SlideShare a Scribd company logo
1 of 24
Download to read offline
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Hilig Ayon sa Larangan at Tuon
7
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Hilig Ayon sa Larangan at Tuon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – MIMAROPA Region
Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City
Telephone Number: (02) 6314070
E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Mga Manunulat: Niño M. Llave
Editor: Loida S. Pigon
Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla
Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana
Tagalapat: Khristine S. Lacsamana
Tagapamahala: Benjamin D. Paragas
Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina
Susana M. Bautista
Cynthia Eleanor G. Manalo
Mariflor B. Musa
Melbert S. Broqueza
Danilo C. Padilla
Annabelle M. Marmol
Domingo L. Mendoza, JR.
Elmer P. Concepcion
Loida S. Pigon
7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Hilig Ayon sa Larangan at Tuon
ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-
Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
pinamagatang Hilig Ayon sa Larangan at Tuon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Hilig Ayon sa Larangan at Tuon!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
iv
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Aralin
1
Hilig Ayon sa Larangan
at Tuon
Alamin
Napanood mo na ba ang pelikulang “The Greatest Showman”? Hindi ba’t may
kaugnayan ito sa hilig o interes ng isang tao? Hilig sa pag-awit, pagsayaw, pag-akting
at iba pa na kanilang ipinamalas sa itaas ng entablado at sa kahuli-huliha’y
nagbigay sa kanila ng lubos na kasiyahan.
Tulad ni Senador Manny Pacquiao, hilig na niya mula pa pagkabata ang
pagboboksing at ito ang isa sa mga salik kung bakit siya lubos na matagumpay at
maligaya sa kanyang buhay ngayon.
Ngayon, matutuklasan mo kung gaano kahalaga ang hilig o interes sa pagpili
ng tatahaking kursong akademiko o bokasyonal, negosyo o hanap-buhay.
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na
kalaman, kakayahan at pag-unawa:
a. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng
kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
( EsP7PS-Ie-3.1 )
b. Nakasusuri ng mga sariing hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito.
(EsP7PS-Ie-3.2)
2
Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.
1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo
na kumilos at gumawa.
A. Talento
B. Kakayahan
C. Hilig
D. Pangarap
2. Ito ay preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain.
A. Tuon ng atensyon
B. Kakayahan
C. Hilig
D. Pangarap
Tukuyin ang larangan ng hilig ng mga sumusunod:
3. Pagbibisekleta
A. Outdoor
B. Mechanical
C. Computational
D. Scientific
4. Pagkukumpuni ng sirang electric fan
A. Outdoor
B. Mechanical
C. Computational
D. Scientific
5. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
A. Outdoor
B. Mechanical
C. Social service
D. Scientific
6. Magaling lumikha ng awit
A. Literary
B. Artistic
C. Social service
D. Musical
3
7. Magaling lumikha ng tula
A. literary
B. artistic
C. persuasive
D. musical
8. Magaling magdisenyo ng cake
A. literary
B. artistic
C. persuasive
D. musical
9. Mula pa pagkabata, hilig na nii Sara Geronimo ang pag-awit kung kaya
naman siya ang pinakasikat na babaeng singer sa Pilipinas ayon sa “the
topten.org.” Ano ang larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
A. Outdoor: bagay
B. Mechanical : datos
C. Literary: ideya
D. Musical: tao
10. Ano ang pangunahing maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na
kinahihiligan?
A. Nakapagpapasaya sa sarili
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap.
11.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig maliban sa:
A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain.
D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
12.Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko/
bokasyunal?
A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kahihiligan upang makamit ang labis
na tagumpay sa hinaharap.
B. Maktutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay
ng kasiyahan sa hinaharap.
C. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakita ang galing sa pag-
aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.
D. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang-
akademiko o teknikal-bokasyonal.
4
13.Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o
pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng
buonng sigla at husay.
C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upanang
tulungan ang kapwa.
D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng
tao upang makamit ang mga ito.
14. Bago naging pangulo ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, siya
muna ay may matagal at malawak na karanasan sa pagiging lingkod-bayan
ng Davao. Anong mga larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
A. Clerical, social services, persuasive: tao, ideya, datos
B. Social services, literary, clerical: tao, ideya, bagay
C. Persuasive, clerical, mechanical: bagay, tao, datos
D. Outdoor, persuasive, artistic: tao, ideya, datos
15.Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid.
Ano- ano ang larangan ng kanilang kinahihiligan?
 Si Josh ay mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya
ang kalikasan.
 Si Jess ay laging nagkukutingting o nagkukumpuni ng kanyang motor.
 Si Jenny ay palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng sebisyo.
 Si Jake ay palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t
ibang larawan.
A. Persuasive, outdoor, clerical, mechanical
B. Scientific, computational, persuasive, artistic
C. Outdoor, mechanical, social service, artistic
D. Literary, musical, social service, clerical
5
Balikan
Gawain 1. Ito Gusto Ko!
Panuto: Isa-isahin ang mga bagay na iyong ginagawa sa iyong libreng oras. Isulat
mo sa kuwaderno ang iyong mga sagot.
Isulat ang limang gawain
na gusto mong gawin sa
iyong libreng oras. Iranggo
mo ito mula sa iyong
pinakagusto (Ranggo 1)
hanggang sa pinakahuling
gusto (Ranggo 5). Maaaring
ginagawa mo ito sa bahay,
sa paaralan, sa simbahan o
sa pamayanan.
Sagutin ang mga tanong sa iyong kwaderno.
1. Ano ang natuklasan mo sa iyong talaan?
2. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng hilig?
Limang Gawaing Gustong Gawin
sa Libreng Oras(Ayon sa naisip)
Rango
Gawaing Pinakagusto
hanggang sa Pinakahuling
Gusto
1
2
3
4
5
Anu ang ginagawa
mo sa iyong
libreng oras?
Pamantayan sa Paggawa
Orihinalidad – 5 puntos
Nilalaman – 5 puntos ( nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at
3 o higit = 5 puntos)
Pagkamalikhain – 5 puntos
Kabuuan = 15 puntos
6
Tuklasin
Gawain 2. Word Maze
Panuto: Hanapin sa loob ng “Figure A. Word Maze” ang mga salitang may kaugnayan
