SlideShare a Scribd company logo
IKAW?
SAAN KA LUMAKI?
ANO ANG PROBINSYA
NG TATAY MO?
NG NANAY MO?
ILARAWAN ANG
SARILING LUGAR SA
PAMAMAGITAN NG
LARONG……
LUPANG TINUBUAN
 A
NAKAPUNTA NA AKO SA LUGAR KUNG SAAN
LUMAKI ANG AKING MGA MAGULANG
Deal or No Deal?
MAY MGA ALAM AKONG KWENTO TUNGKOL
SA KABATAAN NG AKING MGA MAGULANG
Deal or No Deal?
HINDI GUSTO ANG LUGAR NA KINALAKIHAN
NG AKING MGA MAGULANG
Deal or No Deal?
KILALA KO ANG AMING MGA KAMAG-
ANAK SA AMA AT SA INA
Deal or No Deal?
NASISIYAHAN AKO SA LUGAR O
KOMUNIDAD NA KINABIBILANGAN KO
Deal or No Deal?
HINDI AKO MARUNONG MAGSALITA SA
IFUGAO
Deal or No Deal?
NARANASAN KO NANG NAWALAY SA
AKING PAMILYA
Deal or No Deal?
MAPUNTA MAN SA IBANG LUGAR, AKO’Y
BABALIK PA RIN SA SARILING BAYAN
Deal or No Deal?
NARANASAN KONG NAHULOG SA
KALABAW
Deal or No Deal?
MARUNONG AKONG MAGLARO NG
ANGNGI’
Deal or No Deal?
AAGAWIN ANG INYONG LUPA O BUKID,
IPAGLALABAN MO BA?
Deal or No Deal?
MAS MASAYANG PUMUNTA SA BUKID KAYSA
MAGLARO NG COUNTERSTRIKE
Deal or No Deal?
Pangkatang
Pagbasa
LUPANG TINUBUAN
NI NARCISO G. REYES
Pumunta sa Malawig sina Danding at ang kanyang Tiya Juana sakay ng Tren
dahil namatay ang isa sa mga kamag-anak nila na pinsan ng Tatay niya. Nakadungaw
si Danding sa at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Hindi
kailanman nakita ni Danding ang namatay na kamag-anak ngunit nabanggit ni Tiya
Juana na siya’y mabait noong nabubuhay pa.
Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang Ama
kung kaya’t may pananabik sa kanyang puso sa lugar na kanilang pupuntahan. Sa
unang malas, ang malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang Nayon sa Luzon. Isang
daang makitid, paliku-liko at natatalukapan ng makapal na alikabok. Mga puno ng
kawayan, manga, niyog at akasya. May mga bahay na luma at sunog sa araw ang mga
dingding at Bubong. Mababanaag mo rin ang nakangiti at puno ng ningning na umaga
at ang maaliwalas na langit.
“Walang maganda dito kundi ang Langit” sabi ng kutserong ng karitelang sinakyan
nila. “Hindi po naman” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong
tulad nito ipinanganak at nagsilaki sina Del Pilar at iba pang bayani na nakipaglaban
sa mga Kastila. Ang Alaalang iyon ang nakaaliw sa kanya
Kayrami ng kamag-anak niya doon, Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng
kanyang Tiya Juana. Mga kamag-anak na malapit at malayo. Yukod at ngiti rito, halik
ng kamay roon. Lahat na yata ng tao sa bahay ay ipinakilala sa kanya. “Mabuti na
lamang at sarat ang ilong ko” ang naisaloob niya. “Kung hindi ay pulpol na marahil
ngayon”
Sapagkat sila lamang ang galing sa Maynila, sa kanila napako ang pansin ng
lahat. Maraming tanong katulad ng pangungumusta nila sa kanyang Tatay na may sakit
at sa Ina niyang siya na lamang na bumubuhay sa kanila. Sinikap namang sinalo ng
kanyang Tiya Juana ang mga tanong na iyon. Sa mga pagkakataong iyon, magaan at
palagay ang loob ni Danding sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala.
Walang tigil ang pagyayao’t ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at
nagmammasid sa bangkay. Sa Pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam.
Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas ng bahay at dumampi sa kanyang
puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong at
pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Nakita niya ang bahagyang pagkakahawig ng
namatay sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot
Ipinakilala siya sa asawa ng yumao at naupo sa tabi ni Bining ngunit wala
