2. Bb. Judy Ann A. Busa
A1. Gamit ng mga wika sa lipunan
Ang wika ay napakaimportante sa buhay ng bawat tao. Isipin mo ang isang lipunan o pamayanan
na walang wikang gamit. Hindi ba’t ang mga mamamayan ay magmimistulang mga hayop na nagsisipag-
iyakan lamang. Bahagi ng paghubog at paglinang ng ating pagkatao ang wika.
Instrumental - tumutukoy sa mga wikang ginagamit natin upang tugunan ang mga pangangailangan ng
isang tao. Ito ay masasabing instrumental kung ang pag gamit ng wika ay tumutugon sa isang
pangangailangan.
Mga paraan ng paggamit ng Wikang Instrumental:
● Nagagamit sa pamamaraan ng pakikipag-usap o pag-uutos.
● Nagagamit para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita
● Nagagamit o nakakatulong sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales, pagsasadula at
panghihikayat.
Halimbawa:
1. Ibili mo naman ako ng suka sa tindahan ni Aling Pasing.
2. Pakiabot mo naman ang suklay sa ibabaw ng mesa.
3. Ano-ano ba ang mga dapat kong gawin kapag ako ay nakarating na doon?
4. Maari mo ba akong bigyan kahit kaonting pagkain lang?
5. Pagtawag sa telepono upang makausap ang isang miyembro ng pamilya o kamag-anak.
Regulatori - Nagagawa ng wika na kontrolin ang ugali o asal ng tao. Maari itong maganap sa sarili o sa
ibang tao. Ang mga salita na napapaloob dito ay nakakapanghikayat upang mabago ang isang tao.
3. Mga paraan ng paggamit ng Regulatori:
● pagbibigay ng direksyon kung paano gawin ang isang bagay,
● pag bibigay ng wastong panuto sa pagsusulit,
● pagbibigay direksyon sa taong hindi matagpuan ang lugar napupuntahan.
Halimbawa:
1. beware of dog
2. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
3. Bawal magtapon ng basura dito
4. Pag-tuturo ng tamang daan.
5. Bawal tumawid nakakamatay.
Act. Role Play
Panuto : Gumawa ng isang Video Role Play na nagpapakita ng Wikang Instrumental o Regulatori at
ipresenta ito sa harap ng klase. Ang maximum na tagal ng Role play ay 3 minuto. Gumawa ng Script at
ipasa kasama ng inyong ginawang Video Role Play.
Quiz. Essay (10pts)
Bakit kailangan matutunan ang Wikang Intrumental?( 20 words )
________________________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________.
4. Bakit kailangan matutunan ang Regulatori?( 20 words )
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________.
5. References:
Sagang, I. M. (n.d.-b). Gamit ng wika sa Lipunan. Scribd.
https://www.scribd.com/presentation/481771406/Gamit-ng-wika-sa-Lipunan
Gosmiley (n.d.-b). Tungkulin ng wika sa lipunan. Scribd
https://www.scribd.com/document/354467341/Tungkulin-Ng-Wika-Regulatori
ano ang regulatori na wika - Brainly.ph. (n.d.).
https://brainly.ph/question/6859349
ano ang mga halimbawa ng wikang instrumental - Brainly.ph. (n.d.-b).
https://brainly.ph/question/759396
Rubrics
Pamantayan Puntos
Naipaliwanag nang malinaw ang paksa (20)
Nakuha ang atensyon ng mga tagapakinig(10)
Naging interaktibo ang pag-uulat (10)
Naitalakay ang paksa sa pamamagitan ng visual aids na kaaya-aya sa
paningn(10)
Kabuuan(50)