FILIPINO 8
Maligayang
pagdating sa ating
klase sa Filipino 8!
PAGTATALA NG
LIBAN SA KLASE
Panitikan:
EPIKO
Tuklasin
Kilala mo ba ang iyong sarili? Tukuyin
ang magaganda mong katangian, pisikal
man o panloob na sa palagay mo’y
nakabibighani o nagiging dahilan upang
magustuhan ka ng mga tao sa iyong
paligid. Isulat sa loob ng ulap ang iyong
sagot.
Isang uri ng tulang
pasalaysay na
maaaring lapatan ng
himig o tono.
Nagpasalin-salin
lamang ito sa mga bibig
ng tao kung kaya walang
tiyak na may akda nito.
Nagsasalaysay ito ng
mga kabayanihang halos
hindi mapaniwalaan
sapagkat nauukol sa
mga kababalaghan.
Ito rin ay nagbubunyi sa
isang alamat o kasaysayan
na naging matagumpay
laban sa mga panganib at
kagipitan.
Ang epiko ay nagpapahalaga sa
mga paniniwala, kaugalian, at
layunin sa buhay ng mga tao.
Pinapaksa dito ang mga
kabayanihan at kabutihan ng isang
tao, at maging ang kalagayan ng
mga tribo o katutubo.
ELEMENTO
NG EPIKO
Sukat at Indayog
Tumutukoy ang sukat sa
magkakatulad na bilang ng
pantig sa bawat tiyak na hati
ng taludtod o mga
taludturan.
Sukat at Indayog
Ang sukat sa bawat taludtod ay maaaring
maging wawaluhing pantig (8),
lalabindalawahing pantig (12), lalabing-animing
pantig (16), lalabingwaluhing pantig (18).
Isinasaayos ang epiko sa paraang maindayog
o maaliw-iw.
Tugma
Ang epiko ay gumagamit
ng magkakahawig na
tunog sa dulompantig ng
mga taludtod.
Taludturan
Ang pagpapangkat-pangkat ng
mga taludtod ng isang tula.
Karaniwang apat na taludtod
ang bumubuo sa isang
taludturan o saknong.
Matatalinghagang Salita
Ang epiko ay ginagamitan ng
matalinghangang salita o idyoma.
Ang mga ito ay may kahulugang
taglay na naiiba sa karaniwan. Di
tuwirang nagbibigay ng kahulugan
ang mga idyoma.
Banghay
Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay
kakikitaan din ng pagkakaugnay-ugnay
ng pangyayari. Maaari itong payak o
komplikado. Makikita rin na maraming
mga pangyayari sa epiko ang hindi
kapani-paniwala o hindi
makatotohanan.
Tagpuan
Mahalaga ang tagpuan
sapagkat ito’y nakatutulong
sa pagbibigay-linaw sa
paksa, sa banghay, at sa
tauhan.
Tauhan
Mapapansing ang tauhan sa
epiko ay nagtataglay ng
supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan.
May
Katanungan po
ba?
MARAMING SALAMAT AT
MAG-INGAT MULA SA
BANTA NG COVID-19!.

EPIKO - elemento at Bidasari.pptx