari.
38. Saan patungo ang mga sasakyang dumaraan sa
harapan ni Basilio. Lulan ng mga ito ang mga dalaga't
binata na masayang nag-uusap.
A. Daang Anluwage C. Daang Escolta
B. Daang del Rosario D. Daang Libo
39. Magiging tagpuan ng madugong pangyayari.
A. Daang Anluwage C. Daang Escolta
B. Daang del Rosario D. Daang Libo
40.Ang malaking sala na pinaluwang pang lalo ng mga
naglalakihang salaming nagpaparami sa ilaw ng
aranya, ay naglatagan ng alpombra na tulad ng mga
salon sa Europa.
A. Dating bahay ni Basilio.
B. Dating bahay ni Don Timoteo.
C. Dating bahay ni Kapitan Tiyago.
D. Dating bahay ni Isagani.
MODYUL 4
Panuto: Sagutin at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang magbubukid na inagawan ng karapatan sa
kanyang lupain?
A. kabesang Tales C. Tandang Selo
B. Simoun D. Tano
2. Sino ang nagpaalipin upangmatubos angkanyangama?
A. Donya Victorina C.Sinang
B. Huli D. Sisa
3. Natuwa si Simoun nang kinuha ni Kabesang Tales ang
rebolber. Ang ikinilos ni Simoun, nangangahulugang?
A. Hindi na siya mapagkamalang rebelde
B. Hindi na siya sisingilin ni kabesang Tales
C. Kakakabayad na siya ng utang na loob
D. Nagtagumpay siya sa kanyang pakay
4. Sa panunuluyan ni Simoun sa bahay ni Kabesang Tales,
A. Lalong nadama ni kabesang Tales ang pagiging
mahirap
B. Nakapagbinta ito ng maraming alahas
C. Nakita ang agwat ng mayaman at mahirap
D. Nakita ni Kabesang Tales ang locket ni Maria Clara
5. Si Kabesang Tales ay naging isang_________?
A. Cabeza de baranggay C. Sundalo
B. Mayor D. Tanod
Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
6. Sino ang taong nakakita sa isang mag-aalahas habang
ito ay pauwi?
A. Basilio C.Isagani
B.Don Custudio D.Simoun
7. Sino ang mayamang mag-aalahas?
A. Padre Camorra C. Padre Sibyla
B. Padre Salvi D. Padre Cammora
8. Sino ang mag-aaral ng medisina at nobyo ni Huli?
A. Basilio C. Simoun
B. Tadeo D. Massimo
9. Ano ang inihandog ni Basilio kay Simoun bilang
pagtanaw ng utang na loob sa pagtulong niya nito
namay 13 tatlong taon na ang nakalipas?
A. lihim C. pera
B. pagkain D. tulong
10. Bakit tinutukan at binalak na barilin ni Simoun Si
Basilio?
A. Alam ni Basilio ang tunay na lihim ni Simoun na isa
siyang mag-aalahas
B. Dahil may utang si Basilio kay Simoun
C. Matagal na silang magkaaway
D. Naghahawak si Basilio ng isang lihim na maaaring
magpanganyaya sa kanya.
Panuto: Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik
ng tamang sagot
11. Ano ang ipinagmalaki ni Simoun kay kabesang Tales?
A. damit C. pera
B. mga alahas D. rebolber
12. Sino ang bumili ng singsing para sa berhin ng
Antipolo?
A. Donya Victorina C. Hermana Penchang
B. Hermana Bali D. Huli
13. Ano ang binuksan ni Simoun na may lamang alahas?
A. kahon C. pitaka
B. malita D.sako
14. Ano ang halaga na tinawaran ni Simoun?
A.500 C.300
B.400 D.100
15. Sino ang nagsabi sa Pahayag na ito” Sa wakas ay
natagpuan ko ang taong aking kailangan?
A. Isagani C. kabesang Tales
B. Basilio D.Tandang Selo
Panuto: Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
21. Ang anak ni Kabesang Tales na nagpaalipin para
matubos ang ama mula sa kulungan.
A. Huli C. Pepay
B. Paulita D. Senang
22. Ang nagkumbensi kay Huli na bumalik sa kumbento.
A. Donya Victorina C.Herman Penchang
B. Hermana Bali D. Senang
23. Ang pinagtatrabahuan ni Huli para matubos ang ama
sa kulungan.
A. Hermana Bali C.Donya Victorina
B. Hermana Penchang D. Senang
24. Binuo ni Dr. Jose Rizal angkatangian ni Huli sa nobela
bilang kababaihang sumisimbolo sa:
A. Pagiging alipin at walang kapangyarihan
B. Pagiging matapang
C.Pagiging mapagparaya at handang magsakripisyo
D.Sagot sa b at c.
25. Ang kura na kinatatautan ni Huli kapag naririnig niya
ang pangalan nito.
A. Padre Camorra C.Padre Florentino
B. Padre Damaso D. Padre Salvi
MODYUL 5
Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Ang estudyanteng natuwa dahil sa ibinunga ng paskin
na hindi na makakakuha ng pagsusulit.
A. Macaraig C. Salvador
B. Pelaez D. Tadeo
2. Ang nag- alaga kay Kapitan Tiyago noong ito’y
nagkasakit.
A. Basilio C. Juanito
B. Isagani D. Makaraig
3. Ang dahilan ng pagkakasakit ni Kapitan Tiyago.
A. Paghithit ng apyan C. Paninigarilyo
B. Pag- iinom ng alak D. Subrang katandaan
4. Ang nagpapalagay at pinagkatiwalaan na lumutas ng
usapin tungkol sa akademya ng wikang kastila at
tinaguriang “Buena Tinta”.
A. Don Custodio C. Padre Florentino
B. Isagani D. Simoun
5. Ang inutusan ni Simoun na itakas si Maria Claramula sa
kumbento ni Sta. Clara habangnagkakagulo angbuong
lungsod.
A. Basilio C. Isagani
B. Ben Zayb D. Macaraig
6. Ang tinutukoy na isang bangkay sa kabanata 23.
A. Don Custodio C. Kapitan Tiyago
B. Huli D. Maria Clara
7. Ang lugar kung saan nag- uusap sina Isagani at Paulita
para pag- usapan ang kanilang mga pangarap bilang
magkasintahan.
A. Balkunahi C. Luneta
B. Kumbento D. Tiyani
8. Ang mag- aaral na hindi nakakuhangpagsusulitdahil sa
problemang kinasasangkutan.
A. Basilio C. Macaraig
B. Isagani D. Tadeo
9. Ang pangunahingpangyayari na ibinunga ngmga paskil
sa mamamayan.
A. Pag- asa C. Pagkasiya
B. Paghihiganti D. Pagkatakot
10. Ang tumulong kay Basilio para makalabassa kulungan
kapalit ng kanyang pagsanib dito.
A. Don Custodio C. Kabesang Tales
B. Isagani D. Simoun
Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Ang babaeng nagpakasal kay Juanito Pelaez.
A. Hermana Bali C. Paulita
B. Huli D. Sinang
2. Ang makata na kasintahan ni Paulita Gomez.
A. Basilio C. Juanito
B. Isagani D. Tano
3. Ang mag- aaral na kinagigiliwan ng mga propesor;
nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.
A. Isagani C. Macaraig
B. Juanito Pelaez D. Sandoval
4. Ang tagapayo ng mga Prayle sa mga suliraning legal.
A. Ben Zayb C. Ginoong Pasta
B. Don Custodio D. Sandoval
5. Ang mayamang mag- aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng
kagipitan.
A. Isagani C. Macaraig
B. Juanito Pelaez D. Sandoval
6. Ang mayamang mang- aalahas na nakasalaming may
kulay na tinatawag na Kardinal Moreno.
A. Ben Zayb C. Kabesang Tales
B. Isagani D. Simoun
7. Ang nagsilbing ama ni Isagani.
A. Padre Camorra C. Padre Florentino
B. Padre Damaso D. Padre Salvi
8. Hindi na tuloy angmasamangbalak ni Simoun sa piging
dahil:
A. Itinapon ni Isagani ang lampara sa ilog.
B. Naawa siya sa mga Pilipinong walang kasalanan.
C. Nalaman ang totoong pagkatao ni Simoun.
D. Nasira ang gasera na pinaglagyan ng pampasabog.
9. Hindi nagtagumpay ang mga kabataan sa kanilang
panukala dahil:
A. Nawala na parang bula ang mga kabataan sa oras ng
kagipitan.
B. Nawalan ng gana si Isagani at Macaraig.
C. Walanginisyatibo ang iba at sunod- sunuran lamang.
D. Sagot sa A at C
10. Hindi nagtagumpay ang plano ni Simoun dahil:
A. Itinapon ni Isagani anglampara sailogna naglalaman
ng pampasabog.
B. Mahal pa niya si Paulita
C. Nanaig ang pagkabayani ni Isagani at ayaw niyang
may mapahamak.
D. Sagot sa A, B at C
Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin ang titik
ng tamang sagot.
1. Ang inagawan ng upuan sa loob ng dulaan.
A. Don Custodio C. Isagani
B. Don Primitivo D. Simoun
2. Ang mananayaw sa loob ng dulaan.
A. Paulita C. Pepay
B. Penchang D. Sinang
3. Ang Pransesang mang- aawit sa dulaan.
A. Gertrude C. Sandoval
B. Pecson D. Tadeo
4. Ang nagpapanggap na maalam sa Pranses dahilan ng
kanyang pagkakamali.
A. Isagani C. Macaraig
B. Juanito D. Sandoval
5. Ang paring pumuri kay Isagani dahil sa taglay nitong
paninindigan.
A. Padre Camorra C. Padre Salvi
B. Padre Fernandez D. Padre Sibyla
6. Ang prayleng natalo ni Isagani mula sa kanilang pag-
uusap para ipaglaban ang kanyang prinsipyo’t
paninindigan.
