GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN
Para sa Kapakinabangang Pansarili
1. Instrumental
2. Interaksyonal
3. Personal
SESYON 3
Pangkatang Gawain: JIGSAW PUZZLE
Kagamitan: cardboard o matigas na papel na
kasukat ng bond paper at panyong pampiring
Pamamaraan:
1. Gupitin ang cardboard sa iba’t ibang hugis na
katulad ng isang jigsaw puzzle
2. Piringan ang isang kinatawan sa pangkat na siyang
bubuo ng puzzle sa loob ng tatlong minuto
3. Ang mga miyembro ay maaaring magbigay ng
direksyon
Gabay sa Talakayan:
1. Ano ang pakiramdam ng mga naglaro?
Naging madali ba o mahirap ang laro?
2. Nakatulong ba o nakalito ang mga
direksyong sinasabi ng ilang mga miyembro?
Bakit?
3. Gaano kahalaga ang mga panuto o
direksyong ibinibigay ng mga kasama sa
grupo?
Mga Gamit Ng Wika Ayon Kay Michael
Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K
Halliday)
Siya ay isang lingguwistang
Briton na ipinanganak sa
Inglatera. Pinag-aralan niya ang
wika at literaturang Tsino. Siya
ang nagpanukala ng Systemic
Functional Grammar, isang
sikat na modelo ng gramatika
na gamitin at kilala sa daigdig.
Para sa Kapakinabangang Pansarili
1. INSTRUMENTAL
- Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng
isang tao ang kanyang pangangailangan. Maging ang
isang sanggol na hindi pa man nakapagsasalita ay
nakalilikha ng tunog (iyak) upang matawag ang pansin
ng kanyang ina.
Habang lumalaki ang isang bata, at habang
nabubuo ang kanyang pagsasalita, lalong nagiging
instrumental ang wika upang maipahayag niya ang
kanyang kailangan
2. INTERAKSIYONAL
-Ginagamit ang wika sa pakikipag-usap sa
iba; sa pakikisalamuha sa ating mga kaibigan, kaklase,
kamag-anak o maging kanino man.
Sa makabagong teknolohiya, wika pa rin
ang lunsaran ng ating komunikasyon. Kung may
cellphone, nagpapadala tayo o tumatanggap ng text; kung
may computer, nagpapadala tayo ng e-mail; kung may
webcam, nakikipag-usap tayo sa pamamagitan ng
teknolohiya.
Ginagamit natin ang wika sa paraang
interaksyunal
3. PERSONAL
-Mula pagkabata hanggang pagtanda,
kailangan ng wika upang maipahayag ang sariling
damdamin at mga iniisip.
Halimbawa, kailangan ng isang binata na
maipahayag ang kanyang damdamin sa pamamagitan
ng matatamis na salitang iniuukol niya sa kanyang
minamahal.
Pag-usapan Natin
1. Magbigay ng sariling dipinisyon o pagpapakahulugan
ukol sa tatlong gamit ng wika at magbigay ng halimbawa.
A. Instrumental
B. Interaksyunal
C. Personal
2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ni Halliday na nalilinang
ang wika ayon sa pangangailangan ng tao.
3. Ano-ano ang maaaring resulta sa sarili ng isang tao
kung pigil ang pagpapahayag niya sa kanyang saloobin sa
iba?
4. Magbigay ng iyong opinyon sa mga sumusunod na
katanungan:
A. Para sa iyo, kailan nagiging Tama ang Mali
B. Kung sakaling bibigyan ka ng kaparusahan dahil
sa iyong mga naging kasalanan, alin sa tatlo ang iyong
pipiliin: maging bulag, pipi o bingi.
C. Ano sa palagay mo ang pinakanakakatakot na
pangyayari sa buhay ng tao?
D. Kung babalik ang oras, anong sitwasyong ang
iyong babalikan at babaguhin/ Bakit?
E. Ano ang sukatan ng pagiging best teacher?
F. Hanggang saan ang hangganan ng pagpapasensya?
Magbigay ng isang sitwasyon sa klasrum
G. Kailan nagiging sapat ang pagmamahal?
H. Lihim na pagtingin sa isang kaibigan: Kailangang
aminin o hindi?
