SlideShare a Scribd company logo
A.hinahabol ng batas
B.kinausap upang mapapayag
C.kopya
D.mawala; maalis; matanggal
E.naging delikado
F.nakuha
G. natuwa; nasiyahan
H. sagabal; hadlang
I. Sumala
J.umalis
1. nanganib sa mga prayle 6. pamilya’y pinag-uusig
2. hinimok na umalis 7. Lumiban sa Pilipinas
3 lumisan ng Pilipinas 8. nasamsam na mga kopya
4. naaliw sa ganda ng Paris 9. sipi ng mga nobela
5. balakid sa pagsusulat 10. Maiwaksi sa isip
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng
ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong
ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat. Ipinaliwanag ni Rizal
sa kanyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang
kahulugan ng Filibusterismo. Ayon sa kanya, lingid pa sa mga
Pilipino ang kahulugan nito noong una hanggang masaksihan
nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong
paring martir.
Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890.
Ayon kay Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang
pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 at mga
unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli.
Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng
murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer-van Loo sa
Ghent, Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa
kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang-palad, hindi
natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang
pahina pa lamang ito.
Si Valentin Ventura ang gumastos upang maituloy ang
nahintong paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891.
Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inialay niya ang isang
panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang
isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat sa
pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si
Valentin Ventura.
Ipinadala ni Rizal sa Hongkong ang karamihan ng mga aklat at
ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta
pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang
sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena,
at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa kasamaang palad, nasamsam
sa Hongkong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang
mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas.
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa
tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong
Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre
Burgos, at Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling
hinala ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-alala sa
kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ang nobela.
Inihambing naman ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El
Fili. Ayon sa kanya, mas maraming hindi isinama si Rizal sa El Fili.
May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan
ng ekis, binura, at binago. Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang
kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi niya
naisama sa pag-imprenta subalit buo ito at maaaring isalin at pag-
aralan din. Ayon din sa kanya, noong 1925, binili ng pamahalaan
ang orihinal na kopya ng nobela kay Valentin Ventura.
1.Mahalaga bang pag-aralan ang El Filibusterismo? Bakit?
2.Ano-ano ang mga magagandang naidudulot sa pag-aaral ng
nobelang El Filibusterismo?
3.May mga pagpapahalagang moral bang masasalamin sa pag-
aaral ng akdang pampanitikan gaya ng El Filibusterismo?
Magbigay ng halimbawa at pangatwiranan ito.
4.Bakit tinaguriang isa sa walang kamatayang nobela ang El
Filibusterismo ni Rizal?

More Related Content

What's hot

Kabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtulaKabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtulaErwin Maneje
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfJosephRRafananGPC
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonMarlene Forteza
 
Filipino kasaysayan ng el fili
Filipino  kasaysayan ng el filiFilipino  kasaysayan ng el fili
Filipino kasaysayan ng el filiEemlliuq Agalalan
 
Kasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksKasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksJeff Austria
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolLAZ18
 
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa PilipinasKompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa PilipinasAvigail Gabaleo Maximo
 
Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan
Pagsusuri sa mga Piling Tulang KapampanganPagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan
Pagsusuri sa mga Piling Tulang KapampanganReggie Cruz
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysayAlLen SeRe
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Jeremiah Castro
 
Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansaAno ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansaPRINTDESK by Dan
 
Buwanang pagsusulit sa filipino 10
Buwanang pagsusulit  sa filipino 10Buwanang pagsusulit  sa filipino 10
Buwanang pagsusulit sa filipino 10manongmanang18
 

What's hot (20)

Kabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtulaKabanata 7 - sining sa pagtula
Kabanata 7 - sining sa pagtula
 
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdfPRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
PRELIM --FIL 211. INTRODUKSIYON SA PAMAMAHAYAG.pdf
 
MITO_PERSIA_AFRICA
MITO_PERSIA_AFRICAMITO_PERSIA_AFRICA
MITO_PERSIA_AFRICA
 
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyonAng panitikan sa panahon ng liberasyon
Ang panitikan sa panahon ng liberasyon
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Filipino kasaysayan ng el fili
Filipino  kasaysayan ng el filiFilipino  kasaysayan ng el fili
Filipino kasaysayan ng el fili
 
Kasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng KomiksKasaysayan ng Komiks
Kasaysayan ng Komiks
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa PilipinasKompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
Kompletong kasaysayan ng Pahayagan at Pahayagang Pangkampus sa Pilipinas
 
Kontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikanKontemporaryong panitikan
Kontemporaryong panitikan
 
Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula Mga Uri ng Dula
Mga Uri ng Dula
 
Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan
Pagsusuri sa mga Piling Tulang KapampanganPagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan
Pagsusuri sa mga Piling Tulang Kapampangan
 
kasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysaykasaysayan ng sanaysay
kasaysayan ng sanaysay
 
Panitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikanoPanitikan sa panahon ng amerikano
Panitikan sa panahon ng amerikano
 
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
Pagsusulit: Kabanata 1- 11 ng Noli Me Tangere
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Filipino report group 3
Filipino report group 3Filipino report group 3
Filipino report group 3
 
Dionisio S. Salazar
Dionisio S. SalazarDionisio S. Salazar
Dionisio S. Salazar
 
Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansaAno ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansa
 
Buwanang pagsusulit sa filipino 10
Buwanang pagsusulit  sa filipino 10Buwanang pagsusulit  sa filipino 10
Buwanang pagsusulit sa filipino 10
 

Similar to Presentation1.pptx

Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptxQ4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptxIMELDATORRES8
 
Q4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptx
Q4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptxQ4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptx
Q4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptxLlemorSoledSeyer1
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoMerian Christine Salinas
 
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptxAng Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptxkaiseroabel
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptxKALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptxcaranaysheldonglenn
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREMarvie Aquino
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangerexta eiram
 
Noli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNoli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNielDestora
 
Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalEnzo Gatchalian
 
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971Melanie Azor
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoMckoi M
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Arianne Falsario
 
Sanaysay pptx
Sanaysay pptxSanaysay pptx
Sanaysay pptxLhynYu
 

Similar to Presentation1.pptx (20)

Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptxQ4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
Q4-FILIPINO 10 EL-FILIBUDTRISMO.pptx
 
Q4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptx
Q4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptxQ4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptx
Q4 WEEK 1 FIL 10 - KALIGIRANG KASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMOpptx
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 
Filipino-Group 5
Filipino-Group 5Filipino-Group 5
Filipino-Group 5
 
Ang manucript at ang aklat
Ang manucript at ang aklat Ang manucript at ang aklat
Ang manucript at ang aklat
 
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptxAng Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura.pptx
 
FIL 8- 4.1.pptx
FIL 8- 4.1.pptxFIL 8- 4.1.pptx
FIL 8- 4.1.pptx
 
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptxKALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptx
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO.pptx
 
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGEREDR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
DR. JOSE RIZAL AT NOLI ME TANGERE
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
Jose rizal
Jose rizalJose rizal
Jose rizal
 
2nd CoT.pptx
2nd CoT.pptx2nd CoT.pptx
2nd CoT.pptx
 
Noli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptxNoli Me Tangere (2).pptx
Noli Me Tangere (2).pptx
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
Talambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizalTalambuhay ni dr. jose rizal
Talambuhay ni dr. jose rizal
 
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
Panitikan sa Panahon ng Isinauling Kalayaan 1946-1971
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
Rizal's Life, Works, and Writings (PRELIM)
 
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizalmga tala ukol sa buhay ni Rizal
mga tala ukol sa buhay ni Rizal
 
