i 
PAUNANG SALITA 
“Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang 
mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay” 
Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng 
mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng 
Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa 
makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay 
maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa mga kabataan ang 
kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang 
Pilipino. 
Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga 
kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa 
pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang 
Filipino. 
Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan 
upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga 
gawain sa modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran 
ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay 
makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at 
sa mga susunod pang henerasyon.
ii 
PASASALAMAT 
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga 
manunulat ng mga akdang ginamit sa modyul na ito. Hindi 
matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang 
pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang 
Pilipino.Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng 
mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakailalan ng mag-aaral 
sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais 
naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat. 
Abdon M. Balde Jr. Hahamakin ang Lahat 
Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 
Brillantes Mendoza “Manoro” ( Ang Guro ) 
Carlo J. Caparas Mga Klase ng Komiks 
Dionisio Salazar Sinag sa Karimlan 
Eros Atalia Skyfakes 
Genoveva Edroza Matute Ang Paglalayag sa Puso ng Isang 
Bata 
Gregorio G. Cruz Mga Ginto sa Putikan 
Jess Torres Positibong Kasabihan 
Jose Corazon De Jesus Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan 
Jose Rizal Ang Katamaran ng mga Pilipino 
Liwayway Arceo Uhaw ang Tigang na Lupa 
Manuel L. Quezon Wikang Pambansa 
Mil Adonis Sa Gitna ng Dilim 
Narciso G. Reyes Lupang Tinubuan 
Severino Reyes Walang Sugat 
mga may-akda
iii 
TTTTAAAALLLLAAAAAAAANNNN NNNNGGGG NNNNIIIILLLLAAAALLLLAAAAMMMMAAAANNNN 
Modyul 1: Salamin ng Kahapon…Bakasin Natin 
Ngayon 
Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo 
Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan 
(Salawikain, Sawikain at Kasabihan) 
b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing 
Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat 
“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio 
b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at 
Panlunan 
Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko 
“Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo 
b. Wika: Pang-abay na Pamaraan 
Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaıol 
Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo 
b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 
Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula 
”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” 
ni Andres Bonifacio 
b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag 
ng Emosyon o Damdamin 
Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay 
”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal 
b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
iv 
Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones 
Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku 
b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 
Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Uhaw ang Tigang na Lupa” 
ni Liwayway Arceo 
b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari 
Modyul 2: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin 
Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano 
Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan 
“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” 
ni Jose Corazon de Jesus 
b. Wika: Opinyon o Katotohanan 
Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela 
“Walang Sugat” ni Severino Reyes 
b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri 
Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt 
Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati) 
“Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon 
b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag 
Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes 
b. Wika: Kayarian ng Pang-uri 
Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan 
Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento 
“Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” 
ni Genoveva Edroza Matute 
b. Wika: Aspekto ng Pandiwa
v 
Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula 
“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar 
b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat 
Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… 
Tungo sa Kinabukasan 
Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at 
Panitikang Popular 
a. Panitikan: Popular na Babasahin 
• Pahayagan (Tabloid) 
• Komiks 
• Magasin 
• Kontemporaryong Dagli 
b. Wika: Antas ng Wika 
• Pormal 
• Di-pormal 
• Balbal 
Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago 
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino 
. a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo 
b. Wika: Konsepto ng Pananaw 
a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon 
b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal 
Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: 
Midyum sa Pagbabagong Panlipunan 
a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni 
Brillante Mendoza 
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
1 
MMMMOOOODDDDYYYYUUUULLLL 1111 :::: SSSSAAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN NNNNGGGG KKKKAAAAHHHHAAAAPPPPOOOONNNN 
BBBBAAAAKKKKAAAASSSSIIIINNNN NNNNAAAATTTTIIIINNNN NNNNGGGGAAAAYYYYOOOONNNN 
I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG 
Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! 
Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil 
magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na 
umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating 
bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Español, at 
Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang 
ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na 
nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang 
pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang 
mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat 
panahon. 
II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO 
Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung 
uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. 
Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo 
Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan 
(Salawikain, Sawikain at Kasabihan) 
b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing 
Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat 
“Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio 
b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at 
Panlunan 
Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko 
“Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo 
b. Wika: Pang-abay na Pamaraan 
Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaıol 
Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo 
b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag
2 
Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula 
”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio 
b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag 
ng Emosyon o Damdamin 
Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay 
”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal 
b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan 
Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon 
Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku 
b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 
Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo 
b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari 
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 
Aralin 1.1 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang 
bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga 
Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan 
noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura 
ng lahing ating pinagmulan; 
Aralin 1.2 – Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, 
duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga 
Espaıol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong 
maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang 
panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; 
Aralin 1.3 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at 
maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon 
upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang 
ito sa ating bansa.
3 
III. INAASAHANG MGA KASANAYAN 
Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa 
pagtalakay mo sa modyul na ito. 
MODYUL 1 : 
Salamin ng 
Kahapon… 
Bakasin Natin 
Ngayon 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ 
matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ 
diskursong pinakinggan 
Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging maka 
totohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong 
bibigyang- diin o halaga sa napakinggan 
Nakikinig nang may pag-unawa upang: 
• mailahad ang layunin ng napakinggan 
• masagot ang mga tiyak na tanong 
• maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay 
ng mga pangyayari 
• masuri ang sanhi at bunga ng mga 
pangyayari 
• mapatunayan ang kawastuan ng mga 
impormasyon batay sa sariling karanasan 
Pagsasalita 
Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang 
panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng 
pasalitang komunikasyon tulad ng: 
• dalawang Uri ng paghahambing 
• mga Pang-abay 
 pamanahon 
 panlunan 
 pamaraan 
 mga eupemistikong pahayag 
 matatalinghagang pahayag 
Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, 
interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: 
• nagpapaliwanag 
• nangangatuwiran 
• nagsasalaysay 
• naglalarawan 
Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin 
at saloobin na may kaugnayan sa paksa 
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap 
na nagbibigay-pahiwatig
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian 
nito: 
4 
• karunungang-bayan 
• alamat 
• epiko 
• karagatan 
• duplo 
• tula 
• sanaysay 
• tula 
• maikling kuwento 
Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/ 
katangian ng mga tauhan sa akda 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa 
sa pamamagitan ng: 
• pagkilala sa kahulugan ng mga salita 
 kasingkahulugan at kasalungat 
na kahulugan 
 talinghaga 
• pagbibigay ng hinuha batay sa: 
 mga ideya/pangyayari sa akda 
 dating kaalaman kaugnay sa binasa 
• pag-uugnay ng akda sa: 
 sarili 
 kapaligiran 
 ibang tao 
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ 
teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin na 
may akda 
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin 
sa mga akdang pampanitikan 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang 
akda/teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at 
bunga ng mga pangyayari 
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa 
mapanuring pagbasa ng akda/teksto 
• nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto 
• nailalarawan sa imaheng biswal ang mga 
kaisipan 
o ideyang nakapaloob sa akda/teksto
5 
Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari 
sa pamamagitan ng: 
• pagpili ng lohikal na wakas 
• paggawa ng sariling wakas 
• pagbabago ng wakas 
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin 
sa mga akdang pampanitikan 
Pagsulat 
Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan 
at opinyong nakapaloob sa teksto kung: 
• totoo o hindi totoo 
• may pagbabatayan o kathang-isip lamang 
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa 
akda/tekstong binasa at ng: 
• pamantayang pansarili o sariling karanasan 
• pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang 
babasahin 
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng 
paksa: 
• paghahawig o pagtutulad 
• depinisyon 
• pagsusuri 
Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata 
sa pamamagitan ng isang: 
• kaakit-akit na pahayag 
• anekdota 
• serye ng tanong 
Nakasusulat ng talata na : 
• binubuo ng magkakaugnay at maayos na 
mga pangungusap na nagpapahayag ng 
isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan 
• nagpapakita ng bahagi nito: 
 simula 
 gitna 
 wakas 
Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang 
impresiyon sa pamamagitan ng : 
• pagbubuod 
• makabuluhang obserbasyon 
• pangunahing kaisipan
6 
• pantulong na kaisipan 
Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa 
iba’t ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, 
internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay 
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng 
paksa tulad ng : 
• depinisyon 
• paghahalimbawa 
• pagsusuri 
• paghahawig o Pagtutulad 
• sanhi at bunga 
Tatas 
Naipapamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan 
sa paglinang ng pangangailangang pangkomunakatibo 
Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, 
napakinggan, o nabasang impormasyon (media literacy) 
Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa 
komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan, 
at pagkakataon 
Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa 
ay may kabuluhan at kredibilidad 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo 
At pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong 
napanood, nabasa, o napakinggan 
Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa 
mga gramatika /retorika at iba’t ibang uri ng pambansang 
panitikang saklaw ng pag-aaral 
Estratehiya sa Pag-aaral 
Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng 
angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral 
Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng 
pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda 
Pananaliksik 
Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon 
sa pamamaraang :
7 
• tuwiran 
• di-tuwiran 
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula 
sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian 
Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom 
na impormasyon sa pananaliksik 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian sa aklatan/internet 
Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na impormasyon 
IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga aralin na iyong pag-aaralan. 
Salamin ng Kahapon… Bakasin natin Ngayon 
Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo 
1.1.1 Panitikan: Karunungang - bayan (salawikain, sawikain at kasabihan) 
Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing 
1.1.2 Panitikan: Alamat: “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio 
Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan 
1.1.3 Panitikan: Epiko: “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo 
Wika: Pang-abay na Pamaraan 
Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaıol 
1.2.1 Panitikan: Ang Karagatan at Duplo 
Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 
1.2 .2 Panitikan: Tula: ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio 
Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin 
1.2. 3 Panitikan: Sanaysay: “Ang Katamaran ng mga Pilipino” 
ni Dr. Jose P. Rizal 
Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan 
Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon 
1.3.1 Panitikan: Tanaga at Haiku 
Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 
1.3.2 Panitikan: Maikling Kuwento 
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo 
Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Sa bahaging ito, matutunghayan mo ang mga kasanayang dapat na 
malinang sa iyo sa pag-aaral ng modyul na ito. Gagabayan ka ng ilang 
paalaala sa mga dapat mong gawin. 
8 
1. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 
2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 
3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyong kaugnay 
ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 
4. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 
5. Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop 
sa sitwasyon. 
V. PANIMULANG PAGTATAYA 
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa 
nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo 
ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. 
____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko. 
Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? 
a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging 
gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay 
b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na 
pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang 
pakikipaglaban sa buhay 
c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring 
supernatural o kabayanihan ng isang nilalang. 
d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa 
paglikha sa daigdig at iba pa. 
____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina 
. Ano ang kapuna- puna sa pangyayari? 
a. makatotohanan c. posibleng maganap 
b. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala
9 
Basahin ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7. 
“ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang 
aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan 
ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin 
naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay 
na nagtawanan ang mga kabataan.“ 
Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking 
halaman. . Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga 
kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at 
naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at 
tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid 
ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz. 
____ 3. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay 
ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”? 
a. pakikisama c. pagkakaisa 
b. pagtitiis d. pakikipagkapwa 
____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang 
bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa 
inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di 
inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. 
Ano ang iyong gagawin? 
a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi 
mahuli sa klase. 
b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang 
nangyari sa mag aaral. 
c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para 
mabigyan ng paunang lunas. 
d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang 
kanyang nasaksihan. 
Halaw sa Alamat ng Bubuyog
____ 5. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ 
sa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong 
maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi . 
Ano ang dapat mong gawin? 
10 
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga 
karunungang-bayan ng ating panitikan. 
b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper . 
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito . 
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video . 
_____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam 
ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang mga minamahal. 
Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa 
pangungusap? 
a. siya c. namatay 
b. malayo d. pag-asam 
_____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan 
ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang 
tanghali? 
a. palatuntunan c. pawisan 
b. nagsipagdalo d. nag-umpisa 
Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8- 10. 
1809 Herrera st. Poblacion 
Lungsod ng Makati 
Ika- 7 ng Disyembre, 2012 
Mahal kong Kaibigan, 
Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat 
di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti 
lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi 
tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang 
pagdiriwang, mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon 
pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan 
ang akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa 
araw na iyon. 
Hanggang sa muli. 
Ang iyong kaibigan, 
Noreen
11 
_____8. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong 
masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil 
kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking 
pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob 
ng pangungusap? 
a. naglalahad ng dahlia c. nagpapakita ng paghahambing 
b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon 
_____9. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham? 
a. lugar c. paraan 
b. panahon d. pagsang-ayon 
____10.” Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay 
at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay .” 
Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan? 
a. Pasko c. sa bahay 
b. b. mahal sa buhay d. tawagan 
-------11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang 
dalagang nahulog sa dagat? 
a. duplo c. pamanhikan 
b. karagatan d. Huego de Prenda 
-------12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang 
palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinomang nahatulang 
parusahan? 
a. Balagtasan c. karagatan 
b. Batutian d. duplo 
____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong 
pahayag? 
a. sumakabilang buhay para sa namatay 
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa 
c. buto’t balat para sa payat 
d. papatay-patay para sa hipong tulog
12 
_____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling 
nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman 
ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang 
mahalagang paksa o isyu. 
a. tula c. dula 
b. sanaysay d. maikling kuwento 
____ 15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay – 
suporta sa pangunahing ideya? 
a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa 
b. madalas na itinatanong sa pagsusulit 
c. nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye 
d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing 
ideya 
____16. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula? 
a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 
5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5 
b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 
10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 
c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 
4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2 
d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 
5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4 
____17. Ano ang ikinaiba ng tanaga sa haiku? 
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig 
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong 
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig 
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong 
_____18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? 
a. may ina, ama, at mga anak 
b. may masaganang pamumuhay 
c. nakatira sa maayos na bahay 
d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
_____19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang 
13 
huwarang pamilya? 
a. may kapanagutan sa anumang gawain 
b. magiging sikat na mamamayan. 
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan 
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili 
_____20. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos 
akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng 
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na 
paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, 
paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag? 
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan 
b. isang sanggol sa piling ng isang ina 
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya 
d. binabalikan ang mga pangyayari 
Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa pagwawasto upang 
iyong malaman kung alin sa mga aytem ang iyong nasagutan nang 
wasto at mali. Huwag kang mabahala kung may mga naging sagot 
kang mali sapagkat gagabayan ka ng modyul na ito upang maiwasto ang 
mga ito. 
VI. YUGTO NG PAGKATUTO 
AAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN 
Nais mo bang mabatid ang pinagmulan at pinagdaanan ng 
panitikan ng ating lahi? Marahil ay nagtatanong ka kung 
paano napanatili at napaunlad ang ating panitikan sa kabila 
ng pananakop ng iba’t ibang dayuhan sa ating bayan. 
Sa modyul na ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang 
pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon 
ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, 
Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama 
nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na 
lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung 
masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga 
Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang
paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Bago natin talakayin ang 
mga ito, alamin muna natin kung ano na ang alam mo sa nilalaman ng 
modyul na ito. Simulan na natin. 
14 
GAWAIN 1: LARAWAN NG NAKALIPAS 
Suriin mo ang larawan upang iyong matukoy ang tatlong panahon na 
pinagdaanan ng ating panitikan. Sa iyong palagay, ano ang naging papel ng 
panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa bawat panahong nagdaan? Itala ang 
iyong sagot sa loob ng banner. 
Sagot: 
I. Panahon ng mga Katutubo 
_______________________________________________ 
_________________________________________________ 
II. Panahon ng mga Español 
_______________________________________________ 
_______________________________________________ 
III. Panahon ng mga Hapones 
_________________________________________________ 
_________________________________________________
15 
Marahil ay nabuo na sa iyong isipan ang saklaw na mga aralin sa 
modyul na ito. Bago ka pumunta sa susunod na gawain, nais ko munang 
malaman ang iyong pananaw tungkol sa panitikan. 
GAWAIN 2: IPABATID SA BAWAT LETRA 
May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang 
Pilipino? Paano mo ito pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga 
tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik mula sa salitang panitikan. 
PPPP - 
AAAA - 
NNNN - 
IIII - 
TTTT - 
IIII - 
KKKK - 
A - 
NNNN - 
Ang sagot mo sa mga naunang gawain ay makatutulong upang 
mapaunlad natin ang iyong kaalaman sa ilang akdang pampanitikan na 
lumaganap sa panahong sakop ng modyul na ito. Iminumungkahi ko na 
sa sa pagtatapos ng pag-aaral mo ay balikan mong muli ang iyongsagot, 
nang sa gayo’y maiwasto natin kung mayroon ka mang mga maling 
konsepto tungkol sa mga paksang tatalakayin. Ipagpatuloy mo lang ang 
pag-aaral. 
PPPPAAAAUUUUNNNNLLLLAAAARRRRIIIINNNN 
Sa bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman 
tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa 
tatlong panahon na binanggit ko na sa panimula pa lamang. Sa 
pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa bawat aralin, 
mauunawaan natin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na 
lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung 
masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga 
Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang 
paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Pag-aaralan din natin ang 
ilang araling panggramatika tulad ng Mga Uri ng Paghahambing, Pang-
abay na Pamanahon, Panlunan at Pamaraan, Eupemistikong Pahayag, 
Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin, at Pagtukoy ng 
Pangunahin at Pantulong na Kaisipan sa Isang Sanaysay. At bilang 
patunay na naunawaan mo ang modyul na ito, makapagpapakita ka ng 
awtentikong pagkatuto na iyong magagamit bilang isang responsableng 
mamamayan sa iyong bayang sinilangan. 
Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at 
kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 1.1 ng modyul na 
ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. 
ARALIN 1.1: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO 
16 
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong 
Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Sa 
iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na 
umusbong sa panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang 
panitikang minana pa sa ating mga ninuno ng kasalukuyang panahon? 
Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang 
niyang ganap ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang 
lumipas. Kung gayon, masasabi nating makatutulong para 
sa atin na makilala ang ating lahing pinagmulan sa 
pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na 
malinaw na salamin ng ating kultura at kabihasnan . 
Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, 
hinaing, buhay, at hangarin ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan 
ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan, 
gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang pagpapanatili at pag-unlad 
ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa susunod na 
henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay 
mauunawaan mo sa pag-aaral ng araling ito. 
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa 
sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. 
Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain na iyong 
maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura, 
tradisyon at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang 
mga ito.
17 
II. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito 
Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain 
mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. 
ARALIN 1.1 : PANAHON NG KATUTUBO 
Aralin 1.1.1 a.Panitikan : Karunungang – bayan 
( Salawikain , Sawikain, at Kasabihan ) 
b.Wika : Dalawang Uri ng Paghahambing 
Aralin 1.1.2 a. Panitikan : Alamat 
“ Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio 
b. Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan 
Aralin 1.1.3 a. Panitikan : Epiko 
“Tuwaang” - Epiko ng mga Bagobo 
b.Wika : Pang-abay na Pamaraan 
III. Mga Inaasahang Kasanayan 
Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa 
pagtalakay mo sa araling ito. 
Aralin 1 
Panahon 
ng 
Katutubo 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ 
matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto /diskursong 
pinakinggan 
Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging 
makatotohanan/ di- makatotohanan ng mga punto/ 
argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan 
Nakikinig nang may pag-unawa upang: 
• mailahad ang layunin ng napakinggan 
• masagot ang mga tiyak na tanong 
• maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay 
ng mga pangyayari 
Pagsasalita 
Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika 
na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon 
tulad ng: 
• dalawang uri ng paghahambing 
• mga pang-abay na:
18 
 pamanahon 
 panlunan 
 pamaraan 
Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, 
interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: 
• nagpapaliwanag 
• nangangatuwiran 
• nagsasalaysay 
• naglalarawan 
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang karunungang-bayan, alamat at epiko batay sa 
mga katangian nito 
Pagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/katangian mga 
tauhan sa akda 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa 
pamamagitan ng: 
• pagkilala sa kahulugan ng mga salita 
 kasingkahulugan at kasalungat na 
kahulugan 
 talinghaga 
• pagbibigay ng hinuha batay sa: 
 mga ideya/pangyayari sa akda 
 dating kaalaman kaugnay sa binasa 
• pag-uugnay ng akda sa: 
 sarili 
 kapaligiran 
 ibang tao 
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ 
teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may 
akda 
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin 
sa mga akdang pampanitikan 
Pagsulat 
Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, 
at opinyong nakapaloob sa teksto kung: 
• totoo o hindi totoo 
• may pagbabatayan o kathang-isip lamang 
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/ 
tekstong binasa at ng:
• pamantayang pansarili o sariling karanasan 
• pamantayang galling sa ibang tao o sa ibang 
19 
babasahin 
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: 
• paghahawig o pagtutulad 
• depinisyon 
• pagsusuri 
Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata 
sa pamamagitan ng isang: 
• kaakit-akit na pahayag 
• anekdota 
• serye ng tanong 
Nakasusulat ng talata na : 
• binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga 
pangungusap na nagpapahayag ng isang buong 
pagkakabuo, palagay o kaisipan 
• nagpapakita ng bahagi nito: 
 simula 
 gitna 
 wakas 
Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang 
impresyon 
Sa pamamagitan ng : 
• pagbubuod 
• makabuluhang obserbasyon 
Tatas 
Naipapamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan 
sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo 
Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, 
napakinggan o nabasang impormasyon 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at 
pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong 
napanood,nabasa, o napakinggan 
Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga 
aralin sa gramatika /retorika at iba’t ibang uri ng pambansang 
panitikang saklaw ng pag-aaral 
Estratehiya sa Pag-aaral 
Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng 
angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin
20 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral 
Pananaliksik 
Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa 
pamamaraang : 
• tuwiran 
• di-tuwiran 
Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula 
sa iba’t ibang pagkukunang sanggunian 
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga 
impormasyon sa pananaliksik 
IV. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito upang maiplano 
mo ang iyong mga gawain. 
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO 
Karunungang -bayan Alamat Epiko 
A. Panitikan 
-Salawikain 
-Sawikain 
-Kasabihan 
B. Wika 
Dalawang Uri ng 
Paghahambing 
Paghambing 
A. Panitikan 
-Mina ng Ginto 
Alamat ng Baguio 
B. Wika 
-Pang-abay 
( Pamanahon at 
Panlunan ) 
A. Panitikan 
-Tuwaang 
Epiko ng mga 
Bagobo 
B. Wika 
-Pang-abay na 
Pamaraan 
Nananabik ka na ba sa gagawin mong pag-aaral? Marahil ay 
iniisip mo na ang mga gawain na iyong isasakatuparan sa modyul na ito. 
Simulan natin ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng panimulang 
pagtataya na susubok sa iyong kaalaman sa mga araling pampanitikan at 
panggramatika na saklaw ng kabuuan ng araling ito.
21 
V. Panimulang Pagtataya 
A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: “Karunungang-bayan… 
Salamin ng Pagka-Pilipino”. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo 
ng talata. Isulat sa sagutang-papel. (10 puntos) 
RUBRIK 
PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1) 
Kaisahan 
Tiyak ang pag-talakay 
sa paksa 
Hindi 
masyadong 
tiyak ang pag-talakay 
sa 
paksa 
Hindi 
natalakay 
nang wasto 
ang paksa 
Kaugnayan Angkop ang pag-uugnay- 
ugnay 
ng mga 
pangungusap 
Hindi 
masyadong 
angkop ang 
pag-uugnay-ugnay 
sa mga 
pangungusap 
Walang pag-uugnay- 
ugnay 
sa mga 
pangungusap 
Kalinawan May pokus/ tuon 
sa ideyang nais 
ipa- batid 
Hindi 
masyadong 
nakapokus sa 
ideyang nais 
ipabatid 
Walang 
pokus/tuon sa 
ideyang nais 
ipabatid 
B.Bumuo ng sariling wakas ng akdang “Ang Alamat ng Kasoy”. 
Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan 
sa pagbuo. (10 puntos) 
MGA PAMANTAYAN: 
Kaangkupan- Angkop ang wakas sa daloy ng naunang 
mga pangyayari. 
Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan 
ng mga pangyayari. 
Mensahe - Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng 
mambabasa.
22 
Ang Alamat ng Kasoy 
Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. 
Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. 
Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang 
kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at 
halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang 
kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot. 
Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig 
ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.Naulinigan 
ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto. 
Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba? 
Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. 
Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may 
handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila 
naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na 
Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko 
sa loob ng prutas na ito. 
Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito 
ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na 
kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang 
sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Hatinggabi 
na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na 
pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang 
parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng 
takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na 
nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba.
23 
C. Ibuod mo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong.Isaalang-alang 
sa pagbubuod ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan 
at pamaraan.Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang papel. 
(10 puntos) 
HANDIONG 
Epiko ng Bicol 
Salin sa Tagalog ni (J. Arrogante) 
VIII 
Ang Kabikolan ay isang lupain 
Patagang mayaman sa mga baybayin 
Sa buong daigdig pinakamarikit 
Sagana sa butil, aming nakakamit. 
IX 
Si Baltog ang lalaking kauna-unahang 
Naninirahan sa dakilang patagan 
Nagmulang Botavara, 
Lahing di- nakikita. 
X 
Nang ito’y kaniyang masukol, 
Sa sibat ito’y nasapol 
At sa brasong Herkules sa lakas 
Ang panga ng hayop ay nangagkapilas. 
XI 
Bawat panga’y sukat 
Sa habang sandipa 
Dalawang katlo ang mga pangil 
Nang tanganan ng kaniyang sibat. 
XII 
At siya’y umuwi sa kanilang lupain 
Ang dalawang panga’y kaniyang binitin 
Sa puno ng isang talisay 
Sa Tondo, malapit sa bahay. 
Ang ginawa mong pagsagot sa panimulang pagtataya ay makatutulong 
sa iyo upang madali mong maunawaan ang mahahalagang konsepto sa mga 
araling pampanitikan at panggramatika na nakapaloob sa kabuuan ng Aralin 
1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo.
24 
VI.Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang 
iyong kaalaman at kakayahan sa panitikan sa Panahon ng 
Katutubo. 
Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung 
ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. 
Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong 
kaalaman. 
GAWAIN 1.1.1.a : TUGON SA PAGKATUTO 
Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer 
pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang 
salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di-sumasang- 
ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo 
sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA. 
ANTICIPATION-REACTION GUIDE 
Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Ang damdamin, saloobin, 
kaugalian o tradisyon ng lahi 
kapag naisatitik ay tinatawag na 
panitikan. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Kailanman, hindi maaaring 
magka-ugnay ang panitikan at 
kasaysayan. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di -sumasang-ayon 
Ang Pilipinas, bago pa man 
dumating ang mga Espaıol ay 
mayaman na sa panitikan. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Hindi mababatid sa panitikan ang 
tunay nating pagkalahi. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Bago pa man dumating ang mga 
Espaıol ay may alpabeto nang 
ginagamit ang ating mga ninuno. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Ang epiko, alamat, at mga 
karunungang-bayan ay nakilala 
lamang ng ating mga ninuno 
noong panahon ng Espaıol. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon
25 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Napatunayan ng mga Espaıol na 
ang ating mga ninuno ay hindi 
mahilig sa tula, awit, kuwento, 
bugtong, at palaisipan. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Ang panitikan ay hindi 
sumasalamin sa panahon kung 
kailan isinulat. 
Sumasang-ayon 
Di- sumasang-ayon 
Matapos mong masagutan ang ARG, nakatulong ba ito upang 
malaman mo ang mga konsepto na saklaw ng araling iyong pag-aaralan ? 
GAWAIN 1.1.1.b : LIKAS-KATUTUBO 
Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati mong kaalaman 
tungkol sa saligang kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga 
ninunong nag-ambag sa ating panitikan. Isulat sa loob ng kahon ang mga 
nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang Espaıol . 
Gawin sa sagutang papel. 
Negrito Ma Malay 
Espaıol Arabe 
Amerikan 
o 
Indones 
Nakatutuwang isipin na nagawa mong sagutin ang gawain. Ngayon, 
iyo namang alamin ang mga akdang pampanitikan na kanilang inambag na
naging tulay upang masilayan natin ang tradisyon, paniniwala, at kaugalian 
ng lahi na ating pinagmulan. 
26 
GAWAIN 1.1.1.c : I-Q NEK 
Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga 
akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa 
pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang marating niya ang aklat ng 
panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
nobela 
maikling 
kuwento 
Karagatan 
Pasyon 
awiting-bayan 
alamat 
Moro-moro 
korido 
Haiku 
tanaga 
mito 
epiko 
dula 
Timpalak 
Palanca 
komiks 
magasin 
salawikain 
dulang 
panradyo 
blog 
duplo 
palaisipan 
kasabihan 
sawikain 
Bugtong 
tulang 
dula 
pelikula 
dulang 
pantelebisyon 
Sarsuwela 
Matapos kong mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na 
upang ating pag-aralan ang ilan sa mga akdang pampanitikan na lumaganap 
sa Panahon ng Katutubo.
27 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Sa bahaging ito ng aralin ay makikilala natin nang 
ganap ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa 
Panahon ng Katutubo tulad ng mga karunungang-bayan ( salawikain, 
sawikain/kawikaan , at kasabihan ), alamat at epiko. Nakikita at 
nasasalamin sa panitikan ang kalinangan ng isang lahi. Nakikita sa mga 
nakasulat maging sa pasalitang panitikan ang kultura, tradisyon, at mithiin ng 
isang bansa. 
Sa pamamagitan ng inilaang mga gawain sa bawat bahagi ay 
masasagot mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang 
pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Mapauunlad mo rin 
ang iyong mga kaalamang panggramatika. Mauunawaan mo kung bakit 
mahalaga ang paggamit ng angkop na gramatika/retorika sa mga araling 
pampanitikan. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa bahaging ito. Una nating 
tatalakayin ang tungkol sa mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, 
sawikain, at kasabihan gayundin, ang dalawang uri ng paghahambing. 
Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang 
maisabuhay muli ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa 
matandang panitikan at mailapat sa sariling pang-araw-araw na pamumuhay. 
Ang ating mga karunungang-bayan bagamat payak ay mabuting hanguan ng 
mahahalagang impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. 
Samakatuwid, hindi natin dapat ipagwalang-bahala at ibaon sa limot ang mga 
karunungang-bayan ng ating panitikan. Tuklasin natin kung bakit 
mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain, 
sawikain at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang 
panahon. Subukin mo munang gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa 
susunod na pahina sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa 
sumusunod na pahayag. 
1. Makikita sa mga karunungang-bayan ang kultura, tradisyon at 
kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong naisulat ito 
sapagkat 
____________________________________________________ 
____________________________________________________ 
2. Upang maging malinaw ang pag-unawa sa salawikain, 
sawikain/kawikaan at kasabihan kailangang 
____________________________________________________ 
____________________________________________________
Bigyan mo ng pansin ang larawan. Napansin mo ba ang pagiging 
simple ng pamumuhay noon? Sa iyong palagay, ano ang naging gabay at 
patnubay ng mga Pilipino noon sa ganitong klaseng pamumuhay? Nakatulong 
kaya ang mga karunungang bayan? 
28 
Kinuha sa : 
Tama! Payak ang pamumuhay noon ng mga sinaunang Pilipino. Sa 
kabila ng pagiging payak ay nabuhay sila nang maligaya at payapa. 
Pinaniniwalaang naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang mga 
karunungang-bayan. 
Sa bahaging ito, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal 
na bagaman naisulat noong Panahon ng Espaıol ay makikita mo ang 
paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating 
mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng 
karunungang-bayan ay may malaking impluwensiya sa mga Pilipino sa iba’t 
ibang panahon. 
Sa Aking Mga Kabata 
ni Jose P. Rizal 
Kapagka ang baya'y sadyángumiibig 
Sa kanyáng salitáng kaloob ng 
langit, 
Sanglang kalayaan nasa ring masapit 
Katulad ng ibong nasa himpapawid. 
Pagka't ang salita'y isang kahatulan 
Sa bayan, sa nayo't mga kaharián, 
At ang isáng tao'y katulad, kabagay 
Ng alin mang likha noong kalayaán. 
Ang hindi magmahal sa kanyang 
salitâ Mahigit sa hayop at malansáng 
isdâ,Kayâ ang marapat pagyamaning 
kusà Na tulad sa ináng tunay na 
nagpalà. 
Ang wikang Tagalog tulad din sa 
Latin,Sa Inglés, Kastilà at salitang 
anghel,Sapagka't ang Poong maalam 
tumingín Ang siyang naggawad, 
nagbigay sa atin.
29 
Ang salita nati'y tulad din sa iba 
Na may alfabeto at sariling letra, 
Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ 
Ang lunday sa lawà noóng dakong una 
GAWAIN 1.1.1.d : PAGLINANG SA TALASALITAAN 
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa 
pagkakagamit ng mga ito sa tula.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 
1. 2. 
kabagay 
kahulugan: ____________ 
____________________ 
naggawad 
kahulugan: _________ 
2. 4. 
5. 
maalam 
kahulugan:_______ 
__ 
sigwa 
kahulugan:_______ 
__ 
lunday 
kahulugan:_____________ 
__________________ 
Palawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Batid ko na 
handa ka na upang linangin at paunlarin ang kakailanganing pag-unawa sa 
tulong ng mga angkop na gawain na ibibigay ng modyul na ito. 
GAWAIN 1.1.1.e : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 
1.Suriin ang tula . Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal . Ilahad ang 
tiyak na kaisipan na nais nitong ipabatid. Gawin sa sagutang papel.Gayahin 
ang pormat. 
Sa Aking Mga Kabata 
KASABIHAN 
_______________ 
_______________ 
_______________ 
_______________ 
_______________ 
_______________ 
_______________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
KAISIPAN
3. Kung si Jose Rizal ay gumamit ng karunungang- bayan sa kaniyang 
tula ikaw bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan 
30 
na minana pa natin sa ating mga ninuno? 
_______________________ 
_______________________ 
_______________________ 
_______________________ 
_______________________ 
_______________________ 
Ang mga gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay na ang 
kasabihan bilang karunungang- bayan ay kinapapalooban ng mensahe na 
magagamit sa buhay. Gayundin naman ang iba pang karunungang-bayan 
tulad ng salawikain at sawikain/ kawikaan. Upang higit pang lumawak ang 
iyong kaalaman sa paksa, basahin at unawain ang mahahalagang 
impormasyon na nakatala sa loob ng kahon. 
ALAM MO BA NA... 
KARUNUNGANG-BAYAN 
Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago 
dumating ang mga Espaıol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at 
kasabihan. 
Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang 
nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may 
sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. 
Mga Halimbawa: 
‘Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan 
Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan 
“A wattu langan a kuruga mariga “Ing taung mapibabata’ 
Tattolay nga minagimamma .” Dasan na ing sablang buring na” 
(Ibanag) (Pampango) 
“Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga 
sa taong matiyaga.” natutupad ang ninanasa.
31 
Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng 
pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang 
maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis 
samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, 
patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda 
ang paraan ng pagpapahayag. 
Mga Halimbawa: 
parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato- pakatandaan 
malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw 
Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi 
gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos , 
ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. 
Mga Halimbawa: 
Tulak ng bibig Kasama sa gayak 
Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad. 
Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya 
Utos pa sa daga Bukas nakatunganga 
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, 
marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at 
kasabihan. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa 
sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain. 
3. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o 
kasabihan.Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. 
1. Ang magtanim ng hangin, 4. Maitim ang gilagid. 
bagyo ang aanihin. 
2. Itaga mo sa bato. 5. Ang taong walang kibo 
nasa loob ang kulo. 
3. Kasama sa gayak, 6. Ubos-ubos biyaya, 
di kasama sa lakad. bukas nakatunganga.
32 
Salawikain 
Sawikain Kasabihan 
1. 
2. 
1. 
2. 
1. 
2. 
Madali mo bang nakilala ang salawikain, sawikain at kasabihan? 
Nakilala mo ba ang mga ito dahil sa taglay nilang mga katangian? Kung sa 
iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa mga ito, 
makatutulong ang kasunod na gawain upang madagdagan pa ang iyong 
kaalaman tungkol dito. 
4. Basahin at unawain ang mga nakahanay na salawikain, 
sawikain/kawikaan at kasabihan. Isulat ang kahulugan ng bawat isa. 
Gayahin ang pormat. 
karunungang bayan 
salawikain 
sawikain 
kasabihan 
Taong nanunuyo, 
Dala-dala’y bukayo 
Kahulugan: 
________________ 
________________ 
Itaga mo sa bato 
Kahulugan: 
_______________ 
_______________ 
Malakas ang loob, 
Mahina ang tuhod 
Kahulugan: 
_______________ 
_______________ 
5. Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga 
gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain, sawikain 
at kasabihan. Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa 
papel. Gayahin ang pormat. 
A, B, C Katangian ng bawat 
isa 
D- Pagkakatulad ng tatlo
Sa tulong ng mga gawain na inilaan ng araling ito ay maaari mo nang 
maisantabi ang maling pag-unawa sa salawikain, sawikain, at 
kasabihan.Ngayon ay nagawa mong paghambingin ang salawikain, sawikain 
at kasabihan. 
Alam mo ba na upang maging mabisa ang pagsusuri mo sa 
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao, bagay , pangyayari, ideya at iba pa, 
kailangan ang isang maayos na paghahambing ? Ang araling ito ay naglaan 
ng mga gawain upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa paghahambing. 
6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga 
pahayag na nagpapakita ng paghahambing. Isulat sa papel ang 
sagot. 
33 
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. 
Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa 
noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang 
tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong 
kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay 
na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko 
tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. 
Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. 
Simputi rin ng bulak ang buhangin doon. 
Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa 
ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap 
na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto 
kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. 
Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng 
paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man 
ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking 
pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.
Pagkatapos mong sagutan ang gawain, nadagdagan ba ang iyong 
kaalaman sa ating araling panggramatika . Sa araling ito , malalaman mo 
kung paano susuriin ang antas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, 
ideya at iba pa na makatutulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito. 
Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol 
sa ating araling panggramatika. 
34 
ALAM MO BA NA … 
MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING 
1. Paghahambing na magkatulad 
Ginagamit ito kung ang dalawang 
pinaghahambing ay may patas na 
katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping 
kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay 
ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho. 
2. Paghahambing na di-magkatulad 
Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. 
May dalawang uri ito: 
2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit 
itong mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, 
o di-gasino 
2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa 
pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at 
di-hamak. 
Mayroon ka nang sapat na kaalaman sa araling panggramatika, 
subukin mong maipakita ang iyong natutuhan sa bahaging ito.
7. Itala mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain, at 
kasabihan sa tulong ng mga salita/ pahayag na ginagamit sa 
paghahambing. 
35 
Ang pagkakatulad ng 
salawikain, sawikain at 
kasabihan 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
Ang pagkakaiba ng salawikain, 
sawikain at kasabihan 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
Bago tayo magpatuloy, balikan mo muna ang iyong mga sagot sa 
naunang mga gawain at ihambing mo ang iyong mga naging sagot sa daloy 
ng talakayan sa bahaging ito. Ano sa mga ideya mo ang tama? Ano naman 
ang hindi tama at dapat na iwasto? 
GAWAIN 1.1.1.f : Pag - Sa – Sa – Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa 
Salawikain, Sawikain, at Kasabihan ) 
Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan 
mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan tulad ng 
salawikain, sawikain, at kasabihan sa kasalukuyang panahon. Mapagtitibay 
mo ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na inilaan sa bahaging ito. 
A. Salawikain 
Bigyan mo ng pansin ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain 
ng may-akda upang bigyang diin ang mensaheng nais niyang iparating. 
Nakikita ang butas ng karayom, 
Hindi ang butas ng palakol 
Mayroon pang taong 
Sobrang palapuna at palapintasin, 
Sa mukha ng kapwa’y 
Nakikikita agad ang dumi o dusing; 
Munting kapintasan 
Ng kapwa niya taong laging pinapansin 
Ang kamalian niya’t 
Mga kasamaan ay ayaw aminin. 
Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna 
Bago ka mamintas ng mukha ng iba. 
Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan ni Gregorio G. Cruz
36 
Panuto: Bumuo ka ng maikling talata na magpapalawak ng iyong sagot 
sa tanong blg. 1. 
1. Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na 
ginamit sa tula? Isulat ang mga sagot sa papel. 
B. Kasabihan 
Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang 
nakilala. Bigyan mo ng pansin ang nilalaman ng bahagi ng isang awit na 
nagpakilala ng mga kasabihang Pilipino na hindi dapat kalimutan. 
Sa pagdamay ay no.1 
Matalas makiramdam 
Ang sakit sa kalingkingan 
Ay sakit ng buong katawan 
Kung di kaya ng nag-iisa 
Pagtulungan nating dalawa 
Ang bayanihan spirit ay taglay ng 
bawat isa 
Marunong lumingon 
Sa pinanggalingan 
Ang utang na loob 
Hindi nalimutan 
Walang puwang sa isip mo 
Ang crab mentalidad 
Hindi naiinggit 
Kapwa Pinoy man Ay umunlad 
Bahagi ng awit na Positibong 
Kasabihan ni Ser Jess Torres 
2. Magsaliksik ka ng mga pangyayari sa iyong kapaligiran (halimbawa: 
batay sa obserbasyon o pansariling karanasan) na nagpapakita ng 
diwang isinasaad ng napiling kasabihan sa hinalaw na awit . Gawin 
sa papel. Gayahin ang pormat. 
Kasabihan mula sa awit 
_______________________________ 
_______________________________ 
Nasaliksik na pangyayari: 
_______________________________ 
_______________________________ 
Kasabihan mula sa awit 
______________________ 
______________________ 
______________________ 
______________________ 
______________________ 
______________________ 
Nasaliksik na pangyayari: 
______________________ 
______________________ 
______________________
37 
C. Sawikain/Kawikaan 
Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit 
minsan, naghahatid ito ng hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga 
salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong palagay, paano 
nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon? Bigyan 
mo ng pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin 
ang kasunod na gawain sa p. 41. 
Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita 
makilala para kang hinipang lobo. 
Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa 
kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo 
ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. 
Ang lakas ng dating mo. 
Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? 
Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa 
klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya 
mo ang kursong pinangarap mo. 
Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang 
kursong noon pa’y hinangad ko na. 
Lef: Masaya akong malaman ’yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo 
makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa 
butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan. 
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
38 
3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang 
maging magaan ang mga pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang 
iyong sagot sa paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong 
pamagat para sa talata. 
4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang 
kahalagahan ng salawikain, sawikain at kasabihan. 
Karunungang-bayan Kahalagahan 
Salawikain 
Sawikain 
Kasabihan 
Matapos mong sagutin ang mga gawain, nakaramdam ka ba ng 
pagmamalaki bilang isang Pilipino? Masasabi mo bang may kalinangan na 
ang ating lahi bago pa man tayo sakupin ng mga Espaıol? Paano mo 
pahahalagahan ang matatandang panitikan tulad ng karunungang-bayan na 
minana mo pa sa ating mga ninuno? 
Pagkakataon mo na upang ilahad ang iyong pananaw sa 
kahalagahang hatid ng karunungang-bayan sa mga kabataan sa 
kasalukuyan. Naniniwala ako na mapaninindigan mo ang bisang 
pangkaisipan at bisang pandamdamin na iyong natutuhan sa aralin.
39 
GAWAIN 1.1.1. g : PAGTALUNAN NATIN, PUNTO SA PUNTO 
. Ilahad ang iyong panig sa paksa. Subuking gamitin ang mga konseptong 
natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Isulat ang sagot sa 
papel. 
KARUNUNGANG- BAYAN: MABISA PA RING GAMITIN BILANG PATNUBAY O 
GABAY NG KAGANDAHANG-ASAL SA KASALUKUYANG PANAHON 
Naipakita mo sa gawaing ito ang kahalagahan ng mga karunungang-bayan 
sa kabataang Pilipino. Malaki ang maiaambag mo sa pagpapanatili at 
pagpapaunlad ng ating matandang panitikan kung ang mga ito ay magagamit 
mo sa iyong buhay. 
GAWAIN 1.1.1.h : SALAMIN NG KATOTOHANAN 
Suriin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa ipinahayag 
na panig na ginawa sa GAWAIN 1.1.1.g. Sumulat ng repleksiyon tungkol dito. 
REPLEKSIYON 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
____________________________________
bayan sapagkat 
________________________________________________ 
________________________________________________ 
2. Ang mga karunungang-bayan bagaman bahagi ng ating matandang 
panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay 
sa kasalukuyan dahil 
________________________________________________ 
________________________________________________ 
________________________________________________ 
Kaya ipinagmamalaki ko ___________________________ 
40 
GAWAIN 1.1.1.i : DUGTUNGAN TAYO… 
Pagtibayin mo ang iyong natutuhang mahahalagang konsepto sa aralin 
sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya na nakapaloob sa kahon. 
1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga karunungang - 
3. Sa tulong ng mga karunungang-bayan, naging malinaw sa akin ang 
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang 
natutuhan sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang sitwasyon 
pagkatapos, gawin mo ang Inaasahang Produkto para sa araling ito 
Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior 
citizen na nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay 
upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng 
yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay 
naatasan ng inyong Punong barangay na magpakita ng mga katibayan na ang 
kabataan ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at 
tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang 
brochure na naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo 
ang mga gawaing pangkabataan sa inyong barangay. Ayon sa inyong punong 
barangay ang brochure na dapat mong maipakita ay matataya sa 
sumusunod na pamantayan:
41 
RUBRIK 
PAMANTAYAN LUBOS NA 
KATANGGGAP-TANGGAP 
(5) 
KATANGGAP-TANGGAP 
(3) 
MAHINA 
(1) 
Organisasyon 
Lohikal ang 
pagkakaayos ng 
mga teksto at 
larawan 
May ilang teksto 
at larawan na 
wala sa lugar 
Nakalilito ang 
pagkakaayos ng 
teksto at mga 
larawan 
Kalidad ng mga 
Larawan 
Klaro at tama ang 
perspektibo 
May ilang 
larawan na di 
klaro o tama ang 
perspektibo 
Karamihan sa 
mga larawan ay 
di klaro o Malabo 
ang perspektibo 
Dibuho 
Kaakit-akit ang 
brochure dahil 
tama ang 
kombinasyon ng 
kulay, estilo, laki 
ng font at 
pagkakaayos ng 
teksto at larawan 
Medyo kaakit-akit 
ang brochure 
kahit ay ilang 
maling 
kombinasyon na 
makikita sa 
brochure 
Di- gaanong 
kaakit-akit ang 
brochure dahil 
kitang-kita ang 
maling 
kombinasyon ng 
larawan, estilo, 
font at teksto 
Gamit ng 
Karunungang-bayan 
Mabisa ang 
pagkakagamit ng 
karunungang - 
bayan sapagkat 
Nakatulong ito 
upang maipakita 
ang kultura at 
tradisyong 
Pilipino 
Di masyadong 
mabisa ang 
pagkakagamit ng 
mga 
karunungang-bayan 
dahil di 
gaanong 
naipakita ang 
kultura at 
tradisyong 
Pilipino 
Di mabisa ang 
pagkakagamit ng 
mga 
karunungang - 
bayan sapagkat 
halatang pilit ang 
pagpapakita ng 
kultura at 
tradisyong 
Pilipino 
Nakatulong ba nang malaki ang mga kaalamang natutuhan mo sa 
kabuuan ng aralin sa pagbuo ng Inaasahang Produkto? Higit pa sa mga 
kaalaman, konsepto at ideyang natutuhan mo sa bahaging ito ng modyul, 
inaasahan ko na maisasabuhay mo ang mga aral na nakapaloob sa ating 
mga karunungang-bayan. 
Samantala, naniniwala ka ba na mahalagang malaman ang 
pinagmulan ng mga bagay sa ating paligid? Naisip mo rin ba na ang mga 
bagay na iyong napakikinabangan sa kasalukuyan ay nagtataglay ng mga 
kuwento ng kanilang pinagmulan? 
Ang susunod na aralin na iyong pag-aaralan ay isang akdang 
pampanitikan na makatutulong sa iyo upang higit mong makilala ang 
pinagmulan at kahalagahan ng pagsulpot ng mga bagay sa iyong kapaligiran,
ang alamat. Batid ko ang iyong pananabik sa aking tinutukoy kaya maaari ka 
nang humakbang sa susunod na aralin para pag-aralan ito. 
42 
ARALIN 1.1.2 : ALAMAT 
Sinasabing ang ilang kaalaman natin ngayon ay 
kinuha ng mga mananaliksik sa saling-dila ng matatanda. 
Sa pag-usad ng panahon, maaaring nagbabago ang mga 
alamat gayunpaman hindi nawawala ang katangian nitong 
maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay, lunan , o pangyayari. 
Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo upang 
mauunawaan mo kung paano nakatutulong ang alamat 
sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at 
kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa 
matatandang panitikan ng ating lahi. Matapos mong pag-aralan 
ang mahahalagang konsepto sa aralin, ikaw ay inaasahang 
makabubuo ng informercial na nagtatampok sa kultura at tradisyong 
Pilipino.Gayundin, mapagtitibay mo kung paano kasasalaminan ng kultura, 
tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na lumaganap sa 
Panahon ng Katutubo. 
Bago mo alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, nais ko 
munang mataya ang iyong kabatiran sa ating paksa. Simulan mo sa pagsagot 
sa sumusunod na gawain. 
GAWAIN 1.1.2.a : LARAWAN NG PINAGMULAN 
Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba 
sa mga ito? Alamin natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan 
sa tulong ng mga larawan.Subukin mong sagutin ang kasunod na 
mga tanong. 
a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat? 
b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan 
ng mga bagay? 
c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging 
mamamayan? Patunayan. 
Ang mga larawan ay hinango sa 
http://www.google.com.ph/search
Nakatulong ba sa iyo ang ginawa mong pagsagot sa mga tanong 
upang makilala ang alamat bilang isang akdang pampanitikan? Huwag kang 
mag-alala, ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang pagyamanin ang iyong 
kaalaman sa paksang ating pag-aaralan. 
ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya 
ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga kisame 
at haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa kaniyang 
pinanggalingan. 
Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa, 
doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan 
ni Aging. Ang halamang iyan ay si Aging, wika ni Juana. Magmula noon 
ang halamang iyon ay tinawag na Agingna di nagtagal ay naging saging. 
43 
GAWAIN 1.1.2.b : WAKAS NG PINAGMULAN 
Sa isang kuwento , pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang 
bahaging resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa 
o manonood kung ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang 
sangkot na tauhan. Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na 
bahagi nito? Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang 
pinagmulan ng mga bagay? Narito ang ilang halimbawa ng wakas sa ilang 
alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga tauhan. Isulat ang sagot sa papel. 
Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang 
Puna: 
Halaw sa Alamat ng Butiki 
_______________________________________________________ 
Puna: 
Halaw sa Alamat ng Saging 
___________________________________________________________________
44 
Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang 
dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay. 
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod 
ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at 
perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon bilang alaala kay 
Daragang Magayon. 
Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon 
Puna ______________________________________________________ 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas? 
2. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag. 
3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng 
kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan? 
GAWAIN 1.1.2.c : KILALANIN ANG PINAGMULAN 
Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, 
paano mo mailalarawan ang alamat bilang akdang pampanitikan? Isulat ang 
sagot sa papel gamit ang fan fact analyzer. Gayahin ang pormat. 
ALAMAT 
Nataya na natin ang iyong dating kaalaman sa paksa at alam ko na 
handa ka nang dagdagan pa ito sa pamamagitan ng mga gawain na batid 
kong makatutulong sa iyo upang malinang mo ang kinakailangang pag-unawa 
.Simulan natin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong na 
magiging gabay sa iyong pag-aaral mula simula hanggang huling bahagi ng 
araling ito.
45 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga 
bagay sa kasalukuyan? 
2. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan 
sa kasalukuyan? Patunayan. 
3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang 
mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang 
kuwento tulad ng alamat? Patunayan. 
GAWAIN 1.1.2.d : TUGON MO…MAHALAGANG ALAMIN 
Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa 
sa aralin na ating pag-aaralan. Subukin mong sagutin ang mga nakatala sa 
mga gabay na tanong upang magabayan ka sa pagpapalawak ng paksa na 
nasa loob ng kahon. 
Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_____________________________________________ 
Huwag kang mag-alala kung sa tingin mo ay hindi mo nasagot nang 
wasto ang mga katanungan.Naglaan pa ng mga gawain ang modyul na ito 
upang matulungan ka sa pagkilala ng mga tamang konsepto ng aralin . 
Ang bahaging ito ng aralin ay makatutulong upang maunawaan mo 
ang mga konsepto at kasanayang dapat mong malinang sa paksa. 
Kailangang mapalawak at mapaunlad mo pa ang iyong dating kaalaman nang 
sa gayon ay mabatid mo kung paano nakatutulong ang alamat sa 
pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na 
minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi.
46 
Basahin at unawain. 
Mina ng Ginto 
Alamat ng Baguio 
Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang 
mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang 
pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang 
ginawang puno ng matatandang pantas. 
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . 
Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay 
nagdaraos sila ng caıao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong 
panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. 
Kung nagdaraos sila ng caıao ay lingguhan ang kanilang handa. 
Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at 
nagkakantahan sila. 
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa 
siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa 
isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay 
maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. 
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa 
pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula 
sa ibon, bigla siyang napatigil. 
Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit 
bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at 
matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig 
sabihin ng kanyang nakita. 
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik 
sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “
Marahil ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na 
dapat tayong magdaos ng caıao.” 
Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caıao, ” ang pasiya ni 
47 
Kunto. 
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caıao na gagawin. Lahat ng 
mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang 
bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na 
pagkain. 
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang 
baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi 
ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. 
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. 
Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay 
napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na 
sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay 
natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot. 
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga 
anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at 
may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. 
Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. 
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. 
Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo 
ang inyong caıao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na 
ito. 
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo 
ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at 
sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong 
gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy 
nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na 
pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng 
matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa 
liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang 
dahon. 
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang 
lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa 
dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga 
tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. 
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati 
nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. 
Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo 
nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao. 
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na 
natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin 
na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian 
natin.” 
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay 
kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang 
lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang 
punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at 
parang pinagsaklob ang lupa at langit. 
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar 
na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay 
binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging 
mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , 
kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking 
48
ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong 
nanaisin ang gintong iyan.” 
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, 
ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na 
ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng 
paghukay sa lupa. 
Masasalamin ba sa alamat ang kultura at tradisyon ng isang pangkat 
ng mamamayan sa ating bansa? Maituturing mo bang yaman ng lahi ang 
mga alamat sa ating panitikan? Bago mo sagutin ang mga tanong, bigyan mo 
ng pansin ang kasunod na mga gawain upang higit mong maunawaan ang 
nilalaman ng binasa mong alamat. 
49 
GAWAIN 1.1.2.e : PAGLINANG NG TALASALITAAN 
Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan 
ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa akda. Isulat sa papel ang mga sagot. 
1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caıao bilang parangal sa kanilang 
mga anito. 
Kahulugan - _______________________________________ 
2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang 
anito. 
Kahulugan - ______________________________________ 
3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. 
Kahulugan - ______________________________________ 
4. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. 
Kahulugan - _______________________________________ 
5.Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. 
Kahulugan - ______________________________________ 
Batid ko na nakatulong ang mga salitang binigyan mo ng kahulugan 
upang iyong maunawaan ang kultura at tradisyon na mayroon ang mga 
Igorot. Subukin natin ang lalim ng iyong pag-unawa sa ilang mahahalagang 
konsepto ng akdang binasa.
Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan 
50 
GAWAIN 1.1.2.f : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 
ang daloy ng mga pangyayari sa alamat. 
1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng 
Story Mountain. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
Gitna 
Simula 
Wakas 
2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda ? 
Pangatuwiranan ang iyong sagot. Gawin sa papel. 
3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa 
talahanayan kung alin ang makatotohanan at di- makatotohanan. 
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN 
SIMULA 
GITNA 
WAKAS 
Sa bahaging ito, iyong napagtibay na nangingibabaw sa alamat ang 
mga di- makatotohanang pangyayari na nagpapaigting upang maging 
kapana-panabik ang kuwento na nakapaloob dito. Gayundin, sa tulong ng 
mga di-makatotohanang pangyayari nabubuo ang pinagmulan ng mga 
bagay.
__________ 
__________ 
__________ 
______ 
__________ 
___________ 
__ 
___________ 
___________ 
____ 
51 
4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa 
tulong ng dayagram. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
Mina ng Ginto 
Igorot 
Kultura 
At 
Tradisyon 
___________ 
___________ 
___________ 
___________ 
___________ 
__________ 
__________ 
5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng mga 
Igorot. Sa iyong palagay , nananatili pa rin ba ang mga ito sa 
kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa tsart. ( Maaring magsaliksik ang 
mag-aaral sa bahaging ito ). Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
KULTURA NG IGOROT 
Ano- ano ang mga 
kulturang binanggit sa 
akda? 
Sa kasalukuyan, 
nananatili pa rin ba ito? 
Oo o Hindi 
Patunay 
Napatunayan mo sa bahaging ito na ang alamat bilang akdang 
pampanitikan ay sumasalamin sa kultura, tradisyon, at kalagayang 
panlipunan noong panahong naisulat ito. Binabati kita sa matiyaga mong 
pagsagot sa mga gawain. Layon ng araling ito na mapalawak pa ang iyong 
kaalaman sa paksang tinatalakay . Makatutulong kung iyong babasahin at 
uunawain ang mahahalagang konsepto na nakatala sa loob ng kahon.
52 
ALAM MO BA NA… 
Ang Alamat 
Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino 
bago pa dumating ang mga Español. Karaniwang kathang-isip o maaari 
namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng 
isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga 
bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga 
pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng 
pangalan ng lugar, bagay at iba pa. 
Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. 
Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang alamat. 
Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa 
mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at 
kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, 
kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na 
pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung 
kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad 
ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. 
Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at 
kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang 
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian 
naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran 
ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan 
sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang 
pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing 
tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. 
Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan 
ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento 
mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang 
bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring 
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. 
Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga 
pangyayari na sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at 
kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.
Pagkatapos mong malaman kung ano ang alamat at mga bahagi nito, 
bigyan mo naman ng pansin ang mahalagang gamit ng panahon at pook . Sa 
iyong palagay nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang 
mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad 
ng alamat? Gawin mo ang mga susunod na gawain upang masagot mo nang 
wasto ang mahalagang tanong hinggil sa paksang ito .Isulat sa sagutang 
papel. 
Sa bahaging ito masusukat ang iyong kasanayang panggramatika. 
Malalaman natin ang antas ng iyong kaalaman sa araling pangramatika na 
iyong pag-aaralan. Basahin mo ang bahagi ng kuwento na nasa loob ng 
kahon. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong . 
namumutawi kundi isang impit na “ Diyos Ko!!!” Sa gitna ng kanyang 
pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon 
ng isang “ hayaan-mo-na ang Nanay” na tingin. Kasabay ng isang malalim 
na buntung-hininga, si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan 
ay napinid na. 
nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. 
Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap, at 
saka ngayon pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong itinusok sa 
kanya ng manggagamot, ay saka…. 
Halaw sa Impong Sela ni Epifanio G. Matute 
53 
Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang 
Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan 
a. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay- turing ba ito sa 
mga salitang nakihilig o naglalarawan? 
b. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang 
maipabatid ang mahalagang pangyayari sa alamat? Patunayan. 
c. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit? 
Pagkatapos mong sagutin ang mga tanong, may ideya ka na ba kung 
ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pang-abay na pamanahon 
at pang-abay na panlunan upang malinaw na maipabatid ang mga 
pangyayari sa isang kuwento? Makatutulong sa iyo nang malaki ang mga 
impormasyon na nakatala sa kasunod na kahon upang ganap mong 
maunawaan ang araling panggramatika.
54 
ALAM MO BA NA… 
PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN 
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap 
o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong 
uri ng pang-abay: (1) yaong may pananda at (2) yaong walang pananda. 
Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, 
umpisa, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon 
Mga halimbawa: 
1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw? 
2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw. 
3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho. 
4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya 
at mag- ayuno. 
5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak. 
May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng 
kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa. 
Mga Halimbawa: 
1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng 
“National Artist Award” buhat sa Pangulo. 
2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang 
Pilipino
3. Magsisimula pamaya-maya ang kumbensiyon tungkol sa 
pagpapabahay 
sa mahihirap. 
4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng 
kaarawan 
ni Gabriela Silang. 
5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob 
ng Gantimpalang TOYM. 
Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na 
pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. 
Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. 
Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o 
panghalip. 
Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang 
Sa tulong ng mga nabasa mong impormasyon sa ating araling pang-gramatika, 
kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang 
pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa. 
Narito ang Ilang Halimbawa: 
Naglaan ng iba pang mga gawain ang modyul na ito upang ganap na 
1. sa + pangngalang pambalana 
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. 
1. Balikan mong muli ang alamat na “ Mina ng Ginto. “ Sumipi ka ng mga 
pangungusap na nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at 
pang-abay na panlunan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
55 
batid ko na nananabik ka nang sumagot muli sa mga gawain 
upang masubok ang iyong mga kakayahan. 
mataya ang bisa ng mga konseptong iyong natutuhan . 
GAWAIN 1.1.2.h : PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN 
MINA NG GINTO 
Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan
2. Mula pa rin sa alamat na “ Mina ng Ginto,” pumili ka ng nagustuhan 
mong bahagi at ibuod ito. Salungguhitan ang mga pang-abay na 
pamanahon at panlunan na nakapaloob dito. Gawin sa papel. 
56 
3. Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa 
isang alamat? Isulat ang iyong sagot sa papel. 
Malinaw na sa iyo ang gamit ng pang-abay na pamanahon at panlunan 
sa isang salaysay tulad ng alamat, inaasahan ko na ang mga mali mong 
ideya ay naiwasto na.Higit sa lahat, dapat nabatid mo rin kung paano 
nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, 
tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang 
uri ng panitikan ng ating lahi. Bukod sa alamat ang isa pang matandang 
panitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo ay ang mga kuwentong-bayan. 
Tulad ng alamat, sa iyong palagay, tumutulong din ito sa 
pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na 
minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi? 
Sa bahaging ito , muli mong suriin kung paano nakatulong ang 
pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay upang mabisang 
maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa akda. 
Basahin at unawain. 
NAGING SULTAN SI PILANDOK 
kuwentong -bayan ng Maranaw 
Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - 
si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa 
dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang 
Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng 
magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap 
na ginintuang tabak. Hindi ba't itinapon ka na sa dagat? nagtatakang tanong ng 
sultan kay Pilandok. Siya pong tunay, mahal na Sultan, ang magalang na tugon ni 
Pilandok. Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? 
Dapat ay patay ka na ngayon, ang wika ng Sultan.Hindi po ako namatay, mahal na 
Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y 
sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na
mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay? ang paliwanag ni 
Pilandok. Marahil ay nasisiraan ka ng bait, ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. 
Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat. Kasinungalingan po iyan! 
Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na 
ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo, ang paliwanag ni 
Pilandok. May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo 
roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at 
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak. Umakmang aalis na si 
Pilandok.Hintay, sansala ng Sultan kay Pilandok. Isama mo ako at nais kong 
makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak. 
Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at 
pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang 
pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla. 
Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng 
dagat, ang sabi ng Sultan. Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis? 
ang tanong ni Pilandok.Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong 
kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon. Sandaling nag-isip 
ang Sultan at nakangiting nagwika, Gagawin kitang pansamantalang Sultan, 
Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang 
hahalili sa akin. Hintay, mahal na Sultan, ang pigil ni Pilandok. Hindi po ito dapat 
mlaman ng inyong mga ministro.Ano ang nararapat kong gawin? ang usisa ng 
Sultan. Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang 
inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay 
susundin nila ako, ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na 
lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng 
dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at 
namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan. 
57
Ang paggamit ng kaugnay na teksto ay makatutulong upang higit na mapagyaman 
ang kaalaman at kasanayan sa mga araling pampanitikan at panggramatika. Subukin 
mong sagutin ang mga susunod na gawain upang mapalalim mo pa ang iyong 
kakayahang sumuri at umunawa. 
58 
GAWAIN 1.1.2.i : PALALIMIN ANG KAALAMAN 
1. Mula sa binasang akda, patunayan mo na masasalamin sa kuwentong- bayan 
ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan ng isang pangkat 
ng mamamayan sa Pilipinas. 
Naging Sultan si Pilandok 
Mahusay! Madali mong natukoy ang kultura, tradisyon, 
Kultura 
at 
Tradisyon 
kaugalian, at kalagayang panlipunan sa akdang iyong binasa. Marahil 
ay iyo nang naba- batid na sa tulong ng panitikan ay maaari mong 
masilip ang ating nakaraan. 
2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok? 
Bakit? Isulat sa papel ang iyong sagot. 
3. Paghambingin mo ang alamat at kuwentong- bayan batay sa mga 
katangiang taglay ng mga ito bilang akdang pampanitikan. 
Kaugalian 
Kalagayang Panlipunan 
ALAMAT 
KUWENTONG 
BAYAN 
Katangian Pagkakatulad Katangian
Mabisa mo bang napaghambing ang dalawang akdang pampanitikan ? 
Natitiyak kong nakatulong ang ginawa mong paghahambing upang higit mong 
ma-pahalagahan ang mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Katutubo. 
4. Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura, 
59 
tradisyon, kaugalian o kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa 
kasalukuyan. Gawin sa papel. 
Alam kong ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng 
sinagutan mong mga gawain. Higit sa lahat, batid kong nakatulong ang 
araling ito upang tumibay ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang 
pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo . 
Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga gawain.Ngayon, 
alam kong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang 
maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito. Pag-aralan mo 
ang sitwasyon. 
Sitwasyon: 
Ang araw ng pagkakatatag ng inyong pamahalaang lungsod ay 
nalalapit na. Kaya naman bilang paghahanda, ang lahat ng punong barangay 
ay ipinatawag ng inyong mayor upang ibahagi ang mahalagang impormasyon 
hinggil sa gaganaping pagdiriwang. Ayon kay mayor, ang lahat ay 
kailangang lumahok sa paligsahan sa pagbuo ng infomercial para sa 
paksang “ Bayan ko… Ipinagmamalaki ko”. Kaya, ikaw bilang punong 
barangay sa inyong lugar ay inatasang maghanda sa nabanggit na 
paligsahan. Ang pagtatanghal ng infomercial ang pinakatampok na gawain 
sa pagdiriwang. Inaasahan na sa araw na iyon ay darating ang mga piling 
panauhin tulad ng DILG secretary, congressman at mayor mula sa iba’t 
ibang lungsod.Ang infomercial ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod 
na pamantayan. 
a. Nilalaman 
b. May kaugnayan sa paksa 
c. Pagiging masining 
d. May orihinalidad 
e. Batay sa pananaliksik 
f. Tapat
Natutuwa ako at nagawa mong maisakatuparan ang Inaasahang 
Produkto para sa araling ito. Batid ko na lahat ng konsepto sa araling 
pampanitikan at panggramatika na iyong natutuhan ay mananatili at 
mapauunlad mo pa. Ngayon, alam ko na handa ka na sa pagkilala sa bagong 
aralin. Subalit bago mo ito pag-aralan , subukin mo munang sagutin ang 
sumusunod na tanong. May paborito ka bang superhero? Anong katangian 
niya ang iyong nagustuhan? Maituturing mo ba siyang bayani ng iyong 
buhay? 
Marahil ay nagtataka ka kung ano ang kaugnayan ng aking mga 
tanong sa susunod na araling iyong pag-aaralan. Kaya, simulan mo nang 
silipin ang mundo ng epiko nang sa gayo’y higit mong maunawaan ang mga 
kaisipan/ konseptong nakapaloob dito. Huwag mong hayaang mawala ang 
iyong sigla sa pag-aaral dahil alam kong ang susunod na aralin ay tulad ng 
alamat, maipagmamalaki mo ito bilang bahagi ng panitikan ng iyong lahing 
pinagmulan. 
60 
Aralin 1.1.3: EPIKO 
Matapos mong maunawaan ang katangian at 
kahalagahan sa buhay ng mga Pilipino ng ilang sinaunang 
panitikan, sa bahaging ito ay iyong makilala ang isa pang 
itinuturing na maipagmamalaking matandang panitikan – 
ang epiko. Kung nais nating mabakas ang kasaysayang 
may kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating 
matagpuan muli ang ating mga sarili ay napapanahon na 
upang balikan at pagtuunan ng pansin ang ating mga 
epiko. Bagama’t ito ay nalikha batay sa kababalaghan at 
nagtataglay ng mga di- kapani-paniwalang pangyayari, 
kasasalaminan ang epiko ng kultura ng rehiyong 
pinagmulan nito na tunay na maipagmamalaki. 
Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo kung bakit 
napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa 
kasalukuyan. Sa kabuuan ng iyong pag-aaral sa araling ito, ikaw ay 
inaasahang makabubuo ng biopoem na nagtatanghal ng karaniwan o 
simpleng mamamayan na nakagawa ng kabayanihan sa kaniyang kapwa.
61 
GAWAIN 1.1.3.a: LARAWAN NG KABAYANIHAN 
Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais 
kong subukin muna ang dati mo nang alam sa paksang pag-aaralan natin . 
Kilalala mo ba ang mga nasa larawan? Kung gayon sagutin mo ang mga 
tanong tungkol sa kanila. 
Ang mga larawan ay hinango sa 
http://www.google.com.ph/search 
a. Ano ang iyong pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan? 
b. Ano ang mga katangian nila na ‘di makikita sa karaniwang tao? 
c. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit? 
Alam mo ba na noon pa man ay may kinikilala na ang ating mga 
ninuno na tulad ng mga Pinoy Superhero sa kasalukuyan? Matatagpuan sila 
sa ating mga epiko. Itinuturing sila bilang mga bayani ng kani-kanilang 
rehiyon. 
Tatalakayin sa araling ito ang mga katangian ng epiko upang iyong 
maunawaan ang kabisaan nito bilang akdang pampanitikan. Gayundin ang 
kahalagahan ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan upang maging 
tiyak at malinaw ang isinasaad ng kilos ng mga tauhan sa bawat pangyayari 
ng epiko. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Paano lumaganap ang epiko sa Pilipinas mula noong Panahon ng 
Katutubo hanggang sa kasalukuyan? 
2. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na 
lumaganap sa Panahon ng Katutubo? 
3. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan 
sa kilos ng tauhan sa mga pangyayari sa isang epiko? Patunayan.
62 
GAWAIN 1.1.3.b : MAIKLI LANG…SUBUKIN MO 
Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral, sagutin mo muna ang mga 
tanong na nakatala sa itaas sa pamamagitan ng pagsulat ng Five - Minute 
Essay. Huwag kang matakot na ibahagi ang iyong kaalaman sapagkat sa 
pamamagitan ng iyong mga sagot ay malalaman ng modyul na ito ang antas 
ng iyong kaalaman sa paksa. 
Batay sa iyong naging sagot, naniniwala ako na hindi ka 
mahihirapan sa mga gawaing inihanda ko para sa araling ito. 
Ang layunin mo sa bahaging ito ay malinang at mapaunlad ang iyong 
kaalaman tungkol sa kahulugan, katangian, at kahalagahan ng epiko bilang 
akdang pampanitikan. Tuklasin mo rin kung bakit napabilang ang epiko sa 
matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Ngunit 
bago natin talakayin ang mahahalagang konsepto ng aralin, alamin muna 
natin kung paano umusbong ang epiko bilang akdang pampanitikan sa ating 
bansa. 
Basahin at unawain. 
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko 
Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa 
kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga 
kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang 
kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na punong-puno ng 
kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may 
maipagmamalaking epiko. 
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong epos na 
nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong 
patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon 
tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. 
Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng 
nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. May 
nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur, isang lalaki na 
kinuhang manunulat ng mga Español sa kanilang kapanahunan dahil sa 
kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat ng kaniyang isinulat
63 
ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga Español na 
epiko na ang ibig sabihin ay “ dakilang likha”. 
Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o 
binibigkas nang patula. Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang 
pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga 
kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang 
bayan. 
Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. 
Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang 
matatanda at mahahabang salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating 
etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na 
tulang pambayan, o mga tulang epiko, bago pa man dumating sa bansa ang 
mga banyaga. 
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang). 
Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan 
pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang 
epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni 
Padre Jose Castaño noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong 
ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng 
isang paring Español at hindi sa bibig ng mga katutubo. 
Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao 
ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa 
Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at 
Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera 
Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang 
Hudhud at Alim. 
Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga 
mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa iba’t
ibang dako ng bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa 
kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito. Halimbawa, nasa pangkating 
Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong, samantala, nasa pangkating 
Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang 
Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-Kristiyano at 
Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw Donggon 
ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan, 
Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami 
pang iba. 
Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa 
nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon 
at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim 
at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at 
paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga 
ninuno. 
Pagkatapos mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng epiko, 
paano mo pahahalagahan ang epiko bilang bahagi ng panitikan ng ating 
lahi? 
Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, makababasa ka ng isang 
halimbawa ng epiko. Suriin mo kung ano ang mahahalagang katangian nito 
nang sa gayo’y maunawaan mo kung bakit nananatili pa rin ito bilang isa sa 
matandang panitikan ng ating bansa. Pansinin mo rin kung paano nakatulong 
ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa malinaw na paglalarawan 
ng kilos ng bawat tauhan na nakatulong upang maging malinaw ang daloy ng 
mga pangyayari sa epiko. 
Basahin at unawain. 
64
65 
Si Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit 
Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. 
Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. 
Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay 
ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin 
na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may 
dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga 
kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para 
ipatawag si Tuwaang. 
Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. 
Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero 
hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si 
Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat 
at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng 
Pinanggayungan. 
Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. 
Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. 
Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng 
dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga 
ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na 
nila ang isa’t isa. 
Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at 
nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa 
ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit 
tinanggihan niya ang alok. 
Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya 
ang dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na
pinagtataguan ng dalaga, kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa 
mundong ito. 
Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang 
Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa 
kaharian ni Batooy. 
Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang 
kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang 
kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang 
patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay 
Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig 
at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa 
binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay 
binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala 
niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat. 
Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na 
darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang 
Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. 
Tumuloy na sila sa paglalakbay. 
Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang 
Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng 
Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang 
ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng 
Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang 
bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga 
bayani) sa okasyon. 
Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga 
kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga 
nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng 
66
babaeng ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. 
Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang 
bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang 
sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong 
bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng 
Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng 
bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo 
siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata 
si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng 
mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban 
ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si 
Tuwaang at ang Binata ng Sakadna. 
Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa 
lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. 
Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa 
mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni 
Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang 
gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng 
binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni 
Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay. 
Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari 
67 
habambuhay. 
Ang akdang iyong binasa ay nagpapatunay na ang panitikang Pilipino 
ay kasasalaminan ng kultura, tradisyon,kaugalian, at kalagayang panlipunan 
noong panahong naisulat ito. Upang higit na mapagtibay ang ideyang ito, 
subuking sagutin/gawin ang mga inilaang gawain ng modyul na ito.
68 
GAWAIN 1.1.3.c : Paglinang ng Talasalitaan 
Bigyan mo ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda upang 
higit mong maunawaan ang nilalaman nito. Isulat ang sagot sa papel. 
_______________ 
_________________________ 
____________________ 
patung 
sinaunang gong 
gintong salumpuwit 
nganga 
gintong bansi 
_____________________ _ 
____________ 
Malaking tulong ang ginawa mong pagsasaliksik sa mga salitang 
ginamit sa akda upang ang mga ito ay mabigyan mo ng kahulugan. Hindi ba’t 
nakatulong ito upang madali mong maunawaan ang nais ipabatid ng akda 
gayundin ang kahalagahan ng mga ito sa pamumuhay ng isang pangkat-etniko? 
GAWAIN 1.1.3.d : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 
Sa bahaging ito, mabibigyan mo ng pansin ang kahalagahan ng epiko 
bilang akdang pampanitikan. Mapagtitibay mo kung tunay nga itong 
kasasalaminan ng kultura, tradisyon, uri ng pamumuhay at kalagayang 
panlipunan ng mga Pilipino noong panahong naisulat ito. 
1. Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng 
mga pangyayaring may kababalaghan. Isa-isahin ang mga 
kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko. Pagkatapos, sagutin 
mo ang tanong: “Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing 
kababalaghan upang makilala ang mga tauhan? “ Gamitin mo ang 
dayagram sa iyong pagsagot.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
Ang paglalahok ng mga pangyayaring di-kapani-paniwala o 
kababalaghan sa epiko ay sinasabing nakapagpapakita ng pagka- 
Pilipino. Hindi ba’t bahagi na ng iyong pagka-Pilipino ang maniwala sa 
anting-anting, gayuma, pamahiin, at iba pa? 
2. Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at 
pangyayaring nakapaloob sa epiko, bumuo ka ng Character Profile 
tungkol sa pangunahing tauhan . 
69 
TUWAAN G 
Mga Kababalaghan 
Para sa akin, nakatulong ang mga kababalaghan sa epiko sa 
pagkilala ng mga tauhan sapagkat 
___________________________________________________________________ 
___________________________________________________________________ 
Pangalan:___________________________________________ 
Edad: ____________________________________________ 
Tirahan: __________________________________________ 
Hilig: ____________________________________________ 
Katangian:_________________________________________ 
Kakayahan:_________________________________________ 
Pangarap: ________________________________________ 
Misyon: _______________________________________
Naunawaan mo na ba kung bakit itinuturing na bayani sa kani-kanilang 
pook ang pangunahing tauhan sa epiko? Katanggap-tanggap 
bang maituturing ang katangiang taglay ng pangunahing tauhan upang 
kilalanin siya bilang bayani? Ang susunod na gawain ay makatutulong 
sa iyo upang maging ganap ang iyong pag-unawa sa kabayanihan ng 
bawat pangunahing tauhan sa epiko. 
3. Bumasa ka ng isa pang halimbawa ng epiko. Suriin mo ang katangian 
ng pangunahing tauhan. Pagkatapos, gumawa ka ng paghahambing 
sa mga pangunahing tauhan ng epikong iyong binasa at epikong “ 
Tuwaang”. Gumamit ng Venn Diagram. Gayahin ang pormat sa papel 
at doon isulat ang sagot. 
Tuwaang 
A 
C Tauhan sa ibang 
epiko 
A at B: Pagkakaiba 
C: Pagkakatulad 
B 
4. Ano ang mga pangyayari na nagpapatunay na ang akdang binasa ay 
70 
epiko ng mga Bagobo? Isa-isahin ito. 
TUWAANG 
Epiko ng mga Bagobo 
Mga Patunay 
Madali mong makikilala ang isang epiko kung saang rehiyon ito 
nabibilang dahil sa kultura at tradisyong nakapaloob dito. Sa epikong 
iyong binasa, nakilala mo ba nang bahagya ang mga Bagobo?
5. Matapos mong sagutin ang mga naunang gawain, sa iyong palagay, 
ano ang mga katangian ng epiko upang matukoy ang kaibahan nito 
sa iba pang akdang pampanitikan ? Ipaliwanag. 
Sa tulong ng mga gawain na iyong isinagawa, sa tingin ko, unti-unti 
mo nang nakikita ang kasagutan sa mahalagang tanong na ” Bakit 
nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo 
hanggang sa kasalukuyan? At upang maging matibay ang iyong pag-unawa 
sa araling pinag-aaralan, bigyan mo ng pansin ang mahahalagang 
71 
impormasyon . 
Alam mo ba na ... 
Ugnay-Panitikan 
EPIKO 
Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas 
ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito 
tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. 
Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani-paniwala. 
Mga Anda ng Epiko: 
1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan. 
2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan. 
3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal. 
4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan. 
5. Patuloy na pakikidigma ng bayani. 
6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan. 
7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo. 
8. Pagkamatay ng bayani. 
9. Pagkabuhay na muli ng bayani. 
10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan. 
11. Pag-aasawa ng bayani. 
Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa atema, 
ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing 
babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng 
epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.
72 
Ang Paulit-ulit na Paksa o Tema 
katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani 
mga supernatural na gawa ng bayani 
pag-ibig at romansa 
panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay 
kamatayan at pagkabuhay 
pakikipaglaban at kagitingan ng bayani 
kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging 
mga ritwal at kaugalian 
ugnayan ng magkakapamilya 
Ang Lalaking Bayani 
Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang 
bayani. Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa 
sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang 
intelektwal at moral na katangian 
Ang Pangunahing Babaeng Karakter 
Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng 
iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina. 
Ilang Epiko sa Pilipinas 
Biag ni Lam-ang- Ilokos 
Maragtas- Bisaya 
Bantugan- Mindanao 
Hudhud - Ifugao 
Darangan – Muslim 
Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa 
paksa, naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa 
ang iyong pag-unawa sa aralin. Nais kong suriin mo ang mga pangyayari sa 
epikong iyong binasa. Nailarawan ba nang tiyak ang mga pangyayari sa 
nasabing epiko? Malaki ba ang ginampanang papel ng pang-abay na 
pamaraan upang maging tiyak ang mga pangyayari sa epiko? Subukin mong 
sagutin ang kasunod na mga gawain nang sa gayo’y iyong matukoy ang 
sagot sa mga tanong.
73 
GAWAIN 1.1.3.e : PAGSUBOK SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA 
1. Pansinin mo ang mga salitang nakasulat nang nakahilig sa loob ng 
pangungusap. Ano ang gamit nito sa mga salitang nagsasaad ng 
kilos? Naglalarawan ba ito o nag-uugnay? Isulat ang sagot sa 
sagutang papel. 
1.Agad-agad na naghanda si 
Tuwaang 
2.Naghanda nang mabilis si 
Tuwaang para sa kaniyang 
paglalakbay. 
3. Binato nang napakalakas ni 
Tuwaang ang binata. 
4. Ang binata ay unti-unting 
namatay. 
Ang kaugnayan ng mga 
salitang nakahilig sa 
pandiwa ay 
____________________ 
____________________ 
____________________ 
____________________ 
____________________ 
____________________ 
__________________ 
____________________ 
___ 
Sa bahaging ito, nakilala mo ang pang-abay na pamaraan sa 
pamamagitan ng relasyon nito sa kasamang pandiwa. Bukod sa 
impormasyong ito, paano mo pa kaya makikilala ang pang-abay na 
pamaraan. Subukin mong sagutin ang susunod na mga gawain upang 
higit na mapagyaman ang iyong kaalaman sa araling panggramatika . 
2. Punan mo ng angkop na salita ang patlang ayon sa iminumungkahi ng 
larawan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 
a. Sila ay _________na sumakay sa b. Sila’y_______ na nakarating 
sinalimba at pumunta sa tahanan ni Batooy. 
sa Katuusan, kung saan lupa ito 
nang walang kamatayan.
c.________ tinanggap ni Gungutan d._______na nakipaglaban si 
ang alok ni Tuwaang na maglakbay. Tuwaang. 
Nakatulong ba ang ang mga larawan upang madali mong makilala at 
magamit ang mga pang-abay na pamaraan? Subukin mong sagutin ang 
susunod na gawain upang higit pang mataya ang antas ng iyong pag-unawa 
74 
sa araling ito. 
3. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang 
upang mabuo ang mga pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang sagot 
sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel. 
Jewill : Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo 
uwian? 
Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, ________nang 
naglalabasan ang aking mga kamag-aral. 
Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita 
kitang _______ na lumalabas mula sa inyong silid-aralan. 
Emil : Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John. 
Jewill: Bakit ? 
Emil : Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol 
sa epiko. ________ nagturo kanina ang aming guro sa 
Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming pananabik 
sa kanyang leksiyon. 
Jewill: Naku... ______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang 
klase kanina dahil kaunti lang daw ang nakagawa ng 
takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.
Ugnay-Wika 
75 
Emil : Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming 
salamat. O paano? _________ na kaming aalis. Paalam. 
sabay-sabay isa-isa pagalit dahan-dahan 
ganadong-ganadong 
Mula sa isinagawang pagsasanay, naging malinaw na ang kilos ay 
inila-larawan o binibigyang-turing ng pang-abay. Kapag ang inilarawan ay ang 
paraan kung paano ginawa ang kilos , ito ay pang-abay na pamaraan. Upang 
lubos mong maunawaan ang tungkol dito, basahin mo ang susunod na 
bahagi. 
Alam mo ba na ... 
ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN 
Ang pang-abay na pamaraan ay 
naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o 
magaganap ang kilos na ipinapahayag ng 
pandiwa. 
Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) ang 
panandang nang at (2) ang na/ng. Narito ang mga halimbawa: 
1. Kinamayan niya ako nang mahigpit 
2. Natulog siya nang patagilid. 
3. Bakit siya umalis na umiiyak? 
4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata 
5. Naluluha siya nang nagpasalamat. 
Naging malinaw ba sa iyo na sa tulong ng mga pang-abay na pamaraan 
ay naging tiyak ang detalye ng kilos ng bawat tauhan? Sa iyong palagay, 
nakatulong ba ang mga ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari 
sa akda? Ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito ay 
makatutulong upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa araling 
tinalakay.
Ang bahaging ito ng aralin ay tutulong upang mataya ang lalim ng 
iyong pag-unawa sa mga konseptong natutuhan.Sa bahaging ito ay 
makakikilala ka ng kaugnay na teksto na iyong magiging gabay sa ganap na 
pagkatuto. Mahalagang maiugnay mo ang mga konseptong natutuhan sa 
araling pampanitikan at panggramatika. Gayundin, magiging kapaki-pakinabang 
ang tekstong babasahin kung iyong mailalapat ang mga 
76 
natutuhan . 
Basahin at unawain. 
Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang 
kaunti. Nang makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng 
Presidente. “ Mang Ibiong, ano po ba ang aming pagkakasala sa inyo at 
kami’y ayaw ninyong bigyan ng pagkakataong makapagpulong sa pook ng 
Felix Huertas?” 
“Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng 
aking pagsisikap ay aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa 
pagdaralita.Ako’y lumapit sa pamahalaan. Halos magpalimos po ako 
upang makapaghanapbuhay. 
Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay 
ko po ay walang mangyayari sa aming pamumuhay kung ang 
pangkasalukuyang partido ay mamamayani,” ang paliwanag ni Mang 
Ibiong. 
“ Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit 
sisikapin kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung 
ikaw ay mabibigyan ng hanapbuhay.” 
Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa 
kanya ng Presidente ng Senado. Siya’y isa lamang hamak, ngunit siya’y 
tinanggap na parang isang mahal na tao.Ang inaalala niya’y baka ang 
pangakong hanapbuhay 
ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga 
pulitiko ay sadyang masarap mangako. 
Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay 
ginising na ng isang” tao po “. Nagbalikwas siya upang siyasatin kung 
sino ang napaka-agang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ay 
maagang inutusan ng Presidente upang ipagbigay- alam kay Mang Ibiong 
na maaari na siyang mag-simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon. 
Napamangha si Mang Ibiong. Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap 
kung mangako ang Presidente ng Senado. 
Bahagi ng Si Manuel L. Quezon sa Harap 
ng Kaaway ni P.S. Vergara
77 
GAWAIN 1.1.3.f : PAGPAPALALIM NG IYONG KAALAMAN 
1.Isa-isahin ang katangiang taglay ni Manuel L. Quezon batay sa nilalaman 
ng binasang anekdota. Gawin sa papel. 
1. Sa iyong palagay, makahulugan ba ang ginawa ni Manuel L. Quezon 
para kay Mang Ibiong ? Pangatuwiranan. 
2. Batay sa taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko at ang 
katangian na taglay ni Manuel L. Quezon na isinalaysay sa anekdota, 
ibahagi ang iyong ideya tungkol sa kabayanihan? Ipaliwanag. Isulat 
ang sagot sa papel. 
3. Sumulat ka ng isang karanasan ( maaaring pansarili o sa iba ) na 
nagpapakita ng kabayanihan. Sikaping maging malinaw ang mga 
pangyayari sa tulong ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan. 
Gawin sa papel. 
Magaling ! Iyong napatunayan na anumang uri ng teksto ang gamitin, 
kayang-kaya mong mailapat ang mga kaalaman at kasanayan na iyong 
nalinang. Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang mga ideya at kaalaman 
na iyong natutuhan sa araling ito. Ipakita mo ang patunay na malinaw mong 
nabatid ang mahahalagang konsepto na saklaw nito. 
GAWAIN 1.1.3.g : HULING HIRIT... 
Sagutin mo ang tanong na - ” Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng 
epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? Makatutulong 
sa iyong pagsagot ang paggamit ng mga salitang nasa kahon upang maging 
malinaw ang kaisipan na nais mong ipabatid. 
kultura at tradisyon kababalaghan pagpapahalaga 
kabayanihan paraan ng pamumuhay lahing Pilipino
Ang layunin mo sa bahaging ito ay ilapat ang mga konseptong 
natutuhan mo sa araling pampanitikan at panggramatika sa pagbuo ng 
Inaasahang Produkto. 
Marami ang nagbunying Pilipino sa naganap na 
kanonisasyon kay Pedro Calungsod bilang pangalawang 
santo na nagmula sa ating bansa. Dahil dito, ang 
namumuno sa inyong barangay ay nagkaroon ng interes 
na makabuo ng proyekto na magtatanghal sa buhay ng mga karaniwang 
mamamayan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa. 
Ikaw, bilang aktibong opisyal sa inyong barangay ay nagpanukala ng 
pagsulat ng biopoem upang maisakatuparan ang proyekto na sinang-ayunan 
ng lahat . Hinikayat ninyong lumahok ang mga mamamayan na 
nasasakupan ng inyong lugar. Ang magwawaging biopoem ay bibigkasin 
nang mahusay na mambibigkas ng inyong bayan kung saan panonoorin ng 
lahat ng mamamayan sa inyong komunidad. Ang biopoem ay matataya sa 
sumusunod na pamantayan. 
78 
• Pagkakaugnay sa paksa 
• Organisasyon ng ideya 
• Kabuluhan ( Taglay na mensahe) 
• Pagiging masining 
• Tapat 
• May batayan 
Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na inilaan sa 
mga araling ito. Sa bahaging ito, inaasahan na ang lahat ng mahahalagang 
konsepto na iyong natutuhan sa Panahon ng Katutubo ay nakatulong upang 
higit mong makilala ang pinagmulan at kultura ng ating lahi sa uri ng 
panitikang mayroon ito.
79 
PPPPaaaaggggnnnniiiillllaaaayyyyaaaannnn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
Nakatutuwang isipin na naipakita mo ang iyong husay sa pag-unawa 
ng mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at 
panggramatika sa Panahon ng Katutubo. 
Sa bahaging ito, muli kong susubukin ang iyong kaalaman sa 
kabuuang aralin upang mataya ko kung nanatili ang mahahalagang konsepto 
na iyong natutuhan. Gayundin , mahalagang maipamalas mo sa bahaging ito 
ang iyong kabatiran kung bakit kailangang maunawaan ang mga akdang 
pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo tulad ng 
karunungang-bayan ( salawikain, sawikain at kasabihan ), alamat , at 
epiko. 
Subukin mo muling paganahin ang iyong isipan sa tulong ng pagsagot 
sa sumusunod na gawain: 
Karunungang- bayan 
Alamat 
Epiko 
Panahon ng Katutubo 
Kasalukuyan 
1. Sa tulong ng mga larawan, sagutin ang sumusunod na tanong. 
a. Bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na 
umusbong sa panahon na naisulat ito? 
b. Paano mapananatili at mapapaunlad ang panitikang minana pa sa 
ating mga ninuno sa kasalukuyang panahon? 
Sa bahaging ito, ipakita mo na malaki ang tungkuling ginampanan ng 
mga araling panggramatika sa mga akdang pampanitikan upang lalong 
maging mabisa ang paghahatid ng mahahalagang konsepto.
80 
2. Paano nakatulong ang mga araling panggramatika sa kabisaan ng 
mga akdang pampanitikan? 
a. Dalawang Uri ng Paghahambing Karunungang-bayan 
Mahalaga ang paggamit ng dalawang uri ng paghahambing sa 
pagtalakay ng karunungang- bayan upang __________ ang 
______________ at _______________ ng salawikain, sawikain 
at kasabihan. 
b. Pang-abay na pamanahon at panlunan Alamat 
Nakatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-abay na 
___________ at ___________ sa ____________upang 
mabisang maipabatid ang mga ______________ . 
c. Pang-abay na pamaraan Epiko 
Ang paggamit ng mga _________________ sa __________ ay 
nakatutulong upang maging ____________ ang kilos ng mga 
_________ sa ganang ganito, magiging ______________ ang 
daloy ng mga ____________________. 
Balikan muli natin ang Map of Conceptual Change na iyong sinagutan 
sa unang bahagi ng modyul. Sa pagkakataong ito, sagutin mo ang 
Pagkatapos Bumasa. Alam ko na malinaw na sa iyo ang mga ideya at 
konsepto ng kabuuang aralin.
81 
ANTICIPATION-REACTION GUIDE 
Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos 
Bumasa 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Ang damdamin, saloobin, 
kaugalian, o tradisyon ng 
lahi kapag naisatitik ay 
tinatawag na panitikan. 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Kailanman. hindi maaaring 
magka-ugnay ang panitikan 
at kasaysayan. 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Ang Pilipinas, bago pa man 
dumating ang Español ay 
mayaman na sa panitikan. 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Hindi mababatid sa 
panitikan ang tunay nating 
pagkalahi. 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Bago pa man dumating ang 
Español ay may alpabeto 
nang ginagamit ang ating 
mga ninuno 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Ang epiko, alamat at mga 
karunungang bayan ay 
nakilala lamang ng ating 
mga ninuno noong panahon 
ng Español. 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Napatunayan ng mga 
Español na ang ating mga 
ninuno ay hindi mahiligin sa 
tula, awit, kuwento, bugtong 
at palaisipan. 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Ang panitikan ay hindi 
suma-salamin sa panahon 
kung kailan ito isinulat ito. 
Sumasang-ayon 
Di sumasang-ayon 
Binabati kita! Ipinakita mo ang husay mo sa pagsagot sa mga gawain. 
Patunay lamang ito na malalim na ang iyong pag-unawa sa mga paksang 
pinag-aralan. Ipagpatuloy mo ang iyong kahusayan. Alam kong 
magagampanan mo ang inaasahang pagganap sa pagtatapos mo sa araling 
ito – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. Muli mong gamitin ang mga 
natutuhang kaalaman at kasanayan sa pagsasakatuparan ng gawain.
82 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Nananabik ka na bang isagawa ang inaasahang 
pagganap para sa Aralin 1.1? Nais mo bang masubok ang kahusayan mo 
sa pagsasakatuparan ng gawain? Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat 
ang natutuhang mga konsepto ng mga araling pampanitikan at 
panggramatika sa kabuuan ng aralin. 
Ikaw ay kasalukuyang namamahala ng museo sa inyong lungsod. 
Isang araw, ikaw ay ipinatawag ng mayor upang ipaalam na may darating 
na panauhin sa inyong lungsod sa susunod na buwan na dadaluhan ng DILG 
secretary at ilang local officials ng iba’t ibang lungsod. Nais ng inyong 
mayor na magpakita ka ng presentasyon para sa mga artifacts at 
dokumento na nakalagak doon. Kaya naman , ikaw ay inaasahang 
makabubuo ng timeline ng mga artifacts at dokumento na matatagpuan sa 
museo. Ang timeline ay kailangang nakabatay sa sumusunod na 
pamantayan: 
Organisasyon ( Maayos ang pagkakasunod-sunod ) 
Mensahe 
Presentasyon ( Kalinawan, Biswal ) 
Makatotohanan ( Batay sa Pananaliksik) 
VII. Pangwakas na Pagtataya (para sa Aralin 1.1) 
A. Bumuo ng islogan batay sa paksa: (5 puntos) 
“ Karunungang-bayan, Dunong na Dapat Pinagyayaman”. 
B. Bumuo ng sarili mong simula at gitnang bahagi batay sa wakas ng 
alamat. Gumamit ng pang-abay ( panlunan, pamanahon at 
pamaraan ) sa pagbuo ng dalawang bahagi.Isulat sa papel ang 
iyong sagot. 
(10 puntos) 
Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa 
lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang 
pangalan ni Aging. Ang halamang iyan ay si Aging, wika ni Juana. 
Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na Agingna di nagtagal ay 
naging Saging. 
Halaw sa Alamat ng Saging
C. Sumulat ng maikling talata tungkol sa kabayanihan na dapat ipakita 
83 
ng isang Pilipino sa kasalukuyang panahon. (10 puntos) 
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga aralin sa 
Panahon ng Katutubo. Ngayong may malawak ka nang kaalaman hinggil sa 
ating panitikan noong Panahon ng Katutubo, mabuting alamin mo rin ang 
naging kalagayan ng ating panitikan sa panahon ng mananakop partikular 
noong Panahon ng Espaıol. Sa iyong gagawing pag-aaral sa susunod na 
modyul, malalaman mo kung umunlad ang ating panitikan sa panahon ng 
kanilang pananakop. Makikilala mo rin kung ano ang mga akdang 
pampanitikan na lumaganap at nakilala sa ating bansa sa Panahon ng 
Espaıol. Sa pagpapatuloy mo sa susunod na aralin, inaasahan ko na 
nasiyahan ka sa ating pagtatagpo . Ang lahat na natutuhan mo rito ay maaari 
mong magamit sa susunod na aralin. 
Aralin 1.2 : Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español 
I. Panimula at mga Pokus na Tanong 
Ang mahigit na tatlong daang 
taong pananakop at paniniil ng mga 
Español sa ating bansa ang sanhi ng 
unti-unting pagkakabuo at paglaganap 
ng damdaming makabayan at 
mapanghimagsik na mga Pilipino. 
Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa 
politika at panitikan sa Pilipinas. Ang 
dating diwang makarelihiyon ay 
Ang Krus ni Magellan sa Cebu, ang sagisag ng 
naging makabayan na humihingi ng 
pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. 
pagbabago sa pamamalakad ng 
pamahalaan at simbahan. Ang naging paksa ng panitikan ay pawang 
pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pagbibigay-payo sa mga Pilipino 
upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang minimithing 
kalayaan. At ilan sa mga panitikang lumaganap sa panahong ito ng 
paghihimagsik ang tatalakayin natin sa modyul na ito. 
Sa araling ito, matutuklasan mo ang sagot sa sumusunod na tanong sa 
tulong ng mga araling inilaan ko para sa iyo. 
1. Bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? 
2. Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa 
panahong ito? 
3. Masasalamin ba sa panitikang lumaganap ng panahong ito ang 
kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Patunayan.
84 
II. Ang mga Aralin at Ang Saklaw Nito 
Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang 
pamantayang pangnilalaman sa itaas. 
ARALIN 1.2 : Ang Panitikan sa Panahon ng ng mga Español 
Aralin 1.2.1 Panitikan: Dulang Pantanghalan 
Karagatan 
Duplo 
Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 
Aralin 1.2.2 Panitikan: Tula 
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” 
ni Andres Bonifacio 
Wika: Mga Pandiwang Ginagamit sa 
Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin 
Aralin 1.2.3 Panitikan: Sanaysay 
“Ang Katamaran ng mga Pilipino” 
ni Dr.Jose P. Rizal 
Wika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan 
III. Mga Inaasahang Kasanayan 
Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa 
pagtalakay mo sa araling ito. 
Aralin 2 
Panahon 
ng 
Español 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang 
salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang 
napakinggan 
Nakikinig nang may pag-unawa upang: 
• mailahad ang layunin ng napakinggan 
• masagot ang mga tiyak na tanong 
• maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay 
ng mga pangyayari 
Pagsasalita 
Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang pangwika na 
makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon 
tulad ng: 
• mga eupemistikong pahayag 
• matatalinghagang pahayag
85 
Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, damdamin, at 
saloobin na may kaugnayan sa paksa 
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian 
nito: 
• karagatan 
• duplo 
• tula 
• sanaysay 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa 
pamamagitan ng: 
• pagkilala sa kahulugan ng mga salita 
 kasingkahulugan at kasalungat na 
kahulugan 
 talinghaga 
• pagbibigay ng impresyon sa binasang akda 
kaugnay ng: 
 paksa/tema 
 tono 
 layon 
• pagbibigay ng hinuha batay sa: 
 mga ideya/pangyayari sa akda 
 dating kaalaman kaugnay sa binasa 
• pag-uugnay ng akda sa: 
 sarili 
 kapaligiran 
 ibang tao 
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda ay 
nakatulong upang maipabatid ang layunin ng may-akda 
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa 
mga akdang pinag-aralan 
Pagsulat 
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang 
binasa at sa: 
• pamantayang pansarili o pansariling karanasan 
• pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang 
babasahin 
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa
86 
Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa isang 
komposisyon sa pamamagitan ng isang: 
• kaakit-akit na pahayag 
• napapanahong sipi o banggit 
• serye ng mga tanong 
Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng 
pangunahin at pantulong na kaisipan 
Nawawakasan ang talata na may pangkalahatang impresiyon 
sa pamamagitan ng pagtukoy sa: 
• pangunahing kaisipan 
• pantulong na kaisipan 
Tatas 
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan 
sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo 
Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa 
komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan at 
pagkakataon 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot 
sa mga tanong at puna sa panitikang napanood, nabasa o 
napakinggan 
Estratehiya sa Pag-aaral 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral 
Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng 
pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda 
Pananaliksik 
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t 
ibang pinagkukunang sanggunian 
Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa 
isinagawang pananaliksik 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian sa aklatan/internet
87 
IV. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang konseptwal na balangkas ng araling ito na makatutulong 
upang maging gabay mo sa pag-aaral. 
Ang Panitikan sa Panahon ng Español 
Panitikan: 
Dulang 
Pantanghalan 
Karagatan 
Duplo 
Wika: Mga 
Eupemistikong 
Pahayag 
Panitikan:Tula 
“Pag-ibig sa 
Tinubuang 
Lupa” ni Andres 
Bonifacio 
Wika: Mga 
Pandiwang Ginagamit 
sa Pagpapahayag ng 
Emosyon o 
Damdamin 
Panitikan: Sanaysay 
“Ang Katamaran ng 
mga Pilipino” ni Dr. 
Jose P. Rizal 
Wika: Pangunahin at 
Pantulong na Kaisipan 
Marahil ay handang – handa ka na sa ating gagawing pag-aaral. 
Alamin natin ang tungkol sa ilang akdang pampanitikang lumaganap matapos 
ang Panahon ng Katutubo, ang Panahon ng mga Español, partikular sa 
Panahon ng Himagsikan.
88 
V. Panimulang Pagtataya 
Alamin natin kung ano na ang mga alam mo sa araling ito. Basahin at 
unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay 
nito. Sikaping sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang 
pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga 
aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot 
habang pinag-aaralan mo ang araling ito 
Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 
1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo? 
a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya. 
b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan. 
c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan. 
d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga 
kalahok. 
2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga 
Pilipino sa pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? 
a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga. 
b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may 
sukat at tugma. 
c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari. 
d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran 
o walang paghahanda. 
3. Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o 
itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito 
sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito? 
a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon. 
b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino. 
c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino. 
d. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang 
pananampalataya.
4. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila 
89 
rin ang nagtatalo? 
a. bilyako/bilyaka 
b. mambibigkas 
c. manunula 
d. prinsipe/prinsesa 
5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas 
ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa 
pagtula? 
a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag. 
b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng 
Mambibigkas sa paaralan. 
c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula. 
d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula. 
6. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at 
sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan 
ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng 
paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay 
lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa 
kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa 
pagdaraos nito? 
a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag-aaral 
sa paaralan. 
b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan. 
c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop. 
d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula. 
7. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng 
eupemistikong pahayag? 
a. tapat c. madaling umunawa 
b. magalang d. malumanay magsalita 
8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang 
pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan? 
a. pag-ibig sa bayan 
b. mga kaugaliang Pilipino 
c. pagmamahalan ng pamilya 
d. pagpupuri sa pamahalaang Espaıa
9. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga 
90 
Espaıol? 
a. Nakipag-usap sa kinauukulan. 
b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang 
damdaming makabayan ng mga Pilipino 
c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga 
Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espaıol. 
d.Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espaıa. 
10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na 
nasa anyong________. 
a. prosa c. pasalaysay 
b. patula d. tuluyan 
VI. Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Simulan mo na ang pag-aaral upang sa gayo’y matuklasan mo 
kung bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? Anong 
damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? 
Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayang 
panlipunan at kultura ng bansa? Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan 
mo ng hinuha ang tanong na nasa loob ng kahon. Sagutin mo muna ang 
tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul 
na ito, sagutin mo na ang huling kolum, ang L.
91 
K 
Ano ang alam mo na? 
(What do you know?) 
W 
Ano ang nais mong 
malaman? 
(What do you want to 
find out) 
H 
Paano mo makikita 
ang nais mong 
maunawaan? 
(How can you find out 
what you want to 
learn?) 
L 
Ano ang iyong 
natutuhan/ 
naunawaan? 
What did you learn?) 
Masasalamin 
ba sa 
panitikan ang 
kultura o 
kalagayang 
panlipunan ng 
isang bansa 
sa panahon at 
lugar na 
isinulat ito? 
Patunayan. 
Bilang patunay na naunawaan mo na ang nilalaman ng modyul na ito, 
ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, 
damdamin at saloobin sa kasakuluyang kalagayan ng ating bansa sa 
masining na paraan. Simulan na ang pagsagot sa mga gawaing inilaan para 
sa iyong pag-unawa. 
GAWAIN 1.2.1.a: BAYANITIKAN 
Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino na 
nagpahayag ng damdamin sa kani-kanilang panulat. Alamin ang damdaming 
namayani sa kanilang mga isinulat. Gayundin, kung masasalamin ba sa 
kanilang isinulat ang kalagayan ng bansa sa kanilang panahon? Basahin at 
unawain ang bawat saknong. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa 
angkop na akda nang nakalarawang manunulat. 
Paalam na, Ina, itong Pilipinas, 
Paalam na, Ina, itong nasa hirap, 
Paalam, paalam, Inang walang habag, 
Paalam na ngayon, katapusang tawag. 
-mula sa Katapusang Hibik ng 
Pilipinas
92 
Jose P. Rizal A 
Idalanging lahat yaong nangamatay, 
nangagtiim hirap na walang kapantay; 
mga ina naming walang kapalaran 
na inihihibik ay kapighatian. 
- mula sa Huling Pahimakas 
B 
Marcelo H. Del Pilar B 
Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong 
bayan, sapagkat ikaw lamang ang tunay 
na nakapagmamalasakit sa kanyang 
kadakilaan at ikatatanghal, palibhasa’y 
ang kanyang pagdakila ang magdadala sa 
iyo ng lahat mong kailangan at ang 
kanyang pagtatanghal ang siya mong 
kabantugan at kabuhayang walang 
hanggan. 
Apolinario Mabini C 
“Pinupuri ko sila. Sila’y kabataang may 
pagkakaisa at paninidigan. Dapat silang 
magsimula: ang kanilang pagtutol ay 
makatawag na ng pansin. 
- mula sa Fray Botod 
D 
Emilio Jacinto 
Inaalo ng ina ang anak, idinuyan sa mga 
bisig at wari bagang ibig bigyan ng 
lakas ang yayat na katawan niyon na 
halos takasan na ng buhay. 
- mula sa Impresiones 
E
“Sa cadaquilaang ito, sino kaya sa mundo ang sa 
caniya’y macacahuad? Huwag na ang sa gawang 
lumicha, huag na sa pagdudulot ng buhay at 
kaligayahan, may puso caya baga sa lupang 
pagmamahal? May puso caya baga sa lupang 
macapamumuhunan nang buong pag-irog sa iyo 
cahit sucat nang wala cang igaganti cundi 
catampalasan? 
93 
Graciano Lopez Jaena 
Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko 
ay matuto kaya na kumuhang halimbawa 
at lakas sa pinagdaanang mga hirap at 
binatang mga kaapihan? 
F 
- mula sa Ang Ningning at Liwanag 
Andres Bonifacio F 
- mula sa Ang Cadaquilaan nang Dios 
G 
Mahusay , kung nasagot mo nang tama ang lahat ng bilang. Kung hindi 
naman, huwag kang mag-alala at gagabayan ka ng modyul na ito para higit 
mong maunawaan ang tamang sagot sa bawat tanong. 
Sa unang aralin, aalamin natin kung paano ipinahayag ng mga Pilipino 
ang kanilang pananaw, saloobin, at damdamin sa panahong ito. Makatutulong 
sa iyong pag-aaral ang mga gabay na tanong sa ibaba. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Naniniwala ka ba na ang mga Pilipino mula noon hanggang sa 
kasalukuyan ay may likas na hilig sa pagtula? 
2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang husay sa palitan ng opinyon at 
pagsagot sa mga talinghaga? 
Ang pag-aaral ng akdang pampanitikan anoman ang anyo nito ay 
naglalayong magbigay ng mabuting bisa sa kaasalan ng tao tulad ng 
pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng 
magandang uri ng pagpapahayag.
94 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang 
karagatan at duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang 
mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. 
Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa 
loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. 
Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang 
sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. 
Gayundin, kung masasalamin ba ang kultura ng mga Pilipino sa mga ganitong 
uri ng akdang pampanitikan? 
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag 
ng iyong sariling pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa kaugaliang 
Pilipino sa kasalukuyan gamit ang wika ng kabataan. Maaari mo nang gawin 
ang kasunod na mga gawain. 
GAWAIN 1.2.1.b : PICK-UP LINES… Tunog-Makata 
Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain 
ng kabataan, maging ng nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin 
ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito sa ikaapat na bahagi ng 
papel. 
1. Bangin ka ba? … Bakit? 
2. Kape ka ba? … Bakit? 
____________________________________
95 
3. Pustiso ka ba? … Bakit? 
________________________________ 
4.Kumain ka ba ng asukal? … Bakit? 
_____________________________________ 
5. Surgeon ka ba? … Bakit? 
_______________________________ 
Marahil ay ganito ang iyong isinagot. 
1. Bangin ka ba? Bakit? Nahulog kasi ako sa’yo. 
2. Kape ka ba? Bakit? Ninenerbiyos kasi ko sa’yo e. 
3. Pustiso ka ba? Bakit? Kasi, I can’t smile without you. 
4. Kumain ka ba ng asukal? Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo. 
5. Surgeon ka ba? Bakit? Kasi ikaw lang ang 
nakapagbukas ng puso ko. 
Nakatutuwa ‘di ba? Simple pero may dating, sabi nga. Sa ganitong 
paraan, mabisa mo kayang maipararating sa iyong kapwa ang nais mong 
sabihin? Paano? Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarili mong pick-up 
lines. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.
96 
To... 
Cc... 
Subject: 
SEND 
Ang iyong ginawa ay ilan lang sa mga paraan kung paano ka 
makapagbibigay ng iyong pananaw, saloobin at damdamin. Samantala, sa 
Panahon ng Español, paano nga ba ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang 
pananaw, saloobin at damdamin? 
Matutunghayan mo sa susunod na pagtalakay ang mga gawaing 
nagpapakita ng katangian at paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa 
nabanggit na panahon. 
GAWAIN 1.2.1.c : SINING: KARAGATAN AT DUPLO 
Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na 
iyong matutunghayan. 
Ang Karagatan 
1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula. 
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang 
dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. 
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. 
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang 
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing. 
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay. 
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring 
pagkaing-nayon. 
7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga. 
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro. 
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan 
ng dalaga ng talinghaga. 
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan 
ng tabong may tandang puti. 
11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang 
sagutin ang talinghaga. 
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. al
97 
Basahin at unawain. 
Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng 
pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong 
ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng 
Unibersidad ng Manuel L. Quezon. 
ANG KARAGATAN 
(May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng 
pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid 
ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.) 
Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di 
pa nagagatungan. 
Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y 
makakain. 
Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit 
na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. 
Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t 
naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; 
ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di 
matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, 
mga kanayon ano’ng kailangan? 
Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan. 
Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng? 
Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan 
rin ninyo ang masusunod. 
Ingkong Terong: At kayong apat? 
Apat na Lalaki : Opo.
Ingkong Terong: Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga 
ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). 
Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang 
sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). 
At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig 
upang makuha ang singsing. 
98 
Mga Tao: (Palakpakan) 
Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang 
nailunod na talisuyo sa karagatan. 
Berting: Magandang gabi sa inyong lahat 
Mga nariritong kanayon ni Neneng 
At sa iyo mutya’y muling nagpupugay. 
Ipinangangakong nahulog mong singsing 
Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay 
Tanda ng pag-ibig na walang hangganan. 
Dahilan sa ako’y siyang nakabunot 
Ng palitong itong nagpapahintulot 
Ako ay sumisid sa dagat ng nais 
At ang iyong singsing ay aking makamit 
Ay katunayan nang Diyos ang pumili 
Na ako ngang ito’y siya mong itangi. 
Sumisid sa singsing na aking hinulog 
Subalit ‘di upang siyang maging irog 
Kundi idaan lang muna sa pagsubok 
Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito 
At singsing kong ito ay nang maangkin mo 
Ang singsing na itong linso’t walang bato 
Turan mo’ng simula at ang dulo nito. 
Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat 
Na ‘di matatarok ng isip kong pahat. 
Kaya’t iyong singsing nais mang makuha 
Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
99 
Kulas: Ang pagkakatao’y isalin sa iba 
Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya 
Akong nabunot ng pang-ikalawa 
Inaangkin hirang kanyang karapatan 
Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong 
Na siyang panumbas sa iyong pag-irog. 
Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin 
Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing. 
Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo 
Mayroon ngang simula at may wakas ito 
Ang simula’y bilog nito na panloob 
At ang katapusa’y panlabas na bilog. 
Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig 
Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog. 
Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto 
Kaya’t heto naman ang para sa iyo; 
Nang ika’y parito, pamula sa kanto 
Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? 
May ilaw ay ilan, iyo sanang turan 
Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo? 
Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan 
Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing 
Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko: 
Bahay, pito lamang at sa mga ito’y 
Aking natandaan, apat ang may ilaw- 
Ito’y patotoong isip ko’y malinaw. 
Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan 
Kaya’t isasalin itong aking tanong 
Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong 
At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. 
Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo 
Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y: 
Pamula sa kanto at hanggang sa rito 
Walang bahay ni ilaw akong natandaan 
Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
100 
Mga Tao: (Palakpakan at kantiyawan) 
Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin 
Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin 
Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo 
Hindi tumatapon walang ligwak ito? 
Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon: 
Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo 
Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo 
Ay isang malaki’t mabisang magneto; 
Hinihigop nito ang lahat ng narito 
At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo. 
Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo! 
Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan 
Paanong buwang sa langit ay tanglaw 
Aking mahihipo’t mapaglalaruan? 
Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang 
Kung talagang ako ay sadyang mahal mo 
Paiirugan mo ang hiling kong ito. 
Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, 
Noong ako’y munti’t pinalalaki mo. 
Isang paborito’t ibig kong kuwento 
Ay siyang panugon sa tanong na ito. 
Sa pamamagitan ng isang salamin 
Minumutyang buwan ay pabababain 
Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw 
Mapaglalaruang buwang hinihiling. 
Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... 
Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. 
Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong 
Singsing na nahulog aking sisisirin 
Sukdang ikapugto ng hiningang tangan 
Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.
101 
Neneng: Ako’y nangangamba, ako’y natatakot 
Na ang huling tanong kaniyang masagot 
Itong karagatan isang laro lamang 
Ngunit paglalarong birong totohanan 
Ayoko na yatang ito ay ituloy 
Baka sa sagutan ako’y maparool. 
Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako. 
Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. 
Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko 
Na magpulot-gata sa bayang Mindoro 
Na ating sasakya’y binalsang kawayan 
Na bigkis ng lubid na pawang hinabi 
Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili. 
Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita 
Kaya’t imposible’y pag-aariin pa 
Lubid na buhangin, aking pipiliin 
Kung pababaunan ng aking pagkain 
Bawat isang linggong kakailanganin 
Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin. 
Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling 
Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin? 
Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling 
Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring? 
Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw 
Ikaw ay may wikang tapat at matining 
Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin 
Inakalang tapat ikaw sa paggiliw 
Kaya’t sa problemang aking 
Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din 
Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin 
Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.
102 
Neneng: Ayoko’t ‘di tama! ‘Di pala kasal, 
Ni walang sintahan ay mag-aasawa na. 
Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta! 
Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig 
Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig 
Kung ikaw rin lang siyang sisisid 
Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig. 
Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. 
Ako ang hahatol. Tama si Nardo. 
Ang karagata’y simula lang ng kuwento 
Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik 
At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig. 
Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.) 
Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay! 
Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino! 
(Palakpakan) 
W A K A S 
Halaw sa Panitikang Pilipino 
nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C 
Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang 
sagutin ang kasunod na mga tanong. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano ang paksa ng binasang karagatan? 
2. Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel 
kanilang ginampanan? 
3. Bakit sinasabing hindi kinakailangang “sumisid” ang binatang nais 
magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing?
Alam mo ba na … 
Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na 
gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay 
na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng 
paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga 
mambabasa. 
4. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? 
Paano tinugon ng mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo 
ito sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat. 
MATATALINGHAGANG 
PAHAYAG NA BINIGKAS NI 
NENENG 
TUGON NG MGA BINATA 
5. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang 
103 
karagatan? 
6. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga 
Pilipino batay sa larong karagatan? 
Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa 
duplo? Tunghayan mo naman kung ano ang duplo.
104 
Ang Duplo 
1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring 
mauring tulang patnigan. 
2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay 
duplera. 
3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na. 
4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa 
palad ng sinumang nahatulang parusahan. 
5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa 
kaluluwa ng namatay. 
6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya 
naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang 
bilyaka. 
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan. 
8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang 
namatay. 
9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o 
impromptu. 
10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol. 
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al. 
Narito ang halimbawa ng duplo na sadyang pinaikli at iniangkop sa 
mag-aaral na tulad mo.
105 
ANG DUPLO: 
Ang Ibon ng Hari 
Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo. 
Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo. 
Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo. 
Hari: Tribulasyon! 
Lahat: Tribulasyon! 
Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig) 
Ang komposisyon ng tanan 
ay paglalarong mahusay! 
Ang magulo ay mahalay 
Sa mata ng kapitbahay. 
Mga binibini at mga ginoo, 
Matatanda’t batang ngayo’y naririto, 
Malugod na bati ang tanging handog ko 
sa pagsisimula nitong larong duplo. 
Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal, 
Asero ang pinto’t patalim ang urang; 
Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, 
Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw! 
Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw. 
Hari: Sino ang nagnakaw? 
Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan; 
May isang aninong aking natanaw; 
Hindi sinasadya, nang aking lapitan 
Isang babae po, iyang natagpuan. 
At kitang-kita kong ikinubli niya. 
Siya’y naririto at nasa tribuna, 
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
106 
Hari: Diyata’t bilyaka? 
Sino sa kanila? 
Bilyako 1: Sa unang hanay po. 
Bilyaka 2: H’wag paniwalaan. 
Siya’y bulaan! 
(Magkakaingay) 
Hari: (Sa lahat) Katahimikan! 
(Sa Bilyako 1) Mapatototohanan? 
Bilyako 1: Ako’y nalalaan! 
Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya, 
Hindi maaari’t kami’y magkasama; 
Kami’y namamasyal ng irog kong sinta, 
Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla? 
Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino 
At pakaasahang parurusahan ko. 
Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay, 
Doon nakaupo nang buong hinusay, 
Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.) 
Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang? 
Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik, 
Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip) 
Sapagkat may sala 
Heto, palmatorya! (Akmang papaluin) 
Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari, 
Mag-isip-isip ka’t baka magkamali. 
(Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy) 
Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw. 
Aking ibubulong kung pahihintulutan. 
Hari: Nagpapahintulot!
107 
Bilyako 2: (Lalapit at bubulong) 
Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay? 
(Siyang pagdating ng abay ng reyna) 
Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala, 
Isasauli ko sa kinunang hawla; 
Kagabi po ito’y kinuha ng reyna 
Siya ay nag-aliw sa pangungulila! 
Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan! 
Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan. 
Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam 
Nang huwag ang iba ang mapagbintangan. 
Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya, 
Baka nalimutan at nalingat siya. 
Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako, 
Ngayo’y tinatapos itong larong duplo. 
Paalam sa lahat, salamat sa inyo, 
Muling magkikita pag naglaro tayo. 
W A K A S 
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.
6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang 
larong duplo sa mga lamay sa patay sa 
kasalukuyan? Bakit? 
5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting 
epekto ng dupluhan? 
4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka 
108 
Mga Gabay na Tanong: 
ang bawat isa? 
3. Paano nilalaro ang duplo? 
2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo? 
1. Tungkol saan ang binasang duplo? 
Batay sa mga impormasyong iyong binasa, magiging daan ito upang 
maunawaan mo na ang mga katangian ng karagatan at duplo bilang mga 
akdang pampanitikan.
109 
GAWAIN 1.2.1.d : SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA 
Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at 
duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga 
elemento ng mga ito. Gawin sa sagutang papel. 
KARAGATAN Mga Elemento DUPLO 
Paksa 
Mga Tauhan 
Hakbang ng 
Pagsasagawa 
Palitan ng 
Pangangatuwiran 
Hatol 
PAGKAKATULAD 
1. Paksa: ___________________________________________________ 
2. Mga Tauhan: ______________________________________________ 
3. Hakbang ng Pagsasagawa: __________________________________ 
4. Palitan ng Pangangatuwiran: _________________________________ 
5. Hatol: ____________________________________________________ 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga 
Pilipino batay sa sumusunod:
110 
pagbibigay-parangal sa namatay 
pag-aliw sa namatayan 
pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw 
paraan ng pagpapahayag 
paggamit ng mga salita 
Sa pagkakataong ito ay inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga 
tiyak na katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan 
na lumaganap sa Panahon ng Español at naging instrumento ng 
pagpapahayag ng pananaw, damdamin at saloobin ng mga Pilipino sa 
panahong iyon.
111 
GAWAIN 1.2.1.e: PAGPAPAHAYAG…SARILING REPLEKSIYON 
Masasalamin pa rin ang katayugan ng pag-iisip at pagiging masining 
sa pagsasalita na mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na 
bibigyang pansin ng susunod na gawain. 
Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang iyong 
panig? 
SITWASYON SARILING PANIG 
1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na 
ang maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap 
mo sa buhay ang maging guro sa hinaharap. 
Ngayong ikaw ay nasa hayskul na 
pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na 
kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa 
kanila na ang iyong kursong ibig pag-aralan ay 
pagiging guro? 
2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong 
paaralan ang Samahan ng mga Mag-aaral sa 
Filipino (SAMAFIL). Hinihikayat ka ng iyong 
mga kaibigan na sumali sa nasabing samahan 
ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw ay 
lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang 
pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong 
sasabihin sa kanila? 
3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa 
Araling Panlipunan. Subalit sa araw na iyon 
ikaw ay nahuli dahil may isang matanda sa 
kanto na iyong tinulungan. Naramdaman mo ang 
makahulugang tingin ng iyong mga kaklase. 
Paano mo ipahahayag ang iyong panig? 
4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong 
kaklase na totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo 
siyang kausapin upang patigilin sa ginagawang 
panunukso sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa 
kaniya?
Ugnay-Wika 
112 
5. Isa kang mag-aaral na buo ang loob para 
sabihin ang iyong nadarama sa kaklase man o sa 
guro. Isa mong bagong kaklase ang iyong 
hinahangaan. Paano mo sasabihin ang iyong 
paghanga? 
Ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na 
manatiling maayos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Napakahalaga 
ng paggamit ng angkop na salita sa pagsasaalang-alang sa damdamin ng 
iba. Sadyang ang salitang ginagamit ng tao ay tunay na repleksiyon ng 
sariling pagkatao. 
Alam mo ba na maraming paraan para mapaganda at maging 
katanggap-tanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na 
talakayan. 
GAWAIN 1.2.1.f.: EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG… 
ISAALANG-ALANG 
PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG 
Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay 
pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng 
wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na 
impormasyon. 
1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: 
a.paksa ng usapan 
b.taong sangkot sa usapan 
c.lugar 
2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na 
nagpapahiwatig lamang. 
3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais 
ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita
113 
at kinakausap. 
Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa 
tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay 
naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. 
Sa halip na sabihing: Gumagamit ng: 
1. patay sumakabilang buhay 
2.nadudumi tawag ng kalikasan 
3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay 
4. katulong kasambahay 
Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang 
iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning 
hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng 
magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan 
ang mga ito ng eupemismo. 
4. sugarol 
1. pakialamero 
2. maarte 
3. tsimay 
5. mayabang
Natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa araling ito. Handa ka 
na sa mga gawaing tutulong sa iyo na palalimin pa ang iyong kaalaman. Sa 
bahaging ito ng iyong pag-aaral, ang mga gawaing inihanda ay naglalayong 
pagtibayin ang mga nabuong pag-unawa at kasanayan. Marahil, unti-unti mo 
nang nakita ang bakas ng nakaraan, ang naging paraan ng mga Pilipino sa 
kanilang pagpapahayag noon at ang paraan naman ng pagpapahayag sa 
kasalukuyan. Pareho itong nagpapakita ng bahagi ng kulturang Pilipino. 
114 
GAWAIN 1.2.1.g: MAGTAGALOG WALANG SAKITAN 
Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng 
kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod 
na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala. 
Gawing gabay ang kasunod na mga saknong. 
Ang pagtatalo ay isang laro ng isipan 
Walang sakitan ng katawan pati ng kalooban 
Ingatan ang salitang bibigkasin at bibitawan 
Dahil ang totoo’y paksa lang ang pagtatalunan. 
Subuking sagutin ang isyu ngayon 
Ako ay nasa panig ng pagsang-ayon 
Samantalang ikaw ay lubos na di- umaayon 
Pagkakaiba ng mga pananaw sa mundo’y 
nagpapayabong. 
PAKSA 
Ang paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan ang 
sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas ng 
maraming anak/kabataan. 
SALUNGAT 
SANG-AYON
Sa pagkakataong ito, sinikap mong makapagpahayag nang may sining 
sa isang paksa. Tulad ng karagatan at duplo, sinikap mong humabi ng mga 
taludturan na ginamitan ng mga salitang higit na nakabubuti kaysa 
nakapananakit. Mahusay na napagsama-sama mo ang iyong kaalaman sa 
tula, paraan ng pagpapahayag at paggamit ng magagandang pahayag. 
115 
GAWAIN 1.2.1.h: BUUIN: KONSEPTONG NATUTUNAN 
Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang 
tinalakay. 
 Ang karagatan at duplo ay mga 
_________________________________ 
 Ito ay nagpapakita ng 
_________________________________________ 
 Makikita sa kulturang Pilipino ang 
_______________________________ 
 Sa pagpapahayag, mahalagang isaalang-alang ang 
___________________ 
 Maaaring magkaroon ng pagtatalong 
_____________________________ 
 Sa kasalukuyan, ito’y yamang 
___________________________________ 
Binabati kita! Pinatunayan mo sa iyong mga sagot na ikaw ay maaari 
nang sumubok sa pangwakas na gawain.
116 
GAWAIN 1.2.1i : NAIIBANG FLIPTOP 
Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong 
komunidad, sa youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang 
iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang kasunod na pormat. 
Mga Napansing Positibong Mensahe 
at Paraan ng Paggamit ng Wika 
FLIPTOP 
Mga Napansing Negatibong 
Mensahe at Paraan ng Paggamit 
ng Wika 
1. 
2. 
3. 
1. 
2. 
3. 
Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang 
pagtatalo gamit ang fliptop? Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang 
napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng magkatalong panig 
na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng 
magkatunggaling panig gayundin kung paanong hihikayatin ang mga 
tagapanood na karaniwang nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang 
hiyawan at palakpakan. 
Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong 
komunidad, at ang mga kalahok ay ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw 
ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga tagapamahala. 
Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa 
entablado. Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod: 
Pamantayan Bahagdan 
1. kabuluhan ng paksa 25 
2. kalinawan ng paninindigan 20 
3. kahusayan sa paggamit ng mga eupemismong 
pahayag 
25 
4. wastong gamit ng mga salita 15 
5. ideya ng pagtatalo 15 
KABUUAN 100
Ngayon ay napagtagumpayan mo ang mga gawain sa paksang 
karagatan at duplo. Alam kong handa ka na para pag-aralan ang susunod na 
akda na kinilala sa Panahon ng Español – ang tula. 
117 
Aralin 1.2.2: TULA 
Sa araling ito, tatalakayin natin ang isa sa mga tula na umusbong sa 
panahon ng pananakop ng mga Espaıol. Ito ang “Pag-ibig sa Tinubuang 
Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Tatalakayin natin ang 
nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula bilang isa sa mga anyo ng 
panitikang Pilipino. Pag-aaralan mo rin ang mga pandiwang magagamit 
upang higit na maipadama ang ating emosyon o damdamin. Magiging tulong 
ang kasunod na tanong. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa panahong isinulat ni 
Andres Bonifacio ang tula? 
2. Paano ipinahayag ng may akda ang kaniyang emosyon o damdamin 
sa kaniyang isinulat na tula? 
3. Ipaliwanag kung ano ang nakatulong upang mabisang maiparating ng 
may- akda sa mga mambabasa ang kaniyang emosyon o damdamin? 
Bago natin simulan ang pag-aaral, sagutin mo muna ang mga gabay na 
tanong batay sa iyong nalalaman. Dugtungan ang kasunod na pahayag. 
Mabisang naipahayag ni Andres Bonifacio ang kaniyang 
damdamin sa pamamagitan ng 
___________________________________________________ 
___________________________________________________ 
___________________________________________________ 
___________________________________________________ 
___________________________________________________ 
___________________________________________________ 
__________________ 
Magkasama nating aalamin kung tama ang sagot sa pamamagitan ng 
pag-aaral at pagsasagawa ng mga gawain sa araling ito. Ang lahat ng iyong 
matututuhan ay makatutulong upang maisagawa mo nang buong husay ang 
inaasahang produkto. Bilang patunay na talagang naunawaan mo ang aralin, 
inaasahang ikaw ay makasusulat ka ng iyong sariling tula na magpapahayag 
ng iyong damdamin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ninyong sariling 
lugar o ng ating bansa.
Ang iyong layunin sa bahaging ito ay mabasa at masuri ang tulang 
“Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ni Andres Bonifacio upang nang sa 
gayo’y malaman mo kung paano niya ipinahayag ang masidhing 
pagmamahal sa bayan. Upang lubos mong mapahalagahan ang tula, kilalanin 
mo muna si Andres Bonifacio. 
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 
1863. Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de 
Castro. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni 
Guillermo Osmenia ng Cebu. Sa gulang na 14, ang 
kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan 
siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang kapatid 
na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga 
kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na 
pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan. 
Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng 
Fleming and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang 
mga paninda. Subalit ang kaniyang kinikita ay hindi pa rin sapat na 
pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and Company 
bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya 
naging matatag siya sa kaniyang trabaho. 
Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa 
pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting 
aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at 
El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang Les Miserables ni 
Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at 
Himagsikang Pranses, at iba pa. Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga 
tula at isa na rito ang sikat na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”. 
118
Ang nabasa niyang mga aklat ang naging dahilan upang makaramdam 
siya ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español. Naitatag din 
niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng 
mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina Ladislao 
Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si 
Gregoria de Jesus ang naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay 
mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. 
Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan 
noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magsimula, ang Katipunan 
ay natuklasan na ng mga Español. Mahigit sa 1,000 katipunero ang sumama 
sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Dahil sa 
kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila 
nagtagumpay. Ito ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si 
Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na 
magkaisa. 
Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang 
namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa 
isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano 
Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim. 
119 
Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit 
niya ang kaniyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, 
upang mapawalang bisa ang halalan. Lumipat siya sa Naic, Cavite at bumuo 
ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga sundalong Español sa 
pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang 
Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang binigyan 
ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang 
gawain. 
Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat
sa Indang, pagkatapos ay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni Aguinaldo 
na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala siya ng kaniyang mga tauhan 
dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa 
kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng sentensiyang 
bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang 
nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite 
noong ika-10 ng Mayo, 1897. 
Ibahagi ang iyong naging damdamin pagkatapos mong malaman ang 
ilang mahahalagang bahagi sa buhay ni Andres Bonifacio. Isulat sa sagutang 
papel. Gayahin ang pormat na pagsusulatan ng mga sagot. 
Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, suriin mo kung masasalamin 
ba sa tula ni Andres Bonifacio ang buhay at mga karanasan na kaniyang 
pinagdaanan? Nakaragdag ba ang mga ito upang mabisa niyang maipahayag 
ang kaniyang emosyon o damdamin sa tulang kaniyang nilikha? 
120
121 
Basahin at unawain: 
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 
ni Andres Bonifacio 
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya 
sa pagkadalisay at pagkadakila 
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? 
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. 
Pagpupuring lubos ang palaging hangad 
Sa bayan ng taong may dangal na ingat, 
Umawit, tumula, kumanta't sumulat, 
Kalakhan din niya'y isinisiwalat. 
Walang mahalagang hindi inihandog 
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, 
dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, 
Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. 
Bakit? Alin ito na sakdal laki, 
na hinahandugan ng buong pagkasi, 
Na sa lalong mahal nakapangyayari, 
At ginugugulan ng buhay na iwi? 
Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan: 
Siya'y ina't tangi sa kinamulatan 
Ng kawili-wiling liwanang ng araw 
Na nagbigay-init sa buong katawan. 
Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, 
Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal, 
Mula sa masaya't gasong kasanggulan 
Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan. 
Sa aba ng abang mawalay sa bayan! 
Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, 
Walang alaala't inaasa-asam 
Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
122 
Pati ng magdusa't sampung kamatayan 
Wari ay masarap kung dahil sa bayan 
At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! 
Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. 
Kung ang bayang ito'y masasa-panganib 
At siya ay dapat na ipagtangkilik, 
Ang anak, asawa, magulang, kapatid; 
Isang tawag niya'y tatalikdang pilit. 
Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay 
Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan 
At walang tinamo kundi kapaitan, 
Hayo na't ibangon ang naabang bayan! 
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak 
Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat, 
Ng bala-balaki't makapal na hirap, 
Muling manariwa't sa baya'y lumiyag. 
Ipahandug-handog ang buong pag-ibig 
At hanggang may dugo'y ubusin itigis; 
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid 
Ito’y kapalaran at tunay na langit! 
GAWAIN 1.2.2.a: PAGLINANG NG TALASALITAAN 
Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang 
mahihirap na salitang ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga 
ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot. 
Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na 
may kaugnayan sa tula. Gawin sa isang buong papel. 
isinisiwalaiiisssiiinnniiisssiiiwwwaaalllaaatttt 
. 
__________________ 
ssssaaaakkkkbbbbiiiibbbbiiii 
__________________ 
iiiittttiiiiggggiiiissss 
__________________ 
ttttaaaattttaaaalllliiiikkkkddddaaaannnn 
__________________ 
lllluuuummmmiiiiyyyyaaaagggg 
__________________
123 
aaaa.... iiiittttaaaappppoooonnnn 
bbbb.... uuuummmmiiiibbbbiiiigggg 
cccc.... ttttaaaattttaaaalllliiiikkkkuuuurrrraaaannnn 
dddd.... iiiinnnniiiillllaaaabbbbaaaassss////iiiippppiiiinnnnaaaaggggssssaaaassssaaaabbbbiiii 
eeee.... kkkkaaaalllliiiiggggaaaayyyyaaaahhhhaaaannnn 
ffff.... mmmmaaaattttiiiinnnnddddiiiinnnngggg kkkkaaaalllluuuunnnnggggkkkkuuuuttttaaaannnn 
GAWAIN 2: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
GAWAIN 1.2.2.b: SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 
Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang iyong naunawaan 
tungkol sa nilalaman ng tulang iyong binasa. Sagutin nang matapat ang 
mga tanong at gawain upang matamo mo ang iyong hinahangad na 
maunawaan at maisagawa sa pagtatapos ng aralin. 
1. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may-akda 
para sa kaniyang bayan? Ipaliwanag. Iguhit din ang 
maaaring sumagisag sa pag-ibig na ito. 
TTTTaaaallllaaaattttaaaa:::: 
Iguhit dito ang simbolo/sagisag: 
Paliwanag: 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________
2. Anong panahon naisulat ang tula? Ano ang kalagayang 
panlipunan ng Pilipinas ng panahong naisulat ng may-akda ang 
tula? Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol dito at itala sa 
tulong ng Rays Concept Organizer. Gawin sa papel. Gayahin 
ang kasunod na pormat. 
3. Sa kasalukuyan, paano maipakikita ang iyong pagmamahal 
sa bayan? Muli, gumuhit o gumupit ng simbolo na 
magpapakita ng iyong pag-ibig sa bayan. Gawin sa maiksing 
coupon bond. 
4. Si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay may magkaibang 
pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Magtanong sa iyong 
kakilala na sa iyong palagay ay makatutulong upang 
malaman mo ang kani-kanilang pananaw. Ilahad mo ang 
mga ito. Pagkatapos, bumuo at ibahagi mo naman ang iyong 
sariling pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Isulat ang 
sagot sa papel. 
5. Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig 
sa bayan ang paksa. Sipiin mo ito at ihambing sa tulang isinulat 
ni Bonifacio. 
124 
Rizal sarili 
Bonifacio 
pag-ibig sa bayan
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Ibang tula 
____________________________ 
____________________________ 
____________________________ 
____________________________ 
__________________ 
____________________________ 
____________________________ 
____________________________ 
____________________________ 
____________________________ 
__________ 
6. Ano ang iyong naramdamam pagkatapos basahin ang dalawang 
Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang 
nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita 
at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at 
masining bukod sa pagiging madamdamin. 
Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, 
samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig 
sa bawat taludtod ng saknong. 
May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil 
sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling 
salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at 
lalabindalawahing pantig ang sukat. 
125 
tula? 
7. Mabisa bang naipahayag ng mga sumulat ang kanilang 
damdamin sa isinulat nilang tula? Ano kaya ang nakatulong 
upang maisagawa nila ito nang mabisa? Ipaliwanag. 
Alam mo ba na… 
8. Balikan ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, at subuking 
sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa papel ang sagot. 
Tanong Sagot 
a. Ilang taludtod mayroon ang tula? 
b. Ilang saknong mayroon ang tula? 
c. Ano ang sukat ng tula? 
d. May tugmaan ba ang mga dulong salita ng 
bawat taludtod ng mga saknong? 
Patunayan. 
e. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang 
magkakatugma sa bawat taludtod ng mga 
saknong ng tula?
9. Nakatulong ba ang mga elemento ng tula upang mabisang 
maipahayag ng may-akda ang kaniyang emosyon o damdamin? 
Ipaliwanag. 
10. Muli, maghanap ng isa pang tradisyunal na tula na 
nagpapahayag ng emosyon o damdamin. Sipiin mo ito sa iyong 
notbuk at pagkatapos ay suriin. Makatutulong sa iyo ang mga 
gabay na tanong sa gagawin mong pagsusuri. Gamitin ang 
pormat sa ibaba. Gawin sa papel. 
126 
A ng may-akda ng tula (maikling talambuhay) 
Pamagat ng Tula
127 
Sagutin mo naman ang sumusunod na tanong. Gawin sa papel. 
1. Ano ang emosyon o 
damdaming ipinahahayag ng 
may-akda sa kaniyang tula? 
2. Ano ang nakatulong upang 
mabisang maipahayag ng 
may -akda ang kaniyang 
emosyon o damdamin? 
3. Ano ang iyong naging damdamin 
matapos mong mabasa ang tula? 
Bakit ito ang iyong naramdaman? 
Ipaliwanag. 
4. Ilang taludtod mayroon ang tula? 
5. Ilang taludtod mayroon ang bawat taludtod? 
6. Ilan ang sukat ng taludtod? 
7. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma 
sa bawat saknong. 
Buong husay mong naisagawa ang mga gawain. Marahil ay 
nauunawaan mo na kung paano mabisang maipahahayag ng isang tao 
ang kaniyang emosyon o damdamin? Paano nga ba? Tingnan ko nga 
kung alam mo na. Dugtungan mo lamang ang pahayag na ito. 
Mabisang maipahahayag ng isang tao ang kaniyang 
emosyon o damdamin kung _______________________ 
___________________________________________ 
___________________________________________ 
___________________________________________ 
___________________________________________ 
___________________________________________
128 
Pero hindi lamang iyan. Mayroon pang makatutulong kung paano 
natin maipahahayag ang ating emosyon o damdamin. Alamin natin. 
GAWAIN 1.2.2.c: EMOSYON MO... IPAHAYAG MO 
Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating 
damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa 
pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang paggamit 
ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama. 
Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o 
panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o 
galaw. May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin 
tulad ng sumusunod:(ilan ito sa makikita sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang 
Lupa”). 
1. Isulat sa kabilang kolum ang damdaming ipinahahayag ng bawat 
pandiwa. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat. 
Mga Pandiwang Nagpapahayag 
ng Emosyon o Damdamin 
Emosyon o Damdamin 
pagpupuring lubos 
buong pagkasi 
sakbibi ng lumbay 
wari ay masarap 
tunay na langit 
1. a. Balikan ang isa sa mga tulang ipinahanap ko sa iyo sa mga 
naunang gawain. Itala ang mga pandiwang ginamit ng may-akda 
sa pagpapahayag ng kaniyang emosyon o damdamin. Isulat sa 
sagutang papel. 
b. Batay sa mga pandiwang ginamit ng may-akda, ano ang 
damdaming nangingibabaw sa kaniyang tula? Ipaliwanag. 
c. Ikaw naman ang magpahayag ng iyong damdamin. Sagutin mo 
lamang nang tapat ang kasunod na tanong. “Ano ang iyong 
nararamdaman sa mga oras na ito?” Gawin mo sa papel.
Pagkatapos mong maunawaan ang iba’t ibang konsepto kaugnay ng 
129 
araling ito, palalimin pa natin ang iyong pag-unawa sa susunod na bahagi. 
Ang iyong layunin sa bahaging ito ay higit pang mapalalim ang iyong 
pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyong isipan 
dahil ito ang tulay upang maisagawa mo nang buong husay ang inaasahang 
produkto na isasagawa mo sa pagtatapos ng araling ito. 
GAWAIN 1.2.2.d: ALAM KO NA… 
Higit mong 
maipahahayag ang 
iyong emosyon o 
damdamin kung… 
Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutuhan sa aralin? Paano 
mo ito gagamitin sa iyong sariling buhay? May nabago ba sa iyong sarili, 
matapos mong maunawaan ang mga konseptong ito? Ibahagi. Ngayon ay 
nakahanda ka nang ilipat ang iyong natutuhan sa tunay na sitwasyon, nang 
sa gayo’y makita mo ang kabuluhan ng pag-aaral ng modyul na ito. 
GAWAIN 1.2.2.e : DAMDAMIN KO… ISULAT KO 
Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong natutuhan sa sitwasyong 
kasalukuyan mong ginagalawan. Ito ay ang pagsulat ng sariling tula na 
nagpapahayag ng emosyon o damdamin sa isang taong iniidolo o 
hinahangaan. Basahin ang kasunod sitwasyon.
Sitwasyon: 
Nais ng inyong Punong-bayan na parangalan ang mga taong 
nakapag-ambag o nakagawa ng kabutihan sa inyong pamayanan. Isang 
paligsahan sa pagsulat ng tula ang kaniyang idaraos. Ang tulang 
mananalo ay bibigkasin sa araw ng parangal. Magaling kang sumulat at 
bumigkas ng tula. Inaasahan ng napiling Lupon ng Inampalan na ang 
kalahok na mga tula ay isusumite sa kanila isang buwan bago ang araw 
ng parangal. Huhusgahan ang tula batay sa sumusunod na pamantayan: 
a) orihinal, b) taglay ang mga elemento ng tradisyunal na tula, c) 
angkop sa paksa, d) nagpapahayag ng sariling emosyon o damdamin sa 
taong hinahangaan, e) makatotohanan at f) may kariktan. 
Ano ang iyong natutuhan sa isinasagawang gawain? Makatutulong ba 
130 
ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Paano? 
Pagkatapos mong matutuhan ang tungkol sa tula bilang isa sa mga 
akdang pampanitikan, ngayon ay makikita mo ang pagkakaiba nito sa isa 
pang akdang tuluyan-ang sanaysay. 
ARALIN 1.2.2: SANAYSAY 
Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay makapagpahayag. 
Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang Español 
sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga 
Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang ipahayag 
nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin. 
Sa pagkakataong ito, isa pa ring akdang pampanitikan ang iyong pag-aaralan- 
ang sanaysay. Gayundin, makikita ang kabisaan ng isang mahusay 
na sanaysay sa pamamagitan ng maayos na pagkakahanay ng pangunahin 
at mga pantulong na kaisipan. Kung gayon, mahalagang tanong na ating 
pag-uukulan sa pag-aaral na ito ang: Paano ipinahayag ng mga manunulat 
ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa 
kanilang panahon?
Sige na, wala 
namang 
bantay,itapon mo 
ang basura sa 
Batay sa aking pag-aaral, 
lumalala ang kondisyon 
ng kapaligiran dahil sa 
tinatawag na climate 
change. 
131 
GAWAIN 1.2.3.a: KALAKASAN, KAHINAAN… 
TUKUYIN AT ITALA 
Sinasabing ang isang tao maging ang isang bansa ay nagtataglay ng 
mga kalakasan at kahinaan. Batay sa mga pahayag, tukuyin mo ang mga 
kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino. Maaari ka pang magtala ng 
karagdagang katangian at mga patunay tungkol dito. 
Bukas na lang natin ipasa 
ang proyekto.Kahit huli na 
tatanggapin naman ni 
ma’am ‘yan. 
Lola, sumabay na 
po kayo sa akin sa 
tawiran. 
Kunin na natin 
ito,kahit ba ukay, 
imported naman! 
Panalo tayo! Sabi ko 
sa iyo, dapat kaya 
nating 
makipagsabayan sa 
galing ng ibang bansa. 
Mga Gabay na Tanong: 
Umaasa akong hindi tayo 
pababayaan ng Diyos. 
Dagdagan pa natin ang 
sipag at tiyaga. 
Di na ako papasok, 
wala namang gagawin 
sa iskul,maglilinis lang! 
Manang, sobra po 
ang inyong sukli. 
Naku, kanina 
pa pala 
tumatapon ang 
tubig.Maisara 
nga ang gripo. 
1. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino batay sa mga 
pahayag? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
KALAKASAN PATUNAY KAHINAAN PATUNAY
132 
. 
2. Sa iyong palagay, paano nakaaapekto ang mga ito sa kalagayan ng 
bansa? Dugtungan ang pahayag. Isulat ang sagot sa papel. Gayahin 
ang pormat. 
Ang kalakasan ng mga Pilipino ay: 
1. 
Samantala, ang mga kahinaan ng mga Pilipino ay …(isulat sa loob 
ng alimango): 
3. Alin ang nakahihigit ang kalakasan o ang kahinaan ng mga Pilipino? 
Patunayan. 
5. 
3. 
4. 
2. 
1 
4 
3 
5 
2
133 
GAWAIN 1.2.3.b:: LIHIM NG MGA SALITA … TUKLASIN 
Tuklasin mo ang lihim ng mga salitang pinahuhulaan? Alamin mo ang 
teknik upang matukoy ang mahalagang salita na gagamitin sa sanaysay na 
iyong babasahin. 
Halimbawa: 
1. Ako ang simula ng buhay 
At simula pa rin ng umagang kayganda 
Gitna ng bahay na kongkreto 
At simula ng araw-araw na biyaya 
At katapusan ng bagay . 
Natuklasan mo ba kung anong salita ako? 
Tama, ang salita ay buhay. 
2. Ako ang simula ng katotohanan 
At katapusan ng tapat na pagsinta 
Ako ang matatagpuan sa unahan ng ligaya 
Ngunit nasa gitna ng kawalan 
Ako ang simula ng yaman ng bawat bansa 
At simula rin ng alab ng puso 
Ako ang katapusan ng pag-asa 
Ngunit simula ng nabuhay na pangarap. 
Hulaan mo ang salita. 
2. Simula ako ng elementong pinag-uusapan 
At katapusan ng mabagal na pag-unlad 
Ako ang nasa unahan ng ulap na bughaw 
Ako pa rin ang simula ng katahimikan 
Nasa gitna ng malakas na tawanan 
Ako ang nasa unahan ng simula 
At simula pa rin ng yukong walang humpay 
Ako ang katapusan ng musikang kulang sa tono 
At wakas ng nanay na ‘di matagpuan. 
Hulaan mo ang salita.
Natuklasan mo ba kung paano mahuhulaan ang mga salita? Natukoy 
mo ba na ito ay ang kalayaan at edukasyon? Tama, kung napansin mo ay 
walang kaugnayan ang mga pahayag sa bawat isa. Ang tanging palatandaan 
para mahulaan ang salita ay ang paggamit ng simula, gitna at katapusan ng 
kasunod na salita/mga salita. Kung gayon, binabati kita! Alam kong nasagot 
mo ang mga tanong at gawain sa bahaging ito. Ngayon ay handa ka na para 
sa mga gawain sa bahaging Paunlarin. 
Ang bahaging ito ng pag-aaral ay makatutulong upang lubusan mong 
makilala ang sanaysay bilang isang akdang pampanitikan. Maihahambing mo 
ito sa iba pang akdang pampanitikang pinag-aralan kung matutukoy mo ang 
katangian nito. Tutuklasin mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng 
pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa pagbuo ng sanaysay. Gayundin, 
sa pagbabasa ng halimbawang akda malalaman mo ang kaligirang 
pinagmulan at mga dahilan ng may-akda. Dahil dito, mahalagang tanong na 
dapat tandaan: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, 
kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon? 
Iyong balikan ang ilang tala sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal. 
134 
Alam mo ba na … 
(1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa 
Calamba, Laguna, araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at 
12:00 ng gabi. 
(2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda 
ay nahirapan sa panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki 
kaysa karaniwan. 
(3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang 
sa Biıan, Laguna. 
(4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat 
tatlong taong gulang pa lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto. 
Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan at sa gulang na 
walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal 
sa wika. 
(5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang 
kanyang ina. Samantala, naging guro naman niya si Justiniano 
Aquino Cruz sa Biıan, Laguna.
(6) Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila. 
Samantala, sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagsimulang mag-aral 
ng medisina subalit tinapos niya ito sa Unibersidad Central 
135 
de Madrid. 
(7) Nakapagsalita siya ng dalawampu’t dalawang wika. 
(8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula, 
nobela, sanaysay, atbp. 
(9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata, 
dalubwika, mananaliksik at pilosopo. 
(10)Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na 
ngayon ay tinatawag na Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil 
sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espaıol. 
(11)Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik: 
a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong 
bansa ay magkaisa-isang maghimagsik laban sa mga Espaıol. 
b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan. 
c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay. 
GAWAIN 1.2.3.c.: Ako At Ang Bayani 
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang tala sa buhay ng 
pambansang bayani, subukin mong isulat ang mga kaisipang naibahagi nito 
sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag. Gawin sa papel. 
Nabatid ko na ang buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay 
______________________________________________________________ 
______________________________________________________________ 
Hindi maikakaila ang marubdob na pagmamahal niya sa bayan dahil 
______________________________________________________________
______________________________________________________________ 
______________________________________________________________ 
Bilang mag-aaral, nais kong 
______________________________________________________________ 
______________________________________________________________ 
______________________________________________________________ 
136 
Nais mo bang maragdagan ang iyong pagkakilala sa pambansang 
bayani? Kung gayon, basahin ang kaniyang sanaysay. 
GAWAIN 1.2.3.d: LIGHT.: MGA KAISIPAN … HANAPIN 
AT PATUNAYAN 
Bago mo basahin ang sanaysay, nais kong lagyan mo ng tsek() ang 
mga kaisipan na sa palagay mo ay matatagpuan sa sanaysay. 
___1. Likas na tamad ang mga Pilipino. 
___2. Hindi tamad ang mga Pilipino. 
___3. Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan 
sa Panahon ng mga Español. 
___4. Isa sa dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na 
singaw ng panahon. 
___5. Ang sikap at pagkukusa ay napanatili ng mga Pilipino sa kabila ng 
di- magandang sistemang umiiral sa Panahon ng mga Español. 
___6. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na 
ipinatutupad ng pamahalaan. 
___7. Sinusuportahan ng mga Español ang mga magsasaka na ang 
pananim ay pininsala ng mga hayop o bagyo. 
___8. Ayon kay Jose Rizal, kung walang edukasyon at walang kalayaan, 
walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na 
makapagdudulot ng bungang ninanais. 
___9. Nagpapahiram ng puhunang salapi ang mga Español sa layuning 
mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.
___10.Ang mga Pilipino ay nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili at 
pagwawalang-bahala sa paggawa dahil sa malupit na sistema ng 
edukasyon. 
Ang iyong pagbabasa at pag-unawa sa sanaysay na pinamagatang 
“Ang Katamaran ng mga Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang 
magpapatunay sa mga kaisipan kung ito ay binanggit sa kaniyang 
sanaysay. 
Sikapin mong salungguhitan ang mga kaisipang napatunayan mong 
137 
tuwirang binabanggit dito. 
Ang Katamaran ng mga Pilipino 
ni Dr. Jose P. Rizal 
(Ang matutunghayan ay isang 
lagom sa Tagalog ng sanaysay na 
“La Indolencia de los Filipinos,” na 
nalathala sa La Solidaridad mula 
Ugnay-Panitikan 
noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y 
isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito 
bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. 
Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. 
Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga 
kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid 
kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang 
kaniyang mga matuwid. 
Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na 
ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang 
malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng 
mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos 
ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni 
Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa 
ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad 
kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang 
kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng 
kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa 
kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na
katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang 
bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa 
paggawang sapilitan. 
Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit 
ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, 
kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang 
makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni 
Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin 
lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan. 
Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa 
kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang 
mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa 
Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, 
pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang 
wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga 
pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang 
gaya ngayon. 
Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan 
sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay 
ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw 
pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga 
Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga 
pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming 
digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. 
Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na 
halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang 
buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili. 
Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na 
ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa 
ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, 
kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat 
upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t 
naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na 
nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo 
ang pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa 
noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng 
138
pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng 
sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino. 
Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay 
mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan 
sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t 
humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay 
hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid 
kung walang pahintulot ng pamahalaan. 
Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang 
halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, 
matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa 
para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa 
kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y 
wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling 
timbangan at takalan. 
Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng 
gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang 
pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t 
sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa 
pangangalakal. 
Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, 
mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at 
“pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa 
kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang 
kapaki-pakinabang. 
Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa 
pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa 
bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng 
pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na 
ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng 
iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at 
pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain. 
At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng 
kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong 
mayaman.” 
139
Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng 
140 
katamaran. 
Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang 
upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong 
magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang 
impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at 
iba pa. 
Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang 
pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, 
kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran. 
Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang 
Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya 
pinag-ukulan ng pansin. 
Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng 
edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal: 
“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na 
pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa 
kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa 
simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang 
bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala 
silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi 
nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling 
pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal 
na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na 
pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng 
kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang 
walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay 
siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.” 
Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay 
nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng 
mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa. 
Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan 
nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng
karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng 
pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin. 
Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi 
nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. 
Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa 
kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at 
kasaganaan ng kanilang Bayan. 
Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay 
siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang 
kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na 
makapagdudulot ng bungang ninanais.” 
141 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Tungkol saan ang sanaysay? 
2. Isa-isahin ang dahilan ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino? Isulat 
sa papel ang sagot. 
ANG KATAMARAN NG MGA PILIPINO 
1. 
2. 
3. 
4. 
5. 
6. 
7. 
8. 
9. 
10.
3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga puna ng sumulat tungkol sa 
142 
kalagayang panlipunan sa kaniyang panahon? Gawin sa papel. 
Mga Kalagayang 
Panlipunan 
Pirata, mandarambong, 
sumalakay 
Gobernador, abusado 
Sistema ng edukasyon, 
baguhin 
Malupit na sistema, 
palitan 
Sa aking palagay... 
4. Ilarawan ang damdaming nangingibabaw sa sanaysay. 
5. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa larawan. Isulat ang mga sagot 
sa papel. 
6. Sa iyong palagay, bakit isinulat ng bayani ang sanaysay? 
7. Sa kasalukuyan, naniniwala ka bang tamad ang mga Pilipino? 
Pangatuwiranan. 
GAWAIN 1.2.3.e: MAGHANAY NG DETALYE … KAYA KO! 
Pagkatapos mong basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa 
nilalaman ng sanaysay, alam kong kayang-kaya mong ihanay ang mga 
detalye ng bawat kaisipan. Isa-isahin ang mga patunay sa pahayag. Gawing 
batayan ang sanaysay. 
A. Ang pangunahing sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ay ang 
mainit na singaw ng panahon. 
B. Ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling 
sistemang pinairal ng mga Español. 
C. Ang hindi mabubuting ugali ng mga Español ay nagpalala sa 
katamaran ng mga Pilipino. 
Naihanay mo ang detalye ng kaisipang tinalakay sa sanaysay. 
Matutukoy mo ba ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan? 
Basahin mo ang sumusunod na mga impormasyon.
143 
Sanaysay 
Sinasabing ang 
sanaysay bilang akdang 
pampanitikan ay huling 
nakakita ng liwanag sa 
Ugnay-Panitikan 
larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at 
opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa. 
Uri ng Sanaysay 
Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o 
impersonal na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na 
sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal na 
sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan 
samantalang magaan ang mga paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad 
ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang kapormalan ng una ay 
nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko, 
may himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng 
impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay 
parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsa’y garapal 
ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng 
pansin sa kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay; 
kabaligtaran sa di-pormal. 
Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay 
May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2) 
naglalarawan, (3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o 
nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-siyentipiko o 
makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11) 
sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan.
144 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Batay sa mga impormasyong inilahad tungkol sa sanaysay subukin mong: 
a. paghambingin ang sanaysay na pormal at di-pormal 
PORMAL 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
_________ 
________________ 
DI-PORMAL 
_________________ 
_________________ 
_________________ 
_________________ 
_________________ 
_________________ 
___ 
_________________ 
SANAYSAY 
b. Suriin (batay sa tiyak na uri ng sanaysay) ang mga mungkahing 
pamagat ng sanaysay 
1. Si Papa at Mama 
2. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change? 
3. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay 
4. Ang Politika sa Pilipinas 
5. Isang Gabing Pagninilay 
Nagkaroon ka na ng mga kaalaman tungkol sa sanaysay bilang isa sa 
mga akdang pampanitikan. Handa ka na upang pag-aralan ang mga 
elemento na nagpapabuti sa kabuuan ng pagsulat ng sanaysay - ang 
pagtukoy sa pangunahin at mga pantulong na kaisipan. 
Bilang mambabasa, malaki ang maitutulong sa iyo ng mga 
kasanayang matatamo sa pagtukoy ng pangunahin at mga pantulong na 
kaisipan sapagkat sa ganitong paraan matitiyak kong mauunawaan mo ang 
layunin ng sumulat. Maaaring mapatunayan mo rin na ang pagbabasa ay 
isang gawaing interaktibo. 
Mga Gabay na Tanong 
1. Basahin ang sumusunod na talata. Sipiin/Kopyahin ang bawat talata. 
Salungguhitan ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing 
kaisipan at lagyan ng tsek() ang mga binilangang pangungusap na 
nagpapahayag ng pantulong na kaisipan. Gawin sa sagutang papel.
A) (1) Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para 
magtagumpay ang isang tao. (2) Ito ay nagpapalaya sa tao sa 
kamangmangan. (3) Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa 
sarili na nakatutulong sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon sa 
buhay. (4) Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan. 
(5) Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang 
kapaligiran. (6) Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na 
makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo. 
B) (1) Naging mapagpabaya ang mga Pilipino dahil sa pagpapatupad 
ng sapilitang paggawa. (2) Ang mga encomendero ay lubhang 
nagsamantala sa pamamagitan ng pagpilit sa mga magsasaka na 
ipagbili sa kanila ang mga ani sa murang halaga na naging daan 
sa pananamlay ng mga magsasaka sa paggawa sa bukid. (3) 
Sinasarili rin ng gobernador ang lahat ng negosyo at 
nawawalan ng kita ang mga magsasaka. (4) Walang dulot na 
pampasigla sa mga tao ang pamahalaan. (5) Samakatuwid ang 
sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling 
pamamalakad ng mga Español. 
C) ( 
1) Ang mga Pilipino ay mapamahiin. (2) Naniniwala sila na 
ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay nangangahulugan 
ng pagdating ng panauhin. (3) Hindi dapat tumuloy sa 
anumang lakad kung nakasalubong ng itim na pusa dahil ito’y 
hudyat ng kapahamakan. (4) Mawawala ang suwerte kapag 
nagwalis sa bahay tuwing gabi. (5) Ang pagkabasag ng salamin 
ay magdudulot ng pitong taong kamalasan. (6) Sadyang 
mapamahiin ang mga Pilipino. 
D)(1) Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino 
ang nagnanais pumuti ang balat at tumangos ang ilong. (2) 
Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles 
dahil gustong matawag na sosyal. (3) Ipinagpaparangalan sa 
mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. (4) Tunay na 
suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin 
ng mga Pilipino. (5) Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo 
sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain 
at pananaw. (6) Maging ang iba pang sistemang umiiral sa 
bansa ay mula sa mga dayuhan. 
145
Natutuwa ako sa iyo dahil natapos mo ang mga gawain sa 
bahaging nang may kahusayan. Sa pagkakataong ito ay susubok ka 
na sa susunod na gawain upang palalimin pa ang iyong kaalaman. 
Mahalagang mapagtibay mo ang mga konseptong iyong natutuhan at 
naunawaan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inilaang gawain. 
Inaasahan ko na iyong nakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga 
gawain tungkol sa mahalagang tanong na: Paano ipinahayag ng mga 
manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng 
bansa sa kanilang panahon? Sa gayon ay maihahambing mo ang 
kasalukuyang kalagayang panlipunan at kung ikaw ay bibigyan ng 
pagkakataon paano mo ito maaaring maipahayag? 
146 
GAWAIN 1.2.3.f: LARAWAN AT KAAISIPAN 
Matutunghayan mo sa ibaba ang mga larawang nagpapakita ng 
iba’t ibang kalagayan sa lipunan. Isulat sa loob ng malaking kahon ang 
pangunahing kaisipan at sa maliliit na kahon ang mga pantulong na 
kaisipan.
Lagyan ng bituin () ang larawang nagsasaad ng pangunahing 
kaisipan. Lagyan ng tsek () ang larawang tumutukoy sa mga 
pantulong na kaisipan. Pagkatapos, bumuo ng mga pahayag na 
nagpapakita ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan batay sa 
mga larawang napili. Isulat ang sagot sa mga kahon sa ibaba. Sundin 
ang pormat. 
Nakikita mo ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari noon sa 
 
kasalukuyan? Ang mga kalagayang panlipunan ngayon na ipinakikita ng mga 
larawan ay nakatutulong sa pagbuo ng mga kaisipan. Maaaring sa tulong ng 
mga ito, makakalilikha ka ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan. 
147
148 
GAWAIN 1.2.3.g: BUUIN: KONSEPTONG MAKATOTOHANAN 
Dugtungan mo ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng 
paksang tinalakay. 
 Ang sanaysay ay 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
Z Ipinabatid ng sanaysay ang tungkol sa pambansang bayani na 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
Z Sa kasalukuyan, mapaiigting ang kalakasan ng mga Pilipino 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
Z Makatutulong ako sa paglutas ng mga suliranin ng bansa sa 
pamamagitan ng 
______________________________________________________ 
______________________________________________________ 
______________________________________________________ 
Z Sa pagbabasa ng talata, makikilala ang pangunahing kaisipan 
________ 
_______________________________________________________ 
____ 
Z Samantala, ang mga pantulong na kaisipan sa isang talata ay 
______________________________________________________ 
_______________________________________________________ 
_______________________________________________________
149 
GAWAIN1. 2.3.h: MAGSULAT, MAGPAHAYAG, AT MANGAMPANYA 
Unti-unti mo na bang nakikita ang bunga ng iyong pag-aaral? Tandaan 
na napakahalaga ng pag-unawa sa aralin para sa isang mag-aaral na tulad 
mo. Ito ang magiging daan upang iyong maisagawa ang inaasahang 
produkto/ pagganap. Kaya, alam kong handa ka nang gawin ang pangwakas 
na gawain. 
Ang barangay captain sa inyong lugar ay naghahanap ng mga 
kabataang manunulat na maghahanda ng flyers (leaflet) tungkol sa 
LIGTAS-KAPALIGIRAN, SAGIP-KALIKASAN: ISANG KAMPANYA. 
Ang flyers na ito ay ipamimigay sa bawat pamilya ng nasabing barangay. 
Layunin nitong ilahad ang kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa inyong 
barangay na may malaking epekto sa kalikasan. 
Batay sa pamantayan, nararapat na magtaglay ng sumusunod ang 
flyers: 
1. Maglagay ng tatlo hanggang apat na larawan tungkol sa suliranin 
sa kapaligiran ng inyong barangay. 
2. Bawat larawan ay lalagyan ng lima hanggang pitong pangungusap 
na maglalahad ng kalagayang pangkapaligiran sa inyong barangay. 
3. Tiyaking makapagtatala ng lima hanggang pitong mungkahing 
hakbang na gagawin ng bawat pamilya para makatulong sa 
panawagan. 
4. Gawin itong kaakit-akit, malinaw, at nakapanghihikayat. 
Isaalang-alang ang sumusunod sa pagbuo ng flyers: 
Kalinawan ng mensahe sa larawan 40% 
Katiyakan at kaisahan ng mga pangungusap ayon sa paksa 50% 
Kabisaan sa panghihikayat sa mambabasa 10% 
____ 
100%
150 
Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
Tiyak kong batid mo na ang mga lumaganap na akdang 
pampanitikan sa Panahon ng Espaıol. Marahil ay humanga ka sa 
kapwa Pilipino dahil sa paraan ng kanilang pagpapahayag. Ipinakita 
sa mga akdang pampanitikang tulad ng karagatan, duplo, tula at 
sanaysay ang husay sa mabilis na pag-iisip gayundin ang kasiningan sa 
paggamit ng wika. Kaya naman patunayan mong ikaw ay nagmula sa lahing 
ito na may angking husay sa pag-iisip at pagpapahayag. 
Natutuwa ako para sa iyo sapagkat batid kong may sapat ka nang 
kaalaman tungkol sa mga panitikang sumibol sa panahon ng Espaıol. 
Natitiyak kong ang dati mong kaalaman sa simula ng pagtalakay sa aralin ay 
higit na lumawak at lumalim. Samakatuwid, sa tulong ng KWHL Sheet, ang 
nauna mong mga paghihinuha ay napagtibay na ng nakuha mong mga 
kaalaman sa kabuuan ng aralin kaya maaari mo nang sagutin ang huling 
kolum ng sheet. 
Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong 
sa kasunod na kahon sa p. 150. Nasagot mo na ang tatlong naunang kolum, 
ang KWH,hindi ba? Pagkatapos nating pag-aralan ang Aralin 1.2 ay saka mo 
sagutin ang huling kolum, ang L. 
K 
Ano ang alam mo na? 
(What do you know?) 
W 
Ano ang nais mong 
malaman? 
(What do you want to find 
out) 
H 
Paano mo makikita ang nais 
mong maunawaan? 
(How can you find out what 
you want to learn?) 
L 
Ano ang iyong natutuhan/ 
naunawaan? 
What did you learn?) 
Masasalamin 
ba sa 
panitikan ang 
kultura o 
kalagayang 
panlipunan ng 
isang bansa 
sa panahon at 
lugar na 
isinulat ito? 
Patunayan.
Binabati kita! Buong husay mong nagampanan ang mga gawaing 
inilaan ng bahaging ito ng modyul. Inaasahan kong naging malinaw sa iyo 
ang sumusunod na konsepto: 
1. masasalamin sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng 
151 
isang bansa sa panahong isinulat ito ; 
2. gumamit ng iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng duplo, karagatan, 
tula at sanaysay ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang 
pananaw, saloobin at damdamin ; 
3. mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa maayos na 
pagpapahayag; at 
4. sa kasalukuyan, makikita pa rin ang kaugnayan ng mga akdang 
pampanitikan sa buhay ng mga Pilipino. 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, 
gawin mo ang hamon sa pamamagitan ng pagtugon sa susunod na 
gawain. 
Isa kang kolumnista sa pahayagan. Maraming sumusubaybay sa iyong 
kolum/pitak. Ayon sa pamunuan ng pahayagan, iminumungkahi nilang 
talakayin mo sa iyong susunod na kolum ang paksang nauukol sa suliraning 
kinakaharap ng paparaming batang nasasangkot sa krimen o tinatawag na 
youth offenders tulad ng mga batang hamog atbp. Ang mungkahi ng 
pamunuan ay ayon na rin sa liham na natanggap nila sa mga mag-aaral sa 
hayskul na naglalayong matalakay ang paksa at makita ang paraan ng 
pagkakabuo nito sa ginagawa nilang pag-aaral. 
Inaasahan ng mga tagasubaybay ng mag-aaral ang sumusunod: 
(1) makatawag-pansing pamagat 
(2) lawak ng pagtalakay sa paksa 
(3) paglalahad ng mga datos o estadistika 
(4) wastong gamit ng mga salita 
(5) kalinawan ng mensaheng nakapaloob
152 
VII. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Aralin 1.2) 
Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano na ang iyong mga 
natutuhan sa mga paksang iyong pinag-aralan. 
I. Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga 
tanong kaugnay nito. 
1. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita 
ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga 
opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o 
isyu. 
a. tula c. dula 
b. sanaysay d. maikling kuwento 
2. Sa pagbabasa ng isang talata paano magiging madaling makita ang 
pangunahing ideya nito? 
a. Alamin ang paksa ng talata. 
b. Isa-isahin ang mga detalye. 
c. Hanapin ang mga halimbawa sa talata. 
d. Tukuyin ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa. 
3. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Pagkatapos, tukuyin ang 
pangunahing kaisipan. 
(A) Sa kasagsagan ng bagyo, isang dalagita ang nagligtas sa 
bandila ng Pilipinas. 
(B) Samantala, isang nawawalang matanda ang tinulungang 
makita ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng 
facebook sa tulong ng isang binata. 
(C) Tulad ni Ahli, araw-araw niyang inaakay ang kaniyang lolo 
na may kapansanan. 
(D) Nakatutuwang isipin na may kabataan pa rin sa 
kasalukuyan ang handang maglingkod sa kapwa at bayan.
4. Ano ang pinakamabuting maaaring ibunga ng paggamit ng 
153 
eupemistikong pananalita? 
a. Nagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. 
b. Nagpapakilala sa tao sa kaniyang kapwa. 
c. Nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming kaibigan. 
d. Naghahatid ng saya sa kausap. 
5. Ikaw ay inanyayahan ng iyong kamag-aral na dumalo sa kaniyang 
kaarawan. Subalit alam mo na hindi ka pahihintulutan ng iyong 
magulang sapagkat sa gabi isasagawa ang pagdiriwang. Paano mo 
sasabihin sa iyong kamag-aral na hindi ka makadadalo? 
a. “Pasensiya ka na kung hindi ako makadadalo kasi istrikto ang 
magulang ko.” 
b. “Ikinalulungkot ko na hindi ako makadadalo sapagkat talaga lamang 
may panuntunan kaming sinusunod sa bahay.” 
c. “ Sana ginawa mo na lang ng hapon para makadalo ako.” 
d. “Delikado ang panahon ngayon kaya hindi ako dadalo sa iyong 
kaarawan. 
6. Ang duplo bilang anyo ng panitikan ay nagtataglay na sumusunod na 
katangian maliban sa: 
a. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo 
sa palad ng sino mang nahatulang parusahan. 
b. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para 
sa kaluluwa ng namatay. 
c. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nahulog na singsing ng isang 
dalaga. 
d. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae 
ay duplera. 
7. Bakit mainam pa ring laruin ang karagatan at duplo sa kasalukuyan? 
a. Nagpapatalas ito ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o 
impromptu. 
b. Naaaliw nito ang mga namatayan. 
c. Nauuwi sa pagliligawan ang biruan lamang sa simula ng kabataan. 
d. Nasasanay magkabisado ng tula ang kabataan
154 
Basahin at unawain ang kasunod na mga saknong ng tula. Pagkatapos, 
sagutin ang mga tanong kaugnay nito. 
‘Di na kailangan sa iyo ang awa 
ng mga Tagalog, O Inang kuhila, 
paraiso naming ang kami’y mapuksa, 
langit mo naman ang kami’y madusta. 
Paalam na Ina, itong Pilipinas, 
paalam na Ina, itong nasa hirap, 
paalam,paalam, Inang walang habag, 
paalam na ngayon, katapusang tawag. 
Mula sa: “Katapusang Hibik ng Pilipinas” 
ni Andres Bonifacio 
8.Ano ang ibig sabihin ng salitang kuhila? 
a. api c. ganid 
b. taksil d. hirap 
9.Sino ang tinutukoy na Ina sa tula? 
a. Espaıa c. Hapon 
b. Pilipinas d. Amerika 
10. Alin sa mga taludtod ang angkop na kasunod ng saknong na: 
Bakit? Alin ito na sakdal laki, 
Na hinahandugan ng buong pagkasi, 
Na sa lalong mahal nakapangyayari, 
At ginugugulan ng buhay na iwi? 
a.Ay! Ito ang Inang Bayang tinubuan b. Siya’y Ina’t tangi kinamulatan 
b.Ng kawili-wiling liwanag ng araw d. Na nagbigay-init sa buong katawan 
Wow! Natapos mo na nang buong husay ang Aralin 1.2. Malawak na 
ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap 
naman noong Panahon ng mga Español. Nakatitiyak ako na nagkaroon ka rin 
ng kaalaman tungkol sa kultura at kaugaliang Pilipino ng mga panahong iyon 
dahil nasalamin mo ang mga ito sa bawat akdang ating tinalakay. Marahil ay 
nanininiwala ka na ang panitikan ay talagang salamin ng kultura ng mga tao 
sa panahon at lugar na pinagmulan ng mga ito. 
Pagkatapos ng pananakop ng mga Español sa ating bansa, dumating 
naman ang mga Hapon. Katulad ng mga naunang dayuhan na sumakop sa 
atin, mayroon din silang kultura at uri ng panitikan na ipinakilala sa ating mga 
kababayan. Iyan ang aalamin natin sa huling aralin ng Modyul 1, ang Aralin 
1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon. Simulan na natin.
Isang tipikal na tagpo sa kabukiran ang pagtatanim ng 
palay – ang pangunahing pagkain ng mga Pinoy. 
155 
Aralin 1.3: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon 
I. Panimula at mga Pokus na Tanong 
Naitanong mo na ba sa iyong sarili 
kung bakit ang paksa ng mga tula noong 
panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan, 
pag-ibig, kalikasan, buhay-lalawigan o 
nayon, pananampalataya at sining? 
Marahil nagtataka ka kung bakit ‘di 
naging paksa ng mga akdang 
pampanitikan noon ang tungkol sa 
pamamahala ng mga Hapones. 
Sa araling ito malalaman mo ang 
mga akdang pampanitikan na sumibol sa 
panahong ito na naimpluwensiyahan sa 
panahong naisulat ito, tulad ng tanaga, haiku at maikling kuwento. Alamin 
mo kung ano ang kulturang namamayani ng panahong ito? Masasalamin ba 
sa uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga 
ninuno? 
II. Ang mga Aralin at Ang Saklaw Nito 
Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang 
Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na 
aralin na nakapaloob sa modyul na ito: 
A. Aralin 1. 3- Ang Panitikan sa Panahon ng Hapones 
1. 3. 1. a. Panitikan: Tula 
a.Tanaga 
b.Haiku 
b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 
1. 3. 2. a.Panitikan: Maikling Kuwento 
“Uhaw ang Tigang na Lupa” 
ni Liwayway Arceo 
b.Wika: Sanhi at Bunga
156 
III. Mga Inaasahang Kasanayan 
Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at 
kasanayan. 
Aralin 
1.3 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Nakikinig nang may pag-unawa upang: 
• maipaliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari 
• masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari 
• mapatunayan ang kawastuan ng mga impormasyon 
batay sa sariling karanasan 
Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang 
salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ 
diskursong napakinggan 
Pagsasalita 
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na 
nagbibigay-pahiwatig 
Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, 
interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: 
• nagpapaliwanag 
• nangangatuwiran 
• nagsasalaysay 
• naglalarawan 
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga 
katangian nito 
• tula 
• maikling Kuwento 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/ 
teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng 
mga pangyayari
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring 
pagbasa ng akda/teksto 
• Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto 
• Nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o 
157 
ideyang nakapaloob sa akda/teksto 
Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa 
pamamagitan ng: 
• pagpili ng lohikal na wakas 
• paggawa ng sariling wakas 
• pagbabago ng wakas 
Pagsulat 
Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye,kaisipan at 
opinyong nakapaloob sa teksto kung: 
• mabuti o masama 
• katotohanan o opinyon 
Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba’t 
ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba 
pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay 
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: 
• depinisyon 
• paghahalimbawa 
• pagsusuri 
• paghahawig o Pagtutulad 
• sanhi at bunga 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot 
sa mga tanong at puna sa akdang pampanitikang 
napanood,nabasa o napakinggan
158 
Estratehiya sa Pag-aaral 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral 
Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng 
pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda 
Tatas 
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa 
paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo. 
Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may 
kabuluhan at kredibilidad 
Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, 
napakinggan o nabasang impormasyon (media literasi) 
Pananaliksik 
Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na mga impormasyon 
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t 
ibang pinagkukunang sanggunian 
Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa 
isinagawang pananaliksik 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian sa aklatan/internet
159 
IV. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang Konseptuwal na Balangkas ng araling ito na makatutulong 
upang maiplano mo ang iyong mga gawain. 
ANG PANITIKAN SA 
PANAHON 
NG HAPON 
Tula Maikling 
Kuwento 
Haiku 
Tanaga 
Uhaw ang 
Tigang na Lupa 
Pangungusap na 
Walang Paksa 
Sanhi at Bunga ng 
mga Pangyayari 
Marahil ay handang-handa ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin 
natin ang tungkol sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Hapon. 
V. PANIMULANG PAGTATAYA 
Alamin muna natin kung gaano na ang alam mo sa panitikang sumibol 
noong Panahon ng Hapones sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang 
pagtataya. Sa pagtatapos ng mga gawain sa araling ito malalaman mo 
kung tama ang iyong mga kasagutan. 
Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan 
ng pagsulat ng letra ng tamang sagot. 
1. Paano mo malalaman na haiku ang isang tula? 
a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7- 
5 o 5-5-7 o 7-5-5 
b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10- 
4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 
c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4- 
4 o 8-2-2 o 2-8-2 
d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4- 
5 o 4-5-5 o 5-5-4
160 
2. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku? 
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig 
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong 
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig 
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong 
3. Anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku 
sa ating bansa? 
a. Katutubo 
b. Español 
c. Hapon 
d. Kasarinlan 
4. Ano ang karaniwang paksa ng mga tanaga at haiku noon? 
a. kababalaghan c. kalagayan sa buhay 
c. katatakutan d. kaguluhan 
5. Basahin ang isang halimbawa ng tanaga. Ano ang ibig sabihin ng 
salitang dumalaw ? 
Panalangin 
ni Asuncion B. Bola 
Pagsubok ‘pag dumalaw 
‘Di ka makapagpasiya 
Ang Panalangin lamang 
Sagot sa mga problema 
a. bumisita c. dumating 
b. pumunta d. bunga 
6. Ano ang paksa ng kasunod na haiku? 
Iyong galangin 
Ang asawa’y yakapin 
Huwag bugbugin. 
Huwag nang buksan, 
Lahat ng nakaraan 
Walang sumbatan. 
Planong pamily 
Ay dapat ginagawa 
Ng mag-asawa.
161 
a. Buhay may asawa 
b. Ang Pag-aasawa 
c. Pagplano ng pamilya 
d. Pag-aaruga ng pamilya 
8. Bakit nangibabaw ang panitikan sa Tagalog noong Panahon ng 
Hapones? 
a. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog. 
b. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles. 
c. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog. 
d. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa 
Tagalog. 
8. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga? 
a. naglalaman ng mga pangyayari. 
b. magkapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod. 
c. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod. 
d. kapwa may sukat at tugma. 
9. Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento? 
a. 1941 c. 1942 
b. 1943 d. 1944 
10. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na 
pinangasiwaan ng mga Hapones na kumilala sa panitikan? 
a. likhang sining ng mga manunulat 
b. obra ng mga manunulat 
c. lakas ng manunulat 
d. buhay ng manunulat 
11. Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng 
Hapon? 
a. Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, 
mananaysay at manunulat ng maikling kuwento. 
b. Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan. 
c. Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan 
ng mga Pilipino. 
d. Nakasusulat ng mga akdang nais ipalimbag.
12 . Kung ikaw ang bata sa akdang “ Uhaw ang Tigang na Lupa” ano 
ang iyong gagawin sa nararamdaman mong katahimikan sa inyong 
tahanan? 
162 
a. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam. 
b. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako. 
c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong 
malaman ang nangyayari. 
d. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa 
ako. 
12. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso 
ay tigang na lupang uhaw na uhaw”, ano ang nais ipahiwatig ng 
pahayag na ito? 
a. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina. 
b. May problemang dinadala kaya di siya napapansin. 
c. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa. 
d. Malungkot ang paligid. 
14. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? 
a. may ina, ama at mga anak 
b. nakatira sa maayos na bahay 
c. may masaganang pamumuhay 
d.may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa. 
15. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang 
huwarang pamilya? 
a. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang 
gawain 
b. magiging sikat na mamamayan 
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan 
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili 
Kumusta? Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung 
marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito 
upang maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga 
panitikang lumaganap sa Panahon ng Hapon.
163 
VI.Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga 
mananakop tayo ay may sarili nang panitikan? Hindi maikakailang 
yumabong pa ito sa kanilang pagdating. Sa araling ito, pag-aaralan 
natin ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones na 
bagamat napakahirap ng buhay ng mga Pilipino noon ay napaunlad pa rin 
ang mga tula (haiku at tanaga), at maikling kuwento. Alamin mo kung ano 
ang kulturang namamayani sa panahong ito? Masasalamin ba sa uri ng 
panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno? 
Naniniwala ka ba na ang mga paksa ng akdang pampanitikan ay 
naiimpluwensiyahan ng panahong naisulat ito? 
Alam ko na may nalalaman ka na sa panitikan noong panahon ng 
Hapon. Kung wala naman, makatutulong sa iyo ang araling ito upang mabatid 
at madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Subukin mo kung 
hanggang saan na ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng susunod na 
gawain. 
GAWAIN 1.3.1.a : Tugon sa Pagkatuto 
Ang Tahanan ng mga Konsepto ay mga konsepto na iyong 
pagninilayan sa kabuuan ng araling ito. 
A. Bago ang 
Talakayan 
C.Pagkatapos ng 
Talakayan 
B. MGA KONSEPTO 
1. Totoo __ 
Di Totoo __ 
2. Totoo __ 
Di Totoo __ 
3. Totoo __ 
Di Totoo __ 
4. Totoo __ 
Di Totoo __ 
10.Totoo _ 
Di Totoo __ 
1.Totoo __ 
Di Totoo __ 
2.Totoo __ 
Di Totoo __ 
3.Totoo __ 
Di Totoo __ 
4.Totoo __ 
Di Totoo __ 
5.Totoo __ 
Di Totoo __ 
Tahanan ng mga Konsepto 
Panuto: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa gitna at 
sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo o di-totoo 
ang mga konseptong nakasulat. 
1. Ang panitikan ay salamin ng 
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. 
2. Sa panitikan malayang naipahahayag ng 
mga Pilipino ang kanilang damdamin at 
saloobin. 
3. Panitikan rin ang naging daan upang 
makamit ang kalayaan ng ating bansa. 
4. Ang mga paksa noon ng akdang 
pampanitikan ay tungkol sa mga dayuhang 
sumakop sa Pilipinas. 
5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang 
pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay 
ng mga Pilipino.
Matapos mong gawin ang Tugon sa Pagkatuto malalaman mo 
ang mga konsepto na sa palagay mo ay totoo. Ito ay iyong babalikan 
upang maitama ang mga konseptong alam mo na totoo at di-totoo. 
164 
GAWAIN 1.3.1.b: Hanap-Salita 
Hanapin mo ang tatlong salita na sa palagay mo ay may kaugnayan 
sa ating tatalakayin sa panitikan sa Panahon ng Hapones. Bilugan ang 
mabubuong salita. 
K I L A L A 
U E P S T O 
W A L A N G 
E H A I K U 
N I M I T O 
T A N A G A 
O Y A Y I E 
Sa Panahon ng Hapones , may dalawang klase ng akdang 
pampanitikan ang sumibol na iyong pag-aaralan sa bahaging ito- tula (tanaga 
at haiku) at maikling kuwento. 
Ang susunod na gawain ay makatutulong upang maunawaan isa-isa 
ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones. Bibigyan mo rin ng pokus 
sa iyong pag-aaral ang araling panggramatika na gagamitin upang 
maisagawa ang produktong inaasahan pagkatapos ng iyong pag-aaral sa 
modyul na ito. Simulan natin sa tula, ang tanaga at haiku.
165 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Sa bahaging ito higit mong mauunawaan ang mga 
konseptong dapat mong matutuhan sa tanaga at haiku 
bilang mga akdang pampanitikan na sumibol sa bansa noong 
Panahon ng Hapones. 
Mauunawaan mo din kung ano ang naging tungkulin ng panitikan sa 
noong panahong iyon. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga akdang 
pampanitikang ito upang masilayan natin ang kultura at kalagayang 
panlipunan ng mga Pilipino sa panahong ito? Upang matugunan mo nang 
wasto ang mahalagang tanong, pagyamanin mo ang iyong kaalaman sa 
paksa na iyong pag-aaralan sa tulong ng mga gawaing inilaan sa araling ito. 
GAWAIN 1.3.1.c: Gabay ng Buhay 
Suriin at tukuyin ang mga nakatala sa kasunod na mga kahon kung 
alin ang tanaga at haiku. Isulat ang letra sa sagutang papel kung haiku o 
tanaga ang mga nakatala sa kahon. 
Ang katoto kapag tunay 
hindi ngiti ang pang-alay 
kundi isang katapatan 
ng mataos na pagdamay. 
A. B. B. 
C. D. 
E. F. 
TANAGA HAIKU 
1. 1. 
2. 2. 
3. 3. 
Gabing tahimik 
Sumasapi sa bato 
Huning-kuliglig 
Puno ay sanga 
Bisagra ay talahib, 
Kandado’y suso. 
Palay siyang matino, 
Nang humangi’y yumuko; 
Nguni’t muling tumayo 
Nagkabunga ng ginto 
Wala iyan sa pabalat 
at sa puso nakatatak, 
nadarama’t nalalasap 
ang pag-ibig na matapat. 
Hila mo’t tabak… 
Ang bulaklak nanginig 
Sa paglapit mo…
166 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano ang mga katangian ng tulang sumibol sa Panahon ng 
Hapon na ikinaiiba nito sa iba pang tula? 
2. Ang mga akdang pampanitikan ba ay sagisag ng 
pagkakakilanlan ng mga Pilipino? Ipaliwanag. 
Tama kaya ang iyong pagkaunawa sa katangian ng tulang sumibol sa 
Panahon ng Hapones? Upang iyong malaman at maunawaan ang tungkol 
dito, narito ang mga impormasyon. 
TANAGA AT HAIKU 
Mayaman ang ating bansa sa 
mga akdang pampanitikan dahil sa 
impluwensiya ng mga dayuhang 
sumakop sa ating bansa. Isa na rito 
Ugnay-Panitikan 
ang tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel 
noong Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na tinatawag na 
tanaga at haiku. 
Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga 
ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang 
matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng 
bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), 
binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na 
bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma 
(pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod) 
, at puno ng talinghaga. 
Halimbawa: 
. 
SIPAG 
Magsikhay nang mabuti 
Sa araw man o gabi 
Hindi mamumulubi 
Magbubuhay na hari 
IKAW LANG 
Dasal ko sa Bathala 
Sana’y makapiling ka sa 
luha ko at dusa 
Ikaw ang aking sigla
167 
Samantalang ang haiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng 
labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod 
ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang 
ikatlo’y may limang pantig tulad ng una. 
Halimbawa: 
GAWAIN 1.3.1.d: Talinghaga ng Buhay 
Ibigay ang kaisipang nais ipabatid ng kasunod na mga tanaga at 
haiku. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
c. 
A. B. 
d. 
C. D. 
B._____________ 
_____________ 
_____________ 
___________________ 
__________________ 
________________ 
________________ 
__________ 
__________________ 
______________ 
______________ 
____________ 
TANAGA 
C.________________ 
_______________ 
_______________ 
HAIKU 
Ang katoto kapag tunay 
hindi ngiti ang pang-alay 
kundi isang katapatan 
ng mataos na pagdamay. 
Puno ay sanga 
Bisagra ay talahib, 
Kandado’y suso. 
Wala iyan sa pabalat 
at sa puso nakatatak, 
nadarama’t nalalasap 
ang pag-ibig na matapat. 
Hila mo’t tabak… 
Ang bulaklak nanginig 
Sa paglapit mo… 
Puno ay sanga 
Bisagra ay talahib, 
Kandado’y suso. 
Hila mo’t tabak... 
Ang bulaklak nanginig 
Sa paglapit mo...
Sa iyong palagay, nasasalamin ba sa mga tanaga at haiku ang kultura 
ng isang lahi? Marahil, tama ka sapagkat ang panitikan ay salamin ng kultura 
ng isang bansa. Ngunit pansinin kung ano ang pagkakaiba ng tanaga sa 
haiku sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa ibaba. 
1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa pang-araw- 
Pagkakaiba(Haiku) 
____________________ 
____________________ 
____________________ 
____________________ 
_ 
168 
araw mong buhay? Patunayan. 
2. Nasasalamin ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga 
tanaga at haiku? 
Tunay na tayong mga Pilipino ay naniniwala na sa mga akdang 
pampanitikan masasalamin ang kilos at pag-uugali ng isang tao. Tulad ng 
mga halimbawa ng tanaga at haiku sa itaas. 
GAWAIN 1.3.1.e : MAGKAIBA O MAGKATULAD (MOM) 
May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang tanaga at haiku? Gawin sa 
papel. Gayahin ang pormat. 
Pagkakaiba (Tanaga) 
________________ 
________________ 
________________ 
________________ 
Pagkakatulad 
(Tanaga at Haiku) 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Paano nagkaiba ang tanaga at haiku? Ipaliwanag. 
2. Mahalaga bang matutuhan mo ang mga tanaga at haiku na 
nangibabaw sa Panahon ng Hapones? Pangatuwiranan. 
Alam ko na sa tulong ng mga gawaing naunang ginawa ay naunawaan 
mo nang ganap ang pagkakaiba ng tanaga at haiku na lumaganap noong 
Panahon ng Hapon. Pansinin ang kaiklian ng mga tanaga at haiku. 
Nagpapahayag ba ng isang buong diwa ang mga ito? Alam mo ba na may mga 
pangungusap tayo na kahit walang paksa ay maituturing na pangungusap? 
Upang maging mabisa ang gagawin mong orihinal na tanaga at haiku na 
lalapatan ng larawan, makatutulong sa iyo kung pag-aaralan mo ang mga 
pangungusap na walang paksa.
Basahin at unawain mo ang nais ipabatid na mensahe ng kasunod na 
169 
GAWAIN 1. 3.1.f : Pangungusap Ba Kahit Walang Paksa? 
komik strip. 
Pagkatapos ng klase, ang magkakaibigan ay 
nagkukuwentuhan habang sama-samang gumagawa 
ng kanilang takdang- aralin. Tuwang-tuwa sila at 
sabay-sabay nilang sinabi na... 
Umaaraw na. 
Kagabi 
nakakatakot 
talaga 
Huwag mo ng isipin 
iyon. Tanghali 
na,kailangang 
matapos natin ito 
Tawagan mo si Ana 
nasa kanya ang aklat 
na kailangan natin. 
Oo nga may 
pasok pa tayo. 
Tayo na. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano ang ginagawa ng magkakaibigan? 
2. Pansinin ang naging usapan ng magkakaibiganl, ano ang tawag 
sa nabuong mga pangungusap? 
3. Kailan masasabi na ang pangungusap na walang paksa ay temporal, 
penomenal, eksistensiyal at modal? 
Sa naganap na usapan ng magkakaibigan kapansin-pansin ang 
kaiklian nito at mga pangungusap na hindi tiyak ang paksa. Pag-aralan mo 
ang kasunod na impormasyon upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa 
mga pangungusap na walang paksa.
Ugnay-Wika 
170 
Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa 
1. Penomenal- Ito ay tumutukoy sa mga 
pangungusap na tumutukoy sa mga 
kalagayan o pangyayaring pangkalikasan 
o pangkapaligiran. 
Halimbawa: Umuulan 
Lilindol uli! 
Maginaw ngayon. 
Makulimlim na naman. 
2. Temporal- Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian 
karaniwan itong mga pang-abay na nagsasabi ng… 
Halimbawa: Tanghali na 
Bukas ay Miyerkules 
Alas singko pa lang ng umaga. 
Todos los Santos sa Lunes 
Magbabakasyon lang 
3. Eksistensiyal- Nagsasaad ito ng “pagka mayroon” o pagka-wala”. 
Inilalagay sa unahan nito ang mga salitang may o mayroon at wala. 
Halimbawa: Wala pang bisita 
May nakakuha na 
May hinihintay pa 
Walang sumasagot 
4. Modal- Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari, 
dapat, o kailangan. 
Halimbawa: Puwede bang sabihin. 
Maaari bang magdagdag? 
Gusto kong magbigay. 
Nais/ibig mo ba? 
Ngayong, alam mo na ang pagkakaiba ng mga pangungusap na 
walang na paksa, naghanda ako ng pagsasanay upang sukatin ang iyong 
naging kaalaman..
171 
GAWAIN 1.3.1 g : Mga Kasanayang Panggramatika 
Basahin ang usapan . Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong. 
Rey : Tao po. Magandang hapon po. 
Lolo : Ay! Ikaw pala, Rey.Halika.Tuloy. 
Rey : Nabalitaan ko pong dumating si Raymond, babatiin ko 
lamang po siya dahil sa pagtatapos niya nang may 
karangalan. 
Lolo : Ganoon ba? Apo, tuloy ka.May bisita ka. 
Raymond : Salamat po. Ikaw pala, Rey. Gabi na. Bakit napasugod 
ka. 
Rey : Binabati kita sa iyong pagtatapos nang may 
karangalan. Ang galing mo talaga dangal ka ng ating 
baryo. 
Raymond : Maraming salamat. Sana maging karapat-dapat ako sa 
iyong pagbati. 
Rey : Binabati ka rin ng iba pa nating kaibigan. Sana raw di 
ka magbago. 
Raymond : Naku! Hinding-hindi mangyayari iyon. 
Lolo : Hindi sa itinataboy kita, Rey. Bukas na kayo 
magbalitaan. Dumidilim na. Kumukulog pa. Tag-ulan 
ngayon. Baka magkasakit ka. 
1. Ano ang paksa ng usapan? 
2. Hanapin ang mga pangungusap na walang paksa sa teksto. Pangkatin 
ito ayon sa uri. Isulat ang sagot sa papel.
Pangungusap na Walang Paksa 
1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga Modal 
___________________________ 
___________________________ 
____________________________ 
3. Mabisa ba ang pagkakagamit ng mga pangungusap na walang paksa 
172 
sa ganitong usapan? Ipaliwanag. 
4. Bumuo ng tanaga o haiku gamit ang mga pangungusap na walang 
paksa. 
Sa bahaging ito, bigyan mo ng pansin ang nabuong pag-unawa 
tungkol sa paksa. Sapat na ba ang iyong kakayahan upang sagutin ang 
kasunod na gawain na tutulong upang higit na lumalim ang iyong pag-unawa 
sa araling pinag-aaralan? 
GAWAIN 1.3.1.h : ILARAWAN 
Piliin ang angkop na larawan sa mga sumusunod na tanaga at haiku. 
Ipaliwanag. 
A. 
B . 
D. 
C. 
Eksistensyal 
____________________________ 
____________________________ 
____________________________ 
Temporal 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
_ 
Penomenal 
____________________________ 
____________________________ 
_____________________________
173 
Kabilang buhay, 
Totoo ba o sablay 
Kapag namatay 
Pakikisama 
Sa iyong mga kapwa 
Dulot ay saya. 
1._________ 2._________ 
Mabuting gawa 
Mayroong 
gantimpala 
Galing sa AMA. 
Pag ang sanggol ngumiti 
nawawala ang pighati 
kalong mo’y sumisidhi 
pangarap na punyagi 
3._________ 4._________ 
Dahil ang mga tanaga at haiku ay sumasalamin ng kilos at ugali ng tao, 
mas madali mong maiintindihan ito kung may representasyon ng larawan 
katulad ng nasa kabilang pahina. Sang-ayon ka ba? Marahil , oo dahil 
nakatulong sa iyo ang mga larawan upang malaman mo agad ang ibig sabihin 
ng isang tanaga at haiku. 
GAWAIN 1.3.1.i : PAGBATAYAN MO… 
Bigyan mo ng pansin ang mga paksa sa kasunod na mga kahon. 
Pagbatayan mo ang mga ito upang makabuo ng sariling tanaga at haiku. 
Alam kong kayang-kaya mo itong gawin. 
TANAGA HAIKU 
Pag-ibig sa bayan Pagkabata 
________________ __________________ 
________________ __________________ 
________________ __________________ 
________________ 
Biyaya 
Pagmamahal sa kapwa 
_________________ _________________ 
_________________ _________________ 
_________________ _________________ 
_________________
174 
GAWAIN 1.3.1.j : SAYSAY PAGGUHIT 
Basahin mong mabuti ang tanaga at haiku na nasa banner. Iguhit mo 
ang kaisipang nakapaloob sa bawat isa. 
INOSENTE 
Nagtampong kalikasan 
Sa kurakot ng bayan 
Ang walang kasalanan 
Ang pinaghigantihan. 
KAIBIGAN 
Pakikisama 
Sa iyong mga kapwa 
Dulot ay saya 
GAWAIN 1.3.1.k : KONSEPTO … AKING NABATID! 
Sa bahaging ito, nais kong masukat ang kabuuang kaalaman na iyong 
natutuhan sa araling pinag-aaralan. Tunay nga bang sapat na ang iyong 
kaalaman sa araling pampanitikan? Sa araling panggramatika? Ipakita mo ito 
sa pagbuo ng maikling talata. 
Magaling! Ngayon ay batid ko na tunay ngang napagyaman ang iyong 
kaalaman sa araling ating pinag-aaralan. Marahil, sapat na ang mga 
kaalamang iyong natamo upang maisakatuparan ang inaasahang produkto sa 
araling ito. 
GAWAIN 1.3.1.l : KAYA KO! 
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga konseptong 
natutuhan sa araling ito. Basahin at unawain mo ang sitwasyon. Pagkatapos, 
isakatuparan ito. 
Araw ng mga puso kailangan mong mag-alay ng naiiba sa iyong 
nanay/tatay/kapatid/minamahal. Wala kang sapat na pera para 
bumili ng mamahaling regalo. Susulat ka ng orihinal na tanaga o kaya 
haiku tungkol sa katangian ng pagbibigyan mo. 
Isaalang-alang mo ang sumusunod na pamantayan sa gawain. 
a. Kaangkupan sa paksa 
b. Paggamit ng pangungusap na walang paksa 
c. Kaangkupan ng mga salitang ginamit 
d. Elemento ng tanaga at haiku 
e. May orihinalidad
Mahusay! Natapos mong pag-aralan ang tanaga at haiku handa ka na 
para sa susunod pang akda noong Panahon ng Hapones. Marahil , marami 
ka nang nabasang maiikling kuwento at ilan dito ay tumatak sa iyong isipan 
dahil sa husay ng pagkakabuo. Sa iyong palagay, malaki kaya ang 
impluwensiya ng mga mananakop na dayuhan sa ganitong klase ng akda sa 
panahong naisulat ito? Paano kaya naipakita ng mga Pilipinong manunulat 
ang kanilang pagiging makabayan sa panahon na hindi sila malaya? 
175 
Alam kong nananabik ka ng umusad sa susunod na aralin. 
Nararamdaman ko ang iyong pananabik na makilala nang higit ang maikling 
kuwento na lumaganap sa Panahon ng Hapones. 
ARALIN 1.3.2 – Maikling Kuwento 
Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y 
maglahad o magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari 
sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging 
maikli at may iba’t ibang elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, 
tunggalian kasukdulan at wakas. Isang natatanging katangian ng maikling 
kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa. 
Bilang panimula sa susunod na aralin. Subukin mong magbigay ng 
iyong saloobin, opinyon o paglalarawan sa kasunod na imahe. 
GAWAIN 1.3.2.a. : ISANG SULYAP 
Isang sulyap sa kasunod na larawan at alamin kung ano ang nais 
nitong iparating sa iyo. Makabubuo ka kaya ng kuwento buhat sa larawan? 
Subukin mong bumuo sa tulong ng sumusunod na bahagi . 
a. Simula 
b. Gitna 
c. Wakas
176 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bawat bahagi 
ng maikling kuwento? 
2. Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa 
maikling kuwento? Bakit? 
3. Nailalarawan ba sa maikling kuwento ang tunay na kaganapan 
sa lipunan? Pangatuwiranan. 
Sa bahaging ito, tiniyak ko lamang kung may ilang kaalaman ka sa 
araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-alala sapagkat tiyak na 
pagyayamanin pa ang dati mong kaalaman sa paksa. 
Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, sa iyong palagay 
ano ang naging papel ng maikling kuwento sa buhay n g mga Pilipino noong 
Panahon ng Hapon? Saang bahagi magkatulad ang maikling kuwento na 
umusbong noong Panahon ng Hapones sa mga maikling kuwento na 
lumalaganap sa kasalukuyan? Subukin mong sagutin ang susunod na gawain 
upang bahagya mong masilayan ang maikling kuwento sa Panahon ng 
Hapones. 
GAWAIN 1.3.2.b : ANG TUNAY NA MUNDO 
Alamin ang tunay na kulay ng panitikan sa Pilipinas noong Panahon ng 
Hapones. Balikan mo ang kasaysayan ng ating bansa particular sa panahong 
ito upang matugunan ang mga tanong na nasa mga biluhaba sa kasunod na 
pahina. 
Higit bang nakilala ang mga 
manunulat na Pilipino sa 
panahon ng Hapones? 
Patunayan. 
Nailarawan ba sa maikling 
kuwento ang kultura at kalagayang 
panlipunan ng mga Pilipino noong 
Panahon ng Hapones? 
Nagamit din ba ang panitikan 
partikular na ang maikling 
kuwento upang makamit natin 
ang kalayaan sa kamay ng
Ngayong may ideya ka na sa larawan ng mga maikling kuwento na 
lumaganap sa Panahon ng Hapones, nais kong bigyan mo ng pansin ang 
akda na pag-aaralan mo sa araling ito. Sikapin mong suriin kung taglay ba ng 
maikling kuwento ang katangian na dapat taglayin ng isang akda noong 
Panahon ng Hapones. 
Isang maikling kuwento na lumabas noong panahon ng Hapones ang 
iyong babasahin upang iyong malaman kung bakit ang mga akda noon ay 
nakaka- impluwensiya sa panahong naisulat ito. 
177 
Basahin at unawain: 
Uhaw ang Tigang na Lupa 
ni Liwayway Arceo 
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. 
Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at 
nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka 
sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa 
lahat ng bagay, paghikbi...Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang 
aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang 
mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang 
buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing 
duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo 
at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka 
ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi 
palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya 
ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay 
maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ko 
makita. Kailangang ‘di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang 
mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang 
labi. Kailangang ‘di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga
daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon 
siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: 
ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...Minsan 
man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t 
hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi 
nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na 
kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot 
kailanman.Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng 
isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol 
sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting 
ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang 
bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang 
pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. 
Minamasdan ko kung paano niya pinapakunot ang kanyang noo; kung 
paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung 
paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya 
ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa 
pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga 
punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga 
butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga 
kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – 
ay natutunghayan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunit, 
ang pananabik na ito’y napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa 
at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay:isang batang marahil ay 
nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, 
may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit 
na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at 
labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang 
178
kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging 
katapatan...Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung 
nagkakagalit man ay sadyanghindi ipinamamalay sa akin, ay 
hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, 
ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa 
pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o 
sa tubig o sa telepono upang sakupin angpanahong itatagal ng isang 
hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may 
naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung 
makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang 
kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.Inuumaga 
man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng 
kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng 
pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. 
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang 
taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. 
Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na 
aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang 
lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw 
ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang 
mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat 
noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa 
isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing 
lasing si Ama ngunit, kakaibaang kalasingan niya ngayong gabi. 
Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong 
naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya 
ang hindi maipahayag na pagtutol 
179
Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang 
pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing ngayon ni 
Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang 
mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang 
panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. 
Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang 
bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa 
palad, at ang kanyang binti,buhat sa tuhod hanggang sa mga 
talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na 
inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahon 
ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin 
niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng 
kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking 
dalaga!Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang 
yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.Sana’y ako si ina sa mga 
sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalagaang nadarama 
kong kasiyahan...Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang 
may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim 
ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na 
guhit.Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang 
makakaya. Ngunit,ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman 
ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang 
kanyang makinilya.Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong 
kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang 
mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay 
sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na 
rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik 
bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga 
180
nasa sobre.Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na 
mukha, may ilong nakawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. 
Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa 
bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot... 
Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa 
kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. 
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil 
ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat 
hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa 
isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang 
malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...Naiwan na natin ang gulang 
ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, 
nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa 
kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa 
alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; 
sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...Nakita ko siya kagabi sa 
panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng 
isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi 
ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong 
buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring 
paluhain...Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng 
pangunahing tauhan;sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. 
Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. 
Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo 
akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...Ngunit, bakit 
napakahirap ang lumimot?Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang 
balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya 
181
ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham 
na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang 
binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang 
palad ang aking balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mag daliri; 
ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...Ang 
katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko 
ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang 
kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama 
ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang 
masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang 
aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang 
kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang 
pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng lupa 
ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga 
daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong 
kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos 
kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura 
pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili 
ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama 
ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa 
akin.Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina 
ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, 
patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...Ang 
kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang 
nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng 
kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang 
kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal 
ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin 
182
kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y 
aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog 
na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil 
niya ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na 
iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo 
niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang 
mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga 
matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na di 
mabigkas . Nasa mga palad pa rin ni ina ang kaliwang kamay ni ama: sabihin 
mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…Kinagat ni ina nang 
mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko maamin kay ina 
ang tinig na yaon...Maangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina 
ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi ni ama at nasa mga 
mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na 
wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang 
nadama ng kalilisang kaluluwa… 
183 
GAWAIN 1.3.2.c. : LINAWIN MO! 
Sa gawaing ito kailangang maibigay mo ang kahulugan at magamit sa 
sariling pangungusap ang mga salitang nakasulat nang pahilig. 
1. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. 
Kahulugan: 
__________________________________________ 
Pangungusap: 
__________________________________________
2. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay 
184 
tigang na lupang uhaw na uhaw. 
Kahulugan: 
__________________________________________ 
Pangungusap: 
__________________________________________ 
3. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig 
siya. 
Kahulugan: 
__________________________________________ 
Pangungusap: 
__________________________________________ 
4. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat 
ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan 
ng amerikana ni Ama. 
Kahulugan: 
__________________________________________ 
Pangungusap: 
__________________________________________ 
5. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong 
naibigay na ginhawa. 
Kahulugan: 
__________________________________________ 
Pangungusap: 
__________________________________________ 
Ngayong nabigyan mo ng kahulugan ang mga salitang nakasulat nang 
pahilig at nagamit mo pa sa pangungusap, marahil nakatulong ito upang mas 
lalo mong maunawaan ang kuwento. Makakaya mo ring sagutin ang ilang 
kasunod na mga tanong na may kaugnayan sa paksa.
Kakalasan 
185 
GAWAIN 1.3.2.d : SA BISA NG KARUNUNGAN 
1.Paano sinimulan ang maikling kuwento? 
2. Ano ang paksa ng kuwento? Masasabi mo ba na ang paksa sa 
nasabing kuwento ay ang karaniwang paksang ginamit ng mga 
manunulat noong Panahon ng Hapones? Patunayan. 
1. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang Story Ladder. 
Panimula: 
Papataas na 
Aksiyon 
Panimula 
Kasukdulan 
Wakas 
________________________________________________________ 
Papataas na Aksiyon: 
________________________________________________________ 
Kasukdulan: 
________________________________________________________ 
Kakalasan: 
________________________________________________________ 
Wakas: 
________________________________________________________
186 
2. Saang bahagi ng kuwento makikita ang maaksiyong pangyayari? 
3. Paano winakasan ng may-akda ang maikling kuwento? 
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng 
kuwento, paano mo ito gagawin? 
5. Sa panahong iyon, ano ang magagawa mo upang maging malaya ka 
sa iyong isinusulat? 
ANG BANGHAY 
Ugnay-Panitikan 
ng banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na 
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento 
ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung 
may mangyayari, kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumsunod: 
ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas? Sinasabing 
ang banghay ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento. 
Narito ang ilang tulong para masundan mo at mahiwatigan ang banghay ng 
kuwento. 
a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento 
b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan 
c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng 
kuwento. 
Matapos mong malaman ang isa sa mga sangkap ng kuwento alamin 
naman natin ang katangian ng kuwento sa Panahon ng Hapones.
187 
GAWAIN 1.3.2.e.. BANDILA 
Pagkatapos mong basahin ang isang halimbawa ng maikling 
kuwento sagutin ang mga detalyeng hinihingi sa kasunod na graphic 
organizer. 
Nilalaman(Paksa) 
_________________ 
__ 
_________________ 
__ 
_________________ 
Kalagayan ng 
maikling kuwento 
sa Panahon ng 
Hapones 
Kahulugan 
_________________ 
___ 
_________________ 
___ 
_________________ 
_ 
Sinasalaming 
Kultura 
_________________ 
_ 
_________________ 
___ 
_________________ 
MAIKLING 
KUWENTO 
___________ _________ 
__________________ 
_________________ 
_______________ 
_________________ 
_____ 
_________________ 
Suriin ang graphic organizer, at sagutin ang kasunod na mga tanong 
upang matukoy ang ikinaiiba at kalagayan ng panitikan noong Panahon ng 
Hapones. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang 
pampanitikan? 
2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon 
ng Hapones ay naimpluwensiyahan ng pananakop nila? 
3. Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan 
sa kasalukuyan ang maging malaya sa pagsulat ng mga akda 
nila? 
Pagkatapos mong magkaroon ng kaalaman sa maikling kuwento na 
lumaganap noong Panahon ng Hapones, tingnan natin ang mas malalim na 
mga pangyayari kung ano ang naging sanhi at bunga ng pagsusulat ng mga 
manunulat sa Pilipino ng mga akdang pampanitikan sa panahong nabanggit.. 
Tutulungan ka ng susunod na gawain sa araling panggramatika upang 
malaman ang mga detalye kaugnay ng mga sanhi ng paglaganap ng maikling 
kuwento at mga bunga nito sa lipunang Pilipino noong panahong iyon.
188 
GAWAIN 1.3.2.f : SANHI AT BUNGA 
Suriin at pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na mga larawan upang 
malaman ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa sagutang papel 
ang letra na tutugon sa wastong pagtatapat at ang paliwanag sa ugnayan ng 
bawat larawan. 
1. 
2. 
3. 
A 
B 
C 
Sa bahaging ito nalaman mo na ang isang pangyayari ay may bunga 
na maaaring maganda o di kaya’y di kanais-nais. Upang higit mong 
maunawaan ang tungkol sa kasanayang sanhi at bunga narito ang mga 
impormasyon na iyong uunawain at tatandaan.
189 
SANHI AT BUNGA 
Ang paggamit ng kasanayang sanhi 
at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at 
nakapaglalarawan kung bakit naganap ang 
isang pangyayari at kung ano ang naging 
epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil 
dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito 
at iba pa. 
Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang 
“Bakit ito nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng naturang 
pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang 
ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga. 
Halimbawa: 
Sanhi bunga 
GAWAIN 1.3.2.g. Buuin Mo! 
Sa pamamagitan ng kasunod na sitwasyon, isulat ang sanhi at bunga 
nito. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
Sitwasyon Sanhi Bunga 
1. Magulong pamilya 
2. Pakikipagbarkada 
3. Pagputol ng mga 
puno 
4. Maruming paligid 
5. Mababang marka 
Ugnay-Wika
Sa gawaing ito, mas lalo mong malalaman kung sapat na ang 
kaalaman mo sa maikling kuwento at kasanayang sanhi at bunga sa araling 
panggramatika.. 
190 
GAWAIN 1.3.2.i: BUHAY MO, KUHA KO, KWENTO KO 
Nalalapit na ang paggawa ng inyong Year End Issue. Ikaw ay isa sa 
patnugot ng pahayagan na naatasang sumulat ng isang lathalain tungkol sa 
mag-aaral ng ALS(alternative learning system) na kasama sa nagtapos. 
Kailangang makalikha ka ng isang lathalain. Kumuha ka ng 4 na larawan na 
patunay ng kaniyang pagsusumikap, i-lay out mo ito at bumuo ka ng maikling 
kuwento. Kung wala namang kamera, gumupit ng 4 na larawan na may 
kaugnayan sa buhay ng mag-aaral. 
Naunawaan mo na ang kaugnayan ng Pananakop ng Hapones sa 
tema ng akdang pampanitikan na nangibabaw noon. Lubos mo pang 
mauunawaan ang panitikan noon sa susunod na mga gawain. 
PPPPaaaaggggnnnniiiillllaaaayyyyaaaannnn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
1. Saguting muli ang gawain. 
TUGON SA PAGKATUTO 
(Map of Conceptual Change) 
Tahanan ng mga Konsepto 
Panuto: Basahin mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at 
B. Lagyan ng tsek kung totoo di totoo ang mga konseptong nakasulat. 
A. Bago ang 
Talakayan 
C.Pagkatapos ng 
Talakayan 
B. MGA KONSEPTO 
1. Totoo __ 
Di Totoo __ 
2. Totoo __ 
Di Totoo __ 
3. Totoo __ 
Di Totoo __ 
4. Totoo __ 
Di Totoo __ 
5. Totoo __ 
Di Totoo __ 
1.Totoo __ 
Di Totoo __ 
2.Totoo __ 
Di Totoo __ 
3.Totoo __ 
Di Totoo __ 
4.Totoo __ 
Di Totoo __ 
5.Totoo __ 
Di Totoo __ 
1. Ang panitikan ay salamin ng 
pagkakakilanlan ng mga Pilipino. 
2. Sa panitikan, malayang naipahahayag ng 
mga Pilipino ang kanilang damdamin at 
saloobin. 
3. Ang panitikan ang naging daan upang 
makamit ang kalayaan ng ating bansa. 
4. Ang mga paksa noon ay tungkol sa mga 
dayuhang sumakop sa Pilipinas. 
5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang 
pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay 
ng mga Pilipino.
191 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Ano ang iyong napansin sa kinalabasan ng iyong mga sagot? 
2. Tama ba ang mga ito? Nagawa mo bang iwasto ang mga dating 
mali? 
3. Bakit kaya sinasabing naiimpluwensiyahan ang mga akdang 
pampanitikan na nangibabaw sa panahong naisulat ito? 
2. 1. Sa pamamagitan ng kasunod na dayagram sa ibaba. Sagutin kung 
paano nakaimpluwensiya ang mga Hapones sa panitikan noong 
panahong sinakop nila ang Pilipinas? 
2. Sa iyong palagay, nakatulong kaya ito sa pagpapalaganap 
o pagpapaunlad ng panitikan?
MARKA 
192 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Sitwasyon: 
Tuwing buwan ng Agosto ang National Historical 
Institute ay nagkakaroon ng eksibit kaalinsabay sa pagdiriwang ng 
Buwan ng Wika.At bilang mga kawani ng nasabing tanggapan, ikaw ay 
naatasang bumuo ng PICTO-TULA/KUWENTO. Ito ay kalipunan ng 
mga orihinal na tulang haiku at tanaga. Sa tulong ng teknolohiya at 
mga larawan dapat na maging malinaw na maipakikita ang natatanging 
kultura at kasaysayan ng lahing Pilipino. Ang eksibit ay sasaksihan 
ng iba-ibang sangay ng pamahalaan. Isaalang-alang ang paggamit ng 
tugmaan sa mga tulang bubuuin, mga larawang biswal, at paggamit ng 
teknolohiya at kaisahan/ kaangkupan. 
Kraytirya Napakahusay 
4 
Mahusay 
3 
Papaunlad 
2 
Kailangan 
pang pag-aralan 
1 
Paggamit 
ng salitang 
tugmaan 
Gumamit ng mga 
angkop at 
magagandang 
salita sa pagbuo ng 
tula 
Gumamit ng 
mga angkop na 
salita sa pagbuo 
ng tula 
May mga ilang 
salita na hindi 
angkop sa 
pagbuo ng tula 
Ang mga 
salitang ginamit 
ay hindi angkop 
sa tula 
Mga 
Larawan 
Makukulay at 
nakakaakit ang 
ginamit na mga 
larawan na 
kakikitaan ng 
kulturang Pilipino 
Makulay at 
angkop ang mga 
ginamit na 
larawan na 
kakikitaan ng 
kulturang Pilipino 
Gumamit ng ilang 
angkop na 
makukulay na 
larawan na 
kakikitaan ng 
kulturang Pilipino 
Hindi angkop 
ang 1 o 2 
larawang 
ginamit 
Paggamit 
ng 
Teknolohiya 
Nakagamit ng mga 
websites/technology 
sa pagpapalawak 
ng tema 
Nakagamit ng 
ilang 
websites/technol 
ogy lamang 
upang 
mapalawak ang 
tema 
Gumamit ng 1 o 2 
websites/technolo 
gy upang 
mapalawak ang 
paksa 
Walang ginamit 
na 
websites/techn 
ology upang 
mapalawak ang 
paksa 
Kaisahan 
Batay sa 
tema at 
Pagkaka-roon 
ng 
Orihinalidad 
Angkop ang 
pagkakaayos at 
pagkakaugnay ng 
tula at larawan 
batay sa tema 
Maayos ang 
mga larawan 
batay sa tema 
Hindi masyadong 
maayos ang mga 
larawan at 
pagpapaliwanag 
Walang 
kaugnayan ang 
mga larawan 
batay sa tema 
KABUUANG 
MARKA 
Binabati kita sa matagumpay mong pagsasagawa ng mga gawain sa mga 
aralin sa modyul na ito , Panitikan sa Panahon ng Hapones.
193 
VII.Pangwakas na Pagtataya (Ang Panitikan sa Panahon ng 
Hapones) 
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang sa pahalang at pababa.Gawin 
sa papel. Gayahin ang pormat. 
1. 2. 
3. 4. ABB 5. 
7. 
8. 
9. 
Pababa 
1. Isang uri ng akdang pampanitikan 
2. Sa panahong ito naging mahirap ang buhay ng mga Pilipino 
3. Ito ay walang antalang bugso ng tinig na ang bawat pantig 
ay laging may isang patinig 
4. Lima – Pito - ______ 
5. Pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat 
taludtod. 
6. Ibang salita ng sagot 
Pahalang 
2. Tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa 
tatlong taludtod 
7. Ang tanaga ay binubuo ng _____ pantig bawat taludtod. 
8. Uhaw ang ______ na Lupa 
9. Isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang 
matayog na guniguni at marangal na kaisipan.
194 
PAGNILAYAN PPPAAAGGGNNNIIILLLAAAYYYAAANNN AAAATTTT UUUUNNNNAAAAWWWWAAAAIIIINNNN 
(((( ppppaaaarrrraaaa ssssaaaa MMMMooooddddyyyyuuuullll 1111)))) 
Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng paglalagom 
ng tungkol sa kalagayan ng panitikan sa tatlong panahon na 
nakapaloob sa modyul na ito – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo, 
Panahon ng Espaıol at Panahon ng Hapones. 
Ang modyul na ito ay tungkol sa panitikan na 
binubuo ng tatlong panahon ay lubos na ____________sa 
akin sapagkat ________________________________ 
Katulad ng Panahon ng ______________ ay nalaman ko 
na _________________________, di rin pahuhuli ang 
Panahon ng _________ ay ______________________ 
maging ang Panahon ng ___________. 
Ang tatlong panahon ay nagdulot/ nagpaalala/ 
nagbigay ________________ upang mas lalong 
______________ ito ay aking _________________.
195 
IIIILLLLIIIIPPPPAAAATTTT (((( ppppaaaarrrraaaa ssssaaaa MMMMooooddddyyyyuuuullll 1111 )))) 
Sitwasyon 
Nalalapit na ang Araw ng Kalayaan. Ang SK chairman ninyo ay 
naglunsad ng isang patimpalak na gawain sa paggawa ng scrapbook ng mga 
orihinal na akdang pamapanitikan ng na lumaganap sa Panahon ng Katutubo, 
Espaıol at Hapon. Ikaw bilang kabataan ay sasali sa patimpalak na ito 
upang maipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan 
na lumganap sa tatlong panahong nabanggit. 
a. May halimbawa ng bawat akdang pampanitikan na lumaganap 
sa Panahon Katutubo, Espaıol at Hapones. 
b. Orihinalidada 
c. Kakangkupan ng mga salitang ginamit 
Natapos mo na ang hulig bahagi ng modyul na ito. At naninaiwala 
akong buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking 
pagbati. Iminumungkahi kong sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit 
upang higit mong matiyak na talagang naunawaan mo na ang mga 
araling nakapaloob s modyul na ito. Simulan mo na! 
VII.PANGWAKAS NG PAGSUSULIT (MODYUL 1) 
Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na mga tanong 
1. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na 
makapagsulat sa wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit 
ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat .At dahil sa kahirapan ng 
buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang 
isusulat kaya lumaganap ang tanaga at haiku. Aling pahayag ang 
nagpapakita ng sanhi ng pangyayari? 
a. Binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino 
b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat 
c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon 
d. lumaganap ang tanaga at haiku
196 
2. Isa sa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw 
ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig 
ng pahayag? 
a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari 
b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya 
c. nagpapakita ng katotohanan 
d. opinyon lamang ng iba 
3. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong 
dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kaniyang 
puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa 
kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi. Ano ang nais 
ipahiwatig ng sitwasyon? 
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan 
b. isang sanggol sa piling ng isang ina 
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya 
d. binabalikan ang mga pangyayari 
4. Mula sa tekstong nasa blg.3 na bahagi ng kuwentong “Uhaw ang Tigang 
na Lupa”, ano ang ibig sabihin ng, “ tila musmos akong dumarama sa init 
ng kanyang dibdib”? 
a. batang nasa tabi ng ina na natutulog 
b. sanggol na kalong kalong ng ina 
c. nakikiramdam sa pintig ng puso 
d. masama ang pakiramdam 
5. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng 
Hapones ngunit nagiging gabay ang mga ito ng buhay. Anong akdang 
pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag? 
a. karunungang - bayan 
b. tanaga at haiku 
c. bugtong 
d. tula
6. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na 
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento na nag-iiwan ng 
isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa. 
197 
a. banghay 
b. tagpuan 
c. tauhan 
d. tema 
7. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang- masaya 
siya na nag-aayos ng kaniyang mga paninda ngunit walang ano-ano’y 
dumilim kaya’t nasabi niyang “uulan na naman”. Nalungkot siya. Kapag 
umuulan matumal at kaunti lang ang kaniyang kikitain. Alin sa mga pahayag 
ang pangungusap na walang paksa? 
a. Maagang gumising. 
b. Uulan na naman. 
c. Masayang- masaya siya. 
d. Nalungkot sita. 
8. Narito ang isang orihinal na tanaga. Ano ang nais ipahiwatig nito? 
Damdamin ng Isang Ina 
ni Asuncion B. Bola 
Nasasaktan man ako 
Sa aking mga desisyon 
Paninindigan ito 
Sa ikabubuti mo. 
a. pagdidisiplina sa kaniyang anak 
b. paglayo sa kaniyang minamahal 
c. pagpaparaya sa kaniyang mahal 
d. nararamdaman ng isang tao 
9. Lagi niyang hinihintay ang pagsapit ng Disyembre. Sa gulang niyang 
pitong taon, masaya siya kapag sumasapit ang buwang ito. Tsokoleyt, 
damit at laruan ang kanyang natatanggap. Pasko na bukas. Sa oras na ito 
kaiba ang kanyang nadarama. Lungkot. Ito ang araw na iniwan siya ng 
kanyang ina at namayapa. Anong uri ng pangungusap na walang paksa 
ang mga salungguhit na pahayag?
198 
a. penomenal 
b. eksistensiyal 
c. temporal 
d. modal 
10. Sa kaniyang pagiging matiyaga, mapagpakumbaba at masipag sa pag-aaral 
siya ang naging valedictorian ng kanilang paaralan. Aling pahayag 
ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari? 
a. sa kanyang pagiging matiyaga 
b. naging valedictorian ng kanilang paaralan 
c. sa kaniyang pagiging mapagkumbaba 
d. masipag sa pag-aaral 
11. Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya 
Sa pagkadalisay at pagkadakila 
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? 
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. 
Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng 
pahilig? 
a. sukat 
b. aliw-iw 
c. tugma 
d. indayog 
12. Kung ang bayang ito’y masasa-panganib 
At siya ay dapat na ipagtangkilik, 
Ang anak, ang asawa, magulang, kapatid 
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit 
Pansinin ang pagkakagamit ng pariralang tatalikdang pilit. Ano ang 
nais ipakahulugan nito? 
a. labag sa kalooban 
b. tatalikod 
c. di sang-ayon 
d. magsasawalang-kibo
13. Saan nabibilang ang pahayag na “ Ang lahat ng palayok, may katapat 
199 
na saklob”? 
a.bugtong 
b.salawikain 
c.sawikain 
d.sabi-sabi 
14. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng 
isang mas mabuting buhay para sa kanyang mga minamahal. Anong 
salita ang binibigyang- turing ng mga salitang nakahilig sa 
pangungusap? 
a. siya 
b. malayo 
c. namatay 
d. pag-asam 
16. Balikang muli ang pangungusap na nasa blg. 14. Ano ang tinutukoy ng 
mga salitang nakahilig? 
a. panahon 
b. lugar o lunan 
c. paraan 
d. kaisipan 
17. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang 
mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? 
a. palatuntunan 
b. nagsipagdalo 
c. pawisan 
d. nag-umpisa
200 
18. Ano ang tinutukoy ng salitang tanghali sa pangungusap blg. 17? 
a. paraan 
b. panahon 
c. panahon o lugar 
d. dahilan 
19. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong 
masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil 
kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking 
pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob 
ng pangungusap? 
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing 
b.nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon 
20. Ano ang salitang ginamit na nagpapakita ng paghahambing na di-magkatulad? 
a. di- gaano 
b. labis 
c. c. dahil 
d. tulad 
Natapos mo na ang Modyul 1. Nakatitiyak ako na naunawaan mo 
ang mahahalagang konsepto sa bawat aralin dahil buobng bisa mo itong 
nailipat sa tunay na sitwasyon na magagamit mo sa pang-araw-araw na 
pamumuhay. Sa modyul na ito ay napag-aralan din natin ang ilang 
akdang pamapanitikan na lumaganapa sa tatlong panahon. Pagkatapos 
ng Panahon ng Hapones, ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at 
Kasarinlan naman at ang panitikang namayani sa bawat panahon an 
gating pag-aaralan. Muli, maligayang pag-aaral.
201 
MMMMOOOODDDDYYYYUUUULLLL 2222:::: SANDIGAN NG LAHI … 
IKARANGAL NATIN 
I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG 
Kumusta na? Ikinatutuwa ko ang iyong pagtatagumpay sa 
pagsagot sa Modyul 1. Muli, magbubukas ako ng mga bagong gawain at 
aralin para naman sa Modyul 2 at ito ay nakatuon sa ilang akdang 
pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, 
Komonwelt at Kasarinlan. Ang ilan sa mga ito ay ang Balagtasan, 
Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula. Gayundin ang tungkol 
sa araling panggramatika tulad ng Panandang Diskurso, Kaantasan at 
Kayarian ng Pang-uri, Iba’t ibang Paraang Ginagamit sa Pagpapahayag 
ng Pagsang-ayon at Pagsalungat, at Aspekto ng Pandiwa. 
Bakit umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong 
Panahon ng Amerikano? Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang 
pampanitikan sa panahong ito? Malaya ba ang mga manunulat sa 
Panahon ng Komonwelt? Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng 
damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang 
maipahayag nila ang damdaming makabayan sa Panahon ng 
Kasarinlan? Tunay bang ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang 
bansa? Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t iba’t ibang 
panahon? At bakit kailangang magkarooon ka ng kaalaman at 
kasanayan sa gramatika? Nakatutulong ba ang mga ito sa pagiging 
mabisa sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin o pananaw ng isang 
tao? Ang mahahalagang tanong na ito ay magsisilbing gabay mo sa 
pagtuklas ng mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito. 
Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto 
na nakapaloob sa modyul na ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, ikaw 
ay inaasahan kong makikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang 
video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa 
sa kasalukuyan, nabago at nawala na. Narito ang mga tiyak na aralin na 
iyong pag-aaralan sa Modyul 2.
202 
II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO 
Sa modyul na ito ay masasagot mo ang mahalagang tanong kung 
pag-aaralan mo ang sumusunod na aralin. 
Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano 
Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan 
“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de 
Jesus 
b. Wika: Opinyon o Katotohanan 
Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela 
“Walang Sugat” ni Severino Reyes 
b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri 
Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt 
Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati) 
“Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon 
b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag 
Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes 
b. Wika: Kayarian ng Pang-uri 
Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan 
Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento 
“Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” 
ni Genoveva Edroza Matute 
b. Wika: Aspekto ng Pandiwa 
Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula 
“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar 
b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat 
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 
Aralin 2.1 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa Balagtasan at 
Sarsuwela na lumaganap sa Panahon ng Amerikano na 
sumasalamin sa kultura at kalagayang panlipunan ng mga 
Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan;
Aralin 2.2 – makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa Sanaysay at 
Maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Komonwelt 
upang mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan 
ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; 
Aralin 2.3 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at 
dula na umusbong sa Panahon ng Kasarinlan upang iyong 
mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa panahong ito. 
203 
III. MGA INAASAHANG KASANAYAN 
Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman 
at kasanayan: 
MODYUL 2 
Sandigan ng 
Lahi…Ikarangal 
Natin 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pakikinig 
Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong 
napakinggan 
 Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang 
pinakinggan 
 Naibubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto 
 Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at 
kahalagahan ng mga dulang pantanghalan sa buhay 
ng mga tao/ mag-aaral 
 Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa 
napakinggan 
 Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng 
nagsasalita 
 Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba 
pang paksa at karanasan 
 Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa 
napakinggan 
Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong 
napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding) 
Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa 
mga ideyang pinakinggan 
 Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita sa 
pagpapahayag ng sariling puna 
 Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa mga 
inaakalang maling pananaw o impormasyong 
napakinggan
Pagsasalita 
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap 
na nagbibigay pahiwatig 
204 
Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng 
pang-uri tulad ng: 
 lantay 
 pahambing 
 pasukdol 
Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at 
saloobin 
 Nakapagsasadula ng dulang pantanghalan 
(Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng 
Amerikano 
 Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga 
patunay 
at katuwiran 
 Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay 
sa iba’t ibang sitwasyon 
 Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, 
opinyon 
at saloobin batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng 
teksto 
Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa 
mga bagay na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang 
sa damdamin ng kausap) 
Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam 
Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino 
gamit ang panitikan 
Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng 
simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling 
atin 
Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano 
mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan
205 
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang ilang akdang Panitikan batay sa mga 
katangian nito 
 Balagtasan 
 Sarsuwela 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa 
pamamagitan ng: 
 pagkilala sa kahulugan ng mga salita 
 kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan 
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akdang 
pampanitikan ay nakatulong upang maipahatid ang layunin 
ng may-akda 
Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa: 
 paksa 
 layon 
 tono 
 pananaw 
 gamit ng salita 
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin 
sa mga akdang binasa 
Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa: 
 sarili 
 kapaligiran 
 ibang tao 
Naipaliliwanag ang mga elemento ng isang akda 
 maikling kuwento 
 dula 
Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng 
mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos 
ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod 
 Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o 
kaisipang nakasaad sa binasa 
 Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto 
 Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa 
mapanuring pagbasa ng teksto/akda 
 Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto/akda 
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang 
206 
nakapaloob 
sa teksto/akda 
Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o 
proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto 
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa 
kahulugan at katangian ng mga ito: 
 Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan ng 
pagpapaikli ng paksa 
 Nasusuri ang layunin ng paksa 
 Nasusuri ang mga uri ng panitikan at ang 
katangian ng bawat isa 
 Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga 
kilos o gawi ng mga tauhan 
 Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at 
pahiwatig 
na ginamit sa akda 
 Naibubuod ang binasang akda 
Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda 
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang 
binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, 
at wakas 
Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng 
mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak 
ang kakayahan at pananaw sa buhay 
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng 
akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng 
may-akda 
Nakapagbibigay-hinuha sa 
• pangyayari 
• kaalaman 
• pakay o motibo 
• layunin ng may-akda
Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa 
kulturang Pilipino noon at ngayon 
207 
Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa 
Naisasaayos ang mga pangyayari sa Maikling kuwento/Dula 
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod 
Nasusuri ang bahagi ng Maikling kuwento/Dula/Sanaysay 
Napaghahambing ang elemento ng Maikling kuwento sa 
Dula 
Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y 
nanatili, nabago o nawala na 
Pagsulat 
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang 
binasa at sa: 
 pamantayang pansarili o pansariling karanasan 
 pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang 
babasahin 
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ 
iskrip 
Nakasusulat ng talata na may pangunahin at pantulong na 
kaisipan 
Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng 
Filipino sa pagsulat ng talata 
 Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak 
ng paksa: 
• pagbibigay ng depinisyon 
• paghahalimbawa 
• paghahawig o pagtutulad 
Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob at pagitan ng 
talata upang magkaroon ng kaisahan sa pamamagitan ng: 
• pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang 
pagkakasunod-sunod 
• paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal
• paglalahad ng mga pangungusap na may 
208 
magkatulad na pagkakabuo 
Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata 
 Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang 
malinaw 
ang sariling ideya at intensiyon sa pagbuo ng 
komposisyon 
 Nagagawang kawili-wili ang panimula ng 
komposisyon 
sa pamamagitan ng isang: 
• kaakit-akit na pahayag 
• napapanahong sipi o banggit 
 Nawawakasan ang komposisyon nang may 
pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng: 
• pagbubuod 
• makabuluhang obserbasyon 
Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri 
ng paglalahad 
 Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa 
pagsulat 
ng sanaysay 
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa 
 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon 
 Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay-ugnay 
na ideya at impormasyon 
 Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa 
 Nakabubuo ng isang: 
• makatawag-pansing simula 
• mabisang wakas 
Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, 
at opinyong nakapaloob sa teksto kung: 
• totoo o hindi totoo 
• may pagbabatayan o kathang-isip lamang 
• mabuti o masama 
• katotohanan o opinyon 
Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman 
ng akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di-makatotohanan 
gamit ang graphic organizer
Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar 
na pinagmulan 
209 
Nakasusulat ng talatang: 
• naglalarawan 
• naglalahad 
• nagsasalaysay 
• nangangatuwiran 
Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda 
hango sa sariling karanasan 
• nasaksihan 
• napakinggan/napanood/nabasa 
Tatas 
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan 
sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo 
Naipamamalas ang makahulugan at masining na 
pagpapahayag 
para sa mabisang pakikipagkomunikasyon 
Nagagamit ang magagalang na pananalita 
sa pakikipagkomunikasyon 
Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa 
komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at 
pagkakataon 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at 
pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood, 
nabasa o napakinggan 
Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral 
Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng 
pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda 
Nalilikom ang mga panoorin na namayani sa panahon 
ng Amerikano
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian sa aklatan/internet 
Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon 
sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian sa aklatan/internet 
210 
IV.KONSEPTUWAL NA BALANGKAS 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob 
sa Modyul 2 na iyong pag-aaralan. 
SANDIGAN NG LAHI…IKARANGAL NATIN 
Aralin 3 : 
Ang Panitikan sa 
Panahon ng 
Kasarinlan 
3.1: a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” 
ni Genoveva Edroza Matute 
b. Wika: Aspekto ng Pandiwa 
3.2: a. Panitikan:Dula 
“Sinag sa Karimlan.” ni Dionisio Salazar 
b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat 
Aralin 2 : 
Ang 
Panitikan sa 
Panahon ng 
2.1: a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) 
“Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon 
b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag 
2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes 
b. Wika: Kayarian ng Pang-uri 
Aralin 1 : 
Ang Panitikan sa 
Panahon ng 
Amerikano 
1.1: a. Panitikan: Balagtasan 
“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” 
ni Jose Corazon de Jesus 
b. Wika: Opinyon o Katotohanan 
1.2: a. Panitikan: Sarsuwela 
“Walang Sugat” ni Severino Reyes 
b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
211 
Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, 
narito ang ilang gabay. 
6. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 
7. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 
8. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng 
kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 
9. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 
10. Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa 
sitwasyon. 
Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang 
pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. 
Mangyaring sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang 
pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga 
aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot 
habang pinag-aaralan mo ang araling ito. 
V. PANIMULANG PAGTATAYA 
Unang Bahagi 
Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na 
tanong/pahayag. 
1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento. 
a. Rogelio R. Sicat 
b. Deogracias A. Rosario. 
c. Narciso Reyes 
d. Liwayway . Arceo 
2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa 
Panahon ng Komonwelt. 
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na 
Panitikan. 
b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat 
c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat 
d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga 
kuwentista.
3. Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.” 
212 
a. salaysay 
b. komposisyon 
c. talumpati 
d. sanaysay 
4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng 
sumusulat at bumabasa. 
a. malayo ito sa damdamin ng madla 
b. napakahirap nitong gawin 
c. dahil nagmula ito sa ibang bansa. 
d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 
5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan. 
a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit 
lumalaban. 
b. Mayroon itong isahang yugto. 
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining. 
d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at 
pamilyar dahil nang-aaliw. 
Ikalawang Bahagi 
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang 
masagot ang kasunod na mga tanong. 
Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais 
Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik. 
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig 
Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; 
Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, 
Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; 
Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, 
Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit. 
Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso 
at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle
213 
6. Anong uri ng panitikan ang binasa? 
a. Balagtasan 
b. Batutian 
c. Karagatan 
d. Duplo 
7. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda? 
a. May-akda 
b. Lakandiwa 
c. Mambabalagtas ng Puso at Isip 
d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran 
8. Anong sukat mayroon ang akda? 
a. wawaluhin 
b. lalabindalawahin 
c. lalabing-animin 
d. lalabingwaluhin 
9. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? 
a. Kabutihan – Di-kabutihan 
b. Dunong - Pagmamahal 
c. Tagumpay o Kabiguan 
d. Isip at Katuwiran 
10. Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na 
binasa? 
a. pagkain 
b. kayamanan 
c. pag-ibig 
d. karangalan 
11. Anong bahagi ng panalita ang salitang matahimik? 
a. pangngalan 
b. panghalip 
c. pang-uri 
d. pandiwa
“Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. 
Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at 
tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo…?” 
Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng 
mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap 
ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan 
ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan, 
at paulit-ulit na pinapatay. 
Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong 
mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, 
angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, 
ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa 
nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog 
sa‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong 
hinigpitan nila ang iyong tanikala. 
Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi 
kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong 
iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang 
nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga 
tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa 
kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng 
apat na raang taon. 
Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na 
214 
ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. 
Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo 
ang mga latay na tumimo sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang 
malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos 
mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay 
mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 
Hango mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.
215 
12. Anong uri ng panitikan ang binasang seleksiyon? 
a. tula 
b. nobela 
c. maikling kuwento 
d. sanaysay 
13. Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda? 
a. pagiging isang politiko 
b. pagpapakita ng damdamin 
c. kahirapan 
d. pagpapahayag ng saloobin 
14. “Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng 
salitang may salungguhit? 
a. bilangguan 
b. kalayaan 
c. sakit sa katawan 
d. kadena 
15. Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda? 
a. Amerikano 
b. Hapon 
c. Español 
d. Tsino 
16. Sino ang kausap ng manunulat sa akda? 
a. dayuhan 
b. Pilipino 
c. namumuno sa pamahalaan 
d. kabataan
216 
17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? 
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang 
mga latay na tumimo sa iyong isip. 
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa 
bayang Pilipinas. 
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. 
d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong 
kahapon. 
18. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga 
Pilipino? 
a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan 
na malaon nang ginagamit 
b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop 
sa bansa 
c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na 
pilit na ipinapalit sa sariling wika 
d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang 
mangyari 
19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga 
Amerikano? 
a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga 
Amerikano 
b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino 
c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa 
kanilang katawan 
d. dahil maging ang lupang sinilangan – ang Pilipinas ay hinahamak 
na rin ng mananakop
20. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya 
217 
mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? 
a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan 
b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa 
c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in 
d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling 
pag-unlad 
Ilan sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang 
mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang 
maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral. 
VI. YUGTO NG PAGKATUTO 
AAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN 
Hindi maikakailang isa sa ipinagmamalaki ng ating 
bansa ang ating sariling panitikan. Bago pa man dumating ang mga 
Amerikano, nagkaroon ng sariling pamahalaan hanggang sa makamit ng 
bansa ang kasarinla. Ang panitikan ay kinagigiliwang basahin ng ating 
mga kababayan. Dahil sa ito ay bahagi na ng ating buhay, nararapat 
lamang na ito ay pag-aralan upang lalo pa itong maunawaan. 
Ano ba ang iyong paniniwala tungkol sa panitikan? Sa tulong ng 
Beliefs Inventory, alamin natin ang iyong paniniwala tungkol dito. 
Pagkatapos ng lahat ng gawain sa modyul na ito, bago ang pagtatapos 
na pagtataya, muli itong balikan upang matiyak na ang iyong paniniwala 
ay wasto o mali.
218 
GAWAIN 2.1: BELIEVE IT OR NOT… 
Lagyan mo ng tsek (Ö) ang patlang bago ang pahayag na iyong 
pinaniniwalaan tungkol sa panitikan. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na 
ito ay muli itong balikan at ilagay sa dulo ng pahayag ang MK kung ito ay 
may katotohanan at WK kung ito ay walang katotohanan. 
Naniniwala ako na. . . 
_____ Ang panitikan ay salamin ng lahing Pilipino. 
_____ Malaya ang mga manunulat noong Panahon ng Amerikano. 
_____ Ang Balagtasan ay maaaring gawing akdang tuluyan. 
_____ Walang kaugnayan ang paglalahad ng opinyon at katuwiran 
sa Balagtasan. 
_____ Nagsasaad ng kilos o galaw ang pandiwa. 
_____ May layuning batikusin ang mga Pilipino ng dulang, “Walang 
Sugat ni Severino Reyes.” 
_____ Naging malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon 
ng Komonwelt. 
_____ Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri 
upang mas maging masining ang kanilang akda. 
_____ Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon 
ng Amerikano. 
_____ Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng 
Amerikano, Panahon ng Komonwelt at Panahon ng Kasarinlan 
ang kulturang Pilipino. 
Tingnan mo sa kalakip na Susi sa Pagwawasto ang tamang sagot. 
Kung nasagot mo nang wasto ang 8 – 10 na aytem, napakahusay! Binabati 
kita sapagkat may ideya ka na sa ating magiging aralin. Kung 5 -7, mahusay 
sapagkat may kaalaman ka na rin sa magiging aralin na palalawakin pa natin 
sa tulong ng mga gawain o pagsasanay. Kung 4 pababa ang iyong nakuha, 
huwag kang malungkot sapagkat ang modyul na ito ang iyong magiging 
gabay upang lumawak ang iyong kaalaman sa aralin.
219 
GAWAIN 2.2. IMPORTANTASTIK 
Sa tulong ng Concept Map, isulat mo ang mahahalaga at kahanga-hangang 
impormasyong iyong nalalaman tungkol sa panitikan sa Panahon ng 
Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Isulat ang mga ito sa blangkong bilog. 
PANITIKAN 
Marami ka bang naisulat na impormasyon? Ang mga impormasyong 
iyong naitala ay nagpapatunay kung gaano na ang alam mo sa nilalaman ng 
modyul na ito. Kung kaunti lamang ang iyong naisulat ay huwag kang mag-alala 
sapagkat tutulungan ka ng mga gawain at pagsasanay na inihanda ko 
upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa mga paksang ating pag-aaralan. 
Halina’t simulan na nating paunlarin ang iyong dating ng alam. 
PPPPAAAAUUUUNNNNLLLLAAAARRRRIIIINNNN 
Sa bahaging ito, pauunlarin natin ang ang iyong kaalaman at 
kakayahan sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng panitikan tulad ng 
Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula sa iba’t 
ibang panahon. Ang mga impormasyon, gawain at pagsasanay na 
nakapaloob sa bawat aralin ay makatutulong upang palawakain pang 
lalo ang iyong kaalaman sa panitikan at nang sa ganoon ay matuto 
itong pahalagahan bilang salamin ng ating lahi mula noon, sa 
kasalukuyan at maging sa hinaharap. Bibigyang-pansin din sa modyul 
na ito ang pag-aaral tungkol sa wika tulad ng mga pahayag na may 
opinyon at katotohanan, kaantasan ng pang-uri, iba’t ibang paraan ng 
pagpapahayag, kayarian ng pang-uri, aspekto ng pandiwa, at mga 
pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at 
kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 2.1 ng modyul na 
ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano. 
ARALIN 2.1: ang panitikan sa Panahon ng Amerikano 
220 
I. Panimula at mga Pokus na tanong 
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Español, edukasyon 
naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano sa Pilipino. 
Sa panahon ding ito isinilang ang ilang makatang Pilipino na nagsulat sa 
Ingles at Tagalog. Naitanong mo na ba kung bakit mahalagang pag-aralan 
at unawain ang mga akdang pampanitikang Pilipino sa panahon ng 
Amerikano? Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan at 
Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Sa 
araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa mga tanong na ito 
sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang pampanitikan sa 
Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda ng mga batikang 
manunulat ng bansa. 
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito 
Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang 
Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na 
aralin na nakapaloob sa modyul na ito: 
Aralin 2.1: Panahon ng Amerikano 
Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan 
“Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” 
ni Jose Corazon de Jesus 
b. Wika: Katotohanan at Opinyon 
Aralin 2.2.2 a. Panitikan: Sarsuwela 
“Walang Sugat” ni Severino Reyes 
b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
221 
III. Mga Inaasahang Kasanayan 
Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa 
pagtalakay mo sa araling ito 
Aralin 2.1 
Ang 
Panitikan sa 
Panahon ng 
Amerikano 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong 
napakinggan 
Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang 
pinakinggan 
Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto 
Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagan 
ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-aaral 
Pagsasalita 
Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap 
na nagbibigay pahiwatig 
Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng 
pang-uri tulad ng: 
• lantay 
• pahambing 
• pasukdol 
Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at 
saloobin 
Nakapagsasadula ng mga dulang pantanghalan (Sarsuwela) 
na nangibabaw sa Panahon ng Amerikano 
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian 
nito 
• Balagtasan 
• Sarsuwela 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa 
sa pamamagitan ng: 
• pagkilala sa kahulugan ng mga salita 
• kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan 
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng genre 
ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda 
Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:
222 
• paksa 
• layon 
• tono 
• pananaw 
• gamit ng salita 
Nailalahad ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob 
sa akdang binasa 
Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa: 
• sarili 
• kapaligiran 
• ibang tao 
Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda 
Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo 
ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos 
ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod 
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin 
sa mga akdang binasa 
Pagsulat 
Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang 
binasa at sa: 
• pamantayang pansarili o pansariling 
karanasan 
• pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang 
babasahin 
Nakagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ 
iskrip 
Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng 
pangunahin 
at pantulong na kaisipan 
Tatas 
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan 
sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at 
pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang 
napanood,nabasa, o napakinggan
223 
Estratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral 
Nalilikom ang nakakalap na mga panoorin na namayani 
sa Panahon ng Amerikano 
Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon 
sa isinagawang pananaliksik 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian 
sa aklatan/internet 
Nakapagsasagawa ng isang panayam sa mga taong may 
sapat na kaalaman sa Sarsuwela at Balagtasan 
IV. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa 
modyul na ito na iyong pag-aaralan. 
a. Panitikan: Balagtasan 
Bulaklak ng Lahing 
Kalinis- linisan ni Jose 
Corazon 
de Jesus 
b. Wika : Katotohanan 
o Opinyon 
a. Panitikan: 
Sarsuwela Walang 
Sugat ni Severino 
Reyes 
b. Wika: Kaantasan 
ng Pang-uri 
Ang Panitikan sa 
Panahon ng Amerikano
224 
V. Panimulang Pagtataya 
Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Ito ay 
panimulang pagtataya na hahamon sa iyong kakayahan sa pag-aaralang mga 
akda. Hanapin ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. 
Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na 
ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo na ang mga aytem na mali 
ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo 
ang modyul na ito. Maaari mo nang simulan. 
A. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa 
umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita 
ng tamang sagot. 
G A L D E B A T E N B D 
D E I U A D T T A H K O 
S H U P D A G L I L M O 
A B A L A G T A S A N N 
N A T O S I R C S D T O 
E L N H B A T U T I A N 
L A K A N D I W A D G A 
K S A K G I B I B M A M 
B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap 
upang mabuo ang diwa nito. 
1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang 
tanghaling Ama ng Balagtasan. 
2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya 
si Maria Asuncion Rivera. 
3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa 
edukasyon. 
4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin 
ang ating bayan gaya ni Balagtas. 
5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon 
at kultura para sa susunod na heherasyon.
Sa aking palagay Naniniwala akong rin 
Sa dakong huli Tungkol sa para sa 
Walang dudang bigyang-pansin 
Sa madaling salita kaya lamang 
Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang 
mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng araling ito upang maiwasto mo 
ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng ilan sa mga akdang 
pampanitikan sa Panahon ng mga Amerikano. 
225 
VI. Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Sa tulong ng KWHL Sheet na Ano ang Alam mo na 
( What do you Know?), Ano ang Nais mong 
malaman (What do you want to find out?), Paano mo makikita ang nais mong 
malaman (How can you dind out what you want to learn?), Ano ang iyong 
natutuhan/naunawaan? (What Did You Learn?), ay subukin mong sagutin ang 
mga tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. 
Pagkatapos nating pag-aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling 
kolum, ang L. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat. 
GAWAIN 2.1.a : KWHL Chart 
Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan 
ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan. 
Ano ang alam 
mo na ? 
(What do 
you Know?) 
K 
Ano ang nais 
mong 
malaman? 
(What W 
do you 
want to find 
out?) 
Paano mo 
makikita ang 
nais mong 
malaman? 
(How H 
can you 
dind out what 
Ano ang 
iyong 
natutuhan/ 
naunawaan? 
L 
(What did you
Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman – 
ang dati at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa 
mga pahina ng araling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa 
mga tanong na iyan. 
226 
GAWAIN 2.1.b: HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN? 
Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong 
nalalaman sa Panahon ng Amerikano. 
Manunulat Mga Akda 
Panahon 
ng 
Amerikano 
Kultura 
Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung oo, 
Mga 
nangangahulugan ito na mas magiging madali para sa iyo ang aralin. 
Kung hindi naman, huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng 
modyul na ito lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo 
ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin 
nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng 
pag-unawa! 
Dalawa sa mga akdang pampanitikan ang pag-aaralan natin sa 
bahaging ito – ang Balagtasan at Sarsuwela. Simulan natin sa 
Balagtasan (Aralin 2.1) - na isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo. 
Lumaganap ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano, 
batay sa mga lumang tradisyon ng masining na pagtatalo gaya 
ng Karagatan, Batutian at Duplo. Nagmula sa pangalan ni Francisco Baltazar 
bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang tawag sa 
Balagtasan. 
Bago tayo magsimulang talakayin ang araling ito ay nais ko munang 
malaman mo rin ang mahalagang tanong para sa araling ito: “Masasalamin 
ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan.” Narito ang mga gabay 
na tanong upang masagot mo ito.
227 
Mga Gabay na Tanong 
1. Ano ang Balagtasan? 
2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 
3. May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan? 
Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan? 
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating 
bansa? 
Sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong dating kaalaman. Sa 
pagwawakas ng araling ito tingnan natin kung wasto ang naging mga sagot. 
Upang matiyak na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa 
pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang mailalapat mo ang iyong mga 
natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang argumentatibong editoryal 
na sumasalamin sa kaugalian ng isang masayang pamilya . Narito ang mga 
pamantayan kung paano itataya ang gawaing ito: a) malinaw na nailahad ang 
opinyon sa isyung tinalakay; b) gumamit ng mga ebidensya o patunay upang 
maging makatotohanan ang sinabi; c) nakitaan ng tiwala sa sarili at 
kaalaman sa isyu; d) naipahayag ang opinyon sa magalang na paraan; d) 
napaniwala at nahikayat ang mga mambabasa at e) wasto ang pagkakagamit 
ng gramatika. Nararamdaman kong sabik na sabik ka na sa ating gagawing 
pag-aaral. Alamin na natin ang tungkol sa Balagtasan. 
GAWAIN 2.1.1.a: PICK-UP LINES 
Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin 
mo muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang 
isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa 
Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na 
ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong. 
Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang 
pangalan mo sa isip ko… 
1. Aklat ka ba? 
2. Papel ka ba? 
3. Table of Contents ka ba? 
4. Bagyo ka ba? 
5. Teleserye ka ba?
Mahusay ang iyong ginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito? 
Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa 
kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan sa simpleng patanong at 
ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang 
nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng 
paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang 
ginagawa ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang 
nililigawan ay sa pamamagitan ng Balagtasan. 
Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating 
pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot. 
_________________ 
_________________ 
228 
Natutuhan 
ko na 
GAWAIN 2.1.1.b: IBA AKO EH! 
Naging 
kawili-wili sa 
akin ang 
Ibig ko pang 
malaman 
ang tungkol 
Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong 
nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa 
kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng 
panitikan. 
Balagtasan 
_________________ 
_________________ 
_________ 
_________________ 
_________________ 
___________ 
__________ 
Upang maragdagan ang iyong kaalaman sa Balagtasan, alamin mo 
ang kaligirang pangkasaysayan o pinagmulan nito. Umpisahan na natin.
229 
Basahin at unawain. 
Kaligirang Pangkasaysayan ng 
Balagtasan 
Ang Balagtasan ay isang 
pagtatalo sa pamamagitan ng 
pagtula. Nakilala ito noong panahon 
Ugnay-Panitikan 
na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon 
ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. 
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na 
sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May 
tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang 
biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng 
dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at 
binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga 
Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi 
ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na 
gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat 
isaalang-alang. 
Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo 
ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na 
nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, 
isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng 
katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba 
ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, 
layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng 
katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang 
Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang 
palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan.
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang 
mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa 
Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay 
naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata 
na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. 
Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” 
ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. 
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong 
pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa 
mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at 
Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na 
magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang 
kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. 
Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si 
Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng 
Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si Huseng Batute 
dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. 
Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang 
Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga 
makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng 
Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si 
Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng 
Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto). 
Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga 
samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon 
ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan. 
Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng 
tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga 
230
tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa 
publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( 
Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang 
panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran. 
Nalaman mo na ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pinagmulan 
ng Balagtasan. Atin namang paunlarin ang iyong kaalaman sa sumusunod 
na gawain. 
231 
GAWAIN 2.1.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng 
Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan. 
Duplo 
Karagatan 
Batutian 
2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo 
ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na 
basahin, palaganapin at pahalagahan ito? 
3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang 
kasunod na mga tanong. 
BALAGTASAN 
Ano-ano ang 
elemento ng 
Balagtasan? 
Bakit mahalaga ang 
mga tauhan? 
(Lakandiwa at 
Mambabalagtas) 
Bakit mahalaga ang 
mga elementong 
sukat,tugma at 
indayog sa isang 
Balagtasan? 
B 
A 
L 
A 
G 
T 
A 
S 
A 
N 
Pagkakaiba 
Pagkakatulad
4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. 
232 
Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram. 
Gawin ito sa sagutang papel. 
Papel na Ginagampanan 
sa Balagtasan 
MAMBA-BALAGTAS 
MANONOOD 
___________________ 
___________________ 
__________________ 
Mahusay ang iyong ginagawa. Ituloy mo lang ito. Huwag kang mag-aalala, 
gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Maaari mo nang 
basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan. Unawain mo ito upang 
masagot/maisagawa ang kasunod na mga tanong at gawain. 
BALAGTASAN: 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan 
- Jose Corazon de Jesus 
Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalal 
Binubuksan ko na itong Balagtasan, 
Lahat ng makata’y inaanyayahang 
Sa gawang pagtula ay makipaglaban. 
Ang makasasali’y batikang makata 
At ang bibigkasi’y magagandang tula, 
Magandang kumilos, may gata sa dila 
At kung hindi ay mapapahiya. 
Itong balagtasa'y galing kay Balagtas 
Na Hari ng mga Manunulang lahat, 
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag 
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.
233 
At sa gabing ito’y sa harap ng bayan 
Binubuksan ko na itong Balagtasan 
Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan: 
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN. 
Tinatawagan ko ang mga makata, 
Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, 
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna 
At magbalagtasan sa sariling wika. 
Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat 
Mga nalilimping kawal ni Balagtas, 
Ako’y paruparong may itim na pakpak 
At nagbabalita ng masamang oras. 
Nananawagan po, bunying Lakandiwa, 
Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, 
Naging paruparo sa gitna ng tula 
At isang bulaklak ang pinipithaya. 
Sa ulilang harding pinanggalingan ko 
Laon nang panahong nagtampo ang bango, 
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito 
Ay may kabanguhang binubuhay ako. 
May ilang taon nang nagtampo sa akin 
Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, 
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, 
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim. 
Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, 
Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo, 
At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko 
Upang matalunton ang naglahong bango. 
Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin 
Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, 
Magtuloy po kayo at dito sa hardin, 
Tingnan sa kanila kung sino at alin.
234 
Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay 
Ang bango ng mga bulaklak sa parang, 
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang 
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. 
Ang bulaklak ko pong pinakaiirog 
Ubod na ng ganda’t puti ang talulot, 
Bulaklak po ito ng lupang Tagalog, 
Kapatak na luhang pangala’y kampupot. 
Kung kaya po naman di ko masansala 
Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, 
Matapos na siya’y diligan ng luha 
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala! 
Isang dapit-hapong palubog ang araw 
Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan, 
Paruparo, anya kita’y tatalian, 
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan. 
Isang panyong puting may dagta ng lason 
Ang sa aking mata’y itinakip noon, 
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon, 
Nagtago pa mandin at aking hinabol. 
Hinabol-habol ko ang bango at samyo 
Hanggang makarating ako sa malayo, 
At nang alisin na ang takip na panyo 
Wala si Kampupot, wala yaring puso. 
Ang taguang biro’y naging totohanan 
Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, 
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan, 
Baliw na mistula sa pagsisintahan. 
Sa lahat ng sulok at lahat ng panig 
Ay siya ang laging laman niring isip, 
Matulog man ako’y napapanaginip, 
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
235 
Sa apat na sulok ng mundong payapa 
Ang aking anino’y tulang nabandila, 
Paruparo akong sa mata’y may luha, 
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. 
Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal, 
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, 
At kung si Kampupot ay ayaw po naman, 
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay. 
Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y 
Karugtong ng aking pusong nagdurusa, 
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha 
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. 
Pusong pinagtali ng isang pag-ibig 
Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, 
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig, 
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik. 
Ang dalawang ibon na magkasintahan, 
Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, 
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, 
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, 
Paruparong sawing may pakpak na itim 
Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim, 
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw 
“Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin. 
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo 
At sa kasawia’y magkauri tayo, 
Ako ma’y mayroong nawawalang bango 
Ng isang bulaklak kaya naparito. 
Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap 
Bawat salita mo’y matulis na sibat, 
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, 
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
236 
Ipahintulot mo, Paruparong luksa, 
Dalitin ko yaring matinding dalita. 
Itulot mo rin po, Hukom na dakila, 
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. 
Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay 
Lalo’t magniningning ang isang katwiran, 
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan 
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan. 
Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang 
Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, 
Paano at saan ninyo napagmalas 
Na ito ang siya ninyong hinahanap? 
Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin 
Ang binhi ng isang halama’y sumupling, 
Sa butas ng bakod na tahanan namin 
Ay kasabay akong isinisilang din. 
Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, 
Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, 
At nang sa butas ko ako’y makalipad 
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak. 
Sa kanyang talulot unang isinangla 
Ang tamis ng aking halik na sariwa, 
At sa aking bulong na matalinghaga 
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. 
Nang mamukadkad na ang aking kampupot 
Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, 
Langgam at tutubing dumapo sa ubod 
Sa panibugho ko’y aking tinatapos. 
Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan 
Habang ako’y kanlong sa isang halaman, 
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw 
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
237 
Ang inyong taguan, akala ko’y biro, 
Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo, 
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso 
Sa akin man pala ay nakapagtago. 
Lumubog ang araw hanggang sa dumilim 
Giliw kong bulaklak din dumarating, 
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim 
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. 
Nilipad ko halos ang taas ng langit 
At tinalunton ko ang bakas ng ibig, 
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis 
Kung di makita’y di na magbabalik. 
Sa malaong araw na nilipad-lipad 
Dito ko natunton ang aking bulaklak, 
Bukong sa halik kokaya namukadkad 
‘Di ko papayagang mapaibang palad. 
Luksang Paruparo, kampupot na iyan, 
Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, 
Ang unang balik kong katamis-tamisan 
Sa talulot niya ay nakalarawan. 
Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak 
Kapwa mapaloob ang dalawang palad. 
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap 
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. 
Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang 
Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan: 
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, 
Sino ang malapit sa pagliligawan? 
Una muna akong nag-uod sa sanga 
Na balot ng sapot ng pagkaulila, 
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata 
Bulo’t dahon namin ay magkasama na. 
Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw
238 
Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, 
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan, 
Ang kanya ring dahon ang aking balabal. 
Sa kanyang talulot kung may dumadaloy 
Na patak ng hamog, aking iniinom; 
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong 
Sa init ng araw sa buong maghapon. 
Paano ngang siya ay pagkakamalan 
Na kami’y lumaki sa iisang tangkay, 
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay 
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. 
Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig 
Niyaring bulaklak na inaaring langit, 
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig 
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. 
Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot 
Nakikiinom ka ng patak ng hamog, 
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, 
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. 
Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; 
Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, 
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay 
Bulong ng hiningang katamis-tamisan. 
Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo, 
Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? 
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, 
Ay ubos na pala ang tamis sa bao. 
Bubuyog na laging may ungol at bulong 
Ay nakayayamot saan man pumaroon, 
At ang katawan mo’y mayrong karayom 
Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy?
239 
Di ka humahalik sa mga bulaklak, 
Talbos ng kamote ang siya mong liyag, 
Ang mga bintana’y iyong binubutas, 
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. 
Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, 
Iyong mga bulong ay naririnig ko; 
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo 
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. 
Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap 
Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, 
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad 
Lalo na ang dungong di makapangusap. 
Lilipad-lipad ka na payao’t dito 
Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, 
Pag ligaw-matanda sa panahong ito 
Pagtatawanan ka ng liligawan mo. 
Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog 
Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, 
Nguni’t saang panig nitong sansinukob 
Nakakatuwaan ang paris mong uod? 
Saka, Paruparo, dapat mong malamang 
Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal, 
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan 
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. 
Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib, 
Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, 
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig 
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig. 
Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga 
At sa mga daho’y nagtatago ka pa. 
Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa 
Sa taglay kong bulo nilason na kita.
240 
Bubuyog: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot. 
Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. 
Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod. 
Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, 
Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; 
Yamang di-malaman ang may-ari nito, 
Kampupot na iya’y paghatian ninyo. 
Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak 
Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; 
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap 
Kaya ang talulot niya ang malagas. 
Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman 
Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; 
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan 
O buo wala nguni’t akin lamang. 
Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong 
Dito’y masisira sa gawang paghatol; 
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, 
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. 
Ipahintulot pong sa mutyang narito 
Na siyang kampupot sabihin kung sino 
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, 
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. 
Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit, 
Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, 
At si Bubuyog po’t paruparong bukid, 
Ay kapwa hindi ko sila iniibig. 
Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, 
Limot mo na baga ang aking pagliyag? 
Limot mo na bagang sa buong magdamag 
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
241 
Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong 
Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, 
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy 
At di inakala na sinuman yaon. 
Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid 
Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig, 
Ang akin bang samo at mga paghibik 
Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig? 
Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing 
Daing at panaghoy na kung saan galing, 
Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin 
At di inakala na sinuma’t alin. 
Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod, 
Makapitong lumbay o hanggang matapos. 
Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan 
Na ang paglililo’y nasa kagandahan. 
Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin 
Ay di mananakaw magpahanggang libing. 
Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang 
Nabaliw nang hindi kinababaliwan: 
Yamang ang panahon ay inyong sinayang 
Kaya’t nararapat na maparusahan. 
Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo 
Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo, 
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo, 
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. 
(Pagkatapos tumula ni Paruparo) 
Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, 
Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; 
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” 
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
242 
(Pagkatapos tumula ni Bubuyog) 
Minamahal nami’t sinisintang bayan, 
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan; 
At kung ibig ninyong sila ay hatulan, 
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay. 
GAWAIN 2.1.1.d: Hanap-Salita 
Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang nasa Hanay 
B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa 
pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot. 
Hanay A Hanay B 
____ 
____ 
____ 
____ 
____ 
1. May gata sa dila 
2. Kapatak na luha 
3. Hinagpis ko noong ako’y 
iwan 
b. konti 
c. mahulog 
d. matinding lungkot 
e. mahusay bumigkas 
f. nakaistorbo 
4. Ang binhi ng isang 
halaman ay sumupling 
5. Halakhak ay 
nakabulahaw 
Mahusay ang naging sagot mo. Madali mong naunawaan ang 
simulang bahagi ng aralin. Pagkatapos mong masagutan ang pagsasanay ay 
dumako tayo sa kasunod na gawain, ang pagtalakay sa nilalaman ng 
binasang Balagtasan. Atin pang ipagpatuloy ang pagsusuri sa araling ito. 
Isulat sa papel ang mga sagot. Gayahin ang pormat.
243 
GAWAIN 2.1.1.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
Sagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa. 
1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog? 
2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? 
Patunayan. 
3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong 
panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit? 
4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang 
balagtasan? 
Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit? 
Paruparo 
Bubuyog 
Ang higit na 
matimbang sa inyong 
dalawa ay si… 
5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at 
pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang 
kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay. 
6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa 
kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa 
iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat. 
Pagkakatulad at pagkakaiba ng 
panliligaw ng mga binata sa 
dalagahan noon sa ngayon 
Pagkakatulad Pagkakaiba
7. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang 
maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at 
pahalagahan ito? 
Matapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin sa panitikan, 
magtungo naman tayo sa wika – ang pagbibigay ng katotohanan at opinyon. 
Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katotohanan at 
opinyon. Basahin mo ang ilang impormasyon tungkol dito. 
244 
Katotohanan at Opinyon 
May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang 
sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa 
pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na 
pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang 
maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na 
maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan. 
Opinyon 
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag 
lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga 
impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga 
ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring 
mapatunayan kung totoo o hindi. 
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking 
palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, 
para sa akin, sa ganang akin atbp. 
Halimbawa: 
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala 
sa isa’t isa. 
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may 
takot sa Diyos.
245 
Katotohanan 
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang 
sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na 
maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang 
pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa. 
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, 
resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula 
kay, tinutukoy na, mababasa na atbp. 
Halimbawa: 
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng 
nababawasan ang mga out-of school youth. 
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na 
unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa. 
Tandaan: 
Katotohanan Opinyon 
Pareho ng ur impormasyon 
Maaaring mapatunayan na totoo Base sa mga saloobin at hindi 
maaaring mapatunayang 
totoo. 
Bihirang magbago sa pinagmumulan Madalas nagbabago sa mga 
pinagmulan 
Batay sa nalaman mong mga datos tungkol sa katotohanan o 
opinyon, magkaroon tayo ng pagtataya tungkol dito upang malaman natin ang 
iyong naging pag-unawa sa paksang ito. Simulan na natin.
246 
GAWAIN 1.1.e: Katotohanan O Opinyon 
Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon. 
1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po 
at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang 
makikita. 
2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang 
kinagisnan ang mga Pilipino. 
3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, 
ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa 
atin. 
4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng 
paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang 
bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas. 
5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na 
panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon. 
Mahusay, nagawa mong mabuti ang iyong gawain.Madali lang hindi 
ba? Kayang-kaya mo nang kilalanin kung alin ang opinyon at katotohanan 
batay sa mga halimbawa at pagsasanay na tinalakay. Matapos mong 
maunawaan ang gramatika (opinyon at katotohanan) ay maaari mo nang 
sagutan ang susunod na gawain na magtataya sa iyong naging pag-unawa 
sa aralin. 
GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGAN 
Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang 
diwang ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga 
tanong . 
Bahagi na ng kuturang Pilipino ang _________________ at 
______________________ bilang parangal sa mga 
______________________. Ipinakikita nito kung gaano natin 
_____________________________ ang mga ________________________. 
Masasalamin din ang ________ ________ng ating mga ninuno sa paghabi ng 
magkakatugmang ________________________ at pagbigkas nang may 
_____________________.
Mahusay. Matapos mong masagutan ang ating aralin, ngayon naman 
ay maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang 
pangwakas na gawain para sa bahaging ito, maaari ka na ring gumawa o 
sumulat ng isang editoryal na argumentasyon na may kaugnayan sa 
kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng isang pamilyang Pilipino at ng bansa. 
Ikaw ay tatasahin sa sumusunod 1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga 
pangyayari, 2) malikhain at masining ang presentasyon, 3) maikli at 
nakakakuha ng interes ang pamagat 4) malinaw na naipahayag ang 
argumento sa editoryal. 
Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa katatapos 
na aralin. Ngayon ay handa ka ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman 
sa aralin na tungkol sa akdang pampanitikan na Sarsuwela na namayani 
noong Panahon ng Amerikano. 
Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang “Walang 
Sugat” na isinulat ni Severino Reyes. Ito ay isang melodrama o komedyang 
binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, 
galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraning 
panlipunan at pampolitika noong Panahon ng Español . Ang kathang 
pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang napapanood mo sa 
kasalukuyan dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito. 
Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at 
damdaming makabayan ang sarsuwela. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa 
bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na dayuhan, tulad ng 
akdang babasahin mo na pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes. 
Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pag-aaralan 
natin ang kaantasan ng pang-uri upang masagot mo kung 
masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa panahon ng 
Amerikano? Narito ang mga gabay na tanong na iyong sasagutin. 
247 
Mga Gabay na Tanong 
1. Ano ang sarsuwela? 
2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 
3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan. 
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela? 
5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag. 
Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili 
sa sumusunod na mga pangalan na nakilala bilang manunulat at ang kanilang 
mga akdang naisulat.
248 
GAWAIN : 2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin Mo 
Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng 
panitikan sa Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa 
kabilang hanay, Hanay B, ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A. 
Isulat sa sagutang papel ang sagot. 
Hanay A Hanay B 
a. Walang Sugat 
b. Dalagang Bukid 
c. Kahapon, Ngayon at 
Bukas 
d. Ako Ang Daigdig 
e. Sa Aking Mga 
Kababata 
f. Isang Punongkahoy 
Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang tanong. Kung hindi 
naman ay huwag kang mag-alala sapagkat layunin ng araling ito na sa 
sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling 
bahagi ay sa iyo nakabatay. Subukin mo ang dating kaalaman sa paksang 
tatalakayin.
249 
Alam mo ba … 
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na 
Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. 
Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang 
patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at 
ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat. 
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya 
tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging 
punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga 
patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na 
espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang 
kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, 
nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda 
kuwentong ito. 
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang 
kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de 
Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, 
magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga 
kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento 
na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang 
kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 
na Sarsuwela. 
Matapos mong mabasa ang tungkol kay Severino Reyes, ngayon 
naman ay ating alamin ang tungkol sa kasaysayan ng Sarsuwela.
250 
Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang 
umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay 
na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at 
kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo 
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni 
Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang 
Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa 
Pilipinas. 
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay 
namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani 
nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang 
“Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan “Dalagang –Bukid” , Juan K. Abad 
“Tanikalang Ginto” , Juan Crisostomo Sotto “Anak ng Katupunan” , at 
Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.” 
Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang 
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng 
isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng 
panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin 
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo 
sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. 
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal 
ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng 
malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon 
sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula 
ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong 
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang 
iskrip.
Ngayon ay dumako na tayo sa Sarsuwelang isinulat ni Severino Reyes 
na “Walang Sugat”. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa 
tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang 
araling ito. Halika simulan mo na. 
251 
Mga Elemento ng Sarsuwela 
1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; 
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; 
walang dula kapag walang iskrip. 
2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay 
sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng 
iba’t ibang damdamin. 
3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang 
dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang 
tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging 
tanghalan din. 
4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang 
iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga 
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay 
dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. 
5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa 
galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may 
pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula. 
6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng 
mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
252 
Basahin at Unawain. 
Walang Sugat 
ni Severino Reyes 
UNANG BAHAGI 
I Tagpo: 
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika) 
Koro : Ang karayom kung iduro 
Ang daliri’y natitibo, 
Kapag namali ng duro 
Burda nama’y lumiliko 
Julia : Anong dikit, anong inam 
Ng panyong binuburdahan, 
Tatlong letrang nag-agapay 
Na kay Tenyong na pangalan. 
Koro : Ang karayom kung itirik 
tumutimo hanggang dibdib. 
Julia : Piyesta niya’y kung sumipot 
Panyong ito’y iaabot, 
Kalakip ang puso’t loob, 
Ng kaniyang tunay na lingkod. 
Si Tenyong ay mabibighani 
Sa dikit ng pagkagawa 
Mga kulay na sutla, 
Asul, puti at pula. 
Julia : Panyo’t dito ka sa dibdib, 
Sabihin sa aking ibig 
Na ako’y nagpapahatid 
Isang matunog na halik. 
Koro : Ang karayom kung iduro 
Ang daliri’y natitibo. 
Hoy tingnan ninyo si Julia 
Pati panyo’y sinisinta, 
Kapag panyo ng ibig 
Tinatapos ng pilit
253 
Nang huwag daw mapulaan 
Ng binatang pagbibigyan: 
Ang panyo pa’y sasamahan 
Ng mainam na pagmamahal. 
At ang magandang pag-ibig 
Kapag namugad sa dibdib 
Nalilimutan ang sakit 
Tuwa ang gumigiit. 
Mga irog natin naman 
Sila’y pawang paghandugan 
Mga panyong mainam 
Iburda ang kanilang pangalan. 
Julia : Piyesta niya’y kung sumipot 
Panyong ito’y iaabot 
Kalakip ang puso’t loob 
Ng kaniyang tunay na lingkod. 
Koro : Nang huwag daw mapulaan 
Ng binatang pagbibigyan 
Ang panyo pa’y sasamahan 
Ng mainam na pagmamahal. 
Salitain 
Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na. 
(Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong). 
II TAGPO 
(Tenyong at Julia…) 
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo… 
Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang 
pagkakayari, nakakahiya. 
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay… 
Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
254 
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog 
kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing, ay may yayariin 
kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang. 
Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. 
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!… 
Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka 
palang mapagod. 
Tenyong: Masakit sa iyo! 
Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod 
pala ito sa isang tabong tubig! 
Tenyong: Ay! 
Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang ihahagis ni 
Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin. 
Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) 
Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit… 
Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay! 
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at 
nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang 
pangalan ko. 
Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan… 
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, 
at E. ay Flores. 
Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. 
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? 
Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at 
255 
F? 
Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin 
at ang F ay Frayle. 
Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang 
posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na 
magsasalita). 
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag 
hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. 
Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban) 
Musika No. 2 
Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. 
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at 
‘di mapigilan. 
Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay 
talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. 
Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko. 
Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko. 
Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi 
paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa 
tuwi- tuwi… 
Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin. 
Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar. 
Tenyong: Asahan mo. 
Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na 
mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) 
maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).
256 
III TAGPO 
(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) Salitain 
Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? 
(Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.) 
Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…! 
Tenyong: Napaano ka, Lukas? 
Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria. 
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang? 
Lukas : Opo. 
Tenyong: Saan kaya dinala? 
Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin. 
Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang. 
Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… 
(Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas). 
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang 
tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding 
dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay 
maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay 
kusang lumilipas. 
(Telong Maikli) Kalye 
IV TAGPO 
(Musika) 
Koro at Lukas 
Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin. 
Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin. 
Isang Babae: Naubos na ang lalaki. 
Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.
257 
Lukas : Marami pang lalaki. 
Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa bahay at nakahandang 
tunay, laan sa lahat ng bagay… 
Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga 
babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan. 
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang. 
Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman. 
Isang Babae: Asawa’y paroroonan. 
Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan. 
Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa 
kanila’y dalhin masarap na pagkain. 
Mga Babae: Tayo na, tayo na. 
Lahat: Sumakay na sa tren. 
Mga Lalaki: Doon sa estasyon. 
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong 
maikli) 
V TAGPO 
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong 
nakatali sa mga rehas). 
Salitain 
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao 
ito… 
Marcelo: Mason po yata, among? 
Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t 
kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K. 
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya 
258 
ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. 
Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. 
Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang 
Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. 
Marcelo: Hindi sila makakain eh! 
Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na 
dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila 
kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon 
na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang 
kailangan. 
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at 
nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong 
paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila! 
Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro 
que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon? 
Ang rasyon nan palo, ha! 
Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na 
tinutuluyan,ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po 
isang araw. 
Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay 
Huston 526 (binibilang sa daliri ). Kakaunti pa! (Bibigyan 
si Marcelo ng kuwalta at tabako). 
Marcelo: Salamat po, among! 
Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay? 
Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito 
lamang. 
Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat) 
Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.
259 
Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si 
Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na 
asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan 
Inggo. 
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman 
ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso 
po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. 
Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon 
ngayon? 
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang 
kaban. 
Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si 
Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at 
buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng 
mabuting tulugan, ha? 
Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis 
traido el dinero para el Gobernador? 
Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido. 
Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. 
Marcelo: Hindi po makalakad, eh! 
Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag. 
Relihiyoso 2.0: Tonto. 
Tadeo : Bakit ka mumurahin? 
Juana : Kumusta po naman kayo, among? 
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin 
ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang 
inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin 
ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang
260 
namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang 
pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon 
napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao 
noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao 
lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle. 
Juana : Totoo po ba ang sabi mo. 
P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi 
sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi 
mabubuhay sa panay na hangin. 
Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking 
dalaga? 
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko. 
Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po… Alin po 
ang malapit na? 
Miguel: Ang… ang… ang… 
Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito? 
Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina. 
Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.) 
Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang? 
Tadeo : Ano ba ang sinabi mo? 
Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko! 
Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka 
nagpahayag ng pagsinta mo? 
Miguel : Sinabi ko pong malapit na… 
Tadeo : Malapit na ang alin?
Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, 
261 
hindi ko po nasagutan… 
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa 
mahalata… 
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas 
ang mga dalaw). 
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa 
mahalata… 
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas 
ang mga dalaw). 
VI TAGPO 
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae 
at lalaki). 
Salitain 
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, 
dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang 
paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan 
na ng mabuting tulugan… 
Putin : Salamat po, among. 
Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin 
namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa 
naman sila. 
Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among. 
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki). 
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a 
Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es 
necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los 
ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. 
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
262 
Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pari). 
VII TAGPO 
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) 
Salitain 
Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay 
sa among? 
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi 
dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa 
Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang 
ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid 
lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! 
Nakalulunos ang kamngmangan! 
(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid). 
Putin : Inggo ko! 
Tenyong: Tatang! 
Julia : Kaawa-awa naman! 
Tenyong: Mahabaging Langit! 
Musika 
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga 
buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, 
nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa 
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa 
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka 
namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit 
kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil. 
Salitain 
Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay… 
Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-luray na ang 
katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, 
huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Juana
Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… 
Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala. 
263 
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang 
ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang 
dalawang braso’y…) 
Musika No.2 
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto 
sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, 
nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa 
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa 
demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag 
namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit 
kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil. 
Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin 
man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di 
makababayad sa utang ng madla. 
Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay 
daig sa magpahirap. 
Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang 
ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan… 
Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay… 
Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, 
Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang… 
Putin : Inggo ko… Inggo… 
Tenyong: Patay na! 
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
264 
Telong Maikli 
VIII TAGPO 
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga 
bilanggong nangakagapos). 
Salitain 
Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, 
nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking 
dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi 
ako makahinga! Ang pusoko’y parang pinipitpit sa palihang 
bakal! (Si Putin ay mapapahandusay). 
Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat) 
IX TAGPO 
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia). 
Salitain 
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay 
dalhin. 
Isa : Ako’y mayroong iniingatan. 
Isa pa : Ako ma’y mayroon din. 
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto. 
Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan? 
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko 
tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin 
na. 
Isa : Mga tampalasan. 
Isa pa : Walang patawad! 
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si 
Julia). 
Julia : Tenyong, Tenyong!
265 
Tenyong: Julia! 
Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? 
Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw 
kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas 
kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan? 
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba 
si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang 
Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala 
ko? 
Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng 
isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing 
gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis! 
Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay 
hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng 
pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; 
ang Ina natin ay 
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y 
tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo 
niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang 
ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng 
paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang 
taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay 
magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin. 
Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling 
tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; 
tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang 
ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa 
mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga 
panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang 
agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan 
ng masaganang luhang sa mata’y nunukal. 
Tenyong: Sa Diyos nananalig. 
Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.
266 
Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. 
Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw. 
Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang 
pagluluwalhati. 
Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim 
ay mapawi. 
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad 
lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming 
tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob 
ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang 
pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao 
na ako! 
Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, 
bumalik ka agad nang di ikamatay. 
Tenyong: Juliang aking sinta! 
Julia : Oh, Tenyong ng buhay! 
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis). 
Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok) 
X TAGPO 
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya 
ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni 
Tenyong at si Tenyong.) 
Sa loob. 
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa 
ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at 
mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren). 
Telon 
Wakas ng Unang Bahagi
267 
Ikalawang Bahagi 
I TAGPO 
(Bahay ni Julia) 
Julia at Juana 
Salitain 
Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang 
kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam. 
Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po! 
Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo? 
Julia : Wala po! 
Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak 
at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo? 
Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang 
tinuran mo, ang hinahangad ko po ay… 
Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko. 
Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko. 
Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata 
pa nga- Anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t 
noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay 
tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano 
ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba 
na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung 
may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at 
itinutuloy dito. 
Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang 
pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay 
hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y 
nagpapahingalay na… 
Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
268 
Juana : Siyang tunay! 
Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito 
po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso. 
Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba. 
Julia : Wala po! 
Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman 
mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang 
wika ko baga, ay bukas- makalawa’y mag-aasawa ka rin 
lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na! 
Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong! 
II TAGPO 
(Julia at Monica) 
Salitain 
Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!. 
Monica : (Sa loob) Pooo! 
Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin 
mong hinihintay ko siya; madali ka… 
Monica: Opo (Papasok). 
III TAGPO 
(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana) 
Musika 
Dalit ni Julia 
Oh, Tenyong niyaring dibdib, 
Diyata’ ako’y natiis 
Na hindi mo na sinilip 
Sa ganitong pagkahapis. 
Ay! Magdumali ka’t daluhan, 
Tubusin sa kapanganiban, 
Huwag mo akong bayaang 
Mapasa ibang kandungan.
269 
Halika, tenyong, halika, 
At baka di na abutin 
Si Julia’y humihinga pa… 
Papanaw, walang pagsala! 
At kung patay na abutin 
Itong iyong nalimutan 
Ang bangkay ay dalhin na lamang 
Sa malapit na libingan. 
Huling samo, oh Tenyong, 
Kung iyo nang maibaon 
Sa malungkot na pantiyon, 
Dalawain minsan man isang taon. 
Salitain 
P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t 
napakalumbay lamang… 
Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y 
nangagsirating…Kahiya-hiya po. 
P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo? 
Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok). 
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting 
asawa..Marunong kang pumili, Miguel. 
Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam 
makiusap. (Lalabas si Juana). 
Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among! 
P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay? 
Juana : Mabuti po, among. 
Tadeo : (Kay Miguel ) Lapitan mo.
Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia na Miguel 
270 
ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo. 
Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa 
isip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit 
ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana 
ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng 
liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay 
kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. 
Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat 
ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si 
Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin 
na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. 
Ikatlong Bahagi 
Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa 
liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang 
nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang 
ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. 
Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni 
Julia. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia 
kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas 
kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang 
magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong 
na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang 
“Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng 
loob ang kanyang ina. 
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si 
Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari 
para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. 
Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal. 
Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa 
huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal, 
bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin 
ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang 
lahat. 
Wakas (Magsasara ang telon)
271 
GAWAIN 2.1.1 h: Hanap - Salita 
Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon. 
Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap. 
Hanay A Hanay B 
_____ 1. pagkasiphayo a. sinisinta 
_____ 2. sumisimsim b. kalungkutan 
_____ 3. kaparangan c. apihin 
_____ 4. malumbay d. awit- panalangin 
_____ 5. dalit e. magtaksil 
_____ 6. maglilo f. malungkot 
_____ 7. magahis g. mamatay 
_____ 8. makitil h. mapahamak 
_____ 9. aglahiin i. mapulaan 
____ 10. pagbabata j. kabukiran 
k. pagtitiis 
GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard 
Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay 
dumako na tayo sa kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong 
ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari. 
Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. 
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal. 
b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong. 
c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong. 
d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel. 
e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas. 
f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana 
Putin at pagpapakasal niya kay Miguel. 
g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw 
ng “Walang Sugat”. 
h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. 
i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo. 
j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang 
mapalaya ang Inang-bayan.
272 
GAWAIN 2.1.1.j: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang 
masukat natin kung naunawaan mo ang nilalaman nito. 
1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang 
binurdahan? 
2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong 
pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle? 
3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa 
sagutang papel. 
JULIA TENYONG LUKAS JUANA 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
__________ 
WALANG SUGAT
4.Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia 
sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang 
pormat. 
Pagkakatulad 
5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang 
lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba 
sa pasiya ng iyong ina? Bakit?. 
273 
6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II. 
7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit? 
8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag. 
Mahusay ang iyong ginawa. Madali mong naunawaan ang simulang 
bahagi ng aralin. Alamin mo naman ang kaligirang pangkasaysayan ng 
Sarsuwela na namayani sa Panahon ng Amerikano. Gagabayan ka sa iyong 
pag-aaral ng sumusunod na gabay na mga tanong. 
Mga Gabay na Tanong 
1. Ano ang Sarsuwela? 
2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 
3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang 
pampanitikan? 
4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng 
panitikang Pilipino? 
5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang 
Walang Sugat. 
JULIA 
KABABAIHAN SA 
KASALUKUYAN 
Pagkakaiba Pagkakaiba
maging 
____________________________________________________________ 
____________________________________________________________ 
________________ 
274 
6. Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano 
mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan? 
7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang 
iyong damdamin sa dulang pantanghalang binasa mo. Gawin ito sa 
dyornal. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. 
PAGSULAT 
Ituloy mo ang pahayag… 
Habang binabasa ko ang Sarsuwela ako’y 
, dahil ako’y . kaya nais kong 
Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating 
aralin. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan na ginamit ng may-akda 
sa binasang Sarsuwela? Marahil ay napansin mo na iba-iba ang antas ng 
pang-uri na ginamit ng may-akda upang higit niyang maikintal sa isipan ng 
mambabasa ang imahe na nais niyang iwanan sa isipan . Suriin natin ang 
ilan sa mga ito.
275 
Kaantasan ng Pang-uri 
Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri. 
Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng 
panghalip. 
Kaantasan ng Pang-uri 
1. Lantay –Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o 
pangyayari. 
Halimbawa: 
a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito. 
b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito. 
2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari. 
a. Pahambing na magkatulad – nagtataglay ng pagkakatulad na 
katangian. Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at 
magsing, magkasin 
Halimbawa: 
.Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela. 
. Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika. 
b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi 
magkapantay ang katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. 
Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng salitang di-gaano, di-gasino, 
higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng 
tulad, gaya o kaysa. 
Halimbawa 
• Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang 
kabataan . 
• Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras. 
3. Pasukdol – ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang 
Ugnay-Wika
Paghusayin mo pa ang iyong kaalaman sa wika. Magsanay Tayo. 
Pagkatapos mong malaman ang mga impormasyon sa kaantasan ng pang-uri, 
ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman. Isulat sa sagutang papel 
ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap. 
(lantay, pahambing o pasukdol). 
276 
______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz. 
______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-asa. 
______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo. 
______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong 
sa Dynamic Teen Company ni Peñaflorida. 
______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz 
sa ibang kabataan ngayon. 
______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez. 
______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa 
kanilang gawain. 
______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong 
ngunit hindi niya ipinagkait ang lakas niya upang 
matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas. 
_______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang 
mga batang lansangan at nagkalkal ng mabahong basura 
para makahanap ng anumang bagay na may halaga na 
maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya. 
_____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang 
guro na si Efren Peñaflorida. 
Nasagutan mo lahat ang iyong gawain sa pagsasanay na ito. Kung 
hindi naman ay okey lang. Gagabayan ka ng araling ito sa paglinang pa ng 
iyong kaalaman. Magkaroon ka naman ng paglalagom kung ano ang iyong 
naunawaan sa pinag-aralan sa araling ito. 
Mahalagang pag-aralan ang mga bahagi ng panalita na nagbibigay-turing 
sa pangngalan o panghalip at ang pagbibigay ng paghahambing o 
pagtutulad nito batay sa kaantasan ng pang-uri sapagkat nagiging mabisa 
ang pagsasalaysay at paglalarawan sa mga tauhang karaniwang ginagamit 
sa isang sarsuwela. Ngayon ay maaari mo ng gawin ang gawaing aking 
inihanda.
Bakit mahalagang 
gamitin ang kaantasan 
sa paglalarawan? 
Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating 
pinag-aralang akda, balikan natin ang mahalagang tanong na sumasalamin 
ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo ng pang-uri? 
Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang iyong sagot. 
Napatunayan mo na ang sarsuwela ay larawan ng kulturang Pilipino, 
bukod dito isa pa sa mga tulong upang higit na masalamin ang kalagayang 
panlipunan. Nakatulong ba ang mga kaantasan ng pang-uri upang mapalabas 
ang kulturang Pilipino upang makapaglarawan ng mabisa? 
Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong 
paglalakbay. Upang matiyak natin na naunawaan mo ang aralin, nais kong 
magsaliksik ka ng isang dula na naglalarawan ng kalagayang panlipunan, 
kaugalian at paniniwala ng pamilyang Pilipino. Suriin mo ito. Ibuod at 
ipaliwanag kung paano inilarawan dito ang mga nabanggit sa itaas. 
277 
SARSUWELA SALAMIN NG KULTURANG 
PILIPINO
278 
Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang 
pagkaunawa mo sa mahahalagang konsepto na nakapoob sa 
buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng Amerikano. Muli, sagutin mo 
ang mahahalagang tanong na ito. Inaasahan kong kung may mali ka mang 
konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng iba’t ibang gawaing 
iyong pinagdaanan. 
1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng 
Amerikano? 
2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan 
sa panahon ng mga Amerikano? 
3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan? 
Patunayan. 
Sagutin mo ang mga nabanggit na tanong sa paraang patalata. Maging 
matapat ka sa iyong pagsagot dahil dito ko malalaman kung dapat na 
tayong magpatuloy sa susunod na aralin, o balikan pa ang ilang gawain 
upang sa gayo’y magkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa nilalaman ng 
araling ito. Makatutulong sa iyo kung sasagutin mo pa ang Gawain sa 
ibaba/kabilang pahina. 
Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang 
sagot sa iyong dyornal. 
Sa araw na ito naunawaan ko na 
___________________________________________________ 
_________ 
Natatandaan ko na natuwa ako sa na 
___________________________________________________ 
_________ 
Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga 
___________________________________________________ 
___________________________________________________ 
______________________
Marahil ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa 
balagtasan at sarsuwela. Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng 
malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa 
sa pagkakaiba ng katotohanan o opinyon at kaantasan ng pang-uri. 
Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na 
lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong 
balikan ang Kahon ng Hinuha sa unahang bahagi ng araling ito, at 
dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo 
kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Maraming salamat. 
279 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika 
ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto-ang 
makasulat ka ng iskrip at diyalogo ng isang dula na sumasalamin sa 
pamilyang Pilipino. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang 
karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang 
pagsulat ng iskrip at diyalogo ng isang dula. Atin pang ipagpatuloy at alamin 
naman kung ano ang iskrip at Diyalogo. Simulan na natin. 
Ang Iskrip at Diyalogo 
Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung 
wala ang iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y 
itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na 
magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip 
ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at 
maging ng buong dula. 
Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at 
iba pa na nagsasagawa ng dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang 
dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula 
ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang 
mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan.
direktor kung anong magiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng 
tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap at ipahahayag ng 
mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda 
ang isang dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa 
ganitong larangan. 
Narito ang paraan ng pagsusulat ng Iskrip. 
280 
Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng 
mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa 
pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula. 
Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng 
Paraan ng Pagsusulat 
Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula 
siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at 
pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan 
ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at 
pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. 
Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip 
1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang 
mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig 
sa katha. 
2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti 
kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo. 
3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa. 
4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang 
mensahe ng kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo 
ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo. 
5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga 
dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan 
ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter 
(character) , tagpuan (location) , paningin (point of view) , at iba 
pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nalrarapat na
lakipan ito ng angkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay 
pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula. 
Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat 
ng iskrip ng dula. Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang inyong 
gagawing produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang 
sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa nito. 
Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado 
ng ating pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang 
NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay 
maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok 
sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga 
kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na 
mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa komunidad. 
281 
Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling 
mamahala ng inyong punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap 
ng mga pamilya na naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging 
lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa lokal 
na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na 
makatotohanan, may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop 
na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at sumasalamin sa kultura 
at paniniwala ng pamilyang Pilipino.
282 
Rubrik sa Pagsulat ng Iskrip at Diyalogo 
Mga Pamantayan Napaka-husay 
5 
Mahusay 
4 
Katamta 
mang 
Husay 
3 
Hindi 
Mahusay 
2 
Nangangailangan 
pa ng 
Pagpapahusay 
1 
a. Pagkamalikhain 
b. Makatotohanan at 
kapani-paniwala ang 
pagkakasulat ng 
iskrip 
c. Orihinal 
d. Sumasalamin sa 
kulturang Pilipino at 
naaangkop sa 
kasalukuyan 
e. Wasto ang 
pagkakagamit ng 
wika 
Interpretasyon 
21- 25 -Napakahusay 
16- 20 -Mahusay 
11-15 -Katamtamang Husay 
6-10 -Hindi Mahusay 
1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay 
Nakumpleto mo na ang araling ito. Bago ka dumako sa susunod na 
aralin, Bakit hindi mo subuking itaya ang iyong mga natutuhan? Maaari mo ng 
sagutan ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na 
ang iyong kahandaan. Simulan mo na.
283 
VII. Pangwakas na Pagsusulit (Panitikan sa 
Panahon ng Amerikano) 
A. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa 
sagutang papel. 
1. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang 
paksa na karaniwang may Lakandiwa na namamagitan. 
a. balagtasan 
b. duplo 
c. karagatan 
d. karilyo 
2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni 
Francisco Baltazar. 
a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan 
b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan 
c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata 
d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong 
kaniyang kapanahunan. 
3. Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu. 
a. Balitao 
b. Batutian 
c. Duplero 
d. Siday 
e. 
4. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang 
kapanahunan. 
a. Jose Rizal at Andres Bonifacio 
b. Juan Luna at Antonio Luna 
c. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz 
d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes 
5. Dahilan kung bakit tinawag na “Huseng Batute” si Jose Corazon de 
Jesus. 
a. Siya ang tagapamagitan sa mga mambibigkas. 
b. Mahilig siyang magsulat ng Balagtasang hindi pormal. 
c. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan. 
d. Pagbibigay-galang it okay Jose Corazon de Jesus.
B. Panuto: Isulat sa patlang ang wastong anyo ng kaantasan ng pang-uri. 
284 
Gawing gabay ang mga salita sa loob ng panaklong. Isulat sa 
sagutang papel ang mga sagot. 
1. Ang bawat mamamayan ay dapat na (husay) __________ sa 
paggamit ng ating pambansang wika. 
2. Talagang (hanga) __________siya sa kanyang ipinamalas na 
husay sa pagsasalita. 
3. (Marami) __________ ng magagandang dahilan upang ating 
paunlarin ang ating wika. 
4. (Gusto) __________ ng mga manonood ang balagtasan at 
sarsuwela sa palatuntunan ng Buwan ng Wika. 
5. (Hanga) __________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal 
sa sariling wika. 
C. Panuto: Gamit ang 3-2-1 Chart, buuin ang konsepto o ideyang nabuo 
sa iyo sa pag-aaral sa dula. 
3 Tatlong bagay, kaisipan o ideyang nalaman sa aralin 
2 Dalawang kawili-wiling bagay na nalaman 
1 Isang malaki at itinuturing na pinakamahalagang 
konseptong natutuhan sa dula 
Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang Panahon ng 
Komonwelt. Aalamin natin kung ano ang papel na ginampanan ng mga 
akdang pampanitikang namayani sa pagbabagong anyo ng panahon at 
masasabi mo ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang 
bansa? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang 
Pagtataya para sa Aralin 2.2, ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.
AAAARRRRAAAALLLLIIIINNNN 2222....2222 :::: aaaannnngggg ppppaaaannnniiiittttiiiikkkkaaaannnn ssssaaaa PPPPAAAANNNNAAAAHHHHOOOONNNN 
285 
NNNNGGGG KKKKOOOOMMMMOOOONNNNWWWWEEEELLLLTTTT 
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong 
Kumusta? Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisagawa ang 
mga gawain at pagsasanay sa Aralin 2.1. Sa bagong aralin, tutuklasin natin 
ang panitikan sa Panahon ng Komonwelt. 
Ang Panahon ng Komonwelt ay sinasabing Malasariling 
Pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ni Manuel L. Quezon. 
Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili kung ang 
panitikan ba sa panahong ito ay nagpatuloy sa pag-unlad 
dahil ang ating bansa ay naging malaya na sa pananakop 
ng mga Amerikano. Mahalaga ba ang naging 
kontribusyon sa ating bansa ng mga manunulat ng 
panitikan sa Panahon ng Komonwelt? Sa tulong ng mga 
gawaing inihanda para sa iyo, malalaman mo ang 
kasagutan sa mahalagang tanong na ito. 
Hudyat na naunawaan mo ang araling ito kung sa pagtatapos ay 
makapagpapahayag ka ng iyong katuwiran na ang layunin ay makahikayat sa 
iyong tagapakinig/tagapanood na maniwala at pumanig sa iyong katuwiran. 
Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod 
na pamantayan: a.) naglalahad ng sariling opinyon at katuwiran; b.) 
napaninindigan ang opinyon at katuwiran; c.) may batayan ang inilahad na 
opinyon at katuwiran; at d.) paraan ng presentasyon. 
Sa araling ito, ay malalaman mo ang iba pang panitikang napatanyag 
sa panahong ito partikular na ang Sanaysay (talumpati) at Maikling 
kuwento. Gayundin ang mga araling panggramatika tulad ng Iba’t Ibang 
Paraan ng Pagpapahayag, at Kayarian ng Pang-uri. 
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito 
Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa: 
Aralin 2.1- Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt 
Aralin 2.1.1 a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) 
“Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon 
b. Wika: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag 
Aralin 2.1.2 a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes 
b. Wika: Kayarian ng Pang-uri
286 
III. Mga Inaasahang Kasanayan 
Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at 
kasanayan 
Ang 
Panitikan 
Sa 
Panahon 
Ng 
Komon-welt 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong 
pinakinggan 
• Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari 
sa napakinggan 
• Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin 
ng nagsasalita 
• Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang 
paksa at karanasan 
• Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa 
napakinggan 
Napalalalim ang pag-unawa sa diskursong pinakinggan 
sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman nito 
• Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto 
• Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong 
napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding) 
Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa mga 
ideyang pinakinggan 
• Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita 
sa pagpapahayag ng sariling puna 
• Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa inaakalang 
mga maling pananaw o impormasyong napakinggan 
Pagsasalita 
Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga patunay 
at katwiran 
Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay sa iba’t 
ibang sitwasyon 
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon 
at saloobin 
Pag-unawa sa Binasa 
Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o 
kaisipang nakasaad sa binasa 
Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto
287 
Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto 
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring 
pagbasa ng teksto 
• Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto 
• Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang 
nakapaloob sa teksto 
• Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa: 
sarili 
ibang tao 
• Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong 
solusyon 
o proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto 
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan 
at katangian ng mga ito 
1. Sanaysay 
• Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan 
ng pagpapaikli ng paksa 
• Nasusuri ang layunin ng paksa 
• Naipaliliwanag ang tema o kaisipang nakapaloob 
sa sanaysay 
• Nasusuri ang mga uri ng sanaysay at ang 
katangian ng bawat isa 
• Naipahahayag ang magandang kaisipang nais 
ipabatid ng may-akda sa kaniyang isinulat 
2. Maikling kuwento 
• Naipaliliwanag ang mga elemento ng maikling 
kuwento 
• Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga 
kilos o gawi ng mga tauhan 
• Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at 
pahiwatig na ginamit sa akda 
• Naibubuod ang binasang akda 
Pagsulat 
Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng 
Filipino sa pagsulat ng talata 
• Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa 
pagpapalawak 
ng paksa: 
pagbibigay ng depinisyon 
paghahalimbawa 
paghahawig o pagtutulad 
• Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob
at pagitan ng talata upang magkaroon ng 
kaisahan 
sa pamamagitan ng: 
288 
pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang 
pagkakasunod-sunod 
paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal 
paglalahad ng mga pangungusap nang may 
magkatulad na pagkakabuo 
Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata 
• Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang 
malinaw ang sariling ideya at intensiyon sa 
pagbuo 
ng komposisyon 
• Nagagawang kawili-wili ang panimula ng 
komposisyon sa pamamagitan ng isang: 
kaakit-akit na pahayag 
napapanahong sipi o banggit 
• Nawawakasan ang komposisyon nang may 
pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng: 
pagbubuod 
makabuluhang obserbasyon 
Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri 
ng paglalahad 
Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng 
sanaysay 
• Nakapipili ng isang napapanahong paksa 
• Nakapagtatala ng kinakailangang mga 
impormasyon 
• Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay-ugnay 
na ideya at impormasyon 
• Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng 
paksa 
• Nakabubuo ng isang: 
makatawag-pansing simula 
mabisang wakas 
Tatas 
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan 
sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot 
sa mga tanong at puna sa panitikan 
Estratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral
Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng 
pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda 
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t 
ibang pinagkukunang sanggunian 
289 
Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon 
sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian sa aklatan/internet 
IV. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito 
Ang Panitikan sa Panahon 
ng Komonwelt 
a. Panitikan: Sanaysay 
b. Wika: Iba’t Ibang 
Paraan ng 
Pagpapahayag 
a. Panitikan: Maikling 
Kuwento 
b. Wika: Kayarian ng 
Pang-uri 
Mini-museum o eksibit 
Nagkaroon ka na ng ideya sa ating magiging aralin. Ngayong nalaman 
mo na ang magiging paksa sa araling ito at ang inaasahang kakayahan at 
kasanayan na lilinangin sa iyo, tingnan muna natin ang iyong kahandaan sa 
magiging paksa ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang 
pagtataya. 
V. Panimulang Pagtataya 
Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang 
pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. Mangyaring 
sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, 
makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo 
nasagot nang tama, at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan 
mo ang araling ito.
290 
Unang Bahagi 
Panuto: Ibigay ang magkaibang katangian ng dalawang uri ng sanaysay. 
(Para sa bilang 1 – 4). 
Sanaysay 
Pormal Pamilyar 
Magkaibang katangian: 
____________________________________________ 
____________________________________________ 
Ikalawang Bahagi 
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang 
masagot ang kasunod na mga tanong. 
Ang matandang babae ay ‘di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng 
nagtatanong na dalaginding ay natarok na kapagkaraka ang lagay ng 
kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sasalang ginugulo noon ng 
mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siya’y umiibig. 
“Hindi,” ang tiyak na sagot. 
“Nang makilala mo ba si Tatang,” ang patuloy na tanong, “ay may 
naramdaman ka bang pintig sa loob ng dibdib?” 
“Oo!” 
“Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang? 
“Oo!” 
“E ano ang sinabi sa iyo?” 
“Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang ako’y may 
iniibig na lalaki. Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y 
nag-asawa ay kaniyang papatayin.” 
“Ay, ano ang naging sagot mo?” 
“Ako’y nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking 
isusumpa.” 
“Kung gayo’y bakit mo naging asawa si Tatang?” 
“Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato a di 
nadudurog sa hampas ng alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay …
291 
mabuhay, laging sariwa.” 
“A, kaya pala!” 
“Kaya palang ano?” 
“Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.” 
Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang ibig 
sabihin ni Irene. 
Mula sa, Ang Dalaginding 
ni Iñigo Ed. Regalado 
5. Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad 
____________. 
a. 10 – 12 
b. 13 – 15 
c. 16 – 18 
d. 19 – 21 
6. Ang salitang sariwa ay halimbawa ng ___________. 
a. pangngalan 
b. panghalip 
c. pandiwa 
d. pang-uri 
7. “Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato.” Ang salitang may 
salungguhit ay nasa anyo ng pang-uri na ________________. 
a. payak 
b. lantay 
c. pahambing 
d. pasukdol 
8. “Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y nag-asawa 
ay kaniyang papatayin.” Alin sa sumusunod ang pinakamalapit 
na interpretasyon ng binasang pahayag? 
a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang ang 
anak maging sa pag-ibig. 
b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga 
taong umiibig kahit pa nga ito ay kaniyang anak. 
c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang 
hindi na sila aalagaan sa kanilang pagtanda. 
d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad 
pa lamang.
292 
9. Inilarawan ang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng __________. 
a. pagpapaliwanag sa kahulugan nito 
b. paghahambing gamit ang tayutay 
c. pagsasalaysay sa karanasan ng tauhan 
d. pagpapahayag ng sariling karanasan 
10. “Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.” Ano ang 
mahihinuha sa pahayag na ito ni Irene? 
a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap 
ang ina. 
b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa 
mga kagalit. 
c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig. 
d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene. 
Upang magkaroon ka ng pagtataya sa iyong naging sagot, tingnan mo 
sa Susi sa Pagwawasto ang wastong sagot. Kung marami kang nasagot na 
wasto ay masasabi kong handa ka na para sa aralin. Maaari mo nang 
simulan. 
VI. Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Bago pa man dumating ang mga mananakop, tayo ay may sarili 
ng panitikan. Hindi natin maikakaila na yumabong pa ito sa kanilang 
pagdating. Sa araling ito ay nakapokus tayo sa Sanaysay at Maikling kuwento 
sa Panahon ng Komonwelt. Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili, ano 
kaya ang kalagayan ng ating panitikan at manunulat sa panahong ito? 
Bigyang-pansin mo rin ang mahalagang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat 
ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Inaasahan kong ang 
mga gawain at pagsasanay sa bahaging ito ay makatutulong upang masagot 
ang mga tanong na ito. 
Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan ay 
maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang 
pampanitikan partikular na ang sanaysay na umusbong noong Panahon ng 
Komonwelt hanggang sa kasarinlan. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling 
ito ay makapagsasagawa ka ng mockumentary tungkol sa wika. At sa 
pagsisimula mo sa araling ito, iyong isulat ang una mong naisip tungkol sa 
manunulat noong Panahon ng Komonwelt sa tulong ng Generalization Table.
Una kong naisip 
na . .. 
Natuklasan ko 
na . . . 
Gamit ang estratehiyang 3-2-1, piliin sa kahon ang tatlong (3) 
akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng 
mga akdang ito, dalawang (2) katangian ng akda at manunulat na may 
likha ng mga ito at isang (1) tanong/pahayag na nais mo pang mabatid 
tungkol sa manunulat at sa kanilang akda. 
293 
GAWAIN 2.2.1: Generalization Table 
Ang unang kolum ang unang sasagutan bago ang kasunod na mga 
kolum. Ang ikalawa at ikatlong kolum ay sa susunod na mga bahagi ng aralin 
at ang huli ay sa bahaging Paunlarin ng araling ito. 
Simulan natin 
Simulan natin ang pag-aaral ng modyul na ito sa pamamagitan ng 
pagpili sa sumusunod na pangalan na nakilala bilang manunulat sa Panahon 
ng Komonwelt at ang kanilang naisulat sa panahon ding ito. 
GAWAIN 2.2. 3-2-1 Action 
Patunay nito 
ang . . . 
Mga Manunulat 
Genoveva Edroza Matute 
Buenaventura S. Medina Jr. 
Adriano P. Landicho 
Iñigo Ed. Regalado 
Narciso G. Reyes 
Deogracias A. Rosario 
Mga Akda 
Ang Anluwage 
Ang Dalaginding 
Lugmok na ang Nayon 
Lupang Tinubuan 
Sa Aking mga Kabata 
Hikbi sa Karimlan
294 
3 Mga akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang 
manunulat ng mga akdang ito 
1. 
2. 
3. 
2 Katangian ng akda at manunulat sa naging sagot sa 3 
1. 
2. 
1 Tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa 
manunulat at sa kaniyang akda 
1. 
Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang unang dalawang kolum 
na magkasunod. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala sapagkat 
layunin ng modyul na ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang 
tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Walang tama o 
mali sa bahaging iyon. 
Bibigyang-tuon natin sa araling ito ang Sanaysay (talumpati) at 
Maikling kuwento na lumaganap sa panahong ito. Tutuklasin natin ang 
iyong dati nang kaalaman sa ating magiging paksa sa pamamagitan ng 
sumusunod na gawain. 
GAWAIN 2.2.3: Ilalahad Ko, Kilalanin Mo 
Lagyan ng tsek (Ö) ang patlang kung ang bawat aytem 
ay tumutukoy tungkol sa sanaysay, ekis (X) kung ito ay 
tumutukoy naman sa Maikling kuwento at asterisk (*) 
kung parehong tumutukoy sa Sanaysay at Maikling
__ nagbibigay ng mahahalagang kaisipan 
__ ito ay orihinal na panitikan ng mga Pilipino 
__ nagsisilbing aliwan/libangan 
__ kabilang ang sulating pampahayagan 
__ may mga tauhang nagsisiganap 
__ Buenaventura S. Medina Jr. 
__ Deogracias A. Rosario 
__ Michel de Montaigne 
__ maaaring iugnay sa sariling karanasan at karanasan ng ibang tao 
__ ginagamitan ng masining o mga tayutay na mga salita o pahayag 
Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung hindi, huwag kang mag-alala 
sapagkat sinusukat lamang natin ang iyong kaalaman sa magiging 
aralin. Ang susunod na bahagi ay makatutulong sa iyo upang lalo pang 
lumawak ang iyong kaalaman sa panitikan sa Panahon ng Komonwelt. 
Makatutulong ang mga gawain upang masagot mo ang mahalagang tanong 
na “Malaya ba sa pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” 
295 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang 
maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin. 
Ang mga akdang pampanitikan na pag-aaralan natin sa bahaging ito ay 
Sanaysay at Maikling kuwento na sumibol sa Panahon ng Komonwelt. 
Mahalagang masagot sa bahaging ito ang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat 
ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Simulan natin sa 
Sanaysay. Sa lahat ng uri ng panitikan, ang Sanaysay ang sinasabing may 
pinakakaunting bilang ng manunulat dahil sa malayo ito sa damdamin ng mga 
tao. Gayon pa man, mananatiling ang nilalaman nito ay kapupulutan ng aral 
at aliw sa mambabasa. Sa araling ito ay gawing gabay ang sumusunod na 
tanong na makatutulong sa iyo sa maaari mong maging tunguhin sa araling 
ito. 
Mabisa bang paraan ng 
paglalahad ng katuwiran ang 
pagsulat ng sanaysay? 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
Bakit mahaIaga ang iba’t 
ibang paraan ng 
pagpapahayag sa isang 
sanaysay? 
_______________________ 
_______________________ 
_______________________ 
_______________________
Sa pagpapatuloy ng aralin ay malalaman mo rin ang wastong sagot sa 
mga tanong na iyan. Ipagpatuloy mo lamang ang paglalakbay at pagtuklas sa 
mga kaalamang ibibigay sa iyo ng modyul na ito. Muli mong gawin ang 
hinihinging sagot sa susunod na gawain. 
296 
GAWAIN 2.2.1.a: Konseptulong 
Magbigay ng mga pantulong na konsepto na may 
kaugnayan sa salitang Sanaysay na sa iyong palagay ay 
makatutulong upang makabuo ng isahang konsepto para 
sa aralin. Gawin sa sagutang papel. 
Isahang konsepto sa salitang sanaysay 
_________________________________________ 
_________________________________________ 
_________________________________________ 
_________________________________________ 
Sa mga naging gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong 
nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo 
kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa kasunod na 
sanaysay (talumpati) upang maunawaan ang aralin, subalit bago iyon ay 
magbigay ka muna ng impormasyon tungkol sa sumulat ng talumpating 
tatalakayin, si Manuel L. Quezon. 
Kapanganakan Pamilya Mga 
Katangian 
Naiambag sa 
Pilipinas
Si Manuel L. Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay 
nahirang na Komisyoner ng ating bansa, may kalayaang magpahayag 
subalit walang kalayaang bomoto sa U.S. House of Representatives. 
Ipinaglaban niya ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa mga Amerikano 
noong 1935. Nagtapos din siya ng kursong abogasya at nakuha ang pang-apat 
sa pinakamataas na iskor sa pagsusulit. 
Maaari mo nang basahin ang talumpating binigkas ni Manuel L. 
Quezon. Ang talumpati ay tumutukoy sa kaisipan o opinyon ng isang tao na 
ipinababatid sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag para sa pangkat 
na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng 
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng 
komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas 
sa harap ng mga tagapakinig. 
297 
Basahin at unawain 
Wikang Pambansa 
ni Manuel L. Quezon 
Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng 
pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika 
ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. 
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang 
nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang 
pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y 
mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay 
na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang 
kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. 
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang 
pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang 
kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. 
Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang 
aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, 
hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at 
itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang 
panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. 
Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; 
ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung 
sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't ibang wikang Pilipino na Mangyan ang 
katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko 
higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa 
akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para 
lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat. 
298 
GAWAIN 2.2.1.b: Paglinang ng Talasalitaan 
Pumili ng isang salita sa akdang iyong binasa, ilagay ito 
sa pinakagitnang kasunod na grapiko. Ibigay ang 
kahulugan, ang katangian, ang bahagi ng panalita at 
ang halimbawang pangungusap. Gawin sa sagutang 
Kahulugan Katangian 
Bahagi ng Panalita Halimbawang 
Pangungusap 
SALITA
299 
GAWAIN 2.2.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang 
papel. 
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang 
pambansa ang Pilipinas? 
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: 
“Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang 
wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.” 
3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad 
din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang 
magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit? 
4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa 
paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay 
sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo. 
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang 
pagpapahalaga sa wikang pambansa? 
6. Pakinggan ang awiting Ako’y Isang Pinoy ni Florante. Ilahad ang 
pangunahing ideya sa awit na ito. May kaugnayan ba ang awit na 
ito sa talumpati ni Manuel L. Quezon? Ilahad ito. 
7. Sa damdaming namamayani sa iyo tungkol sa wika, ihambing ito 
sa damdaming namamayani sa awit. 
8. Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang 
Pilipinas? 
Nasagot/naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Balikan 
mong muli ang iyong naging mga sagot at limiin ito sa iyong sarili. Sa iyong 
binasang akda ay mabisang nailahad ng may-akda ang kaniyang katuwiran 
upang makahikayat, maniwala at sumang-ayon sa kaniya. Napakasarap pag-aralan 
ang wika lalo’t ito ay sarili. Wala na ngang tatamis pa sa sariling wika. 
Kaya naman sa Panahon ng Komonwelt ay pinagtibay ang wikang magiging 
Wikang Pambansa. 
Ang binasang akda ay isang halimbawa ng Sanaysay na nasa anyong 
talumpati. Noong Panahon ng Komonwelt ay nakatulong ito upang 
maipahayag ang saloobin ng isang Pilipino sa katauhan ni Manuel L. Quezon 
na pahalagahan ang wikang sarili na mag-uugnay sa mga Pilipino noon 
hanggang ngayon. Ang Wikang Pambansa ay itinaguyod ni dating Pangulong 
Manuel L. Quezon para sa mas ikatatatag at pagkakaroon ng unawaan ng 
mga Pilipino.
Sa bahaging ito ay nais kong itanong sa iyo kung handa ka na bang 
madagdagan ang iyong kaalaman sa Sanaysay? Kung gayon, basahin ang 
kasunod na mga impormasyon. 
Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan 
300 
na 
ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at 
damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. 
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” 
Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa 
Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag 
niyang essai na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang 
pagsubok sa anyo ng panulat. 
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o pamilyar. 
Narito ang kanilang pagkakakilanlan. 
Pormal Di-Pormal o Pamilyar 
Nagbibigay ng impormasyon Nagsisilbing aliwan/libangan 
Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o 
kaalaman sa pamamagitan ng 
makaagham at lohikal na pagsasaayos 
sa paksang tinatalakay 
Nagbibigay-lugod sa pamamagitan 
ng pagtalakay sa mga paksang 
karaniwan, pang-araw-araw at 
personal 
Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita ay parang 
nakikipag-usap lamang 
Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang tono 
Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng 
may-akda 
Subhektibo sapagkat pumapanig sa 
damdamin at paniniwala ng may-akda
Ngayong nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa sanaysay, 
301 
maaari mo ng sagutin at isagawa ang mga kaugnay na gawain. 
GAWAIN 2.2.1.d: Tukuyin ang Kaibahan 
Sagutin ang tanong na “Paano naiiba ang Sanaysay sa iba pang uri ng 
panitikan?” Gamitin ang Diyagram ng Hambingan at Kontrast sa 
paghahambing sa iba pang anyo ng tuluyan. 
9. 
Sanaysay Iba pang tuluyan 
Paano nagkatulad? 
Uri 
Katangian 
Pagkakalahad 
Iba Pang Pagpapaliwanag 
Paano nagkaiba sa… 
Naunawaan mo na ba ang ilang bagay tungkol sa sanaysay? Kung 
hindi pa ganap ang iyong pagkaunawa, basahin ang isa pang halimbawa ng 
Sanaysay at sagutin ang kasunod na mga tanong.
302 
Ako ay Ikaw 
ni Hans Roemar T. Salum 
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na 
isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa wikang 
mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling 
wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakasarap sa 
pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal 
ng mang-aawit sa akin. 
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni 
dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay 
daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo 
ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa 
maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang 
aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Sa paglipas 
ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. 
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. 
Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng 
pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. 
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong 
panahon. Mayroong wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon 
wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. 
May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan 
bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang 
ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw na sasalamin sa ating 
bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang 
pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika 
ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, 
tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. 
Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni 
__________________________________________________ 
Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang 
__________________________________________________ 
__________________________________________________ 
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng 
iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at 
tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. 
__________________________________________________ 
303 
Mga Gabay na Tanong 
1. Anong uri ng Sanaysay ang binasang akda. Ipaliwanag. 
2. Pansinin ang kasunod na mga pangungusap na may salungguhit. Ano 
ang layunin ng mga pangungusap na ito? 
dating Pangulong Mauel L. Quezon. 
ating bansa 
Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa 
makabagong panahon. 
Malalaman natin kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na 
gawain sa pamamagitan ng ilang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan 
ng pagpapahayag. May iba’t ibang paraan at layunin ang isang tao sa 
kaniyang pagpapahayag. Upang lubos itong maunawaan, basahin ang nasa 
kahon at isagawa ang gawaing kaugnay nito. Handa ka na ba?
Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag, maaaring paglalahad, 
paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad 
ay may layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang 
kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito 
sa mga kauri. Kung ang nais ay maglahad ng mga pangyayari, 
pagsasalaysay ito. Pangangatuwiran kung ito ay may layuning umakit ng 
iba sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katuwiran. 
304 
GAWAIN 2.2.1.e: Pagbuo ng Sariling Yaman 
Sumulat ng sariling pagpapahayag tungkol sa isang bagay na 
itinuturing mong sarili mong yaman na maaaring sa paraang paglalahad, 
paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Magkakaroon ng 
pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: 
a.) kalinawan; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas; 
d.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; e.) makatotohanan; at f.) 
naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay o nangangatwiran (depende kung 
anong paraan ng pagpapahayag ang pinili ng mag-aaral). 
GAWAIN 2.2.1.f: Balita Mo, Isusulat Ko 
Sumulat ng sariling sanaysay na maaaring sa anyong pormal o 
pamilyar mula sa napanood na bagong balita sa telebisyon o sa mga balitang 
dokumentaryo. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Malaya 
kang pumili ng anumang paksa sa napanood. Magkakaroon ng pagtataya sa 
iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kaisahan 
ng salita, pangungusap at talata; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong 
gamit ng bantas; d.) makatotohanan; at e.) gamit ang iba’t ibang uri ng 
pagpapahayag. 
Ngayong ganap mo nang naunawaan ang aralin, binabati kita! Muling 
balikan ang ikalawa at ikatlong kolum sa huling bahagi ng Alamin. Punan ang 
mga kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong 
kaalaman sa tinalakay na aralin.
305 
Una kong naisip 
na . .. 
Natuklasan ko 
na . . . 
Patunay nito 
ang . . . 
Minsan pa ay magkaroon tayo ng pagtataya sa iyong kaalaman sa 
naging mga aralin sa pamamagitan ng paglalagom sa iyong mga natutuhan. 
GAWAIN 2.2.1.g: YES/NO Analysis 
Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng opinyon at 
katuwiran sa isang Sanaysay noong Panahon ng Komonwelt. 
GAWAIN 2.2.1.h: Ang Mali Noon, Itatama Ngayon… 
Muli, binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na 
gawain para sa araling ito. Gawin sa sagutang papel. 
Ang lagom ng aking nagawa sa aralin: 
• (panitikan) 
• (wika) 
Mga bago kong natutuhan sa paraan ng paglalahad ng katuwiran gamit ang 
Sanaysay: 
• 
• 
Naunawaan ko na ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ay: 
• 
• 
Ang dati kong kaalaman na natuklasan kong mali sa: 
• (panitikan) 
Kaya ang aking 
kongklusyon ay: 
Sa tulong ng reflective journal ay itala ang kabuuang 
konseptong natutuhan sa aralin.
• (wika) 
Natulungan akong maunawaan na 
• (panitikan) 
• (wika) 
Sa aking palagay, magagamit ko ang kaalamang ito sa pamamagitan ng: 
• (sa pag-aaral) 
• (sa tunay na buhay) 
Binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na 
gawain para sa araling ito. Basahin ang tungkol sa isa sa mga anyo ng 
balitang dokumentaryo, ang tinatawag na mockumentary. Makatutulong ang 
impormasyong ito para sa huling bahagi ng araling ito. Upang maragdagan pa 
ang kaalaman dito, makatutulong ang 
http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_mockumentaries. 
pantelebisyon na kadalasang ginagamit sa pagsusuri o pagbibigay 
puna sa napapanahong pangyayari at isyu sa bansa na maaaring komedya 
o katawa-tawa o drama. Ito ay maaaring isang paraan ng panggagaya na 
maaaring ang bahagi o ang kabuuan ay itinatanghal nang natural upang 
maging makatotohanan. 
306 
Ang mockumentary ay isang uri ng pelikula o programang 
GAWAIN 2.2.1.i: Natutuhan ay Isasabuhay… 
Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling 
ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito 
sa tulong ng gawaing ito. 
Ikaw ay kabataang mag-aaral na naimbitahang dumalo sa 
gaganaping programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa. Layon nitong 
ipagtanggol ang wika ng kabataan sa harap ng mamamayan dahil sa hindi 
responsableng paggamit nito. Ikaw ay makikibahagi sa pagsasagawa ng
mockumentary na magkakaroon ng pagtataya sa pamamagitan ng: a.) 
mahusay na pagbibigay ng katuwiran; b.) makatotohanan; c.) nakahihikayat 
sa pagbibigay ng katuwiran; at d.) nagagamit ang iba’t ibang paraan ng 
pagpapahayag. 
MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA GINAWANG PAGTATANGHAL 
307 
NG MOCKUMENTARY 
Pamantayan 10 8 6 4 2 Pamantayan 
Mahusay ang 
pagkakalahad ng 
mga katuwiran 
Di-gaanong 
mahusay ang 
pagkakalahad 
ng mga 
katuwiran 
Lahat ng inilahad 
na impormasyon at 
pagkakalahad ng 
paksa ay 
makatatotohanan. 
May mga 
impormasyong 
hindi 
makatotohanan 
ang 
pagkakalahad. 
Nakahikayat sa 
lahat ng 
manonood 
pagbibigay ng 
katuwiran 
Hindi lahat ng 
manonood ay 
nahikayat sa 
ibinigay na 
katuwiran. 
Nagamit ang lahat 
ng paraan ng 
pagpapahayag. 
Isa o walang 
nagamit na 
paraan ng 
pagpapahayag 
KABUUAN 
Interpretasyon: 
31 – 40 Lubos na kasiya-siya 
21 – 30 Kasiya-siya 
11 – 20 Hindi gaanong kasiya-siya 
2 – 10 Husayan pa
Marahil ay sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa Sanaysay. Kung 
mayroon pang hindi malinaw sa iyo, maaari mong balikan ang naging 
talakayan at mga gawain. Sa naunang naging mga gawain sa naunang aralin 
na iyong napagtagumpayan, binabati kita! Pag-aaralan naman natin ngayon 
ang isa pang uri ng panitikang tuluyan – ang Maikling kuwento. (Aralin 2.2) 
Ang Maikling kuwento ay isang sangay ng panitikan na masining ang 
pagkakalikha upang mabisang maikintal sa isip at puso ng mambabasa ang 
mga pangyayaring nakapaloob dito. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling 
ito ay masagot mo ang mga gabay na tanong upang ikaw ay makabuo ng 
mahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang makabubuo ka ng 
Advertisement Poster sa pagtatapos ng araling ito. Ang pamantayan sa 
pagtataya ng iyong gagawin ay batay sa a.) kasiningan; b.) pagkamalikhain;at 
c.) pagiging makatotohanan. 
308 
Mga Gabay na Tanong 
1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa 
iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt? 
2. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang 
kuwentista? 
GAWAIN 2.2.a: Katotohanan o Opinyon? 
Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong sa tulong ng Fact or 
Opinion analysis. Matutuklasan mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy mo 
sa araling ito. 
Pahayag Katotohanan 
o Opinyon? 
Paliwanag 
Si Deogracias A. Rosario ay 
“Ama ng Maikling Kuwento.” 
Nakatulong ang maikling 
kuwento sa manunulat at sa 
mga Pilipino noong Panahon 
ng Komonwelt. 
1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento 
sa manunulat at sa iba pang Pilipino 
noong Panahon ng Komonwelt? 
2. Bakit gumagamit ng iba’t ibang 
kayarian ng pang-uri ang isang 
kuwentista sa kaniyang pagsulat?
Maaaring buhay ng manunulat 
ang ipinahahayag sa akdang 
kaniyang isinulat. 
Mayaman ang mga 
manunulat. 
Hindi malaya ang mga 
Pilipinong manunulat noong 
Panahon ng Komonwelt. 
Nakatutulong ang pang-uri sa 
paglalarawan ng mga 
katangian ng isang lugar at 
mga tauhan sa akda. 
Marami ka bang nasagot nang tama? Tingnan sa Susi sa Pagwawasto 
upang makita ang antas ng iyong kaalaman sa magiging paksa. Kung ang 
lahat ay wasto, ipinababatid ko sa iyo ang aking pagbati. Ngunit kung marami 
ang mali sa iyong naging sagot, huwag kang mag-alala sapagkat bahagi 
lamang ito ng pagtataya at pagtuklas sa iyong dating kaalaman tungkol sa 
paksa. 
309 
GAWAIN 2.2.b: Kilalanin Mo 
Sa bahaging ito ay alamin natin kung gaano mo kakilala ang 
sumusunod na mga manunulat na Pilipino. Ibigay ang naging kontribusyon 
nila sa panitikang Pilipino. 
ROGELIO 
R. 
SIKAT 
DEOGRACIAS 
A. 
ROSARIO 
SEVERINO 
REYES
Nasagutan mo ba nang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi 
ka nakatitiyak sa iyong mga sagot, ang pagpapatuloy mo sa pagtuklas sa 
bahaging ito ng modyul ay makatutulong upang mapalawak mo pa ang 
kaalaman tungkol sa maikling kuwento gayon din naman sa kaugnay na wika 
nito, ang kaantasan ng pang-uri. 
Sa naging mga gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong 
nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo 
kung tama ang iyong mga sagot. Upang ganap na maunawaan ang aralin, 
basahin at unawain mo muna ang kasunod na Maikling kuwento at 
pagkatapos ay sagutin/gawin ang mga gawain o pagsasanay sa bahaging ito. 
310 
GAWAIN 2.2.c: Pagtukoy sa Maaaring Nilalaman ng Akda 
Bigyan ng mga kaugnay na salita/parirala/pangungusap ang pamagat 
ng babasahing akda at ang maaaring nilalaman nito. 
Basahin at unawain 
Lupang 
Tinubuan 
Lupang Tinubuan 
Narciso G. Reyes 
Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. 
Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, 
Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga 
habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay 
sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan 
ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! 
Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na
kami uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, 
Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon 
at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang 
sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-ss.Tsug, 
tsug, tsug. 
Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y 
311 
napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. 
Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, 
“Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang 
kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at 
halaman sa dinaraanan. 
Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila 
pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni 
Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang 
pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, “Ang 
namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan 
namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.” 
Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita 
kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama 
ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang 
damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig 
ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa 
kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung 
mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap 
sa alaala ang kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni 
Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang
312 
pambihirang pananabik. 
Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang 
nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, 
natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng 
kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang 
karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, 
isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito, 
nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng 
lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at 
walang ulap na langit. 
²Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng 
kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak 
ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ²Hindi po naman,” ang marahan niyang 
tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina 
del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang 
diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon 
ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa 
paligid-ligid. 
Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang 
pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang 
iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. 
Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, 
halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa 
lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa 
mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-
anak ni Danding. ²Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,” ang 
naisaloob niya. ²Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.” 
Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong 
iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang 
kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay 
ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong 
bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si 
Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa 
pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng 
ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan 
ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang 
loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. 
Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa 
bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At 
sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga 
puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil ang 
pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at 
nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba 
ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw 
sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. 
Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng 
bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa 
katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga 
matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang 
pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at 
lungkot. 
313
Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala 
ng kanyang Tita Juana. ²At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang 
habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi 
ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. 
Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang 
kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at 
makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao. 
Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid 
sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at 
naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng 
araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong 
kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid. 
Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo 
Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na 
kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo 
Tasyo ang unang nagsalita. 
314 
²Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya. 
²Bakit po?” 
²Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.” 
²May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.” 
²Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.” 
²Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?”
²Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. ²Ang batang ito! Ako ang 
nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. 
Naulila agad siya sa ama.” 
Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng 
bukid. ²Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang 
munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama 
siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya 
titigil sa kaiiyak.” 
Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang 
likuran. ²Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo 
isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga 
huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, 
doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula - isang maikling papuri sa 
kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong 
kapilyuhan ang ama mo.” 
Napangiti si Danding. ²Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng 
315 
pagkakaluwas niya sa Maynila?” 
²Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga 
nangyari. ²Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.” 
²Nahuli po?” 
²Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.” 
Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay 
at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya
ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito. 
²Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga 
316 
bagong tuklas niyang pinsan. 
²Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang 
naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa 
bahay. 
Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay 
Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at 
batbat-sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang 
magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na 
nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng 
mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga 
pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang 
pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag 
masaling maging ang pinakamaliit na halaman. 
Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at 
pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang 
takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan 
ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga 
hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurog-puso kaysa 
maingay Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at 
ang mga pag-iyak. Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa 
kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa 
kanyang mga mata.
Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang 
kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya 
man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikip ang 
dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at 
nagpaunang bumalik sa bahay. 
Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan 
sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at 
nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay 
nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng 
mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at liig. 
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos 
sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, 
at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, 
itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig 
niyang mukha ang banayad na hangin. 
317 
Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. 
Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay 
ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan 
ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso. 
Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at 
kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni 
Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang 
pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng 
palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan
si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila 
isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng 
pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa 
mga halakhak ng kanyang ama. 
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng 
tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang 
pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang 
mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa 
Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at 
Bonifacio. 
Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga 
pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding 
ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, 
kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim 
at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti. 
Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan 
niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi 
na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman 
ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang 
nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang 
aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito. 
Naibigan mo ba ang kuwentong binasa? Subukin natin ang iyong 
318 
kakayahan sa pag-unawa. Gawin ang sumusunod na mga gawain.
319 
GAWAIN 2.2.d: Paglinang ng Talasalitaan 
Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. Pagkatapos, ibigay 
kung anong bahagi ng panalita ito, at gamitin sa pangungusap ang mga 
ibinigay na kahulugan. 
Salita mula sa 
aralin 
Kahulugan Bahagi ng 
Panalita 
GAWAIN 2.2.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong 
sagutang papel. 
1. Ilarawan ang nayon ng Malawig. Ibig mo bang marating ang nayon na 
ito? Bakit? 
2. Bakit lumuwas si Danding sa Malawig? 
3. Ilahad ang mga kaugalian ng mga taga-Malawig. Nakikita pa ba ito sa 
kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. 
Pangungusap 
pinagmuni-muni 
agaw-dilim 
piping panangis 
sumasalunga 
makadurog-puso 
Kaugalian ng mga 
taga-Malawig 
Nakikita pa ba sa 
kasalukuyan? 
(Oo/Hindi) 
Patunay na nakikita/hindi 
na nakikita sa 
kasalukuyan
4. Ang Malawig ay isang lalawigan. Ihambing ang pamumuhay rito at sa 
320 
lungsod. Alin ang nais mong maging tirahan? Bakit? 
Paraan ng 
Pamumuhay 
sa Lalawigan 
Dahilan: 
Paraan ng 
Pamumuhay 
sa Lungsod 
5. Sa iyong palagay, nanaisin ba ni Danding na manatili na lamang sa 
lupang tinubuan ng kaniyang ama kaysa ang bumalik sa siyudad na 
kaniyang kinalakhan? Magbigay ng mga patunay sa pamamagitan ng 
paglalahad sa bahaging nagpapatunay nito. 
6. Nanaisin mo pa bang bumalik sa iyong tinubuang lupa kung maganda 
na ang iyong buhay sa ibang bayan o bansa? Bakit? 
7. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at 
pagmamalasakit sa sariling bayan? 
Ang binasa at tinalakay na akda ay isang halimbawa ng Maikling 
kuwento. Alam mo ba kung ano ang maikling kuwento? Bakit kaya ito patuloy 
na pinag-aaralan mula noong panahon ng pananakop hanggang sa 
kasalukuyan? Basahin ang kasunod na mga impormasyon tungkol sa 
maikling kuwento at pagkatapos ay gawin mo ang kasunod na mga gawain.
ANG MAIKLING KUWENTO 
Ang Maikling kuwento o maikling katha ay 
nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa 
isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay 
ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. 
Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang 
pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng 
solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may 
mahalagang tagpuan, (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na 
kaagad susundan ng wakas. 
Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng katutubong 
kulay – ang binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang 
pook, ang pamumuhay, ang mga kaugalian at mga gawi sa lugar na 
binibigyang-diin sa kuwento. 
Upang matiyak na naunawaan mo ang Maikling kuwento, subuking sagutin 
o gawin ang mga kaugnay na gawain o pagsasanay sa maikling kuwento. 
1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga 
manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt at 
maging sa kasalukuyan? 
321 
2. Anong uri ng Maikling kuwento ang binasang aralin? Patunayan. 
3. Gumawa ng balangkas ng kuwento ng katutubong kulay. Maaaring 
kuwento tungkol sa iyong sariling bayan o kuwento ng iyong paboritong 
lugar na napasyalan. Gawing gabay ang kasunod na pormat. Gawin sa 
papel.
Pamagat 
May-akda 
Mga Tauhan 
Suliranin 
Solusyon 
Wakas 
4. Mula sa ginawang balangkas ay bumuo ng sariling maikling kuwento. I-post 
ito sa iyong fb account at pabigyang puna (like o dislike) ito sa mga 
kamag-aral o kaibigan. Kung wala namang fb account, pabigyang puna 
ito sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (Ö) sa pangkat ng 
mga bituing napili. Pabigyang paliwanag kung bakit ito ang kanilang 
puna sa iyong likha. 
322 
    Napakahusay 
   Mahusay 
  May kaunting husay 
 
Nangangailangan ng malaking pagbabago
Malaki ang tulong ng Maikling kuwento upang lalo pang sumigla at 
tumaas ang katayuan ng panitikan sapagkat Wikang Pambansa ang ginamit 
na midyum sa pagsulat, dumami ang manunulat, nagkaroon ng iba’t ibang 
pamamaraan ng pagkukuwento at ang mga paksang dating hindi naisusulat 
ay nabigyan ng pansin. Inaasahan kong naunawaan mo na ang ating aralin. 
Palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral sa 
kaugnay na wika ng ating aralin – ang kayarian ng pang-uri. Basahin ang mga 
impormasyon tungkol dito. 
323 
Ugnay- 
ANG PANG-URI 
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan tungkol sa 
pangngalan at panghalip. Maraming paraan upang 
maglarawan. 
Maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng kayarian ng pang-uri . Ang 
mga ito ay ang payak, maylapi, inuulit at tambalan. 
1. Payak ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat. 
Halimbawa: ganda talino, bago 
2. Maylapi kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitang–ugat 
at panlapi. 
Halimbawa: maganda, matalino, makabago 
3. Inuulit kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi 
nito o ang buong salitang-ugat. 
Halimbawa: kayganda-ganda, matalinong-matalino 
4. Tambalan kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang 
pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang 
kahulugan. 
Halimbawa: balat-sibuyas, utak-matsing 
Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa tungkol sa pang-uri, 
basahin ang kasunod na teksto sa at sagutin ang kasunod na mga tanong 
tungkol dito.
Sa buhay, kailangang maging pusong 
mamon ka sa mga taong nangangailangan ng 
tulong. Hindi mahalaga ang kasikatan dahil sa 
yaman, sikat na sikat ka nga kung hindi mo naman 
alam ibahagi sa iyong kapwa, balewala rin. 
Maging matulungin at hindi dapat maging palalo, 
iyan dapat ang maging panuntunan sa buhay ng 
mga taong biniyayaan ng Panginoon ng maraming 
bagay. Hindi dapat tapakan ang mga taong may 
buhay-alamang, sa taimtim na panalangin sa 
Dakilang Lumikha, mababago rin ang mahirap 
nilang buhay. Kaysarap sa pakiramdam ang 
tumulong sa kapwa. Magiging magaang-magaan 
ang pakiramdam kung ikaw ay magiging daan sa 
pagtupad sa kanilang simpleng pangarap. 
1. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto. Itala ang 
324 
mga ito sa ilalim ng angkop na kayarian ng pang-uri. 
Payak Maylapi Inuulit Tambalan
2. Mula sa mga larawan sa ibaba, pumili ng isa. Sumulat ng komposisyon 
tungkol dito na naglalarawan gamit ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri. 
325 
3. 
4. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang 
kuwentista? 
Kumusta? Naisagawa mo ba ang lahat ng gawain? Tunay na nakatutulong 
ang mga kayarian ng pang-uri upang mas mabisang mailarawan ang 
tagpuan, mga tauhan at mga pangyayari sa akda. Ngayong natapos mo na 
ang mga gawaing pampanitikan at panggramatika, subukin naman nating 
magkaroon ng pagtataya sa iyong pag-unawa sa mahahalagang konseptong 
nakapaloob sa aralin. Sagutin ang tanong upang mataya ang iyong pag-unawa 
sa naging aralin.
Natutuwa ako at malapit ka na sa hagdanan ng tagumpay. Kaunting sikap 
pa at makakamit mo na ang bandila ng tagumpay. Nakita mo na ang 
kahalagahan ng Maikling kuwento. Sa Panahon ng Komonwelt ay malaya ang 
mga manunulat na ipahayag ang kanilang saloobin, damdamin at ideya. 
Kasama ng kalayaan sa pagpapahayag ng mga ito ang kalayaan sa paggamit 
ng sariling wika sa kanilang mga akda. 
Pagkatapos mong maunawaan ang Maikling kuwento, magkaroon pa 
tayo ng pagtataya sa gawaing susubok sa iyong pag-unawa sa aralin. 
Basahin ang kasunod na sitwasyon at ihanda ang sarili sa pagsasagawa nito. 
Naniniwala ako sa iyong kakayahan kaya’t halika na! 
326 
GAWAIN 2.2.f: Proud to be Kabarangay! 
Magkakaroon ng panauhin sa inyong lugar dahil sa nalalapit na 
pagdiriwang ng kapistahan. Bilang SK Chairman ng inyong barangay, ikaw ay 
naatasang i-promote ang inyong lugar sa inaasahang mga panauhin na 
punong-lalawigan, punong-bayan at iba pang politiko, mga turista at mga 
kabarangay sa pamamagitan ng paggawa ng advertisement poster. Ang 
iyong likha ay magkakaroon ng pagtataya batay sa: a.) pagiging masining; 
b.) pagiging malikhain; c.) husay sa pagpapaliwanag; at c.) pagiging 
makatotohanan. 
MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG ADVERTISEMENT POSTER 
Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Kailangan Pang 
Paunlarin 
Natugunan ang 
lahat ng 
pangangailangan 
sa nilalaman at 
mekaniks 
Natugunan ang 
lahat ng 
pangangailangan 
sa nilalaman at 
mekaniks 
Natugunan ang 
ilang 
pangangailangan 
Natugunan ang 
ilang 
pangangailangan 
Ganap at 
epektibong 
naihatid ang 
mensahe 
Epektibong 
naihatid ang 
mensahe 
Nahirapang 
maihatid ang 
mensahe 
Walang gaanong 
naihatid na 
mensahe 
Napakahusay at 
higit sa inaasahang 
elementong 
display na biswal 
Nakaaakit ang 
display na biswal 
Katamtaman ang 
pang-akit na 
display 
Walang 
organisasyon at 
kaayusan ang 
display na biswal 
Naipaliwanang 
nang maayos at 
wasto ang poster. 