A. Padre Camorra C. Padre Salvi
B. Padre Fernandez D. Padre Sibyla
7. Hindi maawat ng mga tagapamahala ng dulaan ang
taong umagaw sa kinauupuan ni Don Primitivo dahil
ito ay:
A. Isang Heneral
B. Isang mataas na tao sa pamahalaan
C. Isang Mayaman
D. Isang Prayle
8. “Manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang
walang ibubunga ang ginagawa niya'y patuloy pa sa
pagtangap ng kabayaran”. Ano ang nais ipahiwatig ni
Isagani sa katagang ito?
A. Kurakot ang namamahala sa pamahalaan
B. Lantaran sa pamahalaan ang pagbibigay ng
kabayaran para sa sariling interes lamang
C. Puno ng pag- aalipusta ang bayan
D. Sagot sa A, B at C
9. Matagal nagsimula ang palabas dahil:
A. Hinintay ang pagdating ng Heneral
B. Hinintay ang pagdating ni Simoun
C. Nag-away si Don Primitivo at Pecson
D. Natagalan ang mga magsisipagganap sa palabas.
10. Ayon kay Isagani, "Ang mga prayle sa lahat ng orden
ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang
nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto
pagkat balang araw ay magpapahayag kami ng
paglaya.”
Ano ang nais niyang ipahayag?
A. Kung matatamo ang karunungan ng mga
kabataang Pilipino magiging kalaban sila ng
pamahalaan.
B. Magiging pasaway ang kabataang Pilipino kung
magkakaroon na ng karunungan.
C. Matapang ang mga kabataang Pilipino.
D. Naging hadlang ang mga prayle sa pag- unlad at
pagtamo ng karunungan ng mga kabataang Pilipino.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang taong pumupugay sa lahat ng dumalo sa piging.
A. Don Custodio C. Donya Victorina
B. Don Timoteo D. Isagani
Pagpipilian para sa bilang 2, 3 at 4
A. Basilio C. Macaraig
B. Isagani D. Simoun
2. Ang nagdala ng ilawan sa loob ng piging na pawang
namumutla. - A
3. Ang hinarangan ng mga guwardya sibil dahil sa hindi
kagandahan nitong anyo. - D
4. Ang nakita ni Basilio na tatanaw- tanaw sa bahay na
pinagdadausan ng piging at may dinadamdam. - C
5. Ang nagpadala ng sulat na “Mane Thacel Phares” sa
araw ng piging.
A. Don Juanito de Espadanya C. Kabesang Tales
B. Juan Crisostomo Ibarra D. Simoun
6. Ang sulat na ”Mane Thacel Phares” ay nagdulot ng
______________ sa mga taong nasa piging.
A. Kalungkutan C. Matinding takot
B. Kasiyahan D. Pagkainis
7. Ang lalaking payat na Platero na nagsalaysay sa mga
nakita sa loob ng piging.
A. Chikoy C. Pecson
B. Momoy D. Tadeo
8. Ang kasintahan ni Momoy na dahilan upang
magtapang- tapangan siya.
A. Penchang C. Siensa
B. Pepay D. Senang
9. Ang nagtapon ng ilawan sa ilog kaya hindi natuloy ang
paghihiganti ni Simoun.
A. Basilio C. Macaraig
B. Isagani D. Padre Florentino
Para sa bilang 10
Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na
mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng
magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon kung siya
ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang
gayon. Pantayan man ng kahit ano. Hindi ako tatayo sa
kanyang kalagayan!
10. Anong damdamin ang namumuo kay Isagani habang
sinasabi ang mga pahayag?
A. Nagagalit C. Nanghihinayang
B. Nagsisisi D. Natutuwa
MODYUL 6
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Saan itinalaga ni Padre Florentino ang kanyang sarili?
A. Sa simbahan C. Sa kanyang kasintahan
B. Sa kanyang nobya D. Sa kanyang magulang
2. Si Padre Florentino ay ang nag-iisang Indiyong pari na
binanggitsa El Filibusterismo. Ano ang ibig sabihin ng
sinalungguhitang salita?
A. mangmang C. mahirap
B.kaawa-awa D. pilipino
3. May mga alingawngaw na si Isagani ay anak ng unang
pag-ibig ni Padre Florentino? Ano ang ibig sabihin ng
sinalungguhitang salita?
A. haka-haka C. nagreklamo
B. nagsasabi D. naglakas-loob
4. Ang nakaimpluwensiya sa kanya na pagbutihin ang
kanyang pag-aaral at linangin ang kanyang galing at
husay. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang
salita?
A. palawakin C. paunlarin
B. pagsikapan D. pag-aralan
5. Hindi mahilig makihalubilo sa tao, mapagkumbaba at
higit sa lahat walang bisyo. Ano ang ibig sabihin ng
sinalungguhitang salita?
A. makipag-ugnayan C. makisawsaw
B. makikiisa D. makipagkwentuhan
6. Sino ang nagmula sa mayamang angkan na pamilya?
A. Padre Florentino C. Padre Irene
B. Simoun D. Padre Camorra
7. Sino ang pari na hinanguan ni Rizal sa katauhan ni
Padre Florentino?
A. Padre Damaso C. Padre Leoncio
B. Padre Fernandez D. Padre Clemente
8. Saan naninirahan ang pari matapos siyang magretiro?
A. Kumbento C. Baybayin ng Dagat Pasipiko
B. Monasteryo D. Calamba
9. Ilang taon naging ganap na pari si Padre Florentino?
A. 10 taon C. 15 taon
B. 20 taon D. 25 taon
10.Sa iyong palagay, masaya ba si Padre Florentino sa
kanyang buhay?
A. Oo, dahil siya ay naging malaya na
B. Oo, dahil mababakas sa kanyang mga kilos at galaw
C. Hindi,sapagkatsiya ay may dalangpighati sa kanyang
puso
D. Hindi,sapagkatnapilitan lamangsiya atnasaktan ang
kanyang puso
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
11. Anong dahilan kungbakithumingi ng pamamahinga si
Padre Florentino sa paghawak ng tungkulin?
A. Dahil nagkaroon siya ng anak sa dating katipan
B. Dahil gusto niyang mabuhay na mag-isa
C. Dahil sa kalungkutang kanyang nararamdaman
D. Dahil sa ipinanganib niyangmasangkotsa rebelyon at
patayin
12. Anong larawan ngisanglingkod ngDiyos angipinakita
ni Rizal sa katauhan ni Padre Florentino?
A. Isang Paring may kinikilingan
B. Isang Paring mabait at hindi mapang-api sa Pilipino
C. Isang Paring ipagtanggol ang karapatan ng dayuhan
D. Isang Paring mapagsamantala at mapang-abuso
13. Paano mo ilalarawan ang ibabang bahagi ng kubyerta
ng bapor tabo?
A. Makikita ang kayumangging indiyo, tsino at mestizo
na nagsiksikan
B. Maaliwalas ang bawat sulok ng kubyerta at
mahalimuyak
C. Makikita ang mga mayayamang dayuhan, prayle at
mga kawani
D. Napakatahimik at may nakahilirang mga pagkain
14. Sa iyong palagay,paano ginagalangsi PadreFlorentino
ng mga kasamang manlalakbay?
A. Nagmamano at humahalik ang mga tao sa kanyang
kamay
B. Nag-aalis ng mga sombrero kapag dumaan sa Padre
C. Hihinto ang mga manlalakbay at tumango sa Padre
D. Yumayakap sa Padre bilang tanda ng kanilang
paggalang
15. Kanino hinango ni Rizal ang katangian ni Padre
Florentino sa El Filibusterismo?
A. Hinango ni Rizal sa isang kura paroko na
nakaimpluwensiya sa kanya
B. Hinango ni Rizal sa isang Padre na tumulong sa
kanyang pamilya
C. Hinango ni Rizal sa isang kura na nagpalaki sa kanya
sa Espanya
D. Hinango ni Rizal sa nabasa niyangnobela noongsiya’y
walong gulang
16. Sa iyong palagay, ano ang dahilan sa paghandog ng
buhay ni PadreFlorentino sa parokya at pagyabong sa
kanyang hilig sa Agham Pangkalikasan?
A. Dahil sa kayamanang naiwan sa kanya
B. Dahil sa hiwalayan nila ng kanyang katipan
C. Dahil sa pagkamatay ng kanyang ina
D. Dahil sa pagpapahalaga ng kanyang tungkulin
17. Bakit ipinilit ng ina ni Padre Florentino na siya ay
papasok sa seminaryo?
A. Naniniwala ang kanyang ina na ito ay kalooban ng
Diyos
B. Nakikita ngkanyangina ang magandang kinabukasan
ng anak
C. Upang makatupad sa pangako ng kanyang ina
D. Upang ang kanilang yaman ay mapunta sa simbahan
lamang
18. Bakit mas pinili nina Isagani at Padre Florentino na
lumulan sa ibabang bahagi ng bapor?
A. Dahil mababait ang nasa ibabang bahagi ng bapor
B. Dahil gusto nilang masdan ang mga indiyo na
naglalaro
C. Dahil umiwas sila na makita si Donya Victorina dahil
magtatanong ito
D. Dahil sila ay naubusan ng tiket sa ibabaw na bahagi
ng bapor tabo
19. Hindi siya mapagmalaki at nakikihalubilo sa mga tao.
Ano angkasingkahulugan ngsalitangsinalungguhitan?
A. Nakiagaw C.Nakikipag-ugnayan
B. Nakapulupot D. Mata-pobre
20.Tiningnan akong may panlilibak nang malamang ako’y
nasa tersero ng klase.Ano ang ibigsabihin ng salitang
nakasalungguhit?
