SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Download to read offline
1
Department of Education
Region III
DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO
Self-Instructional Packets (SIPacks)
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
IKATLONG MARKAHAN
UNANG LINGGO
https://www.freepik.com/free-photos-vectors/class-icon
Mungkahing Timeline sa Pagsagot ng SIPacks sa ESP
BAWAT LINGGO
Unang
Araw
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin
Alalahanin
Sagutan
B. Paghahabi ng layunin sa aralin
(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo?)
Basahin
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Sagutan
Ikalawang
Araw
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 (Paglinang ng Kaalaman,
Kakayahan at Pag-unawa)
Sagutan
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kaalaman #2 (Integration of GMRC)
Sagutan
Ikatlong
Araw
F. Paglinang ng Kabihasaan (Pagpapalalim)
Basahin at
Unawain
Ikaapat na
Araw
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
(Pagsasabuhay)
Sagutan
H. Paglalahat ng Aralin (Paghinuha ng Batayang
Konsepto)
Pag-isipan
Ikalimang
Araw
I. Pagtataya ng Aralin (Pagganap/Pagninilay) Sagutan
J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin
Sagutan ayon sa
pangangailangan
2
Sa mag-aaral:
Sa iyong pagbabasa, isaisip mo na ang SIPacks ay makapagbibigay ng dagdag-kaalaman at
impormasyon na ibibigay sa iyo bilang mag-aaral. Lilinangin din ng SIPacks na ito ang iyong
kasanayan na nakabatay sa Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto o MELCs.
May mga nakatakdang gawaing iyong sasagutin sa bawat pahina para sa isang linggong
aralin.
Para malubos ang paggamit sa SIPacks, isaalang-alang ang sumusunod na paalala:
1. Huwag mong madaliin ang pagbabasa.
2. Tiyakin na masagot mo ang lahat na itinakdang mga gawain sa bawat linggo.
3. PAKIUSAP: HUWAG SULATAN NG MGA SAGOT ANG MGA SIPacks. Ibabalik
sa paaralan ang mga ito pagkatapos ng markahan.
4. Isulat mo ang lahat ng iyong sagot sa ISANG BUONG PILAS NG PAPEL ng PAD
PAPER (one whole sheet) bilang SAGUTANG PAPEL (Answer Sheet)
5. Isulat ang mga sumusunod na impormasyon sa iyong SAGUTANG PAPEL bago
sumagot sa mga gawain.
a. Ang Iyong Buong Pangalan (mag-aaral) e. Bilang ng Kwarter
b. Ang Iyong Antas at Pangkat f. Linggo ng Pagsagot
c. Asignatura at Petsa ng Pagsagot
d. Pangalan ng Iyong Guro sa Nasabing Asignatura
g. Bilang ng Gawain, Pamagat at
Bilang ng mga Aytem
Narito ang isang halimbawang ilustrasyon ng mga panuto sa itaas:
Buong Pangalan: (Hal. Juan P. Dela Cruz) Asignatura: (Hal. ESP 8 )
Kwarter: (Hal. 1)
Antas at Pangkat:(Hal. 8 – Carnation 7) Pangalan ng Guro: (Hal. Gng. Sheena L Dizon)
Linggo ng Pagsagot: (Hal. Unang Linggo) Petsa ng Pagsagot (Hal. Marso 1-5, 2021)
Gawain Blng. ______
1.
2.
3.
4.
Gawain Blng: ________
1.
2.
3.
6. Tandaan mo na ang lahat ng mga gawain na iyong sasagutin ay makatutulong sa
iyong lubos na pagkatuto huwag kalimutang sagutin ang mga gawaing pang
summative dahil ito ang magsisilbi mong awtput.
7. Kapag nahihirapan o mayroong hindi maintindihan makipag-ugnayan sa iyong guro
sa EsP.
8. Higit sa lahat, ialay sa Panginoon ang lakas at talino na ibibigay mo sa pagsagot sa
mga araling ito.
3
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Ikatlong Markahan – Unang Linggo
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa
pasasalamat
B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standard)
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos sa isang pangkatang gawain
ng pasasalamat
C. Pamantayan sa Pagkatuto (MELC)
1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng
kapuwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat (EsP8PBIIIa9.1)
