DIAGNOSTIC TEST
ARALING
PANLIPUNAN 10
Pangalan ng Mag-aaral : Petsa:
Baitang/Pangkat: Guro: Bb. Charlene O. Lorenzo
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang
mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin
ang iba’t ibang uri ng hazzard.
A. Pagtataya ng Panganib
B. Pagtataya ng Kapasidad
C. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan
D. Pagtataya ng Peligro
2. Proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring
makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring
maapektuhan nito.
A. Physical Tracing C. Timeline of Events
B. Hazzard Mapping D. Risk Assessment
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin kung nasa ikalawang yugto sa
pagbuo ng plano ng CBDRRM o ang Paghahanda sa Kalamidad?
A. Magbigay impormasyon C. Magbigay ng opinyon
B. Magbigay payo D. Magbigay ng panuto
4. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang
mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang
panganib at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan
B. Magsagawa ng indibidwal na plano ayon sa pansariling pangangailangan
C. Makibahagi sa pagsagip sa mga maaapektuhan ng sakuna
D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang
pangangailangan ng mga tao.
5. Isa sa suliraning kinakaharap ng Pilipinas ay ang pamamahala ng basura,
bilang tugon ay nagtalaga ang pamahalaan ng pangunahing ahensyang
mangangasiwa rito. Tukuyin ang ahensyang ito.
A. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
B. Department of Interior and Local Government (DILG)
C. National Waste Materials Recovery Facility (MRF)
D. National Solid Waste Management Commission (NSWMC)
6. Alin sa mga sumusunod na batas ang tumutukoy sa pag-uutos ng
pagsasagawa ng reforestation o pagtatanim ng mga puno sa buong bansa
kasama ang pribadong sektor?
A. Batas Republika Bilang 2706 C. Proclamation No. 643
B. Presidential Decree 705 D. Executive Order No. 26
7. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa
sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng COVID-19
B. Kawalan ng pinansyal na kakayahan ng mga mamamayan
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. Lahat ng nabanggit
8. Bilang mamamayan ng Pilipinas, ano ang maaari mong maiambag upang
matugunan ang lumalalang suliraning pangkapaligiran ng bansa?
A. Panatilihing malinis ang kapaligiran
B. Sumunod sa mga batas na may kaugnayan sa kalikasan
C. Makilahok sa mga programang ipanapatupad ng pamahalaan
D. Lahat ng nabanggit
9. Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw
na epekto sa lipunan.
A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Pangkalakalan
B. Kontemporaryong Isyu D. Isyung Pangkalusugan
10. Alin sa sumusunod ang HINDI kasanayan na dapat taglayin sa pag-
aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
B. Ilahad ang kabutihan ng isang bagay at huwag ang di-kabutihan
C. Pagkilala sa sanggunian.
D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
11. Sa pamamamagitan ng social media ay madaling
nakakapagbahagi ng balita ang mga tao, totoo man o hindi, may
saysay man o wala. Anong kahalagahan ng pag-aaral sa
kontemporaryong isyu ang ipinapairal sa sitwasyong ito?
A. Kakayahang tumimbang ng mga pangyayari at sitwasyon.
B. Kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan
ng pamamahayag.
C. Matalas na kaisipan upang matanto ang angkop, handa, at agarang
pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon.
D. Kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at
magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin.
12. Batid ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng matinding pagbaha
kaakibat ng bagyo kung kaya maagang nagsilikas ang mga ito sa ligtas na
lugar. Anong kahalagahan ng pag- aaral sa kontemporaryong isyu ang
ipinapairal sa sitwasyong ito?
A. Kakayahang tumimbang ng mga pangyayari at sitwasyon.
B. Kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng
pamamahayag.
C. Matalas na kaisipan upang matanto ang angkop, handa, at agarang
pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon.
D. Kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at
magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin.
13. Araw-araw ay sinisigurado ni Ana na nakakapanood sya ng balita sa
telebisyon o kaya naman ay nakapagbabasa ng dyaryo upang malaman
ang kasalukuyang lagay ng bansa. Anong kahalagahan ng pag-aaral sa
kontemporaryong isyu ang nasa sitwasyong ito?
