SlideShare a Scribd company logo
Mga Pangunahing 
Relihiyon sa Asya
Mga Pangunahing 
Relihiyon sa Asy a 
Karapatang-Ari 2008 
Bureau of Alternative Learning System 
KAGAWARAN NG EDUKASYON 
Ang modyul na ito ay pag-aari ng Bureau of Alternative Learning System, Kagawaran 
ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa 
anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon 
o ahensiya ng pamahalaang naglathala. 
Inilathala sa Pilipinas ng: 
Bureau of Alternative Learning Center 
Kagawaran ng Edukasyon 
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex 
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 
Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
Tungkol Saan ang Modyul na Ito? 
Naniniwala ka ba sa Diyos? Anong pangalan ang iyong ginagamit sa 
pagtawag sa Kanya? Ano ang iyong relihiyon? Anu-ano ang mga itinuturo 
sa inyong simbahan? 
Alam mo ba na ang Pilipinas ay ang nag-iisang Kristiyanong bansa sa 
Asya? Sa bawat sampung Pilipino, siyam ang Kristiyano dito. Limang 
porsyento naman ang binubuo ng mga Muslim sa ating populasyon. At 
hindi naman hihigit sa isang porsyento ng mga Pilipino ang nabibilang sa 
ibang relihiyon tulad ng Buddhism at Hinduism. 
May mga kilala ka bang ibang tao na miyembro ng relihiyong kaiba sa 
iyo? Kumusta ang iyong relasyon sa kanila? 
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga pangunahing relihiyon sa 
Pilipinas, pati na rin ang mga itinuturo ng mga simbahang nabibilang rito. 
Matututuhan mo rin kung paano ang tamang pagbibigay ng respeto sa mga 
paniniwala ng ibang tao. Sa modyul na ito, matututuhan mo kung paano 
makamtan ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa kabila ng mga pagkakaiba 
ng paniniwala sa relihiyon. 
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ito ay ang: 
Aralin 1 – Kristiyanismo 
Aralin 2 – Islam 
Aralin 3 – Pagsasaayos sa mga Hidwaan sa Relihiyon 
Anu-ano ang mga Matututuhan Mo 
sa Modyul na Ito? 
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang: 
♦ ipaliwanag ang mga paniniwala ng mga pangunahing relihiyon sa 
1 
Pilipinas; 
♦ ipaliwanag ang mga itinuturo ng mga pangunahing relihiyong ito; at 
♦ maipakita ang respeto sa mga taong nabibilang sa ibang relihiyon.
Anu-ano na ang mga Alam Mo? 
Punuan ang mga sumusunod na blanko. Piliin ang iyong mga sagot 
mula sa mga salitang nakapaloob sa kahon. 
Kapayapaan Holy Trinity Imam binyag Pagsasalungat sa relihiyon 
Islam Hesukristo Allah respetuhin Muhammad 
1. Sa pamamagitan ng _______________ nahuhugasan ang ating 
orihinal na kasalanan at napapakilala sa atin ang muling pagkasilang 
na ispirituwal. 
2. _______________ ay ang tawag sa paniniwala sa relihiyon ng 
mga Muslim. Ang ibig sabihin nito ay pagbigay ng sarili sa 
kagustuhan ng Diyos. 
3. Ang isang Kristiyano ay nagdedeklara ng kanyang paniniwala kay 
_______________ at sumusunod sa pangaral ng Diyos. 
4. _______________ ang tawag sa isang Muslim na lider ng kanilang 
2 
relihiyon. 
5. Dapat mong ___________________ ang paniniwala ng ibang tao 
kahit na ito’y naiiba sa mga paniniwala mo. 
6. Karamihan ng kristiyano ay naniniwala sa konsepto ng 
_______________. Ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ay may 
tatlong pagkatao: ang Diyos Ama, ang Diyos na Anak, at ang Diyos 
na Espiritu Santo. 
7. Sa Islam, ang kanilang Diyos ay nagngangalang 
_______________. 
8. Ang isang makabuluhang pag-uusap ay patungo sa 
pagkakaunawaan at _______________. 
9. _______________ maaaring mangyari kung hindi binibigyan ng 
pagkakataon ang mga taong magpahayag at maisagawa ang 
kanilang mga paniniwala. 
10. Si _______________ ang panguhaning propeta ng Islam.
Kumusta ang pagsusulit? Sa tingin mo ba’y nasagutan mo nang tama 
ang lahat ng katanungan? Ihambing ang iyong mga sagot sa mga kasagutang 
matatagpuan sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina 32. 
Kung nasagutan mo nang tama ang lahat, magaling! Nangangahulugan 
lamang na marami ka nang nalalaman tungkol sa mga paksa na nakapaloob 
sa modyul na ito. Maaari mo pa ring ipagpatuloy ang iyong pag-aaral ng 
modyul upang mabalikan ang mga paksang alam mo na. Malay mo, may 
mga ibang bagay ka pa ring matutuhan dito. 
Kung may kababaan naman ang puntos na iyong nakuha, huwag 
malungkot. Nangangahulugan lamang na ang modyul na ito ay para sa iyo. 
Makatutulong ito sa iyong pag-unawa sa mga konsepto na maaari mong 
magamit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mo 
nang mabuti ang modyul na ito, matututuhan mo ang mga sagot sa 
pagsusulit at marami pang iba! Handa ka na ba? 
Maaari ka nang pumunta sa susunod na pahina para sa unang aralin. 
3
4 
ARALIN 1 
Kristiyanismo 
Maaari mo bang hulaan kung paano nakuha ang ngalang Kristiyanismo? 
Ito’y dahil sa ang bawat Kristiyano, kahit saan mang sekta siya nabibilang, 
ay naniniwala sa mga pangaral ni Kristo. 
Sa araling ito, matututuhan mo ang mga apat na pangunahing sekta ng 
Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang mga sekta na ito ay ang Katoliko Romano, 
Protestantismo, Iglesia ni Cristo, at Iglesia Filipina Independiente o mas 
kilala sa pangalang Simbahan ng Aglipay. 
May mga Kristiyanong sekta na tinatanggap ang isang tao bilang 
Kristiyano kung ito ay “naligtas” (saved) na o “naisilang nang muli” (born 
again). Sa modyul na ito, gayunpaman, gagamitin natin ang pinakahinirang 
na depenisyon ng pagiging Kristiyano. Ito ay tumutukoy sa isang taong 
nagdedeklara at nagpapatotoo ng kanyang paniniwala kay Hesukristo at sa 
Kanyang mga pangaral. 
Basahin Natin Ito 
Tingnan ang litratro sa ibaba. Kilala mo ba Siya? 
“Dahil sa mahal ng Diyos ang sansinukob, ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang 
anak na kung sino man ang maniniwala sa Kanya ay hindi mangamamatay, 
kung hindi ay makakamtan niya ang buhay na walang hanggan.”-Juan 3:16
5 
Pag-isipan Natin Ito 
1. Naniniwala ka ba na noong namatay si Hesus sa krus ay muli itong 
nabuhay at lahat ng mga pagkakasala ng tao ay napatawad na? 
____________________________________________________ 
2. Naniniwala ka ba na kagustuhan ng Diyos na mailigtas ng kanyang 
Anak ang sangkatauhan mula sa kamatayan at walang katapusang 
paghihirap? 
____________________________________________________ 
Kung oo ang iyong sagot sa mga tanong na ito, nakikisama ka sa 1.7 
bilyong tao sa mundo, ang mga Kristiyano. Ang mga Kristiyano ay 
naniniwala sa kapangyarihan ng pagkamatay ni Hesus sa pagtanggal ng 
kasalanan ng mundo. 
Alamin Natin 
Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay may 
pagkakahalintulad sa mga paniniwala. Gayunpaman, mayroon din itong mga 
pagkakaiba. 
Ang banal na Bibliya (Holy Bible) ay nagbibigay ng basehan tungkol sa 
mga maka-Kristiyanong paniniwala at gawain. Ang Lumang Tipan (Old 
Testament) at ang Bagong Tipan (New Testament) ang bumubuo sa Banal 
na Bibliya.
Ang mga Aglipayan, Katoliko at karamihan sa mga Protestante ay 
naniniwala sa isang Diyos na kinakatawan ng tatlong persona, o tinatawag 
na Holy Trinity: Ang Diyos na Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu 
Santo. 
Nilikha ng Diyos ang daigdig. Ang unang mag-asawa ay sina Adan at 
6 
Eba.
Sina Adan at Eba ay tinukso ni Satanas na hindi sumunod sa Diyos. 
Ang gawaing ito ang nagdala ng kasalanan sa mundo. Ang kasalanang ito na 
naipasa sa bawat tao ay tinatawag na “orihinal na kasalanan.” 
Ang mga Katoliko at Aglipayan ay binibinyagan habang bata pa upang 
mahugasan ang “orihinal na kasalanan.” Ang mga Protestante at miyembro 
ng Iglesia ni Cristo ay mas nahuhuling nabibinyagan upang mas makilala na 
sila’y dumaan sa muling pagkasilang na isprituwal (spiritual rebirth). 
7
Ang mga miyembro ng apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa 
Pilipinas ay naniniwalang si Maria ay ang birheng nagluwal kay Hesus. 
Si Hesus ang nag-iisang Anak ng Diyos. Siya ay naging tao upang 
mailigtas tayo sa ating mga pagkakasala. 
8
Halos lahat ng Kristiyano ay nakiki-ayon na lahat ay maaaring mabuhay 
nang walang hanggan. Pagkamatay ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay 
maaaring pumunta sa langit at makiisa sa Diyos o masunog sa impiyerno. 
Ang mga Katoliko ay naniniwala sa isang pang lugar na nagngangalang 
purgatoryo kung saan ang mga kaluluwa ay hinuhugasan bago pa ito 
makarating sa langit. 
Halos lahat ng Kristiyano ay naniniwala na ang pagsisisi sa mga 
kasalanan, paniniwala sa Diyos, pagtanggap kay Hesus bilang tagapagligtas, 
at pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay ang makapagliligtas sa kanila. 
9
Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay naganap nang siya ay nagkabuhay 
muli pagkatapos mamatay. Sa wakas ng panahon siya ay pinaniniwalaang 
muling babalik. Ito ang tinatawag na Pangalawang Pagbabalik ni Kristo. 
Sa panahong ito, lahat ng nailigtas na Kristiyanong nangamatay noon ay 
maaari ring mabuhay muli. Ang mga ito, kasama ang mga buhay pang 
Kristiyano, ay makikiisa sa Diyos at mabubuhay nang walang hanggan. 
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan 
Punuan ang mga nawawalang letra sa bawat pangungusap upang 
10 
makuha mo ang tamang sagot. 
1. Ang mga Kristiyano ay naniniwala sa mga pangaral ni _ r _ _ _ _. 
2. Ang isang Kristiyano ay b _ _ _b _ _ _ _ _ _ n upang mahugasan 
ang kanyang mga orihinal na kasalanan o magpatunay na siya ay 
muling nabuhay sa ispirituwal na pamamaraan. 
3. Ang Banal na B _ _ _ _ _ _ ay nagbibigay ng basehan sa mga 
Kristiyanong paniniwala at pangaral. 
4. Si _ _ _ _ _, ang ina in Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya. 
5. Ang ‘di pagsunod nina Adan at Eba sa Diyos ay tinatawag na 
_ _ _ h _ _ _l na pagkasasala.
6. Sa P _ _ _ _ l _ _ _ n _ Pagbabalik ni Kristo, lahat ng nailigtas na 
Kristiyano na nangamatay noon ay makikiisa sa mga nabubuhay na 
Kristiyano kung saan, sila ay makikiisa naman kay Hesus at 
mabubuhay nang walang hanggan. 
7. Si Hesus ay ang nag-iisang anak ng Diyos. Siya ay naging t _ _ 
upang mailigtas tayo sa ating mga pagkakasala. 
8. Karamihan sa mga Kristiyano ay naniniwala sa Holy T _ _ n _ _ y 
kung saan ang Diyos ay kinakatawan ng tatlong persona: Ang 
Diyos na Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu Santo. 
9. Kapag namatay ang isang tao, ang kanyang kaluluwa ay pumupunta 
sa _ _ n _ _ _ o sa impiyerno. 
10. Ang _ r _ _ t _ _ _ n _ _ _ o ay ang pinakamalaking relihiyon sa 
11 
Pilipinas at sa buong mundo. 
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina 
32. 
Tandaan Natin 
♦ Ang Kristiyanismo ay isang relihiyon na nagtuturo ng mga 
pangaral ni Hesukristo. Ito ang pinakamalaking relihiyon sa 
Pilipinas at sa buong mundo. 
♦ Ang isang Kristiyano ay ang taong nagdedeklara ng kanyang 
paniniwala kay Hesukristo at sumusunod sa mga pangaral nito. 
♦ Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay 
ang Katoliko Romano, Protestantismo, ang Simbahan ng 