I. Paano nga ba magmove-on sa taong hindi naman
naging kayo?
J. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, Ano ang mas
gusto mo, balikan ang nakaraan o tingnan ang
hinaharap?
K. Paano mo maiwawaksi ang kasamaan kung ikaw ay
makasalanan?
L. Bakit kailangan pang mabuhay ng tao kung sa huli
ay mamamatay din siya?
M. Paano mo haharapin ang takot kung mahina ang
iyong loob?
N. Bakit kailangang laging may magsakripisyo o may
isakripisyo ba matamasa ang hinahangad?
O. Bakit may mga taong nagpapakatanga?
P. Alin ang mas malaman, bag ni Dora o bulsa ni
Doremon?
Q. Kung ang bakla ay nagka-amnesia, bakla pa rin ba
ito?
GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN
Para sa Kapakinabangang Panlipunan
4. Regulatoryo
5. Heuristiko
6. Representatibo
SESYON 4
Gusto Ko! I-arte Mo!
Pamamaraan:
1. Isusulat ng guro sa bond paper ang aksyong nais
niyang ipagawa sa isang mag-aaral.
2. Itutupi ang papel sa hugis ng isang eroplano.
3. Paliliparin ang papel sa loob ng klasrum. Kung sino
ang malapagan nito ang siyang magsasagawa ng
aksiyong isinulat ng guro?
4. Matapos maisagawa ng naturang mag-aaral ang
aksiyon, siya naman ang susulat sa papel at paliliparin
para maipagawa ang iba namang aksiyon sa iba.
5. Uulitin ang laro nang makailang ulit.
Gabay sa Talakayan:
1. Naging maayos ba ang direksyong ibinigay ng
guro?
2. Madali ba itong naintindihan ng mga mag-aaral?
3. Sapat ba ang pagpapaalalang naibigay upang hindi
maging magulo ang klase?
4. Paano nagamit nang maayos ang wika upang
maiparating sa mga kamag-aral ang nararapat
nilang gawin?
Para sa Kapakinabangang Panlipunan
4. REGULATORYO
-Isa sa mga gamit ng wika ang alalayan
ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o
maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili
o ang iba.
O kaya naman, masasabing regulatoryo ang gamit
ng Student’s Handbook kung saan nagsasaad ang mga
bagay na dapat gawin o di-maaaring gawin ng mga mag-
aaral
Regulatoryo rin ang gamit ng mga batas, ordinansa,
at mga kautusang ipinatutupad ng pamahalaan upang
maging maayos at tahimik ang komunidad at ang bansa.
Para sa Kapakinabangang Panlipunan
5. HEURISTIKO
-Heuristiko ang gamit ng wika sapagkat
ginagamit ito para sa pagkatuto at pag-unawa.
Ginagamit ang wika upang malaman ang maraming
bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga
tanong, ng konklusyon ang pangangatwiran, ng mga
bagong tuklas sa pagsubok sa hypothesis at marami
pang iba.
Wika rin ang ginagamit upnag
makapagtamo ng pormal na edukasyon.
Para sa Kapakinabangang Panlipunan
6. REPRESENTATIBO
-Ginagamit ang wika upang magparating
ng mga kaalaman, mag-ulat ng mga pangyayari,
maghatid ng mga mensahe, magpaliwanag, at iba pa.
Sa gamit na ito ng wika, makikitang may
pagpapalitan ng kaisipan. May naghahatid ng
impormasyon o kaalaman at may tumatanggap.
Ang wika ang representatibo ng
kaalaman o impormasyong inihahatid ng iba
Pag-usapan Natin
1. Magbigay ng sariling dipinisyon o pagpapakahulugan
ukol sa tatlong gamit ng wika at magbigay ng halimbawa.
A. Regulatoryo
B. Heuristiko
C. Representatibo
2. Bakit kailangan ng mga tao ang mabisang
komunikasyon sa pamamagitan ng wika?
PANGKATANG GAWAIN
UNANG GRUPO:
Pagpapaliwanag sa Ilustrasyon
WIKA TAO
LIPUNAN
• Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang interpretasyon sa unang ilustrasyon? Ikalawang ilustrasyon?
