14. Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat
pamilya at ng lipunan
(AP9MKE-Ia-2)
15.
16.
Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks
sapagkat makatutulong ito sa mabuting
pamamahala at pagbuo ng matalinong
desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa
iyo bilang mag-aaral at maging sa mga
kasapi ng pamilya at lipunan.
17.
Maaari mo ring magamit ang kaalaman sa
Ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa
mga pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan. Ang mga kaalaman sa konsepto ng
trade-off, opportunity cost, incentives, at
marginal thinking ay makatutulong sa matalinong
pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat
isa sa pagbuo ng desisyon.
18.
Sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon,
nagaganap ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang
bagay kapalit ng ibang bagay. Ito ay tinatawag na
trade off. Ang trade-off ay mahalaga sapagkat sa
pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga
pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam na pasya.
Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
19.
Sa ginagawang pagsasakriprisyo ay may
opportunity cost. Ang opportunity cost ay
tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon.
20.
Subalit minsan, kahit nakabuo na ng desisyon
ay hindi pa rin maiiwasang magbago ng isip sa
bandang huli. Ito ay dahilan sa mga insentibo
na iniaalok ng mga lumilikha ng produkto at
serbisyo. Ang incentives ay tumutukoy sa
pakinabang na makukuha o matatanggap mo
kung pipiliin mo ang isang bagay.
21.
Ang marginal thinking naman ay ang pagsuri
ng isang indibidwal sa karagdagang halaga,
maging ito man ay gastos o pakinabang na
makukuha mula sa gagawing desisyon. Sa mga
isyu tungkol sa pag-aaral, pagkita, paglilibang,
paggasta, at pagtugon sa pangangailangan at
kagustuhan ay maaari mong magamit ang
kaalaman sa alokasyon at pamamahala.
22.
23.
1. Magagamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa
pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga
pamimilian na mayroon ang pamilyang iyong
kinabibilangan.
24.
2. Mapapayabong mo ang iyong pag-aaral sa
pagtugon sa pangangailangan at kagustuhan
na maari mong magamit sa kaalaman mo sa
alokasyon at pamamahala.
25.
3. Ang kaalaman mo sa Ekonomiks ay
makatutulong sa pagbuo ng matalinong
desisyon.
26.
4. Magagamit mo ang kaalaman sa Ekonomiks
upang maunawaan ang mga mahahalagang
usaping ekonomiko ng bansa.
27.
5. Sa paggawa ng matalinong desisyon,
mahalagang isaalang-alang at suriin ang trade-
off, opportunity cost, incentive at marginal
thinking ng mga pamimilian o choices.
28.
6. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo
ng isang bagay kapalit ng ibang bagay. Ang
opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay
o nang best alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon. Ang incentives ay tumutukoy
sa pakinabang na makukuha o matatanggap mo
kung pipiliin mo ang isang bagay. Ang marginal
thinking naman ay ang pagsuri ng isang indibidwal
sa karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing
desisyon.
29.
7. Mahalagang pag-aralan ang Ekonomiks dahil
ang mga kaalamang matutunan mo rito ay
makakatulong sa iyong pagdedesisyon para sa
kinabukasan at paghahanapbuhay sa
hinaharap.
35.
Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano-ano ang naidudulot ng Ekonomiks?
2. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral ang
Ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa paggawa ng
desisyon?
GAWAIN 1: Tanong ko, sagutin
mo (15pts.)
36.
Panuto: Isa-isahin ang kahalagahan ng pag-aaral ng
Ekonomiks batay sa gampanin ng isang tao.
GAWAIN 2: Flow Chart (20pts.)
37.
Panuto: Gumawa ng interview sa mga angkop na tao sa iyong
pamamahay batay sa kanilang gampanin. Itanong mo sa kanila
kung paano nakatulong ang kaalaman nila sa Ekonomiks sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Alamin kung madalas
ba nilang ginagamit ang konsepto ng trade-off, opportunity cost,
incentive at marginal thinking sa paggawa ng desisyon.
GAWAIN 3: Interview Portion
(30pts.)
Taong Tatanungin Mga Sagot
Ama (bilang isang mamamayan sa
lipunan)
Ina (bilang isang miyembro ng
pamilya)
Kapatid (bilang isang mag-aaral)
39. “Better endure the hardship of learning
than the bitterness of ignorance.”
-Anonymous
“Mahangay ang pait ng
pag-aaral, kaysa pait ng
kamangmangan.” -Anonymous