SlideShare a Scribd company logo
 
  
9  
     
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3:
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(Ikatlong Linggo)
 
  
Edukasyong  Pagpapakatao  –  Ikasiyam  na  Baitang    
Alternative  Delivery  Mode  
Ikalawang  Markahan  –  Modyul  3:  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay  
Unang  Edisyon,  2020  
  
   Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring  magkaroon  ng  
karapatang-­sipi   sa  anomang   akda   ang   Pamahalaan  ng   Pilipinas.   Gayonpaman,   kailangan  
muna  ang  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng  pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito  
ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga  maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  
ang  pagtakda  ng  kaukulang  bayad.  
  
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o  brand  
name,  tatak  o  trademark,  palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa  modyul  na  ito  
ay   nagtataglay   ng   karapatang-­ari   ng   mga   iyon.   Pinagsumikapang   matunton   ang   mga   ito  
upang   makuha   ang   pahintulot   sa   paggamit   ng   materyales.   Hindi   inaangkin   ng   mga  
tagapaglathala  at  mga  may-­akda  ang  karapatang-­aring  iyon.  Ang  anomang  gamit  maliban  sa  
modyul  na  ito  ay  kinakailangan  ng  pahintulot  mula  sa  mga  orihinal  na  may-­akda  ng  mga  ito.    
  
Walang  anomang  parte  ng   materyales  na   ito   ang   maaaring   kopyahin  o   ilimbag   sa  
anomang  paraan  nang  walang  pahintulot  sa  Kagawaran.  
  
Inilathala  ng  Kagawaran  ng  Edukasyon  
Kalihim:  Leonor  Magtolis  Briones  
Pangalawang  Kalihim:  Diosdado  M.  San  Antonio  
  
  
  
Inilimbag  sa  Pilipinas  ng  ________________________  
  
Department  of  Education  –Region  VII  Schools  Division  of  Negros  Oriental
  
Office  Address: Kagawasan,  Ave.,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental
Tel  #: (035)  225  2376  /  541  1117  
E-­mail  Address: negros.oriental@deped.gov.ph  
Bumuo  sa  Pagsusulat  ng  Modyul  
  
Manunulat:  Carmelyn  S.  Fonollera  
Editor:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagasuri:  Anna  Mae  I.  Tejada  |  Amancio  M.  Gainsan  Jr.  
Tagaguhit:  Edyl  Kris  B.  Ragay  
Tagalapat:  Anna  Mae  I.  Tejada  
Tagapamahala:  Senen  Priscillo  P.  Paulin,  CESO  V     Rosela  R.  Abiera  
              Fay  C.  Luarez,  TM,  Ed.D.,  Ph.D.      Maricel  S.  Rasid  
              Nilita  L.  Ragay,  Ed.D.                                                            Elmar  L.  Cabrera  
              Donre  B.  Mira,  Ed.D.  
 
  
  
9  
Edukasyong
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan- Modyul
3:
Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay
(Linggo: Ikatlo)
  
     
 
ii  
  
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
     
  
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
 
iii  
  
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
 
iv  
  
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1.   Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2.   Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3.   Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4.   Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5.   Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6.   Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Sanggunian
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
 
v  
  
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!  
 
  
  
Sa  modyul  na  ito,  inaasahang  maipamamalas  mo  ang  sumusunod  na  kaalaman,  
kakayahan,  at  pag-­unawa:  
     
1.   Natutukoy  ang  mga  kahalagahan  sa  pagkakaroon  ng  gabay  sa  pagpapasya  at  
pagkilos  
2.   Nakapagbibigay   ng   sitwasyon   sa   buhay   na   kung   saan   nagsasagawa   ng  
pagpapasiya  
3.   Nakasusulat  ng  tula  o  sanaysay  sa  mga  positibong  katangian  
4.   Napahalagahan  ang  mga  positibong  katangian  upang  makamit  ang  mga  mithiin  at  
pangarap  sa  buhay  
  
  
  
  
Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay    
  
  
  
MGA  KASANAYANG  PAMPAGKATUTO:  
Nakapagpapaliwanag  ng  kahalagahan  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  
Buhay.  (EsP9PKIVc-­14.1)  
  
Natutukoy  ang  mga  hakbang  sa  pagbuo  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  
Buhay.  (EsP9PKIVc-­14.2)  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
Alamin  
  
  
Mga  Layunin  
  
 
  
  
  
  
Panuto:  Basahin  at  unawaing  mabuti  ang  bawat  pahayag.  Isulat  ang  tamang  sagot    
sa  iyong  kuwaderno.  
  
1.   Alin  sa  sumusunod  ang  hindi  kahulugan  ng  Personal  na  Misyon  sa  Buhay?  
A.   Ito  ang  batayan  ng  tao  sa  kaniyang  pagpapasiya.  
B.   Ito  ay  katulad  ng  isang  personal  na  Kredo  o  motto  na  nagsasalaysay  ng  
nais  mong  mangyari  sa  iyong  buhay.  
C.   Isang  magandang  paraan  ito  upang  higit  na  makilala  ang  sarili.  
D.   Ito  ay  Gawain  tungo  sa  paglilingkod  sa  kapwa.  
2.   Ang  Personal  na  Misyon  sa  Buhay  ay  maaaring  mabago  o  palitan.  
A.   Tama,  sapagkat  araw-­araw  ay  mayroong  nababago  sa  tao.  
B.   Mali,  sapagkat  mawawala  ang  tuon  ng  pahayag  kung  ito  ay  babaguhin  o  
papalitan.  
C.   Tama,  sapagkat  patuloy  na  nagbabago  ang  tao  sa  konteksto  ng  mga  
sitwasyon  sa  buhay.  
D.   Mali,  sapagkat  ito  na  ang  iyong  saligan  sa  buhay.  Maaaring  magkaroon  ng  
problema  kung  ito  ay  babaguhin  pa.  
3.   Ayon  kay  Stephen  Covey,  nagkakaroon  lamang  ang  misyon  natin  sa  buhay  
ng  kapangyarihan  kung:  
A.   Nagagamit  sa  araw-­araw  nang  mayroong  pagpapahalaga.  
B.   Nakikilala  ng  tao  ang  kaniyang  kakayahan  at  katangian.  
C.   Nagagampanan  nang  balance  ang  tungkulin  sa  pamilya,  trabaho  at  
komunidad.  
D.   Kinikilala  niya  ang  kaniyang  tungkulin  sa  kapuwa.  
4.   Ito  ay  hangarin  ng  isang  tao  sa  buhay  na  magdadala  sa  kaniya  tungo  sa  
kaganapan.  
A.   Misyon  
B.   Bokasyon  
C.   Propesyon  
D.   Tamang  direksiyon  
5.   Ang  ibig  sabihin  nito  ay  calling  o  tawag.  
A.   Bokasyon  
B.   Misyon  
C.   Tamang  Direksiyon  
D.   Propesyon  
6.   Saan  dapat  makabubuti  ang  isasagawang  pagpapasiya?  
A.   Sarili,  simbahan,  at  lipunan  
B.   Kapuwa,  lipunan,  at  paaralan  
C.   Paaralan,  kapuwa,  at  lipunan  
D.   Sarili,  kapuwa,  at  lipunan  
7.   Ang  sumusunod  ay  pansariling  pagtataya  sa  paglikha  ng  Personal  na  Misyon  
sa  buhay  maliban  sa:  
A.   Suriin  ang  iyong  ugali  at  katangian  
Subukin  
  
 
  
