Ang modyul na ito ay naglalahad ng mga pangyayari sa pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas na nagsimula sa Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899. Tinatampok nito ang mga dahilan ng alitan, mga patakarang ipinatupad ng mga Amerikano, at ang mga kilusang mesianiko na sumalungat sa kanila. Ipinapakita rin ng modyul ang mga epekto ng pamamahala ng mga Amerikano sa lipunan at ekonomiya ng mga Pilipino.