SlideShare a Scribd company logo
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10
Name:________________________________________________Date:________________
Grade and section :_____________________________Score:______________________
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng
mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel.
1. Tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa
kasalukuyang panahon.
A. Isyung Politikal C. Isyung panlipunan
B. Kontemporaryong isyu d. Isyung pangkapaligiran
2. Ang sumusunod ay mga kontemporaryong isyu maliban sa:
A. War on Drugs C. Covid-19 pandemic
B. Edsa Revolution D. Agawan sa West Philippine Sea
3. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung ;
A. nilagay sa Facebook B. kilalang tao ang mga kasangkot
C. napag-uusapan at dahilan ng debate D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang
4. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at
pangkalusugan. Sa anong isyu nabibilang ang usapin tungkol sa pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkapaligiran
B. Isyung pangkalusugan D. Isyung pangkalakalan
5. Isa sa naging epekto ng pandemic ang paglaganap ng Online Business. Ito ay maituturing na
___________
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran
6. Nalalapit na naman ang halalan. Marami nang politiko ang naghahandan para sa
pangangampanya. Ito ay isang uri ng ____________
A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Pangkalakalan
B. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran
7. isinusulong ng LGBTQ community na maging legal ang Same Sex Marriage sa Pilipinas.
Ito ay isang uri ng ____________.
A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkapaligiran
B. Isyung pangkalusugan D. Isyung pangkalakalan
8. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi kabilang sa printed media?
A. magazine B. internet C. journal D. komiks
9. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
II. Hindi paglalahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian.
IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
A. I C. I, II
B. I, III, IV D. II, III
10. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu maliban sa
A. Matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon.
B. Nalilinang ang kakayahang makipagtalo o makipagdebate
C. Upang iyong matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa lipunang iyong kinabibilangan.
D. Napapaunlad kakayahang mag-isip , magplano, at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga
suliranin.
11. Kapag matatag ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring maiwasan?
A. Pinsala sa buhay at ari-arian C. Pagtaas ng bilihin
B. Pagbagsak ng ekonomiya D. Pagdami ng basura
12. Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at panganib.
A. Hazard Assessment C. Capacity management
B. Disaster management D. Disaster
13. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa mga sakuna at kalamidad?
A. Upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong sektor.
B. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.
C. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian, at sa kalikasan.
D. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.
14. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa pagkamit ng isang maayos na lipunan?
A. Lahat ng mamamayan ay nakapag-aral.
B. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
C. Maayos ang ugnayan ng buong pamilya.
D. Bawat mamamayan at institusyon sa lipunan ay ginagampanan nang maayos ang kani-kaniyang
responsibilidad.
15. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay halimbawa ng
A. Natural Hazard C. Structural Risk
B. Anthropogenic Hazard D. Disaster
16. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?
A. tahanan C. paaralan
B. palengke D. pabrika
17. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________
A. Fuel wood harvesting C. Illegal logging
B. Illegal mining D. Global warming
18. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon,
subdibisyon, o sentrong komersyo?
A. Ilegal na pagtotroso C. Pagdami ng populasyon
B. Ilegal na pagmimina D. Paglipat ng pook tirahan
19. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng Pilipinas
ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?
A. pagbaha C. pagkawala ng tirahan ng mga hayop
B. pagguho ng lupa D. lahat ng nabanggit
20. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa
_____________.
A. solid waste C. climate change
B. ilegal na droga D. pagkasira ng mga likas na yaman
II. Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Itiman ang titik sa sagutang papel ng A kung ang sumusunod
na pahayag ay tama at B kung ito naman ay mali.
21. Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng lifetime kit bago pa may
dumating na kalamidad gaya ng pagbaha.
22. Sa panahon ng kalamidad “Ligtas ang may alam”.
23. Alamin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pamatay-sunog, pulis, pagamutan at
mga kawani ng barangay pagkatapos ng kalamidad.
24. Mag-imbak ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad.
25. Mag panic-buying kung may paparating na kalamidad. .
III. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng
mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel.
26. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?
A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana
B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement
C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana
D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha
27. Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan?
A. Maglaro sa baha
B. Lumangoy sa baha
C. Humanap ng ibang daan
D. Subuking tawirin ang baha
28. Si Mang Fernan ay nakatira malapit sa Bulkang Taal. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mamasyal sa paligid
B. Gumawa ng malaking bahay
C. Makipag-usap sa kapitbahay
D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas
29. Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna kung may lindol?
A. athletic meet C. fire drill
B. earthquake drill D. fun run
30. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa pagbaha?
A. karton B. malaking bag
C. malaking gallon D. paying
31. Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang
kalamidad.
A. Pagtataya ng Kapasidad C. Pagtugon sa Kalamidad
B. Pagatataya ng Peligro D. Paghahanda sa Kalamidad
32. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng pagtataya ng panganib o hazard assessment at
pagtataya ng kakayahan o capability assessment.
A. Paghahanda sa Kalamidad C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
B. Pagtugon sa Kalamidad D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
33. Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad ang sumusunod maliban sa:
A. magbigay impormasyon C. magbigay payo
B. magbigay ng pagbabago D. magbigay ng panuto
34. Ito ay isang paraan sa pagsasagawa ng hazard assessment kung saan sinusuri ang mga panganib na
nararanasan sa lugar at ang antas ng pinsala.
A. Hazard Mapping B. Hazard Profiling C. Historical Profiling D. Risk Management
35. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala
nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibaghagi ng mga mamamayan.
A. Community Based Disaster Risk Reduction Management Approach
B. Community Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council
36. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang
maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.
37. Bahagi ng Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa
pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito?
A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pampamahalaan
C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad
D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot
38. Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay ang CBDRRM
Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ___________
A. tapat na pinuno C. suporta ng mga Non-Governmental Organizations
B. sapat na pondo D. pakikibahagi ng lahat ng sektor ng lipunan
39. Bahagi ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang pagtataya sa lawak ng
pinsalang dulot ng isang kalamidad. Alin sa sumusunod ang sumusuporta rito?
A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan.
B. Magiging epektibo ang aksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon kung ito ay
napapahalagahan.
C. Maiiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapapahalagahan.
D. Magsisilbing gabay sa pagtugon sa pangangailangan ng nakaranas ng kalamidad.
40. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging
handa sa mga kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring magdulot ng
kapahamakan.
D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga
maaapektuhan.
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10
Name:________________________________________________Date:________________
Grade and section :_____________________________Score:______________________
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng
mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel.
1. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod
ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop
sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga
manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng
paglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang
bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang
Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng
produksiyon sa iba’t ibang krisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa
sa pandaigdigang kalakalan.
2. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?
A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga
mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at
politikal na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na
pinauunlad ang mga malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at
mga “perennial” na institusyon na matagal nang naitatag.
3. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa
pamumuhay ng tao.
B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at
kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.
4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga
kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang
pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa?
A. Business Process Outsourcing B. mura at flexible labor
C. subcontracting D. job mismatch
5. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay
nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa sumusunod ang
hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jolibee B. McDonalds
C. San Miguel Corporation D. Unilab
6. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang
kompanya na may kaukulang bayad na siyang gagawa ng mga
serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang
kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
A. fair trade B. outsourcing
C. pagtulong sa bottom billion D. subsidy
7. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong
teknolohikal at sosyo-kultural maliban sa isa. Alin dito?
A. E-commerce B. pagsunod sa KPop culture
C. paggamit ng mobile phones D. pagpapatayo ng JICA building
8. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita
ay sa pamamagitan ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa
ang paraang ito?
A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa
D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa
9. Ano ang pinakaangkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa
dahil sa globalisasyon?
A. mabilis na ugnayan ng mga bansa
B. paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig
C. mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga bantang magdudulot
ng pinsala
D. nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon
ang mga bansa
10. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang
paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa
pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-
ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa
pag-unlad ng tao.
C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak
sa kanyang makipagkalakalan.
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na
panahon at ang kasalukuyan ay makabago na.
11. Ang lahat ay tumutukoy sa epekto ng globalisasyon sa paggawa
maliban sa isa. Ano ito?
A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa
paggawa na globally standard
B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala
sa pandaig-digang pamilihan.
C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para
magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga
taong galit sa kanila.
D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng
produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT
programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa.
12. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao
sa kasalukuyan?
A. Edukasyon B. Ekonomiya
C. Globalisasyon D. Paggawa
13. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag
na “binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga
manggagawang Pilipino”?
A. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
B. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino
C. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa
D. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga
Automated Teller Machine (ATM)
14. Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa
na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa?
A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas.
B. Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino.
C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang
namumuhunan sa bansa.
D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga
dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa
hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa
15. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng
mga manggagawa?
A. Agrikultura B. Impormal na sektor
C. Industriya D. Paglilingkod
16. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na
magsasaka?
A. Kawalan ng asawa
B. Kawalan ng sapat na tulog
C. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim
D. Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng
ayuda
17. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan
ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng
paggawa ng mga manggagawa?
A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon
C. Mura at Flexible Labor D. Underemployment
18. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga
pandaigdigang institusyong pinansiyal tulad ng IMF-WB at WTO ay
lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa
sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito?
A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang
bansa.
B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang
naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa mababang halaga.
C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at
saging ay itinatanim at nakalaan lamang para sa ibang bansa.
D. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land
conversion at pinatatayuan ng iba’t ibang dayuhang industriya.
19. Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng
kontraktuwalisasyon?
A. Nakabubuo ng mga unyon sapagkat may trabaho.
B. Hindi nakatatanggap ng karampatang sahod at mga benepisyo ang
mga manggagawa.
C. Maiiwasan ang pagbabayad ng separation pay ng mga kapitalista
sa mga manggagawa.
D. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong “employee-
employer” sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensiya.
20. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya
o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang panahon?
A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon
C. Mura at Flexible Labor D. Underemployment
21. Ano ang migrasyon?
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng
mga mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi
inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o
permanente.
22. Sino ang binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding
karahasan o di kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa
kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan.
23. Ano ang brain drain?
A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong
mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga
manggagawang Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi
sa COVID-19.
24. Ano ang kahulugan ng househusband?
A. Ang househusband ay ang mag-asawang parehong nagtatrabaho
para sa pamilya.
B. Ang househusband ay ang pagtutol ng mga anak na magtrabaho
ang sinuman sa kanilang mga magulang.
C. Ang househusband ay ang asawang babae na naiiwan sa bahay
habang ang asawa namang lalaki ay siyang nagtatrabaho.
D. Ang househusband ay ang asawang lalaki na naiiwan sa bahay
habang ang asawa namang babae ay siyang nagtatrabaho.
25. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng
migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain B. Economic Migration
C. Integration D. Multiculturalism
26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso sa mga
babaeng manggagawa sa ibang bansa?
A. Ang mga kababaihang migrante ang kadalasang biktima ng human
trafficking.
B. Ang ilang kababaihang migrante ay nalalantad sa karahasang
sekswal (sexual violence).
C. Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang magtiis sa
mga trabahong mababa ang sahod.
D. Lahat ng mga nabanggit.
27. Alin sa sumusunod ang nakikitang dahilan kung bakit umaalis ng
lugar ang ilan nating kababayang manggagawa?
A. Higit na mataas na pasahod na alok ng mga mauunlad na bansa.
B. Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na
bansa.
C. Mas maayos na kalagayan sa paggawa sa mga kompanya sa ibang
bansa.
D. Lahat ng mga nabanggit.
28. Kailan nagaganap ang migration transition?
A. Nagaganap kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang
manggagawa at ang kanyang amo dahil sa hindi tamang pasahod.
B. Nagaganap kapag mas marami ang umaalis na Overseas Filipino
Workers
(OFWs) kaysa sa dumarating o umuuwi dito sa Pilipinas.
C. Nagaganap kapag nawawala na ang pagkamamamayan ng isang
manggagawa dahil sa pagkawalang-bisa nito dahil sa haba ng
paninirahan sa bansang pinuntahan.
D. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng
mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa.
29. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng peminisasyon ng
migrasyon?
A. Nagkakaroon ng konseptong “house husband” kapag ang ina ang
nangibang- bansa.
B. Kapag ang lalaki ang nangibang-bansa, ang asawang babae ang
mas higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan.
C. Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang
mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais
nilang puntahan.
D. Lahat ng mga nabanggit.
30. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin ng pamahalaan
upang hindi magdagsaan ang mga tao sa mga lungsod gaya ng
Kalakhang Maynila?
A. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.
B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga
taga-roon.
C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho
sa Maynila.
D. Itaguyod and diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta
sa Maynila.
31. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon
sa pamilyang Pilipino?
A. ang pamilya
B. ang mga anak
C. ang asawang naiiwan sa pamilya
D. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa
32. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga
nagsipagtapos ng mga engineering degree sa Pilipinas ay hindi
nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito?
A. Bologna Accord B. K-to-12 Curriculum
C. Monroe Doctrine D. Washington Accord
33. Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong
2010 upang maiakma ang Kurikulum ng Basic Education ng bansa sa
pamantayang global?
A. Bologna Accord B. K-to-12 Curriculum
C. Monroe Doctrine D. Washington Accord
34. Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga
Pilipino, maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Maghanapbuhay na may mataas na sahod.
