2. Balik -aral
Sabihin kung ang salita ba ay tumutukoy sa tao ,bagay ,
pook , hayop , gawa o pangyayari:
Lalawigan
baboy
pagdalaw
ilog
pag-awit
silya
dalaga
simbahan
kalabaw
kasalan
bukid
lolo
Joselito Roberto
salamin
Pook
Hayop
Gawa o
Pangyayari
Pook
Gawa o
Pangyayari
Bagay
Tao
Pook
Hayop
Gawa o
Pangyayari
Pook
Tao
Tao
Bagay
Ano ang tawag sa mga salitang ito?
PANGNGALAN
3. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Puwede kaya na ang mga pangngalang ito ay palitan ng
ibang panawag na salita?
Paghahabi sa layunin ng aralin
Basahin ang
dayalogo
Inay, tingnan ninyo ang mga litrato
ko noong ako’y maliit pa. Ako ba
ito? Sino itong batang nasa tabi ko?
Si ate ba ito?
Oo, ikaw nga iyan at ang ate mo. Ang
iba naman ay ang mga pinsan mo.
4. ANG mga salitang may salungguhit ay
tinatawag na PANGHALIP, ito ang
pamalit o panghalili sa mga pangngalan
ngtao,bagay,hayop,pook,gawa,o
pangyayari samantala
ANG mga salitang itiniman ay
tinatawag na PANGNGALAN ito ay
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook, gawa o pangyayari.
5. GAWIN NATIN!
Iwasto ang mga pangungusap sa
pamamagitan ng paggamit ng
panghalip.Isulat ang inyong sagot sa pisara
1. Si Dennis ay nag-aaral ng leksiyon ni Dennis.
2. Naglinis ang mga bata ng bakuran ng mga bata.
3. Pumili ang mga kasapi ng pangulo ng mga kasapi.
4. Pinagalitan ni lolo Adong ang mga apo ni lolo Adong.
5. O, pera ang pera.Bumili ka nang ulam
6. Ipagawa sa mga bata ang mga
sumusunod na pangkatang
Gawain.Pangkatin ang klase sa tatlo.
A. Unang Pangkat:
Punan ng tamang pangalan at panghalip ang bawat patlang
upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang kasagutan sa loob
ng kahon SA IBABA.
_____ang ___________ ang pag-asa ng ________
________.Gawin ________ sana ang huling habilin ni
______________.Naniniwala __________na ang pangarap ng
mga ninuno _________, ang adhikain ________ay matutupad
dahil sa _________.Huwag kayong mabahala dahil __________
ay handang gumabay sa ___________. ____________, ay isa
sa pag-asa ng _____________.
ikaw kayo ating Kabataan ninyo Bayan siya
natin Dr. Jose Rizal nila inyo Kami inyo
B. Ikalawang Pangkat:
Sumulat ng limang pangungusap gamit ang
pangngalan at panghalip.
C. Ikatlong Pangkat:
Sumulat ng dayalogo gamit ang mga
pangngalan at panghalip.
7. PAGLALAPAT
Gamitin sa pangungusap ang bawat
pares ng pangngalan at panghalip.
1. kabataan- kami
2. doon- kuweba
3. Mamamayan– bawat-isa
4. Angel, Anne at Nadin – sila
5. mamamasyal– saan
9. PAGTATAYA Pangkatin ang mga bata sa
lima at magkaroon ng dula-
dulaan. Gamitin ang
pangngalan at panghalip sa
iskrip na gagawin. (2 min. sa
paggawa ng iskrip at 2 min.
sa pagdula)