SlideShare a Scribd company logo
1 of 64
Download to read offline
Modyul
Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Aralin 1 Batayang Kaalamang Pangwika
Layunin:
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
1. Matutukoy ang mga gamit at anyo ng wika.
2. Makapagpapaliwanag ng mga batayang konsepto
ng wika.
3. Makapagpapalalim ng kaalaman hinggil sa
batayang konsepto ng wika.
Modyul
Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Introduksyon:
Sa panimulang bahagi ng kursong ito, mahalagang
maunawaan ang batayang konsepto ng wika.
Tutukuyin sa bahaging ito ang mga konseptong may
kinalaman sa gamit at anyo ng wika sa loob ng isang
lipunan.Ilalapat natin ang mga unibersal na
batayang konsepto sa konteksto ng wikang Filipino
at lipunang Pilipino.
Paunang Pagsusulit:
Ibigay ang hinihingi ng sumusunod:
1. Antas ng wika na nagmumula sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao para maging sariling “code”. Isa itong
mababang antas ng wika.
2.Antas ng wika na karaniwang ginagamit pang-araw araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal,
kadalasan may kagaspangan ngunit maaari ring maging repinado.
3.Antas ng wika na ginagamit ng mga manunulat.
4. Tungkulin ng wika na nagbibigay impormasyon o datos.
5. Tungkulin ng wika na naghahanap ng mga datos o impormasyon.
6. Tungkulin ng wika na nagpapahayag ng imahinasyon.
7. Tungkulin ng wika na kumokontrol at gumagabay sa kilos.
8. Tungkulin ng wika na nagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
9. Kahalagahan ng wika na nagsasabing “ Ano mang wika ay maaaring maging wika ng pang-aalipin”.
10. Kahalagahan ng wika na nmagsasabing “ang wika pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan ng
tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
1.1 Kahulugan at kahalagahan
Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na
madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na
lugar.
Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at
kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na
batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan.
Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng
kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at
pagsusulat.
Ang wika ay masistemang balangkas
Ang wika ay sinasalitang tunog
Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog
Ang wika ay komunikasyon
Ang wika ay pantao
Ang wika ay kaugnay ng kultura
Ang wika ay ginagamit
Ang wika ay natatangi
Ang wika ay dinamiko
Ang wika ay malikhain
1.2 Katangian
Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika.
Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa
rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga
nagsimula ang wika.
Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon
ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa
pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa
kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili
pa ring hiwaga o misteryo.
1.3 Mga Teorya ng Wika
1.3 Mga Teorya ng Wika
Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang
paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa
lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto.
Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang
relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang
ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng
wika sa tulong ng talahanayan.
Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika
noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na
higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging
mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at
nagtayo ng pakataas-taas na tore.
Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan
kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan,
ginuho niya ang tore.
Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa,
hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa
wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
Bow wow
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula
sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong
tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit.
Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay
natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na
nalilikha ng mga ito.
Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag
ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin
ang mga batang natututo pa lamang magsalita.
Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog,
kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw.
Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa
sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa
Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha
ng tao.
Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa
bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na
simbolismo ng tunog.
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan,
takot, pagkabigla at iba pa.
Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa
sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray!
Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng
naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap?
Ng takot?
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S.
Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng
kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t
tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y
nag-eeksert ng pwersa.
Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha
natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat
na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay
nanganganak?
YumYum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito
na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong
ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig
ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga
proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng
wika.
Ta-Ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas
o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay
ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto
ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y
nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang
Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye sapagka
t kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay
nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang
salitang ta-ta.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga
ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat
ng gawain tulad ng sa pakikidigma,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda,
pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala,
panggagamot, maging sa paliligo at
pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay
ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o
mga bulong.
Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng
tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang
nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y
nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang
kahulugan.
Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao
kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng
wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang
tao.
May aparato ang tao lalo na sa kaniyang
utak gayundin sa pagsasalita upang magamit
sa mataas at komplikadong antas ang wikang
kailangan niya hindi lamang para mabuhay
bagkus magampanan ang iba’t ibang
tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Plato
Nalikha ang wika bunga ng
pangangailangan. Necessity is the mother of
all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng
damit, tirahan at pagkain, pangunahing
pangangailangan din ng tao ang wika kung
kaya’t naimbento ito ng tao.
Jose Rizal
Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa
Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob
at regalo ng Diyos ang wika sa tao.
Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t
nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang simpleng
batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao,
kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa
aklat na Lioberman (1975) na may pamagat
na “On the Origin of Language”, sinasaad
dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang
makalikha ng iba’t ibang wika.
Wikang Aramean
May paniniwalang ang kauna-unahang
wikang ginagamit sa daigdig ay ang
lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga
sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at
Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang
kanilang wika.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin
matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa mga ito, mga
haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan.
Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na
hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat
teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na
maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o di
kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang
bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
Aralin 1: Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang teorya ng wika sa sumusunod
na tunog:
1. Nagsasaad ng masidhing damdamin
2. Tunog ng aso
3. Pagtulak ng mabigat na bagay
4. Awit ng mandirigma o mangingisda
5. pagbulong
1.4. Tungkulin ng Wika
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang sistema ng mga simbolo ang
komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang
disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan
ang pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng
pangungusap. Madaling maunawaan ang
pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man
ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling
naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang
kahulugan nito.
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa
gawaing pangkaisipan upang matugunan ang
pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga
hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong
nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng
paglalahad ng taong nakikipagugnayan.
Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa,
tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o
tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas
mula sa pinagmumulang wika.
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
Pagsasalitaan ang tawag sa isang
paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang
usapan tungkol sa isang paksa sa
pagsasaulo ng mga bagay. Sa
pamamagitan ng salitaan,
nakapagpapalitan tayo ng mga
kuro-kuro.
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang
pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at
pagsulat.
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag
sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang
mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon
sa eksaktong kahulugan.
1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong
sosyal.
Halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan
2. Instrumental- tumutugon sa mga
pangangailangan.
Halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon
sa eksaktong kahulugan.
3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o
asal ng iba.
Halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon
sa eksaktong kahulugan.
4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin
o opinyon.
Halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon
sa eksaktong kahulugan.
5. Imahinasyon- nagpapahayag ng
imahinasyon sa malikhaing paraan.
Halimbawa:
pasalita: malikhaing
pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon
sa eksaktong kahulugan.
6. Heuristic- naghahanap ng mga
impormasyon o datos.
Halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon
sa eksaktong kahulugan.
7. Informative- nagbibigay ng mga
impormasyon.
Halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon
sa eksaktong kahulugan.
Aralin 1: Gawain 2
Humanap ng awit na batay sa tungkulin ng wika ( 2
puntos bawat isa)
Aralin 1: Pagtataya
Panuto: Tukuyin kung anong tungkulin ng wika ang
pinapahayag:
1. Bigyan mo naman ako ng isang basong tubig.
2. Mahal na patnugot:
3. Ang tulang “ Ang Puno”
4. Saan po vba ang barangay San Jose?
5. Kumusta ka na aking kaibigan?
Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa
eksaktong kahulugan.
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang
katigorya sa antas na ginagamit ng tao
batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang
kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.
1.5. Mga Antas ng Wika
Pormal
Ito ay na istandard at
kinikilala/ginagamit ng nakararami.
Pormal
a. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang
manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan
at pamahalaan
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
Pormal
b.Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit
ng mga malikhain manunulat.
Ang mga salita ay karaniwang malalim,
makulay at masining.
Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibign
Pusod ng pagmamahalan
Impormal
Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak,
pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Impormal
a. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa
particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
b. Kolokyal.
Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan
nang kaunti,
maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?
Impormal
Impormal
c. Balbal
Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng
sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa
sa antas bulgar.
Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Aralin 1: Gawain 3
Gumawa ng isang maikling sanaysay na binubuo ng
sampu o higit pa na ginagamitan ng salitang
PAMBANSA. Isulat ito sa isang malinis na puting papel.
Aralin 1: Gawain 4
Bumuo ng sariling tula na may malayang taludturan na
ginagamitan ng mga salitang pampanitikan o
panretorika. Isulat sa isang malinis at maputing papel.
Gawain (Kolokyal at Balbal)
GAWAIN 5 ( KOLOKYAL)
Bumuo ng dalawampung aytem ng pangungusap na
may magkakaugnay na pangyayari at binubuo ng isa o
higit pang mga salitang kolokyal. Isulat sa isang
malinis at puting papel.
Gawain (Kolokyal at Balbal)
GAWAIN 6 (BALBAL)
Ang Klase ay magkakaroon ng isang maikling debate
ukol sa paggamit ng salitang BALBAL sa
pangaraw-araw. Ang buong klase ay mahahati sa
dalawa, ang unang pangkat ang Pro at ang
pangalawang pangkat naman ay ang against.
Aralin 1: Pagsusulit I
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan,
Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel.
1.Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng
nakararami.
2.Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw,
madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
3.Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarilapara sa paaralan at pamahalaan.
4.Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.Ang mga salita
ay karaniwang malalim, makulay at masining.
Aralin 1: Pagsusulit II
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin
kung ito ay Lalawiganin, Pampanitikan, Pambansa, Kolokyal o Balbal na
salita. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1.Buhay
2.Todas
3.Malakat
4.Bokal
5.penge
6.Nanghihilakbot
7.meron
8.Panibugho
9.Hinigugma
10.musta
Pagwawasto:
Pagsusulit I
1.Pormal
2.Di-Pormal
3.Pambansa
4.Pampanitikan
5.Lalawiganin
6.Kolokyal
7.Balbal
8.Lingua franca
9. Wika
10. Wika
Aralin 2: Baryasyon at Rehistro ng wika
Paunang Pagsusulit(Baryasyon ng Wika)
Isulat kung anong varayti ng wika ang sumusunod na pahayag:
1.Umuulan na naman. Hindi na tumitigil ay.
2. Ang mahal pero. Bibilhin ko sana ay.
3. Guys, may pagsusulit tayo sa Filipino ngayung araw.
4. What,s up yo? Break it down.
5. Pagkaganda pala nganaknng mag-asawang are ah.
Tukuyin ang rehistro ng wika:
1. Pakibuksan ang inyong aklat sa pahina 63.
2. Your honor, I would like to make a manifestation.
3. Tanggapin mo si Hesus sa inyong puso sapagkat siya lamang ang tanging daan paransa inyong kaligtasan.
4. Kapag ko’y hinalal ninyo, titiyakin ko sa lahat na walang magugutom.
5. Roland, bibigyan ko ng antibiotics ang inyong anak. Kapag di pa bumaba ang kanyang lagnat sabihin mo
agad sa akin ha.
2.1 VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA
Varayti - ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng
mga linggwista na ang wika ay heterogeneous o
nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes,gawain,
pinag-aaralan at iba pa
Varayti ng Wika –.ang pagkakaroon ng natatanging katangian
na nauugnay sa partikular uri ng katangiang
sosyo-sitwasyunal.
Varyasyon – sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado
ang gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta ng
pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat
sa progreso ng tao.
2.2 Mga Halimbawa
Dalawang Uri ng Varayti
Permanente – likas na gamit at linang sa
sinumang tapagsalita o tagabasa
Pansamantala – nagbabago batay sa
pagbabago ng sitwasyon.
Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti
at Varyasyon ng Wika
Dayalekto – varayting nakabatay sa lugar, panahon at
katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay sa pinanggalingang
lugar ng tapagsalita o grupo ng tagapagsalita.
Idyolekto – varayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng
tao sa paggamit ng wika ng partikular na indibidwal.
Gayundin, ang paggamit ng partikular na bokabularyo nang
madalas ay itinuturing ding idyolekto ng gumagamit.
Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti
at Varyasyon ng Wika
Sosyolek – ang varayting sinasalita ng mga tao sa isang
lipunan. Gayundin, nagtatakda ito ng klasifikasyon ng mga
mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay,
interes, hilig at kasarian.
Rejister – varayting kaugnay sa panlipunang papel na
ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.
Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit sa wika upang
makilala ang ispesipikong domeyn o gawain.
Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti
at Varyasyon ng Wika
Estilo – varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa
kausap. Maaaring formal,kolokyal at personal. Mode –
varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag
tulad ng pasalita o pasulat.
Paalala: kung ang dayalekto na ginagamit ng tao ay nagpapakilala kung sino
ang taong gumagamit, ang rejister naman ay ginagamit upang maipakita
ang ginagawa ng taong gumagamit.