sa paksang “Hilig”. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. Sundin lamang ang pormat
(Figure B. Answer Sheet) sa ibaba.
Figure A. Word Maze
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14
1 S O C X A L S E R V I C E S
2 M U R V R Y C S J K D O L L
3 U T B W T R I T A O E M P I
4 S D C V I G E H D Q Y P S T
5 I O S S S H N T A W A U D E
6 C O W B T N T J T R Q T F R
7 A R Q Q I J I K O T S A G A
8 L W R W C K F L S Y X T H R
9 Q B A G A Y I M B N V I J Y
10 T W Y D D W C Y K T U O N P
11 M E C H A N I C A L Q N Y L
12 P E R S U A S I V E H A K J
13 R D W M C L E R I C A L K M
Figure B. Answer Sheet Format
Mga Salitang Pahalang Mga Salitang Pababa
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
7
Suriin
Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng
masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan
na at kayang kaya mo yan!
Nasisiyahan ka ba kapag ginagawa mo ang isang gawain? May dulot ba itong
sigla sa iyo? Habang ginagawa mo ba ang isang gawain ay tila baga hindi ka
nakakaramdam ng pagod? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin,
hilig o interes mo ito at makatutulong ito sa iyong pag-unlad.
Ano ba ang ibig sabihin ng hilig o interes?
Ang mga hilig ay preperensya sa mga particular na uri ng gawain at
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig
mo ito, at magagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag-
unlad.(Santamaria, 2006)
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng
mga gawain. Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na
matapos ito at mayroong pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang
nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili.
Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito
ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.
Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makakatulong sa iyo ang kasunod
na mga hakbang:
1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan ( hobby) at paboritong gawain.
Maaring sagutin ang tanong na: Ano-ano ang mga kinahihiligan kong gawain?
Sa pamamagitan ng pagninilay, matutuklasan mong mula pa pala sa
pagkabata na ang iyong kinahihiligang libangan ay naging bahagi na ng iyong
buhay.
2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
Maaring sagutin ang tanong na: Ano-ano ba ang mga gawaing
nakapagbibigay-sigla at buhay sa akin? Ito ay maaaring mga pang-araw-araw
na ginagawa mo o ginagampanan mo sa tahanan, simbahan, paaralan o
pamayanan.
8
3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.
Maaring itanong mo sa iyong sarili, Bakit kaya hindi ko gusto o kinahiligan
ang gayong gawain? Sa pamamagitan nito’y malalaman natin ang
kahalagahan ng bawat gawaing ating ginagawa.
May dalawang aspekto ng mga hilig: ang mga larangan ng mga hilig (areas of
interest) at ang tuon ng atensiyon (Abiva, 1993).
Narito ang sampung larangan ng hilig:
1. Outdoor- Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor)
Halimbawa: paglalaro ng basketball, hiking
2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan ( tools)
Halimbawa: Pagkukumpuni ng sirang relo
3. Computational – Nasisiyahan na gumawa na gamit ang bilang o numero
Halimbawa: Pagso-solve ng math problems
4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman , pagdidisenyo at
pag-imbento na mga bagay o produkto
Halimbawa: paglikha ng bagong makina sa pananahi
5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao
o pakikipagkaibigan
Halimbawa: pakikipag-usap sa ibang tao
6. Artistic- Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
Halimbawa: pagguhit ng magandang tanawin
7. Literary- Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat
Halimbawa: Pagsulat ng komposisyon
8. Musical- Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng
instrumenong musical
Halimbawa: pagtugtog ng piyano
9. Social service- Nasisiyahang tumulong sa ibang tao
Halimbawa: pagtulong sa nangangailangan
10.Clerical- Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina
Halimbawa: pag-eencode sa computer
9
Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang
gawain. Ito ay maaring sa tao, datos, bagay at ideya.
1. Tao - May kinalaman sa tao
2. Datos - May kinalaman sa mga katotohanan , records, files, numero, detalye
3. Bagay - Gamit ang mga kagamitan( tools) o makina (machine)
4. Ideya - Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya o kaisipan
Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng
maraming hilig at may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang paglalaro ng basketball
ay indikasyon ng hilig sa outdoor o gawaing panlabas. Ito ay may apat na tuon ng
atensyon: tao (pagtuturo sa kaibigan ng paglalaro), datos (pagsisikap na
makapagtala ng magandang record), ideya(pag-iisip ng teknik o paraan upang laging
makapagpapasok ng bola, at bagay(paggamit ng bola).
Pagyamanin
Gawain 3. Matching Type
Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga gawain na tumutukoy sa iba’t ibang larangan
mula sa hanay A. Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ito sa iyon kwaderno.
Hanay A-Larangan ng Hilig Hanay B-Halimbawa/ Kahulugan
1. Social Services
2. Mechanical
3. Outdoor
4. Artistic
5. Clerical
6. Scientific
7. Literary
8. Persuasive
9. Computational
10.Musical
A. Pag-aayos ng mga sirang bagay
B. Paghahalaman
C. Pagtulong sa nasalanta ng bagyo
D. Paggawa ng maayos na report
E. Pakikipag-ugnayan sa ibang tao
F. Paggawa ng mga bagay na
pangsining
G. Pag-imbento ng isang bagay
H. Gawain na may kaugnayan sa
numero
I. Pagbabasa / pagsulat ng kwento o
tula
J. Pakikinig / paglikha ng awit
10
Gawain 4. Hilig Ko, Susuriin Ko!
Panuto: Punan ang mga kahon ng sariling hilig, larangan at tuon ng atensyon.
Ipaliwanag kung bakit iyon ang larangan at tuon ng hilig. Sundin ang pormat sa
ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno sa iyong “journal notebook”.
Hilig Larangan Tuon ng Atensyon
1.
Paliwanag
2.
Paliwanag
3.
Paliwanag
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Pamantayan Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman(Content) 10
Kaayusan/Kalinisan
(Organization/Neatness)
10
Ideya/Paliwanag 15
Kabuuan 35
11
Isaisip
Gawain 5. Pagpuno sa Patlang
Panuto: Punan ang patlang nga angkop na salita o mga salita. Isulat ang iyong sagot
sa kwaderno.
Ang mga 1)____ ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain na
gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa samantalang ang 2)________ ay ang
preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. May sampung larangan ang
hilig: 3 )_________, 4 )_________, 5 )_________, 6 )_________, 7 )_________, 8 )_________,
9 ) __________10 )_________ 11 )_______, at 12)_________. May apat (4) na tuon ng
