SlideShare a Scribd company logo
Ang mga hun at xiongnu
 Ang Hun at Xiongnu ay estadong pantribo.
Namayani ito noong Panahong Neolitiko
hanggang kalagitnaan ng ika-12 siglo. Ang Hun
at Xiongnu ay mga nomadikong pastoral na
pangkat at paminsan-minsan ay nagtatanim din
ng butil. Nanirahan ang Xiongnu sa Hilagang
bahagi ng China. Ang kanilang sistemang
politikal ay nakabatay sa katapatan sa kanilang
pinunong mandirigma. Halimbawa ng kanilang
mga dakilang hari ay sina Maodun at Attila.
Kabihasnang
TSINO
1
•Itinatag ang bagong dinastiya.
•Taglay ng mga pinuno ang mandate of
heaven.
2
•Naging mabuti ang pamamahla ng dinastiya.
Matagumpay nitong napaunlad ang kabuhayan
ng kaharian. Naging mapayapa ang
pamumuhay ng tao.
3
•Sa pagdaan ng panahon, tumaas ang
populasyon at naging talamak ang korupsiyon.
•Dumanas ang kahrian ng mga kalamidad,
tagsalat, paghihirap at kahuluhan.
•Naging hudyat na nawala na ang mandate of
heaven sa pinuno.
4
•Nagsagawa ng rebelyon ang mga mamamayan
laban sa pinuno.
•Napatalsik ang dinastiya at naluklok sa
kapangyarihan ang pinuno ng pamilyang
nanguna sa rebelyon.
Pamamahala ni Wudi
 Si Wudi (Wu Ti) ang isa sa
maiimpluwensiyang emperador ng
dinastiyang Han. Sa kaniyang panahon
lumawak ang nasasakupan ng
imperyo. Idinagdag niya ang
katimugang rehiyon sa ibaba ng
Yangtze River na kasalukuyang
hilagang Vietnam. Nakontrol din niya
ang hilaga ng imperyo patungong
Manchuria.
Pamamahala ni Wudi
 Pinatatag ni Wudi ang kaniyang pamamahala sa
pamamagitan ng sistemang serbisyo sibil. Tumutukoy ito sa
pangaraw0araw na pagsasagawa ng tungkuling
pamamahalaan. Yaong mga nagnais na makapaglingkod
o maging opisyal ng imperyo ay kailangang pumasa sa civil
service examination. Kabilang sa pagsusulit ang kaalaman
sa mga aral at katuruan ni Confucious, kasaysayan at mga
batas ng imperyo. Sa sistemang serbisyo sibil, nakabatay
ang pagpili ng magiging opisyal ng imperyo sa kaalaman at
hindi sa pagmana ng posisyon mula sa pamilya.
Pamamahala ni Wudi
 Nakamit sa panahon ni Wudi ang matagalang
kapayapaan at kaayusan sa buong imperyo. Sa
kaniyang pagkamatay noong 87 B.C.E.,
nagpatuloy ng halos 150 taon ang kapayapaan
sa imperyong Han. Ito ang panahong kilala
bilang Pax Sinica o Kapayapaang Tsino.
 Sa ilalim ng dinastiyang Han nakamit ng mga
Tsino ang isa sa “Ginintuang Panahon” ng China.
Kalakalan sa Silk Road
 Sa panahong Han naging aktibo
ang pakikipagkalakalan ng mga
Tsino sa labas ng imperyo. Noong
106 B.C.E., naglalakbay ang kauna-
unahang caracan o pangkat ng
mga mangangalakal na Tsino na
sakay ng mga kamelyo patungong
kanluran. Dala-dala nito ang mga
produktong seda na ipagbibili sa
mga dayuhang mangangalakal.
Kalakalan sa Silk Road
Paglaon, ang rutang nilakbay
ng naturang mga
mangangalakal na Tsino ay
tinatawaf na Silk Road. Ang
rutang ito ay tinatayang may
habang 8000 kilometro mula
China hanggang sa rehiyong
Mediterranean sa kanluran ng
Asya.
Ruta ng Silk Road
Pagbagsak ng Han
Kalaunan, humina ang
kapangyarihan ng Han. Ilan
sa mga dahilan nito’y ang
mahinang pamamahala at
katiwalian ng mga sumunod
na emperador, paglakas ng
mga maharlika, at
pananalakay ng mga
nomadikong dayuhan mula
sa hilagang China.
Pagbagsak ng Han
 Noong 189 C.E.,matagumpay na sinakop
ng mga rebeldeng mandiriga ang
Chang’an. Pagdating ng mga taong 220,
tuluyan nang sumiklab ang mga
digmaang sibil at bumagsak ang
dinastiyang Han.
Dinastiyang Sui
 Ito ay isang dynatisya sa kabihasnang Tsino na naging
makapangyarihan dahil sa pamumuno ni Yang Chien ang
hilaga at timog ay napag-isa.
Upang mapag-isa ang hilaga at timog ng Tsina, ipinag-utos
ni yang chien ang pagpapagawa ng grand canal na
nagdudugtong sa ilog Huang Ho at Yangtze.
Bukod dito ipinatupad niya rin ang walang katapusang
paggawa ng gusali at palasyong ikinagagalit ng kanyang
mga nasasakupan.
Mapa ng Dinastiyang Sui
Great Canal sa China
Dinastiyang Tang
 Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit
silang manggagawa sa proyekto ng Sui.
 · Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang
dinastiyang Tang.
 · Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong.
 · Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng
China.
 · Naimbento sa panahong ito ang woodblock
printing. At napabilis angpaggawa ang mga kopya ng
anumang sulatin.
 Mapa ng Dinastiyang Tang
Woodblock Printing
Dinastiyang Song
 Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang Tang.
 · Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song.
 · Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin.
 · Nag patuloy ang pagsalakay ang pagsalakay ng
pangkat-etniko sa Hilangang Asya.
 · Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin
ang pamumulaklak ng sining at panitikan.
 · Naimbento ang gun powder.
 · Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga
babae.
 · Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi.
Foot Binding
Mapa ng Dinastiyang
Sung
 Heneral Zhao Kuangyin
Dinastiyang Yuan
 · Daidu ang naging kapital ang Yuan – unang
banyagang dinastiya ng China.
 · Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang
Yuan.
 · Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang
pilosopiya.
 · Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng
mga Mongol.
 · Nagkaroon ng maraming manglalakbay sa
Yuan at isa na doon si Marco Polo.
Dinastiyang Yuan
(1278-1368 C.E.)
Kublai Khan
Marco
Polo
Mapa ng Dinastiyang
Yuan
Dinastiyang Ming
 · Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai
Khan.
 · Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuan
ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming.
 · Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang
dinastiya sa China.
 · Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa
kanilang bansa.
Mapa ng Dinastiyang Ming
Kabihasnang
Korean
KOREA
 Matatagpuan sa Silangang Asya, sa
Peninsula o Tangway na nakadikit sa
Hilagang Silangan ng China.
 Ang Kasaysayan ng Korea ay nagsimula
sa alamat ni Dangun o Tangun, anak ng
diyos ng kalangitan na si Prinsipe
Hwanung
•Sinaunang
Kasaysayan
Tangun
Wanggeom
3 Kaharian
Kulturang
Tsino
•Dinastiyang
Goryeo
Wang Geon
Imperyong
Mongol
Yi Seong-
gye
•Dinastiyang
Joseon
Joseon
Sejong
Pagtatangka
ng mga
Hapones at
Manchu
2333 B.C.E.
Ika-10 Siglo
935-1392
1392- Ika-
17 siglo
Dinastiyang Goryeo
 Umabot sa halos apat at kalahating siglo ang
pamamahala ng dinastiyang Goryeo sa Korea.
Tulad ng China, ipinatupad din ng mga pinuno
rito ang sentralisadong pamahalaan at ang
pagkuha ng civil service examination. Sa kabila
nito, nanatili pa rin sa pamahalaan ang mga
maharlika at namamana pa rin ng kanilang mga
anak ang mga posisyon.
Dinastiyang Goryeo
 Sa pagitan ng taong 1231 at 1259,
naglunsad ang mga Mongol ng sunod
sunod na kampanya sa Korea at
hiningan ang mga pinuno ng Goryeo ng
mabigat na tributo tulad ng 20 000
kabayo, damit para sa milyong
mandirigma at mga aliping Korean.
Dinastiyang Goryeo
 Sa pagbagsak ng Imperyong Mongol,
lumaanap ang iba’t ibang rebelyon
kaban sa mga maharlika ng Korea.
Noong 1392, sa pamumuno ng
mandirigmang si Yu Seong-gye ay
muling napagisa ang Korea sa ilalim ng
bagong dinastiya, ang Joseon
Kaharian ng Joseon
 Isa sa mga hiwa-hiwalay na Estadong
pamayanan sa Korea na lumitaw
noong Panahon ng Bronse (3000 BCE-
300 BC)
 Ito ang pinakamalakas na Estado sa