Sanaysay pptx
Sanaysay pptxSanaysay pptx
Sanaysay pptx
 

Presentation1.pptx

  • 1. A.hinahabol ng batas B.kinausap upang mapapayag C.kopya D.mawala; maalis; matanggal E.naging delikado F.nakuha G. natuwa; nasiyahan H. sagabal; hadlang I. Sumala J.umalis 1. nanganib sa mga prayle 6. pamilya’y pinag-uusig 2. hinimok na umalis 7. Lumiban sa Pilipinas 3 lumisan ng Pilipinas 8. nasamsam na mga kopya 4. naaliw sa ganda ng Paris 9. sipi ng mga nobela 5. balakid sa pagsusulat 10. Maiwaksi sa isip
  • 2. Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang obra maestra ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay karugtong ng Noli Me Tangere na una niyang isinulat. Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang kahulugan ng Filibusterismo. Ayon sa kanya, lingid pa sa mga Pilipino ang kahulugan nito noong una hanggang masaksihan nila ang malagim at kalunos-lunos na pagbitay sa tatlong paring martir.
  • 3. Sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili sa London noong 1890. Ayon kay Maria Odulio de Guzman, binalangkas ni Rizal ang pagkatha sa El Fili noong mga huling buwan ng 1884 at mga unang buwan ng 1885 nang isinusulat pa niya ang Noli.
  • 4. Nang matapos ito noong Marso 29, 1891 at makahanap ng murang palimbagan, ang palimbagang F. Meyer-van Loo sa Ghent, Belgium ay ipinadala niya ang manuskrito sa kaibigang si Jose Alejandrino. Sa kasamaang-palad, hindi natapos ang paglilimbag ng aklat. Mahigit na isandaang pahina pa lamang ito.
  • 5. Si Valentin Ventura ang gumastos upang maituloy ang nahintong paglilimbag ng nobela noong Setyembre 1891. Dahil mabuting kaibigan si Rizal ay inialay niya ang isang panulat at ang orihinal na manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi bilang pasasalamat sa pagtanaw ng malaking utang na loob sa kaibigang si Valentin Ventura.
  • 6. Ipinadala ni Rizal sa Hongkong ang karamihan ng mga aklat at ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta pagkatapos niyang mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa kasamaang palad, nasamsam sa Hongkong ang mga aklat na ipinadala ni Rizal gayundin ang mga kopyang ipinadala niya sa Pilipinas.
  • 7. Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring martir na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 na sina Padre Mariano Gomez, Padre Burgos, at Padre Jacinto Zamora dahil lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Bilang paggalang at pag-alala sa kanilang sakit at hinagpis, inihandog niya ang nobela.
  • 8. Inihambing naman ni Ginoong Ambeth Ocampo ang Noli sa El Fili. Ayon sa kanya, mas maraming hindi isinama si Rizal sa El Fili. May halos apatnapu’t pitong (47) pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, binura, at binago. Samantalang sa Noli Me Tangere ay ang kabanata lamang tungkol kina Elias at Salome ang hindi niya naisama sa pag-imprenta subalit buo ito at maaaring isalin at pag- aralan din. Ayon din sa kanya, noong 1925, binili ng pamahalaan ang orihinal na kopya ng nobela kay Valentin Ventura.
  • 9. 1.Mahalaga bang pag-aralan ang El Filibusterismo? Bakit? 2.Ano-ano ang mga magagandang naidudulot sa pag-aaral ng nobelang El Filibusterismo? 3.May mga pagpapahalagang moral bang masasalamin sa pag- aaral ng akdang pampanitikan gaya ng El Filibusterismo? Magbigay ng halimbawa at pangatwiranan ito. 4.Bakit tinaguriang isa sa walang kamatayang nobela ang El Filibusterismo ni Rizal?