Naipaliwanag nang 
maayos ang poster 
Hindi gaanong 
malinaw ang 
pagpapaliwanag 
Hindi malinaw ang 
pagpapaliwanag
Ngayon ay natalakay na natin ang Sanaysay at Maikling kuwento, mga 
panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin. Balikan ang 
naging mga gawain at ihambing ang iyong unang ideya sa naging takbo ng 
talakayan. Ilan sa iyong mga ideya ang wasto? Kung halos lahat ay nakuha 
mo nang tama, binabati kita. Kung hindi naman ay mayroon ka pang 
pagkakataon upang maiwasto ito. Alam mo na ang mahahalagang ideya sa 
araling ito, palalimin pa natin ang kaalamang ito sa susunod na bahagi. 
327 
PPPPaaaaggggnnnniiiillllaaaayyyyaaaannnn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
Ang layunin mo sa bahaging ito ay palalalimin pa ang iyong pag-unawa 
sa mahahalagang konseptong nakapaloob sa araling ito – Aralin 2.2: 
Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt. May ilan pang gawain na 
pagtutulungan nating gawin at sagutin upang sa gayo’y matiyak ko na wala ka 
nang maling pag-unawa sa nilalaman ng araling ito. 
GAWAIN 2.3: KKK (Katuwiran Ko’y kailangan) 
Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang iba’t ibang paraan ng 
pagpapahayag. Isa na rito ang pangangatuwiran. Sa gawaing ito, ang husay 
mo sa pagbibigay ng katuwiran ay kailangan. Sagutin mo ang tanong na 
“malaya ba ang manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Sagutin ang 
mahalagang tanong na ito gamit ang yes/no analysis. 
Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng 
Komonwelt? Pangatuwiranan. 
Hindi 
___________ 
___________ 
___________ 
___________ 
Oo 
___________ 
___________ 
___________ 
___________
Wikang pambansa ang ginagamit ng mga manunulat sa panahong 
ito at lalo pang umunlad ang panitikan dahil sa naipahahayag ng mga 
manunulat ang kanilang saloobin, ideya at damdamin nang hindi napipigilan 
nang ibang tao o mananakop. 
328 
GAWAIN 2.4: Ito Noon, Ganito Ngayon 
Gamit ang IRF (Initial, Revised, Final) ay ibigay ang dating 
kaalaman sa paksa, ang nabagong pagkaunawa sa aralin at ang kabuuan at 
wastong natutuhan sa araling tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang 
papel. 
Initial (Dating Kaalaman sa 
Paksa) 
Revised (Nabagong 
Pagkaunawa sa Aralin) 
Final (Kabuuan at wastong 
natutuhan sa aralin) 
Ngayong malalim at malawak na ang iyong pag-unawa sa aralin, 
alam kong handa ka na sa susunod na gawain sa susunod na bahagi 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong 
natutuhan sa aralin. Ang susunod na gawain ay magtataya sa iyong 
natutuhan sa aralin. 
GAWAIN 2.5: KULTURA – IN OR OUT? 
Magkakaroon ng paligsahan sa iyong paaralan tungkol sa 
paglalarawan ng mga kulturang Pilipino sa Panahon ng Komonwelt na 
nagbago, nawala at nananatili pa sa kasalukuyan. Bilang lider ng Mga 
Kabataang Historyador sa Pilipinas (KHP), sa harap ng mga guro, kapwa 
mag-aaral, puno ng kagawaran, punongguro at historyador ay gagawin mo 
ito sa masining na paraan tulad ng mini-museum o eksibit. Magkakaroon sila 
ng pagtataya sa iyong likha batay sa a.) presentasyon na iyong isasagawa; 
b.) makatotohanan; c.) batay sa pananaliksik; at d.) pagkamalikhain.
MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA MINI-MUSEUM O EKSIBIT 
PAMANTAYAN A B C D 
329 
A – Perpekto 
B - Halos perpekto 
C – May kaayusan 
D – Paunlarin pa 
Presentasyon – maayos at organisado 
Makatotohanan – totoo ang mga impormasyong 
ipinakita 
Batay sa pananaliksik – mapanghahawakan o 
mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng mga 
impormasyon 
Malikhain – masining at gumamit ng mga awtentikong 
bagay 
Interpretasyon: 
4 na A – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga 
gawain. 
3 A – Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o 
kagalingan. 
2 na A – Katamtamang Husay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit dagdagan 
pa upang mapaunlad pa ang gawain. 
1 o walang A – Hindi Mahusay! Ulitin pa ang gawain upang maging 
makabuluhan ito sa sarili at sa titingin ng iyong likha. 
Nakatulong ba ang pagganap na gawain upang maunawaan mo ang 
halaga ng aralin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Ngayong natapos 
mo na ang aralin, bago ka maglakbay sa bagong aralin ay sagutin mo muna 
ang pangwakas na gawain.
Ang mahalagang ideya tungkol sa sanaysay ay 
_____________________ 
______________________________________________________ 
_. Mahalagang maunawaan ang ideya o konseptong ito sapagkat 
___________________________________________________. 
Isa pang mahalagang konsepto sa aralin ay ang tungkol sa maikling 
kuwento kung saan naunawaan ko na 
_________________________ 
______________________________________________________ 
__. Mahalaga ito dahil 
_________________________________________. Magagamit ko 
ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng 
____________________________________________________ 
330 
VII. Pangwakas na Pagtataya: 
(Panitikan sa Panahon ng Komonwelt) 
SUMMARY-LESSON CLOSURE: Sa pamamagitan ng Lesson Closure 
ay bumuo ng konsepto sa naging aralin. 
LESSON CLOSURE 
Ang aralin sa modyul na ito ay _____________________. 
Sa kabuuan, ang aralin ay 
___________________________________________________ 
___________________________________________________. 
Sa pagtatagumpay mo sa araling ito, ikaw ay aking binabati. 
Napatunayan mong muli ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa mga aralin 
sa sariling sikap at tiyaga. Sa pagpasok mo sa bagong aralin, palawakin mo 
pa ang iyong kaalaman sa pag-aaral sa mga panitikan sa Panahon ng 
Kasarinlan. Muli kang gagabayan ng modyul para sa panibagong pagbubukas 
ng aralin. Hangad ko ang muli mong pagtatagumpay.
331 
ARALIN 2.3: Ang Panitikan sa Panahon ng 
Kasarinlan 
I. Panimula at Mga Pokus na Tanong 
Kumusta na! Labis akong natutuwa na sa dalawang panahon na iyong 
pinagdaanan ay marami kang napulot na kaalaman. Malaki ang magagawang 
tulong sa iyo sa pagpasok mo sa bagong panahon na ito, ang Panahon ng 
Kasarinlan. Sa araling ito ay aalamin mo ang naiambag ng akdang 
pampanitikan na sumibol at napatanyag sa Panahon ng Kasarinlan. 
Sa iyong palagay, nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng 
damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo 
ang damdaming makabayan sa nasabing panahon? Masasabi mo ba na ang 
panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? Gayundin, mahalaga 
bang matutuhan mo ang paggamit ng angkop na gramatika? Mahalaga ba na 
magkaroon ka ng kaalaman at kakayahan tungkol dito? Malalaman mo ang 
sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral. 
Upang mapatunayan na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, 
sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahan na makabubuo ka ng isang 
photo documentary na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan 
ng mga Pilipino sa panahong ito na nawala,nabago na at nananatili pa 
hanggang sa kasalukuyan. Narito ang mga pamantayan kung paano tatayain 
ang gawaing ito: a) orihinal, b) may kaugnayan sa paksa/napapanahon ang 
paksa, c)malikhain ang presentasyon, d) wasto ang paggamit ng 
gramatika/retorika. 
Malalaman mo sa araling ito ang iba pang akdang pampanitikang 
napatanyag sa panahong ito partikular ang Maikling kuwento at Dula. 
Gayundin ang mga araling panggramatika tulad Aspekto ng Pandiwa at Mga 
Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat. 
II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito 
Masasagot mo ang mahahalagang tanong at maisasagawa mo ang 
Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na 
nakapaloob sa araling ito:
332 
ARALIN 2.3: ANG PANITIKAN SA PANAHON AAARRRAAALLLIIINNN 222...333::: AAANNNGGG PPPAAANNNIIITTTIIIKKKAAANNN SSSAAA PPPAAANNNAAAHHHOOONNN NNNNGGGG KKKKAAAASSSSAAAARRRRIIIINNNNLLLLAAAANNNN 
Aralin 2.3.1 a. Panitikan: Maikling Kuwento 
“Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva 
Edroza-Matute 
b. Wika: Aspekto ng Pandiwa 
Aralin 2.3.2. a. Panitikan: Dula 
“Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar 
b. Wika: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat 
III. Mga Inaasahang Kasanayan 
Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at 
kasanayan: 
ARALIN : 
ANG 
PANITIKAN 
SA 
PANAHON 
NG 
KASARINLAN 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang 
salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang 
napakinggan 
Nakikinig nang may pag-unawa upang: 
• mailahad ang layunin ng napakinggan 
• masagot ang mga tiyak na tanong 
• maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay na mga 
pangyayari 
Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging 
makatotohanan/di- makatotohanan ng mga 
punto/argumentong binibigyang-diin o halaga 
ng napakinggan batay sa paraan ng pagsasalita (tono, diin, 
paghinto, intonasyon) 
Pagsasalita 
Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa 
mga bagay 
na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang sa damdamin 
ng kausap) 
Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam
Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino 
gamit ang panitikan 
Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng 
simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling atin 
Nakabubuo ng pansariling opinyon batay sa mga 
ideya,kaisipang inilahad ng teksto 
Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano 
mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan 
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga 
katangian nito 
333 
Naipahahayag ang mga makabuluhang kaisipang nais 
ipabatid ng may-akda 
Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda 
• dula 
• maikling kuwento 
Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda 
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang 
binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan 
at wakas 
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa 
mapanuring pagbasa ng akda/teksto 
Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang 
nakapaloob sa teksto 
Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng 
mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak 
ang kakayahan at pananaw sa buhay 
Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng 
akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng 
may-akda
Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa 
mga akdang pampanitikan 
Nakapagbibigay-hinuha sa 
334 
• pangyayari 
• kaalaman 
• pakay o motibo 
• layunin ng may-akda 
Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa 
kulturang Pilipino noon at ngayon 
Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa 
Naisasaayos ang mga pangyayari sa maikling kwento/dula 
ayon sa wastong pagkakasunod-sunod 
Nasusuri ang bahagi ng maikling kuwento/dula/sanaysay 
Nakikilala ang iba’t ibang bahagi at elemento ng maikling 
kwento/dula 
Napaghahambing ang elemento ng maikling kuwento sa 
dula 
Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y 
nanatili, nabago o nawala na 
Pagsulat 
-Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, 
at opinyong nakapaloob sa teksto kung: 
• totoo o hindi totoo 
• may pagbabatayan o kathang-isip lamang 
• mabuti o masama 
• katotohanan o opinyon 
Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman ng 
akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di-makatotohanan 
gamit ang graphic organizer 
Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar 
na pinagmulan 
Nakasusulat ng talatang 
• naglalarawan
335 
• naglalahad 
• nagsasalaysay 
• nangangatuwiran 
Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda 
hango sa sariling karanasan 
• nasaksihan 
• napakinggan/napanood/nabasa 
Tatas 
Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan 
sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo 
Naipamamalas ang makahulugan at masining na 
pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon 
Nagagamit ang magagalang na pananalita sa 
pakikipagkomunikasyon 
Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa 
komunikasyon 
ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon 
Estratehiya sa Pag-aaral 
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral 
Pananaliksik 
Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa 
iba’t ibang pinagkukunang sanggunian 
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga 
impormasyon sa pananaliksik 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang mga kagamitang 
sanggunian sa aklatan/Internet
Maikling Kuwento 
Pagsang-ayon at 
Pagsalungat 
336 
VIII. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling ito 
Ang Panitikan sa Panahon ng 
Kasarinlan 
3.1.1 Panitikan: 
Maikling 
Kuwento 
3.1.2 Wika: Aspekto 
ng Pandiwa 
3.2.1 Panitikan: 
3.2.2 Wika: Mga 
Pahayag ng 
Nasasabik ka na marahil sa mga aralin na iyong aalamin,huwag kang 
mag-alala kasama mo na magsisilbing katuwang mo sa pagdukal ng mas 
malalim pang karunungan.Magtiwala ka lamang sa iyong kakayahan at 
tinitiyak ko magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang ating samahan, ipangako 
mo lamang na walang iwanan hanggang sa matapos mo ang kabuuan ng 
araling ito. Halika na! Simulan mo na ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng 
pagsagot sa panimulang pagtataya na susuri sa iyong kahandaan sa 
magiging paksa ng ating aralin. 
IX. Panimulang Pagtataya 
Alamin natin kung gaano na ang alam mo tungkol sa araling ito. 
Hanapin at isulat sa iyong notbuk ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa 
bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling 
pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo ang mga 
aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang 
pinag-aaralan mo ang modyul na ito.
Unang Bahagi 
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng diyagram tungkol sa dula. (para sa bilang 1-5) 
Kahulugan Katangian Kahalagahan nito 
337 
Gawin sa sagutang papel. 
Ikalawang Bahagi 
Dula 
bilang akdang 
pampanitikan 
Panuto: Basahin at unawain ang isang bahagi ng maikling kuwento. Sagutan 
ang mga tanong na kasunod nito. 
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito 
ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang 
pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y magpatuloy sa loob ng tatlong araw, 
ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang 
araw nang walang tigil ang pag-ulan. 
Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang 
papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, 
nariyang winawasak. 
Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay 
nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang 
lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya 
napalutang sa tubig kalian man.
Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang, 
Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan 
ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa 
pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang 
pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa 
kanyang ulo at pabulong na nagsalita “Siya matulog ka na.” 
Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti, 
kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumipikit, nakatingin sa 
wala. 
Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakita ng bangkang papel ay 
nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking 
gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang 
kailanman. 
338 
makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. 
6. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ______. 
A. mapagmahal 
B. palaasa 
C. mayabang 
D. mapangarapin 
7. Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano 
man maliban sa isang makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay 
_______. 
A. pagkatakot 
B. pagkagitla 
C. paghanga 
D. pagtataka 
8. Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______. 
A. pag-asa 
B. pangarap 
C. pag-unlad 
D. paghahangad 
-halaw sa “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza Matute
9. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay 
339 
tinatawag na ________. 
A. banghay 
B. tema 
C. pananaw 
D. damdamin 
10. Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng ______. 
A. kilos at galaw ng tauhan 
B. tagpuan at banghay 
C. tagpuan at kapaligiran 
Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang malungkot kung ilan lang 
ang tama mong sagot. Tutulungan ka ng araling ito upang turuan ka pa at 
maiwasto ang mali sa mga sagot mo. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga 
akdang pampanitikan sa Panahon ng Kasarinlan. 
VI . Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Malaki ang papel na ginampanan ng panitikan sa buhay ng mga 
Pilipino sa iba’t ibang panahon. Naranasan nila na maipahayag 
ang sariling damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga 
pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang diwang makabansa. 
Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y, malaman mo kung 
nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon 
o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa 
Panahon ng Kasarinlan? Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan sa 
panahong ito? Umaasa ako na ang mga gawain at pagsasanay sa bahaging 
ito ay makatutulong upang masagot ang mga tanong na ito. 
Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan 
maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang 
pampanitikan partikular na ang Maikling kuwento at Dula na napatanyag at 
umusbong noong Panahon ng Kasarinlan. Sa pagtatapos ng araling ito, 
inaasahan kong makapagsasagawa/makabubuo ka ng photo documentary 
na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa 
Panahon ng Kasarinlan . 
Ngayon, simulan mo na ang pag-aaral sa araling ito sa tulong ng 
Timeline, ikaw ay magbabalik-tanaw sa mga manunulat at akdang 
pampanitikan na umusbong sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, 
Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlan. Sa pamamagitan nito, tiyak 
kong maalala mo ang mga akdang iyong napag-aralan sa nagdaang panahon
340 
GAWAIN 2.1: Timeline…Noon at Ngayon 
Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.139. Kilalanin mo at piliin 
sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na 
isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline. Gawin sa 
sagutang papel. 
Panahon ng 
Amerikano 
Panahon ng 
Komonwelt 
Hanay A Hanay B 
Panahon ng 
Kasarinlan 
• Ang Pagpupulis – 
Trapiko ay Isang 
Sining 
• Paglalayag sa 
Puso ng Isang 
Bata 
• Ako ang Daigdig 
• Isang Dipang 
Langit 
• Lupang Tinubuan
Matapos mong makilala at maihanay nang wasto sa angkop na 
panahon ang nasa bawat hanay sa Timeline, nais kong bigyan mo ng hinuha 
ang mahahalagang tanong sa aralin sa tulong ng KWHL Sheet. Sagutin mo 
muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan 
ang modyul na ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. 
Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, 
katuwiran, opinion o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang 
damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? 
Ano ang iyong 
natutuhan/ 
naunawaan? 
(What did you 
341 
GAWAIN 2.2: TSART-KWHL 
K W H L 
Ano ang alam 
mo na? 
(What do you 
know?) 
Ano ang nais mong 
malaman? 
(What do you want 
to find out) 
Paano mo makikita 
ang nais mong 
maunawaan? 
(How can you find 
out what you want 
to learn?) 
learn?) 
Inaasahan ko na masasagot mo nang tama ang tanong na ito. Kung 
hindi pa, huwag kang mag-alala sapagkat gaya nga ng ipinahayag ko sa 
layunin ng araling ito na sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga ay mahahanap mo 
ang tamang kasagutan. Maaari ka ng magsimula sa pag-alam sa mga 
impormasyon kaugnay ng akdang pampanitikan. 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang 
maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na 
saklaw ng aralin. Huwag kang mag-alala sa tulong ng iyong pagsisikap 
at pagtitiyaga, mahahanap mo ang tamang kasagutan. Ngayon ay maaari 
kang magsimula na sa pag-alam sa mga impormasyon kaugnay ng akdang 
pampanitikan. Magsimula tayo sa Maikling kuwento (Aralin 2.3.1 
Ang Maikling kuwento o maikling katha gaya ng karaniwang taguri dito 
ay sangay ng salaysay (narration). May sariling mga katangian ito na ikinaiiba 
sa ibang akdang pampanitikan. Kabilang sa mga katangiang ito ay ang 
pagkakaroon ng iisang kakintalan, may isang pangunahing tauhang may 
mahalagang suliraning kailangang lutasin, tumatalakay sa isang madulang 
bahagi ng buhay at iba pa. Mahalaga ring masagot mo ang sumusunod na 
pantulong o prosesong tanong upang makatulong sa iyo sa pagsagot sa 
mahalagang tanong ng aralin.
kuwento sa iba pang akdang 
342 
Mga Gabay na Tanong 
1. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan? 
2. Ano ang karaniwang tema o paksang ginamit ng mga manunulat sa 
panahong ito? 
3. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa 
paggamit ng angkop na aspekto ng pandiwa sa pag-aaral ng maikling 
kuwento? 
Simulan mo na ang mga gawain. Unahin mo munang tuklasin kung 
ano ang iyong nalalaman sa ating paksa. 
GAWAIN 2.3.1. a: TUKLAS-INFO 
Batay sa iyong nalalaman, subukin mong isulat ang hinihingi sa 
dayagram kaugnay ng araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-aalala, 
ito’y pag-alam lamang kung gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa pag-aaralan 
natin. 
Maikling 
Kuwento 
Ano ang Maikling kuwento? 
Paano ito lumaganap sa 
Pilipinas? 
Ihambing ang Maikling 
pampanitikan 
Inalam lang natin sa mga gawaing ito kung ano na ang iyong 
nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo 
kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa sumusunod 
na Maikling kuwento upang maunawaan ang aralin. Ngunit bago iyon, 
mahalagang malaman mo muna kung sino ang sumulat ng akda.Upang 
ganap na maunawaan ang aralin, kilalanin mo muna ang isa sa natatanging 
manunulat sa panahong ito. Kilala mo ba si Aling Bebang o si Genoveva 
Edroza-Matute? Magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa kaniya gamit ang 
sumusunod na Concept Map.
Kapanganakan: 
Pamilya: 
Mga Katangian: 
Mga Tagumpay sa Buhay: 
Genoveva Edroza-Matute 
Larawan ni 
Genoveva 
Edroza- 
Matute 
Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na isinulat ni Gregorio C. 
Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina 
Anastacio B. Edroza at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa 
kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal 
sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa 
karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa 
kaniyang ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila 
hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary 
School (na naging P. Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary 
School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High 
School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine 
Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino 
at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas. 
Nasiyahan ka ba sa iyong nabatid sa ating may-akda? Sa 
pagpapatuloy, basahin mo na ang maikling kuwento nang may pag-unawa at 
pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa pagsasanay at isagawa ang mga 
gawaing nasa bahaging ito. 
Basahin at unawain 
Ngayon, may ilang impormasyon ka na tungkol sa may-akda, handa 
343 
ka na ngayong basahin at unawain ang isa sa kanyang ipinagmamalaking 
akda. Simulan mo na.
344 
PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA 
ni Genoveva Edroza Matute 
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. 
Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong 
isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, 
isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang 
batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang. 
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, 
at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang 
ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking 
isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa 
lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang 
aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan. 
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. 
Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan 
lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya 
ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto 
na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook. 
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang 
ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na 
hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot 
muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang 
pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at 
pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan 
kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi
ng Goodbye, Teacher! 
Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita 
ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y 
nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang 
kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang 
mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, 
ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita. 
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan 
tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang 
munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang 
utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may 
makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon. 
Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang 
nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na 
ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. 
Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at 
kaligayahan ng buhay-bata. 
Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng 
marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga 
tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa 
mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang 
pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na 
kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin 
ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig. 
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit 
na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon 
na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang 
gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng 
345
maliliit na bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa 
kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa 
pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng 
silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na 
ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking 
minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa 
pagtapak sa mga upuan. 
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya 
nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha 
siyang maligaya at ang kanyang, Goodbye, Teacher, sa may-pintuan ay 
tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang 
katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong 
nalulumbay. 
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang 
pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. 
Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't 
bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa 
akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya. 
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga 
taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. 
Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin 
ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na 
magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. 
Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang 
pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko 
ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng 
pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal. 
Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay 
346
ng upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking 
tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. 
Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at 
nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang 
ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang 
mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi 
siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon. 
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y 
kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol 
niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa 
at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam 
din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang 
may kapaitan sa puso. 
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong 
kapasiyahan sa kanyang loob. 
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat 
na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon 
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, Goodbye, Teacher. 
Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo 
nang lumayo. 
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang 
itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y 
sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili. 
Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas… 
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa 
pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may 
nagugulumihanang tingin. Goodbye, Teacher, ang sabi niya. Pagkatapos ay 
umalis na siya. 
347
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. 
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita 
ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan 
ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang 
kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro. 
Naka-relate ka ba? Upang malaman natin na naunawaan mo ang 
iyong binasa, sagutin mo nang buong husay ang sumusunod na mga gawain. 
348 
GAWAIN 2.3.1.b: Paglinang ng Talasalitaan 
Sa pamamagitan ng Clustering, ibigay ang hinihinging mga konsepto o 
kaisipan na may kaugnayan sa pahayag na SA PUSO NG ISANG BATA. 
Gawin sa sagutang papel.
349 
GAWAIN 2.3.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
Upang ganap na mataya ang iyong pag-unawa sa binasa, sagutin mo 
ang sumusunod na mga tanong/gawain. Gawin ito sa sagutang papel. 
1. Suriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita sa 
pamamagitan ng Character Mapping. Gawin sa papel. Gayahin ang 
pormat 
Pananalita 
Kilos 
Damdamin 
Pananalita 
Kilos 
Damdamin 
2. Bakit nais ng guro na mapalapit sa bata? 
3. Patunayan na ang guro sa akda’y naturuan ng bata sa kaniyang 
buhay? 
4. Kung ikaw ang bata, babalikan at magpapaalam ka pa ba sa iyong 
guro kapag ikaw ay napagalitan niya? Pangatuwiranan. Isulat sa 
papel. 
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang gagawin ng guro pagkatapos nang 
ipinakita sa kaniya ng mag-aaral kahit na napagalitan siya? Sumulat ng 
diyalogo bilang sagot. Gawin sa papel 
6. Anong damdamin ang namayani sa guro ng nasabi niya sa kanyang 
sarili ang pahayag na ito? “Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang 
kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak 
sa kanyang siya’y mahalaga at minamahal.” 
7. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na 
tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon 
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” 
Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay 
lumayo nang lumayo. Ano ang mensaheng nais iparating nito sa guro 
at mag-aaral? Isulat ang sagot sa papel. 
8. Punan ang mga kahon ng mga mensahe ng kuwento. Gawin sa papel.
9. Ano ang tema o paksa ng nasabing akda? Patunayan. 
10. Sa iyong palagay, may kaugnayan ang paksa o tema ng nasabing akda 
Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento 
ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang nagtutuon siya sa isa o 
dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at 
gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa 
kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na 
anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol 
ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay 
waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang 
mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang 
pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at 
kung ano man ang epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng 
pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa. 
350 
sa buhay ng may-akda ng kuwento? 
11.Mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento, anong pamamaraan ang 
ginamit ng may-akda? 
Nasagot at naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Muli, 
balikan mo ang iyong mga naging sagot at suriin mo. Sa iyong binasa, 
mabisang naisalaysay ng may-akda ang tema, paksa o layunin sa kanyang 
akda sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng mga pahiwatig.
Isang halimbawa ng Maikling kuwento ang iyong binasang akda. 
Maliban sa kuwento ng katutubong kulay na iyong napag-aralan sa Panahon 
ng Komonwelt, may iba pang mga uri ang Maikling kuwento. Siyanga pala, 
ang binasa mong akda ay isang halimbawa ng Maikling kuwento na nasa 
uring kuwento ng tauhan. Handa ka na bang madagdagan pa ang iyong 
kaalaman tungkol sa Maikling kuwentong ito? Kung gayon, basahin mo ang 
kasunod na impormasyon. 
Ang binibigyang-diin sa kuwento ng tauhan ay ang pangunahing 
tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Ipinakikilala ang kanilang 
pag-uugali, pagkilos, pananalita at iba pang katangian sa pamamagitan ng 
tahasan o tuwirang paglalarawan o kaya’y pagpapahiwatig sa pamamagitan 
ng usapan ng mga tauhan at sa ikinikilos ng mga iyon. 
Ang mga tauhan ang gumagalaw sa akda- protagonista na tinatawag 
na bida at antagonista na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng 
bida. 
Ang tauhang lapad (flat character) ay hindi nagbabago ang pag-uugali 
kung ano ang gawi, kilos at katangian niya sa simula ng akda 
hanggang katapusan; habang ang tauhang bilog (round character) naman 
ay nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung api sa 
simula, sa pagwawakas ay natuto nang lumaban. 
Nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa Maikling kuwento, 
351 
mangyaring sagutin at gawin mo ang kaugnay na mga gawain.
352 
GAWAIN 2.3.1.d: Pananaw mo,Pananaw ko,Pananaw ng lahat 
Ibigay ang kahulugan ng maikling kuwento ayon sa iyong sariling 
pananaw, pananaw ng ibang tao (kapwa kamag-aral, kaibigan) at pananaw 
ng eksperto (maaaring kapanayamin nila). Gawin sa papel. 
Sa aking 
pananaw... 
Sa pananaw ng aking kamag-aral 
... 
Sa pananaw ng mga eksperto... 
Sa pananaw ng 
aking kaibigan...
353 
GAWAIN 2.3.1.e: Pagkakaiba-Pagkakatulad 
Paano naiiba ang Maikling kuwento sa ibang akdang pampanitikan? 
Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. 
MAIKLING KUWENTO 
Iba pang akdang 
pampanitikan 
PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD 
sa Tema 
sa Paksa 
sa Layunin 
sa Pamamaraan 
Kung susuriin mo, sa pagdaan ng mga panahon (mula sa 
Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt hanggang Panahon ng 
Kasarinlan) ang Maikling kuwento ay naging behikulo ng mga manunulat para 
maipahayag ang kanilang saloobin, damdamin, katuwiran o opinyon. 
Nagkakaiba lamang sila sa tema, paksa, layunin at pamamaraan kung paano 
ito nilikha ng isang manunulat na nakabatay 
kung minsan sa kanilang naging karanasan o totoong buhay. At upang higit 
mo pang maunawaan at makilala ang Maikling kuwento, basahin mo pa ang 
isang halimbawa nito at sagutin ang kasunod na mga tanong: 
Ang Aking Inspirasyon 
“Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin.” 
Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang 
sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking 
kamag-aral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino 
na. Sa tuwing magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang 
dumadaldal. Ang buong klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi 
niya sa amin. Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang 
pampanitikan. Dito ko natutuhan na ang panitikan ay salamin ng kultura ng 
isang bansa. Buong puso at galak siyang nagtuturo at ito’y walang halong 
pagkukunwari. Kaya marami akong natutuhan sa kanya. Naunawaan ko na sa 
iba’t ibang panahon malaki ang naging papel ng manunulat sa pagpapaunlad ng 
panitikang Filipino.
Parang kailan lang, sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa 
puso’t diwa ko ay parang kahapon lang. Isa ako sa nag-aaral sa kaniyang 
paaralan. Ngayon, ganap na akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak 
ng isang gurong nagsilbing inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko 
ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at 
personal na mapasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na 
nagbabantay ang aking napagtanungan. Ang tanong ko’y “nariyan ba si Ma’am?”. 
Ang sagot niya “kaaalis lamang niya ng dumating ka.” Hindi man kami nagtagpo 
sa oras na iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na 
nagsilbing tanglaw sa landas ko. 
354 
Mga Gabay na Tanong 
1. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento? 
2. Anong uri ng Maikling kuwento ang iyong binasa?Patunayan. 
3. Aling bahagi sa akdang ito ang masasabi mong may pagkakatulad/ 
pagkakaiba sa kuwentong nauna mo nang nabasa? Pangatuwiranan. 
4. Pansinin ang salitang may salungguhit sa kuwento. Anong bahagi ito 
ng panalita? Ano ang diwang inihahatid nito? 
Malalaman mo kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na 
gawain sa pamamagitan ng mga impormasyon tungkol sa aspekto ng 
pandiwa. Malaking tulong upang higit na maipakita ang kasiningan ng larawan 
at daloy ng Maikling kuwento sa pamamagitan ng wastong paggamit ng 
aspekto ng pandiwa. 
Mula sa salitang aspekto, malalaman na ito ay nagpapakita kung kailan 
natapos, katatapos, kasalukuyang ginagawa ang kilos. Upang lubos itong 
maunawaan, basahin ang nasa kahon at gawin ang gawaing kaugnay nito. 
Handa ka na ba?
Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa 
nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin 
o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: 
aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang 
kilos na nasimulan na at natapos na, aspektong imperpektibo kung 
nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at 
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay 
naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan at aspektong perpektibong 
katatapos kung saan nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago 
nagsimula o naganap ang kilos. 
355 
GAWAIN 2.3.1.f: Aspekto-Tsart 
Balikan muli ang kuwento. Isulat ang mga salitang may salungguhit sa 
tamang talahanayan nang ayon sa aspekto nito. 
ASPEKTO NG PANDIWA 
Aspektong 
Perpektibo 
Aspektong 
Perpektibong 
Katatapos 
Aspektong 
Imperpektibo 
Aspektong 
Kontemplatibo 
GAWAIN 2.3.1.g: Salaysayin ng Buhay 
Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong 
palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at 
wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng 
pandiwa sa gagawing pagsasalaysay. 
Ganap na ang iyong pagkaunawa sa aralin. Muling balikan ang huling 
kolum ng tsart-KWHL. Punan ang kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay 
palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin.
Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, 
katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo 
ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? 
K W H L 
Ano ang alam mo 
na? 
(What do you 
know?) 
Ano ang nais mong 
malaman? 
(What do you want 
to find out) 
Paano mo makikita 
ang nais mong 
maunawaan? 
(How can you find 
out what you want 
to learn?) 
Pagkatapos mong pag-aralan ang maikling kuwento at ang wastong 
paggamit ng aspekto ng pandiwa, dugtungan mo ang pahayag na nasa kahon 
upang makabuo ng makabuluhang pahayag. 
356 
GAWAIN 2.3.1.h: DugtungangPahayag 
Itala mo ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin sa 
pamamagitan ng pagdurugtong sa pahayag na nasa kahon. 
Ano ang iyong 
natutuhan/ 
naunawaan? 
(What did you 
learn?) 
Nalaman ko na ang …. 
Naliwanagan ako dahil sa… 
Naunawaan ko na…
Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong 
paglalakbay para sa araling ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay maipakita 
ang iyong pagkaunawa sa aralin sa pamamagitan ng pagtatanghal ng 
masining na pagkukuwento o mga kauri nito tungkol sa mga pangyayari sa 
kasalukuyan na may pagkakatulad o kabaligtaran ng mga pangyayari sa 
maikling kuwento. Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain 
para sa araling ito. 
357 
GAWAIN 2.3.1.i: Inspirasyon Ko, Kuwento ng Buhay Mo 
Sinasabi na kung walang guro, walang anumang propesyon tulad ng 
doktor, abogado, inhinyero at iba pa. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang 
mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng isang kabataan. Marapat 
lamang na siya’y tumanggap ng pagkilala. Kaakibat ng programa ng 
Kagawaran ng Edukasyon ay ang Pambansang Kongreso ng mga Guro sa 
Pilipinas. Ito ay lalahukan ng mga piling guro sa buong Pilipinas, mga 
tagapanayam, mga superbisor, punong-guro, Filipino specialist at buong 
pangasiwaan ng Kongreso. Ikaw, bilang kampeon sa katatapos na 
Pambansang Paligsahan sa larangan ng masining na pagkukuwento ay 
inanyayahan bilang isa sa mga panauhing pandangal na magpapakita ka ng 
masining na pagkukuwento batay sa paksang “My Teacher, My Hero” 
kaugnay sa pagdiriwang ng World Teachers Day bilang pasasalamat sa 
kanilang buong pusong pagtupad sa tungkulin. Tiyakin mo na ito’y a)orihinal; 
b) malikhain; c) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap; d) 
makatotohanan; e) napapanahon; at f) may wastong gamit ng aspekto ng 
pandiwa. 
Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Magaling! Tunay nga na ikaw ay 
malikhain. Tiyak ko na sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa maikling 
kuwento. Kung mayroon pang hindi malinaw sa iyo, muli mong balikan ang 
naging talakayan at mga gawain. Ngayon nakumpleto mo na ang araling ito, 
dumako ka naman sa susunod na aralin, ang dula (Aralin 2.3.2) Halina at 
simulan mo na ang panibagong aralin. 
Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang 
Pilipino ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon 
hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging 
pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, 
naipakilala ng mga manunulat na ang dula ay hindi lamang 
para sa napakababaw na layuning magbigay ng kaaliwan, sa 
halip, ito ay maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay 
ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa 
pagpapakilos. 
Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo ang mga 
gabay na tanong upang makabuo ng mahahahalagang konsepto para sa 
aralin. Inaasahang ikaw ay makabubuo at makikibahagi sa pagtatanghal ng 
dula mula sa orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay
ng isang tao/mga tao sa kasalukuyan batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, 
b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e)kaangkupan ng 
tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa 
pag-arte. 
358 
Mga Gabay na Tanong 
1. Masasalamin ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan 
sa kasalukuyan? 
2. Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag 
ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang dula? 
3. Bakit mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag 
ng pagsang-ayon at pagsalungat? 
GAWAIN 2.3.2.a: Pagkakatulad-Pagkakaiba 
Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at 
pagkakatulad ng dalawa sa mga uri ng panitikan. Gawin sa papel. Gayahin 
ang pormat. 
Pagkatapos mong mailahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng 
Maikling kuwento at Dula, sikapin mo namang sagutin ang hinihingi sa 
talahanayan.
359 
GAWAIN 2.3.2.b: Balik-tanawin… 
Balikan mo ang ilan sa araling napag-aralan mo upang masagutan mo 
ang dayagram.Gawin sa sagutang papel. 
MAIKLING KUWENTO 
PANAHON NG 
AMERIKANO 
PANAHON 
NG 
KOMONWELT 
PANAHON NG 
KASARINLAN 
PAMAGAT 
PAKSA 
MAY -AKDA 
PANGUNAHING TAUHAN 
ARAL 
DULA 
PANAHON NG 
AMERIKANO 
PANAHON 
NG 
KOMONWELT 
PANAHON NG 
KASARINLAN 
PAMAGAT 
PAKSA 
MAY -AKDA 
PANGUNAHING TAUHAN 
ARAL 
GAWAIN 2.3.2.c: Sang-ayon o Salungat 
Sagutin mo ang sumusunod na mga gabay na tanong sa tulong ng 
discussion web. Malalaman mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy ng iyong 
pag-aaral ng araling ito. 
Sang-ayon Salungat 
Hanggang sa kasalukuyan 
nananatili pa rin ang kulturang 
Pilipino na masasalamin sa 
dulang pantanghalan mula sa 
Panahon ng Kasarinlan 
Naging mabisang kasangkapan 
ng mga manunulat sa 
pagpapahayag ng kanilang 
damdamin, saloobin, opinyon, at 
karanasan sa Dula. 
Mahalagang malaman mo ang 
tamang paraan ng pagpapahayag 
ng pagsang-ayon at pagsalungat.
Nasagutan mo ba nang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi 
ka tiyak sa iyong naging mga sagot, ipagpatuloy mo lamang ang iyong 
pagtuklas sa bahaging ito ng aralin na makatutulong upang mapalawak pa 
ang kaalaman mo tungkol sa dula gayundin naman sa kaugnay na wika nito, 
ang pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat 
Para sa higit na pagkakaunawa mo sa aralin, halika at kilalanin mo ang 
isa sa napantanyag na manunulat sa Panahon ng Kasarinlan. Pagkatapos mo 
siyang makilala, basahin at unawain mo muna ang kasunod na dula na 
isinulat niya noong Panahon ng Kasarinlan. 
360 
Dionisio S. Salazar 
Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 
8,1919 si Dionision Santiago Salazar. Nagtapos ng 
kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng 
Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. 
Tomas (para sa kanyang MA). Isa siyang 
premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, 
patunay na rito ang siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat at nailathala na 
tunay namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal 
gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa 
Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL Awardee for Drama and 
Literature at iba pa. Siya ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong 
panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki 
nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na 
manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat 
tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin. 
O, nasiyahan ka ba sa iyong nabatid tungkol kay Dionisio Salazar? Sa 
pagpapatuloy, babasahin mo na ang dula, huwag mong kalilimutang sagutin 
ang mga tanong sa pagsasanay. Isagawa ang mga gawain sa bahaging ito. 
Bilang panimula, nais ko munang bigyan mo ng hinuha ang pamagat ng ating 
dula. Isulat sa papel ang sagot.
361 
GAWAIN 2.3.2.d: Hinuha Mo…Hinuha Ko 
Ang aking hinuha sa pamagat ay 
______________________________________________________________ 
______________________________________________________________ 
Matapos mong mabigyan ng hinuha ang pamagat ng ating dula, handa 
ka na para basahin ito. 
Basahin at unawain 
SINAG SA KARIMLAN 
ni Dionisio S. Salazar 
MGA TAUHAN : 
Tony ……………….. Binatang bilanggo 
Luis ……………….. Ang kanyang ama 
Erman ……………… 
Doming …………….. Mga kapwa bilanggo 
Bok ………………… 
Padre Abena ………Isang pari ng bilibid 
Miss Reyes ………… Isang Nars 
Isang Tanod 
PANAHON: Kasalukuyan 
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa 
Muntinlupa. 
ORAS: Umaga 
PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … 
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming 
pambudhi … Palihan ng puso’t diwa…Waterloo ng kasamaan… 
Hamon sa pagbabagong buhay …May mga maikling gayong dapat
hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay 
hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang 
dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad, 
kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin 
sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan… Marami 
nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang 
makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang 
tatak…May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng 
isang marikit at makulay na kasaysayan… 
PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng 
Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita 
rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa 
gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing 
kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May 
munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa 
gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng 
dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig. May black eye 
rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – 
may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan 
sa almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang 
isang paa ni Doming …Paminsan- minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni 
Bok . 
362 
Doming : (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) 
tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok. 
Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming. 
Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas 
hang.BABAYING . Ba,sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.) 
Ernan : Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa 
naman. Duguduguan siya. 
Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman 
seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa. 
Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni 
Bok.) 
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.) 
Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! 
Magapatulog man kayo! Yawa…. 
Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan. 
Doming : Hisi lang, Tsokaran. 
Bok : Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay
susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat 
n’ya.(Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at 
mapapahalinghing si Tony.) 
Doming : Kilala mo siya, Bok? 
Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisingin ko… 
Doming : Ba, ‘wag!, (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na. 
Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang 
363 
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo… 
Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ? 
Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng 
pangalan ko. Tekayo!Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba? 
Ernan : Ako nga. 
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo! 
Ernan : Salamat, Tony. 
Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only 
Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai 
padrino. Yeba!… (Mangingiting makahulugan ang lahat.) 
Tony : Haharapin si Doming; malumanay) Kayo? 
Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas . 
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang 
iling ang itutugon niTony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi 
Gang, ha? 
Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. 
Dahil sa barkada’y –heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa 
Big House. 
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw 
ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay? 
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t 
nagalaslas ang imong tiyan,ber? At… teribol yang blakay mo. 
Yawa. 
Doming : (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya 
mo ba,Tony? 
Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy 
kagabi.Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t 
nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), 
kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y 
yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … 
Aruy!
Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang 
napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) 
A,kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa 
kamatayan ! (Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … 
‘tay kung masakit ‘yan ay saka na. 
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang 
mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … 
Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … 
Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking 
pagbabago… Totoo nga naman, walang utang na hindi 
pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan! 
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony! 
Bok : (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa 
himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki 
naganakaw milyun –milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. 
Basta mi padrino! 
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok? 
Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta 
‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami 
gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,yawa. 
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon. 
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay 
masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di 
dapat pagtalunan. 
Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung 
walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang 
pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di 
nagkakaisa’y pirming nag- aaway. 
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong 
malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … 
pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may 
kakaibang tilamsik ang iyong diwa. 
Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko. 
Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. 
Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony! 
Tony : Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre 
Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. 
Tiyak. 
Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym! 
Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) 
Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. 
364
Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng 
tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit 
kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, 
paris ng iba. ‘Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng 
Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away sila … 
Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos 
ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako… 
Bok : (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba! 
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo 
kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… 
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang 
lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong 
mandukot, mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa 
Welfareville … Inilipat ako dito pagkatapos … Santaon na lang 
ang natitira sa senten’sya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng 
lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting 
library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng – 
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi 
nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki ang 
pagbabasa…” 
Tony : Mahilig din ho akong magsulat. 
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo? 
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan 
365 
kaya. Kinamuhian ko siya nang labis. 
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman. 
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo? 
Tony : Ayoko na siyang makita pa! 
Bok : Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…? 
Tony : ‘Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. 
Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng 
aking kapatid… ng aking pagkakaganito! 
Ernan : Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at 
magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. 
Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. 
Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang 
mga naghangad ng aking pagbagsak. 
Tony : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw 
ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong 
tingin. Pambihira kayo. 
Ernan : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong 
kasawian ay ang di pagkakaroon ng anak?
366 
Tony : Biyudo kayo? 
Ernan : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. 
Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang 
walang anak (Magbubuntunghininga) …napaka … hindi ganap 
ang kanilang kaligayahan. 
Doming : Hilang taon na kayo, Mang Herman? 
Ernan : K’warenta’y singko na. 
Bok : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa. 
(Maikling tawanan.) 
Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? … 
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon 
de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung 
multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko 
sa pagkakabilanggo. 
Tony : E bat naman kayo namultahan? 
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog 
ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat 
na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga 
nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang 
nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil 
nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman 
akong nakapagsusulat dito, kung sabagay. 
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung 
ibig sulatin kasi, e. 
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala 
ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang 
tunay na anak. Mapapamahal ka rin sa king mabait na 
maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka 
namin. 
Tony : Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin 
din daw ako. Pero…nakakahiya na atang pumasok sa klase. 
Baka tawanan. 
Ernan : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y 
walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao. 
Tony : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan. 
Ernan : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang 
marunong na nagkakaanak ng alipin. 
Tony : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, 
binaril – 
Ernan : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa 
kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng
ating kasaysayan. Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. 
Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa 
salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang 
colonial mentality. 
Bok : Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun? 
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang 
sariling paninindigan.Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa 
naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan 
ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.) 
Bok : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip 
seguro magatakas tayo.Yawa. (Tawanan) Pano ngani?… Mi 
trangkaso… Lumpo (Titingnan si Doming) …Almoranas 
(Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? 
Ingungususo si Tony.Tawanan na naman.) 
Tony : Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital? 
Ernan : Hindi naman. 
Doming : Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata? 
Ernan : Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw 
Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente? 
Tony : Ako nga ho. 
Ernan : Ang binigkas mong tula’y – 
Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon. 
Ernan : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas 
kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga 
sinulat ko rito. 
Doming : Hanong pamagat? 
Ernan : Sinag Sa Karimlan. 
Tony : Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay 
sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang 
liwanag! 
367 
Ernan : Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang 
makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim! 
Tony : Sana’y mabasa ko ‘yon!… 
Ernan : Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. 
Bok : (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang 
paksa)Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. 
(Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon sa 
pahiwatig ni BOK) 
Doming : Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang 
haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. 
Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina
hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t 
matalik na kebigan hay…Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking 
tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… 
Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos). 
Tony : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon? 
Doming : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga) 
Ernan : Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang 
bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y 
para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang 
malakas na naa…padrino, sabi nga ni Bok. 
Bok : (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi? 
Doming : Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha 
368 
s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya! 
Tony : “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa 
kagandahan ” Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi niyon? 
Ernan : Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay” 
Doming : Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan 
hang…(Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, 
Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadong 
napakaganda. 
Bok : A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, 
hm… 
Ernan : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of 
beauty is a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan 
ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming 
pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. 
Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan, 
totoo ring lumalason ito. Pumapatay! 
Bok : Asan ngayon ang imong misis Dom? 
Tony : Magsasama kayo uli? Paglabas mo? 
Doming : Indi na. Hisinusumpa ko! 
Bok : Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga? 
Doming : Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor. 
Ernan : Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na 
ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng 
pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming 
Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang 
marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot 
ng kumot.) 
Tony : Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan : Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting 
pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Ng pangangailangan. 
Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na 
kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit. 
Tony : Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya 
napakaraming mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan 
. At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me 
369 
inaasahang tubo o gantimpala. May – 
Ernan : “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.” 
Tony : Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang 
maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan. 
Ernan : Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration pagbabagong 
–buhay. 
Doming : Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip 
mo, Tony , ke Mang Ernan. 
Tony : P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin 
dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! 
Magandang umaga po Padre. 
P. Abena : Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang 
taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu 
na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang 
tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) 
Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May 
blak-ay ka! 
Bok : (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre 
tay-pa na . 
Tony : Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya 
lang iniwan ng mga tigasin. 
P. Abena : Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok. 
Tony : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , 
Padre maaabsen ako sa ‘ting klase? 
P. Abena : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang 
pinakamarunong sa lahat, a…Natutuwa ako’t hindi ka naganyak 
sumama kagabi. 
Tony : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! 
Gayundin ang ke Direktor. 
P. Abena :Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang 
tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik. 
Tony : Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Erna’y ibig 
ding …Wala raw silang anak.
Ernan : (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung 
may usapan na kayo’y… Padre, kami ng maybahay ko’y labing 
limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang magka-anak, 
subalit…Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor 
370 
kay Tony. 
P. Abena :Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. 
Matulungin.Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang 
pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. 
Natutuwa ako’t kayo’y – 
Tony : Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? 
P. Abena : Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa 
‘yo. Pagdating naman ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo 
ang mangyayari. 
Tony : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na 
senyong wala ‘na akong Tatay! 
P. Abena : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong 
nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, 
‘di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, 
Tony? 
Tony : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. 
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong 
maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y 
aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa 
ibang panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig 
sana) “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg! 
P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang 
nagpapagibik na ‘yon.(Susundan ito ng alis .) 
Lahat : Adyos, Padre. 
Tony : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng 
paring tulad niya …Matutupad din ang pangarap kong 
makapag-aral … kung sakali… 
Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat 
ng alagad ng pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa 
karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa 
lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng 
pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. 
Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana. 
Tony : Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n – 
Ernan : A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa 
Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika, pangbayan, 
pangkultura … May malaki akong aklatan –magugustuhan mo
…. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo 
kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa 
pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay 
galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batang-batang nars 
ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang 
temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin 
ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – 
lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang 
pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya 
pagkabigay ng kaukulang gamot sa mga may karamdaman) 
Bok : (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss 
Reyes! Kung magaibig lang siya ngani sa akon, pero … 
ginsama ang akon record. Yawa. 
371 
Tony : Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang 
pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na 
marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama. 
Bok : Galalim man ang imong Tagalog! 
Ernan : Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan) 
Bok : (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok 
(pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ng 
bahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. 
Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman.) 
Ernan : P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni 
Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … 
(Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan 
na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng 
makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa 
pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok 
at Doming.) 
Bok : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales 
pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo. 
Doming : Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ang dati ring 
tanod.) 
Tanod : (Sa may pintuan) Antonio Cruzada! 
Tony : (Itataas ang kanang kamay) Sir! 
Tanod : Miron kang bisita, adding. 
Tony : Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir? 
Tanod : Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa 
kanya. 
Doming : Kuwarentay singko. 
Tony : Papunta na ba rito, sir?
Tanod : Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.) 
Tony : (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa 
372 
loob ng dalawang taon. 
Ernan : Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony) 
Doming : Baka naman hisang kamaghanak. 
Bok : (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris 
moTony? 
Tony : (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok; 
sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na 
taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa… Imposible! 
Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo 
pong itulot,Diyos ko! 
Ernan : Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y ‘di siya makatutuloy 
dito. Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si 
Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. 
May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. 
Mababasa sa kanyang anyo na siya’y dumanas o dumaranas 
ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang 
kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayun may halata rin 
ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang 
siya subalit mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang 
kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’t ituturo naman ng 
tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad 
mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki 
nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at 
pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.) 
Luis : (Madamdamin) Tony, anak ko! …(Walang imik na pagyayapos 
ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay 
ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang 
anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at 
walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng 
kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang 
sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa 
mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis 
ang mga sugat at “black-eye” niya.) 
Luis : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang 
pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang 
ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang 
dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman 
mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
Luis : Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y 
makita? Pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa 
kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti- unti 
siyang lalapitan ng ama.) 
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag! 
Luis : (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo… 
Tony : (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon 
373 
nang p-p patay ! 
Tony : Sayang lang ang inyong pagod! 
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko… 
Tony : Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng 
bintana.) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang – 
Tony :(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa 
kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking 
Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil …Ano’ng gagawin ko? Me 
sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami 
… At nang lumao’y wala nang ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang 
araw e napilitan akong …Nang– agaw ako ng bag. Nahuli ako. 
Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang 
dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang 
kapatid ko! Sa tulong – 
Luis : Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … 
A-a alam ko na’ng lahat! … 
Tony : (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga 
kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … 
Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T.B. rin ako … 
Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng 
iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog 
nang walang unan …magtago sa ilalim ng tulay … 
Bok : (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony! 
Tony : (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … 
Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok 
ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto 
…Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at 
malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang 
haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong 
ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay 
tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina 
kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?… 
Luis : H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman ! 
Tony : Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis : Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay … 
Tony : (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida? 
Luis : (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang 
hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa 
kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip. Ngayo’y 
– 
Tony : Huli na ang lahat! 
Luis : Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan 
kitang pinaghahanap?… At nang malaman kong narito ka’y 
nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka 
ng parole. 
Tony : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi 
ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. 
(Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! 
Aru-aruuuyyy! 
Luis : Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya. 
Tony : Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos! 
Luis : (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) 
Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin 
kita. Anak, magsama-sama tayong muli! 
Tony : Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa 
374 
sumama sa senyo! 
Luis : (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming – 
ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo 
ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin 
ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang 
Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod 
naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang 
nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad 
naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak! 
Tony : (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) 
Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na 
tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang 
malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang 
mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang 
nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang 
nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang 
nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa 
may pintuan. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan 
ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan 
ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng
kanyang ama. Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong 
bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. 
Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. 
Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming. Pagkalipas 
ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang 
teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.) 
Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay 
batbat ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Ang tagumpay, kaya 
lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. 
Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng 
tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay. 
Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y – 
Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo 
ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang 
sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doktor…(Kay 
Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan. 
375 
Tony : (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan. 
Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) 
Hm… tsiken pid ‘yan. 
Doming : Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga 
ba… 
Bok : Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! …. 
Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung 
masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico 
ng Asisi, sana’y – 
Tony : Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan) 
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … 
Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may 
galit – 
Ernan : (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang 
maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating 
ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “ 
Tony : (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at 
magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim 
ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.) 
Ernan : (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno 
yaon ng dugo) Tony!(Kagyat na nalalapitan ang binata at 
pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag n’yung doktor! O nars! 
Madali kayo! … 
Bok : Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
Doming : (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! 
Nars! Narrsss!…(Muling darating ang nars na nakarinig sa 
malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat 
ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nagamutan sila ay 
siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. 
Abena at Mang Luis.Walang imik silang magmamasid.) 
Nars : Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang 
376 
malakas. At huwag kang maggagalaw ha, Tony? 
Tony : Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? 
A, Miss Reyes pala! 
Nars : Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … 
Sige ka, hm… 
Tony : Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. 
Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.) 
Nars : O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango 
ang binata; hahanda siya sa pag-alis.) 
Tony : Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot 
kelanman ! Alam mo na iyan … matagal na. ( Hindi pa rin 
nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng 
papalapit na pari.) 
P. Abena : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag 
ang batang ‘yan. Paris mo… 
Tony : Siya nga po ang babaing handa kong … 
Bok : (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, 
Padre. 
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang 
tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang - 
Tony : Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang 
pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi 
mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang 
mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony. Si 
Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay 
mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi sa namamalas na 
katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit. 
Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay 
magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng 
kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.) 
Nars : Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw 
‘pagkat makasasama sa ’yo? 
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars : (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, 
higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang 
tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan. 
377 
P. Abena :(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, 
nakapagpapatawad…. 
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na 
katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga 
sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid 
na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha 
sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan 
siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni 
Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng 
butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong 
upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y 
may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring 
ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang 
kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, 
madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng 
dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na 
pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan. 
Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-ama, titingala ng 
bahagya at pangiting bubulong.) 
Nagustuhan mo ba ang dulang iyong binasa? May nabago ba sa iyong 
saloobin at pananaw sa buhay matapos mong mabasa ang dula? Kaugnay ng 
akdang ito, iba’t ibang gawain ang inihanda ko para sa iyo. Higit nitong 
mapalalawak at mapalalalim ang iyong kaalaman.
378 
GAWAIN 2.3.2.e: Kasingkahulugan(Talasalitaan) 
Basahin ang mga pariralang hango sa dula. Ibigay ang kahulugan ng mga 
salitang may salungguhit. Piliin sa ang kasingkahulugan ng mga ito at 
gamitin sa sariling pangungusap. Gawin sa papel. 
1. nagbakbakan naman seguro. 
Pangungusap:____________________________________________ 
2. masyadong kontrobersiyal 
Pangungusap:_____________________________________________ 
3. nalalambungan ng dilim. 
Pangungusap:_____________________________________________ 
4. paglililo’y nasa kagandahan 
Pangungusap:_____________________________________________ 
5. walang pagkukunwari 
Pangungusap:_____________________________________________ 
naglabanan 
pagpapanggap 
pagtataksil natatakpan 
nakakubli 
Mainit na pinag-uusapan
379 
GAWAIN 2.3.2.f: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 
Bilang pagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo 
ang sumusunod na mga tanong/gawain. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 
1. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin at paniniwala ng mga 
tauhan sa dulang iyong binasa. Gawin mong batayan ang kasunod na 
tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
2. 
Mga 
Tauhan 
PAGKILOS PANANALITA PANINIWALA SALOOBIN 
Tony 
Ernan 
Doming 
Bok 
3. May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag. 
4. Halimbawang nagkamali ka, paano mo ito maitutuwid? 
5. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng 
mga bagay na labag sa batas? 
6. Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng 
kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya? 
7. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May 
pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? Gawin sa papel. 
NOON KALAGAYANG 
PANLIPUNAN 
NGAYON
8. Isa-isahin ang mga bahagi ng dulang “Sinag sa Karimlan” na 
380 
nagpapakita sa katangian ng isang dula. Gawin sa papel. 
9. Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang 
kapwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit?Isulat sa 
papel ang sagot. 
10. Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga 
manunulat sa panahong ito ang Dula sa paghahayag ng kanilang 
damdamin, saloobin, opinyon at karanasan? 
11. Anong uri ng Dula ang iyong binasa? Ilahad ang mga katangian nito. 
URI NG DULA 
MGA KATANGIAN 
- 
- 
-
12. Tukuyin ang nais sabihin ng may-akda. Punan ang tsart. Gawin sa 
381 
papel. 
Sa Sarili Sa Ibang Tao 
Sa Lipunang 
Ginagalawan 
Ang binasa at tinalakay nating akda ay isang halimbawa ng Dula. 
Maliban sa Sarsuwela na isa sa uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa 
iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang 
Dula. Basahin mo ang kasunod na karagdagang mga impormasyon tungkol 
sa dula at pagkatapos gawin mo ang kasunod na mga gawain. 
Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa 
tanghalan ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag 
ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang 
dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin at humihingi 
ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa sa ibang akda 
sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw 
sa tanghalan.
Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng mga sangkap na 
nagpapatingkad dito kung kaya’t nararapat lamang na ang isang dula ay 
hindi magkulang ng sangkap sapagkat ito ang nagsisilbing haligi nito upang 
lalong makatayo nang buong husay at makulay. Ito rin ang nagdudulot ng 
kawilihan sa mga manonood. a) Tanghalan-lugar- kung saan nagaganap ang 
mga pangyayari sa isang pagtatanghal; b) iskrip- itinuturing na 
pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o 
nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip; c) aktor-gumaganap 
at nagbibigay-buhay sa dula, sila ang nagpapahayag ng mga 
diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita ng mga emosyon sa 
mga manonood; d) direktor- nagbibigay ng interpretasyon at 
nagpapakahulugan sa isang iskrip; e) manonood- mga saksi o nakapanood 
ng isang pagtatanghal; f) eksena- ang paglabas-masok sa tanghalan ng 
mga tauhan samantalang ang tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa 
dula. 
Nakatulong nang malaki ang Dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad 
ng panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na 
mailarawan ng buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang 
kalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na hindi lamang para sa 
napakababaw na layuning magbigay kaaliwan kundi maaaring mabisang 
kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng 
damdamin at sa pagpapakilos. 
Samantala, kaugnay nito ang pagiging interaktibo ng tao sa pagbibigay 
ng sariling opinyon o reaksiyon hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o 
napanood, narinig at nabasa. Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, 
karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagsalungat. Basahin ang 
mga impormasyon tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag ng 
pagsang-ayon at pagsalungat. 
382
383 
Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat 
Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa 
anumang usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya o kaisipan. 
Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat 
gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. 
Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay 
makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng 
malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi 
pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami. 
Halimbawa: 
*Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon 
Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng 
iniisip. Ganyan din ang palagay ko. Oo. Tunay 
*Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat 
Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit. Ikinalulungkot ko 
ngunit. Nauuwaan kita subalit. Bakit di natin. Ayaw 
Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa sa tamang paraan ng 
paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at pagsalungat, maaari mo ng 
sagutin ang hinihingi ng tanong/gawain . 
GAWAIN 2.3.2.i: Reaksiyon 1 / 1 
Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula.Gawin sa 
papel. 
a.Pananaw ni Mang Ernan sa buhay 
b.Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama 
c.Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony 
d.Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis
384 
GAWAIN 2.3.2.j: Ilahad Mo, Opinyon Mo 
Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil 
dito. Gumamit ng mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat at 
salungguhitan ang mga ito. Sa tulong ng debate, ilahad ang iyong opinyon sa 
sumusunod na paksa. 
a. Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at dula. 
b. Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng 
indibidwal na nakukulong 
c. Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki 
GAWAIN 2.3.2.k: Sumasang-ayon…Sumasalungat 
Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka 
ba sa mga ito? Lagyan ng tsek ( / ) ang kahong katapat ng iyong sagot at 
saka ipahayag ang iyong pangangatuwiran sa patlang. 
a. Ang pagpapatawad ay mahirap gawin. 
Sumasang-ayon ako 
Sumasalungat ako 
Ang pangangatuwiran ko ay 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
b. Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang 
relihiyon. 
Sumasang-ayon ako 
Sumasalungat ako 
Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________ 
______________________________________________________________
385 
c. Ang tao ay sumasama dahil sa kaniyang kapwa. 
Sumasang-ayon ako 
Sumasalungat ako 
Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________ 
______________________________________________________________ 
GAWAIN 2.3.2.l: Halaga ng Wika 
Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng paggamit ng 
mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat? 
Pangatuwiranan. 
Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa gawain? Alam kong 
kayang-kaya mo ito. Minsan pa ay magkaroon ka ng pagtataya sa iyong 
kaalaman sa mga naging aralin sa tulong ng sumusunod na gawain. 
GAWAIN 2.3.2.m: Ilahad…Pananaw Mo 
Ilahad ang iyong pananaw sa tanong na nasa loob ng bilog 
Masasalamin pa ba 
ang kulturang Pilipino 
sa mga dulang 
pantanghalan sa 
kasalukuyan? 
Naging mabisa bang 
kasangkapan ng mga 
manunulat sa paghahayag 
ng kanilang damdamin, 
saloobin, opinyon at 
karanasan ang pagsulat ng 
Dula?
386 
Bakit mahalagang 
matutuhan mo ang 
tamang paraan ng 
pagpapahayag ng 
pagsang-ayon at 
pagsalungat 
GAWAIN 2.3.2.n: Bisa sa Isip, Damdamin, Kaasalan 
Buuin ang pahayag batay sa bisang pangkaisipan, bisang 
pandamdamin at bisang pangkaasalan buhat sa dulang napag-aralan. Gawin 
sa papel. Gayahin ang pormat. 
Matapos mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa aralin, handa ka 
nang ilapat ang iyong mga natutuhan sa susunod na bahagi.
387 
GAWAIN 2.3.2.o: Buhay Ko, Buhay Mo Sa Likod ng Iskrip 
Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang 
pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito. 
Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, 
ikaw ay naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-worksyap tungkol sa 
“Dula at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon”. Isa sa bahagi ng naturang 
seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang 
artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa 
larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip 
na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at 
pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain 
ito batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, 
d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi 
ng dula, g) kahusayan sa pag-arte at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-ayon 
at pagsalungat. 
Magaling! Naisagawa mo nang buong husay ang naturang gawain. 
Sa bahaging ito tapos na nating talakayin ang maikling kuwento at 
dula, mga panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin. 
Balikan mo ang naging mga gawain at ihambing ang iyong inisyal na ideya 
sa naging takbo ng talakayan. Ilan sa mga ito ang wasto? Kung halos lahat ay 
nakuha mo nang tama, binabati kita!. Kung hindi naman ay mayroon ka pang 
pagkakataon na muli itong balikan upang maiwasto ito. 
Ngayong alam mo na ang mahahalagang ideya/konsepto ng dalawang 
araling ito, ihanda mo naman ang iyong sarili sa susunod na gawain kung 
saan magkakaroon ng pagtataya kung paano mo naunawaan ang naging 
mga aralin.
Ikaw ay opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng inyong barangay 
na naimbitahang maging panauhing tagapagsalita sa gaganaping programa 
para sa Foundation Day ng iyong lungsod. Layunin mong makapaghatid sa 
kanilang kaalaman tungkol sa kultura at kalagayang panlipunan ng inyong 
barangay na katatapos lamang tanghalin bilang Most Outstanding 
Barangay ng Taon. Gagamitin mo bilang presentasyon sa inyong 
pagsasalita ang photo documentary na naglalarawan ng kalagayan ng 
kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay sa kasalukuyan. 
Tiyakin mo na ito’y a)orihinal/awtentiko; b) malikhain; c) 
makabuluhan ang mensahe; d) may pagkakaugnay-ugnay ang mga 
pangyayari at larawan; d) nagtataglay ng elemento ng masining na 
pagkukuwento; e) masining; at f) may wastong gamit ng aspekto ng 
pandiwa. 
388 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong 
natutuhan sa dalawang aralin. Tatayain ito sa pamamagitan ng 
sumusunod na gawain. 
Kumusta? Ano ang pakiramdam mo matapos mong magawa ang 
naturang gawain? Sabi ko na nga ba, kayang-kaya mo itong gawin. 
Nakumpleto mo na ang mga araling ito. Bago ka dumako sa susunod na 
gawain o bahagi, sagutin mo muna ang pangwakas na pagsusulit upang 
matiyak natin kung sapat na ang iyong kahandaan.
Nakadama ako ng _____________________________________matapos 
mailahad ang aralin dahil: 
1. 
2. 
3. 
4. 
389 
X. Pangwakas na Pagtataya (Panahon ng Kasarinlan) 
Ano ang nalaman o natutuhan mo sa ating aralin? Ilahad ang 
naramdaman matapos itong matalakay. 
Matapos matalakay ang aralin, NALAMAN KO NA: 
1. 
2. 
3. 
4. 
Pinatunayan mong muli na sa sariling sikap at tiyaga, malalampasan 
mo ang lahat ng pagsubok sa modyul na ito. Sa kabuuan, naunawaan mo na 
ang tungkol sa tulong na hatid ng panitikan sa pagtatamo ng damdaming 
makabayan sa Panahon ng Kasarinlan at sa kahalagahan nito bilang salamin 
ng kultura ng isang bansa. 
Oops, huwag ka munang bibitiw. Upang mas lalo pa nating malaman 
na ganap at malalim na talaga ang iyong pagkaunawa sa buong Modyul 2, 
muling pagnilayan, suriin,at sagutin mo ang mahahalagang konsepto nito na 
matatagpuan sa unahang bahagi.
390 
PAGNILAYAN PPPAAAGGGNNNIIILLLAAAYYYAAANNN AAAATTTT UUUUNNNNAAAAWWWWAAAAIIIINNNN 
Ngayon subukin natin kung talagang naunawaan mo ang 
mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais 
kong matandaan mo. Masasagot mo na nang tama kung bakit 
kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t ibang panahon? Tunay ba 
na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? 
1. Ibigay ang konseptong inilalahad ng graphic organizer. Pag-aralan mo 
ito nang mabuti. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat 
Ang Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga akdang 
pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Komonwelt 
at Kasarinlan (batay sa paksa, tema, layunin ng 
manunulat at uri ng akdang pampanitikan) 
Ang Panahon ng Amerikano, 
Komonwelt at Kasarinlan ay may 
pagkakatulad… 
Ang pagkakaiba ng Panahon ng 
Amerikano, Komonwelt at 
Kasarinlan ay… 
Ang Panahon ng Amerikano, 
Komonwelt at Kasarinlan ay may 
pagkakatulad… 
Ang Panahon ng Amerikano, 
Komonwelt at Kasarinlan ay may 
pagkakatulad… 
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa mga 
panahong ito? 
3. Nakatulong ba ang panitikan upang maging daan ng pagpapahayag ng 
saloobin, opinyon at katuwiran? 
4. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling ating tinalakay? Sagutin 
ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag na nakasulat sa 
Speech Balloon. Gawin sa papel.
Pagkatapos kong pag-aralan ang mga akdang 
pampanitikan na sumibol at umusbong sa tatlong 
panahon, napag-alaman kong 
______________________________________________ 
__________________________________________. 
Naramdaman kong 
________________________________________ 
______________________________________________ 
__________________________________________. 
Dahil dito, naunawaan ko ang kahalagahan ng 
__________________ 
______________________________________________ 
__________________________________kaya_________ 
______________________________________________ 
______________________________________________. 
Nasisiyahan ako at nagagalak sapagkat natugunan 
mo ang lahat ng gawain na inilaan para sa iyo ng modyul na ito. Tunay 
na marami ka ng naipong kaalaman/impormasyon at higit na ang iyong 
kahandaan hindi lamang sa pagsagot ng modyul kundi higit sa mas 
makabuluhang patutunguhan nito. Bilang isang hamon, muli sikapin 
mong matugunan at mahigitan ang inaasahan kong magagawa mo sa 
susunod na bahagi. 
391 
IIIILLLLIIIIPPPPAAAATTTT 
Binabati kita! At ilang hakbang na lamang at tapos na ang 
iyong paglalakbay sa modyul na ito. Ang layunin mo sa bahaging 
ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa Modyul 2 sa 
pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video 
presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa 
kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang 
sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain.
Isa sa nakatutulong upang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay 
ang pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang 
nabibigyan ng trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t ibang 
programa ang Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang 
kulturang Pilipino sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga 
turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. 
Bilang tagapangulo ng departamento ng lokal na turismo sa iyong 
probinsiya, layunin mo na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang 
Pilipinas dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na 
bumuo at itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng 
kulturang Pilipino na nagpapatunay na “It’s More Fun in the 
Philippines” . Sa nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang 
Pilipino na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang 
presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sa 
pananaliksik; b)makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan 
sa paksa; f)napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang 
Napakahusay ng iyong video presentation! Maipagmamalaki na 
392 
kita! 
Nagagalak ako at natapos mo na ang araling ito. Inaasahan ko na 
marami kang natutuhan sa ating pag-uugnayan. Kaya bago ka dumako 
sa susunod na modyul, sagutin mo ang ating pangwakas na pagsusulit. 
Huwag kang matakot, kayang-kaya mo ito dahil marami ka ng alam.
VII.PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (para sa Modyul 2) 
Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng pagtataya kung paano mo 
naunawaan ang aralin. Sagutin ang sumusunod na tanong. Tiyakin na 
nabasang mabuti ang panuto upang masagot mo ito ayon sa isinasaad 
nito. Maaari ka nang magtungo sa bagong aralin kung maipapasa mo 
ang huling pagtataya subalit kung hindi naman ay babalikan mo lamang 
muli ang mga gawain. Huwag kang mag-alala sapagkat bahagi lamang 
ito ng proseso upang matiyak na naunawaan mo ang aralin. 
393 
Pangkalahatang Panuto 
1.Basahing mabuti ang bawat panuto sa pagsusulit. 
2.Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 
3.Basahin at balikang muli ang mga tanong at ang iyong naging sagot 
upang matiyak na nasagot mo ang lahat ng katanungan at mapag-aralang 
muli ang iyong mga naging kasagutan. 
Simulan mo na ang pagsagot. 
1. Sino ang tinaguriang ama ng maikling kuwento? 
a. Rogelio R. Sikat 
a. Deogracias A. Rosario 
b. Narciso Reyes 
c. Liwayway Arceo 
2. Paano lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng 
Komonwelt? 
a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na 
Panitikan. 
b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat 
c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat 
d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga 
kuwentista 
3.Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.” 
a. salaysay 
b. komposisyon 
c. talumpati 
d. sanaysay
394 
4.Bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at 
bumabasa? 
a. Malayo ito sa damdamin ng madla 
b. Napakahirap nitong gawin. 
c. Dahil nagmula ito sa ibang bansa. 
d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 
5.Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang tuluyan? 
a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit 
lumalaban. 
b. Mayroon itong isahang yugto. 
c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang 
sining. 
d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at 
pamilyar dahil nang-aaliw. 
5. Anong bahagi ng kuwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o 
pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa? 
a.kakintalan 
b.kasukdulan 
c.kakalasan 
d.wakas 
7. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang 
kahulugang nais iparating ng mga manunulat sa Maikling kuwento? 
a. simbolismo 
b. pahiwatig 
c. kakintalan 
d. larawang-diwa
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang 
masagot ang kasunod na mga tanong. 
395 
Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais 
Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik. 
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig 
Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; 
Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, 
Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; 
Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, 
Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit. 
Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o 
8.Anong uri ng tulang patnigan ang binasa? 
a. Balagtasan 
b. Duplo 
c. Karagatan 
d. Batutian 
9. Sino kaya ang nagsasalita sa hinangong akda? 
a. May-akda 
b. Lakandiwa 
c. Mambabalagtas 1 
d. Mambabalagtas 2 
10. Anong sukat mayroon ang akda? 
a. wawaluhin 
b. lalabindalawahin 
c. lalabing-animin 
d. lalabingwaluhin 
11. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? 
a. kalakasan at kahinaan 
b. kayamanan at karalitaan 
c. pag-aaral o pag-ibig 
d. puso at isip 
ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle
Tony :Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? 
P. Abena :Bakit hindi? Mabuti ngang gayon at maraming titingin 
sa’yo. 
Pagdating naman ng araw ay…magugustuhan din ng tatay 
12. “Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay!” ang 
396 
pahayag na ito ni Tony ay nagpapahiwatig ng _______________. 
a. pagngingitngit ni Tony sa ama 
b. pagkagalit ni Tony sa kalagayan niya 
c. pagtatampo ni Tony ke Padre Abena 
d. pagkainis ni Tony sa pangalang binanggit 
mo 
ang mangyayari. 
Tony :(Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na 
seyong wala akong Tatay! 
P.Abena :Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong 
nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang…A, 
di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, 
Tony? 
Tony :Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. 
P. Abena :Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong 
Maggagalaw at nang hindi dumugo. 
(Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang Malakas na pagpapagibik 
buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik 
Ang lahat at makikinig sa narinig “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko 
sa Uhaw! Tubig!) 
P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang 
napagibik na ‘yon (Susundan ito ng alis) 
Lahat : Adyos, Padre. 
Tony : (Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid 
ng paring tulad niya. Matutupad din ang pangarap kong 
makapag-aral kung sakali. 
Halaw sa akdang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio S. Salazar
13. Ang pandiwang may salungguhit sa pangungusap na “Diyan nga muna 
kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na ‘yon.” ay nasa 
aspektong_____________ 
397 
a. perpektibo 
b. kontemplatibo 
c. imperpektibo 
d. perpektibong katatapos 
14. Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming 
mga tauhan sa loob ng isang dula. 
a.usapan 
b.diyalogo 
c.salitaan 
d.eksena 
15. Sino ang kinikilalang bida sa isang akdang pampanitikan? 
a. antagonista 
b. ekstra 
c. kontrabida 
d. protagonista
“Ilang dantaong tayo ay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at 
nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na 
tayong malaya; subalit malaya na nga ba tayo…?” Unang hampas ang 
naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing 
kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap ang unang latay sa iyong 
katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili 
mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay. 
Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit 
nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, ang pangalawang hampas. Muling 
bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala 
mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika 
mo gayong iyan ang inihandog sa ‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo 
matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. 
Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung 
humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka 
dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong 
dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa 
iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo 
ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw 
nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na 
ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan 
subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. Malaya 
ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. 
Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang 
ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 
Mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr. 
398
399 
16.Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda? 
a. politiko 
b. mananakop 
c. kahirapan 
d. pagpapahayag ng saloobin. 
17. “Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap 
at wala na ang tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng salitang may 
salungguhit? 
a. bilangguan 
b. kalayaan 
c. sakit sa katawan 
d. kadena 
18. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? 
a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo 
ang mga latay na tumimo sa iyong isip. 
b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa 
bayang Pilipinas. 
c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. 
d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng 
iyong kahapon. 
20. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala sa mga 
Pilipino? 
a. dahil sa pagpipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang- 
Bayan na malaon nang ginagamit 
b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang 
pananakop sa bansa 
c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na 
pilit na ipinapalit sa sariling wika 
d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang 
mangyari
21. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya 
mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? 
a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan 
b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa 
c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in 
d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling 
400 
pag-unlad 
Ngayon, tingnan mo ang iyong sagot sa pagtatapos ng modyul. 
Marami ka bang naging wastong sagot? Natutuwa ako at punong-puno 
ka ng kaalaman sa araw na ito! 
Alam mo ba na ‘di lamang sa Panahon ng Pananakop ng 
Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan lumaganap ang mga akdang 
pampanitikang natutuhan mo dahil sa kasalukuyan ay may tinatawag na 
tayong panitikang popular.. Gusto mo bang malaman ang mga ito? 
Ikaw, nasa uso ka ba? In ka ba ngayon? Kung oo, tiyak na makapag-aaral 
ka na sa ikatlong modyul na iyong pag-aaralan…ang 
Repleksiyon ng Kasalukuyan…Tungo sa Kinabukasan. 
Maligayang paglalakbay!!!
401 
MODYUL MMMOOODDDYYYUUULLL 3333:::: RRRREEEEPPPPLLLLEEEEKKKKSSSSIIIIYYYYOOOONNNN NNNNgggg 
kAAAASSSSAAAALLLLUUUUKKKKUUUUYYYYAAAANNNN………… 
TTTTUUUUNNNNGGGGOOOO SSSSAAAA KKKKIIIINNNNAAAABBBBUUUUKKKKAAAASSSSAAAANNNN 
I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG 
Binabati kita! Ngayon ay magsisimula ka na sa Modyul 3 ng iyong 
pag-aaral sa Filipino! Sa modyul na ito, matutuklasan mo at 
mauunawaan ang kulturang popular sa kasalukuyan sa pamamagitan ng 
pag-aaral ng mga babasahing popular (tabloid, komiks, magasin at 
kontemporaryong dagli), bbbbrrrrooooaaaaddddccccaaaasssstttt mmmmeeeeddddiiiiaaaa (radyo at telebisyon) at 
pelikula. 
Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa 
buong mundo maging sa ating bansa. Ang paglaganap ng Internet, pag-usbong 
ng iba’t ibang ssssoooocccciiiiaaaallll mmmmeeeeddddiiiiaaaa nnnneeeettttwwwwoooorrrrkkkk gaya ng FFFFaaaacccceeeebbbbooooooookkkk at 
TTTTwwwwiiiitttttttteeeerrrr, gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa 
mga wwwweeeebbbbssssiiiitttteeee gaya ng YYYYoooouuuuTTTTuuuubbbbeeee ay nagdulot ng malaking pagbabago sa 
kulturang Pilipino. Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa 
mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-udyok sa 
pagbabagong bihis ng tradisyunal na anyo nito. Paano nga ba naiba ang 
tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon 
ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa 
panitikang popular? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong 
na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral. 
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan kong 
makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa estilo, mekanismo, 
pamamaraan/ teknik at mga kaalamang teknikal ng mga panitikang 
popular tungo sa kamalayang panlipunan. Bilang patunay na naunawaan 
mo ang mahahalagang konsepto, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa 
modyul na ito, inaasahang ikaw ay makikibahagi sa pagbuo ng 
kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (ssssoooocccciiiiaaaallll aaaawwwwaaaarrrreeeennnneeeessssssss 
ccccaaaammmmppppaaaaiiiiggggnnnn) sa pamamagitan ng alinmang midyum ng mmmmuuuullllttttiiiimmmmeeeeddddiiiiaaaa na 
iyong matututuhan sa modyul na ito. Magiging kaagapay mo rin sa 
pagbuo nito ang mga araling pangwika na iyong pag-aaralan.
402 
II. MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO 
Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo 
ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod 
na aralin na nakapaloob sa modyul na ito 
Mga Aralin sa Yunit 
Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura 
at Panitikang Popular 
a. Panitikan: Popular na Babasahin 
• Pahayagan (Tabloid) 
• Komiks 
• Magasin 
• Kontemporaryong Dagli 
b. Wika: Antas ng Wika 
• Pormal 
• Di-pormal 
• Balbal 
Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago 
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino 
. a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo 
b. Wika: Konsepto ng Pananaw 
a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon 
b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal 
Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: 
Midyum sa Pagbabagong Panlipunan 
c. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni 
Brillante Mendoza 
d. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag 
Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang: 
Aralin 3.1: makapagbabahagi ng mga babasahing popular na 
sumasalamin sa kultura at tradisyon sa kasalukuyang 
panahon; 
Aralin 3.2: makalilikha ng isang akdang naglalahad ng sariling 
pananaw batay sa pamantayan ng isang mapanagutang 
mamamahayag;
403 
Aralin 3.3: makapagpapamalas ng pag-unawa sa estilo, 
mekanismo at kaalamang teknikal ng isang 
dokumentaryong pampelikula bilang midyum sa 
pagbabagong panlipunan. 
III. MGA INAASAHANG KASANAYAN 
Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman 
at kasanayan 
Repleksiyon 
Ng 
Kasalukuyan 
Tungo 
Sa 
kinabukasan 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pakikinig 
Naililipat sa isang grapikong organayser ang mga 
impormasyong napakinggan (transkoding) 
 dayagram 
 grap 
 grid 
Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang 
pahayag, mensahe at teksto 
Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring 
pakikinig/panonood 
 Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinion at 
personal na interpretasyon ng nagsasalita at nakikinig 
 Napag-iiba ang katotohahan (facts) sa mga hinuha 
(inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng 
nagsasalita at ng nakikinig /nanonood 
 Nailalahad ang mga pagkiling (biases, prejudices) at 
sariling interes ng nagsasalita 
 Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa 
teksto o diskursong napakinggan/napanood 
 Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga 
napakinggang pahayag, mensahe at teksto 
Pagsasalita 
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga 
datos 
sa pananaliksik 
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon 
at saloobin 
Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/ 
pag-aatubili o pasubali
Pag-unawa sa Binasa 
Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na 
bahagi nito 
Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: 
404 
 paksa 
 layon 
 tono 
 pananaw 
 paraan ng pagkakasulat 
 pagbubuo ng salita 
 pagbubuo ng pangungusap 
 pagtatalata 
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring 
pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod: 
 Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto 
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang 
nakapaloob sa teksto 
 Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng 
- paksa 
- tono 
- layon 
- estilo at 
- gamit ng mga salita 
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa 
mga nangyayari sa: 
 sarili 
 pamilya 
 pamayanan 
 lipunan 
 daigdig 
Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol 
sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod: 
- HIV and Drug Prevention 
- Peace Education 
- Karapatang Pambata at Kanilang 
Responsibilidad 
- Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga 
Pilipino 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto 
sa pamamagitan ng pagkilala sa: 
 Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
Napagsasama-sama ang magkakasalungat na ideya 
 Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak 
405 
na bahagi nito 
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring 
pagbasa sa teksto; 
 Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng: 
- paksa/tema 
- layon 
- gamit ng mga salita 
Pagsulat 
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng 
ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, 
pananaliksik at panonood 
 Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan 
 Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon 
Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, 
organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o 
impormasyong nagbibigay- kredibilidad sa mga kaisipan at 
opinyong ipinahahayag sa lathalain 
Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa pagsulat ng 
isang dokumentaryong panradyo 
 Nakapipili ng isang napapanahong paksa 
 Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon 
 Nakabubuo ng maayos na balangkas 
 Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, 
organisasyong nagbibigay-kredibilidad sa mga 
kaisipang ipinahahayag 
 Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng 
konsepto ng pananaw 
 Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala 
ng kaugnayang lohikal 
Tatas 
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at 
impormal na Filipino pasalita man o pasulat 
 Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong 
Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o 
pasulat
Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang 
impormasyon 
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may 
kabuluhan at kredibilidad 
Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa 
hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga 
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan 
Hinaharap ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na 
may kasiyahan at kasiglahan 
Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral 
406 
ng wika at panitikan 
Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang 
mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan 
Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik 
Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga 
impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng 
pag-aaral/ pananaliksik 
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na 
mga datos sa pananaliksik 
 Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga 
sanggunian sa aklatan/ internet 
Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t 
ibang pinagkukunang sanggunian 
Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon 
sa isinagawang pananaliksik. 
Panonood 
Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong 
napanood 
Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang 
napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood
REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN 
Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad 
ng 
b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal 
Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong 
407 
IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob 
sa modyul na ito na iyong pag-aaralan. 
Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at 
Panitikang Popular 
a. Panitikan: Popular na mga Babasahin 
• Pahayagan(tabloid) 
• Komiks 
• Magasin 
• Kontemporaryong Dagli 
b. Wika: Antas ng Wika 
• Pormal 
• Di-Pormal 
• Balbal 
Kulturang Pilipino 
. a. Panitikan: Komentaryong Panradyo 
Dokumentaryong Pantelebisyon 
Panlipunan 
a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni 
Brillante 
Mendoza 
b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag 
Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, 
gawin mo ang sumusunod na gabay. 
11. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul. 
12. Sikaping makasunod sa mga direksiyon/panuto ng mga gawain. 
13. Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi mo gaanong 
maunawaan. 
14. Balikan ang mga bahaging hindi mo gaanong naintindihan. 
Gawin itong gabay sa mga bahagi ng aralin na dapat pang 
paglaanan ng oras sa pag-aaral. 
15. Magsaliksik. Tumuklas pa ng karagdagang kaalaman na 
makatutulong sa lalong pag-unawa sa modyul na ito.
(1) Nakikinig kaming lahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang 
magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan 
ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami 
kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito siya’y aming 
pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral 
408 
V. PANIMULANG PAGTATAYA 
Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman 
kaugnay ng mga aralin sa modyul na ito. Subukin mong sagutin ang 
paunang pagsusulit bago ka magsimula ng iyong pag-aaral. 
Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra na sa 
palagay mo ay tama. 
Matapos maiwasto ang iyong papel, tandaan mo ang iyong 
mga pagkakamali. Matutuklasan mo ang mga wastong sagot sa 
pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito. Simulan mo na. 
Teksto A. 
ang mahasikan niya ng karunungan. 
1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap 
bilang __________. 
a. 1 c. 3 
b. 2 d. 4 
2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________. 
a. paghanga c. pag-asam 
b. pananabik d. kasiyahan 
3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________. 
a. manghikayat c. magbigay-parangal 
b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman
Tahan ka sa’king silid Halika’t manibasib 
apuhapin ang sakit sa katas ay sumipsip. 
nang naglatag na sugat, Nang panawan nglakas, 
sa banig, mutyang papag. kat’wang nais lumikas. 
Doo'y lasapin kata Pagsaluhan na kata 
nawaglit na gunita Utopia ng ideya. 
usapin sa ‘ting lupa, Nang lumagpak na sila, 
limot na alaala. sa ‘ting mga haraya. 
409 
Teksto B 
Tanaga ng Sakada 
Jayson Alvar Cruz 
Halikan mo ang langib, 
sugat sa aking dibdib. 
Haplusin mo ang hapdi. 
Isip, namimighati. 
4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan 
sa tula? 
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus 
sa San Juan, Metro Manila 
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas 
ng mga katutubong Aeta. 
c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita 
tungkol sa usapin sa lupa 
d. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng 
Panatag Shoal. 
6. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumulutang sa tula? 
a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikapagtatagumpay ng 
anumang layunin. 
b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin 
c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa 
kayamanan at kapangyarihan. 
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan.
Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo 
ang ating napapanood na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa 
paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento 
o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga 
suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang 
nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, 
suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig 
ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang 
dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng 
mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang 
katotohanan. 
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa 
upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong 
kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong 
kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang 
natatanging kasagutan. 
410 
Teksto C. 
16. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga 
dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat 
indibidwal? 
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung 
panlipunan. 
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin. 
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao. 
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman. 
17. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ 
ayon sa pagkakagamit sa akda? 
a. walang masyadong iniisip 
b. hindi mapasisinungalingan 
c. walang katotohanan 
d. hindi angkop sa sitwasyon
18. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha 
411 
sa pahayag? 
a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko. 
b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral. 
c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang 
kanilang tungkulin. 
d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala. 
19. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga 
dokumentaryo ay upang ___________. 
a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung 
panlipunan 
b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito 
c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan 
d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema 
20. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon 
sa iyo ng mga pahayag sa huling talata? 
21. 
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa 
simpleng pamamaraan. 
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan. 
c. Maging isang lider upang maging sikat. 
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.
Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner! 
Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong d’yan ang 
pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas 
na ‘yan! 
Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga re-electionist 
Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser 
412 
Teksto D 
Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang 
bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na ‘yan eh. 
Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang 
buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak 
dahil dito. 
Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor 
Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil 
marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho. 
na senador na bumoto laban sa bill na ‘yan! 
sa baga, manalo lang sa eleksyon! 
Komentaista 2: Tumpak! 
22. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag? 
a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado. 
b. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni 
PNOY! 
c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa 
Sin Tax Bill. 
d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng 
buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo. 
23. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo? 
a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at 
alak 
b. Pagpasa sa Sin Tax Bill 
c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill 
d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill 
24. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng 
kaugnayang lohikal? 
a. Pati na rin c. Ayon kay 
b. Dahil dito d. Kaya naman
25. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ 
sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na 
salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag? 
413 
a. upang c. nang sa gayon 
b. dahil sa d. Kung 
26. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon? 
a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado. 
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill. 
c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin 
Tax Bill. 
d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang 
batas. 
27. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam? 
a. 
I 
ulat nang patas at wasto ang nakuhang mga 
impormasyon. 
b. Maging malinaw sa pagtatanong. 
c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin. 
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa 
paksa ng panayam. 
28. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media? 
a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon 
b. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan 
29. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast 
media sa lipunan? 
a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa 
pamahalaan. 
b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa 
paligid. 
c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito. 
d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika 
at showbiz.
414 
30. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, 
manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na opinyon sa 
pahayag? 
a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo. 
b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang 
batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na 
eleksiyon. 
c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong 
pabor sa panukalang batas. 
d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa 
paninigarilyo. 
31. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________. 
a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan 
b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila 
c. manood palagi ng mga dokumentaryo 
d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran 
Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo nang tama? Kung marami 
ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang 
maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga 
panitikang popular na kinagigiliwan ng mga kabataang tulad mo. 
VI. YUGTO NG PAGKATUTO 
AAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN 
Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung 
gayon, simulan na natin ang iyong pag-aaral tungkol sa mga 
panitikang popular. Naisip mo na ba kung paano naiba ang 
mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng 
panitikan na iyong natalakay sa naunang mga aralin? Bakit nga ba 
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino 
tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang 
mga panitikang popular?
415 
GAWAIN 1: BUGTUNGAN, DUGTUNGAN! 
Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi 
ng panitikang popular? Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit 
upang maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming mamamayan? Tukuyin 
mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga 
titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle. 
Mga Bugtong: 
1 – Pinipilahan ng mga 
manonood, Sa pinilakang tabing 
ito’y itinatampok! 
2 – Kahong puno ng 
makukulay na larawan at 
usapan ng mga tauhan. Tunay 
na kinagigiliwan ng kabataan! 
3 – Kuwadradong 
elektronikon kagamitan.Tampok 
ay iba’t ibang palabas na 
kinaaaliwan! 
4 – Sa isang click lang 
mundong ito’y mapapasok na 
para mag- Fb, Twitter o 
magsaliksik pa. 
5 – Musika’t balita ay 
mapapakinggan na. Sa isang 
galaw lamang ng pihitan, may 
FM at AM pa! 
6 – Maliit na diyaryong 
inilalako sa daan; balita, tsismis 
at iba paang laman. 
7 – Pabalat nito’y may 
larawan pang sikat na artista. 
Nilalama’y mga artikulong 
tumatalakay sa iba’t ibang 
paksa. 
4 
. 
5 
. 
6 
. 
B 
L 
T 
T 
D 
3 
. 
Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil 
1 P 
. 
2 
. 
M 
G 
7 
. 
may ideya ka na sa iba’t ibang uri ng panitikang popular! Kung hindi naman, 
huwag kang mag-aalala dahil tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama 
ang iyong mga maling akala.
Alam mo ba na... 
May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, 
balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng 
mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay 
ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito 
ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino 
sa ngayon. 
Panitikang Popular 
__________________ 
__________________ 
__________________ 
__________________ 
__________________ 
__________________ 
__________________ 
__________________ 
__________________ 
416 
GAWAIN 2: ALIN, ALIN ANG PAGKAKAIBA? 
Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga nabanggit 
na panitikang popular sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba ng mga ito 
sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin naman nating isa-isahin ang mga 
katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng kasunod na 
gawain . Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay 
taglay ng panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin 
ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum 
na ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan. Gayahin ang pormat sa 
sagutang papel. 
Tradisyunal na 
Panitikan 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
___________________ 
Paksang 
Tinatalakay 
Wikang 
Ginagamit 
Paraan/Midyum 
sa Paghahatid 
Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil 
may ideya ka na sa katangiang taglay ng tradisyunal na panitikan at 
panitikang popular. May napansin ka rin bang pagkakatulad ng mga ito? 
Bakit kaya nagkaroon ng transisyon mula sa tradisyunal na uri ng panitikan 
tungo sa panitikang popular na kilala natin sa kasalukuyan? Huwag kang 
mag-alala, lalo pa nating pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga 
panitikang popular sa susunod na mga gawain.
417 
PAUNLARIPPPAAAUUUNNNLLLAAARRRIIINNNN 
Sa bahaging ito ng modyul ay bibigyan natin ng 
pansin 
ang iba’t ibang uri ng panitikang popular at ang iba’t ibang 
midyum na ginagamit sa pagpapalaganap nito. Sa pamamagitan ng mga 
gawain na nakahanay sa mga aralin, matutuklasan natin ang 
kahalagahan ng pag-aaral ng mga panitikang popular at ang papel na 
ginagampanan ng mga ito sa kamalayang panlipunan ng mamamayan 
ng isang bansa. 
Sa tulong ng mga araling pangwika, pagtalakay sa iba’t ibang 
pamamaraan sa pagbuo ng panitikang popular, pagsasagawa ng mga 
programang panradyo at maging ng pelikula, inaasahang magiging 
bahagi ka rin ng paghahanda ng isang kampanya tungo sa kamalayang 
panlipunan sa pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign 
through the use of multimedia) sa katapusan ng iyong pag-aaral sa 
modyul na ito. 
Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at 
kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 3.1 ng modyul na 
ito - ang mga uri ng kontemporaryong panitikan. 
ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo 
sa Kultura at Panitikang Popular 
IV. Panimula at Mga Pokus na Tanong 
Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga pocketbook, magasin at 
komiks? Maliban sa mga aklat na isinulat ni Bob Ong, nabasa mo na ba ang 
mga naisulat nina Eros Atalia, Ricky Lee, Edgar Samar at Jun Cruz Reyes? 
Eh, ang mga nakakikilig na Textstory ni Marcelo Santos sa Facebook, 
nabasa mo na? Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa 
panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal 
na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin 
ang mga popular na babasahin ng kabataan? Malalaman mo ang mga sagot 
sa mga tanong na ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral. 
V. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito: 
Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa 
mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin, at 
kontemporaryong dagli bilang bahagi ng panitikang popular upang 
maunawaan mo kung bakit mahalagang basahin ang mga ito. Narito ang mga 
aralin na makatutulong upang matamo mo ang pamantayang pangnilalaman 
na lilinangin sa araling ito.
418 
ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at 
Panitikang Popular 
Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin 
(Tekstuwal Analisis) 
• Pahayagan(tabloid)/broad sheet 
• Komiks 
• Magasin 
• Kontemporaryong Dagli 
b. Wika: Antas ng Wika 
• Pormal 
• Di-pormal 
• Balbal 
VI. Mga Inaasahang Kasanayan 
Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa 
pagtalakay mo sa araling ito. 
Kon 
temporaryong 
Panitikan 
Tungo 
sa 
Kultura at 
Panitikang 
Popular 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pakikinig 
Naililipat sa isang graphic organizer ang mga 
impormasyong napakinggan (transkoding) 
 dayagram 
 grap 
 grid 
Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang 
pahayag, mensahe at teksto 
Pagsasalita 
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga 
datos sa pananaliksik 
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, 
opinyon at saloobin 
Pag-unawa sa Binasa 
Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na 
bahagi nito 
Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay 
sa: 
• paksa 
• layon 
• tono 
• pananaw 
• paraan ng pagkakasulat 
• pagbubuo ng salita
419 
• pagbubuo ng pangungusap 
• pagtatalata 
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa 
mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod: 
• Nakabubuo ng balangkas ng binasang 
teksto 
• Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o 
ideyang nakapaloob sa teksto 
Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng 
• paksa 
• tono 
• layon 
• estilo at 
• gamit ng mga salita. 
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay 
sa mga nangyayari sa: 
• sarili 
• pamilya 
• pamayanan 
• lipunan 
• daigdig 
Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi 
tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod: 
• HIV and Drug Prevention 
• Peace Education 
• Karapatang Pambata at Kanilang 
Responsibilidad 
• Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga 
Pilipino 
Pagsulat 
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap 
ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, 
pananaliksik at panonood 
• Nakapagsasagawa ng rebisyon kung 
kinakailangan 
• Nakapagtatala ng mahahalagang 
impormasyon 
Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, 
organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o
420 
impormasyong nagbibigay kredibilidad sa mga kaisipan 
at opinyong ipinahahayag sa kaniyang lathalain 
Tatas 
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at 
impormal na Filipino pasalita man o pasulat 
Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong 
Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o 
pasulat 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga 
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan 
Nagagawa ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase 
na may kasiyahan at kasiglahan 
Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong 
pag-aaral ng wika at panitikan 
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga 
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan 
Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan 
ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan 
Estratehiya sa Pag-aaral 
Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga 
impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak 
ng pag-aaral/pananaliksik 
• Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom 
na mga datos sa pananaliksik 
• Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng 
mga sanggunian sa aklatan/internet 
Panonood 
Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o 
diskursong napanood 
• Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang 
napapanahong isyu na may kaugnayan sa 
napanood
421 
XI. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong 
upang maiplano mo ang iyong mga gawain: 
Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura 
at Panitikang Popular 
Panitikan: Mga Popular 
na Babasahin 
• Pahayagan (tabloid/ 
broad sheet) 
• Komiks 
• Magasin 
• Kontemporaryong 
Dagli 
Wika: Antas ng Wika 
• Pormal 
• Di-pormal 
• Balbal 
Produkto/Pagganap: Literary Folio na 
sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng 
barangay. 
Maaaring sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin 
natin ang tungkol sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, 
magasin at kontemporaryong dagli. 
XII. Panimulang Pagtataya 
Crossword Puzzle 
Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay 
sa pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
Gabay sa Pagsagot 
1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa) 
2. Pahayagan ng masa. (pahalang) 
3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang) 
4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)
422 
VI . Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila 
ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. 
Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa 
kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng 
komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa 
mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba 
lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang popular. 
Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y malaman mo kung paano 
naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit 
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino 
tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing 
popular? 
Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga 
babasahing popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad 
mo. Sa pamamagitan nito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga 
babasahing popular na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na pinag-aralan 
mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahagi ng araling ito. 
GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist 
Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo. 
Pagkatapos, iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. 
Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1 
samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang 
format 
Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat 
Broadsheet 
___ Inquirer 
___ Manila 
Bulletin 
___ Philippine 
Star 
___ Business 
Mirror 
___ Manila Times 
Tabloid 
___ Abante 
___ Taliba 
___ Pilipino 
Mirror 
___ Pilipino Star 
Ngayon 
___ Tempo 
___ Aliwan 
___ Pantastik 
___ Halakhak 
___ Pugad 
Baboy 
___ Super 
___ Manhwa 
Korean 
Comics 
___ Archie 
___ Marvel 
___ Japanese 
Manga 
___ Captain 
America 
___ Liwayway 
___ Yes! 
___ FHM 
___ Candy 
___ T3 
___ Men’s Health 
___ Metro 
___ Entrepreneur 
___ Cosmopolitan 
___ Good 
Housekeeping 
___ Mga Aklat ni 
Bob Ong 
___ Florante at 
Laura 
___ Noli Me 
Tangere 
___ Mga Aklat ni 
Eros Atalia 
___ Aklat- 
Kalipunan 
ng mga Tula 
___ Teksbuk 
___ HorrorBooks 
___ Antolohiya ng 
Maikling 
Kuwento 
___ Kalipunan ng 
Dagling 
Katha 
___ Bibliya
1 ------------------------------------- Pinakapopular sa 
Sa aling palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri 
ng panitikan ay 
____________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng ____ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil 
_____________________________________________________________ 
423 
RANGGONG AYOS 
Pahayagan (tabloid/ broad sheet) 
Komiks 
Magasin 
Kontemporaryong Dagli 
GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha 
LEYENDA 
akin 
2 ------------------------------------- Popular sa akin 
3 ------------------------------------- Di-masyadong 
popular sa akin 
4 ------------------------------------- Hindi popular sa 
akin 
Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, 
nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang 
tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na 
pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo 
dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon. 
Ngayo’y naunawaan ko na, 
________________________ 
___________________________________________________ 
__ 
___________________________________________________ 
__ 
Nabago ang aking paniniwala sa 
___________________ 
_____________________________________________________
Bilang patunay na nauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito, 
ikaw ay inaasahang makagagawa ng isang literary folio na sumasalamin sa 
kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Ipagpatuloy mo lang ang 
pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyong pag-unawa. 
424 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan 
mo 
ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala 
gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Tutulungan 
kitang alamin kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa 
panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal 
na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang 
basahin ang mga babasahing popular? Maligayang araw ng pag-unawa! 
Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang 
kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga 
kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid. 
PAHAYAGAN (tabloid) 
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga 
balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa 
higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa 
nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print 
media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. 
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang 
blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid. 
Tabloid: Isang Pagsusuri 
William Rodriguez II 
“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat 
bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.” 
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa 
abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid 
na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay 
unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak 
ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. 
Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa 
ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. 
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 
'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa 
diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag 
walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito 
nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa 
broadsheet na ang target readers ay Class A at B. Yun nga lang sa tabloid 
ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't 
tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang 
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng 
aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa 
masamang balita? 
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily 
425 
tabloid ang nagsi-circulate sa bansa. 
GAWAIN 3.1.c: Listing 
Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at 
broadsheet? Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na 
ideya o pahayag mula sa artikulo. Isulat sa papel ang sagot. 
Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag 
1. 
2. 
3. 
4. 
5. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid 
kaysa sa broadsheet? 
2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na 
Internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng 
mga pahayagan? 
Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na 
babasahing tabloid, dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, 
lalo na ng kabataang tulad mo – ang komiks.
Larawang guhit ng 
mga tauhan sa 
kuwento 
Lobo ng usapan- 
Pinagsusulatan ng usapan ng 
mga tauhan; may iba’t ibang 
anyo ito batay sa 
inilalarawan ng dibuhista. 
426 
KOMIKS 
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan 
ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring 
maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o 
higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng 
pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman 
palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang 
sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), 
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. 
Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito. 
Pamagat ng 
kuwento 
Kuwadro- Naglalaman 
ng isang tagpo sa 
kuwento (frame) 
Kahon ng Salaysay- 
Pinagsusulatan ng 
maikling salaysay 
tungkol sa tagpo 
Isinulat ni Carlo J. 
Caparas. Mula sa 
Komiklopedia.wordpress. 
com. 
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular 
na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang 
kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay 
binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon. 
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa 
mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba. 
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit 
ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila 
ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba 
pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang 
lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na 
lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, 
maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang 
Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa 
magasing Trubner's Record sa Europa ang komiks strip niya na 
Pagong at Matsing. Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na 
pabula sa Asya. 
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang 
lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section 
nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye 
ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 
1949, at Silangan Komiks noong 1950. 
427 
Mga larawan mula sa 
Philippine Online 
Chronicles
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang 
benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos 
angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng 
komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa 
Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. 
Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa. 
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng 
komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, 
Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa 
sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na 
ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang. 
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang 
industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. 
Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang 
tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang 
komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. 
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga 
manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin 
Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng 
komiks. 
Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at 
malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang 
sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry 
Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang 
iba. 
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang 
komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. 
“Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang 
biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang 
Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig 
para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.” 
Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na 
makipagsabayan sa buong daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, 
428
hindi ka ba naaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang kasanayan sa 
larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan. 
…Wakas. 
429 
GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento 
Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan 
ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo 
ka ng isang kuwento. 
Isang araw, 
ipinakita at 
ikinuwento ng 
lola ni Cyrus 
ang mga 
sumikat na 
komiks noon 
na siya ang isa 
sa mga 
dibuhista nito. 
Mga Gabay na Tanong: 
Mga Gabay na Tanong 
1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks? 
2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, 
tradisyon at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? 
Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular 
na babasahin sa kasalukuyan – ang magasin. Ituloy mo lamang ang 
pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang 
lalo mo pang maunawaan ang araling ito.
430 
MAGASIN 
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin 
sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod 
na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang 
kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga 
kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, 
ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang 
inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng 
kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela. 
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting 
humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga 
Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang 
bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na 
tinatangkilik sa bansa. 
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang 
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging 
instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay 
tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. 
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito 
ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa 
mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at 
aliwan. 
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang 
mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang 
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting 
maybahay. 
4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito 
ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at 
malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa 
bansa. 
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at 
mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro. 
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng 
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa 
sa sitwasyon ng mga mambabasa. 
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa 
mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, 
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng 
maraming kalalakihan. 
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito 
ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. 
Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga 
____________________________________________________________ 
____________________________________________________________ 
431 
ng mga gadget. 
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais 
magtayo ng negosyo. 
Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas. 
Magmula sa Liwayway hanggang sa mga popular ngayong magasin. 
GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik 
Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik 
sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang 
binabasa nila. Gamitin mong gabay sa pananaliksik ang kasunod na 
balangkas na nasa ibaba. Gawin sa papel. 
Pamagat:_______________________________________ 
Mga Natuklasan sa Naunang 
Binasang Pananaliksik 
Mga Natuklasan sa Isinagawang 
Pananaliksik 
Mga Gabay na Tanong 
KONGKLUSYON 
_ 
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at 
magasin sa isa’t isa? 
2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa 
pag-unlad ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan? 
Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga 
gawain. Ngayon naman, dumako na tayo sa pinakatampok na popular na
babasahin na ituturo sa iyo ng modyul na ito – ang kontemporaryong dagli. 
Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga 
tanong at gawain. 
432 
KONTEMPORARYONG DAGLI 
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling 
maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa 
Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga 
Amerikano. 
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang 
isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito 
aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga 
manunulat ng dagli 
sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de 
Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco 
Laksamana, at Lope K. Santos. 
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na 
sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang 
Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy 
hanggang 1930. 
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng 
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang 
Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung 
hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga 
Español dahil 
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa 
ngunit patula ang himig. 
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling 
kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang 
pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat 
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap 
nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” 
ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang 
kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng 
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang 
mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na 
Amerikano. 
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula 
sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong
kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga 
kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, 
“na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng 
ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-in-the- 
life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa 
media).” 
433 
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN 
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden 
fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina 
Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man 
nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari 
itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't 
masasabing marami sa 
mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng 
kuwentuhan. 
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na 
pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang 
mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, 
Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si 
William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa lipunan sa 
paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.” 
Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack 
Alvarez na may pamagat na Ang 
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga na ayon kay Aguila: Naiangat ni Jack 
Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa 
maliit 
at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa 
panitikan ng bansa. 
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang 
tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles. 
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros 
Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, 
at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.” 
Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.” 
Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”
At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa 
434 
pahayagan. 
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932) 
Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na 
hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., 
isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay 
pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling 
kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong Paspasan,” na inedit ni Vicente 
Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay 
lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay 
Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa 
Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang 
magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. 
ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag-uusap 
ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng manunulat na si 
Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng 
mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi hihigit sa 
150 salita. 
Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na 
umabot sa 116 na salita. 
HAHAMAKIN ANG LAHAT 
Abdon M. Balde Jr. 
(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na 
inilathala ng ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang 
kabuuan ng dagling katha) 
Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. 
Sinundan naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros 
Atalia na kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos 
tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito 
kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala. 
Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang 
Pilipino Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala 
ng Visual Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011. 
SKYFAKES
435 
Eros Atalia 
(Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na inilathala 
ng Visual Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha) 
Mga Gabay na Tanong/Gawain 
1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon 
kaugnay ng binasang teksto. 
Mga Unang 
Katawagan 
Mga Katangian 
ng Naunang 
Dagling Katha 
KONTEMPORARYONG 
DAGLI 
Layunin ng 
Naunang mga 
Dagling Katha 
Internasiyonal na 
Pag-aaral na 
Naisagawa 
Tungkol sa Dagli 
Lokal na Pag-aaral 
na Naisagawa 
Tungkol sa Dagli 
2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin 
ang nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, 
tono, layon, estilo, at gamit ng mga salita. Gayahin ang pormat sa 
sagutang papel. 
HAHAMAKIN ANG LAHAT 
Abdon M. Balde Jr. 
SKYFAKES 
EROS ATALIA
Paano Nagkakatulad? 
Paano Nagkaiba? 
3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda 
at iugnay ito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, 
lipunan, at daigdig. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. 
436 
____________________________________________ 
____________________________________________ 
____________________________________________ 
____________________________________________ 
____________________________________________ 
____________________________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
HAHAMAKIN ANG LAHAT 
Abdon M. Balde Jr. 
SKYFAKES 
EROS ATALIA 
Kaisipan: Kaisipan: 
1. sarili: 
2. pamilya: 
3. pamayanan: 
4. lipunan: 
5. daigdig: 
1. sarili: 
2. pamilya: 
3. pamayanan: 
4. lipunan: 
5. daigdig:
4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang 
437 
na kaalaman, at tanong nasa iyong isipan hanggang sa ngayon 
magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa aralin. 
3-2-1 CHART 
3. Mga Natuklasan 
2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman 
1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan 
5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, 
paniniwala, pagbabago sa sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa 
sarili kundi sa nakararami. 
1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili 
6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang 
kapuna-puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda? 
7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit 
nila ng wika. Sino ang gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na 
wika? 
Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating 
aralin. Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, 
narito ang isang kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang 
ginamit ng manunulat. Maligayang pagbabasa!
438 
GAWAIN 3.1.f: Pahina ng Pagkilala (Pagbasa o Pakikinig) 
Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng 
manunulat. 
Ang Talangkang Nakaharap Lumakad 
(pabula) 
Jayson Alvar Cruz 
Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at 
ikinikilios ni Mokong Talangka. Hindi siya palakibo at madalas na hindi 
nakikihalubilo sa 
iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang siyang natatanawan sa 
kaniyang bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan, 
isang batang talangka ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang 
ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa maliit na butas sa dingding ng 
bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking 
pagtataka ng batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si 
Mokong Talangka. 
Batid ng lahat sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong 
Talangka. Ang pagtatakang ito ng batang talangka ay napalitan ng 
pagkatulala at pagkagulat sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo 
nitong sarili habang nakaharap sa salamin. At ang lalong ikinagimbal ng 
batang talangka ay nang makita nito ang kakaibang paglakad ni Mokong 
Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi patagilid kagaya ng 
ibang talangka sa kanilang baryo. 
Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay matapos na 
ipagkalat ito ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na 
talangka sa baryo. Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa 
kakaibang paraan ng paglakad ni Mokong Talangka.
“Nababaliw na siguro si Mokong, palibhasa’y hindi sumasali sa mga 
usap-usapan dito sa ating baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga 
aklat,” wika ng isa sa mga purok lider na nasa umpukan. 
“Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait,” pambubuska ng 
439 
isa pang talangka. 
Laking gulat ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng 
pinto si Mokong Talangka. Tila patungo ito sa kanilang kinaroroonan. 
Nagulat ang karamihan nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong 
at hindi patagilid. 
“Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Mokong sa mga naroong 
lider talangka sa kanilang baryo. 
“ Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan 
namin?” Pagtataray ng isang babaeng talangka. 
“Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa 
akin. Ako’y walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at 
ninanais 
na makapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa 
sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking 
mga naisusulat. Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung 
hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo 
dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang 
nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng 
paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin 
ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig 
na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako 
balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni 
Mokong Talangka.
Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka 
sa kanyang bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na 
ni Mokong ang pinto ng bahay nito. 
“Hu, ang akala mo’y kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. 
440 
Siya lang ang mahusay”. Galit na winika ng isang purok lider na talangka. 
“At may sinasabi-sabi pang mabuti’t may nagkainteres sa kaniyang 
ginagawa. Walang may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili 
niya lamang,” inis na tinig ng isa pang purok lider na talangka. 
Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang 
lahat ng masasakit na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. 
Naisip 
bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang 
kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga 
nasasakupan? 
Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa 
butas ng bahay ni Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran 
ay may kung sino ang kumalabit dito. Si Mokong Talangka. Nagimbal sa 
kahihiyan 
si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang 
talangka. Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay. 
Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong 
talangka. Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong-patong 
sa maliit na mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin 
din ang nakasubong papel sa makinilya ni Mokong talangka. 
“Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang 
maiibigan mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan.” Marahang alok ni 
Mokong talangka.
“Talaga po!” Ang bait n’yo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo 
dahil wala kayong kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang 
ko, 
huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw 
kayo.” Sunod-sunod na nawika ni Tikang. 
“Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi 
masama subalit paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi 
nila nauunawaan? Sinubukan ko na dati na makipag-usap sa mga purok lider 
ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay 
ng mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong 
mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga 
ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa anumang pagtitipon 
at 
pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling 
ang mga aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang 
naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga 
talangka sa baryo Talangkukay,” paliwanag ni Mokong talangka. 
“ Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng 
441 
paglalakad?” pag-uusisa ni Tikang. 
“Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang 
kinamumuhian ko sa asal nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng 
paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan kapag may dumarating na 
panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na isang 
talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila. 
Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-aralan ko ang 
lumakad nang paharap at hindi patagilid.” Dugtong ni Mokong Talangka. 
Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang 
inusisa
ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni 
Mokong talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si 
Mokong at sinabing mali ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang 
sinasabing 
nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama 
nito at agad na pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang 
bahay ni Mokong. 
“Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko. 
Tinuturuang magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang 
talangkang iyan.” Galit na wika ng ama ni Tikang. 
“Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito!” Sigaw ng ina ni Tikang. 
Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng 
442 
bahay ni Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan. 
“Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo!” Sigaw 
ng isang purok lider. 
Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit 
na talangka ay naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. 
Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab sapagkat 
napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka 
sa baryo Talangkukay 
maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang 
paglalakad ay naiba ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. 
Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang kasama. Mula sa kalayuan ay 
may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang talangka ang 
umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi. 
Natuwa naman si Mokong nang makita niya si Tikang gayundin naman ang 
batang talangka.
“Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng 
443 
paglalakad ninyo”, nawika ni Tikang. 
“Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga 
talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na 
walang halong inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka. 
GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik 
Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng 
PAHALAGANITIK. Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo 
ang kaisipan sa loob ng frame. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
Ang Katibayan ng Pagpapahalaga 
Ang Talangkang AAAnnnggg TTTaaalllaaannngggkkkaaannnggg NNNNaaaakkkkaaaahhhhaaaarrrraaaapppp LLLLuuuummmmaaaakkkkaaaadddd 
Mga Gabay na Tanong 
(pabula) 
1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan 
sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda. 
2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang 
maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan. 
3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na 
komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. 
Alam mo ba… 
Inihahandog para sa akdang 
Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________ 
______________________________________________________. 
Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na 
______________________________________________________ 
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral
444 
Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ 
Lalawiganin 4. Teknikal at 5. Masining 
Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at 
balbal na antas ng wika. 
ANTAS NG WIKA 
Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa 
loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, 
pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay 
lalawiganin, kolokyal at balbal. 
Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal 
at ang Balbal 
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga 
aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga 
paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit 
ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na 
usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga 
panuntunang gramatikal. 
2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple 
lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. 
Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga 
panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin, 
daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo 
na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit 
ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa 
mga kaibigan. 
Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o 
pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga
mababa ang katayuan sa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito 
upang maiakma sa paggamit. 
445 
Binabati kita! Ngayon ay natapos mo na ang bahaging Paunlarin. 
Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
Nakatitiyak na ako na taglay mo na ang mahahalagang 
konseptong nais kong maunawaan mo sa tulong 
ng mga tanong at gawaing iyong napagdaanan. Ipagpatuloy lamang ang 
ipinamamalas na sipag at tiyaga sa pagtugon sa mga gawain sa araling ito. 
Nakatitiyak ako na alam mo na kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng 
panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa 
tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit 
kailangang basahin ang mga babasahing popular? Subukin ko nga. 
GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat 
Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng 
iba’t ibang uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at 
mapanagutang gamit ng wika (pormal). 
ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA 
Jayson Alvar Cruz 
Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang 
maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng 
Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang 
malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si 
Boyet. Sinundo siya 
sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang 
tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng 
bus. 
BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang 
napakarami ng kalat.”
TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay 
dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng 
bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang 
pangkat ng mga kabataan. 
446 
BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!” 
BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako 
kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-jam 
ako kahit konti.” 
BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na 
ko eh.” 
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. 
Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y 
biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya 
ang impit na tili ng dalagitang estudyante. 
Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng 
kaniyang tiyuhin. 
TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo 
na sila.” 
BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya 
tayo. 
TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.” 
Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga 
babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito. 
BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.” 
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang 
pamangkin ko.” 
BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang 
pananamit?”
447 
TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila 
nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa 
Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa 
kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. 
Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng 
kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang 
binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng 
kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng 
pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena 
ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga 
tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. 
Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na 
kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, 
masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni 
Boyet. 
BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba 
kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon 
palakihin ang mga pinsan ko? 
TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko, 
wala akong magawa Boyet, wala. 
Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang 
nauunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa araling ito. Gaya ng 
ating napag-usapan sa unahang bahagi subukin mong humalaw ng iba’t 
ibang akda gamit ang malikhain at mapanagutang wika (pormal) mula sa mga 
pangyayari sa diyalogo batay sa hinihingi ng mga kahon sa ibaba: Maaari 
kang gumamit ng ibang papel sa bahaging ito. 
BALITA 
Artikulo (Sanaysay)
KOMIKS 
DAGLING KATHA (Hanggang 150 salita) 
BINABATI KITA! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa 
bahaging Pagnilayan at Unawain ng araling ito. Mayroon ka nang sapat na 
pag-unawa tungkol sa mga babasahing popular sa kasalukuyan. Gayundin, 
natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit 
ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika. 
Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na 
lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong 
balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang huling pahayag sa 
labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling 
ito. Kinopya ko ulit ito para sa iyo. 
448 
GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha 
Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, 
nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang 
tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na 
pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga 
pahayag na nasa labas ng kahon. 
Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na 
uri ng panitikan ay 
________________________________________________ 
__________________________________________________________ 
Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng 
__________________________________________________________ 
__________________________________________________________ 
Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil 
__________________________________________________________ 
Ngayo’y naunawaan ko na, ______________________________ 
_____________________________________________________
_____________________________________________________ 
Nabago ang aking paniniwala sa _________________________ 
_____________________________________________________ 
Alam kong handa ka na para sa susunod na bahagi. Sa mga natutuhan 
mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya 
mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makabuo ka ng isang 
literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. 
Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang 
kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang paggawa ng literary 
folio. 
449 
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA 
NG LITERARY FOLIO 
Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay 
makabubuo kayo ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang 
kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isaalang- alang sa 
paggawa nito. 
1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong 
literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng 
pabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan. 
Halimbawa: 
Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales 
2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi 
ng inyong literary folio. 
Lungsod ng Mandaluyong 
KALSADA-PASADA 
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada) 
Literary Folio 2012
3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon 
ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang 
bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, 
maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan. 
4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang 
5 – 10 ………………………………………………. Hindi mahusay 
0 – 5 ……………………………………………….. Nangangailangan 
450 
pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na 
dumaan sa proseso ng pag-eedit. 
Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa 
ng literary folio Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing 
produkto. 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang 
mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. 
Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa 
mahahalagang konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng 
inyong pangkat ang sumusunod na pamantayan. 
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 
A. Malikhain 
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga 
pangungusap) 
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang 
ginagalawan) 
D. Pormal at responsable ang gamit ng wika 
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita 
at bantas) 
LEYENDA 
20 – 25………………………………………………... Napakahusay 
15 – 20 ………………………………………………. Mahusay 
10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang 
Husay 
ng rebisyon 
Binabati kita! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa 
Aralin 1 ng modyul na ito! Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong 
naisakatuparan, nagkaroon ka na ng mas malalim na pag-unawa sa ilang 
kontemporaryong uri ng panitikan. Natuklasan mo na ba kung ano ang
pinagkaiba ng tradisyunal na uri ng panitikan sa kontemporaryong anyo nito? 
Bakit hindi mo subuking tayain ang iyong mga natutuhan? 
451 
XIII. Pangwakas na Pagtataya 
Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa 
iyong sagutang papel. 
___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay 
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. 
___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 
2,000 libong salita. 
___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod 
na mga nobela. 
___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-araw 
na usapan. 
___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa 
ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit. 
Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng 
broadcast media. Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng 
radyo at telebisyon sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong 
ang ating napakikinggan at napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa 
ating kamalayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos 
sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang Pagtataya para sa Aralin 3.2. 
Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral. 
Aralin AAArrraaallliiinnn 3333....2222:::: AAAAnnnngggg BBBBrrrrooooaaaaddddccccaaaasssstttt MMMMeeeeddddiiiiaaaa:::: 
MMMMeeeekkkkaaaannnniiiissssmmmmoooo nnnngggg PPPPaaaaggggbbbbaaaabbbbaaaaggggoooo aaaatttt 
PPPPaaaagggg-uuuunnnnllllaaaadddd nnnngggg KKKKuuuullllttttuuuurrrraaaannnngggg 
PPPPiiiilllliiiippppiiiinnnnoooo
452 
V. Panimula at Mga Pokus na Tanong: 
Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa 
mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na 
broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging 
malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan. 
Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan ang 
paboritong awitin o kaya naman ay malaman ang mahahalagang anunsiyo 
mula sa PAGASA? Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon upang 
malaman ang mga kaabang-abang na tagpo sa paboritong telenobela o kaya’y 
malaman ang mahahalagang balita sa nakalipas na araw? Tunay ngang 
bahagi na ng ating buhay ang broadcast media. 
Ngunit paano nga ba nakatutulong ang broadcast media sa 
pagpapalaganap ng kulturang popular? Paano nagagamit ang radyo at 
telebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan 
ng isang bansa? Ang kasagutan sa mga tanong na ito ang ating tutuklasin sa 
pamamagitan ng mga gawain sa araling ito. 
VI. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito 
Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa: 
Aralin 3.2 : Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago 
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino 
A. Panitikan: Komentaryong Panradyo/ 
Dokumentaryong Pantelebisyon 
B. Wika: Mga Ekspresiyong Nagpapakilala s 
Konsepto 
ng Pananaw/ Mga Ekspresiyong Nagpapakilala 
ng Kaugnayang Lohikal 
VII. Mga Inaasahang Kasanayan 
Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa 
pagtalakay mo sa araling ito:
453 
Aralin 
Broadcast 
Media 
mekanismo 
Ng 
Pagbabago 
At 
Pag-unlad 
Ng 
Kulturang 
Pilipino 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring 
pakikinig/panonood 
• Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, 
opinyon at personal na interpretasyon ng 
nagsasalita at ng nakikinig 
• Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga 
hinuha (inferences), opinyon at personal na 
interpretasyon ng nagsasalita at ng 
nakikinig/nanonood 
• Nailalahad ang mga pagkiling 
(biases,prejudices) at sariling interes ng 
nagsasalita 
• Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon 
mula sa 
teksto o diskursong napakinggan/napanood 
• Nailalahad sa sariling pamamaraan ang 
napakinggang mga pahayag, mensahe at teksto 
Pag-unawa sa Binasa 
Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang 
teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa: 
• Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong 
pahayag 
• Napagsasama-sama ang magkakasalungat na 
mga ideya 
• Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga 
tiyak na 
bahagi nito 
Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa 
mapanuring pagbasa sa teksto 
• Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto 
kaugnay ng: 
- paksa/tema 
- layon 
- gamit ng mga salita 
Pagsasalita 
Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/ 
pag-aatubili/pasubali 
Nailalahad nang maayos ang pansariling 
pananaw,opinyon at saloobin 
Pagsulat 
Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa
454 
pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo 
• Nakapipili ng isang napapanahong paksa 
• Nakapagtatala ng mga kinakailangang 
impormasyon 
• Nakabubuo ng maayos na balangkas 
• Nababanggit nang wasto ang may akda, 
personalidad, organisasyong nagbibigay 
kredibilidad sa mga kaisipang ipinapahayag 
• Nagagamit ang mga ekspresiyong 
nagpapakilala ng konsepto ng pananaw 
• Nagagamit ang mga ekspresiyong 
nagpapakilala ng kaugnayang lohikal 
Tatas 
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at 
impormal na Filipino pasalita man o pasulat 
Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang 
impormasyon 
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay 
may kabuluhan at kredibilidad 
Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino 
batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon 
Pananaliksik 
Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula 
sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian 
Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga 
impormasyon sa isinagawang pananaliksik 
Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang 
sanggunian sa aklatan/internet
455 
VIII. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito 
Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago 
at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino 
RADYO TELEBISYON 
Panitikan: 
Komentaryong 
Panradyo 
Wika: 
Mga Ekspresyong 
Nagpapakilala ng 
Konsepto ng Pananaw 
Panitikan: 
Dokumentaryong 
Pantelebisyon 
Marahil ay nananabik ka nang simulan ang araling ito. Simulan 
na natin ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman! 
Wika: 
Mga Ekspresyong 
Nagpapakilala ng 
Kaugnayang Lohikal 
Dokumentaryong Panradyo/ 
Dokumentaryong Pantelebisyon
456 
IX. Panimulang Pagtataya 
Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat 
mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang 
papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na mga datos 
upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa 
tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel. 
1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili. 
2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang 
mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid. 
3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man 
o sa nayon. 
4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami. 
5. Maaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o 
telebisyon. 
T E L E B I S Y O N M V 
L M N H I E A Y O A U M 
E J O S H I D I E T S U 
L I R A B A L I T A I S 
E C A C R I S T Y S K A 
O M A R I C A R R O A K 
D O K U M E N T A R Y O 
Mahusay! Marahil nananabik ka nang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. 
Nais kong ipakilala sa iyo ang broadcast media sa pamamagitan ng 
pag-anyaya sa iyo sa patuloy na pagbasa ng araling ito. Tara na!
457 
X. Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng 
telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming 
tumatangkilik ng broadcast media. 
GAWAIN 3.2.a: Paborito Ko! 
Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang 
palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong 
pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo 
pinanonood o pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit. 
Paboritong Palabas sa Telebisyon: 
_________________________________ 
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: 
_________________________________ 
_________________________________ 
_________________________________ 
Paboritong programa sa 
Radyo: 
___________________ 
Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: 
____________________ 
___________________ 
Mula sa gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay 
ang pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito 
nabago ang ating kultura at panitikan? Ano ang gampanin ng mga midyum na 
ito sa pagpapaigting ng kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang 
kaganapan sa ating lipunan?
Ano ang aking 
NATUTUHAN? 
458 
GAWAIN 3.1.b: Alam Ko ‘Yan! 
Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang 
ating tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo 
na, nais mong malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin 
mo naman ang huling hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito 
upang iyong maitala ang mga kaisipang iyong natutuhan. Gayahin ang 
pormat sa sagutang papel. 
Broadcast Media: Mekanismo ng 
Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang 
Ano ang 
ALAM 
ko na? 
Ano ang NAIS kong 
MALAMAN? 
Paano ko ito 
MATUTUTUHAN? 
Talaga namang mayroon kang pagnanais na matuto! Binabati kita! 
Ipagpatuloy mo ang ganyang gawi upang ikaw ay magtagumpay! Sa 
katapusan ng araling ito, inaasahang makikibahagi ka sa paglikha ng iskrip 
ng isang komentaryong panradyo o kaya naman sa paglikha ng isang 
dokumentaryong pantelebisyon. Huwag kang mag-alala. Matututuhan mo 
ang iba’t ibang mahalagang kaalaman upang maging handa ka sa 
pagsasagawa ng mga gawaing ito. 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Sa bahaging ito, bigyan muna natin ng pansin ang 
radyo bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na 
naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng 
mundo sa mas malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan mo 
ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.
459 
GAWAIN 3.2.c: RADYOrific Ang Hatid 
Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling 
ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo 
sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga 
pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat. 
naghahatid ng 
nagpalabas ng 
variety show 
musika 
nagpapakilala ng 
isang produkto 
naghahatid ng mga 
talakayan/pulso ng 
bayan 
nagpapalabas ng 
pelikula 
nagpapalabas ng 
teledrama 
nagpapahatid ng 
mga panawagan 
naghahatid ng 
napapanahong balita 
nakikinig ng mga 
awit 
nagbibigay ng 
opinyon kaugnay 
ng isang paksa 
Binabati kita sa mga tamang sagot na iyong nakuha! Ipagpatuloy mo 
ang iyong sigla sa pagsagot! Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng 
gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng 
mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano makasusulat ng isang 
komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang konsepto ng pananaw. Sa 
ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring 
makatulong sa iyo upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.
Madali mo bang natukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo 
bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang 
midyum ng pagpapalaganap panitikang popular? Ipaliwanag. 
Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon naman nais 
kong punan mo ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang 
kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na 
mapag-aralan ang araling ito. 
Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang 
anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang 
popular? Ipaliwanag. 
460 
K W H L 
Ano ang alam 
mo na? 
Ano ang nais 
mong malaman? 
Paano mo 
makikita ang nais 
mong 
maunawaan? 
Ano ang iyong 
natutuhan/ 
naunawaan? 
Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga 
komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung 
tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill” 
bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang 
pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.
461 
Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo. 
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF 
INFORMATION BILL (FOI) 
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong 
pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at 
Macky Francia at ito ang Kaboses Mo. 
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat! 
Macky: Magandang umaga partner! 
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom 
of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado. 
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay 
Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga 
politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit ! 
Roel: Sinabi mo pa, partner! 
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner? 
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh 
bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga 
opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno. 
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga 
tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na 
naman yan! Demanda dito, demanda doon! 
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t 
dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong 
‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan. 
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan 
sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
462 
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil 
magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang 
mga corrupt na opisyal. 
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative 
LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag- 
Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura. 
Roel: Naku! Naloko na! 
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay 
at Maricar Francia mula sa: 
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/ 
Gabay na Tanong 
Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa 
ang mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo? 
GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon 
Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang 
nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo 
at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena 
Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang 
pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag 
ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang 
napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling 
talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay 
opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki 
upang ang kabataan ay higit na maging epektibong 
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang 
hakbang upang makagawa ng isang mahusay at 
epektibong komentaryong panradyo ay ang 
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng 
isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw. 
http://www.tv5.com.ph/ click radyo5 
http://www.interaksyon.com/article/42031 
/teodoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of- 
tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630- 
radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to- 
463 
GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo 
Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa 
mga link sa loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita. 
foi 
s14674/ 
92-3-news-fm-online/ 
Para sa mga walang Internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa 
anomang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na 
kuwentuhang media.
464 
Tandaan : Habang ikaw ay nakikinig, sikapin 
mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa: 
1) Pamagat ng paksang tinalakay; 
2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Tungkol saan ang iyong napakinggan? 
2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga 
komentarista? 
3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo? 
BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO 
NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN 
• Magsaliksik ng mga impormasyon 
• Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa 
mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat 
• Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa 
KUWENTUHANG MEDIA 
Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012 
Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media 
sa okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa 
isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, 
matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o 
pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ 
Renato Corona. 
Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro 
ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA 
vice president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief 
Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng
ABS-CBN, ex-MMDA Chairman Bayani Fernando at ex-Marikina City Mayor 
Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; 
Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at 
iba pa. 
Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod 
sa tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, 
magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra 
o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay 
ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal. 
Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa 
remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na 
rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa 
Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa 
nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on 
the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat 
makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms. 
Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa 
sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc. 
Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo 
na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang 
magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit 
hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa 
alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin. 
465 
Mga Gabay na Tanong 
1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong 
binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan? 
2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag 
upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye? 
3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng 
radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng 
kasalukuyang lipunan?
466 
GAWAIN 3.2.f: Radyopormasyon 
Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang 
teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin 
sa papel. 
Mga 
nagpapahayag ng 
impormasyon 
Mga pahayag ng 
mga personalidad 
Sariling pananaw 
GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik 
Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga 
halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag 
na”konsepto ng pananaw.” 
Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media, Hanapin ang mga 
salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa 
mga bilog. Gawin sa sagutang papel.
467 
Ugnay-Wika 
Narito ang ilan pang dagdag na kaalaman 
upang lubos mong maunawaan kung ano ang 
tinatawag na Konsepto ng Pananaw. 
1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. 
Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa 
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga 
ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito: 
Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang 
Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng 
komunikasyon at sistema ng edukasyon. 
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng 
Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na 
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na 
pinamumunuan ng mga dayuhan. 
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino 
man ang kanilang plano. 
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang 
gaganda pa sa lugar na ito. 
2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa 
at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing 
di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang 
pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang 
pananaw ang sumusunod na halimbawa:
Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari 
iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. 
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip 
kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong 
kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal 
ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino. 
468 
ka nang husto. 
Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa 
GAWAIN 8: RADYOMENTARYONG MAKABAGO 
Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng 
araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L. 
K 
W 
H 
L 
Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, nais ko 
naman na iyong bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng 
maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at 
mas komprehensibo ang mga bagay na iyong natutuhan. 
Sa huli, gumawa ng isang komentaryong tumatalakay sa isang 
napapanahong isyu gaya ng Cyber Bullying, Child Protection Policy at 
Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa. Gawin ito ayon sa hinihinging 
pamantayan. 
1. Isang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong 
sariling pananaw. 
2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw. 
Subukin mo namang makagawa ng isang bagay na noong una’y inisip 
mong mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula 
sa iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka 
na. 
Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo 
ay inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang 
panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang “award winning radio 
broadcaster/ komentarista” na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya 
ng kanyang ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng 
Interact Club.
469 
NARITO ANG MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG 
PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO 
Pamantay 
an 
Napakahus 
ay 
4 
Mahusay 
3 
Umuunlad 
2 
Nagsisimu 
la 
1 
Kabuua 
ng 
Marka 
Masaklaw 
na 
paglalahad 
ng 
napapanah 
ong 
impormasy 
on 
Komprehen 
sibo at 
makabuluh 
an ang 
napapanah 
ong mga 
impormasy 
ong 
inilalahad 
sa materyal 
alinsunod 
sa paksang 
itinatampok. 
Masaklaw, 
makabuluh 
an at 
napapanah 
on ang mga 
impormasy 
ong 
inilalahad 
sa materyal 
alinsunod 
sa paksang 
itinatampok. 
Makabuluh 
an at 
napapanah 
on ang mga 
impormasy 
ong 
inilalahad 
sa materyal 
alinsunod 
sa paksang 
itinatampok 
ngunit may 
mga 
detalyeng 
hindi 
nailahad na 
higit na 
makatutulo 
ng sa 
pagtatangh 
al 
May 
makabuluh 
an at 
napapanah 
ong mga 
impormasy 
ong 
inilahad sa 
materyal 
ukol sa 
paksang 
itinatampok 
ngunit 
limitado 
ang mga 
ito. 
Masining at 
maingat na 
paggamit 
ng wika 
Natatangi 
ang 
paggamit 
ng wika ng 
kabataan 
nang higit 
pa sa 
inaasahang 
pamamaraa 
n sa 
materyal. 
Masining at 
maingat na 
nagamit 
ang wika ng 
kabataan 
sa 
kabuuang 
pagpapaha 
yag sa 
nabuong 
materyal. 
Masining at 
maingat na 
nagamit 
ang wika ng 
kabataan 
sa 
karamihan 
ng pahayag 
sa nabuong 
materyal. 
Masining 
na ginamit 
ang wika 
ng 
kabataan 
sa 
karamihan 
ng pahayag 
sa nabuong 
materyal 
ngunit hindi 
maingat 
ang 
paggamit. 
Mahusay 
na 
aspetong 
teknikal 
Tipong 
propesyona 
l ang 
pagkakaga 
wa sa 
materyal 
dahil sa 
husay ng 
pagtatagpi- 
Taglay ang 
lahat ng 
kailangang 
elemento 
sa 
mabisang 
pagbuo ng 
materyal. 
Naipapamal 
Taglay ang 
mga susing 
elemento 
sa 
mabisang 
pagbuo ng 
materyal at 
naipamalas 
ang angkop 
Naipamala 
s sa 
materyal 
ang 
minimal na 
antas ng 
pagtatagpi-tagpi 
ng 
elemento at
470 
tagpi ng 
mga 
elemento 
nito. 
as ang 
kahusayan 
sa teknikal 
na 
pagganap. 
na teknikal 
na 
pagganap. 
teknikal na 
pagganap. 
Pagkaprakt 
ikal ng 
rekomenda 
syon 
Ang mga 
inilahad na 
rekomenda 
syon ay 
nagmumun 
gkahi ng 
kaisipang 
pangmatag 
alan sa 
kamalayan 
ng madla 
Malinaw at 
kapaki-pakinabang 
para sa 
lahat ang 
inilahad na 
rekomenda 
syon. 
Makabuluh 
an ang 
karamihan 
sa inilahad 
na 
rekomenda 
syon. 
May mga 
rekomenda 
syong 
inilahad 
ngunit hindi 
malinaw 
ang 
inimumung 
kahing mga 
kaisipan. 
Kabuuang 
Marka 
Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? 
Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa 
papel. 
SAGOT: 
_______________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
Binabati kita sa iyong pagsasakatuparan ng mga gawain kaugnay ng 
iyong pagtuklas ng mga kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng 
broadcast media. Ngayon naman, ating aalamin ang mahahalagang kaalaman 
tungkol sa isa pang midyum ng broadcast media, ang telebisyon.
Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng 
broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng 
buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging 
bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng 
mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa 
telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga 
morning show hanggang sa oras na bago matulog sa 
mga prime time na mga panoorin kabilang na ang 
mga teledrama, balita at mga dokumentaryong 
pantelebisyon. 
Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong 
panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng 
balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa 
mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa 
paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa 
pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga 
batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica 
Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa. 
Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang 
471 
dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan? 
Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang 
maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong 
ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng 
kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang 
dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat 
mamamayan. 
GAWAIN 3.2.1: Paborito Kong Palabas! 
Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan 
ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar 
sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. 
Ipaliwanag kung bakit.
Weekend 
Getaway 
TV Patrol 
ART Angel 
XXX 
Talentadong 
Pinoy 
Rated K 
Matanglawin TV Patrol 
Tween Hearts 
i - Witness 
Umagang Kay 
Ganda 
Mahusay mong nakilala ang mga larawan, tunay ngang ikaw ay isang 
aktibong kabataan at mulat sa kamalayan ng mga pangyayari sa iyong 
paligid. 
472 
GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon 
Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang 
programang pantelebisyon. 
PAMAGAT NG PROGRAMA DAHILAN KUNG BAKIT 
PINANONOOD
S. O. C. O. 
473 
GAWAIN 3.2.k: Telembistiga 
Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa 
kasunod na mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila. 
STORYLINE 
KRUSADA 
INVESTIGATIVE 
DOCUMENTARIES 
REEL TIME 
REPORTER’S 
NOTEBOOK 
Alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at pagbibigay 
detalye sa mga larawan sa itaas. Oras na upang ipagpatuloy mo ang pag-unawa 
at pag-aaral ng araling ito. 
Mga Gabay na Tanong 
1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 
2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit? 
3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa? 
4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang 
isang malaking impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan? 
Pangatuwiranan. 
Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot? Tama! Mga pahiwatig na 
ikaw ay nakikisangkot sa mga usaping panlipunan gamit ang broadcast media 
tulad ng telebisyon. Ipagpatuloy mo ang pagtuklas ng karunungan sa susunod 
pang mga gawain. Nais kong bigyang-pansin mo ang bahaging ito ng aralin.
Malaki ang maitutulong nito upang higit mong maunawaan ang kaugnayan ng 
naunang mga gawain sa mga susunod pa. 
474 
GAWAIN 3.2.l: Teleisipan ng Buhay 
Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin 
ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na 
matatagpuan sa youtube. 
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0feature=related.Kung wala 
nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon. 
“Sa Gitna ng Dilim” 
ni MiL Adonis 
Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang 
maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang 
dokumentaryo ni Kara David na 
“Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas 
sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan 
ng edukasyon at sa kung paanong 
dapat ito’y pinahahalagahan. 
Humanga ako sa dedikasyon 
ng mga guro at higit sa lahat sa mga 
kabataan ng mga taga Little Baguio 
dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng 
kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang 
nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang 
kanilang kinabukasan. 
Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, 
nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay. 
Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang 
tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili 
subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na 
makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat 
pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon. 
Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi 
inasahan ng lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at
paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, 
kinuha ko ang kursong AB Mass Communication. 
Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang 
mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking 
ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka 
sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat 
ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili 
gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga 
katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang 
kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang 
nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag. 
475 
Mga Gabay na tanong: 
1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang 
dokumentaryo? 
2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong 
lipunan? 
3. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito? 
Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na 
alam kong magagamit mo sa susunod na gawain: 
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay 
maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at 
gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at 
mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, 
pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang 
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga 
kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring 
maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon. 
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong 
maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin 
sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa 
isang lipunan.
Basahin at unawain mo ang ilang paraan upang tagumpay na 
476 
maisakatuparan ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo. 
BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA 
DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN 
ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON 
1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM 
*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin 
*Kilalanin ang taong kakapanayamin 
*Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site 
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm 
 Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam 
 Teknik sa Pakikipanayam 
 Bago Magpanayam 
2. PAKIKIPANAYAM 
*Maging magalang 
*Magtanong nang maayos. 
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa. 
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. 
http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm 
 Teknik sa Pakikipanayam 
 Tagumpay sa Pakikipanayam 
3. PAGKATAPOS NG PANAYAM 
*Magpasalamat. 
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam 
http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm 
 Pagkatapos ng Panayam 
GAWAIN 3.2.m: Telehanayan ng Kasagutan 
Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga 
bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at 
matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na 
nasa kabilang pahina nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang 
ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin 
kaugnay ng telebisyon.
Paksa: “Ang telebisyon ba bilang midyum ng panitikang popular ay may 
477 
malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?” 
MGA NAUNA 
NANG 
NALAMAN 
MGA 
NALAMAN AT 
NATUKLASAN 
MGA PATUNAY 
NG NALAMAN 
AT 
NATUKLASAN 
KATANGGAP-TANGGAP 
NA 
MGA 
KONDISYON 
PAGLALAHAT 
GAWAIN 3.2.n: Telementaryo 
Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong 
iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag 
upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel. 
1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________. 
2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan 
ng pagkain. 
3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________. 
4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, 
_________________________________________. 
5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng 
dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim,” 
__________________________. 
Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang 
iyong napuna? Tama, may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga 
ekspresiyong nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang 
karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresiyong nagpapakita ng mga 
konseptong may kaugnayang lohikal.
478 
MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL 
Ugnay-Wika 
May mga konseptong higit na nagiging makahulugan 
kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga 
konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal 
tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at 
resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan. 
1. Dahilan at Bunga/ Resulta 
Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. 
Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito. 
Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita 
ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay 
na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng 
mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso) 
Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta) 
kaya/kaya naman natuto 
siya nang husto. 
Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may 
hinto 
dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at 
resulta) 
natuto siya nang husto. 
Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may 
hinto 
nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan) 
natuto siya nang husto. 
Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan) 
sapagkat/pagkat/kasi/ dahil 
nag-aral siyang mabuti
Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa 
iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na 
sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi 
samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na 
kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito. 
479 
2. Paraan at Layunin 
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang 
layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. 
Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag 
ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso) 
Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan 
nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos 
ng 
Layunin) 
Nag-aaral siyang mabuti 
upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin) 
matuto nang husto. 
Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, 
upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin. 
3. Paraan at Resulta 
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang 
resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow. 
Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta) 
nakatapos siya ng kaniyang kurso. 
Nakatapos siya ng kaniyang (resulta + paraan) 
kurso sa matiyagang pag-aaral. 
Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. 
Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.
480 
4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan 
Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, 
tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang 
halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow. 
Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + 
bunga) 
sana’y natuto ka nang husto. 
Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + 
kondisyon) 
kung nag-aral kang mabuti. 
At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito: 
Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon + 
bunga) 
nag-aral kang mabuti, 
matututo ka nang husto. 
Matututo ka nang husto (bunga + pu + 
kondisyon) 
kapag/ sa sandaling/ bastat 
nag-aral kang mabuti. 
Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit 
ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang 
maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa 
ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na 
maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
481 
GAWAIN 3.2.o: Sinematotohanang Kaganapan 
Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang 
lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel. 
kaisipan kaisipan 
kaisipan 
kaisipan 
kaisipan 
Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, 
sagutin mo ang sumusunod na tanong. 
1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 
2. Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa? 
3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa 
katotohanan ng mga kaganapan sa iyong lipunan? 
kaisipan
Binabati kita, alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at 
pagbibigay-detalye sa mga larawan. Oras na upang ang mga natutuhan mo 
sa mga gawain sa araling ito ay mabigyan mo ng pagtataya. 
482 
GAWAIN 3.2.p: DokPantele 
Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang 
mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong 
natutuhan. Basahin at unawain ang ipagagawa ko saiyo. 
Sitwasyon: 
Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng 
inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang 
Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi 
ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang 
manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang 
kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong 
pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit 
ang wika ng kabataan sa kaslukuyan, b) may mga ekspresiyong nagpapakita 
ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa 
halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo. 
Magaling! Natapos na nating talakayin ang tungkol sa radyo at 
telebisyon, at natitiyak kong naunawaan mo na rin ang mahahalagang 
konsepto na nakapaloob sa araling ito. Para makatiyak ako, gawin mong muli 
ang sumusunod na gawain.
483 
Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
Sa bahaging ito, nais kong pagnilayan mo ang sumusunod na 
gawain upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa 
mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan ko na 
pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay 
naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na 
sitwasyon ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa 
pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang 
Broadcast Media sa iba’t ibang kaparaanan sa ating araw-araw na 
pamumuhay. 
BROADCAST MEDIA 
RADYO TELEBISYON 
• pagbibigay ng impormasyon 
• pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon 
• pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin 
• paglalatag ng mga solusyon sa mga 
pangunahing suliranin 
• aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na 
mga suliranin (serbisyo publiko) 
Buuin ang pahayag 
Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na 
pamumuhay 
sapagkat____________________________________________
484 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
Pagkakataon mo nang ilipat ang mahahalagang konsepto 
na iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. 
Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong 
guro. Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga 
aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak kong matagumpay mong 
naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Alam kong nabatid mo rin 
ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid ng 
mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon 
ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong 
galing at talino. Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong 
isakatuparan. 
Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay 
naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa. 
Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip 
para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging 
bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon. 
Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan 
mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at 
komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang 
manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang 
impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o 
isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang 
mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – 
ang KABOSES. 
Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong 
Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na 
makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang 
opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong 
mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa 
KABOSES Station Channel
Narito ang ilan sa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong 
komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon: 
492 
 Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba? 
 Ang mundo ba’y sadyang sa pera umiikot? 
 Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad? 
 Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad? 
Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na 
malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong 
gawa ang mga rubric na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at 
dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain. 
Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto: 
Rubrik para sa Multimedia Presentation 
Pinakamahusay 
4 
Mahusay 
3 
Umuunlad 
2 
Nagsisimula 
1 
Nilalaman: Layunin 
Ang 
presentasyon 
ay may tiyak 
na layunin o 
tema. Ang 
lahat ng 
ipinakita rito 
ay may tiyak 
na kaugnayan 
sa layunin at 
lubhang 
makabuluhan. 
Ang 
presentasyon 
ay may tiyak 
na paksa, at 
may 
kaugnayan ang 
mga ipinakita 
rito sa paksa. 
May tiyak na paksa 
ang presentasyon 
ngunit ilang bahagi 
lamang ang nagpakita 
ng kaugnayan sa 
paksa. 
Di malinaw na 
naipakita ang paksa at 
ang karamihan sa 
bahagi ay walang 
malinaw na kaugnayan 
sa tema. 
Nilalaman: Kongklusyon 
Ginamit ko 
ang aking 
natutuhan at 
mga dati ng 
kaalaman 
upang 
mailahad ang 
aking pag-unawa 
sa mga 
datos na 
nakalap. 
Nakapaghinuha 
ako nang 
maayos na 
kongklusyon 
mula sa mga 
datos na 
nakalap. 
Sa tulong ng iba, 
nakapaghinuha akong 
isang magandang 
kongklusyon. 
Di naging madali ang 
paghinuha ko ng 
kongklusyon. 
Katangiang Pang-Multimedia
Binabati kita at matagumpay mong natugunan ang mga gawain sa 
Aralin 3.2. Ngayon ay inanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga 
kaalaman at nalinang na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na ito. 
493 
Gumamit ng mga 
grapiko, video, 
tunog, at iba pang 
multimedia na 
makatutulong 
upang higit na 
maging 
makabuluhan ang 
presentasyon. 
Sumunod sa batas 
kaugnay ng 
copyright sa 
paggamit ng 
multimedia 
features. 
Gumamit ng 
multimedia upang 
maisagawa ang 
presentasyon. 
Sumunod sa batas 
kaugnay ng 
copyright sa 
paggamit ng 
multimedia 
features. 
Gumamit ng 
multimedia upang 
maisagawa ang 
presentasyon, 
ngunit may mga 
pagkakataong 
nalalayo sa tema. 
Sumunod sa batas 
kaugnay ng 
copyright sa 
paggamit ng 
multimedia 
features. 
Di- gumamit ng 
multimedia upang 
maisagawa ang 
Presentasyon 
Pagiging Malikhain 
Ang presentasyon 
ay ginamitan ng 
kakaibang mga 
likhang sining 
upang mahikayat 
ang mga 
manonood, 
makadaragdag sa 
pagpapalabas ng 
layunin at tema ng 
paksa. 
Ang presentasyon 
ay ginamitan ng 
kakaibang mga 
likhang sining 
upang mahikayat 
ang mga 
manonood. 
Sinubukang 
gamitan ng 
kakaibang mga 
likhang sining 
upang mahikayat 
ang mga 
manonood. 
Walang ginamit na 
kakaibang mga 
likhang sining 
upang mahikayat 
ang mga 
manonood. 
Pagtatanghal 
Pinaghandaang 
mabuti ang bawat 
linya at malinaw 
na binigkas ang 
bawat salita. 
Naipakita ang 
kabuluhan ng 
paksa at tema 
nito. 
Pinaghandaang 
mabuti ang bawat 
linya at malinaw 
na binigkas ang 
bawat salita. 
May mga ilang 
pagkakataong 
kinabahan habang 
nagsasalita. 
Di-napaghandaan 
ang pagsasalita at 
pagganap.
494 
XI. Pangwakas na Pagtataya 
Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga 
kaisipang isinasaad. 
1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa 
kaniyang paligid sa pamamagitan ng 
_____________________________________. 
2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, 
______________________________________________________________ 
___________________. 
3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan 
ay ___________________________________________________________. 
Buong husay mong naisagawa ang Aralin 3.2. Handang-handa ka na 
para sa huling aralin ng modyul na ito. Pag-uusapan naman natin ang tungkol 
sa dokumentaryong pampelikula.
495 
AAAArrrraaaalllliiiinnnn 3333....3333 :::: DDDDooookkkkuuuummmmeeeennnnttttaaaarrrryyyyoooonnnngggg 
PPPPaaaammmmppppeeeelllliiiikkkkuuuullllaaaa: 
MMMMiiiiddddyyyyuuuummmm ssssaaaa PPPPaaaaggggbbbbaaaabbbbaaaaggggoooonnnnGGGG 
PPPPAAAAnnnnlllliiiippppuuuunnnnaaaannnn 
IV. Panimula at mga Pokus na Tanong 
Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan 
at napanonood ay may malaking impluwensiya sa ating 
mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay 
lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag 
na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay 
yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-araw-araw 
na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong 
pampelikula na ating napapanood. 
Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop 
culture”. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng 
mga tao sa kasalukuyan ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga 
produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang 
ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring konsepto, 
umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang 
mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan, 
estilo at anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad 
mo. Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media, 
broadcast media at ang paksang iyong matututuhan ngayon, ang 
Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng Dokumentaryong 
Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng 
mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresiyong 
biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang 
ginagalawan. 
Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang 
integrasyon at paggamit ng ICT o Information and Communication 
Technology upang lalo pang mapalaganap ang ganitong mga akdang 
pampanitikan. 
Higit ka pang magkakaroon ng maraming kaalaman kung isasaalang-alang 
ang sumusunod na tanong 
1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong 
ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon 
din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga 
elementong taglay nito?
2. Bakit maituturing na isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng 
pagkatao at pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong 
pampelikula? 
3. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong 
pagpapahayag sa mabisang paghahatid ng mga saloobin at 
damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula? 
496 
V. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito 
Bilang gabay, narito ang saklaw ng iyong pag-aaral na dapat mong 
matutuhan 
Aralin 3.3 : Dokumentaryong Pampelikula 
Midyum sa Pagbabagong Panlipunan 
a. Panitikan : “Manoro” (Ang Guro) 
Dokumentaryong Pampelikula ni Brillante Mendoza 
b. Wika : Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag 
VI. Mga Inaasahang Kasanayan 
Sa araling ito ang sumusunod na mga kasanayang pampagkatuto ay 
iyong maisasakatuparan. 
ARALIN 
Dokumentaryong 
Pampelikula 
Midyum 
Sa 
Pagbabagong 
Panlipunan 
Mga Kasanayang Pampagkatuto 
Pag-unawa sa Napakinggan 
Nailalahad ang pangunahing punto at 
mahahalagang impormasyon sa napakinggan 
Pag-unawa sa Binasa 
Nasusuri ang mahahalagang impormasyon para sa 
sariling pagpapakahulugan sa daigdig na kaniyang 
ginagalawan 
- Naiisa-isa ang katangian ng ugnayan ng tao 
sa lipunan na inilalahad sa akda 
- Nailalahad ang mga patunay, halimbawa at 
iba’t ibang damdaming ipinahahayag sa 
akda/tekstong binasa 
Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa : 
- sarili 
- kapwa 
- kapaligiran/ lipunan
497 
Pagsasalita 
Nasusuri ang mga uri ng pagpapahayag 
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, 
opinyon 
at saloobin 
Pagsulat 
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa 
pangangalap 
ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, 
brainstorming, pananaliksik at panonood 
Tatas 
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan, 
napanood, 
o nabasa ay may kabuluhan o kredibilidad 
Pakikitungo sa Wika at Panitikan 
Naipahahayag ang mga saloobin at damdamin 
gamit ang mga uri ng komunikatibong 
pagpapahayag 
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang 
mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan 
Estratehiya sa Pananaliksik 
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom 
na mga datos sa pananaliksik 
Panonood 
Natutukoy ang kontradiksyon sa pelikulang 
napanood
498 
VII. Konseptuwal na Balangkas 
Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling dapat mong 
matutuhan na magsisilbi mong gabay sa iyong pag-aaral. 
` 
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA 
Ang Kaligiran ng 
Dokumentaryo 
Komunikatibong 
Paggamit ng 
Pahayag 
VIII. Panimulang Pagtataya 
Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga 
sagot sa bawat bilang. 
1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari 
upang higit itong mas maging makatotohanan. D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _ 
2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa 
mga patimpalak. S_ _ D_ _T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M. 
3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at 
dayalogo 
ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _ 
4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent 
Film ay si B_ _ll_ nt_ _e _do_a. 
5. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa 
kasalukuyan at produkto ng Indie Films. 
Paglikha: “Sequence 
Script” at “Multi-Media Arts 
Advocacy Campaign” 
Katuturan ng 
Dokumentaryong 
Pampelikula 
Kaligirang 
Pangkasaysayan 
Mga Elemento ng 
Dokumentaryong 
Pampelikula 
Mga Uri ng Pahayag 
Pagpapakahulugan 
ng mga Diyalogo 
Mga Pamantayan sa 
paglikha ng “Sequence 
Script” para sa 
Dokumentaryong 
Pampelikula at iba pang 
uri ng Media
Sadyang ‘di maikakaila ang laki ng impluwensiya ng pelikula sa buhay 
ng mga Pilipino, at ‘di maitatangging kabilang ka rito. Ipagpatuloy mo 
na ang pag-aaral ng araling ito. Natitiyak kong lubos kang 
masisiyahan.Tayo na! 
499 
IX. Yugto ng Pagkatuto 
AAAAllllaaaammmmiiiinnnn 
Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga 
dokumentaryo at pelikula. Sa tinatawag nating panitikang 
popular ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t tinawag itong 
“dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging interesado sa 
paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay 
nabubuhay sa modernong panahon na laganap na ang mga modernong 
teknolohiya na naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay. 
Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahalagang tanong na magiging 
gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung paanong ang isang 
dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng 
pagkatao at pagbabagong panlipunan? Makatutulong sa iyo ang sumusunod 
na gabay na tanong upang sa pagtatapos ay masagot mo nang tama ang 
mga ito. 
Mga Gabay na Tanong: 
1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang 
kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang 
estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong 
taglay nito? 
2. Paano mabisang maipahahayag ang mga saloobin at damdamin sa 
isang dokumentaryong pampelikula gamit ang angkop na 
pangkomunikatibong pagpapahayag? 
Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw 
para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa 
pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin 
ang pormat.
Sagot: 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
_______________________________________________________________ 
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay mabisang 
makapagpahayag ng iyong sariling damdamin, saloobin at pananaw sa 
pamamagitan ng pagsulat ng isang sequence script o iskrip na nagtataglay ng 
mga diyalogo gamit ang wastong pagpapahayag na pangkomunikatibo. Sa 
pamamagitan nito ay iyong maipararating ang mahahalagang mensahe sa 
kabataan na naghahangad ng pagbabago lalo na sa kasalukuyang 
panahon.Simulan na natin. 
500 
GAWAIN 3.3.a: Larawasyon (Imahinasyon Batay sa Larawan) 
Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga 
kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa 
loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel. 
IIII - WWWWiiiittttnnnneeeessssssss 
REEL TIME
501 
Mula sa: http:/www.google.com.ph 
3 
______________________ 
______________________ 
______________________ 
AAAAnnnngggg 
PPPPaaaagggg 
ddddaaaaddddaaaallllaaaaggggaaaa 
NNNNiiii 
MMMMaaaaxxxxiiiimmmmoooo 
OOOOlllliiiivvvveeeerrrroooos 
Ano-ano ang eksena sa pelikula o 
palabas ang tumatak sa iyong isipan. 
Maglarawan ng dalawa (2) at 
ipaliwanag kung bakit. 
______________________ 
______________________ 
Kung bibigyan ka ng 
pagkakataon, ano ang isang 
tanong na nais mong tanungin sa 
mga tao sa likod ng mga pelikula 
o palabas na ito? 
______________________ 
2 
1 
Alin sa mga palabas o pelikula 
na nakalarawan ang iyong 
kinagigiliwan?Magbigay ng tatlo 
(3) at ipaliwanag kung bakit. 
Ang Babae sa Septic 
Tank
A. Pagkakaiba B. Pagkakaiba 
502 
GAWAIN 3.2.b: Ihasip Natin (Ihambing at Isaisip) 
Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa Gawain 
3.3.a. Subukin mong ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod 
na dayagram. Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga ito 
kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa 
mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
DOKUMENTARYO 
PELIKULA 
C. Pagkakatulad 
Inalam lang natin kung ano na ang alam mo tungkol sa aralin. 
Pagkatapos ng araling ito, balikan mo ang iyong sagot. Kung may mali kang 
akala, itatama natin ito, huwag kang mag-aalala.
BRILLANTE MENDOZA 
503 
PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn 
Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang buong teksto, 
ang iskrip ng pelikula. Makatutulong ito upang malaman mo 
kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang 
instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan? 
Maaari mo na itong panoorin bilang halimbawa ng isang 
dokumentaryong pampelikula. Pinamagatan itong “Manoro” (The Teacher). 
Ang salitang manoro ay nangangahulugang “tagapagturo” o “guro” sa 
katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta. Ito ay may kinalaman sa isang 
batang katutubo, isang Aeta na nagtapos ng kaniyang elementarya sa isang 
mababang paaralan sa Angeles City, Pampanga at kung paano niya tinuruan 
ang kaniyang kababayan sa kabundukan na bumasa, bumilang at sumulat. 
Ngunit bago mo ito, kilalanin mo muna ang batikang direktor nito. Basahin 
ang kasunod. 
Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay 
ayon sa direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa 
pinakamahusay na direktor ng bansa sa 
kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga 
Independent o Indie Films o yaong mga 
pelikulang malaya sa kanilang tema at 
pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang 
kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing 
dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na 
nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang kanyang film 
subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang 
bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang popular. 
Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang 
“pinilakang-tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na 
pinarangalan sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng 
Best Picture at Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa 
kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John John); Tirador 
(Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo
sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at film 
industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino. 
Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa 
kabila ng pagiging limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag 
pinanood ang buong pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na 
wika ng mga tauhan ay ang mismong kanilang “mother tongue” o 
katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na nakasulat sa wikang 
Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang 
pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. 
Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan 
ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig ang 
“Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang Guro). 
Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong 
mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa. 
http:/www.google.com.ph/ 
http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph 
Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang 
detalye nito para sa isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri. 
Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang sa 
ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas 
malawak ang iyong magiging kaalaman sa isang dokumentaryong pelikula na 
katulad nito. 
504
505 
“ MANORO “ (Ang Guro) 
(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon) 
Hinalaw at Isinalin ni 
Jet Oria Gellecanao 
Mula sa: http://www.google.com.ph/ images 
“ MANORO ” (Ang Guro) 
Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong 
Pampelikula 
Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may 
suliranin ng “kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga 
katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa 
sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at 
pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang 
realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang 
malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang 
nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, 
gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng 
daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong 
Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag 
na lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang 
mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit 
rito.
Alamin mo kung paanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na 
baitang sa elementarya maging sa isang simpleng pamamaraan mula sa 
kaibuturan ng kaniyang puso ay gumawa ng isang pagbabago sa kasaysayan 
ng lahing katutubo. 
EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day) 
Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa iba’t 
ibang reaksiyon ng mga tao. 
Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Ito’y 
napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng 
elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat. 
Maririnig ang ilang mga usap-usapan: 
506 
Babae1 : Dala mo ba ang camera mo? 
Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon. 
Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang 
seremonya. 
Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up. 
Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga-graduate 
tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to. 
Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga 
sanggol. Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan: 
Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa 
isang Intsik sa bayan. 
Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin 
kaming magbasa ngayong summer para makuha niya na rin 
ang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo. 
Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya? 
Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng 
eleksyon. 
SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS. 
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa 
paligid. Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin. 
Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow, is what you reap. 
Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay 
may maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up shot sa 
isang mensaheng nakadikit sa dingding:
507 
“Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.” 
Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro: 
Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy? 
Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon. 
(Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga 
picture-taking. Natapos na ang masayang graduation.) 
EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong 
Resettlement Area ng mga katutubo 
Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa 
resettlement area ng mga Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at 
nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng 
mga kasamahan kung ilan lahat ang mga litrato niya at kung magkano lahat 
ang mga ito. 
Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga 
gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo 
Namalyari. 
Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang 
linggong sumama ang tiyan ni Lolo.” (sabay hagikhikan ang 
lahat) 
(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, 
binabasa nila ang hawak na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang 
byahe, maalikabok ang daanan; Close-Up Shot sa kalawanging gulong ng 
jeep.) 
EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad 
(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang 
nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga 
batang katutubo na nagsisipaglaro) 
Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo, 
magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel! 
(Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala 
ang balota papunta sa bahay nila) 
(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang 
kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang 
mga ito… “ Maaryong aga, mam.”) 
Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo.
508 
(Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila 
mabigat ang pasan-pasan sa likuran) 
Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo? 
Lalaki: Oo, sinisikap ko 
Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok? 
Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita, 
(Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad si 
Jonalyn 
patungo sa tindahan.) 
Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.” 
(Habang nakapila ang mga katutubo para sa 
ipinamamahaging 
bigas.) 
Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya. 
Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa 
namang ibahagi ang ani ko sa lahat. 
EKSENA 4 – Sa Tahanan nina Jonalyn 
(Sa tahanan nina Jonalyn: Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, 
pati sa Diploma; pakakainin ng tinapay ang kaniyang mga kapatid) 
Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi 
sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang 
muna 
tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako. 
Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat! 
(Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.) 
Nakakagutom lalo ang magbilang. 
Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto. 
Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura) 
Sino ho bang iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan 
niya,tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo lamang 
ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng 
kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos 
ang antena ng telebisyon) 
Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may 
nakikita ng tao sa TV! 
(Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid) 
Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo! 
(Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang
pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng 
kaniyang tatay ay tila walang nangyari) 
509 
Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok. 
Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para 
makaboto. 
Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang 
manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga 
ito 
sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon! 
EKSENA 5 – Simula ng isang malayong paglalakad 
(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung 
saan 
naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.) 
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen 
form for your job”... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng 
aplikasyon para sa trabaho) 
(Nagpasalamat ang mga ito.) 
Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa 
at magsulat. 
Jonalyn: O sige, para makaboto ka. 
Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng 
oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko 
na mag-fill-up ng aplikasyon. 
(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang 
kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang 
paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.) 
(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena, 
ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw 
ng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangkang 
sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na 
tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang 
pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung 
saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang 
ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...) 
Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen? 
Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita! 
Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.
510 
Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas. 
Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas! 
(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay 
nakita naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng 
plawta at binati siya ng ‘magandang umaga’ ng mga ito, sinabihan niyang 
mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahagi 
ng bundok ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking apoy 
dulot ng kaingin) 
Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga 
ibon (Malungkot ang mukha) 
EKSENA 6 – Patungo na sa Kabundukan 
(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga 
tanawin sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila 
sila ay pumapasok na sa isang bagong daigdig) 
(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig 
ang batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang 
ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang 
siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa 
isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig 
mula sa kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri: 
“Apo Namalyari 
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo 
Makapangyarihang Isa 
Kami ngayo’y nangagtipon 
Dito sa aming taniman 
Kayo lamang ang makatutulong sa amin” 
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit 
rin): 
“Ako’y nagsabi kay tatay, 
Manghuhuli ako ng usa, 
“Ako’y nagpaalam kay nanay 
Para manghuli ng ibon 
Ngunit ako itong nahuli 
Ng katutubong Aeta” 
(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, 
nakita nila ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng 
pagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta) 
Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?
511 
Mga Katutubo (nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga 
dalawang araw na ang nakalilipas. 
Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang 
maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo. 
Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. 
(Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga kamay) 
Apo Namalyari... 
Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen 
Tatlong araw na po siyang nawawala 
Sana po ay amin siyang makita 
Sa lalong madaling panahon 
Jonalyn: Amang, mag-ingat ka! 
Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng 
pananghalian! 
EKSENA 7 – Ang Pananghalian 
(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang 
sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang 
pananim...) 
Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok! 
Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano 
magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!” 
Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo. 
(Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang 
batang babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang 
mahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan): 
Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit... 
Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka 
nagpapakuto! 
Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna! 
(Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng 
kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena: 
Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at 
halos magpambuno sila.)
512 
EKSENA 8 – Araw ng Eleksyon 
(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin 
ang araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo) 
Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay 
natin at 
bantayan mo muna ang iyong mga kapatid 
para 
makaboto kami. 
Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at 
magsulat at 
ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, 
isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi 
marunong siya. 
Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang 
magbabantay 
sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto. 
(Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at 
boboto ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, 
ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang 
Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.) 
(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan, 
kelangang hanapin sa registerd voter’s list ang pangalan ng kanyang mga 
magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo 
dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong 
iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa 
pagboto ang kaniyang ama) 
(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang 
kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.) 
Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo? 
Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si 
FPJ at si GMA. 
EKSENA 9 – Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni 
(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, 
may bahid ng kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng 
mga panahong yaon.) 
(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta 
ay nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t 
hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at kapulisan na sa
akala niya’y sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na 
katutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos 
ang mga tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kay 
Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang 
kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang 
mga mata ang butil ng mga luha...malayo ang tingin.) 
(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang 
mula sa kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking 
baboy-ramo, sabay nagwika itong: 
513 
Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa 
tahanan.) 
EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang 
(Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa 
hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo. 
Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito 
makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”. 
(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si 
Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay 
nakasulat ang mga katagang “Babangon ang Pilipinas”) 
(Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon) 
Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo. 
W A K A S 
GAWAIN 3.3.c: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw) 
Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong 
upang iyong makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong 
kaalaman, pagkilala sa sarili at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot 
sa papel.
Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang 
isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong 
Pampelikula na bahagi ng ating kultura at 
panitikang popular? Ipaliwanag. 
Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong 
sarili bilang isang mahusay na lider at 
tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami 
sa kasalukuyang panahon? 
Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga 
kababayan mo na nagtataglay ng “kawalang-alam” 
(illiteracy) lalo na sa pagbasa at pagsulat? Ano ang 
naisip mong mga proyekto para sa kanila? 
Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo 
ng pagbasa at pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo? 
Magbigay ng mga mungkahi 
Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa 
kaniyang edad, wasto ba ang hakbang na isinagawa ni Jonalyn para 
sa kaniyang mga kapwa katutubo? 
Maraming salamat sa buong husay mong pagsagot sa mga tanong na 
ibinigay sa iyo batay sa akdang iyong binasa at pinanood na pelikula. Mula sa 
dokumentaryong pampelikula na iyong napanood at iskrip na iyong nabasa, 
batid naming namulat ang iyong isipan sa tunay na kalagayan ng mga 
katutubo sa mga kabundukan, ang kanilang lagay sa lipunan at ang tunay na 
kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman, ang isang dokumentaryong 
pampelikulang tulad nito ay isang matibay na instrumento upang maipamulat 
514 
Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na 
landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad ni 
Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung 
ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo 
at ng bansang Pilipinas?
sa bawat isa sa atin ang katotohanan ng buhay. Higit pa nating palawakin ang 
iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan: 
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong 
pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, 
manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas 
malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na 
nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. 
Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga 
Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang 
pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa 
anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang 
“aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, 
naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng 
“travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”. 
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, 
sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling 
pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime 
propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit 
ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema 
Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula 
totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay 
ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula 
at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa 
pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan 
ang isang dokumentaryo. 
Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga 
515
nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie Films”, “Short 
Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi ng 
kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino. 
Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong 
516 
dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento: 
Mga Elemento ng Pelikula 
a. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang 
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng 
kuwento. 
b. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa 
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong 
timpla ng ilaw at lente ng kamera. 
c.Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi 
ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang 
interes at amdamin ng manonood. 
Iba pang mga Elemento 
a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at 
paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay 
naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng 
palabas. 
b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng 
lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na 
paglalahad ng biswal na pagkukuwento. 
c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano 
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. 
d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng 
mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling 
sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na 
nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng 
pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
_________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
__________________________ 
517 
GAWAIN 3.3.d: Patinikan sa Panitikan 
Muli nating balikan ang iba’t ibang eksena mula sa dokumentaryong 
pampelikula na Manoro (Ang Guro), Para sa iyo, ano ang mga nais bigyang-tuon 
nito? Isulat ang sagot sa papel. 
Mula sa mga naunang gawain, nabatid natin na upang maging 
nakasisiya at mabisa ang isang dokumentaryong pampelikula, mahalagang 
isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera na tinatawag na 
camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda ang 
screenplay ng isang obra maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan 
nito sa emosyon, lalim at kakintalan at ang magiging implikasyon ng isang 
dokumentaryo sa mga manonood nito.
518 
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera 
1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na 
“scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong 
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging 
takbo ng buong pelikula o dokumentaryo. 
2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula 
baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong 
may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. 
Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye. 
3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay 
lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay 
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang 
papel. 
4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up 
shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up 
. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip 
na sa buong mukha. 
5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang 
anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa 
ilalim. 
6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang 
anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. 
GAWAIN 3.3.e: Kuha Ko, Hula Mo 
7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na 
anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay 
nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong 
Matapos mong matutuhan ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng 
kamera at ang kahalagahan nito sa pelikula, ngayon ay pagmasdan mo ang 
kasunod na mga larawan ng mga aktuwal na kuha ng kamera sa pelikulang 
iyong napanood. Isulat kung anong uri ito ng camera shot at ipaliwanag ang 
nais nitong ipahiwatig. 
Uri ng Kuha: _______________________ 
Nais Ipahiwatig: 
__________________________________ 
__________________________________
Uri ng Kuha: _______________________ 
Nais Ipahiwatig: 
__________________________________ 
__________________________________ 
Uri ng Kuha: _______________________ 
Nais Ipahiwatig: 
__________________________________ 
__________________________________ 
Uri ng Kuha: _______________________ 
Nais ipahiwatig: 
__________________________________ 
__________________________________ 
Mula sa: http://www.google.com.ph/images 
Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang 
Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri 
ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating 
naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa 
paraan ng kaniyang mga pananalita. 
Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag 
na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong 
pahayag gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na 
mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap. 
519 
a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin 
1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” 
(pagtanggap) 
2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pag-aalinlangan)
3. “Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga 
520 
pananalitang yaon.” (pagtanggi) 
4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” 
(pagsang-ayon) 
5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga 
pahayag.” (pagsalungat) 
b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at 
ipinadarama 
1. Pagbibigay-babala 
“Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-babala) 
“Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.” 
2. Panghihinayang 
“Sayang, tama sana ang aking kasagutan.” 
“Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana 
nangyari yaon.” 
3. Hindi Pagpayag 
“ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong 
gagawin.” 
“ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong 
isagawa.” 
GAWAIN 3.3.f: Pahayag Ko, Tugon Mo 
Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong 
napanood. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat 
pangungusap. Pillin ang tamang sagot mula sa kahon sa itaas . Isulat sa 
papel ang mga sagot. 
Pagtanggi Pagsang-ayon 
Pagbibigay-babala Panghihinayang 
Panghihikayat Pagsalungat 
“Ama mag-ingat ka sa iyong 
paglalakbay, mapanganib sa 
daan!” 
1. 
“Hindi dapat maiwan si 
Jonalyn, dapat kasama natin 
siya sa pagboto.” 
2.
521 
“Sa ginagawa nilang iyan, 
inaagawan nila ng tahanan 
ang mga ibon.” 
3. 
“Hindi na ako bomoto, dahil 
naniniwala akong hindi 
naman ito makapagpapababa 
at makababawas ng aking 
4. 
“Ang sampagitang ito ay para 
sa mga ga-gradweyt lamang, 
isuot mo, huwag kang mahiya, 
bagay sa iyo ito.” 
5. 
“ O sige, mag-aaral tayo 
pagkatapos ng pananghalian 
natin.” 
6. 
GAWAIN 3.3.g: Pahayag Ko, Interpretasyon Mo 
pagkatao.” 
Ngayon naman ay basahin mo ang Sanaysay na ito. Sa pamamagitan 
nito ay higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na 
paksang pangwika. Nakapaloob rito ang ilan sa mga pagpapahayag at pag-alam 
ng mga kaisipan, saloobin, paggawi at pagdama. Hanapin ang mga ito 
mula sa Sanaysay at isulat ang iyong mga kasagutan. Ipaliwanag din ang 
kahulugan ng bawat pahayag. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. Sundin 
ang pormat. 
PPPPiiiinnnnttttiiiigggg,,,, LLLLiiiiggggaaaalllliiiigggg aaaatttt DDDDaaaaiiiiggggddddiiiigggg 
Jet Oria Gellecanao 
“Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay 
nagiging mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay 
nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat 
sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay 
rin sa isang maligalig na daigdig.” 
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga 
usapang ito “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang 
lola. “Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!” Mas
matigas na rin ang ulo ng mga kabataan!” sambit naman ng isa. Sumagot 
naman itong si lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas 
maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka sa mga 
nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga 
talento at taglay na kaalaman? 
Madalas rin silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, 
at baka ika’y madapa, mas malalim ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan 
natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang “Taos-puso po 
naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong 
kaisipan.” Kaisipang nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama 
at tuwid na landas. 
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga 
pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba 
na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng 
pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at 
lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa 
sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong 
ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng “Globalisasyon” 
at ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang mundo, ang 
bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o 
tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang 
Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na 
mapadali at mapabilis ang komunikasyon. 
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng 
karamihan na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at 
magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang iba’t ibang mga 
hula ng mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang 
daigdig hindi upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na 
hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging 
siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari 
ang pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha. 
Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulay-bulay. 
Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? 
522
Higit sa lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kaya’t ito ang 
tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay. 
Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo 
masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.” 
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging 
oras, nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, 
pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na 
upang tanggapin mo ang hamon sa iyo! 
Pahayag: _____________________________ 
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________ 
Pahayag: _____________________________ 
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________ 
Pahayag: ______________________________ 
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________ 
523 
Pahayag: ______________________________ 
Paliwanag/Interpretasyon:____________________________________ 
GAWAIN 3.3.h: Katutubo – Kapatid, Kapamilya’t Kapuso 
Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang 
mga kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop 
na komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat. 
Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 
Mula sa mga nauna nating pinag-aralan, natutuhan mo ang 
mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentaryong pampelikula. 
Kabilang na rito ang pagsusuri sa nilalaman nito at kung ano ang panlipunang 
kahalagahan nito lalo na sa panahon ngayon. Alam mo rin na ang isang 
pinakamahalagang elemento ng dokumentaryong pampelikula ay ang iskrip 
kung saan nakapaloob ang mga diyalogo o mga pananalitang namumutawi sa 
bibig ng mga artistang gumaganap. Sa pananaw ng scriptwriter at ng 
direktor, ang mga diyalogong ito ay may mas malalim na pagpapakahulugan, 
sapagkat mula sa mga ito ay makukuha mo ang mga nakapaloob na 
mensahe upang magsilbi itong kamalayan upang buksan ang isipan ng bawat 
isa tungkol sa mga isyung panlipunan. Narito ang ilan pang gawain na may
kinalaman dito upang higit pa nating mapalalim ang iyong pag-unawa sa kung 
paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento 
sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan? 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
_________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
_________ 
___________________________ 
___________________________ 
___________________________ 
_________ 
524 
GAWAIN 3.3.i: INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo) 
Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. 
Paano mo ito bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa 
tunay na buhay at sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon. 
Isulat sa papel ang sagot 
“Hindi na ako bomoto, sapagkat para 
sa akin, hindi ito makapagpapababa 
at makababawas ng aking pagkatao” 
“Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, 
pagsasayang lang ng oras yan, 
narinig mo naman ang mga Koreano, 
kelangan ko na mag-fill-up ng 
aplikasyon.” 
“Apo Namalyri 
Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo 
Makapangyarihang Isa 
Kami ngayo’y nangagtipon 
Dito sa aming taniman 
Kayo lamang ang makatutulong sa 
amin” 
Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa mabisang komunikasyon ang 
pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muli mong balikan ang ilang 
diyalogo sa dokumentaryong pinanood na sa palagay mo ay tumimo sa iyong 
isipan, bigyan ito ng pagpapakahulugan.
525 
GAWAIN 3.3.j: Pelskrip (Pelikula at Iskrip) 
Sa iyong naunang mga gawain ay nalaman mo ang uri ng mga 
pahayag na mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na 
nakatutulong upang magkaroon ng mas malalim na pagpapakahulugan ang 
mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman ay subukin mo ang iyong 
kakayahan sa bagay na ito. 
Ang sumusunod na larawan ay batay sa isang Indie Film na “Ang 
Babae sa Septic Tank” sa direksiyon ni Marlon Rivera, isang pelikulang 
nagkamit ng maraming parangal na ang pangunahing tema ay suliraning 
panlipunan. Subukin mong bumuo ng mga diyalogo mula sa mga ito na 
ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pahayag na ating tinalakay sa mga 
naunang aralin. Gawin sa papel. 
Mula sa: www.starcinema.com.ph/ 
_________________________________ 
_________________________________ 
_________________________________ 
_____________________ 
_________________________________ 
_________________________________ 
_________________________________ 
____________________
526 
GAWAIN 3.3.k: Dokyufil: Pelikula at Dokumentaryong Filipino – 
Epekto Sa Iyo 
Ang mga pelikulang katulad ng “Babae sa Septic Tank” at “Manoro” 
(Ang Guro) ay pangunahin at tahasang tumatalakay sa napapanahong mga 
isyu sa ating lipunan. Kaya’t ang matataas na uri ng mga obra-maestra na 
katulad ng mga ito sa larangan at industriya sa paglikha ng pelikula ay 
nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng kultura at panitikang popular sa 
ating bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi naimumulat nito ang ating 
kamalayang panlipunan, at kung ano ang naging implikasyon o bisa nito sa 
iyo bilang mag-aaral. Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng 
dokumentaryong “Manoro” (Ang Guro) batay sa sumusunod na aspeto. 
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 
MANORO (Ang Guro) 
Dokumentaryong Pampelikula 
IMPLIKASYON 
Kaugnayan sa Tunay na Buhay 
SARILI PAMILYA LIPUNAN 
_____________ 
_____________ 
_____________ 
_____________ 
____ 
_____________ 
_____________ 
_____________ 
_____________ 
____ 
GAWAIN 3.3.l: Ako Mismo, Kikilos Ako! 
_____________ 
_____________ 
_____________ 
_____________ 
____ 
Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda, 
panahon na upang ibahagi mo naman kung paano ka makatutulong sa iyong 
pamayanan bilang isang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga 
suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan. Gawin sa papel. 
Gayahin ang pormat.
“AKO MISMO, 
BATANG 
LIDER” 
Matapos mong maisagawa ang napakahalagang gawaing ito ay lubos 
527 
kitang binabati at pinasasalamatan! 
Mula pa lamang sa simula ng iyong pag-aaral ay nabanggit na sa iyo 
na mahalagang maunawaan mo na mahalaga ang bahaging ginagampanan 
ng dokumentaryong pampelikula sa lipunang ating ginagalawan at pati na rin 
sa iyong sarili. Batay rin sa mga gawaing iyong isinagawa, naging bahagi ka 
sa paglutas ng ilang mga suliranin sa inyong pamayanan bilang isang batang 
lider. Mula sa mga ito ay iyong mahihinuha ang kahalagahan ng media o 
anumang uri ng midyum sa paglutas ng mga suliraning panlipunan at ikaw 
bilang isang natatanging kabataan na nagtatalay ng matibay na personalidad 
sa pagharap mo sa marami pang hamon na darating sa iyong buhay. 
Kaugnay nito bumuo ka ngayon ng isang Repleksiyon batay sa lahat ng iyong 
mga natutuhan sa araling ito. Sundin ang pormat. 
Ang Aking Repleksyion … 
________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________ 
_____________________________________________________________
528 
IIIIlllliiiippppaaaatttt 
GAWAIN 12: Iskripkoto 
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay 
makalilikha ng isang iskrip para sa isasagawang dokumentaryong 
pampelikula gamit ang iba’t ibang uri ng mga pagpapahayag.Ngunit bago 
iyon, dapat mong malaman na bago ka gumawa ng isang iskrip para sa mga 
diyalogo ay dapat mo itong simulan sa pagbuo ng isang sequence script na 
magsisilbi mong pinakapundasyon at pinakagabay sa iskrip na iyong isusulat. 
Narito ang isang halimbawa, (halaw sa “Manoro”, Ang Guro) basahin, pag-aralan 
at unawain mo itong mabuti. 
ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (“SEQUENCE SCRIPT “) 
Eksena Bilang 
at Tagpuan 
Kuha at Anggulo 
ng Kamera 
Mga Detalye/ 
Paglalarawan 
at Kaisipan ng 
Eksena 
Mga Tauhan at 
Iba pang Datos 
na 
Kinakailangan 
Eksena / 
Sequence 1: 
School Grounds 
(Graduation 
Day) 
Establishing 
Shot sa “school 
grounds” 
Medium Shot sa 
mga taong 
nakapaligid (iba’t 
ibang senaryo) 
Close-Up Shot na 
ipakikita ang ilang 
eksena ni Jonalyn 
(pangunahing 
tauhan) 
Magbubukas 
ang eksena sa 
“school grounds” 
sa araw ng 
graduation. 
Hindi 
magkamayaw 
ang mga tao. 
Masayang-masaya 
ang 
lahat at lubos 
ang pananabik. 
Ngunit kasabay 
nito ay ang pag-iyak 
ng mga 
bata’t sanggol. 
Maririnig ang 
ilang mga 
usapan. 
Karamihan ng 
mga tao sa isang 
tipikal na 
“Graduation Day” 
(iba’t ibang 
eksena) 
Isa sa mga 
unang makikita 
ang 
pangunahing 
tauhan (Jonalyn 
Ablong) kasama 
ang ilang 
miyembro ng 
kanyang pamilya 
(matatapos 
nang masaya 
ang graduation) 
Eksena / 
Sequence 2: 
Sa isang Jeep 
na patungong 
Resettlement 
Area ng mga 
Katutubo 
Long Shot sa isang 
Jeep na papunta sa 
Resettlement Area 
ng mga Katutubo 
(tinatahak ang 
mababato at 
maalikabok na mga 
Ipakikita ang 
andar ng isang 
jeep sa mabato 
at maalikabok 
na daanan, may 
ilang batang 
lalaki na 
Mga ilang batang 
katutubo na 
gumradweyt, 
mga ina, sanggol 
at iba pang mga 
batang sumama 
sa graduation at
529 
daanan) 
Medium Shot sa 
mga 
nagsisipagtawanang 
katutubo tungo sa 
Close-Up Shot sa 
nagsasalitang si 
Jonalyn 
(pangunahing 
tauhan) 
nakasakay sa 
itaas ng jeep 
Masayang 
nagtatawanan 
ang mga 
katutubo tungkol 
sa katatapos na 
Graduation 
hanggang sa 
pagdating sa 
kanilang lugar 
tampok ang 
pangunahing 
tauhan na si 
Jonalyn Ablong 
Gumawa ka ng isang iskrip pandiyalogo na maaaring isadula ng 
pangkat ng mag-aaral kabilang ka sa loob ng limang minutong pagtatanghal 
na may temang: “Tiwala ang Tanging Sandigan – Pagsisikap at Pagdarasal 
Upang Malampasan ang Kahirapan”. 
Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing 
inilaan ko para sa iyo, sagutin mo muna ang Pangwakas na pagtataya para sa 
araling ito. 
VII. PANGWAKAS NA PAGTATAYA: 
Isulat ang wastong sagot sa patlang. 
1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting. 
____________ 
2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang 
pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon 
para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. 
____________ 
3. May katuturang “pelikula totoo” at katangian ng isang dokumentaryong 
pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari. 
____________ 
4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at 
pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject. 
Naging pamamaraan ng mga makabagong direktor sa kasalukuyan. 
____________ 
5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat 
pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng 
mamamayan. ____________
Natapos mo na ang huling aralin ng modyul na ito. Sa kabuuan 
naunawaan mo na ang tungkol sa iba’t ibang uri ng panitikang popular 
mula sa mga babasahing popular, radyo, telebisyon at maging pelikula. 
Ngayon, subukin natin kung talagang naunawaaan mo ang 
mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais kong 
maiwanan sa’yo. At masasagot mo na nang tama kung paano nga ba 
naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular, at bakit 
nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino 
tungo sa panitikang popular? Bago pa man kita pinasagot sa mga gawain 
sa bawat aralin ay tinanong ko na sa iyo sa simula pa lamang. 
Panitikang 
Popular 
530 
PAGNILAYAN PPPAAAGGGNNNIIILLLAAAYYYAAANNN AAAATTTT UUUUNNNNAAAAWWWWAAAAIIIINNNN 
Binabati kita at natapos mo nang buong husay ang tatlong 
aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Natitiyak ko na 
naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto tungkol sa 
mga panitikang popular tulad ng iba’t ibang uri ng pppprrrriiiinnnntttt mmmmeeeeddddiiiiaaaa, radyo, 
telebisyon at pelikula. Natitiyak ko rin na alam mo na kung paano nga ba 
naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular. Napag-alaman 
mo rin na may iba’t ibang mga aspeto na nakaimpluwensiya at 
nakaapekto kung bakit unti-unting nabago ang mga anyo ng panitikan 
mula noong sinauna pang panahon tungo sa kasalukuyan. 
Kaugnay nito, nais ko muling subukin ang lawak ng iyong pag-unawa at 
ang taglay mong kaalaman tungkol sa bagay na ito. Ito ay masusukat sa 
sumusunod na gawain. 
Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang 
sumusunod na aspeto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan 
mula sa tradisyunal na uri tungo sa mga panitikang popular. 
Lengguwahe/Wika 
Makabagong Teknolohiya 
Mga Suliranin at 
Kalagayang Panlipunan 
Prinsipyo at mga 
Paniniwala 
Tradisyunal 
na 
Anyo ng 
Panitikan 
Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag
Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan, ang tradisyunal ay 
_________________________. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng 
mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa popular 
dahil sa ________________________. Nakatutulong ang panitikang 
popular upang __________________. Bilang isa sa mga kabataan, sisikapin 
kong ____________________________. 
Natugunan mo na ang lahat ng gawain na inilaan sa iyo ng modyul 
na ito. Tunay na marami ka ng naipon na kaalaman at higit na ang iyong 
kahandaan hindi lamang sa pagsagot ng modyul na ito, ngunit higit sa 
mas malalim na pagtingin sa mga kaganapan sa iyong paligid. Bilang 
isang hamon bakit hindi mo sikaping higitan ang inaasahan kong 
magagawa mo. Tunguhin mo ang panuto sa kasunod na pahina at 
isagawa ang iniaatang sa iyong gawain. 
531 
IIIILLLLIIIIPPPPAAAATTTT 
Dapat nating maunawaan na lahat ng mga midyum na 
tinalakay sa bawat aralin ng Modyul 3, kabilang ang Kompyuter o ICT 
bilang malaking bahagi ng Kulturang Popular tungo sa mga Panitikang 
Popular na umiiral sa kasalukuyan. Basahin at unawain mong mabuti ang 
nakaatang na gawain para sa iyo at ng iyong mga kamag-aral. Basahin 
ang nakasulat sa loob ng kahon: 
Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga 
likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang 
kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at 
hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. 
Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang 
patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng 
kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging 
kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya 
tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa 
isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga
paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin 
ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong 
paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at 
praktikal na mga rekomendasyon. 
Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan 
o social awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang 
midyum na iyong natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media 
na gamit ng mga kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari 
ka rin namang bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa 
anyong video na siya namang ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng 
mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula. Maaari mo ring i-post sa internet 
ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang maitatampok sa iyong 
bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong baranggay at ang 
magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral na 
suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad. 
Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo 
ng isang balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang 
inyong mahahalagang mga plano para maisakatuparan ang proyekto. 
Maisasagawa lamang ito kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue 
script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang produkto. 
Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang 
mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip 
para sa mga eksena sequence script at iskrip na pandiyalogo 
1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging 
532 
makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala. 
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag 
kalimutang maging malikhain. 
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. 
Gamitin ang iba’t ibang uri ng mga pahayag na 
pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito. 
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong 
pinatutungkulan sa pagsulat ng mga diyalogo. 
5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng 
isang mabisang iskrip.
Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong 
533 
campaign material 
• Orihinalidad at Pagkamalikhain – 40 % 
• Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena - 20 % 
• Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 10 % 
• Epektibong Gamit ng Wika - 20 % 
• Aplikasyong Teknikal - 10 % 
_______ 
100 % 
Kaugnay nito, narito ang mga batayan at pamantayan sa 
pagmamarka ng iyong isasagawang proyekto 
MGA 
PAMANTAYA 
N 
Kapugay-pugay 
4 
Magaling 
3 
Umuunlad 
2 
Nagsisimula 
1 
M 
A 
R 
K 
A 
Masaklaw na 
paglalahad ng 
napapanahong 
impormasyon 
Komprehensibo 
at makabuluhan 
ang 
napapanahong 
mga 
impormasyong 
inilalahad sa 
materyal 
alinsunod sa 
paksang 
itinatampok. 
Masaklaw, 
makabuluhan 
at 
napapanahon 
ang mga 
impormasyong 
inilalahad sa 
materyal 
alinsunod sa 
paksang 
itinatampok. 
Makabuluhan 
at 
napapanahon 
ang mga 
impormasyong 
inilalahad sa 
materyal 
alinsunod sa 
paksang 
itinatampok 
ngunit may 
mga detalyeng 
hindi nailahad 
May 
makabuluhan 
at 
napapanahon 
g mga 
impormasyon 
g inilahad sa 
materyal ukol 
sa paksang 
itinatampok 
ngunit 
limitado ang 
mga ito. 
Masining at 
maingat na 
paggamit ng 
wika 
Natatangi ang 
paggamit ng 
wika ng 
kabataan nang 
higit pa sa 
inaasahang 
pamamaraan sa 
materyal. 
Masining at 
maingat na 
nagamit ang 
wika ng 
kabataan sa 
kabuuang 
pagpapahaya 
g sa nabuong 
materyal. 
Masining at 
maingat na 
nagamit ang 
wika ng 
kabataan sa 
karamihan ng 
pahayag sa 
nabuong 
materyal. 
Masining na 
ginamit ang 
wika ng 
kabataan sa 
karamihan ng 
pahayag sa 
nabuong 
materyal 
ngunit hindi 
maingat ang 
paggamit. 
Mahusay na 
aspetong 
teknikal 
Tipong 
propesyonal ang 
pagkakagawa 
sa materyal 
dahil sa husay 
ng pagtatagpi-tagpi 
ng mga 
Taglay ang 
lahat ng 
kailangang 
elemento sa 
mabisang 
pagbuo ng 
materyal. 
Taglay ang 
mga susing 
elemento sa 
mabisang 
pagbuo ng 
materyal at 
naipamalas 
Naipamalas 
sa materyal 
ang minimal 
na antas ng 
pagtatagpi-tagpi 
ng 
elemento at
534 
elemento nito. Naipapamalas 
ang 
kahusayan sa 
teknikal na 
pagganap. 
ang angkop 
na teknikal na 
pagganap. 
teknikal na 
pagganap. 
Pagkapraktikal 
ng 
rekomendasyo 
n 
Ang mga 
inilahad na 
rekomendasyon 
ay 
nagmumungkahi 
ng kaisipang 
pangmatagalan 
sa kamalayan 
ng madla 
Malinaw at 
kapaki-pakinabang 
para sa lahat 
ang inilahad 
na 
rekomendasyo 
n. 
Makabuluhan 
ang 
karamihan sa 
inilahad na 
rekomendasyo 
n. 
May mga 
rekomendasy 
ong inilahad 
ngunit 
mabuway 
ang mga 
iminumungka 
hing kaisipan. 
KABUUANG 
MARKA 
Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga 
gawaing iniatang sa iyo bilang isang mag-aaral, binabati kita! Isang 
matagumpay na pag-aaral para sa iyo! Tunay na isa kang masipag at 
matalinong mag-aaral! 
X. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (PARA SA 
KABUUAN NG MODYUL 3) 
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 
Roel: “Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of 
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa senado.” 
Macky: “Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay 
Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga 
politiko na ipasa ‘yan kahit pa nakapikit!’ 
Roel: “Sinabi mo pa, partner!” 
Macky: “Ano ba talaga ‘yang FOI, partner?’ 
Roel: “Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan 
ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na 
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.”
535 
1. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag? 
2. 
a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang 
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit na 
nakapikit! 
b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng 
kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na 
transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno. 
c. Naku! Delikado naman pala iyan! 
d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon. 
3. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may 
salungguhit? 
a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan. 
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas. 
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas. 
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito. 
4. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga 
komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa? 
a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista. 
b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig 
ng mga pahayag ng mga personalidad. 
c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa 
isang bansa. 
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig. 
5. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng 
pananaw mula sa akda? 
a. naman pala c. sang-ayon sa 
b. sabi nga d. ng mga 
6. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng 
isang komentaryong panradyo? 
a. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin. 
b. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na 
pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung 
tinatalakay. 
c. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu. 
d. Lahat ng nabanggit.
Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng 
bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob 
mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga 
paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng 
pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay 
hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga 
magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa 
palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at 
minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang 
maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang 
na paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang 
iparamdam sa kanila ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap 
sa kanilang mga anak. 
7. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng 
536 
___________. 
a. sanhi at bunga c. paraan at resulta 
b. paraan at layunin d. kondisyon at kinalabasan 
8. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng 
bullying? 
a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya. 
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan. 
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak. 
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit. 
9. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga 
magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang 
nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag? 
a. bunga + sanhi c. paraan + resulta 
b. sanhi + bunga d. resulta + paraan 
10. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa? 
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan. 
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata. 
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang 
kapwa. 
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang 
pananakit.
(1) “Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang 
balita laban sa akin. Ako’y wala ginagawang masama laban sa 
inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na mapag-isa. Tama kayo. 
(2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking 
bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking 
mga naisusulat. (3) Naniniwala ako na walang saysay ang isang 
panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman 
ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking 
mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. (4) 
Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na 
taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, 
hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko 
lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na 
mauunawaan n’yo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at 
pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka. 
537 
11. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa 
pagpapaigting ng kamalayang panlipunan? 
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan. 
b. Natatalakay dito ang iba’t ibang panig ng isang isyu. 
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi 
gaanong nabibigyan ng pansin. 
d. Lahat ng nabanggit. 
12. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa? 
a. 1 c. 3 
b. 2 d. 4 
13. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay 
_____________. 
a. paghanga c. pag-asam 
b. pananabik d. kasiyahan 
14. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay 
___________________. 
a. manghikayat c. magbigay-parangal 
b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman
Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang 
paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa 
marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. 
Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may 
marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa 
isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, 
narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong 
nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng 
kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na 
kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at 
may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet. 
15. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan 
538 
mula sa tekstong binasa? 
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus 
sa San Juan, Metro Manila. 
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas 
ng mga katutubong Aeta. 
c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita 
tungkol sa usapin sa lupa 
d. Tensyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng 
Panatag Shoal 
16. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto? 
a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng 
anumang layunin. 
b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting 
hangarin. 
c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa 
kayamanan at kapangyarihan. 
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan
EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang 
Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, 
inihain sa hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo...Doon nagwika ang 
kaniyang Apo Bisen “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, 
hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”. 
Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang 
na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng 
kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang “Babangon ang 
Pilipinas” 
17. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging 
539 
nabasa? 
a. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas. 
b. Ipakita ang kahalagahan ng pagboto upang magkaroon ng 
pagbabago. 
c. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging 
maunlad. 
d. Darating ang panahon na uunlad din ang ating bansa. 
18. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit? 
a. Maraming mamamayan ang hindi nakakaunawa ng 
kahalagahan ng pagboto. 
b. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong magsulat. 
c. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan. 
d. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa. 
19. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang 
dokumentaryong pampelikula? 
a. pananaliksik c. pag-eedit 
b. pagdidisenyo ng produksyon d. lahat ng nabanggit 
20. Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa? 
a. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa 
kamangmangan ng mga mamamayan. 
b. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi matapat. 
c. Mahirap ang maraming mga lipunan sa Pilipinas. 
d. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila 
ng kahirapan.
21. Aling pangyayari sa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga 
540 
manonood batay sa bahaging nabasa? 
a. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay. 
b. Nagdiwang ang buong barangay at nagsaya ang lahat. 
c. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo. 
d. Nakasulat sa likuran ng mga bata ang katagang Babangon ang 
Pilipinas 
Binabati kita at matagumpay mong nasagot ang mga gawain sa 
bawat aralin ng modyul na ito. Naniniwala akong naunawaan mo ang 
mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyo na magagamit mo 
sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Nawa’y naging makabuluhan 
sa iyo ang ginawa nating pag-aaral. Handang-handa ka na para sa 
Modyul 4 – ito ang tungkol sa awit na FLORANTE AT LAURA. Muli, 
maligayang paglalakbay sa pagtuklas ng bagong karunungan.
541 
GLOSARYO 
Advertisement – Iba’t ibang mga anyo ng patalastas na matutunghayan sa 
iba’t ibang uri ng media, maging ito man ay sa print media, broadcast media, 
films at mg uri nito. 
Adhikain- layunin; gusto 
Advocacy – Isang salitang Ingles na ang katuturan ay “isang adhikaing 
dapat na maisakatuparan, suportahan o itaguyod para sa isang natatanging 
layunin. 
Agam-agam- hinala 
Analitikal – pagbuo ng mga ideya mula sa iba’t ibang ideya upang makabuo 
ng higit na estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay 
Angkinin- kunin 
Arestuhin- hulihin 
Babae sa Septic Tank – Isang Independent o Indie Film na nagtatampok ng 
mga isyung panlipunan at ang tunay na kulay ng “showbiz” na labis ang 
pagiging prestihiyoso ngunit may mga kabulukan sa likod ng tabing at 
kamera. 
Bajo de masinloc – parte ng Philippine Sea 
Balakid- hadlang 
Balangkas – pagkakasunod-sunod 
Beterano- datihan 
Bugso ng damdamin-napatangay sa nararamdaman 
Bulwagan – lugar na pagdarausan 
Camera Shots and Angles – Tumutukoy sa mga kuha at anggulo ng kamera 
para sa isang partikular na eksena. Sa pamamagitan nito, naipakikita ang 
emosyong nais idiin ng isang senaryo. 
Campaign Activity – Isang gawain ng pangangampanya para sa isang 
natatanging layunin. Sa gawaing ito ay isinasaalang-alang ang ilang 
mahahalagang tuntunin. 
Cinema truth – May katuturang “pelikula totoo”; katangian ng isang 
dokumentaryong pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na 
pangyayari. 
Cinema Verite – Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na 
pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film 
subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Isang uri ng pagsasa-pelikula 
sa kasalukuyan. 
Coordinator – tagapangasiwa
542 
Corrupt – isang taong may posisyon at ginagamit ang pondo ng bayan sa 
sariling kapakanan 
Dambuhala – malaki 
Dedikasyon – pag-aalay 
Dialogue Script – Isang uri ng iskrip kung saan nakapaloob ang diyalogo ng 
mga aktor at aktres ng bawat eksena. Nakabatay ito mula sa “sequence 
script”. 
Dinuro-duro – minaliit 
Diyalogo- tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming 
mga tauhan sa loob ng isang dula 
Documentary For Television – ito ay mga palabas na naglalayong maghatid 
ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan 
ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. 
Dokumentaryong Pampelikula – Ekspresyong biswal, nagtatampok ng 
realidad at katotohanan ng buhay ng isang lipunan. Nagbibigay ng 
impormasyon, nanghihikayat at nagpapamulat ng kaisipan at kamalayang-panlipunan. 
Elemento ng Pelikula – Mga sangkap o mga bahagi ng isang pelikula upang 
ito ay kilalanin bilang isang mataas na uri ng likhang-sining. 
Estratehiko – pamamaraan 
Ethnographic Film – Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok sa kultura, 
kalagayan at buhay ng mga katutubo sa isang lugar at lipunan. 
Film maker – Ang taong bumubuo at lumilikha ng isang pelikula. 
Film subject - Mga bagay o pinakapaksa sa pelikula na kinukunan ng 
kamera upang maidiin ang nais ipahiwatig ng isang film maker. 
FOI – Freedom Of Information 
Forum – pagtatalakayan, pakikipagtalastasan,pag-uusap, pagpupulong 
Gusot – problema 
Halakhak-malakas na pagtawa 
Himukin – hikayatin 
Hinuha – pagbibigay interpretasyon
543 
Illiterate – Nangangahulugang may “kakulangan ng kaalaman” sa isang 
bagay o mga bagay na nakapaligid sa kaniya. Sa ibang salita ay 
“kamangmangan” o pagiging “ignorante. 
Implikasyon – Epektong pandamdamin, pangkaisipan, pangkatauhan at 
panlipunan at pagkatapos nito ay ang kasunod na aksyon o resulta 
. 
Independent / Indie Films - Mga pelikulang may malayang tema at 
pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang 
kamalayang panlipunan ng mamamayan. 
Information and Communication Technology (ICT) - Isa sa pangunahing 
midyum sa kasalukuyang panahon upang mas maging mabilis at patuluyan 
ang proseso ng gawaing pangkomunikasyon at pagbibigay-impormasyon. 
Interpretasyon – sariling pag-unawa 
Ipinipinid-isinasara 
Iskrip- pinakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na 
isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito 
Kalumbayan-kalungkutan 
Kamalayang panlipunan – pagiging bukas ang isipan sa mga nagaganap sa 
paligid 
Kariktan-kagandahan 
Katig – kakampi, kinampihan, kapanalig 
Kawangggawa- libreng serbisyo 
Kinamihasnan-kinamulatan 
Komentaryo – pagbibigay-opinyon 
Komprehensibo – kumpleto at kapani-paniwala 
Kontrobersiyal – makulay, maraming usapin 
Kontrobersiyal- mainit na pinag-uusapan 
Kredebilidad – kapani-paniwala 
Kultura - ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito ang mga 
ideya, pananaw, kaugalian, kakayahan at tradisyong umunlad ng isang 
lipunan. Bahagi rin nito ang institusyong tagapaghubog ng kamalayan ng 
mamamayan tulad ng paaralan (edukasyon), pahayagan, midya, relihiyon, at 
mga establisimentong pansining. 
Kulturang Popular – sumasaklaw sa pag-aaral/pagsusuri ng iba’t ibang 
kulturang popular, halimbawa, pelikula, musika, komiks at pahayagan, mga
programang panradyo, pantelebisyon na nakaiimpluwensiya sa paghubog ng 
sariling katalinuhan at identidad. Sinasabing kultura ng panggitnang uri at 
para sa marami (sangguniin sa introduksiyon nito ang malalim at malawak na 
talakay) 
544 
Kuro-kuro – opinyon, saloobin 
Lantaran – kitang-kita, bulgar 
Larawang-diwa o imahe- tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa 
akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa, 
nagpapatalas ito ng pandama. 
Lihim-sekreto 
Likumin-kolektahin 
Lumalawig – lumalawak 
Lumuwas-nagpunta sa malayong lugar 
Mamamahayag – tagapagbalita, tagapag-ulat 
Manoro – Katutubong salita ng mga Aeta na ang ibig sabihin ay “guro”. 
Martial law – Batas Militar 
Masusulingan – matatakbuhan, mahihingan ng tulong 
Mauuntol- matitigilan 
Midyum – daan, instrument 
Minindal-miryenda 
Multi-Media – Tumutukoy sa iba’t ibang uri ng “media” o midyum na 
ginagamit sa komunikasyon. Karaniwang binubuo ng print media, broadcast 
media, film at information and communication technology. 
Munti-maliit 
Nagkakandirit-naglulundag na nakatingkayad ang paa 
Nagkukumahog – nagmamadali 
Nagtungo-nagpunta 
Nagugulumihanan-nalilito 
Nagugunita-naalala 
Nalalambungan- natatakpan 
Napopoot- nagagalit, matinding galit
Newsreel – Nagsisilbing balita ng bayan na nagtatampok ng iba’t ibang 
pangyayari sa kapaligiran. 
Obra-Maestra – Isang uri ng likhang-sining na napagkalooban ng mataas na 
uri ng parangal; kinilala; naging tanyag at kakaiba sa uri nito; may taglay na 
kariktan. 
545 
Pagaril-pagaralgal 
Pagbatikos – pagtuligsa 
Pagkiling – pagkampi, pagpanig 
Pagkukunwari- pagpapanggap 
Paglalayag- paglalakbay 
Paglililo- pagtataksil 
Pagod-hapo 
Pagpapahiwatig (foreshadowing) isang pagpaparamdam, pagpapakilala, 
pagbibigay ng mga babala o pahiwatig o pagpapauna sa unahan o 
kalagitnaan ng kuwento upang ihanda ang mambabasa sa maaaring 
mangyari sa hulihan ng akda 
Pagpapalaluan- pagyayabangan 
Pagsasahimpapawid – ang sistema ng pagpapakinig ng isang programang 
panradyo 
Pahiwatig- mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang 
nais nitong iparating. May mga pantulong na palatandaan sa loob ng 
pangungusap o sa mga bahagi ng akdang makatutulong upang maunawaan 
ang kahulugang nais nitong sabihin 
Paksang-diwa o tema (theme)-itoy pangunahing kaisipan ng tula, katha, 
dula, nobela, sanaysay, kuwento ng isang pangkalahatang pagmamasid sa 
buhay ng may-akda na nais niyang ipahatid sa mambabasa. Hindi ito dapat 
ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat na sabihing tungkol sa pagiging ina 
ang tema. Paksa lamang itong maituturing. Ilahad ito ng ganito; kung minsa’y 
puno ng pagkasiphayo kaysa kaligayahan ang pagiging ina 
Pananaliksik- isang masusing pag-aaral sa isang paksa o problemang 
inihahanap ng solusyon o kasagutan 
Panitikang Popular - Anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at 
pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong mga pamamaraan, estilo at 
anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng mga kabataan sa 
panahong kasalukuyan.
Panitikang Popular – sa orihinal na legal na kahulugan, pag-aari ng 
mamamayan. Kawing sa “populace” na ibig sabihi’y hindi aristokrata, aral - - 
ang mababang uri. May konotasyong inferior na uri ng literatura, hanggang sa 
tribyal (pop). Sa usaping ideolohikal, bagama’t tinatangkilik ng lahat ng uri ng 
lipunan, may pagkakaiba batay sa pang-ekonomiyang lagay (halimbawa; 
klase ng sineng pinapanood, klase ng komiks na binabasa. Kasalukuyan, 
nakakawing ang konsepto ng popular sa mas midya, kung ano ang naaabot 
nito, ang saklaw ang siyang may kakanyahang maging popular. Ang popular 
ay may oryentasyong komersyal, o sa pagkita (profit) 
546 
Pasubali – pag-aalinlangan, pagdadalawang-isip 
Punto-tono ng boses sa pagsasalita 
Rehas – harang, kulungan, hadlang 
Resettlement Area – Lugar na pinaglipatan upang doon tuluyang manirahan. 
Sagad-hanggang-langit – lubos, wagas, sukdulan,sobra, lubos 
Salik – bagay na naging daan 
Sanggunian – kalipunan 
Sarat-pango 
Senaryo – Termino sa pelikula na ang ibig sabihin ay “tanawin” o isang 
“eksena”. 
Sequence Script – Isang uri at bahagi ng iskrip na nagtatampok ng mga 
detalye at kaisipan ng bawat eksena ng isang pelikula o dokumentaryo. 
Gayundin ng bawat “camera shots and angles” nito. 
Short Films – Maiikling uri ng pelikula na naghahatid ng mahahalagang 
mensahe sa mga manonood. 
Simbolo- ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akdang 
pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa, 
isang bagay o kaisipan na kumakatawan sa iba pang konsepto at maaaring 
bigyan ng maraming antas ng kahulugan 
Simpatika- malakas ang dating ng personalidad 
Sisiw – maliit, walang lakas, walang kapangyarihan 
Social Awareness – Sa tunay na katuturan nito ay “kamalayang panlipunan” 
batay sa kaisipan at umiiral na moral ng isang lipunan tungo sa pagkamulat 
sa katotohanan.
Tabloid- Maliit at abot-kaya kumpara sa isang broadsheet. Sapagkat mas 
maliit ang espasyo sa tabloid, mas maliit rin ang inaasahang pagkonteksto sa 
mga balita. May puntong naisasantabi na ang mga pambansang isyu. Sa 
kaunting espasyong ito, nagkakasya ang maraming sambahayan para sa 
balita at impormasyon. 
Higit na binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories 
(panggagahasa, pananamantala/molestation, kidnapping, atbp.) at mga 
kuwentong ikamamangha ng mga mambabasa kumpara sa pambansang 
isyung inilalatag ng mga broadsheet. Sa anyo ng balita hanggang sa 
paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o mali. 
547 
Tangan-tangan – hawak-hawak 
Tanglaw – liwanag, umiilaw 
Teksto – sa tradisyunal na gawi, ang nakasulat na anyo. Sa pag-aaral, ang 
teksto ay sasakop di-lamang sa nakasulat na anyo, pati na rin sa praktikal na 
gawi sa produksyon ng literatura. 
Teledrama – mga drama sa telebisyon 
Transaksiyon – kasunduan 
Travelogue – Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok ng iba’t ibang mga 
lugar kung saan maaaring maglakbay. 
Tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa 
kasalukuyang panahon, ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga 
produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang 
ginagamit, pinanonood at maging binabasa. 
Utusan-katulong 
Video Advocacies – Mga adbokasiya, patalastas at mga propaganda na 
naglalayong manghikayat, magpabago ng pananaw, magpamulat ng kaisipan 
at kamalayan. 
Wartime propaganda – Ang mga Dokumentaryong Pampelikula noong 
unang panahon ay nagsilbing instrumento ng nasyonalismo, pakikipaglaban, 
deskriminasyon at pagkakabaha-bahagi. 
Yabag-tunog ng mga paa sa paglakad
548 
SANGGUNIAN 
*Aklat 
Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa 
Mataas na Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing 
House, Inc., 2009 
Arrogante, Jose A. et.al Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko. 
National Book Store. Mandaluyong City, 1991 
Austero, Cecilia S., et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. UNLAD 
Publishing House. Pasig City. 2007 
Evasco, Eugene at Ortiz Will. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing 
Pagsulat. CE Publishing, Inc. Quezon City. 2008 
Garcia, Lakandupil., et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2006. 
Glinofria, Maurita L. at Laxina, Teresita F., Kadluan ng Wika at Panitikan IV 
Makati City, Philippines, Diwan Scholastic Press Inc., 1999. 
Mag-atas, Rosario U et.al., Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo), 
Valenzuela, Metro Manila, Philppines, National Bookstore, Inc. 1994. 
Resuma, Vilma Mascarina. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino 
Komunikatibong Modelo. 
Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de 
Manila University Press. Quezon City. 1997 
Rubin, Ligaya T. et.al., Panitikan sa Pilipinas, Sampaloc, Manila, Philippines, 
Rex Book Store: 2001. 
Santiago, Lilia Quindoza et al., Mga Panitikan ng Pilipinas, C  E Publishing 
Inc., 2007
549 
Pahayagan 
Pilipino Mirror. Eros Atalia. Dagling Katha, Oktubre 29, 2012 
Magasin 
Awake! Magazine, Social Networking, Watchtower Society, September 2010 
Magasing Gumising! Gabay sa Paggamit ng Kompyuter, Oktubre 2011 
Internet 
Anonuevo, Roberto Alimbukad (http://alimbukad.com/2008/08/08/ang-editoryal- 
bilang-lunsaran-ng-panunuri/) 
http/www.youtube.com/watch 
http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf 
http://the1010project.multiply.com/journal/item/34/34?show_interstitial=1u= 
%2Fjournal%2Fitem 
http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph 
http://www.balita.net.ph/2012/06/kuwentuhang-media/#.UKseSO_QVyw 
http://www.cbcpworld.com/cinema/html/about_us.html 
http://www.cinemalaya.org/film 
http://www.gmanetwork.com/news/story/277577/ulatfilipino/balitangpinoy/free 
dom-of-information-foi-bill-namimiligrong-mamatay-pagsapit-ng-disyembre 
http://www.goodreads.com/author/show/562411.Liwayway_A_Arceodocid=A 
BGlKlbQ9ckHIMimgurl=http://photo.goodreads.com/authors/1285673744p5/ 
562411.jpgw=200h=255ei=qcWYUIG4C-http:// 
www.google.com.ph/images 
http://www.google.com.ph/imgres?q=amado+v.+hernandeznum=10hl=filb 
iw=1366bih=586tbm=ischtbnid=ea4EYMmffqTL9M:imgrefurl=http://tl.wik 
ipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandezdocid=4iKXVzDQtavxDMimgurl=http: 
//upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/4/4d/Amado_V_Hernandez.jpg/200 
px-
http://www.google.com.ph/imgres?q=epifanio+matutenum=10hl=filbiw=13 
66bih=586tbm=ischtbnid=ZLKmBTzQV0CoJM:imgrefurl=http://www.pan 
itikan.com.ph/authors/m/egmatute.htmdocid=_HCanklXMTkfgMimgurl 
http://www.google.com.ph/imgres?q=genoveva+edroza+matutenum=10hl= 
filbiw=1366bih=586tbm=ischtbnid=TGmUnIRphI7ZEM:imgrefurl=http:// 
banareskimberly.blogspot.com/2012/07/ang-kuwento-ni-mabuti-ni-http:// 
www.google.com.ph/imgres?q=manuel+l.+quezonnum=10hl=filbiw= 
1366bih=586tbm=ischtbnid=hZL8VgvZzhW9CM:imgrefurl=http://www.ta 
kdangaralin.com/history/philippine-presidents-history/manuel-http:// 
www.google.com.ph/imgres?q=narciso+reyes+lupang+tinubuannum=1 
0hl=filbiw=1366bih=586tbm=ischtbnid=CPphnem0zXRMpM:imgrefur 
http://www.123people.ca/s/narciso%2Breyesdocid= 
http://www.google.com.ph/imgres?q=rene+villanuevahl=filbiw=1366bih=5 
86tbm=ischtbnid=ZtEk2Y6A4zEuuM:imgrefurl=http://eatingthesun.blogsp 
ot.com/2007/12/rene-o-villanueva-1954 
http://www.google.com.ph/imgres?q=severino+reyeshl=filbiw=1366bih=5 
50tbm=ischtbnid=LKWSzchujeP65M:imgrefurl=http://en.wikipedia.org/wik 
i/File:Severino_Reyes.jpgdocid=J7AUpzUBsdm2zMimgurl= 
550 
http://www.rymaec.org/node/412 
http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0feature=related 
http:/www.google.com.ph 
images.cnhsteacheers.multiply.multiplycontent.com/.../Worksheet%2 
Thefreedictionary.com 
Wordnetweb.princeton.edu/perl/webwn 
www.adobe.com/products/ 
www.audioenglish.net 
www.gmanetwork.com/news/video/shows/investigative documentaries 
www.screenaustralia.gov.com 
www.starcinema.com.ph 
www.wikipedia.com
551

Grade 8 Filipino Module

  • 2.
    i PAUNANG SALITA “Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay” Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa mga kabataan ang kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo sa mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa modyul na ito. Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
  • 3.
    ii PASASALAMAT Taos-pusongnagpapasalamat ang mga may-akda sa mga manunulat ng mga akdang ginamit sa modyul na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakailalan ng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat. Abdon M. Balde Jr. Hahamakin ang Lahat Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Brillantes Mendoza “Manoro” ( Ang Guro ) Carlo J. Caparas Mga Klase ng Komiks Dionisio Salazar Sinag sa Karimlan Eros Atalia Skyfakes Genoveva Edroza Matute Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata Gregorio G. Cruz Mga Ginto sa Putikan Jess Torres Positibong Kasabihan Jose Corazon De Jesus Bulaklak ng Lahing Kalinislinisan Jose Rizal Ang Katamaran ng mga Pilipino Liwayway Arceo Uhaw ang Tigang na Lupa Manuel L. Quezon Wikang Pambansa Mil Adonis Sa Gitna ng Dilim Narciso G. Reyes Lupang Tinubuan Severino Reyes Walang Sugat mga may-akda
  • 4.
    iii TTTTAAAALLLLAAAAAAAANNNN NNNNGGGGNNNNIIIILLLLAAAALLLLAAAAMMMMAAAANNNN Modyul 1: Salamin ng Kahapon…Bakasin Natin Ngayon Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaıol Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Aralin 1.2.2 : a. Panitikan: Tula ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay ”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan
  • 5.
    iv Aralin 1.3– Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapones Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Modyul 2: Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa
  • 6.
    v Aralin 2.3.2:a. Panitikan: Dula “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat Modyul 3: Repleksiyon ng Kasalukuyan… Tungo sa Kinabukasan Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na Babasahin • Pahayagan (Tabloid) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo b. Wika: Konsepto ng Pananaw a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag
  • 7.
    1 MMMMOOOODDDDYYYYUUUULLLL 1111:::: SSSSAAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN NNNNGGGG KKKKAAAAHHHHAAAAPPPPOOOONNNN BBBBAAAAKKKKAAAASSSSIIIINNNN NNNNAAAATTTTIIIINNNN NNNNGGGGAAAAYYYYOOOONNNN I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Binabati kita at nasa Baitang 8 ka na ng pag-aaral ng Filipino! Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. II. ANG MGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo Aralin 1.1.1 : a. Panitikan: Karunungang - bayan (Salawikain, Sawikain at Kasabihan) b. Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 : a. Panitikan: Alamat “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 : a. Panitikan: Epiko “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo b. Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaıol Aralin 1.2.1 : a. Panitikan: Ang Karagatan at Duplo b. Wika: Mga Eupemistikong Pahayag
  • 8.
    2 Aralin 1.2.2: a. Panitikan: Tula ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio b. Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3: a. Panitikan: Sanaysay ”Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal b. Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon Aralin 1.3.1 : a. Panitikan: Tanaga at Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa Aralin 1.3.2 : a. Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b. Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 1.1 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa mga karunungang bayan, alamat at epiko na lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo upang maunawaan mo ang kalagayang panlipunan noon panahong naisulat ito, at mapahalagahan mo ang kultura ng lahing ating pinagmulan; Aralin 1.2 – Makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa karagatan, duplo, tula, at sanaysay na lumaganap sa Panahon ng mga Espaıol, higit sa Panahon ng Himagsikan upang iyong maunawaan at mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 1.3 – Makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa tanaga, haiku, at maikling kuwento na umusbong sa Panahon ng mga Hapon upang mapahalagahan mo ang kulturang naibahagi ng bansang ito sa ating bansa.
  • 9.
    3 III. INAASAHANGMGA KASANAYAN Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa modyul na ito. MODYUL 1 : Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ diskursong pinakinggan Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging maka totohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari • masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari • mapatunayan ang kawastuan ng mga impormasyon batay sa sariling karanasan Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • dalawang Uri ng paghahambing • mga Pang-abay pamanahon panlunan pamaraan mga eupemistikong pahayag matatalinghagang pahayag Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay • naglalarawan Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin na may kaugnayan sa paksa Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na nagbibigay-pahiwatig
  • 10.
    Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito: 4 • karunungang-bayan • alamat • epiko • karagatan • duplo • tula • sanaysay • tula • maikling kuwento Nakapagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/ katangian ng mga tauhan sa akda Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin na may akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto • nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akda/teksto
  • 11.
    5 Nahuhulaan angkahihinatnan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng: • pagpili ng lohikal na wakas • paggawa ng sariling wakas • pagbabago ng wakas Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/tekstong binasa at ng: • pamantayang pansarili o sariling karanasan • pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • paghahawig o pagtutulad • depinisyon • pagsusuri Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • anekdota • serye ng tanong Nakasusulat ng talata na : • binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan • nagpapakita ng bahagi nito: simula gitna wakas Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng : • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon • pangunahing kaisipan
  • 12.
    6 • pantulongna kaisipan Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba’t ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa tulad ng : • depinisyon • paghahalimbawa • pagsusuri • paghahawig o Pagtutulad • sanhi at bunga Tatas Naipapamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunakatibo Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan, o nabasang impormasyon (media literacy) Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan, at pagkakataon Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo At pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood, nabasa, o napakinggan Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga gramatika /retorika at iba’t ibang uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Pananaliksik Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang :
  • 13.
    7 • tuwiran • di-tuwiran Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos at mabisa ang mga nalikom na impormasyon sa pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na impormasyon IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga aralin na iyong pag-aaralan. Salamin ng Kahapon… Bakasin natin Ngayon Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo 1.1.1 Panitikan: Karunungang - bayan (salawikain, sawikain at kasabihan) Wika: Dalawang Uri ng Paghahambing 1.1.2 Panitikan: Alamat: “Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio Wika: Pang-abay na Pamanahon at Panlunan 1.1.3 Panitikan: Epiko: “Tuwaang” – Epiko ng mga Bagobo Wika: Pang-abay na Pamaraan Aralin 1.2 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Espaıol 1.2.1 Panitikan: Ang Karagatan at Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag 1.2 .2 Panitikan: Tula: ”Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin 1.2. 3 Panitikan: Sanaysay: “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal Wika: Ang Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon 1.3.1 Panitikan: Tanaga at Haiku Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 1.3.2 Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo Wika: Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
  • 14.
    Sa bahaging ito,matutunghayan mo ang mga kasanayang dapat na malinang sa iyo sa pag-aaral ng modyul na ito. Gagabayan ka ng ilang paalaala sa mga dapat mong gawin. 8 1. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 2. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 3. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyong kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 4. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 5. Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon. V. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. ____1. Ang larawan ay halaw sa kuwentong nakapaloob sa isang epiko. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay b. Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang. d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa. ____ 2. Pansinin ang bahagi ng alamat na nasa kahon sa kasunod na pahina . Ano ang kapuna- puna sa pangyayari? a. makatotohanan c. posibleng maganap b. kapani-paniwala d. hindi kapani-paniwala
  • 15.
    9 Basahin angteksto. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong bilang 3-7. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan. “ Huwag kang makialam, matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming magustuhan upang mailipat sa aming tahanan.” Sabay-sabay na nagtawanan ang mga kabataan.“ Mga lapastangan! Hindi na kayo nagpaalam ay sinira pa ninyo ang aking halaman. . Mula ngayon kayo ay aking paparusahan.” Hindi pinapansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda, bagkus lalo pa silang nagbulungan at naghagikgikan. Hindi nila namalayan na unti-unti na pala silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging ganap na bubuyog. Nagliparan sila sa paligid ng mga bulaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz. Bzzzzzzzzzz. ____ 3. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisa”? a. pakikisama c. pagkakaisa b. pagtitiis d. pakikipagkapwa ____ 4. Matatapos na ang inyong breaktime kaya nagmamadali kang bumalik sa inyong silid-aralan sapagkat ang susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin? a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan upang hindi mahuli sa klase. b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag aaral. c. Tutulungan ang mag-aaral at ihahatid siya sa clinic para mabigyan ng paunang lunas. d. Magpapatala muna ng attendance sa guro at ipaaalam ang kanyang nasaksihan. Halaw sa Alamat ng Bubuyog
  • 16.
    ____ 5. Usong-uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong henerasyon na iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi . Ano ang dapat mong gawin? 10 a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan. b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper . c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito . d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video . _____6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kaniyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya c. namatay b. malayo d. pag-asam _____7. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan c. pawisan b. nagsipagdalo d. nag-umpisa Basahin ang liham. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong blg. 8- 10. 1809 Herrera st. Poblacion Lungsod ng Makati Ika- 7 ng Disyembre, 2012 Mahal kong Kaibigan, Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang akong mga mahal sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon. Hanggang sa muli. Ang iyong kaibigan, Noreen
  • 17.
    11 _____8. “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng dahlia c. nagpapakita ng paghahambing b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon _____9. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham? a. lugar c. paraan b. panahon d. pagsang-ayon ____10.” Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay .” Alin sa pangungusap ang pang-abay na panlunan? a. Pasko c. sa bahay b. b. mahal sa buhay d. tawagan -------11. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat? a. duplo c. pamanhikan b. karagatan d. Huego de Prenda -------12. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinomang nahatulang parusahan? a. Balagtasan c. karagatan b. Batutian d. duplo ____13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag? a. sumakabilang buhay para sa namatay b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa c. buto’t balat para sa payat d. papatay-patay para sa hipong tulog
  • 18.
    12 _____14. Ayonsa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. a. tula c. dula b. sanaysay d. maikling kuwento ____ 15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay – suporta sa pangunahing ideya? a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa b. madalas na itinatanong sa pagsusulit c. nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya ____16. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula? a. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5 b. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 c. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2 d. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4 ____17. Ano ang ikinaiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong _____18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? a. may ina, ama, at mga anak b. may masaganang pamumuhay c. nakatira sa maayos na bahay d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa.
  • 19.