  
B.   Tukuyin  ang  mga  pinahahalagahan  
C.   Sukatin  ang  mga  kakayahan  
D.   Tipunin  ang  mga  impormasyon  
8.   Sa  paggawa  ng  Personal  na  MIsyon  sa  buhay  kinakailangan  na  gamitan  mo  
ito  ng  SMART.  Ano  ang  kahulugan  nito?  
A.   Specific,  Measurable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound  
B.   Specific,  Measurable,  Attainable,  Relevance,  Time  Bound  
C.   Specific,  Manageable,  Attainable,  Relevance,  Time  Bound  
D.   Specific,  Manageable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound  
9.   Bakit  mahalaga  na  magkaroon  ng  tamang  direksiyon  ang  isang  tao.  
A.   Upang  siay  ay  hindi  maligaw  
B.   Upang  matanaw  niya  ang  hinaharap  
C.   Upang  mayroon  siyang  gabay  
D.   Upang  magkaroon  siya  ng  kasiyahan  
10.  Ayon  kay  Rev.  Fr.  Jerry  Orbos,  ang  tunay  na  misyon  ay  ang  paglilingkod  sa  
Diyos  at  kapuwa.  Ano  ang  maibibigay  nito  sa  tao  sa  oras  na  isinagawa  niya  
ito?;;  
A.   Kapayapaan  
B.   Kaligtasan  
C.   Kaligayahan  
                      D.  Kabutihan  
  
  
  
Mahalagang  sigurado  ang  tao  sa  landas  na  kaniyang  tinatahak. Ito  ang  susi  na  
makatutulong  sa  kaniya  upang  makamit  ang  kaniyang  mga  layunin  sa  buhay.  Balikan  
natin  ang  iyong  napag-­aralan  noong  nasa  baitang  7  ka,  tinatalakay  ninyo  ang  tungkol  
sa  tamang  pagpapasiya.  Ito  ay  mahalaga  sa  pagkakaroon  ng  makabuluhang  buhay  
at  ganap  na  pagkatao.  Kaya  sa  tuwing  nagpapasiya,  kinakailangang  pag-­isipan  ito  
nang   makailang   ulit   upang   maging   sigurado   at   hindi   maligaw.   Ito   ay   dapat   na  
makabubuti  sa  sarili,  sa  kapuwa  at  sa  lipunan.    
  
  
  
Panuto:  
1.   Magbigay  ng  tatlong  sitwasyon  kung  saan  nagsagawa  ka  ng  pagpapasiya.  
2.   Punan  ang  mga  kasunod  na  kolum  ayon  sa  impormasyong  hinihingi  ng  mga  
ito.  
3.   Gawin  ito  sa  kuwaderno.  
  
Balikan  
Tuklasin  
 
  
  
Limang  
sitwasyon  na  
kailangan  kong  
magpasiya  
Pasiyang  nabuo  
ko  at  dahilan  o  
batayan  nito  
Mabuting  
naidulot  
Hindi  mabuting  
naidulot  
1.           
2.           
3.           
  
  
  
1.   Ano  ang  natuklasan  mo  sa  iyong  sarili  batay  sa  mga  pagpapasiyang  ginawa  mo?  
2.   Bakit  mahalaga  na  magpasiya  nang  tama?  Ipaliwanag.  
3.   Mayroon  ba  itong  magiging  epekto  sa  iyong  buhay  sa  hinaharap?  Ipaliwanag.  
  
Mahalagang  sigurado  ang  tao  sa  landas  na  kaniyang  tinatahak.  Ito  ang  susi  na  
makatutulong  sa  kaniya  upang  makamit  ang  kaniyang  mga  layunin  sa  buhay.  Balikan  
natin  ang  iyong  napag-­aralan  noong  nasa  Baitang  7  ka,  tinalakay  ninyo  ang  tungkol  
sa  tamang  pagpapasiya.  Ito  ay  mahalaga  sa  pagkakaroon  ng  makabuluhang  buhay  
at  ganap  na  pagkatao.  Kaya  sa  tuwing  nagpapasiya,  kinakailangang  pag-­isipan  ito  
nang   makailang   ulit   upang   maging   sigurado   at   hindi   maligaw.   Ito   ay   dapat   na  
makabubuti  sa  sarili,  sa  kapuwa,  at  sa  lipunan.  
Sa  pagpapasiya,  kailangan  mo  ng  gabay.  Tulad  ng  isang  bulag,  lubos  siyang  
mahihirapan   sa   paglalakad   kung   walang   tungkod   na   gagabay   sa   kaniya.   Ito   ang  
nagsisilbing   kasangkapan   niya   upang   marating   niya   ang   kaniyang   nais   puntahan.  
Gayundin   ang   tao,   kailangan   niya   ng   gabay   sa   pagpapasiya   upang   hindi   siya  
magkamali;;  nang  sa  gayon,  magkakaroon  siya  ng  tamang  direksiyon  sa  pagkamit  ng  
mga  layunin  niya  sa  buhay.  Bakit  ng  aba  mahalaga  na  magkaroon  ng  direksiyon  ang  
buhay  ng  tao?  Una,  sa  iyong  paglalakbay  sa  buhay  mo  ngayon,  nasa  kritikal  na  yugto  
ka  ng  buhay.  Anuman  ang  piliin  mong  tahakin  ay  makaaapekto  sa  iyong  buhay  sa  
hinaharap.  Kung  kaya’t  mahalagang  maging  mapanuri  at  sigurado  sa  iyong  gagawin  
na   mga   pagpapasiya.   Ikalawa,   kung   hindi   ka   magpapasiya   ngayon   para   sa   iyong  
kinabukasan,  gagawin  ito  ng  iba  para  sa  iyo-­halimbawa  ng  iyong  magulang,  kaibigan,  
o  media.  Kung  kaya’t  dapat  na  maging  malinaw  sa  iyo  ang  iyong  tunguhin  dahil  kung  
hindi,  susundin  mo  lamang  ang  mga  idinidikta  ng  iba  sa  mga  bagay  na  iyong  gagawin.    
Ano   nga   ba   ang   kahulugan   ng   Personal   na   Pahayag   ng   Misyon   sa   Buhay  
(PPMB)?  Ito  ay  katulad  ng  isang  personal  na  kredo  o  isang  motto  na  nagsasalaysay  
kung  paano  mo  ninanais  na  dumaloy  ang  iyong  buhay.  Ito  ay  magiging  batayan  mo  
sa  iyong  gagawin  na  mga  pagpapasiya  sa  araw-­araw.  Isang  magandang  paraan  ito  
upang  higit  mong  makilala  ang  iyong  sarili  at  kung  saan  ka  patutungo.  Nagsisilbi  itong  
simula  ng  metatag  na  pundasyon  sa  pagkakaroon  mo  ng  sariling  kamalayan  at  mataas  
na  pagpapahalaga  sa  iyong  mga  layunin  sa  buhay.  Hindi  madali  ang  paglikha  nito,  
dahil  nangangailangan  ito  ng  panahon,  inspirasyon,  at  pagbabalik-­tanaw.    
Suriin
n  
 
  
  
