SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Download to read offline
Modyul 3: Pananakop ng Japan at ang Kapanganakan ng Bagong Republika
Mga Paksa:
1. Mga Alaala ng Pananakop ng Japan sa Pilipinas
2. Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan
4. Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act
at Military Bases Agreement
Tema: D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan
E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala
Bilang ng Oras: walo (8)
Alignment Matrix
Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang
nakapaloob
sa sanggunian?
Saang gawain
makakamit ang
kakayahan?
Anong level of
assessment
nakapaloob ang
gawain?
Bilang ng
oras
Mga Alaala ng
Pananakop ng
Japan sa Pilipinas
Minyong
Ordoñez,
We World War
II Kids can still
Remember,
2011
1. Nasasalaysay ang kondisyon
ng mga Pilipino sa panahon
ng pananakop
ng mga Hapones
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Knowledge
Skills/Processes
Understanding
1
1
Pamumuhay at
Pera sa Panahon
ng Ikalawang
Digmaang
Pandaigdig
Political
Cartoon at
Pera ng Hapon
2. Nailalarawan ang
pamumuhay ng mga
Pilipino noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig
3. Nasusuri ang mga epekto ng
pananakop ng Japan sa
Pilipinas
4. Napahahalagahan ang mga
naranasan ng mga Pilipino
sa panahon ng digmaan
5. Nababasa ang biswal na
sanggunian, ang mga pisikal
nitong katangian at ang
kahulugan at mensaheng
napapaloob sa mga ito
Gawain 4
Gawain 5
Gawain 8
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 5
Gawain 6
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 6
Gawain 9
Gawain 4
Gawain 5
Gawain 6
Gawain 7
Knowledge
Skills/Processes
Understanding
Skills/Processes
Understanding
Skills/Processes
Understanding
S/P/U
Understanding
Understanding
Understanding
Knowledge
Skills/Processes
Understanding
Knowledge
1
1
1
1
Pagtatatag ng
Republika
matapos ang
Digmaan
Tydings-
McDuffie Act,
1935
6. Naipaliliwanag ang
nilalaman ng mga batas at
kasunduan kaakibat sa
pagtatag ng Republika ng
Pilipinas noong 1946
7. Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa sanggunian
8. Nabubuo at naiaayos ang
buod ng impormasyon mula
sa mga sipi gamit ang
sariling salita
9. Nahihinuha ang mga datos
upang bumuo ng
konklusyon
10. Naipahahayag ang mga
nararapat na katangian at
hakbangin bilang
mamamayan sa pagkamit
ng mas matatag na
soberanya ng bansa
Gawain 10A
Gawain 10B
Gawain 10C
Gawain 10A,B,C
Gawain 11
Knowledge
Knowledge
Skills/Processes
Mga Kondisyon
ng Kasarinlan
base sa
Philippine Trade
Act at Military
Bases Agreement
Philippine Trade
Act, 1946
Military Bases
Agreement,
1947
Gawain 11
Gawain 11
Gawaing-
Paglalapat
Skills/Processes
Skills/Processes
Understanding
1
1
Pagganyak
a. Ipaskil ang mapa ng daigdig. Ipaturo ang lokasyon ng Pilipinas, Japan at United States.
b. Itanong ang kaugnayan ng tatlong bansa sa kasaysayan ng Pilipinas batay sa kanilang napag-
aralan sa nakalipas na modyul at nabasa sa batayang aklat.
c. Ipaskil ang callout icon. Ipabasa ang panuto sa modyul pahina ___.
d. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga mag-aaral sa paglagay ng sagot sa callout icon na itatala sa
kapirasong papel. Mga Inaasahang sagot ng mag-aaral: Natatakot ako! Ano ang mangyayari sa
Pilipinas? Lalaya pa ba tayo? Paano na ang ating kabuhayan?
e. Ipasagot ang pamprosesong tanong. Ang sumusunod ang inaasahang sagot sa mga ito:
1. Opo, tunay na naganap ito. 1941-1942
2. Natakot/ nangamba/ nag-alala sa magiging kahihinatnan ng bansa.
f. Ipaliwanag ang pangkalahatang tanong sa pagtalakay at pagsuri ng mga primaryang sanggunian
sa modyul. Ang tanong ay “Paano mo mailalarawan ang naging kondisyon ng mga Pilipinong
nakaranas ng pamamahala ng mga Hapones?”
g. Ipabasa ang mga kakayahan na inaasahang makakamit sa pag-aaral ng Modyul 3.
Pagtalakay sa Panimula
a. Talakayin ang panimula at kontekstong pangkasaysayan tungkol sa pananakop ng Japan at
kapanganakan ng bagong republika. Maaaring gumamit ng mapa ng daigdig at mga larawang
may kaugnayan sa pagsalakay ng mga Hapones hanggang sa panahon ng kanilang pamamahala
sa Pilipinas.
b. Ipaunawa ang timeline at graphic organizer na nasa Panimula.
c. Magbigay ng maikling pagsubok upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang
kontekstong pangkasaysayan.
Pagsuri sa mga Sanggunian:
Mga Alaala ng Pamamahala ng Japan ng ilang Karaniwang Pilipino
Sanggunian 1: We World War II Kids Can Still Remember
a. Ipabasa ang Sanggunian 1 – We World War II Kids Can Still Remember.
b. Bigyang-diin ang mga salita na nasa glosari.
c. Ipasagot ang sumusunod na gawain:
Gawain 1 – Pagbalik-Tanaw
1. Minyong Ordoñez 7. d
2. 5 taong gulang 8. c
3. Hapones 9. b
4. Majayjay, Laguna 10. Makapili
5. Naging malupit ang mga Hapones 11.
sa pananakop at pamamahala 12. Oo
sa Pilipinas. 15. Hindi
6. a
Gawain 2 – Para sa Akin
Mga inaasahang sagot:
Bakwet:
- Mahirap ang sitwasyon dahil naging malupit ang mga Hapones sa pakikitungo sa mga Pilipino.
- Hindi hadlang ang kanilang naging karanasan upang muling makamit ang maayos at
mapayapang pamumuhay
Tinubig:
- Malaking paghihirap at pagdurusa ang naramdaman ng mga Pilipino.
- Hindi sila naging makatao at makatarungan sa mga Pilipino at hindi na nararapat na maulit ang
pangyayaring ito.
Makapili:
- Taksil, walang malasakit sa kanyang mga kababayan.
- Oo dahil kumampi siya sa mga Hapones na humadlang sa pagkamit ng kalayaan ng bansa at
nagmalabis sa kanilang kapangyarihan.
Gawain 3 – Aral ng Kasaysayan
Mga inaasahang sagot:
1. Naghirap ang mga Pilipino dahil bagsak ang ekonomiya at huminto ang kalakalan.
Naging kalunos-lunos ang kanilang naging pamumuhay dahil sa pagmamalupit ng mga
Hapones.
2. Oo. Isang patunay ay ang pagtangkilik sa kultura at mga produktong gawa ng mga Hapones.
3. (Batay sa sagot ng mag-aaral) Oo, dahil hindi na mababago pa ang naganap na at nagsisi na
ang mga Hapones sa kanilang ginawa noong panahong iyon.
4. Hindi, dahil nananatili pa rin ang mga hindi malilimutang karanasan at salaysay ng mga
Pilipino nakasaksi at nakaranas nito.
5. Walang mabuting dulot ang digmaan at pananakop sa tao./ Nararapat na bigyang-halaga
ang mga karapatang pantao tulad ng pagiging malaya, mamahala, magmay-ari at iba pa./
Maging mabuting mamamayan.
Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Sanggunian 2 - “Not So Funny”, Political Cartoon.
a. Talakayin ang paksa tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
b. Bigyang-pansin ang Sanggunian 2 - “Not So Funny”, Political Cartoon.
c. Isunod ang gawaing pangklase na pinamagatang “Analyzing a Political Cartoon Series 2”.
Isaalang-alang ang sumusunod na panuto:
1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay muling hahatiin sa mas
maliliit na pangkat na may tatlong miyembro (triad).
2. Ipahanda sa bawat triad ang isang buong papel na gagamitin sa pagsagot ng mga
gawain.
3. Pagtuunan ng pansin ng Pangkat 1 ang ilustrasyon A sa Sanggunian 2. Samantala,
ang ilustrasyon B naman ang para sa Pangkat 2.
4. Ipasagot sa triad ang Gawain 4 at 5 batay sa itinalagang ilustrasyon sa bawat
pangkat. Ipaalala na ang bawat triad ay dapat magkasundo sa iisang sagot lamang.
5. Ihanda ang klase sa pagtalakay ng dalawang political cartoon batay sa sagot ng mga
piling triad.
6. Isunod ang pagsusuri ng sanggunian gamit ang mga tanong sa Gawain 6.
Mungkahi sa guro:
Sa mas epektibong pagtalakay ng sanggunian, palakihin ang political cartoon. Ipaskil
sa pisara at gumawa ng tsart batay sa Gawain 4 at 5 sa modyul.
d. Mga inaasahang sagot sa mga gawain:
Political Cartoon, Ilustrasyon A:
Gawain 4 – Pagtukoy sa Nilalaman ng Political Cartoon
1. Sundalong Hapones, batang nakagapos, dalawang taong nag-uusap, sundalong may
bayoneta
2. Caption: “Just one of those guerrilla suspects.”
Gawain 5 – Simbolismo sa Political Cartoon
Unang Tsart:
Sundalong Hapones – malupit na pakikitungo sa mga sibilyan
Batas nakagapos – pinagmamalupitan kahit inosenteng tao
Dalawang taong nag-uusap – Agarang paghuhusga nang hindi tiyak ang tunay na nangyari
Sundalong may bayoneta – pagiging malupit sa pagpapatupad ng batas
Pangalawang Tsart:
guerrilla suspects – Patungkol sa bata na pinaghinalaang may kaugnayan sa mga gerilya.
Ipinahihiwatig na maaaring maparusahan at mapagmaluputan kahit mga inosenteng tao
Pangatlong Tsart:
Mukha ng batang nakagapos – takot na takot; nangangamba kung ano ang mangyayari sa kanya.
Mukha ng sundalong Hapones – matapang; nagpapakita ng pagiging mabagsik
Mukha ng nakatayong tao – nagpapakita ng pagkagulat; may pagtataka sa nakitang sitwasyon
Gawain 6 – Mensahe ng Political Cartoon
1. Paghuli sa pinaghihinalaang miyembro ng gerilya
2. Kahit inosenteng tao, maaaring mapahamak at maparusahan
3. Oo, dahil tunay na nangyari ang ganitong sitwasyon.
4. Dalawang taong nag-uusap – Hindi dapat maghusga sa hindi tiyak ang tunay na