atensyon: 13 ) __________., 14 )________, 15 )_______ at ideya.
Isagawa
Gawain 6. Paglikha ng Poster
Panuto: Gumuhit ng isang poster na may temang: “Ang Kaugnayan ng mga Hilig sa
Pagpili ng Kurso at ang Pagpapaunlad Nito Tungo sa Magandang Kinabukasan Ko”.
gawin ito sa 1/8 illustration board o s isang buong malinis na kupon band.
Pamantayan sa Paggawa ng Poster
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Bahagdan
Nakuhang
Bahagdan
Kaangkupan sa
Tema(Relevance to
the Theme)
Tumpak o may kaugnayan sa
tema ang ginawang poster
20%
Pagkamalikhain
(Creativity)
Tamang paggamit ng
simbolismo, kulay at iba pa
na nakatulong ng lubos
upang bigyang buhay ang
obra o ginawa
30%
12
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Bahagdan
Nakuhang
Bahagdan
Pagkamanlilikha
(Originality)
Orihinal ang ideya 10%
Kalinisan
(Neatness)
Malinis tingnan ang gawa, sa
malayo o malapitan man
10%
Hikayat sa Mata
(Visual Impact)
Nakaaakit sa paningin 30%
Kabuuan 100%
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.
Tukuyin ang larangan ng hilig ng mga sumusunod:
1. Pagbibisekleta
A. Outdoor
B. Mechanical
C. Computational
D. Scientific
2. Pagkukumpuni ng sirang electric fan
A. Outdoor
B. Mechanical
C. Computational
D. Scientific
3. Magaling lumikha ng awit
A. literary
B. artistic
C. Social service
D. musical
4. Magaling lumikha ng tula
A. literary
B. artistic
C. persuasive
D. musical
13
5. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan
A. Outdoor
B. Mechanical
C. Social service
D. Scientific
6. Magaling magdisenyo ng cake
A. literary
B. artistic
C. persuasive
D. musical
7. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo
na kumilos at gumawa.
A. Talento
B. Kakayahan
C. Hilig
D. Pangarap
8. Ito ay preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain.
A. Tuon ng atensyon
B. Kakayahan
C. Hilig
D. Pangarap
9. Ano ang pangunahing maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na
kinahihiligan?
A. Nakapagpapasaya sa sarili
B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili
C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay
D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap.
10.Mula pa pagkabata, hilig na nii Sara Geronimo ang pag-awit kung kaya
naman siya ang pinakasikat na babaeng singer sa Pilipinas ayon sa
thetopten.org . Ano ang larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
A. Outdoor: bagay
B. Mechanical: datos
C. Literary: ideya
D. Musical: tao
11.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig maliban sa:
A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin.
B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo.
C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain.
D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
14
12.Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-
akademiko/bokasyunal?
A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kahihiligan upang makamit ang labis
na tagumpay sa hinaharap.
B. Maktutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay
ng kasiyahan sa hinaharap.
C. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakita ang galing sa pag-
aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto.
D. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang-
akademiko o teknikal-bokasyonal.
13.Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o
pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay:
A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig.
B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng
buonng sigla at husay.
C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upanang
tulungan ang kapwa.
D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan
ng tao upang makamit ang mga ito.
14.Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid.
Ano- ano ang larangan ng kanilang kinahihiligan?
 Si Josh ay mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya
ang kalikasan.
 Si Jess ay laging nagkukutingting o nagkukumpuni ng kanyang motor.
 Si Jenny ay palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng sebisyo.
 Si Jake ay palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t
ibang larawan.
A. Persuasive, outdoor, clerical, mechanical
B. Scientific, computational, persuasive, artistic
C. Outdoor, mechanical, social service, artistic
D. Literary, musical, social service, clerical
15.Bago naging pangulo ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, siya
muna ay may matagal at malawak na karanasan sa pagiging lingkod-bayan
ng Davao. Anong mga larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya?
A. Clerical, social services, persuasive: tao, ideya, datos
B. Social services, literary, clerical: tao, ideya, bagay
C. Persuasive, clerical, mechanical: bagay, tao, datos
D. Outdoor, persuasive, artistic: tao, ideya, datos
15
Karagdagang Gawain
Gawain 7. Ito ang Gusto Ko!
Panuto:
A. Isulat sa gitna ng tala ang kurso na iyong nais mong kuhanin sa kolehiyo
maging akademiko o teknikal-bokasyonal man ito.
B. Ilagay ang iyong hilig na maaring makatulong sa pagtupad ng iyong kurso at
kung paano ito makakatulong.
C. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o sa “journal notebook”.
D. Maaring umisip ng iba pang desinyo na nais
A. Ang Aking Nais na Kurso
B. Hilig Ko na Makatutulong sa Pagtupad ng Nais kong Kurso
a. ______________________________
______________________________
______________________________
b. ______________________________
______________________________
______________________________
Pamantayan sa Isahang Gawain
Pamantayan Deskripsyon
Kaukulang
Puntos
Nakuhang
Puntos
Nilalaman
Angkop ang nilalaman sa
hinihingi
10
Ideya Tama ang paliwanag 20
Presentasyon
Maayos at malinis ang
pagkagawa
10
Kabuuan 40
KURSO
16
Susi sa Pagwawasto
Gawain
5:
Pagpuno
sa
Patlang
1.
hilig
2.
tuon
ng
atensyon
3-12.
Outdoor
Mechanical
Computational
Scientific
Persuasive
Artistic
Literary
Musical
Social
services
Clerical
13-15.
tao
datos
bagay
Tayahin
1.
A
2.
B
3.
D
4.
A
5.
C
6.
B
7.
C
8.
A
9.
A
10.D
11.D
12.D
13.B
14.C
15.A
Gawain
3:
Matching
Type
1.
C
2.
A
3.
B
4.
F
5.
D
6.
G
7.
I
8.
E
9.
H
10.J
Gawain
2:
Word
Maze
Pahalang:
1.
Social
Services
3.
Tao
9.
bagay
10.
tuon
11.
mechanical
12.
persuasive
13.
clerical
Pababa:
1.
musical
2.
outdoor
5.
artistic
7.
scientific
9.
datos
11.
ideya
12.
computational
13.
literary
Subukin
1.
C
2.
A
3.
A
4.
B
5.
C
6.
D
7.
A
8.
B
9.
D
10.A
11.D
12.D
13.B
14.A
15.C
17
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 Learners’ Material; Unang Markahan – Modyul
3, pahina 72-81
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRIo89ZsGU0CS59Z33qfiHldVnH
uJ6byfeEoA&usqp=CAU
https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcS918gea6l1227s54V3hiFZtGPO
YsAPbXSsaA&usqp=CAU
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3Rachalle Manaloto
 