Ayon  kay  Stephen  Covey  sa  kaniyang  aklat  na  Seven  Habits  of  Highly  Effective  
People,  “begin  with  the  end  in  mind.”  Nararapat  na  ngayon  pa  lamang  ay  malinaw  na  
sa  iyong  isip  ang  isang  malaking  larawan  kung  ano  ang  nais  mong  mangyari  sa  iyong  
buhay.   Mahalagang   kilalanin   mong   mabuti   ang   iyong   sarili   at   suriin   ang   iyong  
katangian,  pagpapahalaga,  at  layunin.  Mag-­isip  ng  nais  mong  mangyari  sa  hinaharap  
at  magpasiya  sa  direksiyon  na  iyong  tatahakin  sa  iyong  buhay  upang  matiyak  na  ang  
bawat  hakbang  ay  patungo  sa  mabuti  at  tamang  direksiyon.  Ayon  din  kay  Covey,  ang  
pagbuo  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay  ay  nararapat  na  iugnay  sap  ag-­
uugali  at  paniniwala  sa  buhay.  
Ano  ng  aba  ang  misyon?  Ang  misyon  ay  ang  hangarin  ng  isang  tao  sa  buhay  
na  magdadala  sa  kaniya  tungo  sa  kaganapan.  Para  sa  iba  ito  ay  pagtupad  sa  isang  
trabaho   o   tungkulin   nang   buong   husay,   na   may   kasamang   kasipagan   at  
pagpupunyagi.  
Mula  sa  misyon,  ay  mabubuo  ang  tinatawag  na  bokasyon.  Ang  bokasyon  ay  
galing  sa  salitang  Latin  na  “vocatio”,  ibig  sabihin  ay  “calling”  o  tawag.    Ito  ay  malinaw  
na  ang  bawat  tao  ay    tinawag  ng  Diyos  na  gampanan  ang  misyon  na  ipinagkaloob  
niya   sa   atin.   Ito   ay   mahalaga   sa   pagpili   mo   ng   propesyong   akademik,   teknikal-­
bokasyonal,  sineng  at  disenyo,  at  isports  pagkatapos  mo  ng  Senior  High  School.    
May   pagkakaiba   ba   ang   propesyon   sa   misyon?   Mahalaga   na   ito   ay   iyong  
mabatid  sapagkat  sa  anumang  propesyon  na  iyong  tatahakin,  kailangan  na  makita  mo  
ang  kaibahan  nito  at  kung  paano  mo  ito  iuugnay  sa  iyong  buhay.  
Ang  propesyon  ay  trabaho  na  ginagawa  ng  tao  upang  siya  ay  mabuhay.  Ito  ang  
resulta  ng  kaniyang  pinag-­aralan  o  matagal  na  ginagawa  at  nagging  eksperto  na  siya  
dito.  Ito  ay  maaaring  gusto  niya  o  hindi  ngunit  kailangan  niyang  gawin  sapagkat  ito  
ang   pinagkukunan   niya   ng   kaniyang   ikabubuhay.   At   dahil   sa   ikabubuhay   lamang  
nakatuon  ang  kaniyang  paggawa  hindi  siya  nagkakaroon  ng  ganap  na  kasiyahan.  
Ang   bokasyon   naman   ay   katulad   din   nang   propesyon   ngunit   nagiging   mas  
kawili-­wili  ang  paggawa  para  sa  tao.  Mas  lalo  siyang  nasisiyahan  sapagkat  nagagamit  
niya   ang   kaniyang   mga   talento   at   hilig   sa   kaniyang   ginagawa.   Hindi   niya  
nararamdaman  ang  pagkabagot.  Hindi  nagiging  kompleto  ang  araw  sa  kaniya  kung  
hindi   ito   magagawa   sapagkat   ito   ang   nakapagdudulot   ng   kasiyahan   sa   kaniyang  
buhay.  Mula  dito  ay  hindi  na  lamang  simpleng  trabaho  ang  kaniyang  ginagawa  kundi  
isang  misyon  na  nagiging  isang  bokasyon.  Dito  tunay  na  nagkakaroon  ang  tao  ng  
tunay  na  pananagutan  sapagkat  naibabahagi  niya  ang  kaniyang  sarili  at  kumikilos  siya  
para  sa  kabutihang  panlahat.    
Sa  paggawa  ng  PPMB  ay  kailangang  isaalang-­alang  ang  kraytiryang  SMART,  
ibig  sabihin,  Specific,  Measurable,  Attainable,  Relevant,  Time  bound.  Ito  ay  mahalaga  
upang  maging  kongkreto  sa  iyo  ang  iyong  tatahakin  sa  iyong  buhay.  
Tiyak  (Specific).  Kailangan  ang  lahat  ng  isusulat  mo  dito  ispisipiko.  Kung  kaya’t  
mahalaga   na   magnilay   ka   upang   makita   moa   ng   nais   mong   tahakin.   Hindi  
makatutulong  sa  iyo  kung  pabago-­bago  ka  ng  iyong  nais.  Kailangan  mong  siguraduhin  
ang  iyong  gagawin.      
Nasusukat  (Measurable).  Nasusukat  mo  ba  ang  iyong  kakayahan?  Kailangan  
na  ang  isusulat  mo  sa  iyong  PPMB  ay  kaya  mong  gawin  at  isakatuparan.  Dapat  mo  
ring  pagnilayang  mabuti  kung  ito  ba  ay  tumutugma  sa  iyong  mga  kakayanan  bilang  
isang  tao  dahil  kung  hindi,  baka  hindi  mo  rin  ito  matupad.  
 
  
  
Naabot  (Attainable).  Tanungin  ang  sarili:  makatotohanan  baa  ng  aking  PPMB?  
Kaya  ko  bang  abutin  o  gawin  ito/  mapanghamon  ba  ito?  
Angkop  (Relevant).  Angkop  ba  ito  para  makatugon  sa  pangangailangan  ng  
iyong  kapuwa?  Isa  ito  sa  kinakailangan  mong  tingnan  at  suriin.  Dito  ay  kailangang  
ituon  mo  ang  iyong  isip    na  ang  buhay  ay  kailangan  na  ibahagi  sa  iba.  
Nasusukat  ng  Panahon  (Time  Bound).  Kailangan  na  magbigay  ka  ng  takdang  
panahon   o   oras   kung   kailan   mo   maisasakatuparan   ang   iyong   isinulat.   Ito   ang  
magsasabi  kung  ang  personal  na  pahayag  ng  misyon  sa  buhay  ay  iyong  nagawa  o  
hindi.  Kailangan  rin  na  itakda  ito  kung  pangmatagalan  o  pangmadalian  lamang  upang  
maging  gabay  mo  ito  sa  iyong  mga  pagpaplano  at  pagpapasiyang  gagawin.  
  
  
  
  
  
Panuto:  Basahin  at  sagutin  ang  mga  sumusunod  na  tanong.  
  
1.   Ano  ang  kahulugan  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay?  
Ipaliwanag.  
2.   Bakit   kailangang   alamin   ng   isang   tao   kung   sino   ang   pinakasentro   ng  
kaniyang  buhay  bago  siya  gumawa  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  
Buhay?    
3.   Bakit  mahalagang  magkaroon  ng  direksiyon  ang  buhay  ng  tao?    
4.   Mayroon  bang  pagkakaiba  ang  misyon  sa  propesyon?  Patunayan.  
5.   Sa  iyong  palagay  makatutulong  ba  ang  pagbuo  mo  ng  Personal  na  Misyon  
sa  buhay  upang  maging  malinaw  sa  iyo  ang  karera  o  kurso  na  iyong  pipiliin?  
Paano?  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
Pagyamanin  
 
  
  
  
  
  
  
  
  
1.   Isulat  sa  loob  ng  bituin  ang  iyong  mga  positibong  katangian.  
2.   Pagkatapos,  pumili  ng  isang  katangian  mo  na  gustong-­gusto  mo.  
3.   Ipaliwanag  mo  kung  bakit  mo  ito  nagustuhan.  Ano  ang  naitulong  nito  sa  iyo?  
Isaisip  
Isagawa  
  
Napag  alaman  ko  na  ____________________________________.  
  
