SlideShare a Scribd company logo
1 of 25
Download to read offline
Filipino – Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (Sukat, Tugma,
Tayutay, Talinghaga, at iba pa)
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Development Team of the Module
Author/s: Merlie Faith J. Jumawan
Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III
Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I
Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin
(Sukat, Tugma, Tayutay, Talinghaga,
at iba pa)
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at
sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor
sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental.
Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon –
Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.
Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.
7
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 6 ukol
sa Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (Sukat, Tugma, Tayutay, Talinghaga, at iba pa).
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - 1
Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - 2
Aralin 1 - - - - - - - - - - - - - - - - 3
Balikan - - - - - - - - - - - - - - - - 4
Tuklasin - - - - - - - - - - - - - - - - 5
Suriin - - - - - - - - - - - - - - - - 9
Pagyamanin - - - - - - - - - - - - - - - - 10
Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - 12
Isagawa - - - - - - - - - - - - - - - - 13
Tayahin - - - - - - - - - - - - - - - - 14
Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - 16
Susi sa Pagwawasto - - - - - - - - - - - - - - - - 17
Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - 18
TALAAN NG NILALAMAN
1
Marami sa mga kabataan sa kasalukuyan ang mahilig makinig ng mga
awitin mula sa radyo at telebisyon. Ang mga awitin ay kaakibat na ng literaturang
Pilipino kung saan ang bawat taludtod o linya ay naglalayong maghahatid ng
mensahe para sa mga tagapakinig.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makagagamit ng mga
kumbensyon upang makasulat ng isang awitin.
Layunin
a. Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma,
tayutay, talinghaga, at iba pa (F7WG-IIj-12)
a.1 Natutukoy ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma,
tayutay, talinghaga, at iba pa)
a.2 Nasusuri ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma,
tayutay, talinghaga, at iba pa)
2
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng sagot at isulat
sa sagutang papel.
1. Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo ng isang
saknong.
a. Pagtutulad c. Tayutay
b. Sukat d. Tugma
2. Sadyang paglayo sa paggamit ng mga karaniwang salita upang maging
kaakit-akit at mabisa ang pahayag.
a. Pandiwa c. Talinghaga
b. Simbolo d. Tayutay
3. Mahalagang elemento ng tula na magkapareho ang tunog sa dulo ng mga
huling titik ng taludtod.
a. Pangatnig c. Talinghaga
b. Sukat d. Tugma
4. Ang pagsasalin ng katangian ng isang tao sa mga bagay na may buhay man o
wala.
a. Pagbibigay-katauhan c. Pagtawag
b. Pagmamalabis d. Pag-uyam
5. Sukat o tugma ng isang taludtod sa pagbuo ng liriko o tula.
a. 12, 13, 14 c. 12, 16, 18
b. 12, 14, 16 d. 12, 17, 18
Ngayon, subukin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagsagot sa paunang pasulit. Simulan mo na!
3
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang sumusunod na pahayag. Pillin sa
loob ng kahon ang titik ng sagot at isulat sa sagutang papel.
a. Pagtutulad d. Pagpapalit-saklaw
b. Pagwawangis e. Pagbibigay-katauhan
c. Pagmamalabis
6. Si Alvir ay pating sa tubig kung lumangoy.
7. Sing-alat ng bagoong ang suwerte ni Marilyn ngayon.
8. Abot langit ang pagmamahal ni Sam kay Kat.
9. Sumasayaw ang mga dahon sa sanga ng punong balete.
10.Lumilipad na naman ang isip ni Lea.
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang idyoma na nasa
hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
11.basang sisiw a. mabagal
12.nakalutang sa ulap b. nagbibingi-bingihan
13.nagtataingang-kawali c. masaya
14.haligi ng tahanan d. ama
15.kilos pagong e. anak
f. basa ang buong katawan
Aralin
1
Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin
(Sukat, Tugma, Tayutay, Talinghaga,
at iba pa)
Magandang araw! Sa modyul na ito, pag-aaralan ang iba‟t ibang
kumbensyon ng isang awitin sa pamamagitan ng paggamit ng sukat, tugma,
tayutay, talinghaga, at iba pa. Simulan mo na!
4
Kulturang Nakapaloob
sa Awitin
Bago ka magpatuloy sa bagong aralin, alamin muna kung mayroon ka bang
natutunan sa nakaraang modyul.
Panuto: Basahin ang bahagi ng isang awiting “Harana.” Gamit ang grapikong
pantulong sa ibaba, ibigay ang mga kulturang nakapaloob dito. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
Harana
ni Parokya ni Edgar
Uso pa ba ang harana?
Marahil ika‟y nagtataka
Sino ba „tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba
Na nakaporma‟t naka-barong
Sa awit na daig pang minus one at sing-along
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa‟yong tingin ako‟y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana‟y maibigan mo
Ibubuhos ko ang puso ko
Sa isang munting harana, para sa „yo
5
Mga Kumbensyon sa Pagbuo ng Awitin
Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tula. Nilapatan ito ng himig
o melodiya kaya‟t nabuo ang makatawag-pansing mga awiting-bayan.
Narito ang mga elemento ng tula sa pagbuo ng awitin:
1. Sukat
 Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
 Karaniwang bilang o sukat ng pantig sa isang tula ay labindalawa, labing-
anim at labingwalo.
Halimbawa:
or / ga / nong / sa / lo / ob / ng / i / sang / sim / ba / han 12 pantig
ay / na / na / na / la / ngin / sa / ka / pig / ha / ti / an 12 pantig
Saknong
 Grupo ng mga taludtod o linya sa isang tula.
Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat Silanganan,
Kaluwalhatiang sa ami‟y pumanaw.
Taludtod
 Isang linya ng mga salita sa isang tula.
Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam unang taludtod
Lupang iniirog ng sikat ng araw ikalawang taludtod
