SlideShare a Scribd company logo
1 of 19
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.1
Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng
kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat EsP8PB-IIIa-9.1
Natutukoy ang kahulugan ng pasasalamat.
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9, p. 227-255
Ang pasasamalat sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na
gratus (nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).
Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy ng pagsasagawa hanggang
ito ay maging birtud. Ayon nga kay Aesop, “Gratitude is the sign of noble souls.” Ayon kay
Santo Tomas de Aquino,may tatlong antas ng pasasalamat:pagkilala sa kabutihang ginawa ng
kapwa,pagpapasalamat at pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.
PAGSASANAY:
1. Ano, para sa iyo, ang pasasalamat?
2. Bakit mahalaga na maisabuhay mo ang birtud na pasasalamat?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.2
Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng
pasasalamat o kawalan nito– EsP8PB-IIIa-9.2
Naipaliliwanag ang sitwasyong nagpapakita ng pasasalamat
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9 pp.227-255
Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naipakikita ito sa
utang –na-loob. Nangyayari ang utang-na-loob sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng
iyong kapwa. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J.,ang utang-na-loob ay lumalalim kapag ang
tumanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding
pananagutang mahirap tumbasan lalo na sa panahon ng kagipitan. Ang pagtanaw sa
mabuting kalooban ng ibang tao ay maaaring matumbasan ng pagganti rin ng mabuting
kalooban sa iba pang tao bukod sa pinagkakautangan ng loob.
Ngunit ang utang-na-loob minsan ay nagagamit din ng ilang tao sa maling paraan o
pag-aabuso.Tuwing halalan, may mga kandidato na kusang tumutulong sa mga taong
nangangailangan. Nais ipakita ng mga kandidato na sila ay matulungin,mabait at
nararapat iboto sa eleksyon. Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, ihahalal ng mga taong
natulungan ang mga kandidato kahit na hindi karapat-dapat na maging opisyal ng
pamahalaan.
PAGSASANAY:
Basahing mabuti ang sitwasyon at ipaliwanag ang iyong paraan ng pasasalamat.
Sitwasyon Biyayang Natanggap Paraan ng Pasasalamat
Binigyan ka ng iyong
kaklase ng snacks
dahil alam niyang
nagugutom ka.
Isinauli ang iyong
perang nawala
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg. 3
Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao
ay nagmula sa Diyos. EsP8PB-IIIb-9.3
Naipakikita ang mga paraan ng pasasalamat sa maraming bagay
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9 pp. 227-255
Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Ito ay ang pagkilala
at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng matinding
pangangailangan.
Samakatuwid, ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong
pinagkakautangan ng loob, maaari ding ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng mabuti sa ibang tao. Dahil sa naranasan
mong kabutihan mula sa ibang tao, nagkakaroon ka rin ng paghahangad na ipakita ang
kabutihang ito sa taong iba sa tumulong sa iyo.
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang
pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula sa
kapwa. Isang mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil kinikilala
mo na hindi lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil lamang sa sarili
mong kakayahan o pagsisikap. Mahalaga na marunong kang magpakumbaba, at kilalanin
mo na sa tulong ng ibang tao ikaw ay naging matagumpay.
Pagsasanay:
1. Dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan?
Pangatwiran.
2. Kung ikaw ay makatanggap ng maraming biyaya, paano mo maipakita ang
pasasalamat sa taong nagbigay?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.4
Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat.-EsP8PB-IIIb-9.4
Nakapagbibigay ng mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9, pp. 227-255
Samakatuwid, ang pasasalamat ay humuhubog sa emosyonal at ispiritwal na
pagkatao sa pamamagitan ng pagtuon sa mga pagpapalang natatanggap mula sa Diyos.
Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat:
1. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan
4. Magpasalamat sa bawat araw
5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam
6. Gumawa ng kabutihang loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit
7. Magbigay ng munti o simpleng regalo
Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng
kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob. Kinikilala mo ang kaniyang
pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo lalo na sa oras ng kagipitan.
Pagsasanay:
1. Alin sa mga paraang ito ang nagawa mo na sa mga taong gumawa sa iyo ng
kabutihan? Pangatwiranan.
2. Dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan?
Pangatwiranan.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg. 5
Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan
ng katarungan at pagmamahal. –EsP8PB-IIIc-10.1
Maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp. 256-287
(http://www.ehow.com/info_12004304_5-ways-respect-parents.html
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng
paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa halaga. Sa Bibliya: 1 Pedro 2:17
Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay
“paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan
ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay.
Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay maipakikita sa pamamagitan ng sumusunod:
1.Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon
2.Paggalang sa kanilang mga kagamitan
3.Pagtupad sa itinakdang oras
4.Pagiging maalalahanin
5.Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal
PAGSASANAY:
1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang? At paano ito maipakikita?
