Baitang 8 es p_lm_module 13_march.16.2013 (edited) dave
1. 416
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8
Ikaapat na Markahan
MODYUL 13: ANG SEKSWALIDAD NG TAO
Ang Agwat Teknolohikal
Napakabilis ng mga pagbabago sa
teknolohiya. Ang mabilis na
pagbabagong ito ay epekto sa
pakikipag-ugnayan natin sa ating
mga magulang at guro at sa ating
pakikipagkapwa. Naiimpluwensyahan ng mga
pagbabagong ito ang pamilya at ang lipunang ating
ginagalawan.
Dahil sa makabagong tyeknolohiya ngayon
maraming mag-aaral na hindi na makatuon ng
pansin sa pag-aaral.
Nabubuhay tayo ngayon sa gitna ng mga kamangha-
manghang pagbabago sa teknolohiya . Kung noon
naunang mga henerasyon ay umaabot sa 12 taon
bago makarating sa mga karaniwang mamamayan
ang bagong teknolohiya ngayon ay inaabot na
lamang ito ng 3 hanggang 5 taon. Ang radyo 38
taon bago nagkaroon ng tagapakinig na 50 milyon.
Ang telebisyon 13 taon sa katulad na dami ng
manonood. Ang PC o personal computer, 16 na
taon lang nagkaroon na ng 50 milyong
tagatangkilik. Ang internet, 5 taon, ang I Pod, 3
taon, at ang Facebook, 2 taon lang! Ayon kay Alvin
Toffler sa kanyang aklat na The Third Wave (1980),
pagdating ng dekada sitenta ay nakaranas na ang
mundo ng tatlong bugso ng mga pagbabago sa
2. 417
teknolohiya. Ang panahon ng agrikultura ay
umabot ng 3, 000 taon. Ang panahong pang-
industriya ay umabot ng 300 taon. Ang panahon ng
Computer ay pumailanglang at bumulusok sa loob
lamang ng 30 taon. Ngunit ayon sa pagtutuwid ni
Rosen (2004), ang panahon ng Computer at
Internet ay maihahambing sa patuloy na pagtaas at
pagbaba ng alon sa dalampasigan. Sa pagbagsak
at paghampas ng alon may isang pataas naman na
kasunod nito. Halimbawa, kalalabas lamang noong
isang taon ng Smart Phone ay inaabangan at
pinananabikan naman ngayon ang paglabas ng mga
bagong Internet Phone. Dalawang taon lamang
ang nakararaan nang ang notebook at netbook
ang pinagkakaguluhan, ngayon ay ang tablets at
Ipad na. Nalimutan na rin ang manual keyboard
dahil mayroon na ring voice activated computers
at touch screen na rin ang lahat mula sa t.v.
screen hanggang sa cellular phone.
. Ang radyo 38 taon bago nagkaroon ng
tagapakinig na 50 milyon. Ang telebisyon 13 taon
sa katulad na dami ng manonood. Ang PC o
personal computer, 16 na taon lang nagkaroon na
ng 50 milyong tagatangkilik. Ang internet, 5 taon,
ang I Pod, 3 taon, at ang Facebook, 2 taon lang!
Ayon kay Alvin Toffler sa kanyang aklat na The
Third Wave (1980), pagdating ng dekada sitenta ay
nakaranas na ang mundo ng tatlong bugso ng
mga pagbabago sa teknolohiya. Ang panahon ng
agrikultura ay umabot ng 3, 000 taon. Ang
panahong pang-industriya ay umabot ng 300 taon.
3. 418
Ang panahon ng Computer ay pumailanglang at
bumulusok sa loob lamang ng 30 taon. Ngunit
ayon sa pagtutuwid ni Rosen (2004), ang panahon
ng Computer at Internet ay maihahambing sa
patuloy na pagtaas at pagbaba ng alon sa
dalampasigan. Sa pagbagsak at paghampas ng alon
may isang pataas naman na kasunod nito.
Halimbawa, kalalabas lamang noong isang taon ng
Smart Phone ay inaabangan at pinananabikan naman
ngayon ang paglabas ng mga bagong Internet
Phone. Dalawang taon lamang ang nakararaan
nang ang notebook at netbook ang
pinagkakaguluhan, ngayon ay ang tablets at Ipad
na. Nalimutan na rin ang manual keyboard dahil
mayroon na ring voice activated computers at
touch screen na rin ang lahat mula sa t.v. screen
hanggang sa cellular phone.
Dalawang mahahalagang isyu ang kaugnay ng
tinatawag na Agwat Teknolohikal: Una dito ang
Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon
o ang agwat o pagkakaiba-iba sa pananaw at
paggamit ng teknolohiya ayon sa edad. Ang
ikalawa ay higit na masalimuot – ang tinatawag na
Digital Divide o ang agwat sa paggamit ng
teknolohiya bunga ng kalagayang pang-ekonomiya
o sa madaling salita, sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap.
