Presented by Dr. Richlyn Vicente during the 1st Track of CITE3S Seminar entitled Multigrade Teaching and ICT Integration: Challenges to 21st Century Learners, held at Cebbans Garden Resort, Baluan, Gen. Santos City
Lesson Plan by Larce & Segui Recyclable Materials (Final)AileenLarce
The objectives of this lesson plan are the following:
a. Define the word recycling
b. Identify the products/materials that can be recycled.
c. Participate actively in group activity involving recyclable products or waste materials.
Presented by Dr. Richlyn Vicente during the 1st Track of CITE3S Seminar entitled Multigrade Teaching and ICT Integration: Challenges to 21st Century Learners, held at Cebbans Garden Resort, Baluan, Gen. Santos City
Lesson Plan by Larce & Segui Recyclable Materials (Final)AileenLarce
The objectives of this lesson plan are the following:
a. Define the word recycling
b. Identify the products/materials that can be recycled.
c. Participate actively in group activity involving recyclable products or waste materials.
3. Alamin
Ang modyul na ito ay tungkol sa:
∙ Aralin 1 – Paggamit ng Web Browser
Matapos gawin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nailalarawan ang web browser at search engine;
2. nakikilala ang iba’t ibang katangian ng web
browser at search engine;
3. nakapagsasaliksik gamit ang web browser at
search engine; at
4. nakapamimili ng tamang keywords para sa
paksang nais saliksikin.
4. Subukin
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at
kasanayan?
Sabihin ang thumbs up icon kung taglay mo na ito
o ang thumbs down icon kung hindi pa.
1. Naipaliliwanag ko kung ano ang web browser.
2. Naipaliliwanag ko kung ano ang search engine.
3. Nakapagsasaliksik ako gamit ang internet.
4. Nakagagamit ako ng angkop na keywords sa
pananaliksik.
5. Tuklasin
May pagkakataong hindi sapat ang mga aklat sa silid-
aklatan para mahanap ang mga impormasyong
kailangan. Alam mo ba na ang internet ay nagsisilbing
malawak na mapagkukunan ng dagdag na impormasyon
at datos? Dahil sa teknolohiyang ito, naging posibleng
mabilisang magsaliksik ng makabuluhang impormasyon
mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
6. Alamin
ANG ULAT NI MARLON
Marlon, bakit parang malalim
ang inisip mo?
Mayroon kasi akong pag-uulat sa su-
sunod na linggo tungkol sa
Entrepreneurship. Ang sabi ni Gng.
David ay kailangan ko raw magsaliksik
tungkol sa katangian ng isang
magaling na entrepreneur. Sinabi pa
niya na mas maganda kung mayroon
akong mapakitang video tungkol dito.
Nakapagsimula ka na bang magsaliksik tungkol dito?
Nakapagsimula ka na bang
magsaliksik tungkol dito?
Oo, kaya nga lang tila kulang pa
ang mga impormasyong nakuha ko.
Huwag ka nang mag-alala, mayroon
akong alam na makatutulong sa iyo.
Ano iyon, Martha?
Ang kompyuter at internet! Kailangan lang
nating saliksikin ang kailangan mong
impormasyon sa tulong ng web browser at
search engines.
7. Sagutin ang sumusunod:
1.Nasubukan mo na bang magsaliksik gamit ang
computer at internet?
2. Gusto mo ba itong subukan tulad ng gagawin ni
Marlon?
3. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa
pangangalap ng impormasyon gamit ang computer at
internet?
8. Ang Web Browser
Ang web browser ay isang computer software na
ginagamit upang maghanap at makapunta sa iba’t ibang
websites. May kakayahan din ang web browser na
ipakita ang nilalaman ng isang website tulad ng teksto
at larawan. Maaari nitong i-play ang iba pang uri ng
media tulad ng music, video, at animation.
Ang sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na
maaaring gamitin:
9. Internet Explorer – Libre itong web browser
mula sa Microsoft Corporation. Inilabas ito
noong 1995 at isa sa mga pinakapopular na
browser ngayon.
Ang sumusunod ay ilan sa mga kilalang web browser na
maaaring gamitin:
Mozilla Firefox - Libre rin ang web browser na
Firefox mula sa Mozilla. Isa ito sa mga
pamantayan ng mga browser na magagamit.
10. Google Chrome - Ang Google Chrome ay isa
pang libreng web browser. Inilabas ito noong
taong 2008 at patuloy na tinatangkilik bilang
isa sa pinakapopular na web browser ngayon.
Mga Bahagi ng Web Browser
Ang web browser ay binubuo ng iba’t ibang bahagi.
Bawat isa ay may sariling gawain. Lubos na makatu-
tulong kung alam nating gamitin ang iba’t ibang bahagi
ng isang web browser.
