Just click "save" above the presentation to download it..Be sure you have an slideshare account or you linked this website with your facebook accoun or etc..thanks for all the views:)
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip para sa pag-unawa ng binasang teksto, dahil hindi masasabing pagbasa ang pagsasatunog ng teksto kapag hindi ito naintindihan.
- ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?
- LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
- PARAAN NG PAGLALARAWAN
- URI NG PAGLALARAWAN
- APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
- HALIMBAWA
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
Ang kursong FLT 717 na Panitikan sa Edukasyon ng Pilipinas o Philippine Educational Literature ay tatlong yunit na kurso na nagbibigay kaalaman sa mga estudyante sa mga araling sumasaklaw sa panitikan. Binibigyang diin din ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan na nakasulat sa iba’t ibang yugto ng panahon. Ang pagpapahalaga sa nasabing gawain ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbabahagi sa klase ng mga nilalaman ng bawat akda. Ang mga kaalaman at kakayahang matatamo sa pagbabahagi ay maaaring magamit sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan sa Pilipinas.
Just click "save" above the presentation to download it..Be sure you have an slideshare account or you linked this website with your facebook accoun or etc..thanks for all the views:)
Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip para sa pag-unawa ng binasang teksto, dahil hindi masasabing pagbasa ang pagsasatunog ng teksto kapag hindi ito naintindihan.
- ANO ANG TEKSTONG DESKRIPTIBO?
- LAYUNIN AT KAHALAGAHAN
- PARAAN NG PAGLALARAWAN
- URI NG PAGLALARAWAN
- APAT NA MAHALAGANG KASANGKAPAN NA GINAGAMIT SA MALINAW NA PAGLALARAWAN
- HALIMBAWA
Nilalaman ng PPT na ito ang kahulugan, katangian, kahalagahan, mga pamaraan/teknik, mga kasanayan, proseso, antas at mga teorya ng pagbasa. Ito ay maingat na inayos ayon sa mga sanggunian na nakatala sa katapusan ng slide deck. Nawa'y makatulong ito sa iba pang mga guro na katulad ko lalong-lalo na sa mga estudyante ng ika-11 baitang. :) Pagpalain tayong lahat ng Panginoon! :) :) :)
Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga makrong Kasanayan ng wika, partikular na ang pagsulat at pagbasa. Tinatampok dito ang kahulugan, gamit at kahalagahan ng paggamit nito sa komunikasyon.
Ang kursong FLT 717 na Panitikan sa Edukasyon ng Pilipinas o Philippine Educational Literature ay tatlong yunit na kurso na nagbibigay kaalaman sa mga estudyante sa mga araling sumasaklaw sa panitikan. Binibigyang diin din ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan na nakasulat sa iba’t ibang yugto ng panahon. Ang pagpapahalaga sa nasabing gawain ay isasagawa sa pamamagitan ng pagbabahagi sa klase ng mga nilalaman ng bawat akda. Ang mga kaalaman at kakayahang matatamo sa pagbabahagi ay maaaring magamit sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikan sa Pilipinas.
ARALIN 1: Kaligirang Kasaysayan ng Panitikan
-Sa paksang ito nakapaloob ang maikling paliwanag hinggil sa kung ano ang kahulugan ng panitikan at bakit napakahalaga ang panitikan sa bawat tao lalo na ang panitikan ng mga Pilipino.
Ang panitikan ay isa sa mga pinakamahalagang sining ng ating kultura. Sa bawat pahina ng isang akda, natatanggap natin ang mga karanasan at kwento ng mga tao mula sa nakaraan, kasalukuyan, at maging sa hinaharap.
Ang PPT na ito ay ang tungkol sa kaligiran ng Panitikan ng Pilipinas. Nakapaloob dito ang mga uri at ang iba't iba pang mga bagay na may kaugnayan sa panitikan.
