SlideShare a Scribd company logo
1 of 29
Pagsagot sa mga Tanong
na Bakit at Paano
Pagsasalaysay Muli ng
Napakinggang Kuwento
Ano-ano ang
alam mong laro
sa computer?
Tuklasin Mo
NARANASAN KO NA! HINDI
PA!
1.Gumugol na ako ng lampas
limang oras sa paglalaro ng
computer games
2. Nahuli na ako sa klase
dahil kakalaro ng computer
games
3. Napagalitan at napalo na
ako ng aking magulang dahil
sa katigasan ng ulo
4. Nag-away na kaming
magkapatid dahil sa computer
games
5. Nahilo, nasuka at lagi nang
nasa isip ko ang mga nilalaro
kong computer games Ibigay
Ngayong araw ay
babasa kayo ng
isang kwento pero
bago natin ito
basahin alamin nga
muna natin ang
kahulugan ng mga
sumusunod na
salita
Ibigay ang kahulugan ng mga
salita o pariralang may guhit sa
loob ng pangungusap.
1. Kilos pagong siya sa umaga lalo
na’t kung inaantok pa.
2. Nagsasawa na siya sa palagiang
litanya sa umaga ng kaniyang ina.
Ibigay ang kahulugan ng mga
salita o pariralang may guhit sa
loob ng pangungusap.
3. Kinahuhumalingan niya ngayon
ang magbasa ng mga kuwentong
pambata.
4. Tinatamasa niya ang
magandang buhay dahil sa
kaniyang responsableng mga
magulang.
5. Nakikipag-unahan sa orasan
ang kilos niya lalo’t alam niyang
huli na naman siya sa klase.
Anong Oras Na?
Ni Mary Ann F. Vidallo
Isang malakas na tunog ng
alarm clock ang gumising kay
Buknoy. Sinundan ito ng tapik
sa kaniyang balikat ng
kaniyang ina nang mapansing
halos ayaw pa niyang
bumangon sa higaan. Laging
ganito ang senaryo sa umaga
bago siya makapasok ng
paaralan. Kung minsan pa nga’y
mas nagigising ang dugo niya
sa sigaw ng kaniyang nanay
lalo na kapag kilos pagong siya
sa umaga.
“Wala ka bang planong
pumasok, Buknoy? Sinabi ko na
sa’yong tigilan mo yang
pagbababad sa kompyuter
kung hindi mo magawang
gumising nang maaga.
Anong oras na? Hindi ka ba
nahihiya sa titser mo at lagi
kang huli sa klase ninyo?”
paulit-ulit na tanong ng
kaniyang ina sa mga araw
na may pasok siya.
Kapag narinig na niya ang
ganitong litanya ng kaniyang
ina, saka pa lamang siya
mapipilitang bumangon at
magmadali sa paliligo. Kung
minsan pa nga’y di na niya
nagagawang mag-almusal dahil
ayaw niyang marinig ang iba
pang sasabihin ng kaniyang ina.
Sa isip-isip niya hindi niya
kailangang magmadali dahil
sampung dipa lang naman ang
layo ng kanilang bahay sa
kanilang paaralan. Ang
pinagtataka lamang niya sa
tuwing papasok siya ng klase
ay laging nauuna sa kaniya
ang kaniyang mga kamag-aral
at ang kaniyang guro sa
Filipino na si Bb. Maliksi.
Anong oras na, Buknoy? Bakit
huli ka naman? Hindi ba’t diyan
lang ang bahay niyo?” ito
naman lagi ang bungad sa
kaniya ng kaniyang guro.
Mapapakamot naman siya sa
ulo at hihingi ng patawad sa
pagkahuli sa klase.
Tulad sa mga tanong ng kaniyang
Nanay Linda, hindi niya rin kayang
sagutin ang mga tanong na ito ng
kaniyang guro sa tuwing nahuhuli
siya sa pagpasok. Mas matimbang
sa kaniya ang paglalaro ng mga
computer games kaysa pag-aaral.
Hindi naman niya masabi na ito ang
dahilan sapagkat alam niyang mali
ang kaniyang ginagawa.
Lunes ng umaga, huli na naman
siyang dumating sa klase pero
nagulat siya dahil may nakasabay
siyang kaklase. Napangiti siya
dahil hindi lang siya ang
mapapagalitan ngayon kundi
dalawa na sila. Sa kaniyang
paglapit sa may pintuan, nagtataka
siya kung bakit ayaw pang
pumasok ni Gido.
“Bakit hindi ka pa pumapasok?
Natatakot ka ba kay mam? Ako?
Hindi na syempre! Sanay na akong
