1. Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong
Adarna
Ibong Adarna
ay nabibilang sa tulang romansa
na isang uri ng tulang pasalaysay
tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan na karaniwang mga
maharlikang tao ang
nagsisinaganap.
2. Edad Media o Middle Ages
Nagsimulang lumaganap ang tulang
romansa, sa Europa.
nakarating ito sa Pilipinas mula
Mexico noong ika-17 dantaon.
noong ika-18 dantaon lamang ito
kinilala sa ating bansa kasabay ng
pagpapakilala ng imprenta at
pagkatuto ng ating mga ninuno ng
alpabetong Romano.
3. Kasabay ng pagdagsa ng mga
aklat-dasalan na dinala ng mga
prayle at sundalong Espanyol ay
ang paglaganap ng mga tulang
panrelihiyon at romansa na galing
sa Europa. Dito kabilang ang Ibong
Adarna na may paksang
panrelihiyon.
4. Ang tagpuan sa tulang romansa ay
karaniwan sa isang kaharian.
Nagsisimula ito sa panalangin o
pag-aalay sa Mahal na Birhen o sa
isang santo o santa. Nananawagan
sa Diyos ang mga tauhan sa akda
at nagtatagumpay naman ang mga
nananalig sa Diyos.
5. Ang Ibong Adarna ay isang
dayuhang panitikan. Hindi naitala
kung sino ang nagsalin nito sa
wikang Filipino at masasalamin
dito ang pagiging malikhain ng
manunulat. Patula ang paraan ng
pagsasalaysay na dati nang
ginagamit ng ating mga ninuno sa
panitikang saling-bibig tulad ng
bugtong, salawikain at iba pa
6. Puno ito ng mga talinghaga at mga
pagpapahalagang likas sa ating
kultura katulad ng pagmamahalan
ng pamilya, pagtulong sa mga
nangangailangan, pagpapatawad
at pagtawag sa Diyos sa gitna ng
kagipitan.
7. Nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian ang Ibong Adarna
Mayroon itong walong (8) pantig
sa bawat taludtod Isinulat upang
basahin at hindi upang awitin.
Binibigkas na may tiyempong
mabilis o allegro dahil maiikli ang
mga taludtod.
8. Ang mga tauhan dito ay may
kapangyarihan o kakayahang
gumawa ng mga kababalaghan o
supernatural.
Inilalarawan ang mga kagila-gilalas
na pakikipaglaban ng mga
pangunahing tauhan alang-alang sa
pag-ibig.
9. Nagtataglay ng aral sa buhay at
butil ng karunungan.
Higit sa lahat, ang
pakikipagsapalaran ng mga tauhan
ay hindi maaaring mangyari sa
totoong buhay.