dahilan/pangyayari
Political Cartoon, Ilustrasyon B:
Gawain 4 – Pagtukoy sa Nilalaman ng Political Cartoon
1. Sundalong Hapones, Pinunong Hapones, Pilipinong nakagapos
2. “He crossed the city boundary with a pocketload of rice.”
Gawain 5 – Simbolismo sa Political Cartoon
Unang Tsart:
Pilipinong nakagapos – Pilipinong pinahirapan dahil sa pinaghinalaang nagnakaw ng bigas
Sundalong Hapones – nagpapakita ng kalupitan sa mga Pilipino
Pinunong Hapones – nagpapakita ng pagsang-ayon sa ginawang pagparusa sa Pilipino
Pangalawang Tsart:
pocketload of rice – Dahil lamang sa nakitang bigas sa bulsa ng Pilipino, malupit ang naging
parusa sa kanya.
Pangatlong Tsart:
Mukha ng Pilipinong nakagapos – hirap na hirap sa naging parusa sa kanya; nagpapakita rin ng
pagiging inosente sa ibinibintang sa kanya.
Mukha ng sundalong Hapones – nagpapakita na walang pagsisisi sa kanyang pagpaparusa
Gawain 6 – Mensahe ng Political Cartoon
1. Pagparusa sa pinaghinalaang nagnakaw ng bigas
2. (Malaya ang mga mag-aaral na makapagpahayag ng kanilang mga opinyon sa tulong ng
matalinong gabay ng guro.) Malupit ang nagiging parusa sa mga pinaghihinalaan na
nagkasala.
3. Oo, dahil tunay na nangyari ang ganitong sitwasyon.
Pilipinong nakagapos – Hindi nararapat na mangyari ito dahil nagpapakita ito ng kawalan ng
karapatang pantao
Sanggunian 3 – Japanese Invasion Money Notes
a. Ipabasa ang panimula tungkol sa paksang “Pera ng Pilipinas sa Panahon ng mga Hapones”.
b. Ipatala ang mga mahahalagang terminolohiya sa panimula. Ilan sa maaaring sagot ay Japanese
government-issued fiat peso, mickey mouse money at Block Letters. Hayaang ipaliwanag ng mga
mag-aaral ang naitalang salita.
c. Bigyang-pansin ang Sanggunian 3 - Japanese Invasion Money Notes
d. Ipasagot ang sumusunod na gawain:
Gawain 7 – Pagtukoy sa Artifact
1. Pera ng mga Pilipino sa panahon ng mga Hapones
2. Bagay na tuwirang ginamit ng mga Pilipino sa panahong iyon.
3. Nakasulat na “Japanese Government”
4. Simbolo ng Philippine Peso at bantayog ni Rizal
5. “P” para sa Pilipinas; “L” bilang pang-12 sa mga salaping papel na inilabas ng mga Hapones
Gawain 8 – Pagsuri ng Sanggunian
1. Upang gamitin ng mga Pilipino sa pagbili ng kanilang pangangailangan
2. Upang isipin ng mga Pilipino na hindi kaaway ang mga Hapones at may malasakit sila sa mga
Pilipino
3. Dahil halos walang halaga ang salapi at maitutulad lamang sa play money
4. Halos walang halaga ang mickey mouse money samantalang may tiyak na halaga ang salapi
sa kasalukuyan.
5. Magtipid, mag-impok, gastusin sa wastong paraan
e. Pagkaraang talakayin ang Gawain 7 at 8, ipaguhit sa bond paper ang Gawain 9 – Pinoy Idol of the
Year. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga mag-aaral sa pagkumpleto ng human icon organizer.
Mungkahi sa guro: Maaaring gawing takdang-aralin ang pagguhit ng human icon organizer sa
bond paper at pagsagot ng mga tanong sa Gawain 9.
f. Ipaskil ang isang malaking human icon organizer sa pisara.
g. Isunod ang pangkatang gawain na pinamagatang “Pinoy Idol of the Year”.
Isaalang-alang ang sumusunod na panuto:
1. Hatiin ang klase sa sampung pangkat. Pipili ng dalawang mag-aaral na magsisilbing
facilitator at tagatala sa bawat pangkat. Ang facilitator ang mangunguna sa daloy ng
pangkatang gawain.
2. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga miyembro ng bawat pangkat na maibahagi
ang kanilang nabuong human icon organizer.
3. Ipalista sa tagatala ang dalawang pinakamahalagang sagot sa bawat tanong sa
organizer.
h. Isunod ang talakayan at pagbubuo ng human icon organizer sa pisara batay sa inilista ng
secretary ng bawat pangkat.
i. Ipaugnay ang nabuong organizer sa pamagat ng pangkatang gawain na “Pinoy Idol of the Year”.
Ang sumusunod ay mga mungkahing tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa mga katangian ng Pilipinong nabuo sa human icon
organizer?
2. Maituturing ba siya na Pinoy Idol of the Year? Bakit mo nasabi?
3. Kaya ba ng tunay na Pilipino ang maging Pinoy Idol batay sa nabuong organizer?
Patunayan.
4. Maaari ka bang maging Pinoy Idol ng iyong mga kamag-aral? Sa paanong paraan?
j. Inaasahang sagot sa Gawain 9:
a. Maging makatao at igalang ang karapatan ng kapwa./ Iwasan ang maging dahilan ng
ikapahahamak ng iba.
b. Huwag hayaan na ipagwalang bahala ang aking mga karapatan.
c. Ako ay Pilipino at ito ang aking lahi.
d. Huwag hayaan na tuwirang makialam ang mga dayuhan sa Pilipinas/Ipagtanggol ang
teritoryo ng bansa/
k. Ipapasa ang mga indibidwal na gawang human icon organizer. Isaalang-alang ang pamantayan
sa pagmamarka ng organizer gamit ang rubric sa pahina ______.
Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan
Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement
a. Sa pagtalakay sa bagong yugto sa kasaysayan ng Pilipinas, ipaskil ang episodic organizer bilang
balik-aral.
b. Ipasagot ang episodic organizer na pinamagatang “Chronology Drill Level Up”. Isaalang-alang
ang sumusunod na panuto para sa drill na ito:
1. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng paglalagay
ng arrow sa mga bilog. Ito ang sagot.
2. Punan ang kahon ng mga angkop na salita o detalye tungkol sa nasabing pangyayari. Ang
sumusunod ay mga mungkahing salita o detalye na maaaring itala sa kahon ng bawat
pangyayari:
Benevolent Assimilation, Pangulong Quezon, 10 taong transisyon
mickey mouse money, Flag Law, Diyembre 8, 1941
a. Sa pagtatapos ng gawain, ipabigyang-pansin na walang salita o detalye ang itinala sa loob ng
kahon para sa Ikatlong Republika. Ito ay dahil ang susunod na talakayan ay patungkol sa Ikatlong
Republika.
b. Bago talakayin ang Sanggunian 4, linawin sa mga mag-aaral ang dahilan ng pagkakabilang ng
Tydings-McDuffie Act sa modyul na ito. Isaalang-alang ang sumusunod na paglilinaw:
1. Talakayin ang maikling kasaysayang may kaugnayan sa Tydings-McDuffie Act batay
sa sumusunod na datos:
1934 – Ipinasa ang Tydings-McDuffie Act na nagsasaad ng mga probisyon tulad ng:
a. Pagkakaroon ng halalan ng mga kinatawan na magiging miyembro
ng Kumbensyong Konstitusyunal na bubuo ng Saligang Batas ng
Pamahalaang Komonwelt.
Pamamahala
ng United States
sa Pilipinas
Panahon
ng Komonwelt
Pananakop
ng Japan
Pagtatag
ng Ikatlong
Republika
b. Pagpasa ng Saligang Batas na nabuo ng kumbensyon sa pangulo ng
United States upang tiyakin kung naaayon ito sa mga probisyon ng
Tydings-McDuffie Act.
c. Pagkakaroon ng plebisito upang pagbotohan ng mga mamamayan
kung tatanggapin o tatanggihan ang nabuong Saligang Batas.
d. Pagsagawa ng halalan sa pagkapangulo at ang inagurasyon ng
Pamahalaang Komonwelt.
e. Pagkilala ng United States sa Pilipinas bilang isang nagsasariling
bansa pagkaraan ng sampung taon na transisyon.
1941-1945 – Naganap ang pananakop at pamamahala ng Japan sa Pilipinas.
1944 – Nanumbalik ang Pamahalaang Komonwelt kung saan si Pangulong Sergio
Osmeña ang pangulo.
1945 – Sumuko ang mga Hapones sa Allied Forces.
1946, Hulyo 4 – Isinakatuparan ang probisyon sa Tydings-McDuffie Act ang paglaya
ng Pilipinas at pagtatag ng Ikatlong Republika.
c. Ipabasa ang Sanggunian 4: Tydings-McDuffie Act.
d. Ipasagot ang Gawain 10 – Q and A
1. Pagkakaloob ng United States ng kasarinlan ng Pilipinas sa pagtatapos Pamahalaang
Komonwelt
2. Sampung transisyon
3. Hulyo 4, 1946
4. … the Philippine Islands as a separate and self-governing nation and acknowledge
the authority and control over the same of the government instituted by the people
thereof, under the constitution then in force.
5. (Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.)
- Matutuwa dahil may tiyak na petsa ang paglaya ng Pilipinas mula sa United States.
- Hindi ako matutuwa dahil hindi na kailangang maghintay ng sampung taon
upang makamit ng mga Pilipino ang kalayaan.
Sanggunian 5: Philippine Trade Act, 1946
Sanggunian 6: Military Bases Agreement, 1947
a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Bibigyan ang bawat pangkat ng babasahing sipi mula sa
modyul.
Pangkat 1-2-3 = Philippine Trade Act
Pangkat 4-5-6 = Military Bases Agreement
b. Ipasagot sa pangkat 1, 2 at 3 ang Gawain 11A at 12. Sasagutin naman ng pangkat 4, 5 at 6 ang
Gawain 11B at 12.
Mga Sagot:
Gawain 11A – Jigsaw Letter Puzzle
1. ekonomiya
2. United States
3. Likas na Yaman
4. Saligang Batas
5. Diskriminasyon
Gawain 11B – Combined Facts
A, D, E, F, H
Gawain 12 – Probisyong Mabuti at Hindi Mabuti
Mga probisyong nakabuti sa mga Pilipino:
Philippine Trade Act:
1. To provide for trade relations between the United States and the Philippines, and for other
purposes.
2. That if the President of the United States determines that a reasonable time for the making
of the amendment to the Constitution of the Philippines referred to in section 402 (b) has
elapsed, but such amendment has not made, he shall so proclaim and the executive
