JADE VINCENT A. ARRO G-7 MABAIT
PAGHAHATING HEOGRAPIKAL SA
ASYA
Ayon sa ilang mga iskolar, maging ang konsepto ng mga kontinente
ay bukas sa interpretasyon. Ito ang dahilan kung bakit maging ang
larangan ng heograpiya ay sinasabing hindi rin tahasang objective
science o sangay ng agham na
may 100% na katiyakang siyentipiko. Sa makabagong pagtingin,
ang paghahati sa mga teritoryo tungo sa mga kontinente at ng
mga kontinente tungo sa mga rehiyon ay depende sa sariling pananaw
ng geographer o sinumang may kapangyarihan sa pagtakda ng mga
hangganan o paghahating heograpikal.
​Halimbawa:
Kung baket itinuring ng mga Europeo ang maliit nilang peninsula bilang isang
buong kontinente samantalang ang malawak na teritoryo ng India
ay tiningnan bilang subconinent.
Sa katunayan, kung heograpiya rin ang isaalang-alang, ano ang batayan
ng paghiiwalay sa Euopa at Asya bilang dalawang kontinente?
Ayon sa paniniwala ng ilang iskolar, ang Ural Mountains na bumabaybay sa Russia at
naghihiwalay sa Europa at Asya ay hinfi gaanong mattas at hindi nito nahadlangan
ang pagtatag ng mga imperyo ng mga nomadikong Hun at Mongol mula
sa hilaga. Sa kabilang banda, ang pinakamataas na Himalayas sa Timog Asya as
hindi naman naging hadlang upang ang Timog at Silangang Asya as mapabilang sa
isang kontinente. Hindi lamang pisikal na katangian ang isinaalang-alang
sa paghahati ng mga teritoryo. Nariyan rin ang kultural, historikal at naging pulitikal
na salik
MGA REHIYON SAASYA
Sa heograpiya, mahalagang maunawaan na ang mga konsepto
ng paghahating panrehiyon ay binuo lamang ng tao sa pagkakapareho sa katangiang
heograpikal, pisikal, historikal at kultural. Malaki ang papel na ginagampanan ng
pisikal na heograpiya sa mga rehiyon na may pagkakaiba sa uri uri ng tirahan,
pananamit, pagkain at sistema ng transportasyon.
Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona. Batay
sa mga salik na ito, nanatili sa limang rehiyon ang Asya : Hilaga, Kanluran,
Timog, Timog Silangan at Silangang Asya.
HILAGANG ASYA
Hilagang Asya
1. Armenia Yerevan
2. Azerbaijan Baku
3. Georgia T'bilisi
4. Kazakhstan Ustana
5. Mongolia Ulaanbaatar
6. Kyrgyzstan Bishkek
7. Tajikistan Dushanbe
8.
Turkmenistan
Ashgabat
9. Uzbekistan Tashkent
Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga
dating Soviet Central Asia -- Kazakhstan, Kyrgyztan,
Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan,
Georgia at Armenia. Kilala rin ang rehiyong ito sa
katawagang Central Asia (Gitnang Asya) o
Inner Asia. Kabilang din sa Hilagang Asya
ang Mongolia at ang Siberia o lupaing bahagi
ng Russia na nasa Asya.
KANLURANG ASYA Kanlurang Asya
1. Bahrain Manama
2. Cyprus Lefkosia/Nicosia
3. Iran Tehran
4. Iraq Baghdad
5. Israel Jerusalem
6. Jordan Amman
7. Kuwait Kuwait City
8. Lebanon Beirut
9. Oman Muscat
10. Qatar Doha
11. Saudi Arabia Riyadh
12. Syria Damascus
13. Turkey Ankara
14. United Arab
Emirates
Abu Dhabi
15. Yemen Sana
Ang Kanlurang Asya,
ang rehiyong pinagtatagouan ng tatlong
mahalagang kontinente sa daigdig –ang Africa,
Asya at Europa. Ito ay binubuo ng mga
bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia,
Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait. Kasama
rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf
States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates,
Qatar at Bahrain. Kasama rin sa
Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus
at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis
ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga
pangunahing rehiyon sa daigdig gaya ng
Judaism, Kristiyanismo at Islam.