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEdna Azarcon
 
Modyul 3 Pagpapaunlad ng mga Hilig
Modyul 3   Pagpapaunlad ng mga HiligModyul 3   Pagpapaunlad ng mga Hilig
Modyul 3 Pagpapaunlad ng mga HiligMsCarestigoy
 
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hiligEsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hiligLemuel Estrada
 
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxMataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxCrislynTabioloCercad
 
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...jellahgarcia1
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7Manuel Dinlayan
 
Hirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaHirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaArnel Rivera
 
Ang paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidad
Ang paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidadAng paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidad
Ang paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidadMaria Fe
 
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong PamamahalaESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong PamamahalaRoselle Liwanag
 
Kakayahan at talento
Kakayahan at talentoKakayahan at talento
Kakayahan at talentoAlona Beltran
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyon
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyonEdukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyon
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyonMika Rosendale
 
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptxEduardoReyBatuigas2
 
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinTalento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinVincentDanteConde
 
Teorya ng multiple_intelligences
Teorya ng multiple_intelligencesTeorya ng multiple_intelligences
Teorya ng multiple_intelligences060416
 

What's hot (20)

Kalayaan
KalayaanKalayaan
Kalayaan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul 3
 
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa BuhayEs p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Es p 9 Modyul 14 Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
 
Modyul 3 Pagpapaunlad ng mga Hilig
Modyul 3   Pagpapaunlad ng mga HiligModyul 3   Pagpapaunlad ng mga Hilig
Modyul 3 Pagpapaunlad ng mga Hilig
 
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hiligEsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
EsP 7 M3 pagpapaunlad ng mga hilig
 
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptxMataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob.pptx
 
M8 ppt
M8 pptM8 ppt
M8 ppt
 
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Tamang Kursong Akademiko o Teknikal-Bokas...
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
 
EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6EsP 9-Modyul 6
EsP 9-Modyul 6
 
Hirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halagaHirarkiya ng halaga
Hirarkiya ng halaga
 
Ang paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidad
Ang paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidadAng paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidad
Ang paggawa bilang paglilingkod at pagtaguyod ng dignidad
 