mapagalitan eh! tila may
pagmamayabang pa sa pagsasalita
ni Buknoy. Hindi naman umiimik
ang kaniyang kausap. Nakayuko
lamang ito at mukhang nahihiya sa
pagkahuli sa klase. Ilang sandali
pa, lumapit sa kanila si Bb. Maliksi.
Hindi na siya tinanong nito
“Bakit nahuli ka ngayon sa
pagpasok sa klase ko? Hindi ka
naman nahuhuli dati hindi katulad
nitong si Gido.” tanong na may
pagtataka ng kanilang guro.
“Ipagpaumanhin niyo po, Bb.
Maliksi. Hindi na po mauulit.
Sisikapin ko pong makauwi nang
maaga pagkatapos kong magtinda
ng sampagita sa gabi.
Medyo ginabi lang po kami ng
uwi ng bahay kahapon dahil
pinaubos namin ni Nanay ang
mga paninda.” mahinahong
tugon ng kaniyang kaklase.
“Ganoon ba? Sige, pumasok na
kayo para makapagsimula na
tayo ng pagkaklase.” ang
sagot naman ni Bb.Maliksi
Sa mga sandaling iyon, tila napahiya
naman sa sarili si Buknoy. Natulala siya
sa kaniyang kinauupuan. Naisip niya
ang kalagayan ng kaniyang kaklaseng
si Gido na malayo sa masarap na buhay
na tinatamasa niya. Hindi naman sila
mayaman pero alam niyang nakukuha
niya ano man ang hilingin niya sa
kaniyang mga magulang. Tulad na lang
ng kinahuhumalingan niya ngayon na
paggamit ng kompyuter dahil sa mga
laro tulad ng Dota.
Dahil sa nangyari nang araw na iyon,
pinilit ni Buknoy na pigilan ang sarili na
magbabad sa paggamit ng kompyuter.
Pagdating ng bahay ay ginawa niya
muna ang kaniyang mga takdang-
aralin. Pagkatapos maghapunan,
naglaro lamang siya sa loob ng 30 na
minuto. Bago matulog ay inihanda na
niya ang mga gamit sa pagpasok.
Siniguro niya na alas-9 ng gabi ay tulog
na siya sapagkat alas-5 ng umaga
kailangang gising na siya upang hindi
mahuli sa klase ni Bb. Maliksi.
Kinaumagahan, sa unang tunog pa
lang ng kaniyang alarm clock ay
dali-dali siyang bumangon. Hindi
niya narinig ang maagang sermon
ng kaniyang ina bagkus isang
matamis na ngiti ang sumalubong
sa kaniya pagpasok niya ng kusina
para mag-almusal. Mabilis siyang
kumilos ngayon na tila nakikipag-
unahan sa orasan. Maaga rin
siyang umalis ng bahay.
Sa gate ng paaralan ay nakasabay
niyang pumasok si Bb. Maliksi. Malayo
pa lang ay nakangiti na ito sa kaniya.
Sa gate ng paaralan ay nakasabay
niyang pumasok si Bb. Maliksi. Malayo
pa lang ay nakangiti na ito sa kaniya.
“Ang aga mo ngayon ah! Sana tuloy-
tuloy na iyan…” wika nito sa kaniya
sabay tapik sa kaniyang balikat.
“Ang sarap pala sa pakiramdam na ngiti
ang bubungad sa umaga ko at hindi ang
sermon ni Nanay at ni Mam Maliksi.”
ang naibulong ni Buknoy sa kaniyang
kaibigan na si Bengie.
Alamin Mo
Sagutin ang mga tanong
matapos mapakinggan ang
kuwentong babasahin ng guro.
1. Ano ang dahilan sa pagiging
huli sa klase ni Buknoy?
2. Anong dahilan ng pagbabago
ni Buknoy?
3. Bakit nahiya sa kaniyang
sarili si Buknoy?
4. Sa iyong palagay,
naipagpapatuloy pa ba ni
Buknoy ang kaniyang maling
gawi?
5. Anong pangyayari sa iyong
buhay ang maaari mong iugnay
sa kuwento?
6. Sa paanong paraan magiging
ganap ang pagbabago ni
Buknoy?
Gawin Ninyo Isalaysay muli ang
kuwento sa pamamagitan ng
sumusunod:
Gawin Mo
Bumuo ng sariling
timeline na
nagpapakita ng iyong
gawi o routine upang
hindi mahuli sa
pagpasok sa klase.
Isaisip Mo
Isipin mo na ikaw ang
konsensiya ni Buknoy,
kaharap mo siya ngayon.
Ano ang sasabihin mo sa
kaniya upang hindi siya
lagi mahuli sa klase?
Isapuso Mo
Daig nang maagap ang
taong masipag.
Isulat Mo
Sumulat ng isang
panata ng pagbabago.

