SlideShare a Scribd company logo
1
ARALING PANLIPUNAN II
(Effective Alternative Secondary Education)
MODYUL 12
SISTEMANG PULITIKAL SA ASYA
BUREAU OF SECONDARY EDUCATION
Department of Education
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City
2
MODYUL 12
SISTEMANG PULITIKAL SA ASYA
Maraming bansang Asyano ang nagkamit ng kalayaan matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Yun nga lamang, ilan lamang sa mga ito ang naging mapayapa
ang proseso ng pagbabagong pulitikal. Naging mahirap para sa karamihan ng mga
bansa ang matupad. Maraming mamamayan sa maraming bansang ito sa Asya ang
kinailangang magbigay ng kanilang buhay para lamang maganap ang mga
pagbabagong ito. Ang iba naman ay kinailangang maghiwa-hiwalay dahil sa
pagkakaiba ng paniniwala at pananampalataya. Higit sa lahat, ang mga Asyano ay
hindi tunay na inihanda ng mga kolonyalista para sa pagsasarili sa maraming
kadahilanan (Tignan na lamang ang kaso ng Pilipinas). Gayunpaman, ginawa ng mga
Asyano ang lahat ng maaari nilang gawin upang magawang pamahalaan ang kanilang
mga sarili upang mapanatili ang kalayaang kanilang pinaghirapan at hinintay sa
matagal na panahon.
Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga sistemang pulitikal na itinatag ng
mga Asyano.
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sumusunod na aralin:
Aralin 1: Mga Uri ng Pamahalaan sa Asya
Aralin 2: Ang Sistemang Pulitikal ng Ilang Bansa sa Asya
Aralin 3: Mga Katangian ng Mabuting Pinuno
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang
mga sumusunod:
1. Matutukoy ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal ng mga bansa
sa Asya;
2. Maaanalisa ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal sa Asya;
3. Mapapanindigan ang karapatang magkaroon ng mabuting
pamahalaan; at
4. Masusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansang Asyano.
3
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para
sa iyo.
PANIMULANG PAGSUSULIT:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Batasang Pambansa sa Japan.
A. Diet
B. Mataas na Kapulungan
C. Mababang Kapulungan
D. Sharia
2. Ang sagradong batas ng Islam.
A. Maragtas
B. Kalantyaw
C. Sharia
D. Diet
3. Tawag sa mga rehiyon sa Japan na binubuo ng mga lungsod, bayan, at pamayanan.
A. Prefecture
B. Sangguniang Bayan
C. Diet
D. Sharia
4. Pamahalaang pinamumunuan ng isang tao at gumagamit ng dahas at pamimilit.
A. monarkiya
B. diktadurya
C. oligarkiya
D. demokrasya
5. Ang pamahalaan ng mga tao, para sa tao, at sa pamamagitan ng tao.
A. monarkiya
B. diktatoryal
C. oligarkiya
D. demokrasya
4
6. Sistemang pulitikal sa Sri Lanka.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
7. Sistemang pulitikal sa Jordan.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
8. Sistemang pulitikal sa Tsina.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
9. Sistemang pulitikal sa Malaysia.
A. Republikang Parliyamentaryo
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
10. Sistemang pulitikal sa Brunei.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
5
11. Sistemang pulitikal sa Indonesia.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
12. Sistemang pulitikal sa Cyprus.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
13. Sistemang pulitikal sa Israel.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
14. Sistemang pulitikal sa Iran.
A. Komunista
B. Republikang Islamik
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
15. Sistemang pulitikal sa Turkey.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
6
16. Sistemang pulitikal sa Maldives.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
17. Sistemang pulitikal sa Taiwan.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
18. Sistemang pulitikal sa Timog Korea.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
19. Sistemang pulitikal sa Pilipinas.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
20. Sistemang pulitikal sa Lebanon.
A. Komunista
B. Republika
C. Monarkiyang Konstitusyunal
D. Sultanato
7
ARALIN 1
MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA
Sa araling ito ay bibigyan ka ng ideya hinggil sa mga uri ng pamahalaan na
mayroon sa mga bansa sa Asya.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang iba’t ibang sistemang pulitikal sa mga bansa sa Asya;
2. Matutukoy ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal sa mga bansa sa Asya; at
3. Makakapagsurmisa ng mga posibilidad kung bakit gayon ang mga sistemang
pulitikal sa Asya.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Pinag-aralan mo ang ilan sa mga uri ng pamahalaan noong ikaw ay nag-aaral
pa lamang sa unang taon sa mataas na paaralan. Anu-ano ang mga ito? Ilarawan ang
bawat isa.
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
8
Ang Mga Sistema ng Pamamahala sa Iba’t Ibang Bansa sa Asya
May iba’t ibang sistema ng pamamahala sa mga bansang Asyano. Ito ang mga
sumusunod:
Bansa Pamahalaan
A. Timog Kanlurang Asya
1. Afghanistan Dating Komunista – nasa transisyon
2. Bahrain Monarkiyang Tradisyunal/ Emir
3. Cyprus Republika
4. Iran Republikang Islamik
5. Iraq Republika
6. Israel Republika
7. Jordan Monarkiyang Konstitusyunal
8. Kuwait Monarkiyang Konstitusyunal
9. Lebanon Republika
10. Oman Monarkiyang Absolute/Sultanato
11. Qatar Monarkiyang Tradisyunal
12. Saudi Arabia Monarkiyang may Konseho ng mga
Ministro
13. Syria Republika (sa ilalim ng militar)
14. United Arab Emirates Pederasyon ng mga Emirate
15. Yemen Republika
16. Turkey Republika
B. Timog Asya
1. Bangladesh Republikang Parliyamentaryo
2. Bhutan Monarkiya
3. India Republikang Pederal
4. Maldives Republika
5. Nepal Monarkiyang Konstitusyunal
6. Pakistan Republikang Parliyamentaryo-Pederal
9
7. Sri Lanka Republika
C. Silangang Asya
1. People’s Republic of China Komunista
2. Japan Republikang Parliyamentaryo
3. Hilagang Korea Komunista
4. TImog Korea Republika
5. Taiwan Republika
D. Timog Silangang Asya
1. Brunei Sultanato
2. Myanmar Pamahalaang Militar
3. Indonesia Republika
4. Kampuchea (Cambodia) Monarkiyang Konstitusyunal
5. Laos Komunista
6. Malaysia Republikang Parliyamentaryo –
Pederal
7. Pilipinas Republika
8. Singapore Republika
9. Thailand Monarkiyang Konstitusyunal
10. Vietnam Komunista
11. Timor Leste (East Timor) Republika
E. Hilagang Asya
1. Kazakhstan Republika
2. Kyrgyztan Republika
3. Siberia Komunista
4. Tajikistan Republikang Parliyamentaryo
5. Turkmenistan Republika
6. Uzbekistan Republika
10
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Gumawa ng talaan ng bilang ng mga bansa sa Asya na may magkakatulad na uri ng
pamahalaan.
Mga Rehiyon sa AsyaUri ng Pamahalaan
TKA TA SA TSA HA
Kabuuang
Bilang
Republika
Republikang Pederal/ Parliyamentaryo
Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal
Monarkiyang Konstitusyunal
Komunismo
Sultanato
Legend:
• TKA – Timog-Kanlurang Asya
• TA - Timog Asya
• SA - Silangang Asya
• TSA – Timog-Silangang Asya
• HA - Hilagang Asya
B. Isulat ang uri ng pamahalaan na nangunguna at nahuhuli sa bawat rehiyon sa Asya.
Rehiyon Nagungunang uri ng
Pamahalaan
Uri ng Pamahalaan na
Pinakakaunti ang
Gumagamit
Timog-Kanlurang Asya
Timog Asya
Silangang Asya
Timog-Silangang Asya
Hilagang Asya
11
C. Matapos mong mapunan ang dalawang talahanayan, sagutin ang mga sumusunod
na katanungan:
1. Anong uri ng pamahalaan ang nangunguna sa buong Asya? __________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Anong uri ng pamahalaan ang nahuhuli sa buong Asya? ______________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Mga Sistema ng Pamahalaan sa Asya
Bakit ang uri ng pamahalaang ito ang nangunguna? Bakit ito naman ang nahuhuli?
Ano ang mayroon sa kanya na wala sa iba? Sa susunod na paksa ay makikita mo ang
mga pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal na nabanggit sa naunang seksyon ng
araling ito.
1. Republika
Sa isang republika, ang tao ang makapangyarihan. Ang mga namumuno sa
pamahalaan ay itinuturing lamang na mga kinatawan ng mga taong naghalal sa kanila
sa posisyon. Kung ang isang republika ay sistemang:
• Presidensyal – ang pinuno ng buong estado ay ang pangulo.
• Parliyamentaryo – ang pinuno ng buong estado ay ang pinunong ministro.
• Unitaryo – saklaw ng pamahalaang pambansa/nasyonal ang pamahalaang
lokal.
• Pederal – may awtonomiya ang pamahalaang lokal mula sa pamahalaang
pambansa/nasyonal.
2. Monarkiya
Ang isang monarkiya ay pinamumunuan ng isang lider na nagmula sa lahi ng mga
dugong bughaw. May dalawang uri ng monarkiya:
12
• Monarkiyang Absolut – ang lahat ng kapangyarihan ay nasa pinuno.
• Monarkiyang Konstitusyunal – ang pinuno ay may limitadong
kapangyarihan.
3. Diktatoryal
Sa isang sistemang diktatoryal, iisang tao ang namumuno. Karaniwang
gumagamit ito ng dahas at pamimilit.
4. Komunismo
Sa sistemang ito, walang indibidwal ang may pag-aari; ang lahat ay pag-aari ng
bansa. Ito ay karaniwang kumikilos sa prinsipyong “From each according to his abilities,
and to each according to his needs.”
5. Sosyalismo
Sa sistemang ito, ang isa sa pundamental na layunin ng pamahalaan ay ang
pagkontrol sa ekonomiya.
6. Emirate