siyang sinabing anuman. Pagkaraan ng ilang sandali, umabot siya ng isang Album sa
mesang kalapit at binuksan ito. Nagmuni-muni sa mahiwaga at makapangyarihang
dugo na nagbubuklod sa mga tao. Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at
nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Naupo si Danding sa ilalaim ng isang
pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid .
Sa hindi kalayuan, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng mga
kawayan. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ay ang unang
nagsasalita.
“Kapariska ng iyong Ama” ang wika niya.
“Bakit po”
“Balisa ka sa gitna ng karamihan;Ibig mo pa ang nag-iisa”
“May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa”
“Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip”
“Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang Kabataan?”
Nasaksihan! Napahalakhak si Lolo Tasyo. Ako ang nag-alaga sa Tatay mo dahil
naulila agad siya sa ama. Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang
hangganan ng bukid. “Doon siya nagpapalipad ng saranggola noog bata pa siya. Sa
kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw nang sumama siya minsan sa akin sa pag-
araro. Akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.
Lumingon ang matanda at at tiningala ang punong manga, “Sa itaas ng punong
ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo ng may mga kastilang dumating dito at sa
kinauupuan mo, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang Tula tungkol sa
kagandahan ng isang dalaga na nakilala niya sa bayan.
Napangiti si Danding.”Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkaluwas niya
sa Maynila?”
“Oo”. Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.”
“Nahuli po?”
“Oo, sa liwanag ng ilang mga bituin. May kapilyuhan din ang Ama mo”
Marami pang ibig itanong si Danding ngunit naalala niya ang patay at ang
mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unti niyang pinutol ng pag-uusap
nila ni Lolo Tasyo at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.
Handa na ang hukay. Sa huling sandali ay binuksan muli ang takip at naghari
ang mga impit na hikbi at mga pag-iyak. Sa kabila ng pagtitimpi ay naramdaman ni
Danding ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata.
Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang Makita niyang may taong naiwan sa bahay
ay patalilis siyang nagtungo sa bukid.Ang kapayapaan at hangin ng bukid ay tila
isang kamay na humahaplos sa noo ni danding. Huminga siya ng malalim, umupo sa
lupa at ipinikit ang mga mata. Inunat niya ang kanyang mga paa at hinayaang
maglaro ang hangin sa kanyang mukha. Napanatag ang kanyang puso sa lupang
sinilangan ng kanyang ama.
Tumawa si Danding habang inaalala ang mga kwento ni Lolo
Tasyo tungkol sa kanyang ama at lalo pa niyang pinag-igi ang
pagkakasalampak niya sa lupa. Sa sandaling iyon, tila hawak ni Danding
sa palad ang lihim sa pag-ibig sa lupang tinubuan.
Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay
napakabigat na parusa at kung bakit walang atubiling naghain ng dugo
sin Rizal at Bonifacio.Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig
at naulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan
siyang tumayo at tumungo sa pinanggagalingan ng mga Tinig.
1.PAGMAMAHAL SA PINAG-UGATANG PAMILYA
2. PAGMAMAHAL SA LUGAR KUNG SAAN LUMAKI
3. PAG-IBIG SA BAYAN
Pagsulat ng sanaysay
1. Bakit mahalaga sa iyo ang lugar kung saan ka lumaki?
2. Magsalaysay ng alimang kwento ng inyong mga
magulang tungkol sa kanilang kabataan