Mutyang mahalaga sa dagat Silanganan ikatlong taludtod
Kaluwalhatiang sa ami‟y pumanaw. Ikaapat na taludtod
Sa yugtong ito, malalaman mo ang iba‟t ibang kumbensyon sa
pagbuo ng isang awitin. Mahalagang makalikha muna ng mahusay na tula
tungkol sa anumang bagay na kaugnay sa bayan, lalawigan, o rehiyon
bago lapatan ng himig. Halika‟t pag-aralan mo!
saknong
6
2. Tugma
 Ang pagkakaroon ng magkakapareho o magkakasintunog na salita sa
dulo ng pantig sa hulihan ng bawat taludtod.
 Nagbibigay ito ng rikit o ganda sa isang tula.
Dalawang Uri ng Tugma:
o Tugmang Ganap
 Magkakaparehong tunog ang huling pantig o dulumpantig ng bawat
taludtod.
Halimbawa:
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
o Tugmang Di-ganap
 Magkakaparehong patinig sa huling pantig o dulumpantig subalit
nagkakaiba ang huling kataning sa bawat taludtod.
Halimbawa:
Pinipintuho kong bayan ay paalam
Lupang iniirog ng sikat ng araw
Mutyang mahalaga sa dagat Silanganan,
Kaluwalhatiang sa ami‟y pumanaw.
3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay)
 Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan
sa tula.
 Dito‟y sadyang inilalayo ang paggamit ng mga karaniwang salita upang
higit na maging mabisa at kaakit-akit ang tula.
 Mga tayutay ang isa sa karaniwang ginagamit na paraan para sa
pagbibigay ng talinghaga sa tula.
7
Ilang mga uri ng tayutay na karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng talinghaga
sa tula:
o Pagtutulad o Simili
 Paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may pagkakaugnay na
mga bagay.
 Ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila,
sing-, sim-, makasing-, magkasim-, at iba pa.
Halimbawa:
Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan na
kung babalik ay sadyang sa iyo nakalaan.
o Pagwawangis o Metapora
 Tulad ng simili na naghahambing ng dalawang magkaibang bagay
subalit direkta ang paghahambing nito at hindi ginagamitan ng mga
panlapi at pariralang naghahambing.
Halimbawa:
Ang kaniyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng
panahon.
o Pagsasatao o Personipikasyon
 Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi, at
kilos sa mga bagay na walang buhay.
Halimbawa:
Lumuha ang langit sa kaniyang naging kasawian.
o Pagmamalabis o Eksaherasyon
 Sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao
o bagay na tinutukoy.
Halimbawa:
Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang
nawalang buhay na kaniyang ama.
8
4. Simbolismo
 Maaaring bagay, marka, o bagay na sumisimbolo sa isa pang bagay o
konsepto. Maari rin itong mga salita, parirala o isang pangungusap na
sumisimbolo sa isang bagay.
Halimbawa:
Isa kang liwanag sa mga taong nawawala na sa landas.
 Ibig sabihin nito, siya ay tumutulong sa mga tao para maibalik sila
sa tamang landas o para maisaayos ulit ang kanilang buhay.
5. Larawang-diwa
 Ito ang mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan nang malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Kung ang bayang ito‟y mapapasa-panganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, at kapatid
Isang tawag niya‟y tatalikdang pilit.
Ngayong nabatid mo na ang tungkol sa mga kumbensyon sa pagbuo ng
awitin, isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Masasagot mo iyan. Subukan
mo!.
9
Harana
(bahagi lamang)
„Di ba‟t parang isang sine
Isang pelikulang romantiko
At ikaw ang bidang artista
At ako nama‟y leading man
Sa istoryang nagwawakas
Sa pag-ibig na kaywagas
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa iyong tingin ako‟y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana‟y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa „yo
Uso pa ba ang harana?
Marahil ngayon ay alam mo na
Basta‟t para sa „yo aking hirang
Kahit na magmukhang hibang
Tutupdin ang lahat, liyag
Pagka‟t ako‟y „yong bihag
At mahal kita, sinta
Mayro‟n pang dalang mga rosas
Suot nama‟y maong na kupas
Kasama pa niya ang barkada
Basahin ang bahagi ng awiting “Harana” sa bandang Parokya ni
Edgar.
10
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng sagot at
isulat sa sagutang papel.
1. Ilan ang sukat na ginamit sa ikalawang saknong?
a. Pito c. Siyam
b. Walo d. Sampu
2. Ano ang sinisimbolo ng rosas na matatagpuan sa huling saknong ng awit?
a. Binata c. Dalaga
b. Bulaklak d. Halimuyak
3. Ano-ano ang mga salitang magkatugma sa ikatlong saknong ng awit?
a. bituin at hangin c. langit at bituin
b. hangin at langit d. nababaliw at giliw
4. Ilang taludtod mayroon ang ikaapat na saknong?
a. Apat c. Lima
b. Anim d. Pito
5. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa unang saknong ng awit?
a. Pagmamalabis c. Pagtutulad
b. Pagsasatao d. Pagwawangis
Ngayon ay basahin at kantahin ang awiting “Sinta.”
Sinta
ni Aegis
I. Pag-ibig ko sa iyo
Ay tunay at totoo
Sintamis ng wine,
Sintatag ng sunshine.
11
II. Tunghayan mo sana
Ang aking pagsinta
Langit ng puso ko
O, ang pag-ibig mo
III. Nananaginip nang gising,
Nakatulala sa hangin
Nagsusumidhing damdamin,
Kahit halik lang ang akin
IV. Nababaliw ako sa ‟yo,
Bawat silakbo ng puso ko
Sa isang sulok na lang,
Umiibig sa „yo sinta
Panuto: Tukuyin ang mga kumbensyon sa pagbuo ng isang awitin sa
pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan na nasa ibaba. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
* Ang unang hanay ay ginawa para maging gabay sa pagsagot.
Bilang ng
saknong
Sukat
Tugma
(Ganap o Di-ganap)
Tayutay /
Talinghaga
Simbolismo
Unang
saknong
7 – 7 – 5 – 6 Tugmang Ganap Pagtutulad
wine –
matamis
sunshine –
pag-asa
Ikalawang
saknong
Ikatlong
saknong
Ikaapat na
saknong
12
Lagi mong tandaan na sa pagbuo ng awitin, mayroong mga sinusunod
na sangkap.
Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang
sagot sa mga patlang. Isaalang-alang ang mga kumbensyon sa pagsulat
ng awiting nasa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
tayutay sukat himig
tula larawang-diwa
Ang mga awiting-bayan ay nagsimula bilang mga 1.
____________.
Nilapatan ito ng 2.