lahat ng hiwa-hiwalay na Kaharian.
Itinatag ito ni DANGUN. Mula sa isang
maliit na estado, ito ay naging isang
kaharian.
Kaharian ng Joseon
 Sinalakay ng Han ang Korea
noong 109 BCE at nasakop ang
Gojoseon, Matapos mapasailalim
ay naglagay ang China ng apat
na Commandery sa Korea at
pinamahalaan ito hanggang
noong 108 BCE na nagtagal
hanggang 313 AD.
Kaharian ng Joseon
 Nanatiling hawak ng han ang hilagang
teritoryo ng korea hanggang noong
313 ce maliban sa timog na bahagi
nito.
 Nanatiling malaya ang timog ng korea
mula sa china at mula rito ay lumitaw
ng paunti- unti ang tatlong kaharian na
nagbigay –daan sa pagpasok ng
panahon ng tatlong kaharian.
Kabihasnang
Hapones
Kabihasnang hapones
 Iniuugnay ang Japan sa pagkat Iniuugnay ang
Japan sa pagsikat ng araw. Ito ay dahil
angbansa ay nasa bahagi ng daigdig kung saan
mistulang sumisikat ans araw. Ayon naman sa
tradisyong Hapones, nagmula ang kanilang lahi
kay Amaterasu, ang diyosa ng araw.
 Isang kapuluhan ang Japan. Nahahati ito sa apat
na malalaking pulo- ang Hokkaido, Honshu,
Shikoku, at Kyushu. Sa Honshu matatagpuan ang
Tokyo, ang kasalukuyang kabisera ng bansa.
Kabihasnang hapones
 Dakong 30,000 B.C.E.- ipinapalagay na nanirahan ang mga
sinaunang tao sa Japan na nakarating sa kapuluan sa
pamamagitan ng tulay na lupa na nagdurugtong sa Japan at
pangkontinenteng Asya. Tinagurian ang mga unang
katutunong Hapones na Ainu. Karaniwan silang mapuputi,
mabubuhok, at hindi katangkaran.
 Dakong 10,000 B.C.E- Umunlad abg kulturang Jomon na binuo
ng mga katutubong mangangaso. Ang kanilang mga
dinisenyuhang palayok ang ilan sa pinakamatandang
nagawang palayok sa daigdig. May mga kasangkapan din
sila sa bato at buto ng hayop.
 Dakong 300 B.C.E- Umusbong ang kulturang Yayoi. May
kaalaman sa metalworking, paggawa at paggamit ng pottery
wheel, at sistema ng patubig ang mga katutubong Hapones.
Nagsimulang maging makapangyarihan ang mga angkang
may kontrol sa kani- kanilang teritoryo.
Kabihasnang hapones
Banga
mula sa
kulturang
Jomon.
Sinaunang Ksaysayan
 Nakasandig sa alamt at tradisyon ang simula ng
kasaysayan ng Japan. Ang mga salaysay sa Kojiki ( 712
C.E.) at Nihongi ( 720 C.E.), at ang tala ng mga Tsino
(dakong 300 C.E.) ang mga unang batayan ng
sinaunang kabihasnang Hapones.
 Mula sa timog ng Kyushu, nakarating ang mga
katutubong Yayoi sa Honshu at nanirahan sa
kapatagan ng Yamato. Nahati ang mga Yayoi sa iba’t-
ibang tribo n may kani- kaniyang pinuno. Paglaon,
nakamit ng pinuno ng Yamato ang pagiging
makapangyarihan sa iba pang tribo.
 Sa mga unang taon ng ikapitong siglo C.E., kinaharap
ng mga tribo ang banta ng pagsalakay ng mga
Tsinong Tang. Dahil ditto, ninais ni Shotoku Taishi, pinuno
ng Yamato, na magkaisa ang mga tribo ypang maging
handa sa anumang pagsalakay.
Ilan sa mga Nagawa ni
Shotoku
 Nagpadala ng mga iskolar sa China upang pag-
aralan ang sistemang political ng dinastiyang
Tang at ireporma ang pamahalaang Hapones.
 Binuo ang tanyag na Seventeen- Article
Constitution na nagtakda ng sentralisadong
pamahalaan sa ilalim ng isang pinuno, pagpili ng
mga opisyal batay sa kanilang kakayahan at
nagawa, at pagpapanatili ng kabutihan ng mga
Hapones.
 Tinanggap ang Buddism at Confucianism sa
kaniyang panahon.
Impluensiyang Tsino
 Dito nakabatay ang malaking bahagi ng
pamumuhay ng mga sinaunag Hapones. Simula
noong 500 C.E., nagging madalas ang ugnayan
ng mga katutubong Hapones at Tsino sa
pamamagitan ng tangway ng Korea.
Naimpluensiyahan ng mga Tsino ang mga
Hapones dahil na rin sa pagdagsa ng mga
katutubong Korean sa Japan.
Panahong Nara at Heian
 Pagkaraang mamatay ni Shotoku Taishi, ay pinalitan
naman ito ng pamilya Fujiwara upang ipagpatuloy ang
reporma ni Shotoku.
 Noong 710, itinatag ang Nara, ang bagong kabisera na
itinulad sa dakilang lungsod ng Chang’an sa China.
Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng kapatagan ng
Yamato. Ipinatupad ng pinunong Yamato ang mandate of
heaven na katulad sa China.
 Noong 1794, inilipat ni Emperador Kammu ang kabisera sa
Heian (kasalukuyang Kyoto).
 Tuluyang humina ang sentralisadong pamamahala ng
emperador dahil sa pagkontrol ng mga maharlika sa kani-
kanilang lupain. Pinalakas ang pwersang military upang
mapangalagaan ang kanilang interes.
Panahong Shogunate
 Sa pagtatapos ng ika- 12 siglo, tumundi ang
paglalabanan ng mga pamilyang maharlika na
humantong sa pagsiklab digmaang sibil. Isang
pamilya, sa pamumuno ni Minamoto Yoritomo
(1142- 1199), ang lumupig sa iba pang nag-
aalitang angkan at itinatag ang sentro ng
pamahalaan sa tangway ng Kamakura na nasa
timog ng kasalukuyang Tokyo. Ito ang simula ng
mas sentralisadong pamahalaan, ang Kamakura
shogunate.
PANAHONG SHOGUNATE
Bakufu- (tent
government)
isang
sentralisadong
pamahalaan sa
ilalim ng
pinonong military
na tinawag na
shogun.
 Noong 1268, ipinag- utos ni Kublai Khan ang sapilitang
pagbayad ng buwis ng Japan sa Imperyong Mongol.
 Pagkaraan ng anim na taon, nauwi sa pagsalakay ng
mahigit 30,00 mandirigmang Mongol ang pagtanggi ng
mga Hapones na magbayad ng buwis.
 Nakaligtas ang Japan sa pananakop ng mga Mongol dahil
sa malakas na bagyo.
 Noong 1281, muling tinangka ng mga Mongol na sakupin
ang Japan at nagpadala ng malaking hukbo na umabot
sa halos 150,000 na mandirigma.
PANAHONG SHOGUNATE
Panahong Shogunate
 Muli silang nabigo dahil sa mas malakas n
bagyong ikinasira ng mga barkong pandirigma
ng mga Monggol.
 Pagkaraan ng dalawa pang ng dalawang
pagtatangkang ito, hindi na muling binalak ba
sakupin ng mga Mongol ang Japan.
 Dahil sa pag pagkakaligtas ng Japan mula sa
bantang pananakop ng mga Mongol, itinuring ng
mga Hapones na banal ang bagyo at tinawag
nila itong Kamikaze o banal na hangin.
 Humina ng Kamakura shogunate dahil sa
pagkaubos ng kaban ng yaman at pagkawala
ng katapatan ng mga samurai sa pamahalaan.
 Noong 1333, pinatalsik ni Emperador Go-
Daigoang Kamakura at inihayag ang kaniyang
pamumuno sa Japan na tinatawag na Kemmu
Restoration.
 Pagkaraan ng limang taon, kinalaban siya ng
isang maimpluensiyang angkan sa pangunguna
ni Ashikaga Takauji at nagtatag ng bagong
shogunate, ang Muromachi.
PANAHONG SHOGUNATE
 Naging sentro ng pamamahala ng Ashikaga ang
lungsod ng Kyoto.
 Hindi ganap ang pagiging sentralisado ng
pamahalaang Ashikaga.
 Nagpatuloy ang digmaang sibil at kaguluhang
political mula 1467 hanggang 1568, ito ay
tinawag na Sengoku o panahon ng
naglalabanang mga estado.
PANAHONG SHOGUNATE
Panahong Shogunate
 Noong 1568, nagtagumpay ang
makapangyarihang daimyo n si Oda Nobunaga
na magapi ang iba pang daimyo.
 Hindi tuluyang napag- isa ni Nobunaga ang
Japan.
 Pagkamatay ni Nobunaga, pinalitan siya ni
Toyotomi Hideyoshi, ang kaniyang
pinakamahusay na heneral .
 Noong 1590, kontrolado niya ang malaking
bahagi ng Japan. Ito ay tinawag na Azuchi-
Momoyama na batay sa mga lalawigan kung
saan itinatag ng dalawang pinuno ang kanilang
kaharian.
toyotomi hideyoshi
tokugawa Ieyasu
Oda Nobunaga
Panahong Shogunate
 Hangad din ni Hideyoshi na
mapasakamay ang China. Dahil ditto,
tinangka niyang sakupin ang Korea
ngunit nabigo ito.
 Pinigilan niya ang paglaganap ng
Kristiyanismo sa pamamagitan ng
pagbabawal na tangkilikin ito.
 Namatay si Hideyoshi noong 1598.
 Isa sa malalakas na kaalyado daimyo ni Hideyoshi si
Tokugawa Ieyasu.
