Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang: Kabanata 4 ng Noli Me Tangere. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 4 (Erehe at Pilibustero)Juan Miguel Palero
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang: Kabanata 4 ng Noli Me Tangere. Dito din matatagpuan ang ilang aktibidad o diskusyon patungkol sa paksang tinalakay.
Kabanata 14- Baliw o Pilosopo
Kabanata 15- Ang Mga Sakristan
Kabanata 16- Si Sisa
Kabanata 17- Si Basilio
Kabanata 18- Nagdurusang Ina
Kabanata 19- Karanasan ng Isang Guro
Kabanata 20- Pulong ng Bayan
Kabanata 21- Dilim at Liwanag
Kabanata 22- Pangingisda
Kabanata 13 of Noli Me Tángere.
Talasalitaan:
marahas - tigib ng dahas; agresibo
nauupos - nanghihina
nagtitimpi - nagpipigil
nagbabanta - nagbibigay ng hudyat
tinutop - tinakpan o hinawakan ang noo
tugon - sagot; pahayag ng bilang ng reaksiyon sa pahayag ng ibang tao
sawimpalad - hindi maganda ang buhay o inabot ng masamang karanasan
unos - sigwa; bagyo
Balik-aral:
Malalaman sa kabanata kung paano ipinagdiriwang ng mga taga-San Diego ang Todos Los Santos. Hindi magkamayaw ang mga tao sa sementeryo. May mga taong naghahanap ng puntod ng kanilang mahal sa buhay, may nakaluhod, at kabi-kabila ay maririnig ang ingay ng mga nagdarasal sa isang bahagi ng sementeryo ay masasaksihan ang dalawang lalaking tagapaglibing na nag-uusap hinggil sa bangkay na hinukay ng isa sa kanila na dalawampung araw pa lamang ang nakalilipas. Ayon sa humukay nito, ito ay kanyang ginawa bilang pagtugon lamang sa utos ng kurang malaki na ilipat ang nasabing bangkay sa sementeryo ng mga Intsik.
Baghay:
Nagtungo si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Dagdag pa ng matanda, nagtanim daw siya ng bulaklak ng adelpa at sampaga at nilagyan ng krus.
Nakita ni Ibarra ang sepulturero at tinanong kung nasaan ang puntod. Agad na naalala ng sepulturero ang tinutukoy nila Ibarra. Gayunman, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na wala na ang labi ni Don Rafael sa lawa sa pagsunod sa utos ni Padre Garrote. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi, tangan ang kaniyang baston. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit ito nagawa sa ama. Bakas sa mukha ni Ibarra ang poot at galit sa dibdib.
Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso. Natauhan si Ibarra at agad na nilisan ang kausap na pari kahit hindi pa ito humihingi ng kapatawaran sa napagbintangang si Padre Salvi.
Buod:
Pumunta si Ibarra sa sinasabing libingan ng amang si Don Rafael kasama ang isang matandang utusan. Sinabi ng matanda kay Ibarra na nagpagawa ng nitso si Kapitan Tyago para sa kanyang ama. Kahit alam ng sepulturero, sinabi ng tagapaglibing sa dalawa na sinunog niya ang krus at itinapon naman ang mga labi ni Don Rafael sa lawa alinsunod sa utos ni Padre Garrote. Umalis siya sa libingan at nakasalubong si Padre Salvi. Bagaman hindi niya pa nakilala ang pari kailanman, kinompronta niya ito at tinanong kung bakit nilapastangan ang ama. Takot na sumagot si Padre at sinabing nagkakamali si Ibarra. Itinuro niya ang kapuwa prayle na si Padre Damaso.
Katanungan:
- Kaninong puntod ang hinanap ni Crisostomo Ibarra sa libingan?
- Anong mga bulaklak ang itinanim ng matanda?
Matutunghayan dito:
* Ang mga buod ng bawat kabanata (1 - 64) at ang mga mahahalagang pangyayari ng bawat tauhan ng nobela
* Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Mi Tangere
* Ang mga sumuring Teorya sa akdang Nobela
* Ang Naging Buhay ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
* Ang bawat simbolismo sa Pabalat ng Noli Mi Tangere ayon kay Daniel Anciano
2. MGA PANGUNAHING TAUHAN
• Crisostomo Ibarra
- Hinahanap niya ang puntod ng kanyang ama na si Don Rafael Ibarra.
• Alila
- Isang matanda na kasama ni Crisostomo.
• Maglilibing
- Isang matanda na nakaalam sa nangyari sa bangkay ni Don Rafael Ibarra.
• Padre Salvi
- Pinagkamalang ang nag-utos sa pagkalipat ng bangkay ng kanyang ama
sa libingan ng mga Intsik.
3. MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI
• Dumating si Crisostomo Ibarra sa sementeryo upang hanapin ang puntod
ng kanyang ama.
• Nakalibing ang kanyang ama sa may malaking krus na may mga bulaklak.
• Di nahanap ang puntod ngunit inamin ng tagalibing na naisunog niya ang
krus at naitapon ang bangkay sa lawa.
• Nasabi ng tagalibing na may tao umutos sa kanya na ilipat ang bangkay sa
sementeryo ng mga instik pero ayaw ng tagalibing.
• Nagtanong si Crisostomo kung bakit ginawa ang paglipat ng bangkay sa
sementryo ng mga Intsik kay Padre Salvi.
• Si Padre Dumaso ang nag-utos na ilipat ang bangkay ni Don Rafael Ibarra.
4. PAHIWATIG
• Matindi ang poot ni Padre Dumaso sa ama ni Crisostomo Ibarra.
• May mga balak si Padre Dumaso na masama.
• Labis ang pagmamahal ni Crisostomo sa kanyang ama.
• Walang sikreto ang hindi nabubunyag