2. Paano nakatutulong ang wika sa tao at sa lipunan?
Pangalawang Grupo:
Lights! Camera! Action!
Pumili ng dalawang gamit ng wika at
isadula
Pangatlong Grupo:
Hugot
Lines…
Lumikha ng Hugot Lines at isa-isahin
Ikaapat na Grupo
Hindi magiging mahusay na mahusay
ang mag-aaral kung hindi mahusay ang
modelo – ang mga guro.” Ito ang opinyon
ni Ruth Elynia- Mabanglo noong Agosto
2015, Kongresong Pagpaplanong
Pangwika.
Gamit o tungkulin ng wika:________________
Kahulugan at Paliwanag:_________________
Maikling Pagsusulit
Panuto: Tukuyin ang tungkulin ng wika sa mga
sumusunod na sitwasyon.
1. Aktibong nakikipagtalakayan ang mga mag-aaral
habang ipinapaliwanag ng guro ang aralin tungkol sa
tungkulin ng wika.
2. Nagreklamo ang mga kabataan dahil nagkaroon ng
ordinansang nagbabawal sa paglalaro nila ng
“computer games” sa oras ng pasukan.
3. Ibinahagi ng mga guro ang resulta ng isinagawang
pag-aaral tungkol sa sanhi ng kahinaan ng mga mag-
aaral sap ag-unawa sa mga binabasang akda.
4. Lumikha si Jake ng awiting kundiman para
sa kanyang kasintahan.
5. Nagsaliksik ang mga manggagamot ng
mga paraan kung paano malulunasan ang
mga malalalang sakit tulad ng kanser..
6. Inutusan ng guro ang mga mag-aaral na
ibalik sa kantina ang kanilang mga
pinagkainan.
7. Inanyayahan ng binata ang dalagang
sinisinta na dumalo sa pagdiriwan ng kanyang
kaarawan.
8. Pinapaalalahanan ng magulang ang mga
anak na pagbutihin ang kanilang pag-aaral
upang magtagumpay sila sa buhay.
9. Binati ng taong-bayan ang
nangangampanyang pangulo sa bansa.
10. Nagbigay-babala ang PAGASA tungkol
sa paparating na napalakas na bagyo.
7. IMAHINATIBO
Ang gamit ng wika kung ginagamit ng tao
ang wika sa pagpapalawak ng kaniyang
imahinasyon. Ginagamit ang wika upang
makabuo ng malikhaing pagsulat o
maipakita ang pagiging malikhain.
Halimbawa:
Paggamit nito sa pagsulat o pagbigkas ng
akdang pampanitikan.
INSTRUMENTAL
*pakikiusap
*pagmumungkahi
*panghihikayat
*pag-uutos
*pagpilit
-Patawarin mo ako.
-Gusto kong mahalin mo ako.
REGULATORYO/REGULATORI
*pag-alalay sa kilos/gawi ng iba
*pagtatakda ng tuntunin o alituntunin
-Huwag tumawid, nakamamatay.
-Huwag mandaya lalong-lalo na sa oras ng
pagsusulit.
REPRESENTATIBO/IMPORMATIBO
*paghahatid ng mensahe
*pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-
ugnay
*paglalahad
*pag-uulat ng mga pangyayari
-Ang salitang lengguwahe o lengwahe ay
mula sa salitang lingua ng Latin na
nangangahulugang dila.
INTERAKSIYONAL
*pagbati
*pagpapaalam
*pagtanggap
*pagbibiro
*paghihiwalay
*panunudyo *pag-anyaya
-Magandang umaga
-Kumusta ka?
-Maaari ka bang imbitahan na dumalo sa
PERSONAL
*paghanga
*pagkatuwa
*pagkayamot *kasiyahan
*pagkainip
*padamdam
*pagkagalit
*pagmumura
-Palaban ako at hindi paapi.
-Talagang nakagagalit ang mga taong hindi
HEURISTIKO
*pagtatanong *pagpuna
*pangangatuwiran *pagsusuri
*pagbibigay-konklusyon *pagsang-
ayon
*paggawa ng hypothesis *di-pagsang-
ayon
-Bakit nagkaroon ng low tide?