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media-lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular. Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili. Ngunit bakit nga ba may kulturang popular? San ba ito galing? May sinasabing anim na dahilan at pinagmumulan ng kulturang popular at ito ang mga: 1. Pangangailangan na itinatakda ng mga negosyante Ang mga negosyante ay nagbibigay o nagpapakita sa mga tao ng isang pangangailangan.Ang kulturang popular ay ang tinatangkilik ng karamihan sa lipunan, halimbawa ang mga pelikula at ang mga teleserye, sa mga damit na sinusuot at ang mga artista na tinitingalaan namin – lahat ito ay nasa sakop ng kulturang popular. Ang ng ginagawa naming, sa mga salita at ang mga akysons – ito ang subconscious na pagnanais sa mga bagay na popular sa karamihan. Ito ang isang simpleng paliwanag para sa kulturang popular, pero ano talaga ANG ‘kulturang popular?’May maraming ideyas na lumikha ang tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isa, tumatakbo ang kulturang popular sa prospekto ng kita. Kung walang kita o potensyal na negosyo mas maliit ang impluensya ang mga kompanya sa komunidad. Laging nagdadala ang mga kompanya ng mga bagay na nakatingin nila may potensyal na maging popular dahil ito ang paanong tumatakbo ang mga kompanya – nagdala ng mga produkto na lilikha ng pinakamaraming kita. Dahil sa itong pananaw, karaniwan maganda ang mga produkto na dinadala ng mga kompanya, katulad sa mga damit o mga restawrans, at ito ay gumagawa ang trend na sinusundan namin.
Gumagawa ang pagnanais na umiral sa kulturang popular ang konsepto ng sado-masokismo. Ito ang kagustuhan para makukuha ng kasiyahan sa pagkuha ng mga bagay na tinatawag naming ‘kulturang popular.’ Isang halimbawa ay ang kagustuhan ng bagong tatak ng Nike o Adidas na sapatos .
Filipino 8 Lesson
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noong 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa imprenta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ang diwang Kristyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o ng isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal samagulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.
Ang awit ay may
May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
Halimbawa nito ang Florante at Laura.
Ang korido ay may
May walong pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para basahin, hindi awitin.
Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa ng isang korido ang Ibong Adarna.
2. Ang Malikhaing Pagsulat at
Kahalagahan ng Pagsulat
Uri ng Pagsulat ayon sa layunin
Mga elemento sa pagsulat
Paksa
Layunin
Audience/ mambabasa
Mga Gabay sa Malikhaing Pagsulat
3. Ito ay isang pisikal at mental na
aktibiti na ginagawa para sa
iba’t ibang layunin. (Bernales et
al., 2002)
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel
o sa anumang kasangkapang
maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong
salita, simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang
kaisipan (Sauco, et al., 1998).
4. Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin
at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita.
5. Ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang panahon ay
nagkakalapit, nagkakaunawaan, at nagkakaisa. Ang aspeto
ng ating kultura ay napapanatiling buhay sa pamamagitan
nito.
Natutuhan natin ang kasaysayan ng ating lahi; ang mga
paniniwala at matatayong na kaisipan ng ating mga ninuno;
at ang mga pagbabago at pagsulong ng ating bansa.
6. Kahalagahang
Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para
mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala.
Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos
makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na
dalahin.
7. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga
bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang
magkarelasyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang
isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para
maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang
kapaligiran.
8. Kahalagahang Pang-
ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa
madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-
araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga
dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.
9. Kahalagahang
Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating
kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay
nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon.
10. • Ayon kay Castillo et al.
(2008), ang
malikhaing pagsulat
ay isang natatanging
uri ng pagsulat
sapagkat kailangan
nitong magtaglay ng
mahusay na diwa at
paksa.
11. • Ang malikhaing akda
ay isinusulat upang
magbigay-aliw sa
mambabasa at bigyan
sila ng pag-unawa sa
kanilang buhay at sa
lipunang kanilang
ginagalawan.
12. Ang mga sumusunod ay ilang
anyo ng malikhaing sulatin:
• Memoir
• Awtobiyograpiya
• Nobela
• Nobeleta (mahabang maikling
kuwento o maikling nobela)
• Maikling kuwento
13. Ang mga sumusunod ay ilang anyo ng
malikhaing sulatin:
• dagli o flash fiction (napakaikling
kuwento na binubuo lamang ng ilang
daang salita)
• tula
• personal na sanaysay
• epiko
• komiks o graphic novel
• dula (panteatro, pampelikula,
pantelebisyon)
• kanta o awit
14. Talang-gunita o Talang-alaala
Pransesna mémoire
Latin memoria
Nangangahulugang “ala-
ala”, “gunita”
alipunan ng
pagsasalaysay o kuwento
ng buhay na pinagdaanan
o pag-ala-ala sa nakalipas
o mga bagay na naalala
15. Isang uri ng panitikan
kung saan ang isang tao
ang paksa at siya na rin
mismo ang nagsulat ng
impormasyon at
pangyayari sa kanyang
buhay.