2. Ano ang dapat mong gawin kung ang ipinag-uutos sa iyo ng iyong magulang ay
nagdudulot sa iyo ng pag – aalinlangan? Pangatwiranan.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.6
Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa
magulang,nakatatanda at may awtoridad EsP8PB – IIIc-10.2
Naipaliliwanag ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa
magulang,nakatatanda at may awtoridad
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp. 256-287
Panoorin ang pelikulang “Anak” (Star Cinema, 2000) sa gabay ng inyong guro.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.
Mga Tanong:
1.Ano-ano ang paglabag sa paggalang at pagsunod ang ipinakita sa pelikula? Bakit kaya
nangyari ang mga bagay na ito? Ipaliwanag.
2.Sa iyong palagay, tama ba ang ipinakitang pagrerebelde ni Carla? Pangatwiran.
3.Ano ang naging resulta ng mga paglabag na ginawa ni Carla sa mga tagubilin ng
kaniyang ina?
4.Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Carla kung ikaw ang nasa sitwasyon niya?Ipaliwanag.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.7
Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga
magulang,nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal,sa
malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na
hubugin,bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan.
EsP8PB – IIId-10.3
Naipakikita ang mga dapat gawin na pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp. 256-287
Ang isang pamilyang nagpapahalaga sa katarungan, pagmamahal at pagmamalasakit sa
kapwa, at namamalas ang pagsasabuhay ng batas ng malayang pagbibigay o ‘law of free
giving,’ kakikitaan ng kapayapaan at lalim ng unawa ang ugnayan ng bawat kasapi.
Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na uri at
antas ng komunikasyon. Maging ang mga isyu ng pananakit at pang-aagrabyado ng kapwa ay
malayong gawin mo, bilang pagsunod sa Gintong Aral o “Golden Rule” at mga utos ng magulang
mo, tulad ng ‘huwag kang makipag-away’, ‘huwag kang manakit ng kapwa’ at ‘makitungo ka nang
maayos sa iyong kapwa’. Mahalagang tandaan ng bawat isa ang isinasaad ng Gintong Aral:
Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili.
PANGKATANG GAWAIN:
“Paint Me a Picture”
1. Hatiin ang klase sa apat grupo.
2. Kailangang maipakikita sa bawat pangkat ang paggalang at pagsunod sa mga magulang
nakatatanda at may awtoridad sa pamamagitan ng “paint me a picture”.
2. Isaalang-alang ang rubric sa ibaba.
Rubric sa Paint Me A Picture
Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangkat
Paksa/Kaisipan
Walang
mainam na
kaisipang
naipakita
tungkol sa
paksa.
May naipakita
na 2 hanggang
3 kaisipan
tungkol sa
paksa.
Lubhang
malinaw at
maayos ang
kaisipang
naipakita. May
4 o higit pang
kaisipan ang
naipakita
tungkol sa
paksa.
Tiwala sa Sarili Hindi maayos
ang
pagpresenta
Hindi
naipakita ng
maayos dahil
naipabatid
nang kaunti
ang layunin ng
paksa.
Lubusang
naipakita nang
malinaw at
naipabatid ang
katanggap-
tanggap na
layunin ng
paksa.
Kabuuang
Puntos
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.8
Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga
magulang,nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa
kabataan na maipamalas ang mga ito.EsP8PB – IIId-10.4
Nakapagpapahayag ng angkop na kilos na nakaimpluwensiya sa kapwa
kabataan na maipamalas ang mga ito
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp.256-287
PAGSASANAY:
A. Mag –isip ng dalawang sitwasyon sa buhay na naipahayag ninyo ang angkop na kilos na
nakaimpluwensiya sa kapwa kabataan. Isulat sa kahon sa ibaba.
SITWASYON ANGKOP NA KILOS
B. Batay sa sitwasyon, paano mo ito nagagawa?
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.9
Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Nailalahad ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa.EsP8PB –IIIe-11.1
Nakapagbibigay ng sariling kahulugan at opinion gamit ang graphic
organizer sa salitang kabutihan
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, p.290-312
Ang buhay dito sa mundo ay masasabing walang katiyakan. Kaya nararapat na gawin ng
tao ang kaniyang tungkulin habang naririto siya sa mundong ibabaw. Isa na sa kaniyang moral
na tungkulin ay ang pagpapamalas ng kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa.
Ang salitang kabutihan o kagandahang – loob ay magkasingkahulugan. Ang una ay hango
sa salitang-ugat na buti na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan. Ang
kagandahang-loob naman ay hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob. Ang loob ay
tumutukoy sa inner self o real self. Ang inner o real self na tinatawag ay ang kakayahan ng
tao. Dito sa inner self na ito naroon ang tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao. At ayon sa
ilang may – akda, ang lahat ng mga pagpapahalaga at birtud ng tao ay bumubukal sa kabutihan
o kagandahang-loob.
PAGSASANAY:
Gamit ang graphic organizer sa ibaba, bigyan ng sariling kahulugan ang salita na sa
gitna.
KABUTIHAN
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.10
Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Natutukoy ang mga pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao at nilalang
na maaaring tugunan ng mga kabataan.EsP8PB – IIIe-11.2
Naipaliliwanag na ang kaligayahan, kabutihan, o kagandahang-loob ang
dapat tugunan ng mga kabataan
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, p.290-312
Binigyang – lalim ni Aristoteles, isang Griyegong pilosopo ang naisaad na
kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob. Bago niya pinalawig ang tungkol sa kaligayahan,
binigyang-diin niya kung ano ang pagpapakatao. Ayon sa kaniya, hindi ang pagsunod sa mga
iniidolo nakasalig ang pagiging tao ng tao. Ang pagpapakatao ay nag-uugat sa kalikasan niyang
magpakatao at ang pagkilos na may layunin (telos).
Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang
kaligayahan.
Pagsasanay:
Panuto:
1.Mag-isip ng isang sitwasyon kung paano mo natugunan ang kaligayahan,kabutihan,o
kagandahang-loob bilang isang miyembro ng kabataan
