6. Tumutukoy ang solid waste sa
mga basurang nagmula sa
mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura
na nakikita sa paligid, mga
basura na nagmumula sa
sektor ng agrikultura at iba
pang basurang hindi
nakakalason
8. Halos 25% ng mga
basura ng Pilipinas ay
nanggagaling sa Metro
Manila kung saan ang
isang tao ay nakalilikha ng
0.7 kilong basura araw-
araw
9. Ang malaking bahagdan ng
itinatapong basura ng mga
Pilipino ay mula sa mga
tahanan na mayroong 56.7%.
Samantalang pinakamalaki
naman sa uri ng tinatapong
basura ay iyong tinatawag na
bio-degradable na may 52.31%
14. Ang mga nabanggit na suliranin sa
solid waste ay pinagtutulungang
solusyunan ng iba’t ibang sektor.
Ipinatupad ng pamahalaan ang
Republic Act 9003 o kilala bilang
Ecological Solid Waste Management
Act of 2000 upang magkaroon ng legal
na batayan sa iba’t ibang desisyon at
proseso ng pamamahala ng solid
waste sa bansa
15. Isa sa mga naging resulta ng
batas ay ang pagtatayo ng
mga Materials Recovery
Facility (MRF) kung saan
isasagawa ang waste
segregation bago dalhin ang
nakolektang basura sa mga
dumpsite.
19. Mayroon ding suporta na
nanggagaling sa mga
NGO upang mabawasan
ang suliranin sa solid
waste sa Pilipinas. Ilan sa
mga ito ay sumusunod:
20. Mother Earth Foundation -
tumutulong sa pagtatayo ng MRF
sa mga barangay.
Clean and Green Foundation-
kabahagi ng mga programa tulad
ng Orchidarium and Butterfly
Pavilion, Gift of Trees, Green
Choice Philippines, Piso Para sa
Pasig, at Trees for Life
Philippines(Kimpo, 2008).
21. Bantay Kalikasan – paggamit ng
media upang mamulat ang mga
mamamayan sa suliraning
pangkapaligiran. Nanguna sa
reforestation ng La Mesa Watershed at
sa Pasig River Rehabilitation Project.
Greenpeace – naglalayong
baguhin ang kaugalian at pananaw ng
tao sa pagtrato at pangangalaga sa
kalikasan at pagsusulong ng
kapayapaan
22. ANG PINAKAMALAKING
HAMON AY ANG
PAGPAPATUPAD NG
BATAS AT PAGBABAGO
NG PAG-UUGALI NG MGA
PILIPINO SA PAGTATAPON
NG BASURA
24. 1. Ano ang pangunahing
sanhi ng suliranin sa solid?
2. Paano ito nakaaapekto sa
ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong
upang mabawasan ang
suliranin sa solid waste?