More Related Content

What's hot

Sinaunang Rome
Sinaunang RomeSinaunang Rome
Sinaunang Rome
dranel
 

What's hot (20)

Ebolusyon ng Tao
Ebolusyon ng TaoEbolusyon ng Tao
Ebolusyon ng Tao
 
Sinaunang Sibilisasyon sa Africa
Sinaunang Sibilisasyon sa AfricaSinaunang Sibilisasyon sa Africa
Sinaunang Sibilisasyon sa Africa
 
Sparta
SpartaSparta
Sparta
 
Sparta
SpartaSparta
Sparta
 
Ebolusyon ng tao
Ebolusyon ng taoEbolusyon ng tao
Ebolusyon ng tao
 
Ap reviewer for 4th quarter
Ap reviewer for 4th quarterAp reviewer for 4th quarter
Ap reviewer for 4th quarter
 
Phoenician
PhoenicianPhoenician
Phoenician
 
Ancient egyptian art timeline prof. crisencio m. paner
Ancient egyptian art timeline prof. crisencio m. panerAncient egyptian art timeline prof. crisencio m. paner
Ancient egyptian art timeline prof. crisencio m. paner
 
AP 7 Lesson no. 16: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnang Asyano
AP 7 Lesson no. 16: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnang AsyanoAP 7 Lesson no. 16: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnang Asyano
AP 7 Lesson no. 16: Mga Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnang Asyano
 
Kabihasnang Assyria
Kabihasnang AssyriaKabihasnang Assyria
Kabihasnang Assyria
 
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
Kabihasnang Roman (Sinauna, Republika, Imperyo)
 
Ang Mga Naiambag ng Greece sa Kasalukuyan
Ang Mga Naiambag ng Greece sa KasalukuyanAng Mga Naiambag ng Greece sa Kasalukuyan
Ang Mga Naiambag ng Greece sa Kasalukuyan
 
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at romeKlasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
 
Sinaunang Kabihasnan ng Gresya o Greece
Sinaunang Kabihasnan ng Gresya o GreeceSinaunang Kabihasnan ng Gresya o Greece
Sinaunang Kabihasnan ng Gresya o Greece
 
G 9 art 1st grading classical art architecture
G 9 art 1st grading classical art architectureG 9 art 1st grading classical art architecture
G 9 art 1st grading classical art architecture
 
Music of Cambodia - MAPEH 8 (Music 1st Quarter)
Music of Cambodia - MAPEH 8 (Music 1st Quarter)Music of Cambodia - MAPEH 8 (Music 1st Quarter)
Music of Cambodia - MAPEH 8 (Music 1st Quarter)
 
Sinaunang Rome
Sinaunang RomeSinaunang Rome
Sinaunang Rome
 
Kabihasnang Greek
Kabihasnang GreekKabihasnang Greek
Kabihasnang Greek
 
437234795-AP-8-Kasaysayan-Ng-Daigdig.ppt
437234795-AP-8-Kasaysayan-Ng-Daigdig.ppt437234795-AP-8-Kasaysayan-Ng-Daigdig.ppt
437234795-AP-8-Kasaysayan-Ng-Daigdig.ppt
 