Aglipay, at ang Iglesia ni Cristo. 
♦ Karamihan ng mga Kristiyano ay naniniwalang: 
– ang Bibliya ay binubuo ng mga salita ng Diyos; 
– may iisang Diyos. (Karamihan sa mga Kristiyano ay 
naniniwalang ang nag-iisang Diyos na ito ay tinatawag na 
Trinity, na kinakatawan ng tatlong persona: Ang Diyos na 
Ama, Diyos na Anak, Diyos na Espiritu Santo);
– nilikha ng Diyos ang daigdig at ang unang mag-asawang sina 
12 
Adan at Eba; 
– noong hindi sinunod nina Adan at Eba ang Diyos, ang kanilang 
kasalanan ay naipasa sa lahat ng tao; 
– sa pamamagitan ng binyag, nahuhugasan ang ating orihinal na 
kasalanan. Ito rin ang nagpapakilala ng muling pagkasilang na 
ispirituwal; 
– si Maria, ang ina ni Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya; 
– si Hesus ay naging tao upang mailigtas ang sangkatauhan sa 
pagkakasala; 
– lahat tayo ay maaaring mabuhay nang walang hanggan. Kapag 
ang tao ay namatay, ang kanyang kaluluwa ay maaaring 
pumunta sa langit o sa impiyerno; 
– ang pagsisisi sa isang kasalanan, pagkakaroon ng 
pananampalataya sa Diyos, pagtanggap kay Hesus bilang 
Panginoon at tagapagligtas, at pagiging mabuti sa kapwa ay 
mga paraang makapagliligtas sa kanila; at 
– sa Pangalawang Pagbabalik ni Kristo, lahat ng nailigtas na 
Kristiyano na nangamatay noon ay makikiisa sa mga 
nabubuhay na Kristiyano upang makiisa kay Kristo at mamuhay 
nang walang hanggan.
13 
ARALIN 2 
Islam 
Maaari mo bang hulaan kung ano ang pinakabago at pumapangalawa sa 
pinakamalaking relihiyon sa buong mundo? Kung Islam ang iyong sagot, 
tama ka. At ito rin ay isang relihiyong mabilis na lumalawak! 
Gusto mo bang malaman pa ang mga iba pang bagay tungkol sa Islam? 
Kung ganoon, ituloy ang iyong pagbabasa. 
Basahin Natin Ito 
Basahin ang sumusunod na tula. 
Si Allah, ang Nag-iisang Diyos 
Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos 
Totoong Siya’y nag-iisa lamang 
Wala siyang kasama at walang asawa 
At si Allah ay walang anak! 
Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos 
Naririnig Niya ang aming mga tawag 
Kaya dapat tayong manalangin kay Allah 
Wala nang iba pa! 
Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos 
Siya ang ating panginoon at hari 
Kaya lahat ay naniniwala kay Allah! 
Walang ibang sasambahin kung di Siya lamang!
Pag-isipan Natin Ito 
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 
1. Ayon sa tula, ilan ang diyos? _____________ 
2. Base sa tula, ano ang pangalan ng nag-iisang makatotohanang 
14 
Diyos? ____________ 
Ang mga Muslim at Kristiyano ay naniniwala sa iisang Diyos subalit iba 
ang kanilang pagtawag sa Kanya. Ang tawag ng mga Kristiyano sa Kanya 
ay Diyos na Ama, samantalang ang tawag naman ng mga Muslim sa Kanya 
ay Allah. Gayunpaman, hindi katulad ng mga Muslim, ang mga Kristiyano, 
partikular na ang mga Katoliko at Aglipayan, ay naniniwala sa Trinity. Ang 
Trinity ay ang pagkakaisa ng tatlong diyos sa iisang Diyos. 
Alamin Natin 
Nakapunta ka na ba sa Mindanao? Dito naninirahan ang karamihan sa 
mga Pilipinong Muslim. Ang Islam ay ang pinakamatandang relihiyon sa 
bansa. Ang mga Kastila ay nagpumilit na gawing Kristiyano ang mga 
Muslim. Ngunit tunay na ipinaglaban ng mga Muslim ang kanilang relihiyon.
Ang Islam ay isang relihiyong nangangahulugang pagsuko ng sarili sa 
kagustuhan ng Diyos. Ang sumasampalataya sa Islam ay tinatawag na 
Muslim. Ang mga Muslim ay naniniwalang may nag-iisang Diyos na 
nagngangalang Allah. Si Allah ay dakila at makapangyarihan. Lahat ay 
Kanyang nilikha. 
May mga espesyal na tagadala ng mensahe o propeta si Allah. Ito ay 
sina Abraham, Moses, Hesus, at Muhammad. Si Muhammad ang 
pinakahuling propeta ni Allah. Siya rin ang tinaguriang pangunahing propeta 
ng Islam. Kinikilala siya ng mga Muslim bilang isang dakilang propeta 
ngunit hindi nila ito sinasamba. Si Allah lamang ang kanilang sinasamba at 
wala nang iba pa. 
Ang Koran ay ang banal na libro ng mga Muslim. Naniniwala ang mga 
Muslim na ang nilalaman ng Koran ay ang mga mensahe ni Allah na 
ipinadala niya sa pamamagitan ni Muhammad. Ang bawat Muslim ay 
inaasahang mahigpit na susunod sa mga batas na nakatala sa Koran. 
Inaasahan ang bawat isa sa kanila na umiwas sa pag-inom at paggamit ng 
mga ipinagbabawal na droga. Sila rin ay hindi makakapagsugal o 
makakakain ng karne. Para sa kanila, ang karne ay marumi sa 
pangangatawan, maging sa ispiritu. 
15
16 
Magbalik-aral Tayo 
Punuan ng mga tamang sagot ang mga blanko. 
1. Karamihan sa mga Pilipinong Muslim ay nakatira sa 
____________________. 
2. ________________ ang tawag sa nanampalataya sa Islam. Siya 
ang taong may pagsuko sa kagustuhan ng Diyos. 
3. Sa Islam, ang kanilang Diyos ay kinikilala sa pangalang 
____________________. 
4. Si ______________ ang pangunahing propeta ng Islam. 
5. Pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang ________________ ay 
binubuo ng mga mensaheng ipinadadala ni Allah sa pamamagitan ni 
Muhammad. 
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 
33. 
Alamin Natin 
Alam mo ba na ang pagiging isang Muslim ay nangangahulugan din ng 
pagkakaroon ng mga gawain? Ang mga gawaing ito ay tinatawag na Limang 
Haligi ng Islam (Five Pillars of Islam). Ito ay ang: 
1. Pagsasalaysay ng shahadah bilang pangungusap ng paniniwala ng 
mga Muslim. Ganito isinasalaysay ang shahadah: “Walang ibang 
Diyos kundi si Allah at si Muhammad naman ang tagadala ng 
mensahe ni Allah.”
2. Pagganap ng salat limang beses sa isang araw. Kapag nagdarasal 
ang isang Muslim, kinakailangan nitong humarap sa direksyon ng 
Mecca. Siya ay magdarasal sa umaga, sa may kaagahan at mga 
huling oras sa hapon, sa gabi, at sa oras na bago ito matulog. 
3. Pagbibigay ng zakat o pangkawanggawang buwis. Ang zakat ay 
katumbas ng 2.5% ng suweldo ng isang Muslim. Ito ay ibinibigay 
sa mga mahihirap sa anumang oras niyang naisin. 
17
4. Pagsagawa ng hajj o pagdalo sa Ka’aba sa Mecca kahit sa isang 
beses lamang sa kanilang buhay. 
5. Pag-iwas ng pagkain sa mga buwan ng Ramadan. Ang Ramadan 
ay nasa ika-siyam na buwan sa kalendaryo ng Islam. Sa buwang 
ito, ang isang Muslim ay hindi dapat kumain o uminom sa araw. Ito 
ay isang pamamaraan ng ispirituwal at pisikal na paglilinis. 
Alam mo ba kung ano ang mosque? Ito ay isang gusali kung saan ang 
mga Muslim ay nagtitipun-tipon at nananalangin. Nakakita ka na ba nito? Ito 
ay kadalasang may bubong na korteng ulo at isang mataas na tore. Wala 
kang makikitang litrato o rebulto sa loob ng mosque. Ito ay may huwarang 
ayos at mga salita mula sa Koran. 
18
Kapag ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon sa mosque para manalangin 
o pag may espesyal na okasyon, ang Imam ang tagapagpangasiwa ng 
seremonya. Dalawang okasyon ang ipinagdiriwang ng mga Muslim. Sila ay 
unang nagdiriwang matapos dumating ang araw ng Ramadan. Pagkatapos 
ng mga espesyal na panalangin sa mosque, ang bawat pamilya ay 
nagtitipun-tipon at nagdiriwang. Ang mga Muslim ay nagsusuot ng kanilang 
magagandang damit at naghahanda ng maraming espesyal na pagkain. 
Ang pangalawa ay ang pagdiriwang ng pagsasakrispisyo na natataon sa 
araw ng Hajj o ang pagdalo sa Ka’aba. Pagkatapos ng pagdarasal sa 
mosque, ang mga Muslim ay nag-aalay ng tupa. Ipinamamahagi nila ang 1/3 
ng karne bilang isang pag-alaala sa sakrispisyong isinagawa ni Abraham. 
19
Alamin Natin ang Iyong Mga Natutuhan 
Sagutan ang puzzle sa ibaba at gamitin ang mga bakas o clues sa iyong 
2 3 D 
6 M 
20 
pagsagot. 
1 
S 
4 
5 H 
J 
7 
8 R 
D 
Q 
Pahalang 
2. Ang tawag sa buwan ng hindi pagkain at pag-inom sa araw ng mga 
Muslim. 
5. Ang kinikilalang pangalan ng mga Muslim sa kanilang Diyos. 
6. Ang tagapagpangasiwa ng pananalangin sa loob ng mosque. 
8. Ang tawag sa banal na libro ng mga Muslim.
Pababa 
1. Ang relihiyon ng mga Muslim na nangangahulugang pagsuko ng 
sarili sa kagustuhan ng Diyos. 
3. Ang pangunahing propeta ng Islam. 
4. Ang tawag sa pagdalo sa Ka’aba sa Mecca. Ito ay isa sa mga 
limang gawain ng isang Muslim. 
7. Ang tawag sa lugar kung saan ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon 
21 
at nananalangin. 
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 
33. 
Tandaan Natin 
♦ Ang Islam ay ang relihiyon ng mga Muslim. Ang ibig sabihin ng 
salitang ito ay ang pagsuko sa kagustuhan ng Diyos. Ang 
sumusuko sa kagustuhan ng Diyos sa ganitong relihiyon ay 
tinatawag na Muslim. 
♦ Sa Islam, ang kanilang Diyos ay kinikilala sa pangalang Allah. 
♦ Si Muhammad ang pangunahing propeta ng Islam. Siya rin ang 
huling tagapaghatid ng mensahe ni Allah. 
♦ Ang batas ni Allah ay nakatala sa Koran. Ito ang banal na libro ng 
mga Muslim. 
♦ Ang mga Muslim ay inaasahang mamumuhay sa mga batas ng Islam 
na nakatala sa Koran. Kasama sa mga batas na ito ang Limang 
Haligi ng Islam. Ito ay ang: 
– Pagsasalaysay ng shahadah: “Walang ibang diyos maliban 
kay Allah at si Muhammad ang tagapaghatid ng mensahe ni 
Allah.” 
– Pagganap ng salat (panalangin) limang beses bawat araw na 
nakaharap sa direksyon ng Ka’aba sa Mecca. 
– Pagbibigay ng zakat at pagtulong sa mga mahihirap.
– Pagdalo sa Ka’aba sa Mecca o tinatawag na hajj, kahit isang 
22 
beses lamang. 
– Pag-iwas sa pagkain at pag-inom sa araw tuwing sasapit ang 
buwan ng Ramadan. 
♦ Ang mosque ay isang lugar kung saan ang mga Muslim ay 
nagtitipun-tipon at nananalangin. Ang Imam ay tinaguriang 
tagapangasiwa ng pananalangin sa mosque. 
♦ Dalawang okasyon ang pinaghahandaan at ipinagdiriwang ng mga 
Muslim. Ang una ay matapos dumating ang araw ng Ramadan at 
ang pangalawa ay ang pagdating ng araw ng Hajj.
23 
ARALIN 3 
Pagsasaayos sa mga Hidwaan sa 
Relihiyon 
May nalalaman ka ba sa mga pag-aalsang nagmumula sa pagkakaiba ng 
paniniwala sa relihiyon? Sa Pilipinas lamang, marami na ang mga 
nangamatay dulot ng mga hidwaan sa pagitan ng Muslim at Kristiyano sa 
Mindanao. Libu-libong pamilya ang nawalan din ng tahanan dahil dito. 
Sa araling ito, matututuhan mo kung bakit ang mga hidwaan sa pagitan 
ng mga taong may iba’t ibang relihiyon ay nangyayari. Matututuhan mo rin 
kung paano mababawasan o maisasaayos ang mga hidwaang ito. 
Basahin Natin Ito 
Pagmasdan ang larawan sa ibaba.
Pag-isipan Natin Ito 
1. May alam ka bang relihiyon na nagtuturo sa mga miyembrong 
pumatay ng tao? 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
2. Paano ka makikitungo sa mga taong may relihiyon at paniniwalang 
naiiba sa iyo? 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 
24 
33. 
Alamin Natin 
Ano ang iyong pakiramdam sa mga taong nabibilang sa mga relihiyong 
naiiba sa iyo? Kung mayroon kang kapangyarihang pigilin ang kanilang mga 
gawain, pipigilan mo ba sila sa pagpapahayag ng kanilang paniniwala at 
pagsasagawa ng kanilang mga seremonya ayon sa kanilang relihiyon? Alam 
mo ba na ang malayang pagganap at pagtatamasa ng maka-relihiyong 
pananampalataya ay karapatan ng lahat?
