4. Ayon kay Whitehead,
isang Edukador at Pilosopong Ingles:
“Ang wika ay kabuuan ng kaisipan ng
lipunang lumikha nito.”
5. Ang wika ang pinakamakapangyarihan na sandata
sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang simula ng
pagkakabuo ng sanlibutan ayon sa bibliya na
matatagpuan sa John 11:5.
6. Ayon kay Grace de Guna (2013) sa kanyang aklat na
Speech: Its Function and Development, "Men do not speak
simply to relieve their feelings or to air views but to awaken a
response in their fellows and to influence their attitudes and
acts. "
7. Ayon naman kay Henry Gleason, ang
wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao
sa pakikipagtalastasan na nabibilang sa iisang
kultura.