Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...EDITHA HONRADEZ
https://www.youtube.com/watch?v=ZuBf4uSelxU
https://www.youtube.com/watch?v=vxlAFSTONGU&t=94s
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/06/kategorya-ng-pangngalan_1-1.pdf
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid

Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Desiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
•Nabibigyang kahulugan ang Simuno at Panaguri
•Natutukoy ang kaibahan ng simuno at panaguri sa pangungusap.
•Natutukoy ang simuno at panaguri sa pangungusap.
•Nakakapagbigay ng pangungusap na may simuno at panaguri.

1. FILIPINO 6
COT NO. 3
FEBRUARY 5, 2020
Prepared by: JENIFFER MARIE F. PASTRANA
2. Mga Layunin:
1. Natatalakay at nakikilala ang ibat-ibang uri ng
pangungusap ayon sa gamit at ang ankop na mga
bantas nito
2.Nakabubuo ng ibat-ibang uri ng pangungusap
ayon sa gamit mapasaulat man o mapasalita
3.Nagagamit sa maayos ang mga uri ng pangungusap
ayon sa gamit
3. Si Pangulong Duterte ay
magaling na pinuno.
Naging diwata ang isang
matanda.
May tatlong prinsipeng
naglalakbay.
4. Balik Aral:
1.Ano ang simuno?
•Sagot: bahaging pinag-uusapan sa pangungusap
2.Ano ang panag-uri?
•Sagot: nagsasaad ng detalye tungkol sa simuno
3.Ano ang pangungusap?
•Sagot: lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong
diwa. Ito ay binubuo ng simuno at panag-uri.
5.
6. Tanong:
•Ano ang tawag sa prutas na nasa
larawan?
•Sino sa inyo ang nakatikim na nito?
•Bakit kaya ito maasim?
•Alam niyo ba kung bakit sampalok ang
tawag dito? Saan kaya ito nagmula?
7. Talasalitaan:
•Alamat - isang uri ng kuwentong
bayan at panitikan na
nagsasalaysay ng mga pinagmulan
ng mga bagay-bagay sa daigdig.
8. Talasalitaan:
•Kwentong bayan - ay ang kwentong
nagpasalinsalin sa bibig ng mga
mamamayan. Pumapaksa ito sa mga
katangian ng mga tauhan mabuti man o
masama at may layuning manlibang.
Kalimitan ito rin ay nagbibigay ng aral sa
mambabasa.
11. Mga Tanong:
1. Sino-sino ang tatlong prinsipe sa alamat?
2. Anong ugali mayroon sila?
3. Maganda bang tularan ang kanilang mga ginagawa sa
kanilang kapwa?
4. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kwento?
5. Kung ikaw ang diwata sa alamat anong maaari mong
gawin upang baguhin ang masang pag-uugali at Gawain
ng tatlong prinsipe?
12. Basahin ang mga pangungusap
1. May tatlong prinsipe na magkakaibigan.
2. Naku, nahulog ang mga mata ng
tatlong prinsipe!
3. Huwag mong saktan ang matanda.
4. Bakit mo ako sinampal?
13. Ano-ano ang napapansin ninyo sa mga
pangungusap?
1. May tatlong prinsipe na magkaibigan.
2. Naku, nahulog ang mga mata ng tatlong
prinsipe!
3. Huwag mong saktan ang matanda.
4. Bakit mo ako sinampal?
15. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA
GAMIT
Ang pangungusap ay ginagamit sa ibat-ibang
paraan. May pangungusap na ginagamit para
magsalaysay o magtanong. Mayroon ding
gingamit para mag-utos o magpayahag ng
matinding damdamin. Sa ganito, ang
pangungusap ay inuuri ayon ayon sa gamit.
16. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA
GAMIT
1.Paturol o Pasalaysay
Ito ay ginagamit sa pagsasabi ng pangyayari o
katotohanan. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay nasa Timog-Silangang Asya.
Maagang nakaubos ng tinda si Aling Fe.
17. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA
GAMIT
2. Patanong
Ginagamit sa pagtatanong . Ginagamitan ito ng
tandang pananong (?) sa hulihan.
Halimbawa:
Nag-iba ba ang ugali ni Jose?
Ano ang nangyari sa kanya?
18. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA
GAMIT
3. Pautos
Ginagamit sa pag-uutos o pakikiusap.
Nilalagyan ito ng tuldok (.) sa hulihan.
Halimbawa:
Lumakad ka na.
Pakiabot ng aklat ko.
19. URI NG PANGUNGUSAP AYON SA
GAMIT
4. Padamdam
Ginagamit sa pagpapahayag ng matinding
damdaming gaya ng tuwa, galit, sakit at iba pa.
Ginagamitan ito ng tandang padamdam (!).
Halimbawa:
Yehey! Magbabakasyon kami.
Aray, natapakan ako!
21. Pangkatang Aktibidad
Pangkat 1 Broadcasting (Pasalaysay)
Pangkat 2 Q and A Pageant (Patanong)
Pangkat 3 Pantomine (Pautos)
Pangkat 4 Role Play (Padamdam)
22. Rubrics
Krayterya 5 4 3 2 1
1.Pagkakaisa ng mga miyembro
2.Disiplina ng Pangkat
3. Nilalaman ng Gawain
4. Pagsunod sa inatas na gawain
5. Kahandaan ng pangkat
23. Assessment
A.Panuto: Iuslat sa patlang ang PS kung ang pangungusap ay pasalaysay o
paturol, PT kung patanong, PU kung pautos at PD kung padamdam. Gamitan
ng tamang bantas.
________1. Ay ___ Narumihan ang uniporme ko ____
________2. Darating k aba sa Linggo _____
________3. Malulusog ang mga alaga ni Tina _____
________4. Dumalaw ka sa iyong inay _____
________5. Paki dala nito sa kabilang silid _____
________6. Naku ____ isang pulutong ng langgam _____
________7. Ang mga kagamitan niyo ay darating na _____
________8. Tapusin na natin ang ating proyekto ______
________9. Aha ____ ikaw nga ang umuubos ng aking tanim ____
________10. May maitutulong ba ako sa iyo _____
24. B. Tingnan ang larawan at bumuo ng tig-iisang
pangungusap ayon sa uri.
1. Pasalaysay
____________________________
2. Patanong
____________________________
3. Pautos
____________________________
4. Padamdam
____________________________
25. Takdang Aralin
Gumupit ng apat na larawan at idikit ito sa isang short size bondpaper. Sumulat ng tig
dadalawang pangungusap tungkol dito.
A. Pasalaysay
1. _________________________________________________________
2. _________________________________________________________
A. Patanong
1. _________________________________________________________
2. __________________________________________________________
A. Pautos
1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
A. Padamdam
1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
26. Wrap - Up
Ano ang natutunan ninyo mula sa alamat ng
sampalok?
Ano – ano ang ibat-ibang uri ng
pangungusap?
Bakit kailangan maging maayos at wasto
ang mga salitang ating sasabihin?