Filipino 8 Lesson
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga mahal na tao.
Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noong 1610. Ngunit noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating bansa kasabay ng pagkakilala sa imprenta at pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Ang panitikan ay isa sa mga paraang ginamit ng mga mananakop na Kastila sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristyano, at ang mga tulang romansa ay lumaganap kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan. Layunin ng tulang romansa na mapalaganap ang diwang Kristyano. Karaniwan, kung gayon, ang pagtawag sa Diyos ng mga tauhan at ang gantimpala ng langit sa mga nananalig. Karaniwan ding nagsisimula ang mga ito sa panalangin sa pag-aalay ng akda sa Birhen o ng isang santo.
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan; (3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong pampanitikang ito.
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3) ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad ng pagmamahal samagulang, pagtulong sa nangangailangan at iba pa.
Ang tulang romansa, kung gayon, ay dayuhang anyo na binihisan ayon sa katutubong panlasa. Maging ang mga tauhan, bagama’t mga prinsipe at prinsesang may mga dayuhang pangalan, ay nagpapahayag ng mga kaisipan at pagpapahalagang katutubo.
Ang awit ay may
May labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang supernatural ang mga bida.
Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa isang awit.
Halimbawa nito ang Florante at Laura.
Ang korido ay may
May walong pantig sa bawat taludtod.
Sadyang para basahin, hindi awitin.
Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok, pag-iibang anyo, at iba pa.
Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay.
Halimbawa ng isang korido ang Ibong Adarna.
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Pang-uring nagpapasidhi ng Damdamin. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.

Inihanda ni: Shirley C. Veniegas, MAT-Filipino
Inihanda para sa mag-aaral, kaibigan, guro at lalong-lalo na sa mga nagpapadalubhasa sa larangan ng asignaturang Filipino. " Mabuhay ang wikang Filipino"
Ang pag aaral na ito ay patungkol sa Wika. Matatalakay din dito ang mga uro ng wika. Ang wika ay may apat na uri. Ito ay ang; Balbal, Panlalawigan o Lalawiganin, Pambansa at Lingua Franca o Panitikan.

Parabula Ang Talinghag Tungkol sa May-ari ng Ubasan.pptx
Aralin angkop na pang-uri.ppt
1. • Panuto:Isaayos ang mga ginulong titik upang
makabuo ng salita na inilalarawan sa pahayag.
1.B A A R L U P A-
Akdang pampanitikang may makatotohanang pangyayari na
naganap noong panahon ni Hesus batay sa banal na aklat.
2. P A T E M A L O R I K A L-
Pahayag na may ibang kahulugan bukod sa literal
na kahulugan nito.
2. 3. N A S A B U
Ito ay kumakatawan sa kaharian ng Diyos batay sa
parabulang tinalakay.
4. Y I B A B I L-
Banal na aklat na naglalaman ng mga kasulatang relihiyoso.
5. S H E U S
Ito ay kumakatawan sa may-ari ng Ubasan sa parabulang
tinalakay.
4. Panuto:Suriin ang mga sumusunod na
larawan.Tukuyin at ipaliwanag ang mga
ipinahihiwatig na damdamin ng bawat isa.
5. Ang mga larawang ito ay nagpapakita
lamang ng iba’t-ibang sitwasyon kung saan
tayo nakakapagsalita ng iba’t-ibang mga
pahayag na nagpapasidhi o
nagpapahiwatig ng iba’t-ibang damdamin
6. Pang-uri(adjective )- isa sa bahagi ng
pananalita ng tao na naglalarawan sa
tao,bagay,pook o pangyayari.
Ito ay salitang naglalarawan o nagbibigay
turing sa pangngalan o panghalip
•
7. Mga angkop na Pang-uri sa
Pagpapasidhi ng
Damdamin/ Mga kataga o
pahayag sa Pagpapasidhi ng
Damdamin.
8. 1. Sa Pamamagitan ng Pag-uulit ng Pang-
Uri
Mainit na mainit ang damdamin ng mga
nagtatalo kanina
Magandang-maganda ang tinig ng mga
Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika
9. 2. Sa pamamagitan ng Paggamit ng mga
panlaping: Napaka-, Pagka- at kay-,
pinaka-, ka-an upang maipakita ang
pinasukdol na katangian ng Pang-uri
Napakaganda ng wikang Filipino
10. Pagkasaya-saya ng mga dayuhan na
bumibisita sa ating bansa
Pinakanagustuhan ng tao ang balagtasan sa
palatuntunan.