Talambuhay - isang uri ng
panitikan na isinulat ng
ibang tao na nagsasaad ng
tunay na impormasyon at
pangyayari sa buhay ng
isang tao
16. Mahabang kathang pampanitikan
na naglalahad ng mga pangyayari
na pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay
ang pagkakalabas ng hangarin ng
bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila
Isang makasining na
pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring
magkasunod at
magkakaugnay.
17. isang masining na anyo ng
panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.
Si Deogracias A. Rosario
ang tinuturing na “Ama
ng Maikling Kwentong
Tagalog”.
18. isang masining na anyo ng
panitikan na naglalaman ng isang
maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.
19. Isang espesyal na anyo ng
Panitikang Filipino na
nagsasalaysay ng iba’t-
ibang paksa sa buhay ng
isang tao.
Karaniwan ay nasa isang
daang salita o kaya
naman ay aabot hanggang
apat na raang salita
lamang.
20. • Halimbawa ng dagli tungkol sa kaibigan:
Ang saya magkaroon ng tunay na kaibigan. Pero sobrang daya niya
talaga kaya ngayon naghahanda ako para sa araw na ito. Ang suot ko
nga pala ngayon ay itim na bistida, paborito kasi namin yun na kulay.
Oo nga pala! Kailangan ko pang pumunta sa Flower Shop kasi kukunin
ko yung inorder kong bulaklak para sakanya. Kailangan ko rin dumaan
sa grocery store may bibilhin lang ako. Dumating na ako sa chapel
andito siya ngayon.
Habang naglalakad ako papunta sakanya maiyak-iyak ako. Ang daya
nga niya! Ngayon na nga lang siya magpapa-meryenda kape at biskwit
pa! Minsan na nga lang ako pumunta sa kanila tulog na tulog pa siya! At
grabe siya kala ko ba ang paborito naming kulay itim bakit ngayon
naka-puti siya!
Pero ayos na rin yun para di na siya mahirapan at makapahinga na siya
ng maayos. Ang huling paalam ko na lang sakanya ay san'y bantayan
niya ako mula sa pupuntahan niyang paraiso.
21.
22. Ito ang pinakauna na
dapat isaalang-alang ng
manunulat. Dapat ito ay
nakaayon sa mga
makabagong kaganapan, mga
kagustuhan ng tagabasa,
napapanahon at higit sa
lahat, kawili-wili.
23. • Dito nakasaad kung ano ang
mensahe na dapat iparating ng
manunulat sa mambabasa.
• Ito ang nagiging daan ng
pagpapahayag ng manunulat
sa kanyang saloobin, kaisipan
at mithiin.
24. • isang napakahalagang
papel ang ginagampanan
ng mambabasa sa
pagsusulat. Sila ang
nagbibigay ng importansya
sa napiling paksa.
25.
26. Pre-writing
ito ang paghahanda bago magsulat. Pangangalap ng
impormasyon tungkol sa paksa na iyong sinusulat.
Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at
pagpili ng tono at perspektibong gagamitin.
27. Actual-writing
Isinaalang-alang ang tamang pagkakabuo ng
pagsulat. Partikular ang pagbaybay, gramatika at
kaayusan. Nakapaloob dito ang pagsulat ng draft
o burador.
28. Re-writing
Dito nagaganap ang pag-eedit at
pagrerebisa ng sulatin mula sa gramatika,
bokabulari at pagkakasunod-sunod ng mga
ideya o lohika.
29. Paano nga ba magbahagi ng
malikhaing pagsusulat?
30. Mapupukaw ang interes ng ating
mambabasa dahil malalaman at
mararamdaman nila kung may puso o wala
ang ating sinusulat.
31. Dito nagiging kawili-wili ang akda lalo na kung
nababatid ng mambabasa ang lawak ng imahinasyon
ng manunulat. Nagiging epektibo rin ang paglalahad
ng akda kung nabibigyan ng impluwensya ang
mambabasa na magkaroon ng malawak na pag-iisip.
32. Mahalaga para sa mambabasa na makakuha ng kahit
ano mang aral, libang o impormasyon sa kanyang
binabasa. Sa dami ng pwedeng pagpiliang basahin,
mas maganda na may maibigay rin tayong libang o
ambag sa karunungan ng mga mambabasa.
33. Panatilihing nasa maayos na daloy ang
paglalahad ng kwento at iwasan ang pagliko-liko
at biglaang pagtalon mula sa isang paksa
papunta sa panibagong paksa.
34. Hindi maitatanggi na hirap pa rin ang karamihan
sa atin sa wastong baybay ng mga salita at
pagbabantas, ngunit isa ito sa kailangang
pagtuunan ng pansin upang maging presentable
ang ating akda.