 Matagumpay niyang pinagkaisa ang Japan.
 Niluping niya ang kaniyang mga kalaban sa Digmaan sa
Sekigahara noong 1600.
 Pagkaraan ng tatlong taon, inutusan niya ang emperador
naideklara siya bilang shogun.
 Ito ang simula ng pamamahala ng Tokugawa shogunate
na nagtagal ng halos 265 taon.
 Nakamit ng Japan ang pagkakaisa at kapayapaan sa
panahon ng Tokugawa shogunate.
 Tumagal ito ng mahigit 200 taon.
PANAHONG SHOGUNATE
Panahong Shogunate
Ang mga
samurai
lamang
ang
gumaga
mit ng
sandata
Panahong Shogunate
Tinanggalan
ng
pagmamay-
aring lupain
ang mga
kamakalaban
g maharlika sa
Tokugawa.
Ipinagkaloob
naman ang
mga lupain sa
mga tapat na
tauhan ng
Tokugawa.
Panahong Shogunate
 Pinanatili ang mga
maharlika sa Edo
(kasalukuyang Tokyo),
kabisera ng Tokugawa
shogunate, sa loob ng
dalawang taon. Sa
kanilang pagbisita sa
kanilang lupain,
kailangang iwan ang
kanilang pamilya upang
matiyak ang kanilang pag-
babalik sa Edo.
Pagsasara ng japan
 Ang pagdating ng mga Portugese noong 1543
ang hudyat ng sunod- sunod na pagdating ng
mga Kanluranin sa Japan.
 Nakarating ang mga misyonerong Katoliko sa
pangnguna ng paring Jesuit na si St. Francis
Xavier. Nagtagumpay siyang palaganapin ang
Kristiyanismo sa bansa ng makuha niya ang
kalooban ng maraming daimyo.
 Noong 1587, ipinagbawal ni Hideyoshi ang
Kristiyanismo dahil pinaniniwalaan niya na hindi
mabuti ang dulot nito sa mga Hapones.
Pagsasara ng japan
 Ikinabahala rin ni Ieyasu ang paglaganap ng
Kristiyanismo kaya;t nagpasiya ang Tokugawa
shogunate na ipatupad ang Act of Seclusion of
1636 sa bansa na nagtakda ng pagbawal sa
lahat ng Hapones na umalis ng bansa, pagtutol
na makipagkalakalan sa mga dayuhan maliban
sa mga Tsino at Dutch sa Nagasaki at sapilitang
pagpapaalis ng mga misyonero at Kristyanong
Hapones.
Pagsasara ng japan
 Noong 1639, tuluyan ng isinara ng Tokugawa
shogunate ang Japan sa ibang bansa at tumagal
halos ng 200 taon. Noong una, nagdulot ito ng
kapayapaan sa Japan ngunit kinalaunan ay
kinakitaan ng kahinaan dahil sa katiwalian at
mahinang pamumuno. Humina din ang ani sa
mga sakahan na ikinagalit ng mga magsasaka.
Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng pinunong
Tokugawa ang pagsasara ng Japan.
Mga kabihasnang nagmula sa
hilagang asya Sa kasalukuyan, ang Mongolia ay ibinibilang na bahagi
ng Silangang Asya. Ito ay dahil ang Inner Mongolia ay
nasa ilalim ng China. Subalit sa kasaysayan, ang
Mongolia ay kabilang sa Hilagang Asya. Kakaiba ang
kultura at takbo ng kasaysayan ng mga Mongol kung
ihahambing sa mga Tsino, Hapones at Korean.
 Ang hilagang asya ay tirahan ng mga nomadikong
pastoral na pangkat na pangkat ng tao simula pa
noong panahong neolitiko. Dahil sa partikular na
kapaligiran nito, lumitaw ang kulturang mandirigma.
Pananakop ang batayan ng pagbuo ng estado sa
hilagang asya. Militarisado ang kabihasnan dito at
talamak ang labanan.
Mga kabihasnang nagmula sa
hilagang asya
 Sa kabila ng mga nabanggit ay bukas ang loob at
mapagtangkilik sila sa impluwensya ng kabihasnan.
Halimbawa nito ang pagyakap nila sa Islam ng
Kanlurang Asya at Buddhism ng Timog Asya habang
patuloy pa rin ang katutubong relihiyon, ang
shamanism. Nakasentro sa relihiyong ito ang Shaman
may angking mahika ang shaman na kaniyang
ginagamit sa pagpapagaling ng maysakit at
pagkontrol ng mga pangyayari.
Maodun
-Ipinatupad ang
masalimuot na
herarkiya ng hukbo
na pinamunuan ng
24 na
aristokratikong
opisyal. Ang bawat
opisyal ay mat 10
000 na mandirigma.
Attila
-Nilusob ang Iran at
silangang Europe.
Pinangunahan ang
pagsalakay sa
Greece, Germany
at Italy at naging
banta sa Imperyo
ng Rome noong
ika-5 siglo C.E.
Ang imperyong Mongol
Sa mga huling dekada ng ika-12 siglo, ang mga Mongol
ang pinakamalakas na pangkat-nomadiko sa gitnang
Asya. Nagmula ang mga ito sa Mongolia na may mga
hiwa-hiwalay na kagubatan at steppe sa hilagang
kanluran ng China.
Tulad ng ibang nomadikong pangkat, nahati ang mga
Mongol sa mga angkan. Noong dakong 1200,
matagumpay na napag-isa ng pinunong Mongol ang
mga angkan ng kanyang pamamahala. Siya si Temujin na
naging Genghis Khan o “pinunong pandaigdig noong
1206. Sa loob ng 26 na taon, pinangunahan niya ang
pagsakop sa malaking bahagi ng Asya.
Nang mamatay sa Genghis Khan noong 1227 dahil sa
karamdaman, ipinagpatuloy ng mga sumusunod na pinuno ang
pagpapalawak ng teritoryo ng Imperyong Mongol. Mula sa China
ay umabot hanggang sa Poland sa Europe ang lawak ng imperyo.
Ipinagpatuloy ni Ogedei (Ogodei), anak ni Genghis Khan ang
pamamahala sa imperyo mula 1229 hanggang 1241. Pagkaraan
nito, hinati ang Imperyong Mongol sa apat na bahagi na tinawag
na khanate.
Sapagdaan ng panahon, naimpluwensiyahan ang mga Mongol
ng pamumuhay ng mga tao na kanilang sinakop. Halimbawa nito
ang pag-aangkop ng sitemang politikal ng China sa Great
Khanate, at pag-anib sa Islam ng mga Mongol sa Ilkhanate at
Golden Horde.
Mula sa kalagitnaan ng ika-13 hanggang ika-14 na siglo,
napanatili ang kaayusan at kapayapaan sa imperong Mongol.
Ligtas ang paglalakbay, aktibo ang kalakalan, mapayapa ang
lipunan sa malaking bahagi ng imperyo
Pananalakay ni Timur
Nagmula sa Khanate of Chagadai ang pamilya ni Timur.
Tinangka niyang bumuo ng bagong imperyo. Nasakop ni Timur
ang Persia at Mesopotamia. Tinalo niya ang Golden Horde na
nasa Timog ng Russia at sandaliang nasakop ang India.
Malupit si Timur sa pagsalakay. Sinira ng kanyang hukbo amg
mga paaralan, palasyo, at iba pang mahahalagang gusali.
Iniutos niyang pagpatungin sa isang malaking piramide ang may
isang libong ulo ng mga pinaslang na biktima. Susi sa kanyang
tagumpay ang malakas na puwersang militar at mga espiyang
nagbigay ng impormasyon hingil sa mga rutang tatahakin. Ang
teritoryong nasakop ni Timur ay hindi nanatiling buo nang siya ay
namatay noong 1405. Ito ay dulot na rin ng tunggalian at
agawan sa trono ng kanyang mga anak at kamag-anak
Ang imperyong turk
Mula sa Hilagang asya ang mga Ottoman turk noong ika-10
siglo. Naglakbay sila patungo sa Persia at Mesopotamia at
namalagi sa Anatolia (kasalukuyang Turkey). Tulad ng mga
Mongol, pagpapastol din ang ikinabubuhay ng mga Turk.
Nakatira sila sa mga toldang tirahan na tinatawag na yurt. Sa
mahabang panahon na paglalakbay ay unti-unting nagbago
ang kultura ng mga Turk. Tinanggap nila ang Islam at ilang
bahagi ng kulturang Persian.
Noong 1299, itinatag ni Osman ang Ottoman Turk, isang maliit
na estado na may malakas na hukbo. Binuo ito ng mga
mandirigmang nagturingan bilang magkakapatid. Sa paglipas
ng panahon ay lumakas ang estadong Ottoman at lumawak
ang sakop nito.
Natalo ng Imperyong Ottoman ang Imperyong
Byzantine noong 1453 sa pamumuno ni Sultan
Mehmed II. Sa panahon ni Suleiman naabot ng
Imperyong Ottoman ang tugatog ng mabilis na
paglawak at nasakop ang Egypt, North Africa, Syria at
Arabia.
Umunlad at naging masagana ang pamumuhay ng
mga tao sa ilalim ng Imperyong Ottoman. Bunsod ito
ng pagiging aktibo ng kalakalan sa iba’t ibang dako
ng imperyo. Nagtungo rin ang maraming tao sa
kabisera ng imperyo, ang Istanbul. Nanatili itong sentro
ng Ottoman hanggang 1918.
Sa relihiyon, ipinagkaloob sa mga jew, Kristiyano, at
iba pang hindi Muslim ang kalayaan sa pagsamba. Sa
arkitektura, nagpagawa ng iba’t ibang
imprakstraktura sa Istanbul tulad ng mga moske at
aklatan.