agreement shall have no effect after the date of such proclamation; and
Military Bases Agreement:
1. that mutuality of interest demands that the Governments of the two countries take the
necessary measures to promote their mutual security and to defend their territories and
areas…
2. It is mutually agreed that the armed forces of the Philippines may serve on United States
bases and that the armed forces of the United States may serve on Philippine military
establishments whenever such conditions appear beneficial as mutually determined by the
armed forces of both countries.
3. The Philippines shall have the right to exercise jurisdiction over all other offenses committed
outside the bases by any member of the armed forces of the United States.
Mga probisyong hindi nakabuti sa mga Pilipino:
Philippine Trade Act:
1. The disposition, exploitation, development, and utilization of all agricultural, timber, and
mineral lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral
oils, all forces and sources of potential energy, and other natural resources of the
Philippines, and the operation of public utilities, shall, if open to any person, be open to
citizens of the United States and to all forms of business enterprise owned or controlled,
directly or indirectly, by United States citizens.
2. That the Government of the Philippines will promptly take such steps as are necessary to
secure the amendment of the Constitution of the Philippines so as to permit the taking
effect as laws of the Philippines of such part of the provisions of section 341 as is in conflict
with such constitution before such amendment.
3. that if the President of the United States determines and proclaims, after consultation with
the President of the Philippines, that the Republic of the Philippines or any of its political
subdivisions or the Philippine Government is in any manner discriminating against citizens of
the United States or any form of United States business enterprise, then the United States
shall have the right to suspend the effectiveness of the whole or any portion of the
agreement…
Military Bases Agreement:
1. The Government of the Republic of the Philippines (hereinafter referred to as the Philippines)
grants to the Government of the United States of America (hereinafter referred to as the
United States) the right to retain the use of the bases in the Philippines listed in Annex A
attached hereto.
2. It is mutually agreed that the United States shall have the rights, power and authority within
the bases which are necessary for the establishment, use, operation and defense thereof or
appropriate for the control thereof
3. It is mutually agreed that United States public vessels operated by … the military forces of
the United States… shall be accorded free access to and movement between ports and United
States bases throughout the Philippines, including territorial waters, by land, air and sea.
4. The Philippines agrees that it shall not grant without prior consent of the United States, any
bases or any rights, power, or authority whatsoever, in or relating to bases , to any third
power.
Mungkahi: Maaaring gawing takdang aralin ang pagbasa ng nakatalagang sipi at
pagsagot sa Gawain 11A, 11B at 12
c. Talakayin ang mga sanggunian sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 11A at 11B.
d. Muling pangkatin ang klase. Hayaang piliin ng mga mag-aaral ang facilitator at tagatala sa bawat
pangkat. Ang facilitator ang mangunguna sa pangkat, samantalang ang tagatala ang magsusulat
ng group output.
e. Bigyan ang mga pangkat ng sapat na minuto upang pag-usapan at ilista ang mga pinal na
probisyon na nakabuti at hindi nakabuti sa mga Pilipino batay sa nakatalagang sipi sa pangkat.
Ang listahan ang magiging group output ng pangkat.
f. Pagkatapos ng talakayan sa bawat pangkat, pagtatagpuin ang facilitator ng pangkat 1, 2 at 3.
Gayundin ang facilitator ng pangkat 4, 5 at 6. Lalagyan nila ng tsek ang mga magkakatulad na
probisyon na nakalista sa kani-kanilang group output.
g. Ipatala ang mga pinal na probisyon sa tsart na nasa pisara.
h. Isunod ang pagpapaliwanag ng mga probisyon sa tsart.
i. Ipasuri ang datos sa tsart sa pamamagitan ng sumusunod na tanong:
1. Nakabuti ba ang mga probisyon sa mga Pilipino? Amerikano? Patunayan.
2. Sino ang mas nakinabang sa mga probisyon? Pilipino o Amerikano? Pangatwiranan.
3. Ano ang epekto nito sa pagiging malaya ng Pilipinas? sa mga mamamayang Pilipino?
4. Ano ang iyong konklusyon batay sa nabuong tsart?
j. Ipaskil sa pisara ang iginuhit na malaking pader. Ipaliwanag na ang pader ay tatawaging
“Soberanya Stone Wall”. (Maaaring itulad ang pader sa ilustrasyon na nasa ibaba.)
k. Talakayin ang kahulugan ng soberanya.
l. Isaalang-alang ang sumusunod na panuntunan sa gawaing “Soberanya Stone Wall”.
1. Sabihin sa mga mag-aaral: “Ipagpalagay natin na ang pader sa pisara ay sumasagisag sa
soberanya ng Pilipinas noong panahon ng Ikatlong Republika. Ano ang magiging hitsura ng
pader batay sa mga probisyong nakasaad sa Philippine Trade Act at Military Bases
Agreement?”
2. Ipaguhit sa bond paper ang isang bagay na sumisimbolo sa isang probisyon ng batas na
nagpahina sa soberanya ng Pilipinas. Maaaring magmungkahi ang guro ng iguguhit tulad ng
sapot at butas.
3. Pagkaraang iguhit ang simbolo, ipasagot ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang iginuhit na simbolo?
b. Anong probisyon ang sinisimbolo nito?
c. Bakit ito nagpahina sa Soberanya Stone Wall?
4. Tumawag ng piling mag-aaral na magpapaliwanag ng ginawang simbolo. Pagkaraan, idikit ito
sa Soberanya Stone Wall.
5. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang konklusyon sa nabuong Soberanya Stone Wall.
Maaaring itanong ang sumusunod:
a. Bakit ito ang naging hitsura ng stone wall?
b. May epekto ba ang ganitong hitsura ng Soberanya Stone Wall sa mga Pilipino?
Patunayan.
Paglalapat
Produkto: Matatag na Soberanya Stone Wall
a. Ipabasa ang panimula ng Paglalapat.
b. Ipaalala na ang gagawing output sa Paglalapat ay tulad sa ginawang “Soberanya Stone Wall”.
Sundin ang mga panuntunan para sa mga mag-aaral:
1. Ipagawa ang stone wall sa cartolina.
SOBERANYA NG PILIPINAS
2. Ipaguhit ang mga bagay na sumisimbolo sa nararapat na katangian ng pinuno at
mamamayan. Kabilang din ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bansa ng isang matatag na
soberanya sa kasalukuyan. (Ilan sa maaaring iguhit ay magkahawak kamay, puso, watawat
ng Pilipinas at produktong lokal)
3. Ipasaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawain batay sa rubric na nasa
pahina ____.
4. Isunod ang pagtatanghal sa mga gawang illustrated stone wall ng mga piling mag-aaral.
Produkto/Pagganap:
a. Ang format ng GRASPS ang gabay sa pagpapaliwanag ng Produkto/Pagganap ng mga mag-
aaral sa yunit na ito.
GOAL Hubugin ang mga mag-aaral upang maging mga mapanagutang mamamayan.
ROLE Miyembro ng komite sa paaralan na babalangkas ng mga panuntunan tungkol sa
pananagutan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan
AUDIENCE Pamunuan ng paaralan, mga opisyal ng PTA at guro
SITUATION Magkakaroon ng taunang school general assembly kung saan ilalahad ang iyong
nabalangkas na mungkahing panuntunan.
PRODUCT Mga panuntunan na nakatuon sa sumusunod na aspeto:
kalinisan ng kapaligiran, isyu ng bullying at mga programang pampaaralan.
STANDARDS Pagmamarka ng nabalangkas na panuntunan batay sa sumusunod na
pamantayan: kaangkupan ng nilalaman, kahusayan sa pagpapaliwanag
at kooperasyon ng bawat miyembro ng pangkat
b. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Ilahad sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto:
1. Ipagpalagay na miyembro ng komite ang mga mag-aaral na babalangkas ng mga
panuntunan tungkol sa pananagutan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.
2. Babalangkas ang bawat pangkat ng mga panuntunan na nararapat isagawa ng mga mag-
aaral batay sa sumusunod na paksa:
Pangkat 1 at 2 – kalinisan ng kapaligiran
Pangkat 3 at 4 – Isyu ng bullying
Pangkat 5 at 6 – Mga programang pampaaralan
Mungkahi: Maaaring magdagdag o magpalit ng paksa sa gagawing panuntunan.
Isaalang-alang ang kakayahan at karanasan ng mga mag-aaral sa pagpili ng ibang paksa.
3. Itala ang mga nabuong panuntunan sa papel.
4. Isaalang-alang ang mga pamantayan ng pagmamarka gamit ang rubric na nasa pahina
_____.
5. Pipili ng isa o dalawang kinatawan sa bawat pangkat na maglalahad ng mga panuntunan
sa school general assembly. Maaaring imbitahan ang punongguro, puno ng kagawaran,
miyembro ng PTA o guro upang saksihan ang gawain.
6. Isunod ang malayang pagpapalitan ng kuro-kuro batay sa inilahad na panuntunan ng
mga pangkat.
7. Ipasa ang mga produkto.
c. Pagkaraang markahan ang mga produkto/pagganap. Ipadala ito sa kinauukulan (tulad ng
Supreme Student Government at Discipline Office).