B. Makapamasyal at makapaglibang sa mga makasaysayang pook.
C. Paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa.
D. Matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at kakayahan.
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng dahilan ng
migrasyon?
A. Digmaang sibil
B. Pagkawasak ng pamilya
C. Kawalan ng trabaho sa pamayanan
D. Mas magandang oportunidad sa ibang bansa
36. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakararanas ng pangungulila
sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Alin sa
sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan?
A. Bigyan ng sulat
B. Makisimpatya sa kanila
C. Bigyan sila ng load na pantawag
D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang
gumabay sa kanila
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa Bologna
Accord?
A. Hango ang pangalan nito sa isang unibersidad sa Italy.
B. Mabilis na naiaakma ang kurikulum ayon sa hinihingi ng industriya.
C. Nilagdaan ito sa Vienna ng iba’t ibang Ministro ng Edukasyon ng 29
na bansa.
D. Naglalayon ang kasunduan sa pag-aakma ng kurikulum ng bawat
isa upang ang nagtapos sa bansa ay madaling matanggap.
38. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng
manggagawa marami pa ring mga Pilipino ang nangingibang bansa.
Alin sa sumusunod ang hindi prayoridad ng mga Pilipino upang umalis
ng bansa?
A. Upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan
B. Ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
C. Upang maging domestic workers at magkaroon ng maayos na
trabaho
D. Ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi
matutumbasan
39. Suriin ang infographic sa ibaba. Alin sa sumusunod ang totoo
tungkol sa infographic?
A. Ang mga OFW ay pang-landbased lamang.
B. Mas maraming OFW ang pumunta sa UAE kaysa sa Saudi Arabia.
C. Karamihan ng mga OFW na landbased ay pumupunta sa Gitnang
Silangan.
D. Ang mga OFW ay mas pinipiling pumunta at magtrabaho sa kalapit
bansa tulad ng Saudi Arabia at UAE.
40. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa
kaniyang panayam, kinukulong siya ng kaniyang amo sa loob ng
bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising
ng alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng madaling araw.
Minsan, isang buong magdamag siyang namalantsa ng mga damit ng
kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon ni Lucy?
A. forced labor C. remittance
B. human trafficking D. slavery
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10
Name:________________________________________________Date:________________
Grade and section :_____________________________Score:______________________
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong
sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel.
1. Ito ay tumutukoy sa iyong kakayahan na magkaroon
ng atraksyong pisikal, kung siya ay lalaki o babae o
pareho.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
2. Ano ang tawag sa mga taong hindi sang-ayon na
mapasailalim sa anumang uring pangkasarian?
A. asexual C. intersex
B. bisexual D. queer
3. Kinikilala ito bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na
maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya’y ipanganak.
A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal
B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
4. Siya ang tinaguriang prinsesa ng isang katutubong
pangkat sa isla ng Panay at itinuturing na itinagong
paborito at pinakamagandang anak ng datu.
A. Asog C. Binukot
B. Babaylan D. Lakambini
5. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng
kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal.
A. breast flattening
B. breast ironing
C. Female Genital Mutilation (FGM)
D. foot binding
6. Ano ang tawag sa taong nakararamdam na siya ay
nabubuhay sa maling katawan, at ang kaniyang pag-
iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma?
A. asexual C. heterosexual
B. bisexual D. transgender
7. Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa mga
gampanin ng kababaihan sa lipunan gaya ng paglahok
sa pagboto at karapatang makapag-aral.
A. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Espanyol
C. Panahon ng Hapones
D. Panahong Pre-Kolonyal
8. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang
mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa, subalit maaring patawan ng parusang
kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita
niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming
asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng
kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
9. Bakit may mga insidente ng gang rape sa mga
tomboy o lesbian sa mga bansa sa South Africa?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga
lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang
oryentasyon matapos gahasain.
10. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa ng FGM?
A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at
paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal
11. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri,
eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala,
paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. diskriminasyon C. karahasan
B. gender roles D. Magna Carta
12. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabayo o
pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa
apoy?
A. breast ironing C. Female Genital Mutilation
B. foot binding D. suttee
13. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan
sa kababaihan?
A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang
relasyon
B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o
kapangyarihan, pagbabanta o aktwal, laban sa sarili,
ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na
may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala,
kamatayan, at sikolohikal na pinsala
C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, sexual o mental na pananakit
o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay
sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng
kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan
14. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa
sumusunod ang naglalarawan ng kaniyang naging
karanasan?
A. Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang
anibersaryo.
B. Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang
kaniyang social media account.
C. Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang
asawa sa kaniyang kaarawan.
D. Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa
upang alamin ang kaniyang kalagayan.
15. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence
maliban sa isa.
A. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan.
B. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na
bayolente.
C. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o
mga kaibigan.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang
iyong mga anak o mga alagang hayop.
16. Ayon sa istatistika ng karahasan sa mga
kababaihan, ilang porsyento ng mga babaeng may
edad 15-49 ang nakararanas ng seksuwal na
pananakit?
A. 2% B. 3% C. 4% D. 5%
17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
diskriminasyon?
A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan
B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho
C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o
bansag
D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa
kapansanan
18. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasagawa ng
breast ironing maliban sa isa.
A. pagkagahasa C. paghinto sa pag-aaral
B. maagang pag-aasawa D. maagang pagbubuntis
19. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t
ibang anyo ng karahasan sa mga kababaihan.
A. GABRIELA C. USAID
B. LADLAD D. UNDP
20. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin
sa mga sumusunod ang maaari niyang naranasan?
A. Pinagbantaan siya ng karahasan.
B. Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na
bayolente.
C. Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda
(name calling).
D. Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at
nangakong magbabago.
21. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban
sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas
at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng
kaukulang parusa sa lumalabag nito.
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women and Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
22. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag
na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
23. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang
pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer ng
komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan
24. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na
kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng
pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima
ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong.
A. Women of the Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D. Women in Especially Difficult Circumstances
25. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at
galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang
alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination
26. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng
prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community
quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan
nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon? A.
Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances
27. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang
diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa
karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay
tungkulin ng Estado bilang state party sa Convention
on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women (CEDAW) maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon.
D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng
kababaihan
28. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang
diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng:
A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay
sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa
kababaihan anuman ang layunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na
nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng
karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning
kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang-
aabuso at diskriminasyon
29. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang
kanyang asawa ay nagdadalang- tao. Bilang isang
empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa
kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa? A.
Maternity Leave C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave D. Paternity Leave of Absence
30. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehinsibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at
pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong
kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of
Discrimination Agianst War
B. Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Agianst War
C. Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Agianst Women
D. Convention on the Eradication of All Forms of
Discrimination Agianst Women
31. Dahil sa dumaraming bilang ng mga kalalakihan,
kababaihan at mga LGBTQIA+ na nakararanas ng
karahasan at diskriminasyon, ang mga kinatawan ng
mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay
nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa
Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang
pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga
ng pagtitipong ito?
A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta
B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+
C. pagbuo ng Komisyon ng Karapatang Pantao
D. pagkakabuo ng Gender Development Plan Framework
32. Binubuo ang prinsipyo ng Yogyakarta ng 29 na
prinsipiyo. Saan nakaayon ang mga ito?
A. Batas Pambansa
B. Pandaigdigang Batas ng mga Kristiyano
C. Batas ng Pagkakapantay-pantay sa lipunan
D. Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao
33. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna-
unahang mambabatas na transgender. Siya ang
nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo
ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito?
A. karapatang mabuhay
B. karapatan sa trabaho
C. karapatan sa edukasyon
D. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko
34. Tinitiyak ng estado na ang lahat ay mayroong pantay
na oportunidad sa pangunahing pangangailangan tulad
ng pagkain, tubig at pananamit nang walang
diskriminasyon anuman ang kasarian. Anong Prinsipyo
ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatang magbuo ng pamilya
B. karapatan sa malayang pagkilos
C. karapatan sa seguridad ng pagkatao
D. karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay
35. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may
karapatang maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang
abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo
ng Yogyakarta ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa patas na paglilitis
B. karapatan sa seguridad ng pagkatao
C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit
D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit
36. Ipinakikilala ng prinsipyong ito ng Yogyakarta na
ang lahat ng tao ay isinilang nang malaya at pantay sa
dignidad at mga karapatan.
A. karapatan sa trabaho
B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa pribadong buhay
D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga
karapatang pantao
37. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang
ulan upang isagawa ang isang mapayapang
demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang
kanilang karapatan. Ang pangungusap ay
nagpapahayag na:
A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka
B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya
C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili
ng relihiyon
D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo
kung saan nila gusto
38. Si Ilo ay isa sa mga pasyenteng tinanggihan ng ilang
mga ospital dahil sa siya ay kinakitaan ng sintomas ng
COVID-19. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta
ang binalewala?
A. karapatang tanggapin sa ospital
B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital
C. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong
panlipunan
D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng
kalusugang makakamit
39. Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay
pananagutan ng pamahalaan lalo na ngayong panahon
ng pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa trabaho
anuman ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta
ang nagsasaad nito?
A. karapatan sa trabaho
B. karapatan sa seguridad ng buhay
C. karapatan sa maayos na pamumuhay
D. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong
panlipunan
40. Alin sa sumusunod ang hakbang ng pamahalaan na
nagpapatupad ng pagtataguyod ng karapatan sa
edukasyon ng bawat isa anuman ang kasarian?
A. Ipagkait ang proteksiyon sa mga mag-aaral, kawani
at guro.
B. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang-
edukasyon.
C. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at
kawani sa paaralan.
D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad
ng paggalang sa mga karapatang pantao.
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT
ESP 7
Name:________________________________________________Date:________________
Grade and section :_____________________________Score:______________________
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong
sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel.
1. Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at
pagiging malakas ng isang indibiduwal sa anomang kaganapan sa buhay.
A. Birtud C. Pagpapahalaga
B. Moral D. Karunungan
2. Ito ay moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao
ang nararapat para sa kaniya: sinoman o anoman ang kaniyang katayuan
sa lipunan at upang maging isang mabuting kabahagi nito.
A. Karunungan C. Kalayaan
B. Katanungan D. Katatagan
3. Ang ‘halaga’ ay salitang-ugat ng katagang pagpapahalaga. Tukuyin
kung alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI totoo patungkol sa
salitang halaga (value).
A. Ito ay nagmumula sa sarili
B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin
C. Ito ay nagbabago depende sa tao, sa lugar, at sa panahon.
D. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging
makabuluhan
4. Alin sa sumusunod ang pinakanatural at pinakamahalagang
tagapagganap ng pagpapahalaga sa buhay?
A. Pamana ng kultura
B. Mga kapuwa kabataan
C. Pamilya at pag-aaruga sa anak
D. Guro at tagapagturo ng relihiyon
5. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy patungkol sa birtud?
A. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus
B. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos
D. Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos ng mga
pagpapahalaga ng isang tao.
6. Ang sumusunod ay katangian ng isang taong nagsasabuhay ng gawi
MALIBAN sa _______________.
A. Nahihiyang gawin ang anomang pinaniniwalaan niyang tama
B. May mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling
kapakanan at paninindigan
C. May tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kaniyang paniniwala na
maaaring maging daan upang makahimok ng iba.
D. Bukas at tapat sa pagbabahagi ng kaniyang mga binabalak, ninanais
at mga bagay na nagtutulak sa kaniya upang gawin ang isang bagay
7. Ang sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang
pansarili at maisabuhay ang patuloy na pagsasagawa ng mabuting gawi o
asal MALIBAN sa _________________.
A. Paggamit ng kalayaan ng walang kaakibat na
responsibilidad/pananagutan
B. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos
C. Tanggapin ang kinahihinatnan ng pasiya at kilos
D. Magsikap na mag-isip at magpasiya nang makatuwiran
8. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na kahalagahan ng
mabuting gawi kung:
A. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang panghusga sa mga
prinsipyong etikal
B. Sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang tama
at iwasan ang masama
C. A at B
D. Wala sa nabanggit
9. Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa
pagkabata ang kakayahang maipakita at maisabuhay ang tamang gawi?
Ito ay ang pagbuo ng _____________________.
A. moral na paghuhusga base sa napakingan
B. mabuting kalooban
C. tamang pagpapasya
D. pabago-bagong paghuhusga
10. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na_______.
A. katarungan C. maingat na paghuhusga
B. responsibilidad D. lahat ng nabanggit
11. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa
pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing
pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng
rangya o luho.
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
12. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay.
Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kaniyang kaayusan at
mabuting kalagayan.
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
13. Ang pinakamataas na antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay
_______
A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal
14. Sinasabing ang pera ay nakapagbibigay ng saya, ngunit may mga
taong maraming pera subalit inaaming hindi ito ang makapagpapasaya sa
kanila. Sa paglipas ng panahon, mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng
buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na mas
makapagpapasaya sa kanila. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong
katangian ng mataas na antas ng halaga?
A. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito
B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang halaga
C. Higit na malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga,
mas mataas ang antas nito
D. Higit na mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami
ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito
15. Kadalasang mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinata ang