A. Kakayahang tumimbang ng mga pangyayari at sitwasyon.
B. Kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng
pamamahayag.
C. Matalas na kaisipan upang matanto ang angkop, handa, at agarang
pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon.
D. Kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at
magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin.
14. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa ibat-ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t
ibang panig ng daigdig.
A. Urbanisasyon C. Globalisasyon
B. Industriyalisasyon D. Nasyonalisasyon
15. Dimensyong tumutukoy sa uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao
ay umuunlad sapagkat natututo tayo o nakakakuha tayo ng ideya at
impormasyon mula sa ibang tao mula sa ibang bansa.
A. Socio-cultural C. Political
B. Technological D. Environmental
16. Ito ang pagkakaroon ng pakikipagkasunduan ng mga bansa na
magbigay daan upang magkaroon ng “global power” ang ilang mga
bansa.
A. Power resistance C. power control
B. power authority D. power allegiance
17. Ang pakikipagkalakalan sa ibat-ibang bansa ay nagbibigay sa mga
tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Ang deskripsyong
ito ay isang halimbawa ng:
A. Dahilan ng globalisayon C. Dimensyon ng globalisayon
B. Epekto ng globalisayon D. Uri ng globalisayon
18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng globalisasyon?
A. Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon ng pagkakasundo ang mga
bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan
B. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na
nagiging dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng ibat-ibang mga bansa.
C. Nagkakaroon ng malaking agwat sa buhay at pamumuhay ng mga tao, sa
pagitan ng mahihirap at mayayaman.
D. Lahat ng nabanggit
19. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente.
A. mitigasyon C. migrasyon
B. misyon D. bakasyon
20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tinuturing na dahilan ng migrasyon?
A. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang
B. Pagkakaroon ng kakayahan na makapagpadala ng mga produktong galing sa
ibang bansa lalo’t tuwing may okasyon
C. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nangnaninirahan
sa ibang bansa
D. Wala sa mga nabanggit
21. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng migrasyon sa
bansang pupuntahan.
A. Nagkakaroon ng pagdami ng Populasyon
B. Mayroong posibilidad ang pagkakaroon ng overcrowding
C. Nakatutulong upang dumami ang manggagawa
D. Nakapagdaragdag ng kitang pang-ekonomikal
22. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng migrasyon sa bansang
pinanggagalingan.
A. Maaaring bumaba ang potential workforce ng bansa
B. Nababawasan ang unemployment sa bansang pinanggalingan
C. Ang padalang pera na kinita sa ibang bansa o lugar ay nakatutulong sa ekonomiya
D. Ang mga taong nagmula sa ibang bansa /lugar ay may dalang bagong skills at
kalaman
23. Sa panahon ng paglaganap ng isang global na pandemya lahat ay apektado
ngunit ang bigat ng epekto nito ay maaaring nakabatay sa kakayahan ng isang
indibidwal lalo na sa pagitan ng mga mahihirap at mga mayayaman. Ito ay epekto
ng globalisasyon sa anong aspeto?
A. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo
B. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa
C. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya
D. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya
24. Mabilis ang daloy ng impormasyon at kaalaman ngayon sa tulong na rin ng
internet at iba pang social media na nakatutulong upang ating malaman ang mga
kaganapan saan mang panig ng daigdig. Ito ay epekto ng globalisasyon sa anong
aspeto?
A. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo
B. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa
C. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya
D. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya
25. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na
nagiging dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng iba’t ibang mga bansa. Ito ay epekto
ng globalisasyon sa anong aspeto?
A. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya
B. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya
C. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo
D. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa
26. Bilang tugon ng United Nations sa lumalalang suliranin ng bawat bansang
kasapi nito ay bumuo ito ng Sustainable Development Goals (SDG) o mga
mithiin na inaasahang makamit ng bawat miyembro nito sa pamamagitan ng
pagtutulungan. Ito ay epekto ng globalisasyon sa anong aspeto?
A. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya
B. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya
C. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo
D. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa
27. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa
biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae
sa lalaki?
A. bi-sexual C. sex
B. gender D. transgender
28. Ano ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa
maling katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi
magkatugma?
