Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Yamang Tao ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga elemento ng yamang tao ng Asya.
Mga Paniniwala at Kaugalian ng mga Sinaunang AsyanoIrral Jano
Inihahandog po ng aming grupo ang isang maiksing presentasyon tungkol sa mga paniniwala ng mga Sinaunang Asyano. Ito po ay para sa aming asignaturang 'Araling Panlipunan.' Ang ibang inpormasyon po rito ay hindi mismo galing sa amin ngunit galing ito base sa aming mga saliksik.
Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Yamang Tao ng Asya. Dito din matatagpuan ang mga elemento ng yamang tao ng Asya.
Mga Paniniwala at Kaugalian ng mga Sinaunang AsyanoIrral Jano
Inihahandog po ng aming grupo ang isang maiksing presentasyon tungkol sa mga paniniwala ng mga Sinaunang Asyano. Ito po ay para sa aming asignaturang 'Araling Panlipunan.' Ang ibang inpormasyon po rito ay hindi mismo galing sa amin ngunit galing ito base sa aming mga saliksik.
Ang relihiyon ang nagsisilbing huwaran o gabay ng mga pagpapahalagang Asyano.
Ito ay isang organisadong sistemang pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian, at pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang diyos.
Ang Hinduism ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig at ang pangunahing relihiyon sa India.
Ang Buddhism ay nagsimula kay Prinsipe Siddharta Gautama. Siya ang tinawag na “The Enlightened One.”
Ang Islam ay itinatag ni Muhammed sa Medina. Ang Qu’ran ang banal na aklat ng mga Muslim. Ito rin ang nagsisilbing gabay ng mga Muslimsa kanilang pangaraw-araw na buhay.
Ang Kristiyanismo ang pinakamalaking relihiyon sa buong daigdig na may 1.9 bilyong tagasunod. Ang relihiyong it ay nababatay sa buhay at panagaral ni Hesukristo.
Ang relihiyong Judaism ang unang nangaral ng pagkakaroon ng iisang Diyos. Sila ay naniniwala na ang Diyos ay gumawa ng isang kaban ng tipan kay Abraham.
AP7-Aralin3-Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Asya.pptx
1.
2. ARALING PANLIPUNAN-7
IKALAWANG MARKAHAN
IKALIMANG LINGGO, IKATLONG ARAW
PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO
(MELC)
Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano, pilosopiya, at relihiyon na
nagbibigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa
pagbuo ng pagkakinlanlang Asyano.
MELC 10 Q2
3. LAYUNIN:
a. Naiisa-isa ang mga aral at paniniwala ng mga relihiyon at pilosopiyang
itinatag sa Asya.
b. Nakagagawa ng diagram na nagpapahayag ng sariling paniniwala sa
relihiyon at pilosopiya.
c. Nabibigyan ng pagpapahalaga ang bahaging ginampanan ng relihiyon
at pilosopiya sa paghubog ng pagkakakilanlang Asyano.
5. BALITAAN MUNA TAYO:
Maglahad ng napapanahong isyu na may kinalaman sa paksa.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
Ano kaya ang mga maaaring maging implikasyon ng mga
pangyayaring ito sa takbo ng kasaysayan sa mga darating na
henerasyon?
6. BALIKAN NATIN:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Paano itinuturing ang mga kababaihan noong sinaunang panahon batay
sa Kodigo ni Hammurabi at Manu?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, dinaranas pa ba ng mga kababaihan sa kasalukuyang
panahon ang ganitong sitwasyon?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
7. GAWAIN 1:
Panuto:Punan ng tamang letra ang mga kahon sa ibaba upang matukoy kung
anong relihiyon o pilosopiya ang ipinakikita sa bawat simbolo na nasa larawan.
1. 2.
10.
4.
5. 6. 7. 8.
9.
3.
11. 12.
Sha Nique, Pinagmulan at Nagtatag ng Bawat Relihiyon sa Asya –ARALING ASYANO (wordpress.com)
8. GAWAIN 1:
1. K R I O
2. S M
3. J D M O
4. H D M O
5. T O
6. J O
7. S K O
8. S H M O
9. B A H A I
10. J U D A I S M M E N O R A H
11. B D S O
12 J N I
9. TA G A PA G TA G U Y O D N G K A S AY S AYA N
Basahin at unawain ang teksto:
Ang nabuong kabihasnan ng mga Asyano ay bunga ng kanilang mga pilosopiya,
paniniwala, at kaisipan. Ang mga ito ang naging gabay ng mga Asyano sa paglinang ng
kanilang kabihasnan.
Ayon sa kasaysayan halos lahat ng mga relihiyon sa mundo ay nagmula sa Asya.