    _____19. Ano angmagiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang 13 huwarang pamilya? a. may kapanagutan sa anumang gawain b. magiging sikat na mamamayan. c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan d. magkakaroon ng disiplinang pansarili _____20. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag? a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari Bigyan mo ng pansin ang kalakip na susi sa pagwawasto upang iyong malaman kung alin sa mga aytem ang iyong nasagutan nang wasto at mali. Huwag kang mabahala kung may mga naging sagot kang mali sapagkat gagabayan ka ng modyul na ito upang maiwasto ang mga ito. VI. YUGTO NG PAGKATUTO AAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN Nais mo bang mabatid ang pinagmulan at pinagdaanan ng panitikan ng ating lahi? Marahil ay nagtatanong ka kung paano napanatili at napaunlad ang ating panitikan sa kabila ng pananakop ng iba’t ibang dayuhan sa ating bayan. Sa modyul na ito, magbabalik-tanaw tayo sa ilang akdang pampanitikang Pilipino na umusbong at lumaganap sa tatlong panahon ng kasaysayan ng ating bansa - ang Panahon ng mga Katutubo, Panahon ng mga Español, at Panahon ng mga Hapon. Magkasama nating tutuklasin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang
  • 20.
    paksa ng mgaakdang ito sa bawat panahon. Bago natin talakayin ang mga ito, alamin muna natin kung ano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Simulan na natin. 14 GAWAIN 1: LARAWAN NG NAKALIPAS Suriin mo ang larawan upang iyong matukoy ang tatlong panahon na pinagdaanan ng ating panitikan. Sa iyong palagay, ano ang naging papel ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa bawat panahong nagdaan? Itala ang iyong sagot sa loob ng banner. Sagot: I. Panahon ng mga Katutubo _______________________________________________ _________________________________________________ II. Panahon ng mga Español _______________________________________________ _______________________________________________ III. Panahon ng mga Hapones _________________________________________________ _________________________________________________
  • 21.
    15 Marahil aynabuo na sa iyong isipan ang saklaw na mga aralin sa modyul na ito. Bago ka pumunta sa susunod na gawain, nais ko munang malaman ang iyong pananaw tungkol sa panitikan. GAWAIN 2: IPABATID SA BAWAT LETRA May malaki bang impluwensiya ang panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino? Paano mo ito pinahahalagahan? Subukin mong sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik mula sa salitang panitikan. PPPP - AAAA - NNNN - IIII - TTTT - IIII - KKKK - A - NNNN - Ang sagot mo sa mga naunang gawain ay makatutulong upang mapaunlad natin ang iyong kaalaman sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa panahong sakop ng modyul na ito. Iminumungkahi ko na sa sa pagtatapos ng pag-aaral mo ay balikan mong muli ang iyongsagot, nang sa gayo’y maiwasto natin kung mayroon ka mang mga maling konsepto tungkol sa mga paksang tatalakayin. Ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral. PPPPAAAAUUUUNNNNLLLLAAAARRRRIIIINNNN Sa bahaging ito ay pauunlarin natin ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na binanggit ko na sa panimula pa lamang. Sa pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa bawat aralin, mauunawaan natin kung ano ang ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa tatlong panahon na nabanggit. Tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga akdang pampanitkan ang kultura ng mga Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito at kung bakit naiiba ang paksa ng mga akdang ito sa bawat panahon. Pag-aaralan din natin ang ilang araling panggramatika tulad ng Mga Uri ng Paghahambing, Pang-
  • 22.
    abay na Pamanahon,Panlunan at Pamaraan, Eupemistikong Pahayag, Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin, at Pagtukoy ng Pangunahin at Pantulong na Kaisipan sa Isang Sanaysay. At bilang patunay na naunawaan mo ang modyul na ito, makapagpapakita ka ng awtentikong pagkatuto na iyong magagamit bilang isang responsableng mamamayan sa iyong bayang sinilangan. Simulan natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 1.1 ng modyul na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. ARALIN 1.1: ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO 16 I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Sa iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno ng kasalukuyang panahon? Isang iskolar ang nagsabing makikilala lamang niyang ganap ang kaniyang sarili dahil sa kaniyang lumipas. Kung gayon, masasabi nating makatutulong para sa atin na makilala ang ating lahing pinagmulan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa ating panitikan na malinaw na salamin ng ating kultura at kabihasnan . Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing, buhay, at hangarin ng mga Pilipino. Samakatuwid, panitikan ang nagsisilbing tulay upang maabot ng nakalipas ang kasalukuyan, gayundin upang maipagpatuloy ng kasalukuyan ang pagpapanatili at pag-unlad ng kultura at kabihasnan upang maisalin ito nang ganap sa susunod na henerasyon. Ang inaasahang mga sagot sa mga tanong na nasa itaas ay mauunawaan mo sa pag-aaral ng araling ito. Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Inaasahan din na sa pamamagitan ng mga gawain na iyong maisasakatuparan sa bawat aralin ay mapahahalagahan mo ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito.
  • 23.
    17 II. Angmga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito Masasagot mo ang mahahalagang tanong sa itaas kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito. ARALIN 1.1 : PANAHON NG KATUTUBO Aralin 1.1.1 a.Panitikan : Karunungang – bayan ( Salawikain , Sawikain, at Kasabihan ) b.Wika : Dalawang Uri ng Paghahambing Aralin 1.1.2 a. Panitikan : Alamat “ Mina ng Ginto” - Alamat ng Baguio b. Wika : Pang-abay na Pamanahon at Panlunan Aralin 1.1.3 a. Panitikan : Epiko “Tuwaang” - Epiko ng mga Bagobo b.Wika : Pang-abay na Pamaraan III. Mga Inaasahang Kasanayan Narito ang mga kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito. Aralin 1 Panahon ng Katutubo Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang –kahulugan ang mga makabuluhang salita/ matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto /diskursong pinakinggan Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/ di- makatotohanan ng mga punto/ argumentong bibigyang- diin o halaga sa napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang panggramatika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • dalawang uri ng paghahambing • mga pang-abay na:
  • 24.
    18 pamanahon panlunan pamaraan Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay • naglalarawan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang karunungang-bayan, alamat at epiko batay sa mga katangian nito Pagbibigay ng wastong hinuha sa pag-uugali/katangian mga tauhan sa akda Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/ teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akda/ tekstong binasa at ng:
  • 25.
    • pamantayang pansarilio sariling karanasan • pamantayang galling sa ibang tao o sa ibang 19 babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • paghahawig o pagtutulad • depinisyon • pagsusuri Nagagawang kawili-wili ang panimula ng talata sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • anekdota • serye ng tanong Nakasusulat ng talata na : • binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga pangungusap na nagpapahayag ng isang buong pagkakabuo, palagay o kaisipan • nagpapakita ng bahagi nito: simula gitna wakas Nawawakasan ang talata nang may pangkalahatang impresyon Sa pamamagitan ng : • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon Tatas Naipapamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang impormasyon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikan / tekstong napanood,nabasa, o napakinggan Nagpapamalas ng kawilihan at malalim na pag-unawa sa mga aralin sa gramatika /retorika at iba’t ibang uri ng pambansang panitikang saklaw ng pag-aaral Estratehiya sa Pag-aaral Nababasa nang masinsinan ang akda/ teksto sa pagpili ng angkop na mga detalye para sa isang tiyak na layunin
  • 26.
    20 Nagagamit angangkop na estratehiya sa pag-aaral Pananaliksik Nailalapat ang nakalap na mga impormasyon sa pamamaraang : • tuwiran • di-tuwiran Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t ibang pagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga impormasyon sa pananaliksik IV. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito upang maiplano mo ang iyong mga gawain. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO Karunungang -bayan Alamat Epiko A. Panitikan -Salawikain -Sawikain -Kasabihan B. Wika Dalawang Uri ng Paghahambing Paghambing A. Panitikan -Mina ng Ginto Alamat ng Baguio B. Wika -Pang-abay ( Pamanahon at Panlunan ) A. Panitikan -Tuwaang Epiko ng mga Bagobo B. Wika -Pang-abay na Pamaraan Nananabik ka na ba sa gagawin mong pag-aaral? Marahil ay iniisip mo na ang mga gawain na iyong isasakatuparan sa modyul na ito. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng panimulang pagtataya na susubok sa iyong kaalaman sa mga araling pampanitikan at panggramatika na saklaw ng kabuuan ng araling ito.
  • 27.
    21 V. PanimulangPagtataya A. Sumulat ng maikling talata tungkol sa paksang: “Karunungang-bayan… Salamin ng Pagka-Pilipino”. Bigyan mo ng pansin ang rubrik sa pagbuo ng talata. Isulat sa sagutang-papel. (10 puntos) RUBRIK PAMANTAYAN Mahusay (5) Kainaman (3) Mahina (1) Kaisahan Tiyak ang pag-talakay sa paksa Hindi masyadong tiyak ang pag-talakay sa paksa Hindi natalakay nang wasto ang paksa Kaugnayan Angkop ang pag-uugnay- ugnay ng mga pangungusap Hindi masyadong angkop ang pag-uugnay-ugnay sa mga pangungusap Walang pag-uugnay- ugnay sa mga pangungusap Kalinawan May pokus/ tuon sa ideyang nais ipa- batid Hindi masyadong nakapokus sa ideyang nais ipabatid Walang pokus/tuon sa ideyang nais ipabatid B.Bumuo ng sariling wakas ng akdang “Ang Alamat ng Kasoy”. Isulat sa sagutang-papel. Bigyan mo ng pansin ang pamantayan sa pagbuo. (10 puntos) MGA PAMANTAYAN: Kaangkupan- Angkop ang wakas sa daloy ng naunang mga pangyayari. Kalinawan - Malinaw na naipabatid ang bunga o kinalabasan ng mga pangyayari. Mensahe - Nakapagpabatid ng aral na dapat matutuhan ng mambabasa.
  • 28.
    22 Ang Alamatng Kasoy Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkot na lungkot. Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.Naulinigan ngmakapangyarihang Ada ang himutok ng Buto. Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba? Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat. Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito. Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang Buto. Masayang-masayang napanood ng Buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan, at pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman. Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila. Nalungkot ang Buto nang dumilim na ang paligid. Nahahalinhan ng takot at lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng Buto na nagsipagtago ang mga hayop sa mga kuweba.
  • 29.
    23 C. Ibuodmo ang bahagi ng epiko ng Bicol na Handiong.Isaalang-alang sa pagbubuod ang paggamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan.Salungguhitan ang mga ito. Isulat sa sagutang papel. (10 puntos) HANDIONG Epiko ng Bicol Salin sa Tagalog ni (J. Arrogante) VIII Ang Kabikolan ay isang lupain Patagang mayaman sa mga baybayin Sa buong daigdig pinakamarikit Sagana sa butil, aming nakakamit. IX Si Baltog ang lalaking kauna-unahang Naninirahan sa dakilang patagan Nagmulang Botavara, Lahing di- nakikita. X Nang ito’y kaniyang masukol, Sa sibat ito’y nasapol At sa brasong Herkules sa lakas Ang panga ng hayop ay nangagkapilas. XI Bawat panga’y sukat Sa habang sandipa Dalawang katlo ang mga pangil Nang tanganan ng kaniyang sibat. XII At siya’y umuwi sa kanilang lupain Ang dalawang panga’y kaniyang binitin Sa puno ng isang talisay Sa Tondo, malapit sa bahay. Ang ginawa mong pagsagot sa panimulang pagtataya ay makatutulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at panggramatika na nakapaloob sa kabuuan ng Aralin 1.1 – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo.
  • 30.
    24 VI.Yugto ngPagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan sa panitikan sa Panahon ng Katutubo. Batid ko na may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin. Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman. GAWAIN 1.1.1.a : TUGON SA PAGKATUTO Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa graphic organizer pagkatapos sagutan ang hanay sa BAGO BUMASA. Lagyan ng tsek (/) ang salita na tutugon sa iyong kasagutan. Ikaw ba ay sumasang-ayon o di-sumasang- ayon? Hintayin mo ang kasunod na panuto kung kailan mo sasagutan ang HANAY NG PAGKATAPOS BUMASA. ANTICIPATION-REACTION GUIDE Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang damdamin, saloobin, kaugalian o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Kailanman, hindi maaaring magka-ugnay ang panitikan at kasaysayan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di -sumasang-ayon Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang mga Espaıol ay mayaman na sa panitikan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Bago pa man dumating ang mga Espaıol ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang epiko, alamat, at mga karunungang-bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Espaıol. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon
  • 31.
    25 Sumasang-ayon Di-sumasang-ayon Napatunayan ng mga Espaıol na ang ating mga ninuno ay hindi mahilig sa tula, awit, kuwento, bugtong, at palaisipan. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi sumasalamin sa panahon kung kailan isinulat. Sumasang-ayon Di- sumasang-ayon Matapos mong masagutan ang ARG, nakatulong ba ito upang malaman mo ang mga konsepto na saklaw ng araling iyong pag-aaralan ? GAWAIN 1.1.1.b : LIKAS-KATUTUBO Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang dati mong kaalaman tungkol sa saligang kasaysayan ng ating panitikan. Kilalanin mo ang mga ninunong nag-ambag sa ating panitikan. Isulat sa loob ng kahon ang mga nakaimpluwensiya sa panitikan ng Pilipinas Bago Dumating ang Espaıol . Gawin sa sagutang papel. Negrito Ma Malay Espaıol Arabe Amerikan o Indones Nakatutuwang isipin na nagawa mong sagutin ang gawain. Ngayon, iyo namang alamin ang mga akdang pampanitikan na kanilang inambag na
  • 32.
    naging tulay upangmasilayan natin ang tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng lahi na ating pinagmulan. 26 GAWAIN 1.1.1.c : I-Q NEK Tulungan mo ang larawan na iugnay ang kaniyang sarili sa mga akdang pampanitikan na lumaganap noong Panahon ng Katutubo sa pamamagitan ng pagkukulay ng mga ito hanggang marating niya ang aklat ng panitikan na nasa pinakaibaba ng tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. nobela maikling kuwento Karagatan Pasyon awiting-bayan alamat Moro-moro korido Haiku tanaga mito epiko dula Timpalak Palanca komiks magasin salawikain dulang panradyo blog duplo palaisipan kasabihan sawikain Bugtong tulang dula pelikula dulang pantelebisyon Sarsuwela Matapos kong mataya ang dati mong kaalaman sa paksa, oras na upang ating pag-aralan ang ilan sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo.
  • 33.
    27 PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Sabahaging ito ng aralin ay makikilala natin nang ganap ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo tulad ng mga karunungang-bayan ( salawikain, sawikain/kawikaan , at kasabihan ), alamat at epiko. Nakikita at nasasalamin sa panitikan ang kalinangan ng isang lahi. Nakikita sa mga nakasulat maging sa pasalitang panitikan ang kultura, tradisyon, at mithiin ng isang bansa. Sa pamamagitan ng inilaang mga gawain sa bawat bahagi ay masasagot mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Mapauunlad mo rin ang iyong mga kaalamang panggramatika. Mauunawaan mo kung bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na gramatika/retorika sa mga araling pampanitikan. Simulan natin ang iyong pag-aaral sa bahaging ito. Una nating tatalakayin ang tungkol sa mga karunungang-bayan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan gayundin, ang dalawang uri ng paghahambing. Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang maisabuhay muli ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa matandang panitikan at mailapat sa sariling pang-araw-araw na pamumuhay. Ang ating mga karunungang-bayan bagamat payak ay mabuting hanguan ng mahahalagang impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. Samakatuwid, hindi natin dapat ipagwalang-bahala at ibaon sa limot ang mga karunungang-bayan ng ating panitikan. Tuklasin natin kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang- bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa kasalukuyang panahon. Subukin mo munang gawin ang gawain na nasa loob ng kahon sa susunod na pahina sa pamamagitan ng pagdurugtong ng angkop na ideya sa sumusunod na pahayag. 1. Makikita sa mga karunungang-bayan ang kultura, tradisyon at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong naisulat ito sapagkat ____________________________________________________ ____________________________________________________ 2. Upang maging malinaw ang pag-unawa sa salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan kailangang ____________________________________________________ ____________________________________________________
  • 34.
    Bigyan mo ngpansin ang larawan. Napansin mo ba ang pagiging simple ng pamumuhay noon? Sa iyong palagay, ano ang naging gabay at patnubay ng mga Pilipino noon sa ganitong klaseng pamumuhay? Nakatulong kaya ang mga karunungang bayan? 28 Kinuha sa : Tama! Payak ang pamumuhay noon ng mga sinaunang Pilipino. Sa kabila ng pagiging payak ay nabuhay sila nang maligaya at payapa. Pinaniniwalaang naging bahagi na ng kanilang pamumuhay ang mga karunungang-bayan. Sa bahaging ito, nais kong bigyan mo ng pansin ang tula ni Jose Rizal na bagaman naisulat noong Panahon ng Espaıol ay makikita mo ang paggamit niya ng isa sa mga karunungang-bayan na minana natin sa ating mga ninuno. Isa lamang itong patunay na ang matandang panitikan tulad ng karunungang-bayan ay may malaking impluwensiya sa mga Pilipino sa iba’t ibang panahon. Sa Aking Mga Kabata ni Jose P. Rizal Kapagka ang baya'y sadyángumiibig Sa kanyáng salitáng kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka't ang salita'y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharián, At ang isáng tao'y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaán. Ang hindi magmahal sa kanyang salitâ Mahigit sa hayop at malansáng isdâ,Kayâ ang marapat pagyamaning kusà Na tulad sa ináng tunay na nagpalà. Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,Sa Inglés, Kastilà at salitang anghel,Sapagka't ang Poong maalam tumingín Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
  • 35.
    29 Ang salitanati'y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawalá'y dinatnan ng sigwâ Ang lunday sa lawà noóng dakong una GAWAIN 1.1.1.d : PAGLINANG SA TALASALITAAN Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng biluhaba ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa tula.Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. 2. kabagay kahulugan: ____________ ____________________ naggawad kahulugan: _________ 2. 4. 5. maalam kahulugan:_______ __ sigwa kahulugan:_______ __ lunday kahulugan:_____________ __________________ Palawakin pa natin ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Batid ko na handa ka na upang linangin at paunlarin ang kakailanganing pag-unawa sa tulong ng mga angkop na gawain na ibibigay ng modyul na ito. GAWAIN 1.1.1.e : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA 1.Suriin ang tula . Tukuyin ang kasabihang ginamit ni Jose Rizal . Ilahad ang tiyak na kaisipan na nais nitong ipabatid. Gawin sa sagutang papel.Gayahin ang pormat. Sa Aking Mga Kabata KASABIHAN _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ KAISIPAN
  • 36.
    3. Kung siJose Rizal ay gumamit ng karunungang- bayan sa kaniyang tula ikaw bilang kabataan, paano mo magagamit ang mga karunungang-bayan 30 na minana pa natin sa ating mga ninuno? _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ _______________________ Ang mga gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay na ang kasabihan bilang karunungang- bayan ay kinapapalooban ng mensahe na magagamit sa buhay. Gayundin naman ang iba pang karunungang-bayan tulad ng salawikain at sawikain/ kawikaan. Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa paksa, basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng kahon. ALAM MO BA NA... KARUNUNGANG-BAYAN Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating ang mga Espaıol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan. Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas. Mga Halimbawa: ‘Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan Ang ilog ay mababaw Damdam ng buong katawan “A wattu langan a kuruga mariga “Ing taung mapibabata’ Tattolay nga minagimamma .” Dasan na ing sablang buring na” (Ibanag) (Pampango) “Walang gawaing mahirap “Ang taong matiyaga sa taong matiyaga.” natutupad ang ninanasa.
  • 37.
    31 Sawikain –Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid , ay masasabing mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag. Mga Halimbawa: parang natuka ng ahas- natulala itaga mo sa bato- pakatandaan malayo sa bituka- hindi malubha mahaba ang kamay- magnanakaw Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos , ugali, at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan. Mga Halimbawa: Tulak ng bibig Kasama sa gayak Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad. Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya Utos pa sa daga Bukas nakatunganga Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at kasabihan. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain. 3. Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan.Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. 1. Ang magtanim ng hangin, 4. Maitim ang gilagid. bagyo ang aanihin. 2. Itaga mo sa bato. 5. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo. 3. Kasama sa gayak, 6. Ubos-ubos biyaya, di kasama sa lakad. bukas nakatunganga.
  • 38.
    32 Salawikain SawikainKasabihan 1. 2. 1. 2. 1. 2. Madali mo bang nakilala ang salawikain, sawikain at kasabihan? Nakilala mo ba ang mga ito dahil sa taglay nilang mga katangian? Kung sa iyong palagay ay hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa mga ito, makatutulong ang kasunod na gawain upang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol dito. 4. Basahin at unawain ang mga nakahanay na salawikain, sawikain/kawikaan at kasabihan. Isulat ang kahulugan ng bawat isa. Gayahin ang pormat. karunungang bayan salawikain sawikain kasabihan Taong nanunuyo, Dala-dala’y bukayo Kahulugan: ________________ ________________ Itaga mo sa bato Kahulugan: _______________ _______________ Malakas ang loob, Mahina ang tuhod Kahulugan: _______________ _______________ 5. Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan. Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. A, B, C Katangian ng bawat isa D- Pagkakatulad ng tatlo
  • 39.
    Sa tulong ngmga gawain na inilaan ng araling ito ay maaari mo nang maisantabi ang maling pag-unawa sa salawikain, sawikain, at kasabihan.Ngayon ay nagawa mong paghambingin ang salawikain, sawikain at kasabihan. Alam mo ba na upang maging mabisa ang pagsusuri mo sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao, bagay , pangyayari, ideya at iba pa, kailangan ang isang maayos na paghahambing ? Ang araling ito ay naglaan ng mga gawain upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa paghahambing. 6. Basahin mong mabuti ang teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng paghahambing. Isulat sa papel ang sagot. 33 Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin din ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang buhangin doon. Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon , alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala ko si Sir James Bossier. Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya ay makababalik ako dito upang manirahan.
  • 40.
    Pagkatapos mong sagutanang gawain, nadagdagan ba ang iyong kaalaman sa ating araling panggramatika . Sa araling ito , malalaman mo kung paano susuriin ang antas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na makatutulong sa malawak mong pagtingin sa mga ito. Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika. 34 ALAM MO BA NA … MAY DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING 1. Paghahambing na magkatulad Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping kasing, sing,magsing at magkasing o kaya ay ng mga salitang gaya,tulad, paris, kapwa, at pareho. 2. Paghahambing na di-magkatulad Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay may magkaibang katangian. May dalawang uri ito: 2.1 Pasahol- Kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit itong mga salitang tulad ng lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino 2.2 Palamang- Kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan, gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at di-hamak. Mayroon ka nang sapat na kaalaman sa araling panggramatika, subukin mong maipakita ang iyong natutuhan sa bahaging ito.
  • 41.
    7. Itala moang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa tulong ng mga salita/ pahayag na ginagamit sa paghahambing. 35 Ang pagkakatulad ng salawikain, sawikain at kasabihan ___________________________ ___________________________ ___________________________ Ang pagkakaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ Bago tayo magpatuloy, balikan mo muna ang iyong mga sagot sa naunang mga gawain at ihambing mo ang iyong mga naging sagot sa daloy ng talakayan sa bahaging ito. Ano sa mga ideya mo ang tama? Ano naman ang hindi tama at dapat na iwasto? GAWAIN 1.1.1.f : Pag - Sa – Sa – Ka ( Pagpapalalim ng Pag-unawa sa Salawikain, Sawikain, at Kasabihan ) Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa ay mapagninilayan mo kung bakit mahalagang unawain ang mga akdang pampanitikan tulad ng salawikain, sawikain, at kasabihan sa kasalukuyang panahon. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na inilaan sa bahaging ito. A. Salawikain Bigyan mo ng pansin ang bahagi ng tula na ginamitan ng salawikain ng may-akda upang bigyang diin ang mensaheng nais niyang iparating. Nakikita ang butas ng karayom, Hindi ang butas ng palakol Mayroon pang taong Sobrang palapuna at palapintasin, Sa mukha ng kapwa’y Nakikikita agad ang dumi o dusing; Munting kapintasan Ng kapwa niya taong laging pinapansin Ang kamalian niya’t Mga kasamaan ay ayaw aminin. Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna Bago ka mamintas ng mukha ng iba. Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan ni Gregorio G. Cruz
  • 42.
    36 Panuto: Bumuoka ng maikling talata na magpapalawak ng iyong sagot sa tanong blg. 1. 1. Bilang kabataan, paano mo isasabuhay ang mga salawikain na ginamit sa tula? Isulat ang mga sagot sa papel. B. Kasabihan Ang kasabihan ay isa sa mga karunungang-bayan na iyo nang nakilala. Bigyan mo ng pansin ang nilalaman ng bahagi ng isang awit na nagpakilala ng mga kasabihang Pilipino na hindi dapat kalimutan. Sa pagdamay ay no.1 Matalas makiramdam Ang sakit sa kalingkingan Ay sakit ng buong katawan Kung di kaya ng nag-iisa Pagtulungan nating dalawa Ang bayanihan spirit ay taglay ng bawat isa Marunong lumingon Sa pinanggalingan Ang utang na loob Hindi nalimutan Walang puwang sa isip mo Ang crab mentalidad Hindi naiinggit Kapwa Pinoy man Ay umunlad Bahagi ng awit na Positibong Kasabihan ni Ser Jess Torres 2. Magsaliksik ka ng mga pangyayari sa iyong kapaligiran (halimbawa: batay sa obserbasyon o pansariling karanasan) na nagpapakita ng diwang isinasaad ng napiling kasabihan sa hinalaw na awit . Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Kasabihan mula sa awit _______________________________ _______________________________ Nasaliksik na pangyayari: _______________________________ _______________________________ Kasabihan mula sa awit ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ Nasaliksik na pangyayari: ______________________ ______________________ ______________________
  • 43.
    37 C. Sawikain/Kawikaan Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan, naghahatid ito ng hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon? Bigyan mo ng pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na gawain sa p. 41. Lef : Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon . Halos di kita makilala para kang hinipang lobo. Joan: Mabuti naman. Naku , Oo nga eh, napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba! Iba na rin naman ang hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Ang lakas ng dating mo. Lef : Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-kaya mo ang kursong pinangarap mo. Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y hinangad ko na. Lef: Masaya akong malaman ’yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong mararanasan. Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.
  • 44.
    38 3. Saiyong palagay, paano nakatulong ang bawat sawikain upang maging magaan ang mga pahayag ng mga tauhan? Isulat mo ang iyong sagot sa paraang patalata.Gawin sa papel. Bumuo ng iyong pamagat para sa talata. 4. Batay sa iyong naging sagot sa naunang mga gawain, ihanay mo ang kahalagahan ng salawikain, sawikain at kasabihan. Karunungang-bayan Kahalagahan Salawikain Sawikain Kasabihan Matapos mong sagutin ang mga gawain, nakaramdam ka ba ng pagmamalaki bilang isang Pilipino? Masasabi mo bang may kalinangan na ang ating lahi bago pa man tayo sakupin ng mga Espaıol? Paano mo pahahalagahan ang matatandang panitikan tulad ng karunungang-bayan na minana mo pa sa ating mga ninuno? Pagkakataon mo na upang ilahad ang iyong pananaw sa kahalagahang hatid ng karunungang-bayan sa mga kabataan sa kasalukuyan. Naniniwala ako na mapaninindigan mo ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin na iyong natutuhan sa aralin.
  • 45.
    39 GAWAIN 1.1.1.g : PAGTALUNAN NATIN, PUNTO SA PUNTO . Ilahad ang iyong panig sa paksa. Subuking gamitin ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Isulat ang sagot sa papel. KARUNUNGANG- BAYAN: MABISA PA RING GAMITIN BILANG PATNUBAY O GABAY NG KAGANDAHANG-ASAL SA KASALUKUYANG PANAHON Naipakita mo sa gawaing ito ang kahalagahan ng mga karunungang-bayan sa kabataang Pilipino. Malaki ang maiaambag mo sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng ating matandang panitikan kung ang mga ito ay magagamit mo sa iyong buhay. GAWAIN 1.1.1.h : SALAMIN NG KATOTOHANAN Suriin ang bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin sa ipinahayag na panig na ginawa sa GAWAIN 1.1.1.g. Sumulat ng repleksiyon tungkol dito. REPLEKSIYON _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ ____________________________________
  • 46.
    bayan sapagkat ________________________________________________ ________________________________________________ 2. Ang mga karunungang-bayan bagaman bahagi ng ating matandang panitikan ay masasabi kong angkop pa ring pag-aralan at isabuhay sa kasalukuyan dahil ________________________________________________ ________________________________________________ ________________________________________________ Kaya ipinagmamalaki ko ___________________________ 40 GAWAIN 1.1.1.i : DUGTUNGAN TAYO… Pagtibayin mo ang iyong natutuhang mahahalagang konsepto sa aralin sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ideya na nakapaloob sa kahon. 1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga karunungang - 3. Sa tulong ng mga karunungang-bayan, naging malinaw sa akin ang Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang sitwasyon pagkatapos, gawin mo ang Inaasahang Produkto para sa araling ito Dadalaw ngayong buwan sa inyong barangay ang mga piling senior citizen na nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng inyong Punong barangay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang brochure na naglalaman ng mga karunungang- bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing pangkabataan sa inyong barangay. Ayon sa inyong punong barangay ang brochure na dapat mong maipakita ay matataya sa sumusunod na pamantayan:
  • 47.
    41 RUBRIK PAMANTAYANLUBOS NA KATANGGGAP-TANGGAP (5) KATANGGAP-TANGGAP (3) MAHINA (1) Organisasyon Lohikal ang pagkakaayos ng mga teksto at larawan May ilang teksto at larawan na wala sa lugar Nakalilito ang pagkakaayos ng teksto at mga larawan Kalidad ng mga Larawan Klaro at tama ang perspektibo May ilang larawan na di klaro o tama ang perspektibo Karamihan sa mga larawan ay di klaro o Malabo ang perspektibo Dibuho Kaakit-akit ang brochure dahil tama ang kombinasyon ng kulay, estilo, laki ng font at pagkakaayos ng teksto at larawan Medyo kaakit-akit ang brochure kahit ay ilang maling kombinasyon na makikita sa brochure Di- gaanong kaakit-akit ang brochure dahil kitang-kita ang maling kombinasyon ng larawan, estilo, font at teksto Gamit ng Karunungang-bayan Mabisa ang pagkakagamit ng karunungang - bayan sapagkat Nakatulong ito upang maipakita ang kultura at tradisyong Pilipino Di masyadong mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang-bayan dahil di gaanong naipakita ang kultura at tradisyong Pilipino Di mabisa ang pagkakagamit ng mga karunungang - bayan sapagkat halatang pilit ang pagpapakita ng kultura at tradisyong Pilipino Nakatulong ba nang malaki ang mga kaalamang natutuhan mo sa kabuuan ng aralin sa pagbuo ng Inaasahang Produkto? Higit pa sa mga kaalaman, konsepto at ideyang natutuhan mo sa bahaging ito ng modyul, inaasahan ko na maisasabuhay mo ang mga aral na nakapaloob sa ating mga karunungang-bayan. Samantala, naniniwala ka ba na mahalagang malaman ang pinagmulan ng mga bagay sa ating paligid? Naisip mo rin ba na ang mga bagay na iyong napakikinabangan sa kasalukuyan ay nagtataglay ng mga kuwento ng kanilang pinagmulan? Ang susunod na aralin na iyong pag-aaralan ay isang akdang pampanitikan na makatutulong sa iyo upang higit mong makilala ang pinagmulan at kahalagahan ng pagsulpot ng mga bagay sa iyong kapaligiran,
  • 48.
    ang alamat. Batidko ang iyong pananabik sa aking tinutukoy kaya maaari ka nang humakbang sa susunod na aralin para pag-aralan ito. 42 ARALIN 1.1.2 : ALAMAT Sinasabing ang ilang kaalaman natin ngayon ay kinuha ng mga mananaliksik sa saling-dila ng matatanda. Sa pag-usad ng panahon, maaaring nagbabago ang mga alamat gayunpaman hindi nawawala ang katangian nitong maglahad ng pinagmulan ng tao, bagay, lunan , o pangyayari. Ang aralin na ito ay tutulong sa iyo upang mauunawaan mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi. Matapos mong pag-aralan ang mahahalagang konsepto sa aralin, ikaw ay inaasahang makabubuo ng informercial na nagtatampok sa kultura at tradisyong Pilipino.Gayundin, mapagtitibay mo kung paano kasasalaminan ng kultura, tradisyon, at kaugalian ang alamat tulad ng iba pang akda na lumaganap sa Panahon ng Katutubo. Bago mo alamin ang mahahalagang konsepto sa araling ito, nais ko munang mataya ang iyong kabatiran sa ating paksa. Simulan mo sa pagsagot sa sumusunod na gawain. GAWAIN 1.1.2.a : LARAWAN NG PINAGMULAN Pansinin mo ang mga larawan na nasa loob ng kahon. Pamilyar ka ba sa mga ito? Alamin natin ang iba mo pang kaalaman sa paksang iyong pag-aaralan sa tulong ng mga larawan.Subukin mong sagutin ang kasunod na mga tanong. a. Ano-ano ang maaaring maging paksa ng alamat? b. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? c. Makikita ba sa bawat paksa ng alamat ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan. Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.com.ph/search
  • 49.
    Nakatulong ba saiyo ang ginawa mong pagsagot sa mga tanong upang makilala ang alamat bilang isang akdang pampanitikan? Huwag kang mag-alala, ang modyul na ito ay tutulong sa iyo upang pagyamanin ang iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan. ibalik ang puso ng ina ngunit wala na itong buhay. Dahil sa ginawa niya ay biglang pinarusahan at naging BUTIKI na gumagapang sa mga kisame at haligi. Ito ang parusa sa anak na walang utang na loob sa kaniyang pinanggalingan. Pagkakita sa puno,naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa, doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. Ang halamang iyan ay si Aging, wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na Agingna di nagtagal ay naging saging. 43 GAWAIN 1.1.2.b : WAKAS NG PINAGMULAN Sa isang kuwento , pelikula o teleserye man, kaabang-abang ang bahaging resolusyon o kinahinatnan sapagkat dito malalaman ng mambabasa o manonood kung ano ang maaaring mangyari sa pangunahin at iba pang sangkot na tauhan. Sa isang alamat, gaano kaya kahalaga ang wakas na bahagi nito? Paano nakatutulong ang wakas upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Narito ang ilang halimbawa ng wakas sa ilang alamat. Suriin mo ang kinahinatnan ng mga tauhan. Isulat ang sagot sa papel. Nanangis ang binata at nagsisi sa kanyang narinig. Gusto niyang Puna: Halaw sa Alamat ng Butiki _______________________________________________________ Puna: Halaw sa Alamat ng Saging ___________________________________________________________________
  • 50.
    44 Nagluksa angRajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay. Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon. Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon Puna ______________________________________________________ Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas? 2. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o pagkamatay ng pangunahing tauhan? GAWAIN 1.1.2.c : KILALANIN ANG PINAGMULAN Batay sa mga impormasyon na nailahad sa mga naunang gawain, paano mo mailalarawan ang alamat bilang akdang pampanitikan? Isulat ang sagot sa papel gamit ang fan fact analyzer. Gayahin ang pormat. ALAMAT Nataya na natin ang iyong dating kaalaman sa paksa at alam ko na handa ka nang dagdagan pa ito sa pamamagitan ng mga gawain na batid kong makatutulong sa iyo upang malinang mo ang kinakailangang pag-unawa .Simulan natin sa pamamagitan ng pagsagot mo sa mga tanong na magiging gabay sa iyong pag-aaral mula simula hanggang huling bahagi ng araling ito.
  • 51.
    45 Mga Gabayna Tanong: 1. Paano nakatutulong ang alamat sa pag-unawa ng pinagmulan ng mga bagay sa kasalukuyan? 2. May saysay pa ba ang mga alamat bilang mga akdang pampanitikan sa kasalukuyan? Patunayan. 3. Nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Patunayan. GAWAIN 1.1.2.d : TUGON MO…MAHALAGANG ALAMIN Sa bahaging ito, nais kong malaman ang antas ng iyong pag-unawa sa aralin na ating pag-aaralan. Subukin mong sagutin ang mga nakatala sa mga gabay na tanong upang magabayan ka sa pagpapalawak ng paksa na nasa loob ng kahon. Ang Kahalagahan ng Alamat sa Kasalukuyan _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _____________________________________________ Huwag kang mag-alala kung sa tingin mo ay hindi mo nasagot nang wasto ang mga katanungan.Naglaan pa ng mga gawain ang modyul na ito upang matulungan ka sa pagkilala ng mga tamang konsepto ng aralin . Ang bahaging ito ng aralin ay makatutulong upang maunawaan mo ang mga konsepto at kasanayang dapat mong malinang sa paksa. Kailangang mapalawak at mapaunlad mo pa ang iyong dating kaalaman nang sa gayon ay mabatid mo kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang panitikan ng ating lahi.
  • 52.
    46 Basahin atunawain. Mina ng Ginto Alamat ng Baguio Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakama-lakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caıao bilang parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kung nagdaraos sila ng caıao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil. Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “
  • 53.
    Marahil ang ibongiyon ay ang sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caıao.” Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caıao, ” ang pasiya ni 47 Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang caıao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay naghanda ng masasarap na pagkain. Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay nagagalit sa kanila. Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot. Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala, gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking ipagbilin. “Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caıao. Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito. Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga,dahon, at sanga ay maaari ninyong kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain ang katawan nito.”
  • 54.
    Tinupad naman ngmga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda. Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-liitang dahon. Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng mga tao. Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.” Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit. Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “ Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na kayo’y higit na mag-ibigan , kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod ang aking 48
  • 55.
    ipinagbilin na huwagninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong nanaisin ang gintong iyan.” At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa. Masasalamin ba sa alamat ang kultura at tradisyon ng isang pangkat ng mamamayan sa ating bansa? Maituturing mo bang yaman ng lahi ang mga alamat sa ating panitikan? Bago mo sagutin ang mga tanong, bigyan mo ng pansin ang kasunod na mga gawain upang higit mong maunawaan ang nilalaman ng binasa mong alamat. 49 GAWAIN 1.1.2.e : PAGLINANG NG TALASALITAAN Suriin ang mga salitang nakahilig sa loob ng pangungusap. Bigyan ng kahulugan ayon sa pagkakagamit sa akda. Isulat sa papel ang mga sagot. 1. Taon-taon ay nagdaraos sila ng caıao bilang parangal sa kanilang mga anito. Kahulugan - _______________________________________ 2. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito. Kahulugan - ______________________________________ 3. Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Kahulugan - ______________________________________ 4. Siya’y bumalik sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Kahulugan - _______________________________________ 5.Marahil, ang ibong iyon ay ang sugo ng ating bathala. Kahulugan - ______________________________________ Batid ko na nakatulong ang mga salitang binigyan mo ng kahulugan upang iyong maunawaan ang kultura at tradisyon na mayroon ang mga Igorot. Subukin natin ang lalim ng iyong pag-unawa sa ilang mahahalagang konsepto ng akdang binasa.
  • 56.
    Ang gawaing itoay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan 50 GAWAIN 1.1.2.f : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA ang daloy ng mga pangyayari sa alamat. 1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Gitna Simula Wakas 2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda ? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Gawin sa papel. 3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN SIMULA GITNA WAKAS Sa bahaging ito, iyong napagtibay na nangingibabaw sa alamat ang mga di- makatotohanang pangyayari na nagpapaigting upang maging kapana-panabik ang kuwento na nakapaloob dito. Gayundin, sa tulong ng mga di-makatotohanang pangyayari nabubuo ang pinagmulan ng mga bagay.
  • 57.
    __________ __________ __________ ______ __________ ___________ __ ___________ ___________ ____ 51 4. Mula sa akdang binasa, itala ang kultura at tradisyon ng mga Igorot sa tulong ng dayagram. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Mina ng Ginto Igorot Kultura At Tradisyon ___________ ___________ ___________ ___________ ___________ __________ __________ 5. Balikan mong muli ang naitala mong mga kultura at tradisyon ng mga Igorot. Sa iyong palagay , nananatili pa rin ba ang mga ito sa kasalukuyan? Itala ang iyong sagot sa tsart. ( Maaring magsaliksik ang mag-aaral sa bahaging ito ). Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. KULTURA NG IGOROT Ano- ano ang mga kulturang binanggit sa akda? Sa kasalukuyan, nananatili pa rin ba ito? Oo o Hindi Patunay Napatunayan mo sa bahaging ito na ang alamat bilang akdang pampanitikan ay sumasalamin sa kultura, tradisyon, at kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito. Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain. Layon ng araling ito na mapalawak pa ang iyong kaalaman sa paksang tinatalakay . Makatutulong kung iyong babasahin at uunawain ang mahahalagang konsepto na nakatala sa loob ng kahon.
  • 58.
    52 ALAM MOBA NA… Ang Alamat Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga Piipino bago pa dumating ang mga Español. Karaniwang kathang-isip o maaari namang hango sa tunay na pangyayari. Pinagmulan ng isang pook, ng isang halaman o punongkahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay ang karaniwang paksa nito. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa. Mababakas sa alamat ang matatandang kaugaliang Pilipino. Layunin din ng alamat na manlibang. May tatlong bahagi ang alamat. Simula: Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gagampanan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida, o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang nagsasaad ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. Gitna: Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging nagsasaad sa pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan sa sarili , sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan maaaring makamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. Wakas: Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan . Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging maglalahad ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay naipakita ang mga pangyayari na sumasalamin sa kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang panlipunan ng sinaunang Pilipino.
  • 59.
    Pagkatapos mong malamankung ano ang alamat at mga bahagi nito, bigyan mo naman ng pansin ang mahalagang gamit ng panahon at pook . Sa iyong palagay nakatutulong ba ang paggamit ng mga lugar at panahon upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa isang kuwento tulad ng alamat? Gawin mo ang mga susunod na gawain upang masagot mo nang wasto ang mahalagang tanong hinggil sa paksang ito .Isulat sa sagutang papel. Sa bahaging ito masusukat ang iyong kasanayang panggramatika. Malalaman natin ang antas ng iyong kaalaman sa araling pangramatika na iyong pag-aaralan. Basahin mo ang bahagi ng kuwento na nasa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong . namumutawi kundi isang impit na “ Diyos Ko!!!” Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang “ hayaan-mo-na ang Nanay” na tingin. Kasabay ng isang malalim na buntung-hininga, si Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na. nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siya’y hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap, at saka ngayon pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong itinusok sa kanya ng manggagamot, ay saka…. Halaw sa Impong Sela ni Epifanio G. Matute 53 Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan a. Suriin ang mga salitang may salungguhit.Nagbibigay- turing ba ito sa mga salitang nakihilig o naglalarawan? b. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit upang mabisang maipabatid ang mahalagang pangyayari sa alamat? Patunayan. c. Anong bahagi ng panalita ang mga salitang may salungguhit? Pagkatapos mong sagutin ang mga tanong, may ideya ka na ba kung ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan upang malinaw na maipabatid ang mga pangyayari sa isang kuwento? Makatutulong sa iyo nang malaki ang mga impormasyon na nakatala sa kasunod na kahon upang ganap mong maunawaan ang araling panggramatika.
  • 60.
    54 ALAM MOBA NA… PANG-ABAY NA PAMANAHON AT PANG-ABAY NA PANLUNAN Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. Napapangkat ang ganitong uri ng pang-abay: (1) yaong may pananda at (2) yaong walang pananda. Gumagamit ng nang , sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon Mga halimbawa: 1. Kailangan ka bang pumasok nang araw-araw? 2. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw. 3. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho. 4. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag- ayuno. 5. Tuwing Pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak. May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali at iba pa. Mga Halimbawa: 1. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap kahapon ng “National Artist Award” buhat sa Pangulo. 2. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino
  • 61.
    3. Magsisimula pamaya-mayaang kumbensiyon tungkol sa pagpapabahay sa mahihirap. 4. Ipinagdiriwang ngayon ng Makati ang ika-262 anibersaryo ng kaarawan ni Gabriela Silang. 5. Panauhing pandangal mamaya ang bagong pangulo sa pagkakaloob ng Gantimpalang TOYM. Ang pang-abay na panlunan ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa. Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Kay o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang Sa tulong ng mga nabasa mong impormasyon sa ating araling pang-gramatika, kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Ang pangngalang pantanging ngalan ng pook o bagay ay pinangungunahan ng sa. Narito ang Ilang Halimbawa: Naglaan ng iba pang mga gawain ang modyul na ito upang ganap na 1. sa + pangngalang pambalana Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. 1. Balikan mong muli ang alamat na “ Mina ng Ginto. “ Sumipi ka ng mga pangungusap na nagtataglay ng mga pang-abay na pamanahon at pang-abay na panlunan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 55 batid ko na nananabik ka nang sumagot muli sa mga gawain upang masubok ang iyong mga kakayahan. mataya ang bisa ng mga konseptong iyong natutuhan . GAWAIN 1.1.2.h : PAGPAPATIBAY NG KAALAMAN MINA NG GINTO Pang-abay na Pamanahon Pang-abay na Panlunan
  • 62.
    2. Mula parin sa alamat na “ Mina ng Ginto,” pumili ka ng nagustuhan mong bahagi at ibuod ito. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan na nakapaloob dito. Gawin sa papel. 56 3. Paano nakatutulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang alamat? Isulat ang iyong sagot sa papel. Malinaw na sa iyo ang gamit ng pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay tulad ng alamat, inaasahan ko na ang mga mali mong ideya ay naiwasto na.Higit sa lahat, dapat nabatid mo rin kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi. Bukod sa alamat ang isa pang matandang panitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo ay ang mga kuwentong-bayan. Tulad ng alamat, sa iyong palagay, tumutulong din ito sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura, tradisyon, at kaugaliang Pilipino na minana natin bilang isa sa matatandang uri ng panitikan ng ating lahi? Sa bahaging ito , muli mong suriin kung paano nakatulong ang pang-abay na pamanahon at panlunan sa isang salaysay upang mabisang maipabatid ang mahahalagang pangyayari sa akda. Basahin at unawain. NAGING SULTAN SI PILANDOK kuwentong -bayan ng Maranaw Ang kinagigiliwang Juan ng Katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harapan na nakasuot ng magarang kasuotan ng Sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginintuang tabak. Hindi ba't itinapon ka na sa dagat? nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. Siya pong tunay, mahal na Sultan, ang magalang na tugon ni Pilandok. Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon, ang wika ng Sultan.Hindi po ako namatay, mahal na Sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na
  • 63.
    mamatay sa isangkahariang masagana sa lahat ng bagay? ang paliwanag ni Pilandok. Marahil ay nasisiraan ka ng bait, ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat. Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo, ang paliwanag ni Pilandok. May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak. Umakmang aalis na si Pilandok.Hintay, sansala ng Sultan kay Pilandok. Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang Sultan ng mga Sultan at ang iba ko pang kamag-anak. Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang sultan saloob ng isang hawla. Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat, ang sabi ng Sultan. Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis? ang tanong ni Pilandok.Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon. Sandaling nag-isip ang Sultan at nakangiting nagwika, Gagawin kitang pansamantalang Sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin. Hintay, mahal na Sultan, ang pigil ni Pilandok. Hindi po ito dapat mlaman ng inyong mga ministro.Ano ang nararapat kong gawin? ang usisa ng Sultan. Ililihim po natin ang bagay na ito.Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako, ang tugon ni Pilandok. Pumayag naman ang Sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok anghinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging Sultan. 57
  • 64.
    Ang paggamit ngkaugnay na teksto ay makatutulong upang higit na mapagyaman ang kaalaman at kasanayan sa mga araling pampanitikan at panggramatika. Subukin mong sagutin ang mga susunod na gawain upang mapalalim mo pa ang iyong kakayahang sumuri at umunawa. 58 GAWAIN 1.1.2.i : PALALIMIN ANG KAALAMAN 1. Mula sa binasang akda, patunayan mo na masasalamin sa kuwentong- bayan ang kultura, tradisyon, kaugalian, at kalagayang panlipunan ng isang pangkat ng mamamayan sa Pilipinas. Naging Sultan si Pilandok Mahusay! Madali mong natukoy ang kultura, tradisyon, Kultura at Tradisyon kaugalian, at kalagayang panlipunan sa akdang iyong binasa. Marahil ay iyo nang naba- batid na sa tulong ng panitikan ay maaari mong masilip ang ating nakaraan. 2. Sa kasalukuyang panahon, sino ang maituturing mong Pilandok? Bakit? Isulat sa papel ang iyong sagot. 3. Paghambingin mo ang alamat at kuwentong- bayan batay sa mga katangiang taglay ng mga ito bilang akdang pampanitikan. Kaugalian Kalagayang Panlipunan ALAMAT KUWENTONG BAYAN Katangian Pagkakatulad Katangian
  • 65.
    Mabisa mo bangnapaghambing ang dalawang akdang pampanitikan ? Natitiyak kong nakatulong ang ginawa mong paghahambing upang higit mong ma-pahalagahan ang mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Katutubo. 4. Bumuo ka ng isang kuwento na magtatampok ng natatanging kultura, 59 tradisyon, kaugalian o kalagayang panlipunan ng inyong bayan sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Alam kong ang iyong kaalaman ay napagyaman na sa tulong ng sinagutan mong mga gawain. Higit sa lahat, batid kong nakatulong ang araling ito upang tumibay ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo . Binabati kita at nagawa mong lampasan ang mga gawain.Ngayon, alam kong sapat na ang iyong kaalaman at kasanayan upang maisakatuparan ang inaasahang produkto para sa araling ito. Pag-aralan mo ang sitwasyon. Sitwasyon: Ang araw ng pagkakatatag ng inyong pamahalaang lungsod ay nalalapit na. Kaya naman bilang paghahanda, ang lahat ng punong barangay ay ipinatawag ng inyong mayor upang ibahagi ang mahalagang impormasyon hinggil sa gaganaping pagdiriwang. Ayon kay mayor, ang lahat ay kailangang lumahok sa paligsahan sa pagbuo ng infomercial para sa paksang “ Bayan ko… Ipinagmamalaki ko”. Kaya, ikaw bilang punong barangay sa inyong lugar ay inatasang maghanda sa nabanggit na paligsahan. Ang pagtatanghal ng infomercial ang pinakatampok na gawain sa pagdiriwang. Inaasahan na sa araw na iyon ay darating ang mga piling panauhin tulad ng DILG secretary, congressman at mayor mula sa iba’t ibang lungsod.Ang infomercial ay matataya sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan. a. Nilalaman b. May kaugnayan sa paksa c. Pagiging masining d. May orihinalidad e. Batay sa pananaliksik f. Tapat
  • 66.
    Natutuwa ako atnagawa mong maisakatuparan ang Inaasahang Produkto para sa araling ito. Batid ko na lahat ng konsepto sa araling pampanitikan at panggramatika na iyong natutuhan ay mananatili at mapauunlad mo pa. Ngayon, alam ko na handa ka na sa pagkilala sa bagong aralin. Subalit bago mo ito pag-aralan , subukin mo munang sagutin ang sumusunod na tanong. May paborito ka bang superhero? Anong katangian niya ang iyong nagustuhan? Maituturing mo ba siyang bayani ng iyong buhay? Marahil ay nagtataka ka kung ano ang kaugnayan ng aking mga tanong sa susunod na araling iyong pag-aaralan. Kaya, simulan mo nang silipin ang mundo ng epiko nang sa gayo’y higit mong maunawaan ang mga kaisipan/ konseptong nakapaloob dito. Huwag mong hayaang mawala ang iyong sigla sa pag-aaral dahil alam kong ang susunod na aralin ay tulad ng alamat, maipagmamalaki mo ito bilang bahagi ng panitikan ng iyong lahing pinagmulan. 60 Aralin 1.1.3: EPIKO Matapos mong maunawaan ang katangian at kahalagahan sa buhay ng mga Pilipino ng ilang sinaunang panitikan, sa bahaging ito ay iyong makilala ang isa pang itinuturing na maipagmamalaking matandang panitikan – ang epiko. Kung nais nating mabakas ang kasaysayang may kaugnayan sa kalinangan ng ating lahi at nais nating matagpuan muli ang ating mga sarili ay napapanahon na upang balikan at pagtuunan ng pansin ang ating mga epiko. Bagama’t ito ay nalikha batay sa kababalaghan at nagtataglay ng mga di- kapani-paniwalang pangyayari, kasasalaminan ang epiko ng kultura ng rehiyong pinagmulan nito na tunay na maipagmamalaki. Ang araling ito ay tutulong sa iyo upang maunawaan mo kung bakit napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Sa kabuuan ng iyong pag-aaral sa araling ito, ikaw ay inaasahang makabubuo ng biopoem na nagtatanghal ng karaniwan o simpleng mamamayan na nakagawa ng kabayanihan sa kaniyang kapwa.
  • 67.
    61 GAWAIN 1.1.3.a:LARAWAN NG KABAYANIHAN Bago natin paunlarin ang iyong kaalaman sa ating tatalakayin, nais kong subukin muna ang dati mo nang alam sa paksang pag-aaralan natin . Kilalala mo ba ang mga nasa larawan? Kung gayon sagutin mo ang mga tanong tungkol sa kanila. Ang mga larawan ay hinango sa http://www.google.com.ph/search a. Ano ang iyong pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan? b. Ano ang mga katangian nila na ‘di makikita sa karaniwang tao? c. Maituturing ba silang mga bayani? Bakit? Alam mo ba na noon pa man ay may kinikilala na ang ating mga ninuno na tulad ng mga Pinoy Superhero sa kasalukuyan? Matatagpuan sila sa ating mga epiko. Itinuturing sila bilang mga bayani ng kani-kanilang rehiyon. Tatalakayin sa araling ito ang mga katangian ng epiko upang iyong maunawaan ang kabisaan nito bilang akdang pampanitikan. Gayundin ang kahalagahan ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan upang maging tiyak at malinaw ang isinasaad ng kilos ng mga tauhan sa bawat pangyayari ng epiko. Mga Gabay na Tanong: 1. Paano lumaganap ang epiko sa Pilipinas mula noong Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? 2. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo? 3. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa kilos ng tauhan sa mga pangyayari sa isang epiko? Patunayan.
  • 68.
    62 GAWAIN 1.1.3.b: MAIKLI LANG…SUBUKIN MO Bago tayo magsimula sa ating pag-aaral, sagutin mo muna ang mga tanong na nakatala sa itaas sa pamamagitan ng pagsulat ng Five - Minute Essay. Huwag kang matakot na ibahagi ang iyong kaalaman sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga sagot ay malalaman ng modyul na ito ang antas ng iyong kaalaman sa paksa. Batay sa iyong naging sagot, naniniwala ako na hindi ka mahihirapan sa mga gawaing inihanda ko para sa araling ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay malinang at mapaunlad ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan, katangian, at kahalagahan ng epiko bilang akdang pampanitikan. Tuklasin mo rin kung bakit napabilang ang epiko sa matatandang uri ng panitikan na nananatili pa rin sa kasalukuyan. Ngunit bago natin talakayin ang mahahalagang konsepto ng aralin, alamin muna natin kung paano umusbong ang epiko bilang akdang pampanitikan sa ating bansa. Basahin at unawain. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong epos na nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur, isang lalaki na kinuhang manunulat ng mga Español sa kanilang kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at matalino. Lahat ng kaniyang isinulat
  • 69.
    63 ay tinawagniyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng mga Español na epiko na ang ibig sabihin ay “ dakilang likha”. Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula. Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan, mayroong mga popular na tulang pambayan, o mga tulang epiko, bago pa man dumating sa bansa ang mga banyaga. Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang). Ito ay isinulat ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng mga Bicolano na batay naman sa mga bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Español at hindi sa bibig ng mga katutubo. Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman natin sa CAR (Cordillera Administrative Region) partikular sa Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim. Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa iba’t
  • 70.
    ibang dako ngbansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito. Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at Handiong, samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan, Indarapatra at Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad (di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng Palawan, Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami pang iba. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan. Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno. Pagkatapos mong basahin ang kaligirang pangkasaysayan ng epiko, paano mo pahahalagahan ang epiko bilang bahagi ng panitikan ng ating lahi? Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, makababasa ka ng isang halimbawa ng epiko. Suriin mo kung ano ang mahahalagang katangian nito nang sa gayo’y maunawaan mo kung bakit nananatili pa rin ito bilang isa sa matandang panitikan ng ating bansa. Pansinin mo rin kung paano nakatulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa malinaw na paglalarawan ng kilos ng bawat tauhan na nakatulong upang maging malinaw ang daloy ng mga pangyayari sa epiko. Basahin at unawain. 64
  • 71.
    65 Si Tuwaangat ang Dalaga ng Buhong na Langit Sa Kaharian ng Kuaman, may isang lalaking nagngangalang Tuwaang. Tinawag niya ang kaniyang kapatid na si Bai. Lumapit si Bai, at ito ay nagdala ng nganga. Ang magkapatid ay ngumuya ng nganga. Sinabi ni Tuwaang na may dalang mensahe ang hangin na pinapapunta siya sa kaharian ni Batooy, isang bayani sapagkat may dalagang dumating sa kaharian ngunit hindi siya nakikipag-usap sa mga kalalakihan doon, kaya pinatawag ng isa sa mga kalalakihan ang hangin para ipatawag si Tuwaang. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Kinakabahan si Bai sa maaaring mangyayaring masama kay Tuwaang. Pero hindi nakinig si Tuwaang sa sinabi ni Bai. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang mga armas. Kinuha niya ang kaniyang sibat at kalasag at tinawag ang kidlat upang dalhin siya sa lugar ng Pinanggayungan. Pagkarating doon ay bumisita siya sa bahay ng Binata ng Pangavukad. Sinamahan siya ng binata ng Pangavukad sa kaniyang paglalakbay. Sila’y nakarating sa tahanan ni Batooy. Humiga si Tuwaang sa tabi ng dalagang nagbalita sa kaniya at kaagad na nakatulog. Bumunot ang dalaga ng isang buhok ni Tuwaang na nakalawit. Nagsalita ang dalaga at nakilala na nila ang isa’t isa. Ang dalaga ay ang Dalaga ng Buhong na Langit. Tumakas siya at nagtatago mula sa Binata ng Pangumanon, isang higante na may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap. Gusto siyang pakasalan ng binata ngunit tinanggihan niya ang alok. Nagalit ang binata at sinunog ang bayan ng dalaga. Sinundan niya ang dalaga saan man siya mapadpad at sinunog niya ang mga bayan na
  • 72.
    pinagtataguan ng dalaga,kaya naghanap ang dalaga ng pagtataguan sa mundong ito. Pagkatapos magkuwento ang dalaga kay Tuwaang, dumating bigla ang Binata ng Pangumanon, balot ng apoy, at pinagpapatay niya ang mga tao sa kaharian ni Batooy. Naglaban si Tuwaang at ang Binata ng Pangumanon gamit ang kanilang mga sandata. Ngunit magkasinlakas silang dalawa, at nasira ang kanilang mga sandata. Tinawag ng Binata ng Pangumanon ang kaniyang patung, isang mahabang bakal. Ito’y kaniyang ibinato at pumulupot kay Tuwaang. Lumiyab ito ngunit itinaas ni Tuwaang ang kaniyang kanang bisig at namatay ang apoy. Tinawag ni Tuwaang ang kaniyang patung at ibinato sa binata. Lumiyab ito at namatay ang binata. Pagkatapos ng labanan ay binuhay niya ang mga namatay na tauhan gamit ng kaniyang laway. Dinala niya ang dalaga sa kaniyang bayan sakay ng kidlat. Ikinuwento ng Gungutan na nakita niya sa kaniyang panginip na darating si Tuwaang sa Kawkawangan. Inalok naman ni Tuwaang ang Gungutan na sumama sa paglalakbay niya; tinanggap naman ito ng Gungutan. Tumuloy na sila sa paglalakbay. Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong salumpuwit, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagasunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita) ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon. Nagsimula ang mga unang seremonya ng kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng 66
  • 73.
    babaeng ikakasal, hanggangmay naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay. Lumabas ang Dalaga ng Monawon, ang dalagang ikakasal para magbigay ng nganga sa lahat ng bisita. Pagkatapos niyang bigyan ang lahat ng panauhin ng nganga, umupo siya sa tabi ni Tuwaang. Nagalit ang Binata ng Sakadna. Hinamon ng binata si Tuwaang sa labas ng bahay. Ang Gungutan, samantala ay nakapatay na ng mga kasama ng binata hanggang sa anim na lang ang natira. Nagkipaglaban ang dalawa sa anim na kalaban hanggang ang natira na lamang ay si Tuwaang at ang Binata ng Sakadna. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa at nakita niya ang isa sa mga tagapagbantay ng mundong ilalim. Bumalik agad sa mundo ang binata at itinapon naman si Tuwaang sa mundong ilalim, kung saan nakita rin ang tagapagbantay rito. Nalaman ni Tuwaang ang kahinaan ng binata, at pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng buhay ng binata. Dahil mas ginusto ng binata na mamatay kaysa mapabilang sa kampon ni Tuwaang, sinira ni Tuwaang ang plawta at ang binata ay unti-unting namatay. Inuwi ni Tuwaang ang dalaga sa Kuaman kung saan siya ay naghari 67 habambuhay. Ang akdang iyong binasa ay nagpapatunay na ang panitikang Pilipino ay kasasalaminan ng kultura, tradisyon,kaugalian, at kalagayang panlipunan noong panahong naisulat ito. Upang higit na mapagtibay ang ideyang ito, subuking sagutin/gawin ang mga inilaang gawain ng modyul na ito.
  • 74.
    68 GAWAIN 1.1.3.c: Paglinang ng Talasalitaan Bigyan mo ng kahulugan ang mga salitang ginamit sa akda upang higit mong maunawaan ang nilalaman nito. Isulat ang sagot sa papel. _______________ _________________________ ____________________ patung sinaunang gong gintong salumpuwit nganga gintong bansi _____________________ _ ____________ Malaking tulong ang ginawa mong pagsasaliksik sa mga salitang ginamit sa akda upang ang mga ito ay mabigyan mo ng kahulugan. Hindi ba’t nakatulong ito upang madali mong maunawaan ang nais ipabatid ng akda gayundin ang kahalagahan ng mga ito sa pamumuhay ng isang pangkat-etniko? GAWAIN 1.1.3.d : SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Sa bahaging ito, mabibigyan mo ng pansin ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pampanitikan. Mapagtitibay mo kung tunay nga itong kasasalaminan ng kultura, tradisyon, uri ng pamumuhay at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino noong panahong naisulat ito. 1. Isa sa mga katangiang taglay ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring may kababalaghan. Isa-isahin ang mga kababalaghang nakapaloob sa binasang epiko. Pagkatapos, sagutin mo ang tanong: “Sa iyong palagay, paano nakatulong ang nasabing kababalaghan upang makilala ang mga tauhan? “ Gamitin mo ang dayagram sa iyong pagsagot.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
  • 75.
    Ang paglalahok ngmga pangyayaring di-kapani-paniwala o kababalaghan sa epiko ay sinasabing nakapagpapakita ng pagka- Pilipino. Hindi ba’t bahagi na ng iyong pagka-Pilipino ang maniwala sa anting-anting, gayuma, pamahiin, at iba pa? 2. Suriin mong mabuti ang pangunahing tauhan. Batay sa mga detalye at pangyayaring nakapaloob sa epiko, bumuo ka ng Character Profile tungkol sa pangunahing tauhan . 69 TUWAAN G Mga Kababalaghan Para sa akin, nakatulong ang mga kababalaghan sa epiko sa pagkilala ng mga tauhan sapagkat ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Pangalan:___________________________________________ Edad: ____________________________________________ Tirahan: __________________________________________ Hilig: ____________________________________________ Katangian:_________________________________________ Kakayahan:_________________________________________ Pangarap: ________________________________________ Misyon: _______________________________________
  • 76.
    Naunawaan mo naba kung bakit itinuturing na bayani sa kani-kanilang pook ang pangunahing tauhan sa epiko? Katanggap-tanggap bang maituturing ang katangiang taglay ng pangunahing tauhan upang kilalanin siya bilang bayani? Ang susunod na gawain ay makatutulong sa iyo upang maging ganap ang iyong pag-unawa sa kabayanihan ng bawat pangunahing tauhan sa epiko. 3. Bumasa ka ng isa pang halimbawa ng epiko. Suriin mo ang katangian ng pangunahing tauhan. Pagkatapos, gumawa ka ng paghahambing sa mga pangunahing tauhan ng epikong iyong binasa at epikong “ Tuwaang”. Gumamit ng Venn Diagram. Gayahin ang pormat sa papel at doon isulat ang sagot. Tuwaang A C Tauhan sa ibang epiko A at B: Pagkakaiba C: Pagkakatulad B 4. Ano ang mga pangyayari na nagpapatunay na ang akdang binasa ay 70 epiko ng mga Bagobo? Isa-isahin ito. TUWAANG Epiko ng mga Bagobo Mga Patunay Madali mong makikilala ang isang epiko kung saang rehiyon ito nabibilang dahil sa kultura at tradisyong nakapaloob dito. Sa epikong iyong binasa, nakilala mo ba nang bahagya ang mga Bagobo?
  • 77.
    5. Matapos mongsagutin ang mga naunang gawain, sa iyong palagay, ano ang mga katangian ng epiko upang matukoy ang kaibahan nito sa iba pang akdang pampanitikan ? Ipaliwanag. Sa tulong ng mga gawain na iyong isinagawa, sa tingin ko, unti-unti mo nang nakikita ang kasagutan sa mahalagang tanong na ” Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? At upang maging matibay ang iyong pag-unawa sa araling pinag-aaralan, bigyan mo ng pansin ang mahahalagang 71 impormasyon . Alam mo ba na ... Ugnay-Panitikan EPIKO Dala ng mga ninunong nandayuhan sa Pilipinas ang mga epiko. Mahabang tulang pasalaysay ito tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Naglalaman ang epiko ng mga pangyayaring di kapani-paniwala. Mga Anda ng Epiko: 1. Ang pag-alis o paglisan ng pangunahing tauhan sa sariling tahanan. 2. Pagtataglay ng agimat o anting-anting ng pangunahing tauhan. 3. Ang paghahanap ng pangunahing tauhan sa isang minamahal. 4. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan. 5. Patuloy na pakikidigma ng bayani. 6. Mamamagitan ang isang bathala para matigil ang labanan. 7. Ang pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo. 8. Pagkamatay ng bayani. 9. Pagkabuhay na muli ng bayani. 10. Pagbabalik ng bayani sa sariling bayan. 11. Pag-aasawa ng bayani. Kung magpopokus sa tatlong punto: ang paulit-ulit na paksa atema, ang pagsasalarawan ng mga lalaking bayani, at ang mga pangunahing babaeng karakter sa istorya; ating makikita kung paano naipakikita ng epiko ang kultura ng isang pangkat ng tao.
  • 78.
    72 Ang Paulit-ulitna Paksa o Tema katapangan at pakikipagsapalaran ng bayani mga supernatural na gawa ng bayani pag-ibig at romansa panliligaw – pag-aasawa – pagbubuntis – mga yugto ng buhay kamatayan at pagkabuhay pakikipaglaban at kagitingan ng bayani kayamanan, kaharian at iba't ibang mga kasiyahan o piging mga ritwal at kaugalian ugnayan ng magkakapamilya Ang Lalaking Bayani Sa pagbabasa ng mga epiko, agad na makikita ang katangian ng isang bayani. Karamihan sa kaniyang mga katangian ay mauuri sa alinman sa sumusunod: pisikal, sosyal, at supernatural. Maaari ding isama ang kaniyang intelektwal at moral na katangian Ang Pangunahing Babaeng Karakter Ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang babaeng iniibig ng bayani o maaari rin namang tinutukoy rito ang kanyang ina. Ilang Epiko sa Pilipinas Biag ni Lam-ang- Ilokos Maragtas- Bisaya Bantugan- Mindanao Hudhud - Ifugao Darangan – Muslim Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa paksa, naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman at lumawak pa ang iyong pag-unawa sa aralin. Nais kong suriin mo ang mga pangyayari sa epikong iyong binasa. Nailarawan ba nang tiyak ang mga pangyayari sa nasabing epiko? Malaki ba ang ginampanang papel ng pang-abay na pamaraan upang maging tiyak ang mga pangyayari sa epiko? Subukin mong sagutin ang kasunod na mga gawain nang sa gayo’y iyong matukoy ang sagot sa mga tanong.
  • 79.
    73 GAWAIN 1.1.3.e: PAGSUBOK SA KASANAYANG PANGGRAMATIKA 1. Pansinin mo ang mga salitang nakasulat nang nakahilig sa loob ng pangungusap. Ano ang gamit nito sa mga salitang nagsasaad ng kilos? Naglalarawan ba ito o nag-uugnay? Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1.Agad-agad na naghanda si Tuwaang 2.Naghanda nang mabilis si Tuwaang para sa kaniyang paglalakbay. 3. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata. 4. Ang binata ay unti-unting namatay. Ang kaugnayan ng mga salitang nakahilig sa pandiwa ay ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ __________________ ____________________ ___ Sa bahaging ito, nakilala mo ang pang-abay na pamaraan sa pamamagitan ng relasyon nito sa kasamang pandiwa. Bukod sa impormasyong ito, paano mo pa kaya makikilala ang pang-abay na pamaraan. Subukin mong sagutin ang susunod na mga gawain upang higit na mapagyaman ang iyong kaalaman sa araling panggramatika . 2. Punan mo ng angkop na salita ang patlang ayon sa iminumungkahi ng larawan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. a. Sila ay _________na sumakay sa b. Sila’y_______ na nakarating sinalimba at pumunta sa tahanan ni Batooy. sa Katuusan, kung saan lupa ito nang walang kamatayan.
  • 80.
    c.________ tinanggap niGungutan d._______na nakipaglaban si ang alok ni Tuwaang na maglakbay. Tuwaang. Nakatulong ba ang ang mga larawan upang madali mong makilala at magamit ang mga pang-abay na pamaraan? Subukin mong sagutin ang susunod na gawain upang higit pang mataya ang antas ng iyong pag-unawa 74 sa araling ito. 3. Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag na ginamit sa usapan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel. Jewill : Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo uwian? Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, ________nang naglalabasan ang aking mga kamag-aral. Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita kitang _______ na lumalabas mula sa inyong silid-aralan. Emil : Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John. Jewill: Bakit ? Emil : Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol sa epiko. ________ nagturo kanina ang aming guro sa Filipino kaya naman nais naming ipakita ang aming pananabik sa kanyang leksiyon. Jewill: Naku... ______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang klase kanina dahil kaunti lang daw ang nakagawa ng takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.
  • 81.
    Ugnay-Wika 75 Emil: Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming salamat. O paano? _________ na kaming aalis. Paalam. sabay-sabay isa-isa pagalit dahan-dahan ganadong-ganadong Mula sa isinagawang pagsasanay, naging malinaw na ang kilos ay inila-larawan o binibigyang-turing ng pang-abay. Kapag ang inilarawan ay ang paraan kung paano ginawa ang kilos , ito ay pang-abay na pamaraan. Upang lubos mong maunawaan ang tungkol dito, basahin mo ang susunod na bahagi. Alam mo ba na ... ANG PANG-ABAY NA PAMARAAN Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinapahayag ng pandiwa. Dalawa ang panandang ginagamit sa pang-abay na pamaraan: (1) ang panandang nang at (2) ang na/ng. Narito ang mga halimbawa: 1. Kinamayan niya ako nang mahigpit 2. Natulog siya nang patagilid. 3. Bakit siya umalis na umiiyak? 4. Lumapit ditong tumatakbo ang bata 5. Naluluha siya nang nagpasalamat. Naging malinaw ba sa iyo na sa tulong ng mga pang-abay na pamaraan ay naging tiyak ang detalye ng kilos ng bawat tauhan? Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga ito upang maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa akda? Ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito ay makatutulong upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa araling tinalakay.
  • 82.
    Ang bahaging itong aralin ay tutulong upang mataya ang lalim ng iyong pag-unawa sa mga konseptong natutuhan.Sa bahaging ito ay makakikilala ka ng kaugnay na teksto na iyong magiging gabay sa ganap na pagkatuto. Mahalagang maiugnay mo ang mga konseptong natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika. Gayundin, magiging kapaki-pakinabang ang tekstong babasahin kung iyong mailalapat ang mga 76 natutuhan . Basahin at unawain. Ang kakaba-kabang dibdib ni Mang Ibiong ay napanatag nang kaunti. Nang makakain si Mang Ibiong, siya ay kinausap ng Presidente. “ Mang Ibiong, ano po ba ang aming pagkakasala sa inyo at kami’y ayaw ninyong bigyan ng pagkakataong makapagpulong sa pook ng Felix Huertas?” “Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking pagsisikap ay aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa pagdaralita.Ako’y lumapit sa pamahalaan. Halos magpalimos po ako upang makapaghanapbuhay. Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko po ay walang mangyayari sa aming pamumuhay kung ang pangkasalukuyang partido ay mamamayani,” ang paliwanag ni Mang Ibiong. “ Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit sisikapin kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung ikaw ay mabibigyan ng hanapbuhay.” Umalis na si Mang Ibiong. Dinili-dili niya ang pagtanggap sa kanya ng Presidente ng Senado. Siya’y isa lamang hamak, ngunit siya’y tinanggap na parang isang mahal na tao.Ang inaalala niya’y baka ang pangakong hanapbuhay ay mauwi lamang sa pangako. Kung panahon ng kampanya ang mga pulitiko ay sadyang masarap mangako. Hindi pa nakababangon sa kanyang tulugan, si Mang Ibiong ay ginising na ng isang” tao po “. Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang napaka-agang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ay maagang inutusan ng Presidente upang ipagbigay- alam kay Mang Ibiong na maaari na siyang mag-simula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon. Napamangha si Mang Ibiong. Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap kung mangako ang Presidente ng Senado. Bahagi ng Si Manuel L. Quezon sa Harap ng Kaaway ni P.S. Vergara
  • 83.
    77 GAWAIN 1.1.3.f: PAGPAPALALIM NG IYONG KAALAMAN 1.Isa-isahin ang katangiang taglay ni Manuel L. Quezon batay sa nilalaman ng binasang anekdota. Gawin sa papel. 1. Sa iyong palagay, makahulugan ba ang ginawa ni Manuel L. Quezon para kay Mang Ibiong ? Pangatuwiranan. 2. Batay sa taglay na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko at ang katangian na taglay ni Manuel L. Quezon na isinalaysay sa anekdota, ibahagi ang iyong ideya tungkol sa kabayanihan? Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa papel. 3. Sumulat ka ng isang karanasan ( maaaring pansarili o sa iba ) na nagpapakita ng kabayanihan. Sikaping maging malinaw ang mga pangyayari sa tulong ng paggamit ng mga pang-abay na pamaraan. Gawin sa papel. Magaling ! Iyong napatunayan na anumang uri ng teksto ang gamitin, kayang-kaya mong mailapat ang mga kaalaman at kasanayan na iyong nalinang. Sa bahaging ito, nais kong balikan mo ang mga ideya at kaalaman na iyong natutuhan sa araling ito. Ipakita mo ang patunay na malinaw mong nabatid ang mahahalagang konsepto na saklaw nito. GAWAIN 1.1.3.g : HULING HIRIT... Sagutin mo ang tanong na - ” Bakit nagpatuloy ang paglaganap ng epiko mula Panahon ng Katutubo hanggang sa kasalukuyan? Makatutulong sa iyong pagsagot ang paggamit ng mga salitang nasa kahon upang maging malinaw ang kaisipan na nais mong ipabatid. kultura at tradisyon kababalaghan pagpapahalaga kabayanihan paraan ng pamumuhay lahing Pilipino
  • 84.
    Ang layunin mosa bahaging ito ay ilapat ang mga konseptong natutuhan mo sa araling pampanitikan at panggramatika sa pagbuo ng Inaasahang Produkto. Marami ang nagbunying Pilipino sa naganap na kanonisasyon kay Pedro Calungsod bilang pangalawang santo na nagmula sa ating bansa. Dahil dito, ang namumuno sa inyong barangay ay nagkaroon ng interes na makabuo ng proyekto na magtatanghal sa buhay ng mga karaniwang mamamayan na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa. Ikaw, bilang aktibong opisyal sa inyong barangay ay nagpanukala ng pagsulat ng biopoem upang maisakatuparan ang proyekto na sinang-ayunan ng lahat . Hinikayat ninyong lumahok ang mga mamamayan na nasasakupan ng inyong lugar. Ang magwawaging biopoem ay bibigkasin nang mahusay na mambibigkas ng inyong bayan kung saan panonoorin ng lahat ng mamamayan sa inyong komunidad. Ang biopoem ay matataya sa sumusunod na pamantayan. 78 • Pagkakaugnay sa paksa • Organisasyon ng ideya • Kabuluhan ( Taglay na mensahe) • Pagiging masining • Tapat • May batayan Binabati kita sa matiyaga mong pagsagot sa mga gawain na inilaan sa mga araling ito. Sa bahaging ito, inaasahan na ang lahat ng mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa Panahon ng Katutubo ay nakatulong upang higit mong makilala ang pinagmulan at kultura ng ating lahi sa uri ng panitikang mayroon ito.
  • 85.
    79 PPPPaaaaggggnnnniiiillllaaaayyyyaaaannnn aaaattttUUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn Nakatutuwang isipin na naipakita mo ang iyong husay sa pag-unawa ng mahahalagang konsepto sa mga araling pampanitikan at panggramatika sa Panahon ng Katutubo. Sa bahaging ito, muli kong susubukin ang iyong kaalaman sa kabuuang aralin upang mataya ko kung nanatili ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Gayundin , mahalagang maipamalas mo sa bahaging ito ang iyong kabatiran kung bakit kailangang maunawaan ang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Katutubo tulad ng karunungang-bayan ( salawikain, sawikain at kasabihan ), alamat , at epiko. Subukin mo muling paganahin ang iyong isipan sa tulong ng pagsagot sa sumusunod na gawain: Karunungang- bayan Alamat Epiko Panahon ng Katutubo Kasalukuyan 1. Sa tulong ng mga larawan, sagutin ang sumusunod na tanong. a. Bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa panahon na naisulat ito? b. Paano mapananatili at mapapaunlad ang panitikang minana pa sa ating mga ninuno sa kasalukuyang panahon? Sa bahaging ito, ipakita mo na malaki ang tungkuling ginampanan ng mga araling panggramatika sa mga akdang pampanitikan upang lalong maging mabisa ang paghahatid ng mahahalagang konsepto.
  • 86.
    80 2. Paanonakatulong ang mga araling panggramatika sa kabisaan ng mga akdang pampanitikan? a. Dalawang Uri ng Paghahambing Karunungang-bayan Mahalaga ang paggamit ng dalawang uri ng paghahambing sa pagtalakay ng karunungang- bayan upang __________ ang ______________ at _______________ ng salawikain, sawikain at kasabihan. b. Pang-abay na pamanahon at panlunan Alamat Nakatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-abay na ___________ at ___________ sa ____________upang mabisang maipabatid ang mga ______________ . c. Pang-abay na pamaraan Epiko Ang paggamit ng mga _________________ sa __________ ay nakatutulong upang maging ____________ ang kilos ng mga _________ sa ganang ganito, magiging ______________ ang daloy ng mga ____________________. Balikan muli natin ang Map of Conceptual Change na iyong sinagutan sa unang bahagi ng modyul. Sa pagkakataong ito, sagutin mo ang Pagkatapos Bumasa. Alam ko na malinaw na sa iyo ang mga ideya at konsepto ng kabuuang aralin.
  • 87.
    81 ANTICIPATION-REACTION GUIDE Bago Bumasa Mga Pangungusap Pagkatapos Bumasa Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang damdamin, saloobin, kaugalian, o tradisyon ng lahi kapag naisatitik ay tinatawag na panitikan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Kailanman. hindi maaaring magka-ugnay ang panitikan at kasaysayan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang Pilipinas, bago pa man dumating ang Español ay mayaman na sa panitikan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Hindi mababatid sa panitikan ang tunay nating pagkalahi. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Bago pa man dumating ang Español ay may alpabeto nang ginagamit ang ating mga ninuno Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang epiko, alamat at mga karunungang bayan ay nakilala lamang ng ating mga ninuno noong panahon ng Español. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Napatunayan ng mga Español na ang ating mga ninuno ay hindi mahiligin sa tula, awit, kuwento, bugtong at palaisipan. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Ang panitikan ay hindi suma-salamin sa panahon kung kailan ito isinulat ito. Sumasang-ayon Di sumasang-ayon Binabati kita! Ipinakita mo ang husay mo sa pagsagot sa mga gawain. Patunay lamang ito na malalim na ang iyong pag-unawa sa mga paksang pinag-aralan. Ipagpatuloy mo ang iyong kahusayan. Alam kong magagampanan mo ang inaasahang pagganap sa pagtatapos mo sa araling ito – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo. Muli mong gamitin ang mga natutuhang kaalaman at kasanayan sa pagsasakatuparan ng gawain.
  • 88.
    82 IIIIlllliiiippppaaaatttt Nananabikka na bang isagawa ang inaasahang pagganap para sa Aralin 1.1? Nais mo bang masubok ang kahusayan mo sa pagsasakatuparan ng gawain? Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang natutuhang mga konsepto ng mga araling pampanitikan at panggramatika sa kabuuan ng aralin. Ikaw ay kasalukuyang namamahala ng museo sa inyong lungsod. Isang araw, ikaw ay ipinatawag ng mayor upang ipaalam na may darating na panauhin sa inyong lungsod sa susunod na buwan na dadaluhan ng DILG secretary at ilang local officials ng iba’t ibang lungsod. Nais ng inyong mayor na magpakita ka ng presentasyon para sa mga artifacts at dokumento na nakalagak doon. Kaya naman , ikaw ay inaasahang makabubuo ng timeline ng mga artifacts at dokumento na matatagpuan sa museo. Ang timeline ay kailangang nakabatay sa sumusunod na pamantayan: Organisasyon ( Maayos ang pagkakasunod-sunod ) Mensahe Presentasyon ( Kalinawan, Biswal ) Makatotohanan ( Batay sa Pananaliksik) VII. Pangwakas na Pagtataya (para sa Aralin 1.1) A. Bumuo ng islogan batay sa paksa: (5 puntos) “ Karunungang-bayan, Dunong na Dapat Pinagyayaman”. B. Bumuo ng sarili mong simula at gitnang bahagi batay sa wakas ng alamat. Gumamit ng pang-abay ( panlunan, pamanahon at pamaraan ) sa pagbuo ng dalawang bahagi.Isulat sa papel ang iyong sagot. (10 puntos) Pagkakita sa puno, naalala ni Juana ang brasong ibinaon niya sa lupa doon mismo sa pinagtubuan ng puno. Nasambit niya sa sarili ang pangalan ni Aging. Ang halamang iyan ay si Aging, wika ni Juana. Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na Agingna di nagtagal ay naging Saging. Halaw sa Alamat ng Saging
  • 89.
    C. Sumulat ngmaikling talata tungkol sa kabayanihan na dapat ipakita 83 ng isang Pilipino sa kasalukuyang panahon. (10 puntos) Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga aralin sa Panahon ng Katutubo. Ngayong may malawak ka nang kaalaman hinggil sa ating panitikan noong Panahon ng Katutubo, mabuting alamin mo rin ang naging kalagayan ng ating panitikan sa panahon ng mananakop partikular noong Panahon ng Espaıol. Sa iyong gagawing pag-aaral sa susunod na modyul, malalaman mo kung umunlad ang ating panitikan sa panahon ng kanilang pananakop. Makikilala mo rin kung ano ang mga akdang pampanitikan na lumaganap at nakilala sa ating bansa sa Panahon ng Espaıol. Sa pagpapatuloy mo sa susunod na aralin, inaasahan ko na nasiyahan ka sa ating pagtatagpo . Ang lahat na natutuhan mo rito ay maaari mong magamit sa susunod na aralin. Aralin 1.2 : Ang Panitikan sa Panahon ng mga Español I. Panimula at mga Pokus na Tanong Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Español sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan at mapanghimagsik na mga Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang makarelihiyon ay Ang Krus ni Magellan sa Cebu, ang sagisag ng naging makabayan na humihingi ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. Ang naging paksa ng panitikan ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magising, magkaisa at maghanda upang matamo ang minimithing kalayaan. At ilan sa mga panitikang lumaganap sa panahong ito ng paghihimagsik ang tatalakayin natin sa modyul na ito. Sa araling ito, matutuklasan mo ang sagot sa sumusunod na tanong sa tulong ng mga araling inilaan ko para sa iyo. 1. Bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? 2. Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? 3. Masasalamin ba sa panitikang lumaganap ng panahong ito ang kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Patunayan.
  • 90.
    84 II. Angmga Aralin at Ang Saklaw Nito Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang pamantayang pangnilalaman sa itaas. ARALIN 1.2 : Ang Panitikan sa Panahon ng ng mga Español Aralin 1.2.1 Panitikan: Dulang Pantanghalan Karagatan Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Aralin 1.2.2 Panitikan: Tula “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Aralin 1.2.3 Panitikan: Sanaysay “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr.Jose P. Rizal Wika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan III. Mga Inaasahang Kasanayan Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito. Aralin 2 Panahon ng Español Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari Pagsasalita Nagagamit ang mga kaalaman at kakayahang pangwika na makatutulong sa pagtatamo ng pasalitang komunikasyon tulad ng: • mga eupemistikong pahayag • matatalinghagang pahayag
  • 91.
    85 Naibabahagi angsariling opinyon, pananaw, damdamin, at saloobin na may kaugnayan sa paksa Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito: • karagatan • duplo • tula • sanaysay Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan talinghaga • pagbibigay ng impresyon sa binasang akda kaugnay ng: paksa/tema tono layon • pagbibigay ng hinuha batay sa: mga ideya/pangyayari sa akda dating kaalaman kaugnay sa binasa • pag-uugnay ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda ay nakatulong upang maipabatid ang layunin ng may-akda Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang pinag-aralan Pagsulat Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa: • pamantayang pansarili o pansariling karanasan • pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa
  • 92.
    86 Nagagawang kawili-wiliang panimula ng talata sa isang komposisyon sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • napapanahong sipi o banggit • serye ng mga tanong Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng pangunahin at pantulong na kaisipan Nawawakasan ang talata na may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng pagtukoy sa: • pangunahing kaisipan • pantulong na kaisipan Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon,pangangailangan at pagkakataon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood, nabasa o napakinggan Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Pananaliksik Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet
  • 93.
    87 IV. Konseptuwalna Balangkas Narito ang konseptwal na balangkas ng araling ito na makatutulong upang maging gabay mo sa pag-aaral. Ang Panitikan sa Panahon ng Español Panitikan: Dulang Pantanghalan Karagatan Duplo Wika: Mga Eupemistikong Pahayag Panitikan:Tula “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio Wika: Mga Pandiwang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Panitikan: Sanaysay “Ang Katamaran ng mga Pilipino” ni Dr. Jose P. Rizal Wika: Pangunahin at Pantulong na Kaisipan Marahil ay handang – handa ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang tungkol sa ilang akdang pampanitikang lumaganap matapos ang Panahon ng Katutubo, ang Panahon ng mga Español, partikular sa Panahon ng Himagsikan.
  • 94.
    88 V. PanimulangPagtataya Alamin natin kung ano na ang mga alam mo sa araling ito. Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. Sikaping sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang araling ito Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo? a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya. b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan. c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan. d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok. 2. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa mga ito ang hindi kabilang? a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga. b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma. c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari. d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda. 3. Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito? a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon. b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino. c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino. d. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.
  • 95.
    4. Ano angtawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila 89 rin ang nagtatalo? a. bilyako/bilyaka b. mambibigkas c. manunula d. prinsipe/prinsesa 5. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula? a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag. b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan. c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula. d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula. 6. Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo ng pamunuan ng inyong samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito? a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag-aaral sa paaralan. b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan. c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop. d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula. 7. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag? a. tapat c. madaling umunawa b. magalang d. malumanay magsalita 8. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan? a. pag-ibig sa bayan b. mga kaugaliang Pilipino c. pagmamahalan ng pamilya d. pagpupuri sa pamahalaang Espaıa
  • 96.
    9. Paano ipinakitani Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga 90 Espaıol? a. Nakipag-usap sa kinauukulan. b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban sa pamahalaang Espaıol. d.Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espaıa. 10. Ang karagatan at duplo ay pawang mga akdang pampantikan na nasa anyong________. a. prosa c. pasalaysay b. patula d. tuluyan VI. Yugto ng Pagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Simulan mo na ang pag-aaral upang sa gayo’y matuklasan mo kung bakit nabago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? Anong damdamin ang naghahari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayang panlipunan at kultura ng bansa? Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong na nasa loob ng kahon. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, sagutin mo na ang huling kolum, ang L.
  • 97.
    91 K Anoang alam mo na? (What do you know?) W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? What did you learn?) Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan. Bilang patunay na naunawaan mo na ang nilalaman ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, damdamin at saloobin sa kasakuluyang kalagayan ng ating bansa sa masining na paraan. Simulan na ang pagsagot sa mga gawaing inilaan para sa iyong pag-unawa. GAWAIN 1.2.1.a: BAYANITIKAN Ang mga nasa larawan ay ilan lamang sa mga bayaning Pilipino na nagpahayag ng damdamin sa kani-kanilang panulat. Alamin ang damdaming namayani sa kanilang mga isinulat. Gayundin, kung masasalamin ba sa kanilang isinulat ang kalagayan ng bansa sa kanilang panahon? Basahin at unawain ang bawat saknong. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa angkop na akda nang nakalarawang manunulat. Paalam na, Ina, itong Pilipinas, Paalam na, Ina, itong nasa hirap, Paalam, paalam, Inang walang habag, Paalam na ngayon, katapusang tawag. -mula sa Katapusang Hibik ng Pilipinas
  • 98.
    92 Jose P.Rizal A Idalanging lahat yaong nangamatay, nangagtiim hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. - mula sa Huling Pahimakas B Marcelo H. Del Pilar B Pagpilitan mo ang kasarinlan ng iyong bayan, sapagkat ikaw lamang ang tunay na nakapagmamalasakit sa kanyang kadakilaan at ikatatanghal, palibhasa’y ang kanyang pagdakila ang magdadala sa iyo ng lahat mong kailangan at ang kanyang pagtatanghal ang siya mong kabantugan at kabuhayang walang hanggan. Apolinario Mabini C “Pinupuri ko sila. Sila’y kabataang may pagkakaisa at paninidigan. Dapat silang magsimula: ang kanilang pagtutol ay makatawag na ng pansin. - mula sa Fray Botod D Emilio Jacinto Inaalo ng ina ang anak, idinuyan sa mga bisig at wari bagang ibig bigyan ng lakas ang yayat na katawan niyon na halos takasan na ng buhay. - mula sa Impresiones E
  • 99.
    “Sa cadaquilaang ito,sino kaya sa mundo ang sa caniya’y macacahuad? Huwag na ang sa gawang lumicha, huag na sa pagdudulot ng buhay at kaligayahan, may puso caya baga sa lupang pagmamahal? May puso caya baga sa lupang macapamumuhunan nang buong pag-irog sa iyo cahit sucat nang wala cang igaganti cundi catampalasan? 93 Graciano Lopez Jaena Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko ay matuto kaya na kumuhang halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? F - mula sa Ang Ningning at Liwanag Andres Bonifacio F - mula sa Ang Cadaquilaan nang Dios G Mahusay , kung nasagot mo nang tama ang lahat ng bilang. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala at gagabayan ka ng modyul na ito para higit mong maunawaan ang tamang sagot sa bawat tanong. Sa unang aralin, aalamin natin kung paano ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin, at damdamin sa panahong ito. Makatutulong sa iyong pag-aaral ang mga gabay na tanong sa ibaba. Mga Gabay na Tanong: 1. Naniniwala ka ba na ang mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan ay may likas na hilig sa pagtula? 2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang husay sa palitan ng opinyon at pagsagot sa mga talinghaga? Ang pag-aaral ng akdang pampanitikan anoman ang anyo nito ay naglalayong magbigay ng mabuting bisa sa kaasalan ng tao tulad ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng magandang uri ng pagpapahayag.
  • 100.
    94 PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Isasa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo. Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. Gayundin, kung masasalamin ba ang kultura ng mga Pilipino sa mga ganitong uri ng akdang pampanitikan? Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa kaugaliang Pilipino sa kasalukuyan gamit ang wika ng kabataan. Maaari mo nang gawin ang kasunod na mga gawain. GAWAIN 1.2.1.b : PICK-UP LINES… Tunog-Makata Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Bangin ka ba? … Bakit? 2. Kape ka ba? … Bakit? ____________________________________
  • 101.
    95 3. Pustisoka ba? … Bakit? ________________________________ 4.Kumain ka ba ng asukal? … Bakit? _____________________________________ 5. Surgeon ka ba? … Bakit? _______________________________ Marahil ay ganito ang iyong isinagot. 1. Bangin ka ba? Bakit? Nahulog kasi ako sa’yo. 2. Kape ka ba? Bakit? Ninenerbiyos kasi ko sa’yo e. 3. Pustiso ka ba? Bakit? Kasi, I can’t smile without you. 4. Kumain ka ba ng asukal? Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo. 5. Surgeon ka ba? Bakit? Kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko. Nakatutuwa ‘di ba? Simple pero may dating, sabi nga. Sa ganitong paraan, mabisa mo kayang maipararating sa iyong kapwa ang nais mong sabihin? Paano? Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarili mong pick-up lines. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat.
  • 102.
    96 To... Cc... Subject: SEND Ang iyong ginawa ay ilan lang sa mga paraan kung paano ka makapagbibigay ng iyong pananaw, saloobin at damdamin. Samantala, sa Panahon ng Español, paano nga ba ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin at damdamin? Matutunghayan mo sa susunod na pagtalakay ang mga gawaing nagpapakita ng katangian at paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa nabanggit na panahon. GAWAIN 1.2.1.c : SINING: KARAGATAN AT DUPLO Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na iyong matutunghayan. Ang Karagatan 1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula. 2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. 3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. 4. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing. 5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay. 6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon. 7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga. 8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro. 9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga. 10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11.Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. al
  • 103.
    97 Basahin atunawain. Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon. ANG KARAGATAN (May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.) Tandang Terong: Humm… tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay ‘di pa nagagatungan. Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang maluto’t tayo’y makakain. Maring: Ang kahoy na panggatong kaya ‘di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan. Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isa’y malungkot kaya’t naghahanap; dalawaha’y angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatlo’y isa na ang kalabisan.Kung ‘di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon ano’ng kailangan? Lahat: Tanging paraa’y ang karagatan. Ingkong Terong: Ayos ka na ba, Neneng? Neneng: Tumanggi man po ako’y walang mangyayari. Kagustuhan rin ninyo ang masusunod. Ingkong Terong: At kayong apat? Apat na Lalaki : Opo.
  • 104.
    Ingkong Terong: Akinna, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing. 98 Mga Tao: (Palakpakan) Isang Tao: Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan. Berting: Magandang gabi sa inyong lahat Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutya’y muling nagpupugay. Ipinangangakong nahulog mong singsing Aking sisiri’t sa iyo’y ibibigay Tanda ng pag-ibig na walang hangganan. Dahilan sa ako’y siyang nakabunot Ng palitong itong nagpapahintulot Ako ay sumisid sa dagat ng nais At ang iyong singsing ay aking makamit Ay katunayan nang Diyos ang pumili Na ako ngang ito’y siya mong itangi. Sumisid sa singsing na aking hinulog Subalit ‘di upang siyang maging irog Kundi idaan lang muna sa pagsubok Kaya’t sisirin mo ang tanong kong ito At singsing kong ito ay nang maangkin mo Ang singsing na itong linso’t walang bato Turan mo’ng simula at ang dulo nito. Berting: Tila ang bugtong mo’y sinlalim ng dagat Na ‘di matatarok ng isip kong pahat. Kaya’t iyong singsing nais mang makuha Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.
  • 105.
    99 Kulas: Angpagkakatao’y isalin sa iba Nang ‘di masabing ikaw ay buwaya Akong nabunot ng pang-ikalawa Inaangkin hirang kanyang karapatan Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong Na siyang panumbas sa iyong pag-irog. Neneng: Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin Ang lalim ng puno’t dulo niyang singsing. Kulas: Singsing, aking Neneng, walang puno’t dulo Mayroon ngang simula at may wakas ito Ang simula’y bilog nito na panloob At ang katapusa’y panlabas na bilog. Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig Haya’t nasisid ko singsing mong nahulog. Neneng: Iyan ang tanong diyan kay Lamberto Kaya’t heto naman ang para sa iyo; Nang ika’y parito, pamula sa kanto Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo? Kulas: Salamat Neneng ko’t iyang katanungan Kay daling sagutin kaya’t aking masasabing Ako’y tanging mahal; Heto ang tugon ko: Bahay, pito lamang at sa mga ito’y Aking natandaan, apat ang may ilaw- Ito’y patotoong isip ko’y malinaw. Neneng: Kulas, ika’y mali sa iyong katugunan Kaya’t isasalin itong aking tanong Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. Nardo: Ako ang ikatlong dapat subukin mo Kaya’t iyong dinggin ang tugon ko’y: Pamula sa kanto at hanggang sa rito Walang bahay ni ilaw akong natandaan Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal.
  • 106.
    100 Mga Tao:(Palakpakan at kantiyawan) Neneng: Kung gayon ito naman ay tugunin Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo Hindi tumatapon walang ligwak ito? Nardo: Sa abot ng isip narito ang tugon: Tubig, bato’t tao, at lahat sa mundo Ay ‘di tumatapon dahil sa ang globo Ay isang malaki’t mabisang magneto; Hinihigop nito ang lahat ng narito At sa kalawaka’y ‘di tayo tutungo. Mga Tao: Magaling! Mabuhay si Nardo! Neneng: Pangalawang tanong,heto na’t pakinggan Paanong buwang sa langit ay tanglaw Aking mahihipo’t mapaglalaruan? Ito’y pangarap nang ako’y musmos pa lamang Kung talagang ako ay sadyang mahal mo Paiirugan mo ang hiling kong ito. Nardo: Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, Noong ako’y munti’t pinalalaki mo. Isang paborito’t ibig kong kuwento Ay siyang panugon sa tanong na ito. Sa pamamagitan ng isang salamin Minumutyang buwan ay pabababain Kahit sa kandungan ng mutya ko’t giliw Mapaglalaruang buwang hinihiling. Mga Tao: Magaling! Iyan ang binata namin!... Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. Nardo: Ako’y nakahanda sa pangatlong tanong Singsing na nahulog aking sisisirin Sukdang ikapugto ng hiningang tangan Kung puso ng mutya’y aking maaangkin.
  • 107.
    101 Neneng: Ako’ynangangamba, ako’y natatakot Na ang huling tanong kaniyang masagot Itong karagatan isang laro lamang Ngunit paglalarong birong totohanan Ayoko na yatang ito ay ituloy Baka sa sagutan ako’y maparool. Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako. Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Kung tayo’y makasal, ay nanaisin ko Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Na ating sasakya’y binalsang kawayan Na bigkis ng lubid na pawang hinabi Sa buhanging pino’t ikaw ang pipili. Nardo: Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita Kaya’t imposible’y pag-aariin pa Lubid na buhangin, aking pipiliin Kung pababaunan ng aking pagkain Bawat isang linggong kakailanganin Sa ‘sang dahong ipil iyong babalutin. Neneng: ‘Di ba’t ang hiling sa akin nanggaling Bakit ngayo’y ako ang pasusulitin? Nardo: ‘Pagkat paniwalang ‘di ka sinungaling Neneng: Ano ang batayan ng iyong pasaring? Nardo: Salamat kung gayon, mutya ko at giliw Ikaw ay may wikang tapat at matining Nang iyong sabihin tayo’y kakasalin Inakalang tapat ikaw sa paggiliw Kaya’t sa problemang aking Kahati ka sa tuwa’t sa ligaya gayo’y din Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin Kung sa hirap nito’y kasalo ang giliw.
  • 108.
    102 Neneng: Ayoko’t‘di tama! ‘Di pala kasal, Ni walang sintahan ay mag-aasawa na. Nardo: ‘Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta! Neneng: Ay sayang! Sayang na pag-ibig Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig Kung ikaw rin lang siyang sisisid Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig. Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol. Tama si Nardo. Ang karagata’y simula lang ng kuwento Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig. Pepito: (Iiling-iling at magkikibit ng balikat.) Mga Tao: Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay! Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino! (Palakpakan) W A K A S Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunod na mga tanong. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang paksa ng binasang karagatan? 2. Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel kanilang ginampanan? 3. Bakit sinasabing hindi kinakailangang “sumisid” ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing?
  • 109.
    Alam mo bana … Ang matalinghagang pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa. 4. Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat. MATATALINGHAGANG PAHAYAG NA BINIGKAS NI NENENG TUGON NG MGA BINATA 5. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang 103 karagatan? 6. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa larong karagatan? Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo? Tunghayan mo naman kung ano ang duplo.
  • 110.
    104 Ang Duplo 1. Isa rin itong larong may paligsahan sa pagtula kaya maaari ring mauring tulang patnigan. 2. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera. 3. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na. 4. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan. 5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. 6. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay magsusumbong ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka. 7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan. 8. Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay. 9. Nagpapatalas ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu. 10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na haring tagahatol. Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al. Narito ang halimbawa ng duplo na sadyang pinaikli at iniangkop sa mag-aaral na tulad mo.
  • 111.
    105 ANG DUPLO: Ang Ibon ng Hari Hari: Simulan na ang laro. Bumilang kayo. Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo. Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo. Hari: Tribulasyon! Lahat: Tribulasyon! Hari: Estamos en la Buena composicion.(Titindig) Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatanda’t batang ngayo’y naririto, Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong larong duplo. Ang hardin ko’y kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pinto’t patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka ang nuha’t nagnakaw! Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw. Hari: Sino ang nagnakaw? Bilyako 1: Kagabi po, hari, maliwanag ang b’wan; May isang aninong aking natanaw; Hindi sinasadya, nang aking lapitan Isang babae po, iyang natagpuan. At kitang-kita kong ikinubli niya. Siya’y naririto at nasa tribuna, Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!
  • 112.
    106 Hari: Diyata’tbilyaka? Sino sa kanila? Bilyako 1: Sa unang hanay po. Bilyaka 2: H’wag paniwalaan. Siya’y bulaan! (Magkakaingay) Hari: (Sa lahat) Katahimikan! (Sa Bilyako 1) Mapatototohanan? Bilyako 1: Ako’y nalalaan! Bilyaka 2: Kung kagabi lamang ang sinabi niya, Hindi maaari’t kami’y magkasama; Kami’y namamasyal ng irog kong sinta, Pa’nong mananakaw ang ibon sa hawla? Hari: Kung hindi nga siya, sabihin kung sino At pakaasahang parurusahan ko. Bilyaka 2: Ang nuha ng ibo’y sa ikalawang hanay, Doon nakaupo nang buong hinusay, Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.) Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang? Hari: Pinararatanga’y hindi umiimik, Tila nga may sala’t dila’y nauumid. (Mag-iisip) Sapagkat may sala Heto, palmatorya! (Akmang papaluin) Bilyako 2: Kaiingat kayo, O mahal na hari, Mag-isip-isip ka’t baka magkamali. (Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy) Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw. Aking ibubulong kung pahihintulutan. Hari: Nagpapahintulot!
  • 113.
    107 Bilyako 2:(Lalapit at bubulong) Hari: Ipakakaon ko, talaga bang tunay? (Siyang pagdating ng abay ng reyna) Abay ng Reyna: Mahal na hari po, ibo’y aking dala, Isasauli ko sa kinunang hawla; Kagabi po ito’y kinuha ng reyna Siya ay nag-aliw sa pangungulila! Hari: Kung gayon ay walang dapat parusahan! Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan. Kung uulitin pa’y ipagbibigay-alam Nang huwag ang iba ang mapagbintangan. Aba ng Reyna: ’Pinagbigay-alam sa inyong gward’ya, Baka nalimutan at nalingat siya. Hari: Maraming salamat, bilyaka’t bilyako, Ngayo’y tinatapos itong larong duplo. Paalam sa lahat, salamat sa inyo, Muling magkikita pag naglaro tayo. W A K A S Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.
  • 114.
    6. Makatuwiran parin kaya na gawin ang larong duplo sa mga lamay sa patay sa kasalukuyan? Bakit? 5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan? 4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka 108 Mga Gabay na Tanong: ang bawat isa? 3. Paano nilalaro ang duplo? 2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo? 1. Tungkol saan ang binasang duplo? Batay sa mga impormasyong iyong binasa, magiging daan ito upang maunawaan mo na ang mga katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan.
  • 115.
    109 GAWAIN 1.2.1.d: SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga elemento ng mga ito. Gawin sa sagutang papel. KARAGATAN Mga Elemento DUPLO Paksa Mga Tauhan Hakbang ng Pagsasagawa Palitan ng Pangangatuwiran Hatol PAGKAKATULAD 1. Paksa: ___________________________________________________ 2. Mga Tauhan: ______________________________________________ 3. Hakbang ng Pagsasagawa: __________________________________ 4. Palitan ng Pangangatuwiran: _________________________________ 5. Hatol: ____________________________________________________ Mga Gabay na Tanong: 1. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga Pilipino batay sa sumusunod:
  • 116.
    110 pagbibigay-parangal sanamatay pag-aliw sa namatayan pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw paraan ng pagpapahayag paggamit ng mga salita Sa pagkakataong ito ay inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga tiyak na katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Español at naging instrumento ng pagpapahayag ng pananaw, damdamin at saloobin ng mga Pilipino sa panahong iyon.
  • 117.
    111 GAWAIN 1.2.1.e:PAGPAPAHAYAG…SARILING REPLEKSIYON Masasalamin pa rin ang katayugan ng pag-iisip at pagiging masining sa pagsasalita na mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na bibigyang pansin ng susunod na gawain. Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang iyong panig? SITWASYON SARILING PANIG 1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na ang maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap mo sa buhay ang maging guro sa hinaharap. Ngayong ikaw ay nasa hayskul na pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa kanila na ang iyong kursong ibig pag-aralan ay pagiging guro? 2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong paaralan ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL). Hinihikayat ka ng iyong mga kaibigan na sumali sa nasabing samahan ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw ay lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong sasabihin sa kanila? 3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa Araling Panlipunan. Subalit sa araw na iyon ikaw ay nahuli dahil may isang matanda sa kanto na iyong tinulungan. Naramdaman mo ang makahulugang tingin ng iyong mga kaklase. Paano mo ipahahayag ang iyong panig? 4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong kaklase na totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo siyang kausapin upang patigilin sa ginagawang panunukso sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?
  • 118.
    Ugnay-Wika 112 5.Isa kang mag-aaral na buo ang loob para sabihin ang iyong nadarama sa kaklase man o sa guro. Isa mong bagong kaklase ang iyong hinahangaan. Paano mo sasabihin ang iyong paghanga? Ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na manatiling maayos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Napakahalaga ng paggamit ng angkop na salita sa pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba. Sadyang ang salitang ginagamit ng tao ay tunay na repleksiyon ng sariling pagkatao. Alam mo ba na maraming paraan para mapaganda at maging katanggap-tanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na talakayan. GAWAIN 1.2.1.f.: EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG… ISAALANG-ALANG PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na impormasyon. 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a.paksa ng usapan b.taong sangkot sa usapan c.lugar 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang. 3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita
  • 119.
    113 at kinakausap. Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. Sa halip na sabihing: Gumagamit ng: 1. patay sumakabilang buhay 2.nadudumi tawag ng kalikasan 3. iniwan ng asawa sumakabilang bahay 4. katulong kasambahay Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo. 4. sugarol 1. pakialamero 2. maarte 3. tsimay 5. mayabang
  • 120.
    Natapos mo naang bahagi ng Paunlarin para sa araling ito. Handa ka na sa mga gawaing tutulong sa iyo na palalimin pa ang iyong kaalaman. Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral, ang mga gawaing inihanda ay naglalayong pagtibayin ang mga nabuong pag-unawa at kasanayan. Marahil, unti-unti mo nang nakita ang bakas ng nakaraan, ang naging paraan ng mga Pilipino sa kanilang pagpapahayag noon at ang paraan naman ng pagpapahayag sa kasalukuyan. Pareho itong nagpapakita ng bahagi ng kulturang Pilipino. 114 GAWAIN 1.2.1.g: MAGTAGALOG WALANG SAKITAN Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala. Gawing gabay ang kasunod na mga saknong. Ang pagtatalo ay isang laro ng isipan Walang sakitan ng katawan pati ng kalooban Ingatan ang salitang bibigkasin at bibitawan Dahil ang totoo’y paksa lang ang pagtatalunan. Subuking sagutin ang isyu ngayon Ako ay nasa panig ng pagsang-ayon Samantalang ikaw ay lubos na di- umaayon Pagkakaiba ng mga pananaw sa mundo’y nagpapayabong. PAKSA Ang paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan ang sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas ng maraming anak/kabataan. SALUNGAT SANG-AYON
  • 121.
    Sa pagkakataong ito,sinikap mong makapagpahayag nang may sining sa isang paksa. Tulad ng karagatan at duplo, sinikap mong humabi ng mga taludturan na ginamitan ng mga salitang higit na nakabubuti kaysa nakapananakit. Mahusay na napagsama-sama mo ang iyong kaalaman sa tula, paraan ng pagpapahayag at paggamit ng magagandang pahayag. 115 GAWAIN 1.2.1.h: BUUIN: KONSEPTONG NATUTUNAN Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay. Ang karagatan at duplo ay mga _________________________________ Ito ay nagpapakita ng _________________________________________ Makikita sa kulturang Pilipino ang _______________________________ Sa pagpapahayag, mahalagang isaalang-alang ang ___________________ Maaaring magkaroon ng pagtatalong _____________________________ Sa kasalukuyan, ito’y yamang ___________________________________ Binabati kita! Pinatunayan mo sa iyong mga sagot na ikaw ay maaari nang sumubok sa pangwakas na gawain.
  • 122.
    116 GAWAIN 1.2.1i: NAIIBANG FLIPTOP Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong komunidad, sa youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang kasunod na pormat. Mga Napansing Positibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika FLIPTOP Mga Napansing Negatibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika 1. 2. 3. 1. 2. 3. Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang pagtatalo gamit ang fliptop? Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng magkatalong panig na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng magkatunggaling panig gayundin kung paanong hihikayatin ang mga tagapanood na karaniwang nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang hiyawan at palakpakan. Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong komunidad, at ang mga kalahok ay ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga tagapamahala. Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa entablado. Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod: Pamantayan Bahagdan 1. kabuluhan ng paksa 25 2. kalinawan ng paninindigan 20 3. kahusayan sa paggamit ng mga eupemismong pahayag 25 4. wastong gamit ng mga salita 15 5. ideya ng pagtatalo 15 KABUUAN 100
  • 123.
    Ngayon ay napagtagumpayanmo ang mga gawain sa paksang karagatan at duplo. Alam kong handa ka na para pag-aralan ang susunod na akda na kinilala sa Panahon ng Español – ang tula. 117 Aralin 1.2.2: TULA Sa araling ito, tatalakayin natin ang isa sa mga tula na umusbong sa panahon ng pananakop ng mga Espaıol. Ito ang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ng ating bayaning si Andres Bonifacio. Tatalakayin natin ang nilalaman at ang sining na tinataglay ng tula bilang isa sa mga anyo ng panitikang Pilipino. Pag-aaralan mo rin ang mga pandiwang magagamit upang higit na maipadama ang ating emosyon o damdamin. Magiging tulong ang kasunod na tanong. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas sa panahong isinulat ni Andres Bonifacio ang tula? 2. Paano ipinahayag ng may akda ang kaniyang emosyon o damdamin sa kaniyang isinulat na tula? 3. Ipaliwanag kung ano ang nakatulong upang mabisang maiparating ng may- akda sa mga mambabasa ang kaniyang emosyon o damdamin? Bago natin simulan ang pag-aaral, sagutin mo muna ang mga gabay na tanong batay sa iyong nalalaman. Dugtungan ang kasunod na pahayag. Mabisang naipahayag ni Andres Bonifacio ang kaniyang damdamin sa pamamagitan ng ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ ___________________________________________________ __________________ Magkasama nating aalamin kung tama ang sagot sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasagawa ng mga gawain sa araling ito. Ang lahat ng iyong matututuhan ay makatutulong upang maisagawa mo nang buong husay ang inaasahang produkto. Bilang patunay na talagang naunawaan mo ang aralin, inaasahang ikaw ay makasusulat ka ng iyong sariling tula na magpapahayag ng iyong damdamin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ninyong sariling lugar o ng ating bansa.
  • 124.
    Ang iyong layuninsa bahaging ito ay mabasa at masuri ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” na isinulat ni Andres Bonifacio upang nang sa gayo’y malaman mo kung paano niya ipinahayag ang masidhing pagmamahal sa bayan. Upang lubos mong mapahalagahan ang tula, kilalanin mo muna si Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kaniyang magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya ng pag-aaral sa Mababang Paaralan ni Guillermo Osmenia ng Cebu. Sa gulang na 14, ang kaniyang mga magulang ay namatay kaya napilitan siyang huminto sa pag-aaral upang alagaan ang nakababata niyang kapatid na babae at lalaki. Bilang hanapbuhay, sinabihan niya ang kaniyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston at papel na pamaypay na ititinda niya sa mga lansangan. Dahil sa marunong siyang bumasa at sumulat, naging ahente siya ng Fleming and Company, isang kompanya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Subalit ang kaniyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pansuporta sa kaniyang mga kapatid. Lumipat siya sa Fressell and Company bilang ahente. Ipinakita niya ang kaniyang determinasyon at sipag kaya naging matatag siya sa kaniyang trabaho. Dinagdagan niya ang kaniyang kakulangan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral. Kasama sa kakaunting aklat na kaniyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang buhay ng mga Pangulo, Ang Les Miserables ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses, at iba pa. Nakasulat din siya ng mga artikulo at mga tula at isa na rito ang sikat na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”. 118
  • 125.
    Ang nabasa niyangmga aklat ang naging dahilan upang makaramdam siya ng paghihimagsik ng mga Pilipino laban sa mga Español. Naitatag din niya ang Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong ika-7 ng Hulyo, 1892, kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang kaniyang asawa na si Gregoria de Jesus ang naging lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang simulan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magsimula, ang Katipunan ay natuklasan na ng mga Español. Mahigit sa 1,000 katipunero ang sumama sa kaniya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Dahil sa kakulangan ng mga armas, at kakaunti ang tumulong sa kanila, hindi sila nagtagumpay. Ito ang nagkumbinsi kay Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa isinagawang halalan, si Emilio Aguinaldo ang nahalal na Pangulo, si Mariano Trias ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Kalihim. 119 Hindi matanggap ni Bonifacio ang kinalabasan ng halalan. Ginamit niya ang kaniyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan. Lumipat siya sa Naic, Cavite at bumuo ng sarili niyang pamahalaan at puwersa. Dahil ang mga sundalong Español sa pamumuno ni Heneral Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite, inutusan ni Aguinaldo sina Pio del Pilar at iba pa na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain. Si Bonifacio kasama ang kaniyang pamilya ay umalis sa Naic at lumipat
  • 126.
    sa Indang, pagkataposay sa Montalban, Rizal. Nang malaman ni Aguinaldo na si Bonifacio ay nasa Montalban, nagpadala siya ng kaniyang mga tauhan dito upang siya ay arestuhin. Humarap si Bonifacio sa paglilitis dahil sa kaniyang gawain laban sa bagong pamahalan. Binigyan siya ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang nagsagawa ng kaparusahan sa kaniya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897. Ibahagi ang iyong naging damdamin pagkatapos mong malaman ang ilang mahahalagang bahagi sa buhay ni Andres Bonifacio. Isulat sa sagutang papel. Gayahin ang pormat na pagsusulatan ng mga sagot. Sa susunod na bahagi ng ating pag-aaral, suriin mo kung masasalamin ba sa tula ni Andres Bonifacio ang buhay at mga karanasan na kaniyang pinagdaanan? Nakaragdag ba ang mga ito upang mabisa niyang maipahayag ang kaniyang emosyon o damdamin sa tulang kaniyang nilikha? 120
  • 127.