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong PamamahalaESP 9  Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
ESP 9 Modyul11 Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala
 
Kakayahan at talento
Kakayahan at talentoKakayahan at talento
Kakayahan at talento
 
ESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptxESP QUIZ 1.pptx
ESP QUIZ 1.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyon
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyonEdukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyon
Edukasyon sa Pagpapakatao 9 - Ang Limang Sektor ng lipunan at mga institusyon
 
EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4EsP 9-Modyul 4
EsP 9-Modyul 4
 
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
1. Ang Mataas na Gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.pptx
 
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at PaunlarinTalento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
Talento Mo, Tuklasin, Kilalanin at Paunlarin
 
Teorya ng multiple_intelligences
Teorya ng multiple_intelligencesTeorya ng multiple_intelligences
Teorya ng multiple_intelligences
 

Similar to esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf

esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfRenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfCrisElcarte
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfGerrieIlagan
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...OLIVESAMSON2
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfhazelpalabasan1
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfReinNalyn
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoMaeJhierecaSapicoPau
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfDEALSPAMPIO
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfjashemar1
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfNoelPiedad
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfWynxLegitimacy
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfJrJr50
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxrufinodelacruz3
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfNoelPiedad
 

Similar to esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf (20)

esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod6_paunlarin_mga_talento_at_kakayahan_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
 
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdfAP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL4_DALAWANGAPPROACH_finalcopy (2).pdf
 
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanaoGrade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
Grade7 filipino q1_mod6_ang_alamant_ng_mindanao
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdfFonollera-G9-Q4-W3.pdf
Fonollera-G9-Q4-W3.pdf
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdfAP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
 

Recently uploaded

DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 

Recently uploaded (20)

DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 

esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf

  • 1. Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 7: Hilig Ayon sa Larangan at Tuon 7
  • 2. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Hilig Ayon sa Larangan at Tuon Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – MIMAROPA Region Office Address: Meralco Avenue corner St. Paul Road, Pasig City Telephone Number: (02) 6314070 E-mail Address: mimaropa.region@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Niño M. Llave Editor: Loida S. Pigon Tagasuri: Irnanie A. Enrico, Heide C. Layas, Leonila V. Orpilla Tagaguhit: Mark Carlo Ledesma, Leorick Miciano, Khristine S. Lacsamana Tagalapat: Khristine S. Lacsamana Tagapamahala: Benjamin D. Paragas Atty. Suzzette T. Gannaban-Medina Susana M. Bautista Cynthia Eleanor G. Manalo Mariflor B. Musa Melbert S. Broqueza Danilo C. Padilla Annabelle M. Marmol Domingo L. Mendoza, JR. Elmer P. Concepcion Loida S. Pigon
  • 3. 7 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 7: Hilig Ayon sa Larangan at Tuon
  • 4. ii Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao- Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling pinamagatang Hilig Ayon sa Larangan at Tuon! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
  • 5. iii Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul na pinamagatang Hilig Ayon sa Larangan at Tuon! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6. iv Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7. 1 Aralin 1 Hilig Ayon sa Larangan at Tuon Alamin Napanood mo na ba ang pelikulang “The Greatest Showman”? Hindi ba’t may kaugnayan ito sa hilig o interes ng isang tao? Hilig sa pag-awit, pagsayaw, pag-akting at iba pa na kanilang ipinamalas sa itaas ng entablado at sa kahuli-huliha’y nagbigay sa kanila ng lubos na kasiyahan. Tulad ni Senador Manny Pacquiao, hilig na niya mula pa pagkabata ang pagboboksing at ito ang isa sa mga salik kung bakit siya lubos na matagumpay at maligaya sa kanyang buhay ngayon. Ngayon, matutuklasan mo kung gaano kahalaga ang hilig o interes sa pagpili ng tatahaking kursong akademiko o bokasyonal, negosyo o hanap-buhay. Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga sumusunod na kalaman, kakayahan at pag-unawa: a. Natutukoy ang kaugnayan ng pagpapaunlad ng mga hilig sa pagpili ng kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay. ( EsP7PS-Ie-3.1 ) b. Nakasusuri ng mga sariing hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito. (EsP7PS-Ie-3.2)
  • 8. 2 Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno. 1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. A. Talento B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap 2. Ito ay preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. A. Tuon ng atensyon B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap Tukuyin ang larangan ng hilig ng mga sumusunod: 3. Pagbibisekleta A. Outdoor B. Mechanical C. Computational D. Scientific 4. Pagkukumpuni ng sirang electric fan A. Outdoor B. Mechanical C. Computational D. Scientific 5. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan A. Outdoor B. Mechanical C. Social service D. Scientific 6. Magaling lumikha ng awit A. Literary B. Artistic C. Social service D. Musical
  • 9. 3 7. Magaling lumikha ng tula A. literary B. artistic C. persuasive D. musical 8. Magaling magdisenyo ng cake A. literary B. artistic C. persuasive D. musical 9. Mula pa pagkabata, hilig na nii Sara Geronimo ang pag-awit kung kaya naman siya ang pinakasikat na babaeng singer sa Pilipinas ayon sa “the topten.org.” Ano ang larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya? A. Outdoor: bagay B. Mechanical : datos C. Literary: ideya D. Musical: tao 10. Ano ang pangunahing maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan? A. Nakapagpapasaya sa sarili B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap. 11.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig maliban sa: A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin. B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain. D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito. 12.Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang-akademiko/ bokasyunal? A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap. B. Maktutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap. C. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakita ang galing sa pag- aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto. D. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang- akademiko o teknikal-bokasyonal.
  • 10. 4 13.Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay: A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig. B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buonng sigla at husay. C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upanang tulungan ang kapwa. D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito. 14. Bago naging pangulo ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, siya muna ay may matagal at malawak na karanasan sa pagiging lingkod-bayan ng Davao. Anong mga larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya? A. Clerical, social services, persuasive: tao, ideya, datos B. Social services, literary, clerical: tao, ideya, bagay C. Persuasive, clerical, mechanical: bagay, tao, datos D. Outdoor, persuasive, artistic: tao, ideya, datos 15.Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano- ano ang larangan ng kanilang kinahihiligan?  Si Josh ay mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.  Si Jess ay laging nagkukutingting o nagkukumpuni ng kanyang motor.  Si Jenny ay palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng sebisyo.  Si Jake ay palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan. A. Persuasive, outdoor, clerical, mechanical B. Scientific, computational, persuasive, artistic C. Outdoor, mechanical, social service, artistic D. Literary, musical, social service, clerical
  • 11. 5 Balikan Gawain 1. Ito Gusto Ko! Panuto: Isa-isahin ang mga bagay na iyong ginagawa sa iyong libreng oras. Isulat mo sa kuwaderno ang iyong mga sagot. Isulat ang limang gawain na gusto mong gawin sa iyong libreng oras. Iranggo mo ito mula sa iyong pinakagusto (Ranggo 1) hanggang sa pinakahuling gusto (Ranggo 5). Maaaring ginagawa mo ito sa bahay, sa paaralan, sa simbahan o sa pamayanan. Sagutin ang mga tanong sa iyong kwaderno. 1. Ano ang natuklasan mo sa iyong talaan? 2. Bakit mahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad ng hilig? Limang Gawaing Gustong Gawin sa Libreng Oras(Ayon sa naisip) Rango Gawaing Pinakagusto hanggang sa Pinakahuling Gusto 1 2 3 4 5 Anu ang ginagawa mo sa iyong libreng oras? Pamantayan sa Paggawa Orihinalidad – 5 puntos Nilalaman – 5 puntos ( nakapagbigay ng 1-2 = 3 puntos at 3 o higit = 5 puntos) Pagkamalikhain – 5 puntos Kabuuan = 15 puntos