More Related Content

What's hot

Banghay aralin sa ikalawang taon
Banghay aralin sa ikalawang taonBanghay aralin sa ikalawang taon
Banghay aralin sa ikalawang taonMerald Gayosa
 
Lt2 gp3 2011_review
Lt2 gp3 2011_reviewLt2 gp3 2011_review
Lt2 gp3 2011_reviewvardeleon
 
Banghay aralin ng araling panlipunan 2
Banghay aralin ng araling panlipunan 2Banghay aralin ng araling panlipunan 2
Banghay aralin ng araling panlipunan 2Arn Gemina
 
Esp june 29 july 3,2015 monday june 29 (autosa...
Esp june 29 july 3,2015 monday                                june 29 (autosa...Esp june 29 july 3,2015 monday                                june 29 (autosa...
Esp june 29 july 3,2015 monday june 29 (autosa...EDITHA HONRADEZ
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg南 睿
 

What's hot (8)

Banghay aralin sa ikalawang taon
Banghay aralin sa ikalawang taonBanghay aralin sa ikalawang taon
Banghay aralin sa ikalawang taon
 
Lt2 gp3 2011_review
Lt2 gp3 2011_reviewLt2 gp3 2011_review
Lt2 gp3 2011_review
 
Ap 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarterAp 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarter
 
Banghay aralin ng araling panlipunan 2
Banghay aralin ng araling panlipunan 2Banghay aralin ng araling panlipunan 2
Banghay aralin ng araling panlipunan 2
 
Filipino v 3rd grading
Filipino v  3rd gradingFilipino v  3rd grading
Filipino v 3rd grading
 
G9 dll (kabanata 16 23)
G9 dll (kabanata 16 23)G9 dll (kabanata 16 23)
G9 dll (kabanata 16 23)
 
Esp june 29 july 3,2015 monday june 29 (autosa...
Esp june 29 july 3,2015 monday                                june 29 (autosa...Esp june 29 july 3,2015 monday                                june 29 (autosa...
Esp june 29 july 3,2015 monday june 29 (autosa...
 
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2  march 25 tgGr 8 4th aralin 2  march 25 tg
Gr 8 4th aralin 2 march 25 tg
 

Viewers also liked

Viewers also liked (17)

q3, m3
q3, m3q3, m3
q3, m3
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
 
Team icon
Team iconTeam icon
Team icon
 
Edukasyon sa pagpapakatao
Edukasyon sa pagpapakataoEdukasyon sa pagpapakatao
Edukasyon sa pagpapakatao
 
Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Makrong Kasanayan sa PagsasalitaMakrong Kasanayan sa Pagsasalita
Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
 
E. teacher`s guide orig
E. teacher`s guide origE. teacher`s guide orig
E. teacher`s guide orig
 
Module 5
Module 5Module 5
Module 5
 
Attchments para sa filipino iv
Attchments para sa filipino ivAttchments para sa filipino iv
Attchments para sa filipino iv
 
Rubrics for multimedia
Rubrics for multimediaRubrics for multimedia
Rubrics for multimedia
 
Pagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o NaratiboPagsasalaysay o Naratibo
Pagsasalaysay o Naratibo
 
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
Pagtataya ng Natutuhan (ARALING PANLIPUNAN)
 
q4, m5
q4, m5q4, m5
q4, m5
 
Lesson plan about modals
Lesson plan about modalsLesson plan about modals
Lesson plan about modals
 
Lesson Plan on Modals
Lesson Plan on ModalsLesson Plan on Modals
Lesson Plan on Modals
 
edukasyon sa pagpapakatao 10 Teaching Guide
edukasyon sa pagpapakatao 10 Teaching Guideedukasyon sa pagpapakatao 10 Teaching Guide
edukasyon sa pagpapakatao 10 Teaching Guide
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Module 6.2 filipino
Module 6.2 filipinoModule 6.2 filipino
Module 6.2 filipino
 

Similar to q3, m3 TG

AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasJuan Miguel Palero
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.pptDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.pptEdwinGervacio2
 
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdfAP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdfjosefadrilan2
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfrochellelittaua
 
daily lesson log in araling panlipunan third quarter period
daily lesson log in araling panlipunan third quarter perioddaily lesson log in araling panlipunan third quarter period
daily lesson log in araling panlipunan third quarter periodDianaValiente8
 
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdfAP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdfjosefadrilan2
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docxBanghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docxThriciaSalvador
 
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfDianaValiente5
 
Grade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docx
Grade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docxGrade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docx
Grade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docxMarilynAlejoValdez
 
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...rochellelittaua
 
WEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptx
WEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptxWEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptx
WEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptxabsalonrhejane
 
Ap10 1.1
Ap10 1.1Ap10 1.1
Ap10 1.1mond22
 
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)Jenita Guinoo
 

Similar to q3, m3 TG (20)

AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa PilipinasAP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
AP 6 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
 