Techie Trivia:
Ang Pilipinas na may populasyong halos 80
milyon, ay mayroong 14 milyon hanggang 16 milyon
gumagamit ng mobile phone na nagpapadala ng 150
4. 419
milyon hanggang 200 milyon text messages sa
isang araw – isa sa pinakamarami sa buong mundo.
Ang generation gap o agwat sa pagitan ng mga
henerasyon, ay salitang nagmula sa mga
kanluraning bansa noong 1960s;
nangangahulugan ito ng pagkakaiba sa pagitan ng
mga nakababata at nakatatandang henerasyon,
lalo na sa pagitan ng mga anak at mga magulang.
Tunay ngang napakabilis ng pagbabago sa
teknolohiya ngayon. Kung hindi ka makasabay sa
alon ay tiyak na malulunod ka. Para sa karamihan,
sapat na ang makasabay sa pagbabago sapagkat
halos imposible ang manguna dito. Sa loob
lamang ng limang taon naging bahagi na ng
pamumuhay ng mga Pilipino ang cellular phone.
Bago magdekada nobenta, ni wala sa hinagap natin
na tatagurian tayong “texting capital of the
world” ngayon. (Manila Times.net; May 10, 2012)
Dalawang mahahalagang isyu ang kaugnay ng
tinatawag na Agwat Teknolohikal: Una dito ang
Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng mga Henerasyon
o ang agwat o pagkakaiba-iba sa pananaw at
paggamit ng teknolohiya ayon sa edad. Ang
ikalawa ay higit na masalimuot – ang tinatawag na
Digital Divide o ang agwat sa paggamit ng
teknolohiya bunga ng kalagayang pang-ekonomiya
5. 420
o sa madaling salita, sa pagitan ng mayayaman at
mahihirap.
Agwat Teknolohikal sa Pagitan ng Mga Henerasyon
Ang generation gap o agwat
sa pagitan ng mga
henerasyon, ay salitang
nagmula sa mga kanluraning
bansa noong
1960s;nangangahulugan ito
ng pagkakaiba sa pagitan ng mga nakababata at
nakatatandang henerasyon, lalo na sa pagitan ng
mga anak at mga magulang. Dahil nga sa pag-unlad
sa teknolohiya, lalo pang lumawak ang agwat na
ito.
Ang agwat teknolohikal sa pagitan ng mga
henerasyon ay unang nararanasan sa pamilya.
Kung hindi ito matutugunan ay maaring magdulot
ito ng di pagkakaunawaan sa loob ng pamilya. Ang
pamilya ang una nating kapwa. Kung ano ang
natutuhan nating pakikipag-ugnayan sa kapwa ay
siya rin nating dadalhin sa labas ng pamilya. “Lahat
ng miyembro ng pamilya ay may tungkuling pag-
ibayuhin ang ugnayan sa bawa’t taong
nakakahalubilo nito sa araw-araw; sapagkat ang
pamilya ang paaralan ng mas malalim na
pakikipagkapwa tao”. (Familiaris Consortio) Ang
mga pagbabago sa teknolohiya, lalo na sa
information technology, ay dapat na matutunan
nating gamitin bilang daan upang mapabuti ang
6. 421
pakikipag-ugnayan at pagsasama-sama ng mga
miyembro ng pamilya.
Ang technological gap o agwat teknolohikal ay
ang pagkakaiba ng mayroong computer at high
tech na mga gamit at iyong mga wala nito; ito ang
agwat sa pagitan ng mga sagana sa impormasyon
at ang salat dito dahil sa pagkakaroon o kawalan
ng access sa teknolohiya.
Sa loob ng pamilya, ang paggalang at pagmamahal
na ito ay pinatitingkad pa ng ating pagkalinga sa
ating mga lolo at lola. Ang ating mga lolo at
lola, o ang mga matatanda sa pamilya ay wari bang
may likas na talino na ayusin ang ugnayan sa
pagitan ng mga henerasyon bago pa man maging
malalim ang agwat sa pagitan nito. Ang mga bata ay
nakakasumpong ng ganap na pag-unawa at
pagmamahal sa paningin, pananalita at masuyong
yakap ng mga lolo at lola nila. Hindi nga ba sila
ang ating tagapagtanggol sa tuwing pagagalitan
tayo ng ating mga nanay at tatay. Maririnig mo sa
kanila “Di ba’t ganyan ka rin noon!” ang madalas na
paalala nila sa nanay at tatay natin. Ayon nga sa
Prv. 17:6 Ang mga anak ng mga anak ay putong ng
mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga
anak ay ang kanilang mga magulang.
Sa labas ng pamilya, bilang mga digital natives
dapat na ituring nating tulad sa ating magulang at
mga kapatid ang mga tinatawag na digital
immigrants; dapat natin silang pakitunguhan ng may
pagmamalasakit at pagmamahal. Dahil sa malaking
7. 422
agwat sa pagitan ng mga digital natives at mga
digital immigrants kaugnay ng paggamit ng
teknolohiya, kadalasang nagkakaroon ng di
pagkakaunawaan sa pagitan nila. Dahil sa mabilis
na pagbabago sa teknolohiya, nahihirapan ang mga
digital immigrants na makasabay sa mga
pagbabagong ito. Kadalasan ang mga digital
immigrants ay ang mga taong higit na nakatatanda
sa mga digital natives. Kung ituturing silang tulad
sa mga magulang, ate, kuya o lolo at lola, higit
na magiging maayos ang pakikitungo nila sa bawa’t
isa.