-Bakit may umaga at gabi?
IMAHINATIBO
*paglalagay sa sarili sa isang katauhan na
hindi totoo at dala lamang ng malikot na
pag-iisip
-Kung ikaw ay bibigyan ng super powers,
ano kaya ito at bakit?
-Kung ikaw ay tutubuan ng pakpak, saan
mo balak pumunta?

inbound1137577714387654322242002897.pptx

  • 1.
    GAMIT NG WIKASA LIPUNAN Para sa Kapakinabangang Pansarili 1. Instrumental 2. Interaksyonal 3. Personal SESYON 3
  • 2.
    Pangkatang Gawain: JIGSAWPUZZLE Kagamitan: cardboard o matigas na papel na kasukat ng bond paper at panyong pampiring Pamamaraan: 1. Gupitin ang cardboard sa iba’t ibang hugis na katulad ng isang jigsaw puzzle 2. Piringan ang isang kinatawan sa pangkat na siyang bubuo ng puzzle sa loob ng tatlong minuto 3. Ang mga miyembro ay maaaring magbigay ng direksyon
  • 3.
    Gabay sa Talakayan: 1.Ano ang pakiramdam ng mga naglaro? Naging madali ba o mahirap ang laro? 2. Nakatulong ba o nakalito ang mga direksyong sinasabi ng ilang mga miyembro? Bakit? 3. Gaano kahalaga ang mga panuto o direksyong ibinibigay ng mga kasama sa grupo?
  • 4.
    Mga Gamit NgWika Ayon Kay Michael Alexander Kirkwood Halliday (M.A.K Halliday) Siya ay isang lingguwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera. Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino. Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika na gamitin at kilala sa daigdig.
  • 5.
    Para sa KapakinabangangPansarili 1. INSTRUMENTAL - Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng isang tao ang kanyang pangangailangan. Maging ang isang sanggol na hindi pa man nakapagsasalita ay nakalilikha ng tunog (iyak) upang matawag ang pansin ng kanyang ina. Habang lumalaki ang isang bata, at habang nabubuo ang kanyang pagsasalita, lalong nagiging instrumental ang wika upang maipahayag niya ang kanyang kailangan
  • 6.
    2. INTERAKSIYONAL -Ginagamit angwika sa pakikipag-usap sa iba; sa pakikisalamuha sa ating mga kaibigan, kaklase, kamag-anak o maging kanino man. Sa makabagong teknolohiya, wika pa rin ang lunsaran ng ating komunikasyon. Kung may cellphone, nagpapadala tayo o tumatanggap ng text; kung may computer, nagpapadala tayo ng e-mail; kung may webcam, nakikipag-usap tayo sa pamamagitan ng teknolohiya. Ginagamit natin ang wika sa paraang interaksyunal
  • 7.
    3. PERSONAL -Mula pagkabatahanggang pagtanda, kailangan ng wika upang maipahayag ang sariling damdamin at mga iniisip. Halimbawa, kailangan ng isang binata na maipahayag ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng matatamis na salitang iniuukol niya sa kanyang minamahal.
  • 8.
    Pag-usapan Natin 1. Magbigayng sariling dipinisyon o pagpapakahulugan ukol sa tatlong gamit ng wika at magbigay ng halimbawa. A. Instrumental B. Interaksyunal C. Personal 2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ni Halliday na nalilinang ang wika ayon sa pangangailangan ng tao. 3. Ano-ano ang maaaring resulta sa sarili ng isang tao kung pigil ang pagpapahayag niya sa kanyang saloobin sa iba?
  • 9.
    4. Magbigay ngiyong opinyon sa mga sumusunod na katanungan: A. Para sa iyo, kailan nagiging Tama ang Mali B. Kung sakaling bibigyan ka ng kaparusahan dahil sa iyong mga naging kasalanan, alin sa tatlo ang iyong pipiliin: maging bulag, pipi o bingi. C. Ano sa palagay mo ang pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ng tao? D. Kung babalik ang oras, anong sitwasyong ang iyong babalikan at babaguhin/ Bakit?