A. Pagkapoot C. Pagkahumaling
B. Panlalait D. Pagkatulala
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
21. Sino ang nagsalaysay sa alamat ni Donya Geronima?
A. Padre Sibyla C. Padre Florentino
B. Padre Irene D. Padre Camorra
22. Sino ang hindi mapakali nang marinig niya ang
kahabag-habag na kuwento ni Donya Geronima?
A. Simoun C. Ben Zayb
B. Padre Salvi D. Padre Florentino
23. Hindi ba mabuti ang ginawa ng kanyangkamahalan ay
inilagay siyasa beateryo. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang sinalungguhitan?
A. Kumbento ng mga padre
B. Kumbento ng mga madre
C.Kulungan ng mga babae
D. Kulungan ng mga lalaki
24. “Isusulat ko iyan. Napakasentimental.” Ano ang
kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. Maramdamin C. Nakasusuya
B. Mahalaga D. Nakakamangha
25. Ang arsobispo ay nagpagawa ng kuweba sa may ilog
para kay Donya Geronima. Ano ang kasingkahulugan
ng salitang sinalungguhitan?
A. Obispo ng simbahang katoliko
B. Kawani ng simbahan
C.Tagapamuno ng simbahan
D. Katulong ng mga Padre
26. Ilang taon na ang nakaraan na ang ilog ay halos
humahalik na sa bunganga ng kuweba?
A. 10 taon C. 5 taon
B. 20 taon D. 4 taon
27. Ano ang makikita sa pasukan ng kuweba na tinitirhan
ng Donya?
A. May nakasabit na mga kurtina
C. May mga mahahalimuyak na bulaklak
D. Napapalamutian ng mga baging
28. Hindi ba mabuti ang ginawa ng kanyangkamahalan ay
inilagay siyasa beateryo. Ano ang kasingkahulugan ng
salitang sinalungguhitan?
A. Kumbento ng mga padre
B. Kumbento ng mga madre
C. Kulungan ng mga babae
D. Kulungan ng mga lalaki
29. “Isusulat ko iyan. Napakasentimental.” Ano ang
kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. Maramdamin C. Nakasusuya
B. Mahalaga D. Nakakamangha
30. Ang arsobispo ay nagpagawa ng kuweba sa may ilog
para kay Donya Geronima. Ano ang kasingkahulugan
ng salitang sinalungguhitan?
A. Obispo ng simbahang katoliko
B. Kawani ng simbahan
C. Tagapamuno ng simbahan
D. Katulong ng mga Padre
Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
31. “Matapat at makatarungang Diyos.” Ang sagot ni
Padre Florentino nang tinanong pa ni Simoun kung
anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking
pagpapakasakit.Ano ang pakahulugan ng
sinalungguhitang pahayag?
A. Diyos na sinisisi ang kagagawan ng tao
B. Diyos na nagpaparusa sa mga nagkasala at
nagbibigay ng biyaya sa mga nagpakasakit
C. Diyos na hindi dinidinigang pagsusumamo ng taong
naghihirap
D. Diyos na nagtitiis sapatuloy na pakikipagtunggali at
pagpapalakas ng isang tao
32. “Diyos na mahabagin! Ano’ng ginawa ninyo, Senyor
Simoun?” Ang nasambit ni Padre Florentino nang
natuklasan niyang walang laman ang mga bote ng
gamot. Anong damdamin ng tauhan ang namayani
dito?
A. pagkatakot C. pagkabigla
B. pagkainip D. pagkayamot
33. Lumilikha siya ng sariling himig at nabibigyang-laya
ang sakit ng puso.
A. kinukurot ang puso C. nalilibang ang sarili
B. nauugnay sa kirot D. umaapaw ang kaligayahan
34. Ano ang dahilan kung bakit itinapon ni Padre
Florentino sa pusod ng dagat ang maletang bakal na
naglalaman ng kayamanan ni Simoun?
A. Nang hindi na gagambalain si Simoun ng mga
guwardiya sibil
B. Upang hindi na uusigin ngmga maykapangyarihan
C. Hindi na makapag-udyok ng kasamaan
D. Upang hindi na matatagpuan ng sinumang may
dakilang layunin
35. Paano ipinakita ni Padre Florentino ang pagtanggap
niya kay Simoun sa kanyang tahanan?
A. Magiliw na tinanggap nang buong puso ng pari si
Simoun
B. Tinanggap nangmay pagnanasa sa kayamanan na
dala ni Simoun
C. Buong lugod na tinanggap at itinuring na isa ring
pari.
D. Walangalinlangang tinanggap ni Simoun si Padre
Florentino sa kanyang tahanan.
36. Malungkot na tumutugtog ng kanyang armonyum si
Padre Florentino. Ang sinalungguhitang salita ay
nangangahulugang:
A. biyolin C. piyano
B. gitara D. trumpeta
37. Sugatan si Simoun nang dumatingsa tahanan ni Padre
Florentino at humihingi ng pagkalinga nito. Ang
sinalungguhitangsalita ay nagtataglay ng kahulugang?
A. pag-aruga C. pagkamit
B. paghaka D. pagtakas
38. Hinamak at dinusta ni Simoun si Padre Florentino
noon ang kanyang pagiging pari. Ang salitang dinusta
ay nangangahulugang___
A. inalipusta C. pinagalitan
B. minura D. pinabayaan
39. “Sapagkat mali ang naging pamamaraan ninyo na
hindi Niya masasang-ayunan!” Ang matigas na tugon
ng pari nangtanungin siya ni Simoun kung bakit siya
pinabayaan ng Diyos. Ano ang ibig ipakahulugan ng
pahayag na Ito ni Padre Florentino?
A. Kinokonsensiya ngpari si Simoun sa kanyang mga
kasalanan dahil hindi siya nito tinutulungan
B. Tinutulungan ng Diyos ang taong may matuwid na
paraan upang matanggap ang inaasahang sagot.
C. Sinisisi niya si Simoun sa panlilibak sa kanya nang
lapitan niya ito at hingan ng tulong para mapalaya
si Isagani.
D. Sinusumbatan niya si Simoun sa pakikialamnito sa
madaliang pagpapakasal ni Paulita Gomez kay
Juanito Pelaez
40.“Ang maging tagapagligtas ng isang bayan ay hindi
nangangahulugan ng kapahamakan nito. Hindi
katarungan ang lumikha ng isang krimen,” ang
paliwanagngpari.Ano angibig ipakahulugan ng pari?
A. Ang kalayaan ay makakamit sa madugong paraan
B. Ang madugong paraan ay nakasisira ng ari-arian at
kayamanan
C. Ang kalayaan ay makakamtan sa pamamagitan ng
kabutihan, pagtitis at pag -ibig
D. Ang kalayaan ay maaangkin sa pagbili ng kanilang
kalooban
MODYUL 7

NATIONAL ACHIEVEMENT TEST-reviewer-Q4.docx

  • 1.
    NATIONAL ACHIEVEMENT TEST(NAT) REVIEWER FILIPINO 10 (Quarter 4) MODYUL 1 Panuto: Para sa bilang 1-5, tukuyin sa pagpipilian ang KASALUNGAT ng sinalangguhitang salita sa loob ng bawat pangungusap. Para sa bilang 6-10, tukuyin naman ang KASINGKAHULUGAN ng salita sa loob ng bawat pangungusap. 1. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir. A. kaawa-awa C. kahapis-hapis B. kahanga-hanga D. kapalad-palad 2. Malinaw pa sa kanyang alaala ang matinding takot na hatid ng mensahe ng salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang pagsambit sa salitang ito. A. pagbanggit C. pagtahimik B. pagbigkas D. pagtikom 3. Tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol matapos matunghayan ang nilalaman nito. A. nagliyab C. nagsaya B. nagngitngit D. nagtimpi 4. Palihim na tumalilis ng Pilipinas si Dr. Jose Rizal matapos siyang payuhan ng gobernador-heneral. A. kumaripas nang mabilis C. mabagal na umalis B. lumayas nang matulin D. mabilis na umalis 5. Nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. A. hindi tumupad sa pangako B. nakipagkalas sa pag-iibigan C. tumupad sa pangako D. walang isang salita 6. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernador-heneral. A. di nakinig C. tumutol B. pumayag D. umiwas 7. Nasaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir. A. kahabag-habag C. kahindik-hindik B. kahapis-hapis D. kumaripa 8. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkakamit ang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino. A. adhikain C. pangako B. pananaw D. pangitain 9. Totoong binagtas ni Dr. Jose Rizal ang napakatinik na daan tungo sa kanyang adhikain subalit siya’y nagtagumpay. A. napakadali C. napakahirap B. napakaganda D. napaka-init 10. Nakaratingsa pinagpalang mga kamay ang ikalawang obra maestrang El Filibusterismo ni Jose Rizal. A. mabuti C. maramot B. mapalad D. masama Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, mga patunay sa pag-iral ng kondisyong ito sa kabuoan ng akda at layunin ng may- akda sa pagsulat ng akda. 11. Sa anong nobela mas maramingpahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, o hindi isinama ni Rizal sa akda? A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere B. Isang Libo’t Isang Gabi D. Walang Sugat 12. Saan siya mas nahirapan sa pagsulat sa dalawang nobela? A. El Filibusterismo C. Noli Me Tangere B. Hindi siya nahirapan. D. Parehong nahirapan 13. Ano angginawa ni Rizal sa mga bahagi ng nobela dahil sa tindi at bigat na kanyang nadarama? A. Ibinenta sa kakilala C. Ipinatago sa kaibigan B. Inihagis sa apoy D. Itinapon sa basurahan 14. Ano ang ginawa ni Rizal upang matugunan ang kanyangpangangailagan habangisinusulat ang nobela sa Brussels, Belgium? A. Namasukan bilang katulong. B. Nanggamot ng mga maysakit. C. Nagbenta ng kanyang mga obra. D. Naghugas ng pinggan sa mga karenderya. 15. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari sa ibaba na umiral sabahagi ng El Filibusterismo? Nagpakasal kay Juanito ang katipan ni Isaganing si Paulita Gomez. A. Nagpakasal si Maria Clara sa ibang lalaki. B. Nagpakasal si Leonor Rivera sa ibang lalaki. C. Nagpakasal si Josephin Bracken sa ibang lalaki. D. Nagpakasal si Segunda Katigbak sa ibang lalaki. 16. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari sa ibaba na umiral sabahagi ng El Filibusterismo? Nakita ni Simoun ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain. A. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Rizal. B. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain si Jose Alejandrino. C. Nagkaroon ng iba’t ibang pangitain ang kapatid ni Rizal. D. Nagkaroon ng masamang pangitain ang ina ni Jose Rizal.