    121 Basahin atunawain: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Pagpupuring lubos ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat, Umawit, tumula, kumanta't sumulat, Kalakhan din niya'y isinisiwalat. Walang mahalagang hindi inihandog ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod, Buhay ma'y abuting magkalagut-lagot. Bakit? Alin ito na sakdal laki, na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugugulan ng buhay na iwi? Ay! Ito'y ang Inang Bayang tinubuan: Siya'y ina't tangi sa kinamulatan Ng kawili-wiling liwanang ng araw Na nagbigay-init sa buong katawan. Kalakip din nito'y pag-ibig sa Bayan, Ang lahat ng lalong sa gunita'y mahal, Mula sa masaya't gasong kasanggulan Hanggang sa katawa'y mapasa-libingan. Sa aba ng abang mawalay sa bayan! Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala't inaasa-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan.
  • 128.
    122 Pati ngmagdusa't sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil sa bayan At lalong mahirap. Oh, himalang bagay! Lalong pag-irog pa ang sa kanya'y alay. Kung ang bayang ito'y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, asawa, magulang, kapatid; Isang tawag niya'y tatalikdang pilit. Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawahan At walang tinamo kundi kapaitan, Hayo na't ibangon ang naabang bayan! Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Ng kaho'y ng buhay na nilanta't sukat, Ng bala-balaki't makapal na hirap, Muling manariwa't sa baya'y lumiyag. Ipahandug-handog ang buong pag-ibig At hanggang may dugo'y ubusin itigis; kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid Ito’y kapalaran at tunay na langit! GAWAIN 1.2.2.a: PAGLINANG NG TALASALITAAN Upang higit mong maunawaan ang tula, bigyang-kahulugan ang ilang mahihirap na salitang ginamit ng may akda. Hanapin ang kahulugan ng mga ito sa loob ng kahon, at isulat sa sagutang papel ang letra ng wastong sagot. Pagkatapos ay gamitin ang mga salitang ito sa pagbuo ng isang talata na may kaugnayan sa tula. Gawin sa isang buong papel. isinisiwalaiiisssiiinnniiisssiiiwwwaaalllaaatttt . __________________ ssssaaaakkkkbbbbiiiibbbbiiii __________________ iiiittttiiiiggggiiiissss __________________ ttttaaaattttaaaalllliiiikkkkddddaaaannnn __________________ lllluuuummmmiiiiyyyyaaaagggg __________________
  • 129.
    123 aaaa.... iiiittttaaaappppoooonnnn bbbb.... uuuummmmiiiibbbbiiiigggg cccc.... ttttaaaattttaaaalllliiiikkkkuuuurrrraaaannnn dddd.... iiiinnnniiiillllaaaabbbbaaaassss////iiiippppiiiinnnnaaaaggggssssaaaassssaaaabbbbiiii eeee.... kkkkaaaalllliiiiggggaaaayyyyaaaahhhhaaaannnn ffff.... mmmmaaaattttiiiinnnnddddiiiinnnngggg kkkkaaaalllluuuunnnnggggkkkkuuuuttttaaaannnn GAWAIN 2: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa GAWAIN 1.2.2.b: SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang iyong naunawaan tungkol sa nilalaman ng tulang iyong binasa. Sagutin nang matapat ang mga tanong at gawain upang matamo mo ang iyong hinahangad na maunawaan at maisagawa sa pagtatapos ng aralin. 1. Saan maaaring ihambing ang pag-ibig na nadarama ng may-akda para sa kaniyang bayan? Ipaliwanag. Iguhit din ang maaaring sumagisag sa pag-ibig na ito. TTTTaaaallllaaaattttaaaa:::: Iguhit dito ang simbolo/sagisag: Paliwanag: _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________
  • 130.
    2. Anong panahonnaisulat ang tula? Ano ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas ng panahong naisulat ng may-akda ang tula? Magsaliksik ng ilang impormasyon tungkol dito at itala sa tulong ng Rays Concept Organizer. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat. 3. Sa kasalukuyan, paano maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan? Muli, gumuhit o gumupit ng simbolo na magpapakita ng iyong pag-ibig sa bayan. Gawin sa maiksing coupon bond. 4. Si Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio ay may magkaibang pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Magtanong sa iyong kakilala na sa iyong palagay ay makatutulong upang malaman mo ang kani-kanilang pananaw. Ilahad mo ang mga ito. Pagkatapos, bumuo at ibahagi mo naman ang iyong sariling pananaw tungkol sa pag-ibig sa bayan. Isulat ang sagot sa papel. 5. Maghanap ng isang tula sa kasalukuyang panahon na pag-ibig sa bayan ang paksa. Sipiin mo ito at ihambing sa tulang isinulat ni Bonifacio. 124 Rizal sarili Bonifacio pag-ibig sa bayan
  • 131.
    Pag-ibig sa TinubuangLupa Ibang tula ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ __________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________ __________ 6. Ano ang iyong naramdamam pagkatapos basahin ang dalawang Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag na kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili, matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Ang sukat ay bilang ng mga pantig sa bawat taludtod, samantalang ang tugma ay pagkakasintunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod ng saknong. May aliw-iw at indayog kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan. Karaniwan nang gamitin ang wawaluhin at lalabindalawahing pantig ang sukat. 125 tula? 7. Mabisa bang naipahayag ng mga sumulat ang kanilang damdamin sa isinulat nilang tula? Ano kaya ang nakatulong upang maisagawa nila ito nang mabisa? Ipaliwanag. Alam mo ba na… 8. Balikan ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”, at subuking sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa papel ang sagot. Tanong Sagot a. Ilang taludtod mayroon ang tula? b. Ilang saknong mayroon ang tula? c. Ano ang sukat ng tula? d. May tugmaan ba ang mga dulong salita ng bawat taludtod ng mga saknong? Patunayan. e. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma sa bawat taludtod ng mga saknong ng tula?
  • 132.
    9. Nakatulong baang mga elemento ng tula upang mabisang maipahayag ng may-akda ang kaniyang emosyon o damdamin? Ipaliwanag. 10. Muli, maghanap ng isa pang tradisyunal na tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin. Sipiin mo ito sa iyong notbuk at pagkatapos ay suriin. Makatutulong sa iyo ang mga gabay na tanong sa gagawin mong pagsusuri. Gamitin ang pormat sa ibaba. Gawin sa papel. 126 A ng may-akda ng tula (maikling talambuhay) Pamagat ng Tula
  • 133.
    127 Sagutin monaman ang sumusunod na tanong. Gawin sa papel. 1. Ano ang emosyon o damdaming ipinahahayag ng may-akda sa kaniyang tula? 2. Ano ang nakatulong upang mabisang maipahayag ng may -akda ang kaniyang emosyon o damdamin? 3. Ano ang iyong naging damdamin matapos mong mabasa ang tula? Bakit ito ang iyong naramdaman? Ipaliwanag. 4. Ilang taludtod mayroon ang tula? 5. Ilang taludtod mayroon ang bawat taludtod? 6. Ilan ang sukat ng taludtod? 7. Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakatugma sa bawat saknong. Buong husay mong naisagawa ang mga gawain. Marahil ay nauunawaan mo na kung paano mabisang maipahahayag ng isang tao ang kaniyang emosyon o damdamin? Paano nga ba? Tingnan ko nga kung alam mo na. Dugtungan mo lamang ang pahayag na ito. Mabisang maipahahayag ng isang tao ang kaniyang emosyon o damdamin kung _______________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________
  • 134.
    128 Pero hindilamang iyan. Mayroon pang makatutulong kung paano natin maipahahayag ang ating emosyon o damdamin. Alamin natin. GAWAIN 1.2.2.c: EMOSYON MO... IPAHAYAG MO Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos ang ating damdamin at saloobin upang maunawaan tayo ng ating kapwa. Sa pagpapahayag ng ating emosyon o damdamin, makatutulong ang paggamit ng mga pandiwang naglalarawan ng ating nadarama. Ang mga pandiwang nagpapahayag ng damdamin ay may aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o galaw. May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin tulad ng sumusunod:(ilan ito sa makikita sa tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”). 1. Isulat sa kabilang kolum ang damdaming ipinahahayag ng bawat pandiwa. Gawin sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat. Mga Pandiwang Nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Emosyon o Damdamin pagpupuring lubos buong pagkasi sakbibi ng lumbay wari ay masarap tunay na langit 1. a. Balikan ang isa sa mga tulang ipinahanap ko sa iyo sa mga naunang gawain. Itala ang mga pandiwang ginamit ng may-akda sa pagpapahayag ng kaniyang emosyon o damdamin. Isulat sa sagutang papel. b. Batay sa mga pandiwang ginamit ng may-akda, ano ang damdaming nangingibabaw sa kaniyang tula? Ipaliwanag. c. Ikaw naman ang magpahayag ng iyong damdamin. Sagutin mo lamang nang tapat ang kasunod na tanong. “Ano ang iyong nararamdaman sa mga oras na ito?” Gawin mo sa papel.
  • 135.
    Pagkatapos mong maunawaanang iba’t ibang konsepto kaugnay ng 129 araling ito, palalimin pa natin ang iyong pag-unawa sa susunod na bahagi. Ang iyong layunin sa bahaging ito ay higit pang mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyong isipan dahil ito ang tulay upang maisagawa mo nang buong husay ang inaasahang produkto na isasagawa mo sa pagtatapos ng araling ito. GAWAIN 1.2.2.d: ALAM KO NA… Higit mong maipahahayag ang iyong emosyon o damdamin kung… Anong mahahalagang konsepto ang iyong natutuhan sa aralin? Paano mo ito gagamitin sa iyong sariling buhay? May nabago ba sa iyong sarili, matapos mong maunawaan ang mga konseptong ito? Ibahagi. Ngayon ay nakahanda ka nang ilipat ang iyong natutuhan sa tunay na sitwasyon, nang sa gayo’y makita mo ang kabuluhan ng pag-aaral ng modyul na ito. GAWAIN 1.2.2.e : DAMDAMIN KO… ISULAT KO Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong natutuhan sa sitwasyong kasalukuyan mong ginagalawan. Ito ay ang pagsulat ng sariling tula na nagpapahayag ng emosyon o damdamin sa isang taong iniidolo o hinahangaan. Basahin ang kasunod sitwasyon.
  • 136.
    Sitwasyon: Nais nginyong Punong-bayan na parangalan ang mga taong nakapag-ambag o nakagawa ng kabutihan sa inyong pamayanan. Isang paligsahan sa pagsulat ng tula ang kaniyang idaraos. Ang tulang mananalo ay bibigkasin sa araw ng parangal. Magaling kang sumulat at bumigkas ng tula. Inaasahan ng napiling Lupon ng Inampalan na ang kalahok na mga tula ay isusumite sa kanila isang buwan bago ang araw ng parangal. Huhusgahan ang tula batay sa sumusunod na pamantayan: a) orihinal, b) taglay ang mga elemento ng tradisyunal na tula, c) angkop sa paksa, d) nagpapahayag ng sariling emosyon o damdamin sa taong hinahangaan, e) makatotohanan at f) may kariktan. Ano ang iyong natutuhan sa isinasagawang gawain? Makatutulong ba 130 ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Paano? Pagkatapos mong matutuhan ang tungkol sa tula bilang isa sa mga akdang pampanitikan, ngayon ay makikita mo ang pagkakaiba nito sa isa pang akdang tuluyan-ang sanaysay. ARALIN 1.2.2: SANAYSAY Ang karanasan ang nagtutulak sa tao upang siya ay makapagpahayag. Maraming karanasan ang idinulot ng pananakop ng mga dayuhang Español sa loob ng mahabang panahon. Bagamat dumanas ng paniniil ang mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhan, hindi ito naging hadlang upang ipahayag nila ang kanilang pananaw, damdamin at saloobin. Sa pagkakataong ito, isa pa ring akdang pampanitikan ang iyong pag-aaralan- ang sanaysay. Gayundin, makikita ang kabisaan ng isang mahusay na sanaysay sa pamamagitan ng maayos na pagkakahanay ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan. Kung gayon, mahalagang tanong na ating pag-uukulan sa pag-aaral na ito ang: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon?
  • 137.
    Sige na, wala namang bantay,itapon mo ang basura sa Batay sa aking pag-aaral, lumalala ang kondisyon ng kapaligiran dahil sa tinatawag na climate change. 131 GAWAIN 1.2.3.a: KALAKASAN, KAHINAAN… TUKUYIN AT ITALA Sinasabing ang isang tao maging ang isang bansa ay nagtataglay ng mga kalakasan at kahinaan. Batay sa mga pahayag, tukuyin mo ang mga kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino. Maaari ka pang magtala ng karagdagang katangian at mga patunay tungkol dito. Bukas na lang natin ipasa ang proyekto.Kahit huli na tatanggapin naman ni ma’am ‘yan. Lola, sumabay na po kayo sa akin sa tawiran. Kunin na natin ito,kahit ba ukay, imported naman! Panalo tayo! Sabi ko sa iyo, dapat kaya nating makipagsabayan sa galing ng ibang bansa. Mga Gabay na Tanong: Umaasa akong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Dagdagan pa natin ang sipag at tiyaga. Di na ako papasok, wala namang gagawin sa iskul,maglilinis lang! Manang, sobra po ang inyong sukli. Naku, kanina pa pala tumatapon ang tubig.Maisara nga ang gripo. 1. Ano-ano ang kalakasan at kahinaan ng mga Pilipino batay sa mga pahayag? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. KALAKASAN PATUNAY KAHINAAN PATUNAY
  • 138.
    132 . 2.Sa iyong palagay, paano nakaaapekto ang mga ito sa kalagayan ng bansa? Dugtungan ang pahayag. Isulat ang sagot sa papel. Gayahin ang pormat. Ang kalakasan ng mga Pilipino ay: 1. Samantala, ang mga kahinaan ng mga Pilipino ay …(isulat sa loob ng alimango): 3. Alin ang nakahihigit ang kalakasan o ang kahinaan ng mga Pilipino? Patunayan. 5. 3. 4. 2. 1 4 3 5 2
  • 139.
    133 GAWAIN 1.2.3.b::LIHIM NG MGA SALITA … TUKLASIN Tuklasin mo ang lihim ng mga salitang pinahuhulaan? Alamin mo ang teknik upang matukoy ang mahalagang salita na gagamitin sa sanaysay na iyong babasahin. Halimbawa: 1. Ako ang simula ng buhay At simula pa rin ng umagang kayganda Gitna ng bahay na kongkreto At simula ng araw-araw na biyaya At katapusan ng bagay . Natuklasan mo ba kung anong salita ako? Tama, ang salita ay buhay. 2. Ako ang simula ng katotohanan At katapusan ng tapat na pagsinta Ako ang matatagpuan sa unahan ng ligaya Ngunit nasa gitna ng kawalan Ako ang simula ng yaman ng bawat bansa At simula rin ng alab ng puso Ako ang katapusan ng pag-asa Ngunit simula ng nabuhay na pangarap. Hulaan mo ang salita. 2. Simula ako ng elementong pinag-uusapan At katapusan ng mabagal na pag-unlad Ako ang nasa unahan ng ulap na bughaw Ako pa rin ang simula ng katahimikan Nasa gitna ng malakas na tawanan Ako ang nasa unahan ng simula At simula pa rin ng yukong walang humpay Ako ang katapusan ng musikang kulang sa tono At wakas ng nanay na ‘di matagpuan. Hulaan mo ang salita.
  • 140.
    Natuklasan mo bakung paano mahuhulaan ang mga salita? Natukoy mo ba na ito ay ang kalayaan at edukasyon? Tama, kung napansin mo ay walang kaugnayan ang mga pahayag sa bawat isa. Ang tanging palatandaan para mahulaan ang salita ay ang paggamit ng simula, gitna at katapusan ng kasunod na salita/mga salita. Kung gayon, binabati kita! Alam kong nasagot mo ang mga tanong at gawain sa bahaging ito. Ngayon ay handa ka na para sa mga gawain sa bahaging Paunlarin. Ang bahaging ito ng pag-aaral ay makatutulong upang lubusan mong makilala ang sanaysay bilang isang akdang pampanitikan. Maihahambing mo ito sa iba pang akdang pampanitikang pinag-aralan kung matutukoy mo ang katangian nito. Tutuklasin mo rin kung paano nakatutulong ang paggamit ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa pagbuo ng sanaysay. Gayundin, sa pagbabasa ng halimbawang akda malalaman mo ang kaligirang pinagmulan at mga dahilan ng may-akda. Dahil dito, mahalagang tanong na dapat tandaan: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon? Iyong balikan ang ilang tala sa buhay ni Dr. Jose P. Rizal. 134 Alam mo ba na … (1) Si Dr. Jose P. Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna, araw ng Miyerkules sa pagitan ng ika-11:00 at 12:00 ng gabi. (2) Ang kaniyang ina na si Gng. Teodora Alonzo Y Quintos Realonda ay nahirapan sa panganganak sapagkat ang ulo ni Jose ay malaki kaysa karaniwan. (3) Ang kaniyang ama na si Don Francisco Mercado Rizal ay isinilang sa Biıan, Laguna. (4) Bata pa lamang si Jose ay kinakitaan na ng angking talino sapagkat tatlong taong gulang pa lamang ay natutuhan na niya ang alpabeto. Nakasulat ng dulang itinanghal sa pista ng bayan at sa gulang na walo ay isinulat ang tulang nauukol sa kahalagahan at pagmamahal sa wika. (5) Natamo ni Jose ang unang pag-aaral sa kaniyang unang guro, ang kanyang ina. Samantala, naging guro naman niya si Justiniano Aquino Cruz sa Biıan, Laguna.
  • 141.
    (6) Ipinagpatuloy niyaang pag-aaral sa Ateneo Municipal de Manila. Samantala, sa Unibersidad ng Santo Tomas siya nagsimulang mag-aral ng medisina subalit tinapos niya ito sa Unibersidad Central 135 de Madrid. (7) Nakapagsalita siya ng dalawampu’t dalawang wika. (8) Marami siyang naisulat na akdang pampanitikan tulad ng tula, dula, nobela, sanaysay, atbp. (9) Maituturing na isang manggagamot, siyentipiko, makata, dalubwika, mananaliksik at pilosopo. (10)Nagbuwis ng buhay para sa bayan. Binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil sa paratang na panghihimagsik laban sa mga Espaıol. (11)Kinikilalang pambansang bayani dahil sa sumusunod na salik: a. Si Rizal ay kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang maghimagsik laban sa mga Espaıol. b.Si Rizal ay huwaran ng kapayapaan. c.Si Rizal ay may madulang pagkamatay. GAWAIN 1.2.3.c.: Ako At Ang Bayani Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang tala sa buhay ng pambansang bayani, subukin mong isulat ang mga kaisipang naibahagi nito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag. Gawin sa papel. Nabatid ko na ang buhay ni Dr. Jose P. Rizal ay ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Hindi maikakaila ang marubdob na pagmamahal niya sa bayan dahil ______________________________________________________________
  • 142.
    ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Bilangmag-aaral, nais kong ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 136 Nais mo bang maragdagan ang iyong pagkakilala sa pambansang bayani? Kung gayon, basahin ang kaniyang sanaysay. GAWAIN 1.2.3.d: LIGHT.: MGA KAISIPAN … HANAPIN AT PATUNAYAN Bago mo basahin ang sanaysay, nais kong lagyan mo ng tsek() ang mga kaisipan na sa palagay mo ay matatagpuan sa sanaysay. ___1. Likas na tamad ang mga Pilipino. ___2. Hindi tamad ang mga Pilipino. ___3. Ang katamaran ng mga Pilipino ay bunga ng kalagayang panlipunan sa Panahon ng mga Español. ___4. Isa sa dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon. ___5. Ang sikap at pagkukusa ay napanatili ng mga Pilipino sa kabila ng di- magandang sistemang umiiral sa Panahon ng mga Español. ___6. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. ___7. Sinusuportahan ng mga Español ang mga magsasaka na ang pananim ay pininsala ng mga hayop o bagyo. ___8. Ayon kay Jose Rizal, kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais. ___9. Nagpapahiram ng puhunang salapi ang mga Español sa layuning mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.
  • 143.
    ___10.Ang mga Pilipinoay nagkaroon ng mababang pagkilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa dahil sa malupit na sistema ng edukasyon. Ang iyong pagbabasa at pag-unawa sa sanaysay na pinamagatang “Ang Katamaran ng mga Pilipino” na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang magpapatunay sa mga kaisipan kung ito ay binanggit sa kaniyang sanaysay. Sikapin mong salungguhitan ang mga kaisipang napatunayan mong 137 tuwirang binabanggit dito. Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal (Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula Ugnay-Panitikan noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid. Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na
  • 144.
    katutubo ay kulangsa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan. Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan. Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon. Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka, pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng 138
  • 145.
    pagsakop. Iyan angnaging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino. Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan. Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal. Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at “pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang. Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain. At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.” 139
  • 146.
    Ang sugal aybinibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng 140 katamaran. Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa. Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran. Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin. Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal: “Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.” Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa. Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng
  • 147.
    karapatang makapagtatag ngmga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin. Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan. Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.” 141 Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang sanaysay? 2. Isa-isahin ang dahilan ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino? Isulat sa papel ang sagot. ANG KATAMARAN NG MGA PILIPINO 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
  • 148.
    3. Sa iyongpalagay, makatuwiran ba ang mga puna ng sumulat tungkol sa 142 kalagayang panlipunan sa kaniyang panahon? Gawin sa papel. Mga Kalagayang Panlipunan Pirata, mandarambong, sumalakay Gobernador, abusado Sistema ng edukasyon, baguhin Malupit na sistema, palitan Sa aking palagay... 4. Ilarawan ang damdaming nangingibabaw sa sanaysay. 5. Ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob sa larawan. Isulat ang mga sagot sa papel. 6. Sa iyong palagay, bakit isinulat ng bayani ang sanaysay? 7. Sa kasalukuyan, naniniwala ka bang tamad ang mga Pilipino? Pangatuwiranan. GAWAIN 1.2.3.e: MAGHANAY NG DETALYE … KAYA KO! Pagkatapos mong basahin at sagutin ang mga tanong tungkol sa nilalaman ng sanaysay, alam kong kayang-kaya mong ihanay ang mga detalye ng bawat kaisipan. Isa-isahin ang mga patunay sa pahayag. Gawing batayan ang sanaysay. A. Ang pangunahing sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ay ang mainit na singaw ng panahon. B. Ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling sistemang pinairal ng mga Español. C. Ang hindi mabubuting ugali ng mga Español ay nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino. Naihanay mo ang detalye ng kaisipang tinalakay sa sanaysay. Matutukoy mo ba ang katangian ng sanaysay bilang akdang pampanitikan? Basahin mo ang sumusunod na mga impormasyon.
  • 149.
    143 Sanaysay Sinasabingang sanaysay bilang akdang pampanitikan ay huling nakakita ng liwanag sa Ugnay-Panitikan larangan ng panitikan. Ang sanaysay ay naglalahad ng pananaw at opinyon ng sumulat tungkol sa tiyak na paksa. Uri ng Sanaysay Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng sanaysay- (1) ang pormal o impersonal na sanaysay at (2) ang di-pormal o personal na sanaysay.Tumatalakay sa mga seryosong paksa ang pormal na sanaysay, tulad ng kamatayan, agham, pag-unlad, kabihasnan samantalang magaan ang mga paksang matatagpuan sa di-pormal, tulad ng paghihintay sa bus, kahit na ng pagtulog. Ang kapormalan ng una ay nagdidikta ng uri ng wika nito- di malapit o nakikipaglayo, siyentipiko, may himig na nag-uutos, mataas, istandard. Ang pagkamalapit ng impormal na sanaysay ay nagmumungkahing ang lenggwahe nito ay parang nakikipag-usap, mainit, mataginting, kung minsa’y garapal ngunit mapagnilay-nilay rin sa ibang paraan. Unang makatatawag ng pansin sa kaisipan, bago sa damdamin ang pormal na sanaysay; kabaligtaran sa di-pormal. Mga Tiyak na Uri ng Sanaysay May 12 natatanging uri ng sanaysay: (1) pasalaysay, (2) naglalarawan, (3) mapagdili-dili, (4) kritikal o mapanuri (5) didaktiko o nangangaral, (6) nagpapaalala, (7) editoryal, (8) maka-siyentipiko o makaagham, (9) sosyo-politikal, (10) sanaysay na pangkalikasan, at (11) sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan.
  • 150.
    144 Mga Gabayna Tanong: 1. Batay sa mga impormasyong inilahad tungkol sa sanaysay subukin mong: a. paghambingin ang sanaysay na pormal at di-pormal PORMAL ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ _________ ________________ DI-PORMAL _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ ___ _________________ SANAYSAY b. Suriin (batay sa tiyak na uri ng sanaysay) ang mga mungkahing pamagat ng sanaysay 1. Si Papa at Mama 2. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change? 3. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay 4. Ang Politika sa Pilipinas 5. Isang Gabing Pagninilay Nagkaroon ka na ng mga kaalaman tungkol sa sanaysay bilang isa sa mga akdang pampanitikan. Handa ka na upang pag-aralan ang mga elemento na nagpapabuti sa kabuuan ng pagsulat ng sanaysay - ang pagtukoy sa pangunahin at mga pantulong na kaisipan. Bilang mambabasa, malaki ang maitutulong sa iyo ng mga kasanayang matatamo sa pagtukoy ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan sapagkat sa ganitong paraan matitiyak kong mauunawaan mo ang layunin ng sumulat. Maaaring mapatunayan mo rin na ang pagbabasa ay isang gawaing interaktibo. Mga Gabay na Tanong 1. Basahin ang sumusunod na talata. Sipiin/Kopyahin ang bawat talata. Salungguhitan ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahing kaisipan at lagyan ng tsek() ang mga binilangang pangungusap na nagpapahayag ng pantulong na kaisipan. Gawin sa sagutang papel.
  • 151.
    A) (1) Angedukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao. (2) Ito ay nagpapalaya sa tao sa kamangmangan. (3) Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa pagharap sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. (4) Nagagawa niyang paunlarin ang sariling kakayahan. (5) Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang kapaligiran. (6) Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo. B) (1) Naging mapagpabaya ang mga Pilipino dahil sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa. (2) Ang mga encomendero ay lubhang nagsamantala sa pamamagitan ng pagpilit sa mga magsasaka na ipagbili sa kanila ang mga ani sa murang halaga na naging daan sa pananamlay ng mga magsasaka sa paggawa sa bukid. (3) Sinasarili rin ng gobernador ang lahat ng negosyo at nawawalan ng kita ang mga magsasaka. (4) Walang dulot na pampasigla sa mga tao ang pamahalaan. (5) Samakatuwid ang sipag at tiyaga ng mga Pilipino ay nawala dahil sa maling pamamalakad ng mga Español. C) ( 1) Ang mga Pilipino ay mapamahiin. (2) Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay nangangahulugan ng pagdating ng panauhin. (3) Hindi dapat tumuloy sa anumang lakad kung nakasalubong ng itim na pusa dahil ito’y hudyat ng kapahamakan. (4) Mawawala ang suwerte kapag nagwalis sa bahay tuwing gabi. (5) Ang pagkabasag ng salamin ay magdudulot ng pitong taong kamalasan. (6) Sadyang mapamahiin ang mga Pilipino. D)(1) Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at tumangos ang ilong. (2) Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong matawag na sosyal. (3) Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported. (4) Tunay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin ng mga Pilipino. (5) Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain at pananaw. (6) Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan. 145
  • 152.
    Natutuwa ako saiyo dahil natapos mo ang mga gawain sa bahaging nang may kahusayan. Sa pagkakataong ito ay susubok ka na sa susunod na gawain upang palalimin pa ang iyong kaalaman. Mahalagang mapagtibay mo ang mga konseptong iyong natutuhan at naunawaan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga inilaang gawain. Inaasahan ko na iyong nakita ang pagkakaugnay-ugnay ng mga gawain tungkol sa mahalagang tanong na: Paano ipinahayag ng mga manunulat ang kasaysayan, kaugalian at kalagayang panlipunan ng bansa sa kanilang panahon? Sa gayon ay maihahambing mo ang kasalukuyang kalagayang panlipunan at kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon paano mo ito maaaring maipahayag? 146 GAWAIN 1.2.3.f: LARAWAN AT KAAISIPAN Matutunghayan mo sa ibaba ang mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang kalagayan sa lipunan. Isulat sa loob ng malaking kahon ang pangunahing kaisipan at sa maliliit na kahon ang mga pantulong na kaisipan.
  • 153.
    Lagyan ng bituin() ang larawang nagsasaad ng pangunahing kaisipan. Lagyan ng tsek () ang larawang tumutukoy sa mga pantulong na kaisipan. Pagkatapos, bumuo ng mga pahayag na nagpapakita ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan batay sa mga larawang napili. Isulat ang sagot sa mga kahon sa ibaba. Sundin ang pormat. Nakikita mo ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari noon sa kasalukuyan? Ang mga kalagayang panlipunan ngayon na ipinakikita ng mga larawan ay nakatutulong sa pagbuo ng mga kaisipan. Maaaring sa tulong ng mga ito, makakalilikha ka ng pangunahin at mga pantulong na kaisipan. 147
  • 154.
    148 GAWAIN 1.2.3.g:BUUIN: KONSEPTONG MAKATOTOHANAN Dugtungan mo ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay. Ang sanaysay ay _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Z Ipinabatid ng sanaysay ang tungkol sa pambansang bayani na _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Z Sa kasalukuyan, mapaiigting ang kalakasan ng mga Pilipino _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Z Makatutulong ako sa paglutas ng mga suliranin ng bansa sa pamamagitan ng ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ Z Sa pagbabasa ng talata, makikilala ang pangunahing kaisipan ________ _______________________________________________________ ____ Z Samantala, ang mga pantulong na kaisipan sa isang talata ay ______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________
  • 155.
    149 GAWAIN1. 2.3.h:MAGSULAT, MAGPAHAYAG, AT MANGAMPANYA Unti-unti mo na bang nakikita ang bunga ng iyong pag-aaral? Tandaan na napakahalaga ng pag-unawa sa aralin para sa isang mag-aaral na tulad mo. Ito ang magiging daan upang iyong maisagawa ang inaasahang produkto/ pagganap. Kaya, alam kong handa ka nang gawin ang pangwakas na gawain. Ang barangay captain sa inyong lugar ay naghahanap ng mga kabataang manunulat na maghahanda ng flyers (leaflet) tungkol sa LIGTAS-KAPALIGIRAN, SAGIP-KALIKASAN: ISANG KAMPANYA. Ang flyers na ito ay ipamimigay sa bawat pamilya ng nasabing barangay. Layunin nitong ilahad ang kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa inyong barangay na may malaking epekto sa kalikasan. Batay sa pamantayan, nararapat na magtaglay ng sumusunod ang flyers: 1. Maglagay ng tatlo hanggang apat na larawan tungkol sa suliranin sa kapaligiran ng inyong barangay. 2. Bawat larawan ay lalagyan ng lima hanggang pitong pangungusap na maglalahad ng kalagayang pangkapaligiran sa inyong barangay. 3. Tiyaking makapagtatala ng lima hanggang pitong mungkahing hakbang na gagawin ng bawat pamilya para makatulong sa panawagan. 4. Gawin itong kaakit-akit, malinaw, at nakapanghihikayat. Isaalang-alang ang sumusunod sa pagbuo ng flyers: Kalinawan ng mensahe sa larawan 40% Katiyakan at kaisahan ng mga pangungusap ayon sa paksa 50% Kabisaan sa panghihikayat sa mambabasa 10% ____ 100%
  • 156.
    150 Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannnaaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn Tiyak kong batid mo na ang mga lumaganap na akdang pampanitikan sa Panahon ng Espaıol. Marahil ay humanga ka sa kapwa Pilipino dahil sa paraan ng kanilang pagpapahayag. Ipinakita sa mga akdang pampanitikang tulad ng karagatan, duplo, tula at sanaysay ang husay sa mabilis na pag-iisip gayundin ang kasiningan sa paggamit ng wika. Kaya naman patunayan mong ikaw ay nagmula sa lahing ito na may angking husay sa pag-iisip at pagpapahayag. Natutuwa ako para sa iyo sapagkat batid kong may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga panitikang sumibol sa panahon ng Espaıol. Natitiyak kong ang dati mong kaalaman sa simula ng pagtalakay sa aralin ay higit na lumawak at lumalim. Samakatuwid, sa tulong ng KWHL Sheet, ang nauna mong mga paghihinuha ay napagtibay na ng nakuha mong mga kaalaman sa kabuuan ng aralin kaya maaari mo nang sagutin ang huling kolum ng sheet. Sa tulong ng KWHL Sheet, nais kong bigyan mo ng hinuha ang tanong sa kasunod na kahon sa p. 150. Nasagot mo na ang tatlong naunang kolum, ang KWH,hindi ba? Pagkatapos nating pag-aralan ang Aralin 1.2 ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. K Ano ang alam mo na? (What do you know?) W Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) H Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) L Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? What did you learn?) Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan.
  • 157.
    Binabati kita! Buonghusay mong nagampanan ang mga gawaing inilaan ng bahaging ito ng modyul. Inaasahan kong naging malinaw sa iyo ang sumusunod na konsepto: 1. masasalamin sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng 151 isang bansa sa panahong isinulat ito ; 2. gumamit ng iba’t ibang anyo ng panitikan tulad ng duplo, karagatan, tula at sanaysay ang mga Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang pananaw, saloobin at damdamin ; 3. mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa maayos na pagpapahayag; at 4. sa kasalukuyan, makikita pa rin ang kaugnayan ng mga akdang pampanitikan sa buhay ng mga Pilipino. IIIIlllliiiippppaaaatttt Sa bahaging ito, ililipat mo na ang iyong mga natutuhan, gawin mo ang hamon sa pamamagitan ng pagtugon sa susunod na gawain. Isa kang kolumnista sa pahayagan. Maraming sumusubaybay sa iyong kolum/pitak. Ayon sa pamunuan ng pahayagan, iminumungkahi nilang talakayin mo sa iyong susunod na kolum ang paksang nauukol sa suliraning kinakaharap ng paparaming batang nasasangkot sa krimen o tinatawag na youth offenders tulad ng mga batang hamog atbp. Ang mungkahi ng pamunuan ay ayon na rin sa liham na natanggap nila sa mga mag-aaral sa hayskul na naglalayong matalakay ang paksa at makita ang paraan ng pagkakabuo nito sa ginagawa nilang pag-aaral. Inaasahan ng mga tagasubaybay ng mag-aaral ang sumusunod: (1) makatawag-pansing pamagat (2) lawak ng pagtalakay sa paksa (3) paglalahad ng mga datos o estadistika (4) wastong gamit ng mga salita (5) kalinawan ng mensaheng nakapaloob
  • 158.
    152 VII. PANGWAKASNA PAGSUSULIT (para sa Aralin 1.2) Sa pagkakataong ito, alamin mo kung ano na ang iyong mga natutuhan sa mga paksang iyong pinag-aralan. I. Basahin at unawain mo ang bawat aytem. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. 1. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu. a. tula c. dula b. sanaysay d. maikling kuwento 2. Sa pagbabasa ng isang talata paano magiging madaling makita ang pangunahing ideya nito? a. Alamin ang paksa ng talata. b. Isa-isahin ang mga detalye. c. Hanapin ang mga halimbawa sa talata. d. Tukuyin ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa. 3. Basahin at unawain ang mga pangungusap. Pagkatapos, tukuyin ang pangunahing kaisipan. (A) Sa kasagsagan ng bagyo, isang dalagita ang nagligtas sa bandila ng Pilipinas. (B) Samantala, isang nawawalang matanda ang tinulungang makita ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng facebook sa tulong ng isang binata. (C) Tulad ni Ahli, araw-araw niyang inaakay ang kaniyang lolo na may kapansanan. (D) Nakatutuwang isipin na may kabataan pa rin sa kasalukuyan ang handang maglingkod sa kapwa at bayan.
  • 159.
    4. Ano angpinakamabuting maaaring ibunga ng paggamit ng 153 eupemistikong pananalita? a. Nagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. b. Nagpapakilala sa tao sa kaniyang kapwa. c. Nagdudulot ng pagkakaroon ng maraming kaibigan. d. Naghahatid ng saya sa kausap. 5. Ikaw ay inanyayahan ng iyong kamag-aral na dumalo sa kaniyang kaarawan. Subalit alam mo na hindi ka pahihintulutan ng iyong magulang sapagkat sa gabi isasagawa ang pagdiriwang. Paano mo sasabihin sa iyong kamag-aral na hindi ka makadadalo? a. “Pasensiya ka na kung hindi ako makadadalo kasi istrikto ang magulang ko.” b. “Ikinalulungkot ko na hindi ako makadadalo sapagkat talaga lamang may panuntunan kaming sinusunod sa bahay.” c. “ Sana ginawa mo na lang ng hapon para makadalo ako.” d. “Delikado ang panahon ngayon kaya hindi ako dadalo sa iyong kaarawan. 6. Ang duplo bilang anyo ng panitikan ay nagtataglay na sumusunod na katangian maliban sa: a. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sino mang nahatulang parusahan. b. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. c. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nahulog na singsing ng isang dalaga. d. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera. 7. Bakit mainam pa ring laruin ang karagatan at duplo sa kasalukuyan? a. Nagpapatalas ito ng isip sapagkat ang pagmamatuwid ay daglian o impromptu. b. Naaaliw nito ang mga namatayan. c. Nauuwi sa pagliligawan ang biruan lamang sa simula ng kabataan. d. Nasasanay magkabisado ng tula ang kabataan
  • 160.
    154 Basahin atunawain ang kasunod na mga saknong ng tula. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong kaugnay nito. ‘Di na kailangan sa iyo ang awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso naming ang kami’y mapuksa, langit mo naman ang kami’y madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam,paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag. Mula sa: “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ni Andres Bonifacio 8.Ano ang ibig sabihin ng salitang kuhila? a. api c. ganid b. taksil d. hirap 9.Sino ang tinutukoy na Ina sa tula? a. Espaıa c. Hapon b. Pilipinas d. Amerika 10. Alin sa mga taludtod ang angkop na kasunod ng saknong na: Bakit? Alin ito na sakdal laki, Na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal nakapangyayari, At ginugugulan ng buhay na iwi? a.Ay! Ito ang Inang Bayang tinubuan b. Siya’y Ina’t tangi kinamulatan b.Ng kawili-wiling liwanag ng araw d. Na nagbigay-init sa buong katawan Wow! Natapos mo na nang buong husay ang Aralin 1.2. Malawak na ang iyong kaalaman tungkol sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap naman noong Panahon ng mga Español. Nakatitiyak ako na nagkaroon ka rin ng kaalaman tungkol sa kultura at kaugaliang Pilipino ng mga panahong iyon dahil nasalamin mo ang mga ito sa bawat akdang ating tinalakay. Marahil ay nanininiwala ka na ang panitikan ay talagang salamin ng kultura ng mga tao sa panahon at lugar na pinagmulan ng mga ito. Pagkatapos ng pananakop ng mga Español sa ating bansa, dumating naman ang mga Hapon. Katulad ng mga naunang dayuhan na sumakop sa atin, mayroon din silang kultura at uri ng panitikan na ipinakilala sa ating mga kababayan. Iyan ang aalamin natin sa huling aralin ng Modyul 1, ang Aralin 1.3 – Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon. Simulan na natin.
  • 161.
    Isang tipikal natagpo sa kabukiran ang pagtatanim ng palay – ang pangunahing pagkain ng mga Pinoy. 155 Aralin 1.3: Ang Panitikan sa Panahon ng mga Hapon I. Panimula at mga Pokus na Tanong Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit ang paksa ng mga tula noong panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan, pag-ibig, kalikasan, buhay-lalawigan o nayon, pananampalataya at sining? Marahil nagtataka ka kung bakit ‘di naging paksa ng mga akdang pampanitikan noon ang tungkol sa pamamahala ng mga Hapones. Sa araling ito malalaman mo ang mga akdang pampanitikan na sumibol sa panahong ito na naimpluwensiyahan sa panahong naisulat ito, tulad ng tanaga, haiku at maikling kuwento. Alamin mo kung ano ang kulturang namamayani ng panahong ito? Masasalamin ba sa uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno? II. Ang mga Aralin at Ang Saklaw Nito Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito: A. Aralin 1. 3- Ang Panitikan sa Panahon ng Hapones 1. 3. 1. a. Panitikan: Tula a.Tanaga b.Haiku b. Wika: Mga Pangungusap na Walang Paksa 1. 3. 2. a.Panitikan: Maikling Kuwento “Uhaw ang Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo b.Wika: Sanhi at Bunga
  • 162.
    156 III. MgaInaasahang Kasanayan Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan. Aralin 1.3 Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • maipaliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari • masuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari • mapatunayan ang kawastuan ng mga impormasyon batay sa sariling karanasan Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa teksto/ diskursong napakinggan Pagsasalita Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag/pangungusap na nagbibigay-pahiwatig Naibabahagi ang sariling opinyon, pananaw, katuwiran, interpretasyon sa tulong ng mga diskursong: • nagpapaliwanag • nangangatuwiran • nagsasalaysay • naglalarawan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga katangian nito • tula • maikling Kuwento Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang akda/ teksto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
  • 163.
    Nakagagawa ng mgagawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto • Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • Nailalarawan sa imaheng biswal ang mga kaisipan o 157 ideyang nakapaloob sa akda/teksto Nahuhulaan ang kahihinatnan ng mga pangyayari sa pamamagitan ng: • pagpili ng lohikal na wakas • paggawa ng sariling wakas • pagbabago ng wakas Pagsulat Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye,kaisipan at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • mabuti o masama • katotohanan o opinyon Naisasaayos ang mga tala/impormasyong nakalap mula sa iba’t ibang pinanggalingan(panayam, aklat, pelikula, internet at iba pa) na may kaugnayan sa paksang tinalakay Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • depinisyon • paghahalimbawa • pagsusuri • paghahawig o Pagtutulad • sanhi at bunga Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa akdang pampanitikang napanood,nabasa o napakinggan
  • 164.
    158 Estratehiya saPag-aaral Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo. Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan o nabasang impormasyon (media literasi) Pananaliksik Nakabubuo ng balangkas ng nasaliksik na mga impormasyon Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet
  • 165.
    159 IV. Konseptuwalna Balangkas Narito ang Konseptuwal na Balangkas ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang iyong mga gawain. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON Tula Maikling Kuwento Haiku Tanaga Uhaw ang Tigang na Lupa Pangungusap na Walang Paksa Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari Marahil ay handang-handa ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang tungkol sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Hapon. V. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin muna natin kung gaano na ang alam mo sa panitikang sumibol noong Panahon ng Hapones sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya. Sa pagtatapos ng mga gawain sa araling ito malalaman mo kung tama ang iyong mga kasagutan. Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng letra ng tamang sagot. 1. Paano mo malalaman na haiku ang isang tula? a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7- 5 o 5-5-7 o 7-5-5 b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 10- 4-4 o 5-5-8 o 8-4-6 c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4- 4 o 8-2-2 o 2-8-2 d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4- 5 o 4-5-5 o 5-5-4
  • 166.
    160 2. Anoang ikinaiiba ng tanaga sa haiku? a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong 3. Anong panahon nagsimulang lumaganap ang mga tanaga at haiku sa ating bansa? a. Katutubo b. Español c. Hapon d. Kasarinlan 4. Ano ang karaniwang paksa ng mga tanaga at haiku noon? a. kababalaghan c. kalagayan sa buhay c. katatakutan d. kaguluhan 5. Basahin ang isang halimbawa ng tanaga. Ano ang ibig sabihin ng salitang dumalaw ? Panalangin ni Asuncion B. Bola Pagsubok ‘pag dumalaw ‘Di ka makapagpasiya Ang Panalangin lamang Sagot sa mga problema a. bumisita c. dumating b. pumunta d. bunga 6. Ano ang paksa ng kasunod na haiku? Iyong galangin Ang asawa’y yakapin Huwag bugbugin. Huwag nang buksan, Lahat ng nakaraan Walang sumbatan. Planong pamily Ay dapat ginagawa Ng mag-asawa.
  • 167.
    161 a. Buhaymay asawa b. Ang Pag-aasawa c. Pagplano ng pamilya d. Pag-aaruga ng pamilya 8. Bakit nangibabaw ang panitikan sa Tagalog noong Panahon ng Hapones? a. Nagandahan ang mga Hapones sa panitikang Tagalog. b. Ipinagbawal ng mga Hapones ang panitikan sa Ingles. c. Nauunawaan ng lahat ang panitikan sa Tagalog. d. Mas maayos ang pagkakalahad ng mga ideya ng panitikan sa Tagalog. 8. Ano ang pagkakatulad ng haiku at tanaga? a. naglalaman ng mga pangyayari. b. magkapareho ang tunog sa hulihan ng bawat taludtod. c. Hindi pare-pareho ang pantig sa bawat taludtod. d. kapwa may sukat at tugma. 9. Kailan sumibol ang Gintong Panahon ng maikling kuwento? a. 1941 c. 1942 b. 1943 d. 1944 10. Ano ang tawag sa Liwayway na tanging magasin noon na pinangasiwaan ng mga Hapones na kumilala sa panitikan? a. likhang sining ng mga manunulat b. obra ng mga manunulat c. lakas ng manunulat d. buhay ng manunulat 11. Bakit sinasabing ang panitikan ay tinig ng kilusan sa Panahon ng Hapon? a. Naililimbag ang makabayang kaisipan ng mga makata, mananaysay at manunulat ng maikling kuwento. b. Naipahahayag ang di pagsang-ayon sa mga dayuhan. c. Naipararating ang mga kahilingan, alituntunin o kautusan ng mga Pilipino. d. Nakasusulat ng mga akdang nais ipalimbag.
  • 168.
    12 . Kungikaw ang bata sa akdang “ Uhaw ang Tigang na Lupa” ano ang iyong gagawin sa nararamdaman mong katahimikan sa inyong tahanan? 162 a. Ipagwawalang bahala ko sapagkat ayaw kong makialam. b. Hahayaan ko na lang sapagkat bata pa ako. c. Magtatanong ako sapagkat bilang anak karapatan kong malaman ang nangyayari. d. Pababayaan ko na lang sila sapagkat baka mapagalitan pa ako. 12. “Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw”, ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito? a. Madalang masilayan ang pagngiti ng Ina. b. May problemang dinadala kaya di siya napapansin. c. Hindi umuulan kaya tigang ang lupa. d. Malungkot ang paligid. 14. Kailan masasabing ang isang pamilya ay huwaran? a. may ina, ama at mga anak b. nakatira sa maayos na bahay c. may masaganang pamumuhay d.may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa. 15. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya? a. magiging mamamayang may kapanagutan sa anumang gawain b. magiging sikat na mamamayan c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan d. magkakaroon ng disiplinang pansarili Kumusta? Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga panitikang lumaganap sa Panahon ng Hapon.
  • 169.
    163 VI.Yugto ngPagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Alam mo ba na bago pa man dumating ang mga mananakop tayo ay may sarili nang panitikan? Hindi maikakailang yumabong pa ito sa kanilang pagdating. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones na bagamat napakahirap ng buhay ng mga Pilipino noon ay napaunlad pa rin ang mga tula (haiku at tanaga), at maikling kuwento. Alamin mo kung ano ang kulturang namamayani sa panahong ito? Masasalamin ba sa uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito ang kultura ng ating mga ninuno? Naniniwala ka ba na ang mga paksa ng akdang pampanitikan ay naiimpluwensiyahan ng panahong naisulat ito? Alam ko na may nalalaman ka na sa panitikan noong panahon ng Hapon. Kung wala naman, makatutulong sa iyo ang araling ito upang mabatid at madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Subukin mo kung hanggang saan na ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng susunod na gawain. GAWAIN 1.3.1.a : Tugon sa Pagkatuto Ang Tahanan ng mga Konsepto ay mga konsepto na iyong pagninilayan sa kabuuan ng araling ito. A. Bago ang Talakayan C.Pagkatapos ng Talakayan B. MGA KONSEPTO 1. Totoo __ Di Totoo __ 2. Totoo __ Di Totoo __ 3. Totoo __ Di Totoo __ 4. Totoo __ Di Totoo __ 10.Totoo _ Di Totoo __ 1.Totoo __ Di Totoo __ 2.Totoo __ Di Totoo __ 3.Totoo __ Di Totoo __ 4.Totoo __ Di Totoo __ 5.Totoo __ Di Totoo __ Tahanan ng mga Konsepto Panuto: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo o di-totoo ang mga konseptong nakasulat. 1. Ang panitikan ay salamin ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. 2. Sa panitikan malayang naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at saloobin. 3. Panitikan rin ang naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. 4. Ang mga paksa noon ng akdang pampanitikan ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. 5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
  • 170.
    Matapos mong gawinang Tugon sa Pagkatuto malalaman mo ang mga konsepto na sa palagay mo ay totoo. Ito ay iyong babalikan upang maitama ang mga konseptong alam mo na totoo at di-totoo. 164 GAWAIN 1.3.1.b: Hanap-Salita Hanapin mo ang tatlong salita na sa palagay mo ay may kaugnayan sa ating tatalakayin sa panitikan sa Panahon ng Hapones. Bilugan ang mabubuong salita. K I L A L A U E P S T O W A L A N G E H A I K U N I M I T O T A N A G A O Y A Y I E Sa Panahon ng Hapones , may dalawang klase ng akdang pampanitikan ang sumibol na iyong pag-aaralan sa bahaging ito- tula (tanaga at haiku) at maikling kuwento. Ang susunod na gawain ay makatutulong upang maunawaan isa-isa ang mga akdang sumibol sa Panahon ng Hapones. Bibigyan mo rin ng pokus sa iyong pag-aaral ang araling panggramatika na gagamitin upang maisagawa ang produktong inaasahan pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito. Simulan natin sa tula, ang tanaga at haiku.
  • 171.
    165 PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Sabahaging ito higit mong mauunawaan ang mga konseptong dapat mong matutuhan sa tanaga at haiku bilang mga akdang pampanitikan na sumibol sa bansa noong Panahon ng Hapones. Mauunawaan mo din kung ano ang naging tungkulin ng panitikan sa noong panahong iyon. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang mga akdang pampanitikang ito upang masilayan natin ang kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong ito? Upang matugunan mo nang wasto ang mahalagang tanong, pagyamanin mo ang iyong kaalaman sa paksa na iyong pag-aaralan sa tulong ng mga gawaing inilaan sa araling ito. GAWAIN 1.3.1.c: Gabay ng Buhay Suriin at tukuyin ang mga nakatala sa kasunod na mga kahon kung alin ang tanaga at haiku. Isulat ang letra sa sagutang papel kung haiku o tanaga ang mga nakatala sa kahon. Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataos na pagdamay. A. B. B. C. D. E. F. TANAGA HAIKU 1. 1. 2. 2. 3. 3. Gabing tahimik Sumasapi sa bato Huning-kuliglig Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso. Palay siyang matino, Nang humangi’y yumuko; Nguni’t muling tumayo Nagkabunga ng ginto Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadarama’t nalalasap ang pag-ibig na matapat. Hila mo’t tabak… Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo…
  • 172.
    166 Mga Gabayna Tanong: 1. Ano ang mga katangian ng tulang sumibol sa Panahon ng Hapon na ikinaiiba nito sa iba pang tula? 2. Ang mga akdang pampanitikan ba ay sagisag ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino? Ipaliwanag. Tama kaya ang iyong pagkaunawa sa katangian ng tulang sumibol sa Panahon ng Hapones? Upang iyong malaman at maunawaan ang tungkol dito, narito ang mga impormasyon. TANAGA AT HAIKU Mayaman ang ating bansa sa mga akdang pampanitikan dahil sa impluwensiya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Isa na rito Ugnay-Panitikan ang tula sa Panahon ng Hapones. Sinasabing dahil sa kahirapan ng papel noong Panahon ng Hapones, lumabas ang maiikling tula na tinatawag na tanaga at haiku. Ano ang tanaga at haiku? Ayon kina Noceda at Sanlucar, ang tanaga ay isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.May 4 na taludtod (linya ng bawat saknong sa tula) na may sukat (bilang ng pantig sa bawat taludtod), binubuo ng pitong pantig (walang antalang bugso ng tinig na pasulat na bawat pantig ay laging may isang patinig) sa bawat taludturan, may tugma (pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod) , at puno ng talinghaga. Halimbawa: . SIPAG Magsikhay nang mabuti Sa araw man o gabi Hindi mamumulubi Magbubuhay na hari IKAW LANG Dasal ko sa Bathala Sana’y makapiling ka sa luha ko at dusa Ikaw ang aking sigla
  • 173.
    167 Samantalang anghaiku ay tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay binubuo ng limang pantig; ang ikalawa’y may pitong pantig, at ang ikatlo’y may limang pantig tulad ng una. Halimbawa: GAWAIN 1.3.1.d: Talinghaga ng Buhay Ibigay ang kaisipang nais ipabatid ng kasunod na mga tanaga at haiku. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. c. A. B. d. C. D. B._____________ _____________ _____________ ___________________ __________________ ________________ ________________ __________ __________________ ______________ ______________ ____________ TANAGA C.________________ _______________ _______________ HAIKU Ang katoto kapag tunay hindi ngiti ang pang-alay kundi isang katapatan ng mataos na pagdamay. Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso. Wala iyan sa pabalat at sa puso nakatatak, nadarama’t nalalasap ang pag-ibig na matapat. Hila mo’t tabak… Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo… Puno ay sanga Bisagra ay talahib, Kandado’y suso. Hila mo’t tabak... Ang bulaklak nanginig Sa paglapit mo...
  • 174.
    Sa iyong palagay,nasasalamin ba sa mga tanaga at haiku ang kultura ng isang lahi? Marahil, tama ka sapagkat ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Ngunit pansinin kung ano ang pagkakaiba ng tanaga sa haiku sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong sa ibaba. 1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa pang-araw- Pagkakaiba(Haiku) ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ _ 168 araw mong buhay? Patunayan. 2. Nasasalamin ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga tanaga at haiku? Tunay na tayong mga Pilipino ay naniniwala na sa mga akdang pampanitikan masasalamin ang kilos at pag-uugali ng isang tao. Tulad ng mga halimbawa ng tanaga at haiku sa itaas. GAWAIN 1.3.1.e : MAGKAIBA O MAGKATULAD (MOM) May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang tanaga at haiku? Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Pagkakaiba (Tanaga) ________________ ________________ ________________ ________________ Pagkakatulad (Tanaga at Haiku) ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ Mga Gabay na Tanong: 1. Paano nagkaiba ang tanaga at haiku? Ipaliwanag. 2. Mahalaga bang matutuhan mo ang mga tanaga at haiku na nangibabaw sa Panahon ng Hapones? Pangatuwiranan. Alam ko na sa tulong ng mga gawaing naunang ginawa ay naunawaan mo nang ganap ang pagkakaiba ng tanaga at haiku na lumaganap noong Panahon ng Hapon. Pansinin ang kaiklian ng mga tanaga at haiku. Nagpapahayag ba ng isang buong diwa ang mga ito? Alam mo ba na may mga pangungusap tayo na kahit walang paksa ay maituturing na pangungusap? Upang maging mabisa ang gagawin mong orihinal na tanaga at haiku na lalapatan ng larawan, makatutulong sa iyo kung pag-aaralan mo ang mga pangungusap na walang paksa.
  • 175.
    Basahin at unawainmo ang nais ipabatid na mensahe ng kasunod na 169 GAWAIN 1. 3.1.f : Pangungusap Ba Kahit Walang Paksa? komik strip. Pagkatapos ng klase, ang magkakaibigan ay nagkukuwentuhan habang sama-samang gumagawa ng kanilang takdang- aralin. Tuwang-tuwa sila at sabay-sabay nilang sinabi na... Umaaraw na. Kagabi nakakatakot talaga Huwag mo ng isipin iyon. Tanghali na,kailangang matapos natin ito Tawagan mo si Ana nasa kanya ang aklat na kailangan natin. Oo nga may pasok pa tayo. Tayo na. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang ginagawa ng magkakaibigan? 2. Pansinin ang naging usapan ng magkakaibiganl, ano ang tawag sa nabuong mga pangungusap? 3. Kailan masasabi na ang pangungusap na walang paksa ay temporal, penomenal, eksistensiyal at modal? Sa naganap na usapan ng magkakaibigan kapansin-pansin ang kaiklian nito at mga pangungusap na hindi tiyak ang paksa. Pag-aralan mo ang kasunod na impormasyon upang lubos mong maunawaan ang tungkol sa mga pangungusap na walang paksa.
  • 176.
    Ugnay-Wika 170 MgaPangungusap na Walang Tiyak na Paksa 1. Penomenal- Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran. Halimbawa: Umuulan Lilindol uli! Maginaw ngayon. Makulimlim na naman. 2. Temporal- Nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan itong mga pang-abay na nagsasabi ng… Halimbawa: Tanghali na Bukas ay Miyerkules Alas singko pa lang ng umaga. Todos los Santos sa Lunes Magbabakasyon lang 3. Eksistensiyal- Nagsasaad ito ng “pagka mayroon” o pagka-wala”. Inilalagay sa unahan nito ang mga salitang may o mayroon at wala. Halimbawa: Wala pang bisita May nakakuha na May hinihintay pa Walang sumasagot 4. Modal- Nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, pwede, maaari, dapat, o kailangan. Halimbawa: Puwede bang sabihin. Maaari bang magdagdag? Gusto kong magbigay. Nais/ibig mo ba? Ngayong, alam mo na ang pagkakaiba ng mga pangungusap na walang na paksa, naghanda ako ng pagsasanay upang sukatin ang iyong naging kaalaman..
  • 177.
    171 GAWAIN 1.3.1g : Mga Kasanayang Panggramatika Basahin ang usapan . Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong. Rey : Tao po. Magandang hapon po. Lolo : Ay! Ikaw pala, Rey.Halika.Tuloy. Rey : Nabalitaan ko pong dumating si Raymond, babatiin ko lamang po siya dahil sa pagtatapos niya nang may karangalan. Lolo : Ganoon ba? Apo, tuloy ka.May bisita ka. Raymond : Salamat po. Ikaw pala, Rey. Gabi na. Bakit napasugod ka. Rey : Binabati kita sa iyong pagtatapos nang may karangalan. Ang galing mo talaga dangal ka ng ating baryo. Raymond : Maraming salamat. Sana maging karapat-dapat ako sa iyong pagbati. Rey : Binabati ka rin ng iba pa nating kaibigan. Sana raw di ka magbago. Raymond : Naku! Hinding-hindi mangyayari iyon. Lolo : Hindi sa itinataboy kita, Rey. Bukas na kayo magbalitaan. Dumidilim na. Kumukulog pa. Tag-ulan ngayon. Baka magkasakit ka. 1. Ano ang paksa ng usapan? 2. Hanapin ang mga pangungusap na walang paksa sa teksto. Pangkatin ito ayon sa uri. Isulat ang sagot sa papel.
  • 178.
    Pangungusap na WalangPaksa 1. Naniniwala ako na mahalagang unawain ang mga Modal ___________________________ ___________________________ ____________________________ 3. Mabisa ba ang pagkakagamit ng mga pangungusap na walang paksa 172 sa ganitong usapan? Ipaliwanag. 4. Bumuo ng tanaga o haiku gamit ang mga pangungusap na walang paksa. Sa bahaging ito, bigyan mo ng pansin ang nabuong pag-unawa tungkol sa paksa. Sapat na ba ang iyong kakayahan upang sagutin ang kasunod na gawain na tutulong upang higit na lumalim ang iyong pag-unawa sa araling pinag-aaralan? GAWAIN 1.3.1.h : ILARAWAN Piliin ang angkop na larawan sa mga sumusunod na tanaga at haiku. Ipaliwanag. A. B . D. C. Eksistensyal ____________________________ ____________________________ ____________________________ Temporal ___________________________ ___________________________ ___________________________ _ Penomenal ____________________________ ____________________________ _____________________________
  • 179.
    173 Kabilang buhay, Totoo ba o sablay Kapag namatay Pakikisama Sa iyong mga kapwa Dulot ay saya. 1._________ 2._________ Mabuting gawa Mayroong gantimpala Galing sa AMA. Pag ang sanggol ngumiti nawawala ang pighati kalong mo’y sumisidhi pangarap na punyagi 3._________ 4._________ Dahil ang mga tanaga at haiku ay sumasalamin ng kilos at ugali ng tao, mas madali mong maiintindihan ito kung may representasyon ng larawan katulad ng nasa kabilang pahina. Sang-ayon ka ba? Marahil , oo dahil nakatulong sa iyo ang mga larawan upang malaman mo agad ang ibig sabihin ng isang tanaga at haiku. GAWAIN 1.3.1.i : PAGBATAYAN MO… Bigyan mo ng pansin ang mga paksa sa kasunod na mga kahon. Pagbatayan mo ang mga ito upang makabuo ng sariling tanaga at haiku. Alam kong kayang-kaya mo itong gawin. TANAGA HAIKU Pag-ibig sa bayan Pagkabata ________________ __________________ ________________ __________________ ________________ __________________ ________________ Biyaya Pagmamahal sa kapwa _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________
  • 180.
    174 GAWAIN 1.3.1.j: SAYSAY PAGGUHIT Basahin mong mabuti ang tanaga at haiku na nasa banner. Iguhit mo ang kaisipang nakapaloob sa bawat isa. INOSENTE Nagtampong kalikasan Sa kurakot ng bayan Ang walang kasalanan Ang pinaghigantihan. KAIBIGAN Pakikisama Sa iyong mga kapwa Dulot ay saya GAWAIN 1.3.1.k : KONSEPTO … AKING NABATID! Sa bahaging ito, nais kong masukat ang kabuuang kaalaman na iyong natutuhan sa araling pinag-aaralan. Tunay nga bang sapat na ang iyong kaalaman sa araling pampanitikan? Sa araling panggramatika? Ipakita mo ito sa pagbuo ng maikling talata. Magaling! Ngayon ay batid ko na tunay ngang napagyaman ang iyong kaalaman sa araling ating pinag-aaralan. Marahil, sapat na ang mga kaalamang iyong natamo upang maisakatuparan ang inaasahang produkto sa araling ito. GAWAIN 1.3.1.l : KAYA KO! Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga konseptong natutuhan sa araling ito. Basahin at unawain mo ang sitwasyon. Pagkatapos, isakatuparan ito. Araw ng mga puso kailangan mong mag-alay ng naiiba sa iyong nanay/tatay/kapatid/minamahal. Wala kang sapat na pera para bumili ng mamahaling regalo. Susulat ka ng orihinal na tanaga o kaya haiku tungkol sa katangian ng pagbibigyan mo. Isaalang-alang mo ang sumusunod na pamantayan sa gawain. a. Kaangkupan sa paksa b. Paggamit ng pangungusap na walang paksa c. Kaangkupan ng mga salitang ginamit d. Elemento ng tanaga at haiku e. May orihinalidad
  • 181.
    Mahusay! Natapos mongpag-aralan ang tanaga at haiku handa ka na para sa susunod pang akda noong Panahon ng Hapones. Marahil , marami ka nang nabasang maiikling kuwento at ilan dito ay tumatak sa iyong isipan dahil sa husay ng pagkakabuo. Sa iyong palagay, malaki kaya ang impluwensiya ng mga mananakop na dayuhan sa ganitong klase ng akda sa panahong naisulat ito? Paano kaya naipakita ng mga Pilipinong manunulat ang kanilang pagiging makabayan sa panahon na hindi sila malaya? 175 Alam kong nananabik ka ng umusad sa susunod na aralin. Nararamdaman ko ang iyong pananabik na makilala nang higit ang maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Hapones. ARALIN 1.3.2 – Maikling Kuwento Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y maglahad o magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikli at may iba’t ibang elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, tunggalian kasukdulan at wakas. Isang natatanging katangian ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa. Bilang panimula sa susunod na aralin. Subukin mong magbigay ng iyong saloobin, opinyon o paglalarawan sa kasunod na imahe. GAWAIN 1.3.2.a. : ISANG SULYAP Isang sulyap sa kasunod na larawan at alamin kung ano ang nais nitong iparating sa iyo. Makabubuo ka kaya ng kuwento buhat sa larawan? Subukin mong bumuo sa tulong ng sumusunod na bahagi . a. Simula b. Gitna c. Wakas
  • 182.
    176 Mga Gabayna Tanong: 1. Paano mo malalaman ang angkop na pangyayari sa bawat bahagi ng maikling kuwento? 2. Mahalaga ba ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa maikling kuwento? Bakit? 3. Nailalarawan ba sa maikling kuwento ang tunay na kaganapan sa lipunan? Pangatuwiranan. Sa bahaging ito, tiniyak ko lamang kung may ilang kaalaman ka sa araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-alala sapagkat tiyak na pagyayamanin pa ang dati mong kaalaman sa paksa. Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, sa iyong palagay ano ang naging papel ng maikling kuwento sa buhay n g mga Pilipino noong Panahon ng Hapon? Saang bahagi magkatulad ang maikling kuwento na umusbong noong Panahon ng Hapones sa mga maikling kuwento na lumalaganap sa kasalukuyan? Subukin mong sagutin ang susunod na gawain upang bahagya mong masilayan ang maikling kuwento sa Panahon ng Hapones. GAWAIN 1.3.2.b : ANG TUNAY NA MUNDO Alamin ang tunay na kulay ng panitikan sa Pilipinas noong Panahon ng Hapones. Balikan mo ang kasaysayan ng ating bansa particular sa panahong ito upang matugunan ang mga tanong na nasa mga biluhaba sa kasunod na pahina. Higit bang nakilala ang mga manunulat na Pilipino sa panahon ng Hapones? Patunayan. Nailarawan ba sa maikling kuwento ang kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino noong Panahon ng Hapones? Nagamit din ba ang panitikan partikular na ang maikling kuwento upang makamit natin ang kalayaan sa kamay ng
  • 183.
    Ngayong may ideyaka na sa larawan ng mga maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Hapones, nais kong bigyan mo ng pansin ang akda na pag-aaralan mo sa araling ito. Sikapin mong suriin kung taglay ba ng maikling kuwento ang katangian na dapat taglayin ng isang akda noong Panahon ng Hapones. Isang maikling kuwento na lumabas noong panahon ng Hapones ang iyong babasahin upang iyong malaman kung bakit ang mga akda noon ay nakaka- impluwensiya sa panahong naisulat ito. 177 Basahin at unawain: Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliwang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di ko makita. Kailangang ‘di ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘di ko na makita ang panginginig ng kanyang mga
  • 184.
    daliri. Ito rinang katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal. Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapakunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghayan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunit, ang pananabik na ito’y napapawi.Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay:isang batang marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang 178
  • 185.
    kapatid na kahulihanng gulang, isang maaaring maging katapatan...Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyanghindi ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan. Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin angpanahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak. Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkibo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin. Ano ang nasa isang talaarawan? Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaibaang kalasingan niya ngayong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.Hindi rin kumikibo si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol 179
  • 186.
    Sapagkat may isusulatako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti,buhat sa tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na pinaglagaan ng mga dahon ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.Sana’y ako si ina sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalagaang nadarama kong kasiyahan...Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: sa ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit,ayaw niyang ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama. Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya.Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon. Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga 180
  • 187.
    nasa sobre.Ang larawansa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong nakawangki ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanya at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama. Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumipigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana’y huwag tayong magising sa katotohanan...Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na magnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan;sapagkat ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan. Nakita niya 181
  • 188.
    ang larawang nasakahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko paang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon. Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito. Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pagluha kung walang makakita sa kanya...Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin 182
  • 189.
    kung saan tayomaaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niya ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punong-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na di mabigkas . Nasa mga palad pa rin ni ina ang kaliwang kamay ni ama: sabihin mo mahal ko, na maaangkin ko na ang kaligayahan ko…Kinagat ni ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko maamin kay ina ang tinig na yaon...Maangkin mo na, mahal ko! Ang init ng mga labi ni ina ang kasabay ng kapayapaang nananahan sa mga labi ni ama at nasa mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa… 183 GAWAIN 1.3.2.c. : LINAWIN MO! Sa gawaing ito kailangang maibigay mo ang kahulugan at magamit sa sariling pangungusap ang mga salitang nakasulat nang pahilig. 1. Kailangang ‘di ko namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________
  • 190.
    2. Ang ngitini Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay 184 tigang na lupang uhaw na uhaw. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ 3. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ 4. Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ 5. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa. Kahulugan: __________________________________________ Pangungusap: __________________________________________ Ngayong nabigyan mo ng kahulugan ang mga salitang nakasulat nang pahilig at nagamit mo pa sa pangungusap, marahil nakatulong ito upang mas lalo mong maunawaan ang kuwento. Makakaya mo ring sagutin ang ilang kasunod na mga tanong na may kaugnayan sa paksa.
  • 191.
    Kakalasan 185 GAWAIN1.3.2.d : SA BISA NG KARUNUNGAN 1.Paano sinimulan ang maikling kuwento? 2. Ano ang paksa ng kuwento? Masasabi mo ba na ang paksa sa nasabing kuwento ay ang karaniwang paksang ginamit ng mga manunulat noong Panahon ng Hapones? Patunayan. 1. Isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari gamit ang Story Ladder. Panimula: Papataas na Aksiyon Panimula Kasukdulan Wakas ________________________________________________________ Papataas na Aksiyon: ________________________________________________________ Kasukdulan: ________________________________________________________ Kakalasan: ________________________________________________________ Wakas: ________________________________________________________
  • 192.
    186 2. Saangbahagi ng kuwento makikita ang maaksiyong pangyayari? 3. Paano winakasan ng may-akda ang maikling kuwento? 4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo ito gagawin? 5. Sa panahong iyon, ano ang magagawa mo upang maging malaya ka sa iyong isinusulat? ANG BANGHAY Ugnay-Panitikan ng banghay ay isa sa mga sangkap ng maikling kuwento. Ito ay maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Ang maikling kuwento ay makapag-iiwan lamang ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa kung may mangyayari, kung masasagot ang mga katanungang tulad ng sumsunod: ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas? Sinasabing ang banghay ang pinakakaluluwa ng maikling kuwento. Narito ang ilang tulong para masundan mo at mahiwatigan ang banghay ng kuwento. a. Alamin ang simula at wakas ng kuwento b. Bigyan-pansin ang kilos at galaw ng pangunahing tauhan c. Alamin ang mga pangyayaring sumasalungat sa daloy o galaw ng kuwento. Matapos mong malaman ang isa sa mga sangkap ng kuwento alamin naman natin ang katangian ng kuwento sa Panahon ng Hapones.
  • 193.
    187 GAWAIN 1.3.2.e..BANDILA Pagkatapos mong basahin ang isang halimbawa ng maikling kuwento sagutin ang mga detalyeng hinihingi sa kasunod na graphic organizer. Nilalaman(Paksa) _________________ __ _________________ __ _________________ Kalagayan ng maikling kuwento sa Panahon ng Hapones Kahulugan _________________ ___ _________________ ___ _________________ _ Sinasalaming Kultura _________________ _ _________________ ___ _________________ MAIKLING KUWENTO ___________ _________ __________________ _________________ _______________ _________________ _____ _________________ Suriin ang graphic organizer, at sagutin ang kasunod na mga tanong upang matukoy ang ikinaiiba at kalagayan ng panitikan noong Panahon ng Hapones. Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang maikling kuwento at paano ito naiiba sa iba pang akdang pampanitikan? 2. Bakit sinasabing ang mga akdang naisulat noong Panahon ng Hapones ay naimpluwensiyahan ng pananakop nila? 3. Sa iyong palagay, paano nagagawa ng mga manunulat sa panitikan sa kasalukuyan ang maging malaya sa pagsulat ng mga akda nila? Pagkatapos mong magkaroon ng kaalaman sa maikling kuwento na lumaganap noong Panahon ng Hapones, tingnan natin ang mas malalim na mga pangyayari kung ano ang naging sanhi at bunga ng pagsusulat ng mga manunulat sa Pilipino ng mga akdang pampanitikan sa panahong nabanggit.. Tutulungan ka ng susunod na gawain sa araling panggramatika upang malaman ang mga detalye kaugnay ng mga sanhi ng paglaganap ng maikling kuwento at mga bunga nito sa lipunang Pilipino noong panahong iyon.
  • 194.
    188 GAWAIN 1.3.2.f: SANHI AT BUNGA Suriin at pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na mga larawan upang malaman ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa sagutang papel ang letra na tutugon sa wastong pagtatapat at ang paliwanag sa ugnayan ng bawat larawan. 1. 2. 3. A B C Sa bahaging ito nalaman mo na ang isang pangyayari ay may bunga na maaaring maganda o di kaya’y di kanais-nais. Upang higit mong maunawaan ang tungkol sa kasanayang sanhi at bunga narito ang mga impormasyon na iyong uunawain at tatandaan.
  • 195.
    189 SANHI ATBUNGA Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang naging epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa. Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang “Bakit ito nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga. Halimbawa: Sanhi bunga GAWAIN 1.3.2.g. Buuin Mo! Sa pamamagitan ng kasunod na sitwasyon, isulat ang sanhi at bunga nito. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Sitwasyon Sanhi Bunga 1. Magulong pamilya 2. Pakikipagbarkada 3. Pagputol ng mga puno 4. Maruming paligid 5. Mababang marka Ugnay-Wika
  • 196.
    Sa gawaing ito,mas lalo mong malalaman kung sapat na ang kaalaman mo sa maikling kuwento at kasanayang sanhi at bunga sa araling panggramatika.. 190 GAWAIN 1.3.2.i: BUHAY MO, KUHA KO, KWENTO KO Nalalapit na ang paggawa ng inyong Year End Issue. Ikaw ay isa sa patnugot ng pahayagan na naatasang sumulat ng isang lathalain tungkol sa mag-aaral ng ALS(alternative learning system) na kasama sa nagtapos. Kailangang makalikha ka ng isang lathalain. Kumuha ka ng 4 na larawan na patunay ng kaniyang pagsusumikap, i-lay out mo ito at bumuo ka ng maikling kuwento. Kung wala namang kamera, gumupit ng 4 na larawan na may kaugnayan sa buhay ng mag-aaral. Naunawaan mo na ang kaugnayan ng Pananakop ng Hapones sa tema ng akdang pampanitikan na nangibabaw noon. Lubos mo pang mauunawaan ang panitikan noon sa susunod na mga gawain. PPPPaaaaggggnnnniiiillllaaaayyyyaaaannnn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn 1. Saguting muli ang gawain. TUGON SA PAGKATUTO (Map of Conceptual Change) Tahanan ng mga Konsepto Panuto: Basahin mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo di totoo ang mga konseptong nakasulat. A. Bago ang Talakayan C.Pagkatapos ng Talakayan B. MGA KONSEPTO 1. Totoo __ Di Totoo __ 2. Totoo __ Di Totoo __ 3. Totoo __ Di Totoo __ 4. Totoo __ Di Totoo __ 5. Totoo __ Di Totoo __ 1.Totoo __ Di Totoo __ 2.Totoo __ Di Totoo __ 3.Totoo __ Di Totoo __ 4.Totoo __ Di Totoo __ 5.Totoo __ Di Totoo __ 1. Ang panitikan ay salamin ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. 2. Sa panitikan, malayang naipahahayag ng mga Pilipino ang kanilang damdamin at saloobin. 3. Ang panitikan ang naging daan upang makamit ang kalayaan ng ating bansa. 4. Ang mga paksa noon ay tungkol sa mga dayuhang sumakop sa Pilipinas. 5. Nakatulong ang nilalaman ng mga akdang pampanitikan sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
  • 197.
    191 Mga Gabayna Tanong: 1. Ano ang iyong napansin sa kinalabasan ng iyong mga sagot? 2. Tama ba ang mga ito? Nagawa mo bang iwasto ang mga dating mali? 3. Bakit kaya sinasabing naiimpluwensiyahan ang mga akdang pampanitikan na nangibabaw sa panahong naisulat ito? 2. 1. Sa pamamagitan ng kasunod na dayagram sa ibaba. Sagutin kung paano nakaimpluwensiya ang mga Hapones sa panitikan noong panahong sinakop nila ang Pilipinas? 2. Sa iyong palagay, nakatulong kaya ito sa pagpapalaganap o pagpapaunlad ng panitikan?
  • 198.
    MARKA 192 IIIIlllliiiippppaaaatttt Sitwasyon: Tuwing buwan ng Agosto ang National Historical Institute ay nagkakaroon ng eksibit kaalinsabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.At bilang mga kawani ng nasabing tanggapan, ikaw ay naatasang bumuo ng PICTO-TULA/KUWENTO. Ito ay kalipunan ng mga orihinal na tulang haiku at tanaga. Sa tulong ng teknolohiya at mga larawan dapat na maging malinaw na maipakikita ang natatanging kultura at kasaysayan ng lahing Pilipino. Ang eksibit ay sasaksihan ng iba-ibang sangay ng pamahalaan. Isaalang-alang ang paggamit ng tugmaan sa mga tulang bubuuin, mga larawang biswal, at paggamit ng teknolohiya at kaisahan/ kaangkupan. Kraytirya Napakahusay 4 Mahusay 3 Papaunlad 2 Kailangan pang pag-aralan 1 Paggamit ng salitang tugmaan Gumamit ng mga angkop at magagandang salita sa pagbuo ng tula Gumamit ng mga angkop na salita sa pagbuo ng tula May mga ilang salita na hindi angkop sa pagbuo ng tula Ang mga salitang ginamit ay hindi angkop sa tula Mga Larawan Makukulay at nakakaakit ang ginamit na mga larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Makulay at angkop ang mga ginamit na larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Gumamit ng ilang angkop na makukulay na larawan na kakikitaan ng kulturang Pilipino Hindi angkop ang 1 o 2 larawang ginamit Paggamit ng Teknolohiya Nakagamit ng mga websites/technology sa pagpapalawak ng tema Nakagamit ng ilang websites/technol ogy lamang upang mapalawak ang tema Gumamit ng 1 o 2 websites/technolo gy upang mapalawak ang paksa Walang ginamit na websites/techn ology upang mapalawak ang paksa Kaisahan Batay sa tema at Pagkaka-roon ng Orihinalidad Angkop ang pagkakaayos at pagkakaugnay ng tula at larawan batay sa tema Maayos ang mga larawan batay sa tema Hindi masyadong maayos ang mga larawan at pagpapaliwanag Walang kaugnayan ang mga larawan batay sa tema KABUUANG MARKA Binabati kita sa matagumpay mong pagsasagawa ng mga gawain sa mga aralin sa modyul na ito , Panitikan sa Panahon ng Hapones.
  • 199.
    193 VII.Pangwakas naPagtataya (Ang Panitikan sa Panahon ng Hapones) Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang sa pahalang at pababa.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 1. 2. 3. 4. ABB 5. 7. 8. 9. Pababa 1. Isang uri ng akdang pampanitikan 2. Sa panahong ito naging mahirap ang buhay ng mga Pilipino 3. Ito ay walang antalang bugso ng tinig na ang bawat pantig ay laging may isang patinig 4. Lima – Pito - ______ 5. Pagkakatulad ng tunog sa huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod. 6. Ibang salita ng sagot Pahalang 2. Tula ng mga Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod 7. Ang tanaga ay binubuo ng _____ pantig bawat taludtod. 8. Uhaw ang ______ na Lupa 9. Isang anyo ng tula na lubhang mataas ang uri at binubuo ng isang matayog na guniguni at marangal na kaisipan.
  • 200.
    194 PAGNILAYAN PPPAAAGGGNNNIIILLLAAAYYYAAANNNAAAATTTT UUUUNNNNAAAAWWWWAAAAIIIINNNN (((( ppppaaaarrrraaaa ssssaaaa MMMMooooddddyyyyuuuullll 1111)))) Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng paglalagom ng tungkol sa kalagayan ng panitikan sa tatlong panahon na nakapaloob sa modyul na ito – Ang Panitikan sa Panahon ng Katutubo, Panahon ng Espaıol at Panahon ng Hapones. Ang modyul na ito ay tungkol sa panitikan na binubuo ng tatlong panahon ay lubos na ____________sa akin sapagkat ________________________________ Katulad ng Panahon ng ______________ ay nalaman ko na _________________________, di rin pahuhuli ang Panahon ng _________ ay ______________________ maging ang Panahon ng ___________. Ang tatlong panahon ay nagdulot/ nagpaalala/ nagbigay ________________ upang mas lalong ______________ ito ay aking _________________.
  • 201.
    195 IIIILLLLIIIIPPPPAAAATTTT ((((ppppaaaarrrraaaa ssssaaaa MMMMooooddddyyyyuuuullll 1111 )))) Sitwasyon Nalalapit na ang Araw ng Kalayaan. Ang SK chairman ninyo ay naglunsad ng isang patimpalak na gawain sa paggawa ng scrapbook ng mga orihinal na akdang pamapanitikan ng na lumaganap sa Panahon ng Katutubo, Espaıol at Hapon. Ikaw bilang kabataan ay sasali sa patimpalak na ito upang maipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan na lumganap sa tatlong panahong nabanggit. a. May halimbawa ng bawat akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon Katutubo, Espaıol at Hapones. b. Orihinalidada c. Kakangkupan ng mga salitang ginamit Natapos mo na ang hulig bahagi ng modyul na ito. At naninaiwala akong buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking pagbati. Iminumungkahi kong sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit upang higit mong matiyak na talagang naunawaan mo na ang mga araling nakapaloob s modyul na ito. Simulan mo na! VII.PANGWAKAS NG PAGSUSULIT (MODYUL 1) Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa sumusunod na mga tanong 1. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat .At dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang isusulat kaya lumaganap ang tanaga at haiku. Aling pahayag ang nagpapakita ng sanhi ng pangyayari? a. Binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon d. lumaganap ang tanaga at haiku
  • 202.
    196 2. Isasa mga dahilan kung bakit maraming kabataan ang naliligaw ng landas ay ang pagkakaroon ng sirang pamilya. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag? a. mabuting kinahinatnan ng mga pangyayari b. masama ang pagkakaroon ng buong pamilya c. nagpapakita ng katotohanan d. opinyon lamang ng iba 3. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kaniyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi. Ano ang nais ipahiwatig ng sitwasyon? a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan b. isang sanggol sa piling ng isang ina c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya d. binabalikan ang mga pangyayari 4. Mula sa tekstong nasa blg.3 na bahagi ng kuwentong “Uhaw ang Tigang na Lupa”, ano ang ibig sabihin ng, “ tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib”? a. batang nasa tabi ng ina na natutulog b. sanggol na kalong kalong ng ina c. nakikiramdam sa pintig ng puso d. masama ang pakiramdam 5. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng Hapones ngunit nagiging gabay ang mga ito ng buhay. Anong akdang pampanitikan ang tinutukoy sa pahayag? a. karunungang - bayan b. tanaga at haiku c. bugtong d. tula
  • 203.
    6. Elemento ngmaikling kuwento na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa. 197 a. banghay b. tagpuan c. tauhan d. tema 7. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang- masaya siya na nag-aayos ng kaniyang mga paninda ngunit walang ano-ano’y dumilim kaya’t nasabi niyang “uulan na naman”. Nalungkot siya. Kapag umuulan matumal at kaunti lang ang kaniyang kikitain. Alin sa mga pahayag ang pangungusap na walang paksa? a. Maagang gumising. b. Uulan na naman. c. Masayang- masaya siya. d. Nalungkot sita. 8. Narito ang isang orihinal na tanaga. Ano ang nais ipahiwatig nito? Damdamin ng Isang Ina ni Asuncion B. Bola Nasasaktan man ako Sa aking mga desisyon Paninindigan ito Sa ikabubuti mo. a. pagdidisiplina sa kaniyang anak b. paglayo sa kaniyang minamahal c. pagpaparaya sa kaniyang mahal d. nararamdaman ng isang tao 9. Lagi niyang hinihintay ang pagsapit ng Disyembre. Sa gulang niyang pitong taon, masaya siya kapag sumasapit ang buwang ito. Tsokoleyt, damit at laruan ang kanyang natatanggap. Pasko na bukas. Sa oras na ito kaiba ang kanyang nadarama. Lungkot. Ito ang araw na iniwan siya ng kanyang ina at namayapa. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang mga salungguhit na pahayag?
  • 204.
    198 a. penomenal b. eksistensiyal c. temporal d. modal 10. Sa kaniyang pagiging matiyaga, mapagpakumbaba at masipag sa pag-aaral siya ang naging valedictorian ng kanilang paaralan. Aling pahayag ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari? a. sa kanyang pagiging matiyaga b. naging valedictorian ng kanilang paaralan c. sa kaniyang pagiging mapagkumbaba d. masipag sa pag-aaral 11. Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala. Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakasulat ng pahilig? a. sukat b. aliw-iw c. tugma d. indayog 12. Kung ang bayang ito’y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik, Ang anak, ang asawa, magulang, kapatid Isang tawag niya’y tatalikdang pilit Pansinin ang pagkakagamit ng pariralang tatalikdang pilit. Ano ang nais ipakahulugan nito? a. labag sa kalooban b. tatalikod c. di sang-ayon d. magsasawalang-kibo
  • 205.
    13. Saan nabibilangang pahayag na “ Ang lahat ng palayok, may katapat 199 na saklob”? a.bugtong b.salawikain c.sawikain d.sabi-sabi 14. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kanyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang- turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap? a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam 16. Balikang muli ang pangungusap na nasa blg. 14. Ano ang tinutukoy ng mga salitang nakahilig? a. panahon b. lugar o lunan c. paraan d. kaisipan 17. Nag-umpisa ang palatuntunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang- turing ng salitang tanghali? a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa
  • 206.
    200 18. Anoang tinutukoy ng salitang tanghali sa pangungusap blg. 17? a. paraan b. panahon c. panahon o lugar d. dahilan 19. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di- gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap? a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing b.nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon 20. Ano ang salitang ginamit na nagpapakita ng paghahambing na di-magkatulad? a. di- gaano b. labis c. c. dahil d. tulad Natapos mo na ang Modyul 1. Nakatitiyak ako na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa bawat aralin dahil buobng bisa mo itong nailipat sa tunay na sitwasyon na magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa modyul na ito ay napag-aralan din natin ang ilang akdang pamapanitikan na lumaganapa sa tatlong panahon. Pagkatapos ng Panahon ng Hapones, ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan naman at ang panitikang namayani sa bawat panahon an gating pag-aaralan. Muli, maligayang pag-aaral.
  • 207.
    201 MMMMOOOODDDDYYYYUUUULLLL 2222::::SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Kumusta na? Ikinatutuwa ko ang iyong pagtatagumpay sa pagsagot sa Modyul 1. Muli, magbubukas ako ng mga bagong gawain at aralin para naman sa Modyul 2 at ito ay nakatuon sa ilang akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Ang ilan sa mga ito ay ang Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula. Gayundin ang tungkol sa araling panggramatika tulad ng Panandang Diskurso, Kaantasan at Kayarian ng Pang-uri, Iba’t ibang Paraang Ginagamit sa Pagpapahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat, at Aspekto ng Pandiwa. Bakit umusbong at sumigla ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano? Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang maipahayag nila ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? Tunay bang ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa? Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t iba’t ibang panahon? At bakit kailangang magkarooon ka ng kaalaman at kasanayan sa gramatika? Nakatutulong ba ang mga ito sa pagiging mabisa sa pagpapahayag ng saloobin, damdamin o pananaw ng isang tao? Ang mahahalagang tanong na ito ay magsisilbing gabay mo sa pagtuklas ng mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito. Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa modyul na ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, ikaw ay inaasahan kong makikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa kasalukuyan, nabago at nawala na. Narito ang mga tiyak na aralin na iyong pag-aaralan sa Modyul 2.
  • 208.
    202 II. ANGMGA ARALIN AT ANG SAKLAW NITO Sa modyul na ito ay masasagot mo ang mahalagang tanong kung pag-aaralan mo ang sumusunod na aralin. Aralin 2. 1: Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan Aralin 2.1.2: a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.2.1: a. Panitikan: Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin 3: Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan Aralin 2.3.1: a. Panitikan : Maikling Kuwento “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa Aralin 2.3.2: a. Panitikan: Dula “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Aralin 2.1 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa Balagtasan at Sarsuwela na lumaganap sa Panahon ng Amerikano na sumasalamin sa kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan;
  • 209.
    Aralin 2.2 –makapagpapamalas ng iyong ang pag-unawa sa Sanaysay at Maikling kuwento na lumaganap sa Panahon ng Komonwelt upang mapahalagahan ang kultura at kalagayang panlipunan ng ating bansa sa panahong naisulat ang mga ito; Aralin 2.3 – makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa maikling kuwento at dula na umusbong sa Panahon ng Kasarinlan upang iyong mapahalagahan ang kultura ng ating bansa sa panahong ito. 203 III. MGA INAASAHANG KASANAYAN Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan: MODYUL 2 Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin Mga Kasanayang Pampagkatuto Pakikinig Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan Naibubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagahan ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-aaral Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang paksa at karanasan Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa napakinggan Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding) Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa mga ideyang pinakinggan Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita sa pagpapahayag ng sariling puna Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa mga inaakalang maling pananaw o impormasyong napakinggan
  • 210.
    Pagsasalita Nabibigyang-kahulugan angmga pahayag / pangungusap na nagbibigay pahiwatig 204 Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng: lantay pahambing pasukdol Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin Nakapagsasadula ng dulang pantanghalan (Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng Amerikano Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga patunay at katuwiran Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay sa iba’t ibang sitwasyon Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng teksto Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa mga bagay na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang sa damdamin ng kausap) Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam Nakapagsasagawa ng sarbey batay sa kulturang Pilipino gamit ang panitikan Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling atin Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan
  • 211.
    205 Pag-unawa saBinasa Nasusuri ang ilang akdang Panitikan batay sa mga katangian nito Balagtasan Sarsuwela Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: pagkilala sa kahulugan ng mga salita kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akdang pampanitikan ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa: paksa layon tono pananaw gamit ng salita Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang binasa Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa: sarili kapaligiran ibang tao Naipaliliwanag ang mga elemento ng isang akda maikling kuwento dula Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o kaisipang nakasaad sa binasa Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto Naiisa-isa ang mga tiyak na layon ng teksto
  • 212.
    Nakagagawa ng mgagawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto/akda Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto/akda Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang 206 nakapaloob sa teksto/akda Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan at katangian ng mga ito: Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan ng pagpapaikli ng paksa Nasusuri ang layunin ng paksa Nasusuri ang mga uri ng panitikan at ang katangian ng bawat isa Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga kilos o gawi ng mga tauhan Nabibigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda Naibubuod ang binasang akda Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, at wakas Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak ang kakayahan at pananaw sa buhay Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda Nakapagbibigay-hinuha sa • pangyayari • kaalaman • pakay o motibo • layunin ng may-akda
  • 213.
    Naihahambing ang kalagayanng panitikan at epekto nito sa kulturang Pilipino noon at ngayon 207 Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa Naisasaayos ang mga pangyayari sa Maikling kuwento/Dula ayon sa wastong pagkakasunod-sunod Nasusuri ang bahagi ng Maikling kuwento/Dula/Sanaysay Napaghahambing ang elemento ng Maikling kuwento sa Dula Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y nanatili, nabago o nawala na Pagsulat Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa: pamantayang pansarili o pansariling karanasan pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ iskrip Nakasusulat ng talata na may pangunahin at pantulong na kaisipan Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pagsulat ng talata Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: • pagbibigay ng depinisyon • paghahalimbawa • paghahawig o pagtutulad Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob at pagitan ng talata upang magkaroon ng kaisahan sa pamamagitan ng: • pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod • paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal
  • 214.
    • paglalahad ngmga pangungusap na may 208 magkatulad na pagkakabuo Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang malinaw ang sariling ideya at intensiyon sa pagbuo ng komposisyon Nagagawang kawili-wili ang panimula ng komposisyon sa pamamagitan ng isang: • kaakit-akit na pahayag • napapanahong sipi o banggit Nawawakasan ang komposisyon nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng: • pagbubuod • makabuluhang obserbasyon Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng sanaysay Nakapipili ng isang napapanahong paksa Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay-ugnay na ideya at impormasyon Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa Nakabubuo ng isang: • makatawag-pansing simula • mabisang wakas Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang • mabuti o masama • katotohanan o opinyon Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman ng akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di-makatotohanan gamit ang graphic organizer
  • 215.
    Nakasusulat ng maiklingkuwento batay sa kultura ng lugar na pinagmulan 209 Nakasusulat ng talatang: • naglalarawan • naglalahad • nagsasalaysay • nangangatuwiran Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda hango sa sariling karanasan • nasaksihan • napakinggan/napanood/nabasa Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo Naipamamalas ang makahulugan at masining na pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood, nabasa o napakinggan Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Nalilikom ang mga panoorin na namayani sa panahon ng Amerikano
  • 216.
    Nagagamit ang diksyunaryoat iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet 210 IV.KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa Modyul 2 na iyong pag-aaralan. SANDIGAN NG LAHI…IKARANGAL NATIN Aralin 3 : Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan 3.1: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa 3.2: a. Panitikan:Dula “Sinag sa Karimlan.” ni Dionisio Salazar b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat Aralin 2 : Ang Panitikan sa Panahon ng 2.1: a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag 2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Aralin 1 : Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano 1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Opinyon o Katotohanan 1.2: a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
  • 217.
    211 Upang magingmatagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, narito ang ilang gabay. 6. Hanapin ang kahulugan ang mga salitang hindi mo nauunawaan. 7. Sagutin ang lahat ng tanong at gawain. 8. Magsaliksik at itala ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng epiko. 9. Alamin ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tekstong naglalahad 10. Subuking bumuo ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong na angkop sa sitwasyon. Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. Mangyaring sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo nasagot nang tama at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang araling ito. V. PANIMULANG PAGTATAYA Unang Bahagi Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na tanong/pahayag. 1. Tinaguriang ama ng Maikling kuwento. a. Rogelio R. Sicat b. Deogracias A. Rosario. c. Narciso Reyes d. Liwayway . Arceo 2. Dahilan kung bakit lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt. a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan. b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista.
  • 218.
    3. Tinawag niAlejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.” 212 a. salaysay b. komposisyon c. talumpati d. sanaysay 4. Dahilan kung bakit ang sanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa. a. malayo ito sa damdamin ng madla b. napakahirap nitong gawin c. dahil nagmula ito sa ibang bansa. d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 5. Ikinaiba ng sanaysay sa iba pang akdang tuluyan. a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban. b. Mayroon itong isahang yugto. c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining. d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw. Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik. Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit. Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle
  • 219.
    213 6. Anonguri ng panitikan ang binasa? a. Balagtasan b. Batutian c. Karagatan d. Duplo 7. Sino ang nagsasalita sa hinangong akda? a. May-akda b. Lakandiwa c. Mambabalagtas ng Puso at Isip d. Mambabalagtas ng Isip at Katuwiran 8. Anong sukat mayroon ang akda? a. wawaluhin b. lalabindalawahin c. lalabing-animin d. lalabingwaluhin 9. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? a. Kabutihan – Di-kabutihan b. Dunong - Pagmamahal c. Tagumpay o Kabiguan d. Isip at Katuwiran 10. Alin ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa? a. pagkain b. kayamanan c. pag-ibig d. karangalan 11. Anong bahagi ng panalita ang salitang matahimik? a. pangngalan b. panghalip c. pang-uri d. pandiwa
  • 220.
    “Ilang dantaong tayoay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit Malaya na nga ba tayo…?” Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay. Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, angpangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sa‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na 214 ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. Hango mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr.
  • 221.
    215 12. Anonguri ng panitikan ang binasang seleksiyon? a. tula b. nobela c. maikling kuwento d. sanaysay 13. Anong kalayaan ang tinutukoy sa akda? a. pagiging isang politiko b. pagpapakita ng damdamin c. kahirapan d. pagpapahayag ng saloobin 14. “Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit? a. bilangguan b. kalayaan c. sakit sa katawan d. kadena 15. Sino ang mga puti na tinutukoy sa akda? a. Amerikano b. Hapon c. Español d. Tsino 16. Sino ang kausap ng manunulat sa akda? a. dayuhan b. Pilipino c. namumuno sa pamahalaan d. kabataan
  • 222.
    216 17. Alinsa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 18. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala ng mga Pilipino? a. dahil sa pagipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang-bayan na malaon nang ginagamit b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari 19. Bakit natutong lumaban ang Pilipino sa mananakop na mga Amerikano? a. dahil mas matindi ang pagpapahirap ng mananakop na mga Amerikano b. upang ipakita na may taglay ring katapangan ang mga Pilipino c. sapagkat manhid na ang mga Pilipino sa latay na dumadapo sa kanilang katawan d. dahil maging ang lupang sinilangan – ang Pilipinas ay hinahamak na rin ng mananakop
  • 223.
    20. Alin sasumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya 217 mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling pag-unlad Ilan sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral. VI. YUGTO NG PAGKATUTO AAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN Hindi maikakailang isa sa ipinagmamalaki ng ating bansa ang ating sariling panitikan. Bago pa man dumating ang mga Amerikano, nagkaroon ng sariling pamahalaan hanggang sa makamit ng bansa ang kasarinla. Ang panitikan ay kinagigiliwang basahin ng ating mga kababayan. Dahil sa ito ay bahagi na ng ating buhay, nararapat lamang na ito ay pag-aralan upang lalo pa itong maunawaan. Ano ba ang iyong paniniwala tungkol sa panitikan? Sa tulong ng Beliefs Inventory, alamin natin ang iyong paniniwala tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng gawain sa modyul na ito, bago ang pagtatapos na pagtataya, muli itong balikan upang matiyak na ang iyong paniniwala ay wasto o mali.
  • 224.
    218 GAWAIN 2.1:BELIEVE IT OR NOT… Lagyan mo ng tsek (Ö) ang patlang bago ang pahayag na iyong pinaniniwalaan tungkol sa panitikan. Pagkatapos ng mga aralin sa modyul na ito ay muli itong balikan at ilagay sa dulo ng pahayag ang MK kung ito ay may katotohanan at WK kung ito ay walang katotohanan. Naniniwala ako na. . . _____ Ang panitikan ay salamin ng lahing Pilipino. _____ Malaya ang mga manunulat noong Panahon ng Amerikano. _____ Ang Balagtasan ay maaaring gawing akdang tuluyan. _____ Walang kaugnayan ang paglalahad ng opinyon at katuwiran sa Balagtasan. _____ Nagsasaad ng kilos o galaw ang pandiwa. _____ May layuning batikusin ang mga Pilipino ng dulang, “Walang Sugat ni Severino Reyes.” _____ Naging malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon ng Komonwelt. _____ Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri upang mas maging masining ang kanilang akda. _____ Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon ng Amerikano. _____ Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt at Panahon ng Kasarinlan ang kulturang Pilipino. Tingnan mo sa kalakip na Susi sa Pagwawasto ang tamang sagot. Kung nasagot mo nang wasto ang 8 – 10 na aytem, napakahusay! Binabati kita sapagkat may ideya ka na sa ating magiging aralin. Kung 5 -7, mahusay sapagkat may kaalaman ka na rin sa magiging aralin na palalawakin pa natin sa tulong ng mga gawain o pagsasanay. Kung 4 pababa ang iyong nakuha, huwag kang malungkot sapagkat ang modyul na ito ang iyong magiging gabay upang lumawak ang iyong kaalaman sa aralin.
  • 225.
    219 GAWAIN 2.2.IMPORTANTASTIK Sa tulong ng Concept Map, isulat mo ang mahahalaga at kahanga-hangang impormasyong iyong nalalaman tungkol sa panitikan sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Isulat ang mga ito sa blangkong bilog. PANITIKAN Marami ka bang naisulat na impormasyon? Ang mga impormasyong iyong naitala ay nagpapatunay kung gaano na ang alam mo sa nilalaman ng modyul na ito. Kung kaunti lamang ang iyong naisulat ay huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng mga gawain at pagsasanay na inihanda ko upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa mga paksang ating pag-aaralan. Halina’t simulan na nating paunlarin ang iyong dating ng alam. PPPPAAAAUUUUNNNNLLLLAAAARRRRIIIINNNN Sa bahaging ito, pauunlarin natin ang ang iyong kaalaman at kakayahan sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng panitikan tulad ng Balagtasan, Sarsuwela, Sanaysay, Maikling kuwento at Dula sa iba’t ibang panahon. Ang mga impormasyon, gawain at pagsasanay na nakapaloob sa bawat aralin ay makatutulong upang palawakain pang lalo ang iyong kaalaman sa panitikan at nang sa ganoon ay matuto itong pahalagahan bilang salamin ng ating lahi mula noon, sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Bibigyang-pansin din sa modyul na ito ang pag-aaral tungkol sa wika tulad ng mga pahayag na may opinyon at katotohanan, kaantasan ng pang-uri, iba’t ibang paraan ng pagpapahayag, kayarian ng pang-uri, aspekto ng pandiwa, at mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
  • 226.
    Simulan na natinang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 2.1 ng modyul na ito - Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano. ARALIN 2.1: ang panitikan sa Panahon ng Amerikano 220 I. Panimula at mga Pokus na tanong Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Español, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano sa Pilipino. Sa panahon ding ito isinilang ang ilang makatang Pilipino na nagsulat sa Ingles at Tagalog. Naitanong mo na ba kung bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang mga akdang pampanitikang Pilipino sa panahon ng Amerikano? Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan at Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa mga tanong na ito sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang pampanitikan sa Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda ng mga batikang manunulat ng bansa. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito: Aralin 2.1: Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Katotohanan at Opinyon Aralin 2.2.2 a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri
  • 227.
    221 III. MgaInaasahang Kasanayan Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito Aralin 2.1 Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong napakinggan Nakagagawa ng sariling pag-aayos ng mga ideyang pinakinggan Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto Nakapaglalahad ng kahulugan, katangian, at kahalagan ng mga dulang pantanghalan sa buhay ng mga tao/ mag-aaral Pagsasalita Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag / pangungusap na nagbibigay pahiwatig Natutukoy sa loob ng pangungusap ang kaantasan ng pang-uri tulad ng: • lantay • pahambing • pasukdol Naibabahagi ang sariling opinyon,pananaw,damdamin at saloobin Nakapagsasadula ng mga dulang pantanghalan (Sarsuwela) na nangibabaw sa Panahon ng Amerikano Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang ilang uri ng panitikan batay sa mga katangian nito • Balagtasan • Sarsuwela Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: • pagkilala sa kahulugan ng mga salita • kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng genre ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda Naihahambing ang akda sa iba pang uri ng akda batay sa:
  • 228.
    222 • paksa • layon • tono • pananaw • gamit ng salita Nailalahad ang mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa akdang binasa Naibibigay ang kaugnayan ng akda sa: • sarili • kapaligiran • ibang tao Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda Naisasaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng mga talatang may kaisahan sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa mga akdang binasa Pagsulat Nakabubuo ng angkop na pagpapasiya batay sa akdang binasa at sa: • pamantayang pansarili o pansariling karanasan • pamantayang galing sa ibang tao o sa ibang babasahin Nakagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagbuo ng diyalogo/ iskrip Nakasusulat ng talata na may wastong paglulugar ng pangunahin at pantulong na kaisipan Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikang napanood,nabasa, o napakinggan
  • 229.
    223 Estratehiya saPag-aaral/ Pananaliksik Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Nalilikom ang nakakalap na mga panoorin na namayani sa Panahon ng Amerikano Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet Nakapagsasagawa ng isang panayam sa mga taong may sapat na kaalaman sa Sarsuwela at Balagtasan IV. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pag-aaralan. a. Panitikan: Balagtasan Bulaklak ng Lahing Kalinis- linisan ni Jose Corazon de Jesus b. Wika : Katotohanan o Opinyon a. Panitikan: Sarsuwela Walang Sugat ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano
  • 230.
    224 V. PanimulangPagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Ito ay panimulang pagtataya na hahamon sa iyong kakayahan sa pag-aaralang mga akda. Hanapin ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo na ang mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito. Maaari mo nang simulan. A. Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot. G A L D E B A T E N B D D E I U A D T T A H K O S H U P D A G L I L M O A B A L A G T A S A N N N A T O S I R C S D T O E L N H B A T U T I A N L A K A N D I W A D G A K S A K G I B I B M A M B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito. 1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang tanghaling Ama ng Balagtasan. 2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya si Maria Asuncion Rivera. 3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa edukasyon. 4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin ang ating bayan gaya ni Balagtas. 5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon at kultura para sa susunod na heherasyon.
  • 231.
    Sa aking palagayNaniniwala akong rin Sa dakong huli Tungkol sa para sa Walang dudang bigyang-pansin Sa madaling salita kaya lamang Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng araling ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng ilan sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Amerikano. 225 VI. Yugto ng Pagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Sa tulong ng KWHL Sheet na Ano ang Alam mo na ( What do you Know?), Ano ang Nais mong malaman (What do you want to find out?), Paano mo makikita ang nais mong malaman (How can you dind out what you want to learn?), Ano ang iyong natutuhan/naunawaan? (What Did You Learn?), ay subukin mong sagutin ang mga tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat. GAWAIN 2.1.a : KWHL Chart Masasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan. Ano ang alam mo na ? (What do you Know?) K Ano ang nais mong malaman? (What W do you want to find out?) Paano mo makikita ang nais mong malaman? (How H can you dind out what Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? L (What did you
  • 232.
    Simula pa lamangng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman – ang dati at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa mga pahina ng araling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa mga tanong na iyan. 226 GAWAIN 2.1.b: HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN? Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa Panahon ng Amerikano. Manunulat Mga Akda Panahon ng Amerikano Kultura Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung oo, Mga nangangahulugan ito na mas magiging madali para sa iyo ang aralin. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng modyul na ito lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa! Dalawa sa mga akdang pampanitikan ang pag-aaralan natin sa bahaging ito – ang Balagtasan at Sarsuwela. Simulan natin sa Balagtasan (Aralin 2.1) - na isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo. Lumaganap ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano, batay sa mga lumang tradisyon ng masining na pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Nagmula sa pangalan ni Francisco Baltazar bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang tawag sa Balagtasan. Bago tayo magsimulang talakayin ang araling ito ay nais ko munang malaman mo rin ang mahalagang tanong para sa araling ito: “Masasalamin ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan.” Narito ang mga gabay na tanong upang masagot mo ito.
  • 233.
    227 Mga Gabayna Tanong 1. Ano ang Balagtasan? 2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan? 4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa? Sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong dating kaalaman. Sa pagwawakas ng araling ito tingnan natin kung wasto ang naging mga sagot. Upang matiyak na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang mailalapat mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang argumentatibong editoryal na sumasalamin sa kaugalian ng isang masayang pamilya . Narito ang mga pamantayan kung paano itataya ang gawaing ito: a) malinaw na nailahad ang opinyon sa isyung tinalakay; b) gumamit ng mga ebidensya o patunay upang maging makatotohanan ang sinabi; c) nakitaan ng tiwala sa sarili at kaalaman sa isyu; d) naipahayag ang opinyon sa magalang na paraan; d) napaniwala at nahikayat ang mga mambabasa at e) wasto ang pagkakagamit ng gramatika. Nararamdaman kong sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin na natin ang tungkol sa Balagtasan. GAWAIN 2.1.1.a: PICK-UP LINES Simulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin mo muna ang pinagmulan, kahulugan at katangian ng Balagtasan bilang isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong. Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko… 1. Aklat ka ba? 2. Papel ka ba? 3. Table of Contents ka ba? 4. Bagyo ka ba? 5. Teleserye ka ba?
  • 234.
    Mahusay ang iyongginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito? Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan sa simpleng patanong at ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang ginagawa ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang nililigawan ay sa pamamagitan ng Balagtasan. Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot. _________________ _________________ 228 Natutuhan ko na GAWAIN 2.1.1.b: IBA AKO EH! Naging kawili-wili sa akin ang Ibig ko pang malaman ang tungkol Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng panitikan. Balagtasan _________________ _________________ _________ _________________ _________________ ___________ __________ Upang maragdagan ang iyong kaalaman sa Balagtasan, alamin mo ang kaligirang pangkasaysayan o pinagmulan nito. Umpisahan na natin.
  • 235.
    229 Basahin atunawain. Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon Ugnay-Panitikan na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang. Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan.
  • 236.
    Nabuo ang konseptongito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito. Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si Huseng Batute dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920. Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto). Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan. Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga 230
  • 237.
    tulang mahahaba atpagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran. Nalaman mo na ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pinagmulan ng Balagtasan. Atin namang paunlarin ang iyong kaalaman sa sumusunod na gawain. 231 GAWAIN 2.1.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa 1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan. Duplo Karagatan Batutian 2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito? 3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod na mga tanong. BALAGTASAN Ano-ano ang elemento ng Balagtasan? Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas) Bakit mahalaga ang mga elementong sukat,tugma at indayog sa isang Balagtasan? B A L A G T A S A N Pagkakaiba Pagkakatulad
  • 238.
    4. Suriin moang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. 232 Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram. Gawin ito sa sagutang papel. Papel na Ginagampanan sa Balagtasan MAMBA-BALAGTAS MANONOOD ___________________ ___________________ __________________ Mahusay ang iyong ginagawa. Ituloy mo lang ito. Huwag kang mag-aalala, gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Maaari mo nang basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan. Unawain mo ito upang masagot/maisagawa ang kasunod na mga tanong at gawain. BALAGTASAN: Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan - Jose Corazon de Jesus Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makata’y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasali’y batikang makata At ang bibigkasi’y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat.
  • 239.
    233 At sagabing ito’y sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan: BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa sariling wika. Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Ako’y paruparong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakandiwa, Ang uod na dating ngayo’y nagmakata, Naging paruparo sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung ako’y tawagin, mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim. Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo, At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango. Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Magtuloy po kayo at dito sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin.
  • 240.
    234 Paruparo: Saaking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng ganda’t puti ang talulot, Bulaklak po ito ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangala’y kampupot. Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos na siya’y diligan ng luha Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala! Isang dapit-hapong palubog ang araw Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan, Paruparo, anya kita’y tatalian, Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan. Isang panyong puting may dagta ng lason Ang sa aking mata’y itinakip noon, At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabol-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biro’y naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, At ang hinagpis ko noong ako’y iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man ako’y napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
  • 241.
    235 Sa apatna sulok ng mundong payapa Ang aking anino’y tulang nabandila, Paruparo akong sa mata’y may luha, Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal, Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayaw po naman, Ay ang puso niya sa aki’y ibigay. Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin mo’y dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik. Ang dalawang ibon na magkasintahan, Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw “Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawia’y magkauri tayo, Ako ma’y mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap Bawat salita mo’y matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap.
  • 242.
    236 Ipahintulot mo,Paruparong luksa, Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Bubuyog sa sawi’y makapagsalita. Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalo’t magniningning ang isang katwiran, Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan. Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinahanap? Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halama’y sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan namin Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halama’y lumaki, umunlad, Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho ko’y aking tinatapos. Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan Habang ako’y kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw.
  • 243.
    237 Ang inyongtaguan, akala ko’y biro, Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo, Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak din dumarating, Nang kinabukasa’t muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung di makita’y di na magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad ‘Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan. Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak. Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan? Una muna akong nag-uod sa sanga Na balot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulo’t dahon namin ay magkasama na. Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw
  • 244.
    238 Nagduruyan kamingdalawa sa tangkay, At kung bumabagyo’t malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Na kami’y lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo ma’t ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok. Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak laso’t kamatayan, At akong bubuyog ang dala ko’y buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saan man pumaroon, At ang katawan mo’y mayrong karayom Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy?
  • 245.
    239 Di kahumahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintana’y iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo, Iyong mga bulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payao’t dito Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pag ligaw-matanda sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo. Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Nguni’t saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib, Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig. Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga At sa mga daho’y nagtatago ka pa. Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita.
  • 246.
    240 Bubuyog: Pagka’tikaw’y taksil, akin si Kampupot. Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod. Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod. Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo; Yamang di-malaman ang may-ari nito, Kampupot na iya’y paghatian ninyo. Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat; Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan O buo wala nguni’t akin lamang. Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong Dito’y masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog po’t paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?
  • 247.
    241 Kampupot: Tilanga, tila nga sa aki’y mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig, Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig? Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing, Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin At di inakala na sinuma’t alin. Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan Na ang paglililo’y nasa kagandahan. Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan: Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kaya’t nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo, At ang “Pasalubong” sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. (Pagkatapos tumula ni Paruparo) Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.
  • 248.
    242 (Pagkatapos tumulani Bubuyog) Minamahal nami’t sinisintang bayan, Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay. GAWAIN 2.1.1.d: Hanap-Salita Piliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga pariralang nasa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Hanay A Hanay B ____ ____ ____ ____ ____ 1. May gata sa dila 2. Kapatak na luha 3. Hinagpis ko noong ako’y iwan b. konti c. mahulog d. matinding lungkot e. mahusay bumigkas f. nakaistorbo 4. Ang binhi ng isang halaman ay sumupling 5. Halakhak ay nakabulahaw Mahusay ang naging sagot mo. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Pagkatapos mong masagutan ang pagsasanay ay dumako tayo sa kasunod na gawain, ang pagtalakay sa nilalaman ng binasang Balagtasan. Atin pang ipagpatuloy ang pagsusuri sa araling ito. Isulat sa papel ang mga sagot. Gayahin ang pormat.
  • 249.
    243 GAWAIN 2.1.1.e:Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa. 1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog? 2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan. 3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit? 4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang balagtasan? Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit? Paruparo Bubuyog Ang higit na matimbang sa inyong dalawa ay si… 5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay. 6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat. Pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw ng mga binata sa dalagahan noon sa ngayon Pagkakatulad Pagkakaiba
  • 250.
    7. Paano kamakatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at pahalagahan ito? Matapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin sa panitikan, magtungo naman tayo sa wika – ang pagbibigay ng katotohanan at opinyon. Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katotohanan at opinyon. Basahin mo ang ilang impormasyon tungkol dito. 244 Katotohanan at Opinyon May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan. Opinyon Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp. Halimbawa: 1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.
  • 251.