Ang sistemang ito ay pinamumunuan ng isang emir, prinsesa, o prinsipe mula sa
lahi ni Muhammad.
7. Sultanato
Sa sistemang ito, hawak ng sultan ang buong kapangyarihan.
13
Tandaan Mo!
Ang mga sistemang pulitikal sa Asya ay ang mga sumusunod:
• Republika
• Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal
• Monarkiyang Konstitusyunal
• Komunismo
• Sultanato
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo ang talata.
Republika, (1) _______________ ang tawag kapag ang Pangulo ang pinuno ng
estado at (2) _______________ naman kapag ang namumuno sa gabinete ay ang
Punong Ministro. Saklaw ng pamahalaang pambansa ang pamahalaang lokal sa
sistemang (3) _______________. Malaya naman sa isa’t isa ang pamahalaang lokal at
pang-estado sa sistemang (4) _______________.
(5) ________________ ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng iisang
tao na gumagamit ng dahas at pamimilit. Samantalang ang pamamaraan ng pagkontrol
ng produksyon at distribusyon ng isang bansa ay ang tinatawag na (6) _____________.
Monarkiyang (7) ________________ ang tawag kapag limitado ang
kapangyarihan ng pinuno at monarkiyang (8) ________________ kung labis ang
kanyang kapangyarihan. Sa Sultanato, hawak ng (9) __________________ ang
kapangyarihan samantalang mga (10) _________________ naman ang namumuno sa
pamahalaang Emirate.
14
ARALIN 2
MGA SISTEMANG PULITIKAL SA ILANG BANSA SA ASYA
Sa araling ito, matutunghayan mo ang sistemang pulitikal sa ilang piling bansa
sa Asya. Makikita mo ang relasyon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ayon sa
magkakaibang sistemang pulitikal.
Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang mga pangunahing elemento ng pagkakaiba ng mga ugnayan
ng mga sangay ng pamahalaan sa magkakaibang sistemang pulitikal;
2. Maipaliliwanag kung bakit gayon ang pagkakaiba ng relasyon ng mga sangay
ng pamahalaan base sa pagkakaiba ng sistemang pulitikal; at
3. Makapipili ng higit na mabuting uri ng pamahalaan para sa PIlipinas base sa
ilang konsiderasyon.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Sa palagay mo, may posibilidad ba na magkapareho ang mga sistemang pulitikal
sa Asya? Bakit? Bakit hindi?
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
15
Organisasyong Pulitikal ng India
Sa ilalim ng Konstitusyon ng India, ang Korte Suprema ang pinakamataas na
tribunal sa bansa. Ito ay may kapangyarihan na ideklara na ang isang gawain ay labag
sa konstitusyon.
Sa ilalim ng republikang pederal, ang sistemang parliyamentaryo ang sinusunod.
Ito ay binubuo ng mataas na kapulungan o Rajva Sabha na binubuo ng mga
kinatawang hinalal ng mga miyembro ng lehislatura ng estado at ang mababang
kapulungan o Lok Sabha na binubuo ng mga kinatawang hinalal ng mga tao sa bawat
distrito. Ang mga miyembro ng gabinete at minister ng konseho naman ay nagmumula
sa Lok Sabha.
Ayon sa Konstitusyon ng India, ang lahat ng mamamayan nito ay may
karapatang bumoto, marunong mang bumasa o hindi. Ang sentro ng pamahalaang
Indian ay nasa New Delhi.
Ang Organisasyong Pulitikal ng Pakistan
Ang pagkakabuo ng Pakistan ang kauna-unahang pagkakataon sa makabagong
panahon na naitatag ang isang pamayanang pulitikal na naaayon sa iisang uri ng
pananalig. Si Muhammad Ali Jinnah (Quaid-e-Azam), lider ng pamayanang Indiang
Muslim ang namuno sa pagpupumilit ng pagkakaroon ng nahihiwalay na estado ng mga
Indiang Muslim. Itinatag niya ang Al-Indian Muslim League noong 1906 at siya ang
naging unang gobernador-heneral ng bansa nang ito ay mapagkalooban ng kasarinlan.
Ang pangalang Pakistan ay binuo ni Choudhary Rahmat Ali na kumakatawan sa
apat na lalawigan ng Sind, Baluchistan, Punjab, at ng hilaga at kanlurang bahagi nito.
Ang Pakistan ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na estadong Kanlurang
Pakistan at SIlangang Pakistan. Sa pagsisimula ng kanilan kasarinlan, at habang
binubuo ang konstitusyon ng bansa, namatay si Ali Jinnah. Dahil sa kawalan ng gabay
ng isang dakilang lider, ang bansa ay unti-unting nasalikupan ng mga kontrobersyang
konstitusyunal hanggang sa ito ay malubog sa isang malalang suliranin.
16
Ang mga suliranin sa pagbuo ng konstitusyon ng Pakistan ay iminumungkahi ang
mga sumusunod:
• Na bilang isang estadong Muslim, ang bansa ay kailangang sumunod sa mga
prinsipyong Islam.
• Na bilang isang lipunang Islamik, ang lipunan nito ay kailangang maging
malaya para sa mga Muslim at di-Muslim.
• Ang pagbabalik sa gawing imperyong Arab sa ilalim ng gabay ng Ulama ay
kailangang maging malaya para sa mga Muslim at di-Muslim.
• Ang pagbabalik sa gawing imperyong Arab sa ilalim ng gabay ng Ulama bilang
isang grupo.
• Ang pagbabalik sa kasulatan ng Koran.
Ang Pakistan ay naging isang republikang parliyamentaryo noong 1956, hanggang
sa ito ay mapasailalim sa isang diktaturyang military sa pamumuno ni Heneral Ayub
Khan noong 1969. Sa ilalim ng pamumuno ni Yahya Khan, naitatag ang nagsasariling
Silangang Pakistan na ngayon ay Bangladesh. Ito ay naitatag matapos ang isang
madugo at mainit na pakikidigma sa Kanlurang Pakistan.
Organisasyong Pulitikal sa Bangladesh
Ang nag-iisang wikang Bengali ang naging malakas na armas ng mga Bengal
upang matamo ang kanilang kasarinlan. Mula sa Pakistan noong 1971, sa ilalim ng
pamumuno ni Shiek Mujibur Rahman, ang bansa ay binubuo ng 64 na distrito na may
limang dibisyon. Bilang isang demokrasya, ang bansa ay naging magulo dala ng hindi
matatag na pamahalaang lagi nang may mga pagkakagulo, pag-aaklas, at
demonstrasyon.
17
Sistemang Pulitikal sa Bansang Hapon
Ang emperador ay panseremonya lamang at nagsisilbing simbolo ng pamahalaan
at tanging nag-uugnay ng nakaraan sa nakalipas sa Monarkiyang Konstitusyunal ng
bansang Hapon.
Ang konstitusyon ng bansang Hapon ay isinulat matapos ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig at naisabatas noong taong 1947 ng Diet, ang parliyamento ng
bansang Hapon. Dahil sa ito ay ibinalangkas ng mga Amerikano, ipinapahayag nito ang
kapangyarihan ng mga mamamayan at ginagarantiya ang karapatang pulitikal ng mga
tao.
Emperador Parlyamento/
Diet
Kapulungan
ng mga
Kinatawan
Kapulungan
ng mga
Konsehal
Mga Miyembro
ng Gabinete Punong Ministro
Mga Lokal na
Opisyal
18
Ang Ehekutibo
Ang pambansang patakaran ng pamahalaan ay isinasaayos at isinasagawa ng
punong ministro at ng kanyang cabinet na inihalal ng Diet.
Ang Lehislatura
Ang Diet ay binubuo ng House of Councilors at ng House of Representatives.
Ang nauna ay binubuo ng 252 miyembro na inihalal para sa anim na taong
panunungkulan. Ang House of Representatives naman ay binubuo ng 511 miyembro
na kumakatawan sa 124 na distrito na inihalal para sa apat na taong panunungkulan.
Ang Hukuman
Ang sangay na ito ng pamahalaan ay indipendyente. Ito ay pinamumunuan ng
punong mahistrado na inihalal ng gabinete at itinalaga naman ng emperador at iba
pang 15 mahistrado na itinatakda naman ng mga miyembro ng gabinete.
Ang Pamahalaang Komunista ng Tsina
Tatlong pangunahing Suporta ng Rehimen
Ang Partido
Ito ang siyang kumokontrol sa pamahalaan, sa hukbo, at sa masang bumubuo
sa selda ng partido. Ipinapakita ng piramideng dayagram sa ibaba na binubuo ng masa
ang pundasyon nito. Ito ay sinusundan naman ng National Party Congress na binubuo
ng may 1000 miyembro na ginaganap ng komiteng sentral na binubuo ng Chairman, 5
Vice Chairman, Secretariat, at ng Politburo na siya namang nagpapaganap ng mga
alituntunin at kautusan ng pamahalaan.
19
Ang partido ay natatanikalaan ng prinsipyong democratic centralism. Sa
prinsipyong ito, ang mga patakaran ng partido ay maaaring pagtalunan sa lahat ng lebel
hanggang sa ito ay madesisyunan at ang anumang desisyong mabuo nito ay
kailangang sundin ng mga miyembro nito, pababa. Ipinahihiwatig nito ang higit na
pagbibigay-diin sa sentralismo kaysa demokrasya.
Ang Pamahalaan
Ang administrasyon ay nahahati sa 22 lalawigan, limang rehiyong awtonomus at
tatlong lungsod. Ang pamahalaan ay siyang naglalabas ng mga isyu at nagpapatupad
ng mga patakaran ng partido sa pamamagitan ng State Council. Ang State Council ay
katumbas ng gabinete na binubuo ng premier, mga ministro, at mga puno ng mga
departamento ng pamahalaan at ahensya.
Ang Hukbo
Ang hukbong sandatahan ng Tsina ay higit na kilala sa pangalang Red Army.
Ang hukbong ito ay kinokontrol ng Chairman na siya ring umaakto bilang pinuno ng
National Defense Council.
Politburo Secretariat
Central Committee
National Party Congress
Provincial Party Congress
Paty Cells
Chairman
20
Sistemang Pulitikal sa Malaysia
Natamo ng Pederasyong Malaysia ang kasarinlan noong 1957 nang ito ay
binubuo pa ng Singapore, Sarawak, at Sabah.
Ang pinuno ng pederasyon ay tinatawag na Yang di Peruan Agong na ang
kahulugan ay Paramount Ruler o Pinakamataas na Pinuno. Siya ay inihalal para
manungkulan na sultan nang limang taon. Ang parliyamento ng Malaysia ay binubuo
ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang gabinete ay pinamumunuan ng
punong ministro na siyang tagapayo ng pangulo. Si Tunku Abdul Rahman ang naging
kauna-unahang punong ministro ng bansa.
Sistemang Pulitikal sa Saudi Arabia
Monarkiya ang porma ng pamahalaan ng Saudi Arabia. Ang Sagradong Batas