More Related Content

What's hot

TULA
TULATULA
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
shellatangol
 
Sandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxSandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptx
rhea bejasa
 
day1-hinilawod.pptx
day1-hinilawod.pptxday1-hinilawod.pptx
day1-hinilawod.pptx
reychelgamboa2
 
Mitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng KenyaMitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng Kenya
ELLENJOYDMEDIANA
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Eleizel Gaso
 
Kasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng SanaysayKasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng Sanaysay
cherriemaepanergabasa
 
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz BalmacedaDahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
ar_yhelle
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IreneGabor2
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Chuckry Maunes
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
EDNACONEJOS
 
sandaang damit
sandaang damitsandaang damit
sandaang damit
Cha-cha Malinao
 
SANAYSAY.ppt
SANAYSAY.pptSANAYSAY.ppt
SANAYSAY.ppt
JeanMaureenRAtentar
 
matalinghaga at eupemistikong pahayag.pptx
matalinghaga at eupemistikong pahayag.pptxmatalinghaga at eupemistikong pahayag.pptx
matalinghaga at eupemistikong pahayag.pptx
LeahMaePanahon1
 
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampidAralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Agusan National High School
 
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYONTEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
Allan Lloyd Martinez
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
LABNIG NATIONAL HIGH SCHOOL
 
Epiko grade 8
Epiko grade 8Epiko grade 8
Epiko grade 8
Sherilyn Gonzales
 

What's hot (20)

Akdang pampanitikan
Akdang pampanitikanAkdang pampanitikan
Akdang pampanitikan
 
TULA
TULATULA
TULA
 
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
 
Sandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptxSandaang damit.pptx
Sandaang damit.pptx
 
day1-hinilawod.pptx
day1-hinilawod.pptxday1-hinilawod.pptx
day1-hinilawod.pptx
 
Mitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng KenyaMitolohiya ng Kenya
Mitolohiya ng Kenya
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
Kasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng SanaysayKasaysayan ng Sanaysay
Kasaysayan ng Sanaysay
 
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz BalmacedaDahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
 
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docxIKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
IKAAPAT NA MARKAHAN PAGSUSULIT.docx
 
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
Filipino 9 Curriculum Guide rev.2016
 
Q2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 pptQ2 filipino 8 w6 ppt
Q2 filipino 8 w6 ppt
 
Florante at laura pagsasanay
Florante at laura pagsasanayFlorante at laura pagsasanay
Florante at laura pagsasanay
 
sandaang damit
sandaang damitsandaang damit
sandaang damit
 
SANAYSAY.ppt
SANAYSAY.pptSANAYSAY.ppt
SANAYSAY.ppt
 
matalinghaga at eupemistikong pahayag.pptx
matalinghaga at eupemistikong pahayag.pptxmatalinghaga at eupemistikong pahayag.pptx
matalinghaga at eupemistikong pahayag.pptx
 
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampidAralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
 
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYONTEORYANG DEKONSTRUKSYON
TEORYANG DEKONSTRUKSYON
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Epiko grade 8
Epiko grade 8Epiko grade 8
Epiko grade 8
 

Similar to Lupang Tinubuan.pptx

Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!
Akiko Yamamoto
 
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdfnoli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
fulgenciofrancis3
 
Compilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with InterpretationCompilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Cristina Protacio, LPT
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
gluisito1997
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
PRINTDESK by Dan
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
ssuser666aef1
 
COT2IBONG ADARNA.pptx
COT2IBONG ADARNA.pptxCOT2IBONG ADARNA.pptx
COT2IBONG ADARNA.pptx
reychelgamboa2
 
LUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptx
LUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptxLUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptx
LUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptx
JinkyArisgadoObido
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
RechelleIvyBabaylan2
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
NymphaMalaboDumdum
 
"Ang lalaking nakaikot sa palosebo"
"Ang lalaking nakaikot sa palosebo""Ang lalaking nakaikot sa palosebo"
"Ang lalaking nakaikot sa palosebo"
Denise Adrienne Espiritu
 

Similar to Lupang Tinubuan.pptx (14)

Lupang tinubuan
Lupang tinubuanLupang tinubuan
Lupang tinubuan
 
Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!
 
Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!Mga susuriin !!!!!!!
Mga susuriin !!!!!!!
 