Assyrian Empire a.p. presentation
Assyrian Empire a.p. presentationAssyrian Empire a.p. presentation
Assyrian Empire a.p. presentation
 

Similar to FIL Q1 W6 D1.pptx (10)

Talambuhay
TalambuhayTalambuhay
Talambuhay
 
Mabuti
MabutiMabuti
Mabuti
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Auto
AutoAuto
Auto
 
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptxFil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
Fil 6 Q2 W6 Day3-MATALINHAGANG SALITA.pptx
 
Q4-Week 2 ESP (1).pptx
Q4-Week 2 ESP (1).pptxQ4-Week 2 ESP (1).pptx
Q4-Week 2 ESP (1).pptx
 
Nasa Huli ang Pagsisisi
Nasa Huli ang PagsisisiNasa Huli ang Pagsisisi
Nasa Huli ang Pagsisisi
 
Si ino ang batang mabait (1) lalalaalaalal
Si ino ang batang mabait (1) lalalaalaalalSi ino ang batang mabait (1) lalalaalaalal
Si ino ang batang mabait (1) lalalaalaalal
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
 
Bata, bata pano ka gagawa
Bata, bata pano ka gagawaBata, bata pano ka gagawa
Bata, bata pano ka gagawa
 

More from maricelsampaga

More from maricelsampaga (8)

science quiz bee questions.doc FOR ELEMENTARY SCIENCE
science quiz bee questions.doc FOR ELEMENTARY SCIENCEscience quiz bee questions.doc FOR ELEMENTARY SCIENCE
science quiz bee questions.doc FOR ELEMENTARY SCIENCE
 
Respiratory System ppt.ppt forgrade six teachers
Respiratory System ppt.ppt forgrade six teachersRespiratory System ppt.ppt forgrade six teachers
Respiratory System ppt.ppt forgrade six teachers
 
it can be used for demo taechingBase Militar.pptx grade 6 third quarter
it can be used for demo taechingBase Militar.pptx grade 6 third quarterit can be used for demo taechingBase Militar.pptx grade 6 third quarter
it can be used for demo taechingBase Militar.pptx grade 6 third quarter
 
sekularisasyon,cavite mutiny,kilusang propaganda.pptx
sekularisasyon,cavite mutiny,kilusang propaganda.pptxsekularisasyon,cavite mutiny,kilusang propaganda.pptx
sekularisasyon,cavite mutiny,kilusang propaganda.pptx
 
Science 6Q4 week 1 Day 2-Earthquake and volcanic eruptions.pptx
Science 6Q4 week 1 Day 2-Earthquake and volcanic eruptions.pptxScience 6Q4 week 1 Day 2-Earthquake and volcanic eruptions.pptx
Science 6Q4 week 1 Day 2-Earthquake and volcanic eruptions.pptx
 
SLAC-OCTOBER-6-2023-Conduct-of-flat-in-mtb.pptx
SLAC-OCTOBER-6-2023-Conduct-of-flat-in-mtb.pptxSLAC-OCTOBER-6-2023-Conduct-of-flat-in-mtb.pptx
SLAC-OCTOBER-6-2023-Conduct-of-flat-in-mtb.pptx
 
Presentation1.pptx
Presentation1.pptxPresentation1.pptx
Presentation1.pptx
 
MUSIC W3.pptx
MUSIC W3.pptxMUSIC W3.pptx
MUSIC W3.pptx
 

Recently uploaded (7)

Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 

FIL Q1 W6 D1.pptx

  • 1.
  • 2. Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang Kuwento
  • 3. Ano-ano ang alam mong laro sa computer?
  • 4. Tuklasin Mo NARANASAN KO NA! HINDI PA! 1.Gumugol na ako ng lampas limang oras sa paglalaro ng computer games 2. Nahuli na ako sa klase dahil kakalaro ng computer games
  • 5. 3. Napagalitan at napalo na ako ng aking magulang dahil sa katigasan ng ulo 4. Nag-away na kaming magkapatid dahil sa computer games 5. Nahilo, nasuka at lagi nang nasa isip ko ang mga nilalaro kong computer games Ibigay
  • 6. Ngayong araw ay babasa kayo ng isang kwento pero bago natin ito basahin alamin nga muna natin ang kahulugan ng mga sumusunod na salita
  • 7. Ibigay ang kahulugan ng mga salita o pariralang may guhit sa loob ng pangungusap. 1. Kilos pagong siya sa umaga lalo na’t kung inaantok pa. 2. Nagsasawa na siya sa palagiang litanya sa umaga ng kaniyang ina. Ibigay ang kahulugan ng mga salita o pariralang may guhit sa loob ng pangungusap.
  • 8. 3. Kinahuhumalingan niya ngayon ang magbasa ng mga kuwentong pambata. 4. Tinatamasa niya ang magandang buhay dahil sa kaniyang responsableng mga magulang. 5. Nakikipag-unahan sa orasan ang kilos niya lalo’t alam niyang huli na naman siya sa klase.
  • 9. Anong Oras Na? Ni Mary Ann F. Vidallo Isang malakas na tunog ng alarm clock ang gumising kay Buknoy. Sinundan ito ng tapik sa kaniyang balikat ng kaniyang ina nang mapansing halos ayaw pa niyang bumangon sa higaan. Laging ganito ang senaryo sa umaga
  • 10. bago siya makapasok ng paaralan. Kung minsan pa nga’y mas nagigising ang dugo niya sa sigaw ng kaniyang nanay lalo na kapag kilos pagong siya sa umaga. “Wala ka bang planong pumasok, Buknoy? Sinabi ko na sa’yong tigilan mo yang pagbababad sa kompyuter
  • 11. kung hindi mo magawang gumising nang maaga. Anong oras na? Hindi ka ba nahihiya sa titser mo at lagi kang huli sa klase ninyo?” paulit-ulit na tanong ng kaniyang ina sa mga araw na may pasok siya.
  • 12. Kapag narinig na niya ang ganitong litanya ng kaniyang ina, saka pa lamang siya mapipilitang bumangon at magmadali sa paliligo. Kung minsan pa nga’y di na niya nagagawang mag-almusal dahil ayaw niyang marinig ang iba pang sasabihin ng kaniyang ina. Sa isip-isip niya hindi niya
  • 13. kailangang magmadali dahil sampung dipa lang naman ang layo ng kanilang bahay sa kanilang paaralan. Ang pinagtataka lamang niya sa tuwing papasok siya ng klase ay laging nauuna sa kaniya ang kaniyang mga kamag-aral at ang kaniyang guro sa Filipino na si Bb. Maliksi.
  • 14. Anong oras na, Buknoy? Bakit huli ka naman? Hindi ba’t diyan lang ang bahay niyo?” ito naman lagi ang bungad sa kaniya ng kaniyang guro. Mapapakamot naman siya sa ulo at hihingi ng patawad sa pagkahuli sa klase.
  • 15. Tulad sa mga tanong ng kaniyang Nanay Linda, hindi niya rin kayang sagutin ang mga tanong na ito ng kaniyang guro sa tuwing nahuhuli siya sa pagpasok. Mas matimbang sa kaniya ang paglalaro ng mga computer games kaysa pag-aaral. Hindi naman niya masabi na ito ang dahilan sapagkat alam niyang mali ang kaniyang ginagawa.
  • 16. Lunes ng umaga, huli na naman siyang dumating sa klase pero nagulat siya dahil may nakasabay siyang kaklase. Napangiti siya dahil hindi lang siya ang mapapagalitan ngayon kundi dalawa na sila. Sa kaniyang paglapit sa may pintuan, nagtataka siya kung bakit ayaw pang pumasok ni Gido.
  • 17. “Bakit hindi ka pa pumapasok? Natatakot ka ba kay mam? Ako? Hindi na syempre! Sanay na akong mapagalitan eh! tila may pagmamayabang pa sa pagsasalita ni Buknoy. Hindi naman umiimik ang kaniyang kausap. Nakayuko lamang ito at mukhang nahihiya sa pagkahuli sa klase. Ilang sandali pa, lumapit sa kanila si Bb. Maliksi. Hindi na siya tinanong nito
  • 18. “Bakit nahuli ka ngayon sa pagpasok sa klase ko? Hindi ka naman nahuhuli dati hindi katulad nitong si Gido.” tanong na may pagtataka ng kanilang guro. “Ipagpaumanhin niyo po, Bb. Maliksi. Hindi na po mauulit. Sisikapin ko pong makauwi nang maaga pagkatapos kong magtinda ng sampagita sa gabi.
  • 19. Medyo ginabi lang po kami ng uwi ng bahay kahapon dahil pinaubos namin ni Nanay ang mga paninda.” mahinahong tugon ng kaniyang kaklase. “Ganoon ba? Sige, pumasok na kayo para makapagsimula na tayo ng pagkaklase.” ang sagot naman ni Bb.Maliksi
  • 20. Sa mga sandaling iyon, tila napahiya naman sa sarili si Buknoy. Natulala siya sa kaniyang kinauupuan. Naisip niya ang kalagayan ng kaniyang kaklaseng si Gido na malayo sa masarap na buhay na tinatamasa niya. Hindi naman sila mayaman pero alam niyang nakukuha niya ano man ang hilingin niya sa kaniyang mga magulang. Tulad na lang ng kinahuhumalingan niya ngayon na paggamit ng kompyuter dahil sa mga laro tulad ng Dota.
  • 21. Dahil sa nangyari nang araw na iyon, pinilit ni Buknoy na pigilan ang sarili na magbabad sa paggamit ng kompyuter. Pagdating ng bahay ay ginawa niya muna ang kaniyang mga takdang- aralin. Pagkatapos maghapunan, naglaro lamang siya sa loob ng 30 na minuto. Bago matulog ay inihanda na niya ang mga gamit sa pagpasok. Siniguro niya na alas-9 ng gabi ay tulog na siya sapagkat alas-5 ng umaga kailangang gising na siya upang hindi mahuli sa klase ni Bb. Maliksi.
  • 22. Kinaumagahan, sa unang tunog pa lang ng kaniyang alarm clock ay dali-dali siyang bumangon. Hindi niya narinig ang maagang sermon ng kaniyang ina bagkus isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kaniya pagpasok niya ng kusina para mag-almusal. Mabilis siyang kumilos ngayon na tila nakikipag- unahan sa orasan. Maaga rin siyang umalis ng bahay.
  • 23. Sa gate ng paaralan ay nakasabay niyang pumasok si Bb. Maliksi. Malayo pa lang ay nakangiti na ito sa kaniya. Sa gate ng paaralan ay nakasabay niyang pumasok si Bb. Maliksi. Malayo pa lang ay nakangiti na ito sa kaniya. “Ang aga mo ngayon ah! Sana tuloy- tuloy na iyan…” wika nito sa kaniya sabay tapik sa kaniyang balikat. “Ang sarap pala sa pakiramdam na ngiti ang bubungad sa umaga ko at hindi ang sermon ni Nanay at ni Mam Maliksi.” ang naibulong ni Buknoy sa kaniyang kaibigan na si Bengie.
  • 24. Alamin Mo Sagutin ang mga tanong matapos mapakinggan ang kuwentong babasahin ng guro. 1. Ano ang dahilan sa pagiging huli sa klase ni Buknoy? 2. Anong dahilan ng pagbabago ni Buknoy? 3. Bakit nahiya sa kaniyang sarili si Buknoy?
  • 25. 4. Sa iyong palagay, naipagpapatuloy pa ba ni Buknoy ang kaniyang maling gawi? 5. Anong pangyayari sa iyong buhay ang maaari mong iugnay sa kuwento? 6. Sa paanong paraan magiging ganap ang pagbabago ni Buknoy?
  • 26. Gawin Ninyo Isalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng sumusunod:
  • 27. Gawin Mo Bumuo ng sariling timeline na nagpapakita ng iyong gawi o routine upang hindi mahuli sa pagpasok sa klase.
  • 28. Isaisip Mo Isipin mo na ikaw ang konsensiya ni Buknoy, kaharap mo siya ngayon. Ano ang sasabihin mo sa kaniya upang hindi siya lagi mahuli sa klase?
  • 29. Isapuso Mo Daig nang maagap ang taong masipag. Isulat Mo Sumulat ng isang panata ng pagbabago.