ng Islam na Sharia ang kanilang sinusunod. Ang batas na ito ay naaayon sa mahigpit
na interpretasyon na isinasagawa sa pamamagitan ng isang seremonya na tinatawag
na Hambali. Ang gawain ay pinamumunuan ng isang ulama o mga marurunong na
lider-ispiritwal. Sila ay walang nakasulat na konstitusyon. Walang hiwalay na batasan
at wala ring partido pulitikal. Ang hari ng Saudi Arabia ang:
• Pinuno ng Pamahalaan
• Pinakamataas na lider ng simbahan
• Gumaganap na punong ministro
• Nagpapalabas ng mga dikretong Royal
• Pumipili sa mga Ministro
Bagaman mayroon silang konseho ng Shura, wala naman itong kapangyarihang
gumawa ng mga batas. Ang sistemang panghukuman nila ay itinatadhana ng Sharia
na hango sa Koran at Sunna, mga tradisyong pinasimulan ni Muhammad.
Ang pagpapalit sa trono ay hindi namamana. Ito ay pinipili buhat sa pamilya
royal ng Saudi pagkatapos gawin ang konsultasyon sa mga pinuno ng simbahan at
pamahalaan.
21
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Ilagay sa paligid ng Hari ng Saudi Arabia ang mga kapangyarihang taglay niya.
1. 2. 3.
4. 5.
B. Tukuyin ang inilalarawan na matatagpuan sa ginulong mga titik.
1. Ang kauna-unahang punong ministro ng India.
2. Ang kauna-unahang punong ministro ng Pakistan.
3. Ang namumuno sa Tsina.
4. Ang mababang kapulungan ng pamahalaang pederal ng India.
5. Ang mataas na kapulungan ng pamahalaang pederal ng India.
EURHN
NNAHIJ ILA
MANICHA
AHBAS
AHBAS
Hari ng Saudi Arabia
22
6. Parliyamento ng bansang Hapon.
7. Hukbong sandatahan ng komunistang Tsina.
8. Ang pinuno ng pederasyong Malaya.
9. Ang kauna-unahang punong ministro ng Malaysia.
10. Uri ng pamahalaan sa Saudi Arabia.
Tandaan Mo!
Ang bansang Hapon ay isang Monarkiyang Konstitusyunal.
Ang India ay isang Republikang Pederal.
Ang Tsina ay isang Komunistang bansa.
Ang Malaysia ay isang Republikang Parliyamentaryo.
Ang Saudi Arabia ay isang Monarkiya.
TEID
DRE MYRA
NAGY DI NUTEPRA NOGGA
UKNUT DBAUL HRANAM
MNOAKYIAR
23
Gawain 3: Paglalapat
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.
Sa iyong palagay, magiging epektibo ba sa Pilipinas ang mga sistema ng
pamahalaan sa mga bansang nabanggit sa araling ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
ARALIN 3
MGA KATANGIAN NG MABUTING PINUNO
Malaki ang nagagawa ng uri ng sistemang pampulitika ng bansa sa pag-unlad
nito subalit higit na malaki ang papel na ginagampanan ng isang pinuno. Sa mga
kamay niya nakasalalay ang kinabukasan ng buong sambayanan.
Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong:
1. Matutukoy ang mga katangian ng isang mabuting pinuno; at
2. Makapag-eebalweyt ng mga lider alinsunod sa mga katangiang ito.
Gawain 1: Pag-isipan Mo!
Ano ang mga katangian ng isang mabuting pinuno? Isipin mo ang isang lider o
pinuno na iyong iniidolo. Anu-ano ang kanyang mga katangian. Isa-isahin mo
ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
24
Mga Katangian ng Isang Mabuting Pinuno
Anu-ano nga ba ang katangian ng isang mabuting pinuno. Ang ilan sa mga
katangiang ito ay ang mga sumusunod:
• Matatag
• Disiplinado
• Matalino
• Hindi namumulitika
• Hindi maluho
• Hindi makasarili
• Nakapagpaplano nang maayos
• May pananaw upang ipatupad ang mga layunin
• Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali
• Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo ang
kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng isang mabuting pinuno. Kung may
nais ka pang idagdag, mas mabuti.
Tandaan Mo!
Hindi lahat ng pinuno ay nagiging mabuti. Nararapat lamang na may
mga katangian silang makatutulong upang sila ay maging mga
mabuting pinuno.
25
Gawain 3: Paglalapat
A. Tukuyin ang maaaring maging epekto kung taglay ng isang pinuno ang mga
katangiang tinalakay natin sa araling ito. Magbigay ng tatlo. Isulat ang iyong sagot sa
iyong kwaderno.
B. Tukuyin ang maaaring maging epekto kung hindi taglay ng isang pinuno ang
mga katangiang tinalakay natin sa araling ito. Magbigay ng tatlo. Isulat ang iyong sagot
sa iyong kwaderno.
26
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO
Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong
tandaan tungkol sa modyul na ito:
Ang mga sistemang pulitikal sa Asya ay ang mga sumusunod:
• Republika
• Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal
• Monarkiyang Konstitusyunal
• Komunismo
• Sultanato
Ang bansang Hapon ay isang Monarkiyang Konstitusyunal.
Ang India ay isang Republikang Pederal.
Ang Tsina ay isang Komunistang bansa.
Ang Malaysia ay isang Republikang Parliyamentaryo.
Ang Saudi Arabia ay isang Monarkiya.
Ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting pinuno ay ang mga sumusunod:
• Matatag
• Disiplinado
• Matalino
• Hindi namumulitika
• Hindi maluho
• Hindi makasarili
• Nakapagpaplano nang maayos
• May pananaw upang ipatupad ang mga layunin
• Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali
• Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo
ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan
27
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Pamahalaang pinamumunuan ng iisang tao at gumagamit ng dahas at pananakot.
A. Diktadurya
B. Monarkiya
C. Republika
D. Parliyamentaryo
2. Batasang Pambansa ng bansang Hapon.
A. Politburo
B. National Secretariat
C. Diet
D. Emirate
3. Ang pamahalaan ng mga tao, para sa tao, at sa pamamagitan ng mga tao.
A. Republika
B. Demokrasya
C. Monarkiya
D. Komunista
4. Ang sistema ng pamahalaan sa bansang Hapon.
A. Monarkiyang Konstitusyunal
B. Komunista
C. Diktadurya
D. Oligarkiya
5. Ang sagradong batas ng Islam.
A. Sharia
B. Kodigo ni Maragtas
C. Kodigo ni Kalantyaw
D. Konstitusyon
28
6. Sistemang pulitikal ng Sri Lanka.
A. Monarkiya
B. Republika
C. Diktadurya
D. Komunista
7. Sistemang pulitikal sa Jordan.
A. Komunista
B. Monarkiyang Konstitusyunal
C. Sultanato
D. Diktadurya
8. Sistemang pulitikal sa Tsina.
A. Sultanato
B. Komunista
C. Diktadurya
D. Monarkiya
9. Sistemang pulitikal sa Brunei.
A. Komunista
B. Sultanato
C. Diktadurya
D. Monarkiya
10. Sistemang pulitikal sa Malaysia.
A. Komunista
B. Republikang Parliyamentaryo
C. Diktadurya
D. Monarkiya
29
11. Tawag sa mga rehiyon sa Japan na binubuo ng mga lungsod, bayan, at pamayanan.
A. Diet
B. Sangguniang Bayan
C. Prefecture
D. Sharia
12. Sistemang pulitikal sa Pilipinas.
A. Komunista
B. Monarkiyang Konstitusyunal
C. Republika
D. Sultanato
13. Ang sumusunod ay ang tatlong suporta ng rehimeng komunista sa Tsina maliban sa
isa:
A. Pamahalaan
B. Partido
C. Diet
D. Hukbo
14. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting pinuno maliban sa isa:
A. modelo ng kabutihan
B. matatag at disiplinado
C. nagnanakaw sa kaban ng bayan
D. matalino
15. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng hari ng Saudi Arabia maliban sa isa:
A. pinakamataas na lider ng simbahan
B. punong ministro
C. kawal
D. pinuno ng pamahalaan
30
GABAY SA PAGWAWASTO
PANIMULANG PAGSUSULIT
1. A
2. C
3. A
4. B
5. D
6. B
7. C
8. A
9. A
10. D
11. B
12. B
13. B
14. B
15. B
16. B
17. B
18. B
19. B
20. B
ARALIN 1: MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA
GAWAIN 1: Pag-isipan Mo!
Ang mga sagot ay nasa ikalawang bahagi ng diskusyon sa araling ito.
GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A.
Mga Rehiyon sa AsyaUri ng Pamahalaan
TKA TA SA TSA HA
Kabuuang
Bilang
Republika 7 2 2 4 4 20
Republikang Pederal/ Parliyamentaryo 3 1 1 1 6
Monarkiyang Absolut/ tradisyunal 4 1 5
Monarkiyang Konstitusyunal 2 1 2 5
Komunismo 1 2 1 1 5
Sulatanato 1 1
31
B.
Rehiyon Nangungunang Uri ng
Pamahalaan
Uri ng Pamahalaan na
Pinakakaunti ang
Gumagamit
Timog-Kanlurang Asya Republika Republika
Parliyamentaryo/Pederal
Timog Asya Republikang
Parliyamentaryo
Komunismo
Silangang Asya Republika/Komunismo Monarkiya
Timog-Silangang Asya Republika Monarkiyang Absolut
Hilagang Asya Republika Monarkiya
GAWAIN 3: Paglalapat
Maraming maaaring maging sagot sa katanungang ito. Ikonsulta ito sa iyong guro.
ARALIN 2: ANG SISTEMANG PULITIKAL NG ILANG BANSA SA ASYA
GAWAIN 1: Pag-isipan Mo!
Ikonsulta ang sagot sa iyong guro.
GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
A.
1. Pinuno ng Pamahalaan
2. Pinakamataas na lider ng simbahan
3. Gumaganap na Punong Ministro
4. Nagpapalabas ng dikretong royal
5. Pumipili sa mga Ministro
32
B.
1. Nehru
2. Ali Jinnah
3. Chairman
4. Lok Sabha
5. Rajva Sabha
6. Diet
7. Red Army
8. Yang di Pertuan Agong
9. Tonku Abdul Rahman
10. Monarkiya
GAWAIN 3: Paglalapat
Ikonsulta ang sagot sa iyong guro.
ARALIN 3: MGA KATANGIAN NG MABUTING PINUNO
GAWAIN 1: Pag-isipan Mo!
Ikonsulta sa iyong guro.
GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
(Maaari mo pa itong dagdagan.)
• Matatag
• Disiplinado
• Matalino
• Hindi namumulitika
• Hindi maluho
• Hindi makasarili
• Nakapagpaplano nang maayos
• May pananaw upang ipatupad ang mga layunin
• Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali
• Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo
ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan
GAWAIN 3: Paglalapat
Ikonsulta sa iyong guro.
33
PANGHULING PAGSUSULIT
1. A
2. C
3. B
4. A
5. A
6. B
7. B
8. B
9. B
10. B
11. C
12. C
13. C
14. C
15. C