Sa lawak ng mga teritoryong sakop at sa kapal ng tao na naniniwalang malaki ang
dahilan upang tawagin ang Asya na sinilangan ng relihiyon sa daigdig.
Umusbong din dito ang iba’t ibang pilosopiya na nakatulong upang matamo ang
mga Asyano ang mataas na moralidad at makasanayang mamuhay sa lipunang
nakabatay sa makatarungang paniniwala.
Halina’t ating talakayin ang iba’t ibang relihiyon at pilosopiyang ito.
Ating alamin kung saan ito umusbong, at kung sino ang nagtatag gayundin ang mga
mahahalagang aral nito.
Sanggunian: Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba Araling Asyano, Araling Panlipunan - Modyul para sa Magaaral, Unang
Edisyon, ,2014, pp. 153 - 163
11. RELIHIYON
-nagmula sa salitang Latin na “re-ligare” na ang ibig sabihin
ay pagbubuklod at pagbabalik loob.
Dalawang Uri ng Relihiyon
1. Monoteismo- paniniwala sa iisang Diyos
2. Polyteismo- paniniwala sa maraming Diyos
13. HINDUISMO
Hinduismo ang pangunahing relihiyon sa India ng
mga Aryan, ang unang tribong sumampalataya sa
relihiyong ito.
Naniniwala sila sa mga diyos-diyosan na mula sa
iba’t ibang likha ng kalikasan, subalit ito ay
naglaho at napalitan ng pagsamba kay Brahma.
14. HINDUISMO
Veda ang banal na kasulatan ng mga Hindu na
nagmula sa panahon ng mga Aryan. Itinuturo ng mga
Vedas kung paano magkaroon ng mahaba at mabuting
buhay ang mga tao.
Iginagalang ng Hinduismo ang indibidwal na pagsamba.
Mayroon silang mga altar at nagpupunta sila sa mga
banal na lugar.
15.
16. MGA PANINIWALA NG MGA HINDU
• Naniniwala ang mga Hindu sa pagkakabuklod at
pagkakaisa ng mga bagay sa kapaligiran na nagdadala sa
pagkakaisang ispiritwal.
• Naniniwala sila sa pagmamahal, paggalang, at pagrespeto
sa lahat ng mga bagay na may buhay.
17. MGA PANINIWALA NG MGA HINDU
• Sumasamba sila sa iba’t ibang uri at anyo ng Diyos na tinatawag na
polytheism.
• Bahagi ng kanilang paniniwala ang reinkarnasyon na kung saan
ang namatay na katawan ng tao ay isisilang na muli sa ibang anyo,
paraan, o nilalang.
• Naniniwala din sila sa karma. Ang karma ay ang pagkakaroon ng
gantimpala kung kabutihan ang ginawa sa kapwa at pagdurusa
naman kung di-Mabuti ang ginawa sa kapwa.
• Naniniwala ang mga Hindu na ang tao ay dapat na magsikap sa
buhay at ito ay dapat na inaalay sa diyos anuman ang kaniyang
antas sa lipunan.
18. BUDDHISMO
• Itinatag ito ni Siddharta
Gautama, isang batang prinsipe.
Ninais niya na maging asetiko
upang danasin ang katotohanan
ng buhay, luho, at masarap na
buhay.
19. DALAWANG PAGHAHATI NG BUDDHISMO
Mahayana Buddhism – Kinilala bilang Diyos si
Buddha na tagapagligtas
Theravada Buddhism – kinikilala si Buddha hindi
bilang isang diyos kundi, bilang guro at banal na
tao.
20. APAT NA DAKILANG KATOTOHANAN NG BUDDHISMO
1. Ang buhay at pagdurusa ay hindi magkahiwalay.
2. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
3. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang
pagnanasa
4. Maaalis ang pagnanasa kung susunod sa walong landas at
matatamo ang tunay na kaligayahan o Nirvana
22. JAINISMO
Isa sa mga relihiyon sa India, ayon sa
Veda ang Jainismo. Ito ay itinatag ni
Rsabha, subalit ang pinaka naging
pinuno ng Jainismo ay si Mahavira o
Vhardamana.
Tinalikuran niya ang lahat ng kaniyang
kayamanan at kapangyarihan at naging
asetiko katulad ni Buddha.
23. Mga Doktrina ng Jainismo
• Ang bawat tao ay may layunin na makalaya ng kaluluwa sa
pagkabuhay, pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay siklo
na dapat maranasan nang lahat ng tao.