  • 2.
    17. Ang mgasumusunod ay kabilang sa layunin sa pagsulat ni Rizal ng El Filibusterismo MALIBAN sa? A. Ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop. B. Imulat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. C. Masalamin ngmga kabataan ang nakaraan ng ating mga ninuno. D. Makamit ang minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino. 18. Bakit pinagtibay ni Rizal ang kanyang loob upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya? A. Dahil sa pag-ibig ng taong-bayan kay Rizal. B. Dahil sa inpirasyon mula sa kanyang pinakaiibig. C. Dahil sa adhikaing imulat ang kaisipan ng mga Pilipino. D. Dahil sa paghanga ng mga kababayan sa katapangan niya. 19. Anong pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela ang pangyayari sa ibaba na umiral sabahagi ng El Filibusterismo? Pagkaroon ng suliranin ni Kabesang Tales sa pangangamkam ng mga prayle kahit walang katibayan. A. Pinag-uusig ng Espanyol ang kaibigan dahil sa usapin sa lupa. B. Pinag-uusig ng Espanyol ang kapitbahay dahil sa usapin sa lupa. C. Pinag-uusigngEspanyol angkaaway ni Rizal dahil sa usapin sa lupa. D. Pinag-uusig ng Espanyol ang pamilya ni Rizal dahil sa usapin sa lupa. 20. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit hindi agad natapos ni Rizal ang pagpalimbag ng aklat MALIBAN sa? A. Naubos ang salaping kanyang natipid. B. Nilimot ang pangakong tulong sa paglimbag ng nobela. C. Hindi dumating ang hinihintay na salapi mula sa kanyang pamilya. D. Tinanggal ni Rizal ang ibang bahagi ng nobela dahil sa sama ng loob. Panuto: Tukuyin ang mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo batay sa kaligirang pangkasaysayan nito, patunay sa pag-iral ng kondisyong ito sa kabuoan ng akda at layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. 21. Kanino niya ibinigay ang orihinal na manuskrito at nilagdaang sipi ng aklat ng nobelang El Filibusterismo? A. Dr. Ferdinand Blumentritt B. Gobernador- Heneral Emilio Terrero C. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura 22. Ang taong nakatulong kay Rizal para matuloy ang paglilimbag. A. Ambeth Ocampo C. Jose Alejandrino B. Dr. Ferdinand Blumentritt D. Valentin Ventura 23. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang pamilya? A. Dahil namatay ang kanyang ina. B. Dahil lumayas ang kanyang ama. C. Dahil hinahabol ng batas ang pamilya. D. Dahil nagkasakit ang kanyang kapatid. 24. Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang puso? A. Dahil hindi makahinga. B. Dahil nahihirapang huminga. C. Dahil nagkaroon ng sakit sa puso. D. Dahil nagpakasal ang kanyang iniibig sa iba. 25. Bakit iilan lang ang nakalusot na kopya ng nobela ni Rizal sa Pilipinas? A. Itinago ito ng pamahalaang Espanyol. B. Sinunog ito ng pamahalaang Espanyol. C. Ipinasira ito ng pamahalaang Espanyol. D. Hinarang ito ng pamahalaang Espanyol. 26. Paano nakatulong ang kanyang adhikain sa bigat ng kanyang damdamin? A. Ipinagtibay nito ang kanyang kalooban. B. Nakapagpahinga siya sa tindi ng damdamin. C. Gumaan ang kanyang loob sa bigat na pinapasan. D. Nagingmasaya siyangtapusin angkanyang layunin. 27. Bakit nahinto ang pagpapalimbag ni Rizal sa kanyang nobela? A. Dahil nalaman ito ng mga Kastila. B. Dahil ipinasira ng mga Espanyol ang palimbagan C. Dahil kinapos ng pondo si Rizal sa pagpapalimbag. D. Hindi na tinaggap ng palimbagan ang nobela ni Rizal. 28. Bakitikinalungkotni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya? A. Dahil unti-unting naging mahina ang mga Pilipino. B. Dahil nagkawatak-watak tuloy ang mga Pilipinong Illustrado. C. Dahil hindi nagingmatibay angmga Pilipino laban sa mga Espanyol. D. Dahil sila sana ang pag-asa ng nakalugmok na mamamayang Pilipino. 29. Paano nakatulongkina Andres Bonifacio atsa kanyang kilusan ang akdang ito ni Rizal? A. Nakakuha sila ng ideya kung paano maghimagsik. B. Gumaan ang kanilang loob laban sa mga Espanyol. C. Nakita nila ang kabuktutan ng pamahalaang Espanyol. D. Naiwaksi nito ang mga balakid na nakasagabal sa paghihimagsik. 30.Bakit nagkaroon ng problema si Rizal sa kanyang mga kaibigan? A. Dahil trinaidor siya ng kanyang mga kaibigan. B. Dahil nag-aaway-away ang kanyang mga kaibigan. C. Dahil ipinasara ng kanyang kaibigan ang La Solidaridad. D. Lumayo ang kanyang kasamahan sa La Solidaridad
  • 3.
    Panuto: Para sabilang 1-5, tukuyin ang pagkasunod- sunod ng pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng nobelang El Filibusterismo. 31. Sinimulan angpagsulatngEl Filibusterismo sa London, England. A. ikalawa C. ikatlo B. ikalima D. una 32. Binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo. A. ikaapat C. ikatlo B. ikalima D. una 33. Ipinadala at sinamsam ang El Filibusterismo sa Honkong. A. ikaapat C. ikalima B. ikalawa D. ikatlo 34. Natapos ang sulat-kamay na nobelang El Filibusterismo. A. ikaapat C. ikatlo B. ikalawa D. una 35. Naipalimbag ang sulat-kamay ng El Filibusterismo. A. ikaapat C. ikalima B. ikalawa D. ikatlo Panuto: Tukuyin ang panahon at pangyayari sa pagsulat ni Rizal ng nobelang El Filibusterismo. 36. Kailan binalangkas ni Rizal ang El Filibusterismo? A. 1875 C. 1885 B. 1884 D. 1985 37. Kailan naman natapos angsulat-kamay ng nobelang El Filibusterismo? A. Marso 1891 C. Setyembre 1891 B. Abril 1891 D. Marso 1892 38. Anong taon sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo? A. 1885 C. 1895 B. 1890 D. 1980 39. Anong taon ipinadala at nasamsam ang El Filibusterismo sa Hongkong? A. 1885 C. 1891 B. 1890 D. 1980 40. Anong taon ipinuslitat naipasara ng pamahalaan ang mga nakumpiskang nobela? A. 1885 C. 1896 B. 1891 D. 1980 MODYUL 2 Panuto: Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela. 1. Saan maiuugnay sa nobela ang naging pag-uusig sa kanyang pamilya sa usapin sa lupa? A. Kay Basilio C. Kay Kabesang Tales B. Kay Isagani D. Kay Kapitan Tiago 2. Maliban sa suliranin sa pamilya, ano pan suliranin ang kinaharap ni Dr. Jose Rizal? A. Sulirain sa hanap-buhay. C. Sulirain sa pag-ibig. B. Sulirain sa kaibigan. D. Sulirain sa sarili. 3. Anong samahan ang lumayo kay Dr. Jose Rizal? A. La Independencia C. La Liga Filipino B. La Liga Espanyol D. La Solidaridad 4. Paano nilisan ni Dr. Jose Rizal ang Pilipinas? A. Di umalis ng bansa. C. Nagpaalamsa pamahalaan. B. Nagpaalam sa kaibigan. D. Umalis nang palihim 5. Ang may pakana ng pagsamsam at pagsira sa mga sipi ng nobela. A. Ispiya ngpamahalaan C. Pamahalaang Espanyol B. Kaaway ni Rizal D. Tulisan sa bayan 6. Anong dahilan kung bakit binitay ang tatlong pari? A. Dahil sila ay mga filibusterong pari. B. Dahil sila ay nagnakaw sa kaban ng bayan. C. Dahil pinaratangan silang may kaugnayan sa naudlot na pag-aaklas. D. Dahil hindi nila sinusunod ang pinag-uutos ng pamahalaang Espanyol. 7. Bakit matinding takot ang hatid ng salitang Filibusterismo kay Rizal? A. Dahil ipinagbabawal itong salita. B. Dahil bastos ang tunay na kahulugan nito. C. Dahil ang salitang ito ay labag sa pamahalaan at simbahan. D. Dahil mahigpitna ipinagbabawal ang pagsambit nito sa kanilang bahay. 8. Bakit tumulak pa ibang bansa si Dr. Jose Rizal.? A. Dahil iyon ang ipinayo sa kanya. B. Dahil iniwan niya ang pagkakautang. C. Dahil may trabaho siya sa ibang bansa. D. Dahil ayaw niyang madamay sa himagsikan 9. Anong dahilan ng pagkaantala ng pagpapalimbag ng nobela? A. Dahil nawala ang kanyang manuskrito. B. Dahil walang tumanggap na palimbagan. C. Dahil sa kawalan ng pondo sa pagpapalimbag. D. Dahil hindi pumayag ang pamahalaang Espanyol. 10. Ano ang naging dulot ng nobela sa mga Pilipino? A. Nagkaisa ang mga Pilipino at Kastila. B. Nailagay ang mga Pilipino sa kapahamakan. C. Namulat sila sa pang-aalipin ng mga Kastila. D. Nagbigay ito ng magandang oportunidad sa mga Pilipino Panuto: Tukuyin ang mga batis ng impormasyon. 11. Ito ay tumutukoy sa anumang mapagkukunan ng impormasyon upang matiyak ang isang bagay. A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sanggunian 12. Ano ang dalawang uri ng saggunian? A. Malaya at di malaya
  • 4.