____________ o melodiya kaya‟t nabuo ang makatawag-
pansing mga awiting-bayan. Ang 3.
___________ ay tumutukoy sa bilang ng
pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang ng pantig sa isang tula ay
labindalawa, labing-anim, at labingwalo. Ang paggamit ng 4.
____________ na
salita ang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Ang 5.
___________ ay mga
salitang binabanggit sa tula o awit na nag-iiwan nang malinaw at tiyak na
larawan sa isipan ng mambabasa.
tayutay
talinghaga
tugma
sukat
13
Panuto: Kopyahin ang awit sa sagutang papel at punan ng sariling nabuong linya
ng kanta ang patlang. Kailangang isaalang-alang ang kumbensyon sa
paggawa ng isang awiting-bayan.
Corona, Corona
I. Corona, corona, „di ka nakakatuwa
____________________________________
Corona, corona, lumayo-layo ka na
____________________________________
II. Corona, corona, salot ka ng mundo
____________________________________
Corona, corona, lumayo-layo ka na
____________________________________
III. Ulo‟y „wag tigasan, aking kaibigan
___________________________________
Pwedeng mahawaan, katawan ay ingatan
Kapos kapalaran, wala pang gamot diyan.
Sa ibaba ay mayroong awit na hindi pa buo na nilapatan ng himig na
“Leron-leron Sinta.” Kailangan mong dugtungan ito upang mabuo ang diwa
ng kanta.
14
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik
ng pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.
1. “Namuti ang buhok niya sa kahihintay.” Anong uri ito ng tayutay?
a. Pagmamalabis c. Pagwawangis
b. Pagtutulad d. Personipikasyon
2. “Parang chocolate ang kaniyang mga ngiti.” Anong uri ito ng tayutay?
a. Pagmamalabis c. Pagtutulad
b. Pagsasatao d. Pagwawangis
3. “Gabundok na pinggan ang huhugasan ko mamaya.” Anong uri ito ng tayutay?
a. Pagmamalabis c. Pagtutulad
b. Pagsasatao d. Pagwawangis
4. Uri ng tayutay na nagsasaad ng labis-labis na katangian o pangyayari.
a. Pagmamalabis c. Pagtutulad
b. Pagsasatao d. Pagwawangis
5. “Lilibutin ko ang buong mundo mahanap ka lang.” Anong uri ng
tayutay ang pangungusap na ito?
a. Metapora c. Pagtutulad
b. Pagmamalabis d. Personipikasyon
6. Kumbensyon sa pagbuo ng awitin na maaaring mga salita, parirala o isang
pangungusap na sumisimbolo sa isang bagay.
a. Larawang-diwa b. Simbolismo c. Sukat d. Tayutay
7. Mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan nang malinaw na larawan sa
isipan ng mambabasa.
a. Larawang-diwa b. Simbolismo c. Sukat d. Tayutay
8. Bakit bahagi ng kulturang Pilipino ang panghaharana noon?
a. dahil paraan ito ng panliligaw ng mga kalalakihan
b. dahil mahilig umawit ang mga Pilipino noon
c. dahil libangan ito ng mga Pilipino
d. dahil nakaugalian na
15
9. Batay sa awit na “Harana,” anong bagay ang sumisimbolo sa dalaga?
a. Bituin b. Gitara c. Pantalon d. Rosas
10.Ang sumusunod ay mga kumbensyon sa pagbuo ng awiting-bayan, maliban
sa isa.
a. Parirala b. Sukat c. Tayutay d. Tugma
Para sa bilang 11 – 15
Panuto: Kilalanin ang mga kumbensyon sa pagbuo ng awiting-bayan gamit ang
bahagi ng isang awit na pinamagatang “Sitritsit.” Piliin at isulat ang titik
ng sagot sa sagutang papel.
Sitsiritsit
Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto‟t salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri‟y parang tandang.
Santo Niño sa Pandakan
Puto seko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam.
11.Ilan ang kadalasang sukat na ginamit sa unang saknong?
a. Labing-isa b. Sampu c. Siyam d. Walo
12.Anong uri ng tugma ang ginamit sa pangalawang saknong?
a. Tugmaan c. Tugmaang Ganap
b. Tugmaang Di-ganap d. Walang Tugma
13.Sa linya ng awit na “Kung gumiri‟y parang tandang.” Anong uri ng tayutay ang
ginamit?
a. Pagmamalabis c. Pagtutulad
b. Pagsasatao d. Pagwawangis
14.Simbolismong ginamit sa awit na tumutukoy sa isang bata.
a. Alibangbang c. Puto seko
b. Babae d. Sto. Niño
15.Ang sumusunod ay mga insekto at hayop na mabubuo sa larawang diwa sa
unang saknong maliban sa isa.
a. Alibangbang b. Langgam c. Salagubang d. Tandang
16
Panuto: Bumuo ng isang orihinal na awiting-bayan gamit ang iba‟t ibang
kumbensyon sa pagsulat nito. Gawing gabay ang mga pamantayan sa
ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.
MGA PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Nakasulat nang maayos at orihinal na liriko ng
awiting-bayan gamit ang sariling wika o wikang
makaaakit sa mga kabataan.
Nagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng tulang
naging awiting-bayan tulad ng sukat, tugma, at
talinghaga tulad ng tayutay.
Nakabubuo ng dalawang saknong at apat na taludtod
sa bawat saknong.
Napatunayang ang kulturang nakapaloob sa awiting-
bayan ay sadyang sumasalamin sa kultura ng isang
lugar.
Kagandahan at kalinisan ng sulat-kamay.
Kabuoang Puntos
5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay
4 – Mahusay 1 – Maraming kakulangan
3 – Katamtaman
Ngayon ay subukan mo ang iyong galing sa pagbuo ng isang
awiting-bayan. Tandaang sa pagbuo ng isang awiting-bayan ay bumuo
muna ng isang makabuluhang tula at magiging awit ito kapag nilapatan ng
himig o melodiya. Simulan mo na.
17
Bilang
ng
Saknong
Sukat
Tugma
(Ganap
o
Di-ganap)
Tayutay
/
Talinghaga
Simbolismo
Unang
saknong
7
–
7
–
5
–
6
tugmang
Ganap
pagtutulad
wine
–
matamis
sunshine
-
matatag
Ikalawang
saknong
6
–
6
–
6
–
6
/
tig-aanim
na
pantig
tugmaang
Ganap
pagwawangis
langit
ng
puso
–
masayang-masaya
Ikatlong
saknong
8
–
8
–
8
–
8
/
tigwawaluhing
pantig
tugmaang
ganap
pagmamalabis
nakatulala
sa
hangin
–
may
iniisip
Ikaapat
na
saknong
8
–
9
–
7
–
9
tugmaang
di
-ganap
walang
tayutay
walang
simbolismo
18
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.
o Marquez, Servillano Jr. T. Pintig ng Lahing Pilipino:Teachers wrap around
edition. SIBS Publishing House, Inc.
WEBSITE
o https://quizlet.com
o https://rmhalife.wordpress.com
o https://www.slideshare.net
o https://en.wikipedia
o https://www.tagaloglang.com
o https://t/.m.wikipedia.org
o https://folksongatbp.blogspot.com
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf

Similar to Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf (20)

ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
Produksiyon
ProduksiyonProduksiyon
Produksiyon
 
ARTS2M2 (Unang Markahan).pdf
ARTS2M2 (Unang Markahan).pdfARTS2M2 (Unang Markahan).pdf
ARTS2M2 (Unang Markahan).pdf
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
 
Music3 m2
Music3 m2Music3 m2
Music3 m2
 
Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)Music3 m2 (1)
Music3 m2 (1)
 
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdfAP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
 
Mga Uri ng Teksto
Mga Uri ng TekstoMga Uri ng Teksto
Mga Uri ng Teksto
 
Music4Q4F.pdf
Music4Q4F.pdfMusic4Q4F.pdf
Music4Q4F.pdf
 
MAPEH Grade 3 Q1.pdf
MAPEH Grade 3 Q1.pdfMAPEH Grade 3 Q1.pdf
MAPEH Grade 3 Q1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
 
Q2-Module-3 (1).pdf
Q2-Module-3 (1).pdfQ2-Module-3 (1).pdf
Q2-Module-3 (1).pdf
 
F11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdfF11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdf
 
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng PananaliksikProseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
Proseso sa Pagsulat ng Pananaliksik
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 

Recently uploaded

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
AizaStamaria3
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptxPurple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
JayliePea
 
MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................
ferdinandsanbuenaven
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
junielleomblero
 
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptxClassroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Lolita Gomez
 

Recently uploaded (20)

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusapAyos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
Ayos ng pangungusap at mga uri ng pangungusap
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 6-2.pdf
 
MODYUL 2 Talento Mo, Tuklasin ,Kilalanin at Paunlarin.pptx
MODYUL 2 Talento Mo, Tuklasin ,Kilalanin at Paunlarin.pptxMODYUL 2 Talento Mo, Tuklasin ,Kilalanin at Paunlarin.pptx
MODYUL 2 Talento Mo, Tuklasin ,Kilalanin at Paunlarin.pptx
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 5 Mga Taong Bumubuo sa Aming Paaralan.pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptxPurple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
Purple-and-Yellow-Digitalism-Memory-Game-Fun-Presentation 4 (1).pptx
 
MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................MODYUL-1-G11.pptx...................................
MODYUL-1-G11.pptx...................................
 