• Bawal kumain ng karne, bawal pumatay ng insekto, bawal ang
magnakaw, bawal magsinungaling, bawal ang magkaroon ng
ari-arian, at bawal makipagtalik.
• Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa
katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat ito.
24. • Kailangan mapagtimpi at disiplinado.
• Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may buhay.
Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, ito ay
tinawag na ahimsa o kawalan ng karahasan (non-
violence).
• Binibigyang diin din ang Jainismo ang asetismo o
pagpapasakit at mahigpit na penitensya upang
mapaglabanan ang kasakiman ng katawan.
25. SIKHISMO
• Ang Sikhismo ay itinatag ni Guru
Nanak.
• Sinikap niyang pagbuklurin ang
mga Muslim sa isang kapatiran.
• Ang mga mananampalataya ng
Sikhismo ay matatagpuan sa
India, Pakistan at iba pang parte
ng daigdig.
26.
27. Mga Paniniwala ng Sikhismo
• Naniniwala ang mga Sikh na may iisang diyos. Walang
hanggang katotohanan ang kanyang pangalan.
• Sila ay naniniwala sa reinkarnasyon at sa pag-akyat ng
mga kaluluwa mula sa mababang antas pataas.
• Kailangang masagip ang mga tao kung hindi patuloy
silang makakaranas ng muli’t muling pagsilang.
• Ang Nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama
ng indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay.
28. JUDAISMO
• Ang Judaismo ang isa sa
pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
Ang paniniwala ng mga Hudyo sa iisang
Diyos (monotheism) ay nagpapatunay
na naging batayan ito ng Kristiyanismo
at Islam.
•Ang Torah na nangangahulugang batas
at aral ay naglalaman ng limang aklat ni
Moses.
29. ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS
Ang sampung Utos ng ang gabay ng mga Hudyo sa wastong pagkilos
at pamumuhay.
1. Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnananakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.
30. KRISTIYANISMO
• Ang Kristiyanismo ang
pinakamalaking bilang sa lahat ng
mga relihiyon sa mundo batay sa
dami ng tagasunod at kasapi nito.
•Ito ay relihiyong batay sa buhay at
turo ni Kristo Hesus.
31. KRISTIYANISMO
•Ang Kristiyanismo ay mula sa
relihiyong Judaismo.
•Mula sa lumang Tipan na
kinapapalooban ng mga aral ni Moses
hanggang sa bagong Tipan na
kanilang Banal na Aklat o Bibliya, si
Kristo Hesus ay ang ipinangako ng
Mesiyas at manunubos.
32. •Samantala ang Katolisismo na isa sa
pangunahing bumubuo ng
Kristiyanismo na pinagtibay ng
simbahang Katoliko
aypinaniniwalaan ang Santisima
Trinidad.
•Ito ang paniniwala ng iisang Diyos
Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu
Santo.
•Ito ay nakabatay sa dalawang
paniniwala; ang pagkilala kay Hesus
bilang Anak ng Diyos, at ang
paniniwala sa kanyang pagkabuhay
muli.
35. ZOROASTRANISMO
•Ipinalaganap ni Zoroaster – isang
sinaunang propeta ng Persia (Iran na
ngayon)
•Ang buhay ng tao sa daidig ay ang
pagtahak patungo sa kabutihan o
kasamaan.
•Pinamumunuan ang kabutihan ni
Ahura Mazda, ang Kataas-taasang
Diyos; samantalang ang kasamaan ay
nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang
Diyablong Espiritu.
36. ZOROASTRANISMO
• Sa wakas ng panahon,
magtatagumpay si Ahura Mazda
laban kay Ahriman. Magwawakas
ang daigdig sa pamamagitan ng
pagkatupok sa apoy.
• Ang taong mabubuti at sumusunod
sa mga Aral ni Ahura Mazda ay
tityra na sa isang kahariang walang
hanggang kaligayahan at kabutihan.
Ang masasama naman ay
parurusahan magpakailanman.
37. SHINTOISMO
• Shintoismo ang tawag sa paniniwala
ng mga Hapones tungkol sa diyosa ng
araw at iba pang diyos ng kalikasan.
•Ang Shinto ay nangangahulugang
“daan o kaparaanan ng diyos”.
•Tinatawag na kami, ang mga diyos na
may kapangyarihang likas.
38. SHINTOISMO
• Nananahan ang mga diyos na ito sa ilog, puno,
bato, bundok, buwan, at araw.
• Sinasamba din ng mga Shinto ang namatay
nilang mga kamag-anak at ninuno.
• Sila ay sumasamba sa kanilang mga templo at
dambana dahil sa paniniwalang dito nananahan
ang kanilang mga diyos.