Editor's Notes

  1. Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora (GOMBURZA) Malinaw pa sa kanyang alalaa ang matinding takot na hatid ng kahulugan ng salitang Filibusterismo dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang tahanan ang pagsambit man lamang sa salitang ito. Labing-isang taong gulang pa lamang si Rizal noon nang marinig niya ang salitang Filibusterismo. Sa murang edad ay naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at madidilim na bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya tumimo sa kanyang puso ang pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkamit ng minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino – ang kanyang panulat. sa kanilang tahanan ang pagsambit man lamang sa salitang ito. Labing-isang taong gulang pa lamang si Rizal noon nang marinig niya ang salitang Filibusterismo. Sa murang edad ay naging saksi siya sa mapapait, masasakit, at madidilim na bahagi ng buhay ng ating mga ninuno kaya tumimo sa kanyang puso ang pagnanais na mailantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit niya ang pinakamabisang sandata sa pagkamit ng minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino – ang kanyang panulat. Gaya ng nabanggit, ang unang obra maestra ni Rizal ay ang Noli Me Tangere na matagumpay na lumabas noong Marso 1887. Maraming makabayan ang nagalak at humanga sa katapangan ni Rizal sa pagsulat sa mga kabuktutan at pagmamalabis ng mga Espanyol subalit tulad ng inaasahan, nagpuyos ang damdamin ng mga makapangyarihang Espanyol matapos mabasa ang nilalaman nito. Bitbit ang kaba sa puso ay nagpasiya siyang bumalik sa Pilipinas kahit batid niyang ito ay mapanganib. Noong Agosto 1887, muli niyang nasilayan ang kanyang pamilya. Isinagawa niya ang mga layunin sa kanyang pagbabalik. Ginamot niya ang mata ng kanyang ina; nakipag-usap kay Leonor Rivera, at inalam ang pagtanggap ng mga Pilipino sa kanyang isinulat na nobela. Nang ipagbawal ang pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ang pag-aangkat, pagpapalimbag, at pagpapakalat ng nobela ay nakaramdam ng higit na panganib si Rizal. Hinimok si Rizal ni Gobernador-Heneral Emelio Terrerong lisanin ang bansa upang maiiwas siya at ang kanyang pamilya sa lalo pang kapahamakan at sa pagmamalupit ng mga makapangyarihang prayle sa kanyang pamilya. Nagpahinuhod siya sa payo ng gobernadora-heneral at palihim na tumalilis ng Pilipinas noong Pebrero 1888. Nagtungo siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa Amerika, at sa Europa. Napakarami niyang natutuhan sa mga paglalakbay na iyon.
  2. . Habang isinusulat ni Rizal ang El Fili, naisasabay rin niya ang pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar sa Europa. Lubhang nasiyahan at naaliw si Rizal sa ganda ng Paris kaya’t napag-isipan niyang lumipat muna sa Brussels, Belgium upang matutukang mabuti at mapag-isipan nang lubusan ang pagsulat ng nobela. Kasama ang kaibigang si Jose Alejandrino ay nanirahan sila roon. Nanggamot din siya upang matugunan ang mga pangangailangan niya roon. Patong-patong na suliranin ang kanyang naranasan habang isinisulat niya ang El Fili. Kung kinulang siya sa pananalapi nang isinusulat niya ang Noli ay higit siyang kinapos nang isinusulat na niya ang El Fili kaya sadya siyang naghigpit ng sinturon. Halos lumiban siya sa pagkain makatipid lamang. Nakapagsanla rin siya ng kanyang mga alahas upang matustusan ang pagsusulat. Matindi ang pagnanais niyang tapusin na agad ang nobela dahil maging sa kanyang pagtulog ay napapanaginipan niyang may namamatay sa kanyang mga mahal sa buhay. Iniwasan niyang kapusin ng panahon sa pagsulsulat. Batid niyang walang ibang makatatapos ng kanyang obra kung hindi siya lamang. Hindi lamang kawalan ng pondo ang kanyang naging suliranin upang matapos ang El Fili. Naging balakid din ang suliranin niya sa puso, sa pamilya, at sa mga kaibigan. Nakarating sa kanyang kaalaman na ang kanyang pinakaiibig na si Leonor Rivera ay ipinakasal ng magulang nito sa ibang lalaki. Ipinagpapalagay na mababakas ang pighati niya sa pangyayaring ito sa nobela sa bahaging nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito. Nabatid din niyang ang kanyang magulang at mga kapatid ay pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil sa usapin sa lupa at sa maling paratang. Labis siyang nag-alala sa mga mahal niya sa buhay sa Calamba, Laguna. Maiuugnay ito sa kuwento ni Kabesang Tales na may ipinaglalabang usapin hinggil sa pangangamkam ng lupa ng mga prayle kahit wala silang katibayan ng pag-aari at nakuha pang maningil ng buwis sa nasabing kabesa na siyang may-ari ng lupa. Sa pagpapatuloy ng pagsusulat ni Rizal ng nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain. Ganito rin ang pangyayari sa buhay ni Simoun nang nag urong-sulong siyang isagawa ang katuparan ng kanyang plano. Nakita niya ang nagdusang ama at si Elias sa kanyang pangitain. Lumayo rin kay Rizal ang mga kasama niya sa La Solidaridad. Ikinalungkot din niya ang nakitang kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipinong Ilustrado sa Espanya na sila sanang pag-asa ng nakalugmok na mamamayan sa Pilipinas. Dahil sa samot- saring suliraning naranasan, naisip ni Rizal na sunugin na lamang ang kanyang mga isinulat. Sinasabing may bahagi sa nobela ang hindi niya napigilang ihagis sa apoy sa bigat at tindi ng kanyang mga alalahanin. Dahil sa adhikain ni Rizal na imuat ang kaisipan at gisingin ang damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at pang-aabuso ng pamahalaang Espanyol ay pinagtibay niya ang kanyang kalooban upang ipagpatuloy at tapusin ang nobela kahit kulang sa panustos mula sa pamilya.
  3. . Ipinasira ng pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ilang nakalusot at nagbigay ng malaking inspirasyon sa mga naghihimagsik. Patuloy nitong naantig at nagising ang damdamin ng mga Pilipino. Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa’t damdamin ng mga Pilipino ukol sa mga karapatan, nakatulong naman ng malaki ang El Fili kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang maiwaksi ang mga balakid na nakasasagabal sa paghimagsik noong 1896.
  4. Ayon sa pag-aaral, hindi napatunayan ang pagkakasangkot ng tatlong paring martir sa pag-aalsa sa Cavite. Hindi rin pinayagan muli ng mga Espanyol na mabuksan ang kanilang kaso upang hindi na lumabas pa ang katotohanan.