A. homosexual C. cisgender
B. heterosexual D. transgender
29. Nahirapan ang mga kababaihan na magkaroon ng karapatang
bumoto sa mga sumusunod na bansa maliban sa isa. Tukuyin ang
bansang ito.
A. Pilipinas C. Lebanon
B. Kuwait D. Syria
30. Kapwa pinapayagan noon ang mga babae at lalaki na hiwalayan
ang kanilang asawa. Maaaring hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa
sa pamamagitan ng pagbawi sa mga ari-arian nito noong panahon na
sila ay nagsasama pa, samantalang ang babaeng ibig makipaghiwalay
ay walang makukuhang anumang pag-aari. Ano ang ibig ipahiwatig
nito?
A. Walang pagmamay-ari ang mga kababaihan noon.
B. Maraming pagmamay-ari ang kalalakihan noon.
C. May pagkiling sa mga lalaki ang kasunduan sa pakikipaghiwalay.
D. May pantay na karapatan ang babae at lalaki sa usapin ng
paghihiwalay.
31. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang
mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng
kaukulang parusa sa lumalabag nito.
A. Strengthened Women and Children Act
B. Act for Women and Children Protection
C. Act Against Women and Children Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and their Children Act
32. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong
ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan
nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
33. Si Jerome ay regular na empleyado ng isang kumpanya at kakapanganak lamang
ng kanyang asawa. Ayon sa RA 8187 o Paternity Leave Act, ilang araw ang maaari
nyang pagliban sa trabaho nang mayroong buong sahod o benepisyo?
A. 6 na araw C. 8 araw
B. 7 araw D. 9 na araw
34. Bilang miyembro ng United Nations at bansang laganap pa rin ang
diskriminasyon sa mga kababaihan ay kinakailangang sumunod ng bansa sa mga
panukalang nakapaloob sa Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women (CEDAW). Alin sa mga sumusunod ang HINDI
kabilang dito?
A. Paggalang sa Karapatan ng mga Kababaihan
B. Pagbibigay solusyon sa laganap na diskriminasyon
C. Pagkondena sa pamahalaan dahil sa kakulangan ng aksyon
D. Pagtatanggol at pagtaguyod sa karapatan ng mga kababaihan
35. Alin sa mga sumusunod ang halimabawa ng karahasan at
diskriminasyon sa mga kababaihan na laganap sa Pilipinas?
A. Foot binding C. Breast Ironing
B. 7 Deadly Sins Against Women D. Female Genital Mutilation
36. Alin sa mga sumusunod ang panukalang batas na naglalayong
magkaroon ng pagkakapantay-pantay anuman ang kasarian, edad, o
estado sa buhay ng isang tao na higit dalawang dekada nang
isinusulong ng ilang mambabatas ngunit bigo pa ring maipasa?
A. Same-sex Marriage Bill C. SOGIE Equality Bill
B. Heterosexual Protection Bill D. Gender-based Equality Bill
37. Ilang batas sa bansa ang nagpapakita ng lantarang diskriminasyon sa mga
mamamayang miyembro ng LGBTQIA+ Community tulad ng Anti-Homosexuality
Act of 2014. Ano ang nilalamang parusa ng mga lalabag sa batas na ito?
A. Panghabambuhay na pagkabilanggo
B. Pagtakwil sa relihiyong kinabibilangan
C. Pagkawala ng karapatang mag may-ari
D. Pagmumulta na hindi bababa sa limang libong piso
38. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang
isang mapayapang demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang
kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na:
A. Anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. Anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon
C. Lubhang laganap ang diskriminasyon patungkol sa kasarian
D. Lahat ay may kagustuhang na makaranas ng pantay na pagtrato
39. Ayon sa Artikulo IV ng ating 1987 Constitution, Ikaw maituturing ang isang
lehitimong mamamayang Filipino kung:
A. Kung ikaw ay isinilang bago sumapit ang Enero 23, 1935
B. Kung Ang dugo mo ay bughaw at mula sa pamilyang maharlika
C. Kung ikaw ay manlalakabay na gustong mamuhay sa sa Pilipinas
D. Kung ang iyong mga magulang ay kapwa ipinanganak sa Pilipinas
40. Si Jose bilang mamamayang Pilipino ay ginamit ang kanyang karapatang
bumoto sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato para maging pangulo ng bansa.