• Binubuo ng paniniwala ang pagdarasal,
pagpalakpak, pag-aalay, at pananampalataya.
Malaking bilang nila ay makikita sa Japan.
39. APAT NA PANININDIGAN NG SHINTO
1. Tradisyon at Pamilya: Ang pamilya ang kanilang pangunahing
prayoridad.
2. Pagmamahal sa Kalikasan : Ang kalikasan ay may malakas na
koneksyon sa mga diyos kaya ito’y binibigyang halaga
3. Kanilang Kalinisan: Binubuo ito nang pang pisikal at pang
ispiritwal na paglilinis
4. Matsuri : Pagpuri sa mga diyos at sa mga sinaunang Espiritu.
40. PANINIWALA NG SHINTOISM
Purification-pagtanggal ng masamang Espiritu sa katawan
Kami – Banal na Espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay.
Kapag ikaw ay namamatay, ikaw ay magiging isang kami.
Aragami – Masamang kami na pinatay at ngayon
Mizuko – Mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng
problema.
Mizuko Kuyo – Pagsamba sa mg Mizuko upang maiwasan ang
problema.
41. ISLAM
•Ang relihiyon ng mga Muslim ay
sinasabing ikalawa sa pinakamalaking
relihiyon sa daigdig.
•Kakaiba ito dahil ang pangalan ng
relihiyon ay hindi tao, pook, o iba pa.
•Ito ay galing sa salitang Arabic, salam
na ang ibig sabihin ay kapayapaan,
pagsunod, at pagsuko sa propetang si
Muhammad.
42. ISLAM
• Ang huling propetang pinadala ni
Allah. Siya ang nagtatag ng Islam.
Sinasabing mababait at
mapagkakatiwalaang (al amin) Muslim
ang tawag sa mga nilikha ni Allah na
sumusunod, sumusuko, at tumatalima
sa kaniyang kautusan.
43. Mga Paniniwala at Aral ng Islam
Ang Koran, ang banal na aklat ng mga Muslim ay tunay na salita
ni Allah galing kay Muhammad sa pamamagitan ng angel Gabriel. Isa
lang ang Diyos na si Allah at si Muhammad, ang kanyang propeta.
Hindi sila maaaring kumain ng baboy at hamon, at uminom ng alak.
Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng apat na araw ng Muslim.
LIMANG HALIGI NG ISLAM
• Shahadah (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba)
• Ang Salat (Pagdarasal)
• Ang Saum (Pag-aayuno)
• Ang Zakat (pagbibigay limos sa mahihirap)
• Ang Hajj (Pagdalaw sa Mecca)
45. CONFUCIANISMO
• Itinatag Confucius sa Shantung China
noong ika5-6 BCE.
•Mayroon siyang lima hanggang anim na
milyong taga-sunod sa mundo.
•Makikita ang kanyang mga turo sa
kanyang mga libro na Four Books at Five
Classics.
•Naniniwala siya na ang mabuting paraan
ng pamumuhay ng isang tao ay magdadala
ng kapayapaan.
46. CONFUCIANISMO
• Hindi ito itinuturing na relihiyon ng iba
dahil hindi lahat ng element ng isang
relihiyon ay taglay ng Confucianism,
nakapokus ito sa paraan ng pamumuhay at
ethical teachings.
•Naniniwala sila sa isang Panginoon na
nasa langit at nag-aalay ng ibat-ibang
sakripisyo,inaalay ito ng hari, prinsipe at
tao na may mataas na posisyon sa lipunan.
•Hindi sila naniniwala sa buhay pagkatapos
mamamatay.
47. CONFUCIANISMO
Virtue
li: ritwal at pagkamagalang,
xiao: paggalang sa magulang,
yi: pagkamakatwiran at tamang pag-uugali,
xin: pagkamatapat,
jen: kagandahang loob, at
chung: katapatan sa estado (pinakamataas sa lahat).
48. TAOISMO
•Itinatag ito ni Lao Tzu.
•Isinilang siya noong 500 BC sa Hunan
China.
•Sa kaniyang simpleng pamumuhay,
natuto siyang sumunod sa tinatawag
niyang tao na ibig sabihin ay “ang daan”
Isa itong paraan ng pamumuhay.
•Bago niya iniwan ang Chou Empire,
Isinulat niya ang Tao Te Ching.
49. Mga Turo niya:
• Lahat ng mga bagay ay iisa
• Naniniwala sila na kapag gumawa ka ng masama ang
katumbas ay dapat gumawa ka ng kabutihan
• Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay isang
realidad.
• Mga birtud pagpipigil sa sarili, pagpapasensya, at
pagpapakumbaba
• Ang estado ay nararapat na primitibo, positibo, at
mapayapa.