pagkakaroon ng iba’t ibang mga gadget katulad ng cellphone. Nasa
anong antas ito ng pagpapahalaga?
A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal
16. Sa papaanong paraan mapapataas ang antas ng iyong
pagpapahalaga?
A. Isiping mabuti ang mas mahalaga at dapat na unahing gawain.
B. Gayahin ang mga pinahahalagahan ng mga sikat/kilalang tao.
C. Pumili ng gawaing higit na kinawiwilihan katulad ng paglalaro o
pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan.
D. Ipagtanong sa mga mas nakatatanda ang nararapat mong gawin
upang mapahalagahan ang mataas na antas ng pagpapahalaga.
17. Ang sumusunod ay mainam na hakbang upang mapanatiling mataas
ang antas ng pagpapahalaga ng isang indibiduwal, MALIBAN sa:
A. Isaisip na mas mataas ang pagpapahalaga kung ito ay para sa
Dakilang Lumikha.
B. Higit na pahalagahan kung ano ang makapagpapasaya sa iyo.
C. Hayaan na tadhana ang magdikta ng iyong pahahalagahan
sa buhay.
D. Unahin ang kapakanan ng kapuwa.
18. Kahit na naghihirap si Myca sa buhay ay hindi pa rin niya
nakaliligtaang tumulong sa mga nangangailangan. Ano ang maaaring
kahinatnan niya?
A. Sisikat siya sa kanilang bayan.
B. Magsasawa rin siya dahil sa dami ng kailangang tulungan.
C. Makatutulong ito upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao.
D. Magtatayo siya ng organisasyong makatutulong pa sa
Nangangailangan.
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mataas na antas ng
pagpapahalaga?
A. Tumatagal at hindi nababago ng panahon.
B. Ito ay nagiging batayan ng ibang pagpapahalaga.
C. Mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito.
D. Kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.
20. Nararapat mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga upang
______________________________________.
A. mapasaya ang iyong pamilya.
B. maging sikat sa klase at paaralan.
C. magkaroon ng makabuluhang buhay.
D. may maipagmayabang sa mga kamag-anakan.
21. Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paglalarawan sa pangarap?
A. Ito ay tumutukoy sa mga minimithi ng isang tao sa kaniyang buhay na
maaaring malayo sa kasalukuyang kalagayan.
B. Ito ay nangyayari lamang sa isipan ng tao habang natutulog.
C. Ito ay mga pangyayaring likha ng malikhaing isip at ayon sa iyong
kagustuhan.
D. Ito ay mga pangyayaring nasa isipan lamang ng tao habang gising.
22. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang pinakawasto patungkol sa
pagkakaiba ng panaginip at pangarap?
A. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising habang ang
pangarap ay nagpapatuloy.
B. Ang panaginip at pangarap ay nangyayari lamang sa isip habang
natutulog.
C. Ang pangarap ay para lamang sa mayayaman, ang panaginip ay para
sa lahat.
D. Ang panaginip ay para lamang sa mga nakamit na ang mga pangarap.
23. “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may paningin ngunit walang
tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng
pahayag na ito ni Helen Keller?
A. Mahirap maging isang bulag.
B. Hindi mabuti ang walang pangarap.
C. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin.
D. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng panigin sa pagtatagumpay sa
buhay.
24. Ano ang kaibahan ng pagpapantasiya sa pangarap? Ang
pagpapantasiya ay__________________
A. likha ng malikhaing isip.
B. panaginip nang gising.
C. ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya.
D. Lahat ng nabanggit
25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit na
katangian ng isang taong may pangarap?
A. Handang kumilos upang maabot ang mga pangarap.
B. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap.
C. Naniniwala na ang mga pangarap ay hindi nagkakatotoo
D. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang
gawing totoo ang mga ito.
26. Tumutukoy ito sa isang gawain na ang pangunahing layunin ay kumita
at mapalago ang puhunang salapi.
A. Pag-aaral
B. Pagnenegosyo
C. Pagpapahalaga
D. Pakikipag-ugnayan
27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng pag-
aaral kaugnay sa pagnenegosyo?
A. Makatutulong ang pag-aaral upang mapaunlad ang negosyo.
B. Makapagbibigay ang pag-aaral ng sapat na kaalaman sa
pagnenegosyo.
C. Makatutulong ang pag-aaral upang mapaunlad pa ang nasimulang
negosyo.
D. Lahat ng nabanggit.
28. Sa mga sumusunod, sino sa iyong palagay ang magtatagumpay sa
pagnenegosyo?
A. Si Rico na nakapagtapos ng kolehiyo ngunit hindi ginamit ang kanyang
kursong natapos.
B. Si Elaine na nakatapos ng kursong Business Management at
kasalukuyang nagmamay-ari ng isang restawran.
C. Si Madrid na kasosyo sa isang bagong bukas na hardware store
subalit walang sapat na kaalaman dito pero pilit na inaaral ang pag-
nenegosyo.
D. Si Raquel na matalino ngunit hindi nakapag-aral bunga ng kaniyang
kapansanan.
29. Alin sa mga sumusunod ang wastong paglalarawan sa career plan?
A. Ito ay ang pag-iisip kung ano ang iyong magiging trabaho sa
hinaharap.
B. Ito ay ang masusing pagpaplano ng iyong magiging hanapbuhay sa
hinaharap.
C. Ito ay ang pagsunod sa plano ng iyong mga magulang patungkol sa
iyong magiging hanapbuhay sa hinaharap.
D. Ito ay ang masusing pagpaplano ng iyong magiging hanapbuhay sa
hinaharap na may pagsasaalang-alang sa mga personal na salik sa pag-
unlad.
30. Piliin mula sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa
pagpaplano ng iyong karera?
A. Kilalanin ang iyong sarili.
B. Alamin ang iyong mga kasanayan.
C. Magtalaga ng takdang panahon sa pagkamit nito.
D. Makisabay sa pagpaplano ng iyong mga kaibigan.
31. Alin sa sumusunod ang batayan na dapat sundin ng isang indibiduwal
sa pagtupad ng kaniyang mithiin?
I. Specific (Tiyak)
II. Measurable (Nasusukat)
III. Attainable (Naaabot)
IV. Relevant (May kaugnayan sa nais/ makabuluhan)
V. Time Bounded (Makakaya sa takdang panahon)
VI. Action Oriented (May kaakibat na pagkilos)
A. I,II,III
B. I,II,III,IV
C. I,II,III,IV,V
D. I,II,III,IV,V,VI
32. Sa mga batayan na dapat sundin sa pagtupad ng mithiin, alin sa mga
ito ang
tumutukoy sa pahayag na “Gusto kong maging guro.”
A. Tiyak
B. Naaabot
C. Nasusukat
D. May kaakibat na pagkilos
33. Kilala si Joseph sa husay niya sa pag-awit. Noong nag-aaral pa
lamang siya, lagi siyang iniimbita upang magbigay ng pampasiglang
bilang sa kanilang paaralan. Sa kasalukuyan, ang talentong ito ang
kaniyang pinagkakakitaan. Alin sa mga sumusunod ang akmang batayan
sa sitwasyong inilahad.
A. Attainable Relevant
B. Specific at Measurable
C. Measurable at Attainable
D. Time Bounded at Action Oriented
34. Hinahangaan ni Armaine ang kaniyang guro sa Araling Panlipunan
noong siya ay elementarya pa lamang. Hilig niya ang history o
kasaysayan. Sa ngayon isa na ring guro si Armaine sa high school. Alin
sa sumusunod ang mga kriteryang sinunod ni Armaine?
A. Specific, Measurable, at Attainable
B. Specific, Measurable, Attainable at Relevant
C. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, at Time Bounded
D. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bounded, Action
Oriented
35. Nais ni Ding na maging pulis. Bukod sa gusto niya ito, sigurado siyang
susuportahan siya ng kaniyang mga magulang sa pangarap niyang ito.
Subalit napabarkada si Ding at napabayaan ang kaniyang pag-aaral.
Hindi alintana ni Ding ang pagkasira ng kanyang pag-aaral. Para sa
kaniya, bata pa naman siya at mahaba pa ang panahon upang maabot
ang kaniyang pangarap. Alin sa mga sumusunod na batayan sa pag-abot
ng mithiin ang naisasantabi ni Ding?
A. Naaabot
B. May kaugnayan sa nais
C. May kaakibat na pagkilos
D. Makakaya sa takdang panahon
36. Ito ay tumutukoy sa isang pambihirang biyaya at likas na kakayahan
ng isang tao.
A. Talento B. Hilig C. Interes D. Mithiin
37. Ito ay isa sa mga maituturing na mahahalagang salik sa paghahanda
kung saan tayo ay mahusay at magaling.
A. Talento C. Mithiin
B. Interes D. Pagpapahalaga
38. Isa sa mga katangian na dapat nating taglayin upang maabot ang
mga ninanais natin sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal
sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya.
A. Interes B. Pagpapahalaga C. Mithiin D. Talento
39. Sa pagkamit ng ating mga pangarap o mithiin, mahalaga na maitakda
natin ito sa pamamagitan ng pamantayan. Sa mga sumusunod na
hakbang alin ang HINDI kabilang?
A. Tiyak o Specific
B. Nasusukat o Measurable
C. Naaabot o Attainable
D. Naisasagawa/Naisasabuhay
40. Mahalaga ring maitakda natin ang ating mga layunin sa pagkamit ng
ating mga mithiin o pangarap na nakatuon sa nais nating maabot. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang tamang layunin upang ito ay makamit
A. Ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay.
B. Ang pagkakaroon ng katangian ng isang produktibong manggagawa
C. Ang pagiging bahagi at pagbibigay ng ambag sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa
D. Lahat ng nabanggit.
IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT
ARALING PANLIPUNAN 10
Name:________________________________________________Date:________________
Grade and section :_____________________________Score:______________________
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa
sagutang papel sa kanang bahagi ng papel.
Panuto: Itiman ang titik A kung TAMA ang pahayag ay
makatotohanan at B kung MALI ito ay hindi makatotohanan.
Gumamit ang sagutang papel.
1. Itinatakda ng Artikulo IV Seksyon 3 ng Saligang Batas na ang
pagkamamamayan ay maaaring mawala ngunit ito ay maaari ring
maibalik.
2. Ang pagkamamamayan ay naaayon sa prinsipyong jus
sanguinis kung ang pagbabatayan ay ang lugar ng kapanganakan
ng isang indibiduwal.
3. Ang mga dayuhang nagnanais na maging mamamayang Pilipino
ay sumasailalim sa proseso ng naturalisasyon upang makamit ito.
4. Ang isang sundalong Pilipino na nagtaksil sa kanyang bayan ay
natatanggalan ng pagkamamamayan at hindi na ito maibabalik pa.
5. Ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko
ay isang paraan upang magampanan nang mahusay ang iyong
mga tungkulin bilang mamamayang Pilipino.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan.
Itiman ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat
bilang. .
6. Ano ang nakapaloob sa dokumentong Bill of Rights na
ipinatupad noong Disyembre 15, 1791?
A. Nagbibigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
B. Sumunod sa kapangyarihan ng hari.
C. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan.
D. Pagtatag ng relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng
Judaismo, Hinduismo, Kristyanismo, Buddhismo, Taoismo, Islam at
iba pa.
7. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ng karapatang pantao?
A. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling
siya ay isilang.
B. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling
siya ay mamatay.
C. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling
siya ay ikakasal.
D. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling
siya ay matanda na.
8. Alin sa sumusunod na dokumento na naglalahad ng ilang
karapatan ng mga taga- England noong 1215?
A. Bill of Rights
B. Petition of Right
C. Declaration of the Rights of Man
D. Magna Carta
9. Anong uri ng karapatang pantao na mabuhay at magkaroon ng
sariling ari-arian?
A. Natural Rights
B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights
D. B at C
10. Noong 539 B.C.E ay may isang hari na sumakop sa Persia at
naging tahanan niya ang lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang
mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng isang relihiyon
ayon sa kanilang kagustuhan. Sino ang hari na ito?
A. Haring Cyrus B. Haring Solomon
C. Haring Alexander D. Haring Abraham
11. Para kanino ang karapatang pantao?
A. Pulis B. Lahat ng nilalang
C. Presidente D. Guro
12. Ito ang tinaguriang “World’s First Charter of Human Rights”
noong 539 B.C.E na siyang sinakop ni Haring Cyrus ng Persia.
A. The First Geneva Convention
B. Cyrus Cylinder
C. Parliament
D. Syrus Cylinder
13. Ano ang tinatamasang pribilehiyo ng isang tao mula sa
kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang kamatayan?
A. Dignidad B. Pagkatao
C. Karapatan D. Pangangailangan
14. Ito ay komisyon ng karapatang pantao na kung saan nilagdaan
at ipinatupad noon1948 na naglalayong protektahan ang isang
nilalang?
A. Declaration of the Rights of Man
B. Human Rights Commission
C. Universal Declaration of Human Rights
D. The First Geneva Convention
15. Isang uri ng karapatang pantao na kung saan ito ay binuong
batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
A. Natural Rights B. Constitutional Rights
C. Statutory Rights D. Lahat ng nabanggit
16. Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga mamamayan kung
saan sila ay nabibigyan ng pagkakataon na pumili ng kanilang mga
pinuno.
A. pagbabayad ng buwis B. pagboto
C. pagkamamamayan D. malayang pamamahayag
17. Isang uri ng pagboto ng mga mamamayan kung saan sila ay
nagmumungkahi ng mga batas.
A. Plebesito B. Referendum
C. Initiative D. Eleksyon
18. Ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga politikal na
gawain sa pamamagitan ng pagpaparating ng kanilang mga
ninanais sa napili nilang mga kinatawan.
A. Di-Tuwirang Pakikilahok B. Tuwirang Pakikilahok
C. Primaryang Pakikilahok D. Sekondaryong Pakikilahok
19. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring bumoto?
A. Residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon.
B. May edad na labing walong taong gulang sa araw ng eleksyon.
C. Mga taong wala sa tamang katinuan ng pag-iisip.
D. Residente sa lugar ng pinili niyang bumoto sa loob ng anim na
buwan sa petsang itinakda ng pagdaraos ng eleksyon.
20.. Tumutukoy sa paraan ng pakikialam at pakikibahagi sa mga
gawain na ang layunin ay mapabuti ang pamamalakad ng
pamahalaan at ang kapakanan ng mga mamamayan na
naninirahan dito.
A. Politikal na Pakikilahok
B. Sibikong Pakikilahok
C. Pakikilahok sa mga Partido Politikal
D. Pakikilahok sa Organisasyong Panlipunan
21. Mga gawain na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa sa
Pamamagitan ng kusang loob na pagtulong na walang hinihintay
na kapalit.
A. Gawaing Pansbiko B. Bayanihan
C. Gawaing Politikal D. Pagkakawanggawa
22. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng Partido Politikal?
A. Ninanais nila na makuha ang kontrol ng kapangyarihan sa
pamahalaan.
B. May mga sumusuporta itong miyembro.
C. Mayroon silang mga nagkakaisang mga ideyolohiya sa
pagpapatakbo ng pamahalaan.
D. Kumakatawan sila sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan.
23. Alin sa mga nabanggit ang halimbawa ng Partido Politikal?
A. Bayan Muna B. Gabriela
C. Kabataan D. Laban ng Demokratikong Pilipino
24. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Pansektor na Kinatawan
o Party List?
A. Liberal Party B. Puwersa ng Masang Pilipino
C. Bayan Muna D. Nacionalista Party
25. Bakit kinakailangang bumoto ang mga mamamayan tuwing
eleksyon?
A. Dahil ito ay isa sa kanilang tungkulin bilang mamamayan ng
bansang Pilipinas.
B. Dahil ito ay nagpapatunay ng kanilang pagiging mamamayan ng
bansang Pilipinas.
C. Kinakailangang bumoto upang makasigurado na tayo ay
mabibigyan ng tulong tuwing may mga sakuna o kalamidad.
D. Kinakailangang bumoto upang mapili natin ang mga taong
karapat dapat na mamuno sa ating bansa.
26. Isa ang media sa may pinakamahalagang gampanin sa
pampublikong pamamahala. Alin sa sumusunod ang nagpapakita
ng hindi nila pagganap sa tungkulin?
A. Maghatid ng mga pangyayari o kaganapang pawang
katotohanan lamang.
B. Sila ay nagsisilbing tagabantay sa mga gawain ng pamahalaan.
C. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi ng lipunan na
ipahayag ang kanilang mga saloobin.
D. Piliin ang mga ibabalita sa taong bayan dahil may mga ilang
isyu na kunpidensyal lamang.
27. Bakit kinakailangang magkaroon ng Pansektor na Kinatawan o
Party List?
A. Kinakailangan ito upang sanayin ang mga baguhan na lider sa
larangan ng politika.
B. Kinakailangan ito upang magkaroon ng boses ang iba’t ibang
sektor ng lipunan.
C. Kinakailangan ito upang mahikayat ang mga mamamayan sa
proseso ng halalan.
D. Kinakailangan ito upang matiyak na hindi kontrolado ng iisang
partido ang pamahalaan.
28. Ang mga non-governmental organizaition at people’s
organization ay may malaking naitutulong sa pamahalaan?
A. HINDI, dahil ang mga serbisyo na ipinagkakaloob ng mga ito ay
hindi para sa lahat ng mga mamamayan.
B. HINDI, dahil hindi naman nito natutugunan ang mga suliranin na
napapabayaan ng pamahalaan.
C. OO, dahil sa pamamagitan ng mga non-governmental
organization at people’s organization ay nagkakaroon ng
karagdagang kita ang pamahalaan.
D. OO, dahil kaakibat ang mga NGO at PO ng pamahalaan sa
pagbuo at paggawa ng iba’ ibang programa na makapagpapaunlad
sa ating bansa.
29. Bakit mahalaga para sa isang mamamayan na makilahok sa
mga pansibikong gawain?
A. Dahil kung tayo ay tumulong sa ating kapwa, asahan natin na
babalik din sa atin ito kapag tayo naman ang mangangailangan.
B. Dahil kapag tayo ay nakilahok sa mga pansibikong gawain
natutulungan natin ang kapwa nating mamamayan na maiangat
ang kanilang pamumuhay.
C. Dahil ang pakikilahok sa mga gawaing pansbiko ay ang
basehan para ikaw ay masabing mabuting mamamayan.
D. Dahil maaring mabawasan ang mga suliraning kinakailangang
bigyan ng solusyon ng ating pamahalaan.
30. Ang pagsuporta sa mga lokal na industriya ay isang halimbawa
ng gawaing pansibiko sapagkat ___________________?
A. Mas makakamura tayo kapag bibili tayo ng mga produktong
gawa ng ating mga kababayan.
B. Nakatutulong ito sa pag-angat ng ating ekonomiya at
nakapagbibigay ito ng trabaho sa maraming Pilipino.
C. Natutulungan natin ang ating kapwa Pilipino na mas makilala pa
ang kanilang mga produkto upang mas marami pang tao ang
tumangkilik nito.
D. Naipakikita natin ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng
pagsuporta sa mga lokal na industriya.
31. Ano ang tawag sa katayuan o kalagayan ng isang tao bilang
miyembro ng pamayanan?
A. Pagkamamamayan C. Pag-aasawa
B. Pagboto D. Pakikisama
32. Sino ang mga kinikilalang miyembro sa sinaunang lipunan sa
bansang Greece?
A. Babae lamang C. Lalaki at babae
B. Lalaki lamang D. Babae at ang kaniyang anak
33. Ano ang tawag sa lungsod-estado sa bansang Greece na
binubuo ng mga taong may iisang mithiin?
A. Polis C. Ziggurat
B. Punjab D. Sparta
34. Ano ang katangian ng isang mamamayan kung ito ay
nagpapakita ng katapatan sa Republika ng Pilipinas?
A. Makabayan C. Makatuwiran
B. Makatao D. Magalang
35. Anong katangian ang ipinakikita kung ang isang tao ay
itinatapon sa tamang paraan ang kanyang basura?
A. Makatuwiran C. Maka-Diyos
B. Makatao D. Makakalikasan
36. Kung ang isang tao ay tinatangkilik ang mga produkto na gawa
sa sariling niyang pamayanan o bansa, anong katangian ang
ipinakikita nito?
A. Makatuwiran C. Makabansa
B. Makatao D. Makakalikasan
37. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong
iginigiit ang kanyang karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya
sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang
barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang
pantao.
38. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang
mabuting mamamayan?
A. Ibinoboto ang isang sikat na kandidato.
B. Ibinoboto ang kandidatong iniisip ang kapakanan ng
nakararami.
C. Ibinoboto ang kandidato dahil malapit na kamag-anak.
D. Ibinoboto ang kandidato dahil iniendorso ng paboritong artista.
39. Alin sa sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang
mabuting mamamayan?
A. Sumasali sa mga gawaing pansibiko upang makinabang sa
pondo ng gobyerno.
B. Tumutulong sa kapwa upang makilala.
C. Ibinoboto ang mga kaibigan at kakilala.
D. Nakikibahagi sa paghahanap ng kalutasan sa mga suliranin ng
lipunan.
40. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng
mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan?
A. Sapagkat maging aktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang
mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa.
B. Sapagkat makikita ang pagsasabuhay ng mga karapatang
pantao ng mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas.
C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga
mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng
pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa
bansa.