2.Ipaliwanag ang sitwasyon at isulat sa kahon sa ibaba
KALIGAYAHAN KABUTIHAN KAGANDAHANG-LOOB
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.11
Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para
sa kapwa at makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba.EsP8PB –
IIIf-11.3
Naipakikita ang tunay na gawaing kaaya-aya na nakapagbigay
inspirasyon na tularan ng iba.
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, pp.290-312
PAGSASANAY:
1. Anu-ano ang mga katangiang ipinapakita Blessed Papa Juan Pablo II sa kuwento?
2. Ipinapakita ba ang tunay na gawaing kaaya-aya? Pangatwiranan.
Isang magandang halimbawa ay si Blessed Papa Juan Pablo II. Noong siya ay nabubuhay pa,
isang Turkish National, si Mehmet Ali Agca, ang naglagay ng buhay niya sa bingit ng
kamatayan. Binaril ni Mehmet at nagtamo ang Santo Papa ng apat na tama ng baril-dalawa sa
kanyang bituka, isa sa kanang braso at sa kaniyang kaliwang kamay. Matapos ang
pagpapagaling ng Santo Papa ay nakuha pang dalawin, kausapin, at gawaran ng kapatawaran si
Mehmet sa nagawa niya.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.12
Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing
tumutugon sa pangangailangan ng kapwa.EsP8PB – IIIf-11.4
Nakapagpapatupad ng isang programang nagpapakita ng mabuting
gawain sa kapwa.
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, pp.290-312
PANGKATANG GAWAIN!
1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
2. Bawat pangkat ay gagawa ng isang programa kung saan makikita ang mabuting
ginawa sa kapwa . Ang programang napili ay ipapatupad sa itinatakdang panahon at
isasagawa ang ebalwasyon ng guro pagkatapos ng programa.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.13
Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan.EsP8PB – IIIg-12.1
Nakapagbibigay ng sariling kahulugan at halimbawa ng salitang
katapatan
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 p.314-333
Marahil dapat maunawaan ng bawat isa, gaano ba kahalaga ang mamuhay para sa
katotohanan? Sa ganitong paraan, mas magiging madaling ipaunawa na mayroong kabuluhan
ang pakikipaglaban para sa katotohanan, upang panindigan ang katapatan sa kaniyang salita at
higit sa lahat sa gawa. Narito ang walong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.Ang
pagsasabi ng totoo:
1.Ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari
2.Ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o maparusahan
3.Ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari
4.Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa
5.Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang
mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento
6.Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan
7.Ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban
PAGSASANAY:
Gamit ang mind-mapping, magbigay ng sariling kahulugan at halimbawa ng salitang
katapatan. Sundin ang nasa ibaba.
KATAPATAN
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.14
Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa
katapatan.EsP8PB – IIIg-12.2
Naipaliliwanag ang mga umiiral na paglabag sa katapatan.
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 pp. 314-333
Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas na
inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Anumang uri ng
pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan. Ayon sa isang artikulo mula sa
internet ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pagsisinungaling.
1.Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying)
2.Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,masisi,o maparusahan
(Self-enhancement Lying)
3.Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish
Lying)
4.Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying)
PAGSASANAY:
1. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa
katapatan?
2. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang kasinungalingan?
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.15
Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Naipaliliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay
ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na
konsensiya.EsP8PB – IIIh-12.3
Nakasusulat ng isang sanaysay.
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 pp.314-333
Ang bawat tao ay nararapat na magtaglay ng mataas na pamantayang moral para sa
kaniyang sarili at maging tapat sa kanyang salita at gawa. Maaaring madaling sabihin ngunit
mahirap na ganap na maisabuhay. Ganoon naman talaga ang buhay, hindi mo basta makakamit
ang ganap na kabutihan nang hindi ka nagsasakripisyo para sa isang bagay na nais mong
makamit.
Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man ito o
maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan.
PAGSASANAY:
Sumulat ng isang sanaysay, gamit ang pamagat sa ibaba.
AKO BILANG ISANG TAONG TAPAT SA SALITA AT GAWA
_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
Ikatlong Markahan
Gawain Blg.16
Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa
Kasanayang
Pampagkatuto:
Layunin:
Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa
salita at gawa.EsP8PB – IIIh-12.4
Nakagagawa ng isang Truth Log
Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 pp. 314 - 333
INDIBIDWAL NA GAWAIN:
Panuto:
1. Gumawa ng isang truth log,hahatiin mo ito sa dalawang bahagi na maglalaman ng iba’t
ibang kuwento ng katapatan
2. Sa unang bahagi, itala ang iyong sariling kuwento ng katapatan sa salita at sa gawa sa
bawat araw. Kailangan mong ilahad ang detalye ng kuwento at ang iyong damdamin
dahil sa iyong naging karanasan.
3. Sa ikalawang bahagi magtala ng kuwento ng katapatan na iyong naobserbahan mula sa
kapwa mag-aaral, kaibigan, o kapamilya. Maaari ding magtala ng mga karanasan kung
saan nasaksihan ang kawalan ng katapatan ng iba at iyong isalaysay ang iyong naging
damdamin dito.
4. Gawin ang gawaing ito sa loob ng isang linggo.
5. Gumawa ng pagninilay matapos ang isang linggo batay sa ginawang Truth Log