    B. Nakasulat atdi nakasulat C. Primarya at sekundarya D. Sanggunian 1 at sanggunian 2 13. Ito ay batis ng impormasyon na pangunahin o mismong pinanggalingan ng impormasyon. A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sanggunian 14. Ito ay batis ng impormasyon na nakuha mula sa ibang tao o nagawa matapos maganap ang isang bagay o pangyayari. A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian 15. Ito ay primaryangbatis na naglalaman ng mga ulat ng kaganapan, tala, opinyon o pananaw ng may-akda. A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian 16. Ito ay primaryang batis na tumutukoy sa bagay o gamit na naiwan ng isang kaganapan na naging saksi sa mga pangyayari. A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian 17. Ito ay sanggunian na galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian 18. Ito ay maaaringginamitngmga tao sa isangpartikular na panahon at mga ebidensiya ng pag-iral ng isang tao at pangayari. A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian 19. Ang ganitong uri ng impormasyon ay maaaring o may kasama nang interpretasyon, komentaryo o pagsusuri. A. Di nakasulat na batis C. Primaryang sanggunian B. Nakasulat sa batis D. Sekundarya sanggunian 20. Ang Encyclopedia ay halimbawa ng____________? A. Primaryang saggunian B. Sanggunian 1 C. Sanggunian 2 D. Sekundaryang sanggunian Panuto: Tukuyin kung anong hakbang ito sa pananaliksik. 21. Ito ay pagpili ng paksa na naaayon sa iyong interes. A. Pagsulat ng Borador B. Pangangalap ng mga Tala C. Pag-alam o Pagpili ng Paksa D. Paghahanda ng Tentabtibong Balangkas 22. Ito ay nagsisilbing direksiyon at nagiging patnubay sa pagbabasa at pangangalap ng mga tala. A. Paglalahad ng Layunin B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi 23. Ito ay paghahanda ngtalaan ngiba’t ibangsanggunian katulad ng artikulo, report, magasin, mga aklat at iba pa. A. Paglalahad ng Layunin B. Pangangalap ng mga Tala C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi 24. Gumagamit ng index card sa pangangalap ngmga tala. A. Pangangalap ng mga Tala B. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas C. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi 25. Sa bahagingito ay binibigyang-pansin angnilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng salita. A. Pagsulat ng Borador B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas C. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas 26. Ito ay uri ng tala na kung saan ay isulat ang tala sa sariling salita nang walang kahulugan o impormasyong nawawala. A. Hawig C. Sipi B. Lagom D. Tuwirang sipi 27. Malayang ipinapahayag ang tala sa pagbibigay- paliwanag sa sinabi sa orihinal. A. Hawig C. Sipi B. Lagom D. Tuwirang sipi 28. Sa tala namang ito ay kinokopya ang mga salita sa aklat at ipaloob iyon sa panipi. A. Hawig C. Sipi B. Lagom D. Tuwirang sipi 29. Ito ay isangsistematikongpaghahanap ngmahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. A. Pananaliksik B. Paglalahad ng Layunin C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi 30. Ito ay pag-isa-isang dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang pananaliksik. A. Pananaliksik B. Paglalahad ng Layunin C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
  • 5.
    MODYUL 3 Panuto: Tukuyinang mga pangyayari, kaisipan at tauhan. 1. Tauhan na napakamayamang mag-aalahas, kaibigang matalik at tagapayo ng Kapitan Heneral. A. Basilio C. Kapitan Tiyago B. Isagani D. Simoun 2. Tauhan na nilunok ang pangmamaliit sa kanya ng kapwa mag-aaral at guro. A. Basilio C. Kapitan Tiyago B. Isagani D. Makaraig 3. Tauhan na tumulong kay Basilio na makapag-aral. A. Basilio C. Kapitan Tiyago B. Isagani D. Simoun 4. Tauhan sa nobela na nalampasan niya ang mga hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay Kapitan Tiyago. A. Basilio C. Kapitan Tiyago B. Isagani D. Makaraig 5. Ano ang nagingpakikitungo kay Basilio ng kanyang mga kaklase at guro sa paaralan? A. Kasundo niya ang lahat. B. Parati siyang nilalait. C. Tinutulungan siya sa klase. D. Walang pakialam sa kanyan. 6. Anong kasawian ang naranasan ni Basilio? A. Kawalan ng hanap-buhay. C. Ulila sa kaibigan. B. Kawalan ng tahanan. D. Ulila sa pamilya. 7. Paano natuklasan ni Basilio ang lihim ni Simoun? A. Sa pamamagitan ng kaibigan. B. Sa pamamagitan ng pag-iimbestiga. C. Sa pamamagitan ng bulong-bulungan sa bayan. D. Sa pamamagitan ng di sinasadyang pagtatagpo sa gubat. 8. Bakit hindi magiging wikang pambansa kailanman ang Kastila? A. Dahil hindi ito galing sa ating bansa. B. Dahil hindi ito sasalitain ng mga tao. C. Dahil bawal itong gamitin ng mga Indiyo. D. Dahil para lamang ito sa mga mayayaman. 9. Paano natulungan ni Kapitan Tiyago si Basilio na makapagsimula ng bagong buhay? A. Inampon niya si Basilio. B. Kinupkop niya si Basilio. C. Pinag-aral niya si Basilio. D. Pinakain niya si Basilio. 10. Ano ang ibig sabihin ng "Walang manlulupig kung walang magpapaalipin."? A. Walang sino man ang dapat na lupigin. B. Walang karapatan ang tao na mabuhay. C. Walang mayaman o mahirap sa lipunan. D. Walang mang-aapi kung walang magpapaapi. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng matalinghagang pahayag. 11. Litong-lito nang umalis si Simoun. Halos sumabog ang kaniyang dibdib. A. Nag-aalala C. Napupuot B. Nangungulila D. Natutuwa 12. Batid niyanghimagsikan lamangangmakapagbubukas ng pintuan ng mga kumbento. A. Mapipilitan C.Pilit B. Pipilitin D. Sapilitan 13. Sumaisip niya ang kinahinatnan ng dalawang kapuspalad na kapwa pinagkaitan ng kapalaran. A. Mahirap C. Marangya B. Mapalad D. Mayaman 14. Kaya nangmakaratingsa San Juan de Dios at tanungin ng kaniyangmga kaibigan tungkol sa paghihimagsik ay napalundag si Basilio at naalaala ang binalak ni Simoung hindi natuloy dahil sa mahiwagang sakunang nangyari sa mag-aalahas. A. Naguguluhan C. Namamangha B. Nahihiwagaan D. Naniniwala 15. Pinagpayuhan siya nitong iligpit ang anumang papel na maaring magsubo sa kaniya sa panganib. A. Mag-aalala C. Maggunita B. Magdala D. Maghimutok Panuto: Tukuyin kung anong salita o mga salita ang nagpapahayag ng matalinghaga sa pangungusap. 16. Litong-lito nang umalis si Simoun. Halos sumabog ang kaniyang dibdib. A. Ikalawang pahayag C. Litong-lito nang umalis B. Kaniyang dibdib D. Si Simoun 17. Batid niyanghimagsikan lamangangmakapagbubukas ng pintuan ng mga kumbento. A. Buong pahayag C. Makapagbubukas ng pintuan B. Himagsikan lamang D. Pintuan ng mga kumbento 18. Sumaisip niya ang kinahinatnan ng dalawang kapuspalad na kapuwa pinagkaitan ng kapalaran. A. Kapalaran C. Kapuwa B. Kapuspalad D. Sumaisip 19. Kaya nangmakaratingsa San Juan de Dios at tanungin ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa paghihimagsik ay napalundagsi Basilio atnaalaalaangbinalak ni Simoung hindi natuloy dahil samahiwagangsakunangnangyari sa mag-aalahas. A. Buong pahayag B. Mahiwagang sakunang nangyari C. Naalaala ang binalak D. Paghihimagsik ay napalundag 20.Pinagpayuhan siyanitongiligpitanganumangpapel na maaring magsubo sa kaniya sa panganib. A. Buong pahayag B. Iligpit ang anumang papel C. Magsubo sa kaniya sa panganib
  • 6.