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
BarredaSeo-Report.pptxeducationstudent..
 
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptxANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
ANG KABANATA 17 NG NOLI ME TANGERE .pptx
 
Ang Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang Visayas
Ang Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang VisayasAng Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang Visayas
Ang Panitikan ng Rehiyon-VI_Kanlurang Visayas
 
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptxClassroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
Classroom observation PowerPoint about florante at laura.pptx
 

Filipino7_Q2_M6_Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin_v5.pdf

  • 1.
  • 2. Filipino – Baitang 7 Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 6: Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (Sukat, Tugma, Tayutay, Talinghaga, at iba pa) Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10 Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V Development Team of the Module Author/s: Merlie Faith J. Jumawan Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III Gideon J. Pascubillo, HT – III Wilgermina D. Juhaili, HT – I Mary Cecille D. Luzano, HT – I Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron Management Team Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III Regional Director Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V Asst. Regional Director Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI Schools Division Superintendent Myra P. Mebato,PhD, CESE Assistant Schools Division Superintendent Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge Agnes P. Gonzales, PDO II Vilma M. Inso, Librarian II Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10 Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City Contact Number: (088) 880 7072 E-mail Address: region10@deped.gov.ph
  • 3. Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 6 Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (Sukat, Tugma, Tayutay, Talinghaga, at iba pa) Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental. Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph. Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi. 7
  • 4. Paunang Salita Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 6 ukol sa Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (Sukat, Tugma, Tayutay, Talinghaga, at iba pa). Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang- unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
  • 5. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 6. Alamin - - - - - - - - - - - - - - - - 1 Subukin - - - - - - - - - - - - - - - - 2 Aralin 1 - - - - - - - - - - - - - - - - 3 Balikan - - - - - - - - - - - - - - - - 4 Tuklasin - - - - - - - - - - - - - - - - 5 Suriin - - - - - - - - - - - - - - - - 9 Pagyamanin - - - - - - - - - - - - - - - - 10 Isaisip - - - - - - - - - - - - - - - - 12 Isagawa - - - - - - - - - - - - - - - - 13 Tayahin - - - - - - - - - - - - - - - - 14 Karagdagang Gawain - - - - - - - - - - - - - - - - 16 Susi sa Pagwawasto - - - - - - - - - - - - - - - - 17 Sanggunian - - - - - - - - - - - - - - - - 18 TALAAN NG NILALAMAN
  • 7. 1 Marami sa mga kabataan sa kasalukuyan ang mahilig makinig ng mga awitin mula sa radyo at telebisyon. Ang mga awitin ay kaakibat na ng literaturang Pilipino kung saan ang bawat taludtod o linya ay naglalayong maghahatid ng mensahe para sa mga tagapakinig. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makagagamit ng mga kumbensyon upang makasulat ng isang awitin. Layunin a. Nagagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa (F7WG-IIj-12) a.1 Natutukoy ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa) a.2 Nasusuri ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awitin (sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa)
  • 8. 2 Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na bumubuo ng isang saknong. a. Pagtutulad c. Tayutay b. Sukat d. Tugma 2. Sadyang paglayo sa paggamit ng mga karaniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pahayag. a. Pandiwa c. Talinghaga b. Simbolo d. Tayutay 3. Mahalagang elemento ng tula na magkapareho ang tunog sa dulo ng mga huling titik ng taludtod. a. Pangatnig c. Talinghaga b. Sukat d. Tugma 4. Ang pagsasalin ng katangian ng isang tao sa mga bagay na may buhay man o wala. a. Pagbibigay-katauhan c. Pagtawag b. Pagmamalabis d. Pag-uyam 5. Sukat o tugma ng isang taludtod sa pagbuo ng liriko o tula. a. 12, 13, 14 c. 12, 16, 18 b. 12, 14, 16 d. 12, 17, 18 Ngayon, subukin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa paunang pasulit. Simulan mo na!