  • 10.
    E. Ano angsukatan ng pagiging best teacher? F. Hanggang saan ang hangganan ng pagpapasensya? Magbigay ng isang sitwasyon sa klasrum G. Kailan nagiging sapat ang pagmamahal? H. Lihim na pagtingin sa isang kaibigan: Kailangang aminin o hindi? I. Paano nga ba magmove-on sa taong hindi naman naging kayo? J. Kung bibigyan ka ng pagkakataon, Ano ang mas gusto mo, balikan ang nakaraan o tingnan ang hinaharap?
  • 11.
    K. Paano momaiwawaksi ang kasamaan kung ikaw ay makasalanan? L. Bakit kailangan pang mabuhay ng tao kung sa huli ay mamamatay din siya? M. Paano mo haharapin ang takot kung mahina ang iyong loob? N. Bakit kailangang laging may magsakripisyo o may isakripisyo ba matamasa ang hinahangad? O. Bakit may mga taong nagpapakatanga? P. Alin ang mas malaman, bag ni Dora o bulsa ni Doremon? Q. Kung ang bakla ay nagka-amnesia, bakla pa rin ba ito?
  • 12.
    GAMIT NG WIKASA LIPUNAN Para sa Kapakinabangang Panlipunan 4. Regulatoryo 5. Heuristiko 6. Representatibo SESYON 4
  • 13.
    Gusto Ko! I-arteMo! Pamamaraan: 1. Isusulat ng guro sa bond paper ang aksyong nais niyang ipagawa sa isang mag-aaral. 2. Itutupi ang papel sa hugis ng isang eroplano. 3. Paliliparin ang papel sa loob ng klasrum. Kung sino ang malapagan nito ang siyang magsasagawa ng aksiyong isinulat ng guro? 4. Matapos maisagawa ng naturang mag-aaral ang aksiyon, siya naman ang susulat sa papel at paliliparin para maipagawa ang iba namang aksiyon sa iba. 5. Uulitin ang laro nang makailang ulit.
  • 14.
    Gabay sa Talakayan: 1.Naging maayos ba ang direksyong ibinigay ng guro? 2. Madali ba itong naintindihan ng mga mag-aaral? 3. Sapat ba ang pagpapaalalang naibigay upang hindi maging magulo ang klase? 4. Paano nagamit nang maayos ang wika upang maiparating sa mga kamag-aral ang nararapat nilang gawin?
  • 15.
    Para sa KapakinabangangPanlipunan 4. REGULATORYO -Isa sa mga gamit ng wika ang alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o ang iba.
  • 16.
    O kaya naman,masasabing regulatoryo ang gamit ng Student’s Handbook kung saan nagsasaad ang mga bagay na dapat gawin o di-maaaring gawin ng mga mag- aaral Regulatoryo rin ang gamit ng mga batas, ordinansa, at mga kautusang ipinatutupad ng pamahalaan upang maging maayos at tahimik ang komunidad at ang bansa.
  • 17.
    Para sa KapakinabangangPanlipunan 5. HEURISTIKO -Heuristiko ang gamit ng wika sapagkat ginagamit ito para sa pagkatuto at pag-unawa. Ginagamit ang wika upang malaman ang maraming bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, ng konklusyon ang pangangatwiran, ng mga bagong tuklas sa pagsubok sa hypothesis at marami pang iba. Wika rin ang ginagamit upnag makapagtamo ng pormal na edukasyon.
  • 18.
    Para sa KapakinabangangPanlipunan 6. REPRESENTATIBO -Ginagamit ang wika upang magparating ng mga kaalaman, mag-ulat ng mga pangyayari, maghatid ng mga mensahe, magpaliwanag, at iba pa. Sa gamit na ito ng wika, makikitang may pagpapalitan ng kaisipan. May naghahatid ng impormasyon o kaalaman at may tumatanggap. Ang wika ang representatibo ng kaalaman o impormasyong inihahatid ng iba
  • 19.
    Pag-usapan Natin 1. Magbigayng sariling dipinisyon o pagpapakahulugan ukol sa tatlong gamit ng wika at magbigay ng halimbawa. A. Regulatoryo B. Heuristiko C. Representatibo 2. Bakit kailangan ng mga tao ang mabisang komunikasyon sa pamamagitan ng wika?
