2. Isagawa
Tukuyin at pangalanan ang nasa larawan. Isagawa ang thumbs
up ko ito ay may kaugnayan sa ating bansang Pilipinas at
thumbs down kung hindi.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12. Sa ating bansa Pilipinas ay maraming iba’t ibang
bagay na maiuugnay. Ang ating Pilipinas ay may
natatanging katangian na maipagmamalaki. Ang
Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo.
Ano ang bansa?
Ang bansa ay isang lugar na may naninirahang
grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggagalingan kung kaya makikita ang iisa o
pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.
18. Teritoryo ay tumutukoy
sa lawak ng lupain at
katubigan kasama na
ang himpa-pawid at
kalawakan sa itaas nito.
Ito rin ang tinitirhan ng
mga tao at
pinamumunuan ng
pamahalaan.
19. Pamahalaan ay isang
samahan o
organisasyong
politikal na
itinataguyod ng mga
grupo ng taong
naglalayong magtatag
ng kaayusan at
magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.
20. Soberanya o ganap na
Kalayaan ay tumutukoy
sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala
sa kanyang
nasasakupan.
Tumutukoy rin ito sa
kakayahang
magpatupad ng mga
programa nang hindi
pinakikialaman ng ibang
bansa.
21. 2 Uri ng Soberanya
Soberanyang Panloob-
kapangyarihang pangalagaan
ang sariling kalayaan na
maipatupad ang mga batas sa
loob ng sariling teritoryo.
Soberanyang Panlabas-
kapangyarihan ng bansa na
maging malaya sa pakikialam o
panghihimasok ng ibang bansa
sa kanyang nasasakupan.
22. Binubuo ng 7, 641 na
maliliit at malalaki pulo.
Mahigit 2,000 isla dito
ang natitirhan ng mga
tao. Mahigit 300 000
kilometro kuwadrado
ang lawak na sakop
nito.
Pilipino ang tawag sa
mga naninirahang tao sa
Pilipinas.
May sarili itong
soberanya o ganap na
kapangyarihang
mamahala at
magpatupad ng mga
batas para sa buo
nitong nasasakupan.
23. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil taglay nito ang mga
katangian ng pagkabansa. Ito ay nagtataglay ng tao,
teritoryo, pamahalaan at soberanya o ganap na
kalayaan.
24. Isagawa!
Isulat ang salitang WASTO kung ang mga sumusunod na
pahayag ay tama at DI WASTO kung mali.
1. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil taglay nito
ang mga katangian ng pagkabansa.
2. Amerikano ang tawag sa mga naninirahan sa
Pilipinas
3. Walang sarili soberanya o ganap na kapangyarihang
mamahala ang Pilipinas
25. 4. Binubuo ng 7, 641 na maliliit at malalaki pulo ang
Pilipinas.
6. Teritoryo ay tumutukoy sa grupong naninirahan
sa loob ng bansa.
7. Ang bansa ay isang lugar na may naninirahang
grupo ng tao na may magkakatulad na kultura.
5. Pamahalaan ay isang samahan o
organisasyong politikal .
26. Suriin ang lupon ng mga salita. Piliin ang mga
salitang may kaugnayan sa Pilipinas.
27. G T A O Y P Y R U B
S O B E R A N Y A A
L I P U N A N E H N
M R O T W D U D O S
T E R I T O R Y O A
N A P S A T O T J Y
L Q A U S Y A U N U
P A M A H A L A A N
28. Pagyamanin
Tukuyin ang nilalarawan na mga sumusunod
na pangungusap. Ayusin ang letra sa bawat
bilang upang makuha ang tamang sagot.
1. NSABA-ay isang lugar na may naninirahang
grupo ng tao na may magkakatulad na
kultura.
2. OSEBARNAY-ganap na Kalayaan ay
tumutukoy sa kapangyarihan ng
pamahalaang mamahala sa kanyang
nasasakupan
29. 3.NAPAAMHALA-ay isang samahan o
organisasyong politikal
4. OAT-tumutukoy sa grupong naninirahan
sa loob ng teritoryo
5.ETIRTOYRO-ay tumutukoy sa lawak ng
lupain at katubigan