Ang web browser ay binubuo ng iba't ibang bahagi na may kani-kaniyang gawain. Ang mga pangunahing bahagi ay kinabibilangan ng browser window buttons, tab name, navigation buttons, new tab, customize and control options, bookmark button, address bar, at display window. Mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng mga bahaging ito upang mas epektibong makapag-navigate sa internet.