More Related Content

What's hot

Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Olhen Rence Duque
 
Aralin 11
Aralin 11Aralin 11
Aralin 11
SMAPCHARITY
 
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
Nico Granada
 
ANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
REYMUTIA2
 
Kabihasnang Sumer
Kabihasnang SumerKabihasnang Sumer
Kabihasnang Sumer
Ma. Merjorie G. Vanta
 
Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asya
Jeffreynald Francisco
 
Ibat ibang Ideolohiya
Ibat ibang IdeolohiyaIbat ibang Ideolohiya
Ibat ibang Ideolohiya
ExcelsaNina Bacol
 
Mga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa AsyaMga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa Asya
Joy Ann Jusay
 
Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang AsyaMga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya
edmond84
 
Map reading Mga Rehiyon sa Asya
Map reading Mga Rehiyon sa AsyaMap reading Mga Rehiyon sa Asya
Map reading Mga Rehiyon sa Asya
Thelma Singson
 
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Shai Ra
 
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTERARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
Froidelyn Fernandez- Docallas
 
Hilagang Asya
Hilagang AsyaHilagang Asya
Hilagang Asya
Sofia the First
 
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyoModyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Evalyn Llanera
 
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYALinangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Olhen Rence Duque
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Jared Ram Juezan
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleJhing Pantaleon
 
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng AsyaAP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
Juan Miguel Palero
 
1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan
1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan
1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan
DIEGO Pomarca
 
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyoGrade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
kelvin kent giron
 

What's hot (20)

Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo atMga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
Mga dahilan ng ikalawang yugto ng imperyalismo at
 
Aralin 11
Aralin 11Aralin 11
Aralin 11
 
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
K to 12 - Grade 8 Araling Panlipunan Learners Module Quarter 2
 
ANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
ANG KABABAIHAN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Kabihasnang Sumer
Kabihasnang SumerKabihasnang Sumer
Kabihasnang Sumer
 
Katangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asyaKatangiang pisikal ng asya
Katangiang pisikal ng asya
 
Ibat ibang Ideolohiya
Ibat ibang IdeolohiyaIbat ibang Ideolohiya
Ibat ibang Ideolohiya
 
Mga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa AsyaMga Pilosopiya sa Asya
Mga Pilosopiya sa Asya
 
Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang AsyaMga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya
Mga Pagbabago sa Timog at Kanlurang Asya
 
Map reading Mga Rehiyon sa Asya
Map reading Mga Rehiyon sa AsyaMap reading Mga Rehiyon sa Asya
Map reading Mga Rehiyon sa Asya
 
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
Epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunan sa buhay ng...
 
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTERARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
ARALING PANLIPUNAN 8 EXAM SECOND QUARTER
 
Hilagang Asya
Hilagang AsyaHilagang Asya
Hilagang Asya
 
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyoModyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
Modyul 7 mga kaisipang asyano sa pagbuo ng imperyo
 
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYALinangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
Linangin 1: KATANGIANG PISIKAL NG ASYA
 
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang AsyaKolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
 
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter ModuleAraling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
Araling Panlipunan Grade 8 Fourth Quarter Module
 
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng AsyaAP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
AP 7 Lesson no. 2: Likas na Yaman ng Asya
 
1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan
1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan
1st Quarter Examination in Grade 8 Araling Panlipunan
 
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyoGrade 7 aralin 11   kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
Grade 7 aralin 11 kaisipang asyano sa pagbuo ng emperyo
 

Similar to Modyul 12 sistemang pulitikal sa asya

Modyul 18 _ehem_poltika
Modyul 18 _ehem_poltikaModyul 18 _ehem_poltika
Modyul 18 _ehem_poltika
Lyne Latawan
 
Modyul 18 ehem poltika
Modyul 18    ehem poltikaModyul 18    ehem poltika
Modyul 18 ehem poltika
南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4 Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4
DepEd Caloocan
 
AP7-U12.pdf
AP7-U12.pdfAP7-U12.pdf
AP7-U12.pdf
CaloyBautista
 
K 12 Grade8 AP LM Q4
K 12 Grade8 AP LM Q4K 12 Grade8 AP LM Q4
K 12 Grade8 AP LM Q4
Noel Tan
 
LAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docx
LAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docxLAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docx
LAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docx
Jackeline Abinales
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
南 睿
 
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asyaAng mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
jovelyn valdez
 
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)mj gemeniano
 
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
MaryJoyTolentino8
 
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)mj gemeniano
 
Ang Pamahalaan ng Pilipinas
Ang Pamahalaan ng PilipinasAng Pamahalaan ng Pilipinas
Ang Pamahalaan ng Pilipinas
Luzvie Estrada
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
EDWINCFUEGO
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
南 睿
 