    D. Pinagpayuhan siya Panuto:Tukuyin ang pagtunton sa mga pangyayari sa kabanata. 21. Ano ang pormulang "Nitro-glicerina" na ibinulong ni Simoun kay Basilio? A. Dinamita C. Inumin B. Gamot D. Lason 22. Ano angkinuha ni Simoun sa kahon ng mesa at ibnigay kay Basilio? A. Baril C. Gulok B. Bomba D. Itak 23. Anong di matiyak na ipinagbabawal na mga aklat ang ipinaratangan na iniigatan ni Basilio? A. Medicina Legal y Toxicologia B. Medicina Illegal y Toxicologia C. Medicina El Espanya y Legal D. Medicina El Espanya y Illegal 24. Ano ang tungkuling iniatang ni Simoun kay Basilio kapag sumabog na ang bomba? A. Dalhin ang mga baril sa bodega ni Quiroga. B. Itago ang mga baril upang walang ebidensya. C.Linlangin ang mga guardia civil papuntang kagubatan. D. Tatayo sa mga tulay upang humanda sa pagsaklolo sa kanila. 25. Bakitinalislang si Padre Carmorra sa bayan ng Tiani? A. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng prayle. B. Iyon ang pinag-uutos sa kanya ng Kapitan Heneral. C. Upang takasan ang kanyang mga kasalanan sa bayan. D. Upang malipatngibangbayan o mamalagi muna sa kumbento. Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng pangyayari 26. Ang tanging hindi nakalaya ay ang kaawa-awang si Basilio. Pinaratangan pa siyang nag-iingat ng mga ipinagbabawal na mga aklat. A. Bilangguan C. Palengke B. Paaralan D. Plaza 27. Gayon na lamangang pagtitimpi ngmataas na kawani. Hindi niya pinansin ang mga pasaring ng heneral at umisip siya ng ibang kaparaanan. A. Bilangguan C. Palengke B. Paaralan D. Plaza 28. Si Basilio ang dumating. Kay laki ng kanyang ipinagbago. Kung malaki ang ipinagbago ni Simoun sa loob ng dalawang buwan, ang sa binatang mag-aaral ay kagulat-gulat. A. Tahanan ni Basilio. C. Tahanan ni Kabesang Tales. B. Tahanan ni Isagani. D. Tahanan ni Simoun. 29. "Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu", para sa mga huling tagubilin. A. Azotea C. Paaralan B. Liwasang bayan D. Simbahan ng San Sebastian 30."Sa ganap na ikasiyam, nararapat na malayo, malayong-malayo ka." A. Bilangguan C. Tanggapan ng bayan B. Daang Anluwage D. Simbahan ng San Sebastian Panuto: Tukuyin ang angkop na hinuha para sa sumusunod na mga pangyayari. 31. Pinakamasarap at pinakamahal ang mga pagkain at inuming inihanda sa isang espesyal na lugar ng kasalan. A. May bayad ang pinaka-espesyal na lugar. B. Maseselan angmga panauhin sa pagkain at inumin. C. Matataas at kilalang panauhin ang uupo at magsasalo-salo. D. Mayaman ang naghanda dahil nakapili siya ng pinakamasarap. 32. Pinalitan ni Don Timoteo ang mga inukit na antigong palamuti at mga santo ni Kapitan Tiago sa tahanan nito. A. Ayaw ni Don Timoteo ng gawang Pilipino. B. Mas gusto niya ang gawa ng mga Pilipino. C. Mataas ang panlasa ni Don Timoteo sa mga palamuti. D. Galit siya kay Kapitan Tiago kaya ayaw niyang makita ito. 33. Nakaramdam ng matinding kasiyahan si Basilio nang sumagi sa kanyang isipan ang mangyayari sa piging hanggang mapahalakhak pa ito. A. Nababaliw na sa gutom at pagod si Basilio. B. Sadyang nasisiyahan ni Basilio sa mga sandaling iyon. C. Naliligayahan si Basilio para sa ikakasal na nag- iibigan. D. Magbabayad na ang mga taong dahilan ng mga kasawian niya. 34. Naalalani Basilio si Isagani kungdapat niyang sabihan ang kaibigan hinggil sa madugong balak ni Simoun subalitnaisip din niyangdi siya sasali sa patayan dahil iba ang karanasan niya sa kanya. A. Magaganda ang karanasan ni Isagan sa buhay. B. Ayaw niyang madamay ang kanyang kaibigang. C. Gustong isama ni Basilio sa kilusan ang kaibigang. D. Batid niyangtatanggi si Isagani kung isasali niya sa kilusan. 35. Nagtungo si Basilio sa dating tinirhan nang makalaya at nakita niya itong ayos na ayos na napakaganda. A. Nakita ni Basilio na wala na siyang gamit. B. Naalala ni Basilio ang masasayang sandali. C. Nagugutom si Basilio at nais niyang kumain. D. Nalaman ni Basilo na may mahalagang pagtitipon. Panuto: Tukuyin ang tauhang nagpahayag ng pangungusap. 36. Punong-abala sa gagawing piging. A. Basilio C. Isagani B. Don Timoteo D. Simoun
  • 7.
    37. May binabalaksa araw na iyon. A. Basilio C. Isagani B. Don Timoteo D. Simoun Panuto: Tukuyin kung saan ang tiyak na tagpuan ng pangyayari. 38. Saan patungo ang mga sasakyang dumaraan sa harapan ni Basilio. Lulan ng mga ito ang mga dalaga't binata na masayang nag-uusap. A. Daang Anluwage C. Daang Escolta B. Daang del Rosario D. Daang Libo 39. Magiging tagpuan ng madugong pangyayari. A. Daang Anluwage C. Daang Escolta B. Daang del Rosario D. Daang Libo 40.Ang malaking sala na pinaluwang pang lalo ng mga naglalakihang salaming nagpaparami sa ilaw ng aranya, ay naglatagan ng alpombra na tulad ng mga salon sa Europa. A. Dating bahay ni Basilio. B. Dating bahay ni Don Timoteo. C. Dating bahay ni Kapitan Tiyago. D. Dating bahay ni Isagani. MODYUL 4 Panuto: Sagutin at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Sino ang magbubukid na inagawan ng karapatan sa kanyang lupain? A. kabesang Tales C. Tandang Selo B. Simoun D. Tano 2. Sino ang nagpaalipin upangmatubos angkanyangama? A. Donya Victorina C.Sinang B. Huli D. Sisa 3. Natuwa si Simoun nang kinuha ni Kabesang Tales ang rebolber. Ang ikinilos ni Simoun, nangangahulugang? A. Hindi na siya mapagkamalang rebelde B. Hindi na siya sisingilin ni kabesang Tales C. Kakakabayad na siya ng utang na loob D. Nagtagumpay siya sa kanyang pakay 4. Sa panunuluyan ni Simoun sa bahay ni Kabesang Tales, A. Lalong nadama ni kabesang Tales ang pagiging mahirap B. Nakapagbinta ito ng maraming alahas C. Nakita ang agwat ng mayaman at mahirap D. Nakita ni Kabesang Tales ang locket ni Maria Clara 5. Si Kabesang Tales ay naging isang_________? A. Cabeza de baranggay C. Sundalo B. Mayor D. Tanod Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot. 6. Sino ang taong nakakita sa isang mag-aalahas habang ito ay pauwi? A. Basilio C.Isagani B.Don Custudio D.Simoun 7. Sino ang mayamang mag-aalahas? A. Padre Camorra C. Padre Sibyla B. Padre Salvi D. Padre Cammora 8. Sino ang mag-aaral ng medisina at nobyo ni Huli? A. Basilio C. Simoun B. Tadeo D. Massimo 9. Ano ang inihandog ni Basilio kay Simoun bilang pagtanaw ng utang na loob sa pagtulong niya nito namay 13 tatlong taon na ang nakalipas? A. lihim C. pera B. pagkain D. tulong 10. Bakit tinutukan at binalak na barilin ni Simoun Si Basilio? A. Alam ni Basilio ang tunay na lihim ni Simoun na isa siyang mag-aalahas B. Dahil may utang si Basilio kay Simoun C. Matagal na silang magkaaway D. Naghahawak si Basilio ng isang lihim na maaaring magpanganyaya sa kanya. Panuto: Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot 11. Ano ang ipinagmalaki ni Simoun kay kabesang Tales? A. damit C. pera B. mga alahas D. rebolber 12. Sino ang bumili ng singsing para sa berhin ng Antipolo? A. Donya Victorina C. Hermana Penchang B. Hermana Bali D. Huli 13. Ano ang binuksan ni Simoun na may lamang alahas? A. kahon C. pitaka B. malita D.sako 14. Ano ang halaga na tinawaran ni Simoun? A.500 C.300 B.400 D.100 15. Sino ang nagsabi sa Pahayag na ito” Sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan? A. Isagani C. kabesang Tales B. Basilio D.Tandang Selo Panuto: Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. 21. Ang anak ni Kabesang Tales na nagpaalipin para matubos ang ama mula sa kulungan. A. Huli C. Pepay B. Paulita D. Senang 22. Ang nagkumbensi kay Huli na bumalik sa kumbento. A. Donya Victorina C.Herman Penchang B. Hermana Bali D. Senang 23. Ang pinagtatrabahuan ni Huli para matubos ang ama sa kulungan. A. Hermana Bali C.Donya Victorina
  • 8.