  • 12. 6 Tuklasin Gawain 2. Word Maze Panuto: Hanapin sa loob ng “Figure A. Word Maze” ang mga salitang may kaugnayan sa paksang “Hilig”. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. Sundin lamang ang pormat (Figure B. Answer Sheet) sa ibaba. Figure A. Word Maze 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 1 S O C X A L S E R V I C E S 2 M U R V R Y C S J K D O L L 3 U T B W T R I T A O E M P I 4 S D C V I G E H D Q Y P S T 5 I O S S S H N T A W A U D E 6 C O W B T N T J T R Q T F R 7 A R Q Q I J I K O T S A G A 8 L W R W C K F L S Y X T H R 9 Q B A G A Y I M B N V I J Y 10 T W Y D D W C Y K T U O N P 11 M E C H A N I C A L Q N Y L 12 P E R S U A S I V E H A K J 13 R D W M C L E R I C A L K M Figure B. Answer Sheet Format Mga Salitang Pahalang Mga Salitang Pababa 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. 12. 13. 14.
  • 13. 7 Suriin Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang kaya mo yan! Nasisiyahan ka ba kapag ginagawa mo ang isang gawain? May dulot ba itong sigla sa iyo? Habang ginagawa mo ba ang isang gawain ay tila baga hindi ka nakakaramdam ng pagod? Kung oo ang sagot mo sa mga tanong na ito, ibig sabihin, hilig o interes mo ito at makatutulong ito sa iyong pag-unlad. Ano ba ang ibig sabihin ng hilig o interes? Ang mga hilig ay preperensya sa mga particular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito, at magagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag- unlad.(Santamaria, 2006) Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gawain. Ang taong nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos ito at mayroong pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili. Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao. Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig? Makakatulong sa iyo ang kasunod na mga hakbang: 1. Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan ( hobby) at paboritong gawain. Maaring sagutin ang tanong na: Ano-ano ang mga kinahihiligan kong gawain? Sa pamamagitan ng pagninilay, matutuklasan mong mula pa pala sa pagkabata na ang iyong kinahihiligang libangan ay naging bahagi na ng iyong buhay. 2. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. Maaring sagutin ang tanong na: Ano-ano ba ang mga gawaing nakapagbibigay-sigla at buhay sa akin? Ito ay maaaring mga pang-araw-araw na ginagawa mo o ginagampanan mo sa tahanan, simbahan, paaralan o pamayanan.
  • 14. 8 3. Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin. Maaring itanong mo sa iyong sarili, Bakit kaya hindi ko gusto o kinahiligan ang gayong gawain? Sa pamamagitan nito’y malalaman natin ang kahalagahan ng bawat gawaing ating ginagawa. May dalawang aspekto ng mga hilig: ang mga larangan ng mga hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensiyon (Abiva, 1993). Narito ang sampung larangan ng hilig: 1. Outdoor- Nasisiyahan sa mga gawaing panlabas (outdoor) Halimbawa: paglalaro ng basketball, hiking 2. Mechanical – Nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan ( tools) Halimbawa: Pagkukumpuni ng sirang relo 3. Computational – Nasisiyahan na gumawa na gamit ang bilang o numero Halimbawa: Pagso-solve ng math problems 4. Scientific – Nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman , pagdidisenyo at pag-imbento na mga bagay o produkto Halimbawa: paglikha ng bagong makina sa pananahi 5. Persuasive – Nakahihikayat at nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan Halimbawa: pakikipag-usap sa ibang tao 6. Artistic- Nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay Halimbawa: pagguhit ng magandang tanawin 7. Literary- Nasisiyahan at nagpapahalaga sa pagbabasa at pagsusulat Halimbawa: Pagsulat ng komposisyon 8. Musical- Nasisiyahan sa pakikinig at paglikha ng awit at pagtugtog ng instrumenong musical Halimbawa: pagtugtog ng piyano 9. Social service- Nasisiyahang tumulong sa ibang tao Halimbawa: pagtulong sa nangangailangan 10.Clerical- Nasisiyahan sa paggawa ng mga gawaing pang-opisina Halimbawa: pag-eencode sa computer
  • 15. 9 Ang tuon ng atensiyon ay ang preperensiya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. Ito ay maaring sa tao, datos, bagay at ideya. 1. Tao - May kinalaman sa tao 2. Datos - May kinalaman sa mga katotohanan , records, files, numero, detalye 3. Bagay - Gamit ang mga kagamitan( tools) o makina (machine) 4. Ideya - Pag-iisip at pag-oorganisa ng mga ideya o kaisipan Mahalagang tandaan na ang bawat gawain ay palatandaan o indikasyon ng maraming hilig at may higit sa isang tuon. Halimbawa, ang paglalaro ng basketball ay indikasyon ng hilig sa outdoor o gawaing panlabas. Ito ay may apat na tuon ng atensyon: tao (pagtuturo sa kaibigan ng paglalaro), datos (pagsisikap na makapagtala ng magandang record), ideya(pag-iisip ng teknik o paraan upang laging makapagpapasok ng bola, at bagay(paggamit ng bola). Pagyamanin Gawain 3. Matching Type Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga gawain na tumutukoy sa iba’t ibang larangan mula sa hanay A. Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ito sa iyon kwaderno. Hanay A-Larangan ng Hilig Hanay B-Halimbawa/ Kahulugan 1. Social Services 2. Mechanical 3. Outdoor 4. Artistic 5. Clerical 6. Scientific 7. Literary 8. Persuasive 9. Computational 10.Musical A. Pag-aayos ng mga sirang bagay B. Paghahalaman C. Pagtulong sa nasalanta ng bagyo D. Paggawa ng maayos na report E. Pakikipag-ugnayan sa ibang tao F. Paggawa ng mga bagay na pangsining G. Pag-imbento ng isang bagay H. Gawain na may kaugnayan sa numero I. Pagbabasa / pagsulat ng kwento o tula J. Pakikinig / paglikha ng awit
  • 16. 10 Gawain 4. Hilig Ko, Susuriin Ko! Panuto: Punan ang mga kahon ng sariling hilig, larangan at tuon ng atensyon. Ipaliwanag kung bakit iyon ang larangan at tuon ng hilig. Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa kwaderno sa iyong “journal notebook”. Hilig Larangan Tuon ng Atensyon 1. Paliwanag 2. Paliwanag 3. Paliwanag PAMANTAYAN SA PAGGAWA Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman(Content) 10 Kaayusan/Kalinisan (Organization/Neatness) 10 Ideya/Paliwanag 15 Kabuuan 35