Napagtanto  ko  na  _______________________________________  
  
Ang  aking  gagawin  ay  ___________________________________  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
 
  
  
  
  
  
I.   Basahin  at  unawaing  mabuti  ang  bawat  aytem.  Isulat  ang  titik  ng  iyong  
sagot  sa  iyong  kuwaderno.  
  
1.   Saan  dapat  makabubuti  ang  isasagawang  pagpapasya?  
A.   Sarili,  simbahan  at  lipunan  
B.   Paaralan,  kapuwa  at  lipunan  
C.   Kapuwa,  lipunan  at  paaralan  
D.   Sarili,  kapuwa  at  lipunan  
2.   Ito  ay  ang  hangarin  ng  isang  tao  sa  buhay  na  magdadala  sa  kaniya  
tungo  sa  kaganapan.  
A.   Misyon  
B.   Bokasyon  
C.   Propesyon  
D.   Tamang  Direksiyon  
3.   Ang   mga   sumusunod   ay   pansariling   pagtataya   sa   paglikha   ng  
Personal  na  misyon  sa  buhay  maliban  sa:  
A.   Suriin  ang  iyong  ugali  at  katangian  
B.   Tukuyin  ang  mga  pinahahalagahan  
C.   Sukatin  ang  mga  kakayahan  
D.   Tipunin  ang  mga  impormasyon  
4.   Alin  sa  sumusunod  ang  hindi  kahulugan  ng  Personal  na  Misyon  sa  
Buhay?  
A.   Ito  ang  batayan  ng  tao  sa  kaniyang  pagpapasiya  
B.   Ito   ay   katulad   ng   isang   personal   na   Kredo   o   motto   na  
nagsasalaysay  ng  nais  mong  mangyari  sa  iyong  buhay.  
C.   Isang  magandang  paraan  ito  upang  higit  na  makilala  ang  sarili  
D.   Ito  ay  Gawain  tungo  sa  paglilingkod  sa  kapuwa    
5.   Sa  paggawa  ng  Personal  na  Misyon  sa  buhay  kinakailangan  na  ito  
gamitan  mo  ng  SMART.  Ano  ang  kahulugan  nito?  
A.   Specific,  Measurable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound  
B.   Specific,  Measurable,  Attainable,  Relevance,  Time  Bound  
C.   Specific,  Manageable,  Attainable,  Relevance,  Time  bound  
D.   Specific,  Manageable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound  
6.   Ang  ibig  sabihin  nito  ay  calling  o  tawag.  
A.   Bokasyon  
B.   Misyon  
C.   Tamang  Direksiyon  
D.   Propesyon  
Tayahin  
 
  
  
7.   Bakit  mahalaga  na  magkaroon  ng  tamang  direksiyon  ang  isang  tao?  
A.   Upang  siya  ay  hiindi  maligaw  
B.   Upang  matanaw  niya  ang  hinaharap  
C.   Upang  mayroon  siyang  gabay  
D.   Upang  magkaroon  siya  ng  kasiyahan  
8.   Ang  Personal  na  Misyon  sa  Buhay  ay  maaaring  mabago  o  palitan.  
A.   Tama,  sapagkat  araw-­araw  ay  mayroong  nababago  sa  tao.  
B.   Mali,   sapagkat   mawawala   ang   tuon   ng   pahayag   kung   ito   ay  
babaguhin  o  papalitan.  
C.   Tama,  sapagkat  patuloy  na  nagbabago  ang  tao  sa  konteksto  ng  
mga  sitwasyon  sa  buhay.  
D.   Mali,   sapagkat   ito   na   ang   iyong   saligan   sa   buhay.   Maaaring  
magkaroon  ng  problema  kung  ito  ay  babaguhin  pa.  
9.   Ayon   kay   Rev.   Fr.   Jerry   Orbos,   ang   tunay   na   misyon   ay   ang  
paglilingkod  sa  Diyos  at  kapuwa.  Ano  ang  maibibigay  nito  sa  tao  sa  
oras  na  isinagawa  niya  ito?  
A.   Kapayapaan  
B.   Kaligayahan  
C.   Kaligtasan  
D.   Kabutihan  
10.    Ayon  kay  Stephen  Covey,  nagkakaroon  lamang  ang  misyon  natin  sa  
buhay  ng  kapangyarihan  kung:  
A.   Nagagamit  sa  araw-­araw  nang  mayroong  pagpapahalaga  
B.   Nakikilala  ng  tao  ang  kaniyang  kakayahan  at  katangian  
C.   Nagagampanan  nang  balanse  ang  tungkulin  sa  pamilya,  trabaho  
at  komunidad  
D.   Kinikilala  niya  ang  kaniyang  tungkulin  sa  kapuwa    
  
  
  
1.   Sumulat  ng  isang  tula  o  maaaring  sanaysay  sa  mga  positibong  katangian.    
Dapat  sundin  ang  pamantayan  sa  paggawa.  
A.   Tula  at  Sanaysay  
Ideya  o  konsepto  na  naaayon  sa  paksa  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  10  puntos  
Kaisahan  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  5  puntos  
                                             15  puntos  
  
  
  
  
  
  
Karagdagang  
Gawain  
  
 
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
  
Sanggunian  
  
Mary  Jean  B.  Brinzuela  et.al,  2015,  Edukasyon  sa  Pagpapakatao-­Ikasiyam  na  
Baitang,  Unang  Edisyon,  5th
  Floor  Mabini  Bldg.,DepEd  Comples  Meralco  Avenue,  
Pasig  City  Philippines  1600  
  
Division  of  Negros  Oriental  ESP  DLP  Initiated    
Susi  sa  
Pagwawasto  
Subukin  
  
1.  D  
2.  C  
3.  C  
4.  A  
5.  A  
6.  D  
7.  D  
8.  B  
9.  C  
10.  C  
  
Tuklasin  
1.
Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
Pagyamanin  
1.
Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
2.
Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
3.
Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
4.
Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
5.
Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
Isagawa:  Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.  
Tayahin:  
1.  D  
2.  A  
3.  D  
4.  D  
5.  B  
6.  A  
7.  C  
8.  C  
9.  C  
10.  C  
  
 
  
  
  
  
Para  sa  mga  katanungan  o  puna,  sumulat  o  tumawag  sa:  
  
Department  of  Education  –  Schools  Division  of  Negros  Oriental  
Kagawasan,  Avenue,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental  
  
Tel  #:  (035)  225  2376  /  541  1117  
Email  Address:  negros.oriental@deped.gov.ph  
Website:  lrmds.depednodis.net  

More Related Content

Similar to Fonollera-G9-Q4-W3.pdf

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
CrisElcarte
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
RenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
DepEd
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
hazelpalabasan1
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
JrJr50
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
DEALSPAMPIO
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
GerrieIlagan
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
RegieMadayag2
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
judithvelaro
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
jashemar1
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS29
 
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdfAP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
ReinNalyn
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
rufinodelacruz3
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
RaeMarcEnriquez
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
23december78
 

Similar to Fonollera-G9-Q4-W3.pdf (20)

esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdfFIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
FIL-12-LA-Q1-Module-6-final for student.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
 
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdfap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
ap9_q1_m5_mgasaliknanakakaapektosapagkonsumo_FINAL07242020(23).pdf
 
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod5_tiwala_sa_sarili_ating_buuin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdfFIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
FIL12-LA-Q1-WK-1 for student.pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdfESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
ESP9 Q1 MODYUL4 (1).pdf
 
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdfEsP-9-Q2-Week-1.pdf
EsP-9-Q2-Week-1.pdf
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
 
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaroEs p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
Es p1 quarter2-module2-pagpapahalaga-sa-mga-may-kapansanan judith p. velaro
 
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdfesp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
esp8_q1_mod1_Impluwensyang Hatid ng Pamilya_FINAL08082020.pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdfAP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
AP10_QUARTER1_MODYUL7_DISASTERRESPONSE_finalcopy-1.pdf
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 

More from NoelPiedad

1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
NoelPiedad
 
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdfEsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
NoelPiedad
 
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
NoelPiedad
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
NoelPiedad
 
Science_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdfScience_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdf
NoelPiedad
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdf
NoelPiedad
 
ComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdfComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdf
NoelPiedad
 
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
NoelPiedad
 
406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc
NoelPiedad
 
R4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdfR4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdf
NoelPiedad
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
NoelPiedad
 
412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx
NoelPiedad
 
EsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdfEsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdf
NoelPiedad
 

More from NoelPiedad (13)

1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
1112_IntroductiontoWorldReligionsandBeliefSystems_Sem12_CLAS6_Islam_FOR QA - ...
 