A. Suportahan ang inyong simbahan.
B. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
C. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksyon
D. Igalang ang nagpapatupad ng batas trapiko, pulis at iba pang lingkod
bayan.
41. Bilang guro, tinitiyak ni Clara na nagagawa nya ang gampanin sa paaralan higi’t
lalo ang tungkulin nyang mapalawak ang kaisipan ng kanyang mga mag-aaral.
A. Suportahan ang inyong simbahan.
B. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
C. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksyon
D. Igalang ang nagpapatupad ng batas trapiko, pulis at iba pang lingkod
bayan.
42. Bilang mag-aaral, ano ang pinakamabisang paraan na maaari mong gawin
upang maging aktibong mamamayan ng bansa at makatulong sa pagpapaunlad
nito?
A. Pagsunod sa batas trapiko
B. Pagtangkilik sa mga produktong lokal
C. Pagsasasagawa ng reduce, reuse, recycle
D. Pag-aaral nang mabuti upang magkamit ng kaalaman at kasanayan
43. Listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at ilan pang karagdagang Karapatan.
A. Cyrus Cylinder C. Universal Declaration of Human Rights
B. Ten Commandments D. Bill of Rights
44. Isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao
ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at
kultural.
A. Universal Declaration of Human Rights
B. International Magna Carta for all Mankind
C. Petition of Right
D. Bill of Rights
45. Bilang indibidwal, bawat tao ay mayroong karapatang mabuhay at
maging malaya sa kung anuman ang kanilang nais tunguhin sa buhay
hangga’t walang nalalabag na batas. Ang karapatang ito ay tinutukoy bilang?
A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights
B. Natural Rights D. Socio-Political Rights
46. Ang pamilya ni Jenny ay napabilang sa pamilyang tumatanggap ng ayuda
sa pamahalaan sa pamamagitan ng programang 4Ps, bilang Pilipino ay
karapatan nyang makatanggap ng tulong sa pamahalaan. Ang karapatang ito
ay tinutukoy bilang?
A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights
B. Natural Rights D. Socio-Political Rights
47. Nabalitaan ni Nario ang kamakailan lamang na pagpasa ng panukalang
pagpapataas ng minimum wage, hindi man kalakihan ay masaya sya na
kanyang makukuha ang karapatang pagtaas ng sahod. Ang karapatang ito ay
tinutukoy bilang?
A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights
B. Natural Rights D. Socio-Political Rights
48. Si Maria ay ipinanganak sa ibang bansa ngunit ang kanyang mga
magulang ay parehong Pilipino, dahil dito nararapat lamang na matamasa
nya ang karapatang maging mamamayang Pilipino malayo man sa bansa.
Ang karapatang ito ay tinutukoy bilang?
A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights
B. Natural Rights D. Socio-Political Rights
49. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Sampung (10)
Karapatan ng mga Bata sa Pilipinas na ibinatay sa United Nations Convention
on the Rights of the Child (UNCRC)?
A. Araw-araw, umaga hanggang gabi ay nasa palengke si Kim upang
magtinda ng kakanin.
B. Tinitiyak ng lola ni Jana na makakakain sya ng almusal bago pumasok
sa eskwelahan.
C. Bata pa lang ay naulila na si Sarah sa magulang kaya’t sya ay dinala sa
isang bahay ampunan.
D. Pinananatili ng guro na bukas ang kominikasyon sa klase upang
mapakinggan ang saloobin ng mga mag-aaral.
.
50. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pangunahing layunin ng
pagkakaroon ng mga Non-Governmental Organizations (NGOs) o People’s
Organization (POs)?
A. Maging samahang kokondena sa mga maling gawain ng pamahalaan.
B. Maging pinakamalaking oraganisasyon an magiging representasyon ng
bansa.
C. Maging kaakibat ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan
ng mga mamamayan.
D. Maging kapalit ng pamahalaan dahil hindi nito kayang tugunan ang
pangangailangan ng mamamayan.