More Related Content

Similar to AP TEST.pdf

PRE-TEST AP10.docx
PRE-TEST AP10.docxPRE-TEST AP10.docx
PRE-TEST AP10.docx
LusterPloxonium
 
EDITED-ESP9-50-items.pdf
EDITED-ESP9-50-items.pdfEDITED-ESP9-50-items.pdf
EDITED-ESP9-50-items.pdf
kavikakaye
 
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUNAP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
KristineJoyPatricio1
 
CBDRRM Demo.pptx
CBDRRM  Demo.pptxCBDRRM  Demo.pptx
CBDRRM Demo.pptx
EricsonDeGuzman3
 
RAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdfRAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdf
DianaValiente5
 
AP Pagtataya 1-2.pptx
AP Pagtataya 1-2.pptxAP Pagtataya 1-2.pptx
AP Pagtataya 1-2.pptx
JocelynMirasol1
 
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptxAng Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
QUENNIESUMAYO1
 
AP Grade 10 Q1 Mod1
AP Grade 10 Q1 Mod1AP Grade 10 Q1 Mod1
AP Grade 10 Q1 Mod1
Eddie San Peñalosa
 
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACHKONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
SheehanDyneJohan
 
Unified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre testUnified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre test
Jerome Alvarez
 
Bap iv 1st grading
Bap iv  1st gradingBap iv  1st grading
Bap iv 1st grading
Jerome Alvarez
 

Similar to AP TEST.pdf (20)

PRE-TEST AP10.docx
PRE-TEST AP10.docxPRE-TEST AP10.docx
PRE-TEST AP10.docx
 
EDITED-ESP9-50-items.pdf
EDITED-ESP9-50-items.pdfEDITED-ESP9-50-items.pdf
EDITED-ESP9-50-items.pdf
 
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUNAP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
AP FINAL EXAM EKONOMIKS ARALING PANLIPUN
 
myloves.docx
myloves.docxmyloves.docx
myloves.docx
 
myloves.docx
myloves.docxmyloves.docx
myloves.docx
 
myloves.docx
myloves.docxmyloves.docx
myloves.docx
 
myloves.docx
myloves.docxmyloves.docx
myloves.docx
 
arpan
arpanarpan
arpan
 
myloves.docx
myloves.docxmyloves.docx
myloves.docx
 
myloves.docx
myloves.docxmyloves.docx
myloves.docx
 
CBDRRM Demo.pptx
CBDRRM  Demo.pptxCBDRRM  Demo.pptx
CBDRRM Demo.pptx
 
RAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdfRAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdf
 
RAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdfRAM-AP4.pdf
RAM-AP4.pdf
 
AP Pagtataya 1-2.pptx
AP Pagtataya 1-2.pptxAP Pagtataya 1-2.pptx
AP Pagtataya 1-2.pptx
 
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptxAng Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
Ang Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management).pptx
 
AP Grade 10 Q1 Mod1
AP Grade 10 Q1 Mod1AP Grade 10 Q1 Mod1
AP Grade 10 Q1 Mod1
 
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACHKONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
KONTEMPORARYONG ISYU: ANG-DISASTER-MANAGEMENT-AT-ANG-DALAWANG-APPROACH
 
Unified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre testUnified division test ap iv pre test
Unified division test ap iv pre test
 
Bap iv 1st grading
Bap iv  1st gradingBap iv  1st grading
Bap iv 1st grading
 
Economics 100 questions (filipino)
Economics 100 questions (filipino)Economics 100 questions (filipino)
Economics 100 questions (filipino)
 