More Related Content

Similar to ESP83RDQUARTER lonAdhaigdagdadasdas.docx

Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaPagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaMartinGeraldine
 
ESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdf
ESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdfESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdf
ESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdfmarshaevangelista
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterJocelFrancisco2
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawJenny Rose Basa
 
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfEsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfIreneSantos71
 
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng PamilyaModyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng PamilyaLUDIVINABAUTISTA
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEPRINTDESK by Dan
 
ESP Grade 10, Modules 9 and 10
ESP Grade 10, Modules 9 and 10ESP Grade 10, Modules 9 and 10
ESP Grade 10, Modules 9 and 10Francis Hernandez
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfRoyAndrada1
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaRodel Sinamban
 
g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...
g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...
g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...PantzPastor
 
g8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.ppt
g8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.pptg8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.ppt
g8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.pptPantzPastor
 
modyul-10-esp-8-discussion.pptx
modyul-10-esp-8-discussion.pptxmodyul-10-esp-8-discussion.pptx
modyul-10-esp-8-discussion.pptxRONBARRIENTOS2
 

Similar to ESP83RDQUARTER lonAdhaigdagdadasdas.docx (20)

Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng ibaPagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
Pagpapahalaga at pagpapasalamat sa kabutihan ng iba
 
EsP8week1.pptx
EsP8week1.pptxEsP8week1.pptx
EsP8week1.pptx
 
ESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdf
ESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdfESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdf
ESP KO 2 PASASALAMAT SA DIYOS.pdf
 
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang KwarterEsp 8 week 3 Unang Kwarter
Esp 8 week 3 Unang Kwarter
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
 
Modyul 9
Modyul 9Modyul 9
Modyul 9
 
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdfEsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf
 
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng PamilyaModyul 2 ESP  Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
Modyul 2 ESP Pagpapaunlad sa Pag-aaral at Pananampalataya ng Pamilya
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Quarter 3-a).pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao  8 Quarter 3-a).pptxEdukasyon sa Pagpapakatao  8 Quarter 3-a).pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Quarter 3-a).pptx
 
ESP-NEXT LESSON (1).pptx
ESP-NEXT LESSON (1).pptxESP-NEXT LESSON (1).pptx
ESP-NEXT LESSON (1).pptx
 
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULEESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
ESP GRADE 10 LEARNER'S MODULE
 
ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10ESP Module Grade 10
ESP Module Grade 10
 
Lm esp grade10
Lm esp grade10Lm esp grade10
Lm esp grade10
 
ESP Grade 10, Modules 9 and 10
ESP Grade 10, Modules 9 and 10ESP Grade 10, Modules 9 and 10
ESP Grade 10, Modules 9 and 10
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
 
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwaG8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
G8 esp pasasalamat sa ginawang kabutihan ng kapwa
 
module 2.ppt
module 2.pptmodule 2.ppt
module 2.ppt
 
g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...
g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...
g8esppasasalamatsaginawang,mnbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbbkabut...
 
g8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.ppt
g8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.pptg8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.ppt
g8esppasasalamatsaginawangkabutihanngkapwa-200721021527.ppt
 
modyul-10-esp-8-discussion.pptx
modyul-10-esp-8-discussion.pptxmodyul-10-esp-8-discussion.pptx
modyul-10-esp-8-discussion.pptx
 

More from mjaynelogrono21

1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptx
1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptx1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptx
1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptxmjaynelogrono21
 
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnxSIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnxmjaynelogrono21
 
DLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhg
DLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhgDLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhg
DLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhgmjaynelogrono21
 
DLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhak
DLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhakDLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhak
DLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhakmjaynelogrono21
 
Differentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDB
Differentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDBDifferentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDB
Differentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDBmjaynelogrono21
 
PAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptx
PAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptxPAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptx
PAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptxmjaynelogrono21
 
Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....
Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....
Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....mjaynelogrono21
 
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at Damdamin
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at DamdaminMga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at Damdamin
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at Damdaminmjaynelogrono21
 

More from mjaynelogrono21 (8)

1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptx
1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptx1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptx
1.b-Certificate-awardees-closing-grades-1-5-academic.pptx
 
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnxSIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
SIM ELOI.pptx gjkhdnjdbjvhfmnkmcnjdbbnxnx
 
DLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhg
DLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhgDLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhg
DLP Presentation [FESPA] Full.pptxjhkkmhg
 
DLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhak
DLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhakDLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhak
DLP Preliminary.pptx gknhkmjughnfjdb mdzhak
 
Differentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDB
Differentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDBDifferentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDB
Differentiated-Instruction4-v2.pptxHSJDB
 
PAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptx
PAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptxPAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptx
PAGSASANAY tekstong persweyseb.......pptx
 
Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....
Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....
Pagsulat ng Rebyu ng isang pelikula.....
 
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at Damdamin
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at DamdaminMga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at Damdamin
Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Layon at Damdamin
 

Recently uploaded

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNRenzlorezo
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxlaranangeva7
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 

Recently uploaded (20)

Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNNPagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
Pagbasa at Pagsusuri 2.1.pdfNNNNNNNNNNNN
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
FILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptxFILIPINO-GROUP-1-2-KABANATA 3-4.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 