Filipino v 2 nd grading
Filipino v 2 nd gradingFilipino v 2 nd grading
Filipino v 2 nd grading
 
q3, m2 TG
q3, m2 TGq3, m2 TG
q3, m2 TG
 
Q3 module 2 tg
Q3 module 2 tgQ3 module 2 tg
Q3 module 2 tg
 
4th qtr module 1 tg
4th qtr module 1 tg4th qtr module 1 tg
4th qtr module 1 tg
 
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.pptDLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W4.ppt
 
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdfAP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
AP6_q1wk6_mod6_pakikibakasamgaamerikano.pdf
 
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdfAP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
AP6_q1_mod3_mga mahahalagang kaganapan sa panahon ng himagsikang pilipino_v2.pdf
 
daily lesson log in araling panlipunan third quarter period
daily lesson log in araling panlipunan third quarter perioddaily lesson log in araling panlipunan third quarter period
daily lesson log in araling panlipunan third quarter period
 
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdfAP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
AP6_q1wk7_mod7_mganatatangingpilipinongnakipaglabanparasakalayaan.pdf
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docxBanghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7 10.docx
 
Ap 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarterAp 1 ubd 3rd quarter
Ap 1 ubd 3rd quarter
 
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdfAP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
AP5_Q3_Mod4_Kaugnayan-ng-pakikipaglaban-ng-mga-pilipino.pdf
 
Q3 module 1 tg
Q3 module 1 tgQ3 module 1 tg
Q3 module 1 tg
 
Grade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docx
Grade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docxGrade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docx
Grade 5 DLL Araling Panlipunan 5 Q4 Week 1.docx
 
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
AP6_q1_mod7_ang mga natatanging pilipino at ang kanilang kontribusyon para sa...
 
q4, m2 TG
q4, m2 TGq4, m2 TG
q4, m2 TG
 
WEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptx
WEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptxWEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptx
WEEK 7 DAY 2 QTR. 1 Unang Putok.AHJCBMSpptx
 
Ap10 1.1
Ap10 1.1Ap10 1.1
Ap10 1.1
 
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)
Kabanata 11, los banos (el filibusterismo)
 

More from Jared Ram Juezan

Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranJared Ram Juezan
 
Strengthening research to improve schooling outcomes
Strengthening research to improve schooling outcomesStrengthening research to improve schooling outcomes
Strengthening research to improve schooling outcomesJared Ram Juezan
 
Learner information system
Learner information systemLearner information system
Learner information systemJared Ram Juezan
 
Adoption of the basic education research agenda
Adoption of the basic education research agendaAdoption of the basic education research agenda
Adoption of the basic education research agendaJared Ram Juezan
 
10 klase ng titser kapag may inset o seminar
10 klase ng titser kapag may inset o seminar10 klase ng titser kapag may inset o seminar
10 klase ng titser kapag may inset o seminarJared Ram Juezan
 
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnel
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnelGuidelines on the appointment and promotion of teaching personnel
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnelJared Ram Juezan
 
Tips on passing the licensure
Tips on passing the licensureTips on passing the licensure
Tips on passing the licensureJared Ram Juezan
 
Yunit 3, aralin 3 pagkamulat
Yunit 3, aralin 3   pagkamulatYunit 3, aralin 3   pagkamulat
Yunit 3, aralin 3 pagkamulatJared Ram Juezan
 
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1   paglakas ng europeYunit 3, aralin 1   paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europeJared Ram Juezan
 
The role of social media in learning
The role of social media in learningThe role of social media in learning
The role of social media in learningJared Ram Juezan
 
Ang mga vegetation cover ng asya
Ang mga vegetation cover ng asyaAng mga vegetation cover ng asya
Ang mga vegetation cover ng asyaJared Ram Juezan
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubigJared Ram Juezan
 

More from Jared Ram Juezan (20)

Lipunan
LipunanLipunan
Lipunan
 
Kultura
KulturaKultura
Kultura
 
Mga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiranMga hamong pangkapaligiran
Mga hamong pangkapaligiran
 
Mga uri ng empleyado
Mga uri ng empleyadoMga uri ng empleyado
Mga uri ng empleyado
 
9 types of students
9 types of students9 types of students
9 types of students
 
Strengthening research to improve schooling outcomes
Strengthening research to improve schooling outcomesStrengthening research to improve schooling outcomes
Strengthening research to improve schooling outcomes
 
Rank of skills
Rank of skillsRank of skills
Rank of skills
 
Learner information system
Learner information systemLearner information system
Learner information system
 
Adoption of the basic education research agenda
Adoption of the basic education research agendaAdoption of the basic education research agenda
Adoption of the basic education research agenda
 
10 klase ng titser kapag may inset o seminar
10 klase ng titser kapag may inset o seminar10 klase ng titser kapag may inset o seminar
10 klase ng titser kapag may inset o seminar
 
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnel
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnelGuidelines on the appointment and promotion of teaching personnel
Guidelines on the appointment and promotion of teaching personnel
 
Tips on passing the licensure
Tips on passing the licensureTips on passing the licensure
Tips on passing the licensure
 
Yunit 3, aralin 3 pagkamulat
Yunit 3, aralin 3   pagkamulatYunit 3, aralin 3   pagkamulat
Yunit 3, aralin 3 pagkamulat
 
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1   paglakas ng europeYunit 3, aralin 1   paglakas ng europe
Yunit 3, aralin 1 paglakas ng europe
 
The role of social media in learning
The role of social media in learningThe role of social media in learning
The role of social media in learning
 
Klima ng asya
Klima ng asyaKlima ng asya
Klima ng asya
 
Ang mga vegetation cover ng asya
Ang mga vegetation cover ng asyaAng mga vegetation cover ng asya
Ang mga vegetation cover ng asya
 
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubigMapa ng asya at rehiyon nito   anyong lupa at anyong tubig
Mapa ng asya at rehiyon nito anyong lupa at anyong tubig
 
Budget of work 3 (1)
Budget of work 3  (1)Budget of work 3  (1)
Budget of work 3 (1)
 
Budget of work 2 (1)
Budget of work 2  (1)Budget of work 2  (1)
Budget of work 2 (1)
 