Ano sa tingin mo ang maaaring gawin upang maisaayos ang mga 
hidwaan bunga ng pagkakaiba sa paniniwala? Hindi mo kinakailangang 
maniwala sa mga pangaral ng ibang relihiyon. Ngunit kailangan mong 
respetuhin ang kanilang karapatang sumunod sa mga gawain at paniniwala 
sa kanilang relihiyon, kahit na ito’y mali para sa iyo. Isaisip na ang mga 
nananampalataya sa ibang relihiyon ay naniniwala rito katulad na rin ng 
iyong paniniwala sa iyong relihiyon. Kahit na ang paniniwala at gawain sa 
mga relihiyon ay nagkakaiba-iba, pareho lamang ang kanilang mga pangaral. 
Walang relihiyong nagtuturo sa taong makipag-away sa ibang tao. 
Ang komunikasyon ay gumaganap rin ng mahalagang bahagi sa 
pagpapatupad ng katahimikan at pagkakaisa sa mga taong may iba’t ibang 
relihiyon. Ang mga miyembro ng iba’t ibang grupo ng relihiyon ay 
nararapat lamang makisali sa isang usapan kung saan naipapahayag nila ang 
kanilang mga paniniwala. Sa mga nakikiisa sa usapan, hindi sila dapat 
kumilos nang may pagmamataas. Lahat ay inaasahang magbibigay ng 
respeto sa isa’t isa. Ito naman talaga ang itinuturo ng lahat ng relihiyon-ang 
maging mabait, mapagmahal, at mapag-unawa sa isa’t isa. Ang isang 
makabuluhang usapan ay dapat makatulong sa paghahanap at pag-iisip ng 
mga pagkakapareho ng bawat relihiyon. Dapat rin itong makatulong sa 
pagtanaw at pagrespeto sa mga pagkakaiba sa paniniwala at gawain. Sa 
huli, ang usaping ito ang siyang magbibigay-daan sa kapayapaan at 
pagkakaunawaan ng isa’t isa. 
25
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan 
Suriin ang mga sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod 
26 
na katanungan. 
1. Magkapitbahay sina Ramon at Karding. Isang araw, habang nag-uusap 
ang dalawa sa isang tindahang malapit sa kanilang tinitirhan, 
napag-usapan nila ang relihiyon. Pareho silang Kristiyano ngunit 
magkaiba ang sinasalihan nilang sekta. Ang argumento nila ay 
tungkol sa mga doktrina. Ang kanilang argumento ay nauwi sa 
pagsusuntukan. Kung ikaw ay naroon sa ganoong sitwasyon, ano 
ang ipapayo mo sa kanila?
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
2. Si Rahman ay isang Muslim, habang si Danilo naman ay isang 
Kristiyano. Pareho silang manlalaro ng basketbol at iisa lamang ang 
kanilang sinasalihang grupo sa kanilang paaralan. Sila ay 
magkaibigan. Bakit, sa tingin mo patuloy na nagkakasundo ang 
dalawa kahit na iba ang kanilang mga paniniwala sa relihiyon? 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 
27 
34.
28 
Tandaan Natin 
♦ Ang iba’t ibang relihiyon ay nagtuturo ng iisang katotohanan ngunit 
iba ang pamamaraan. 
♦ Ang relihiyon ay hindi nagtuturo sa mga taong makipag-away. 
Itinuturo nitong mahalin at unawain ang isa’t isa. 
♦ Ang mga hidwaan sa relihiyon ay nangyayari kapag hindi hinayaan 
ng mga tao ang isa’t isa na makapagpahayag at magampanan ang 
kanilang paniniwala. 
♦ Dapat mong respetuhin ang ibang tao sa kanilang pagganap sa 
pinaniniwalaang relihiyon kahit na ito’y naiiba sa pinaniniwalaan 
mo. 
♦ Ang mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon ay dapat makisali sa 
mga makabuluhang usapan upang matutuhan ang mga paniniwala at 
gawain ng isa’t isa. 
♦ Ang isang makabuluhang usapan ay dapat humantong sa 
pagkakaunawaan at kapayapaan. 
Narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Binabati kita! Ang 
iyong pagiging matiyaga at pagkakaroon ng interes matuto ay nakatulong sa 
iyo. Marami ka bang natutuhan sa modyul na ito? Nasiyahan ka ba sa iyong 
pagbabasa? 
Ang mga sumusunod ay ang buod ng mga pangunahing puntos ng 
modyul na ito.
29 
Ibuod Natin 
Inihahayag ng modyul na ito na: 
♦ Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong base sa mga pangaral ni 
Hesukristo. Ito ang pinakamalaking relihiyong kinikilala sa Pilipinas 
at sa buong mundo. 
♦ Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay 
ang Katoliko Romano, Protestantismo, Simbahan ng Aglipay, 
at ang Iglesia ni Cristo. 
♦ Karamihan ng mga Kristiyano ay naniniwalang: 
– ang Banal na Bibliya (Holy Bible) ay isang basehan ng mga 
paniniwala at gawain ng mga Kristiyano; 
– may nag-iisang Diyos. (Naniniwala ang karamihan sa mga 
Kristiyano na ang nag-iisang Diyos na ito ay kinikilala rin bilang 
Holy Trinity, na kinakatawan ng tatlong persona: Diyos na 
Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu Santo); 
– ang Diyos ang lumikha ng daigdig at ng unang mag-asawang 
Adan at Eba; 
– noong hindi sinunod nina Eba at Adan ang Diyos, ang kanilang 
pagkakasala ay naipasa sa sangkatauhan; 
– sa pamamagitan ng binyag, ang orihinal na kasalanan ay 
nahuhugasan. Ito rin ay nagpapakilala ng ispirituwal na muling 
pagkasilang; 
– si Maria, ang ina ni Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya; 
– si Hesus ay naging tao upang mailigtas ang sangkatauhan mula 
sa kasalanan; 
– lahat ay maaaring buhay nang walang hanggan. Kapag ang tao 
ay namamatay, ang kanyang kaluluwa ay pumupunta sa langit o 
sa impiyerno; 
– ang pagsisisi sa kasalanan, pananampalataya sa Diyos, 
pagtanggap kay Hesus bilang Diyos at tagapagligtas, at 
paggawa ng mabuti sa kapwa ay ang mga paraan upang sila ay 
tuluyang mailigtas; at
– sa Pangalawang Pagbabalik ni Kristo, lahat ng mga nailigtas na 
nangamatay na Kristiyano noon at ang mga nabubuhay pang 
Kristiyano ay makikiisa kay Kristo at tuluyang mamumuhay 
nang walang hanggan. 
♦ Ang Islam ay relihiyon na pinaniniwalaan ng mga Muslim. Ang ibig 
sabihin ng salitang Islam ay ang pagsuko ng sarili sa kagustuhan ng 
Diyos. Muslim naman ang tawag sa taong isinuko ang kanyang 
sarili sa kagustuhan ng Diyos. 
♦ Sa Islam, si Allah ang kinikilalang diyos. 
♦ Si Muhammad ang pangunahing propeta ng Islam at ang huling 
tagapaghatid ng mensahe ni Allah. 
♦ Ang mga batas ni Allah ay nakatala sa Koran, ang banal na libro ng 
mga Muslim. Kasama sa mga batas na ito ang Limang Haligi ng 
Islam (Five Pillars of Islam). Ito ay ang pagsasalaysay ng 
shahadah, pagganap ng salat limang beses sa isang araw, 
pagbibigay ng zakat, at pag-iwas sa pagkain at pag-inom tuwing 
Ramadan, at pakikiisa sa hajj kahit isang beses lamang. 
♦ Ang mosque ay isang lugar kung saan ang mga Muslim ay 
nagtitipun-tipon at nagdarasal nang sabay. Ang tawag naman sa 
relihiyosong tagapangasiwang Muslim ay Imam. 
♦ Dalawa ang okasyong ipinagdiriwang ng mga Muslim. Ito ay ang 
araw pagkatapos ng Ramadan at ang pagsapit ng Hajj. 
♦ Ang mga hidwaan sa relihiyon ay nangyayari kung hindi 
pinapayagan ng mga tao ang iba na makapagpahayag at isagawa 
ang kanilang mga paniniwala. 
♦ Kinakailangan mong respetuhin ang paniniwala at relihiyon ng ibang 
tao kahit na hindi ka naniniwala dito. 
♦ Ang mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon ay nararapat na 
makisali sa mga makabuluhang usapan upang magbigay-daan sa 
pagkakakilanlan ng kanya-kanyang paniniwala at gawain. 
♦ Ang isang makabuluhang usapan ay magbibigay-daan sa 
pagkakaunawaan at kapayapaan. 
30
Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? 
A. Isulat ang letrang K sa patlang kung ang paniniwala o gawain ay 
pang-Kristiyano, at isulat naman ang letrang I kung ang paniniwala 
o gawain ay pang-Islam. 
_____ 1. Si Hesus ay ang nag-iisang anak ng Diyos. Siya ay 
naging tao upang mailigtas niya ang sangkatauhan mula 
sa kasalanan. 
_____ 2. Si Allah ay ang nag-iisang tunay na Diyos. Wala siyang 
kasama, asawa, at anak. 
_____ 3. Noong hindi sinunod ni Adan at Eba ang Diyos, ang 
kanilang kasalanan ay naipasa sa sangkatauhan. 
_____ 4. pagdarasal ng limang beses sa isang araw 
_____ 5. pagbigay ng pangkawanggawang buwis o charity tax 
_____ 6. Sa pamamagitan ng binyag, ang orihinal na kasalanan 
31 
ay nahuhugasan. 
_____ 7. Ang Diyos ay kinakatawan ng tatlong persona: Ang 
Diyos na Ama, Diyos na Anak at Diyos na Espiritu 
Santo. 
_____ 8. Ang mga batas ng Diyos ay nakatala sa Koran. 
_____ 9. pagdalo nang kahit isang beses lamang sa Ka’aba 
_____10. Ang Banal na Bibliya o Holy Bible ay naghahayag ng 
mga Salita ng Diyos. 
B. Sagutan ang sumusunod. Paano makakamtan ang kapayapaan at 
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taong kabilang sa iba’t ibang 
grupo ng relihiyon? 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34.
Batayan sa Pagwawasto 
A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pahina 2) 
32 
1. binyag 
2. Islam 
3. Hesukristo 
4. Imam 
5. respetuhin 
6. Holy Trinity 
7. Allah 
8. kapayapaan 
9. hidwaan sa relihiyon 
10. Muhammad 
B. Aralin 1 
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 10–11) 
1. Kristo 
2. binibinyagan 
3. Bibliya 
4. Maria 
5. orihinal 
6. Pangalawang 
7. tao 
8. Trinity 
9. langit 
10. Kristiyanismo
2 R A 3M A D A N 
4H U M 
5A L L A H 
J A 
J 6I M A M 
8K O R A N 
33 
C. Aralin 2 
Magbalik-aral Tayo (pahina 16) 
1. Mindanao 
2. Muslim 
3. Allah 
4. Muhammad 
5. Koran 
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 20–21) 
D. Aralin 3 
1I 
S 
L 
7M M 
S D 
Q 
U 
E 
Pag-isipan Natin Ito (pahina 24) 
1. Wala. 
2. Sa tingin ko, kinakailangan kong respetuhin ang mga paniniwala 
at mga gawain ng grupo ng ibang relihiyon katulad na rin ng 
pamamaraan kung paano nila ako irerespeto.
Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 26–27) 
Ang mga sumusunod na kasagutan ay pawang mga halimbawa 
lamang. 
1. Unang-una, itatanong ko sa kanila kung ang kanilang mga 
pinaniniwalaang relihiyon ay nagtuturo sa mga taong makipag-away. 
Sigurado akong walang relihiyon ang nagtuturo nito. 
Pagkatapos ay patatahimikin ko sila. Sasabihin ko na 
kinakailangang respetuhin nila ang kanilang magkakaibang 
paniniwala at gawain. Karapatan ng bawat tao ang maging 
malaya sa pagpapahayag at pagtatamasa mula sa kanilang mga 
sinasampalatayang relihiyon. 
2. Sa tingin ko, may respeto sina Rahman at Danilo sa mga 
paniniwala at gawain ng kani-kanilang relihiyon. Siguro, mas 
iniisip nila ang kanilang mga magkakahalintulad na interes kaysa 
sa kung ano ang kanilang mga pagkakaiba. 
E. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pahina 31) 
34 
A. 1. K 
2. I 
3. K 
4. I 
5. I 
6. K 
7. K 
8. I 
9. I 
10. K 
B. Ito ay isang halimbawang sagot lamang. Maaari kang magkaroon 
ng sagot na naiiba rito. 
Ang kapayapaan at pagkakaunawaan ay makakamtan kung ang 
bawat tao ay rumirespeto sa mga paniniwala at gawain ng iba. 
Ang mga miyembro ng iba’t ibang grupo ng relihiyon ay nararapat 
na makisali sa mga usapan upang maibahagi nila ang kanilang mga 
paniniwala. Sa isang usapan, hindi nararapat na maging 
mapagmataas ang sino mang sumasali rito.
35 
Mga Sanggunian 
Mahmood, Bint. Allah is One God. <http://216.22.181.137/islam4kids/>. 
28 May 2001, date accessed. 
Ontario Consultants on Religious Tolerance 2000. Religious Hatred, 
intolerance and Other “Not So Spiritual” Topics. <http:// 
www.religioustolerance.org/negative.html>. 24 May 2001, date 
accessed.