Malaki rin ang maitutulong kung malalaman natin
ang pagkakaiba ng mga digital natives at mga
digital immigrants. Ang mga digital immigrants ay
ang mga taong ipinanganak bago pa man naging
laganap ang paggamit ng digital technology. Maari
rin itong tumukoy sa mga taong hindi nagkaroon
ng pagkakataong gumamit ng digital technology
sa mas murang edad. Ang mga digital natives naman
ay mga taong ipinanganak at lumaki sa mundo ng
digital technology. Ginagamit nila ang teknolohiya
sa pakikipag-ugnayan, pag-aaral at pagtuturo, at
pag-unawa sa lipunan.
Ang mga nabanggit na pagkakaiba-ibang ito ng mga
henerasyon ay ugat ng generation gap. Sa halip na
magdamdam ka dahil sa pakiramdam mo ay hindi ka
maunawaan ng mga magulang, mga guro at iba pang
nakatatanda, sikapin mong unawain ang kanilang
8. 423
pinanggagalingang pananaw ngayong alam mo na
kung gaano ka kaiba sa kanila.
Habang nagiging mas nakadepende tayo sa
teknolohiya upang makakuha ng impormasyon sa
lipunan, dapat nating itanong kung may nalalabag
bang karapatang moral dahil sa tinatawag na
Digital Divide.
Digital Divide o Agwat Teknolohikal
Tulad ng iba pang mga
pagbabago ang pagkakaroon
ng internet ay
nangangahulugan ng
pagbabago sa kultura at bagong wika. Ang bagong
paraang ito nang pakikipag-ugnayan o pagkuha ng
impormasyon ay magbibigay ng malaking benepisyo
para sa mga tao at mga organisasyong may
kakayahang makinabang sa mga oportunidad na
ibinibigay ng internet. Sa kabilang banda, maaring
maging tila parusa naman ito sa mga taong hindi
makakapakinabang dito. Marami ang nagsasabi na
lilikha ng bagong uri ng kamangmangan at
kasalatan ang internet.
Nangangailangan ng apat na kundisyon upang
magkaroon ng access sa impormasyon:
Una ang kaalaman na mayroong makukuhang
impormasyon o mayroong serbisyong magbibigay
ng impormasyon
9. 424
May pag-aari ka o mayroon kang magagamit na
kasangkapan o instrumentong kinakailangan
upang makakuha ng impormasyon (hal. computer,
telebisyon, telepono, software, modem)
Mayroon kang kakayahan na magbayad o di kaya’y
may libreng serbisyong nagbibigay ng
impormasyon (hal. libreng cable o internet
connection)
May kasanayan ka sa paggamit ng mga kagamitan o
instrumento at software (hal. computer literate)
Ang subsidiary moral right ay isang espesyal na
karapatang moral. Binibigyang proteksyon nito
ang mga kundisyong kinakailangan upang
maisulong ang karapatang moral.
Maraming uri ng karapatan. Ang karapatang legal
ay ang mga karapatang ginagarantiyahan sa
saligang batas. Ang batas moral naman ay mga
karapatan na nakabatay sa mga pamantayang etikal
sa halip na sa saligang batas. Ang mga karapatang
moral ay maaring ang karapatang magkaroon ng
seguridad, mga kailangang pambuhay (hal. sapat na
pagkain, sapat na pananamit, at tirahan), ang
pagkakaroon ng sapat na pangangalaga sa
kalusugan, at malinis na hangin at tubig.
Ang karapatang makagamit ng telepono,
halimbawa, ay isang subsidiary moral right o
pantulong na karapatang moral. Kailangan ito
upang mapanatili ang seguridad; halimbawa sa
oras na may kagipitan tulad ng sunog o kalamidad
o kaya’y kung nanganganib ang buhay at
10. 425
nangangailangan ng tulong ng pulis o awtoridad.
Samakatwid, ang pagkakaroon ng seguridad ay
isang karapatang moral at ang pagkakaroon ng
kakayahang makagamit ng telepono ay isang
subsidiary o pantulong na karapatang moral.
Ang access sa impormasyon ay maari nating ituring
na isang subsidiary moral right. Halimbawa na lang
uso na ngayon ang tinatawag na on-line education
o e-learning. Kung hindi nabibigyan ng pagkakataon
ang mga taong nagnanais na makapasok sa mga
kumpanya at paaralang ito dahil sa kawalan ng
access sa teknolohiya, maaring nalalabag din ang
kanilang karapatang moral sa pantay na
oportunidad na makapag-aral at makapagtrabaho.