More Related Content

Similar to Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf

wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfhyperpj80
 
1. Teorya at Pananaw.pptx
1. Teorya at Pananaw.pptx1. Teorya at Pananaw.pptx
1. Teorya at Pananaw.pptxFayeCarloman
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaReymeloLeonor
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaPatriciaRocolan
 
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptxMga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptxNormanMisoles
 
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxKOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxEverDomingo6
 
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptxAng mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptxMaryGraceYgotParacha
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanMarygrace Cagungun
 
Mga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdfMga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdfRachelBaldomar
 
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxLouiseFurio
 

Similar to Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf (20)

W ikapptx
W ikapptxW ikapptx
W ikapptx
 
wikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdfwikapptx-180514035231.pdf
wikapptx-180514035231.pdf
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
 
aralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptxaralin 1 fiilipino 11.pptx
aralin 1 fiilipino 11.pptx
 
1. Teorya at Pananaw.pptx
1. Teorya at Pananaw.pptx1. Teorya at Pananaw.pptx
1. Teorya at Pananaw.pptx
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wikaMga teorya ng pinagmulan ng wika
Mga teorya ng pinagmulan ng wika
 
komuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptxkomuniskasyon ppt.pptx
komuniskasyon ppt.pptx
 
pwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptxpwrpt_wika_v1.pptx
pwrpt_wika_v1.pptx
 
WIKA.pptx
WIKA.pptxWIKA.pptx
WIKA.pptx
 
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptxMga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
Mga-teorya-sa-pinagmulan-ng-Wika (2).pptx
 
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptxKOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
KOMPAN FIRST QUARTER [Autosaved].pptx
 
antas ng wika report.pptx
antas ng wika report.pptxantas ng wika report.pptx
antas ng wika report.pptx
 
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptxAng mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
Ang mayamang bokabularyo sa epektibong pagbasa at pagsulat.pptx
 
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasanAng wika at ang pakikipagtalastasan
Ang wika at ang pakikipagtalastasan
 
digestive system
digestive systemdigestive system
digestive system
 
102
102102
102
 
Mga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdfMga Teoryang Pangwika.pdf
Mga Teoryang Pangwika.pdf
 
Katuturan ng wika
Katuturan ng wikaKatuturan ng wika
Katuturan ng wika
 
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docxUnang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
Unang-Kabanata-Kahulugan-ng-Wika-1.docx
 

Recently uploaded

ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxCharmaineMacailan1
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 

Recently uploaded (20)

ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptxG9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
G9 Araling Panlipunan Sektor ng Industriya.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 