TIMOG ASYA Timog Asya
1. Afghanistan Kabul
2. Bangladesh Dhaka
3. Bhutan Thimphu
4. India New Delhi
5. Maldives Male
6. Nepal Kathmandu
7. Pakistan Islamabad
8. Sri Lanka Colombo
Bahagi naman ng Timog Asya ang India, ang
pinakamalaking bansa sa rehiyon, sa usapin ng sukat
ng teritoryo at populasyon. Hinduism ang
pangunahing relihiyon dito. Kabilang din sa
rehiyong ito ang tinatawag namang mga
bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan
at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal
at Buhtan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri
Lanka at Maldives. Ang Maldives ay binubuo
ng 1,2000 coral islands subalit 200 pulo lamang ang
natitirahan. Ang Afghanistan ay karaniwang
binibilang sa Timog Asya, bagamat may mga
aklat at ibang pinagkukunan na inilagay ito sa ilalim
ng Kanlurang Asya. Kadalasang tinatawag ang
Timog Asya na Land of Mysticism.
SILANGANG ASYA
Silangang Asya
1. China Beijing
2. Japan Tokyo
3.North Korea Pyongyang
4. South Korea Seoul
5. Taiwan Taipei
Ang Silangang Asya ay binubuo ng China,
Japan, North Korea, South Korea at
Taiwan. China ang pinakamalaking populasyon,
samantalang Japan naman ang isa sa
pinakamayamang bansa sa daigdig. Ang Taiwan
at South Korea, gaya ng Japan, ay mga
industriyalisadong bansa. Sa rehiyong ito
umusbong ang Confucianism, Taoism at
Shinto. Tumanggap din ang mga tao rito ng
Buddhism mula sa India. Ang Huling nabanggit
as napapasailalim sa halos parehong karanasang
historikal, kultural at maging sa klima.
TIMOG SILANGANG ASYA
Timog Silangang Asya
1. Brunei
Durassalam
Bandar Seri
Begawan
2. Cambodia Phnom Penh
3. East Timor Dili
4. Indonesia Jakarta
5. Laos Vientiane
6. Malaysia Kuala Lumpur
7. Myanmar Yangon/Rangoon
8. Philippines Manila
9. Singapore Singapore
10. Thailand Bangkok
11. Vietnam Hanoi
Timog Silangang Asya naman a nakilala bilang Father India at Little China dahil
sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng nasabing rehiyon. Ang
katawagang ito ay hindi tugma sapagkat maipagmamalaki ng Timog Silangang Asya na hindi
lamang ito tumatanggap kundi nag-angkop ng mga katangiang kultural upang iakma sa lokal
na kondisyon. May katutubong kultura ring nabuo ang Timog Silangang Asya. Nahahati ito
sa dalawang subregion: ang pang-kontinenteng Timog Silangang Asya o Mainland Southeast
Asia at ang pangkapuluang Timog Silangang Asya o Insular Southeast Asia.
Ang Mainland Southeaast Asia ay binubuo ng Myanmar (dating Burma), Thailand, at ang mga
bansang Vietnam, Laos, Cambodia na kinilala sa panahong kolonyal bilang French
Indochina. Samantala, ang Insular Southeast Asia ay binubuo ng Pilipinas, Indonesia,
Malaysia, Brunei, Singapore at East Timor. Bunga na rin ng pagkakaiba sa katangiang
heograpikal, dalawang magkaibang tradisyon ang umunlad sa rehiyon. Ang tradisyong
agrikultural gaya ng naging kaharian ng Angkor sa Cambodia at tradisyong pandagat tulad ng
kaharian ng Srivijaya sa Sumatra.
