3. PAUNANG GAWAIN
PANUTO
Pumili ng isang numero at sabihin kung anong
numero ang iyong napili, pagkatapos bigyan mo
ito ng pagpapakahulugan basi sa iyong sariling
pagkakaintindi.
5. LAYUNIN:
Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang
teksto ayon sa katangian at kabuluhan nito sa: a. pamilya,
b. komunidad, c. bansa, d. daigdig (F11EP-IIIj-37)
1. Nakauugnay sa mga kaisipang nakapaloob sa binasang
teksto sa sarili, komunidad, bansa at daigdig;
2. Nakagagawa ng reaksyong papel batay sa kuwentong
binasa gamit ang apat na bahagi ng reaksyong papel ; at
3. Napahahalagahan ang kabuluhang impormasyong
inihahatid sa tekstong binasa.
6. Ang reaksyong papel o panunuring papel ay
tumutukoy sa paglalahad ng makatarungan, patas o
balanseng pagtatasa o assessment sa mga sitwasyong
may kinalaman sa mga tao, bagay, pook at mga
pangyayari.
Sumasaklaw rin ito sa matalinong pagtataya sa
kalidad, kakayahan, pamamaraan at katotohanan.
7. Halimbawa
ang pagbibigay ng reaksyon ng mga tao sa
mga pangyayaring pampolitikal, pang-
ekonomikal o pansosyal. Pwede ring ihayag
ang reaksyon o puna sa panonood ng pelikula,
dula, konsyerto o ipinintang disenyo o
larawan.
8. May apat na bahagi ang reaksyong papel:
panimula, katawan, kongklusyon mga
pagsipi. Sa paggawa nito, dapat pag-aralan
nang maigi ang isang impormasyon at
magbigay ng iyong sariling kaisipan at
opinyon tungkol dito.
Isaisahin natin ang apat na bahagi:
9. 1)Ang introduksyon o panimula
Ito ang pupukaw sa interes ng mga
nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang
ilarawan ang papel at may-akda na iyong
pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga
tatlo hanggang apat na mga pangungusap
mula sa orihinal na papel na iyong pinag-
aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong
thesis statement ukol sa papel.
10. 2. Ang katawan
Nakasaad dito ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing
ideya ng papel na iyong pinag-
aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na
papel.
11. 3. Ang kongklusyon
Maikli lamang ngunit naglalaman ng
impormasyon ukol sa thesis at mga
pangunahing ideya na nakasaad sa
reaksyong papel.
12. 4. Ang pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon.
Ito ang bahagi kung saan nakalagay ang
maikling impormasyon ukol sa pagsipi
at pinagmulan ng mga impormasyon na
iyong nailahad.
13. Pansinin ang isang halimbawa ng
reaksyong papel batay sa babasahing
teksto ayon sa katangian at
kabuluhan nito sa pamilya na
pinamagatang SANDIGAN.
14. PANGKATANG GAWAIN
Panuto:
-Basahin at unawaing mabuti ang teksto tungkol sa
kasalukuyang kalagayan ng Negros Oriental Covid-19.
Sagutin ang mga tanong at isulat sa Buong papel.
15. PAGTATAYA
Panuto: Pumili ng isang paksa na naaayon sa gusto
mo. Ngayon ay bubuo na kayo ng isang reaksyong
papel. Gamiting gabay ang Rubrik sa ibaba upang
maging epektibo ang isusulat na reaksyon.
Mga Paksa
1. Pagbabago ng Pasukan ng klase
2. Pagtanggap ng New normal na sitwasyon sa ating bansa
3. Vaccine sa Covid-19
4. Pagpapasara ng ABS-CBN
5. Mabagal na Internet Connection sa online learning
16.
17. TAKDANG ARALIN
Panuto: Magbigay ng reaksiyon sa isinaad ni William Faulkner
tungkol sa halaga ng paninindigan sa gitna ng kawalan ng
karunungan. Sumasang-ayon ka ba sa sinabi niya? Magsulat ng
dalawang talatang reaksiyon batay sa iyong pagkakilala sa may
akda at pagkakaunawa ng sinabi niya.
“Huwag matakot na magsalita at manindigan para sa
karapatan at katotohanan laban sa kawalan ng hustisya,
kasinungalingan at kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong
daigdig ay gagawa nito, mababago ang mundo”.
-WILLIAM FAULKNER