More Related Content

What's hot

Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japanPag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
crisanta angeles
 
Sim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedSim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya edited
Dioni Kiat
 
Relihiyong Islam
Relihiyong IslamRelihiyong Islam
Relihiyong Islam
Dex Wasin
 
Relihiyong islam
Relihiyong islamRelihiyong islam
Relihiyong islam
Ruth Cabuhan
 
Judaism (Grade 8)
Judaism (Grade 8)Judaism (Grade 8)
Judaism (Grade 8)
Kaye Abordo
 
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaModyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Evalyn Llanera
 
Mga relihiyon at paniniwala sa asya
Mga relihiyon at paniniwala sa asyaMga relihiyon at paniniwala sa asya
Mga relihiyon at paniniwala sa asyaBori Bryan
 
Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)
Rhouna Vie Eviza
 
kababaihan sa timog at kanlurang asya.pptx
kababaihan sa timog at kanlurang asya.pptxkababaihan sa timog at kanlurang asya.pptx
kababaihan sa timog at kanlurang asya.pptx
LeaTulauan
 
Pagpapahalagang Asyano COT-RPMS Aligned
Pagpapahalagang Asyano COT-RPMS AlignedPagpapahalagang Asyano COT-RPMS Aligned
Pagpapahalagang Asyano COT-RPMS Aligned
Juan III Ventenilla
 
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonModyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Evalyn Llanera
 
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyoModyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Evalyn Llanera
 
Caste system
Caste systemCaste system
Caste system
EnelraPanaligan
 
Mga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at Judaismo
Mga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at JudaismoMga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at Judaismo
Mga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at Judaismo
Eddie San Peñalosa
 
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mirasol C R
 
LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx
LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docxLAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx
LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx
Jackeline Abinales
 
Konsepto ng sinaunang kabihasnan
Konsepto ng sinaunang kabihasnanKonsepto ng sinaunang kabihasnan
Konsepto ng sinaunang kabihasnanNestor Saribong Jr
 
AP 7 - Kababaihan sa Asya.pptx
AP 7 - Kababaihan sa Asya.pptxAP 7 - Kababaihan sa Asya.pptx
AP 7 - Kababaihan sa Asya.pptx
PaulineMae5
 
Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...
Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...
Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...
Joy Ann Jusay
 
Pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiya
Pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiyaPangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiya
Pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiya
joven Marino
 

What's hot (20)

Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japanPag unlad ng nasyonalismo sa japan
Pag unlad ng nasyonalismo sa japan
 
Sim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya editedSim mga relihiyon sa asya edited
Sim mga relihiyon sa asya edited
 
Relihiyong Islam
Relihiyong IslamRelihiyong Islam
Relihiyong Islam
 
Relihiyong islam
Relihiyong islamRelihiyong islam
Relihiyong islam
 
Judaism (Grade 8)
Judaism (Grade 8)Judaism (Grade 8)
Judaism (Grade 8)
 
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asyaModyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya
 
Mga relihiyon at paniniwala sa asya
Mga relihiyon at paniniwala sa asyaMga relihiyon at paniniwala sa asya
Mga relihiyon at paniniwala sa asya
 
Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)Asya (nasyonalismo sa asya)
Asya (nasyonalismo sa asya)
 
kababaihan sa timog at kanlurang asya.pptx
kababaihan sa timog at kanlurang asya.pptxkababaihan sa timog at kanlurang asya.pptx
kababaihan sa timog at kanlurang asya.pptx
 
Pagpapahalagang Asyano COT-RPMS Aligned
Pagpapahalagang Asyano COT-RPMS AlignedPagpapahalagang Asyano COT-RPMS Aligned
Pagpapahalagang Asyano COT-RPMS Aligned
 
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahonModyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
Modyul 13 kababaihang asyano sa sinaunang panahon
 
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyoModyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
 
Caste system
Caste systemCaste system
Caste system
 
Mga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at Judaismo
Mga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at JudaismoMga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at Judaismo
Mga Relihiyong Sumibol sa Kanlurang Asya at Judaismo
 
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundoMga pangunahing relihiyon sa mundo
Mga pangunahing relihiyon sa mundo
 
LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx
LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docxLAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx
LAS Mga Relihiyon sa Timog at.docx
 
Konsepto ng sinaunang kabihasnan
Konsepto ng sinaunang kabihasnanKonsepto ng sinaunang kabihasnan
Konsepto ng sinaunang kabihasnan
 
AP 7 - Kababaihan sa Asya.pptx
AP 7 - Kababaihan sa Asya.pptxAP 7 - Kababaihan sa Asya.pptx
AP 7 - Kababaihan sa Asya.pptx
 
Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...
Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...
Mga Dahilan at Paraan ng Pananakop ng mga Kanluranin sa Silangan at Timog Sil...
 
Pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiya
Pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiyaPangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiya
Pangangalaga sa timbang na kalagayang ekolohiya
 

Viewers also liked

Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mavict De Leon
 
Modyul 12 sistemang pulitikal sa asya
Modyul 12   sistemang pulitikal sa asyaModyul 12   sistemang pulitikal sa asya
Modyul 12 sistemang pulitikal sa asya
南 睿
 
Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asya
Jeffreynald Francisco
 
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoMga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Eileen Aycardo
 
Hesu kristo
Hesu  kristoHesu  kristo
Hesu kristo
Alfredo Darag
 
AP 7 Lesson no. 14-C: Islam
AP 7 Lesson no. 14-C: IslamAP 7 Lesson no. 14-C: Islam
AP 7 Lesson no. 14-C: Islam
Juan Miguel Palero
 
Mga Relihiyon sa Asya - Part 2
Mga Relihiyon sa Asya - Part 2Mga Relihiyon sa Asya - Part 2
Mga Relihiyon sa Asya - Part 2
Mavict De Leon
 
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundoMga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundoicgamatero
 
Mga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africaMga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africaJared Ram Juezan
 
Alternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating WikaAlternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Mirasol C R
 
Timog asya
Timog asyaTimog asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
南 睿
 
Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...
Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...
Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...group_4ap
 
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2 Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Jonathan Husain
 
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asyaModyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
Evalyn Llanera
 

Viewers also liked (20)

Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya Mga relihiyon sa asya
Mga relihiyon sa asya
 
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
Mga Relihiyon sa Asya - Part 1
 
Mga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asyaMga rehiyon sa asya
Mga rehiyon sa asya
 
Modyul 12 sistemang pulitikal sa asya
Modyul 12   sistemang pulitikal sa asyaModyul 12   sistemang pulitikal sa asya
Modyul 12 sistemang pulitikal sa asya
 
Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asya
 
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong AsyanoMga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
Mga Pilosopiya at Relihiyong Asyano
 
Hesu kristo
Hesu  kristoHesu  kristo
Hesu kristo
 
AP 7 Lesson no. 14-C: Islam
AP 7 Lesson no. 14-C: IslamAP 7 Lesson no. 14-C: Islam
AP 7 Lesson no. 14-C: Islam
 
Mga Relihiyon sa Asya - Part 2
Mga Relihiyon sa Asya - Part 2Mga Relihiyon sa Asya - Part 2
Mga Relihiyon sa Asya - Part 2
 
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundoMga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
Mga pangunahing relihiyon_sa_buong_mundo
 
Hilagang asya at timog asya
Hilagang asya at timog asyaHilagang asya at timog asya
Hilagang asya at timog asya
 
Mga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africaMga rehiyong ekolohikal sa africa
Mga rehiyong ekolohikal sa africa
 
Hilagang asya
Hilagang asyaHilagang asya
Hilagang asya
 
Alternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating WikaAlternative Learning System: Ang sarili nating Wika
Alternative Learning System: Ang sarili nating Wika
 
Timog asya
Timog asyaTimog asya
Timog asya
 
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3   sinaunang kabihasnan sa asyaModyul 3   sinaunang kabihasnan sa asya
Modyul 3 sinaunang kabihasnan sa asya
 
Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...
Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...
Ebolusyon ng Tao, Ebolusyon ng kulturang tao at Pag usbong ng mga kabihasnan ...
 
Confucianism
ConfucianismConfucianism
Confucianism
 
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2 Araling Panlipunan   Kasaysayan ng Daigdig Module 2
Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Module 2
 
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asyaModyul 2 mga rehiyon sa asya
Modyul 2 mga rehiyon sa asya
 

Similar to Mga pangunahing relihiyon sa asya.final

Tunay Na Relihiyon
Tunay Na RelihiyonTunay Na Relihiyon
Tunay Na RelihiyonFanar
 
Las mga relihiyon sa asya
Las mga relihiyon sa  asyaLas mga relihiyon sa  asya
Las mga relihiyon sa asya
jackelineballesterosii
 
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
MichelleRivas36
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
Jackeline Abinales
 
Islam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatanIslam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatan
Mohammad Ali
 
Islam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatanIslam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatanArab Muslim
 
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asyaModyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
Yumi Asuka
 
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asyaModyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
南 睿
 
Living As Disciples of Christ
Living As Disciples of ChristLiving As Disciples of Christ
Living As Disciples of ChristRic Eguia
 
relihiyon.pptx
relihiyon.pptxrelihiyon.pptx
relihiyon.pptx
Gelyn David
 
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang inModyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang insarah478
 
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang inModyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
dionesioable
 
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang inModyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
南 睿
 
Man's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithMan's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithRic Eguia
 
AP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
AP 7 Lesson no. 14-B: ChristianityAP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
AP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
Juan Miguel Palero
 
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptxAP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
MaryJoyTolentino8
 
PAGMAMAHAL SA DIYOS
PAGMAMAHAL SA DIYOSPAGMAMAHAL SA DIYOS
PAGMAMAHAL SA DIYOS
KokoStevan
 
M12 L1.2.pptx
M12 L1.2.pptxM12 L1.2.pptx
M12 L1.2.pptx
thegiftedmoron
 

Similar to Mga pangunahing relihiyon sa asya.final (20)

Tunay Na Relihiyon
Tunay Na RelihiyonTunay Na Relihiyon
Tunay Na Relihiyon
 
Las mga relihiyon sa asya
Las mga relihiyon sa  asyaLas mga relihiyon sa  asya
Las mga relihiyon sa asya
 
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
FIL 13 MODYUL 2 LEKSIYON 3.pptx 20233333
 
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docxLAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
LAS RELIHIYON AT PILOSOPIYA.docx
 
RELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptxRELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptx
 
Islam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatanIslam ang iyong katutubong karapatan
Islam ang iyong katutubong karapatan
 
Islam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatanIslam ang-iyong-katutubong-karapatan
Islam ang-iyong-katutubong-karapatan
 
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asyaModyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
 
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asyaModyul 14   ang mundo ng kabanalan sa asya
Modyul 14 ang mundo ng kabanalan sa asya
 
RELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptxRELIHIYON.pptx
RELIHIYON.pptx
 
Living As Disciples of Christ
Living As Disciples of ChristLiving As Disciples of Christ
Living As Disciples of Christ
 
relihiyon.pptx
relihiyon.pptxrelihiyon.pptx
relihiyon.pptx
 
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang inModyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
 
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang inModyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
 
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang inModyul 08   ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in
 
Man's Response to God: Faith
Man's Response to God: FaithMan's Response to God: Faith
Man's Response to God: Faith
 
AP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
AP 7 Lesson no. 14-B: ChristianityAP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
AP 7 Lesson no. 14-B: Christianity
 
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptxAP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
 
