SlideShare a Scribd company logo
Kung pagsaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig,
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
Pagsaulan =pagbalikan, alalahanin
Mahagilap= mahahanap
Yaong Selyang laging pinanganganiban,
baka makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.
Pinanganganiban=kinatatakutan
Karalitaan=kahirapan
Makaligtaan ko kayang ‘di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
pinuhunan kong pagod at hilahil?
Suyuan=pag-iibigan
Hilahil=problema
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang natira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
Ngayong namamanglaw sa pangungulila,
ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho’y inaalaala,
sa iyong larawa’y ninitang ginhawa
Namamanglaw-nalulungkot
Sa larawang guhit ng sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso’t panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at ‘di mananakaw magpahanggang libing
Panimdim-isipan
Sanla-alaala/bilin
Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw
sa lansanga’t nayong iyong niyapakan;
sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw,
yaring aking puso’y laging lumiligaw.
Di mamakailang mupo ng panimdim
sa puno ng manggang naraanan natin;
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin,
ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik
sa buntung-hininga nang ika’y may sakit,
himutok ko noo’y inaaring-langit,
paraiso naman ang may tulong-silid.
Himutok-hinagpis
Nililigawan ko ang iyong larawan
sa Makating ilog na kinalagian;
binabakas ko rin sa masayang d’ungan,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
Nagbabalik mandi’t parang hinahanap,
dito ang panahong masayang lumipas;
na kung maliligo’y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.
Tabsing-tubig tabang/talsik ng tubig sa dagat
Parang naririnig ang lagi mong wika:
“Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,”
at sinasagot ko ng sabing may tuwa.
“Sa isa katao'y marami ang handa.”
Ano pa ngat walang di nasisiyasat
Ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas;
sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
Ang taghoy kong “O, nasawing palad!”
Taghoy-daing/panaghoy ng isang taong lumuluha
Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami'y bakit di lumawig
nahan ang panahong isa niyang titig
ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit
Di lumawig-di natuloy/di nagtagal
Bakit baga ngayong kami maghiwalay
ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y, ‘di mapaparam
‘di mapaparam-di malilimutan
Itong 'di matiis na pagdaralita
nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa,
ang siyang umakay na ako'y tumula,
awitin ang buhay ng isang naaba
Naaba-naapi
Selya’y talastas kot malalim na umid,
Malamlam ang musa kot malumbay ang tinig;
'di kinabahagya kung hindi malait,
palaring dinggin mo ng tainga't isip.
Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak;
tanggapin mo nawa kahit walang lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
Kutad=kulang sa karanasan
Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop,
tubo ko'y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pini pintakasi
ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi.
Nimfas-diwata ng kalikasan
Pintakasi- sinasamba
Ahon sa dalata’t pampang na nagligid,
tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid,
tapat na pagsinta'y hangad na lumawig.
Dalata- malapit sa pampang
Ikaw na bulaklak niring dili-dili,
Selyang sagisag mo'y ang M.A.R.
sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.B.
Dili-dili-isipan

More Related Content

What's hot

Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
analyncutie
 
Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9
Jenita Guinoo
 
Bulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayanBulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayan
Tine Bernadez
 
Grade 9-Maikling Kuwento
Grade 9-Maikling KuwentoGrade 9-Maikling Kuwento
Grade 9-Maikling Kuwento
NemielynOlivas1
 
BULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYANBULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYAN
ErichMacabuhay
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
Jenita Guinoo
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Juan Miguel Palero
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Lorelyn Dela Masa
 
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaDenotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
OliverSasutana
 
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptxMASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
DanilynSukkie
 
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
dhelsacay20
 
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagFilipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Juan Miguel Palero
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
Juan Miguel Palero
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
Clarice Sidon
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
Sanji Zumoruki
 
dokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyondokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyon
Dianah Martinez
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
shekainalea
 
Programang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptxProgramang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptx
AndreaEstebanDomingo
 
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganMetaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Jeremiah Castro
 

What's hot (20)

Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in FilipinoElehiya Grade 9 lesson in Filipino
Elehiya Grade 9 lesson in Filipino
 
Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
Bulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayanBulong at awiting bayan
Bulong at awiting bayan
 
Grade 9-Maikling Kuwento
Grade 9-Maikling KuwentoGrade 9-Maikling Kuwento
Grade 9-Maikling Kuwento
 
BULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYANBULONG AT AWITING BAYAN
BULONG AT AWITING BAYAN
 
Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7Ponemang suprasegmental, grade 7
Ponemang suprasegmental, grade 7
 
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminFilipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Filipino 9 Iba’t-ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9Alamat ni prinsesa manorah fil 9
Alamat ni prinsesa manorah fil 9
 
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salitaDenotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
Denotatibo at konotatibong pagpapakahulugan ng mga salita
 
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptxMASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
MASS MEDIA, KATOTOHANAN,OPINYON,HINUHA.pptx
 
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
 
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga PahayagFilipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
Filipino 9 Napatutunayan kung Makatotohanan o Di-Makatotohanan ang mga Pahayag
 
Filipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 EtimolohiyaFilipino 9 Etimolohiya
Filipino 9 Etimolohiya
 
KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN KAALAMANG BAYAN
KAALAMANG BAYAN
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
 
dokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyondokumentaryong pantelebisyon
dokumentaryong pantelebisyon
 
Mga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmentalMga ponemang suprasegmental
Mga ponemang suprasegmental
 
Programang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptxProgramang Pantelebisyon.pptx
Programang Pantelebisyon.pptx
 
Metaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na PagpapakahuluganMetaporikal na Pagpapakahulugan
Metaporikal na Pagpapakahulugan
 

Similar to Kay selya week 3.pptx

8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
NymphaMalaboDumdum
 
Picture and kay selya@print.com
Picture and kay selya@print.comPicture and kay selya@print.com
Picture and kay selya@print.comBhoxz JoYrel
 
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxQ4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
MiaLangaySanz
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Liezel Ann Aguilar
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
KimberlyLaluan
 
Uri ng-tula
Uri ng-tulaUri ng-tula
Kay celia
Kay celiaKay celia
Kay celia
JaysonCOrtiz
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
sarahruiz28
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
Noemi Dela Cruz
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
Sanji Zumoruki
 
Panahon ng Katutubo
Panahon ng KatutuboPanahon ng Katutubo
Panahon ng Katutubo
Supreme Student Government
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
Bay Max
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
DepEd
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
purefoodsstarhotshots
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Omegaxis26
 
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptxfilipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
RoxsanBCaramihan
 
Elemento ng Tula
Elemento ng TulaElemento ng Tula
Elemento ng Tula
Jessie Pedalino
 

Similar to Kay selya week 3.pptx (20)

8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
 
Picture and kay selya@print.com
Picture and kay selya@print.comPicture and kay selya@print.com
Picture and kay selya@print.com
 
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptxQ4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
Q4-Kay Selya at Sa Babasa Nito - Copy.pptx
 
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
Uri ng-tula
Uri ng-tulaUri ng-tula
Uri ng-tula
 
Kay celia
Kay celiaKay celia
Kay celia
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Taize reflection
Taize reflectionTaize reflection
Taize reflection
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Panahon ng Katutubo
Panahon ng KatutuboPanahon ng Katutubo
Panahon ng Katutubo
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
 
Florante at laura
Florante at lauraFlorante at laura
Florante at laura
 
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
Ulat sa filipino 4th quarter (Group 1)
 
Huling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyakHuling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyak
 
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptxfilipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
filipino 10 tula at pagpapahayag ng emosyon.pptx
 