2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o
kawalan nito (EsP8PBIIIa9.2)
II. NILALAMAN
Paksa: Pagpapasalamat, Mahalagang Sangkap sa Pakikipagkapwa
Kaugnay na Pagpapahalaga: Pagpapakumbaba tanda ng pagiging
mapagpasalamat
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Regina Migon C. Bognot. Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikawalong Baitang Modyul
para sa Mag-aaral. Unang Edisyon. Vibal Publishing House, Inc. 2013
Twila G. Punsalan. Pagpapakatao (Batayang Aklat sa Edukasyon sa
Pagpapakatao). 1253 G. Araneta Avenue cor Maria Clara St., Quezon: Vibal
Group, Inc. 2018.
B. Iba pang Sanggunian
2012. Kahalgahan ng Pagpapakumbaba. October 31.
https://bakasngmgasinulat.wordpress.com/2012/10/31/kahalgahan-ng-
pagpapakumbaba/.
n.d. Mga Saksi ni Jehova - Opisyal na Website: JW.org.
https://www.jw.org/tl/library/magasin/gumising-blg5-2016-oktubr.
IV. PAMARAAN
A. Balik-aral sa Nakaraang aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin
(Ano ang inaasahang Maipamalas Mo?
4
Bahagi ng ating pagkatao ang marunong magpahalaga sa mga taong
nakagagawa sa atin ng kabutihan. Mahalagang isipin ang magandang nagagawa nito
sa sarili lalo na sa mga taong dapat paglaanan ng pasasalamat. Mahalaga ring
malaman ng tao kung kanino tunay na nagmumula ang mga biyayang natatanggap.
Bilang Pilipino, ang birtud na ito ay isa sa mga katangiang binibigyan ng lubos
na pagpapahalaga dahil kinikilala ang kabutihan ng kapwa lalo na sa oras ng
pangangailangan. Binibigyang-pansin ang mga biyayang natatanggap dahil sa
pagmamalasakit ng kapwa.
Ngunit paano mo naipakikita ang pagpapahalaga sa mga taong nagpakita sa
iyo ng kabutihang loob? Ang pasasalamat ba ay naipahahayag lang sa mga taong
gumawa sa iyo ng kabutihan? Ano ang isang halimbawa ng kawalan ng pasasalamat?
Gawain 1: Iba’t ibang wika ng pasasalamat!
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng mga wika ng pasasalamat.
Magbigay ng mga salita o mga ibang wika na ginagamit sa pagpapahayag ng
pasasalamat
1. Spanish (Gracias) 3.
2. 4.
B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin (Ano ang inaasahang Maipamalas Mo)
Sa SIPack na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
a. nakikilala ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa
at ang mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat;
b. nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat
o kawalan nito;
c. naisasagawa ang mga pamamaraan ng pagpapasalamat bilang mahalagang
sangkap sa pakikipagkapwa; at
d. napahahalagahan ang pagiging mapagpakumbaba bilang pagpapakita ng
pasasalamat sa kapwa.
Inaasahang sa pamamagitan ng mga pag-aaral mo sa SIPack na ito
maipaliliwanag ang sagot sa mahalagang tanong na: Ano ang kahalagahan ng
pagiging mapagpasalamat?
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
(Pagtuklas ng Dating Kaalaman)
Gawain 2: Gratitude Tsart
Panuto: Lagyan ng puso (♥) ang mga salita na makikita sa Gratitude Tsart na iyong
pinasasalamatan sa buhay. Isulat sa sagutang papel ang mga salita na nilagyan mo ng
puso.
5
Gratitude Tsart
PAGKAIN
LOLO AT
LOLA
KOMPYUTER MGA GURO
KAPATID
PAMILYA TITO AT TITA ATE AT KUYA TUBIG
LAPTOP
SAPATOS TSOKOLATE KAIBIGAN RELO
MGA DAMIT
TELEPONO PIZZA MILKTEA
PANGULO
NG
PILIPINAS
MGA LIDER
NG BANSA
MAGULANG KAMAG-ARAL PINSAN BAHAY
FRONTLINERS
Gabay na Tanong:
1. Bakit ang mga nilagyan mo ng puso ang iyong mga pinasasalamatan sa buhay?
2. Naipapakita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
(Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa)
Gawain 3: Salamat sa Iyo
Ang pagiging mapagpasalamat ay isang pagpapahalaga na nakalilinang ng