    B. Hermana PenchangD. Senang 24. Binuo ni Dr. Jose Rizal angkatangian ni Huli sa nobela bilang kababaihang sumisimbolo sa: A. Pagiging alipin at walang kapangyarihan B. Pagiging matapang C.Pagiging mapagparaya at handang magsakripisyo D.Sagot sa b at c. 25. Ang kura na kinatatautan ni Huli kapag naririnig niya ang pangalan nito. A. Padre Camorra C.Padre Florentino B. Padre Damaso D. Padre Salvi MODYUL 5 Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang estudyanteng natuwa dahil sa ibinunga ng paskin na hindi na makakakuha ng pagsusulit. A. Macaraig C. Salvador B. Pelaez D. Tadeo 2. Ang nag- alaga kay Kapitan Tiyago noong ito’y nagkasakit. A. Basilio C. Juanito B. Isagani D. Makaraig 3. Ang dahilan ng pagkakasakit ni Kapitan Tiyago. A. Paghithit ng apyan C. Paninigarilyo B. Pag- iinom ng alak D. Subrang katandaan 4. Ang nagpapalagay at pinagkatiwalaan na lumutas ng usapin tungkol sa akademya ng wikang kastila at tinaguriang “Buena Tinta”. A. Don Custodio C. Padre Florentino B. Isagani D. Simoun 5. Ang inutusan ni Simoun na itakas si Maria Claramula sa kumbento ni Sta. Clara habangnagkakagulo angbuong lungsod. A. Basilio C. Isagani B. Ben Zayb D. Macaraig 6. Ang tinutukoy na isang bangkay sa kabanata 23. A. Don Custodio C. Kapitan Tiyago B. Huli D. Maria Clara 7. Ang lugar kung saan nag- uusap sina Isagani at Paulita para pag- usapan ang kanilang mga pangarap bilang magkasintahan. A. Balkunahi C. Luneta B. Kumbento D. Tiyani 8. Ang mag- aaral na hindi nakakuhangpagsusulitdahil sa problemang kinasasangkutan. A. Basilio C. Macaraig B. Isagani D. Tadeo 9. Ang pangunahingpangyayari na ibinunga ngmga paskil sa mamamayan. A. Pag- asa C. Pagkasiya B. Paghihiganti D. Pagkatakot 10. Ang tumulong kay Basilio para makalabassa kulungan kapalit ng kanyang pagsanib dito. A. Don Custodio C. Kabesang Tales B. Isagani D. Simoun Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang babaeng nagpakasal kay Juanito Pelaez. A. Hermana Bali C. Paulita B. Huli D. Sinang 2. Ang makata na kasintahan ni Paulita Gomez. A. Basilio C. Juanito B. Isagani D. Tano 3. Ang mag- aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. A. Isagani C. Macaraig B. Juanito Pelaez D. Sandoval 4. Ang tagapayo ng mga Prayle sa mga suliraning legal. A. Ben Zayb C. Ginoong Pasta B. Don Custodio D. Sandoval 5. Ang mayamang mag- aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. A. Isagani C. Macaraig B. Juanito Pelaez D. Sandoval 6. Ang mayamang mang- aalahas na nakasalaming may kulay na tinatawag na Kardinal Moreno. A. Ben Zayb C. Kabesang Tales B. Isagani D. Simoun 7. Ang nagsilbing ama ni Isagani. A. Padre Camorra C. Padre Florentino B. Padre Damaso D. Padre Salvi 8. Hindi na tuloy angmasamangbalak ni Simoun sa piging dahil: A. Itinapon ni Isagani ang lampara sa ilog. B. Naawa siya sa mga Pilipinong walang kasalanan. C. Nalaman ang totoong pagkatao ni Simoun. D. Nasira ang gasera na pinaglagyan ng pampasabog. 9. Hindi nagtagumpay ang mga kabataan sa kanilang panukala dahil: A. Nawala na parang bula ang mga kabataan sa oras ng kagipitan. B. Nawalan ng gana si Isagani at Macaraig. C. Walanginisyatibo ang iba at sunod- sunuran lamang. D. Sagot sa A at C 10. Hindi nagtagumpay ang plano ni Simoun dahil: A. Itinapon ni Isagani anglampara sailogna naglalaman ng pampasabog. B. Mahal pa niya si Paulita
  • 9.
    C. Nanaig angpagkabayani ni Isagani at ayaw niyang may mapahamak. D. Sagot sa A, B at C Unawain ang mg sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang inagawan ng upuan sa loob ng dulaan. A. Don Custodio C. Isagani B. Don Primitivo D. Simoun 2. Ang mananayaw sa loob ng dulaan. A. Paulita C. Pepay B. Penchang D. Sinang 3. Ang Pransesang mang- aawit sa dulaan. A. Gertrude C. Sandoval B. Pecson D. Tadeo 4. Ang nagpapanggap na maalam sa Pranses dahilan ng kanyang pagkakamali. A. Isagani C. Macaraig B. Juanito D. Sandoval 5. Ang paring pumuri kay Isagani dahil sa taglay nitong paninindigan. A. Padre Camorra C. Padre Salvi B. Padre Fernandez D. Padre Sibyla 6. Ang prayleng natalo ni Isagani mula sa kanilang pag- uusap para ipaglaban ang kanyang prinsipyo’t paninindigan. A. Padre Camorra C. Padre Salvi B. Padre Fernandez D. Padre Sibyla 7. Hindi maawat ng mga tagapamahala ng dulaan ang taong umagaw sa kinauupuan ni Don Primitivo dahil ito ay: A. Isang Heneral B. Isang mataas na tao sa pamahalaan C. Isang Mayaman D. Isang Prayle 8. “Manlilinlang at magnanakaw pa dahil alam nang walang ibubunga ang ginagawa niya'y patuloy pa sa pagtangap ng kabayaran”. Ano ang nais ipahiwatig ni Isagani sa katagang ito? A. Kurakot ang namamahala sa pamahalaan B. Lantaran sa pamahalaan ang pagbibigay ng kabayaran para sa sariling interes lamang C. Puno ng pag- aalipusta ang bayan D. Sagot sa A, B at C 9. Matagal nagsimula ang palabas dahil: A. Hinintay ang pagdating ng Heneral B. Hinintay ang pagdating ni Simoun C. Nag-away si Don Primitivo at Pecson D. Natagalan ang mga magsisipagganap sa palabas. 10. Ayon kay Isagani, "Ang mga prayle sa lahat ng orden ay naging mga kontratista ng karunungan at sila ang nagsasabi mismo na kami ay hindi nararapat matuto pagkat balang araw ay magpapahayag kami ng paglaya.” Ano ang nais niyang ipahayag? A. Kung matatamo ang karunungan ng mga kabataang Pilipino magiging kalaban sila ng pamahalaan. B. Magiging pasaway ang kabataang Pilipino kung magkakaroon na ng karunungan. C. Matapang ang mga kabataang Pilipino. D. Naging hadlang ang mga prayle sa pag- unlad at pagtamo ng karunungan ng mga kabataang Pilipino. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang taong pumupugay sa lahat ng dumalo sa piging. A. Don Custodio C. Donya Victorina B. Don Timoteo D. Isagani Pagpipilian para sa bilang 2, 3 at 4 A. Basilio C. Macaraig B. Isagani D. Simoun 2. Ang nagdala ng ilawan sa loob ng piging na pawang namumutla. - A 3. Ang hinarangan ng mga guwardya sibil dahil sa hindi kagandahan nitong anyo. - D 4. Ang nakita ni Basilio na tatanaw- tanaw sa bahay na pinagdadausan ng piging at may dinadamdam. - C 5. Ang nagpadala ng sulat na “Mane Thacel Phares” sa araw ng piging. A. Don Juanito de Espadanya C. Kabesang Tales B. Juan Crisostomo Ibarra D. Simoun 6. Ang sulat na ”Mane Thacel Phares” ay nagdulot ng ______________ sa mga taong nasa piging. A. Kalungkutan C. Matinding takot B. Kasiyahan D. Pagkainis 7. Ang lalaking payat na Platero na nagsalaysay sa mga nakita sa loob ng piging. A. Chikoy C. Pecson B. Momoy D. Tadeo 8. Ang kasintahan ni Momoy na dahilan upang magtapang- tapangan siya. A. Penchang C. Siensa B. Pepay D. Senang 9. Ang nagtapon ng ilawan sa ilog kaya hindi natuloy ang paghihiganti ni Simoun. A. Basilio C. Macaraig B. Isagani D. Padre Florentino Para sa bilang 10 Hindi nga mabuting kumuha ng di kanya. Ani Isagani na mahiwang nakangiti. Kung nalaman lamang ng magnanakaw na iyon kung ano ang nilalayon kung siya ana ay nakapag-isip-isip tiyak na di niya gagawin ang gayon. Pantayan man ng kahit ano. Hindi ako tatayo sa kanyang kalagayan! 10. Anong damdamin ang namumuo kay Isagani habang sinasabi ang mga pahayag? A. Nagagalit C. Nanghihinayang B. Nagsisisi D. Natutuwa
  • 10.