Komunikasyon sa Akad Filipino PPT.pdf

  • 2. Aralin 1 Batayang Kaalamang Pangwika
  • 3. Layunin: Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Matutukoy ang mga gamit at anyo ng wika. 2. Makapagpapaliwanag ng mga batayang konsepto ng wika. 3. Makapagpapalalim ng kaalaman hinggil sa batayang konsepto ng wika.
  • 5. Introduksyon: Sa panimulang bahagi ng kursong ito, mahalagang maunawaan ang batayang konsepto ng wika. Tutukuyin sa bahaging ito ang mga konseptong may kinalaman sa gamit at anyo ng wika sa loob ng isang lipunan.Ilalapat natin ang mga unibersal na batayang konsepto sa konteksto ng wikang Filipino at lipunang Pilipino.
  • 6. Paunang Pagsusulit: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod: 1. Antas ng wika na nagmumula sa pagpapangkat-pangkat ng mga tao para maging sariling “code”. Isa itong mababang antas ng wika. 2.Antas ng wika na karaniwang ginagamit pang-araw araw na salita na ginagamit sa pagkakataong impormal, kadalasan may kagaspangan ngunit maaari ring maging repinado. 3.Antas ng wika na ginagamit ng mga manunulat. 4. Tungkulin ng wika na nagbibigay impormasyon o datos. 5. Tungkulin ng wika na naghahanap ng mga datos o impormasyon. 6. Tungkulin ng wika na nagpapahayag ng imahinasyon. 7. Tungkulin ng wika na kumokontrol at gumagabay sa kilos. 8. Tungkulin ng wika na nagpapahayag ng sariling damdamin o opinion. 9. Kahalagahan ng wika na nagsasabing “ Ano mang wika ay maaaring maging wika ng pang-aalipin”. 10. Kahalagahan ng wika na nmagsasabing “ang wika pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan.
  • 7. 1.1 Kahulugan at kahalagahan Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa paraan ng pagsasalita at pagsusulat.
  • 8. Ang wika ay masistemang balangkas Ang wika ay sinasalitang tunog Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog Ang wika ay komunikasyon Ang wika ay pantao Ang wika ay kaugnay ng kultura Ang wika ay ginagamit Ang wika ay natatangi Ang wika ay dinamiko Ang wika ay malikhain 1.2 Katangian
  • 9. Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa dami-daming teorya ng iba’t ibang tao hindi pa rin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika. Tinatanggap ng mga dalubwika na hanggang sa ngayon ay wala pa ring katiyakan ang iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan nito. Isa itong palaisipang hanggang sa kasalukuyan ay hinahanapan ng patunay subalit nananatili pa ring hiwaga o misteryo. 1.3 Mga Teorya ng Wika
  • 10. 1.3 Mga Teorya ng Wika Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’t ibang pagsipat o lente ang pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
  • 11. Tore ng Babel Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
  • 12. Bow wow Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto. Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika man o sa Tsina ay pareho lamang?
  • 13. Ding-dong Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
  • 14. Pooh-pooh Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
  • 15. Yo-he-ho Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
  • 16. YumYum Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
  • 17. Ta-Ta Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagka t kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
  • 18. Ta-ra-ra-boom-de-ay Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
  • 19. Rene Descartes Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya’t likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
  • 20. Plato Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya’t naimbento ito ng tao.
  • 21. Jose Rizal Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika? Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao.
  • 22. Charles Darwin Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika.
  • 23. Wikang Aramean May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
  • 24. Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo. Bawat teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan upang ating paniwalaan o di kaya’y tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
  • 25. Aralin 1: Gawain 1 Panuto: Tukuyin ang teorya ng wika sa sumusunod na tunog: 1. Nagsasaad ng masidhing damdamin 2. Tunog ng aso 3. Pagtulak ng mabigat na bagay 4. Awit ng mandirigma o mangingisda 5. pagbulong
  • 27. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika? Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.
  • 28. Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
  • 29. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
  • 30. Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan, nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
  • 31. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika?
  • 32. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika? Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.
  • 33. Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan. 1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal. Halimbawa: pasalita: pangangamusta pasulat: liham pang-kaibigan
  • 34. 2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan. Halimbawa: pasalita: pag-uutos pasulat: liham pang-aplay Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan.
  • 35. 3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba. Halimbawa: pasalita: pagbibigay ng direksyon pasulat: panuto Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan.
  • 36. 4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Halimbawa: pasalita: pormal o di-pormal na talakayan pasulat: liham sa patnugot Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan.
  • 37. 5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Halimbawa: pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan pasulat: mga akdang pampanitikan Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan.