DIAGNOSTIC TEST-AP10.pptx

  • 1.
  • 2.
    Pangalan ng Mag-aaral: Petsa: Baitang/Pangkat: Guro: Bb. Charlene O. Lorenzo
  • 3.
    Panuto: Basahin atsuriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
  • 4.
    1. Proseso ngpagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazzard. A. Pagtataya ng Panganib B. Pagtataya ng Kapasidad C. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan D. Pagtataya ng Peligro 2. Proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito. A. Physical Tracing C. Timeline of Events B. Hazzard Mapping D. Risk Assessment
  • 5.
    3. Alin samga sumusunod ang HINDI dapat gawin kung nasa ikalawang yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM o ang Paghahanda sa Kalamidad? A. Magbigay impormasyon C. Magbigay ng opinyon B. Magbigay payo D. Magbigay ng panuto 4. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan B. Magsagawa ng indibidwal na plano ayon sa pansariling pangangailangan C. Makibahagi sa pagsagip sa mga maaapektuhan ng sakuna D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.
  • 6.
    5. Isa sasuliraning kinakaharap ng Pilipinas ay ang pamamahala ng basura, bilang tugon ay nagtalaga ang pamahalaan ng pangunahing ahensyang mangangasiwa rito. Tukuyin ang ahensyang ito. A. Department of Environment and Natural Resources (DENR) B. Department of Interior and Local Government (DILG) C. National Waste Materials Recovery Facility (MRF) D. National Solid Waste Management Commission (NSWMC) 6. Alin sa mga sumusunod na batas ang tumutukoy sa pag-uutos ng pagsasagawa ng reforestation o pagtatanim ng mga puno sa buong bansa kasama ang pribadong sektor? A. Batas Republika Bilang 2706 C. Proclamation No. 643 B. Presidential Decree 705 D. Executive Order No. 26
  • 7.
    7. Ang Pilipinasay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa? A. Pagtaas sa insidente ng COVID-19 B. Kawalan ng pinansyal na kakayahan ng mga mamamayan C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides D. Lahat ng nabanggit 8. Bilang mamamayan ng Pilipinas, ano ang maaari mong maiambag upang matugunan ang lumalalang suliraning pangkapaligiran ng bansa? A. Panatilihing malinis ang kapaligiran B. Sumunod sa mga batas na may kaugnayan sa kalikasan C. Makilahok sa mga programang ipanapatupad ng pamahalaan D. Lahat ng nabanggit
  • 8.
    9. Ang mgaisyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw na epekto sa lipunan. A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Pangkalakalan B. Kontemporaryong Isyu D. Isyung Pangkalusugan 10. Alin sa sumusunod ang HINDI kasanayan na dapat taglayin sa pag- aaral ng kontemporaryong isyu? A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon. B. Ilahad ang kabutihan ng isang bagay at huwag ang di-kabutihan C. Pagkilala sa sanggunian. D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
  • 9.
    11. Sa pamamamagitanng social media ay madaling nakakapagbahagi ng balita ang mga tao, totoo man o hindi, may saysay man o wala. Anong kahalagahan ng pag-aaral sa kontemporaryong isyu ang ipinapairal sa sitwasyong ito? A. Kakayahang tumimbang ng mga pangyayari at sitwasyon. B. Kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag. C. Matalas na kaisipan upang matanto ang angkop, handa, at agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon. D. Kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin.
  • 10.
    12. Batid ngmga mamamayan ang pagkakaroon ng matinding pagbaha kaakibat ng bagyo kung kaya maagang nagsilikas ang mga ito sa ligtas na lugar. Anong kahalagahan ng pag- aaral sa kontemporaryong isyu ang ipinapairal sa sitwasyong ito? A. Kakayahang tumimbang ng mga pangyayari at sitwasyon. B. Kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag. C. Matalas na kaisipan upang matanto ang angkop, handa, at agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon. D. Kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin.
  • 11.
    13. Araw-araw aysinisigurado ni Ana na nakakapanood sya ng balita sa telebisyon o kaya naman ay nakapagbabasa ng dyaryo upang malaman ang kasalukuyang lagay ng bansa. Anong kahalagahan ng pag-aaral sa kontemporaryong isyu ang nasa sitwasyong ito? A. Kakayahang tumimbang ng mga pangyayari at sitwasyon. B. Kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag. C. Matalas na kaisipan upang matanto ang angkop, handa, at agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon. D. Kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin.