  • 17. 11 Isaisip Gawain 5. Pagpuno sa Patlang Panuto: Punan ang patlang nga angkop na salita o mga salita. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. Ang mga 1)____ ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain na gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa samantalang ang 2)________ ay ang preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. May sampung larangan ang hilig: 3 )_________, 4 )_________, 5 )_________, 6 )_________, 7 )_________, 8 )_________, 9 ) __________10 )_________ 11 )_______, at 12)_________. May apat (4) na tuon ng atensyon: 13 ) __________., 14 )________, 15 )_______ at ideya. Isagawa Gawain 6. Paglikha ng Poster Panuto: Gumuhit ng isang poster na may temang: “Ang Kaugnayan ng mga Hilig sa Pagpili ng Kurso at ang Pagpapaunlad Nito Tungo sa Magandang Kinabukasan Ko”. gawin ito sa 1/8 illustration board o s isang buong malinis na kupon band. Pamantayan sa Paggawa ng Poster Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Bahagdan Nakuhang Bahagdan Kaangkupan sa Tema(Relevance to the Theme) Tumpak o may kaugnayan sa tema ang ginawang poster 20% Pagkamalikhain (Creativity) Tamang paggamit ng simbolismo, kulay at iba pa na nakatulong ng lubos upang bigyang buhay ang obra o ginawa 30%
  • 18. 12 Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Bahagdan Nakuhang Bahagdan Pagkamanlilikha (Originality) Orihinal ang ideya 10% Kalinisan (Neatness) Malinis tingnan ang gawa, sa malayo o malapitan man 10% Hikayat sa Mata (Visual Impact) Nakaaakit sa paningin 30% Kabuuan 100% Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kwaderno. Tukuyin ang larangan ng hilig ng mga sumusunod: 1. Pagbibisekleta A. Outdoor B. Mechanical C. Computational D. Scientific 2. Pagkukumpuni ng sirang electric fan A. Outdoor B. Mechanical C. Computational D. Scientific 3. Magaling lumikha ng awit A. literary B. artistic C. Social service D. musical 4. Magaling lumikha ng tula A. literary B. artistic C. persuasive D. musical
  • 19. 13 5. Pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan A. Outdoor B. Mechanical C. Social service D. Scientific 6. Magaling magdisenyo ng cake A. literary B. artistic C. persuasive D. musical 7. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain at gumaganyak sa iyo na kumilos at gumawa. A. Talento B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap 8. Ito ay preperensya ng uri ng pakikisangkot sa isang gawain. A. Tuon ng atensyon B. Kakayahan C. Hilig D. Pangarap 9. Ano ang pangunahing maitutulong ng pagkakaroon ng bagay o gawain na kinahihiligan? A. Nakapagpapasaya sa sarili B. Nakapagpapaunlad ng tiwala sa sarili C. Nakapag-aangat ito ng katayuan sa buhay D. Nakapagtuturo ito ng kakayahang kailangan para sa hinaharap. 10.Mula pa pagkabata, hilig na nii Sara Geronimo ang pag-awit kung kaya naman siya ang pinakasikat na babaeng singer sa Pilipinas ayon sa thetopten.org . Ano ang larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya? A. Outdoor: bagay B. Mechanical: datos C. Literary: ideya D. Musical: tao 11.Ang mga sumusunod ay paraan ng pagtuklas ng hilig maliban sa: A. Suriin ang mga gawaing iniiwasang gawin. B. Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasigla sa iyo. C. Pagnilayan ang iyong mga libangan at paboritong gawain. D. Suriin ang pamilya at ang kinahihiligang gawin kasama ang mga ito.
  • 20. 14 12.Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong pang- akademiko/bokasyunal? A. Magtutulak ang pagkakaroon ng kahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa hinaharap. B. Maktutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa hinaharap. C. Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakita ang galing sa pag- aaral upang maitaas ang antas ng pagkatuto. D. Makatutulong ang hilig upang mapili ng angkop na kursong pang- akademiko o teknikal-bokasyonal. 13.Nakapagbibigay ito ng damdamin ng pagpapahalaga at paggalang sa sarili o pagmamalaki. Ang pangungusap na ito tungkol sa hilig ay: A. Tama, ito ang pinakamataas na makakamit sa pagtuklas ng hilig. B. Tama, dahil kung hilig mo ang iyong ginagawa magagawa mo ito ng buonng sigla at husay. C. Mali, dahil makakamit lamang ito kung ginagawa ang hilig upanang tulungan ang kapwa. D. Mali, dahil mahalagang nakaayon ang hilig sa talento ay kakayahan ng tao upang makamit ang mga ito. 14.Ang mga sumusunod ay ang kinahihiligang gawin ng apat na magkakapatid. Ano- ano ang larangan ng kanilang kinahihiligan?  Si Josh ay mountain climber. Sa gawaing ito ramdam niyang kaisa niya ang kalikasan.  Si Jess ay laging nagkukutingting o nagkukumpuni ng kanyang motor.  Si Jenny ay palaging nasa komunidad at nagbibigay ng libreng sebisyo.  Si Jake ay palaging nakakulong sa kanyang silid at nagpipinta ng iba’t ibang larawan. A. Persuasive, outdoor, clerical, mechanical B. Scientific, computational, persuasive, artistic C. Outdoor, mechanical, social service, artistic D. Literary, musical, social service, clerical 15.Bago naging pangulo ng Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte, siya muna ay may matagal at malawak na karanasan sa pagiging lingkod-bayan ng Davao. Anong mga larangan ng hilig at tuon ng atensyon mayroon siya? A. Clerical, social services, persuasive: tao, ideya, datos B. Social services, literary, clerical: tao, ideya, bagay C. Persuasive, clerical, mechanical: bagay, tao, datos D. Outdoor, persuasive, artistic: tao, ideya, datos
  • 21. 15 Karagdagang Gawain Gawain 7. Ito ang Gusto Ko! Panuto: A. Isulat sa gitna ng tala ang kurso na iyong nais mong kuhanin sa kolehiyo maging akademiko o teknikal-bokasyonal man ito. B. Ilagay ang iyong hilig na maaring makatulong sa pagtupad ng iyong kurso at kung paano ito makakatulong. C. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno o sa “journal notebook”. D. Maaring umisip ng iba pang desinyo na nais A. Ang Aking Nais na Kurso B. Hilig Ko na Makatutulong sa Pagtupad ng Nais kong Kurso a. ______________________________ ______________________________ ______________________________ b. ______________________________ ______________________________ ______________________________ Pamantayan sa Isahang Gawain Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos Nilalaman Angkop ang nilalaman sa hinihingi 10 Ideya Tama ang paliwanag 20 Presentasyon Maayos at malinis ang pagkagawa 10 Kabuuan 40 KURSO
  • 23. 17 Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao, Grade 7 Learners’ Material; Unang Markahan – Modyul 3, pahina 72-81 https://encrypted- tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcRIo89ZsGU0CS59Z33qfiHldVnH uJ6byfeEoA&usqp=CAU https://encrypted- tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcS918gea6l1227s54V3hiFZtGPO YsAPbXSsaA&usqp=CAU
  • 24. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph