2. A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East
Africa) ni Barbara Kimenye Isinalin sa Filipino ni
Magdalena O. Jocson
B. Gramatika at Retorika: Mga Salitang Naglalahad ng
Opinyon
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan
D. Integrasyon sa ibang disiplina: Araling Panlipunan
E. Integrasyon ng Disiplina: Pagmamalasakit
NILALAMAN
3. LAYUNIN
1. Naibibigay ang suliranin itinatampok
sa kwento.
2. Nakapagpapahayag ng saloobin sa
pinanood na Video Clip.
3. Nagagamit ang salitang
nagpapahayag ng opinion.
7. 1. Ano ang pangunahing paksa ng pinanood
na video?
2. Ano-ano ang uri ng pang-aabusong
ipinapakita ng video?
3. Sa paanong paraan ba dapat itrato ang
mga alagang hayop? Ipaliwanag ang sagot
8. 1. Ano ang dapat taglayin katangian ng
mga nag-aalaga ng hayop?
2. Bakit nananatili na marami pa rin ang
nang-aabuso sa mga hayop?
3. Ano-anong hakbang ang iyong
mapapanukala upang mabawasan ang
pang-aabuso sa hayop?
9. 4. Sa iyong palagay, bakit mahalagang
ituro sa kabataan ang wastong pagtrato
sa mga hayop?
5. Makatutulong ba ang paghihigpit sa
batas ukol sa pang-aabuso sa hayop
upang matigilan ang maling gawaing ito?
Pangatwiranan
11. Ang maikling kuwento o maikling
katha ay nililikha nang masining upang
mabisang maikintal sa isip at damdamin
ng mambabasa ang isang pangyayari
tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na
pinangyarihan ng mahahalagang
pangyayari.
12. Taglay nito ang pagkakaroon ng
(1) iisang kakintalan;
(2) may isang pangunahing tauhang may
mahalagang suliraning kailangang bigyan
ng solusyon;
(3) tumatalakay sa isang madulang bahagi
ng buhay;
(4) may mahalagang tagpuan;
13. (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na
agad susundan ng wakas. Isa sa mga uri ng
maikling kuwento ay ang kuwento ng tauhan
– ang binibigyang diin ay ang ugali o
ng tauhan. Ang maikling kuwentong iyong
binasa ay nakatuon sa katangian ng tauhan.
Ang tauhan sa akda ay kumilos ayon sa
kaniyang paligid.
14. ayon sa/kay... batay sa/kay... kung
ako ang tatanungin... maliban sa...
naniniwala akong... sa aking
palagay...
sa tingin ko... tunay na…
15. TAMA O MALI
Isulat ang salitang Tama kung ang pangungusap ay tama at Mali kung ito ay
mali.
1. Dapat mahalin ang mga alagang hayop.
2. Walang batas na nagbabawal sa pang-aabuso ng mga hayop.
3. Ang maikling kuwento ay kilala din bilang maikling katha.
4. Binibigyang pansin sa kuwento ng tauhan ang suliranin ng tauhan.
5. Ang maikling kuwento ay anyo ng panitikang tuluyan.
16. Basahin ang maikling kuwentong “Ang Alaga” at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang suliranin ng tauhan?
2. Ano ang naging kilos at gawi ni Kibuka?
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging desisyon ni
Kibuka? Ipaliwanag.
TAKDANG ARALIN
18. LAYUNIN
1. Naibibigay ang suliranin itinatampok sa
kwento.
2. Naihahayag ang damdamin at saloobin
tungkol sa kahalagahan ng akda sa:
- sarili - panlipunan - pandaigdig
3. Nakapagtatampok ng ideya sa tulong ng
malikhaing awtput.
26. 1. Sino ang pangunahing tauhan sa
kuwento?
2. Ano ang kaniyang kinakaharap na
suliranin?
3. Ano-anong hakbang ang kaniyang
ginawa upang solusyunan ang suliranin sa
kaniyang buhay?
27. 4. Sa iyong palagay, bakit ganoon na
lamang ang naging kalungkutan ni Kibuka
noong pumanaw ang kaniyang alagang
hayop?
5. Sumasang-ayon ka ba sa naging
pagwawakas ng kuwento? Ipaliwanag
29. Ang matandang si Kibuka ay ayaw magretiro
sa kanyang trabaho sa gobyerno. Subalit dahil
umabot na siya sa edad ng pagreretiro, napilitan
siyang tumigil sa pagtatrabaho.
Lubhang nalungkot si Kibuka sa kawalan niya
ng gawain, kaya’t naisipan ng kanyang apo na
bigyan ang kanyang lolo ng isang itim na biik para
may mawilihan ang matanda.
30. Itinuring ni Kibuka ang biik bilang isang alaga.
Pati sa kama ay natutulog sila nang magkatabi.
Mabilis na lumaki ang biik hangga’t hindi na
makayanan ni Kibuka na bilhan ito ng pagkain. Nang
nalaman ito ng kanyang mga kapitbahay, inalok
nilang bigyan ang baboy ng makakain. Tuwang-tuwa
sila kasi parang alaga na rin nila ang baboy at
dinadalaw nila ito palagi.
31. Ngunit isang araw ay naaksidente si
Kibuka, kasama ng kanyang alaga. Sinagasaan
sila ng isang motorsiklo. Sa kasawiang-palad ay
naipit ang leeg ng baboy sa kung saan, at ito ay
namatay.
32. ayon sa/kay... batay sa/kay... kung
ako ang tatanungin... maliban sa...
naniniwala akong... sa aking
palagay...
sa tingin ko... tunay na…
33. Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salitang may salungguhit.
Pagkatapos, gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.
1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang buhay sa maliit niyang
dampa sa tabi ng ilog sa Kalansanda.
2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili niyang mga pagkain
maibigay lamang sa alaga niyang baboy.
3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-Kalansanda sa ilog.
TAKDANG ARALIN
Editor's Notes
Ang guro’y magpaparinig ng awitin bago magparinig ang guro ay ipaguhit ng guro ang kanilang alagang hayop (kung sakaling wala naman ay tatanungin ng guro ang mga ito kung ano ang kanilang pangarap na alagaan at bakit) tatawag ang guro ng mga kalahok na magbabahagi ng kanilang iginuhit na alaga.
Magpapanood ng Video Clip na nagtatampok ng suliranin hinggil sa pang-aabuso sa hayop. Ang mga mag-aaral ay gagabayan ng mga sumusunod na tanong.
Ang mga mag-aaral ay inaasahang makabubuo ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na salita na nakatutulong sa pagpapahayag ng opinyon. Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na magsusulat ng kanilang ginawang payak na pangungusap.
Magpapakita ang guro ng mga larawan at hahayaan ang mga mag-aaral na ibigay ang kanilang katangian at kapakinabangan sa buhay ng tao.
Ang mga mag-aaral ay pababasahin ng akda sa anyong dugtungan upang mahikayat ang partisipasyon sa talakayang pangklase.
BIBIGYAN NG SIPI ANG BAWAT MAG-AARAL
Ang klase ay magkakaroon ng pangkatang gawain hinggil sa ideyang itinatampok sa piling bahagi ng akda. Maaari itong itampok ng klase sa masining na paraan. Maaaring gamitin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na salita sa presentasyon.