Unit Plan III - Grade Six
Unit Plan III - Grade Six Unit Plan III - Grade Six
Unit Plan III - Grade Six
Mavict Obar
 
Aralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at Asya
Aralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at AsyaAralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at Asya
Aralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at Asya
SMAP_ Hope
 
Ang Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docx
Ang Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docxAng Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docx
Ang Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docx
Jackeline Abinales
 
Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)
Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)
Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)
Mildred Matugas
 
Ap gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modulesAp gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modulesApHUB2013
 

Similar to Modyul 12 sistemang pulitikal sa asya (20)

Modyul 18 _ehem_poltika
Modyul 18 _ehem_poltikaModyul 18 _ehem_poltika
Modyul 18 _ehem_poltika
 
Modyul 18 ehem poltika
Modyul 18    ehem poltikaModyul 18    ehem poltika
Modyul 18 ehem poltika
 
Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4 Gr 8 4th aralin 4
Gr 8 4th aralin 4
 
AP7-U12.pdf
AP7-U12.pdfAP7-U12.pdf
AP7-U12.pdf
 
K 12 Grade8 AP LM Q4
K 12 Grade8 AP LM Q4K 12 Grade8 AP LM Q4
K 12 Grade8 AP LM Q4
 
LAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docx
LAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docxLAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docx
LAS MGA URI NG PAMAHALAAN.docx
 
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth QuarterAraling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
Araling Asyano Learning Module - Fourth Quarter
 
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asyaAng mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
Ang mga pagbabago sa timog at kanlurang asya
 
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
 
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
ARALIN 18 III-Balangkas ng mga Pamahalaan sa mga bansa sa Timog at kanlurang ...
 
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
Sistemangpulitikalsaasya 120126051234-phpapp01 (1)
 
Ang Pamahalaan ng Pilipinas
Ang Pamahalaan ng PilipinasAng Pamahalaan ng Pilipinas
Ang Pamahalaan ng Pilipinas
 
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
This module is for the teachers who wanted to use in teaching araling panlipu...
 
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
Modyul 18   mga ideolohiyang laganapModyul 18   mga ideolohiyang laganap
Modyul 18 mga ideolohiyang laganap
 
Unit Plan III - Grade Six
Unit Plan III - Grade Six Unit Plan III - Grade Six
Unit Plan III - Grade Six
 
Aralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at Asya
Aralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at AsyaAralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at Asya
Aralin 11 Ang mga pagbabago ng sa Timog at Asya
 
Ang Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docx
Ang Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docxAng Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docx
Ang Kahulugan ng Ideolohiya (Repaired).docx
 
Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)
Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)
Aralin panlipunan modyul 21. pamahalaan at kapangyarihan (1)
 
Gr 8 4th aralin 3
Gr 8 4th aralin 3 Gr 8 4th aralin 3
Gr 8 4th aralin 3
 
Ap gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modulesAp gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modules
Ap gr. 8 q4 ( module 4) - grade 8 learning modules
 

More from 南 睿

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
南 睿
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
南 睿
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
南 睿
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
南 睿
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
南 睿
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
南 睿
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
南 睿
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
南 睿
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
南 睿
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
南 睿
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
南 睿
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
南 睿
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
南 睿
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
南 睿
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
南 睿
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
南 睿
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao
南 睿
 

More from 南 睿 (20)

Paggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunianPaggamit ng mga primaryang sanggunian
Paggamit ng mga primaryang sanggunian
 
AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)AP curriculum guide (as of may 2011)
AP curriculum guide (as of may 2011)
 
AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)AP curriculum guide (as of may 2016)
AP curriculum guide (as of may 2016)
 
AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)AP curriculum guide (as of december 2013)
AP curriculum guide (as of december 2013)
 
AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)AP curriculum guide (as of january 2012)
AP curriculum guide (as of january 2012)
 
K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012K to 12 toolkit 2012
K to 12 toolkit 2012
 
Disaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manualDisaster risk reduction resource manual
Disaster risk reduction resource manual
 
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
Gr 8 q1( teaching guide 1 part 2)
 
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
Gr 8 q1 (teaching guide1 part 1)
 
Gr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tgGr 8 4th intro march 25 tg
Gr 8 4th intro march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tgGr 8 4th aralin 4 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tgGr 8 4th aralin 3 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 3 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tgGr 8 4th aralin 1 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 1 march 25 tg
 
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8  q3 ( teaching guide 3)docGr 8  q3 ( teaching guide 3)doc
Gr 8 q3 ( teaching guide 3)doc
 
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
Gr 8  q2 ( teaching gude 2)Gr 8  q2 ( teaching gude 2)
Gr 8 q2 ( teaching gude 2)
 
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third QuarterAraling Asyano Learning Module - Third Quarter
Araling Asyano Learning Module - Third Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second QuarterAraling Asyano Learning Module - Second Quarter
Araling Asyano Learning Module - Second Quarter
 
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First QuarterAraling Asyano Learning Module - First Quarter
Araling Asyano Learning Module - First Quarter
 
Modyul 24 karapatang pantao
Modyul 24   karapatang pantaoModyul 24   karapatang pantao
Modyul 24 karapatang pantao
 