mabuting pagkatao. Mahalaga rin ang pagiging mapagpasalamat sa
pagkakaunawaan at pakikipagkapwa. Tutulungan ka ng araling ito upang malaman
kung ano nga ba ang tamang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
Panuto: Isipin ang mga biyayang natatanggap mula sa Diyos, sa pamilya at sa
kabutihang loob ng kapwa. Ilista ang mga ito at magbigay ng mga paraan ng
pagpapasalamat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Balikan ang mga tao/bagay na pinusuan sa Gawain 2. Ilagay sa unang hanay
ang mga ito. Maaari ka din maglakip ng kanilang larawan. Sa ikalawang hanay ay
ilagay ang dahilan kung bakit mo ito ipinagpapasalamat at sa huling hanay ay isulat
ang iyong naging pagtugon sa kabutihan/biyaya na natanggap. May inihandang
halimbawa para sa iyo.
6
Gabay na Tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagiging mapagpasalamat?
2. Paano naapektuhan ng pagkakaroon ng saloobing mapagpasalamat ang iyong
ugnayan sa kapwa?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
(Integration of GMRC)
Bakit nga ba napakahalaga ng pagpapakita ng pasasalamat? Paano ito
nakatutulong sa paghubog ng ating pagkatao at pakikipag-ugnayan sa ating kapwa?
Mula sa pagkabata, naituro na ng magulang mo ang pagsasabi ng “salamat”
sa mga taong nakagawa sa iyo ng kabutihan. Halimbawa, noong ikaw ay bata pa,
kapag inabutan ka ng kendi o kaya kapag sinabihan ka ng “ang cute-cute mo,” kaagad
kang sasabihan ng nanay mo na “say thank you, po.”
Napakasarap para sa isang tao na makarinig ng salitang salamat lalo na kung
ito ay nagmumula sa taong ginawan ng kabutihan. Hindi man naghihintay ng kapalit
na materyal o pinansyal ngunit sapat na para sabihan ng salamat. Ang pagkakaroon
ng saloobing mapagpasalamat ay nakakatulong upang matuto tayong magpahalaga
at makuntento sa mga bagay na mayroon tayo. Ang pagiging kuntento ay tanda ng
taong masaya at puno ng biyaya.
Katulad na lamang ng kuwento ng pasasalamat ang ipinakita sa programang
pantelebisyon sa Kapuso mo, Jessica Soho tungkol kay Mang Roldan. Si Mang
Roldan ay namatayan ng asawa at mga anak. Ngunit sa kabila ng mga nangyari sa
kanya ay patuloy pa rin namumuhay ng may pasasalamat sa Diyos. Marami rin siyang
tinutulungang tao sa kabila ng kanyang kahirapan. Nauunawaan niya na may layunin
pa siya sa buhay kung kaya’t patuloy siyang tumutulong sa kapwa niya mahihirap sa
Tao o Bagay
- Hal. Nanay
Fely
Tugon sa
kabutihan/biyayang
tinanggap
- Pinasasalama
tan ko siya sa
pamamagitan
ng pagtulong
sa gawaing-
bahay.
Dahilan ng
Pasasalamat
- Inaalagaan niya
kaming
magkakapatid.
7
abot ng kanyang makakaya. Dahil sa kanyang kabutihang loob pinagpala siya ng mga
taong mapagmalasakit na tulungan siya sa buhay
Gawain 4: Ranggo ng Pasasalamat
Panuto: Sa bilang isa hanggang sampu kung saan ang una (1) ang pinakamahalaga,
isulat sa iyong sagutang papel ang mga pinasasalamatan mo sa buhay.
1 6
2 7
3 8
4 9
5 10
Pagnilayan ang mga sagot sa tanong:
1. Ano ang nalaman mo sa iyong sarili?
2. Sino-sino ang binibigyan mo ng pagpapahalaga sa buhay?
3. Naipakikita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano?
4. Mahalaga ba para sa iyo ang maging mapagpasalamat?
F. Paglinang ng Kabihasnan (Pagpapalalim)
Basahin at unawain ang babasahin
Pasasalamat sa Kabutihang-loob ng Kapwa
Nagkaroon ka na ba ng pag-aalala sa mga taong nagpakita sa iyo ng
malasakit? Naipakita mo na ba ang iyong pasasalamat kahit sa simpleng paraan
lamang?
Ang pagpapasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat bilang
pagpapahalaga sa taong nagpakita ng kabutihang-loob. Ito ay gratitude sa salitang
Ingles, na nagmula sa Latin na gratus (nakalulugod), gratia (kabutihan) at gratis (libre
o walang bayad).
Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na
pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud.
Mga Pilosopong nagmungkahi sa pagkakaroon ng pusong mapagpasalamat:
1. Susan Jeffers (Practicing Daily Gratitude). “Simulan ang kasanayan sa pagsasabi
ng pasasalamat kahit sampung beses sa isang araw.”
Kung ito ay magiging birtud magiging madali ang pagkakaroon ng pusong
mapagpasalamat.
2. Aesop “Gratitude is the sign of noble souls.”
3. Santo Tomas de Aquino – may may tatlong antas ng pasasalamat: pagkilala sa
kabutihang ginawa ng kapwa, pagpapasalamat at pagbabayad sa kabutihan na
ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.
Ang pagpapasalamat ay isa sa pagpapahalaga ng mga Pilipino na naipakikita
sa pagkakaroon ng utang na loob. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo, S.J., Ang utang na
loob ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya o pabuya mula sa sinuman ay
8
nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo sa panahon ng
kagipitan.
Sa Kulturang Pilipino, mayroong kanya-kanyang pamamaraan ng pasasalamat
sa mga pagpapalang natatanggap ng komunidad.
● Sa mga Muslim – Pagdiriwang Shariff Kabunsuan na isang Arabong
misyonaryo na ipinakilala ang relihiyong Islam sa mga Pilipino sa Mindanao.
Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng Kanduli, isang handaan ng pasasalamat
sa kabutihan ng Muslim sa kanyang kapwa.
● Sa Visayas – Ati-atihan at Dinagyang, pagkilala sa kabutihan ng Sto. Nino lalo
na sa kagutuman at tagtuyot.
● Sinadya sa Halaran, - pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion sa
mga biyayang natatanggap ng Probinsya ng Capiz at Siyudad ng Roxas
● Sa Luzon – Pahiyas na pasasalamat kay San Isidro Labrador para sa
magandang ani.
● Bacao – para kay San Jose dahil sa magandang ani ng mais
Patunay ang mga ito na likas sa tao ang magpasalamat kahit saan mang lugar.
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng taong puno ng biyaya, isang
pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula
sa kapwa. Ang taong mapagpasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong
bahagi ng buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil alam niyang may mabuting Diyos
na patuloy na gumagabay sa kanya. Nagiging daan upang maging malakas at
magkaroon ng pag-asa sa buhay at malampasan ang anomang pagsubok
Laging kinikilala ng mga taong nagpapasalamat ang Diyos na nagbibigay ng
lahat ng pagpapala at tagumpay na nakamit. Mahalagang tandaan ang pahayag na
no man is an island.
Gawain 5: Tips ng Pasasalamat
Magbigay ng ibang paraan sa pagpapakita ng pasasalamat na hindi nabanggit sa
babasahin
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Pagsasabuhay)
Gawain 5: Thank you Note ko!
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing “Thank you note” na pwedeng ibigay sa mga
taong nais mong bigyan ng pasasalamat. Maaari mo itong lakipan ng munting
mensahe ng iyong pasasalamat sa kanya
9
.
Marka 10 9 8
NILALAMAN Maliwanag
naipahayag ang
mensahe
Hindi gaanong
naipahayag ng mabisa
ang mensahe
Hindi naipahayag
nang mabisa ang
mensahe
Marka 10 9 8
PAGKAMALIKHAIN Naipamalas ang
pagkamalikhain
sa paggawa ng
Thank you note
Hindi gaanong
naipamalas ang
pagkamalikhain sa
paggawa ng Thank you
note
Hindi naipamalas ang
pagkamalikhain sa
paggawa ng Thank
you note
Kabuoang puntos 20
H. Paglalahat ng Aralin
(Paghinuha ng Batayang Konsepto)
Gawain 6: Konseptong mapagpasalamat, ibabahagi sa lahat!
Ang pagiging mapagpasalamat ay _______________________________________
Ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala_____________________________
Mahalaga ang pagpapasalamat dahil ______________________________________
