1. Ang batang sanay
magdildil ng asin ay
handang sumuong sa
butas ng karayom
makatapos lang ng pag-
aaral. Talagang
magsusunog sila ng kilay
upang marating ang rurok
ng tagumpay.
3. Mga Idyoma
Mga pahayag na di-tuwirang
nagbibigay ng kahulugan
Karaniwang hinango ang kahulugan
nito sa karanasan ng tao gaya ng
mga pangyayari sa buhay o mga
bagay-bagay sa ating paligid
Sa pamamagitan ng idyoma,
nakikilala ang yaman ng isang wika
5. ALOG NA ANG BABA…
(Matanda na)
Sila lola ay hindi na
maaring sumayaw
sapagkat alog na
ang kanilang baba.
6. BIRO NG TADHANA…
(mga kabiguan o
kamalasan)
Malupit na biro ng
tadhana ang nangyari
sa buhay ng mag-
asawang Lopez.
7. ANAK- PAWIS…
(Mahirap ang angkan)
Si Danny ay hindi
nakatapos ng
kanyang pag- aaral
dahil siya’y anak-
pawis lamang.
8. BAHAG ANG BUNTOT…
(Walang lakas ng loob o
duwag.)
Matapang si Eze kapag
wala ang kalaban
ngunit kapag kaharap na
ay bahag naman ang
kanyang buntot.
9. BAKAS NG KAHAPON…
(alaala ng lumipas na
panahon)
Sa tuwing maaalala ni Grace
ang nadisgrasya niyang
katawan ay sumasagi sa
kanyang isipan ang
malungkot na bakas ng
kahapon sa kanyang buhay.
10. BUKAS ANG PALAD…
(Matulungin)
Bukas ang palad ng mag-
asawa sa mga
nangangailangan.
11. BUKAS NA AKLAT…
(hindi na lihim sa mga
tao, alam ng marami.)
Ang buhay ng mga
artista at pulitiko ay
isang bukas na aklat
sa mga taong
nakapaligid sa kanila.
12. BUHATIN ANG SARILING
BANGKO…
(laging pinupuri ang sarili o
ang kanyang kapamilya)
Si Mario ay mahilig
magbuhat ng sariling
bangko. Lagi niyang
pinangangalandakan ang
marurunong niyang mga
anak.
13. BUKAS NA DIBDIB…
(Laging nakalaang
tumulong sa
nangangailangan)
Ang DSWD ay
itinataguyod ng mga
taong bukas ang
dibdib.
14. KAMAY NA BAKAL…
(Mahigpit)
Dahil sa pinaiiral ng
may- ari ang kamay
na bakal, walang
tatamad- tamad sa
kanyang pagawaan.
15. KUSANG PALO O KUSANG
LOOB…
(gumagawa kahit hindi
inuutusan / may kusa)
Ang trabahador na may
kusang palo ay
maaaring asahan sa
trabaho.
47. 1. Biro ng tadhana
2. Parang aso’t pusa
3. Alog na ang baba
4. kamay na bakal
5. naghalo ang balat sa
tinalupan
48. B. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga
sinalungguhitang idyoma sa
pangungusap.
1. Bakal ang dibdib ng mga bayaning
nakipaglaban sa kalayaan.
2. Palaging tinutukso si Jose dahil siya’y
buto’t balat.
3. Malungkot ang lahat sapagkat ang
pangulo ay nasa banig ng karamdaman.
49. 4. Maraming naiipong pera si Roland
sapagkat siya’y may bulsa sa balat.
5. Kinaiinisan ng lahat ang taong
buwaya.
6. Kung gusto mong magtagumpay,
dadaan ka muna sa butas ng
karayom.
7. Mahigpit na pinatutupad ng batas
ang supilin ang mga taong
nagbebenta ng damo.
50. 8. Si Leo ang tinaguriang
damulag sa klase.
9. Ang ating kaibigan ang
nagsisilbing balikat natin kapag
tayo’y may problema.
10. Sanay ang mga mahihirap na
magbanat ng buto upang may
makain araw-araw.