  • 20.
    PANGKATANG GAWAIN UNANG GRUPO: Pagpapaliwanagsa Ilustrasyon WIKA TAO LIPUNAN • Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang interpretasyon sa unang ilustrasyon? Ikalawang ilustrasyon? 2. Paano nakatutulong ang wika sa tao at sa lipunan?
  • 21.
    Pangalawang Grupo: Lights! Camera!Action! Pumili ng dalawang gamit ng wika at isadula Pangatlong Grupo: Hugot Lines… Lumikha ng Hugot Lines at isa-isahin
  • 22.
    Ikaapat na Grupo Hindimagiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi mahusay ang modelo – ang mga guro.” Ito ang opinyon ni Ruth Elynia- Mabanglo noong Agosto 2015, Kongresong Pagpaplanong Pangwika. Gamit o tungkulin ng wika:________________ Kahulugan at Paliwanag:_________________
  • 23.
    Maikling Pagsusulit Panuto: Tukuyinang tungkulin ng wika sa mga sumusunod na sitwasyon. 1. Aktibong nakikipagtalakayan ang mga mag-aaral habang ipinapaliwanag ng guro ang aralin tungkol sa tungkulin ng wika. 2. Nagreklamo ang mga kabataan dahil nagkaroon ng ordinansang nagbabawal sa paglalaro nila ng “computer games” sa oras ng pasukan. 3. Ibinahagi ng mga guro ang resulta ng isinagawang pag-aaral tungkol sa sanhi ng kahinaan ng mga mag- aaral sap ag-unawa sa mga binabasang akda.
  • 24.
    4. Lumikha siJake ng awiting kundiman para sa kanyang kasintahan. 5. Nagsaliksik ang mga manggagamot ng mga paraan kung paano malulunasan ang mga malalalang sakit tulad ng kanser.. 6. Inutusan ng guro ang mga mag-aaral na ibalik sa kantina ang kanilang mga pinagkainan. 7. Inanyayahan ng binata ang dalagang sinisinta na dumalo sa pagdiriwan ng kanyang kaarawan.
  • 25.
    8. Pinapaalalahanan ngmagulang ang mga anak na pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang magtagumpay sila sa buhay. 9. Binati ng taong-bayan ang nangangampanyang pangulo sa bansa. 10. Nagbigay-babala ang PAGASA tungkol sa paparating na napalakas na bagyo.
  • 26.
    7. IMAHINATIBO Ang gamitng wika kung ginagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng kaniyang imahinasyon. Ginagamit ang wika upang makabuo ng malikhaing pagsulat o maipakita ang pagiging malikhain. Halimbawa: Paggamit nito sa pagsulat o pagbigkas ng akdang pampanitikan.
  • 27.
  • 28.
    REGULATORYO/REGULATORI *pag-alalay sa kilos/gawing iba *pagtatakda ng tuntunin o alituntunin -Huwag tumawid, nakamamatay. -Huwag mandaya lalong-lalo na sa oras ng pagsusulit.
  • 29.
    REPRESENTATIBO/IMPORMATIBO *paghahatid ng mensahe *pagpapaliwanagng mga pagkakaugnay- ugnay *paglalahad *pag-uulat ng mga pangyayari -Ang salitang lengguwahe o lengwahe ay mula sa salitang lingua ng Latin na nangangahulugang dila.
  • 30.
  • 31.
  • 32.
    HEURISTIKO *pagtatanong *pagpuna *pangangatuwiran *pagsusuri *pagbibigay-konklusyon*pagsang- ayon *paggawa ng hypothesis *di-pagsang- ayon -Bakit nagkaroon ng low tide? -Bakit may umaga at gabi?
  • 33.
    IMAHINATIBO *paglalagay sa sarilisa isang katauhan na hindi totoo at dala lamang ng malikot na pag-iisip -Kung ikaw ay bibigyan ng super powers, ano kaya ito at bakit? -Kung ikaw ay tutubuan ng pakpak, saan mo balak pumunta?