ANG ASYA SA PANANAW NG MGA KANLURANIN
Sa mahabang panahon ang kasaysayan ng mga bansang Asyano ay
tiningnan mula sa pananaw ng mga Europeo. Ibig sabihin, mas pinalitaw
ang ambag ng Europa sa kabihasnan ng Asya sa halip na ang papel ng Asya
mismo sa pagbuo ng kasaysayan nito. Ito ang pananaw na ang kabihasnan
at paraan ng pamumuhay ng Asya ay bugna o resulta lamang ng
sibilisasyong Europeo. Sa ganitong paraan, tinitingnan ang Asya bilang
"maliit na tradisyon" na tagatanggap lamang ng impluwensya mula sa
"dakilang tradisyon" gaya ng Europa. Resulta ito ng pagtingin sa isang
kultura gamit ang pamantayang dayuhan. Sa pananaw na Eurocentric,
pinag-aralan ang Asya gamit ang konseptong Europeo na may kinalaman sa
lipunan, relihiyon, pulitika, ekonomiya, at iba pang aspeto ng sibilisasyon.
ANG ASYA SA PANANAW NG MGAASYANO
Sa tala ng Greek na historyador na si Herodotus, binanggit ang ,
matagal nang kompetisyon sa pagitan ng Asya at Europa. Mapapansin din
sa literatura ng mga Europeo sa simula pa lamang ang mapanghusgang si
Matteo Ricci ang Heswitang Italian na pinaniniwalaang nagpakilala ng
salitang Asya sa wikang Tsino.
Edward Said (kaliwa) at Ziauddin Sardar, dalawang Asyanong nagbigay
ng paliwanag sa konsepto ng Oryentalismo.
Patingin sa Asya, kung saan ang terminong Asya ay iniuugnay sa pagiging
magarbo, bulgar at walang katatagang pulitikal. Gayundin ang
mapapansin sa mga akda sa heograpiya boong ika- 16 siglo kung saan ang
Europa ay iniuugnay sa armas, instrumentong siyentipiko at mga
simbolong Kristiyano samantalang iniuugnay naman ang Asya sa
mabusising kasuotan, kamelyo at maging sa unggoy. Binanggit naman ng
political thinker na si Charles- Louis de Secondat, Baron de Montesquieu
(1689-1755) ang Europa kaugnay ng pag- unlad at ang Asya ang
kabaligtaran nito.
"FINISH"

Presentation- Paghahating Heograpikal sa Asya

  • 1.
    JADE VINCENT A.ARRO G-7 MABAIT
  • 2.
    PAGHAHATING HEOGRAPIKAL SA ASYA Ayonsa ilang mga iskolar, maging ang konsepto ng mga kontinente ay bukas sa interpretasyon. Ito ang dahilan kung bakit maging ang larangan ng heograpiya ay sinasabing hindi rin tahasang objective science o sangay ng agham na may 100% na katiyakang siyentipiko. Sa makabagong pagtingin, ang paghahati sa mga teritoryo tungo sa mga kontinente at ng mga kontinente tungo sa mga rehiyon ay depende sa sariling pananaw ng geographer o sinumang may kapangyarihan sa pagtakda ng mga hangganan o paghahating heograpikal.
  • 4.
    ​Halimbawa: Kung baket itinuringng mga Europeo ang maliit nilang peninsula bilang isang buong kontinente samantalang ang malawak na teritoryo ng India ay tiningnan bilang subconinent. Sa katunayan, kung heograpiya rin ang isaalang-alang, ano ang batayan ng paghiiwalay sa Euopa at Asya bilang dalawang kontinente? Ayon sa paniniwala ng ilang iskolar, ang Ural Mountains na bumabaybay sa Russia at naghihiwalay sa Europa at Asya ay hinfi gaanong mattas at hindi nito nahadlangan ang pagtatag ng mga imperyo ng mga nomadikong Hun at Mongol mula sa hilaga. Sa kabilang banda, ang pinakamataas na Himalayas sa Timog Asya as hindi naman naging hadlang upang ang Timog at Silangang Asya as mapabilang sa isang kontinente. Hindi lamang pisikal na katangian ang isinaalang-alang sa paghahati ng mga teritoryo. Nariyan rin ang kultural, historikal at naging pulitikal na salik
  • 5.