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdfnoli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
noli-me-tangere-scriptdocx_compress.pdf
 
Compilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with InterpretationCompilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
Compilation of Literary Works of Rizal with Interpretation
 
Maikling kuwento
Maikling kuwentoMaikling kuwento
Maikling kuwento
 
MGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYANMGA AWITING BAYAN
MGA AWITING BAYAN
 
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me TangerePresentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
Presentation-2-2-2-1-1.pptxNoli Me Tangere
 
COT2IBONG ADARNA.pptx
COT2IBONG ADARNA.pptxCOT2IBONG ADARNA.pptx
COT2IBONG ADARNA.pptx
 
LUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptx
LUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptxLUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptx
LUPANG TINUBUAN POWERPOINT.pptx
 
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docxMga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
Mga Piyesa sa Sabayang Pagbigkas.docx
 
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdfKABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
KABANATA 1-3 (PEREZ) Noli Me Tangere .pdf
 
"Ang lalaking nakaikot sa palosebo"
"Ang lalaking nakaikot sa palosebo""Ang lalaking nakaikot sa palosebo"
"Ang lalaking nakaikot sa palosebo"
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 

Lupang Tinubuan.pptx

  • 1.
  • 4. ANO ANG PROBINSYA NG TATAY MO? NG NANAY MO?
  • 5. ILARAWAN ANG SARILING LUGAR SA PAMAMAGITAN NG LARONG……
  • 6.
  • 9. NAKAPUNTA NA AKO SA LUGAR KUNG SAAN LUMAKI ANG AKING MGA MAGULANG Deal or No Deal?
  • 10. MAY MGA ALAM AKONG KWENTO TUNGKOL SA KABATAAN NG AKING MGA MAGULANG Deal or No Deal?
  • 11. HINDI GUSTO ANG LUGAR NA KINALAKIHAN NG AKING MGA MAGULANG Deal or No Deal?
  • 12. KILALA KO ANG AMING MGA KAMAG- ANAK SA AMA AT SA INA Deal or No Deal?
  • 13. NASISIYAHAN AKO SA LUGAR O KOMUNIDAD NA KINABIBILANGAN KO Deal or No Deal?
  • 14. HINDI AKO MARUNONG MAGSALITA SA IFUGAO Deal or No Deal?
  • 15. NARANASAN KO NANG NAWALAY SA AKING PAMILYA Deal or No Deal?
  • 16. MAPUNTA MAN SA IBANG LUGAR, AKO’Y BABALIK PA RIN SA SARILING BAYAN Deal or No Deal?
  • 17. NARANASAN KONG NAHULOG SA KALABAW Deal or No Deal?
  • 18. MARUNONG AKONG MAGLARO NG ANGNGI’ Deal or No Deal?
  • 19. AAGAWIN ANG INYONG LUPA O BUKID, IPAGLALABAN MO BA? Deal or No Deal?
  • 20. MAS MASAYANG PUMUNTA SA BUKID KAYSA MAGLARO NG COUNTERSTRIKE Deal or No Deal?
  • 23. Pumunta sa Malawig sina Danding at ang kanyang Tiya Juana sakay ng Tren dahil namatay ang isa sa mga kamag-anak nila na pinsan ng Tatay niya. Nakadungaw si Danding sa at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Hindi kailanman nakita ni Danding ang namatay na kamag-anak ngunit nabanggit ni Tiya Juana na siya’y mabait noong nabubuhay pa. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang Ama kung kaya’t may pananabik sa kanyang puso sa lugar na kanilang pupuntahan. Sa unang malas, ang malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang Nayon sa Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko at natatalukapan ng makapal na alikabok. Mga puno ng kawayan, manga, niyog at akasya. May mga bahay na luma at sunog sa araw ang mga dingding at Bubong. Mababanaag mo rin ang nakangiti at puno ng ningning na umaga at ang maaliwalas na langit. “Walang maganda dito kundi ang Langit” sabi ng kutserong ng karitelang sinakyan nila. “Hindi po naman” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito ipinanganak at nagsilaki sina Del Pilar at iba pang bayani na nakipaglaban sa mga Kastila. Ang Alaalang iyon ang nakaaliw sa kanya