Modyul 12 sistemang pulitikal sa asya

  • 1. 1 ARALING PANLIPUNAN II (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 12 SISTEMANG PULITIKAL SA ASYA BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
  • 2. 2 MODYUL 12 SISTEMANG PULITIKAL SA ASYA Maraming bansang Asyano ang nagkamit ng kalayaan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Yun nga lamang, ilan lamang sa mga ito ang naging mapayapa ang proseso ng pagbabagong pulitikal. Naging mahirap para sa karamihan ng mga bansa ang matupad. Maraming mamamayan sa maraming bansang ito sa Asya ang kinailangang magbigay ng kanilang buhay para lamang maganap ang mga pagbabagong ito. Ang iba naman ay kinailangang maghiwa-hiwalay dahil sa pagkakaiba ng paniniwala at pananampalataya. Higit sa lahat, ang mga Asyano ay hindi tunay na inihanda ng mga kolonyalista para sa pagsasarili sa maraming kadahilanan (Tignan na lamang ang kaso ng Pilipinas). Gayunpaman, ginawa ng mga Asyano ang lahat ng maaari nilang gawin upang magawang pamahalaan ang kanilang mga sarili upang mapanatili ang kalayaang kanilang pinaghirapan at hinintay sa matagal na panahon. Sa modyul na ito ay pag-aaralan natin ang mga sistemang pulitikal na itinatag ng mga Asyano. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sumusunod na aralin: Aralin 1: Mga Uri ng Pamahalaan sa Asya Aralin 2: Ang Sistemang Pulitikal ng Ilang Bansa sa Asya Aralin 3: Mga Katangian ng Mabuting Pinuno Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal ng mga bansa sa Asya; 2. Maaanalisa ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal sa Asya; 3. Mapapanindigan ang karapatang magkaroon ng mabuting pamahalaan; at 4. Masusuri ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansang Asyano.
  • 3. 3 Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa iyo. PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Batasang Pambansa sa Japan. A. Diet B. Mataas na Kapulungan C. Mababang Kapulungan D. Sharia 2. Ang sagradong batas ng Islam. A. Maragtas B. Kalantyaw C. Sharia D. Diet 3. Tawag sa mga rehiyon sa Japan na binubuo ng mga lungsod, bayan, at pamayanan. A. Prefecture B. Sangguniang Bayan C. Diet D. Sharia 4. Pamahalaang pinamumunuan ng isang tao at gumagamit ng dahas at pamimilit. A. monarkiya B. diktadurya C. oligarkiya D. demokrasya 5. Ang pamahalaan ng mga tao, para sa tao, at sa pamamagitan ng tao. A. monarkiya B. diktatoryal C. oligarkiya D. demokrasya
  • 4. 4 6. Sistemang pulitikal sa Sri Lanka. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 7. Sistemang pulitikal sa Jordan. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 8. Sistemang pulitikal sa Tsina. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 9. Sistemang pulitikal sa Malaysia. A. Republikang Parliyamentaryo B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 10. Sistemang pulitikal sa Brunei. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato
  • 5. 5 11. Sistemang pulitikal sa Indonesia. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 12. Sistemang pulitikal sa Cyprus. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 13. Sistemang pulitikal sa Israel. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 14. Sistemang pulitikal sa Iran. A. Komunista B. Republikang Islamik C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 15. Sistemang pulitikal sa Turkey. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato
  • 6. 6 16. Sistemang pulitikal sa Maldives. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 17. Sistemang pulitikal sa Taiwan. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 18. Sistemang pulitikal sa Timog Korea. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 19. Sistemang pulitikal sa Pilipinas. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato 20. Sistemang pulitikal sa Lebanon. A. Komunista B. Republika C. Monarkiyang Konstitusyunal D. Sultanato
  • 7. 7 ARALIN 1 MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA Sa araling ito ay bibigyan ka ng ideya hinggil sa mga uri ng pamahalaan na mayroon sa mga bansa sa Asya. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang iba’t ibang sistemang pulitikal sa mga bansa sa Asya; 2. Matutukoy ang pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal sa mga bansa sa Asya; at 3. Makakapagsurmisa ng mga posibilidad kung bakit gayon ang mga sistemang pulitikal sa Asya. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pinag-aralan mo ang ilan sa mga uri ng pamahalaan noong ikaw ay nag-aaral pa lamang sa unang taon sa mataas na paaralan. Anu-ano ang mga ito? Ilarawan ang bawat isa. ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 8. 8 Ang Mga Sistema ng Pamamahala sa Iba’t Ibang Bansa sa Asya May iba’t ibang sistema ng pamamahala sa mga bansang Asyano. Ito ang mga sumusunod: Bansa Pamahalaan A. Timog Kanlurang Asya 1. Afghanistan Dating Komunista – nasa transisyon 2. Bahrain Monarkiyang Tradisyunal/ Emir 3. Cyprus Republika 4. Iran Republikang Islamik 5. Iraq Republika 6. Israel Republika 7. Jordan Monarkiyang Konstitusyunal 8. Kuwait Monarkiyang Konstitusyunal 9. Lebanon Republika 10. Oman Monarkiyang Absolute/Sultanato 11. Qatar Monarkiyang Tradisyunal 12. Saudi Arabia Monarkiyang may Konseho ng mga Ministro 13. Syria Republika (sa ilalim ng militar) 14. United Arab Emirates Pederasyon ng mga Emirate 15. Yemen Republika 16. Turkey Republika B. Timog Asya 1. Bangladesh Republikang Parliyamentaryo 2. Bhutan Monarkiya 3. India Republikang Pederal 4. Maldives Republika 5. Nepal Monarkiyang Konstitusyunal 6. Pakistan Republikang Parliyamentaryo-Pederal
  • 9. 9 7. Sri Lanka Republika C. Silangang Asya 1. People’s Republic of China Komunista 2. Japan Republikang Parliyamentaryo 3. Hilagang Korea Komunista 4. TImog Korea Republika 5. Taiwan Republika D. Timog Silangang Asya 1. Brunei Sultanato 2. Myanmar Pamahalaang Militar 3. Indonesia Republika 4. Kampuchea (Cambodia) Monarkiyang Konstitusyunal 5. Laos Komunista 6. Malaysia Republikang Parliyamentaryo – Pederal 7. Pilipinas Republika 8. Singapore Republika 9. Thailand Monarkiyang Konstitusyunal 10. Vietnam Komunista 11. Timor Leste (East Timor) Republika E. Hilagang Asya 1. Kazakhstan Republika 2. Kyrgyztan Republika 3. Siberia Komunista 4. Tajikistan Republikang Parliyamentaryo 5. Turkmenistan Republika 6. Uzbekistan Republika
  • 10. 10 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Gumawa ng talaan ng bilang ng mga bansa sa Asya na may magkakatulad na uri ng pamahalaan. Mga Rehiyon sa AsyaUri ng Pamahalaan TKA TA SA TSA HA Kabuuang Bilang Republika Republikang Pederal/ Parliyamentaryo Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal Monarkiyang Konstitusyunal Komunismo Sultanato Legend: • TKA – Timog-Kanlurang Asya • TA - Timog Asya • SA - Silangang Asya • TSA – Timog-Silangang Asya • HA - Hilagang Asya B. Isulat ang uri ng pamahalaan na nangunguna at nahuhuli sa bawat rehiyon sa Asya. Rehiyon Nagungunang uri ng Pamahalaan Uri ng Pamahalaan na Pinakakaunti ang Gumagamit Timog-Kanlurang Asya Timog Asya Silangang Asya Timog-Silangang Asya Hilagang Asya
  • 11. 11 C. Matapos mong mapunan ang dalawang talahanayan, sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anong uri ng pamahalaan ang nangunguna sa buong Asya? __________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Anong uri ng pamahalaan ang nahuhuli sa buong Asya? ______________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Mga Sistema ng Pamahalaan sa Asya Bakit ang uri ng pamahalaang ito ang nangunguna? Bakit ito naman ang nahuhuli? Ano ang mayroon sa kanya na wala sa iba? Sa susunod na paksa ay makikita mo ang mga pagkakaiba ng mga sistemang pulitikal na nabanggit sa naunang seksyon ng araling ito. 1. Republika Sa isang republika, ang tao ang makapangyarihan. Ang mga namumuno sa pamahalaan ay itinuturing lamang na mga kinatawan ng mga taong naghalal sa kanila sa posisyon. Kung ang isang republika ay sistemang: • Presidensyal – ang pinuno ng buong estado ay ang pangulo. • Parliyamentaryo – ang pinuno ng buong estado ay ang pinunong ministro. • Unitaryo – saklaw ng pamahalaang pambansa/nasyonal ang pamahalaang lokal. • Pederal – may awtonomiya ang pamahalaang lokal mula sa pamahalaang pambansa/nasyonal. 2. Monarkiya Ang isang monarkiya ay pinamumunuan ng isang lider na nagmula sa lahi ng mga dugong bughaw. May dalawang uri ng monarkiya:
  • 12. 12 • Monarkiyang Absolut – ang lahat ng kapangyarihan ay nasa pinuno. • Monarkiyang Konstitusyunal – ang pinuno ay may limitadong kapangyarihan. 3. Diktatoryal Sa isang sistemang diktatoryal, iisang tao ang namumuno. Karaniwang gumagamit ito ng dahas at pamimilit. 4. Komunismo Sa sistemang ito, walang indibidwal ang may pag-aari; ang lahat ay pag-aari ng bansa. Ito ay karaniwang kumikilos sa prinsipyong “From each according to his abilities, and to each according to his needs.” 5. Sosyalismo Sa sistemang ito, ang isa sa pundamental na layunin ng pamahalaan ay ang pagkontrol sa ekonomiya. 6. Emirate Ang sistemang ito ay pinamumunuan ng isang emir, prinsesa, o prinsipe mula sa lahi ni Muhammad. 7. Sultanato Sa sistemang ito, hawak ng sultan ang buong kapangyarihan.