q3, m3 TG

  • 1. Modyul 3: Pananakop ng Japan at ang Kapanganakan ng Bagong Republika Mga Paksa: 1. Mga Alaala ng Pananakop ng Japan sa Pilipinas 2. Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 3. Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan 4. Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement Tema: D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala Bilang ng Oras: walo (8) Alignment Matrix Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang nakapaloob sa sanggunian? Saang gawain makakamit ang kakayahan? Anong level of assessment nakapaloob ang gawain? Bilang ng oras Mga Alaala ng Pananakop ng Japan sa Pilipinas Minyong Ordoñez, We World War II Kids can still Remember, 2011 1. Nasasalaysay ang kondisyon ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Knowledge Skills/Processes Understanding 1 1 Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Political Cartoon at Pera ng Hapon 2. Nailalarawan ang pamumuhay ng mga Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig 3. Nasusuri ang mga epekto ng pananakop ng Japan sa Pilipinas 4. Napahahalagahan ang mga naranasan ng mga Pilipino sa panahon ng digmaan 5. Nababasa ang biswal na sanggunian, ang mga pisikal nitong katangian at ang kahulugan at mensaheng napapaloob sa mga ito Gawain 4 Gawain 5 Gawain 8 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 5 Gawain 6 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 6 Gawain 9 Gawain 4 Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7 Knowledge Skills/Processes Understanding Skills/Processes Understanding Skills/Processes Understanding S/P/U Understanding Understanding Understanding Knowledge Skills/Processes Understanding Knowledge 1 1 1 1
  • 2. Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan Tydings- McDuffie Act, 1935 6. Naipaliliwanag ang nilalaman ng mga batas at kasunduan kaakibat sa pagtatag ng Republika ng Pilipinas noong 1946 7. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa sanggunian 8. Nabubuo at naiaayos ang buod ng impormasyon mula sa mga sipi gamit ang sariling salita 9. Nahihinuha ang mga datos upang bumuo ng konklusyon 10. Naipahahayag ang mga nararapat na katangian at hakbangin bilang mamamayan sa pagkamit ng mas matatag na soberanya ng bansa Gawain 10A Gawain 10B Gawain 10C Gawain 10A,B,C Gawain 11 Knowledge Knowledge Skills/Processes Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement Philippine Trade Act, 1946 Military Bases Agreement, 1947 Gawain 11 Gawain 11 Gawaing- Paglalapat Skills/Processes Skills/Processes Understanding 1 1 Pagganyak a. Ipaskil ang mapa ng daigdig. Ipaturo ang lokasyon ng Pilipinas, Japan at United States. b. Itanong ang kaugnayan ng tatlong bansa sa kasaysayan ng Pilipinas batay sa kanilang napag- aralan sa nakalipas na modyul at nabasa sa batayang aklat. c. Ipaskil ang callout icon. Ipabasa ang panuto sa modyul pahina ___. d. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga mag-aaral sa paglagay ng sagot sa callout icon na itatala sa kapirasong papel. Mga Inaasahang sagot ng mag-aaral: Natatakot ako! Ano ang mangyayari sa Pilipinas? Lalaya pa ba tayo? Paano na ang ating kabuhayan? e. Ipasagot ang pamprosesong tanong. Ang sumusunod ang inaasahang sagot sa mga ito: 1. Opo, tunay na naganap ito. 1941-1942 2. Natakot/ nangamba/ nag-alala sa magiging kahihinatnan ng bansa. f. Ipaliwanag ang pangkalahatang tanong sa pagtalakay at pagsuri ng mga primaryang sanggunian sa modyul. Ang tanong ay “Paano mo mailalarawan ang naging kondisyon ng mga Pilipinong nakaranas ng pamamahala ng mga Hapones?” g. Ipabasa ang mga kakayahan na inaasahang makakamit sa pag-aaral ng Modyul 3. Pagtalakay sa Panimula a. Talakayin ang panimula at kontekstong pangkasaysayan tungkol sa pananakop ng Japan at kapanganakan ng bagong republika. Maaaring gumamit ng mapa ng daigdig at mga larawang may kaugnayan sa pagsalakay ng mga Hapones hanggang sa panahon ng kanilang pamamahala sa Pilipinas. b. Ipaunawa ang timeline at graphic organizer na nasa Panimula.
  • 3. c. Magbigay ng maikling pagsubok upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang kontekstong pangkasaysayan. Pagsuri sa mga Sanggunian: Mga Alaala ng Pamamahala ng Japan ng ilang Karaniwang Pilipino Sanggunian 1: We World War II Kids Can Still Remember a. Ipabasa ang Sanggunian 1 – We World War II Kids Can Still Remember. b. Bigyang-diin ang mga salita na nasa glosari. c. Ipasagot ang sumusunod na gawain: Gawain 1 – Pagbalik-Tanaw 1. Minyong Ordoñez 7. d 2. 5 taong gulang 8. c 3. Hapones 9. b 4. Majayjay, Laguna 10. Makapili 5. Naging malupit ang mga Hapones 11. sa pananakop at pamamahala 12. Oo sa Pilipinas. 15. Hindi 6. a Gawain 2 – Para sa Akin Mga inaasahang sagot: Bakwet: - Mahirap ang sitwasyon dahil naging malupit ang mga Hapones sa pakikitungo sa mga Pilipino. - Hindi hadlang ang kanilang naging karanasan upang muling makamit ang maayos at mapayapang pamumuhay Tinubig: - Malaking paghihirap at pagdurusa ang naramdaman ng mga Pilipino. - Hindi sila naging makatao at makatarungan sa mga Pilipino at hindi na nararapat na maulit ang pangyayaring ito. Makapili: - Taksil, walang malasakit sa kanyang mga kababayan. - Oo dahil kumampi siya sa mga Hapones na humadlang sa pagkamit ng kalayaan ng bansa at nagmalabis sa kanilang kapangyarihan.
  • 4. Gawain 3 – Aral ng Kasaysayan Mga inaasahang sagot: 1. Naghirap ang mga Pilipino dahil bagsak ang ekonomiya at huminto ang kalakalan. Naging kalunos-lunos ang kanilang naging pamumuhay dahil sa pagmamalupit ng mga Hapones. 2. Oo. Isang patunay ay ang pagtangkilik sa kultura at mga produktong gawa ng mga Hapones. 3. (Batay sa sagot ng mag-aaral) Oo, dahil hindi na mababago pa ang naganap na at nagsisi na ang mga Hapones sa kanilang ginawa noong panahong iyon. 4. Hindi, dahil nananatili pa rin ang mga hindi malilimutang karanasan at salaysay ng mga Pilipino nakasaksi at nakaranas nito. 5. Walang mabuting dulot ang digmaan at pananakop sa tao./ Nararapat na bigyang-halaga ang mga karapatang pantao tulad ng pagiging malaya, mamahala, magmay-ari at iba pa./ Maging mabuting mamamayan. Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Sanggunian 2 - “Not So Funny”, Political Cartoon. a. Talakayin ang paksa tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. b. Bigyang-pansin ang Sanggunian 2 - “Not So Funny”, Political Cartoon. c. Isunod ang gawaing pangklase na pinamagatang “Analyzing a Political Cartoon Series 2”. Isaalang-alang ang sumusunod na panuto: 1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay muling hahatiin sa mas maliliit na pangkat na may tatlong miyembro (triad). 2. Ipahanda sa bawat triad ang isang buong papel na gagamitin sa pagsagot ng mga gawain. 3. Pagtuunan ng pansin ng Pangkat 1 ang ilustrasyon A sa Sanggunian 2. Samantala, ang ilustrasyon B naman ang para sa Pangkat 2. 4. Ipasagot sa triad ang Gawain 4 at 5 batay sa itinalagang ilustrasyon sa bawat pangkat. Ipaalala na ang bawat triad ay dapat magkasundo sa iisang sagot lamang. 5. Ihanda ang klase sa pagtalakay ng dalawang political cartoon batay sa sagot ng mga piling triad. 6. Isunod ang pagsusuri ng sanggunian gamit ang mga tanong sa Gawain 6. Mungkahi sa guro: Sa mas epektibong pagtalakay ng sanggunian, palakihin ang political cartoon. Ipaskil sa pisara at gumawa ng tsart batay sa Gawain 4 at 5 sa modyul.
  • 5. d. Mga inaasahang sagot sa mga gawain: Political Cartoon, Ilustrasyon A: Gawain 4 – Pagtukoy sa Nilalaman ng Political Cartoon 1. Sundalong Hapones, batang nakagapos, dalawang taong nag-uusap, sundalong may bayoneta 2. Caption: “Just one of those guerrilla suspects.” Gawain 5 – Simbolismo sa Political Cartoon Unang Tsart: Sundalong Hapones – malupit na pakikitungo sa mga sibilyan Batas nakagapos – pinagmamalupitan kahit inosenteng tao Dalawang taong nag-uusap – Agarang paghuhusga nang hindi tiyak ang tunay na nangyari Sundalong may bayoneta – pagiging malupit sa pagpapatupad ng batas Pangalawang Tsart: guerrilla suspects – Patungkol sa bata na pinaghinalaang may kaugnayan sa mga gerilya. Ipinahihiwatig na maaaring maparusahan at mapagmaluputan kahit mga inosenteng tao Pangatlong Tsart: Mukha ng batang nakagapos – takot na takot; nangangamba kung ano ang mangyayari sa kanya. Mukha ng sundalong Hapones – matapang; nagpapakita ng pagiging mabagsik Mukha ng nakatayong tao – nagpapakita ng pagkagulat; may pagtataka sa nakitang sitwasyon Gawain 6 – Mensahe ng Political Cartoon 1. Paghuli sa pinaghihinalaang miyembro ng gerilya 2. Kahit inosenteng tao, maaaring mapahamak at maparusahan 3. Oo, dahil tunay na nangyari ang ganitong sitwasyon. 4. Dalawang taong nag-uusap – Hindi dapat maghusga sa hindi tiyak ang tunay na dahilan/pangyayari Political Cartoon, Ilustrasyon B: Gawain 4 – Pagtukoy sa Nilalaman ng Political Cartoon 1. Sundalong Hapones, Pinunong Hapones, Pilipinong nakagapos 2. “He crossed the city boundary with a pocketload of rice.” Gawain 5 – Simbolismo sa Political Cartoon Unang Tsart: Pilipinong nakagapos – Pilipinong pinahirapan dahil sa pinaghinalaang nagnakaw ng bigas Sundalong Hapones – nagpapakita ng kalupitan sa mga Pilipino Pinunong Hapones – nagpapakita ng pagsang-ayon sa ginawang pagparusa sa Pilipino Pangalawang Tsart: pocketload of rice – Dahil lamang sa nakitang bigas sa bulsa ng Pilipino, malupit ang naging parusa sa kanya.