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdfEsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
EsP9_q1_CLAS8_W8 - RHEA ANN NAVILLA.pdf
 
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
351862075-Dll-Grade-8-First-Grading-Final-Copy.docx
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
 
Science_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdfScience_8_quarter3_module_4.pdf
Science_8_quarter3_module_4.pdf
 
FilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdfFilipinoG8Q3 (1).pdf
FilipinoG8Q3 (1).pdf
 
ComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdfComputerComponents.pdf
ComputerComponents.pdf
 
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
445318510-Digestive-System-PPT-ppt.ppt
 
406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc406402748-Periodic-table-activity.doc
406402748-Periodic-table-activity.doc
 
R4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdfR4B 14-696.pdf
R4B 14-696.pdf
 
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdfSCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
SCIENCE-8-WEEK-7-8-Q3-FINAL.pdf
 
412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx412466967-Digestive-System.pptx
412466967-Digestive-System.pptx
 
EsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdfEsP-9-Q4-week-3.pdf
EsP-9-Q4-week-3.pdf
 

Recently uploaded

Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Bryan Ben Orcenado
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
TeodoroRanque1
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
zairrah
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
AilaSastre
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
PrincessYsabelFornes
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
Martin M Flynn
 

Recently uploaded (6)

Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)
 
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdfunang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
unang-yugto-ng-kolonyalismo-at-imperyalismo-banghay-aralin.pdf
 
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
Opisyal na Pahayagang Pangkampus ng San Luis National High School TOMO XIII B...
 
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
 
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPTNoli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
Noli Me Tangere Kabanata 20/Chapter 20 PPT
 
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptxTHE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
THE WORSHIP OF THE BODY - CORPUS CHRISTI (Filippino).pptx
 

Fonollera-G9-Q4-W3.pdf

  • 1.     9       Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Ikatlong Linggo)
  • 2.     Edukasyong  Pagpapakatao  –  Ikasiyam  na  Baitang     Alternative  Delivery  Mode   Ikalawang  Markahan  –  Modyul  3:  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay   Unang  Edisyon,  2020       Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring  magkaroon  ng   karapatang-­sipi   sa  anomang   akda   ang   Pamahalaan  ng   Pilipinas.   Gayonpaman,   kailangan   muna  ang  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng  pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito   ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga  maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay   ang  pagtakda  ng  kaukulang  bayad.     Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o  brand   name,  tatak  o  trademark,  palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa  modyul  na  ito   ay   nagtataglay   ng   karapatang-­ari   ng   mga   iyon.   Pinagsumikapang   matunton   ang   mga   ito   upang   makuha   ang   pahintulot   sa   paggamit   ng   materyales.   Hindi   inaangkin   ng   mga   tagapaglathala  at  mga  may-­akda  ang  karapatang-­aring  iyon.  Ang  anomang  gamit  maliban  sa   modyul  na  ito  ay  kinakailangan  ng  pahintulot  mula  sa  mga  orihinal  na  may-­akda  ng  mga  ito.       Walang  anomang  parte  ng   materyales  na   ito   ang   maaaring   kopyahin  o   ilimbag   sa   anomang  paraan  nang  walang  pahintulot  sa  Kagawaran.     Inilathala  ng  Kagawaran  ng  Edukasyon   Kalihim:  Leonor  Magtolis  Briones   Pangalawang  Kalihim:  Diosdado  M.  San  Antonio         Inilimbag  sa  Pilipinas  ng  ________________________     Department  of  Education  –Region  VII  Schools  Division  of  Negros  Oriental   Office  Address: Kagawasan,  Ave.,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental Tel  #: (035)  225  2376  /  541  1117   E-­mail  Address: negros.oriental@deped.gov.ph   Bumuo  sa  Pagsusulat  ng  Modyul     Manunulat:  Carmelyn  S.  Fonollera   Editor:  Anna  Mae  I.  Tejada   Tagasuri:  Anna  Mae  I.  Tejada  |  Amancio  M.  Gainsan  Jr.   Tagaguhit:  Edyl  Kris  B.  Ragay   Tagalapat:  Anna  Mae  I.  Tejada   Tagapamahala:  Senen  Priscillo  P.  Paulin,  CESO  V     Rosela  R.  Abiera              Fay  C.  Luarez,  TM,  Ed.D.,  Ph.D.     Maricel  S.  Rasid              Nilita  L.  Ragay,  Ed.D.                                                            Elmar  L.  Cabrera              Donre  B.  Mira,  Ed.D.  
  • 3.       9   Edukasyong Pagpapakatao Ikaapat na Markahan- Modyul 3: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (Linggo: Ikatlo)      
  • 4.   ii     Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.       Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5.   iii     Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay! Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6.   iv     Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1.   Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2.   Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3.   Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4.   Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5.   Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6.   Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
  • 7.   v     Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!  
  • 8.       Sa  modyul  na  ito,  inaasahang  maipamamalas  mo  ang  sumusunod  na  kaalaman,   kakayahan,  at  pag-­unawa:       1.   Natutukoy  ang  mga  kahalagahan  sa  pagkakaroon  ng  gabay  sa  pagpapasya  at   pagkilos   2.   Nakapagbibigay   ng   sitwasyon   sa   buhay   na   kung   saan   nagsasagawa   ng   pagpapasiya   3.   Nakasusulat  ng  tula  o  sanaysay  sa  mga  positibong  katangian   4.   Napahalagahan  ang  mga  positibong  katangian  upang  makamit  ang  mga  mithiin  at   pangarap  sa  buhay           Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay           MGA  KASANAYANG  PAMPAGKATUTO:   Nakapagpapaliwanag  ng  kahalagahan  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa   Buhay.  (EsP9PKIVc-­14.1)     Natutukoy  ang  mga  hakbang  sa  pagbuo  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa   Buhay.  (EsP9PKIVc-­14.2)                                     Alamin       Mga  Layunin    
  • 9.           Panuto:  Basahin  at  unawaing  mabuti  ang  bawat  pahayag.  Isulat  ang  tamang  sagot     sa  iyong  kuwaderno.     1.   Alin  sa  sumusunod  ang  hindi  kahulugan  ng  Personal  na  Misyon  sa  Buhay?   A.   Ito  ang  batayan  ng  tao  sa  kaniyang  pagpapasiya.   B.   Ito  ay  katulad  ng  isang  personal  na  Kredo  o  motto  na  nagsasalaysay  ng   nais  mong  mangyari  sa  iyong  buhay.   C.   Isang  magandang  paraan  ito  upang  higit  na  makilala  ang  sarili.   D.   Ito  ay  Gawain  tungo  sa  paglilingkod  sa  kapwa.   2.   Ang  Personal  na  Misyon  sa  Buhay  ay  maaaring  mabago  o  palitan.   A.   Tama,  sapagkat  araw-­araw  ay  mayroong  nababago  sa  tao.   B.   Mali,  sapagkat  mawawala  ang  tuon  ng  pahayag  kung  ito  ay  babaguhin  o   papalitan.   C.   Tama,  sapagkat  patuloy  na  nagbabago  ang  tao  sa  konteksto  ng  mga   sitwasyon  sa  buhay.   D.   Mali,  sapagkat  ito  na  ang  iyong  saligan  sa  buhay.  Maaaring  magkaroon  ng   problema  kung  ito  ay  babaguhin  pa.   3.   Ayon  kay  Stephen  Covey,  nagkakaroon  lamang  ang  misyon  natin  sa  buhay   ng  kapangyarihan  kung:   A.   Nagagamit  sa  araw-­araw  nang  mayroong  pagpapahalaga.   B.   Nakikilala  ng  tao  ang  kaniyang  kakayahan  at  katangian.   C.   Nagagampanan  nang  balance  ang  tungkulin  sa  pamilya,  trabaho  at   komunidad.   D.   Kinikilala  niya  ang  kaniyang  tungkulin  sa  kapuwa.   4.   Ito  ay  hangarin  ng  isang  tao  sa  buhay  na  magdadala  sa  kaniya  tungo  sa   kaganapan.   A.   Misyon   B.   Bokasyon   C.   Propesyon   D.   Tamang  direksiyon   5.   Ang  ibig  sabihin  nito  ay  calling  o  tawag.   A.   Bokasyon   B.   Misyon   C.   Tamang  Direksiyon   D.   Propesyon   6.   Saan  dapat  makabubuti  ang  isasagawang  pagpapasiya?   A.   Sarili,  simbahan,  at  lipunan   B.   Kapuwa,  lipunan,  at  paaralan   C.   Paaralan,  kapuwa,  at  lipunan   D.   Sarili,  kapuwa,  at  lipunan   7.   Ang  sumusunod  ay  pansariling  pagtataya  sa  paglikha  ng  Personal  na  Misyon   sa  buhay  maliban  sa:   A.   Suriin  ang  iyong  ugali  at  katangian   Subukin    
  • 10.       B.   Tukuyin  ang  mga  pinahahalagahan   C.   Sukatin  ang  mga  kakayahan   D.   Tipunin  ang  mga  impormasyon   8.   Sa  paggawa  ng  Personal  na  MIsyon  sa  buhay  kinakailangan  na  gamitan  mo   ito  ng  SMART.  Ano  ang  kahulugan  nito?   A.   Specific,  Measurable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound   B.   Specific,  Measurable,  Attainable,  Relevance,  Time  Bound   C.   Specific,  Manageable,  Attainable,  Relevance,  Time  Bound   D.   Specific,  Manageable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound   9.   Bakit  mahalaga  na  magkaroon  ng  tamang  direksiyon  ang  isang  tao.   A.   Upang  siay  ay  hindi  maligaw   B.   Upang  matanaw  niya  ang  hinaharap   C.   Upang  mayroon  siyang  gabay   D.   Upang  magkaroon  siya  ng  kasiyahan   10.  Ayon  kay  Rev.  Fr.  Jerry  Orbos,  ang  tunay  na  misyon  ay  ang  paglilingkod  sa   Diyos  at  kapuwa.  Ano  ang  maibibigay  nito  sa  tao  sa  oras  na  isinagawa  niya   ito?;;   A.   Kapayapaan   B.   Kaligtasan   C.   Kaligayahan                        D.  Kabutihan         Mahalagang  sigurado  ang  tao  sa  landas  na  kaniyang  tinatahak. Ito  ang  susi  na   makatutulong  sa  kaniya  upang  makamit  ang  kaniyang  mga  layunin  sa  buhay.  Balikan   natin  ang  iyong  napag-­aralan  noong  nasa  baitang  7  ka,  tinatalakay  ninyo  ang  tungkol   sa  tamang  pagpapasiya.  Ito  ay  mahalaga  sa  pagkakaroon  ng  makabuluhang  buhay   at  ganap  na  pagkatao.  Kaya  sa  tuwing  nagpapasiya,  kinakailangang  pag-­isipan  ito   nang   makailang   ulit   upang   maging   sigurado   at   hindi   maligaw.   Ito   ay   dapat   na   makabubuti  sa  sarili,  sa  kapuwa  at  sa  lipunan.           Panuto:   1.   Magbigay  ng  tatlong  sitwasyon  kung  saan  nagsagawa  ka  ng  pagpapasiya.   2.   Punan  ang  mga  kasunod  na  kolum  ayon  sa  impormasyong  hinihingi  ng  mga   ito.   3.   Gawin  ito  sa  kuwaderno.     Balikan   Tuklasin  