  • 13. 13 Tandaan Mo! Ang mga sistemang pulitikal sa Asya ay ang mga sumusunod: • Republika • Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal • Monarkiyang Konstitusyunal • Komunismo • Sultanato Gawain 3: Paglalapat Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo ang talata. Republika, (1) _______________ ang tawag kapag ang Pangulo ang pinuno ng estado at (2) _______________ naman kapag ang namumuno sa gabinete ay ang Punong Ministro. Saklaw ng pamahalaang pambansa ang pamahalaang lokal sa sistemang (3) _______________. Malaya naman sa isa’t isa ang pamahalaang lokal at pang-estado sa sistemang (4) _______________. (5) ________________ ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng iisang tao na gumagamit ng dahas at pamimilit. Samantalang ang pamamaraan ng pagkontrol ng produksyon at distribusyon ng isang bansa ay ang tinatawag na (6) _____________. Monarkiyang (7) ________________ ang tawag kapag limitado ang kapangyarihan ng pinuno at monarkiyang (8) ________________ kung labis ang kanyang kapangyarihan. Sa Sultanato, hawak ng (9) __________________ ang kapangyarihan samantalang mga (10) _________________ naman ang namumuno sa pamahalaang Emirate.
  • 14. 14 ARALIN 2 MGA SISTEMANG PULITIKAL SA ILANG BANSA SA ASYA Sa araling ito, matutunghayan mo ang sistemang pulitikal sa ilang piling bansa sa Asya. Makikita mo ang relasyon ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan ayon sa magkakaibang sistemang pulitikal. Matapos ang araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga pangunahing elemento ng pagkakaiba ng mga ugnayan ng mga sangay ng pamahalaan sa magkakaibang sistemang pulitikal; 2. Maipaliliwanag kung bakit gayon ang pagkakaiba ng relasyon ng mga sangay ng pamahalaan base sa pagkakaiba ng sistemang pulitikal; at 3. Makapipili ng higit na mabuting uri ng pamahalaan para sa PIlipinas base sa ilang konsiderasyon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Sa palagay mo, may posibilidad ba na magkapareho ang mga sistemang pulitikal sa Asya? Bakit? Bakit hindi? ________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________
  • 15. 15 Organisasyong Pulitikal ng India Sa ilalim ng Konstitusyon ng India, ang Korte Suprema ang pinakamataas na tribunal sa bansa. Ito ay may kapangyarihan na ideklara na ang isang gawain ay labag sa konstitusyon. Sa ilalim ng republikang pederal, ang sistemang parliyamentaryo ang sinusunod. Ito ay binubuo ng mataas na kapulungan o Rajva Sabha na binubuo ng mga kinatawang hinalal ng mga miyembro ng lehislatura ng estado at ang mababang kapulungan o Lok Sabha na binubuo ng mga kinatawang hinalal ng mga tao sa bawat distrito. Ang mga miyembro ng gabinete at minister ng konseho naman ay nagmumula sa Lok Sabha. Ayon sa Konstitusyon ng India, ang lahat ng mamamayan nito ay may karapatang bumoto, marunong mang bumasa o hindi. Ang sentro ng pamahalaang Indian ay nasa New Delhi. Ang Organisasyong Pulitikal ng Pakistan Ang pagkakabuo ng Pakistan ang kauna-unahang pagkakataon sa makabagong panahon na naitatag ang isang pamayanang pulitikal na naaayon sa iisang uri ng pananalig. Si Muhammad Ali Jinnah (Quaid-e-Azam), lider ng pamayanang Indiang Muslim ang namuno sa pagpupumilit ng pagkakaroon ng nahihiwalay na estado ng mga Indiang Muslim. Itinatag niya ang Al-Indian Muslim League noong 1906 at siya ang naging unang gobernador-heneral ng bansa nang ito ay mapagkalooban ng kasarinlan. Ang pangalang Pakistan ay binuo ni Choudhary Rahmat Ali na kumakatawan sa apat na lalawigan ng Sind, Baluchistan, Punjab, at ng hilaga at kanlurang bahagi nito. Ang Pakistan ay binubuo ng dalawang magkahiwalay na estadong Kanlurang Pakistan at SIlangang Pakistan. Sa pagsisimula ng kanilan kasarinlan, at habang binubuo ang konstitusyon ng bansa, namatay si Ali Jinnah. Dahil sa kawalan ng gabay ng isang dakilang lider, ang bansa ay unti-unting nasalikupan ng mga kontrobersyang konstitusyunal hanggang sa ito ay malubog sa isang malalang suliranin.
  • 16. 16 Ang mga suliranin sa pagbuo ng konstitusyon ng Pakistan ay iminumungkahi ang mga sumusunod: • Na bilang isang estadong Muslim, ang bansa ay kailangang sumunod sa mga prinsipyong Islam. • Na bilang isang lipunang Islamik, ang lipunan nito ay kailangang maging malaya para sa mga Muslim at di-Muslim. • Ang pagbabalik sa gawing imperyong Arab sa ilalim ng gabay ng Ulama ay kailangang maging malaya para sa mga Muslim at di-Muslim. • Ang pagbabalik sa gawing imperyong Arab sa ilalim ng gabay ng Ulama bilang isang grupo. • Ang pagbabalik sa kasulatan ng Koran. Ang Pakistan ay naging isang republikang parliyamentaryo noong 1956, hanggang sa ito ay mapasailalim sa isang diktaturyang military sa pamumuno ni Heneral Ayub Khan noong 1969. Sa ilalim ng pamumuno ni Yahya Khan, naitatag ang nagsasariling Silangang Pakistan na ngayon ay Bangladesh. Ito ay naitatag matapos ang isang madugo at mainit na pakikidigma sa Kanlurang Pakistan. Organisasyong Pulitikal sa Bangladesh Ang nag-iisang wikang Bengali ang naging malakas na armas ng mga Bengal upang matamo ang kanilang kasarinlan. Mula sa Pakistan noong 1971, sa ilalim ng pamumuno ni Shiek Mujibur Rahman, ang bansa ay binubuo ng 64 na distrito na may limang dibisyon. Bilang isang demokrasya, ang bansa ay naging magulo dala ng hindi matatag na pamahalaang lagi nang may mga pagkakagulo, pag-aaklas, at demonstrasyon.
  • 17. 17 Sistemang Pulitikal sa Bansang Hapon Ang emperador ay panseremonya lamang at nagsisilbing simbolo ng pamahalaan at tanging nag-uugnay ng nakaraan sa nakalipas sa Monarkiyang Konstitusyunal ng bansang Hapon. Ang konstitusyon ng bansang Hapon ay isinulat matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naisabatas noong taong 1947 ng Diet, ang parliyamento ng bansang Hapon. Dahil sa ito ay ibinalangkas ng mga Amerikano, ipinapahayag nito ang kapangyarihan ng mga mamamayan at ginagarantiya ang karapatang pulitikal ng mga tao. Emperador Parlyamento/ Diet Kapulungan ng mga Kinatawan Kapulungan ng mga Konsehal Mga Miyembro ng Gabinete Punong Ministro Mga Lokal na Opisyal
  • 18. 18 Ang Ehekutibo Ang pambansang patakaran ng pamahalaan ay isinasaayos at isinasagawa ng punong ministro at ng kanyang cabinet na inihalal ng Diet. Ang Lehislatura Ang Diet ay binubuo ng House of Councilors at ng House of Representatives. Ang nauna ay binubuo ng 252 miyembro na inihalal para sa anim na taong panunungkulan. Ang House of Representatives naman ay binubuo ng 511 miyembro na kumakatawan sa 124 na distrito na inihalal para sa apat na taong panunungkulan. Ang Hukuman Ang sangay na ito ng pamahalaan ay indipendyente. Ito ay pinamumunuan ng punong mahistrado na inihalal ng gabinete at itinalaga naman ng emperador at iba pang 15 mahistrado na itinatakda naman ng mga miyembro ng gabinete. Ang Pamahalaang Komunista ng Tsina Tatlong pangunahing Suporta ng Rehimen Ang Partido Ito ang siyang kumokontrol sa pamahalaan, sa hukbo, at sa masang bumubuo sa selda ng partido. Ipinapakita ng piramideng dayagram sa ibaba na binubuo ng masa ang pundasyon nito. Ito ay sinusundan naman ng National Party Congress na binubuo ng may 1000 miyembro na ginaganap ng komiteng sentral na binubuo ng Chairman, 5 Vice Chairman, Secretariat, at ng Politburo na siya namang nagpapaganap ng mga alituntunin at kautusan ng pamahalaan.
  • 19. 19 Ang partido ay natatanikalaan ng prinsipyong democratic centralism. Sa prinsipyong ito, ang mga patakaran ng partido ay maaaring pagtalunan sa lahat ng lebel hanggang sa ito ay madesisyunan at ang anumang desisyong mabuo nito ay kailangang sundin ng mga miyembro nito, pababa. Ipinahihiwatig nito ang higit na pagbibigay-diin sa sentralismo kaysa demokrasya. Ang Pamahalaan Ang administrasyon ay nahahati sa 22 lalawigan, limang rehiyong awtonomus at tatlong lungsod. Ang pamahalaan ay siyang naglalabas ng mga isyu at nagpapatupad ng mga patakaran ng partido sa pamamagitan ng State Council. Ang State Council ay katumbas ng gabinete na binubuo ng premier, mga ministro, at mga puno ng mga departamento ng pamahalaan at ahensya. Ang Hukbo Ang hukbong sandatahan ng Tsina ay higit na kilala sa pangalang Red Army. Ang hukbong ito ay kinokontrol ng Chairman na siya ring umaakto bilang pinuno ng National Defense Council. Politburo Secretariat Central Committee National Party Congress Provincial Party Congress Paty Cells Chairman