I. Pagtataya ng Aralin (Pagganap/Pagninilay)
Gawain 7: Pasasalamatan! Kabutihang Ipinamalas sa akin!
Sa mga pagkakataon na ikaw ay nabigyan ng tulong ng iyong kapwa o
kabutihang loob, sa paanong paraan mo ipinapakita ang iyong pasasalamat sa
kapwa?
Mahal kong ___________,
Maraming Salamat!
Para sa…
___________________________________________________________
_________________________________________________________
Nais kong…
___________________________________________________________
_________________________________________________________
Nagmamahal,
__________________
____________________
10
Panuto:
1. Isulat ang iyong paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa mga sitwasyon
at sabihin kung sino ang dapat pasalamatan sa bawat sitwasyon.
Sitwasyon
Taong
Pasasalamatan
Paraan ng
pasasalamat sa
sitwasyon
1. Nawalan ng tinta ang iyong
bolpen habang kayo ay nagsusulit.
Hindi ka pinayagan na lumabas
upang bumili. Ang katabi mo sa
upuan ay si Mark na tahimik lang sa
inyong klase ay bigla na lamang
inabot sa iyo ang isang ballpen para
iyong magamit.
2. Nakalimutan mong dalhin ang
P.E. uniform sa pagmamadali mo sa
pagpasok. Hindi ka makapagpapalit
ng damit pagsapit ng iyong klase sa
P.E. tiyak na mapapagalitan ka sa
iyong guro. Si Clara ay may kakilala
na nakatira malapit sa inyong
paaralan ay tinulungan kang
manghiram ng damit na pamalit
upang makasali sa inyong klase.
3. May plano ka na bumili ng
bagong cellphone dahil may naipon
kang pera. Ngunit kinakailangan ng
ate mo ng pambayad sa paaralan
upang makuha niya ang kanyang
certificate na kailangan niya sa
inaaplayan na trabaho. Hindi ka
nag-atubili na ipahiram ang pera mo
sa iyong ate.
4. Habang ginagawa ninyo ang
inyong proyekto sa Science sa
bahay ng inyong kaklase ay
sumama ang iyong pakiramdam.
Dahil sa pag-aalala ng iyong mga
kaklase, pinayuhan ka na lamang na
umuwi at magpahinga sa bahay at
sila nalang ang magtutuloy ng
inyong proyekto
11
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin
Gawain 8: Pasasalamat Mo, Ipahayag Mo
Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, sino-sino ang mga taong gusto mong
pasalamatan? Sa isang papel, maaaring sumulat ng isang talumpati, sanaysay,
mensahe o tula na naglalaman ng mga taong gusto mong pasalamatan at kung paano
sila nakatulong upang mahubog ang iyong pagkatao.
12
Gawain
1
Mga
posibleng
sagot
sa
gawain.
Gracias
(Spanish)
3.
Merci
(French)
Thank
you
(English)
4.
Arigato
(Japanese)
Gawain
2
Maaaring
magkaiba-iba
ang
sagot
ng
mga
mag-aaral
sa
gawain
1.
Ang
mga
nilagyan
ko
ng
puso
ang
mga
pinasasalamatan
ko
sa
buhay
dahil
sila
ang
nagbibigay
ng
mga
pangangailangan
ko
at
nagpapadama
sa
akin
ng
pagmamahal
2.
Opo,
naipapakita
ko
ang
aking
pasasalamat
sa
pagsasabi
ng
“thank
you”
o
pagbibigay
ng
munting
regalo.
Susi sa Pagwawasto
Gawain
3
Mga
pasobleng
sagot
sa
gawain.
1.
Mahalaga
ang
pagiging
mapagpasalamat
dahil
naipapakita
natin
ang
pagpapahalaga
sa
ginawang
kabutihan
o
biyaya
na
natanggap
natin
mula
sa
ating
kapuwa.
2.
Ang
pagkakaroon
ng
saloobing
mapagpasalamat
ay
tumutulong
sa
atin
upang
matutong
magpahalaga
sa
malalaki
at
maliliit
na
bagay
na
tinatanggap
natin
mula
sa
ating
kapuwa.
Gawain
4
Maaaring
magkaiba-iba
ang
sagot
ng
mga
mag-aaral
sa
gawain.
1.
Magulang
6.
Pagkain
sa
araw-araw
2.
Kapatid
7.
Malusog
na
pangangatawan
3.
Lolo
at
Lola
8.
Bagong
cellphone
4.
Mga
Kaibigan
9.
Bagong
damit
5.
Maayos
na
tirahan
10.
Mga
guro
Gawain
6
Maaaring
magkaiba-iba
ang
sagot
ng
mga
mag-aaral
sa
gawain.
Mahal
kong
mga
magulang,
Lubos
akong
nagpapasalamat
para
sa
lahat
ng
bagay
na
ginagawa
ninyo
para
sa
aming
magkakapatid.
Ang
panalangin
ko
sa
Diyos
ay
bigyan
pa
kayo
ng
mas
mahabang