  • 12.
    14. Proseso ngmabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa ibat-ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig. A. Urbanisasyon C. Globalisasyon B. Industriyalisasyon D. Nasyonalisasyon 15. Dimensyong tumutukoy sa uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay umuunlad sapagkat natututo tayo o nakakakuha tayo ng ideya at impormasyon mula sa ibang tao mula sa ibang bansa. A. Socio-cultural C. Political B. Technological D. Environmental
  • 13.
    16. Ito angpagkakaroon ng pakikipagkasunduan ng mga bansa na magbigay daan upang magkaroon ng “global power” ang ilang mga bansa. A. Power resistance C. power control B. power authority D. power allegiance 17. Ang pakikipagkalakalan sa ibat-ibang bansa ay nagbibigay sa mga tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Ang deskripsyong ito ay isang halimbawa ng: A. Dahilan ng globalisayon C. Dimensyon ng globalisayon B. Epekto ng globalisayon D. Uri ng globalisayon
  • 14.
    18. Alin samga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng globalisasyon? A. Sa pamamagitan ng globalisasyon, nagkakaroon ng pagkakasundo ang mga bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan B. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na nagiging dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng ibat-ibang mga bansa. C. Nagkakaroon ng malaking agwat sa buhay at pamumuhay ng mga tao, sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. D. Lahat ng nabanggit 19. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. A. mitigasyon C. migrasyon B. misyon D. bakasyon
  • 15.
    20. Alin samga sumusunod ang HINDI tinuturing na dahilan ng migrasyon? A. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang B. Pagkakaroon ng kakayahan na makapagpadala ng mga produktong galing sa ibang bansa lalo’t tuwing may okasyon C. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nangnaninirahan sa ibang bansa D. Wala sa mga nabanggit 21. Piliin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng migrasyon sa bansang pupuntahan. A. Nagkakaroon ng pagdami ng Populasyon B. Mayroong posibilidad ang pagkakaroon ng overcrowding C. Nakatutulong upang dumami ang manggagawa D. Nakapagdaragdag ng kitang pang-ekonomikal
  • 16.
    22. Piliin samga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng migrasyon sa bansang pinanggagalingan. A. Maaaring bumaba ang potential workforce ng bansa B. Nababawasan ang unemployment sa bansang pinanggalingan C. Ang padalang pera na kinita sa ibang bansa o lugar ay nakatutulong sa ekonomiya D. Ang mga taong nagmula sa ibang bansa /lugar ay may dalang bagong skills at kalaman 23. Sa panahon ng paglaganap ng isang global na pandemya lahat ay apektado ngunit ang bigat ng epekto nito ay maaaring nakabatay sa kakayahan ng isang indibidwal lalo na sa pagitan ng mga mahihirap at mga mayayaman. Ito ay epekto ng globalisasyon sa anong aspeto? A. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo B. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa C. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya D. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya
  • 17.
    24. Mabilis angdaloy ng impormasyon at kaalaman ngayon sa tulong na rin ng internet at iba pang social media na nakatutulong upang ating malaman ang mga kaganapan saan mang panig ng daigdig. Ito ay epekto ng globalisasyon sa anong aspeto? A. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo B. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa C. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya D. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya 25. Dahil sa globalisasyon, maraming trabaho at oportunidad ang nalilikha na nagiging dahilan ng pag-unlad ng ekonomiya ng iba’t ibang mga bansa. Ito ay epekto ng globalisasyon sa anong aspeto? A. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya B. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya C. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo D. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa
  • 18.
    26. Bilang tugonng United Nations sa lumalalang suliranin ng bawat bansang kasapi nito ay bumuo ito ng Sustainable Development Goals (SDG) o mga mithiin na inaasahang makamit ng bawat miyembro nito sa pamamagitan ng pagtutulungan. Ito ay epekto ng globalisasyon sa anong aspeto? A. Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya B. Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya C. Epekto ng Pagkakaroon ng Pagkakasundo D. Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa 27. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki? A. bi-sexual C. sex B. gender D. transgender
  • 19.