  • 9. 3 Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tayutay ang sumusunod na pahayag. Pillin sa loob ng kahon ang titik ng sagot at isulat sa sagutang papel. a. Pagtutulad d. Pagpapalit-saklaw b. Pagwawangis e. Pagbibigay-katauhan c. Pagmamalabis 6. Si Alvir ay pating sa tubig kung lumangoy. 7. Sing-alat ng bagoong ang suwerte ni Marilyn ngayon. 8. Abot langit ang pagmamahal ni Sam kay Kat. 9. Sumasayaw ang mga dahon sa sanga ng punong balete. 10.Lumilipad na naman ang isip ni Lea. Panuto: Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang idyoma na nasa hanay A. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel. HANAY A HANAY B 11.basang sisiw a. mabagal 12.nakalutang sa ulap b. nagbibingi-bingihan 13.nagtataingang-kawali c. masaya 14.haligi ng tahanan d. ama 15.kilos pagong e. anak f. basa ang buong katawan Aralin 1 Kumbensyon sa Pagsulat ng Awitin (Sukat, Tugma, Tayutay, Talinghaga, at iba pa) Magandang araw! Sa modyul na ito, pag-aaralan ang iba‟t ibang kumbensyon ng isang awitin sa pamamagitan ng paggamit ng sukat, tugma, tayutay, talinghaga, at iba pa. Simulan mo na!
  • 10. 4 Kulturang Nakapaloob sa Awitin Bago ka magpatuloy sa bagong aralin, alamin muna kung mayroon ka bang natutunan sa nakaraang modyul. Panuto: Basahin ang bahagi ng isang awiting “Harana.” Gamit ang grapikong pantulong sa ibaba, ibigay ang mga kulturang nakapaloob dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Harana ni Parokya ni Edgar Uso pa ba ang harana? Marahil ika‟y nagtataka Sino ba „tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta At nasisintunado sa kaba Na nakaporma‟t naka-barong Sa awit na daig pang minus one at sing-along Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa‟yong tingin ako‟y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana‟y maibigan mo Ibubuhos ko ang puso ko Sa isang munting harana, para sa „yo
  • 11. 5 Mga Kumbensyon sa Pagbuo ng Awitin Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tula. Nilapatan ito ng himig o melodiya kaya‟t nabuo ang makatawag-pansing mga awiting-bayan. Narito ang mga elemento ng tula sa pagbuo ng awitin: 1. Sukat  Tumutukoy ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.  Karaniwang bilang o sukat ng pantig sa isang tula ay labindalawa, labing- anim at labingwalo. Halimbawa: or / ga / nong / sa / lo / ob / ng / i / sang / sim / ba / han 12 pantig ay / na / na / na / la / ngin / sa / ka / pig / ha / ti / an 12 pantig Saknong  Grupo ng mga taludtod o linya sa isang tula. Halimbawa: Pinipintuho kong bayan ay paalam Lupang iniirog ng sikat ng araw Mutyang mahalaga sa dagat Silanganan, Kaluwalhatiang sa ami‟y pumanaw. Taludtod  Isang linya ng mga salita sa isang tula. Halimbawa: Pinipintuho kong bayan ay paalam unang taludtod Lupang iniirog ng sikat ng araw ikalawang taludtod Mutyang mahalaga sa dagat Silanganan ikatlong taludtod Kaluwalhatiang sa ami‟y pumanaw. Ikaapat na taludtod Sa yugtong ito, malalaman mo ang iba‟t ibang kumbensyon sa pagbuo ng isang awitin. Mahalagang makalikha muna ng mahusay na tula tungkol sa anumang bagay na kaugnay sa bayan, lalawigan, o rehiyon bago lapatan ng himig. Halika‟t pag-aralan mo! saknong
  • 12. 6 2. Tugma  Ang pagkakaroon ng magkakapareho o magkakasintunog na salita sa dulo ng pantig sa hulihan ng bawat taludtod.  Nagbibigay ito ng rikit o ganda sa isang tula. Dalawang Uri ng Tugma: o Tugmang Ganap  Magkakaparehong tunog ang huling pantig o dulumpantig ng bawat taludtod. Halimbawa: Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. o Tugmang Di-ganap  Magkakaparehong patinig sa huling pantig o dulumpantig subalit nagkakaiba ang huling kataning sa bawat taludtod. Halimbawa: Pinipintuho kong bayan ay paalam Lupang iniirog ng sikat ng araw Mutyang mahalaga sa dagat Silanganan, Kaluwalhatiang sa ami‟y pumanaw. 3. Talinghaga (Paggamit ng Tayutay)  Ito ang paggamit ng masining na salitang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula.  Dito‟y sadyang inilalayo ang paggamit ng mga karaniwang salita upang higit na maging mabisa at kaakit-akit ang tula.  Mga tayutay ang isa sa karaniwang ginagamit na paraan para sa pagbibigay ng talinghaga sa tula.
  • 13. 7 Ilang mga uri ng tayutay na karaniwang ginagamit sa pagbibigay ng talinghaga sa tula: o Pagtutulad o Simili  Paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may pagkakaugnay na mga bagay.  Ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, makasing-, magkasim-, at iba pa. Halimbawa: Ang pag-ibig ay tulad ng isang ibong kailangang pakawalan na kung babalik ay sadyang sa iyo nakalaan. o Pagwawangis o Metapora  Tulad ng simili na naghahambing ng dalawang magkaibang bagay subalit direkta ang paghahambing nito at hindi ginagamitan ng mga panlapi at pariralang naghahambing. Halimbawa: Ang kaniyang puso ay bakal na pinatigas ng mga pagsubok ng panahon. o Pagsasatao o Personipikasyon  Pagsasalin ng mga katangian ng isang tao tulad ng talino, gawi, at kilos sa mga bagay na walang buhay. Halimbawa: Lumuha ang langit sa kaniyang naging kasawian. o Pagmamalabis o Eksaherasyon  Sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy. Halimbawa: Lumuha ng dugo ang anak subalit hindi na niya maibabalik ang nawalang buhay na kaniyang ama.