    MODYUL 6 Panuto: Piliinang titik ng wastong sagot. 1. Saan itinalaga ni Padre Florentino ang kanyang sarili? A. Sa simbahan C. Sa kanyang kasintahan B. Sa kanyang nobya D. Sa kanyang magulang 2. Si Padre Florentino ay ang nag-iisang Indiyong pari na binanggitsa El Filibusterismo. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita? A. mangmang C. mahirap B.kaawa-awa D. pilipino 3. May mga alingawngaw na si Isagani ay anak ng unang pag-ibig ni Padre Florentino? Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita? A. haka-haka C. nagreklamo B. nagsasabi D. naglakas-loob 4. Ang nakaimpluwensiya sa kanya na pagbutihin ang kanyang pag-aaral at linangin ang kanyang galing at husay. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita? A. palawakin C. paunlarin B. pagsikapan D. pag-aralan 5. Hindi mahilig makihalubilo sa tao, mapagkumbaba at higit sa lahat walang bisyo. Ano ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita? A. makipag-ugnayan C. makisawsaw B. makikiisa D. makipagkwentuhan 6. Sino ang nagmula sa mayamang angkan na pamilya? A. Padre Florentino C. Padre Irene B. Simoun D. Padre Camorra 7. Sino ang pari na hinanguan ni Rizal sa katauhan ni Padre Florentino? A. Padre Damaso C. Padre Leoncio B. Padre Fernandez D. Padre Clemente 8. Saan naninirahan ang pari matapos siyang magretiro? A. Kumbento C. Baybayin ng Dagat Pasipiko B. Monasteryo D. Calamba 9. Ilang taon naging ganap na pari si Padre Florentino? A. 10 taon C. 15 taon B. 20 taon D. 25 taon 10.Sa iyong palagay, masaya ba si Padre Florentino sa kanyang buhay? A. Oo, dahil siya ay naging malaya na B. Oo, dahil mababakas sa kanyang mga kilos at galaw C. Hindi,sapagkatsiya ay may dalangpighati sa kanyang puso D. Hindi,sapagkatnapilitan lamangsiya atnasaktan ang kanyang puso Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. 11. Anong dahilan kungbakithumingi ng pamamahinga si Padre Florentino sa paghawak ng tungkulin? A. Dahil nagkaroon siya ng anak sa dating katipan B. Dahil gusto niyang mabuhay na mag-isa C. Dahil sa kalungkutang kanyang nararamdaman D. Dahil sa ipinanganib niyangmasangkotsa rebelyon at patayin 12. Anong larawan ngisanglingkod ngDiyos angipinakita ni Rizal sa katauhan ni Padre Florentino? A. Isang Paring may kinikilingan B. Isang Paring mabait at hindi mapang-api sa Pilipino C. Isang Paring ipagtanggol ang karapatan ng dayuhan D. Isang Paring mapagsamantala at mapang-abuso 13. Paano mo ilalarawan ang ibabang bahagi ng kubyerta ng bapor tabo? A. Makikita ang kayumangging indiyo, tsino at mestizo na nagsiksikan B. Maaliwalas ang bawat sulok ng kubyerta at mahalimuyak C. Makikita ang mga mayayamang dayuhan, prayle at mga kawani D. Napakatahimik at may nakahilirang mga pagkain 14. Sa iyong palagay,paano ginagalangsi PadreFlorentino ng mga kasamang manlalakbay? A. Nagmamano at humahalik ang mga tao sa kanyang kamay B. Nag-aalis ng mga sombrero kapag dumaan sa Padre C. Hihinto ang mga manlalakbay at tumango sa Padre D. Yumayakap sa Padre bilang tanda ng kanilang paggalang 15. Kanino hinango ni Rizal ang katangian ni Padre Florentino sa El Filibusterismo? A. Hinango ni Rizal sa isang kura paroko na nakaimpluwensiya sa kanya B. Hinango ni Rizal sa isang Padre na tumulong sa kanyang pamilya C. Hinango ni Rizal sa isang kura na nagpalaki sa kanya sa Espanya D. Hinango ni Rizal sa nabasa niyangnobela noongsiya’y walong gulang 16. Sa iyong palagay, ano ang dahilan sa paghandog ng buhay ni PadreFlorentino sa parokya at pagyabong sa kanyang hilig sa Agham Pangkalikasan? A. Dahil sa kayamanang naiwan sa kanya B. Dahil sa hiwalayan nila ng kanyang katipan C. Dahil sa pagkamatay ng kanyang ina D. Dahil sa pagpapahalaga ng kanyang tungkulin 17. Bakit ipinilit ng ina ni Padre Florentino na siya ay papasok sa seminaryo? A. Naniniwala ang kanyang ina na ito ay kalooban ng Diyos B. Nakikita ngkanyangina ang magandang kinabukasan ng anak
  • 11.
    C. Upang makatupadsa pangako ng kanyang ina D. Upang ang kanilang yaman ay mapunta sa simbahan lamang 18. Bakit mas pinili nina Isagani at Padre Florentino na lumulan sa ibabang bahagi ng bapor? A. Dahil mababait ang nasa ibabang bahagi ng bapor B. Dahil gusto nilang masdan ang mga indiyo na naglalaro C. Dahil umiwas sila na makita si Donya Victorina dahil magtatanong ito D. Dahil sila ay naubusan ng tiket sa ibabaw na bahagi ng bapor tabo 19. Hindi siya mapagmalaki at nakikihalubilo sa mga tao. Ano angkasingkahulugan ngsalitangsinalungguhitan? A. Nakiagaw C.Nakikipag-ugnayan B. Nakapulupot D. Mata-pobre 20.Tiningnan akong may panlilibak nang malamang ako’y nasa tersero ng klase.Ano ang ibigsabihin ng salitang nakasalungguhit? A. Pagkapoot C. Pagkahumaling B. Panlalait D. Pagkatulala Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. 21. Sino ang nagsalaysay sa alamat ni Donya Geronima? A. Padre Sibyla C. Padre Florentino B. Padre Irene D. Padre Camorra 22. Sino ang hindi mapakali nang marinig niya ang kahabag-habag na kuwento ni Donya Geronima? A. Simoun C. Ben Zayb B. Padre Salvi D. Padre Florentino 23. Hindi ba mabuti ang ginawa ng kanyangkamahalan ay inilagay siyasa beateryo. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. Kumbento ng mga padre B. Kumbento ng mga madre C.Kulungan ng mga babae D. Kulungan ng mga lalaki 24. “Isusulat ko iyan. Napakasentimental.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. Maramdamin C. Nakasusuya B. Mahalaga D. Nakakamangha 25. Ang arsobispo ay nagpagawa ng kuweba sa may ilog para kay Donya Geronima. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. Obispo ng simbahang katoliko B. Kawani ng simbahan C.Tagapamuno ng simbahan D. Katulong ng mga Padre 26. Ilang taon na ang nakaraan na ang ilog ay halos humahalik na sa bunganga ng kuweba? A. 10 taon C. 5 taon B. 20 taon D. 4 taon 27. Ano ang makikita sa pasukan ng kuweba na tinitirhan ng Donya? A. May nakasabit na mga kurtina C. May mga mahahalimuyak na bulaklak D. Napapalamutian ng mga baging 28. Hindi ba mabuti ang ginawa ng kanyangkamahalan ay inilagay siyasa beateryo. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. Kumbento ng mga padre B. Kumbento ng mga madre C. Kulungan ng mga babae D. Kulungan ng mga lalaki 29. “Isusulat ko iyan. Napakasentimental.” Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. Maramdamin C. Nakasusuya B. Mahalaga D. Nakakamangha 30. Ang arsobispo ay nagpagawa ng kuweba sa may ilog para kay Donya Geronima. Ano ang kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan? A. Obispo ng simbahang katoliko B. Kawani ng simbahan C. Tagapamuno ng simbahan D. Katulong ng mga Padre Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. 31. “Matapat at makatarungang Diyos.” Ang sagot ni Padre Florentino nang tinanong pa ni Simoun kung anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapakasakit.Ano ang pakahulugan ng sinalungguhitang pahayag? A. Diyos na sinisisi ang kagagawan ng tao B. Diyos na nagpaparusa sa mga nagkasala at nagbibigay ng biyaya sa mga nagpakasakit C. Diyos na hindi dinidinigang pagsusumamo ng taong naghihirap D. Diyos na nagtitiis sapatuloy na pakikipagtunggali at pagpapalakas ng isang tao 32. “Diyos na mahabagin! Ano’ng ginawa ninyo, Senyor Simoun?” Ang nasambit ni Padre Florentino nang natuklasan niyang walang laman ang mga bote ng gamot. Anong damdamin ng tauhan ang namayani dito? A. pagkatakot C. pagkabigla B. pagkainip D. pagkayamot 33. Lumilikha siya ng sariling himig at nabibigyang-laya ang sakit ng puso. A. kinukurot ang puso C. nalilibang ang sarili B. nauugnay sa kirot D. umaapaw ang kaligayahan 34. Ano ang dahilan kung bakit itinapon ni Padre Florentino sa pusod ng dagat ang maletang bakal na naglalaman ng kayamanan ni Simoun? A. Nang hindi na gagambalain si Simoun ng mga guwardiya sibil B. Upang hindi na uusigin ngmga maykapangyarihan C. Hindi na makapag-udyok ng kasamaan D. Upang hindi na matatagpuan ng sinumang may dakilang layunin
  • 12.
    35. Paano ipinakitani Padre Florentino ang pagtanggap niya kay Simoun sa kanyang tahanan? A. Magiliw na tinanggap nang buong puso ng pari si Simoun B. Tinanggap nangmay pagnanasa sa kayamanan na dala ni Simoun C. Buong lugod na tinanggap at itinuring na isa ring pari. D. Walangalinlangang tinanggap ni Simoun si Padre Florentino sa kanyang tahanan. 36. Malungkot na tumutugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Ang sinalungguhitang salita ay nangangahulugang: A. biyolin C. piyano B. gitara D. trumpeta 37. Sugatan si Simoun nang dumatingsa tahanan ni Padre Florentino at humihingi ng pagkalinga nito. Ang sinalungguhitangsalita ay nagtataglay ng kahulugang? A. pag-aruga C. pagkamit B. paghaka D. pagtakas 38. Hinamak at dinusta ni Simoun si Padre Florentino noon ang kanyang pagiging pari. Ang salitang dinusta ay nangangahulugang___ A. inalipusta C. pinagalitan B. minura D. pinabayaan 39. “Sapagkat mali ang naging pamamaraan ninyo na hindi Niya masasang-ayunan!” Ang matigas na tugon ng pari nangtanungin siya ni Simoun kung bakit siya pinabayaan ng Diyos. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na Ito ni Padre Florentino? A. Kinokonsensiya ngpari si Simoun sa kanyang mga kasalanan dahil hindi siya nito tinutulungan B. Tinutulungan ng Diyos ang taong may matuwid na paraan upang matanggap ang inaasahang sagot. C. Sinisisi niya si Simoun sa panlilibak sa kanya nang lapitan niya ito at hingan ng tulong para mapalaya si Isagani. D. Sinusumbatan niya si Simoun sa pakikialamnito sa madaliang pagpapakasal ni Paulita Gomez kay Juanito Pelaez 40.“Ang maging tagapagligtas ng isang bayan ay hindi nangangahulugan ng kapahamakan nito. Hindi katarungan ang lumikha ng isang krimen,” ang paliwanagngpari.Ano angibig ipakahulugan ng pari? A. Ang kalayaan ay makakamit sa madugong paraan B. Ang madugong paraan ay nakasisira ng ari-arian at kayamanan C. Ang kalayaan ay makakamtan sa pamamagitan ng kabutihan, pagtitis at pag -ibig D. Ang kalayaan ay maaangkin sa pagbili ng kanilang kalooban MODYUL 7