12. Bahagi ng Isang Web Browser
A. Browser Window Buttons – I-click ang minimize
button kung nais itago ang browser window nang
pansamantala. I-click ang restore o maximize button
kung nais baguhin ang sukat ng window; I-click ang
close button kung nais isara ang browser window.
B. Tab Name – Dito mababasa ang pangalan ng
kasalukuyang bukas na website . Kung nais isara
ang tab, i-click lamang ang X button sa gilid ng tab.
13. C. Navigation Buttons – I-click ang back button para
bumalik sa webpages na naunang binisita; I-click ang
forward button kung nais balikan ang webpages na
pinakahuling binisita; o i-click ang reload button kung
nais na muling i-update ang website sa browser.
D. New Tab – I-click ang New tab kung nais magkaroon
ng panibagong tab kung saan maaaring magbukas ng
bagong website.
14. E. Customize and Control Google Chrome – Dito
makikita ang iba’t ibang options at commands upang
baguhin ang kasalukuyang settings ng browser.
F. Bookmark this Page – I-click itong hugis-bituin na
button para i-save ang address ng website. Sa ganitong
paraan, madali itong mababalikan sa susunod na
kailangan itong buksang muli.
15. G. Address bar – Maaaring i-type dito ang address ng
isang website na gustong tingnan. Ang website address
ang tumutukoy kung saan mahahanap ang isang
website. Isang halimbawa ng website address na
inilalagay sa address bar ay www.google. com. Kung ito
ay i-type mo sa address bar at pindutin ang Enter key,
makakarating ka sa home page ng website na iyon.
H. Display Window – Ito ang pinakamalaking bahagi
ng browser na nagpapakita ng piniling website.
16. I. Scroll bar – I-drag ito pataas o pababa upang
makita ang kabuuan ng isang web page sa browser
window.
Ang Search Engine
17. Ang search engine ay isang software system na
ginagamit sa pagha-hanap ng impormasyon sa internet.
Ang ilan sa kilalang search engines ay Google, Yahoo,
Alta Vista, at Lycos.
Mga Bahagi ng Search Engine Home Page
Kung magsasaliksik gamit ang internet, isang
mahalagang kasanayan ang paggamit ng search
engines. Ang sumusunod ay bahagi ng isang search
engine home page (www.google.com) at ang gamit ng
mga ito.
18. Search Box
I’m Feeling Lucky
Google Search
Button
A. Search field o search box – Dito tina-type ang
keyword na gagamitin sa pagsaliksik.
19. B. Google Search button – pagkatapos i-type ang
keyword, i-click ang button na ito o maaari ding
pindutin ang Enter key sa keyboard upang masimulan
ang pagsasaliksik.
C. I’m Feeling Lucky – I-click ito matapos i-type ang
keyword upang direktang pumunta sa webpage na sa
palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan mo.
Madalas na ito ang unang search result.
20. Mga Bahagi ng Search Engine Results Page
Matapos i-click ang search button, ipakikita ng search
engine ang resulta ng iyong paghahanap. Ito ay sa
isang pahinang tinatawag na search engine results
page na naglalaman ng iba’t ibang websites na may
kinalaman sa ipinapasok na keyword.
Makikita sa ibaba ang isang halimbawa ng search
engine results page at ang mga bahagi nito.
21. (A) Search Field
(B)Search Button
(C)
Top
Links (D)
Page
Title (E)
Text
below
the Title
A. Search Field – kung nais maghanap muli, i-type
lamang ang bagong keyword sa search field box.
22. B. Search Button – pagkatapos i-type ang keyword, i-
click ang button o maaari ding pindutin ang Enter key
sa iyong keyboard.
C. Top Links – narito ang mga serbisyong maaaring
magamit sa search engine katulad ng web, imahe,
balita, videos, at iba pa.
D. Page Title – ang pamagat ng web page na kasama
sa search results.
E. Text Below the Title – maliit na piraso ng teksto
na sipi buhat sa webpage. Naka-bold text dito ang
mga salitang ginamit mo bilang keywords.
23. Mga Mungkahi Para sa Matalinong Pagsasaliksik
1.Kung ang paksa ay tiyak at naglalaman ng mga
pangngalang pantangi at eksaktong parirala, ipaloob
ang keywords sa panipi (“). Halimbawa: “Mga
Matagumpay ng Pilipinong Negosyante: o “Ang Huling
El Bimbo.”
2.Kung mahalagang maisama ang salita sa panana-
liksik, i-type ang plus (+) sign bago ang keyword na nais
maisama sa search results. Halimbawa: mga uri ng
negosyo+pagkain
24. 3. Kung nais magsaliksik ng mga web pages na hindi
naglalaman ng isang partikular na salita, i-type ang
gitling (-) bago ang keyword na ayaw mong maging
bahagi ng iyong search results. Halimbawa: polusyon-
tubig, kung gusto mong hindi tungkol sa polusyon sa
tubig ang mga resultang makuha mo.