PAGMAMAHAL SA DIYOS
PAGMAMAHAL SA DIYOSPAGMAMAHAL SA DIYOS
PAGMAMAHAL SA DIYOS
 
M12 L1.2.pptx
M12 L1.2.pptxM12 L1.2.pptx
M12 L1.2.pptx
 

Mga pangunahing relihiyon sa asya.final

  • 2. Mga Pangunahing Relihiyon sa Asy a Karapatang-Ari 2008 Bureau of Alternative Learning System KAGAWARAN NG EDUKASYON Ang modyul na ito ay pag-aari ng Bureau of Alternative Learning System, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ng pamahalaang naglathala. Inilathala sa Pilipinas ng: Bureau of Alternative Learning Center Kagawaran ng Edukasyon 3/F Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines Tel No.: (02) 635-5188 Fax No.: (02) 635-5189
  • 3. Tungkol Saan ang Modyul na Ito? Naniniwala ka ba sa Diyos? Anong pangalan ang iyong ginagamit sa pagtawag sa Kanya? Ano ang iyong relihiyon? Anu-ano ang mga itinuturo sa inyong simbahan? Alam mo ba na ang Pilipinas ay ang nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya? Sa bawat sampung Pilipino, siyam ang Kristiyano dito. Limang porsyento naman ang binubuo ng mga Muslim sa ating populasyon. At hindi naman hihigit sa isang porsyento ng mga Pilipino ang nabibilang sa ibang relihiyon tulad ng Buddhism at Hinduism. May mga kilala ka bang ibang tao na miyembro ng relihiyong kaiba sa iyo? Kumusta ang iyong relasyon sa kanila? Sa modyul na ito, matututuhan mo ang mga pangunahing relihiyon sa Pilipinas, pati na rin ang mga itinuturo ng mga simbahang nabibilang rito. Matututuhan mo rin kung paano ang tamang pagbibigay ng respeto sa mga paniniwala ng ibang tao. Sa modyul na ito, matututuhan mo kung paano makamtan ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa kabila ng mga pagkakaiba ng paniniwala sa relihiyon. Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong bahagi. Ito ay ang: Aralin 1 – Kristiyanismo Aralin 2 – Islam Aralin 3 – Pagsasaayos sa mga Hidwaan sa Relihiyon Anu-ano ang mga Matututuhan Mo sa Modyul na Ito? Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang: ♦ ipaliwanag ang mga paniniwala ng mga pangunahing relihiyon sa 1 Pilipinas; ♦ ipaliwanag ang mga itinuturo ng mga pangunahing relihiyong ito; at ♦ maipakita ang respeto sa mga taong nabibilang sa ibang relihiyon.
  • 4. Anu-ano na ang mga Alam Mo? Punuan ang mga sumusunod na blanko. Piliin ang iyong mga sagot mula sa mga salitang nakapaloob sa kahon. Kapayapaan Holy Trinity Imam binyag Pagsasalungat sa relihiyon Islam Hesukristo Allah respetuhin Muhammad 1. Sa pamamagitan ng _______________ nahuhugasan ang ating orihinal na kasalanan at napapakilala sa atin ang muling pagkasilang na ispirituwal. 2. _______________ ay ang tawag sa paniniwala sa relihiyon ng mga Muslim. Ang ibig sabihin nito ay pagbigay ng sarili sa kagustuhan ng Diyos. 3. Ang isang Kristiyano ay nagdedeklara ng kanyang paniniwala kay _______________ at sumusunod sa pangaral ng Diyos. 4. _______________ ang tawag sa isang Muslim na lider ng kanilang 2 relihiyon. 5. Dapat mong ___________________ ang paniniwala ng ibang tao kahit na ito’y naiiba sa mga paniniwala mo. 6. Karamihan ng kristiyano ay naniniwala sa konsepto ng _______________. Ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ay may tatlong pagkatao: ang Diyos Ama, ang Diyos na Anak, at ang Diyos na Espiritu Santo. 7. Sa Islam, ang kanilang Diyos ay nagngangalang _______________. 8. Ang isang makabuluhang pag-uusap ay patungo sa pagkakaunawaan at _______________. 9. _______________ maaaring mangyari kung hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga taong magpahayag at maisagawa ang kanilang mga paniniwala. 10. Si _______________ ang panguhaning propeta ng Islam.
  • 5. Kumusta ang pagsusulit? Sa tingin mo ba’y nasagutan mo nang tama ang lahat ng katanungan? Ihambing ang iyong mga sagot sa mga kasagutang matatagpuan sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina 32. Kung nasagutan mo nang tama ang lahat, magaling! Nangangahulugan lamang na marami ka nang nalalaman tungkol sa mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito. Maaari mo pa ring ipagpatuloy ang iyong pag-aaral ng modyul upang mabalikan ang mga paksang alam mo na. Malay mo, may mga ibang bagay ka pa ring matutuhan dito. Kung may kababaan naman ang puntos na iyong nakuha, huwag malungkot. Nangangahulugan lamang na ang modyul na ito ay para sa iyo. Makatutulong ito sa iyong pag-unawa sa mga konsepto na maaari mong magamit sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Kung pag-aaralan mo nang mabuti ang modyul na ito, matututuhan mo ang mga sagot sa pagsusulit at marami pang iba! Handa ka na ba? Maaari ka nang pumunta sa susunod na pahina para sa unang aralin. 3
  • 6. 4 ARALIN 1 Kristiyanismo Maaari mo bang hulaan kung paano nakuha ang ngalang Kristiyanismo? Ito’y dahil sa ang bawat Kristiyano, kahit saan mang sekta siya nabibilang, ay naniniwala sa mga pangaral ni Kristo. Sa araling ito, matututuhan mo ang mga apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang mga sekta na ito ay ang Katoliko Romano, Protestantismo, Iglesia ni Cristo, at Iglesia Filipina Independiente o mas kilala sa pangalang Simbahan ng Aglipay. May mga Kristiyanong sekta na tinatanggap ang isang tao bilang Kristiyano kung ito ay “naligtas” (saved) na o “naisilang nang muli” (born again). Sa modyul na ito, gayunpaman, gagamitin natin ang pinakahinirang na depenisyon ng pagiging Kristiyano. Ito ay tumutukoy sa isang taong nagdedeklara at nagpapatotoo ng kanyang paniniwala kay Hesukristo at sa Kanyang mga pangaral. Basahin Natin Ito Tingnan ang litratro sa ibaba. Kilala mo ba Siya? “Dahil sa mahal ng Diyos ang sansinukob, ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang anak na kung sino man ang maniniwala sa Kanya ay hindi mangamamatay, kung hindi ay makakamtan niya ang buhay na walang hanggan.”-Juan 3:16
  • 7. 5 Pag-isipan Natin Ito 1. Naniniwala ka ba na noong namatay si Hesus sa krus ay muli itong nabuhay at lahat ng mga pagkakasala ng tao ay napatawad na? ____________________________________________________ 2. Naniniwala ka ba na kagustuhan ng Diyos na mailigtas ng kanyang Anak ang sangkatauhan mula sa kamatayan at walang katapusang paghihirap? ____________________________________________________ Kung oo ang iyong sagot sa mga tanong na ito, nakikisama ka sa 1.7 bilyong tao sa mundo, ang mga Kristiyano. Ang mga Kristiyano ay naniniwala sa kapangyarihan ng pagkamatay ni Hesus sa pagtanggal ng kasalanan ng mundo. Alamin Natin Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay may pagkakahalintulad sa mga paniniwala. Gayunpaman, mayroon din itong mga pagkakaiba. Ang banal na Bibliya (Holy Bible) ay nagbibigay ng basehan tungkol sa mga maka-Kristiyanong paniniwala at gawain. Ang Lumang Tipan (Old Testament) at ang Bagong Tipan (New Testament) ang bumubuo sa Banal na Bibliya.
  • 8. Ang mga Aglipayan, Katoliko at karamihan sa mga Protestante ay naniniwala sa isang Diyos na kinakatawan ng tatlong persona, o tinatawag na Holy Trinity: Ang Diyos na Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu Santo. Nilikha ng Diyos ang daigdig. Ang unang mag-asawa ay sina Adan at 6 Eba.
  • 9. Sina Adan at Eba ay tinukso ni Satanas na hindi sumunod sa Diyos. Ang gawaing ito ang nagdala ng kasalanan sa mundo. Ang kasalanang ito na naipasa sa bawat tao ay tinatawag na “orihinal na kasalanan.” Ang mga Katoliko at Aglipayan ay binibinyagan habang bata pa upang mahugasan ang “orihinal na kasalanan.” Ang mga Protestante at miyembro ng Iglesia ni Cristo ay mas nahuhuling nabibinyagan upang mas makilala na sila’y dumaan sa muling pagkasilang na isprituwal (spiritual rebirth). 7
  • 10. Ang mga miyembro ng apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay naniniwalang si Maria ay ang birheng nagluwal kay Hesus. Si Hesus ang nag-iisang Anak ng Diyos. Siya ay naging tao upang mailigtas tayo sa ating mga pagkakasala. 8
  • 11. Halos lahat ng Kristiyano ay nakiki-ayon na lahat ay maaaring mabuhay nang walang hanggan. Pagkamatay ng isang tao, ang kanyang kaluluwa ay maaaring pumunta sa langit at makiisa sa Diyos o masunog sa impiyerno. Ang mga Katoliko ay naniniwala sa isang pang lugar na nagngangalang purgatoryo kung saan ang mga kaluluwa ay hinuhugasan bago pa ito makarating sa langit. Halos lahat ng Kristiyano ay naniniwala na ang pagsisisi sa mga kasalanan, paniniwala sa Diyos, pagtanggap kay Hesus bilang tagapagligtas, at pagpapakita ng kabutihan sa kapwa ay ang makapagliligtas sa kanila. 9
  • 12. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay naganap nang siya ay nagkabuhay muli pagkatapos mamatay. Sa wakas ng panahon siya ay pinaniniwalaang muling babalik. Ito ang tinatawag na Pangalawang Pagbabalik ni Kristo. Sa panahong ito, lahat ng nailigtas na Kristiyanong nangamatay noon ay maaari ring mabuhay muli. Ang mga ito, kasama ang mga buhay pang Kristiyano, ay makikiisa sa Diyos at mabubuhay nang walang hanggan. Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan Punuan ang mga nawawalang letra sa bawat pangungusap upang 10 makuha mo ang tamang sagot. 1. Ang mga Kristiyano ay naniniwala sa mga pangaral ni _ r _ _ _ _. 2. Ang isang Kristiyano ay b _ _ _b _ _ _ _ _ _ n upang mahugasan ang kanyang mga orihinal na kasalanan o magpatunay na siya ay muling nabuhay sa ispirituwal na pamamaraan. 3. Ang Banal na B _ _ _ _ _ _ ay nagbibigay ng basehan sa mga Kristiyanong paniniwala at pangaral. 4. Si _ _ _ _ _, ang ina in Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya. 5. Ang ‘di pagsunod nina Adan at Eba sa Diyos ay tinatawag na _ _ _ h _ _ _l na pagkasasala.
  • 13. 6. Sa P _ _ _ _ l _ _ _ n _ Pagbabalik ni Kristo, lahat ng nailigtas na Kristiyano na nangamatay noon ay makikiisa sa mga nabubuhay na Kristiyano kung saan, sila ay makikiisa naman kay Hesus at mabubuhay nang walang hanggan. 7. Si Hesus ay ang nag-iisang anak ng Diyos. Siya ay naging t _ _ upang mailigtas tayo sa ating mga pagkakasala. 8. Karamihan sa mga Kristiyano ay naniniwala sa Holy T _ _ n _ _ y kung saan ang Diyos ay kinakatawan ng tatlong persona: Ang Diyos na Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu Santo. 9. Kapag namatay ang isang tao, ang kanyang kaluluwa ay pumupunta sa _ _ n _ _ _ o sa impiyerno. 10. Ang _ r _ _ t _ _ _ n _ _ _ o ay ang pinakamalaking relihiyon sa 11 Pilipinas at sa buong mundo. Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan ng Pagwawasto sa pahina 32. Tandaan Natin ♦ Ang Kristiyanismo ay isang relihiyon na nagtuturo ng mga pangaral ni Hesukristo. Ito ang pinakamalaking relihiyon sa Pilipinas at sa buong mundo. ♦ Ang isang Kristiyano ay ang taong nagdedeklara ng kanyang paniniwala kay Hesukristo at sumusunod sa mga pangaral nito. ♦ Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay ang Katoliko Romano, Protestantismo, ang Simbahan ng Aglipay, at ang Iglesia ni Cristo. ♦ Karamihan ng mga Kristiyano ay naniniwalang: – ang Bibliya ay binubuo ng mga salita ng Diyos; – may iisang Diyos. (Karamihan sa mga Kristiyano ay naniniwalang ang nag-iisang Diyos na ito ay tinatawag na Trinity, na kinakatawan ng tatlong persona: Ang Diyos na Ama, Diyos na Anak, Diyos na Espiritu Santo);