buhay
upang
makasama
pa
naming
kayo
ng
mas
matagal
at
masuklian
ang
lahat
ng
inyong
pagsasakripisyo.
Mahal
na
mahal
naming
kayo.
Nagmamahal,
Kristela
Gawain
7
Maaaring
magkaiba-iba
ang
sagot
ng
mga
mag-aaral
sa
gawain.
Ang
pagiging
mapagpasalamat
ay
tanda
ng
taong
puno
ng
biyaya,
isang
pusong
marunong
magpahalaga
sa
mga
magagandang
biyayang
natatanggap
mula
sa
kapwa.
Ang
pagiging
mapagpasalamat
ay
ang
pagkilala
sa
kabutihan
na
ginawa
ng
kapwa
at
sa
Diyos
na
pinagmumulan
ng
lahat
ng
biyaya.
Mahalaga
ang
pagpapasalamat
dahil
nakakatulong
ito
upang
magkaroon
ng
positibong
pananaw
sa
buhay
sa
kabila
ng
mga
pagsubok
dahil
alam
niya
na
may
Diyos
na
laging
gumagabay.
13
Gawain
8
Mga
pasobleng
sagot
sa
gawain.
Sitwasyon
Taong
Pasasalamatan
Paraan
ng
pasasalamat
sa
sitwasyon
1.
Nawalan
ng
tinta
ang
iyong
bolpen
habang
kayo
ay
nagsusulit.
Hindi
ka
pinayagan
na
lumabas
upang
bumili.
Ang
katabi
mo
sa
upuan
ay
si
Mark
na
tahimik
lang
sa
inyong
klase
ay
bigla
na
lamang
inabot
sa
iyo
ang
isang
ballpen
para
iyong
magamit.
Mark
1.
Pagsasabi
ng
salamat
at
pagbabalik
ng
maayos
sa
bolpen.
2.
Nakalimutan
mong
dalhin
ang
P.E.
uniform
sa
pagmamadali
mo
sa
pagpasok.
Hindi
ka
makapagpapalit
ng
damit
pagsapit
ng
inyong
klase
sa
P.E.
tiyak
na
mapapagalitan
ka
sa
inyong
guro.
Si
Clara
ay
may
kakilala
na
nakatira
malapit
sa
inyong
paaralan
ay
tinulungan
kang
manghiram
ng
damit
na
pamalit
upang
makasali
sa
inyong
klase
sa
P.E.
Clara
Taong
nagpahiram
ng
damit
1.
Pagsasabi
at
ng
salamat
at
pagbabalik
sa
damit
ng
maayos
at
malinis.
Maaari
din
magbigay
ng
munting
regalo.
3.
May
plano
ka
na
bumili
ng
bagong
cellphone
dahil
may
naipon
kang
pera.
Ngunit
kinakailangan
ng
ate
mo
ng
pambayad
sa
paaralan
upang
makuha
niya
ang
kanyang
certificate
na
kailangan
niya
sa
inaaplayan
na
trabaho.
Hindi
ka
nag-atubili
na
ipahiram
ang
iyong
pera
at
kamakailan
ay
natanggap
na
ang
iyong
ate.
Pasasalamatan
ka
ng
iyong
ate.
1.
Pagsasabi
ng
pasasalamat
2.
Panlilibre
sa
iyong
paboritong
restaurant
sa
kanyang
unang
sweldo.
4.
Habang
ginagawa
ninyo
ang
inyong
proyekto
sa
Science
sa
bahay
ng
inyong
kaklase
ay
sumama
ang
iyong
pakiramdam.
Dahil
sa
pag-aalala
ng
iyong
mga
kaklase,
pinayuhan
ka
na
lamang
na
umuwi
at
magpahinga
sa
bahay
at
sila
na
lamang
ang
mgtutuloy
ng
inyong
proyekto
Mga
kaklase
1.
Pagpapakita
ng
pasasalamat
sa
kanilang
pag-aalala
2.
Maaaring
mag-
boluntaryo
sa
pag-uulat
ng
proyekto.
3.
Pagbibigay
ng
munting
regalo.
Gawain
9
Maaaring
magkaiba-iba
ang
sagot
ng
mga
mag-aaral
sa
gawain.
Isang
mapagpalang
araw
para
sa
aking
mga
magulang.
Ako
ay
lubos
na
nagpapasalamat
sa
inyong
walang
sawang
pa-aaruga
at
pagbibigay
ng
aking
mga
kailangan.
Kayo
ang
nagturo
sa
akin
ng
kabutihang-asal
at
mga
kasanayan
upang
makaya
ko
ang
hamon
ng
buhay.
Lubos
din
akong
nagpapasalamat
sa
Diyos
na
kayo
ang
kanyang
napili
upang
maging
aking
mga
magulang.
Pagsusumikapan
ko
na
makamit
ang
lahat
ng
aking
pangarap
upang
masuklian
ang
lahat
ng
inyong
sakripisyo
at
kabutihan.
14
Grupo ng Tagapaglinang ng Gawaing Pagkatuto
Manunulat:
Patnugot: Jean R. Canlas, Ph.D
Tagasuri ng Nilalaman: Jean R. Canlas, Division EsP QA Team
Patnugot ng Wika: Edelwiza Cadag
Grupo ng Tagapaglinang: Imelda P. Macaspac, Ph.D
Rosalin S. Muli, Ph.D
Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag
Jean R. Canlas, Ph.D
Grupo ng Tagapaglinang ng SIPacks
Manunulat: Sheena L. Dizon
Patnugot: Jean R. Canlas, Ph.D
Tagasuri ng Nilalaman: Jean R. Canlas,Ph.D
Rosalinda Ibarra, Ph. D.
Feligena Bugay, Ph. D.
Lordennis T. Leonardo, Ph. D.
Norma A. Ison, Ph. D
Patnugot ng Wika: Edelwiza Cadag
Grupo ng Tagapaglinang: Imelda P. Macaspac, Ph.D
Rosalin S. Muli, Ph.D
Remedios D. Sitchon
Rodel D. Lintag