25. Pagyamanin
Gawain A: Magsaliksik Gamit ang Web Browser at
Internet
Tulungan natin si Marlon sa kaniyang pagsasaliksik
tungkol sa paksang, “Mga Katangiang Taglay ng Isang
Magaling na Entrepreneur.” Sundan ang sumusunod na
pamamaraan:
1.Buksan ang inyong web browser (maaaring gamitin
ang Internet Explorer, Mozilla Firefox, o Google
Chrome).
26. 2. I-type ang www.google.com sa address bar ng
browser at pindutin ang Enter key. Ito ang website
address ng Google search engine.
3.Pag-isipang mabuti ang keywords na gagamitin sa
pagsasaliksik ng mga katangiang dapat taglayin ng
isang entrepreneur. I-type ang keywords sa search
field.
27. 4. I-click ang search button. Magbubukas ang pahinang
Search Results.
28. 5. I-click ang search result upang makita ang kabuuan
ng webpage.
6. Suriin ang Search Results at tukuyin ang mga
resultang pinaka makakatulong kay Marlon sa
kaniyang pananaliksik. Maaari mong tingnan ang iba
pang pahina ng search results sa pamamagitan ng pag-
click ng susunod na mga pahina.
29. Isaisip
Isang mahalagang kasanayan ang pangangalap ng
impormasyon gamit ang web browsers at search
engines. Sa tulong ng kompyuter at internet, maaari
tayong makapag-saliksik at mangalap ng
makabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan.
Mas magiging epektibo ang pananaliksik kung magaling
tayo sa paggamit ng mga keywords. Sinasala rin dapat
ang mga impormasyong nakukuha.
30. Isagawa
Kopyahin at isulat sa sagutang papel.
Pangalan:_____________________ Baitang at Seksyon:____________
Asignatura: ___________________ Aralin: ________________________
Gawain B: Magsaliksik Tayo!
Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa
sumusunod na paksa. Ibigay ang keywords na ginamit
upang makita ang mga ito. Isulat sa table o
talahanayan sa ibaba ang keywords na ginamit.
31. Paksa Keywords
1. Iba’t-ibang Uri ng Negosyo
2. Ang Kuwento ng Tagumpay ng
Isang Pilipinong Negosyante
3.Paano Kumita Gamit ang
Internet
Bisitahin ang links sa websites na inilabas ng search
engine. Suriin itong mabuti. Nakatutulong ba ang
napiling links sa inyong pananaliksik? Ibahagi ang
naging resulta ng pangangalap ng impormasyon.
32. Tayahin
Kopyahin at isulat sa sagutang papel.
Pangalan:_____________________ Baitang at Seksyon:___________
Asignatura: ___________________ Aralin: ________________________
Pagtambalin ang deskripsyon sa Hanay A, sa mga
pangalan sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
____1. Uri ng website na ginagamit sa A. Google Chrome
pagsasaliksik ng impormasyon
sa internet. Ang halimbawa nito ay
Yahoo o Google.
33. ____2. Computer application na ginagamit B. Search Box
upang makapunta sa iba’t ibang
website.
Hanay A Hanay B
____3. Libreng web browser na binuo ng C. Panipi (‘’)
Google.
____4. Bahagi ng search engine window D. Search
kung saan dapat i-type ang keywords Engine
sa paghahanap.
____5. Ang bantas na ginagamit upang E. Web
ipaloob ang mga tiyak na paksa, pang- Browser
ngalang pantangi, at eksaktong parirala
sa pagsasaliksik gamit ang search engine.
34. B. Isulat ang pangalan ng bahagi ng web browser na
tinuturo ng palaso. Isulat ang sagot sa papel.
1. ____ 2. ____ 3. ____ 4. ____
5. ____
35. Karagdagang Gawain
Kopyahin at isulat sa sagutang papel.
Pangalan:_____________________ Baitang at Seksyon:_____________
Asignatura: ___________________ Aralin: _________________________
KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at
kasanayan?
Sabihin ang thumbs up icon kung taglay mo na ito
o ang thumbs down icon kung hindi pa.
36.
37. 1. Naipaliliwanag ang konsepto ng web browser.
2. Naipaliliwanag ang konsepto ng search engine.
3. Nakapagsasaliksik gamit ang internet.
4.Nakagagamit ng angkop na keywords sa pagsasa-
liksik.
Paghambingin ang mga naging resulta ng sagot mo sa
simula at pagkatapos ng araling ito.