    28. Ano angisang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma? A. homosexual C. cisgender B. heterosexual D. transgender 29. Nahirapan ang mga kababaihan na magkaroon ng karapatang bumoto sa mga sumusunod na bansa maliban sa isa. Tukuyin ang bansang ito. A. Pilipinas C. Lebanon B. Kuwait D. Syria
  • 20.
    30. Kapwa pinapayagannoon ang mga babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa. Maaaring hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagbawi sa mga ari-arian nito noong panahon na sila ay nagsasama pa, samantalang ang babaeng ibig makipaghiwalay ay walang makukuhang anumang pag-aari. Ano ang ibig ipahiwatig nito? A. Walang pagmamay-ari ang mga kababaihan noon. B. Maraming pagmamay-ari ang kalalakihan noon. C. May pagkiling sa mga lalaki ang kasunduan sa pakikipaghiwalay. D. May pantay na karapatan ang babae at lalaki sa usapin ng paghihiwalay.
  • 21.
    31. Ito aybatas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito. A. Strengthened Women and Children Act B. Act for Women and Children Protection C. Act Against Women and Children Discrimination D. Anti-Violence Against Women and their Children Act 32. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon? A. Marginalized Women B. Women in Marginal Society C. Focused Women of the Society D. Women in Especially Difficult Circumstances
  • 22.
    33. Si Jeromeay regular na empleyado ng isang kumpanya at kakapanganak lamang ng kanyang asawa. Ayon sa RA 8187 o Paternity Leave Act, ilang araw ang maaari nyang pagliban sa trabaho nang mayroong buong sahod o benepisyo? A. 6 na araw C. 8 araw B. 7 araw D. 9 na araw 34. Bilang miyembro ng United Nations at bansang laganap pa rin ang diskriminasyon sa mga kababaihan ay kinakailangang sumunod ng bansa sa mga panukalang nakapaloob sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW). Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang dito? A. Paggalang sa Karapatan ng mga Kababaihan B. Pagbibigay solusyon sa laganap na diskriminasyon C. Pagkondena sa pamahalaan dahil sa kakulangan ng aksyon D. Pagtatanggol at pagtaguyod sa karapatan ng mga kababaihan
  • 23.
    35. Alin samga sumusunod ang halimabawa ng karahasan at diskriminasyon sa mga kababaihan na laganap sa Pilipinas? A. Foot binding C. Breast Ironing B. 7 Deadly Sins Against Women D. Female Genital Mutilation 36. Alin sa mga sumusunod ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng pagkakapantay-pantay anuman ang kasarian, edad, o estado sa buhay ng isang tao na higit dalawang dekada nang isinusulong ng ilang mambabatas ngunit bigo pa ring maipasa? A. Same-sex Marriage Bill C. SOGIE Equality Bill B. Heterosexual Protection Bill D. Gender-based Equality Bill
  • 24.
    37. Ilang batassa bansa ang nagpapakita ng lantarang diskriminasyon sa mga mamamayang miyembro ng LGBTQIA+ Community tulad ng Anti-Homosexuality Act of 2014. Ano ang nilalamang parusa ng mga lalabag sa batas na ito? A. Panghabambuhay na pagkabilanggo B. Pagtakwil sa relihiyong kinabibilangan C. Pagkawala ng karapatang mag may-ari D. Pagmumulta na hindi bababa sa limang libong piso 38. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na: A. Anuman ang kasarian ay maaaring makibaka B. Anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon C. Lubhang laganap ang diskriminasyon patungkol sa kasarian D. Lahat ay may kagustuhang na makaranas ng pantay na pagtrato
  • 25.