More Related Content

What's hot

Ang Kabihasnang Tsino
Ang Kabihasnang TsinoAng Kabihasnang Tsino
Ang Kabihasnang Tsino
ken collera
 
Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyo
Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyoKaisipang asyano sa paggawa ng imperyo
Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyo
Carl Gascon
 
Kabihasnang Shang
Kabihasnang ShangKabihasnang Shang
Kabihasnang Shang
katsumee
 
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang AsyaAng Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
eliasjoy
 
Kabihasnang shang
Kabihasnang shangKabihasnang shang
Kabihasnang shang
kelvin kent giron
 
Kabihasnang indus
Kabihasnang indusKabihasnang indus
Kabihasnang indusShaira D
 
Modyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asyaModyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asya
Evalyn Llanera
 
Kabihasnang Sumer
Kabihasnang SumerKabihasnang Sumer
Kabihasnang Sumer
Louise Magno
 
Dinastiyang Tsina
Dinastiyang TsinaDinastiyang Tsina
Dinastiyang Tsina
Neri Diaz
 
Mga dinastiya ng tsina
Mga dinastiya ng tsinaMga dinastiya ng tsina
Mga dinastiya ng tsina
Angelyn Lingatong
 
KABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZE
KABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZEKABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZE
KABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZERitchell Aissa Caldea
 
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng ImperyoMga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng ImperyoSyosha Neim
 
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Zin Raney Bacus
 
Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)
Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)
Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)
lukehemmings
 
Ang Sibilisasyon ng Tsina
Ang Sibilisasyon ng TsinaAng Sibilisasyon ng Tsina
Ang Sibilisasyon ng Tsina
Harvie Barcellano
 
Sibilisasyong Indus
Sibilisasyong IndusSibilisasyong Indus
Sibilisasyong Indus
Paul John Argarin
 
Kabihasnang Indus sa India
Kabihasnang Indus sa IndiaKabihasnang Indus sa India
Kabihasnang Indus sa India
Renzo Cristobal
 
Kabihasnang sumer, indus at shang
Kabihasnang sumer, indus at shangKabihasnang sumer, indus at shang
Kabihasnang sumer, indus at shang
department of education
 
Ang mga kabihasnan sa timog asya
Ang mga kabihasnan sa timog asya Ang mga kabihasnan sa timog asya
Ang mga kabihasnan sa timog asya
Erica Mae Gonzales
 

What's hot (20)

Ang Kabihasnang Tsino
Ang Kabihasnang TsinoAng Kabihasnang Tsino
Ang Kabihasnang Tsino
 
Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyo
Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyoKaisipang asyano sa paggawa ng imperyo
Kaisipang asyano sa paggawa ng imperyo
 
Kabihasnang Shang
Kabihasnang ShangKabihasnang Shang
Kabihasnang Shang
 
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang AsyaAng Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
Ang Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
 
Kabihasnang shang
Kabihasnang shangKabihasnang shang
Kabihasnang shang
 
Kabihasnang indus
Kabihasnang indusKabihasnang indus
Kabihasnang indus
 
Modyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asyaModyul 8 sinaunang kanlurang asya
Modyul 8 sinaunang kanlurang asya
 
Kabihasnang Sumer
Kabihasnang SumerKabihasnang Sumer
Kabihasnang Sumer
 
Dinastiyang Tsina
Dinastiyang TsinaDinastiyang Tsina
Dinastiyang Tsina
 
Mga dinastiya ng tsina
Mga dinastiya ng tsinaMga dinastiya ng tsina
Mga dinastiya ng tsina
 
KABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZE
KABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZEKABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZE
KABIHASNAN NG MGA LAMBAK NG HUANG HO AT YANGTZE
 
Kabihasnang indus
Kabihasnang indusKabihasnang indus
Kabihasnang indus
 
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng ImperyoMga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
Mga Kaisipang Asyano sa Pagbuo ng Imperyo
 
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
 
Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)
Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)
Imperyo ng Akkadian (Akkadian Empire)
 
Ang Sibilisasyon ng Tsina
Ang Sibilisasyon ng TsinaAng Sibilisasyon ng Tsina
Ang Sibilisasyon ng Tsina
 
Sibilisasyong Indus
Sibilisasyong IndusSibilisasyong Indus
Sibilisasyong Indus
 
Kabihasnang Indus sa India
Kabihasnang Indus sa IndiaKabihasnang Indus sa India
Kabihasnang Indus sa India
 
Kabihasnang sumer, indus at shang
Kabihasnang sumer, indus at shangKabihasnang sumer, indus at shang
Kabihasnang sumer, indus at shang
 
Ang mga kabihasnan sa timog asya
Ang mga kabihasnan sa timog asya Ang mga kabihasnan sa timog asya
Ang mga kabihasnan sa timog asya
 

Similar to Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle
Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle
Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle
Jeanne Andree Gonzales
 
Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02
Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02
Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02Reynaldo San Juan
 
Dinastiya ng china powerpoint
Dinastiya ng china powerpointDinastiya ng china powerpoint
Dinastiya ng china powerpointGilda Singular
 
Ang Bansang Korea - Hand-out
Ang Bansang Korea - Hand-outAng Bansang Korea - Hand-out
Ang Bansang Korea - Hand-out
Mavict De Leon
 
Ang huling-dinastiya-sa-tsina
Ang huling-dinastiya-sa-tsinaAng huling-dinastiya-sa-tsina
Ang huling-dinastiya-sa-tsina
Janelle Langcauon
 
Dinastiya sa tsina
Dinastiya sa tsinaDinastiya sa tsina
Dinastiya sa tsina
Ruel Palcuto
 
Unang Kabihasnan ng China
Unang Kabihasnan ng ChinaUnang Kabihasnan ng China
Unang Kabihasnan ng China
Angel Adducul
 
Kabihasnang huang ho o tsina
Kabihasnang huang ho o tsinaKabihasnang huang ho o tsina
Kabihasnang huang ho o tsina
Jeric Presas
 
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asyaModyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Evalyn Llanera
 
Kabihasnan ng china
Kabihasnan ng chinaKabihasnan ng china
Kabihasnan ng chinaDanne Franco
 