    MGA REHIYON SAASYA Saheograpiya, mahalagang maunawaan na ang mga konsepto ng paghahating panrehiyon ay binuo lamang ng tao sa pagkakapareho sa katangiang heograpikal, pisikal, historikal at kultural. Malaki ang papel na ginagampanan ng pisikal na heograpiya sa mga rehiyon na may pagkakaiba sa uri uri ng tirahan, pananamit, pagkain at sistema ng transportasyon. Ang mga rehiyon sa Asya ay tinatawag na heograpikal at kultural na mga sona. Batay sa mga salik na ito, nanatili sa limang rehiyon ang Asya : Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan at Silangang Asya.
  • 6.
    HILAGANG ASYA Hilagang Asya 1.Armenia Yerevan 2. Azerbaijan Baku 3. Georgia T'bilisi 4. Kazakhstan Ustana 5. Mongolia Ulaanbaatar 6. Kyrgyzstan Bishkek 7. Tajikistan Dushanbe 8. Turkmenistan Ashgabat 9. Uzbekistan Tashkent Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga dating Soviet Central Asia -- Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia at Armenia. Kilala rin ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia (Gitnang Asya) o Inner Asia. Kabilang din sa Hilagang Asya ang Mongolia at ang Siberia o lupaing bahagi ng Russia na nasa Asya.
  • 7.
    KANLURANG ASYA KanlurangAsya 1. Bahrain Manama 2. Cyprus Lefkosia/Nicosia 3. Iran Tehran 4. Iraq Baghdad 5. Israel Jerusalem 6. Jordan Amman 7. Kuwait Kuwait City 8. Lebanon Beirut 9. Oman Muscat 10. Qatar Doha 11. Saudi Arabia Riyadh 12. Syria Damascus 13. Turkey Ankara 14. United Arab Emirates Abu Dhabi 15. Yemen Sana Ang Kanlurang Asya, ang rehiyong pinagtatagouan ng tatlong mahalagang kontinente sa daigdig –ang Africa, Asya at Europa. Ito ay binubuo ng mga bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait. Kasama rin sa rehiyong ito ang tinatawag naman na Gulf States ng Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar at Bahrain. Kasama rin sa Kanlurang Asya ang Iran, Israel, Cyprus at Turkey. Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing rehiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo at Islam.
  • 8.
    TIMOG ASYA TimogAsya 1. Afghanistan Kabul 2. Bangladesh Dhaka 3. Bhutan Thimphu 4. India New Delhi 5. Maldives Male 6. Nepal Kathmandu 7. Pakistan Islamabad 8. Sri Lanka Colombo Bahagi naman ng Timog Asya ang India, ang pinakamalaking bansa sa rehiyon, sa usapin ng sukat ng teritoryo at populasyon. Hinduism ang pangunahing relihiyon dito. Kabilang din sa rehiyong ito ang tinatawag namang mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Buhtan; at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. Ang Maldives ay binubuo ng 1,2000 coral islands subalit 200 pulo lamang ang natitirahan. Ang Afghanistan ay karaniwang binibilang sa Timog Asya, bagamat may mga aklat at ibang pinagkukunan na inilagay ito sa ilalim ng Kanlurang Asya. Kadalasang tinatawag ang Timog Asya na Land of Mysticism.
  • 9.
    SILANGANG ASYA Silangang Asya 1.China Beijing 2. Japan Tokyo 3.North Korea Pyongyang 4. South Korea Seoul 5. Taiwan Taipei Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea at Taiwan. China ang pinakamalaking populasyon, samantalang Japan naman ang isa sa pinakamayamang bansa sa daigdig. Ang Taiwan at South Korea, gaya ng Japan, ay mga industriyalisadong bansa. Sa rehiyong ito umusbong ang Confucianism, Taoism at Shinto. Tumanggap din ang mga tao rito ng Buddhism mula sa India. Ang Huling nabanggit as napapasailalim sa halos parehong karanasang historikal, kultural at maging sa klima.
  • 10.
    TIMOG SILANGANG ASYA TimogSilangang Asya 1. Brunei Durassalam Bandar Seri Begawan 2. Cambodia Phnom Penh 3. East Timor Dili 4. Indonesia Jakarta 5. Laos Vientiane 6. Malaysia Kuala Lumpur 7. Myanmar Yangon/Rangoon 8. Philippines Manila 9. Singapore Singapore 10. Thailand Bangkok 11. Vietnam Hanoi
  • 11.
    Timog Silangang Asyanaman a nakilala bilang Father India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura ng nasabing rehiyon. Ang katawagang ito ay hindi tugma sapagkat maipagmamalaki ng Timog Silangang Asya na hindi lamang ito tumatanggap kundi nag-angkop ng mga katangiang kultural upang iakma sa lokal na kondisyon. May katutubong kultura ring nabuo ang Timog Silangang Asya. Nahahati ito sa dalawang subregion: ang pang-kontinenteng Timog Silangang Asya o Mainland Southeast Asia at ang pangkapuluang Timog Silangang Asya o Insular Southeast Asia. Ang Mainland Southeaast Asia ay binubuo ng Myanmar (dating Burma), Thailand, at ang mga bansang Vietnam, Laos, Cambodia na kinilala sa panahong kolonyal bilang French Indochina. Samantala, ang Insular Southeast Asia ay binubuo ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore at East Timor. Bunga na rin ng pagkakaiba sa katangiang heograpikal, dalawang magkaibang tradisyon ang umunlad sa rehiyon. Ang tradisyong agrikultural gaya ng naging kaharian ng Angkor sa Cambodia at tradisyong pandagat tulad ng kaharian ng Srivijaya sa Sumatra.
  • 12.
    ANG ASYA SAPANANAW NG MGA KANLURANIN Sa mahabang panahon ang kasaysayan ng mga bansang Asyano ay tiningnan mula sa pananaw ng mga Europeo. Ibig sabihin, mas pinalitaw ang ambag ng Europa sa kabihasnan ng Asya sa halip na ang papel ng Asya mismo sa pagbuo ng kasaysayan nito. Ito ang pananaw na ang kabihasnan at paraan ng pamumuhay ng Asya ay bugna o resulta lamang ng sibilisasyong Europeo. Sa ganitong paraan, tinitingnan ang Asya bilang "maliit na tradisyon" na tagatanggap lamang ng impluwensya mula sa "dakilang tradisyon" gaya ng Europa. Resulta ito ng pagtingin sa isang kultura gamit ang pamantayang dayuhan. Sa pananaw na Eurocentric, pinag-aralan ang Asya gamit ang konseptong Europeo na may kinalaman sa lipunan, relihiyon, pulitika, ekonomiya, at iba pang aspeto ng sibilisasyon.
  • 13.
    ANG ASYA SAPANANAW NG MGAASYANO Sa tala ng Greek na historyador na si Herodotus, binanggit ang , matagal nang kompetisyon sa pagitan ng Asya at Europa. Mapapansin din sa literatura ng mga Europeo sa simula pa lamang ang mapanghusgang si Matteo Ricci ang Heswitang Italian na pinaniniwalaang nagpakilala ng salitang Asya sa wikang Tsino.
  • 14.
    Edward Said (kaliwa)at Ziauddin Sardar, dalawang Asyanong nagbigay ng paliwanag sa konsepto ng Oryentalismo.
  • 15.
    Patingin sa Asya,kung saan ang terminong Asya ay iniuugnay sa pagiging magarbo, bulgar at walang katatagang pulitikal. Gayundin ang mapapansin sa mga akda sa heograpiya boong ika- 16 siglo kung saan ang Europa ay iniuugnay sa armas, instrumentong siyentipiko at mga simbolong Kristiyano samantalang iniuugnay naman ang Asya sa mabusising kasuotan, kamelyo at maging sa unggoy. Binanggit naman ng political thinker na si Charles- Louis de Secondat, Baron de Montesquieu (1689-1755) ang Europa kaugnay ng pag- unlad at ang Asya ang kabaligtaran nito.
  • 16.