AP TEST.pdf

  • 1. UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 10 Name:________________________________________________Date:________________ Grade and section :_____________________________Score:______________________ Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel. 1. Tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinion sa kahit anong larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. A. Isyung Politikal C. Isyung panlipunan B. Kontemporaryong isyu d. Isyung pangkapaligiran 2. Ang sumusunod ay mga kontemporaryong isyu maliban sa: A. War on Drugs C. Covid-19 pandemic B. Edsa Revolution D. Agawan sa West Philippine Sea 3. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung ; A. nilagay sa Facebook B. kilalang tao ang mga kasangkot C. napag-uusapan at dahilan ng debate D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang 4. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at pangkalusugan. Sa anong isyu nabibilang ang usapin tungkol sa pandemya tulad ng COVID-19? A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkapaligiran B. Isyung pangkalusugan D. Isyung pangkalakalan 5. Isa sa naging epekto ng pandemic ang paglaganap ng Online Business. Ito ay maituturing na ___________ A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Pangkalakalan B. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran 6. Nalalapit na naman ang halalan. Marami nang politiko ang naghahandan para sa pangangampanya. Ito ay isang uri ng ____________ A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Pangkalakalan B. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran 7. isinusulong ng LGBTQ community na maging legal ang Same Sex Marriage sa Pilipinas. Ito ay isang uri ng ____________. A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkapaligiran B. Isyung pangkalusugan D. Isyung pangkalakalan 8. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi kabilang sa printed media? A. magazine B. internet C. journal D. komiks 9. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu? I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon. II. Hindi paglalahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay. III. Pagkilala sa mga sanggunian. IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan. A. I C. I, II B. I, III, IV D. II, III 10. Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu maliban sa A. Matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon. B. Nalilinang ang kakayahang makipagtalo o makipagdebate C. Upang iyong matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa lipunang iyong kinabibilangan. D. Napapaunlad kakayahang mag-isip , magplano, at magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin. 11. Kapag matatag ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring maiwasan? A. Pinsala sa buhay at ari-arian C. Pagtaas ng bilihin B. Pagbagsak ng ekonomiya D. Pagdami ng basura 12. Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at panganib. A. Hazard Assessment C. Capacity management
  • 2. B. Disaster management D. Disaster 13. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa mga sakuna at kalamidad? A. Upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong sektor. B. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima. C. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian, at sa kalikasan. D. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan. 14. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa pagkamit ng isang maayos na lipunan? A. Lahat ng mamamayan ay nakapag-aral. B. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. C. Maayos ang ugnayan ng buong pamilya. D. Bawat mamamayan at institusyon sa lipunan ay ginagampanan nang maayos ang kani-kaniyang responsibilidad. 15. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay halimbawa ng A. Natural Hazard C. Structural Risk B. Anthropogenic Hazard D. Disaster 16. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas? A. tahanan C. paaralan B. palengke D. pabrika 17. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________ A. Fuel wood harvesting C. Illegal logging B. Illegal mining D. Global warming 18. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo? A. Ilegal na pagtotroso C. Pagdami ng populasyon B. Ilegal na pagmimina D. Paglipat ng pook tirahan 19. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito? A. pagbaha C. pagkawala ng tirahan ng mga hayop B. pagguho ng lupa D. lahat ng nabanggit 20. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa _____________. A. solid waste C. climate change B. ilegal na droga D. pagkasira ng mga likas na yaman II. Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Itiman ang titik sa sagutang papel ng A kung ang sumusunod na pahayag ay tama at B kung ito naman ay mali. 21. Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng lifetime kit bago pa may dumating na kalamidad gaya ng pagbaha. 22. Sa panahon ng kalamidad “Ligtas ang may alam”. 23. Alamin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pamatay-sunog, pulis, pagamutan at mga kawani ng barangay pagkatapos ng kalamidad. 24. Mag-imbak ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad. 25. Mag panic-buying kung may paparating na kalamidad. . III. Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel. 26. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo? A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha 27. Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan? A. Maglaro sa baha
  • 3. B. Lumangoy sa baha C. Humanap ng ibang daan D. Subuking tawirin ang baha 28. Si Mang Fernan ay nakatira malapit sa Bulkang Taal. Ano ang dapat niyang gawin? A. Mamasyal sa paligid B. Gumawa ng malaking bahay C. Makipag-usap sa kapitbahay D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas 29. Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna kung may lindol? A. athletic meet C. fire drill B. earthquake drill D. fun run 30. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa pagbaha? A. karton B. malaking bag C. malaking gallon D. paying 31. Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad. A. Pagtataya ng Kapasidad C. Pagtugon sa Kalamidad B. Pagatataya ng Peligro D. Paghahanda sa Kalamidad 32. Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng pagtataya ng panganib o hazard assessment at pagtataya ng kakayahan o capability assessment. A. Paghahanda sa Kalamidad C. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad B. Pagtugon sa Kalamidad D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad 33. Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad ang sumusunod maliban sa: A. magbigay impormasyon C. magbigay payo B. magbigay ng pagbabago D. magbigay ng panuto 34. Ito ay isang paraan sa pagsasagawa ng hazard assessment kung saan sinusuri ang mga panganib na nararanasan sa lugar at ang antas ng pinsala. A. Hazard Mapping B. Hazard Profiling C. Historical Profiling D. Risk Management 35. Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibaghagi ng mga mamamayan. A. Community Based Disaster Risk Reduction Management Approach B. Community Preparedness and Risk Management Approach C. Philippine Disaster Risk Management D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council 36. Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad? A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan. B. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan. C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan. D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao. 37. Bahagi ng Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad ang mga hakbang at gawain na nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito? A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad B. Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa pampamahalaan C. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad D. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot 38. Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay ang CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ___________ A. tapat na pinuno C. suporta ng mga Non-Governmental Organizations B. sapat na pondo D. pakikibahagi ng lahat ng sektor ng lipunan
  • 4. 39. Bahagi ng Community Based Disaster Risk Reduction Management Plan ang pagtataya sa lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Alin sa sumusunod ang sumusuporta rito? A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan. B. Magiging epektibo ang aksyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon kung ito ay napapahalagahan. C. Maiiwasan ang pinsala na maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapapahalagahan. D. Magsisilbing gabay sa pagtugon sa pangangailangan ng nakaranas ng kalamidad. 40. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad? A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan. B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan. C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring magdulot ng kapahamakan. D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan.
  • 5. IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 10 Name:________________________________________________Date:________________ Grade and section :_____________________________Score:______________________ Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel. 1. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon, ipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nito sa bansa? A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino. C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis. D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdigang kalakalan. 2. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon? A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan. B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto. C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga malalaking industriya. D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal nang naitatag. 3. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito? A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao. B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural. C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao. D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan. 4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa? A. Business Process Outsourcing B. mura at flexible labor C. subcontracting D. job mismatch 5. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang panig ng mundo. Alin sa sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino? A. Jolibee B. McDonalds C. San Miguel Corporation D. Unilab 6. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad na siyang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito? A. fair trade B. outsourcing C. pagtulong sa bottom billion D. subsidy 7. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong teknolohikal at sosyo-kultural maliban sa isa. Alin dito? A. E-commerce B. pagsunod sa KPop culture C. paggamit ng mobile phones D. pagpapatayo ng JICA building 8. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito? A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa C. mababang pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensiyon ang paggawa 9. Ano ang pinakaangkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil sa globalisasyon? A. mabilis na ugnayan ng mga bansa B. paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig C. mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga bantang magdudulot ng pinsala D. nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa 10. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o nakaugat na sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito? A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang- ekonomiya. B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao. C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa kanyang makipagkalakalan. D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ang kasalukuyan ay makabago na. 11. Ang lahat ay tumutukoy sa epekto ng globalisasyon sa paggawa maliban sa isa. Ano ito? A. Demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard B. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaig-digang pamilihan. C. Ang palagiang pangingibang bansa ng mga artista para magbakasyon o umiwas sa mga intriga na ipinupukol sa kanila ng mga taong galit sa kanila. D. Binago ng globalisasyon ang pook pagawaan at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa. 12. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan? A. Edukasyon B. Ekonomiya C. Globalisasyon D. Paggawa 13. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang bahay-pagawaan ng mga manggagawang Pilipino”? A. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas
  • 6. B. Pag-angat ng kalidad ng mga manggagawang Pilipino C. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa D. Paghuhulog, pagbabayad at paglalabas ng pera gamit ang mga Automated Teller Machine (ATM) 14. Ano ang humikayat sa mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot naman ng iba’t ibang isyu sa paggawa? A. Marami silang kamag-anak dito sa Pilipinas. B. Nais ng Pangulo na magkaroon ng negosyo ang lahat ng Pilipino. C. Masyadong maluwag ang gobyerno natin sa mga dayuhang namumuhunan sa bansa. D. Mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad ng kompetisyon sa hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa 15. Anong sektor ng paggawa ang may pinakamalaking bahagdan ng mga manggagawa? A. Agrikultura B. Impormal na sektor C. Industriya D. Paglilingkod 16. Alin sa sumusunod ang suliraning kinakaharap ng mga lokal na magsasaka? A. Kawalan ng asawa B. Kawalan ng sapat na tulog C. Kawalan ng kahalili sa pagtatanim at pag-aani ng mga pananim D. Kakulangan ng patubig o suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda 17. Ito ay tumutukoy sa pagpapalaki ng kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa? A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon C. Mura at Flexible Labor D. Underemployment 18. Ang pagpasok ng Pilipinas sa mga usapin at kasunduan sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal tulad ng IMF-WB at WTO ay lalong nagpahina sa kita ng mga lokal na magsasaka. Alin sa sumusunod na pahayag ang sumusuporta dito? A. Ang mga produktong agrikultural ay malayang naiaangkat sa ibang bansa. B. Ang mga dayuhang produktong agrikultural ay malayang naibebenta sa mga lokal na pamilihan sa mababang halaga. C. Ang mga lokal na de-kalidad na produkto tulad ng mangga at saging ay itinatanim at nakalaan lamang para sa ibang bansa. D. Ang mga lupaing mainam na taniman ay sumasailalim sa land conversion at pinatatayuan ng iba’t ibang dayuhang industriya. 19. Alin sa sumusunod ang hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon? A. Nakabubuo ng mga unyon sapagkat may trabaho. B. Hindi nakatatanggap ng karampatang sahod at mga benepisyo ang mga manggagawa. C. Maiiwasan ang pagbabayad ng separation pay ng mga kapitalista sa mga manggagawa. D. Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong “employee- employer” sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensiya. 20. Ano ang tawag sa pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon? A. Subcontracting Scheme B. Kontraktuwalisasyon C. Mura at Flexible Labor D. Underemployment 21. Ano ang migrasyon? A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar. B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan. C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan. D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente. 22. Sino ang binansagang “economic migrants”? A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs. B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o di kaya ay kaguluhan. C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan. D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng oportunidad sa bansang pinagmulan. 23. Ano ang brain drain? A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo. C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang Pilipino. D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa COVID-19. 24. Ano ang kahulugan ng househusband? A. Ang househusband ay ang mag-asawang parehong nagtatrabaho para sa pamilya. B. Ang househusband ay ang pagtutol ng mga anak na magtrabaho ang sinuman sa kanilang mga magulang. C. Ang househusband ay ang asawang babae na naiiwan sa bahay habang ang asawa namang lalaki ay siyang nagtatrabaho. D. Ang househusband ay ang asawang lalaki na naiiwan sa bahay habang ang asawa namang babae ay siyang nagtatrabaho. 25. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas? A. Brain Drain B. Economic Migration C. Integration D. Multiculturalism 26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso sa mga babaeng manggagawa sa ibang bansa? A. Ang mga kababaihang migrante ang kadalasang biktima ng human trafficking. B. Ang ilang kababaihang migrante ay nalalantad sa karahasang sekswal (sexual violence). C. Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang magtiis sa mga trabahong mababa ang sahod. D. Lahat ng mga nabanggit. 27. Alin sa sumusunod ang nakikitang dahilan kung bakit umaalis ng lugar ang ilan nating kababayang manggagawa? A. Higit na mataas na pasahod na alok ng mga mauunlad na bansa. B. Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa. C. Mas maayos na kalagayan sa paggawa sa mga kompanya sa ibang bansa. D. Lahat ng mga nabanggit. 28. Kailan nagaganap ang migration transition? A. Nagaganap kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang manggagawa at ang kanyang amo dahil sa hindi tamang pasahod. B. Nagaganap kapag mas marami ang umaalis na Overseas Filipino Workers (OFWs) kaysa sa dumarating o umuuwi dito sa Pilipinas. C. Nagaganap kapag nawawala na ang pagkamamamayan ng isang manggagawa dahil sa pagkawalang-bisa nito dahil sa haba ng paninirahan sa bansang pinuntahan. D. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at refugees mula sa iba’t ibang bansa. 29. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon?
  • 7. A. Nagkakaroon ng konseptong “house husband” kapag ang ina ang nangibang- bansa. B. Kapag ang lalaki ang nangibang-bansa, ang asawang babae ang mas higit na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan. C. Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan. D. Lahat ng mga nabanggit. 30. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin ng pamahalaan upang hindi magdagsaan ang mga tao sa mga lungsod gaya ng Kalakhang Maynila? A. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa. B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-roon. C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa Maynila. D. Itaguyod and diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta sa Maynila. 31. Sino ang pangunahing naaapektuhan ng mga banta ng migrasyon sa pamilyang Pilipino? A. ang pamilya B. ang mga anak C. ang asawang naiiwan sa pamilya D. ang asawang nagtatrabaho sa ibang bansa 32. Ano ang kasunduang naging dahilan kung bakit ang mga nagsipagtapos ng mga engineering degree sa Pilipinas ay hindi nagiging engineer sa mga bansang lumagda nito? A. Bologna Accord B. K-to-12 Curriculum C. Monroe Doctrine D. Washington Accord 33. Ano ang ipinatupad na reporma ng pamahalaan ng Pilipinas noong 2010 upang maiakma ang Kurikulum ng Basic Education ng bansa sa pamantayang global? A. Bologna Accord B. K-to-12 Curriculum C. Monroe Doctrine D. Washington Accord 34. Ang mga sumusunod ay kalimitang ugat ng pandarayuhan ng mga Pilipino, maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? A. Maghanapbuhay na may mataas na sahod. B. Makapamasyal at makapaglibang sa mga makasaysayang pook. C. Paghihikayat ng mga kamag-anak na nakatira na sa ibang bansa. D. Matuto o mapag-aralan ng makabagong kasanayan at kakayahan. 35. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng dahilan ng migrasyon? A. Digmaang sibil B. Pagkawasak ng pamilya C. Kawalan ng trabaho sa pamayanan D. Mas magandang oportunidad sa ibang bansa 36. Marami sa mga pamilya ng OFW ay nakararanas ng pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan upang sila ay matulungan? A. Bigyan ng sulat B. Makisimpatya sa kanila C. Bigyan sila ng load na pantawag D. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila 37. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa Bologna Accord? A. Hango ang pangalan nito sa isang unibersidad sa Italy. B. Mabilis na naiaakma ang kurikulum ayon sa hinihingi ng industriya. C. Nilagdaan ito sa Vienna ng iba’t ibang Ministro ng Edukasyon ng 29 na bansa. D. Naglalayon ang kasunduan sa pag-aakma ng kurikulum ng bawat isa upang ang nagtapos sa bansa ay madaling matanggap. 38. Sa kabila ng mga banta sa kalagayan ng mga migranteng manggagawa marami pa ring mga Pilipino ang nangingibang bansa. Alin sa sumusunod ang hindi prayoridad ng mga Pilipino upang umalis ng bansa? A. Upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan B. Ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa C. Upang maging domestic workers at magkaroon ng maayos na trabaho D. Ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi matutumbasan 39. Suriin ang infographic sa ibaba. Alin sa sumusunod ang totoo tungkol sa infographic? A. Ang mga OFW ay pang-landbased lamang. B. Mas maraming OFW ang pumunta sa UAE kaysa sa Saudi Arabia. C. Karamihan ng mga OFW na landbased ay pumupunta sa Gitnang Silangan. D. Ang mga OFW ay mas pinipiling pumunta at magtrabaho sa kalapit bansa tulad ng Saudi Arabia at UAE. 40. Si Lucy ay isang dating domestic worker sa Lebanon. Ayon sa kaniyang panayam, kinukulong siya ng kaniyang amo sa loob ng bahay na sarado ang mga bintana at pinto. Inuutusan siyang gumising ng alas-kuwatro ng umaga at matutulog ng ala-una ng madaling araw. Minsan, isang buong magdamag siyang namalantsa ng mga damit ng kaniyang amo. Ano ang naging sitwasyon ni Lucy? A. forced labor C. remittance B. human trafficking D. slavery
  • 8. IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 10 Name:________________________________________________Date:________________ Grade and section :_____________________________Score:______________________ Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel. 1. Ito ay tumutukoy sa iyong kakayahan na magkaroon ng atraksyong pisikal, kung siya ay lalaki o babae o pareho. A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian 2. Ano ang tawag sa mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian? A. asexual C. intersex B. bisexual D. queer 3. Kinikilala ito bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak. A. heterosexual C. oryentasyong seksuwal B. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian 4. Siya ang tinaguriang prinsesa ng isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng datu. A. Asog C. Binukot B. Babaylan D. Lakambini 5. Ito ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal. A. breast flattening B. breast ironing C. Female Genital Mutilation (FGM) D. foot binding 6. Ano ang tawag sa taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, at ang kaniyang pag- iisip at pangangatawan ay hindi magkatugma? A. asexual C. heterosexual B. bisexual D. transgender 7. Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa mga gampanin ng kababaihan sa lipunan gaya ng paglahok sa pagboto at karapatang makapag-aral. A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Espanyol C. Panahon ng Hapones D. Panahong Pre-Kolonyal 8. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito? A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae. B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa. C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa. D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan. 9. Bakit may mga insidente ng gang rape sa mga tomboy o lesbian sa mga bansa sa South Africa? A. Sila ay maituturing na babae rin. B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural. C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian. D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain. 10. Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM? A. upang maging malinis ang mga kababaihan B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal 11. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. A. diskriminasyon C. karahasan B. gender roles D. Magna Carta 12. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy? A. breast ironing C. Female Genital Mutilation B. foot binding D. suttee 13. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng karahasan sa kababaihan? A. anumang uri ng karahasang nagaganap sa isang relasyon B. anumang paggamit ng pisikal na puwersa o kapangyarihan, pagbabanta o aktwal, laban sa sarili, ibang tao, o laban sa isang grupo o pamayanan, na may mataas na posibilidad na magresulta sa pinsala, kamatayan, at sikolohikal na pinsala C. anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, sexual o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan D. anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan 14. Si Mae ay nakaranas ng domestic violence. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kaniyang naging karanasan? A. Hindi nalilimutan ng kaniyang asawa ang kanilang anibersaryo.
  • 9. B. Laging sinusubaybayan ng kaniyang asawa ang kaniyang social media account. C. Laging may nakahandang sorpresa ang kaniyang asawa sa kaniyang kaarawan. D. Madalas siyang tinatawagan ng kaniyang asawa upang alamin ang kaniyang kalagayan. 15. Ang sumusunod ay halimbawa ng domestic violence maliban sa isa. A. Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan. B. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente. C. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan. D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop. 16. Ayon sa istatistika ng karahasan sa mga kababaihan, ilang porsyento ng mga babaeng may edad 15-49 ang nakararanas ng seksuwal na pananakit? A. 2% B. 3% C. 4% D. 5% 17. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng diskriminasyon? A. pagbawal na makipagkita sa mga kaibigan B. pagpigil na pumasok sa paaralan o trabaho C. pag-insulto at pagbigay ng nakatatawang alyas o bansag D. kawalan ng oportunidad sa trabaho dahil sa kapansanan 18. Ang sumusunod ay dahilan ng pagsasagawa ng breast ironing maliban sa isa. A. pagkagahasa C. paghinto sa pag-aaral B. maagang pag-aasawa D. maagang pagbubuntis 19. Ito ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasan sa mga kababaihan. A. GABRIELA C. USAID B. LADLAD D. UNDP 20. Kung si Edna ay biktima ng domestic violence, alin sa mga sumusunod ang maaari niyang naranasan? A. Pinagbantaan siya ng karahasan. B. Sinabihan siya na ang mga lalaki ay natural na bayolente. C. Tinawag siya sa ibang pangalang hindi maganda (name calling). D. Humingi sa kaniya ng tawad ang taong may sala at nangakong magbabago. 21. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa lumalabag nito. A. Women and Children Act B. Anti-Children and Women Act Bill C. Act for Women and Children in Discrimination D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act 22. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for Women. A. Samahang Gabriela B. Marginalized Women C. Powerful Women of the Society D. Women in Especially Difficult Circumstances 23. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito. A. paaralan C. senado B. pamahalaan D. simbahan 24. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga babaeng nakakulong. A. Women of the Society B. Able Women of the Society C. Especial Women in Difficult Circumstances D. Women in Especially Difficult Circumstances 25. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao. A. Magna Carta for Women B. Women Discrimination Bill C. Women for Magna Carta Act D. Act Against Women Discrimination 26. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang ang mga biktima ng prostitusyon? A. Marginalized Women B. Women in Marginal Society C. Focused Women of the Society D. Women in Especially Difficult Circumstances 27. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang state party sa Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) maliban sa: A. paggalang sa karapatan ng kababaihan B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito C. masolusyunan ang laganap na diskriminasyon. D. ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan 28. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng: A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan anuman ang layunin nito C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng karahasan