  • 38. 6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos. Halimbawa: pasalita: pagtatanong pasulat: survey Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan.
  • 39. 7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon. Halimbawa: pasalita: pag-uulat pasulat: balita sa pahayagan Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan.
  • 40. Aralin 1: Gawain 2 Humanap ng awit na batay sa tungkulin ng wika ( 2 puntos bawat isa)
  • 41. Aralin 1: Pagtataya Panuto: Tukuyin kung anong tungkulin ng wika ang pinapahayag: 1. Bigyan mo naman ako ng isang basong tubig. 2. Mahal na patnugot: 3. Ang tulang “ Ang Puno” 4. Saan po vba ang barangay San Jose? 5. Kumusta ka na aking kaibigan?
  • 42. Iba-ibat tungkulin ng wikang Filipino ayon sa eksaktong kahulugan. Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
  • 43. 1.5. Mga Antas ng Wika
  • 44. Pormal Ito ay na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
  • 45. Pormal a. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
  • 46. Pormal b.Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibign Pusod ng pagmamahalan
  • 47. Impormal Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
  • 48. Impormal a. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!)
  • 49. b. Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sa’kin,kelan Meron ka bang dala? Impormal
  • 50. Impormal c. Balbal Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa) Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino)
  • 51. Aralin 1: Gawain 3 Gumawa ng isang maikling sanaysay na binubuo ng sampu o higit pa na ginagamitan ng salitang PAMBANSA. Isulat ito sa isang malinis na puting papel.
  • 52. Aralin 1: Gawain 4 Bumuo ng sariling tula na may malayang taludturan na ginagamitan ng mga salitang pampanitikan o panretorika. Isulat sa isang malinis at maputing papel.
  • 53. Gawain (Kolokyal at Balbal) GAWAIN 5 ( KOLOKYAL) Bumuo ng dalawampung aytem ng pangungusap na may magkakaugnay na pangyayari at binubuo ng isa o higit pang mga salitang kolokyal. Isulat sa isang malinis at puting papel.
  • 54. Gawain (Kolokyal at Balbal) GAWAIN 6 (BALBAL) Ang Klase ay magkakaroon ng isang maikling debate ukol sa paggamit ng salitang BALBAL sa pangaraw-araw. Ang buong klase ay mahahati sa dalawa, ang unang pangkat ang Pro at ang pangalawang pangkat naman ay ang against.
  • 55. Aralin 1: Pagsusulit I Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan, Isulat ang wastong sagot sa sagutang papel. 1.Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami. 2.Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 3.Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarilapara sa paaralan at pamahalaan. 4.Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
  • 56. Aralin 1: Pagsusulit II Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin kung ito ay Lalawiganin, Pampanitikan, Pambansa, Kolokyal o Balbal na salita. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel. 1.Buhay 2.Todas 3.Malakat 4.Bokal 5.penge 6.Nanghihilakbot 7.meron 8.Panibugho 9.Hinigugma 10.musta
  • 58. Aralin 2: Baryasyon at Rehistro ng wika
  • 59. Paunang Pagsusulit(Baryasyon ng Wika) Isulat kung anong varayti ng wika ang sumusunod na pahayag: 1.Umuulan na naman. Hindi na tumitigil ay. 2. Ang mahal pero. Bibilhin ko sana ay. 3. Guys, may pagsusulit tayo sa Filipino ngayung araw. 4. What,s up yo? Break it down. 5. Pagkaganda pala nganaknng mag-asawang are ah. Tukuyin ang rehistro ng wika: 1. Pakibuksan ang inyong aklat sa pahina 63. 2. Your honor, I would like to make a manifestation. 3. Tanggapin mo si Hesus sa inyong puso sapagkat siya lamang ang tanging daan paransa inyong kaligtasan. 4. Kapag ko’y hinalal ninyo, titiyakin ko sa lahat na walang magugutom. 5. Roland, bibigyan ko ng antibiotics ang inyong anak. Kapag di pa bumaba ang kanyang lagnat sabihin mo agad sa akin ha.
  • 60. 2.1 VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA Varayti - ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay heterogeneous o nagkakaiba-iba. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirahan, interes,gawain, pinag-aaralan at iba pa Varayti ng Wika –.ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal. Varyasyon – sa pagdaan ng panahon, nagiging ispesyalisado ang gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta ng pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao.
  • 61. 2.2 Mga Halimbawa Dalawang Uri ng Varayti Permanente – likas na gamit at linang sa sinumang tapagsalita o tagabasa Pansamantala – nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon.
  • 62. Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti at Varyasyon ng Wika Dayalekto – varayting nakabatay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay sa pinanggalingang lugar ng tapagsalita o grupo ng tagapagsalita. Idyolekto – varayti na kaugnay sa personal na kakanyahan ng tao sa paggamit ng wika ng partikular na indibidwal. Gayundin, ang paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas ay itinuturing ding idyolekto ng gumagamit.
  • 63. Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti at Varyasyon ng Wika Sosyolek – ang varayting sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Gayundin, nagtatakda ito ng klasifikasyon ng mga mamamayan batay sa antas ng kanilang pamumuhay, interes, hilig at kasarian. Rejister – varayting kaugnay sa panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Tumutukoy sa ispesyalisadong paggamit sa wika upang makilala ang ispesipikong domeyn o gawain.
  • 64. Ilang Mahalagang Konsepto ukol sa Varayti at Varyasyon ng Wika Estilo – varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Maaaring formal,kolokyal at personal. Mode – varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. Paalala: kung ang dayalekto na ginagamit ng tao ay nagpapakilala kung sino ang taong gumagamit, ang rejister naman ay ginagamit upang maipakita ang ginagawa ng taong gumagamit.