Tinalakay ng modyul ang mga sanhi, epekto, at paraan upang maiwasan ang karahasan sa paaralan, lalo na ang pambubulas na nagdudulot ng mabigat na problema sa mga mag-aaral. Ayon sa mga datos, ang pambubulas ay mayroong iba't ibang anyo tulad ng pasalita, sosyal, at pisikal, at ito ay hindi lamang nakakaapekto sa nabubulas kundi pati na rin sa mambubulas. Ang pagmamahal sa sarili at kapwa ay itinuturing na mahalagang sandata upang labanan ang karahasan sa institusyon ng edukasyon.