50. Mga Paniniwala:
• Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan
• Chi: Enerhiya na nanggaling sa kalikasan o sa tao
• Tao: Isang puwersa sa likod ng mga natural na kaayusan
• Wu Wei: Hindi nakikita na kapangyarihan sa loob nang
lahat ng mga bagay
• Pu: Lahat ng bagay ay nakikita, na ito ay walang
preconceptions.
• De: Ang pagkakaroon ng birtud, moralidad, at integridad.
51. Kasulatan: Tao Teching
Sinulat ito ni Lao Tzu. Ito ay nasa anyong patula.
Layunin nito na makamit ang ugnayan mistiko.
NIlalaman nito ang pangunahing aral ng Taoismo.
Lahat daw ng tao ay may pagkakapantay-pantay.
Lahat daw ng bagay ay relatibo.
52. LEGALISMO
•Nakabatay ang legalismo sa
makabuluhan at malakas na pwersa na
dala ng estado. Ang agrikultura at
sandatahang lakas ang ilan sa mga
element na maaaring magpatibay sa
estado. Ang pagsasaka o agrikultura at
pagtatanggol sa bayan bilang sundalo ay
makapagsasalba ng lipunan ayon sa
legalismo.
53. LEGALISMO
•Ayon din sa paniniwalang legalismo
na dapat ay palawakin, patibayin at
patatagin ang estado. Higit na
mahalaga ang istriktong batas ng
pamahalaan at estado upang ang
lahat ng miyembro ng lipunan ay
kumilos at gumawa ng mabuti at
wasto.
54. LEGALISMO
Ang sinumang lalabag sa batas ay
makakatikim ng mabigat na parusa
na magmumula sa estado o
pamahalaan. Upang makalimutan at
mabura ang paniniwala sa
Confucianismo, pinabinasura at
sinilaban ni Emperador Shi Huang
Ti ang mga babasahin na may
kaugnayan sa Confucianismo.
55. Gawain: Relihiyon/Pilosopiya Ko, Isinasabuhay Ko!
Panuto: Gamit ang diagram sa ibaba, isulat ang hinihingi sa bawat bilang.
1. Iguhit ang simbolo ng iyong sariling paniniwala kaugnay ng iyong relihiyon.
2. Mahalagang aral/paniniwala sa iyong relihiyong kinabibilangan na may
malaking impluwensiya sa iyong pamumuhay.
3. Gumawa ng sariling pilosopiya na nais mong panindigan sa iyong buhay
hanggang sa iyong pagtanda.
4. Gumuhit ng simbolong maglalarawan sa iyong buong katauhan batay sa iyong
sariling pilosopiya .
57. GAWAIN 2 : ITALA MO!
Panuto: Itala ang mga hinihinging impormasyon sa talahanayan tungkol sa mga
relihiyon at pilosopiya sa Asya.
RELIHIYON/
PILOSOPIYA
NAGTATAG
LUGAR NA
PINAGMULAN
MGA ARAL/
PANINIWALA
58. MGA TANONG:
1. Bakit nagkakaiba-iba ang relihiyon at pilosopiya ng mga tao sa Asya?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Paano nakatulong ang mga relihiyon sa pagbuo at paghubog ng pagkilalang
Asyano?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
59. MGA TANONG:
3. Paano ito makakaimpluwensiya sa kanilang sinaunang pamumuhay?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
60. PAGTATAYA:
A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Ito ang itinuturing na pinakamatandang relihiyon sa daigdig.
A. Buddhism C. Judaismo
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
2. Ito ay pilosopiyang natuon sa mga aral ni Confucius.
A. Confucianism C. Legalism
B. Jainism D. Taoism
3. Ang relihiyong itinatag ni Muhammad.
A. Hinduism C. Kristiyanismo
B. Islam D. Zoroastrianismo
61. PAGTATAYA:
A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
4. Pilosopiyang itinatag ni Lao Tzu.
A. Confucianism C. Taoism
B. Legalismo D. Tao Teaching
5. Paniniwala sa maraming Diyos
A. Polyteismo C. Mahayana Buddhism
B. Monoteismo D. Theravada Buddhism
62. Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag.
Tatlong (3) konsepto na natutunan ko mula sa aralin:
1._____________________________________________________
2._____________________________________________________
3._____________________________________________________
Dalawang (2) mahahalagang aral na tumatak sa aking isipan:
1._____________________________________________________
2._____________________________________________________
Isang (1) impormasyong gusto kong isabuhay mula sa aking
natutunan sa araling ito:
1._____________________________________________________