  • 14. 8 4. Simbolismo  Maaaring bagay, marka, o bagay na sumisimbolo sa isa pang bagay o konsepto. Maari rin itong mga salita, parirala o isang pangungusap na sumisimbolo sa isang bagay. Halimbawa: Isa kang liwanag sa mga taong nawawala na sa landas.  Ibig sabihin nito, siya ay tumutulong sa mga tao para maibalik sila sa tamang landas o para maisaayos ulit ang kanilang buhay. 5. Larawang-diwa  Ito ang mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan nang malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Halimbawa: Kung ang bayang ito‟y mapapasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik Ang anak, asawa, magulang, at kapatid Isang tawag niya‟y tatalikdang pilit. Ngayong nabatid mo na ang tungkol sa mga kumbensyon sa pagbuo ng awitin, isaalang-alang mo ang iyong natutunan. Masasagot mo iyan. Subukan mo!.
  • 15. 9 Harana (bahagi lamang) „Di ba‟t parang isang sine Isang pelikulang romantiko At ikaw ang bidang artista At ako nama‟y leading man Sa istoryang nagwawakas Sa pag-ibig na kaywagas Puno ang langit ng bituin At kay lamig pa ng hangin Sa iyong tingin ako‟y nababaliw, giliw At sa awitin kong ito Sana‟y maibigan mo Ibubuhos ko ang buong puso ko Sa isang munting harana para sa „yo Uso pa ba ang harana? Marahil ngayon ay alam mo na Basta‟t para sa „yo aking hirang Kahit na magmukhang hibang Tutupdin ang lahat, liyag Pagka‟t ako‟y „yong bihag At mahal kita, sinta Mayro‟n pang dalang mga rosas Suot nama‟y maong na kupas Kasama pa niya ang barkada Basahin ang bahagi ng awiting “Harana” sa bandang Parokya ni Edgar.
  • 16. 10 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng sagot at isulat sa sagutang papel. 1. Ilan ang sukat na ginamit sa ikalawang saknong? a. Pito c. Siyam b. Walo d. Sampu 2. Ano ang sinisimbolo ng rosas na matatagpuan sa huling saknong ng awit? a. Binata c. Dalaga b. Bulaklak d. Halimuyak 3. Ano-ano ang mga salitang magkatugma sa ikatlong saknong ng awit? a. bituin at hangin c. langit at bituin b. hangin at langit d. nababaliw at giliw 4. Ilang taludtod mayroon ang ikaapat na saknong? a. Apat c. Lima b. Anim d. Pito 5. Anong uri ng tayutay ang ginamit sa unang saknong ng awit? a. Pagmamalabis c. Pagtutulad b. Pagsasatao d. Pagwawangis Ngayon ay basahin at kantahin ang awiting “Sinta.” Sinta ni Aegis I. Pag-ibig ko sa iyo Ay tunay at totoo Sintamis ng wine, Sintatag ng sunshine.
  • 17. 11 II. Tunghayan mo sana Ang aking pagsinta Langit ng puso ko O, ang pag-ibig mo III. Nananaginip nang gising, Nakatulala sa hangin Nagsusumidhing damdamin, Kahit halik lang ang akin IV. Nababaliw ako sa ‟yo, Bawat silakbo ng puso ko Sa isang sulok na lang, Umiibig sa „yo sinta Panuto: Tukuyin ang mga kumbensyon sa pagbuo ng isang awitin sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel. * Ang unang hanay ay ginawa para maging gabay sa pagsagot. Bilang ng saknong Sukat Tugma (Ganap o Di-ganap) Tayutay / Talinghaga Simbolismo Unang saknong 7 – 7 – 5 – 6 Tugmang Ganap Pagtutulad wine – matamis sunshine – pag-asa Ikalawang saknong Ikatlong saknong Ikaapat na saknong
  • 18. 12 Lagi mong tandaan na sa pagbuo ng awitin, mayroong mga sinusunod na sangkap. Panuto: Kompletuhin ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang sagot sa mga patlang. Isaalang-alang ang mga kumbensyon sa pagsulat ng awiting nasa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. tayutay sukat himig tula larawang-diwa Ang mga awiting-bayan ay nagsimula bilang mga 1. ____________. Nilapatan ito ng 2. ____________ o melodiya kaya‟t nabuo ang makatawag- pansing mga awiting-bayan. Ang 3. ___________ ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang karaniwang bilang ng pantig sa isang tula ay labindalawa, labing-anim, at labingwalo. Ang paggamit ng 4. ____________ na salita ang nagbibigay ng higit na kariktan sa tula. Ang 5. ___________ ay mga salitang binabanggit sa tula o awit na nag-iiwan nang malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. tayutay talinghaga tugma sukat