  • 20. 20 Sistemang Pulitikal sa Malaysia Natamo ng Pederasyong Malaysia ang kasarinlan noong 1957 nang ito ay binubuo pa ng Singapore, Sarawak, at Sabah. Ang pinuno ng pederasyon ay tinatawag na Yang di Peruan Agong na ang kahulugan ay Paramount Ruler o Pinakamataas na Pinuno. Siya ay inihalal para manungkulan na sultan nang limang taon. Ang parliyamento ng Malaysia ay binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang gabinete ay pinamumunuan ng punong ministro na siyang tagapayo ng pangulo. Si Tunku Abdul Rahman ang naging kauna-unahang punong ministro ng bansa. Sistemang Pulitikal sa Saudi Arabia Monarkiya ang porma ng pamahalaan ng Saudi Arabia. Ang Sagradong Batas ng Islam na Sharia ang kanilang sinusunod. Ang batas na ito ay naaayon sa mahigpit na interpretasyon na isinasagawa sa pamamagitan ng isang seremonya na tinatawag na Hambali. Ang gawain ay pinamumunuan ng isang ulama o mga marurunong na lider-ispiritwal. Sila ay walang nakasulat na konstitusyon. Walang hiwalay na batasan at wala ring partido pulitikal. Ang hari ng Saudi Arabia ang: • Pinuno ng Pamahalaan • Pinakamataas na lider ng simbahan • Gumaganap na punong ministro • Nagpapalabas ng mga dikretong Royal • Pumipili sa mga Ministro Bagaman mayroon silang konseho ng Shura, wala naman itong kapangyarihang gumawa ng mga batas. Ang sistemang panghukuman nila ay itinatadhana ng Sharia na hango sa Koran at Sunna, mga tradisyong pinasimulan ni Muhammad. Ang pagpapalit sa trono ay hindi namamana. Ito ay pinipili buhat sa pamilya royal ng Saudi pagkatapos gawin ang konsultasyon sa mga pinuno ng simbahan at pamahalaan.
  • 21. 21 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ilagay sa paligid ng Hari ng Saudi Arabia ang mga kapangyarihang taglay niya. 1. 2. 3. 4. 5. B. Tukuyin ang inilalarawan na matatagpuan sa ginulong mga titik. 1. Ang kauna-unahang punong ministro ng India. 2. Ang kauna-unahang punong ministro ng Pakistan. 3. Ang namumuno sa Tsina. 4. Ang mababang kapulungan ng pamahalaang pederal ng India. 5. Ang mataas na kapulungan ng pamahalaang pederal ng India. EURHN NNAHIJ ILA MANICHA AHBAS AHBAS Hari ng Saudi Arabia
  • 22. 22 6. Parliyamento ng bansang Hapon. 7. Hukbong sandatahan ng komunistang Tsina. 8. Ang pinuno ng pederasyong Malaya. 9. Ang kauna-unahang punong ministro ng Malaysia. 10. Uri ng pamahalaan sa Saudi Arabia. Tandaan Mo! Ang bansang Hapon ay isang Monarkiyang Konstitusyunal. Ang India ay isang Republikang Pederal. Ang Tsina ay isang Komunistang bansa. Ang Malaysia ay isang Republikang Parliyamentaryo. Ang Saudi Arabia ay isang Monarkiya. TEID DRE MYRA NAGY DI NUTEPRA NOGGA UKNUT DBAUL HRANAM MNOAKYIAR
  • 23. 23 Gawain 3: Paglalapat Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. Sa iyong palagay, magiging epektibo ba sa Pilipinas ang mga sistema ng pamahalaan sa mga bansang nabanggit sa araling ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. ARALIN 3 MGA KATANGIAN NG MABUTING PINUNO Malaki ang nagagawa ng uri ng sistemang pampulitika ng bansa sa pag-unlad nito subalit higit na malaki ang papel na ginagampanan ng isang pinuno. Sa mga kamay niya nakasalalay ang kinabukasan ng buong sambayanan. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang mga katangian ng isang mabuting pinuno; at 2. Makapag-eebalweyt ng mga lider alinsunod sa mga katangiang ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ano ang mga katangian ng isang mabuting pinuno? Isipin mo ang isang lider o pinuno na iyong iniidolo. Anu-ano ang kanyang mga katangian. Isa-isahin mo ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
  • 24. 24 Mga Katangian ng Isang Mabuting Pinuno Anu-ano nga ba ang katangian ng isang mabuting pinuno. Ang ilan sa mga katangiang ito ay ang mga sumusunod: • Matatag • Disiplinado • Matalino • Hindi namumulitika • Hindi maluho • Hindi makasarili • Nakapagpaplano nang maayos • May pananaw upang ipatupad ang mga layunin • Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali • Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Tukuyin ang mga katangian ng isang mabuting pinuno. Kung may nais ka pang idagdag, mas mabuti. Tandaan Mo! Hindi lahat ng pinuno ay nagiging mabuti. Nararapat lamang na may mga katangian silang makatutulong upang sila ay maging mga mabuting pinuno.
  • 25. 25 Gawain 3: Paglalapat A. Tukuyin ang maaaring maging epekto kung taglay ng isang pinuno ang mga katangiang tinalakay natin sa araling ito. Magbigay ng tatlo. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno. B. Tukuyin ang maaaring maging epekto kung hindi taglay ng isang pinuno ang mga katangiang tinalakay natin sa araling ito. Magbigay ng tatlo. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
  • 26. 26 MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipan na dapat mong tandaan tungkol sa modyul na ito: Ang mga sistemang pulitikal sa Asya ay ang mga sumusunod: • Republika • Monarkiyang Absolut/ Tradisyunal • Monarkiyang Konstitusyunal • Komunismo • Sultanato Ang bansang Hapon ay isang Monarkiyang Konstitusyunal. Ang India ay isang Republikang Pederal. Ang Tsina ay isang Komunistang bansa. Ang Malaysia ay isang Republikang Parliyamentaryo. Ang Saudi Arabia ay isang Monarkiya. Ang ilan sa mga katangian ng isang mabuting pinuno ay ang mga sumusunod: • Matatag • Disiplinado • Matalino • Hindi namumulitika • Hindi maluho • Hindi makasarili • Nakapagpaplano nang maayos • May pananaw upang ipatupad ang mga layunin • Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali • Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan
  • 27. 27 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Pamahalaang pinamumunuan ng iisang tao at gumagamit ng dahas at pananakot. A. Diktadurya B. Monarkiya C. Republika D. Parliyamentaryo 2. Batasang Pambansa ng bansang Hapon. A. Politburo B. National Secretariat C. Diet D. Emirate 3. Ang pamahalaan ng mga tao, para sa tao, at sa pamamagitan ng mga tao. A. Republika B. Demokrasya C. Monarkiya D. Komunista 4. Ang sistema ng pamahalaan sa bansang Hapon. A. Monarkiyang Konstitusyunal B. Komunista C. Diktadurya D. Oligarkiya 5. Ang sagradong batas ng Islam. A. Sharia B. Kodigo ni Maragtas C. Kodigo ni Kalantyaw D. Konstitusyon
  • 28. 28 6. Sistemang pulitikal ng Sri Lanka. A. Monarkiya B. Republika C. Diktadurya D. Komunista 7. Sistemang pulitikal sa Jordan. A. Komunista B. Monarkiyang Konstitusyunal C. Sultanato D. Diktadurya 8. Sistemang pulitikal sa Tsina. A. Sultanato B. Komunista C. Diktadurya D. Monarkiya 9. Sistemang pulitikal sa Brunei. A. Komunista B. Sultanato C. Diktadurya D. Monarkiya 10. Sistemang pulitikal sa Malaysia. A. Komunista B. Republikang Parliyamentaryo C. Diktadurya D. Monarkiya
  • 29. 29 11. Tawag sa mga rehiyon sa Japan na binubuo ng mga lungsod, bayan, at pamayanan. A. Diet B. Sangguniang Bayan C. Prefecture D. Sharia 12. Sistemang pulitikal sa Pilipinas. A. Komunista B. Monarkiyang Konstitusyunal C. Republika D. Sultanato 13. Ang sumusunod ay ang tatlong suporta ng rehimeng komunista sa Tsina maliban sa isa: A. Pamahalaan B. Partido C. Diet D. Hukbo 14. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting pinuno maliban sa isa: A. modelo ng kabutihan B. matatag at disiplinado C. nagnanakaw sa kaban ng bayan D. matalino 15. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng hari ng Saudi Arabia maliban sa isa: A. pinakamataas na lider ng simbahan B. punong ministro C. kawal D. pinuno ng pamahalaan
  • 30. 30 GABAY SA PAGWAWASTO PANIMULANG PAGSUSULIT 1. A 2. C 3. A 4. B 5. D 6. B 7. C 8. A 9. A 10. D 11. B 12. B 13. B 14. B 15. B 16. B 17. B 18. B 19. B 20. B ARALIN 1: MGA URI NG PAMAHALAAN SA ASYA GAWAIN 1: Pag-isipan Mo! Ang mga sagot ay nasa ikalawang bahagi ng diskusyon sa araling ito. GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Mga Rehiyon sa AsyaUri ng Pamahalaan TKA TA SA TSA HA Kabuuang Bilang Republika 7 2 2 4 4 20 Republikang Pederal/ Parliyamentaryo 3 1 1 1 6 Monarkiyang Absolut/ tradisyunal 4 1 5 Monarkiyang Konstitusyunal 2 1 2 5 Komunismo 1 2 1 1 5 Sulatanato 1 1
  • 31. 31 B. Rehiyon Nangungunang Uri ng Pamahalaan Uri ng Pamahalaan na Pinakakaunti ang Gumagamit Timog-Kanlurang Asya Republika Republika Parliyamentaryo/Pederal Timog Asya Republikang Parliyamentaryo Komunismo Silangang Asya Republika/Komunismo Monarkiya Timog-Silangang Asya Republika Monarkiyang Absolut Hilagang Asya Republika Monarkiya GAWAIN 3: Paglalapat Maraming maaaring maging sagot sa katanungang ito. Ikonsulta ito sa iyong guro. ARALIN 2: ANG SISTEMANG PULITIKAL NG ILANG BANSA SA ASYA GAWAIN 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta ang sagot sa iyong guro. GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. 1. Pinuno ng Pamahalaan 2. Pinakamataas na lider ng simbahan 3. Gumaganap na Punong Ministro 4. Nagpapalabas ng dikretong royal 5. Pumipili sa mga Ministro
  • 32. 32 B. 1. Nehru 2. Ali Jinnah 3. Chairman 4. Lok Sabha 5. Rajva Sabha 6. Diet 7. Red Army 8. Yang di Pertuan Agong 9. Tonku Abdul Rahman 10. Monarkiya GAWAIN 3: Paglalapat Ikonsulta ang sagot sa iyong guro. ARALIN 3: MGA KATANGIAN NG MABUTING PINUNO GAWAIN 1: Pag-isipan Mo! Ikonsulta sa iyong guro. GAWAIN 2: Pagpapalalim ng Kaalaman (Maaari mo pa itong dagdagan.) • Matatag • Disiplinado • Matalino • Hindi namumulitika • Hindi maluho • Hindi makasarili • Nakapagpaplano nang maayos • May pananaw upang ipatupad ang mga layunin • Modelo ng kabutihang-asal at pag-uugali • Marunong makipagkasundo sa mga karatig-bansa na hindi isinasakripisyo ang kapakanan ng sariling bansang pinamumunuan GAWAIN 3: Paglalapat Ikonsulta sa iyong guro.
  • 33. 33 PANGHULING PAGSUSULIT 1. A 2. C 3. B 4. A 5. A 6. B 7. B 8. B 9. B 10. B 11. C 12. C 13. C 14. C 15. C