More Related Content

What's hot

Ang mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoAng mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoJames Malicay
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEdna Azarcon
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganJared Ram Juezan
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 ikalawang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao  8 ikalawang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao  8 ikalawang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 ikalawang arawJenny Rose Basa
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimSherlyn Tapales
 
Isip at kilos loob day2
Isip at kilos loob day2Isip at kilos loob day2
Isip at kilos loob day2Kokie Tayanes
 
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptxESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptxAilenjaneEnoc2
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...MaamAraJelene
 
Katapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawaKatapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawaMaricar Valmonte
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4Faith De Leon
 

What's hot (20)

Ang mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipinoAng mga banta sa pamilyang pilipino
Ang mga banta sa pamilyang pilipino
 
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at TagasunodEs p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
Es p 8 modyul 8 Ang Mapanagutang Pamumuno at Tagasunod
 
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - PakikipagkaibiganModyul 6 - Pakikipagkaibigan
Modyul 6 - Pakikipagkaibigan
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 ikalawang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao  8 ikalawang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao  8 ikalawang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 ikalawang araw
 
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalimEdukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
Edukasyon sa pagpapakatao 8 module 2 pagpapalalim
 
EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3EsP 8 Modyul 3
EsP 8 Modyul 3
 
Emosyon esp 8
Emosyon esp 8Emosyon esp 8
Emosyon esp 8
 
ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10ESP 8 Modyul 10
ESP 8 Modyul 10
 