Elemento ng Tula
Elemento ng TulaElemento ng Tula
Elemento ng Tula
 

Kay selya week 3.pptx

  • 1.
  • 2. Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig, may mahahagilap kayang natititik liban na kay Selyang namugad sa dibdib? Pagsaulan =pagbalikan, alalahanin Mahagilap= mahahanap
  • 3. Yaong Selyang laging pinanganganiban, baka makalimot sa pag-iibigan; ang ikinalubog niring kapalaran sa lubhang malalim na karalitaan. Pinanganganiban=kinatatakutan Karalitaan=kahirapan
  • 4. Makaligtaan ko kayang ‘di basahin, nagdaang panahon ng suyuan namin? kaniyang pagsintang ginugol sa akin pinuhunan kong pagod at hilahil? Suyuan=pag-iibigan Hilahil=problema
  • 5. Lumipas ang araw na lubhang matamis at walang natira kundi ang pag-ibig, tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib hanggang sa libingan bangkay ko’y maidlip.
  • 6. Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, nagdaang panaho’y inaalaala, sa iyong larawa’y ninitang ginhawa Namamanglaw-nalulungkot
  • 7. Sa larawang guhit ng sintang pinsel, kusang inilimbag sa puso’t panimdim nag-iisang sanlang naiwan sa akin, at ‘di mananakaw magpahanggang libing Panimdim-isipan Sanla-alaala/bilin
  • 8. Ang kaluluwa ko’y kusang dumadalaw sa lansanga’t nayong iyong niyapakan; sa Ilog Beata’t Hilom na mababaw, yaring aking puso’y laging lumiligaw.
  • 9. Di mamakailang mupo ng panimdim sa puno ng manggang naraanan natin; sa nagbiting bungang ibig mong pitasin, ang ulilang sinta’y aking inaaliw.
  • 10. Ang katauhan ko’y kusang nagtatalik sa buntung-hininga nang ika’y may sakit, himutok ko noo’y inaaring-langit, paraiso naman ang may tulong-silid. Himutok-hinagpis
  • 11. Nililigawan ko ang iyong larawan sa Makating ilog na kinalagian; binabakas ko rin sa masayang d’ungan, yapak ng paa mo sa batong tuntungan.
  • 12. Nagbabalik mandi’t parang hinahanap, dito ang panahong masayang lumipas; na kung maliligo’y sa tubig aagap, nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. Tabsing-tubig tabang/talsik ng tubig sa dagat
  • 13. Parang naririnig ang lagi mong wika: “Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama,” at sinasagot ko ng sabing may tuwa. “Sa isa katao'y marami ang handa.”
  • 14. Ano pa ngat walang di nasisiyasat Ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; sa kagugunita, luha'y lalagaslas, Ang taghoy kong “O, nasawing palad!” Taghoy-daing/panaghoy ng isang taong lumuluha
  • 15. Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami'y bakit di lumawig nahan ang panahong isa niyang titig ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit Di lumawig-di natuloy/di nagtagal
  • 16. Bakit baga ngayong kami maghiwalay ay di pa nakitil yaring abang buhay? kung gunitain ka'y aking kamatayan, sa puso ko Selya'y, ‘di mapaparam ‘di mapaparam-di malilimutan
  • 17. Itong 'di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa, ang siyang umakay na ako'y tumula, awitin ang buhay ng isang naaba Naaba-naapi
  • 18. Selya’y talastas kot malalim na umid, Malamlam ang musa kot malumbay ang tinig; 'di kinabahagya kung hindi malait, palaring dinggin mo ng tainga't isip.
  • 19. Ito'y unang bukal ng bait kong kutad na inihahandog sa mahal mong yapak; tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat. Kutad=kulang sa karanasan
  • 20. Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop, tubo ko'y dakila sa puhunang pagod; kung binabasa mo'y isa mang himutok ay alalahanin yaring naghahandog.
  • 21. Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai, Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo'y siyang pini pintakasi ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi. Nimfas-diwata ng kalikasan Pintakasi- sinasamba
  • 22. Ahon sa dalata’t pampang na nagligid, tonohan ng lira yaring abang awit na nagsasalitang buhay ma'y mapatid, tapat na pagsinta'y hangad na lumawig. Dalata- malapit sa pampang
  • 23. Ikaw na bulaklak niring dili-dili, Selyang sagisag mo'y ang M.A.R. sa Birheng mag-ina’y ipamintakasi ang tapat mong lingkod na si F.B. Dili-dili-isipan