ESP83RDQUARTER lonAdhaigdagdadasdas.docx

  • 1. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.1 Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat EsP8PB-IIIa-9.1 Natutukoy ang kahulugan ng pasasalamat. Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9, p. 227-255 Ang pasasamalat sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang Latin na gratus (nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad). Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy ng pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud. Ayon nga kay Aesop, “Gratitude is the sign of noble souls.” Ayon kay Santo Tomas de Aquino,may tatlong antas ng pasasalamat:pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa,pagpapasalamat at pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya. PAGSASANAY: 1. Ano, para sa iyo, ang pasasalamat? 2. Bakit mahalaga na maisabuhay mo ang birtud na pasasalamat?
  • 2. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.2 Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o kawalan nito– EsP8PB-IIIa-9.2 Naipaliliwanag ang sitwasyong nagpapakita ng pasasalamat Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9 pp.227-255 Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naipakikita ito sa utang –na-loob. Nangyayari ang utang-na-loob sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J.,ang utang-na-loob ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo na sa panahon ng kagipitan. Ang pagtanaw sa mabuting kalooban ng ibang tao ay maaaring matumbasan ng pagganti rin ng mabuting kalooban sa iba pang tao bukod sa pinagkakautangan ng loob. Ngunit ang utang-na-loob minsan ay nagagamit din ng ilang tao sa maling paraan o pag-aabuso.Tuwing halalan, may mga kandidato na kusang tumutulong sa mga taong nangangailangan. Nais ipakita ng mga kandidato na sila ay matulungin,mabait at nararapat iboto sa eleksyon. Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, ihahalal ng mga taong natulungan ang mga kandidato kahit na hindi karapat-dapat na maging opisyal ng pamahalaan. PAGSASANAY: Basahing mabuti ang sitwasyon at ipaliwanag ang iyong paraan ng pasasalamat. Sitwasyon Biyayang Natanggap Paraan ng Pasasalamat Binigyan ka ng iyong kaklase ng snacks dahil alam niyang nagugutom ka. Isinauli ang iyong perang nawala
  • 3. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg. 3 Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Napatutunayan na ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay nagmula sa Diyos. EsP8PB-IIIb-9.3 Naipakikita ang mga paraan ng pasasalamat sa maraming bagay Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9 pp. 227-255 Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Ito ay ang pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng matinding pangangailangan. Samakatuwid, ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautangan ng loob, maaari ding ituon ang pasasalamat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting puso at paggawa ng mabuti sa ibang tao. Dahil sa naranasan mong kabutihan mula sa ibang tao, nagkakaroon ka rin ng paghahangad na ipakita ang kabutihang ito sa taong iba sa tumulong sa iyo. Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula sa kapwa. Isang mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil kinikilala mo na hindi lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil lamang sa sarili mong kakayahan o pagsisikap. Mahalaga na marunong kang magpakumbaba, at kilalanin mo na sa tulong ng ibang tao ikaw ay naging matagumpay. Pagsasanay: 1. Dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan? Pangatwiran. 2. Kung ikaw ay makatanggap ng maraming biyaya, paano mo maipakita ang pasasalamat sa taong nagbigay?
  • 4. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.4 Pamagat/Paksa: Pasasalamat sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pasasalamat.-EsP8PB-IIIb-9.4 Nakapagbibigay ng mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 9, pp. 227-255 Samakatuwid, ang pasasalamat ay humuhubog sa emosyonal at ispiritwal na pagkatao sa pamamagitan ng pagtuon sa mga pagpapalang natatanggap mula sa Diyos. Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat: 1. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat 2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan 3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan 4. Magpasalamat sa bawat araw 5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam 6. Gumawa ng kabutihang loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit 7. Magbigay ng munti o simpleng regalo Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob. Kinikilala mo ang kaniyang pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo lalo na sa oras ng kagipitan. Pagsasanay: 1. Alin sa mga paraang ito ang nagawa mo na sa mga taong gumawa sa iyo ng kabutihan? Pangatwiranan. 2. Dapat bang magpasalamat sa taong nakagawa sa iyo ng kabutihan? Pangatwiranan.
  • 5. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg. 5 Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Nakikilala ang mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal. –EsP8PB-IIIc-10.1 Maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga magulang Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp. 256-287 (http://www.ehow.com/info_12004304_5-ways-respect-parents.html Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagpapatibay sa kahalagahan ng paggalang. Nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa halaga. Sa Bibliya: 1 Pedro 2:17 Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig sabihin ay “paglingon o pagtinging muli,” na ang ibig sabihin ay naipakikita ang paggalang sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay maipakikita sa pamamagitan ng sumusunod: 1.Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon 2.Paggalang sa kanilang mga kagamitan 3.Pagtupad sa itinakdang oras 4.Pagiging maalalahanin 5.Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal PAGSASANAY: 1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang? At paano ito maipakikita? 2. Ano ang dapat mong gawin kung ang ipinag-uutos sa iyo ng iyong magulang ay nagdudulot sa iyo ng pag – aalinlangan? Pangatwiranan.