  • 6. Pangatlong Tsart: Mukha ng Pilipinong nakagapos – hirap na hirap sa naging parusa sa kanya; nagpapakita rin ng pagiging inosente sa ibinibintang sa kanya. Mukha ng sundalong Hapones – nagpapakita na walang pagsisisi sa kanyang pagpaparusa Gawain 6 – Mensahe ng Political Cartoon 1. Pagparusa sa pinaghinalaang nagnakaw ng bigas 2. (Malaya ang mga mag-aaral na makapagpahayag ng kanilang mga opinyon sa tulong ng matalinong gabay ng guro.) Malupit ang nagiging parusa sa mga pinaghihinalaan na nagkasala. 3. Oo, dahil tunay na nangyari ang ganitong sitwasyon. Pilipinong nakagapos – Hindi nararapat na mangyari ito dahil nagpapakita ito ng kawalan ng karapatang pantao Sanggunian 3 – Japanese Invasion Money Notes a. Ipabasa ang panimula tungkol sa paksang “Pera ng Pilipinas sa Panahon ng mga Hapones”. b. Ipatala ang mga mahahalagang terminolohiya sa panimula. Ilan sa maaaring sagot ay Japanese government-issued fiat peso, mickey mouse money at Block Letters. Hayaang ipaliwanag ng mga mag-aaral ang naitalang salita. c. Bigyang-pansin ang Sanggunian 3 - Japanese Invasion Money Notes d. Ipasagot ang sumusunod na gawain: Gawain 7 – Pagtukoy sa Artifact 1. Pera ng mga Pilipino sa panahon ng mga Hapones 2. Bagay na tuwirang ginamit ng mga Pilipino sa panahong iyon. 3. Nakasulat na “Japanese Government” 4. Simbolo ng Philippine Peso at bantayog ni Rizal 5. “P” para sa Pilipinas; “L” bilang pang-12 sa mga salaping papel na inilabas ng mga Hapones Gawain 8 – Pagsuri ng Sanggunian 1. Upang gamitin ng mga Pilipino sa pagbili ng kanilang pangangailangan 2. Upang isipin ng mga Pilipino na hindi kaaway ang mga Hapones at may malasakit sila sa mga Pilipino 3. Dahil halos walang halaga ang salapi at maitutulad lamang sa play money 4. Halos walang halaga ang mickey mouse money samantalang may tiyak na halaga ang salapi sa kasalukuyan. 5. Magtipid, mag-impok, gastusin sa wastong paraan e. Pagkaraang talakayin ang Gawain 7 at 8, ipaguhit sa bond paper ang Gawain 9 – Pinoy Idol of the Year. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga mag-aaral sa pagkumpleto ng human icon organizer. Mungkahi sa guro: Maaaring gawing takdang-aralin ang pagguhit ng human icon organizer sa bond paper at pagsagot ng mga tanong sa Gawain 9.
  • 7. f. Ipaskil ang isang malaking human icon organizer sa pisara. g. Isunod ang pangkatang gawain na pinamagatang “Pinoy Idol of the Year”. Isaalang-alang ang sumusunod na panuto: 1. Hatiin ang klase sa sampung pangkat. Pipili ng dalawang mag-aaral na magsisilbing facilitator at tagatala sa bawat pangkat. Ang facilitator ang mangunguna sa daloy ng pangkatang gawain. 2. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga miyembro ng bawat pangkat na maibahagi ang kanilang nabuong human icon organizer. 3. Ipalista sa tagatala ang dalawang pinakamahalagang sagot sa bawat tanong sa organizer. h. Isunod ang talakayan at pagbubuo ng human icon organizer sa pisara batay sa inilista ng secretary ng bawat pangkat. i. Ipaugnay ang nabuong organizer sa pamagat ng pangkatang gawain na “Pinoy Idol of the Year”. Ang sumusunod ay mga mungkahing tanong: 1. Ano ang iyong masasabi sa mga katangian ng Pilipinong nabuo sa human icon organizer? 2. Maituturing ba siya na Pinoy Idol of the Year? Bakit mo nasabi? 3. Kaya ba ng tunay na Pilipino ang maging Pinoy Idol batay sa nabuong organizer? Patunayan. 4. Maaari ka bang maging Pinoy Idol ng iyong mga kamag-aral? Sa paanong paraan? j. Inaasahang sagot sa Gawain 9: a. Maging makatao at igalang ang karapatan ng kapwa./ Iwasan ang maging dahilan ng ikapahahamak ng iba. b. Huwag hayaan na ipagwalang bahala ang aking mga karapatan. c. Ako ay Pilipino at ito ang aking lahi. d. Huwag hayaan na tuwirang makialam ang mga dayuhan sa Pilipinas/Ipagtanggol ang teritoryo ng bansa/ k. Ipapasa ang mga indibidwal na gawang human icon organizer. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagmamarka ng organizer gamit ang rubric sa pahina ______.
  • 8. Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement a. Sa pagtalakay sa bagong yugto sa kasaysayan ng Pilipinas, ipaskil ang episodic organizer bilang balik-aral. b. Ipasagot ang episodic organizer na pinamagatang “Chronology Drill Level Up”. Isaalang-alang ang sumusunod na panuto para sa drill na ito: 1. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng paglalagay ng arrow sa mga bilog. Ito ang sagot. 2. Punan ang kahon ng mga angkop na salita o detalye tungkol sa nasabing pangyayari. Ang sumusunod ay mga mungkahing salita o detalye na maaaring itala sa kahon ng bawat pangyayari: Benevolent Assimilation, Pangulong Quezon, 10 taong transisyon mickey mouse money, Flag Law, Diyembre 8, 1941 a. Sa pagtatapos ng gawain, ipabigyang-pansin na walang salita o detalye ang itinala sa loob ng kahon para sa Ikatlong Republika. Ito ay dahil ang susunod na talakayan ay patungkol sa Ikatlong Republika. b. Bago talakayin ang Sanggunian 4, linawin sa mga mag-aaral ang dahilan ng pagkakabilang ng Tydings-McDuffie Act sa modyul na ito. Isaalang-alang ang sumusunod na paglilinaw: 1. Talakayin ang maikling kasaysayang may kaugnayan sa Tydings-McDuffie Act batay sa sumusunod na datos: 1934 – Ipinasa ang Tydings-McDuffie Act na nagsasaad ng mga probisyon tulad ng: a. Pagkakaroon ng halalan ng mga kinatawan na magiging miyembro ng Kumbensyong Konstitusyunal na bubuo ng Saligang Batas ng Pamahalaang Komonwelt. Pamamahala ng United States sa Pilipinas Panahon ng Komonwelt Pananakop ng Japan Pagtatag ng Ikatlong Republika
  • 9. b. Pagpasa ng Saligang Batas na nabuo ng kumbensyon sa pangulo ng United States upang tiyakin kung naaayon ito sa mga probisyon ng Tydings-McDuffie Act. c. Pagkakaroon ng plebisito upang pagbotohan ng mga mamamayan kung tatanggapin o tatanggihan ang nabuong Saligang Batas. d. Pagsagawa ng halalan sa pagkapangulo at ang inagurasyon ng Pamahalaang Komonwelt. e. Pagkilala ng United States sa Pilipinas bilang isang nagsasariling bansa pagkaraan ng sampung taon na transisyon. 1941-1945 – Naganap ang pananakop at pamamahala ng Japan sa Pilipinas. 1944 – Nanumbalik ang Pamahalaang Komonwelt kung saan si Pangulong Sergio Osmeña ang pangulo. 1945 – Sumuko ang mga Hapones sa Allied Forces. 1946, Hulyo 4 – Isinakatuparan ang probisyon sa Tydings-McDuffie Act ang paglaya ng Pilipinas at pagtatag ng Ikatlong Republika. c. Ipabasa ang Sanggunian 4: Tydings-McDuffie Act. d. Ipasagot ang Gawain 10 – Q and A 1. Pagkakaloob ng United States ng kasarinlan ng Pilipinas sa pagtatapos Pamahalaang Komonwelt 2. Sampung transisyon 3. Hulyo 4, 1946 4. … the Philippine Islands as a separate and self-governing nation and acknowledge the authority and control over the same of the government instituted by the people thereof, under the constitution then in force. 5. (Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.) - Matutuwa dahil may tiyak na petsa ang paglaya ng Pilipinas mula sa United States. - Hindi ako matutuwa dahil hindi na kailangang maghintay ng sampung taon upang makamit ng mga Pilipino ang kalayaan. Sanggunian 5: Philippine Trade Act, 1946 Sanggunian 6: Military Bases Agreement, 1947 a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Bibigyan ang bawat pangkat ng babasahing sipi mula sa modyul. Pangkat 1-2-3 = Philippine Trade Act Pangkat 4-5-6 = Military Bases Agreement b. Ipasagot sa pangkat 1, 2 at 3 ang Gawain 11A at 12. Sasagutin naman ng pangkat 4, 5 at 6 ang Gawain 11B at 12. Mga Sagot: Gawain 11A – Jigsaw Letter Puzzle 1. ekonomiya 2. United States 3. Likas na Yaman 4. Saligang Batas 5. Diskriminasyon