  • 14. – nilikha ng Diyos ang daigdig at ang unang mag-asawang sina 12 Adan at Eba; – noong hindi sinunod nina Adan at Eba ang Diyos, ang kanilang kasalanan ay naipasa sa lahat ng tao; – sa pamamagitan ng binyag, nahuhugasan ang ating orihinal na kasalanan. Ito rin ang nagpapakilala ng muling pagkasilang na ispirituwal; – si Maria, ang ina ni Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya; – si Hesus ay naging tao upang mailigtas ang sangkatauhan sa pagkakasala; – lahat tayo ay maaaring mabuhay nang walang hanggan. Kapag ang tao ay namatay, ang kanyang kaluluwa ay maaaring pumunta sa langit o sa impiyerno; – ang pagsisisi sa isang kasalanan, pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas, at pagiging mabuti sa kapwa ay mga paraang makapagliligtas sa kanila; at – sa Pangalawang Pagbabalik ni Kristo, lahat ng nailigtas na Kristiyano na nangamatay noon ay makikiisa sa mga nabubuhay na Kristiyano upang makiisa kay Kristo at mamuhay nang walang hanggan.
  • 15. 13 ARALIN 2 Islam Maaari mo bang hulaan kung ano ang pinakabago at pumapangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa buong mundo? Kung Islam ang iyong sagot, tama ka. At ito rin ay isang relihiyong mabilis na lumalawak! Gusto mo bang malaman pa ang mga iba pang bagay tungkol sa Islam? Kung ganoon, ituloy ang iyong pagbabasa. Basahin Natin Ito Basahin ang sumusunod na tula. Si Allah, ang Nag-iisang Diyos Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos Totoong Siya’y nag-iisa lamang Wala siyang kasama at walang asawa At si Allah ay walang anak! Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos Naririnig Niya ang aming mga tawag Kaya dapat tayong manalangin kay Allah Wala nang iba pa! Si Allah ay ang nag-iisang makatotohanang Diyos Siya ang ating panginoon at hari Kaya lahat ay naniniwala kay Allah! Walang ibang sasambahin kung di Siya lamang!
  • 16. Pag-isipan Natin Ito Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ayon sa tula, ilan ang diyos? _____________ 2. Base sa tula, ano ang pangalan ng nag-iisang makatotohanang 14 Diyos? ____________ Ang mga Muslim at Kristiyano ay naniniwala sa iisang Diyos subalit iba ang kanilang pagtawag sa Kanya. Ang tawag ng mga Kristiyano sa Kanya ay Diyos na Ama, samantalang ang tawag naman ng mga Muslim sa Kanya ay Allah. Gayunpaman, hindi katulad ng mga Muslim, ang mga Kristiyano, partikular na ang mga Katoliko at Aglipayan, ay naniniwala sa Trinity. Ang Trinity ay ang pagkakaisa ng tatlong diyos sa iisang Diyos. Alamin Natin Nakapunta ka na ba sa Mindanao? Dito naninirahan ang karamihan sa mga Pilipinong Muslim. Ang Islam ay ang pinakamatandang relihiyon sa bansa. Ang mga Kastila ay nagpumilit na gawing Kristiyano ang mga Muslim. Ngunit tunay na ipinaglaban ng mga Muslim ang kanilang relihiyon.
  • 17. Ang Islam ay isang relihiyong nangangahulugang pagsuko ng sarili sa kagustuhan ng Diyos. Ang sumasampalataya sa Islam ay tinatawag na Muslim. Ang mga Muslim ay naniniwalang may nag-iisang Diyos na nagngangalang Allah. Si Allah ay dakila at makapangyarihan. Lahat ay Kanyang nilikha. May mga espesyal na tagadala ng mensahe o propeta si Allah. Ito ay sina Abraham, Moses, Hesus, at Muhammad. Si Muhammad ang pinakahuling propeta ni Allah. Siya rin ang tinaguriang pangunahing propeta ng Islam. Kinikilala siya ng mga Muslim bilang isang dakilang propeta ngunit hindi nila ito sinasamba. Si Allah lamang ang kanilang sinasamba at wala nang iba pa. Ang Koran ay ang banal na libro ng mga Muslim. Naniniwala ang mga Muslim na ang nilalaman ng Koran ay ang mga mensahe ni Allah na ipinadala niya sa pamamagitan ni Muhammad. Ang bawat Muslim ay inaasahang mahigpit na susunod sa mga batas na nakatala sa Koran. Inaasahan ang bawat isa sa kanila na umiwas sa pag-inom at paggamit ng mga ipinagbabawal na droga. Sila rin ay hindi makakapagsugal o makakakain ng karne. Para sa kanila, ang karne ay marumi sa pangangatawan, maging sa ispiritu. 15
  • 18. 16 Magbalik-aral Tayo Punuan ng mga tamang sagot ang mga blanko. 1. Karamihan sa mga Pilipinong Muslim ay nakatira sa ____________________. 2. ________________ ang tawag sa nanampalataya sa Islam. Siya ang taong may pagsuko sa kagustuhan ng Diyos. 3. Sa Islam, ang kanilang Diyos ay kinikilala sa pangalang ____________________. 4. Si ______________ ang pangunahing propeta ng Islam. 5. Pinaniniwalaan ng mga Muslim na ang ________________ ay binubuo ng mga mensaheng ipinadadala ni Allah sa pamamagitan ni Muhammad. Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 33. Alamin Natin Alam mo ba na ang pagiging isang Muslim ay nangangahulugan din ng pagkakaroon ng mga gawain? Ang mga gawaing ito ay tinatawag na Limang Haligi ng Islam (Five Pillars of Islam). Ito ay ang: 1. Pagsasalaysay ng shahadah bilang pangungusap ng paniniwala ng mga Muslim. Ganito isinasalaysay ang shahadah: “Walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad naman ang tagadala ng mensahe ni Allah.”
  • 19. 2. Pagganap ng salat limang beses sa isang araw. Kapag nagdarasal ang isang Muslim, kinakailangan nitong humarap sa direksyon ng Mecca. Siya ay magdarasal sa umaga, sa may kaagahan at mga huling oras sa hapon, sa gabi, at sa oras na bago ito matulog. 3. Pagbibigay ng zakat o pangkawanggawang buwis. Ang zakat ay katumbas ng 2.5% ng suweldo ng isang Muslim. Ito ay ibinibigay sa mga mahihirap sa anumang oras niyang naisin. 17
  • 20. 4. Pagsagawa ng hajj o pagdalo sa Ka’aba sa Mecca kahit sa isang beses lamang sa kanilang buhay. 5. Pag-iwas ng pagkain sa mga buwan ng Ramadan. Ang Ramadan ay nasa ika-siyam na buwan sa kalendaryo ng Islam. Sa buwang ito, ang isang Muslim ay hindi dapat kumain o uminom sa araw. Ito ay isang pamamaraan ng ispirituwal at pisikal na paglilinis. Alam mo ba kung ano ang mosque? Ito ay isang gusali kung saan ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon at nananalangin. Nakakita ka na ba nito? Ito ay kadalasang may bubong na korteng ulo at isang mataas na tore. Wala kang makikitang litrato o rebulto sa loob ng mosque. Ito ay may huwarang ayos at mga salita mula sa Koran. 18
  • 21. Kapag ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon sa mosque para manalangin o pag may espesyal na okasyon, ang Imam ang tagapagpangasiwa ng seremonya. Dalawang okasyon ang ipinagdiriwang ng mga Muslim. Sila ay unang nagdiriwang matapos dumating ang araw ng Ramadan. Pagkatapos ng mga espesyal na panalangin sa mosque, ang bawat pamilya ay nagtitipun-tipon at nagdiriwang. Ang mga Muslim ay nagsusuot ng kanilang magagandang damit at naghahanda ng maraming espesyal na pagkain. Ang pangalawa ay ang pagdiriwang ng pagsasakrispisyo na natataon sa araw ng Hajj o ang pagdalo sa Ka’aba. Pagkatapos ng pagdarasal sa mosque, ang mga Muslim ay nag-aalay ng tupa. Ipinamamahagi nila ang 1/3 ng karne bilang isang pag-alaala sa sakrispisyong isinagawa ni Abraham. 19
  • 22. Alamin Natin ang Iyong Mga Natutuhan Sagutan ang puzzle sa ibaba at gamitin ang mga bakas o clues sa iyong 2 3 D 6 M 20 pagsagot. 1 S 4 5 H J 7 8 R D Q Pahalang 2. Ang tawag sa buwan ng hindi pagkain at pag-inom sa araw ng mga Muslim. 5. Ang kinikilalang pangalan ng mga Muslim sa kanilang Diyos. 6. Ang tagapagpangasiwa ng pananalangin sa loob ng mosque. 8. Ang tawag sa banal na libro ng mga Muslim.
  • 23. Pababa 1. Ang relihiyon ng mga Muslim na nangangahulugang pagsuko ng sarili sa kagustuhan ng Diyos. 3. Ang pangunahing propeta ng Islam. 4. Ang tawag sa pagdalo sa Ka’aba sa Mecca. Ito ay isa sa mga limang gawain ng isang Muslim. 7. Ang tawag sa lugar kung saan ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon 21 at nananalangin. Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 33. Tandaan Natin ♦ Ang Islam ay ang relihiyon ng mga Muslim. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay ang pagsuko sa kagustuhan ng Diyos. Ang sumusuko sa kagustuhan ng Diyos sa ganitong relihiyon ay tinatawag na Muslim. ♦ Sa Islam, ang kanilang Diyos ay kinikilala sa pangalang Allah. ♦ Si Muhammad ang pangunahing propeta ng Islam. Siya rin ang huling tagapaghatid ng mensahe ni Allah. ♦ Ang batas ni Allah ay nakatala sa Koran. Ito ang banal na libro ng mga Muslim. ♦ Ang mga Muslim ay inaasahang mamumuhay sa mga batas ng Islam na nakatala sa Koran. Kasama sa mga batas na ito ang Limang Haligi ng Islam. Ito ay ang: – Pagsasalaysay ng shahadah: “Walang ibang diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang tagapaghatid ng mensahe ni Allah.” – Pagganap ng salat (panalangin) limang beses bawat araw na nakaharap sa direksyon ng Ka’aba sa Mecca. – Pagbibigay ng zakat at pagtulong sa mga mahihirap.
  • 24. – Pagdalo sa Ka’aba sa Mecca o tinatawag na hajj, kahit isang 22 beses lamang. – Pag-iwas sa pagkain at pag-inom sa araw tuwing sasapit ang buwan ng Ramadan. ♦ Ang mosque ay isang lugar kung saan ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon at nananalangin. Ang Imam ay tinaguriang tagapangasiwa ng pananalangin sa mosque. ♦ Dalawang okasyon ang pinaghahandaan at ipinagdiriwang ng mga Muslim. Ang una ay matapos dumating ang araw ng Ramadan at ang pangalawa ay ang pagdating ng araw ng Hajj.
  • 25. 23 ARALIN 3 Pagsasaayos sa mga Hidwaan sa Relihiyon May nalalaman ka ba sa mga pag-aalsang nagmumula sa pagkakaiba ng paniniwala sa relihiyon? Sa Pilipinas lamang, marami na ang mga nangamatay dulot ng mga hidwaan sa pagitan ng Muslim at Kristiyano sa Mindanao. Libu-libong pamilya ang nawalan din ng tahanan dahil dito. Sa araling ito, matututuhan mo kung bakit ang mga hidwaan sa pagitan ng mga taong may iba’t ibang relihiyon ay nangyayari. Matututuhan mo rin kung paano mababawasan o maisasaayos ang mga hidwaang ito. Basahin Natin Ito Pagmasdan ang larawan sa ibaba.
  • 26. Pag-isipan Natin Ito 1. May alam ka bang relihiyon na nagtuturo sa mga miyembrong pumatay ng tao? ____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. Paano ka makikitungo sa mga taong may relihiyon at paniniwalang naiiba sa iyo? ____________________________________________________ ____________________________________________________ Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 24 33. Alamin Natin Ano ang iyong pakiramdam sa mga taong nabibilang sa mga relihiyong naiiba sa iyo? Kung mayroon kang kapangyarihang pigilin ang kanilang mga gawain, pipigilan mo ba sila sa pagpapahayag ng kanilang paniniwala at pagsasagawa ng kanilang mga seremonya ayon sa kanilang relihiyon? Alam mo ba na ang malayang pagganap at pagtatamasa ng maka-relihiyong pananampalataya ay karapatan ng lahat?