    39. Ayon saArtikulo IV ng ating 1987 Constitution, Ikaw maituturing ang isang lehitimong mamamayang Filipino kung: A. Kung ikaw ay isinilang bago sumapit ang Enero 23, 1935 B. Kung Ang dugo mo ay bughaw at mula sa pamilyang maharlika C. Kung ikaw ay manlalakabay na gustong mamuhay sa sa Pilipinas D. Kung ang iyong mga magulang ay kapwa ipinanganak sa Pilipinas 40. Si Jose bilang mamamayang Pilipino ay ginamit ang kanyang karapatang bumoto sa pagpili ng karapat-dapat na kandidato para maging pangulo ng bansa. A. Suportahan ang inyong simbahan. B. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan. C. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksyon D. Igalang ang nagpapatupad ng batas trapiko, pulis at iba pang lingkod bayan.
  • 26.
    41. Bilang guro,tinitiyak ni Clara na nagagawa nya ang gampanin sa paaralan higi’t lalo ang tungkulin nyang mapalawak ang kaisipan ng kanyang mga mag-aaral. A. Suportahan ang inyong simbahan. B. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan. C. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksyon D. Igalang ang nagpapatupad ng batas trapiko, pulis at iba pang lingkod bayan. 42. Bilang mag-aaral, ano ang pinakamabisang paraan na maaari mong gawin upang maging aktibong mamamayan ng bansa at makatulong sa pagpapaunlad nito? A. Pagsunod sa batas trapiko B. Pagtangkilik sa mga produktong lokal C. Pagsasasagawa ng reduce, reuse, recycle D. Pag-aaral nang mabuti upang magkamit ng kaalaman at kasanayan
  • 27.
    43. Listahan ngmga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at ilan pang karagdagang Karapatan. A. Cyrus Cylinder C. Universal Declaration of Human Rights B. Ten Commandments D. Bill of Rights 44. Isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural. A. Universal Declaration of Human Rights B. International Magna Carta for all Mankind C. Petition of Right D. Bill of Rights
  • 28.
    45. Bilang indibidwal,bawat tao ay mayroong karapatang mabuhay at maging malaya sa kung anuman ang kanilang nais tunguhin sa buhay hangga’t walang nalalabag na batas. Ang karapatang ito ay tinutukoy bilang? A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights B. Natural Rights D. Socio-Political Rights 46. Ang pamilya ni Jenny ay napabilang sa pamilyang tumatanggap ng ayuda sa pamahalaan sa pamamagitan ng programang 4Ps, bilang Pilipino ay karapatan nyang makatanggap ng tulong sa pamahalaan. Ang karapatang ito ay tinutukoy bilang? A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights B. Natural Rights D. Socio-Political Rights
  • 29.
    47. Nabalitaan niNario ang kamakailan lamang na pagpasa ng panukalang pagpapataas ng minimum wage, hindi man kalakihan ay masaya sya na kanyang makukuha ang karapatang pagtaas ng sahod. Ang karapatang ito ay tinutukoy bilang? A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights B. Natural Rights D. Socio-Political Rights 48. Si Maria ay ipinanganak sa ibang bansa ngunit ang kanyang mga magulang ay parehong Pilipino, dahil dito nararapat lamang na matamasa nya ang karapatang maging mamamayang Pilipino malayo man sa bansa. Ang karapatang ito ay tinutukoy bilang? A. Statutatory Rights C. Constitutional Rights B. Natural Rights D. Socio-Political Rights
  • 30.
    49. Alin samga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng Sampung (10) Karapatan ng mga Bata sa Pilipinas na ibinatay sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC)? A. Araw-araw, umaga hanggang gabi ay nasa palengke si Kim upang magtinda ng kakanin. B. Tinitiyak ng lola ni Jana na makakakain sya ng almusal bago pumasok sa eskwelahan. C. Bata pa lang ay naulila na si Sarah sa magulang kaya’t sya ay dinala sa isang bahay ampunan. D. Pinananatili ng guro na bukas ang kominikasyon sa klase upang mapakinggan ang saloobin ng mga mag-aaral. .
  • 31.
    50. Alin samga sumusunod ang maituturing na pangunahing layunin ng pagkakaroon ng mga Non-Governmental Organizations (NGOs) o People’s Organization (POs)? A. Maging samahang kokondena sa mga maling gawain ng pamahalaan. B. Maging pinakamalaking oraganisasyon an magiging representasyon ng bansa. C. Maging kaakibat ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. D. Maging kapalit ng pamahalaan dahil hindi nito kayang tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.