  • 10. Gawain 11B – Combined Facts A, D, E, F, H Gawain 12 – Probisyong Mabuti at Hindi Mabuti Mga probisyong nakabuti sa mga Pilipino: Philippine Trade Act: 1. To provide for trade relations between the United States and the Philippines, and for other purposes. 2. That if the President of the United States determines that a reasonable time for the making of the amendment to the Constitution of the Philippines referred to in section 402 (b) has elapsed, but such amendment has not made, he shall so proclaim and the executive agreement shall have no effect after the date of such proclamation; and Military Bases Agreement: 1. that mutuality of interest demands that the Governments of the two countries take the necessary measures to promote their mutual security and to defend their territories and areas… 2. It is mutually agreed that the armed forces of the Philippines may serve on United States bases and that the armed forces of the United States may serve on Philippine military establishments whenever such conditions appear beneficial as mutually determined by the armed forces of both countries. 3. The Philippines shall have the right to exercise jurisdiction over all other offenses committed outside the bases by any member of the armed forces of the United States. Mga probisyong hindi nakabuti sa mga Pilipino: Philippine Trade Act: 1. The disposition, exploitation, development, and utilization of all agricultural, timber, and mineral lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral oils, all forces and sources of potential energy, and other natural resources of the Philippines, and the operation of public utilities, shall, if open to any person, be open to citizens of the United States and to all forms of business enterprise owned or controlled, directly or indirectly, by United States citizens. 2. That the Government of the Philippines will promptly take such steps as are necessary to secure the amendment of the Constitution of the Philippines so as to permit the taking effect as laws of the Philippines of such part of the provisions of section 341 as is in conflict with such constitution before such amendment. 3. that if the President of the United States determines and proclaims, after consultation with the President of the Philippines, that the Republic of the Philippines or any of its political subdivisions or the Philippine Government is in any manner discriminating against citizens of the United States or any form of United States business enterprise, then the United States shall have the right to suspend the effectiveness of the whole or any portion of the agreement…
  • 11. Military Bases Agreement: 1. The Government of the Republic of the Philippines (hereinafter referred to as the Philippines) grants to the Government of the United States of America (hereinafter referred to as the United States) the right to retain the use of the bases in the Philippines listed in Annex A attached hereto. 2. It is mutually agreed that the United States shall have the rights, power and authority within the bases which are necessary for the establishment, use, operation and defense thereof or appropriate for the control thereof 3. It is mutually agreed that United States public vessels operated by … the military forces of the United States… shall be accorded free access to and movement between ports and United States bases throughout the Philippines, including territorial waters, by land, air and sea. 4. The Philippines agrees that it shall not grant without prior consent of the United States, any bases or any rights, power, or authority whatsoever, in or relating to bases , to any third power. Mungkahi: Maaaring gawing takdang aralin ang pagbasa ng nakatalagang sipi at pagsagot sa Gawain 11A, 11B at 12 c. Talakayin ang mga sanggunian sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 11A at 11B. d. Muling pangkatin ang klase. Hayaang piliin ng mga mag-aaral ang facilitator at tagatala sa bawat pangkat. Ang facilitator ang mangunguna sa pangkat, samantalang ang tagatala ang magsusulat ng group output. e. Bigyan ang mga pangkat ng sapat na minuto upang pag-usapan at ilista ang mga pinal na probisyon na nakabuti at hindi nakabuti sa mga Pilipino batay sa nakatalagang sipi sa pangkat. Ang listahan ang magiging group output ng pangkat. f. Pagkatapos ng talakayan sa bawat pangkat, pagtatagpuin ang facilitator ng pangkat 1, 2 at 3. Gayundin ang facilitator ng pangkat 4, 5 at 6. Lalagyan nila ng tsek ang mga magkakatulad na probisyon na nakalista sa kani-kanilang group output. g. Ipatala ang mga pinal na probisyon sa tsart na nasa pisara. h. Isunod ang pagpapaliwanag ng mga probisyon sa tsart. i. Ipasuri ang datos sa tsart sa pamamagitan ng sumusunod na tanong: 1. Nakabuti ba ang mga probisyon sa mga Pilipino? Amerikano? Patunayan. 2. Sino ang mas nakinabang sa mga probisyon? Pilipino o Amerikano? Pangatwiranan. 3. Ano ang epekto nito sa pagiging malaya ng Pilipinas? sa mga mamamayang Pilipino? 4. Ano ang iyong konklusyon batay sa nabuong tsart?
  • 12. j. Ipaskil sa pisara ang iginuhit na malaking pader. Ipaliwanag na ang pader ay tatawaging “Soberanya Stone Wall”. (Maaaring itulad ang pader sa ilustrasyon na nasa ibaba.) k. Talakayin ang kahulugan ng soberanya. l. Isaalang-alang ang sumusunod na panuntunan sa gawaing “Soberanya Stone Wall”. 1. Sabihin sa mga mag-aaral: “Ipagpalagay natin na ang pader sa pisara ay sumasagisag sa soberanya ng Pilipinas noong panahon ng Ikatlong Republika. Ano ang magiging hitsura ng pader batay sa mga probisyong nakasaad sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement?” 2. Ipaguhit sa bond paper ang isang bagay na sumisimbolo sa isang probisyon ng batas na nagpahina sa soberanya ng Pilipinas. Maaaring magmungkahi ang guro ng iguguhit tulad ng sapot at butas. 3. Pagkaraang iguhit ang simbolo, ipasagot ang sumusunod na tanong: a. Ano ang iginuhit na simbolo? b. Anong probisyon ang sinisimbolo nito? c. Bakit ito nagpahina sa Soberanya Stone Wall? 4. Tumawag ng piling mag-aaral na magpapaliwanag ng ginawang simbolo. Pagkaraan, idikit ito sa Soberanya Stone Wall. 5. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang konklusyon sa nabuong Soberanya Stone Wall. Maaaring itanong ang sumusunod: a. Bakit ito ang naging hitsura ng stone wall? b. May epekto ba ang ganitong hitsura ng Soberanya Stone Wall sa mga Pilipino? Patunayan. Paglalapat Produkto: Matatag na Soberanya Stone Wall a. Ipabasa ang panimula ng Paglalapat. b. Ipaalala na ang gagawing output sa Paglalapat ay tulad sa ginawang “Soberanya Stone Wall”. Sundin ang mga panuntunan para sa mga mag-aaral: 1. Ipagawa ang stone wall sa cartolina. SOBERANYA NG PILIPINAS
  • 13. 2. Ipaguhit ang mga bagay na sumisimbolo sa nararapat na katangian ng pinuno at mamamayan. Kabilang din ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bansa ng isang matatag na soberanya sa kasalukuyan. (Ilan sa maaaring iguhit ay magkahawak kamay, puso, watawat ng Pilipinas at produktong lokal) 3. Ipasaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawain batay sa rubric na nasa pahina ____. 4. Isunod ang pagtatanghal sa mga gawang illustrated stone wall ng mga piling mag-aaral. Produkto/Pagganap: a. Ang format ng GRASPS ang gabay sa pagpapaliwanag ng Produkto/Pagganap ng mga mag- aaral sa yunit na ito. GOAL Hubugin ang mga mag-aaral upang maging mga mapanagutang mamamayan. ROLE Miyembro ng komite sa paaralan na babalangkas ng mga panuntunan tungkol sa pananagutan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan AUDIENCE Pamunuan ng paaralan, mga opisyal ng PTA at guro SITUATION Magkakaroon ng taunang school general assembly kung saan ilalahad ang iyong nabalangkas na mungkahing panuntunan. PRODUCT Mga panuntunan na nakatuon sa sumusunod na aspeto: kalinisan ng kapaligiran, isyu ng bullying at mga programang pampaaralan. STANDARDS Pagmamarka ng nabalangkas na panuntunan batay sa sumusunod na pamantayan: kaangkupan ng nilalaman, kahusayan sa pagpapaliwanag at kooperasyon ng bawat miyembro ng pangkat b. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Ilahad sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto: 1. Ipagpalagay na miyembro ng komite ang mga mag-aaral na babalangkas ng mga panuntunan tungkol sa pananagutan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan. 2. Babalangkas ang bawat pangkat ng mga panuntunan na nararapat isagawa ng mga mag- aaral batay sa sumusunod na paksa: Pangkat 1 at 2 – kalinisan ng kapaligiran Pangkat 3 at 4 – Isyu ng bullying Pangkat 5 at 6 – Mga programang pampaaralan Mungkahi: Maaaring magdagdag o magpalit ng paksa sa gagawing panuntunan. Isaalang-alang ang kakayahan at karanasan ng mga mag-aaral sa pagpili ng ibang paksa. 3. Itala ang mga nabuong panuntunan sa papel. 4. Isaalang-alang ang mga pamantayan ng pagmamarka gamit ang rubric na nasa pahina _____. 5. Pipili ng isa o dalawang kinatawan sa bawat pangkat na maglalahad ng mga panuntunan sa school general assembly. Maaaring imbitahan ang punongguro, puno ng kagawaran, miyembro ng PTA o guro upang saksihan ang gawain.
  • 14. 6. Isunod ang malayang pagpapalitan ng kuro-kuro batay sa inilahad na panuntunan ng mga pangkat. 7. Ipasa ang mga produkto. c. Pagkaraang markahan ang mga produkto/pagganap. Ipadala ito sa kinauukulan (tulad ng Supreme Student Government at Discipline Office).