  • 19. 13 Panuto: Kopyahin ang awit sa sagutang papel at punan ng sariling nabuong linya ng kanta ang patlang. Kailangang isaalang-alang ang kumbensyon sa paggawa ng isang awiting-bayan. Corona, Corona I. Corona, corona, „di ka nakakatuwa ____________________________________ Corona, corona, lumayo-layo ka na ____________________________________ II. Corona, corona, salot ka ng mundo ____________________________________ Corona, corona, lumayo-layo ka na ____________________________________ III. Ulo‟y „wag tigasan, aking kaibigan ___________________________________ Pwedeng mahawaan, katawan ay ingatan Kapos kapalaran, wala pang gamot diyan. Sa ibaba ay mayroong awit na hindi pa buo na nilapatan ng himig na “Leron-leron Sinta.” Kailangan mong dugtungan ito upang mabuo ang diwa ng kanta.
  • 20. 14 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel. 1. “Namuti ang buhok niya sa kahihintay.” Anong uri ito ng tayutay? a. Pagmamalabis c. Pagwawangis b. Pagtutulad d. Personipikasyon 2. “Parang chocolate ang kaniyang mga ngiti.” Anong uri ito ng tayutay? a. Pagmamalabis c. Pagtutulad b. Pagsasatao d. Pagwawangis 3. “Gabundok na pinggan ang huhugasan ko mamaya.” Anong uri ito ng tayutay? a. Pagmamalabis c. Pagtutulad b. Pagsasatao d. Pagwawangis 4. Uri ng tayutay na nagsasaad ng labis-labis na katangian o pangyayari. a. Pagmamalabis c. Pagtutulad b. Pagsasatao d. Pagwawangis 5. “Lilibutin ko ang buong mundo mahanap ka lang.” Anong uri ng tayutay ang pangungusap na ito? a. Metapora c. Pagtutulad b. Pagmamalabis d. Personipikasyon 6. Kumbensyon sa pagbuo ng awitin na maaaring mga salita, parirala o isang pangungusap na sumisimbolo sa isang bagay. a. Larawang-diwa b. Simbolismo c. Sukat d. Tayutay 7. Mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan nang malinaw na larawan sa isipan ng mambabasa. a. Larawang-diwa b. Simbolismo c. Sukat d. Tayutay 8. Bakit bahagi ng kulturang Pilipino ang panghaharana noon? a. dahil paraan ito ng panliligaw ng mga kalalakihan b. dahil mahilig umawit ang mga Pilipino noon c. dahil libangan ito ng mga Pilipino d. dahil nakaugalian na
  • 21. 15 9. Batay sa awit na “Harana,” anong bagay ang sumisimbolo sa dalaga? a. Bituin b. Gitara c. Pantalon d. Rosas 10.Ang sumusunod ay mga kumbensyon sa pagbuo ng awiting-bayan, maliban sa isa. a. Parirala b. Sukat c. Tayutay d. Tugma Para sa bilang 11 – 15 Panuto: Kilalanin ang mga kumbensyon sa pagbuo ng awiting-bayan gamit ang bahagi ng isang awit na pinamagatang “Sitritsit.” Piliin at isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel. Sitsiritsit Sitsiritsit, alibangbang Salaginto‟t salagubang Ang babae sa lansangan Kung gumiri‟y parang tandang. Santo Niño sa Pandakan Puto seko sa tindahan Kung ayaw mong magpautang Uubusin ka ng langgam. 11.Ilan ang kadalasang sukat na ginamit sa unang saknong? a. Labing-isa b. Sampu c. Siyam d. Walo 12.Anong uri ng tugma ang ginamit sa pangalawang saknong? a. Tugmaan c. Tugmaang Ganap b. Tugmaang Di-ganap d. Walang Tugma 13.Sa linya ng awit na “Kung gumiri‟y parang tandang.” Anong uri ng tayutay ang ginamit? a. Pagmamalabis c. Pagtutulad b. Pagsasatao d. Pagwawangis 14.Simbolismong ginamit sa awit na tumutukoy sa isang bata. a. Alibangbang c. Puto seko b. Babae d. Sto. Niño 15.Ang sumusunod ay mga insekto at hayop na mabubuo sa larawang diwa sa unang saknong maliban sa isa. a. Alibangbang b. Langgam c. Salagubang d. Tandang
  • 22. 16 Panuto: Bumuo ng isang orihinal na awiting-bayan gamit ang iba‟t ibang kumbensyon sa pagsulat nito. Gawing gabay ang mga pamantayan sa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel. MGA PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 Nakasulat nang maayos at orihinal na liriko ng awiting-bayan gamit ang sariling wika o wikang makaaakit sa mga kabataan. Nagamit ang mga kumbensyon sa pagsulat ng tulang naging awiting-bayan tulad ng sukat, tugma, at talinghaga tulad ng tayutay. Nakabubuo ng dalawang saknong at apat na taludtod sa bawat saknong. Napatunayang ang kulturang nakapaloob sa awiting- bayan ay sadyang sumasalamin sa kultura ng isang lugar. Kagandahan at kalinisan ng sulat-kamay. Kabuoang Puntos 5 – Napakahusay 2 – Di-mahusay 4 – Mahusay 1 – Maraming kakulangan 3 – Katamtaman Ngayon ay subukan mo ang iyong galing sa pagbuo ng isang awiting-bayan. Tandaang sa pagbuo ng isang awiting-bayan ay bumuo muna ng isang makabuluhang tula at magiging awit ito kapag nilapatan ng himig o melodiya. Simulan mo na.
  • 24. 18 AKLAT o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc, 2014. o Marquez, Servillano Jr. T. Pintig ng Lahing Pilipino:Teachers wrap around edition. SIBS Publishing House, Inc. WEBSITE o https://quizlet.com o https://rmhalife.wordpress.com o https://www.slideshare.net o https://en.wikipedia o https://www.tagaloglang.com o https://t/.m.wikipedia.org o https://folksongatbp.blogspot.com
  • 25. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10 Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang Cagayan de Oro City, 9000 Telefax: (088) 880 7072 E-mail Address: region10@deped.gov.ph