China
ChinaChina
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang AsyaChina Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
Jonalyn Asi
 
Ang kabihasnang tsino
Ang kabihasnang tsinoAng kabihasnang tsino
Ang kabihasnang tsino
Ja Li
 
Dinastiya ng-tsina
Dinastiya ng-tsinaDinastiya ng-tsina
Dinastiya ng-tsina
AndreaTuazon
 
Dinastiyang China.pptx
Dinastiyang China.pptxDinastiyang China.pptx
Dinastiyang China.pptx
eddiedusing1
 
Mesopotamia, Egyptian, Indus, at China
Mesopotamia, Egyptian, Indus, at ChinaMesopotamia, Egyptian, Indus, at China
Mesopotamia, Egyptian, Indus, at China
Sophia Marie Verdeflor
 
Mga Dinastiya ng Tsina.pptx
Mga Dinastiya ng Tsina.pptxMga Dinastiya ng Tsina.pptx
Mga Dinastiya ng Tsina.pptx
aymkryzziel
 
China.docx
China.docxChina.docx
China.docx
GarryAquino1
 
Dinastiya quiz
Dinastiya  quizDinastiya  quiz
Dinastiya quiz
jackelineballesterosii
 

Similar to Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya (20)

Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle
Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle
Dinastiya ng Tsina ( Pangkat 3 ) 7-Aristotle
 
Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02
Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02
Dinastiyangchinapowerpoint 130729030617-phpapp02
 
Dinastiya ng china powerpoint
Dinastiya ng china powerpointDinastiya ng china powerpoint
Dinastiya ng china powerpoint
 
Ang Bansang Korea - Hand-out
Ang Bansang Korea - Hand-outAng Bansang Korea - Hand-out
Ang Bansang Korea - Hand-out
 
Ang huling-dinastiya-sa-tsina
Ang huling-dinastiya-sa-tsinaAng huling-dinastiya-sa-tsina
Ang huling-dinastiya-sa-tsina
 
Dinastiya sa tsina
Dinastiya sa tsinaDinastiya sa tsina
Dinastiya sa tsina
 
Unang Kabihasnan ng China
Unang Kabihasnan ng ChinaUnang Kabihasnan ng China
Unang Kabihasnan ng China
 
Grp3 silangang asya
Grp3   silangang asyaGrp3   silangang asya
Grp3 silangang asya
 
Kabihasnang huang ho o tsina
Kabihasnang huang ho o tsinaKabihasnang huang ho o tsina
Kabihasnang huang ho o tsina
 
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asyaModyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
Modyul 9 sinanunang silangang asya at hilagang asya
 
Kabihasnan ng china
Kabihasnan ng chinaKabihasnan ng china
Kabihasnan ng china
 
China
ChinaChina
China
 
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang AsyaChina Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
China Unang Sibilisasyon Sa Silangang Asya
 
Ang kabihasnang tsino
Ang kabihasnang tsinoAng kabihasnang tsino
Ang kabihasnang tsino
 
Dinastiya ng-tsina
Dinastiya ng-tsinaDinastiya ng-tsina
Dinastiya ng-tsina
 
Dinastiyang China.pptx
Dinastiyang China.pptxDinastiyang China.pptx
Dinastiyang China.pptx
 
Mesopotamia, Egyptian, Indus, at China
Mesopotamia, Egyptian, Indus, at ChinaMesopotamia, Egyptian, Indus, at China
Mesopotamia, Egyptian, Indus, at China
 
Mga Dinastiya ng Tsina.pptx
Mga Dinastiya ng Tsina.pptxMga Dinastiya ng Tsina.pptx
Mga Dinastiya ng Tsina.pptx
 
China.docx
China.docxChina.docx
China.docx
 
Dinastiya quiz
Dinastiya  quizDinastiya  quiz
Dinastiya quiz
 

More from Fatima_Carino23

Jose Rizal Infographic
Jose Rizal InfographicJose Rizal Infographic
Jose Rizal Infographic
Fatima_Carino23
 
Romantic period
Romantic periodRomantic period
Romantic period
Fatima_Carino23
 
Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni
Michelangelo di Lodovico Buonarroti SimoniMichelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni
Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni
Fatima_Carino23
 
Likas na Yaman ng Timog Silangang Asya
Likas na Yaman ng Timog Silangang AsyaLikas na Yaman ng Timog Silangang Asya
Likas na Yaman ng Timog Silangang AsyaFatima_Carino23
 
Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Silangang AsyaKatangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Silangang AsyaFatima_Carino23
 
Biotechnology and the Government
Biotechnology and the GovernmentBiotechnology and the Government
Biotechnology and the GovernmentFatima_Carino23
 
Matter and the Atomic Theory
Matter and the Atomic TheoryMatter and the Atomic Theory
Matter and the Atomic TheoryFatima_Carino23
 
Karahasan sa Paaralan
Karahasan sa PaaralanKarahasan sa Paaralan
Karahasan sa Paaralan
Fatima_Carino23
 
Modern Biological Tools and Techniques
Modern Biological Tools and TechniquesModern Biological Tools and Techniques
Modern Biological Tools and TechniquesFatima_Carino23
 

More from Fatima_Carino23 (10)

Jose Rizal Infographic
Jose Rizal InfographicJose Rizal Infographic
Jose Rizal Infographic
 
Romantic period
Romantic periodRomantic period
Romantic period
 
Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni
Michelangelo di Lodovico Buonarroti SimoniMichelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni
Michelangelo di Lodovico Buonarroti Simoni
 
Likas na Yaman ng Timog Silangang Asya
Likas na Yaman ng Timog Silangang AsyaLikas na Yaman ng Timog Silangang Asya
Likas na Yaman ng Timog Silangang Asya
 
Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Silangang AsyaKatangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya
Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya
 
Timog Asya
Timog AsyaTimog Asya
Timog Asya
 
Biotechnology and the Government
Biotechnology and the GovernmentBiotechnology and the Government
Biotechnology and the Government
 
Matter and the Atomic Theory
Matter and the Atomic TheoryMatter and the Atomic Theory
Matter and the Atomic Theory
 
Karahasan sa Paaralan
Karahasan sa PaaralanKarahasan sa Paaralan
Karahasan sa Paaralan
 
Modern Biological Tools and Techniques
Modern Biological Tools and TechniquesModern Biological Tools and Techniques
Modern Biological Tools and Techniques
 

Sinaunang Silangang Asya at Hilagang Asya

  • 1.
  • 2. Ang mga hun at xiongnu  Ang Hun at Xiongnu ay estadong pantribo. Namayani ito noong Panahong Neolitiko hanggang kalagitnaan ng ika-12 siglo. Ang Hun at Xiongnu ay mga nomadikong pastoral na pangkat at paminsan-minsan ay nagtatanim din ng butil. Nanirahan ang Xiongnu sa Hilagang bahagi ng China. Ang kanilang sistemang politikal ay nakabatay sa katapatan sa kanilang pinunong mandirigma. Halimbawa ng kanilang mga dakilang hari ay sina Maodun at Attila.
  • 4.
  • 5.
  • 6.
  • 7.
  • 8.
  • 9.
  • 10. 1 •Itinatag ang bagong dinastiya. •Taglay ng mga pinuno ang mandate of heaven. 2 •Naging mabuti ang pamamahla ng dinastiya. Matagumpay nitong napaunlad ang kabuhayan ng kaharian. Naging mapayapa ang pamumuhay ng tao. 3 •Sa pagdaan ng panahon, tumaas ang populasyon at naging talamak ang korupsiyon. •Dumanas ang kahrian ng mga kalamidad, tagsalat, paghihirap at kahuluhan. •Naging hudyat na nawala na ang mandate of heaven sa pinuno. 4 •Nagsagawa ng rebelyon ang mga mamamayan laban sa pinuno. •Napatalsik ang dinastiya at naluklok sa kapangyarihan ang pinuno ng pamilyang nanguna sa rebelyon.
  • 11.
  • 12.
  • 13.
  • 14.
  • 15.
  • 16.
  • 17.
  • 18.
  • 19.
  • 20.
  • 21.
  • 22.
  • 23.
  • 24.
  • 25.
  • 26.
  • 27. Pamamahala ni Wudi  Si Wudi (Wu Ti) ang isa sa maiimpluwensiyang emperador ng dinastiyang Han. Sa kaniyang panahon lumawak ang nasasakupan ng imperyo. Idinagdag niya ang katimugang rehiyon sa ibaba ng Yangtze River na kasalukuyang hilagang Vietnam. Nakontrol din niya ang hilaga ng imperyo patungong Manchuria.
  • 28. Pamamahala ni Wudi  Pinatatag ni Wudi ang kaniyang pamamahala sa pamamagitan ng sistemang serbisyo sibil. Tumutukoy ito sa pangaraw0araw na pagsasagawa ng tungkuling pamamahalaan. Yaong mga nagnais na makapaglingkod o maging opisyal ng imperyo ay kailangang pumasa sa civil service examination. Kabilang sa pagsusulit ang kaalaman sa mga aral at katuruan ni Confucious, kasaysayan at mga batas ng imperyo. Sa sistemang serbisyo sibil, nakabatay ang pagpili ng magiging opisyal ng imperyo sa kaalaman at hindi sa pagmana ng posisyon mula sa pamilya.
  • 29. Pamamahala ni Wudi  Nakamit sa panahon ni Wudi ang matagalang kapayapaan at kaayusan sa buong imperyo. Sa kaniyang pagkamatay noong 87 B.C.E., nagpatuloy ng halos 150 taon ang kapayapaan sa imperyong Han. Ito ang panahong kilala bilang Pax Sinica o Kapayapaang Tsino.  Sa ilalim ng dinastiyang Han nakamit ng mga Tsino ang isa sa “Ginintuang Panahon” ng China.
  • 30. Kalakalan sa Silk Road  Sa panahong Han naging aktibo ang pakikipagkalakalan ng mga Tsino sa labas ng imperyo. Noong 106 B.C.E., naglalakbay ang kauna- unahang caracan o pangkat ng mga mangangalakal na Tsino na sakay ng mga kamelyo patungong kanluran. Dala-dala nito ang mga produktong seda na ipagbibili sa mga dayuhang mangangalakal.
  • 31. Kalakalan sa Silk Road Paglaon, ang rutang nilakbay ng naturang mga mangangalakal na Tsino ay tinatawaf na Silk Road. Ang rutang ito ay tinatayang may habang 8000 kilometro mula China hanggang sa rehiyong Mediterranean sa kanluran ng Asya.
  • 32. Ruta ng Silk Road
  • 33. Pagbagsak ng Han Kalaunan, humina ang kapangyarihan ng Han. Ilan sa mga dahilan nito’y ang mahinang pamamahala at katiwalian ng mga sumunod na emperador, paglakas ng mga maharlika, at pananalakay ng mga nomadikong dayuhan mula sa hilagang China.
  • 34. Pagbagsak ng Han  Noong 189 C.E.,matagumpay na sinakop ng mga rebeldeng mandiriga ang Chang’an. Pagdating ng mga taong 220, tuluyan nang sumiklab ang mga digmaang sibil at bumagsak ang dinastiyang Han.
  • 35. Dinastiyang Sui  Ito ay isang dynatisya sa kabihasnang Tsino na naging makapangyarihan dahil sa pamumuno ni Yang Chien ang hilaga at timog ay napag-isa. Upang mapag-isa ang hilaga at timog ng Tsina, ipinag-utos ni yang chien ang pagpapagawa ng grand canal na nagdudugtong sa ilog Huang Ho at Yangtze. Bukod dito ipinatupad niya rin ang walang katapusang paggawa ng gusali at palasyong ikinagagalit ng kanyang mga nasasakupan.
  • 37. Great Canal sa China
  • 38. Dinastiyang Tang  Labis na nagdusa ang mga magsasaka dahil ginamit silang manggagawa sa proyekto ng Sui.  · Nag-alsa sila na pinamunuan ni Li Yuan na itinatag ang dinastiyang Tang.  · Tinawag si Li Yuan na Emperador Tai Cong.  · Pangalawa ang Tang sa mga dakilang dinastiya ng China.  · Naimbento sa panahong ito ang woodblock printing. At napabilis angpaggawa ang mga kopya ng anumang sulatin.
  • 39.  Mapa ng Dinastiyang Tang
  • 41. Dinastiyang Song  Watak-watak muli ang China ng bumagsak ang Tang.  · Ikatlo sa mga dakilang dinastiya ang Song.  · Itinatag ito ni Heneral Zhao Kuangyin.  · Nag patuloy ang pagsalakay ang pagsalakay ng pangkat-etniko sa Hilangang Asya.  · Kahit nasakop sila ng mga nomadiko patuloy pa rin ang pamumulaklak ng sining at panitikan.  · Naimbento ang gun powder.  · Nagsimula ang tradisyon ng footbinding sa nga babae.  · Lumitaw ang Neo-Confucianism na binuo ni Zhuxi.
  • 44.  Heneral Zhao Kuangyin
  • 45. Dinastiyang Yuan  · Daidu ang naging kapital ang Yuan – unang banyagang dinastiya ng China.  · Si Kublai Khan ang nagtatag ng dinastiyang Yuan.  · Ipinairal ng Mongol ang Confucianism bilang pilosopiya.  · Nasa mataas na posisyon ang imperyo ng mga Mongol.  · Nagkaroon ng maraming manglalakbay sa Yuan at isa na doon si Marco Polo.
  • 48. Dinastiyang Ming  · Pinalitan ng mahihinang emperador si Kublai Khan.  · Noong 1368 napabagsak ng hukbo ni Zhu Yuan ang Mongol sa Daidu at itinatag ang Ming.  · Ang Ming ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China.  · Nanumbalik ang mga Tsino sa pamamahala sa kanilang bansa.
  • 51. KOREA  Matatagpuan sa Silangang Asya, sa Peninsula o Tangway na nakadikit sa Hilagang Silangan ng China.  Ang Kasaysayan ng Korea ay nagsimula sa alamat ni Dangun o Tangun, anak ng diyos ng kalangitan na si Prinsipe Hwanung
  • 52. •Sinaunang Kasaysayan Tangun Wanggeom 3 Kaharian Kulturang Tsino •Dinastiyang Goryeo Wang Geon Imperyong Mongol Yi Seong- gye •Dinastiyang Joseon Joseon Sejong Pagtatangka ng mga Hapones at Manchu 2333 B.C.E. Ika-10 Siglo 935-1392 1392- Ika- 17 siglo
  • 53. Dinastiyang Goryeo  Umabot sa halos apat at kalahating siglo ang pamamahala ng dinastiyang Goryeo sa Korea. Tulad ng China, ipinatupad din ng mga pinuno rito ang sentralisadong pamahalaan at ang pagkuha ng civil service examination. Sa kabila nito, nanatili pa rin sa pamahalaan ang mga maharlika at namamana pa rin ng kanilang mga anak ang mga posisyon.
  • 54. Dinastiyang Goryeo  Sa pagitan ng taong 1231 at 1259, naglunsad ang mga Mongol ng sunod sunod na kampanya sa Korea at hiningan ang mga pinuno ng Goryeo ng mabigat na tributo tulad ng 20 000 kabayo, damit para sa milyong mandirigma at mga aliping Korean.
  • 55. Dinastiyang Goryeo  Sa pagbagsak ng Imperyong Mongol, lumaanap ang iba’t ibang rebelyon kaban sa mga maharlika ng Korea. Noong 1392, sa pamumuno ng mandirigmang si Yu Seong-gye ay muling napagisa ang Korea sa ilalim ng bagong dinastiya, ang Joseon
  • 56. Kaharian ng Joseon  Isa sa mga hiwa-hiwalay na Estadong pamayanan sa Korea na lumitaw noong Panahon ng Bronse (3000 BCE- 300 BC)  Ito ang pinakamalakas na Estado sa lahat ng hiwa-hiwalay na Kaharian. Itinatag ito ni DANGUN. Mula sa isang maliit na estado, ito ay naging isang kaharian.
  • 57. Kaharian ng Joseon  Sinalakay ng Han ang Korea noong 109 BCE at nasakop ang Gojoseon, Matapos mapasailalim ay naglagay ang China ng apat na Commandery sa Korea at pinamahalaan ito hanggang noong 108 BCE na nagtagal hanggang 313 AD.
  • 58. Kaharian ng Joseon  Nanatiling hawak ng han ang hilagang teritoryo ng korea hanggang noong 313 ce maliban sa timog na bahagi nito.  Nanatiling malaya ang timog ng korea mula sa china at mula rito ay lumitaw ng paunti- unti ang tatlong kaharian na nagbigay –daan sa pagpasok ng panahon ng tatlong kaharian.
  • 60. Kabihasnang hapones  Iniuugnay ang Japan sa pagkat Iniuugnay ang Japan sa pagsikat ng araw. Ito ay dahil angbansa ay nasa bahagi ng daigdig kung saan mistulang sumisikat ans araw. Ayon naman sa tradisyong Hapones, nagmula ang kanilang lahi kay Amaterasu, ang diyosa ng araw.  Isang kapuluhan ang Japan. Nahahati ito sa apat na malalaking pulo- ang Hokkaido, Honshu, Shikoku, at Kyushu. Sa Honshu matatagpuan ang Tokyo, ang kasalukuyang kabisera ng bansa.
  • 61. Kabihasnang hapones  Dakong 30,000 B.C.E.- ipinapalagay na nanirahan ang mga sinaunang tao sa Japan na nakarating sa kapuluan sa pamamagitan ng tulay na lupa na nagdurugtong sa Japan at pangkontinenteng Asya. Tinagurian ang mga unang katutunong Hapones na Ainu. Karaniwan silang mapuputi, mabubuhok, at hindi katangkaran.  Dakong 10,000 B.C.E- Umunlad abg kulturang Jomon na binuo ng mga katutubong mangangaso. Ang kanilang mga dinisenyuhang palayok ang ilan sa pinakamatandang nagawang palayok sa daigdig. May mga kasangkapan din sila sa bato at buto ng hayop.  Dakong 300 B.C.E- Umusbong ang kulturang Yayoi. May kaalaman sa metalworking, paggawa at paggamit ng pottery wheel, at sistema ng patubig ang mga katutubong Hapones. Nagsimulang maging makapangyarihan ang mga angkang may kontrol sa kani- kanilang teritoryo.
  • 63. Sinaunang Ksaysayan  Nakasandig sa alamt at tradisyon ang simula ng kasaysayan ng Japan. Ang mga salaysay sa Kojiki ( 712 C.E.) at Nihongi ( 720 C.E.), at ang tala ng mga Tsino (dakong 300 C.E.) ang mga unang batayan ng sinaunang kabihasnang Hapones.  Mula sa timog ng Kyushu, nakarating ang mga katutubong Yayoi sa Honshu at nanirahan sa kapatagan ng Yamato. Nahati ang mga Yayoi sa iba’t- ibang tribo n may kani- kaniyang pinuno. Paglaon, nakamit ng pinuno ng Yamato ang pagiging makapangyarihan sa iba pang tribo.  Sa mga unang taon ng ikapitong siglo C.E., kinaharap ng mga tribo ang banta ng pagsalakay ng mga Tsinong Tang. Dahil ditto, ninais ni Shotoku Taishi, pinuno ng Yamato, na magkaisa ang mga tribo ypang maging handa sa anumang pagsalakay.
  • 64. Ilan sa mga Nagawa ni Shotoku  Nagpadala ng mga iskolar sa China upang pag- aralan ang sistemang political ng dinastiyang Tang at ireporma ang pamahalaang Hapones.  Binuo ang tanyag na Seventeen- Article Constitution na nagtakda ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng isang pinuno, pagpili ng mga opisyal batay sa kanilang kakayahan at nagawa, at pagpapanatili ng kabutihan ng mga Hapones.  Tinanggap ang Buddism at Confucianism sa kaniyang panahon.
  • 65. Impluensiyang Tsino  Dito nakabatay ang malaking bahagi ng pamumuhay ng mga sinaunag Hapones. Simula noong 500 C.E., nagging madalas ang ugnayan ng mga katutubong Hapones at Tsino sa pamamagitan ng tangway ng Korea. Naimpluensiyahan ng mga Tsino ang mga Hapones dahil na rin sa pagdagsa ng mga katutubong Korean sa Japan.
  • 66. Panahong Nara at Heian  Pagkaraang mamatay ni Shotoku Taishi, ay pinalitan naman ito ng pamilya Fujiwara upang ipagpatuloy ang reporma ni Shotoku.  Noong 710, itinatag ang Nara, ang bagong kabisera na itinulad sa dakilang lungsod ng Chang’an sa China. Matatagpuan ito sa silangang bahagi ng kapatagan ng Yamato. Ipinatupad ng pinunong Yamato ang mandate of heaven na katulad sa China.  Noong 1794, inilipat ni Emperador Kammu ang kabisera sa Heian (kasalukuyang Kyoto).  Tuluyang humina ang sentralisadong pamamahala ng emperador dahil sa pagkontrol ng mga maharlika sa kani- kanilang lupain. Pinalakas ang pwersang military upang mapangalagaan ang kanilang interes.
  • 67. Panahong Shogunate  Sa pagtatapos ng ika- 12 siglo, tumundi ang paglalabanan ng mga pamilyang maharlika na humantong sa pagsiklab digmaang sibil. Isang pamilya, sa pamumuno ni Minamoto Yoritomo (1142- 1199), ang lumupig sa iba pang nag- aalitang angkan at itinatag ang sentro ng pamahalaan sa tangway ng Kamakura na nasa timog ng kasalukuyang Tokyo. Ito ang simula ng mas sentralisadong pamahalaan, ang Kamakura shogunate.
  • 68. PANAHONG SHOGUNATE Bakufu- (tent government) isang sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng pinonong military na tinawag na shogun.
  • 69.  Noong 1268, ipinag- utos ni Kublai Khan ang sapilitang pagbayad ng buwis ng Japan sa Imperyong Mongol.  Pagkaraan ng anim na taon, nauwi sa pagsalakay ng mahigit 30,00 mandirigmang Mongol ang pagtanggi ng mga Hapones na magbayad ng buwis.  Nakaligtas ang Japan sa pananakop ng mga Mongol dahil sa malakas na bagyo.  Noong 1281, muling tinangka ng mga Mongol na sakupin ang Japan at nagpadala ng malaking hukbo na umabot sa halos 150,000 na mandirigma. PANAHONG SHOGUNATE
  • 70. Panahong Shogunate  Muli silang nabigo dahil sa mas malakas n bagyong ikinasira ng mga barkong pandirigma ng mga Monggol.  Pagkaraan ng dalawa pang ng dalawang pagtatangkang ito, hindi na muling binalak ba sakupin ng mga Mongol ang Japan.  Dahil sa pag pagkakaligtas ng Japan mula sa bantang pananakop ng mga Mongol, itinuring ng mga Hapones na banal ang bagyo at tinawag nila itong Kamikaze o banal na hangin.
  • 71.  Humina ng Kamakura shogunate dahil sa pagkaubos ng kaban ng yaman at pagkawala ng katapatan ng mga samurai sa pamahalaan.  Noong 1333, pinatalsik ni Emperador Go- Daigoang Kamakura at inihayag ang kaniyang pamumuno sa Japan na tinatawag na Kemmu Restoration.  Pagkaraan ng limang taon, kinalaban siya ng isang maimpluensiyang angkan sa pangunguna ni Ashikaga Takauji at nagtatag ng bagong shogunate, ang Muromachi. PANAHONG SHOGUNATE
  • 72.  Naging sentro ng pamamahala ng Ashikaga ang lungsod ng Kyoto.  Hindi ganap ang pagiging sentralisado ng pamahalaang Ashikaga.  Nagpatuloy ang digmaang sibil at kaguluhang political mula 1467 hanggang 1568, ito ay tinawag na Sengoku o panahon ng naglalabanang mga estado. PANAHONG SHOGUNATE
  • 73. Panahong Shogunate  Noong 1568, nagtagumpay ang makapangyarihang daimyo n si Oda Nobunaga na magapi ang iba pang daimyo.  Hindi tuluyang napag- isa ni Nobunaga ang Japan.  Pagkamatay ni Nobunaga, pinalitan siya ni Toyotomi Hideyoshi, ang kaniyang pinakamahusay na heneral .  Noong 1590, kontrolado niya ang malaking bahagi ng Japan. Ito ay tinawag na Azuchi- Momoyama na batay sa mga lalawigan kung saan itinatag ng dalawang pinuno ang kanilang kaharian.
  • 77. Panahong Shogunate  Hangad din ni Hideyoshi na mapasakamay ang China. Dahil ditto, tinangka niyang sakupin ang Korea ngunit nabigo ito.  Pinigilan niya ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng pagbabawal na tangkilikin ito.  Namatay si Hideyoshi noong 1598.
  • 78.  Isa sa malalakas na kaalyado daimyo ni Hideyoshi si Tokugawa Ieyasu.  Matagumpay niyang pinagkaisa ang Japan.  Niluping niya ang kaniyang mga kalaban sa Digmaan sa Sekigahara noong 1600.  Pagkaraan ng tatlong taon, inutusan niya ang emperador naideklara siya bilang shogun.  Ito ang simula ng pamamahala ng Tokugawa shogunate na nagtagal ng halos 265 taon.  Nakamit ng Japan ang pagkakaisa at kapayapaan sa panahon ng Tokugawa shogunate.  Tumagal ito ng mahigit 200 taon. PANAHONG SHOGUNATE
  • 80. Panahong Shogunate Tinanggalan ng pagmamay- aring lupain ang mga kamakalaban g maharlika sa Tokugawa. Ipinagkaloob naman ang mga lupain sa mga tapat na tauhan ng Tokugawa.
  • 81. Panahong Shogunate  Pinanatili ang mga maharlika sa Edo (kasalukuyang Tokyo), kabisera ng Tokugawa shogunate, sa loob ng dalawang taon. Sa kanilang pagbisita sa kanilang lupain, kailangang iwan ang kanilang pamilya upang matiyak ang kanilang pag- babalik sa Edo.
  • 82. Pagsasara ng japan  Ang pagdating ng mga Portugese noong 1543 ang hudyat ng sunod- sunod na pagdating ng mga Kanluranin sa Japan.  Nakarating ang mga misyonerong Katoliko sa pangnguna ng paring Jesuit na si St. Francis Xavier. Nagtagumpay siyang palaganapin ang Kristiyanismo sa bansa ng makuha niya ang kalooban ng maraming daimyo.  Noong 1587, ipinagbawal ni Hideyoshi ang Kristiyanismo dahil pinaniniwalaan niya na hindi mabuti ang dulot nito sa mga Hapones.
  • 83. Pagsasara ng japan  Ikinabahala rin ni Ieyasu ang paglaganap ng Kristiyanismo kaya;t nagpasiya ang Tokugawa shogunate na ipatupad ang Act of Seclusion of 1636 sa bansa na nagtakda ng pagbawal sa lahat ng Hapones na umalis ng bansa, pagtutol na makipagkalakalan sa mga dayuhan maliban sa mga Tsino at Dutch sa Nagasaki at sapilitang pagpapaalis ng mga misyonero at Kristyanong Hapones.
  • 84. Pagsasara ng japan  Noong 1639, tuluyan ng isinara ng Tokugawa shogunate ang Japan sa ibang bansa at tumagal halos ng 200 taon. Noong una, nagdulot ito ng kapayapaan sa Japan ngunit kinalaunan ay kinakitaan ng kahinaan dahil sa katiwalian at mahinang pamumuno. Humina din ang ani sa mga sakahan na ikinagalit ng mga magsasaka. Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin ng pinunong Tokugawa ang pagsasara ng Japan.
  • 85. Mga kabihasnang nagmula sa hilagang asya Sa kasalukuyan, ang Mongolia ay ibinibilang na bahagi ng Silangang Asya. Ito ay dahil ang Inner Mongolia ay nasa ilalim ng China. Subalit sa kasaysayan, ang Mongolia ay kabilang sa Hilagang Asya. Kakaiba ang kultura at takbo ng kasaysayan ng mga Mongol kung ihahambing sa mga Tsino, Hapones at Korean.  Ang hilagang asya ay tirahan ng mga nomadikong pastoral na pangkat na pangkat ng tao simula pa noong panahong neolitiko. Dahil sa partikular na kapaligiran nito, lumitaw ang kulturang mandirigma. Pananakop ang batayan ng pagbuo ng estado sa hilagang asya. Militarisado ang kabihasnan dito at talamak ang labanan.
  • 86. Mga kabihasnang nagmula sa hilagang asya  Sa kabila ng mga nabanggit ay bukas ang loob at mapagtangkilik sila sa impluwensya ng kabihasnan. Halimbawa nito ang pagyakap nila sa Islam ng Kanlurang Asya at Buddhism ng Timog Asya habang patuloy pa rin ang katutubong relihiyon, ang shamanism. Nakasentro sa relihiyong ito ang Shaman may angking mahika ang shaman na kaniyang ginagamit sa pagpapagaling ng maysakit at pagkontrol ng mga pangyayari.
  • 87. Maodun -Ipinatupad ang masalimuot na herarkiya ng hukbo na pinamunuan ng 24 na aristokratikong opisyal. Ang bawat opisyal ay mat 10 000 na mandirigma. Attila -Nilusob ang Iran at silangang Europe. Pinangunahan ang pagsalakay sa Greece, Germany at Italy at naging banta sa Imperyo ng Rome noong ika-5 siglo C.E.
  • 88. Ang imperyong Mongol Sa mga huling dekada ng ika-12 siglo, ang mga Mongol ang pinakamalakas na pangkat-nomadiko sa gitnang Asya. Nagmula ang mga ito sa Mongolia na may mga hiwa-hiwalay na kagubatan at steppe sa hilagang kanluran ng China. Tulad ng ibang nomadikong pangkat, nahati ang mga Mongol sa mga angkan. Noong dakong 1200, matagumpay na napag-isa ng pinunong Mongol ang mga angkan ng kanyang pamamahala. Siya si Temujin na naging Genghis Khan o “pinunong pandaigdig noong 1206. Sa loob ng 26 na taon, pinangunahan niya ang pagsakop sa malaking bahagi ng Asya.
  • 89. Nang mamatay sa Genghis Khan noong 1227 dahil sa karamdaman, ipinagpatuloy ng mga sumusunod na pinuno ang pagpapalawak ng teritoryo ng Imperyong Mongol. Mula sa China ay umabot hanggang sa Poland sa Europe ang lawak ng imperyo. Ipinagpatuloy ni Ogedei (Ogodei), anak ni Genghis Khan ang pamamahala sa imperyo mula 1229 hanggang 1241. Pagkaraan nito, hinati ang Imperyong Mongol sa apat na bahagi na tinawag na khanate. Sapagdaan ng panahon, naimpluwensiyahan ang mga Mongol ng pamumuhay ng mga tao na kanilang sinakop. Halimbawa nito ang pag-aangkop ng sitemang politikal ng China sa Great Khanate, at pag-anib sa Islam ng mga Mongol sa Ilkhanate at Golden Horde. Mula sa kalagitnaan ng ika-13 hanggang ika-14 na siglo, napanatili ang kaayusan at kapayapaan sa imperong Mongol. Ligtas ang paglalakbay, aktibo ang kalakalan, mapayapa ang lipunan sa malaking bahagi ng imperyo
  • 90. Pananalakay ni Timur Nagmula sa Khanate of Chagadai ang pamilya ni Timur. Tinangka niyang bumuo ng bagong imperyo. Nasakop ni Timur ang Persia at Mesopotamia. Tinalo niya ang Golden Horde na nasa Timog ng Russia at sandaliang nasakop ang India. Malupit si Timur sa pagsalakay. Sinira ng kanyang hukbo amg mga paaralan, palasyo, at iba pang mahahalagang gusali. Iniutos niyang pagpatungin sa isang malaking piramide ang may isang libong ulo ng mga pinaslang na biktima. Susi sa kanyang tagumpay ang malakas na puwersang militar at mga espiyang nagbigay ng impormasyon hingil sa mga rutang tatahakin. Ang teritoryong nasakop ni Timur ay hindi nanatiling buo nang siya ay namatay noong 1405. Ito ay dulot na rin ng tunggalian at agawan sa trono ng kanyang mga anak at kamag-anak
  • 91. Ang imperyong turk Mula sa Hilagang asya ang mga Ottoman turk noong ika-10 siglo. Naglakbay sila patungo sa Persia at Mesopotamia at namalagi sa Anatolia (kasalukuyang Turkey). Tulad ng mga Mongol, pagpapastol din ang ikinabubuhay ng mga Turk. Nakatira sila sa mga toldang tirahan na tinatawag na yurt. Sa mahabang panahon na paglalakbay ay unti-unting nagbago ang kultura ng mga Turk. Tinanggap nila ang Islam at ilang bahagi ng kulturang Persian. Noong 1299, itinatag ni Osman ang Ottoman Turk, isang maliit na estado na may malakas na hukbo. Binuo ito ng mga mandirigmang nagturingan bilang magkakapatid. Sa paglipas ng panahon ay lumakas ang estadong Ottoman at lumawak ang sakop nito.
  • 92. Natalo ng Imperyong Ottoman ang Imperyong Byzantine noong 1453 sa pamumuno ni Sultan Mehmed II. Sa panahon ni Suleiman naabot ng Imperyong Ottoman ang tugatog ng mabilis na paglawak at nasakop ang Egypt, North Africa, Syria at Arabia. Umunlad at naging masagana ang pamumuhay ng mga tao sa ilalim ng Imperyong Ottoman. Bunsod ito ng pagiging aktibo ng kalakalan sa iba’t ibang dako ng imperyo. Nagtungo rin ang maraming tao sa kabisera ng imperyo, ang Istanbul. Nanatili itong sentro ng Ottoman hanggang 1918. Sa relihiyon, ipinagkaloob sa mga jew, Kristiyano, at iba pang hindi Muslim ang kalayaan sa pagsamba. Sa arkitektura, nagpagawa ng iba’t ibang imprakstraktura sa Istanbul tulad ng mga moske at aklatan.