requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap bago dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Matalinghagang Pahayag.
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap bago dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Matalinghagang Pahayag.
PANUNURING PAMPANITIKAN
Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon.
Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.
Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
Panunuring Pampanitikan Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan.
Ito ay may dalawang sangay
1. Pagdulog
a. pormalistiko o pang-anyo.
b. moralistiko
c.sikolohikal
d. sosyolohikal
2. Pananalig
a. klasisismo
b. romantisismo
c.realismo,
d. naturalismo
e. impresyunalismo
f. ekspresyunalismo
g. simbolismo
h. eksistensiyalismo
i. peminismo
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.
2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa Pilipinas. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
5. Sa pagsusuri ng tula, ang pana
1. Pambungad na Panalangin
Mapagmahal naming Ama, maraming
salamat po sa mga biyaya na Iyong ibinibigay sa
amin sa araw-araw. Maraming salamat po sa
kaalaman at yaman ng kultura at panitikan na
amin pang namana mula sa aming mga ninuno.
Patuloy Niyo po kaming gabayan at patnubayan
sa aming buhay Panginoon, Ikaw po ang aming
sandigan at kalakasan, Amen.
2.
3. Hulaan ang kasabihang makikita sa ibaba batay sa mga
larawan at gabay na kahon.
“Ang Karunungan ay Kayamanan”
• Ano-ano ang mga itinuturing niyong
kayamanan sa buhay?
Ang ay
4. Mga Layunin:
• naiisa-isa ang mga mahahalagang
kaisipang makikita sa akda.
• naipaliliwanag ang mensahe ng mga
mahahalagang kaisipang makikita sa
akda.
• naiuugnay ang mga mahahalagang
kaisipang nakapaloob sa Karunungan ng
Buhay sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
5. Ang Panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating
lahi dahil bahagi ito ng ating kasaysayan. Sinasabing ang
panitikan at ang kasaysayan ay matalik na magkaugnay. Sa
pag-aaral ng kasaysayan laging bahagi nito ang damdamin,
saloobin, paniniwala, kultura, at tradisyon ng isang bansa
na kalimitan ay nasasalamin sa taglay nitong panitikan ̣
6. Talasalitaan
1.Lahat ng gubat ay may ahas.
2.Kung ano ang itinanim, siya rin ang
aanihin.
3.Masakit ang katotohanan
4.Walang tiyaga, walang nilaga
5.Aanhin pa ang damo kung patay na
ang kabayo.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod na pahayag.
8. Sa buhay ng tao ay may mga karanasan
Na kailangang iwasan at dapat ayusin
tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan
9. Iwasan nang hindi maging
anak-dalita:
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin ̣
Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga ̣
10. Gawin upang tumanaw ng utang
na loob:
Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim ̣
Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan ̣
11. Pakaisipin upang maging
malawak ang isip:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin ̣
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa ̣
12. Tandaan upang maging buo ang
loob:
Kung hindi ukol
Hindi bubukol ̣
Kung ano ang bukam-bibig
Siyang laman ng dibdib ̣
13. Ingatan upang hindi maging
pasang-krus:
Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin ̣
Ang kalusugan
Ay kayamanan ̣
14. Tularan nang maging matalas
ang isip:
Daig ng maagap
ang masipag ̣
Lakas ng katawan
Daig ng paraan ̣
15. Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa buhay
Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay ̣
16. • Bakit ito tinatawag na karunugan ng buhay?
• Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
• Sang-ayon ka ba sa mga karunungan ng
buhay na nabanggit sa tula? Bakit?
• Bilang kabataan, paano mo
mapahahalagahan ang mga karunungan ng
buhay o payo na inilahad ng mga
matatanda?
Pagpapalalim
17. • Paano makatutulong ang mga karunungang
ito sa buhay sa kasalukuyan lalo na sa mga
kabataan?
• Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga payo
ng mga nakatatanda, alin sa ating core
values ang ipinamalas mo?
• Sa inyong aralin sa CL, gaano ba kahalaga
ang pagbigay-galang sa mga nakatatanda?
Kamalayang Panlipunan
18. Kaisipang Biblikal
“Tatayo kayo kapag may kaharap na
matanda. Igalang ninyo sila at matakot
kayo sa Diyos. Ako si Yahweh”
Levitico 19: 30
19. Panuto: Pumili ng isa sa mga karunungan ng buhay na
nabanggit sa tula, isulat sa loob ng kahon at
ipaliwanag ito sa iyong sariling pag-unawa. Ilahad
kung paano mo ito magagamit sa tunay na buhay.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Pagbubuod
Paano makatutulong sa iyong buhay ang
pagsasabuhay ng mga karunungang ng buhay na ito?
20. Inaasahang Pagganap sa FILIPINO 8
Goal : Nakakagawa ng isang mini-brochure na
nagpapakita sa mga akdang pampanitikan ng Pilipinas
bago dumating ang mga mananakop
Role: Manunulat
Audience : Mga Mag-aaral at Guro
Situation : Ikaw ay isang manunulat na naglalayong
ipapalaganap ang pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan ng Pilipinas bago dumating ang mga
mananakop
Product: Isang mini-brochure
21. Inaasahang Pagganap sa FILIPINO 8
Gabay sa Paggawa:
• Ang mini-brochure ay may sukat na 11”x85”
(Letter size)
• May larawan ng mga iba’t ibang akdang
pampanitikan bago dumating ang mga
mananakop
• Mga maikling halimbawa o pagpapaliwanag
tungkol sa akda
• May mga salitang nanghihikayat na basahin ang
mga akda
22. Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Nagpapakita ng pagiging malikhain at maparaan;
makulay at malinis ang mini-brochure
30
Ang mini-brochure ay naglalaman ng mga iba’t
ibang akdang pampanitikan bago dumating ang mga
mananakop
30
Nakapanghihikayat ang nagawang mini-brochure 20
Malinaw ang pangkalahatang mensahe ng nagawang
mini-brochure at nasunod nang wasto ang gabay sa
paggawa
20
Kabuuang Puntos 100
23.
24.
25. Panapos na Panalangin
Luwalhati sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo.
Kapag noong unang-una, ngayon at kailanman
at magpasawalang hanggan. Amen.