  • 6. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.6 Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang,nakatatanda at may awtoridad EsP8PB – IIIc-10.2 Naipaliliwanag ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang,nakatatanda at may awtoridad Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp. 256-287 Panoorin ang pelikulang “Anak” (Star Cinema, 2000) sa gabay ng inyong guro. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Mga Tanong: 1.Ano-ano ang paglabag sa paggalang at pagsunod ang ipinakita sa pelikula? Bakit kaya nangyari ang mga bagay na ito? Ipaliwanag. 2.Sa iyong palagay, tama ba ang ipinakitang pagrerebelde ni Carla? Pangatwiran. 3.Ano ang naging resulta ng mga paglabag na ginawa ni Carla sa mga tagubilin ng kaniyang ina? 4.Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Carla kung ikaw ang nasa sitwasyon niya?Ipaliwanag.
  • 7. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.7 Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang,nakatatanda at may awtoridad dahil sa pagmamahal,sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin,bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan. EsP8PB – IIId-10.3 Naipakikita ang mga dapat gawin na pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda at may awtoridad Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp. 256-287 Ang isang pamilyang nagpapahalaga sa katarungan, pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa, at namamalas ang pagsasabuhay ng batas ng malayang pagbibigay o ‘law of free giving,’ kakikitaan ng kapayapaan at lalim ng unawa ang ugnayan ng bawat kasapi. Maipakikita rin ang paggalang sa pamamagitan nang nararapat at naaayon na uri at antas ng komunikasyon. Maging ang mga isyu ng pananakit at pang-aagrabyado ng kapwa ay malayong gawin mo, bilang pagsunod sa Gintong Aral o “Golden Rule” at mga utos ng magulang mo, tulad ng ‘huwag kang makipag-away’, ‘huwag kang manakit ng kapwa’ at ‘makitungo ka nang maayos sa iyong kapwa’. Mahalagang tandaan ng bawat isa ang isinasaad ng Gintong Aral: Anuman ang gawin mo sa iyong kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. PANGKATANG GAWAIN: “Paint Me a Picture” 1. Hatiin ang klase sa apat grupo. 2. Kailangang maipakikita sa bawat pangkat ang paggalang at pagsunod sa mga magulang nakatatanda at may awtoridad sa pamamagitan ng “paint me a picture”. 2. Isaalang-alang ang rubric sa ibaba.
  • 8. Rubric sa Paint Me A Picture Pamantayan 1 2 3 Sarili Pangkat Paksa/Kaisipan Walang mainam na kaisipang naipakita tungkol sa paksa. May naipakita na 2 hanggang 3 kaisipan tungkol sa paksa. Lubhang malinaw at maayos ang kaisipang naipakita. May 4 o higit pang kaisipan ang naipakita tungkol sa paksa. Tiwala sa Sarili Hindi maayos ang pagpresenta Hindi naipakita ng maayos dahil naipabatid nang kaunti ang layunin ng paksa. Lubusang naipakita nang malinaw at naipabatid ang katanggap- tanggap na layunin ng paksa. Kabuuang Puntos
  • 9. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.8 Pamagat/Paksa: Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang,Nakatatanda at may Awtoridad Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang,nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito.EsP8PB – IIId-10.4 Nakapagpapahayag ng angkop na kilos na nakaimpluwensiya sa kapwa kabataan na maipamalas ang mga ito Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 10, pp.256-287 PAGSASANAY: A. Mag –isip ng dalawang sitwasyon sa buhay na naipahayag ninyo ang angkop na kilos na nakaimpluwensiya sa kapwa kabataan. Isulat sa kahon sa ibaba. SITWASYON ANGKOP NA KILOS B. Batay sa sitwasyon, paano mo ito nagagawa? _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________
  • 10. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.9 Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Nailalahad ang mga kabutihang ginawa niya sa kapwa.EsP8PB –IIIe-11.1 Nakapagbibigay ng sariling kahulugan at opinion gamit ang graphic organizer sa salitang kabutihan Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, p.290-312 Ang buhay dito sa mundo ay masasabing walang katiyakan. Kaya nararapat na gawin ng tao ang kaniyang tungkulin habang naririto siya sa mundong ibabaw. Isa na sa kaniyang moral na tungkulin ay ang pagpapamalas ng kabutihan o kagandahang-loob sa kapwa. Ang salitang kabutihan o kagandahang – loob ay magkasingkahulugan. Ang una ay hango sa salitang-ugat na buti na nangangahulugang kaaya-aya, kaayusan, at kabaitan. Ang kagandahang-loob naman ay hango sa dalawang payak na salita na ganda at loob. Ang loob ay tumutukoy sa inner self o real self. Ang inner o real self na tinatawag ay ang kakayahan ng tao. Dito sa inner self na ito naroon ang tunay na kahalagahan o silbi ng isang tao. At ayon sa ilang may – akda, ang lahat ng mga pagpapahalaga at birtud ng tao ay bumubukal sa kabutihan o kagandahang-loob. PAGSASANAY: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, bigyan ng sariling kahulugan ang salita na sa gitna. KABUTIHAN
  • 11. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.10 Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Natutukoy ang mga pangangailangan ng iba’t ibang uri ng tao at nilalang na maaaring tugunan ng mga kabataan.EsP8PB – IIIe-11.2 Naipaliliwanag na ang kaligayahan, kabutihan, o kagandahang-loob ang dapat tugunan ng mga kabataan Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, p.290-312 Binigyang – lalim ni Aristoteles, isang Griyegong pilosopo ang naisaad na kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob. Bago niya pinalawig ang tungkol sa kaligayahan, binigyang-diin niya kung ano ang pagpapakatao. Ayon sa kaniya, hindi ang pagsunod sa mga iniidolo nakasalig ang pagiging tao ng tao. Ang pagpapakatao ay nag-uugat sa kalikasan niyang magpakatao at ang pagkilos na may layunin (telos). Para kay Aristoteles, ang “ultimate end” o huling layunin ng tao ay ang kaligayahan. Pagsasanay: Panuto: 1.Mag-isip ng isang sitwasyon kung paano mo natugunan ang kaligayahan,kabutihan,o kagandahang-loob bilang isang miyembro ng kabataan 2.Ipaliwanag ang sitwasyon at isulat sa kahon sa ibaba KALIGAYAHAN KABUTIHAN KAGANDAHANG-LOOB