  • 27. Ano sa tingin mo ang maaaring gawin upang maisaayos ang mga hidwaan bunga ng pagkakaiba sa paniniwala? Hindi mo kinakailangang maniwala sa mga pangaral ng ibang relihiyon. Ngunit kailangan mong respetuhin ang kanilang karapatang sumunod sa mga gawain at paniniwala sa kanilang relihiyon, kahit na ito’y mali para sa iyo. Isaisip na ang mga nananampalataya sa ibang relihiyon ay naniniwala rito katulad na rin ng iyong paniniwala sa iyong relihiyon. Kahit na ang paniniwala at gawain sa mga relihiyon ay nagkakaiba-iba, pareho lamang ang kanilang mga pangaral. Walang relihiyong nagtuturo sa taong makipag-away sa ibang tao. Ang komunikasyon ay gumaganap rin ng mahalagang bahagi sa pagpapatupad ng katahimikan at pagkakaisa sa mga taong may iba’t ibang relihiyon. Ang mga miyembro ng iba’t ibang grupo ng relihiyon ay nararapat lamang makisali sa isang usapan kung saan naipapahayag nila ang kanilang mga paniniwala. Sa mga nakikiisa sa usapan, hindi sila dapat kumilos nang may pagmamataas. Lahat ay inaasahang magbibigay ng respeto sa isa’t isa. Ito naman talaga ang itinuturo ng lahat ng relihiyon-ang maging mabait, mapagmahal, at mapag-unawa sa isa’t isa. Ang isang makabuluhang usapan ay dapat makatulong sa paghahanap at pag-iisip ng mga pagkakapareho ng bawat relihiyon. Dapat rin itong makatulong sa pagtanaw at pagrespeto sa mga pagkakaiba sa paniniwala at gawain. Sa huli, ang usaping ito ang siyang magbibigay-daan sa kapayapaan at pagkakaunawaan ng isa’t isa. 25
  • 28. Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan Suriin ang mga sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod 26 na katanungan. 1. Magkapitbahay sina Ramon at Karding. Isang araw, habang nag-uusap ang dalawa sa isang tindahang malapit sa kanilang tinitirhan, napag-usapan nila ang relihiyon. Pareho silang Kristiyano ngunit magkaiba ang sinasalihan nilang sekta. Ang argumento nila ay tungkol sa mga doktrina. Ang kanilang argumento ay nauwi sa pagsusuntukan. Kung ikaw ay naroon sa ganoong sitwasyon, ano ang ipapayo mo sa kanila?
  • 29. ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. Si Rahman ay isang Muslim, habang si Danilo naman ay isang Kristiyano. Pareho silang manlalaro ng basketbol at iisa lamang ang kanilang sinasalihang grupo sa kanilang paaralan. Sila ay magkaibigan. Bakit, sa tingin mo patuloy na nagkakasundo ang dalawa kahit na iba ang kanilang mga paniniwala sa relihiyon? ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ Ihambing ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 27 34.
  • 30. 28 Tandaan Natin ♦ Ang iba’t ibang relihiyon ay nagtuturo ng iisang katotohanan ngunit iba ang pamamaraan. ♦ Ang relihiyon ay hindi nagtuturo sa mga taong makipag-away. Itinuturo nitong mahalin at unawain ang isa’t isa. ♦ Ang mga hidwaan sa relihiyon ay nangyayari kapag hindi hinayaan ng mga tao ang isa’t isa na makapagpahayag at magampanan ang kanilang paniniwala. ♦ Dapat mong respetuhin ang ibang tao sa kanilang pagganap sa pinaniniwalaang relihiyon kahit na ito’y naiiba sa pinaniniwalaan mo. ♦ Ang mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon ay dapat makisali sa mga makabuluhang usapan upang matutuhan ang mga paniniwala at gawain ng isa’t isa. ♦ Ang isang makabuluhang usapan ay dapat humantong sa pagkakaunawaan at kapayapaan. Narating mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Binabati kita! Ang iyong pagiging matiyaga at pagkakaroon ng interes matuto ay nakatulong sa iyo. Marami ka bang natutuhan sa modyul na ito? Nasiyahan ka ba sa iyong pagbabasa? Ang mga sumusunod ay ang buod ng mga pangunahing puntos ng modyul na ito.
  • 31. 29 Ibuod Natin Inihahayag ng modyul na ito na: ♦ Ang Kristiyanismo ay isang relihiyong base sa mga pangaral ni Hesukristo. Ito ang pinakamalaking relihiyong kinikilala sa Pilipinas at sa buong mundo. ♦ Ang apat na pangunahing sekta ng Kristiyanismo sa Pilipinas ay ang Katoliko Romano, Protestantismo, Simbahan ng Aglipay, at ang Iglesia ni Cristo. ♦ Karamihan ng mga Kristiyano ay naniniwalang: – ang Banal na Bibliya (Holy Bible) ay isang basehan ng mga paniniwala at gawain ng mga Kristiyano; – may nag-iisang Diyos. (Naniniwala ang karamihan sa mga Kristiyano na ang nag-iisang Diyos na ito ay kinikilala rin bilang Holy Trinity, na kinakatawan ng tatlong persona: Diyos na Ama, Diyos na Anak, at Diyos na Espiritu Santo); – ang Diyos ang lumikha ng daigdig at ng unang mag-asawang Adan at Eba; – noong hindi sinunod nina Eba at Adan ang Diyos, ang kanilang pagkakasala ay naipasa sa sangkatauhan; – sa pamamagitan ng binyag, ang orihinal na kasalanan ay nahuhugasan. Ito rin ay nagpapakilala ng ispirituwal na muling pagkasilang; – si Maria, ang ina ni Hesus, ay isang birheng nagluwal sa Kanya; – si Hesus ay naging tao upang mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan; – lahat ay maaaring buhay nang walang hanggan. Kapag ang tao ay namamatay, ang kanyang kaluluwa ay pumupunta sa langit o sa impiyerno; – ang pagsisisi sa kasalanan, pananampalataya sa Diyos, pagtanggap kay Hesus bilang Diyos at tagapagligtas, at paggawa ng mabuti sa kapwa ay ang mga paraan upang sila ay tuluyang mailigtas; at
  • 32. – sa Pangalawang Pagbabalik ni Kristo, lahat ng mga nailigtas na nangamatay na Kristiyano noon at ang mga nabubuhay pang Kristiyano ay makikiisa kay Kristo at tuluyang mamumuhay nang walang hanggan. ♦ Ang Islam ay relihiyon na pinaniniwalaan ng mga Muslim. Ang ibig sabihin ng salitang Islam ay ang pagsuko ng sarili sa kagustuhan ng Diyos. Muslim naman ang tawag sa taong isinuko ang kanyang sarili sa kagustuhan ng Diyos. ♦ Sa Islam, si Allah ang kinikilalang diyos. ♦ Si Muhammad ang pangunahing propeta ng Islam at ang huling tagapaghatid ng mensahe ni Allah. ♦ Ang mga batas ni Allah ay nakatala sa Koran, ang banal na libro ng mga Muslim. Kasama sa mga batas na ito ang Limang Haligi ng Islam (Five Pillars of Islam). Ito ay ang pagsasalaysay ng shahadah, pagganap ng salat limang beses sa isang araw, pagbibigay ng zakat, at pag-iwas sa pagkain at pag-inom tuwing Ramadan, at pakikiisa sa hajj kahit isang beses lamang. ♦ Ang mosque ay isang lugar kung saan ang mga Muslim ay nagtitipun-tipon at nagdarasal nang sabay. Ang tawag naman sa relihiyosong tagapangasiwang Muslim ay Imam. ♦ Dalawa ang okasyong ipinagdiriwang ng mga Muslim. Ito ay ang araw pagkatapos ng Ramadan at ang pagsapit ng Hajj. ♦ Ang mga hidwaan sa relihiyon ay nangyayari kung hindi pinapayagan ng mga tao ang iba na makapagpahayag at isagawa ang kanilang mga paniniwala. ♦ Kinakailangan mong respetuhin ang paniniwala at relihiyon ng ibang tao kahit na hindi ka naniniwala dito. ♦ Ang mga miyembro ng iba’t ibang relihiyon ay nararapat na makisali sa mga makabuluhang usapan upang magbigay-daan sa pagkakakilanlan ng kanya-kanyang paniniwala at gawain. ♦ Ang isang makabuluhang usapan ay magbibigay-daan sa pagkakaunawaan at kapayapaan. 30
  • 33. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? A. Isulat ang letrang K sa patlang kung ang paniniwala o gawain ay pang-Kristiyano, at isulat naman ang letrang I kung ang paniniwala o gawain ay pang-Islam. _____ 1. Si Hesus ay ang nag-iisang anak ng Diyos. Siya ay naging tao upang mailigtas niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan. _____ 2. Si Allah ay ang nag-iisang tunay na Diyos. Wala siyang kasama, asawa, at anak. _____ 3. Noong hindi sinunod ni Adan at Eba ang Diyos, ang kanilang kasalanan ay naipasa sa sangkatauhan. _____ 4. pagdarasal ng limang beses sa isang araw _____ 5. pagbigay ng pangkawanggawang buwis o charity tax _____ 6. Sa pamamagitan ng binyag, ang orihinal na kasalanan 31 ay nahuhugasan. _____ 7. Ang Diyos ay kinakatawan ng tatlong persona: Ang Diyos na Ama, Diyos na Anak at Diyos na Espiritu Santo. _____ 8. Ang mga batas ng Diyos ay nakatala sa Koran. _____ 9. pagdalo nang kahit isang beses lamang sa Ka’aba _____10. Ang Banal na Bibliya o Holy Bible ay naghahayag ng mga Salita ng Diyos. B. Sagutan ang sumusunod. Paano makakamtan ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga taong kabilang sa iba’t ibang grupo ng relihiyon? ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ Ihambing ang iyong sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 34.
  • 34. Batayan sa Pagwawasto A. Anu-ano na ang mga Alam Mo? (pahina 2) 32 1. binyag 2. Islam 3. Hesukristo 4. Imam 5. respetuhin 6. Holy Trinity 7. Allah 8. kapayapaan 9. hidwaan sa relihiyon 10. Muhammad B. Aralin 1 Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 10–11) 1. Kristo 2. binibinyagan 3. Bibliya 4. Maria 5. orihinal 6. Pangalawang 7. tao 8. Trinity 9. langit 10. Kristiyanismo
  • 35. 2 R A 3M A D A N 4H U M 5A L L A H J A J 6I M A M 8K O R A N 33 C. Aralin 2 Magbalik-aral Tayo (pahina 16) 1. Mindanao 2. Muslim 3. Allah 4. Muhammad 5. Koran Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 20–21) D. Aralin 3 1I S L 7M M S D Q U E Pag-isipan Natin Ito (pahina 24) 1. Wala. 2. Sa tingin ko, kinakailangan kong respetuhin ang mga paniniwala at mga gawain ng grupo ng ibang relihiyon katulad na rin ng pamamaraan kung paano nila ako irerespeto.
  • 36. Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan (pp. 26–27) Ang mga sumusunod na kasagutan ay pawang mga halimbawa lamang. 1. Unang-una, itatanong ko sa kanila kung ang kanilang mga pinaniniwalaang relihiyon ay nagtuturo sa mga taong makipag-away. Sigurado akong walang relihiyon ang nagtuturo nito. Pagkatapos ay patatahimikin ko sila. Sasabihin ko na kinakailangang respetuhin nila ang kanilang magkakaibang paniniwala at gawain. Karapatan ng bawat tao ang maging malaya sa pagpapahayag at pagtatamasa mula sa kanilang mga sinasampalatayang relihiyon. 2. Sa tingin ko, may respeto sina Rahman at Danilo sa mga paniniwala at gawain ng kani-kanilang relihiyon. Siguro, mas iniisip nila ang kanilang mga magkakahalintulad na interes kaysa sa kung ano ang kanilang mga pagkakaiba. E. Anu-ano ang mga Natutuhan Mo? (pahina 31) 34 A. 1. K 2. I 3. K 4. I 5. I 6. K 7. K 8. I 9. I 10. K B. Ito ay isang halimbawang sagot lamang. Maaari kang magkaroon ng sagot na naiiba rito. Ang kapayapaan at pagkakaunawaan ay makakamtan kung ang bawat tao ay rumirespeto sa mga paniniwala at gawain ng iba. Ang mga miyembro ng iba’t ibang grupo ng relihiyon ay nararapat na makisali sa mga usapan upang maibahagi nila ang kanilang mga paniniwala. Sa isang usapan, hindi nararapat na maging mapagmataas ang sino mang sumasali rito.
  • 37. 35 Mga Sanggunian Mahmood, Bint. Allah is One God. <http://216.22.181.137/islam4kids/>. 28 May 2001, date accessed. Ontario Consultants on Religious Tolerance 2000. Religious Hatred, intolerance and Other “Not So Spiritual” Topics. <http:// www.religioustolerance.org/negative.html>. 24 May 2001, date accessed.