Modyul 10
Modyul 10Modyul 10
Modyul 10
 
EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9EsP 8 Modyul 9
EsP 8 Modyul 9
 
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - PakikipagkapwaModyul 5 - Pakikipagkapwa
Modyul 5 - Pakikipagkapwa
 
Isip at kilos loob day2
Isip at kilos loob day2Isip at kilos loob day2
Isip at kilos loob day2
 
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptxESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
ESP 7 - Birtud at Pagpapahalaga.pptx
 
Activity sheet in esp 8
Activity sheet in esp 8Activity sheet in esp 8
Activity sheet in esp 8
 
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
3rd quarter_PAGSUNOD AT PAGGALANG SA MGA MAGULANG, NAKATATANDA AT MAY AWTORID...
 
Karahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralanKarahasan sa paaralan
Karahasan sa paaralan
 
Katapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawaKatapatan sa salita at gawa
Katapatan sa salita at gawa
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8 Teacher's Guide
 
EsP 8 Modyul 13
EsP 8 Modyul 13EsP 8 Modyul 13
EsP 8 Modyul 13
 
EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4EsP grade 7 modyul 4
EsP grade 7 modyul 4
 

Similar to EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf

EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docxEsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docxMyleneTongson
 
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptxESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptxGeraldineMatias3
 
KS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdf
KS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdfKS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdf
KS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdfBrianNavarro19
 
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docxDLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docxJEANELLEVELASCO
 
W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docxW1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docxRovichellCamacam1
 
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docxDLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docxssuser570191
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfRoyAndrada1
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawJenny Rose Basa
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoLiezlMae
 
DLL_ESP 4_Q1_W1.docx
DLL_ESP 4_Q1_W1.docxDLL_ESP 4_Q1_W1.docx
DLL_ESP 4_Q1_W1.docxjoanccalimlim
 
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docxGrade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docxbrendalynlomibao1
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxXtnMaZhin1
 

Similar to EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf (20)

EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docxEsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
EsP 8 Q3M5 - Paggawa ng Kabutihan sa Kapwa.docx
 
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptxESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
ESP 8 - Pagmamahal sa Diyos Lecture.pptx
 
Module 10 session 3
Module 10 session 3Module 10 session 3
Module 10 session 3
 
KS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdf
KS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdfKS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdf
KS3_LeaPQ3_EsP8_Wk1-4_Laguna_Tanauan.pdf
 
ESP8whlp.docx
ESP8whlp.docxESP8whlp.docx
ESP8whlp.docx
 
Modyul 9
Modyul 9Modyul 9
Modyul 9
 
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docxDLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
DLL_ESP-4_Q2_W2_new.docx
 
Values Edu
Values EduValues Edu
Values Edu
 
W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docxW1 DLL  Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
W1 DLL Q4 GRADE 3 DEPARTMENT OF EDUCATION.docx
 
DLL_ESP 4_Q1_W1.docx
DLL_ESP 4_Q1_W1.docxDLL_ESP 4_Q1_W1.docx
DLL_ESP 4_Q1_W1.docx
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 
sci10.docx
sci10.docxsci10.docx
sci10.docx
 
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docxDLL_ESP 5_Q1_W3.docx
DLL_ESP 5_Q1_W3.docx
 
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdfgrade-10-learners-module yunit 1 .pdf
grade-10-learners-module yunit 1 .pdf
 
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang arawBanghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao 8 unang araw
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
 
DLL_ESP 4_Q1_W1.docx
DLL_ESP 4_Q1_W1.docxDLL_ESP 4_Q1_W1.docx
DLL_ESP 4_Q1_W1.docx
 
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docxGrade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
Grade 3 DLL ESP 3 Q4 Week 1.docx
 
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docxMLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
MLV_DLL_ESP_Q3_WEEK-1-2_NEW-FORMAT.docx
 
Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1Gr. 3 tagalog es p q1
Gr. 3 tagalog es p q1
 

Recently uploaded

PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONFarahDeGuzman
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 

Recently uploaded (20)

PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATIONPPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
PPT week5 MATH.4th QUARTER POWERPOINT PRESENTATION
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 

EsP-8_Q3_WEEK-1_SIPacks-Final.pdf