  • 24. Kayrami ng kamag-anak niya doon, Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Mga kamag-anak na malapit at malayo. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Lahat na yata ng tao sa bahay ay ipinakilala sa kanya. “Mabuti na lamang at sarat ang ilong ko” ang naisaloob niya. “Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon” Sapagkat sila lamang ang galing sa Maynila, sa kanila napako ang pansin ng lahat. Maraming tanong katulad ng pangungumusta nila sa kanyang Tatay na may sakit at sa Ina niyang siya na lamang na bumubuhay sa kanila. Sinikap namang sinalo ng kanyang Tiya Juana ang mga tanong na iyon. Sa mga pagkakataong iyon, magaan at palagay ang loob ni Danding sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Walang tigil ang pagyayao’t ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at nagmammasid sa bangkay. Sa Pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas ng bahay at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Nakita niya ang bahagyang pagkakahawig ng namatay sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot
  • 25. Ipinakilala siya sa asawa ng yumao at naupo sa tabi ni Bining ngunit wala siyang sinabing anuman. Pagkaraan ng ilang sandali, umabot siya ng isang Album sa mesang kalapit at binuksan ito. Nagmuni-muni sa mahiwaga at makapangyarihang dugo na nagbubuklod sa mga tao. Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Naupo si Danding sa ilalaim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid . Sa hindi kalayuan, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng mga kawayan. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ay ang unang nagsasalita. “Kapariska ng iyong Ama” ang wika niya. “Bakit po” “Balisa ka sa gitna ng karamihan;Ibig mo pa ang nag-iisa” “May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa” “Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip” “Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang Kabataan?”
  • 26. Nasaksihan! Napahalakhak si Lolo Tasyo. Ako ang nag-alaga sa Tatay mo dahil naulila agad siya sa ama. Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. “Doon siya nagpapalipad ng saranggola noog bata pa siya. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw nang sumama siya minsan sa akin sa pag- araro. Akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak. Lumingon ang matanda at at tiningala ang punong manga, “Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo ng may mga kastilang dumating dito at sa kinauupuan mo, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang Tula tungkol sa kagandahan ng isang dalaga na nakilala niya sa bayan. Napangiti si Danding.”Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkaluwas niya sa Maynila?” “Oo”. Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.” “Nahuli po?” “Oo, sa liwanag ng ilang mga bituin. May kapilyuhan din ang Ama mo”
  • 27. Marami pang ibig itanong si Danding ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unti niyang pinutol ng pag-uusap nila ni Lolo Tasyo at iniwan ang matanda sa mga alaala nito. Handa na ang hukay. Sa huling sandali ay binuksan muli ang takip at naghari ang mga impit na hikbi at mga pag-iyak. Sa kabila ng pagtitimpi ay naramdaman ni Danding ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang Makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid.Ang kapayapaan at hangin ng bukid ay tila isang kamay na humahaplos sa noo ni danding. Huminga siya ng malalim, umupo sa lupa at ipinikit ang mga mata. Inunat niya ang kanyang mga paa at hinayaang maglaro ang hangin sa kanyang mukha. Napanatag ang kanyang puso sa lupang sinilangan ng kanyang ama.
  • 28. Tumawa si Danding habang inaalala ang mga kwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama at lalo pa niyang pinag-igi ang pagkakasalampak niya sa lupa. Sa sandaling iyon, tila hawak ni Danding sa palad ang lihim sa pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa at kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sin Rizal at Bonifacio.Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig at naulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo at tumungo sa pinanggagalingan ng mga Tinig.
  • 29. 1.PAGMAMAHAL SA PINAG-UGATANG PAMILYA 2. PAGMAMAHAL SA LUGAR KUNG SAAN LUMAKI 3. PAG-IBIG SA BAYAN
  • 30. Pagsulat ng sanaysay 1. Bakit mahalaga sa iyo ang lugar kung saan ka lumaki? 2. Magsalaysay ng alimang kwento ng inyong mga magulang tungkol sa kanilang kabataan