11. 3. Sa Pamamagitan ng paggamit ng
mga salitang gaya ng , ubod-/ubod ng-
, hari-, tunay-, lubhang-, at ang
pinagsamang walang at kasing upang
maipakita ang pinasukdol na
katangian ng Pang-uri
12. Walang kasing sarap sa pandinig ang
Wikang Filipino.
Sakdal husay ang galing ng Pilipino sa
pagbigkas ng tula
Ubod ng lakas ang palakpak na
natanggap niya mula sa manonood.
13. 4. Sa pamamagitan ng Pagpapasidhi ng
Anyo ng Pandiwa
Paggamit ng panlaping magpaka-
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
magsipag magpakasipag
magsanay magpakasanay
14. Paggamit ng panlaping mag- at pag-
uulit ng unang pantig ng salitang-ugat.
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
magsalita magsasalita
magtanong magtatanong
15. Pagpapalit ng panglaping –um sa
panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-
uulit sa unang pantig
Pandiwang Pinaghanguan Pinasidhing Anyo
bumili magbibilihan
gumawa maggagawaan
16. Pagpapalit ng panlaping –um sa
panlaping magpaka-
Pandiwang
Pinaghanguan
Pinasidhing Anyo
tumalino magpakatalino
humusay magpakahusay
17. 5. Paggamit ng mga Pangungusap na
Walang Paksa
Padamdam-Nagpapahayag ng matinding
damdamin ang mga ito
Sugod! Ang Tapang !
Kay Hirap ng Buhay! Laban!.
18. Maikling Sambitla-Mga sambitlang tinutukoy ay
mga iisahin o dadalawahing Pantigna nagpapahayag
ng matinding damdamin.
Grabe!
Aray!
Naku!
Ay!
19. Pangkatang Gawain:Ipapangkat ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat.
Unang Pangkat: Sumulat ng isang talata na naglalarawan sa
magagandang tanawin at likas na yaman ng Pilipinas.Gamitin ang mga
angkop na pagpapasidhi ng damdamin sa paglalarawan.(AP4AABIg-h-10
)
Mga Gabay na Tanong sa Paglalarawan sa PIlipinas:
1.Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa ating likas na yaman?
2.Ipakita ang pagkakaiba ng Pilipinas sa iba pang mga bansa.
3. Paano mo mahihikayat ang mga turista na pumunta sa ating bansa?
20. Ikalawang Pangkat: Bumuo ng isang
maikling Dayalogo tungkol sa pandemya(
Covid 19 ) na kung saan malaya kayong
ipahayag ang iyong damdamin tungkol sa
nasabing paksa.Sa gagawing dayalogo ay
kinakailangang makita ang mga
kataga/pahayag sa pagpapasidhi ng
damdamin.
21. Ikatlong Pangkat:
Inaasahang makabubuo kayo ng tula tungkol sa
anumang paksa( bayan,pamilya,suliranin sa
lipunan,pag-ibig at iba pa) at hindi bababa sa
dalawang taludtod na kakikitaan ng pagpapasidhi ng
damdamin.
22. 1.Bakit mahalaga ang pagpapasidhi ng
damdamin sa pagpapahayag?
2.Paano mo mabisang magagamit ang mga
paraan sa pagpapasidhi ng damdamin sa
pang-araw-araw na pakikipagtalastasan?
23. Dugtungan ang pahayag
Ang mga pang-uring nagpapasidhi ng damdamin
ay
ang____________________________________________.
Mahalaga ang pagpapasidhi ng damdamdamin
dahil
______________________________________________.
24. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang
sumusunod na pang-uri sa ibaba.Ipakita ang
pagpapasidhi ng damdamin sa pangungusap.
1.Talino
2.Tamad
3.Yabang
4.Malamig
5.Maingay
25. Gamitin ang akmang pang-uring nagpapasidhi ng damdamin
upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1.Ang (huli)____________________tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal ay
pinamagatang “ Huling Paalam”.
2.(marami) ____________________ng magagandang dahilan upang
ating mahalin ang sariling bayan.
3.(husay ) ____________________ang mga Pilipinong gumagawa para
sa bayan.
4.(hirap ) ____________________ ang ating dinanas sa panahon ng
pananakop.
5.Ang mga Pilipino ay dapat (tumapang) ____________________
upang magawa ang mga bagay na nagawa ni Rizal at Gandhi.