2. Bago nagsimula ang
Repormasyong Protestante,
nagsikap ang mga pinunong
Katoliko na maituwid ang mga
maling pamamaraan ng Simbahan.
Si Papa Gregory
VII (1037-1085), lalong kilala sa una
niyang pangalang Hilderbrand, ang
nagpasimuno ng
tatlong pagbabago sa Simbahan.
3. 1. Pagbabawal sa mga pari na
mag-asawa upang malayo sa
suliranin ng pamilya at nang
mailaan ang sarili sa buong
paglilingkod sa Diyos.
2. Pag-aalis ng simony.
3. Pagbabawal sa mga tauhan na
tumanggap ng pagtatalaga sa
anumang tungkulin sa Simbahan
sa kamay ng isang hari o pinuno
4. Upang harapin ang hamon ng
Protestantismo, isang malakas na
kilusan ang sinimulan ng mga tapat na
Katoliko upang paunlarin ang
Simbahang Katoliko. Tinawag
ang kilusang ito na Catholic
Reformation o Counter-Reformation.
Isinagawa ito ng Konseho ng Trent,
Inquisition at ng mga
Samahan ng mga Heswita (Society of
Jesus).
5. Nagtagumpay ang mga Heswita sa
pagbawi sa Bohemia, Hungary, Poland
at timog Germany para sa Simbahang
Katoliko.Sila ang naging makapangyari-
hang lakas ng Katolisismo sa kanlurang
Europe. Nagtatag sila ng mga paaralan
at naging dalubhasa bilang mga guro.
Pinilit din nilang magkaroon ng
malaking kaugnayan sa politika ng
Europe. Naging tagapayo sila at
katapatang-loob ng
6. mga hari at reyna ng mga kahariang
Katoliko. Nagtamo sila ng matataas na
karangalan sa pamamagitan ng kanila-
ng nagawa bilang mga iskolar at mga
siyentista. Sa panahon nina Haring
Ferdinand at Reyna Isabella ipinatupad
ang Inquisition laban sa mga erehe at
Hudyo at nakidigma sa mga Muslim ng
Granada. Maging ang Simbahan ay
sumailalim sa trono
ng hari at reyna.
9. nagkaroon ng dibisyong panrelihiyon
sa Europe kung saan ang hilaga ay
naging mga Protestante samantalang
ang timog naman ay nanatiling
Katoliko;
sa kadahilanang maraming mga turo
ng Simbahang Katoliko na iba sa aral
ni Kristo, at iba pang pagmamalabis
ng mga pari, marami ang humiwalay
sa Simbahang Katoliko at nagtatag
ng mga sekta ng Protestante tulad ng
Calvinism, Lutheranism, Methodist,
Anglican, Presbyterian at iba.
10. gumawa ng aksiyon ang Simbahang
Katoliko hinggil sa mga suliraning
pangrelibhiyon na kanilang hinarap
upang muling mapanumbalik ang
dating tiwala ng mga tagasunod nito
at pagbutihin ang pananampalatayang Katoliko.
Ang ilan sa mga repormang kanilang mga
ginawa ay ang pagpapawalang bisa
ng seremonya na tumutukoy sa
pagbenta at pagbili ng mga opisyal ng
simbahan; at ang pagbabawal sa
pagtatalaga ng mga hari o
karaniwang pinuno sa simbahan
11. ang taliwas na ideya ng dalawang
malaking relihiyon sa Europe (Katoliko at
Protestante) ay nagbunga sa mahabang
panahon ng digmaang panrelihiyon.
at ang panghuli ay ang pagpapanumbalik
na espiritwal sa Kristiyanismo, ang pagpa-
palaganap ng Bibliya at ang doktrina ng
kaligtasan ng Bibliya. Ang kaligtasan ay
makakamit hindi sa pagsapi sa simbahan
kundi ang pagtanggap at pagtitiwala
kay Kristo.
12. Mabuti ba o masama ang
naging epekto ng
Repormasyon?
Patunayan.
Ano ang mahalagang aral na
iniwan ng Repormasyon sa
mga tao?
13. 1. Ano ang ibang pangalan ni Papa
Gregory VII?
2. Protestante
3. Katoliko
4. Anong kilusan ang itinatag laban sa
Protestantismo?
5,6,7,8,9. Ang limang sekta ng
Protestantismo
10,11,12 tatlong binago sa simbahang
Katoliko