  • 12. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.11 Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba.EsP8PB – IIIf-11.3 Naipakikita ang tunay na gawaing kaaya-aya na nakapagbigay inspirasyon na tularan ng iba. Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, pp.290-312 PAGSASANAY: 1. Anu-ano ang mga katangiang ipinapakita Blessed Papa Juan Pablo II sa kuwento? 2. Ipinapakita ba ang tunay na gawaing kaaya-aya? Pangatwiranan. Isang magandang halimbawa ay si Blessed Papa Juan Pablo II. Noong siya ay nabubuhay pa, isang Turkish National, si Mehmet Ali Agca, ang naglagay ng buhay niya sa bingit ng kamatayan. Binaril ni Mehmet at nagtamo ang Santo Papa ng apat na tama ng baril-dalawa sa kanyang bituka, isa sa kanang braso at sa kaniyang kaliwang kamay. Matapos ang pagpapagaling ng Santo Papa ay nakuha pang dalawin, kausapin, at gawaran ng kapatawaran si Mehmet sa nagawa niya.
  • 13. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.12 Pamagat/Paksa: Paggawa ng Mabuti sa Kapwa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa isang mabuting gawaing tumutugon sa pangangailangan ng kapwa.EsP8PB – IIIf-11.4 Nakapagpapatupad ng isang programang nagpapakita ng mabuting gawain sa kapwa. Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 11, pp.290-312 PANGKATANG GAWAIN! 1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. 2. Bawat pangkat ay gagawa ng isang programa kung saan makikita ang mabuting ginawa sa kapwa . Ang programang napili ay ipapatupad sa itinatakdang panahon at isasagawa ang ebalwasyon ng guro pagkatapos ng programa.
  • 14. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Ikatlong Markahan Gawain Blg.13 Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Nakikilala ang kahalagahan ng katapatan.EsP8PB – IIIg-12.1 Nakapagbibigay ng sariling kahulugan at halimbawa ng salitang katapatan Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 p.314-333 Marahil dapat maunawaan ng bawat isa, gaano ba kahalaga ang mamuhay para sa katotohanan? Sa ganitong paraan, mas magiging madaling ipaunawa na mayroong kabuluhan ang pakikipaglaban para sa katotohanan, upang panindigan ang katapatan sa kaniyang salita at higit sa lahat sa gawa. Narito ang walong pinakamahalagang dahilan sa pagsasabi ng totoo.Ang pagsasabi ng totoo: 1.Ang natatanging paraan upang malaman ng lahat ang tunay na mga pangyayari 2.Ang magsisilbing proteksyon para sa mga inosenteng tao upang masisi o maparusahan 3.Ang magtutulak sa tao upang matuto ng aral sa mga pangyayari 4.Mas magtitiwala sa iyo ang iyong kapwa 5.Hindi mo na kinakailangang lumikha pa ng maraming kasinungalingan para lamang mapanindigan ang iyong nilikhang kuwento 6.Inaani mo ang reputasyon bilang isang taong yumayakap sa katotohanan 7.Ang magtutulak sa iyo upang makaramdam ng seguridad at kapayapaan ng kalooban PAGSASANAY: Gamit ang mind-mapping, magbigay ng sariling kahulugan at halimbawa ng salitang katapatan. Sundin ang nasa ibaba.
  • 16. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.14 Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Nasusuri ang mga umiiral na paglabag ng mga kabataan sa katapatan.EsP8PB – IIIg-12.2 Naipaliliwanag ang mga umiiral na paglabag sa katapatan. Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 pp. 314-333 Ang salita ng tao na tumutulong sa atin upang maging ganap ay ginagamit at madalas na inaabuso; ang pagsisinungaling ay isang paraan ng pag-abuso rito. Anumang uri ng pagsisinungaling ay kalaban ng katotohanan at katapatan. Ayon sa isang artikulo mula sa internet ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pagsisinungaling. 1.Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying) 2.Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,masisi,o maparusahan (Self-enhancement Lying) 3.Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying) 4.Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial Lying) PAGSASANAY: 1. Bakit may mga pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan? 2. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang kasinungalingan?
  • 17.
  • 18. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.15 Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Naipaliliwanag na ang pagiging tapat sa salita at gawa ay pagpapatunay ng pagkakaroon ng komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensiya.EsP8PB – IIIh-12.3 Nakasusulat ng isang sanaysay. Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 pp.314-333 Ang bawat tao ay nararapat na magtaglay ng mataas na pamantayang moral para sa kaniyang sarili at maging tapat sa kanyang salita at gawa. Maaaring madaling sabihin ngunit mahirap na ganap na maisabuhay. Ganoon naman talaga ang buhay, hindi mo basta makakamit ang ganap na kabutihan nang hindi ka nagsasakripisyo para sa isang bagay na nais mong makamit. Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa, malaking bagay man ito o maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan. PAGSASANAY: Sumulat ng isang sanaysay, gamit ang pamagat sa ibaba. AKO BILANG ISANG TAONG TAPAT SA SALITA AT GAWA _______________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________
  • 19. Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VII, Central Visayas Division of Bohol Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Ikatlong Markahan Gawain Blg.16 Pamagat/Paksa: Katapatan sa Salita at Gawa Kasanayang Pampagkatuto: Layunin: Naisasagawa ang mga angkop na kilos sa pagsasabuhay ng katapatan sa salita at gawa.EsP8PB – IIIh-12.4 Nakagagawa ng isang Truth Log Sanggunian: (1) EsP 8 Modyul 12 pp. 314 - 333 INDIBIDWAL NA GAWAIN: Panuto: 1. Gumawa ng isang truth log,hahatiin mo ito sa dalawang bahagi na maglalaman ng iba’t ibang kuwento ng katapatan 2. Sa unang bahagi, itala ang iyong sariling kuwento ng katapatan sa salita at sa gawa sa bawat araw. Kailangan mong ilahad ang detalye ng kuwento at ang iyong damdamin dahil sa iyong naging karanasan. 3. Sa ikalawang bahagi magtala ng kuwento ng katapatan na iyong naobserbahan mula sa kapwa mag-aaral, kaibigan, o kapamilya. Maaari ding magtala ng mga karanasan kung saan nasaksihan ang kawalan ng katapatan ng iba at iyong isalaysay ang iyong naging damdamin dito. 4. Gawin ang gawaing ito sa loob ng isang linggo. 5. Gumawa ng pagninilay matapos ang isang linggo batay sa ginawang Truth Log