  • 11.       Limang   sitwasyon  na   kailangan  kong   magpasiya   Pasiyang  nabuo   ko  at  dahilan  o   batayan  nito   Mabuting   naidulot   Hindi  mabuting   naidulot   1.         2.         3.               1.   Ano  ang  natuklasan  mo  sa  iyong  sarili  batay  sa  mga  pagpapasiyang  ginawa  mo?   2.   Bakit  mahalaga  na  magpasiya  nang  tama?  Ipaliwanag.   3.   Mayroon  ba  itong  magiging  epekto  sa  iyong  buhay  sa  hinaharap?  Ipaliwanag.     Mahalagang  sigurado  ang  tao  sa  landas  na  kaniyang  tinatahak.  Ito  ang  susi  na   makatutulong  sa  kaniya  upang  makamit  ang  kaniyang  mga  layunin  sa  buhay.  Balikan   natin  ang  iyong  napag-­aralan  noong  nasa  Baitang  7  ka,  tinalakay  ninyo  ang  tungkol   sa  tamang  pagpapasiya.  Ito  ay  mahalaga  sa  pagkakaroon  ng  makabuluhang  buhay   at  ganap  na  pagkatao.  Kaya  sa  tuwing  nagpapasiya,  kinakailangang  pag-­isipan  ito   nang   makailang   ulit   upang   maging   sigurado   at   hindi   maligaw.   Ito   ay   dapat   na   makabubuti  sa  sarili,  sa  kapuwa,  at  sa  lipunan.   Sa  pagpapasiya,  kailangan  mo  ng  gabay.  Tulad  ng  isang  bulag,  lubos  siyang   mahihirapan   sa   paglalakad   kung   walang   tungkod   na   gagabay   sa   kaniya.   Ito   ang   nagsisilbing   kasangkapan   niya   upang   marating   niya   ang   kaniyang   nais   puntahan.   Gayundin   ang   tao,   kailangan   niya   ng   gabay   sa   pagpapasiya   upang   hindi   siya   magkamali;;  nang  sa  gayon,  magkakaroon  siya  ng  tamang  direksiyon  sa  pagkamit  ng   mga  layunin  niya  sa  buhay.  Bakit  ng  aba  mahalaga  na  magkaroon  ng  direksiyon  ang   buhay  ng  tao?  Una,  sa  iyong  paglalakbay  sa  buhay  mo  ngayon,  nasa  kritikal  na  yugto   ka  ng  buhay.  Anuman  ang  piliin  mong  tahakin  ay  makaaapekto  sa  iyong  buhay  sa   hinaharap.  Kung  kaya’t  mahalagang  maging  mapanuri  at  sigurado  sa  iyong  gagawin   na   mga   pagpapasiya.   Ikalawa,   kung   hindi   ka   magpapasiya   ngayon   para   sa   iyong   kinabukasan,  gagawin  ito  ng  iba  para  sa  iyo-­halimbawa  ng  iyong  magulang,  kaibigan,   o  media.  Kung  kaya’t  dapat  na  maging  malinaw  sa  iyo  ang  iyong  tunguhin  dahil  kung   hindi,  susundin  mo  lamang  ang  mga  idinidikta  ng  iba  sa  mga  bagay  na  iyong  gagawin.     Ano   nga   ba   ang   kahulugan   ng   Personal   na   Pahayag   ng   Misyon   sa   Buhay   (PPMB)?  Ito  ay  katulad  ng  isang  personal  na  kredo  o  isang  motto  na  nagsasalaysay   kung  paano  mo  ninanais  na  dumaloy  ang  iyong  buhay.  Ito  ay  magiging  batayan  mo   sa  iyong  gagawin  na  mga  pagpapasiya  sa  araw-­araw.  Isang  magandang  paraan  ito   upang  higit  mong  makilala  ang  iyong  sarili  at  kung  saan  ka  patutungo.  Nagsisilbi  itong   simula  ng  metatag  na  pundasyon  sa  pagkakaroon  mo  ng  sariling  kamalayan  at  mataas   na  pagpapahalaga  sa  iyong  mga  layunin  sa  buhay.  Hindi  madali  ang  paglikha  nito,   dahil  nangangailangan  ito  ng  panahon,  inspirasyon,  at  pagbabalik-­tanaw.     Suriin n  
  • 12.       Ayon  kay  Stephen  Covey  sa  kaniyang  aklat  na  Seven  Habits  of  Highly  Effective   People,  “begin  with  the  end  in  mind.”  Nararapat  na  ngayon  pa  lamang  ay  malinaw  na   sa  iyong  isip  ang  isang  malaking  larawan  kung  ano  ang  nais  mong  mangyari  sa  iyong   buhay.   Mahalagang   kilalanin   mong   mabuti   ang   iyong   sarili   at   suriin   ang   iyong   katangian,  pagpapahalaga,  at  layunin.  Mag-­isip  ng  nais  mong  mangyari  sa  hinaharap   at  magpasiya  sa  direksiyon  na  iyong  tatahakin  sa  iyong  buhay  upang  matiyak  na  ang   bawat  hakbang  ay  patungo  sa  mabuti  at  tamang  direksiyon.  Ayon  din  kay  Covey,  ang   pagbuo  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay  ay  nararapat  na  iugnay  sap  ag-­ uugali  at  paniniwala  sa  buhay.   Ano  ng  aba  ang  misyon?  Ang  misyon  ay  ang  hangarin  ng  isang  tao  sa  buhay   na  magdadala  sa  kaniya  tungo  sa  kaganapan.  Para  sa  iba  ito  ay  pagtupad  sa  isang   trabaho   o   tungkulin   nang   buong   husay,   na   may   kasamang   kasipagan   at   pagpupunyagi.   Mula  sa  misyon,  ay  mabubuo  ang  tinatawag  na  bokasyon.  Ang  bokasyon  ay   galing  sa  salitang  Latin  na  “vocatio”,  ibig  sabihin  ay  “calling”  o  tawag.    Ito  ay  malinaw   na  ang  bawat  tao  ay    tinawag  ng  Diyos  na  gampanan  ang  misyon  na  ipinagkaloob   niya   sa   atin.   Ito   ay   mahalaga   sa   pagpili   mo   ng   propesyong   akademik,   teknikal-­ bokasyonal,  sineng  at  disenyo,  at  isports  pagkatapos  mo  ng  Senior  High  School.     May   pagkakaiba   ba   ang   propesyon   sa   misyon?   Mahalaga   na   ito   ay   iyong   mabatid  sapagkat  sa  anumang  propesyon  na  iyong  tatahakin,  kailangan  na  makita  mo   ang  kaibahan  nito  at  kung  paano  mo  ito  iuugnay  sa  iyong  buhay.   Ang  propesyon  ay  trabaho  na  ginagawa  ng  tao  upang  siya  ay  mabuhay.  Ito  ang   resulta  ng  kaniyang  pinag-­aralan  o  matagal  na  ginagawa  at  nagging  eksperto  na  siya   dito.  Ito  ay  maaaring  gusto  niya  o  hindi  ngunit  kailangan  niyang  gawin  sapagkat  ito   ang   pinagkukunan   niya   ng   kaniyang   ikabubuhay.   At   dahil   sa   ikabubuhay   lamang   nakatuon  ang  kaniyang  paggawa  hindi  siya  nagkakaroon  ng  ganap  na  kasiyahan.   Ang   bokasyon   naman   ay   katulad   din   nang   propesyon   ngunit   nagiging   mas   kawili-­wili  ang  paggawa  para  sa  tao.  Mas  lalo  siyang  nasisiyahan  sapagkat  nagagamit   niya   ang   kaniyang   mga   talento   at   hilig   sa   kaniyang   ginagawa.   Hindi   niya   nararamdaman  ang  pagkabagot.  Hindi  nagiging  kompleto  ang  araw  sa  kaniya  kung   hindi   ito   magagawa   sapagkat   ito   ang   nakapagdudulot   ng   kasiyahan   sa   kaniyang   buhay.  Mula  dito  ay  hindi  na  lamang  simpleng  trabaho  ang  kaniyang  ginagawa  kundi   isang  misyon  na  nagiging  isang  bokasyon.  Dito  tunay  na  nagkakaroon  ang  tao  ng   tunay  na  pananagutan  sapagkat  naibabahagi  niya  ang  kaniyang  sarili  at  kumikilos  siya   para  sa  kabutihang  panlahat.     Sa  paggawa  ng  PPMB  ay  kailangang  isaalang-­alang  ang  kraytiryang  SMART,   ibig  sabihin,  Specific,  Measurable,  Attainable,  Relevant,  Time  bound.  Ito  ay  mahalaga   upang  maging  kongkreto  sa  iyo  ang  iyong  tatahakin  sa  iyong  buhay.   Tiyak  (Specific).  Kailangan  ang  lahat  ng  isusulat  mo  dito  ispisipiko.  Kung  kaya’t   mahalaga   na   magnilay   ka   upang   makita   moa   ng   nais   mong   tahakin.   Hindi   makatutulong  sa  iyo  kung  pabago-­bago  ka  ng  iyong  nais.  Kailangan  mong  siguraduhin   ang  iyong  gagawin.       Nasusukat  (Measurable).  Nasusukat  mo  ba  ang  iyong  kakayahan?  Kailangan   na  ang  isusulat  mo  sa  iyong  PPMB  ay  kaya  mong  gawin  at  isakatuparan.  Dapat  mo   ring  pagnilayang  mabuti  kung  ito  ba  ay  tumutugma  sa  iyong  mga  kakayanan  bilang   isang  tao  dahil  kung  hindi,  baka  hindi  mo  rin  ito  matupad.  
  • 13.       Naabot  (Attainable).  Tanungin  ang  sarili:  makatotohanan  baa  ng  aking  PPMB?   Kaya  ko  bang  abutin  o  gawin  ito/  mapanghamon  ba  ito?   Angkop  (Relevant).  Angkop  ba  ito  para  makatugon  sa  pangangailangan  ng   iyong  kapuwa?  Isa  ito  sa  kinakailangan  mong  tingnan  at  suriin.  Dito  ay  kailangang   ituon  mo  ang  iyong  isip    na  ang  buhay  ay  kailangan  na  ibahagi  sa  iba.   Nasusukat  ng  Panahon  (Time  Bound).  Kailangan  na  magbigay  ka  ng  takdang   panahon   o   oras   kung   kailan   mo   maisasakatuparan   ang   iyong   isinulat.   Ito   ang   magsasabi  kung  ang  personal  na  pahayag  ng  misyon  sa  buhay  ay  iyong  nagawa  o   hindi.  Kailangan  rin  na  itakda  ito  kung  pangmatagalan  o  pangmadalian  lamang  upang   maging  gabay  mo  ito  sa  iyong  mga  pagpaplano  at  pagpapasiyang  gagawin.             Panuto:  Basahin  at  sagutin  ang  mga  sumusunod  na  tanong.     1.   Ano  ang  kahulugan  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa  Buhay?   Ipaliwanag.   2.   Bakit   kailangang   alamin   ng   isang   tao   kung   sino   ang   pinakasentro   ng   kaniyang  buhay  bago  siya  gumawa  ng  Personal  na  Pahayag  ng  Misyon  sa   Buhay?     3.   Bakit  mahalagang  magkaroon  ng  direksiyon  ang  buhay  ng  tao?     4.   Mayroon  bang  pagkakaiba  ang  misyon  sa  propesyon?  Patunayan.   5.   Sa  iyong  palagay  makatutulong  ba  ang  pagbuo  mo  ng  Personal  na  Misyon   sa  buhay  upang  maging  malinaw  sa  iyo  ang  karera  o  kurso  na  iyong  pipiliin?   Paano?                                       Pagyamanin  
  • 14.                   1.   Isulat  sa  loob  ng  bituin  ang  iyong  mga  positibong  katangian.   2.   Pagkatapos,  pumili  ng  isang  katangian  mo  na  gustong-­gusto  mo.   3.   Ipaliwanag  mo  kung  bakit  mo  ito  nagustuhan.  Ano  ang  naitulong  nito  sa  iyo?   Isaisip   Isagawa     Napag  alaman  ko  na  ____________________________________.     Napagtanto  ko  na  _______________________________________     Ang  aking  gagawin  ay  ___________________________________                          
  • 15.             I.   Basahin  at  unawaing  mabuti  ang  bawat  aytem.  Isulat  ang  titik  ng  iyong   sagot  sa  iyong  kuwaderno.     1.   Saan  dapat  makabubuti  ang  isasagawang  pagpapasya?   A.   Sarili,  simbahan  at  lipunan   B.   Paaralan,  kapuwa  at  lipunan   C.   Kapuwa,  lipunan  at  paaralan   D.   Sarili,  kapuwa  at  lipunan   2.   Ito  ay  ang  hangarin  ng  isang  tao  sa  buhay  na  magdadala  sa  kaniya   tungo  sa  kaganapan.   A.   Misyon   B.   Bokasyon   C.   Propesyon   D.   Tamang  Direksiyon   3.   Ang   mga   sumusunod   ay   pansariling   pagtataya   sa   paglikha   ng   Personal  na  misyon  sa  buhay  maliban  sa:   A.   Suriin  ang  iyong  ugali  at  katangian   B.   Tukuyin  ang  mga  pinahahalagahan   C.   Sukatin  ang  mga  kakayahan   D.   Tipunin  ang  mga  impormasyon   4.   Alin  sa  sumusunod  ang  hindi  kahulugan  ng  Personal  na  Misyon  sa   Buhay?   A.   Ito  ang  batayan  ng  tao  sa  kaniyang  pagpapasiya   B.   Ito   ay   katulad   ng   isang   personal   na   Kredo   o   motto   na   nagsasalaysay  ng  nais  mong  mangyari  sa  iyong  buhay.   C.   Isang  magandang  paraan  ito  upang  higit  na  makilala  ang  sarili   D.   Ito  ay  Gawain  tungo  sa  paglilingkod  sa  kapuwa     5.   Sa  paggawa  ng  Personal  na  Misyon  sa  buhay  kinakailangan  na  ito   gamitan  mo  ng  SMART.  Ano  ang  kahulugan  nito?   A.   Specific,  Measurable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound   B.   Specific,  Measurable,  Attainable,  Relevance,  Time  Bound   C.   Specific,  Manageable,  Attainable,  Relevance,  Time  bound   D.   Specific,  Manageable,  Artistic,  Relevance,  Time  Bound   6.   Ang  ibig  sabihin  nito  ay  calling  o  tawag.   A.   Bokasyon   B.   Misyon   C.   Tamang  Direksiyon   D.   Propesyon   Tayahin  
  • 16.       7.   Bakit  mahalaga  na  magkaroon  ng  tamang  direksiyon  ang  isang  tao?   A.   Upang  siya  ay  hiindi  maligaw   B.   Upang  matanaw  niya  ang  hinaharap   C.   Upang  mayroon  siyang  gabay   D.   Upang  magkaroon  siya  ng  kasiyahan   8.   Ang  Personal  na  Misyon  sa  Buhay  ay  maaaring  mabago  o  palitan.   A.   Tama,  sapagkat  araw-­araw  ay  mayroong  nababago  sa  tao.   B.   Mali,   sapagkat   mawawala   ang   tuon   ng   pahayag   kung   ito   ay   babaguhin  o  papalitan.   C.   Tama,  sapagkat  patuloy  na  nagbabago  ang  tao  sa  konteksto  ng   mga  sitwasyon  sa  buhay.   D.   Mali,   sapagkat   ito   na   ang   iyong   saligan   sa   buhay.   Maaaring   magkaroon  ng  problema  kung  ito  ay  babaguhin  pa.   9.   Ayon   kay   Rev.   Fr.   Jerry   Orbos,   ang   tunay   na   misyon   ay   ang   paglilingkod  sa  Diyos  at  kapuwa.  Ano  ang  maibibigay  nito  sa  tao  sa   oras  na  isinagawa  niya  ito?   A.   Kapayapaan   B.   Kaligayahan   C.   Kaligtasan   D.   Kabutihan   10.    Ayon  kay  Stephen  Covey,  nagkakaroon  lamang  ang  misyon  natin  sa   buhay  ng  kapangyarihan  kung:   A.   Nagagamit  sa  araw-­araw  nang  mayroong  pagpapahalaga   B.   Nakikilala  ng  tao  ang  kaniyang  kakayahan  at  katangian   C.   Nagagampanan  nang  balanse  ang  tungkulin  sa  pamilya,  trabaho   at  komunidad   D.   Kinikilala  niya  ang  kaniyang  tungkulin  sa  kapuwa           1.   Sumulat  ng  isang  tula  o  maaaring  sanaysay  sa  mga  positibong  katangian.     Dapat  sundin  ang  pamantayan  sa  paggawa.   A.   Tula  at  Sanaysay   Ideya  o  konsepto  na  naaayon  sa  paksa  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  10  puntos   Kaisahan  -­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­-­  5  puntos                                        15  puntos               Karagdagang   Gawain    
  • 17.                                             Sanggunian     Mary  Jean  B.  Brinzuela  et.al,  2015,  Edukasyon  sa  Pagpapakatao-­Ikasiyam  na   Baitang,  Unang  Edisyon,  5th  Floor  Mabini  Bldg.,DepEd  Comples  Meralco  Avenue,   Pasig  City  Philippines  1600     Division  of  Negros  Oriental  ESP  DLP  Initiated     Susi  sa   Pagwawasto   Subukin     1.  D   2.  C   3.  C   4.  A   5.  A   6.  D   7.  D   8.  B   9.  C   10.  C     Tuklasin   1. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   Pagyamanin   1. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   2. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   3. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   4. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   5. Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   Isagawa:  Ang  sagot  ay  maaring  magkaiba-­iba.   Tayahin:   1.  D   2.  A   3.  D   4.  D   5.  B   6.  A   7.  C   8.  C   9.  C   10.  C    
  • 18.           Para  sa  mga  katanungan  o  puna,  sumulat  o  tumawag  sa:     Department  of  Education  –  Schools  Division  of  Negros  Oriental   Kagawasan,  Avenue,  Daro,  Dumaguete  City,  Negros  Oriental     Tel  #:  (035)  225  2376  /  541  1117   Email  Address:  negros.oriental@deped.gov.ph   Website:  lrmds.depednodis.net