15. Ipapaispel sa mga bata ang sumusunod
na salita na matatagpuan sa kwento.
16. Lagyan ng bilog ang mga
salitang narinig sa kwento.
Kawil bata ano babala sabi
Araw isa paso parke puso
Butas siso duyan bakit
17. May tamang pamamaraan ng
pagiispel ng salita: Ito ay ang
sumusunod
salitang galing sa kwento.
Kailangang bigkasin muna ang
salitang iispelin at ska
sasabihing muli ang salitang inispel.
18. Ibigay ang unahang letra ng tamang
salita kaugnay ng nasa larawan.
a w w k
k n p b
h p
20. Gamitin nag show-me-board
Ipaguhit sa mga bata ang bagong set na
mabubuo kung pagsasamahain ang mga:
3 puno at 3 kubo ( )
2 papaya at 5 mangga ( )
21. Laro: Bumuo ng 2 pangkat na may tig-5
miyembro. Bigyan ng card ang bawat bata sa
unang pangkat na may mga nakaguhit na
bagay.
Bigyan naman ng card ang bawat bata sa
kabilang pangkat ng may bilang. Hayaang
pag-ugnayin ng mga bata ang mga bagay at
tamang bilang nito.
22. Iparinig ang awit: Tono; Jack en Jill
Ken and Ann went to the store
To buy pencils and paper
Put the items together
Now, tell us what’s the answer.(pencils and
paper)
(Repeat)
23. Sinu-sino ang mga bata sa awit?
Ano ang binili nila?
Ano ang ginawa nila sa mga bagay na kanilang binili?
Ano ang nabuo nilang bagong set?
Isulat sa pisara ang sagot.
( 2 lapis) at (1 papel) (2 lapis 1papel)
Ilang lapis ang nabili? Isulat ang bilang sa ilaim ng larawan. Ilan ang
papel? Anong salita ang kanilang ginamit sa pagsasama?(at)
2 at 1 ay 3 ang tawag dito ay number sentence.
1. Magpakita pa ng halimbawa
2 bituin at 1 araw ay (2 bituin ,1 araw)
2 at 1 ay 3 2+1=3
24. Gamit ang show-me-board.
Hayaang isulat ng mga bata ang
number sentence para sa bawat
set na ipapakita ng guro.
Hal. 3 lalaki at 5 babae 3 + 5 = 8
25. Anong salita ang ginagamit sa pagsasama ng mga
set?
Paano tayo sumusulat ng number sentence?
Tandaan:
Ang number sentence ay isinusulat sa pamamagitan
ng pagbilang sa laman ng unang set at sa laman ng
pangalawang set. Pagsasamahain ang mga laman
ng 2 set para makabuo ng bagong set. Ginagamit
ang + plus at = equal na simbulo
28. Pamukaw Siglang Gawain
Laro: “Touch the Color”
Paghahawan ng Balakid
a.Color (Kulay) –
b.Rainbow (Bahaghari) – nakikita sa
himpapawid pagkatapos ng ulan, ito
ay mayroong ibat’-ibang kulay
29. Nakakita na ba kayo ng
bahaghari? Kailan at saan
ninyo ito nakikita?
Anu-ano ang kulay na
makikita ninyo sa
bahaghari?
31. • Ipasuring mabuti ang larawan
sa mga bata. Ipaliwanag sa
kanila na ito ay nakikita
pagkatapos ng ulan. Ang
bahaghari ay may pitong kulay.
(Red, Orange, Yellow, Green,
Blue, Indigo, Viloet o ROYGBIV)
32. • Ilan ang kulay ng bahaghari?
• Anu-ano ito?
• Anu-ano pang bagay sa kalikasan ang
may mga kulay?
• Ano ang nararamdaman ninyo kapag
nakakakita kayo ng kulay pula?
Dalandan? Dilaw? Berde? Asul? Indigo?
Violet? (Sabihin sa mga bata ang
damdaming ipinahihiwatig ng bawat
kulay)
33. Ano ang natutunan
natin ngayon?
Anu-ano ang mga
kulay na makikita sa
bahaghari?
34. Pangkatin ang klase sa apat. Bawat
pangkat ay bibigyan ng isang
malinis na papel, watercolor, brush.
Bawat pangkat ay guguhit ng
bahaghari ayon sa laki na kanilang
gusto.
37. Ano ang mga katangian
na gusto ninyo sa inyong
mga kaibigan?
38. Ano ang katangian ng
bida sa simula o unang bahagi
ng kuwento, at ano naman
ang katangian
niya sa pagtatapos nito?
39. Ang pamagat ng ating kuwento ay
SampungMagkakaibigan.
Ayon sa pamagat, tungkol saan kaya ang atingkuwento?
Ano ang inyong nakikita sa pabalat ng libro? Ilan ang
bata sa larawan? Bilangin nga natin.
Ang ating kuwento ay isinulat ni Kristine Canon. Siya ang
may-akda ng kuwento. Inilarawan naman ito ni Ruben de
Jesus. Siya ang tagaguhit ng
kuwento. Handa na ba kayong makinig?
40. Mga Tanong tungkol sa Kuwento:
a. Sino ang bida ng ating kuwento?
b. Bakit kaya ayaw nang makipaglaro ng kaniyang
mga kaklase sa
kanya?
c. Ano ang naramdaman ni Karlo nang hindi siya
yayain ng mga
kaklase niya?
d. Ano-ano ang kaniyang ginawa para maging
kaibigan niya muli ang
kaniyang mga kaklase?
42. Sagutin: Tama o Mali
1. Nakakuha ng sero sa test ang ate mo kaya tinukso mo
siya.
2. Napagalitan ng tatay ang kuya. Dinilaan mo pa siya.
3. Sinabihan mo ng “tanga” ang kapatid mo nang
matapon ang hawak na tinapay.
4. Sinabihan mong mabaho ang lola dahil hindi siya
naliligo.
5. Iniiwasan mong saktan ang damdamin ng kasapi ng
pamilya mo.
44. Iparinig ang maikling kwento:
Laging magkasabay sa pagpasok si Mara at ang pinsan niyang si
Clara. Mahirap lamang si Clara kaya nakatira ito sa kanila. Hindi
siya makapagdala ng baon para sa rises. Isang araw, ayaw niyang
tanggapin ang ipinipilit ni Mara na hatian siya ng kanyang baon.
“Sige na, tanggapin mo na ang tinapay na ito. Talagang dinala ko
ito para sa iyo.”
“Salamat sa mga inihahati mong pagkain sa akin. Subalit ngayon
ay huwag mo na akong hatian. Busog pa ako,” ang pagtanggi ni
Clara.
45. Mabait bang bata si Mara? Bakit mo
nasabi?
Bakit kaya noong araw na yaon ay ayaw
tanggapin ni Clara ang ibinibigay ni Mara?
Sino sa dalawa ang dapat mong gayahin o
tularan? Bakit?
47. Paano mo maiiwasan na makasakit ng damdamin ng iyong
kaanak?
Tandaan:
Ang dila ay hindi tabak
Subalit nakakasugat
Kaya dapat na maingat
Ng sa damdami’y di maitarak.
Salitang nasabi na natin
Hindi na pwedeng bawiin
Lalo at masakit ang dating
Dulot ay problema sa atin.
48. Lagyan ng / kung wastong gawi at X kung hindi.
___1. Laging pinipintasan ni Ben ang mga gawa ng ate niya.
___2. Nag-iingat si Charo sa pagsasalita dahil ayaw niyang
masaktan ang damdamin ng sinuman.
___3. Pinagtatawanan ni Loida pag nagkakamali ang pinsan niya.
___4. Laging tinutukso ni Ana ang kapatid na payat at sakitin.
___5. Magagandang salita lamang ang sinasabi ni Beth para hindi
siya makasakit ng damdamin
49. Takda:
Nakita mo na tinutukso at
pinagtatawanan ng mga
kaklase mo ang isang batang
pilay. Ano ang gagawin mo?
54. Ilan ang kasapi ng pamilyang nasa larawan?
Mayroon din ba kayong ganitong larawansa inyong
tahanan?
Paano n’yo ilalarawan ang pamilyang nasa larawan?
55. Paggawa ng Stick Puppet
Gamit ang ginawang stick
puppet ipakilala at
ilarawan ang mga kasapi
ng pamilya
56. Ipalahad sa mga mag-aaral
ang mga kasapi ng
kanilang pamilya.