ANG PAGKAKAROON NG ANTAS NG WIKA
AY ISA PANG MAHALAGANG KATANGIAN
NITO. TULAD NG TAO, ANG WIKA AY
NAHAHATI RIN SA IBA’T IBANG
KATEGORYA AYON SA KAANTASAN NITO.
KUNG TUTUUSIN, ANG ANTAS NG
WIKANG MADALAS NA GINAGAMIT NG
ISANG TAO AY ISANG MABISANG
PALATANDAAN KUNG ANONG URI NG
TAO SIYA AT KUNG SA ALING ANTAS-
PANLIPUNAN SIYA NABIBILANG.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng
tao ang mga antas ng wikang ito
nang gayo’y maibagay niya ito sa
kanyang katayuan, sa hinihingi ng
panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan.
Mahahati ang antas ng wika sa
kategoryang Pormal at Impormal.
Sa bawat kategorya, napapaloob ang
mga antas ng wika.
A. PORMAL Ito ang mga salitang
estandard dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-
aral ng wika.
1. Pambansa. Ito ang mga salitang
karaniwang ginagamit sa mga aklat
pangwika/pambalarila sa lahat ng
mga paaralan. Ito rin ang wikang
kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga
paaralan.
2. Pampanitikan o Panretorika. Ito
naman ang mga salitang gamitin ng
mga manunulat sa kanilang mga
akdang pampanitikan. Ito ang mga
salitang karaniwang matatayog,
malalalim, makulay at masining.
 Impormal.Ito ang mga salitang
karaniwan, palasak, pang araw-araw
na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala
at kaibigan.
1. Lalawiganin. Ito ang mga
bokabularyong diyalektal. Gamitin
ang mga ito ang mga partikular na
pook o lalawigan lamang, maliban
kung ang mga taal na gumagamit
nito ay magkikita-kita sa ibang lugar
dahil natural na nila itong
naibubulalas. Makikilala rin ito sa
pagkakaroon ng kakaibang tono, o
ang tinatawag ng marami na punto.
2. Kolokyal. Ito’y mga pang-araw-
araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal. Maaaring
may kagaspangan nang kaunti ang
mga salitang ito ngunit maaari rin
itong maging repinado ayon sa kung
sino ang nagsasalita nito. Ang
pagpapaikli ng isa, dalawa o higit
pang salita lalo na sa mga pasalitang
komunikasyon ay mauuri rin sa antas
nito.
 Halimbawa:
nasa’n (nasaan),
pa’no (paano),
sa’kin (sa akin),
sa’yo (sa iyo),
kelan (kailan),
meron (mayroon)
3. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles
na slang. Sa mga pangkat-pangkat
nagmumula ang mga ito upang ang
mga pangkat ay magkaroon ng
sariling codes. Mababang antas ng
wika ito, bagamat may mga
dalubwikang nagmumungkahi ng
higit pang mababang antas, ang
antas-bulgar (halimbawa nito ay ang
mura at mga salitang may
kabastusan).
 Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal
ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang
usong salitang balbal ngayon at laos na
bukas. Nakatutuwa ring pang-aralan
kung paano nabubuo ang mga salitang
ito. Minsan nga, dahil sa
napakasalimuot na prosesong
pinagdadaanan ng isang salitang
balbal, nagiging lubhang mahirap nang
ugatin ang pinanggalingan nito.
Kayrami ngang kabataang gamit nang
gamit ng mga salitang balbal na hindi
nila alam kung paano nabuo.

Antas ng wika

  • 2.
    ANG PAGKAKAROON NGANTAS NG WIKA AY ISA PANG MAHALAGANG KATANGIAN NITO. TULAD NG TAO, ANG WIKA AY NAHAHATI RIN SA IBA’T IBANG KATEGORYA AYON SA KAANTASAN NITO. KUNG TUTUUSIN, ANG ANTAS NG WIKANG MADALAS NA GINAGAMIT NG ISANG TAO AY ISANG MABISANG PALATANDAAN KUNG ANONG URI NG TAO SIYA AT KUNG SA ALING ANTAS- PANLIPUNAN SIYA NABIBILANG.
  • 3.
    Mahalagang maunawaan nglahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang gayo’y maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa okasyong dinadaluhan. Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa bawat kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika.
  • 4.
    A. PORMAL Itoang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag- aral ng wika. 1. Pambansa. Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/pambalarila sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
  • 5.
    2. Pampanitikan oPanretorika. Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.  Impormal.Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
  • 6.
    1. Lalawiganin. Itoang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga partikular na pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
  • 7.
    2. Kolokyal. Ito’ymga pang-araw- araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Maaaring may kagaspangan nang kaunti ang mga salitang ito ngunit maaari rin itong maging repinado ayon sa kung sino ang nagsasalita nito. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita lalo na sa mga pasalitang komunikasyon ay mauuri rin sa antas nito.
  • 8.
     Halimbawa: nasa’n (nasaan), pa’no(paano), sa’kin (sa akin), sa’yo (sa iyo), kelan (kailan), meron (mayroon)
  • 9.
    3. Balbal. Itoang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito, bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-bulgar (halimbawa nito ay ang mura at mga salitang may kabastusan).
  • 10.
     Sa lahatng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong salitang balbal ngayon at laos na bukas. Nakatutuwa ring pang-aralan kung paano nabubuo ang mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano nabuo.