  • 10. D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang- aabuso at diskriminasyon 29. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalang- tao. Bilang isang empleyado, anong benepisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak na ang kanyang asawa? A. Maternity Leave C. Leave for Fathers B. Paternity Leave D. Paternity Leave of Absence 30. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan kundi pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst War C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Agianst Women D. Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Agianst Women 31. Dahil sa dumaraming bilang ng mga kalalakihan, kababaihan at mga LGBTQIA+ na nakararanas ng karahasan at diskriminasyon, ang mga kinatawan ng mga grupong nagsusulong ng karapatang pantao ay nagtipon-tipon noong Nobyembre 6-9, 2006 sa Indonesia upang pagtibayin ang isang pandaigdigang pakikibaka para sa isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Ano ang naging bunga ng pagtitipong ito? A. pagbuo ng Prinsipyo ng Yogyakarta B. pagkakabuo ng Asosasyon ng LGBTQIA+ C. pagbuo ng Komisyon ng Karapatang Pantao D. pagkakabuo ng Gender Development Plan Framework 32. Binubuo ang prinsipyo ng Yogyakarta ng 29 na prinsipiyo. Saan nakaayon ang mga ito? A. Batas Pambansa B. Pandaigdigang Batas ng mga Kristiyano C. Batas ng Pagkakapantay-pantay sa lipunan D. Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao 33. Si Bataan Rep. Geraldine B. Roman ay ang kauna- unahang mambabatas na transgender. Siya ang nagpanukala ng SOGIE Equality Act. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang isinasaad sa sitwasyong ito? A. karapatang mabuhay B. karapatan sa trabaho C. karapatan sa edukasyon D. karapatang lumahok sa buhay-pampubliko 34. Tinitiyak ng estado na ang lahat ay mayroong pantay na oportunidad sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at pananamit nang walang diskriminasyon anuman ang kasarian. Anong Prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. karapatang magbuo ng pamilya B. karapatan sa malayang pagkilos C. karapatan sa seguridad ng pagkatao D. karapatan sa sapat na pamantayan ng pamumuhay 35. Si Danilo ay napatunayang may sala. Siya ay may karapatang maipagtanggol ang sarili sa tulong ng isang abogado sa harap ng korte o hukuman. Anong prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. karapatan sa patas na paglilitis B. karapatan sa seguridad ng pagkatao C. karapatan sa hindi arbitraryong mapiit D. karapatan sa makataong pagtrato habang nakapiit 36. Ipinakikilala ng prinsipyong ito ng Yogyakarta na ang lahat ng tao ay isinilang nang malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. A. karapatan sa trabaho B. karapatang mabuhay C. karapatan sa pribadong buhay D. karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao 37. Hindi ininda ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang ulan upang isagawa ang isang mapayapang demonstrasyon. Ito ay naglalayon na maipaglaban ang kanilang karapatan. Ang pangungusap ay nagpapahayag na: A. anuman ang kasarian ay maaaring makibaka B. ang lahat ay may karapatan sa malayang asembleya C. ang lahat, anuman ang kasarian ay malaya sa pagpili ng relihiyon D. walang sinuman ang maaaring pigiling magtungo kung saan nila gusto 38. Si Ilo ay isa sa mga pasyenteng tinanggihan ng ilang mga ospital dahil sa siya ay kinakitaan ng sintomas ng COVID-19. Anong karapatan niya ayon sa Yogyakarta ang binalewala? A. karapatang tanggapin sa ospital B. karapatan sa mga pasilidad ng ospital C. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan D. karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit 39. Ang pagkakaloob ng proteksyong sosyal ay pananagutan ng pamahalaan lalo na ngayong panahon ng pandemic, kabilang dito ang benepisyo sa trabaho anuman ang kasarian. Aling prinsipyo ng Yogyakarta ang nagsasaad nito? A. karapatan sa trabaho B. karapatan sa seguridad ng buhay C. karapatan sa maayos na pamumuhay D. karapatan sa social security at iba pang proteksiyong panlipunan 40. Alin sa sumusunod ang hakbang ng pamahalaan na nagpapatupad ng pagtataguyod ng karapatan sa edukasyon ng bawat isa anuman ang kasarian? A. Ipagkait ang proteksiyon sa mga mag-aaral, kawani at guro. B. Balewalain ang disiplina sa mga institusyong pang- edukasyon. C. Siguruhin ang pagtanggap ng mga bagong guro at kawani sa paaralan. D. Matiyak na ang edukasyon ay nakatuon sa pag-unlad ng paggalang sa mga karapatang pantao.
  • 11. IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT ESP 7 Name:________________________________________________Date:________________ Grade and section :_____________________________Score:______________________ Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel. 1. Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas ng isang indibiduwal sa anomang kaganapan sa buhay. A. Birtud C. Pagpapahalaga B. Moral D. Karunungan 2. Ito ay moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kaniya: sinoman o anoman ang kaniyang katayuan sa lipunan at upang maging isang mabuting kabahagi nito. A. Karunungan C. Kalayaan B. Katanungan D. Katatagan 3. Ang ‘halaga’ ay salitang-ugat ng katagang pagpapahalaga. Tukuyin kung alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI totoo patungkol sa salitang halaga (value). A. Ito ay nagmumula sa sarili B. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin C. Ito ay nagbabago depende sa tao, sa lugar, at sa panahon. D. Ito ay nangangahulugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan 4. Alin sa sumusunod ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagganap ng pagpapahalaga sa buhay? A. Pamana ng kultura B. Mga kapuwa kabataan C. Pamilya at pag-aaruga sa anak D. Guro at tagapagturo ng relihiyon 5. Alin sa sumusunod ang HINDI tumutukoy patungkol sa birtud? A. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus B. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao. C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos D. Ang birtud ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos ng mga pagpapahalaga ng isang tao. 6. Ang sumusunod ay katangian ng isang taong nagsasabuhay ng gawi MALIBAN sa _______________. A. Nahihiyang gawin ang anomang pinaniniwalaan niyang tama B. May mataas na pagpapahalaga sa pangangalaga sa sariling kapakanan at paninindigan C. May tiwalang ibahagi sa ibang tao ang kaniyang paniniwala na maaaring maging daan upang makahimok ng iba. D. Bukas at tapat sa pagbabahagi ng kaniyang mga binabalak, ninanais at mga bagay na nagtutulak sa kaniya upang gawin ang isang bagay 7. Ang sumusunod ay pamamaraan upang mahubog ang disiplinang pansarili at maisabuhay ang patuloy na pagsasagawa ng mabuting gawi o asal MALIBAN sa _________________. A. Paggamit ng kalayaan ng walang kaakibat na responsibilidad/pananagutan B. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos C. Tanggapin ang kinahihinatnan ng pasiya at kilos D. Magsikap na mag-isip at magpasiya nang makatuwiran 8. Masasabi lamang na naisagawa ang tunay na kahalagahan ng mabuting gawi kung: A. Nakilala ang tama at mali at ibinabatay ang panghusga sa mga prinsipyong etikal B. Sinusunod ng tao ang kaniyang likas na kakayahang gawin ang tama at iwasan ang masama C. A at B D. Wala sa nabanggit 9. Anong kakayahan ang mapalalakas kung mahuhubog mula sa pagkabata ang kakayahang maipakita at maisabuhay ang tamang gawi? Ito ay ang pagbuo ng _____________________. A. moral na paghuhusga base sa napakingan B. mabuting kalooban C. tamang pagpapasya D. pabago-bagong paghuhusga 10. Ang kalayaan ng tao ay laging may kakambal na_______. A. katarungan C. maingat na paghuhusga B. responsibilidad D. lahat ng nabanggit 11. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga bagay na maituturing lamang ng rangya o luho. A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal 12. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito upang masiguro niya ang kaniyang kaayusan at mabuting kalagayan. A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal 13. Ang pinakamataas na antas ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga ay _______ A. pambuhay B. ispirituwal C. pandamdam D. banal 14. Sinasabing ang pera ay nakapagbibigay ng saya, ngunit may mga taong maraming pera subalit inaaming hindi ito ang makapagpapasaya sa kanila. Sa paglipas ng panahon, mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na mas makapagpapasaya sa kanila. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas ng halaga? A. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito B. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang halaga C. Higit na malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas mataas ang antas nito D. Higit na mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito 15. Kadalasang mahalaga para sa mga nagdadalaga/nagbibinata ang pagkakaroon ng iba’t ibang mga gadget katulad ng cellphone. Nasa anong antas ito ng pagpapahalaga? A. pambuhay B. ispiritwal C. pandamdam D. banal 16. Sa papaanong paraan mapapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga? A. Isiping mabuti ang mas mahalaga at dapat na unahing gawain. B. Gayahin ang mga pinahahalagahan ng mga sikat/kilalang tao. C. Pumili ng gawaing higit na kinawiwilihan katulad ng paglalaro o pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. D. Ipagtanong sa mga mas nakatatanda ang nararapat mong gawin upang mapahalagahan ang mataas na antas ng pagpapahalaga. 17. Ang sumusunod ay mainam na hakbang upang mapanatiling mataas ang antas ng pagpapahalaga ng isang indibiduwal, MALIBAN sa: A. Isaisip na mas mataas ang pagpapahalaga kung ito ay para sa Dakilang Lumikha. B. Higit na pahalagahan kung ano ang makapagpapasaya sa iyo. C. Hayaan na tadhana ang magdikta ng iyong pahahalagahan sa buhay. D. Unahin ang kapakanan ng kapuwa. 18. Kahit na naghihirap si Myca sa buhay ay hindi pa rin niya nakaliligtaang tumulong sa mga nangangailangan. Ano ang maaaring kahinatnan niya? A. Sisikat siya sa kanilang bayan. B. Magsasawa rin siya dahil sa dami ng kailangang tulungan. C. Makatutulong ito upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao.
  • 12. D. Magtatayo siya ng organisasyong makatutulong pa sa Nangangailangan. 19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng mataas na antas ng pagpapahalaga? A. Tumatagal at hindi nababago ng panahon. B. Ito ay nagiging batayan ng ibang pagpapahalaga. C. Mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito. D. Kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito. 20. Nararapat mapataas ang antas ng iyong pagpapahalaga upang ______________________________________. A. mapasaya ang iyong pamilya. B. maging sikat sa klase at paaralan. C. magkaroon ng makabuluhang buhay. D. may maipagmayabang sa mga kamag-anakan. 21. Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paglalarawan sa pangarap? A. Ito ay tumutukoy sa mga minimithi ng isang tao sa kaniyang buhay na maaaring malayo sa kasalukuyang kalagayan. B. Ito ay nangyayari lamang sa isipan ng tao habang natutulog. C. Ito ay mga pangyayaring likha ng malikhaing isip at ayon sa iyong kagustuhan. D. Ito ay mga pangyayaring nasa isipan lamang ng tao habang gising. 22. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang pinakawasto patungkol sa pagkakaiba ng panaginip at pangarap? A. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising habang ang pangarap ay nagpapatuloy. B. Ang panaginip at pangarap ay nangyayari lamang sa isip habang natutulog. C. Ang pangarap ay para lamang sa mayayaman, ang panaginip ay para sa lahat. D. Ang panaginip ay para lamang sa mga nakamit na ang mga pangarap. 23. “Mas malala pa sa pagiging bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?” Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag na ito ni Helen Keller? A. Mahirap maging isang bulag. B. Hindi mabuti ang walang pangarap. C. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin. D. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng panigin sa pagtatagumpay sa buhay. 24. Ano ang kaibahan ng pagpapantasiya sa pangarap? Ang pagpapantasiya ay__________________ A. likha ng malikhaing isip. B. panaginip nang gising. C. ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya. D. Lahat ng nabanggit 25. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nabanggit na katangian ng isang taong may pangarap? A. Handang kumilos upang maabot ang mga pangarap. B. Nadarama ang higit na pagnanasa tungo sa pangarap. C. Naniniwala na ang mga pangarap ay hindi nagkakatotoo D. Naniniwala na magiging totoo ang mga pangarap at kaya niyang gawing totoo ang mga ito. 26. Tumutukoy ito sa isang gawain na ang pangunahing layunin ay kumita at mapalago ang puhunang salapi. A. Pag-aaral B. Pagnenegosyo C. Pagpapahalaga D. Pakikipag-ugnayan 27. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng pag- aaral kaugnay sa pagnenegosyo? A. Makatutulong ang pag-aaral upang mapaunlad ang negosyo. B. Makapagbibigay ang pag-aaral ng sapat na kaalaman sa pagnenegosyo. C. Makatutulong ang pag-aaral upang mapaunlad pa ang nasimulang negosyo. D. Lahat ng nabanggit. 28. Sa mga sumusunod, sino sa iyong palagay ang magtatagumpay sa pagnenegosyo? A. Si Rico na nakapagtapos ng kolehiyo ngunit hindi ginamit ang kanyang kursong natapos. B. Si Elaine na nakatapos ng kursong Business Management at kasalukuyang nagmamay-ari ng isang restawran. C. Si Madrid na kasosyo sa isang bagong bukas na hardware store subalit walang sapat na kaalaman dito pero pilit na inaaral ang pag- nenegosyo. D. Si Raquel na matalino ngunit hindi nakapag-aral bunga ng kaniyang kapansanan. 29. Alin sa mga sumusunod ang wastong paglalarawan sa career plan? A. Ito ay ang pag-iisip kung ano ang iyong magiging trabaho sa hinaharap. B. Ito ay ang masusing pagpaplano ng iyong magiging hanapbuhay sa hinaharap. C. Ito ay ang pagsunod sa plano ng iyong mga magulang patungkol sa iyong magiging hanapbuhay sa hinaharap. D. Ito ay ang masusing pagpaplano ng iyong magiging hanapbuhay sa hinaharap na may pagsasaalang-alang sa mga personal na salik sa pag- unlad. 30. Piliin mula sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga hakbang sa pagpaplano ng iyong karera? A. Kilalanin ang iyong sarili. B. Alamin ang iyong mga kasanayan. C. Magtalaga ng takdang panahon sa pagkamit nito. D. Makisabay sa pagpaplano ng iyong mga kaibigan. 31. Alin sa sumusunod ang batayan na dapat sundin ng isang indibiduwal sa pagtupad ng kaniyang mithiin? I. Specific (Tiyak) II. Measurable (Nasusukat) III. Attainable (Naaabot) IV. Relevant (May kaugnayan sa nais/ makabuluhan) V. Time Bounded (Makakaya sa takdang panahon) VI. Action Oriented (May kaakibat na pagkilos) A. I,II,III B. I,II,III,IV C. I,II,III,IV,V D. I,II,III,IV,V,VI 32. Sa mga batayan na dapat sundin sa pagtupad ng mithiin, alin sa mga ito ang tumutukoy sa pahayag na “Gusto kong maging guro.” A. Tiyak B. Naaabot C. Nasusukat D. May kaakibat na pagkilos 33. Kilala si Joseph sa husay niya sa pag-awit. Noong nag-aaral pa lamang siya, lagi siyang iniimbita upang magbigay ng pampasiglang bilang sa kanilang paaralan. Sa kasalukuyan, ang talentong ito ang kaniyang pinagkakakitaan. Alin sa mga sumusunod ang akmang batayan sa sitwasyong inilahad. A. Attainable Relevant B. Specific at Measurable C. Measurable at Attainable D. Time Bounded at Action Oriented 34. Hinahangaan ni Armaine ang kaniyang guro sa Araling Panlipunan noong siya ay elementarya pa lamang. Hilig niya ang history o kasaysayan. Sa ngayon isa na ring guro si Armaine sa high school. Alin sa sumusunod ang mga kriteryang sinunod ni Armaine?
  • 13. A. Specific, Measurable, at Attainable B. Specific, Measurable, Attainable at Relevant C. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, at Time Bounded D. Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bounded, Action Oriented 35. Nais ni Ding na maging pulis. Bukod sa gusto niya ito, sigurado siyang susuportahan siya ng kaniyang mga magulang sa pangarap niyang ito. Subalit napabarkada si Ding at napabayaan ang kaniyang pag-aaral. Hindi alintana ni Ding ang pagkasira ng kanyang pag-aaral. Para sa kaniya, bata pa naman siya at mahaba pa ang panahon upang maabot ang kaniyang pangarap. Alin sa mga sumusunod na batayan sa pag-abot ng mithiin ang naisasantabi ni Ding? A. Naaabot B. May kaugnayan sa nais C. May kaakibat na pagkilos D. Makakaya sa takdang panahon 36. Ito ay tumutukoy sa isang pambihirang biyaya at likas na kakayahan ng isang tao. A. Talento B. Hilig C. Interes D. Mithiin 37. Ito ay isa sa mga maituturing na mahahalagang salik sa paghahanda kung saan tayo ay mahusay at magaling. A. Talento C. Mithiin B. Interes D. Pagpapahalaga 38. Isa sa mga katangian na dapat nating taglayin upang maabot ang mga ninanais natin sa buhay at makapaglingkod nang may pagmamahal sa bayan bilang pakikibahagi sa pag-unlad ng ating ekonomiya. A. Interes B. Pagpapahalaga C. Mithiin D. Talento 39. Sa pagkamit ng ating mga pangarap o mithiin, mahalaga na maitakda natin ito sa pamamagitan ng pamantayan. Sa mga sumusunod na hakbang alin ang HINDI kabilang? A. Tiyak o Specific B. Nasusukat o Measurable C. Naaabot o Attainable D. Naisasagawa/Naisasabuhay 40. Mahalaga ring maitakda natin ang ating mga layunin sa pagkamit ng ating mga mithiin o pangarap na nakatuon sa nais nating maabot. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang layunin upang ito ay makamit A. Ang pagkakaroon ng makabuluhang buhay. B. Ang pagkakaroon ng katangian ng isang produktibong manggagawa C. Ang pagiging bahagi at pagbibigay ng ambag sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa D. Lahat ng nabanggit.
  • 14. IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 10 Name:________________________________________________Date:________________ Grade and section :_____________________________Score:______________________ Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Itiman lamang ang titk o letra ng mapipili mong sagot sa sagutang papel sa kanang bahagi ng papel. Panuto: Itiman ang titik A kung TAMA ang pahayag ay makatotohanan at B kung MALI ito ay hindi makatotohanan. Gumamit ang sagutang papel. 1. Itinatakda ng Artikulo IV Seksyon 3 ng Saligang Batas na ang pagkamamamayan ay maaaring mawala ngunit ito ay maaari ring maibalik. 2. Ang pagkamamamayan ay naaayon sa prinsipyong jus sanguinis kung ang pagbabatayan ay ang lugar ng kapanganakan ng isang indibiduwal. 3. Ang mga dayuhang nagnanais na maging mamamayang Pilipino ay sumasailalim sa proseso ng naturalisasyon upang makamit ito. 4. Ang isang sundalong Pilipino na nagtaksil sa kanyang bayan ay natatanggalan ng pagkamamamayan at hindi na ito maibabalik pa. 5. Ang pagiging aktibo sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko ay isang paraan upang magampanan nang mahusay ang iyong mga tungkulin bilang mamamayang Pilipino. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Itiman ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang. . 6. Ano ang nakapaloob sa dokumentong Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791? A. Nagbibigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa. B. Sumunod sa kapangyarihan ng hari. C. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan. D. Pagtatag ng relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaismo, Hinduismo, Kristyanismo, Buddhismo, Taoismo, Islam at iba pa. 7. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag ng karapatang pantao? A. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. B. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay mamatay. C. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay ikakasal. D. Ang mga karapatang pantao ay tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay matanda na. 8. Alin sa sumusunod na dokumento na naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga- England noong 1215? A. Bill of Rights B. Petition of Right C. Declaration of the Rights of Man D. Magna Carta 9. Anong uri ng karapatang pantao na mabuhay at magkaroon ng sariling ari-arian? A. Natural Rights B. Constitutional Rights C. Statutory Rights D. B at C 10. Noong 539 B.C.E ay may isang hari na sumakop sa Persia at naging tahanan niya ang lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng isang relihiyon ayon sa kanilang kagustuhan. Sino ang hari na ito? A. Haring Cyrus B. Haring Solomon C. Haring Alexander D. Haring Abraham 11. Para kanino ang karapatang pantao? A. Pulis B. Lahat ng nilalang C. Presidente D. Guro 12. Ito ang tinaguriang “World’s First Charter of Human Rights” noong 539 B.C.E na siyang sinakop ni Haring Cyrus ng Persia. A. The First Geneva Convention B. Cyrus Cylinder C. Parliament D. Syrus Cylinder 13. Ano ang tinatamasang pribilehiyo ng isang tao mula sa kanyang pagkasilang hanggang sa kanyang kamatayan? A. Dignidad B. Pagkatao C. Karapatan D. Pangangailangan 14. Ito ay komisyon ng karapatang pantao na kung saan nilagdaan at ipinatupad noon1948 na naglalayong protektahan ang isang nilalang? A. Declaration of the Rights of Man B. Human Rights Commission C. Universal Declaration of Human Rights D. The First Geneva Convention 15. Isang uri ng karapatang pantao na kung saan ito ay binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. A. Natural Rights B. Constitutional Rights C. Statutory Rights D. Lahat ng nabanggit 16. Isa sa pinakamahalagang tungkulin ng mga mamamayan kung saan sila ay nabibigyan ng pagkakataon na pumili ng kanilang mga pinuno. A. pagbabayad ng buwis B. pagboto C. pagkamamamayan D. malayang pamamahayag 17. Isang uri ng pagboto ng mga mamamayan kung saan sila ay nagmumungkahi ng mga batas. A. Plebesito B. Referendum C. Initiative D. Eleksyon 18. Ang pakikilahok ng mga mamamayan sa mga politikal na gawain sa pamamagitan ng pagpaparating ng kanilang mga ninanais sa napili nilang mga kinatawan. A. Di-Tuwirang Pakikilahok B. Tuwirang Pakikilahok C. Primaryang Pakikilahok D. Sekondaryong Pakikilahok 19. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring bumoto? A. Residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon. B. May edad na labing walong taong gulang sa araw ng eleksyon. C. Mga taong wala sa tamang katinuan ng pag-iisip. D. Residente sa lugar ng pinili niyang bumoto sa loob ng anim na buwan sa petsang itinakda ng pagdaraos ng eleksyon.
  • 15. 20.. Tumutukoy sa paraan ng pakikialam at pakikibahagi sa mga gawain na ang layunin ay mapabuti ang pamamalakad ng pamahalaan at ang kapakanan ng mga mamamayan na naninirahan dito. A. Politikal na Pakikilahok B. Sibikong Pakikilahok C. Pakikilahok sa mga Partido Politikal D. Pakikilahok sa Organisasyong Panlipunan 21. Mga gawain na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa sa Pamamagitan ng kusang loob na pagtulong na walang hinihintay na kapalit. A. Gawaing Pansbiko B. Bayanihan C. Gawaing Politikal D. Pagkakawanggawa 22. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng Partido Politikal? A. Ninanais nila na makuha ang kontrol ng kapangyarihan sa pamahalaan. B. May mga sumusuporta itong miyembro. C. Mayroon silang mga nagkakaisang mga ideyolohiya sa pagpapatakbo ng pamahalaan. D. Kumakatawan sila sa iba’t ibang sektor ng ating lipunan. 23. Alin sa mga nabanggit ang halimbawa ng Partido Politikal? A. Bayan Muna B. Gabriela C. Kabataan D. Laban ng Demokratikong Pilipino 24. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng Pansektor na Kinatawan o Party List? A. Liberal Party B. Puwersa ng Masang Pilipino C. Bayan Muna D. Nacionalista Party 25. Bakit kinakailangang bumoto ang mga mamamayan tuwing eleksyon? A. Dahil ito ay isa sa kanilang tungkulin bilang mamamayan ng bansang Pilipinas. B. Dahil ito ay nagpapatunay ng kanilang pagiging mamamayan ng bansang Pilipinas. C. Kinakailangang bumoto upang makasigurado na tayo ay mabibigyan ng tulong tuwing may mga sakuna o kalamidad. D. Kinakailangang bumoto upang mapili natin ang mga taong karapat dapat na mamuno sa ating bansa. 26. Isa ang media sa may pinakamahalagang gampanin sa pampublikong pamamahala. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng hindi nila pagganap sa tungkulin? A. Maghatid ng mga pangyayari o kaganapang pawang katotohanan lamang. B. Sila ay nagsisilbing tagabantay sa mga gawain ng pamahalaan. C. Pagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi ng lipunan na ipahayag ang kanilang mga saloobin. D. Piliin ang mga ibabalita sa taong bayan dahil may mga ilang isyu na kunpidensyal lamang. 27. Bakit kinakailangang magkaroon ng Pansektor na Kinatawan o Party List? A. Kinakailangan ito upang sanayin ang mga baguhan na lider sa larangan ng politika. B. Kinakailangan ito upang magkaroon ng boses ang iba’t ibang sektor ng lipunan. C. Kinakailangan ito upang mahikayat ang mga mamamayan sa proseso ng halalan. D. Kinakailangan ito upang matiyak na hindi kontrolado ng iisang partido ang pamahalaan. 28. Ang mga non-governmental organizaition at people’s organization ay may malaking naitutulong sa pamahalaan? A. HINDI, dahil ang mga serbisyo na ipinagkakaloob ng mga ito ay hindi para sa lahat ng mga mamamayan. B. HINDI, dahil hindi naman nito natutugunan ang mga suliranin na napapabayaan ng pamahalaan. C. OO, dahil sa pamamagitan ng mga non-governmental organization at people’s organization ay nagkakaroon ng karagdagang kita ang pamahalaan. D. OO, dahil kaakibat ang mga NGO at PO ng pamahalaan sa pagbuo at paggawa ng iba’ ibang programa na makapagpapaunlad sa ating bansa. 29. Bakit mahalaga para sa isang mamamayan na makilahok sa mga pansibikong gawain? A. Dahil kung tayo ay tumulong sa ating kapwa, asahan natin na babalik din sa atin ito kapag tayo naman ang mangangailangan. B. Dahil kapag tayo ay nakilahok sa mga pansibikong gawain natutulungan natin ang kapwa nating mamamayan na maiangat ang kanilang pamumuhay. C. Dahil ang pakikilahok sa mga gawaing pansbiko ay ang basehan para ikaw ay masabing mabuting mamamayan. D. Dahil maaring mabawasan ang mga suliraning kinakailangang bigyan ng solusyon ng ating pamahalaan. 30. Ang pagsuporta sa mga lokal na industriya ay isang halimbawa ng gawaing pansibiko sapagkat ___________________? A. Mas makakamura tayo kapag bibili tayo ng mga produktong gawa ng ating mga kababayan. B. Nakatutulong ito sa pag-angat ng ating ekonomiya at nakapagbibigay ito ng trabaho sa maraming Pilipino. C. Natutulungan natin ang ating kapwa Pilipino na mas makilala pa ang kanilang mga produkto upang mas marami pang tao ang tumangkilik nito. D. Naipakikita natin ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga lokal na industriya. 31. Ano ang tawag sa katayuan o kalagayan ng isang tao bilang miyembro ng pamayanan? A. Pagkamamamayan C. Pag-aasawa B. Pagboto D. Pakikisama 32. Sino ang mga kinikilalang miyembro sa sinaunang lipunan sa bansang Greece? A. Babae lamang C. Lalaki at babae B. Lalaki lamang D. Babae at ang kaniyang anak 33. Ano ang tawag sa lungsod-estado sa bansang Greece na binubuo ng mga taong may iisang mithiin? A. Polis C. Ziggurat B. Punjab D. Sparta 34. Ano ang katangian ng isang mamamayan kung ito ay nagpapakita ng katapatan sa Republika ng Pilipinas? A. Makabayan C. Makatuwiran B. Makatao D. Magalang 35. Anong katangian ang ipinakikita kung ang isang tao ay itinatapon sa tamang paraan ang kanyang basura? A. Makatuwiran C. Maka-Diyos B. Makatao D. Makakalikasan
  • 16. 36. Kung ang isang tao ay tinatangkilik ang mga produkto na gawa sa sariling niyang pamayanan o bansa, anong katangian ang ipinakikita nito? A. Makatuwiran C. Makabansa B. Makatao D. Makakalikasan 37. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kanyang karapatan bilang mamamayan? A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong dapat isagawa sa kanilang komunidad. B. Aktibo siya sa isang peace and order committee ng kanilang barangay. C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi. D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao. 38. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng isang mabuting mamamayan? A. Ibinoboto ang isang sikat na kandidato. B. Ibinoboto ang kandidatong iniisip ang kapakanan ng nakararami. C. Ibinoboto ang kandidato dahil malapit na kamag-anak. D. Ibinoboto ang kandidato dahil iniendorso ng paboritong artista. 39. Alin sa sumusunod na katangian ang dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan? A. Sumasali sa mga gawaing pansibiko upang makinabang sa pondo ng gobyerno. B. Tumutulong sa kapwa upang makilala. C. Ibinoboto ang mga kaibigan at kakilala. D. Nakikibahagi sa paghahanap ng kalutasan sa mga suliranin ng lipunan. 40. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang lipunan? A. Sapagkat maging aktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga mamamayan sa mga nangyayari sa bansa. B. Sapagkat makikita ang pagsasabuhay ng mga karapatang pantao ng mga mamamayan batay sa itinakda ng Saligang Batas. C. Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan. D. Sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa.