Ang relihiyong Kristiyanismo ay nagmula sa Judaismo at itinatag ni Hesukristo na isang Hudyo. Naniniwala ang mga Kristiyano na si Hesukristo ang Tagapagligtas na ipinangako ng Diyos, at ang kanilang mga turo ay ipinagpatuloy ng mga disipulo. Isa ito sa pangunahing relihiyon sa mundo, na nakasentro sa pagkilala kay Hesukristo bilang Anak ng Diyos at sa kanyang mga aral ukol sa kaligtasan at pagmamahal.