    245 Katotohanan Angmga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp. Halimbawa: 1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth. 2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa. Tandaan: Katotohanan Opinyon Pareho ng ur impormasyon Maaaring mapatunayan na totoo Base sa mga saloobin at hindi maaaring mapatunayang totoo. Bihirang magbago sa pinagmumulan Madalas nagbabago sa mga pinagmulan Batay sa nalaman mong mga datos tungkol sa katotohanan o opinyon, magkaroon tayo ng pagtataya tungkol dito upang malaman natin ang iyong naging pag-unawa sa paksang ito. Simulan na natin.
  • 252.
    246 GAWAIN 1.1.e:Katotohanan O Opinyon Sagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon. 1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita. 2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino. 3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat isa sa atin. 4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas. 5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa susunod na henerasyon. Mahusay, nagawa mong mabuti ang iyong gawain.Madali lang hindi ba? Kayang-kaya mo nang kilalanin kung alin ang opinyon at katotohanan batay sa mga halimbawa at pagsasanay na tinalakay. Matapos mong maunawaan ang gramatika (opinyon at katotohanan) ay maaari mo nang sagutan ang susunod na gawain na magtataya sa iyong naging pag-unawa sa aralin. GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGAN Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap at upang masagot mo ang mga tanong . Bahagi na ng kuturang Pilipino ang _________________ at ______________________ bilang parangal sa mga ______________________. Ipinakikita nito kung gaano natin _____________________________ ang mga ________________________. Masasalamin din ang ________ ________ng ating mga ninuno sa paghabi ng magkakatugmang ________________________ at pagbigkas nang may _____________________.
  • 253.
    Mahusay. Matapos mongmasagutan ang ating aralin, ngayon naman ay maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang pangwakas na gawain para sa bahaging ito, maaari ka na ring gumawa o sumulat ng isang editoryal na argumentasyon na may kaugnayan sa kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng isang pamilyang Pilipino at ng bansa. Ikaw ay tatasahin sa sumusunod 1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, 2) malikhain at masining ang presentasyon, 3) maikli at nakakakuha ng interes ang pamagat 4) malinaw na naipahayag ang argumento sa editoryal. Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa katatapos na aralin. Ngayon ay handa ka ng tuklasin at palawakin ang iyong kaalaman sa aralin na tungkol sa akdang pampanitikan na Sarsuwela na namayani noong Panahon ng Amerikano. Sa araling ito ay matutunghayan natin ang sarsuwelang “Walang Sugat” na isinulat ni Severino Reyes. Ito ay isang melodrama o komedyang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraning panlipunan at pampolitika noong Panahon ng Español . Ang kathang pantanghalang ito ay naiiba sa mga dramang napapanood mo sa kasalukuyan dahil may mga bahagi o diyalogong inaawit dito. Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdaming makabayan ang sarsuwela. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban sa mga mananakop na dayuhan, tulad ng akdang babasahin mo na pinamagatang “Walang Sugat” ni Severino Reyes. Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang tungkol sa sarsuwela. Bukod dito, pag-aaralan natin ang kaantasan ng pang-uri upang masagot mo kung masasalamin ba sa sarsuwela ang kalagayang panlipunan sa panahon ng Amerikano? Narito ang mga gabay na tanong na iyong sasagutin. 247 Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang sarsuwela? 2. Bakit ito kinagiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Patunayan. 4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela? 5. Masasalamin ba sa Sarsuwela ang kulturang Pilipino? Ipaliwanag. Simulan natin ang pag-aaral ng Sarsuwela sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na mga pangalan na nakilala bilang manunulat at ang kanilang mga akdang naisulat.
  • 254.
    248 GAWAIN :2.1.1 f: Akda Ko, Tukuyin Mo Nasa larawan ang mga taong may kinalaman sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas na namayani hanggang sa kasalukuyan. Hanapin mo sa kabilang hanay, Hanay B, ang akdang isinulat ng mga manunulat sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang sagot. Hanay A Hanay B a. Walang Sugat b. Dalagang Bukid c. Kahapon, Ngayon at Bukas d. Ako Ang Daigdig e. Sa Aking Mga Kababata f. Isang Punongkahoy Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang tanong. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala sapagkat layunin ng araling ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Subukin mo ang dating kaalaman sa paksang tatalakayin.
  • 255.
    249 Alam moba … Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat. Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda kuwentong ito. Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay nakasulat ng 26 na Sarsuwela. Matapos mong mabasa ang tungkol kay Severino Reyes, ngayon naman ay ating alamin ang tungkol sa kasaysayan ng Sarsuwela.
  • 256.
    250 Ang Sarsuwelaay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguring Sarsuwela sa maharlikang palasyo ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez, ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas. Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan “Dalagang –Bukid” , Juan K. Abad “Tanikalang Ginto” , Juan Crisostomo Sotto “Anak ng Katupunan” , at Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.” Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
  • 257.
    Ngayon ay dumakona tayo sa Sarsuwelang isinulat ni Severino Reyes na “Walang Sugat”. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito. Halika simulan mo na. 251 Mga Elemento ng Sarsuwela 1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. 2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. 3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din. 4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. 5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo , yugto at bahagi ng dula. 6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
  • 258.
    252 Basahin atUnawain. Walang Sugat ni Severino Reyes UNANG BAHAGI I Tagpo: (Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika) Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo, Kapag namali ng duro Burda nama’y lumiliko Julia : Anong dikit, anong inam Ng panyong binuburdahan, Tatlong letrang nag-agapay Na kay Tenyong na pangalan. Koro : Ang karayom kung itirik tumutimo hanggang dibdib. Julia : Piyesta niya’y kung sumipot Panyong ito’y iaabot, Kalakip ang puso’t loob, Ng kaniyang tunay na lingkod. Si Tenyong ay mabibighani Sa dikit ng pagkagawa Mga kulay na sutla, Asul, puti at pula. Julia : Panyo’t dito ka sa dibdib, Sabihin sa aking ibig Na ako’y nagpapahatid Isang matunog na halik. Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo. Hoy tingnan ninyo si Julia Pati panyo’y sinisinta, Kapag panyo ng ibig Tinatapos ng pilit
  • 259.
    253 Nang huwagdaw mapulaan Ng binatang pagbibigyan: Ang panyo pa’y sasamahan Ng mainam na pagmamahal. At ang magandang pag-ibig Kapag namugad sa dibdib Nalilimutan ang sakit Tuwa ang gumigiit. Mga irog natin naman Sila’y pawang paghandugan Mga panyong mainam Iburda ang kanilang pangalan. Julia : Piyesta niya’y kung sumipot Panyong ito’y iaabot Kalakip ang puso’t loob Ng kaniyang tunay na lingkod. Koro : Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan Ang panyo pa’y sasamahan Ng mainam na pagmamahal. Salitain Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na. (Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong). II TAGPO (Tenyong at Julia…) Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo… Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya. Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay… Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
  • 260.
    254 Tenyong: (Tangansi Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing, ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang. Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. Tenyong: (Nagtatampo) Ay!… Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod. Tenyong: Masakit sa iyo! Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig! Tenyong: Ay! Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin. Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit… Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay! Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko. Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan… Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at E. ay Flores. Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan. Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
  • 261.
    Tenyong: Kung saamong man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at 255 F? Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle. Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita). Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban) Musika No. 2 Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan. Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at ‘di mapigilan. Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko. Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko. Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi- tuwi… Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin. Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar. Tenyong: Asahan mo. Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).
  • 262.
    256 III TAGPO (Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) Salitain Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.) Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…! Tenyong: Napaano ka, Lukas? Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria. Tenyong: Diyata dinakip si Tatang? Lukas : Opo. Tenyong: Saan kaya dinala? Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin. Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang. Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas). Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay kusang lumilipas. (Telong Maikli) Kalye IV TAGPO (Musika) Koro at Lukas Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin. Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin. Isang Babae: Naubos na ang lalaki. Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.
  • 263.
    257 Lukas :Marami pang lalaki. Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay… Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan. Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang. Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman. Isang Babae: Asawa’y paroroonan. Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan. Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain. Mga Babae: Tayo na, tayo na. Lahat: Sumakay na sa tren. Mga Lalaki: Doon sa estasyon. Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong maikli) V TAGPO (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas). Salitain Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito… Marcelo: Mason po yata, among? Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya’y sumulat maraming K, cabayo K. Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
  • 264.
    Relihiyoso 1.0: Hindiko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya 258 ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya. Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. Marcelo: Hindi sila makakain eh! Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan. Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila! Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha! Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan,ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw. Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri ). Kakaunti pa! (Bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako). Marcelo: Salamat po, among! Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay? Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang. Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat) Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.
  • 265.
    259 Relihiyoso 1.O:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo. Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos. Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon? Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban. Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha? Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido. Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo. Marcelo: Hindi po makalakad, eh! Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag. Relihiyoso 2.0: Tonto. Tadeo : Bakit ka mumurahin? Juana : Kumusta po naman kayo, among? P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang
  • 266.
    260 namamahala, walanaman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle. Juana : Totoo po ba ang sabi mo. P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin. Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga? P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko. Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po… Alin po ang malapit na? Miguel: Ang… ang… ang… Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito? Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina. Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.) Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang? Tadeo : Ano ba ang sinabi mo? Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko! Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo? Miguel : Sinabi ko pong malapit na… Tadeo : Malapit na ang alin?
  • 267.
    Miguel : Itinatanongnga po sa akin kung alin ang malapit na eh, 261 hindi ko po nasagutan… Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata… Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw). Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata… Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas ang mga dalaw). VI TAGPO (Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki). Salitain Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan… Putin : Salamat po, among. Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila. Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among. (Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki). Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
  • 268.
    262 Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pari). VII TAGPO (Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso) Salitain Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan! (Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid). Putin : Inggo ko! Tenyong: Tatang! Julia : Kaawa-awa naman! Tenyong: Mahabaging Langit! Musika Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil. Salitain Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay… Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Juana
  • 269.
    Julia.. kayo nalamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala. 263 Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…) Musika No.2 Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil. Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang ng madla. Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap. Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan… Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay… Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang… Putin : Inggo ko… Inggo… Tenyong: Patay na! (Mangagsisihagulgol ng iyak)
  • 270.
    264 Telong Maikli VIII TAGPO (Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos). Salitain Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang pusoko’y parang pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay mapapahandusay). Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat) IX TAGPO (Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia). Salitain Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin. Isa : Ako’y mayroong iniingatan. Isa pa : Ako ma’y mayroon din. Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto. Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan? Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na. Isa : Mga tampalasan. Isa pa : Walang patawad! (Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia). Julia : Tenyong, Tenyong!
  • 271.
    265 Tenyong: Julia! Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan? Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko? Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis! Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin. Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal. Tenyong: Sa Diyos nananalig. Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.
  • 272.
    266 Tenyong: Huwagmamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw. Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati. Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi. Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako! Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. Tenyong: Juliang aking sinta! Julia : Oh, Tenyong ng buhay! Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis). Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok) X TAGPO (Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.) Sa loob. Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren). Telon Wakas ng Unang Bahagi
  • 273.
    267 Ikalawang Bahagi I TAGPO (Bahay ni Julia) Julia at Juana Salitain Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam. Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po! Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo? Julia : Wala po! Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo? Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay… Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko. Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko. Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- Anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito. Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na… Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
  • 274.
    268 Juana :Siyang tunay! Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso. Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba. Julia : Wala po! Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas- makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na! Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong! II TAGPO (Julia at Monica) Salitain Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!. Monica : (Sa loob) Pooo! Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka… Monica: Opo (Papasok). III TAGPO (Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana) Musika Dalit ni Julia Oh, Tenyong niyaring dibdib, Diyata’ ako’y natiis Na hindi mo na sinilip Sa ganitong pagkahapis. Ay! Magdumali ka’t daluhan, Tubusin sa kapanganiban, Huwag mo akong bayaang Mapasa ibang kandungan.
  • 275.
    269 Halika, tenyong,halika, At baka di na abutin Si Julia’y humihinga pa… Papanaw, walang pagsala! At kung patay na abutin Itong iyong nalimutan Ang bangkay ay dalhin na lamang Sa malapit na libingan. Huling samo, oh Tenyong, Kung iyo nang maibaon Sa malungkot na pantiyon, Dalawain minsan man isang taon. Salitain P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t napakalumbay lamang… Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po. P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo? Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok). P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa..Marunong kang pumili, Miguel. Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana). Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among! P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay? Juana : Mabuti po, among. Tadeo : (Kay Miguel ) Lapitan mo.
  • 276.
    Miguel : Bakapo ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia na Miguel 270 ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo. Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Ikatlong Bahagi Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat. Wakas (Magsasara ang telon)
  • 277.
    271 GAWAIN 2.1.1h: Hanap - Salita Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang nasa kahon. Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap. Hanay A Hanay B _____ 1. pagkasiphayo a. sinisinta _____ 2. sumisimsim b. kalungkutan _____ 3. kaparangan c. apihin _____ 4. malumbay d. awit- panalangin _____ 5. dalit e. magtaksil _____ 6. maglilo f. malungkot _____ 7. magahis g. mamatay _____ 8. makitil h. mapahamak _____ 9. aglahiin i. mapulaan ____ 10. pagbabata j. kabukiran k. pagtitiis GAWAIN 2.1.1.i: Storyboard Pagkatapos mong sagutan ang pagsasanay sa talasalitaan ay dumako na tayo sa kasunod na Gawain.Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo sa kasunod na mga pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkakasunod- sunod. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal. b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong. c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong. d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel. e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas. f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at pagpapakasal niya kay Miguel. g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng “Walang Sugat”. h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo. j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang-bayan.
  • 278.
    272 GAWAIN 2.1.1.j:Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Sagutin ang mga tanong namay kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin kung naunawaan mo ang nilalaman nito. 1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang binurdahan? 2. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle? 3. Isulat ang mga katangian ng mga tauhan sa akda. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. JULIA TENYONG LUKAS JUANA __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ __________ WALANG SUGAT
  • 279.
    4.Gamit ang VennDiagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni Julia sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. Pagkakatulad 5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?. 273 6. IIarawan ang namayaning damdamin sa Tagpo II. 7. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit? 8. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag. Mahusay ang iyong ginawa. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Alamin mo naman ang kaligirang pangkasaysayan ng Sarsuwela na namayani sa Panahon ng Amerikano. Gagabayan ka sa iyong pag-aaral ng sumusunod na gabay na mga tanong. Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang Sarsuwela? 2. Bakit ito kinagiliwan mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 3. May Sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang pampanitikan? 4.Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng panitikang Pilipino? 5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang Sugat. JULIA KABABAIHAN SA KASALUKUYAN Pagkakaiba Pagkakaiba
  • 280.
    maging ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ________________ 274 6. Kung ikaw ay kabataan na nabuhay sa Panahon ng Amerikano, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan? 7. Sa pagwawakas ng gawain mo sa bahaging ito, maibibigay mo na ang iyong damdamin sa dulang pantanghalang binasa mo. Gawin ito sa dyornal. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. PAGSULAT Ituloy mo ang pahayag… Habang binabasa ko ang Sarsuwela ako’y , dahil ako’y . kaya nais kong Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan na ginamit ng may-akda sa binasang Sarsuwela? Marahil ay napansin mo na iba-iba ang antas ng pang-uri na ginamit ng may-akda upang higit niyang maikintal sa isipan ng mambabasa ang imahe na nais niyang iwanan sa isipan . Suriin natin ang ilan sa mga ito.
  • 281.
    275 Kaantasan ngPang-uri Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri. Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip. Kaantasan ng Pang-uri 1. Lantay –Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari. Halimbawa: a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito. b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito. 2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari. a. Pahambing na magkatulad – nagtataglay ng pagkakatulad na katangian. Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasin Halimbawa: .Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela. . Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika. b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga pananda tulad ng salitang di-gaano, di-gasino, higit, o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa. Halimbawa • Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan . • Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras. 3. Pasukdol – ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang Ugnay-Wika
  • 282.
    Paghusayin mo paang iyong kaalaman sa wika. Magsanay Tayo. Pagkatapos mong malaman ang mga impormasyon sa kaantasan ng pang-uri, ngayon ay susubukin natin ang iyong kaalaman. Isulat sa sagutang papel ang kaantasan ng pang-uri na sinalungguhitan sa bawat pangungusap. (lantay, pahambing o pasukdol). 276 ______________ 1. Tunay na bayani ng makabagong siglo si Kesz. ______________ 2. Si Kesz ay sikat na sikat na kabataang simbolo ng pag-asa. ______________ 3. Kami ay ubod saya sa tagumpay na kaniyang natamo. ______________ 4. Siya ang pinakabatang boluntaryong tumutulong sa Dynamic Teen Company ni Peñaflorida. ______________ 5. Di- gaanong magkapalad ang naging karanasan ni Kesz sa ibang kabataan ngayon. ______________ 6. Tunay na huwaran ang kabataang tulad ni Kesz Valdez. ______________ 7. Magkasingganda ng hangarin si Efren at si Kesz sa kanilang gawain. ______________ 8. Buhay man niya ay salat sa karangyaan at dunong ngunit hindi niya ipinagkait ang lakas niya upang matulungan ang mga kabataan na naliligaw ng landas. _______________9. Sa gulang na tatlo, namalimos si Kesz gaya ng ibang mga batang lansangan at nagkalkal ng mabahong basura para makahanap ng anumang bagay na may halaga na maaaring ibenta upang suportahan ang kaniyang pamilya. _____________ 10. Si Kesz ay may mabuting kalooban gaya ng kaniyang guro na si Efren Peñaflorida. Nasagutan mo lahat ang iyong gawain sa pagsasanay na ito. Kung hindi naman ay okey lang. Gagabayan ka ng araling ito sa paglinang pa ng iyong kaalaman. Magkaroon ka naman ng paglalagom kung ano ang iyong naunawaan sa pinag-aralan sa araling ito. Mahalagang pag-aralan ang mga bahagi ng panalita na nagbibigay-turing sa pangngalan o panghalip at ang pagbibigay ng paghahambing o pagtutulad nito batay sa kaantasan ng pang-uri sapagkat nagiging mabisa ang pagsasalaysay at paglalarawan sa mga tauhang karaniwang ginagamit sa isang sarsuwela. Ngayon ay maaari mo ng gawin ang gawaing aking inihanda.
  • 283.
    Bakit mahalagang gamitinang kaantasan sa paglalarawan? Upang malaman natin kung lubos mo nang naunawaan ang ating pinag-aralang akda, balikan natin ang mahalagang tanong na sumasalamin ba sa sarsuwela ang kulturang Pilipino gamit ang pinasidhing anyo ng pang-uri? Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang iyong sagot. Napatunayan mo na ang sarsuwela ay larawan ng kulturang Pilipino, bukod dito isa pa sa mga tulong upang higit na masalamin ang kalagayang panlipunan. Nakatulong ba ang mga kaantasan ng pang-uri upang mapalabas ang kulturang Pilipino upang makapaglarawan ng mabisa? Binabati kita at ilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong paglalakbay. Upang matiyak natin na naunawaan mo ang aralin, nais kong magsaliksik ka ng isang dula na naglalarawan ng kalagayang panlipunan, kaugalian at paniniwala ng pamilyang Pilipino. Suriin mo ito. Ibuod at ipaliwanag kung paano inilarawan dito ang mga nabanggit sa itaas. 277 SARSUWELA SALAMIN NG KULTURANG PILIPINO
  • 284.
    278 Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannnaaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn Ang layunin mo sa bahaging ito ay mataya natin kung tama ang pagkaunawa mo sa mahahalagang konsepto na nakapoob sa buong aralin- Ang Panitkan sa Panahon ng Amerikano. Muli, sagutin mo ang mahahalagang tanong na ito. Inaasahan kong kung may mali ka mang konsepto, ay naitama na natin ang mga ito sa tulong ng iba’t ibang gawaing iyong pinagdaanan. 1. Bakit umusbong ang panitikang Pilipino noong Panahon ng Amerikano? 2. Bakit mahalagang unawain/pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa panahon ng mga Amerikano? 3. Tunay bang salamin ng kultura angmga akdang pamapanitkan? Patunayan. Sagutin mo ang mga nabanggit na tanong sa paraang patalata. Maging matapat ka sa iyong pagsagot dahil dito ko malalaman kung dapat na tayong magpatuloy sa susunod na aralin, o balikan pa ang ilang gawain upang sa gayo’y magkaroon ka ng malalim na pag-unawa sa nilalaman ng araling ito. Makatutulong sa iyo kung sasagutin mo pa ang Gawain sa ibaba/kabilang pahina. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling tinalakay? Isulat ang sagot sa iyong dyornal. Sa araw na ito naunawaan ko na ___________________________________________________ _________ Natatandaan ko na natuwa ako sa na ___________________________________________________ _________ Ngayong araw na ito, maipagmamalaki kong natutuhan ko ang/ ang mga ___________________________________________________ ___________________________________________________ ______________________
  • 285.
    Marahil ay mayroonka nang sapat na pag-unawa tungkol sa balagtasan at sarsuwela. Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng katotohanan o opinyon at kaantasan ng pang-uri. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha sa unahang bahagi ng araling ito, at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Maraming salamat. 279 IIIIlllliiiippppaaaatttt Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto-ang makasulat ka ng iskrip at diyalogo ng isang dula na sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang pagsulat ng iskrip at diyalogo ng isang dula. Atin pang ipagpatuloy at alamin naman kung ano ang iskrip at Diyalogo. Simulan na natin. Ang Iskrip at Diyalogo Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula kung wala ang iskrip. Matatawag lamang na dula ang isang katha kung ito’y itinatanghal, ngunit maitatanghal lamang ito kung may iskrip na magsisilbing gabay ng mga tauhan upang magsadula. Taglay ng iskrip ang mga diyalogo ng mga aktor sa pagtatanghal ng isang tagpo at maging ng buong dula. Tinatawag na iskrip ang nakasulat na gabay ng aktor direktor at iba pa na nagsasagawa ng dula. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip matatagpuan ang galaw ng mga aktor, ang mga tagpo, ang mga eksena. At gayundin ang diyalogo ng mga tauhan.
  • 286.
    direktor kung anongmagiging kabuuan ng tagpuan, ang mga damit ng tauhan hanggang sa paraan kung paano isasaganap at ipahahayag ng mga tauhan ang kani-kanilang diyalogo. Isa sa batayan upang gumanda ang isang dula sa iskrip gayundin ang lawak ng karanasan ng direktor sa ganitong larangan. Narito ang paraan ng pagsusulat ng Iskrip. 280 Ang diyalogo ang sinusundan ng mga aktor. Ito ang nagbibigay ng mga mensahe sa isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan pang mga tauhan sa loob ng isang dula. Sa pamamagitan ng iskrip, mabibigyan ng pagpapakahulugan ng Paraan ng Pagsusulat Ayon kay Sicat sa kanyang sanaysay na “Sa Pagsulat,” nagsisimula siya sa ideya. Mula sa ideya, aniya, itinatayo niya ang balangkas sa isip at pinaglalapat-lapat niya rito, sa pamamagitan ng mahiwagang kapangyarihan ng imahinasyon, ang samu’t saring impresyon, gunita, larawan, damdamin at pangyayari. Tila siya mangangaso, kung saan-saan siya nakararating. Narito ang mga paraan o teknik kung paano makasusulat ng iskrip 1. Dapat na marunong ang isang manunulat na tumimpla ng kanyang mga sinusulat. Nakabaling ito sa tono’t himig na hangad ipahiwatig sa katha. 2. Mgsimula sa pagsulat ng mga diyalogo. Kailangang masalang mabuti kung ano ang mga gagamiting salita sa diyalogo. 3. Piliin ng salita na gagamitin depende sa manonood o paksa. 4. Mahalaga na may nilalaman (content) ang isang kuwento. Ito ang mensahe ng kuwento, anyo (form) sapagkat mapapailalim sa anyo ang kasiningan ng pagsusulat. Dito pumapasok ang estilo. 5. Kailangan sa pagsulat ang disenyo, ang pagbalangakas, ang mga dibisyon (ang simula, sinulong, at wakas). Dapat rin na pag-aralan ang makatotohanan at epektibong banghay (plot), karakter (character) , tagpuan (location) , paningin (point of view) , at iba pang sangkap sa pagkatha. Sa pagsulat ng iskrip nalrarapat na
  • 287.
    lakipan ito ngangkop na tunog sapagkat ang iyong gagawin akda ay pagbabatayan at pinakabuhay ng isang dula. Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng iskrip ng dula. Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang inyong gagawing produkto. Basahin at isagawa ang sitwasyon. Gamiting gabay ang sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa nito. Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado ng ating pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kaugalian ng pamilya, ang NCCA kasama ang Lokal na Pamahalaang Panturismo, DSWD ay maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan na magtatampok sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga kultura, gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na magsilbing inspirasyon sa komunidad. 281 Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling mamahala ng inyong punong bayan sa patimpalak na ito. Upang mangalap ng mga pamilya na naangkop sa aganitong kategorya. Ang magwawaging lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at mailalathala sa lokal na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na makatotohanan, may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na tunog, ilaw,at tagpuan, mahusay ang iskrip at sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang Pilipino.
  • 288.
    282 Rubrik saPagsulat ng Iskrip at Diyalogo Mga Pamantayan Napaka-husay 5 Mahusay 4 Katamta mang Husay 3 Hindi Mahusay 2 Nangangailangan pa ng Pagpapahusay 1 a. Pagkamalikhain b. Makatotohanan at kapani-paniwala ang pagkakasulat ng iskrip c. Orihinal d. Sumasalamin sa kulturang Pilipino at naaangkop sa kasalukuyan e. Wasto ang pagkakagamit ng wika Interpretasyon 21- 25 -Napakahusay 16- 20 -Mahusay 11-15 -Katamtamang Husay 6-10 -Hindi Mahusay 1-5 -Nangangailangan pa ng Pagpapahusay Nakumpleto mo na ang araling ito. Bago ka dumako sa susunod na aralin, Bakit hindi mo subuking itaya ang iyong mga natutuhan? Maaari mo ng sagutan ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na ang iyong kahandaan. Simulan mo na.
  • 289.
    283 VII. Pangwakasna Pagsusulit (Panitikan sa Panahon ng Amerikano) A. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Isang uri ng tulang patnigan na may pinagtatalunang mahalagang paksa na karaniwang may Lakandiwa na namamagitan. a. balagtasan b. duplo c. karagatan d. karilyo 2. Dahilan kung bakit isinunod ang tawag na balagtasan sa pangalan ni Francisco Baltazar. a. bilang alaala sa kaniyang kadakilaan b. bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan c. upang lalo siyang tangkilikin ng mga makata d. sapagkat siya ang pinakamahusay na mambibigkas noong kaniyang kapanahunan. 3. Ito ay biglaang debate ng lalake at babae ng mga taga-Cebu. a. Balitao b. Batutian c. Duplero d. Siday e. 4. Sila ang pinakamagaling na mambabalagtas noong kanilang kapanahunan. a. Jose Rizal at Andres Bonifacio b. Juan Luna at Antonio Luna c. Francisco Baltazar at Jose Dela Cruz d. Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes 5. Dahilan kung bakit tinawag na “Huseng Batute” si Jose Corazon de Jesus. a. Siya ang tagapamagitan sa mga mambibigkas. b. Mahilig siyang magsulat ng Balagtasang hindi pormal. c. Pinakamahusay siyang mambabalagtas sa kaniyang kapanahunan. d. Pagbibigay-galang it okay Jose Corazon de Jesus.
  • 290.
    B. Panuto: Isulatsa patlang ang wastong anyo ng kaantasan ng pang-uri. 284 Gawing gabay ang mga salita sa loob ng panaklong. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot. 1. Ang bawat mamamayan ay dapat na (husay) __________ sa paggamit ng ating pambansang wika. 2. Talagang (hanga) __________siya sa kanyang ipinamalas na husay sa pagsasalita. 3. (Marami) __________ ng magagandang dahilan upang ating paunlarin ang ating wika. 4. (Gusto) __________ ng mga manonood ang balagtasan at sarsuwela sa palatuntunan ng Buwan ng Wika. 5. (Hanga) __________ ang taong nagmamalaki at nagmamahal sa sariling wika. C. Panuto: Gamit ang 3-2-1 Chart, buuin ang konsepto o ideyang nabuo sa iyo sa pag-aaral sa dula. 3 Tatlong bagay, kaisipan o ideyang nalaman sa aralin 2 Dalawang kawili-wiling bagay na nalaman 1 Isang malaki at itinuturing na pinakamahalagang konseptong natutuhan sa dula Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang Panahon ng Komonwelt. Aalamin natin kung ano ang papel na ginampanan ng mga akdang pampanitikang namayani sa pagbabagong anyo ng panahon at masasabi mo ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang Pagtataya para sa Aralin 2.2, ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.
  • 291.
    AAAARRRRAAAALLLLIIIINNNN 2222....2222 ::::aaaannnngggg ppppaaaannnniiiittttiiiikkkkaaaannnn ssssaaaa PPPPAAAANNNNAAAAHHHHOOOONNNN 285 NNNNGGGG KKKKOOOOMMMMOOOONNNNWWWWEEEELLLLTTTT I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Kumusta? Binabati kita sapagkat matagumpay mong naisagawa ang mga gawain at pagsasanay sa Aralin 2.1. Sa bagong aralin, tutuklasin natin ang panitikan sa Panahon ng Komonwelt. Ang Panahon ng Komonwelt ay sinasabing Malasariling Pamahalaan sa ilalim ng pamamahala ni Manuel L. Quezon. Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili kung ang panitikan ba sa panahong ito ay nagpatuloy sa pag-unlad dahil ang ating bansa ay naging malaya na sa pananakop ng mga Amerikano. Mahalaga ba ang naging kontribusyon sa ating bansa ng mga manunulat ng panitikan sa Panahon ng Komonwelt? Sa tulong ng mga gawaing inihanda para sa iyo, malalaman mo ang kasagutan sa mahalagang tanong na ito. Hudyat na naunawaan mo ang araling ito kung sa pagtatapos ay makapagpapahayag ka ng iyong katuwiran na ang layunin ay makahikayat sa iyong tagapakinig/tagapanood na maniwala at pumanig sa iyong katuwiran. Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) naglalahad ng sariling opinyon at katuwiran; b.) napaninindigan ang opinyon at katuwiran; c.) may batayan ang inilahad na opinyon at katuwiran; at d.) paraan ng presentasyon. Sa araling ito, ay malalaman mo ang iba pang panitikang napatanyag sa panahong ito partikular na ang Sanaysay (talumpati) at Maikling kuwento. Gayundin ang mga araling panggramatika tulad ng Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag, at Kayarian ng Pang-uri. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa: Aralin 2.1- Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt Aralin 2.1.1 a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati) “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon b. Wika: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag Aralin 2.1.2 a. Panitikan: Maikling Kuwento “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes b. Wika: Kayarian ng Pang-uri
  • 292.
    286 III. MgaInaasahang Kasanayan Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan Ang Panitikan Sa Panahon Ng Komon-welt Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Napauunlad ang kasanayan sa pag-unawa sa diskursong pinakinggan • Naisasalaysay ang magkakaugnay na pangyayari sa napakinggan • Naihahambing ang sariling saloobin sa saloobin ng nagsasalita • Naiuugnay ang pinapaksa ng nagsasalita sa iba pang paksa at karanasan • Nakabubuo ng makabuluhang tanong batay sa napakinggan Napalalalim ang pag-unawa sa diskursong pinakinggan sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman nito • Nabubuod ang teksto batay sa mahahalagang punto • Naililipat ang impormasyon mula sa diskursong napakinggan tungo sa iba pang anyo (transcoding) Nakagagawa ng sariling reaksiyon (pasalita o pasulat) sa mga ideyang pinakinggan • Napipili ang angkop na ekspresiyon/pananalita sa pagpapahayag ng sariling puna • Nakagagawa ng angkop na pagwawasto sa inaakalang mga maling pananaw o impormasyong napakinggan Pagsasalita Nailalahad ang mga pagpapasiya batay sa mga patunay at katwiran Nakapangangatuwiran nang maayos at mabisa batay sa iba’t ibang sitwasyon Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Pag-unawa sa Binasa Napipili ang pangunahin at pantulong na mga ideya o kaisipang nakasaad sa binasa Nahihinuha ang pamaksang diwa ng teksto
  • 293.
    287 Naiisa-isa angmga tiyak na layon ng teksto Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto • Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto • Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa: sarili ibang tao • Nakapangangatuwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning inilahad sa teksto Nasusuri ang iba’t ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan at katangian ng mga ito 1. Sanaysay • Nailalahad ang punong kaisipan at ang paraan ng pagpapaikli ng paksa • Nasusuri ang layunin ng paksa • Naipaliliwanag ang tema o kaisipang nakapaloob sa sanaysay • Nasusuri ang mga uri ng sanaysay at ang katangian ng bawat isa • Naipahahayag ang magandang kaisipang nais ipabatid ng may-akda sa kaniyang isinulat 2. Maikling kuwento • Naipaliliwanag ang mga elemento ng maikling kuwento • Naipaliliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga kilos o gawi ng mga tauhan • Nabibigyang-kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa akda • Naibubuod ang binasang akda Pagsulat Naisasaalang-alang ang mga kasanayan sa paggamit ng Filipino sa pagsulat ng talata • Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: pagbibigay ng depinisyon paghahalimbawa paghahawig o pagtutulad • Naisasaayos ang mga pangungusap sa loob
  • 294.
    at pagitan ngtalata upang magkaroon ng kaisahan sa pamamagitan ng: 288 pag-aayos ng mga detalye na lohikal ang pagkakasunod-sunod paggamit ng mga ekspresiyong transisyunal paglalahad ng mga pangungusap nang may magkatulad na pagkakabuo Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng talata • Nakabubuo ng balangkas upang maipakita nang malinaw ang sariling ideya at intensiyon sa pagbuo ng komposisyon • Nagagawang kawili-wili ang panimula ng komposisyon sa pamamagitan ng isang: kaakit-akit na pahayag napapanahong sipi o banggit • Nawawakasan ang komposisyon nang may pangkalahatang impresiyon sa pamamagitan ng: pagbubuod makabuluhang obserbasyon Naipakikita ang kasanayan sa pagsulat ng isang tiyak na uri ng paglalahad Naisasaalang-alang ang mga kailanganin sa pagsulat ng sanaysay • Nakapipili ng isang napapanahong paksa • Nakapagtatala ng kinakailangang mga impormasyon • Nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay-ugnay na ideya at impormasyon • Napalalawak ang mga kaisipang kaugnay ng paksa • Nakabubuo ng isang: makatawag-pansing simula mabisang wakas Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo Pakikitungo sa Wika at Panitikan Nagpapakita ng kawilihan at kasabikan sa pagbuo at pagsagot sa mga tanong at puna sa panitikan Estratehiya sa Pag-aaral/ Pananaliksik Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral
  • 295.
    Naipamamalas ang kakayahangmaiangkop ang bilis ng pagbasa sa layunin at antas ng kahirapan ng akda Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian 289 Nailalahad nang maayos ang mga nalikom na impormasyon sa isinagawang pananaliksik tungkol sa mockumentary Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet IV. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt a. Panitikan: Sanaysay b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag a. Panitikan: Maikling Kuwento b. Wika: Kayarian ng Pang-uri Mini-museum o eksibit Nagkaroon ka na ng ideya sa ating magiging aralin. Ngayong nalaman mo na ang magiging paksa sa araling ito at ang inaasahang kakayahan at kasanayan na lilinangin sa iyo, tingnan muna natin ang iyong kahandaan sa magiging paksa ng aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya. V. Panimulang Pagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Piliin ang pinakaangkop na sagot sa sumusunod na mga tanong/pahayag. Mangyaring sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos mong sagutin ang pagsusulit na ito, makikita mo ang iyong iskor. Itala at tandaan ang mga aytem na hindi mo nasagot nang tama, at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang araling ito.
  • 296.
    290 Unang Bahagi Panuto: Ibigay ang magkaibang katangian ng dalawang uri ng sanaysay. (Para sa bilang 1 – 4). Sanaysay Pormal Pamilyar Magkaibang katangian: ____________________________________________ ____________________________________________ Ikalawang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. Ang matandang babae ay ‘di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng nagtatanong na dalaginding ay natarok na kapagkaraka ang lagay ng kalooban ng kaniyang anak. Si Irene ay hindi nga sasalang ginugulo noon ng mga suliranin ng puso. Umiibig, di sasalang siya’y umiibig. “Hindi,” ang tiyak na sagot. “Nang makilala mo ba si Tatang,” ang patuloy na tanong, “ay may naramdaman ka bang pintig sa loob ng dibdib?” “Oo!” “Ipinagtapat mo ba sa iyong Inang? “Oo!” “E ano ang sinabi sa iyo?” “Nagalit, kinagalitan akong mabuti at sinabing di sasalang ako’y may iniibig na lalaki. Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y nag-asawa ay kaniyang papatayin.” “Ay, ano ang naging sagot mo?” “Ako’y nangako, sinabi kong ang lalaking aking nakilala ay aking isusumpa.” “Kung gayo’y bakit mo naging asawa si Tatang?” “Sapagkat. . . ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato a di nadudurog sa hampas ng alon, hindi natitinag sa kinalalagyan, mamatay …
  • 297.
    291 mabuhay, lagingsariwa.” “A, kaya pala!” “Kaya palang ano?” “Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.” Ang ina ay napahagulgol ng iyak nang ganap na maunawaan ang ibig sabihin ni Irene. Mula sa, Ang Dalaginding ni Iñigo Ed. Regalado 5. Ang tinutukoy na dalaginding ay mga babaeng nasa edad ____________. a. 10 – 12 b. 13 – 15 c. 16 – 18 d. 19 – 21 6. Ang salitang sariwa ay halimbawa ng ___________. a. pangngalan b. panghalip c. pandiwa d. pang-uri 7. “Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato.” Ang salitang may salungguhit ay nasa anyo ng pang-uri na ________________. a. payak b. lantay c. pahambing d. pasukdol 8. “Ako’y kaniyang pinagbalaan. At pinagsabihang kapag ako’y nag-asawa ay kaniyang papatayin.” Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na interpretasyon ng binasang pahayag? a. Gagawin ng magulang ang lahat masakop lamang ang anak maging sa pag-ibig. b. Hindi nakauunawa ang magulang sa damdamin ng mga taong umiibig kahit pa nga ito ay kaniyang anak. c. Takot ang magulang maiwanan ng anak sa pag-aakalang hindi na sila aalagaan sa kanilang pagtanda. d. Ayaw ng magulang na umibig ang anak sa murang edad pa lamang.
  • 298.
    292 9. Inilarawanang pag-ibig sa akda sa pamamagitan ng __________. a. pagpapaliwanag sa kahulugan nito b. paghahambing gamit ang tayutay c. pagsasalaysay sa karanasan ng tauhan d. pagpapahayag ng sariling karanasan 10. “Kaya pala lagi nang kakaba-kaba ngayon ang aking dibdib.” Ano ang mahihinuha sa pahayag na ito ni Irene? a. Laging may takot na nadarama si Irene kapag kausap ang ina. b. Hindi na nakadarama ng kapayapaan si Irene dahil sa mga kagalit. c. Si Irene ay nagsisimula nang umibig. d. Bunga ng sakit ang kabang nadarama ni Irene. Upang magkaroon ka ng pagtataya sa iyong naging sagot, tingnan mo sa Susi sa Pagwawasto ang wastong sagot. Kung marami kang nasagot na wasto ay masasabi kong handa ka na para sa aralin. Maaari mo nang simulan. VI. Yugto ng Pagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Bago pa man dumating ang mga mananakop, tayo ay may sarili ng panitikan. Hindi natin maikakaila na yumabong pa ito sa kanilang pagdating. Sa araling ito ay nakapokus tayo sa Sanaysay at Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt. Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili, ano kaya ang kalagayan ng ating panitikan at manunulat sa panahong ito? Bigyang-pansin mo rin ang mahalagang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Inaasahan kong ang mga gawain at pagsasanay sa bahaging ito ay makatutulong upang masagot ang mga tanong na ito. Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan ay maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan partikular na ang sanaysay na umusbong noong Panahon ng Komonwelt hanggang sa kasarinlan. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay makapagsasagawa ka ng mockumentary tungkol sa wika. At sa pagsisimula mo sa araling ito, iyong isulat ang una mong naisip tungkol sa manunulat noong Panahon ng Komonwelt sa tulong ng Generalization Table.
  • 299.
    Una kong naisip na . .. Natuklasan ko na . . . Gamit ang estratehiyang 3-2-1, piliin sa kahon ang tatlong (3) akdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng mga akdang ito, dalawang (2) katangian ng akda at manunulat na may likha ng mga ito at isang (1) tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa manunulat at sa kanilang akda. 293 GAWAIN 2.2.1: Generalization Table Ang unang kolum ang unang sasagutan bago ang kasunod na mga kolum. Ang ikalawa at ikatlong kolum ay sa susunod na mga bahagi ng aralin at ang huli ay sa bahaging Paunlarin ng araling ito. Simulan natin Simulan natin ang pag-aaral ng modyul na ito sa pamamagitan ng pagpili sa sumusunod na pangalan na nakilala bilang manunulat sa Panahon ng Komonwelt at ang kanilang naisulat sa panahon ding ito. GAWAIN 2.2. 3-2-1 Action Patunay nito ang . . . Mga Manunulat Genoveva Edroza Matute Buenaventura S. Medina Jr. Adriano P. Landicho Iñigo Ed. Regalado Narciso G. Reyes Deogracias A. Rosario Mga Akda Ang Anluwage Ang Dalaginding Lugmok na ang Nayon Lupang Tinubuan Sa Aking mga Kabata Hikbi sa Karimlan
  • 300.
    294 3 Mgaakdang napabantog sa Panahon ng Komonwelt at ang manunulat ng mga akdang ito 1. 2. 3. 2 Katangian ng akda at manunulat sa naging sagot sa 3 1. 2. 1 Tanong/pahayag na nais mo pang mabatid tungkol sa manunulat at sa kaniyang akda 1. Inaasahan kong nasagot mo nang wasto ang unang dalawang kolum na magkasunod. Kung hindi naman ay huwag kang mag-alala sapagkat layunin ng modyul na ito na sa sariling sikap at tiyaga ay mahanap mo ang tamang kasagutan. Ang huling bahagi ay sa iyo nakabatay. Walang tama o mali sa bahaging iyon. Bibigyang-tuon natin sa araling ito ang Sanaysay (talumpati) at Maikling kuwento na lumaganap sa panahong ito. Tutuklasin natin ang iyong dati nang kaalaman sa ating magiging paksa sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. GAWAIN 2.2.3: Ilalahad Ko, Kilalanin Mo Lagyan ng tsek (Ö) ang patlang kung ang bawat aytem ay tumutukoy tungkol sa sanaysay, ekis (X) kung ito ay tumutukoy naman sa Maikling kuwento at asterisk (*) kung parehong tumutukoy sa Sanaysay at Maikling
  • 301.
    __ nagbibigay ngmahahalagang kaisipan __ ito ay orihinal na panitikan ng mga Pilipino __ nagsisilbing aliwan/libangan __ kabilang ang sulating pampahayagan __ may mga tauhang nagsisiganap __ Buenaventura S. Medina Jr. __ Deogracias A. Rosario __ Michel de Montaigne __ maaaring iugnay sa sariling karanasan at karanasan ng ibang tao __ ginagamitan ng masining o mga tayutay na mga salita o pahayag Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung hindi, huwag kang mag-alala sapagkat sinusukat lamang natin ang iyong kaalaman sa magiging aralin. Ang susunod na bahagi ay makatutulong sa iyo upang lalo pang lumawak ang iyong kaalaman sa panitikan sa Panahon ng Komonwelt. Makatutulong ang mga gawain upang masagot mo ang mahalagang tanong na “Malaya ba sa pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” 295 PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin. Ang mga akdang pampanitikan na pag-aaralan natin sa bahaging ito ay Sanaysay at Maikling kuwento na sumibol sa Panahon ng Komonwelt. Mahalagang masagot sa bahaging ito ang tanong na: “Malaya ba sa pagsulat ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Simulan natin sa Sanaysay. Sa lahat ng uri ng panitikan, ang Sanaysay ang sinasabing may pinakakaunting bilang ng manunulat dahil sa malayo ito sa damdamin ng mga tao. Gayon pa man, mananatiling ang nilalaman nito ay kapupulutan ng aral at aliw sa mambabasa. Sa araling ito ay gawing gabay ang sumusunod na tanong na makatutulong sa iyo sa maaari mong maging tunguhin sa araling ito. Mabisa bang paraan ng paglalahad ng katuwiran ang pagsulat ng sanaysay? ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ Bakit mahaIaga ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa isang sanaysay? _______________________ _______________________ _______________________ _______________________
  • 302.
    Sa pagpapatuloy ngaralin ay malalaman mo rin ang wastong sagot sa mga tanong na iyan. Ipagpatuloy mo lamang ang paglalakbay at pagtuklas sa mga kaalamang ibibigay sa iyo ng modyul na ito. Muli mong gawin ang hinihinging sagot sa susunod na gawain. 296 GAWAIN 2.2.1.a: Konseptulong Magbigay ng mga pantulong na konsepto na may kaugnayan sa salitang Sanaysay na sa iyong palagay ay makatutulong upang makabuo ng isahang konsepto para sa aralin. Gawin sa sagutang papel. Isahang konsepto sa salitang sanaysay _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ Sa mga naging gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa kasunod na sanaysay (talumpati) upang maunawaan ang aralin, subalit bago iyon ay magbigay ka muna ng impormasyon tungkol sa sumulat ng talumpating tatalakayin, si Manuel L. Quezon. Kapanganakan Pamilya Mga Katangian Naiambag sa Pilipinas
  • 303.
    Si Manuel L.Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa ay nahirang na Komisyoner ng ating bansa, may kalayaang magpahayag subalit walang kalayaang bomoto sa U.S. House of Representatives. Ipinaglaban niya ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa mga Amerikano noong 1935. Nagtapos din siya ng kursong abogasya at nakuha ang pang-apat sa pinakamataas na iskor sa pagsusulit. Maaari mo nang basahin ang talumpating binigkas ni Manuel L. Quezon. Ang talumpati ay tumutukoy sa kaisipan o opinyon ng isang tao na ipinababatid sa pamamagitan ng masining na pagpapahayag para sa pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. 297 Basahin at unawain Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
  • 304.
    Sang-ayon ako sapatuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat. 298 GAWAIN 2.2.1.b: Paglinang ng Talasalitaan Pumili ng isang salita sa akdang iyong binasa, ilagay ito sa pinakagitnang kasunod na grapiko. Ibigay ang kahulugan, ang katangian, ang bahagi ng panalita at ang halimbawang pangungusap. Gawin sa sagutang Kahulugan Katangian Bahagi ng Panalita Halimbawang Pangungusap SALITA
  • 305.
    299 GAWAIN 2.2.1.c:Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas? 2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: “Kailangang magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.” 3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad din ba ng kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa? Bakit? 4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong nakapaligid sa iyo. 5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang pambansa? 6. Pakinggan ang awiting Ako’y Isang Pinoy ni Florante. Ilahad ang pangunahing ideya sa awit na ito. May kaugnayan ba ang awit na ito sa talumpati ni Manuel L. Quezon? Ilahad ito. 7. Sa damdaming namamayani sa iyo tungkol sa wika, ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit. 8. Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas? Nasagot/naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Balikan mong muli ang iyong naging mga sagot at limiin ito sa iyong sarili. Sa iyong binasang akda ay mabisang nailahad ng may-akda ang kaniyang katuwiran upang makahikayat, maniwala at sumang-ayon sa kaniya. Napakasarap pag-aralan ang wika lalo’t ito ay sarili. Wala na ngang tatamis pa sa sariling wika. Kaya naman sa Panahon ng Komonwelt ay pinagtibay ang wikang magiging Wikang Pambansa. Ang binasang akda ay isang halimbawa ng Sanaysay na nasa anyong talumpati. Noong Panahon ng Komonwelt ay nakatulong ito upang maipahayag ang saloobin ng isang Pilipino sa katauhan ni Manuel L. Quezon na pahalagahan ang wikang sarili na mag-uugnay sa mga Pilipino noon hanggang ngayon. Ang Wikang Pambansa ay itinaguyod ni dating Pangulong Manuel L. Quezon para sa mas ikatatatag at pagkakaroon ng unawaan ng mga Pilipino.
  • 306.
    Sa bahaging itoay nais kong itanong sa iyo kung handa ka na bang madagdagan ang iyong kaalaman sa Sanaysay? Kung gayon, basahin ang kasunod na mga impormasyon. Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan 300 na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Ang Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag niyang essai na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng panulat. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o pamilyar. Narito ang kanilang pagkakakilanlan. Pormal Di-Pormal o Pamilyar Nagbibigay ng impormasyon Nagsisilbing aliwan/libangan Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay Nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksang karaniwan, pang-araw-araw at personal Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang tono Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda
  • 307.
    Ngayong nadagdagan naang iyong kaalaman tungkol sa sanaysay, 301 maaari mo ng sagutin at isagawa ang mga kaugnay na gawain. GAWAIN 2.2.1.d: Tukuyin ang Kaibahan Sagutin ang tanong na “Paano naiiba ang Sanaysay sa iba pang uri ng panitikan?” Gamitin ang Diyagram ng Hambingan at Kontrast sa paghahambing sa iba pang anyo ng tuluyan. 9. Sanaysay Iba pang tuluyan Paano nagkatulad? Uri Katangian Pagkakalahad Iba Pang Pagpapaliwanag Paano nagkaiba sa… Naunawaan mo na ba ang ilang bagay tungkol sa sanaysay? Kung hindi pa ganap ang iyong pagkaunawa, basahin ang isa pang halimbawa ng Sanaysay at sagutin ang kasunod na mga tanong.
  • 308.
    302 Ako ayIkaw ni Hans Roemar T. Salum “Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa wikang mga banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sariling wika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita…” Hay, napakasarap sa pandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L. Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Mayroong wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
  • 309.
    Sa makabagong panahon,gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni __________________________________________________ Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang __________________________________________________ __________________________________________________ Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan ng iyong wika ang ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang aking patuloy na pag-unlad. __________________________________________________ 303 Mga Gabay na Tanong 1. Anong uri ng Sanaysay ang binasang akda. Ipaliwanag. 2. Pansinin ang kasunod na mga pangungusap na may salungguhit. Ano ang layunin ng mga pangungusap na ito? dating Pangulong Mauel L. Quezon. ating bansa Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Malalaman natin kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na gawain sa pamamagitan ng ilang impormasyon tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. May iba’t ibang paraan at layunin ang isang tao sa kaniyang pagpapahayag. Upang lubos itong maunawaan, basahin ang nasa kahon at isagawa ang gawaing kaugnay nito. Handa ka na ba?
  • 310.
    Iba-iba ang paraanng pagpapahayag, maaaring paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad ay may layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang kabuuang anyo ng tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri. Kung ang nais ay maglahad ng mga pangyayari, pagsasalaysay ito. Pangangatuwiran kung ito ay may layuning umakit ng iba sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katuwiran. 304 GAWAIN 2.2.1.e: Pagbuo ng Sariling Yaman Sumulat ng sariling pagpapahayag tungkol sa isang bagay na itinuturing mong sarili mong yaman na maaaring sa paraang paglalahad, paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kalinawan; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas; d.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; e.) makatotohanan; at f.) naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay o nangangatwiran (depende kung anong paraan ng pagpapahayag ang pinili ng mag-aaral). GAWAIN 2.2.1.f: Balita Mo, Isusulat Ko Sumulat ng sariling sanaysay na maaaring sa anyong pormal o pamilyar mula sa napanood na bagong balita sa telebisyon o sa mga balitang dokumentaryo. Gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Malaya kang pumili ng anumang paksa sa napanood. Magkakaroon ng pagtataya sa iyong ginawa sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan: a.) kaisahan ng salita, pangungusap at talata; b.) wastong gamit ng gramatika; c.) wastong gamit ng bantas; d.) makatotohanan; at e.) gamit ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag. Ngayong ganap mo nang naunawaan ang aralin, binabati kita! Muling balikan ang ikalawa at ikatlong kolum sa huling bahagi ng Alamin. Punan ang mga kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin.
  • 311.
    305 Una kongnaisip na . .. Natuklasan ko na . . . Patunay nito ang . . . Minsan pa ay magkaroon tayo ng pagtataya sa iyong kaalaman sa naging mga aralin sa pamamagitan ng paglalagom sa iyong mga natutuhan. GAWAIN 2.2.1.g: YES/NO Analysis Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng opinyon at katuwiran sa isang Sanaysay noong Panahon ng Komonwelt. GAWAIN 2.2.1.h: Ang Mali Noon, Itatama Ngayon… Muli, binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain para sa araling ito. Gawin sa sagutang papel. Ang lagom ng aking nagawa sa aralin: • (panitikan) • (wika) Mga bago kong natutuhan sa paraan ng paglalahad ng katuwiran gamit ang Sanaysay: • • Naunawaan ko na ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ay: • • Ang dati kong kaalaman na natuklasan kong mali sa: • (panitikan) Kaya ang aking kongklusyon ay: Sa tulong ng reflective journal ay itala ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin.
  • 312.
    • (wika) Natulunganakong maunawaan na • (panitikan) • (wika) Sa aking palagay, magagamit ko ang kaalamang ito sa pamamagitan ng: • (sa pag-aaral) • (sa tunay na buhay) Binabati kita! Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain para sa araling ito. Basahin ang tungkol sa isa sa mga anyo ng balitang dokumentaryo, ang tinatawag na mockumentary. Makatutulong ang impormasyong ito para sa huling bahagi ng araling ito. Upang maragdagan pa ang kaalaman dito, makatutulong ang http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_mockumentaries. pantelebisyon na kadalasang ginagamit sa pagsusuri o pagbibigay puna sa napapanahong pangyayari at isyu sa bansa na maaaring komedya o katawa-tawa o drama. Ito ay maaaring isang paraan ng panggagaya na maaaring ang bahagi o ang kabuuan ay itinatanghal nang natural upang maging makatotohanan. 306 Ang mockumentary ay isang uri ng pelikula o programang GAWAIN 2.2.1.i: Natutuhan ay Isasabuhay… Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito. Ikaw ay kabataang mag-aaral na naimbitahang dumalo sa gaganaping programa para sa Buwan ng Wikang Pambansa. Layon nitong ipagtanggol ang wika ng kabataan sa harap ng mamamayan dahil sa hindi responsableng paggamit nito. Ikaw ay makikibahagi sa pagsasagawa ng
  • 313.
    mockumentary na magkakaroonng pagtataya sa pamamagitan ng: a.) mahusay na pagbibigay ng katuwiran; b.) makatotohanan; c.) nakahihikayat sa pagbibigay ng katuwiran; at d.) nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. MGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA SA GINAWANG PAGTATANGHAL 307 NG MOCKUMENTARY Pamantayan 10 8 6 4 2 Pamantayan Mahusay ang pagkakalahad ng mga katuwiran Di-gaanong mahusay ang pagkakalahad ng mga katuwiran Lahat ng inilahad na impormasyon at pagkakalahad ng paksa ay makatatotohanan. May mga impormasyong hindi makatotohanan ang pagkakalahad. Nakahikayat sa lahat ng manonood pagbibigay ng katuwiran Hindi lahat ng manonood ay nahikayat sa ibinigay na katuwiran. Nagamit ang lahat ng paraan ng pagpapahayag. Isa o walang nagamit na paraan ng pagpapahayag KABUUAN Interpretasyon: 31 – 40 Lubos na kasiya-siya 21 – 30 Kasiya-siya 11 – 20 Hindi gaanong kasiya-siya 2 – 10 Husayan pa
  • 314.
    Marahil ay sapatna ang iyong kaalaman tungkol sa Sanaysay. Kung mayroon pang hindi malinaw sa iyo, maaari mong balikan ang naging talakayan at mga gawain. Sa naunang naging mga gawain sa naunang aralin na iyong napagtagumpayan, binabati kita! Pag-aaralan naman natin ngayon ang isa pang uri ng panitikang tuluyan – ang Maikling kuwento. (Aralin 2.2) Ang Maikling kuwento ay isang sangay ng panitikan na masining ang pagkakalikha upang mabisang maikintal sa isip at puso ng mambabasa ang mga pangyayaring nakapaloob dito. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masagot mo ang mga gabay na tanong upang ikaw ay makabuo ng mahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang makabubuo ka ng Advertisement Poster sa pagtatapos ng araling ito. Ang pamantayan sa pagtataya ng iyong gagawin ay batay sa a.) kasiningan; b.) pagkamalikhain;at c.) pagiging makatotohanan. 308 Mga Gabay na Tanong 1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt? 2. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista? GAWAIN 2.2.a: Katotohanan o Opinyon? Sagutin ang sumusunod na gabay na tanong sa tulong ng Fact or Opinion analysis. Matutuklasan mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy mo sa araling ito. Pahayag Katotohanan o Opinyon? Paliwanag Si Deogracias A. Rosario ay “Ama ng Maikling Kuwento.” Nakatulong ang maikling kuwento sa manunulat at sa mga Pilipino noong Panahon ng Komonwelt. 1. Paano nakatulong ang Maikling kuwento sa manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt? 2. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista sa kaniyang pagsulat?
  • 315.
    Maaaring buhay ngmanunulat ang ipinahahayag sa akdang kaniyang isinulat. Mayaman ang mga manunulat. Hindi malaya ang mga Pilipinong manunulat noong Panahon ng Komonwelt. Nakatutulong ang pang-uri sa paglalarawan ng mga katangian ng isang lugar at mga tauhan sa akda. Marami ka bang nasagot nang tama? Tingnan sa Susi sa Pagwawasto upang makita ang antas ng iyong kaalaman sa magiging paksa. Kung ang lahat ay wasto, ipinababatid ko sa iyo ang aking pagbati. Ngunit kung marami ang mali sa iyong naging sagot, huwag kang mag-alala sapagkat bahagi lamang ito ng pagtataya at pagtuklas sa iyong dating kaalaman tungkol sa paksa. 309 GAWAIN 2.2.b: Kilalanin Mo Sa bahaging ito ay alamin natin kung gaano mo kakilala ang sumusunod na mga manunulat na Pilipino. Ibigay ang naging kontribusyon nila sa panitikang Pilipino. ROGELIO R. SIKAT DEOGRACIAS A. ROSARIO SEVERINO REYES
  • 316.
    Nasagutan mo banang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi ka nakatitiyak sa iyong mga sagot, ang pagpapatuloy mo sa pagtuklas sa bahaging ito ng modyul ay makatutulong upang mapalawak mo pa ang kaalaman tungkol sa maikling kuwento gayon din naman sa kaugnay na wika nito, ang kaantasan ng pang-uri. Sa naging mga gawain ay inalam lang natin kung gaano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Upang ganap na maunawaan ang aralin, basahin at unawain mo muna ang kasunod na Maikling kuwento at pagkatapos ay sagutin/gawin ang mga gawain o pagsasanay sa bahaging ito. 310 GAWAIN 2.2.c: Pagtukoy sa Maaaring Nilalaman ng Akda Bigyan ng mga kaugnay na salita/parirala/pangungusap ang pamagat ng babasahing akda at ang maaaring nilalaman nito. Basahin at unawain Lupang Tinubuan Lupang Tinubuan Narciso G. Reyes Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na
  • 317.
    kami uuwi. Angpases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-ss.Tsug, tsug, tsug. Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y 311 napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, “Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, “Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.” Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang
  • 318.
    312 pambihirang pananabik. Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. ²Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. ²Hindi po naman,” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid. Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-
  • 319.
    anak ni Danding.²Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,” ang naisaloob niya. ²Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.” Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil ang pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. 313
  • 320.
    Hindi mo panababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. ²At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao. Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid. Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita. 314 ²Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya. ²Bakit po?” ²Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.” ²May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.” ²Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.” ²Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?”
  • 321.
    ²Nasaksihan!’ Napahalakhak siLolo Tasyo. ²Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.” Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. ²Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.” Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. ²Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula - isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.” Napangiti si Danding. ²Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng 315 pagkakaluwas niya sa Maynila?” ²Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. ²Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.” ²Nahuli po?” ²Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.” Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya
  • 322.
    ang pag-uusap nilani Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito. ²Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga 316 bagong tuklas niyang pinsan. ²Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay. Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat-sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman. Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga pag-iyak. Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
  • 323.
    Sandaling nag-ulap anglahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay. Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at liig. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. 317 Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso. Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan
  • 324.
    si Danding atpinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama. Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti. Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito. Naibigan mo ba ang kuwentong binasa? Subukin natin ang iyong 318 kakayahan sa pag-unawa. Gawin ang sumusunod na mga gawain.
  • 325.
    319 GAWAIN 2.2.d:Paglinang ng Talasalitaan Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na salita. Pagkatapos, ibigay kung anong bahagi ng panalita ito, at gamitin sa pangungusap ang mga ibinigay na kahulugan. Salita mula sa aralin Kahulugan Bahagi ng Panalita GAWAIN 2.2.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Isulat ang sumusunod na tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang papel. 1. Ilarawan ang nayon ng Malawig. Ibig mo bang marating ang nayon na ito? Bakit? 2. Bakit lumuwas si Danding sa Malawig? 3. Ilahad ang mga kaugalian ng mga taga-Malawig. Nakikita pa ba ito sa kasalukuyan? Magbigay ng mga patunay. Pangungusap pinagmuni-muni agaw-dilim piping panangis sumasalunga makadurog-puso Kaugalian ng mga taga-Malawig Nakikita pa ba sa kasalukuyan? (Oo/Hindi) Patunay na nakikita/hindi na nakikita sa kasalukuyan
  • 326.
    4. Ang Malawigay isang lalawigan. Ihambing ang pamumuhay rito at sa 320 lungsod. Alin ang nais mong maging tirahan? Bakit? Paraan ng Pamumuhay sa Lalawigan Dahilan: Paraan ng Pamumuhay sa Lungsod 5. Sa iyong palagay, nanaisin ba ni Danding na manatili na lamang sa lupang tinubuan ng kaniyang ama kaysa ang bumalik sa siyudad na kaniyang kinalakhan? Magbigay ng mga patunay sa pamamagitan ng paglalahad sa bahaging nagpapatunay nito. 6. Nanaisin mo pa bang bumalik sa iyong tinubuang lupa kung maganda na ang iyong buhay sa ibang bayan o bansa? Bakit? 7. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling bayan? Ang binasa at tinalakay na akda ay isang halimbawa ng Maikling kuwento. Alam mo ba kung ano ang maikling kuwento? Bakit kaya ito patuloy na pinag-aaralan mula noong panahon ng pananakop hanggang sa kasalukuyan? Basahin ang kasunod na mga impormasyon tungkol sa maikling kuwento at pagkatapos ay gawin mo ang kasunod na mga gawain.
  • 327.
    ANG MAIKLING KUWENTO Ang Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2) may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may mahalagang tagpuan, (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas. Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng katutubong kulay – ang binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang pook, ang pamumuhay, ang mga kaugalian at mga gawi sa lugar na binibigyang-diin sa kuwento. Upang matiyak na naunawaan mo ang Maikling kuwento, subuking sagutin o gawin ang mga kaugnay na gawain o pagsasanay sa maikling kuwento. 1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang Maikling kuwento sa mga manunulat at sa iba pang Pilipino noong Panahon ng Komonwelt at maging sa kasalukuyan? 321 2. Anong uri ng Maikling kuwento ang binasang aralin? Patunayan. 3. Gumawa ng balangkas ng kuwento ng katutubong kulay. Maaaring kuwento tungkol sa iyong sariling bayan o kuwento ng iyong paboritong lugar na napasyalan. Gawing gabay ang kasunod na pormat. Gawin sa papel.
  • 328.
    Pamagat May-akda MgaTauhan Suliranin Solusyon Wakas 4. Mula sa ginawang balangkas ay bumuo ng sariling maikling kuwento. I-post ito sa iyong fb account at pabigyang puna (like o dislike) ito sa mga kamag-aral o kaibigan. Kung wala namang fb account, pabigyang puna ito sa kanila sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (Ö) sa pangkat ng mga bituing napili. Pabigyang paliwanag kung bakit ito ang kanilang puna sa iyong likha. 322 Napakahusay Mahusay May kaunting husay Nangangailangan ng malaking pagbabago
  • 329.
    Malaki ang tulongng Maikling kuwento upang lalo pang sumigla at tumaas ang katayuan ng panitikan sapagkat Wikang Pambansa ang ginamit na midyum sa pagsulat, dumami ang manunulat, nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkukuwento at ang mga paksang dating hindi naisusulat ay nabigyan ng pansin. Inaasahan kong naunawaan mo na ang ating aralin. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral sa kaugnay na wika ng ating aralin – ang kayarian ng pang-uri. Basahin ang mga impormasyon tungkol dito. 323 Ugnay- ANG PANG-URI Ang pang-uri ay salitang naglalarawan tungkol sa pangngalan at panghalip. Maraming paraan upang maglarawan. Maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng kayarian ng pang-uri . Ang mga ito ay ang payak, maylapi, inuulit at tambalan. 1. Payak ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat. Halimbawa: ganda talino, bago 2. Maylapi kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitang–ugat at panlapi. Halimbawa: maganda, matalino, makabago 3. Inuulit kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi nito o ang buong salitang-ugat. Halimbawa: kayganda-ganda, matalinong-matalino 4. Tambalan kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama o pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang kahulugan. Halimbawa: balat-sibuyas, utak-matsing Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa tungkol sa pang-uri, basahin ang kasunod na teksto sa at sagutin ang kasunod na mga tanong tungkol dito.
  • 330.
    Sa buhay, kailangangmaging pusong mamon ka sa mga taong nangangailangan ng tulong. Hindi mahalaga ang kasikatan dahil sa yaman, sikat na sikat ka nga kung hindi mo naman alam ibahagi sa iyong kapwa, balewala rin. Maging matulungin at hindi dapat maging palalo, iyan dapat ang maging panuntunan sa buhay ng mga taong biniyayaan ng Panginoon ng maraming bagay. Hindi dapat tapakan ang mga taong may buhay-alamang, sa taimtim na panalangin sa Dakilang Lumikha, mababago rin ang mahirap nilang buhay. Kaysarap sa pakiramdam ang tumulong sa kapwa. Magiging magaang-magaan ang pakiramdam kung ikaw ay magiging daan sa pagtupad sa kanilang simpleng pangarap. 1. Suriin ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto. Itala ang 324 mga ito sa ilalim ng angkop na kayarian ng pang-uri. Payak Maylapi Inuulit Tambalan
  • 331.
    2. Mula samga larawan sa ibaba, pumili ng isa. Sumulat ng komposisyon tungkol dito na naglalarawan gamit ang iba’t ibang kayarian ng pang-uri. 325 3. 4. Bakit gumagamit ng iba’t ibang kayarian ng pang-uri ang isang kuwentista? Kumusta? Naisagawa mo ba ang lahat ng gawain? Tunay na nakatutulong ang mga kayarian ng pang-uri upang mas mabisang mailarawan ang tagpuan, mga tauhan at mga pangyayari sa akda. Ngayong natapos mo na ang mga gawaing pampanitikan at panggramatika, subukin naman nating magkaroon ng pagtataya sa iyong pag-unawa sa mahahalagang konseptong nakapaloob sa aralin. Sagutin ang tanong upang mataya ang iyong pag-unawa sa naging aralin.
  • 332.
    Natutuwa ako atmalapit ka na sa hagdanan ng tagumpay. Kaunting sikap pa at makakamit mo na ang bandila ng tagumpay. Nakita mo na ang kahalagahan ng Maikling kuwento. Sa Panahon ng Komonwelt ay malaya ang mga manunulat na ipahayag ang kanilang saloobin, damdamin at ideya. Kasama ng kalayaan sa pagpapahayag ng mga ito ang kalayaan sa paggamit ng sariling wika sa kanilang mga akda. Pagkatapos mong maunawaan ang Maikling kuwento, magkaroon pa tayo ng pagtataya sa gawaing susubok sa iyong pag-unawa sa aralin. Basahin ang kasunod na sitwasyon at ihanda ang sarili sa pagsasagawa nito. Naniniwala ako sa iyong kakayahan kaya’t halika na! 326 GAWAIN 2.2.f: Proud to be Kabarangay! Magkakaroon ng panauhin sa inyong lugar dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan. Bilang SK Chairman ng inyong barangay, ikaw ay naatasang i-promote ang inyong lugar sa inaasahang mga panauhin na punong-lalawigan, punong-bayan at iba pang politiko, mga turista at mga kabarangay sa pamamagitan ng paggawa ng advertisement poster. Ang iyong likha ay magkakaroon ng pagtataya batay sa: a.) pagiging masining; b.) pagiging malikhain; c.) husay sa pagpapaliwanag; at c.) pagiging makatotohanan. MGA PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG ADVERTISEMENT POSTER Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Kailangan Pang Paunlarin Natugunan ang lahat ng pangangailangan sa nilalaman at mekaniks Natugunan ang lahat ng pangangailangan sa nilalaman at mekaniks Natugunan ang ilang pangangailangan Natugunan ang ilang pangangailangan Ganap at epektibong naihatid ang mensahe Epektibong naihatid ang mensahe Nahirapang maihatid ang mensahe Walang gaanong naihatid na mensahe Napakahusay at higit sa inaasahang elementong display na biswal Nakaaakit ang display na biswal Katamtaman ang pang-akit na display Walang organisasyon at kaayusan ang display na biswal Naipaliwanang nang maayos at wasto ang poster. Naipaliwanag nang maayos ang poster Hindi gaanong malinaw ang pagpapaliwanag Hindi malinaw ang pagpapaliwanag
  • 333.
    Ngayon ay natalakayna natin ang Sanaysay at Maikling kuwento, mga panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin. Balikan ang naging mga gawain at ihambing ang iyong unang ideya sa naging takbo ng talakayan. Ilan sa iyong mga ideya ang wasto? Kung halos lahat ay nakuha mo nang tama, binabati kita. Kung hindi naman ay mayroon ka pang pagkakataon upang maiwasto ito. Alam mo na ang mahahalagang ideya sa araling ito, palalimin pa natin ang kaalamang ito sa susunod na bahagi. 327 PPPPaaaaggggnnnniiiillllaaaayyyyaaaannnn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn Ang layunin mo sa bahaging ito ay palalalimin pa ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konseptong nakapaloob sa araling ito – Aralin 2.2: Ang Panitikan sa Panahon ng Komonwelt. May ilan pang gawain na pagtutulungan nating gawin at sagutin upang sa gayo’y matiyak ko na wala ka nang maling pag-unawa sa nilalaman ng araling ito. GAWAIN 2.3: KKK (Katuwiran Ko’y kailangan) Sa nakaraang aralin ay natutuhan mo ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. Isa na rito ang pangangatuwiran. Sa gawaing ito, ang husay mo sa pagbibigay ng katuwiran ay kailangan. Sagutin mo ang tanong na “malaya ba ang manunulat sa Panahon ng Komonwelt?” Sagutin ang mahalagang tanong na ito gamit ang yes/no analysis. Malaya ba ang mga manunulat sa Panahon ng Komonwelt? Pangatuwiranan. Hindi ___________ ___________ ___________ ___________ Oo ___________ ___________ ___________ ___________
  • 334.
    Wikang pambansa angginagamit ng mga manunulat sa panahong ito at lalo pang umunlad ang panitikan dahil sa naipahahayag ng mga manunulat ang kanilang saloobin, ideya at damdamin nang hindi napipigilan nang ibang tao o mananakop. 328 GAWAIN 2.4: Ito Noon, Ganito Ngayon Gamit ang IRF (Initial, Revised, Final) ay ibigay ang dating kaalaman sa paksa, ang nabagong pagkaunawa sa aralin at ang kabuuan at wastong natutuhan sa araling tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Initial (Dating Kaalaman sa Paksa) Revised (Nabagong Pagkaunawa sa Aralin) Final (Kabuuan at wastong natutuhan sa aralin) Ngayong malalim at malawak na ang iyong pag-unawa sa aralin, alam kong handa ka na sa susunod na gawain sa susunod na bahagi IIIIlllliiiippppaaaatttt Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa aralin. Ang susunod na gawain ay magtataya sa iyong natutuhan sa aralin. GAWAIN 2.5: KULTURA – IN OR OUT? Magkakaroon ng paligsahan sa iyong paaralan tungkol sa paglalarawan ng mga kulturang Pilipino sa Panahon ng Komonwelt na nagbago, nawala at nananatili pa sa kasalukuyan. Bilang lider ng Mga Kabataang Historyador sa Pilipinas (KHP), sa harap ng mga guro, kapwa mag-aaral, puno ng kagawaran, punongguro at historyador ay gagawin mo ito sa masining na paraan tulad ng mini-museum o eksibit. Magkakaroon sila ng pagtataya sa iyong likha batay sa a.) presentasyon na iyong isasagawa; b.) makatotohanan; c.) batay sa pananaliksik; at d.) pagkamalikhain.
  • 335.
    MGA PAMANTAYAN SAPAGTATAYA SA MINI-MUSEUM O EKSIBIT PAMANTAYAN A B C D 329 A – Perpekto B - Halos perpekto C – May kaayusan D – Paunlarin pa Presentasyon – maayos at organisado Makatotohanan – totoo ang mga impormasyong ipinakita Batay sa pananaliksik – mapanghahawakan o mapagkakatiwalaan ang pinagkunan ng mga impormasyon Malikhain – masining at gumamit ng mga awtentikong bagay Interpretasyon: 4 na A – Napakahusay! Ipagpatuloy ang kahusayan o kagalingan sa mga gawain. 3 A – Mahusay! Hindi man perpekto, naipakita mo ang iyong kahusayan o kagalingan. 2 na A – Katamtamang Husay! Nakita ang iyong pagsisikap subalit dagdagan pa upang mapaunlad pa ang gawain. 1 o walang A – Hindi Mahusay! Ulitin pa ang gawain upang maging makabuluhan ito sa sarili at sa titingin ng iyong likha. Nakatulong ba ang pagganap na gawain upang maunawaan mo ang halaga ng aralin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay? Ngayong natapos mo na ang aralin, bago ka maglakbay sa bagong aralin ay sagutin mo muna ang pangwakas na gawain.
  • 336.
    Ang mahalagang ideyatungkol sa sanaysay ay _____________________ ______________________________________________________ _. Mahalagang maunawaan ang ideya o konseptong ito sapagkat ___________________________________________________. Isa pang mahalagang konsepto sa aralin ay ang tungkol sa maikling kuwento kung saan naunawaan ko na _________________________ ______________________________________________________ __. Mahalaga ito dahil _________________________________________. Magagamit ko ito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa pamamagitan ng ____________________________________________________ 330 VII. Pangwakas na Pagtataya: (Panitikan sa Panahon ng Komonwelt) SUMMARY-LESSON CLOSURE: Sa pamamagitan ng Lesson Closure ay bumuo ng konsepto sa naging aralin. LESSON CLOSURE Ang aralin sa modyul na ito ay _____________________. Sa kabuuan, ang aralin ay ___________________________________________________ ___________________________________________________. Sa pagtatagumpay mo sa araling ito, ikaw ay aking binabati. Napatunayan mong muli ang iyong kakayahan sa pag-unawa sa mga aralin sa sariling sikap at tiyaga. Sa pagpasok mo sa bagong aralin, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pag-aaral sa mga panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Muli kang gagabayan ng modyul para sa panibagong pagbubukas ng aralin. Hangad ko ang muli mong pagtatagumpay.
  • 337.
    331 ARALIN 2.3:Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan I. Panimula at Mga Pokus na Tanong Kumusta na! Labis akong natutuwa na sa dalawang panahon na iyong pinagdaanan ay marami kang napulot na kaalaman. Malaki ang magagawang tulong sa iyo sa pagpasok mo sa bagong panahon na ito, ang Panahon ng Kasarinlan. Sa araling ito ay aalamin mo ang naiambag ng akdang pampanitikan na sumibol at napatanyag sa Panahon ng Kasarinlan. Sa iyong palagay, nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa nasabing panahon? Masasabi mo ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? Gayundin, mahalaga bang matutuhan mo ang paggamit ng angkop na gramatika? Mahalaga ba na magkaroon ka ng kaalaman at kakayahan tungkol dito? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral. Upang mapatunayan na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahan na makabubuo ka ng isang photo documentary na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa panahong ito na nawala,nabago na at nananatili pa hanggang sa kasalukuyan. Narito ang mga pamantayan kung paano tatayain ang gawaing ito: a) orihinal, b) may kaugnayan sa paksa/napapanahon ang paksa, c)malikhain ang presentasyon, d) wasto ang paggamit ng gramatika/retorika. Malalaman mo sa araling ito ang iba pang akdang pampanitikang napatanyag sa panahong ito partikular ang Maikling kuwento at Dula. Gayundin ang mga araling panggramatika tulad Aspekto ng Pandiwa at Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat. II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Masasagot mo ang mahahalagang tanong at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na nakapaloob sa araling ito:
  • 338.
    332 ARALIN 2.3:ANG PANITIKAN SA PANAHON AAARRRAAALLLIIINNN 222...333::: AAANNNGGG PPPAAANNNIIITTTIIIKKKAAANNN SSSAAA PPPAAANNNAAAHHHOOONNN NNNNGGGG KKKKAAAASSSSAAAARRRRIIIINNNNLLLLAAAANNNN Aralin 2.3.1 a. Panitikan: Maikling Kuwento “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ni Genoveva Edroza-Matute b. Wika: Aspekto ng Pandiwa Aralin 2.3.2. a. Panitikan: Dula “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio Salazar b. Wika: Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat III. Mga Inaasahang Kasanayan Sa araling ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan: ARALIN : ANG PANITIKAN SA PANAHON NG KASARINLAN Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nabibigyang kahulugan ang mga makabuluhang salita/matatalinghagang pahayag na ginamit sa akdang napakinggan Nakikinig nang may pag-unawa upang: • mailahad ang layunin ng napakinggan • masagot ang mga tiyak na tanong • maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay na mga pangyayari Nakapaglalahad ng sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di- makatotohanan ng mga punto/argumentong binibigyang-diin o halaga ng napakinggan batay sa paraan ng pagsasalita (tono, diin, paghinto, intonasyon) Pagsasalita Naipapahayag nang maayos ang matinding reaksiyon sa mga bagay na ‘di nagugustuhan (may pagsasaalang-alang sa damdamin ng kausap) Nakapagsasagawa ng interbyu/panayam
  • 339.
    Nakapagsasagawa ng sarbeybatay sa kulturang Pilipino gamit ang panitikan Nakapaglalahad ng pamamaraan sa pagsasagawa ng simposyum tungkol sa kahalagahan ng kulturang sariling atin Nakabubuo ng pansariling opinyon batay sa mga ideya,kaisipang inilahad ng teksto Nakapaglalahad ng sariling pananaw kung paano mapananatili ang kulturang Pilipino sa tulong ng panitikan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang iba’t ibang akdang pampanitikan batay sa mga katangian nito 333 Naipahahayag ang mga makabuluhang kaisipang nais ipabatid ng may-akda Naipaliliwanag ang mga elemento ng akda • dula • maikling kuwento Natutukoy ang iba’t ibang tunggaliang naganap sa akda Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akdang binasa buhat sa simula, tunggalian, kasukdulan, kakalasan at wakas Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng akda/teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto Napayayaman ang karanasan ng mag-aaral sa tulong ng mga akdang pampanitikan upang mapaunlad at mapalawak ang kakayahan at pananaw sa buhay Naipaliliwanag kung paanong ang mga elemento ng akda/teksto ay nakatulong upang maipahatid ang layunin ng may-akda
  • 340.
    Napahahalagahan ang kulturangPilipino na masasalamin sa mga akdang pampanitikan Nakapagbibigay-hinuha sa 334 • pangyayari • kaalaman • pakay o motibo • layunin ng may-akda Naihahambing ang kalagayan ng panitikan at epekto nito sa kulturang Pilipino noon at ngayon Nasusuri sa teksto ang mga aspekto ng pandiwa Naisasaayos ang mga pangyayari sa maikling kwento/dula ayon sa wastong pagkakasunod-sunod Nasusuri ang bahagi ng maikling kuwento/dula/sanaysay Nakikilala ang iba’t ibang bahagi at elemento ng maikling kwento/dula Napaghahambing ang elemento ng maikling kuwento sa dula Nasusuri ang kulturang taglay ng panitikan kung ito’y nanatili, nabago o nawala na Pagsulat -Nailalahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan, at opinyong nakapaloob sa teksto kung: • totoo o hindi totoo • may pagbabatayan o kathang-isip lamang • mabuti o masama • katotohanan o opinyon Nakapaglalahad ng sariling pananaw batay sa nilalaman ng akdang binasa kung ito’y makatotohanan o di-makatotohanan gamit ang graphic organizer Nakasusulat ng maikling kuwento batay sa kultura ng lugar na pinagmulan Nakasusulat ng talatang • naglalarawan
  • 341.
    335 • naglalahad • nagsasalaysay • nangangatuwiran Nakapag-uugnay ng mga kaisipan mula sa binasang akda hango sa sariling karanasan • nasaksihan • napakinggan/napanood/nabasa Tatas Naipamamalas ang natamong mga kaalaman at kakayahan sa paglinang ng pangangailangang pangkomunikatibo Naipamamalas ang makahulugan at masining na pagpapahayag para sa mabisang pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pakikipagkomunikasyon Nagagamit ang pormal at impormal na Filipino sa komunikasyon ayon sa sitwasyon, pangangailangan at pagkakataon Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-aaral Pananaliksik Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga impormasyon sa pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang mga kagamitang sanggunian sa aklatan/Internet
  • 342.
    Maikling Kuwento Pagsang-ayonat Pagsalungat 336 VIII. Konseptuwal na Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling ito Ang Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan 3.1.1 Panitikan: Maikling Kuwento 3.1.2 Wika: Aspekto ng Pandiwa 3.2.1 Panitikan: 3.2.2 Wika: Mga Pahayag ng Nasasabik ka na marahil sa mga aralin na iyong aalamin,huwag kang mag-alala kasama mo na magsisilbing katuwang mo sa pagdukal ng mas malalim pang karunungan.Magtiwala ka lamang sa iyong kakayahan at tinitiyak ko magiging kapaki-pakinabang sa iyo ang ating samahan, ipangako mo lamang na walang iwanan hanggang sa matapos mo ang kabuuan ng araling ito. Halika na! Simulan mo na ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa panimulang pagtataya na susuri sa iyong kahandaan sa magiging paksa ng ating aralin. IX. Panimulang Pagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo tungkol sa araling ito. Hanapin at isulat sa iyong notbuk ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo ang mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito.
  • 343.
    Unang Bahagi Panuto:Ibigay ang hinihingi ng diyagram tungkol sa dula. (para sa bilang 1-5) Kahulugan Katangian Kahalagahan nito 337 Gawin sa sagutang papel. Ikalawang Bahagi Dula bilang akdang pampanitikan Panuto: Basahin at unawain ang isang bahagi ng maikling kuwento. Sagutan ang mga tanong na kasunod nito. Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y magpatuloy sa loob ng tatlong araw, ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw nang walang tigil ang pag-ulan. Ilang maliit na bata ang nagpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak. Sa tuwing ako ay makakakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kalian man.
  • 344.
    Sa karimla’y pinalakiniya ang dalawang mata, wala siyang, Dali-dali siyang nagbangon at pakapa-kapang sumiksik sa pagitan ng kapatid at ng kanyang kausap. Idinaan niya ang kanyang kamay sa pagitan ng baywang at bisig ng ina. Naramdaman niya ang bahagyang pag-angat ng kaliwang bisig niyon. Ang kanang kamay noo’y ipinatong sa kanyang ulo at pabulong na nagsalita “Siya matulog ka na.” Ang mukha ng kanyang ina ay nakita ng batang higit na pumuti, kaysa rati. Ngunit ang mga mata noo’y hindi pumipikit, nakatingin sa wala. Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang kailanman. 338 makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. 6. Ang katangian ng batang lalaki sa akda ay ______. A. mapagmahal B. palaasa C. mayabang D. mapangarapin 7. Sa karimla’y pinalaki niya ang dalawang mata, wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis. Ang damdaming inilalarawan ay _______. A. pagkatakot B. pagkagitla C. paghanga D. pagtataka 8. Batay sa akda, ang bangkang papel ay sumasagisag sa ______. A. pag-asa B. pangarap C. pag-unlad D. paghahangad -halaw sa “Bangkang Papel” ni Genoveva Edroza Matute
  • 345.
    9. Ang pagkakasunod-sunodng mga pangyayari sa kuwentong binasa ay 339 tinatawag na ________. A. banghay B. tema C. pananaw D. damdamin 10. Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng ______. A. kilos at galaw ng tauhan B. tagpuan at banghay C. tagpuan at kapaligiran Nahirapan ka ba sa pagsagot? Huwag kang malungkot kung ilan lang ang tama mong sagot. Tutulungan ka ng araling ito upang turuan ka pa at maiwasto ang mali sa mga sagot mo. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng Kasarinlan. VI . Yugto ng Pagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Malaki ang papel na ginampanan ng panitikan sa buhay ng mga Pilipino sa iba’t ibang panahon. Naranasan nila na maipahayag ang sariling damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga pasalita at pasulat na akda na nagbukas sa isang diwang makabansa. Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y, malaman mo kung nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan sa panahong ito? Umaasa ako na ang mga gawain at pagsasanay sa bahaging ito ay makatutulong upang masagot ang mga tanong na ito. Gawin mo ring gabay ang pamantayang pangnilalaman kung saan maipamamalas mo bilang mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan partikular na ang Maikling kuwento at Dula na napatanyag at umusbong noong Panahon ng Kasarinlan. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan kong makapagsasagawa/makabubuo ka ng photo documentary na naglalarawan ng kultura at kalagayang panlipunan ng mga Pilipino sa Panahon ng Kasarinlan . Ngayon, simulan mo na ang pag-aaral sa araling ito sa tulong ng Timeline, ikaw ay magbabalik-tanaw sa mga manunulat at akdang pampanitikan na umusbong sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt hanggang sa Panahon ng Kasarinlan. Sa pamamagitan nito, tiyak kong maalala mo ang mga akdang iyong napag-aralan sa nagdaang panahon
  • 346.
    340 GAWAIN 2.1:Timeline…Noon at Ngayon Tingnan ang mga larawan ng manunulat sa p.139. Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga manunulat at hanay B naman ang kanilang akda na isinulat at ilagay ito sa angkop na panahon na hinihingi sa timeline. Gawin sa sagutang papel. Panahon ng Amerikano Panahon ng Komonwelt Hanay A Hanay B Panahon ng Kasarinlan • Ang Pagpupulis – Trapiko ay Isang Sining • Paglalayag sa Puso ng Isang Bata • Ako ang Daigdig • Isang Dipang Langit • Lupang Tinubuan
  • 347.
    Matapos mong makilalaat maihanay nang wasto sa angkop na panahon ang nasa bawat hanay sa Timeline, nais kong bigyan mo ng hinuha ang mahahalagang tanong sa aralin sa tulong ng KWHL Sheet. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan ang modyul na ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. Nakatulong ba ang panitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinion o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you 341 GAWAIN 2.2: TSART-KWHL K W H L Ano ang alam mo na? (What do you know?) Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) learn?) Inaasahan ko na masasagot mo nang tama ang tanong na ito. Kung hindi pa, huwag kang mag-alala sapagkat gaya nga ng ipinahayag ko sa layunin ng araling ito na sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga ay mahahanap mo ang tamang kasagutan. Maaari ka ng magsimula sa pag-alam sa mga impormasyon kaugnay ng akdang pampanitikan. PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin. Huwag kang mag-alala sa tulong ng iyong pagsisikap at pagtitiyaga, mahahanap mo ang tamang kasagutan. Ngayon ay maaari kang magsimula na sa pag-alam sa mga impormasyon kaugnay ng akdang pampanitikan. Magsimula tayo sa Maikling kuwento (Aralin 2.3.1 Ang Maikling kuwento o maikling katha gaya ng karaniwang taguri dito ay sangay ng salaysay (narration). May sariling mga katangian ito na ikinaiiba sa ibang akdang pampanitikan. Kabilang sa mga katangiang ito ay ang pagkakaroon ng iisang kakintalan, may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang lutasin, tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay at iba pa. Mahalaga ring masagot mo ang sumusunod na pantulong o prosesong tanong upang makatulong sa iyo sa pagsagot sa mahalagang tanong ng aralin.
  • 348.
    kuwento sa ibapang akdang 342 Mga Gabay na Tanong 1. Paano naiiba ang maikling kuwento sa iba pang akdang pampanitikan? 2. Ano ang karaniwang tema o paksang ginamit ng mga manunulat sa panahong ito? 3. Paano nakatutulong ang pagkakaroon ng kaalaman at kakayahan sa paggamit ng angkop na aspekto ng pandiwa sa pag-aaral ng maikling kuwento? Simulan mo na ang mga gawain. Unahin mo munang tuklasin kung ano ang iyong nalalaman sa ating paksa. GAWAIN 2.3.1. a: TUKLAS-INFO Batay sa iyong nalalaman, subukin mong isulat ang hinihingi sa dayagram kaugnay ng araling iyong pag-aaralan. Huwag kang mag-aalala, ito’y pag-alam lamang kung gaano na ang iyong kaalaman tungkol sa pag-aaralan natin. Maikling Kuwento Ano ang Maikling kuwento? Paano ito lumaganap sa Pilipinas? Ihambing ang Maikling pampanitikan Inalam lang natin sa mga gawaing ito kung ano na ang iyong nalalaman sa araling ito. Sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral, malalaman mo kung tama ang iyong mga sagot. Makatutulong ang pagbasa sa sumusunod na Maikling kuwento upang maunawaan ang aralin. Ngunit bago iyon, mahalagang malaman mo muna kung sino ang sumulat ng akda.Upang ganap na maunawaan ang aralin, kilalanin mo muna ang isa sa natatanging manunulat sa panahong ito. Kilala mo ba si Aling Bebang o si Genoveva Edroza-Matute? Magbigay ng ilang impormasyon tungkol sa kaniya gamit ang sumusunod na Concept Map.
  • 349.
    Kapanganakan: Pamilya: MgaKatangian: Mga Tagumpay sa Buhay: Genoveva Edroza-Matute Larawan ni Genoveva Edroza- Matute Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na isinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edroza at Maria Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira siya sa kaniyang ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School (na naging P. Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School, pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon), nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon), hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nasiyahan ka ba sa iyong nabatid sa ating may-akda? Sa pagpapatuloy, basahin mo na ang maikling kuwento nang may pag-unawa at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa pagsasanay at isagawa ang mga gawaing nasa bahaging ito. Basahin at unawain Ngayon, may ilang impormasyon ka na tungkol sa may-akda, handa 343 ka na ngayong basahin at unawain ang isa sa kanyang ipinagmamalaking akda. Simulan mo na.
  • 350.
    344 PAGLALAYAG saPUSO ng ISANG BATA ni Genoveva Edroza Matute Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang. Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa pagsasabi
  • 351.
    ng Goodbye, Teacher! Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Siyang tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang pagsasalita. Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata. Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng 345
  • 352.
    maliliit na bagaypara sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa mga upuan. At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, Goodbye, Teacher, sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay. Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay 346
  • 353.
    ng upuan. Ngunitsiya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, Goodbye, Teacher. Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili. Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas… Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. Goodbye, Teacher, ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya. 347
  • 354.
    Nagbalik siya upangsabihin iyon sa akin. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro. Naka-relate ka ba? Upang malaman natin na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo nang buong husay ang sumusunod na mga gawain. 348 GAWAIN 2.3.1.b: Paglinang ng Talasalitaan Sa pamamagitan ng Clustering, ibigay ang hinihinging mga konsepto o kaisipan na may kaugnayan sa pahayag na SA PUSO NG ISANG BATA. Gawin sa sagutang papel.
  • 355.
    349 GAWAIN 2.3.1.c:Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Upang ganap na mataya ang iyong pag-unawa sa binasa, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong/gawain. Gawin ito sa sagutang papel. 1. Suriin mo ang mga tauhan batay sa kilos, damdamin at pananalita sa pamamagitan ng Character Mapping. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat Pananalita Kilos Damdamin Pananalita Kilos Damdamin 2. Bakit nais ng guro na mapalapit sa bata? 3. Patunayan na ang guro sa akda’y naturuan ng bata sa kaniyang buhay? 4. Kung ikaw ang bata, babalikan at magpapaalam ka pa ba sa iyong guro kapag ikaw ay napagalitan niya? Pangatuwiranan. Isulat sa papel. 5. Sa iyong palagay, ano kaya ang gagawin ng guro pagkatapos nang ipinakita sa kaniya ng mag-aaral kahit na napagalitan siya? Sumulat ng diyalogo bilang sagot. Gawin sa papel 6. Anong damdamin ang namayani sa guro ng nasabi niya sa kanyang sarili ang pahayag na ito? “Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya’y mahalaga at minamahal.” 7. Nagtungo siya sa pintuan at ang kaniyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang mensaheng nais iparating nito sa guro at mag-aaral? Isulat ang sagot sa papel. 8. Punan ang mga kahon ng mga mensahe ng kuwento. Gawin sa papel.
  • 356.
    9. Ano angtema o paksa ng nasabing akda? Patunayan. 10. Sa iyong palagay, may kaugnayan ang paksa o tema ng nasabing akda Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva Edroza Matute. Karaniwang nagtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay waring makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa mambabasa’y mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa. 350 sa buhay ng may-akda ng kuwento? 11.Mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento, anong pamamaraan ang ginamit ng may-akda? Nasagot at naisagawa mo ba ang lahat ng katanungan/gawain? Muli, balikan mo ang iyong mga naging sagot at suriin mo. Sa iyong binasa, mabisang naisalaysay ng may-akda ang tema, paksa o layunin sa kanyang akda sa pamamagitan ng mabisang paggamit ng mga pahiwatig.
  • 357.
    Isang halimbawa ngMaikling kuwento ang iyong binasang akda. Maliban sa kuwento ng katutubong kulay na iyong napag-aralan sa Panahon ng Komonwelt, may iba pang mga uri ang Maikling kuwento. Siyanga pala, ang binasa mong akda ay isang halimbawa ng Maikling kuwento na nasa uring kuwento ng tauhan. Handa ka na bang madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa Maikling kuwentong ito? Kung gayon, basahin mo ang kasunod na impormasyon. Ang binibigyang-diin sa kuwento ng tauhan ay ang pangunahing tauhan o mga tauhang gumagalaw sa kuwento. Ipinakikilala ang kanilang pag-uugali, pagkilos, pananalita at iba pang katangian sa pamamagitan ng tahasan o tuwirang paglalarawan o kaya’y pagpapahiwatig sa pamamagitan ng usapan ng mga tauhan at sa ikinikilos ng mga iyon. Ang mga tauhan ang gumagalaw sa akda- protagonista na tinatawag na bida at antagonista na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng bida. Ang tauhang lapad (flat character) ay hindi nagbabago ang pag-uugali kung ano ang gawi, kilos at katangian niya sa simula ng akda hanggang katapusan; habang ang tauhang bilog (round character) naman ay nagbabago mula sa pagiging salbahe ay nagiging mabait; kung api sa simula, sa pagwawakas ay natuto nang lumaban. Nadagdagan na ang iyong kaalaman tungkol sa Maikling kuwento, 351 mangyaring sagutin at gawin mo ang kaugnay na mga gawain.
  • 358.
    352 GAWAIN 2.3.1.d:Pananaw mo,Pananaw ko,Pananaw ng lahat Ibigay ang kahulugan ng maikling kuwento ayon sa iyong sariling pananaw, pananaw ng ibang tao (kapwa kamag-aral, kaibigan) at pananaw ng eksperto (maaaring kapanayamin nila). Gawin sa papel. Sa aking pananaw... Sa pananaw ng aking kamag-aral ... Sa pananaw ng mga eksperto... Sa pananaw ng aking kaibigan...
  • 359.
    353 GAWAIN 2.3.1.e:Pagkakaiba-Pagkakatulad Paano naiiba ang Maikling kuwento sa ibang akdang pampanitikan? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. MAIKLING KUWENTO Iba pang akdang pampanitikan PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD sa Tema sa Paksa sa Layunin sa Pamamaraan Kung susuriin mo, sa pagdaan ng mga panahon (mula sa Panahon ng Amerikano, Panahon ng Komonwelt hanggang Panahon ng Kasarinlan) ang Maikling kuwento ay naging behikulo ng mga manunulat para maipahayag ang kanilang saloobin, damdamin, katuwiran o opinyon. Nagkakaiba lamang sila sa tema, paksa, layunin at pamamaraan kung paano ito nilikha ng isang manunulat na nakabatay kung minsan sa kanilang naging karanasan o totoong buhay. At upang higit mo pang maunawaan at makilala ang Maikling kuwento, basahin mo pa ang isang halimbawa nito at sagutin ang kasunod na mga tanong: Ang Aking Inspirasyon “Tumayo ang lahat at tayo’y mananalangin.” Ito ang laging bukambibig ng gurong nagsilbing pangalawang magulang sa aking buhay. Guro siya ng ikalawang taon sa aming paaralan. Lahat ng aking kamag-aral ay natutuwa tuwing sasapit ang ikawalo ng umaga sapagkat Filipino na. Sa tuwing magtuturo siya, ang lahat ay tahimik na nakikinig, walang dumadaldal. Ang buong klase ay nag-aabang ng bagong kaalaman na ibabahagi niya sa amin. Gustong-gusto ko ang araling itinuro niya tulad ng akdang pampanitikan. Dito ko natutuhan na ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang bansa. Buong puso at galak siyang nagtuturo at ito’y walang halong pagkukunwari. Kaya marami akong natutuhan sa kanya. Naunawaan ko na sa iba’t ibang panahon malaki ang naging papel ng manunulat sa pagpapaunlad ng panitikang Filipino.
  • 360.
    Parang kailan lang,sampung taon na pala ang nakalilipas. Subalit sa puso’t diwa ko ay parang kahapon lang. Isa ako sa nag-aaral sa kaniyang paaralan. Ngayon, ganap na akong isang guro ng Filipino na sumunod sa yapak ng isang gurong nagsilbing inspirasyon ng aking buhay. Minsan, pinuntahan ko ang paaralang aking pinagtapusan kung saan siya nagtuturo upang mabisita at personal na mapasalamatan. Ngunit pagdating ko sa paaralan, ang guwardiya na nagbabantay ang aking napagtanungan. Ang tanong ko’y “nariyan ba si Ma’am?”. Ang sagot niya “kaaalis lamang niya ng dumating ka.” Hindi man kami nagtagpo sa oras na iyon, subalit sa puso ko natagpuan ko ang natatanging guro na nagsilbing tanglaw sa landas ko. 354 Mga Gabay na Tanong 1. Sino ang nagsasalaysay sa kuwento? 2. Anong uri ng Maikling kuwento ang iyong binasa?Patunayan. 3. Aling bahagi sa akdang ito ang masasabi mong may pagkakatulad/ pagkakaiba sa kuwentong nauna mo nang nabasa? Pangatuwiranan. 4. Pansinin ang salitang may salungguhit sa kuwento. Anong bahagi ito ng panalita? Ano ang diwang inihahatid nito? Malalaman mo kung wasto ang iyong naging sagot sa katatapos na gawain sa pamamagitan ng mga impormasyon tungkol sa aspekto ng pandiwa. Malaking tulong upang higit na maipakita ang kasiningan ng larawan at daloy ng Maikling kuwento sa pamamagitan ng wastong paggamit ng aspekto ng pandiwa. Mula sa salitang aspekto, malalaman na ito ay nagpapakita kung kailan natapos, katatapos, kasalukuyang ginagawa ang kilos. Upang lubos itong maunawaan, basahin ang nasa kahon at gawin ang gawaing kaugnay nito. Handa ka na ba?
  • 361.
    Ang aspekto ngpandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na, aspektong imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan at aspektong perpektibong katatapos kung saan nagsasaad ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos. 355 GAWAIN 2.3.1.f: Aspekto-Tsart Balikan muli ang kuwento. Isulat ang mga salitang may salungguhit sa tamang talahanayan nang ayon sa aspekto nito. ASPEKTO NG PANDIWA Aspektong Perpektibo Aspektong Perpektibong Katatapos Aspektong Imperpektibo Aspektong Kontemplatibo GAWAIN 2.3.1.g: Salaysayin ng Buhay Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga aspekto ng pandiwa sa gagawing pagsasalaysay. Ganap na ang iyong pagkaunawa sa aralin. Muling balikan ang huling kolum ng tsart-KWHL. Punan ang kolum na ito. Matapos itong maisagawa ay palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa tinalakay na aralin.
  • 362.
    Nakatulong ba angpanitikan sa paglalahad ng damdamin, katuwiran, opinyon o saloobin ng mga manunulat upang matamo ang damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan? K W H L Ano ang alam mo na? (What do you know?) Ano ang nais mong malaman? (What do you want to find out) Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? (How can you find out what you want to learn?) Pagkatapos mong pag-aralan ang maikling kuwento at ang wastong paggamit ng aspekto ng pandiwa, dugtungan mo ang pahayag na nasa kahon upang makabuo ng makabuluhang pahayag. 356 GAWAIN 2.3.1.h: DugtungangPahayag Itala mo ang kabuuang konseptong natutuhan sa aralin sa pamamagitan ng pagdurugtong sa pahayag na nasa kahon. Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? (What did you learn?) Nalaman ko na ang …. Naliwanagan ako dahil sa… Naunawaan ko na…
  • 363.
    Binabati kita atilang hakbang na lamang ay tapos na ang iyong paglalakbay para sa araling ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay maipakita ang iyong pagkaunawa sa aralin sa pamamagitan ng pagtatanghal ng masining na pagkukuwento o mga kauri nito tungkol sa mga pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad o kabaligtaran ng mga pangyayari sa maikling kuwento. Maaari ka na ngayong sumubok sa pangwakas na gawain para sa araling ito. 357 GAWAIN 2.3.1.i: Inspirasyon Ko, Kuwento ng Buhay Mo Sinasabi na kung walang guro, walang anumang propesyon tulad ng doktor, abogado, inhinyero at iba pa. Kaya naman dapat lamang kilalanin ang mahahalagang papel ng kaguruan sa paghubog ng isang kabataan. Marapat lamang na siya’y tumanggap ng pagkilala. Kaakibat ng programa ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang Pambansang Kongreso ng mga Guro sa Pilipinas. Ito ay lalahukan ng mga piling guro sa buong Pilipinas, mga tagapanayam, mga superbisor, punong-guro, Filipino specialist at buong pangasiwaan ng Kongreso. Ikaw, bilang kampeon sa katatapos na Pambansang Paligsahan sa larangan ng masining na pagkukuwento ay inanyayahan bilang isa sa mga panauhing pandangal na magpapakita ka ng masining na pagkukuwento batay sa paksang “My Teacher, My Hero” kaugnay sa pagdiriwang ng World Teachers Day bilang pasasalamat sa kanilang buong pusong pagtupad sa tungkulin. Tiyakin mo na ito’y a)orihinal; b) malikhain; c) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangungusap; d) makatotohanan; e) napapanahon; at f) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa. Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Magaling! Tunay nga na ikaw ay malikhain. Tiyak ko na sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa maikling kuwento. Kung mayroon pang hindi malinaw sa iyo, muli mong balikan ang naging talakayan at mga gawain. Ngayon nakumpleto mo na ang araling ito, dumako ka naman sa susunod na aralin, ang dula (Aralin 2.3.2) Halina at simulan mo na ang panibagong aralin. Isang tuluyan ang dula na kababakasan ng kulturang Pilipino ipinakikita rito ang paraan ng pamumuhay noon hanggang sa pag-unlad nito sa kasalukuyan, na naging pagkakakilanlan ng ating lahi. Sa Panahon ng Kasarinlan, naipakilala ng mga manunulat na ang dula ay hindi lamang para sa napakababaw na layuning magbigay ng kaaliwan, sa halip, ito ay maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos. Inaasahan na sa pagtatapos ng araling ito ay masasagot mo ang mga gabay na tanong upang makabuo ng mahahahalagang konsepto para sa aralin. Inaasahang ikaw ay makabubuo at makikibahagi sa pagtatanghal ng dula mula sa orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay
  • 364.
    ng isang tao/mgatao sa kasalukuyan batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e)kaangkupan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte. 358 Mga Gabay na Tanong 1. Masasalamin ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan sa kasalukuyan? 2. Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang dula? 3. Bakit mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat? GAWAIN 2.3.2.a: Pagkakatulad-Pagkakaiba Sa tulong ng Venn Diagram, ipakita at ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa sa mga uri ng panitikan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Pagkatapos mong mailahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Maikling kuwento at Dula, sikapin mo namang sagutin ang hinihingi sa talahanayan.
  • 365.
    359 GAWAIN 2.3.2.b:Balik-tanawin… Balikan mo ang ilan sa araling napag-aralan mo upang masagutan mo ang dayagram.Gawin sa sagutang papel. MAIKLING KUWENTO PANAHON NG AMERIKANO PANAHON NG KOMONWELT PANAHON NG KASARINLAN PAMAGAT PAKSA MAY -AKDA PANGUNAHING TAUHAN ARAL DULA PANAHON NG AMERIKANO PANAHON NG KOMONWELT PANAHON NG KASARINLAN PAMAGAT PAKSA MAY -AKDA PANGUNAHING TAUHAN ARAL GAWAIN 2.3.2.c: Sang-ayon o Salungat Sagutin mo ang sumusunod na mga gabay na tanong sa tulong ng discussion web. Malalaman mo ang wastong sagot sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ng araling ito. Sang-ayon Salungat Hanggang sa kasalukuyan nananatili pa rin ang kulturang Pilipino na masasalamin sa dulang pantanghalan mula sa Panahon ng Kasarinlan Naging mabisang kasangkapan ng mga manunulat sa pagpapahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon, at karanasan sa Dula. Mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat.
  • 366.
    Nasagutan mo banang wasto ang mga tanong sa gawain? Kung hindi ka tiyak sa iyong naging mga sagot, ipagpatuloy mo lamang ang iyong pagtuklas sa bahaging ito ng aralin na makatutulong upang mapalawak pa ang kaalaman mo tungkol sa dula gayundin naman sa kaugnay na wika nito, ang pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat Para sa higit na pagkakaunawa mo sa aralin, halika at kilalanin mo ang isa sa napantanyag na manunulat sa Panahon ng Kasarinlan. Pagkatapos mo siyang makilala, basahin at unawain mo muna ang kasunod na dula na isinulat niya noong Panahon ng Kasarinlan. 360 Dionisio S. Salazar Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8,1919 si Dionision Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kanyang MA). Isa siyang premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat at nailathala na tunay namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL Awardee for Drama and Literature at iba pa. Siya ay tunay na huwarang manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin. O, nasiyahan ka ba sa iyong nabatid tungkol kay Dionisio Salazar? Sa pagpapatuloy, babasahin mo na ang dula, huwag mong kalilimutang sagutin ang mga tanong sa pagsasanay. Isagawa ang mga gawain sa bahaging ito. Bilang panimula, nais ko munang bigyan mo ng hinuha ang pamagat ng ating dula. Isulat sa papel ang sagot.
  • 367.
    361 GAWAIN 2.3.2.d:Hinuha Mo…Hinuha Ko Ang aking hinuha sa pamagat ay ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Matapos mong mabigyan ng hinuha ang pamagat ng ating dula, handa ka na para basahin ito. Basahin at unawain SINAG SA KARIMLAN ni Dionisio S. Salazar MGA TAUHAN : Tony ……………….. Binatang bilanggo Luis ……………….. Ang kanyang ama Erman ……………… Doming …………….. Mga kapwa bilanggo Bok ………………… Padre Abena ………Isang pari ng bilibid Miss Reyes ………… Isang Nars Isang Tanod PANAHON: Kasalukuyan TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. ORAS: Umaga PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula … Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming pambudhi … Palihan ng puso’t diwa…Waterloo ng kasamaan… Hamon sa pagbabagong buhay …May mga maikling gayong dapat
  • 368.
    hubdan ng maskaraat sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad, kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan… Marami nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na kasaysayan… PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig. May black eye rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong – may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan sa almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni Doming …Paminsan- minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok . 362 Doming : (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok) tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok. Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming. Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas hang.BABAYING . Ba,sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.) Ernan : Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Duguduguan siya. Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro. (Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa. Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni Bok.) Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.) Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens! Magapatulog man kayo! Yawa…. Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan. Doming : Hisi lang, Tsokaran. Bok : Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay
  • 369.
    susulyapan ang katabi)Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat n’ya.(Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si Tony.) Doming : Kilala mo siya, Bok? Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisingin ko… Doming : Ba, ‘wag!, (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na. Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang 363 nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo… Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ? Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng pangalan ko. Tekayo!Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba? Ernan : Ako nga. Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo! Ernan : Salamat, Tony. Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai padrino. Yeba!… (Mangingiting makahulugan ang lahat.) Tony : Haharapin si Doming; malumanay) Kayo? Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas . Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon niTony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha? Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa barkada’y –heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House. Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida mo sa ‘min ang iyong buhay? Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang imong tiyan,ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa. Doming : (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya mo ba,Tony? Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi.Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
  • 370.
    Ernan : Sanarinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A,kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa kamatayan ! (Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na. Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago… Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan! Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony! Bok : (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun –milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino! Tony : Me relihiyon ka ba, Bok? Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm, dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-nakaw, gin-ismagel,yawa. Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon. Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan. Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag- aaway. Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa. Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko. Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita. Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony! Tony : Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena. Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak. Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym! Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya) Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo. 364
  • 371.
    Empleyado si Tatay.Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. ‘Sang araw e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida . Natural, nag-away sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako… Bok : (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba! Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong mandukot, mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako dito pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’sya ko… A, ang tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng – Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa…” Tony : Mahilig din ho akong magsulat. Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo? Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan 365 kaya. Kinamuhian ko siya nang labis. Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman. Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo? Tony : Ayoko na siyang makita pa! Bok : Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…? Tony : ‘Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid… ng aking pagkakaganito! Ernan : Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa. Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig. Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang mga naghangad ng aking pagbagsak. Tony : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo. Ernan : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang di pagkakaroon ng anak?
  • 372.
    366 Tony :Biyudo kayo? Ernan : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain. Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang walang anak (Magbubuntunghininga) …napaka … hindi ganap ang kanilang kaligayahan. Doming : Hilang taon na kayo, Mang Herman? Ernan : K’warenta’y singko na. Bok : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa. (Maikling tawanan.) Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? … Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo. Tony : E bat naman kayo namultahan? Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay. Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e. Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak. Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin. Tony : Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako. Pero…nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan. Ernan : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao. Tony : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan. Ernan : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang marunong na nagkakaanak ng alipin. Tony : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal, binaril – Ernan : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng
  • 373.
    ating kasaysayan. Kailangannatin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi mapagsamantala yaong walang colonial mentality. Bok : Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun? Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling paninindigan.Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay walang imik sa magkakasama.) Bok : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro magatakas tayo.Yawa. (Tawanan) Pano ngani?… Mi trangkaso… Lumpo (Titingnan si Doming) …Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . . Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.Tawanan na naman.) Tony : Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital? Ernan : Hindi naman. Doming : Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata? Ernan : Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente? Tony : Ako nga ho. Ernan : Ang binigkas mong tula’y – Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon. Ernan : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito. Doming : Hanong pamagat? Ernan : Sinag Sa Karimlan. Tony : Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa … atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag! 367 Ernan : Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim! Tony : Sana’y mabasa ko ‘yon!… Ernan : Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba. Bok : (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa)Ber, ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba si Doming, bilang pagayon sa pahiwatig ni BOK) Doming : Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina
  • 374.
    hako nagdaan. Perohanong nakita ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay…Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos). Tony : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon? Doming : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga) Ernan : Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa…padrino, sabi nga ni Bok. Bok : (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi? Doming : Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha 368 s’yang mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya! Tony : “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa kagandahan ” Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi niyon? Ernan : Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay” Doming : Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan hang…(Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadong napakaganda. Bok : A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm… Ernan : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! …. Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito. Pumapatay! Bok : Asan ngayon ang imong misis Dom? Tony : Magsasama kayo uli? Paglabas mo? Doming : Indi na. Hisinusumpa ko! Bok : Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga? Doming : Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor. Ernan : Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan. pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga na siya’t magbabalot ng kumot.) Tony : Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
  • 375.
    Ernan : Maramingparaan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa mga oras ng kagipitan. Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay. Magpakasakit. Tony : Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaraming mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang kaya lang nagbibigay e dahil me 369 inaasahang tubo o gantimpala. May – Ernan : “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.” Tony : Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan. Ernan : Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration pagbabagong –buhay. Doming : Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony , ke Mang Ernan. Tony : P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po Padre. P. Abena : Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka! Bok : (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre tay-pa na . Tony : Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng mga tigasin. P. Abena : Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok. Tony : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen ako sa ‘ting klase? P. Abena : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa lahat, a…Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi. Tony : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin! Gayundin ang ke Direktor. P. Abena :Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik. Tony : Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Erna’y ibig ding …Wala raw silang anak.
  • 376.
    Ernan : (Maagap)Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na kayo’y… Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena, namintakasi upang magka-anak, subalit…Aywan ko ba kung bakit agad akong nagkaamor 370 kay Tony. P. Abena :Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya. Matulungin.Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig. Natutuwa ako’t kayo’y – Tony : Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? P. Abena : Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo. Pagdating naman ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang mangyayari. Tony : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na senyong wala ‘na akong Tatay! P. Abena : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, ‘di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony? Tony : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik ang lahat at makikinig sana) “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg! P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na ‘yon.(Susundan ito ng alis .) Lahat : Adyos, Padre. Tony : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya …Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali… Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad ng pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana. Tony : Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n – Ernan : A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan –magugustuhan mo
  • 377.
    …. Guro namansa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batang-batang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamot sa mga may karamdaman) Bok : (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung magaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record. Yawa. 371 Tony : Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama. Bok : Galalim man ang imong Tagalog! Ernan : Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan) Bok : (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman.) Ernan : P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok at Doming.) Bok : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes. Inggit ako sa imo. Doming : Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ang dati ring tanod.) Tanod : (Sa may pintuan) Antonio Cruzada! Tony : (Itataas ang kanang kamay) Sir! Tanod : Miron kang bisita, adding. Tony : Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir? Tanod : Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa kanya. Doming : Kuwarentay singko. Tony : Papunta na ba rito, sir?
  • 378.
    Tanod : Wenadding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.) Tony : (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa 372 loob ng dalawang taon. Ernan : Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony) Doming : Baka naman hisang kamaghanak. Bok : (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris moTony? Tony : (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa… Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,Diyos ko! Ernan : Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y ‘di siya makatutuloy dito. Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyang anyo na siya’y dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayun may halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya subalit mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik na paningin. Pagkunwa’t ituturo naman ng tanod para sa kanya ang pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.) Luis : (Madamdamin) Tony, anak ko! …(Walang imik na pagyayapos ang tila natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa galak na ama sa buong katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng ilang saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony. Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang. Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang mga sugat at “black-eye” niya.) Luis : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at nakikiramdam)
  • 379.
    Luis : Tony,magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita? Pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin iimik o titinag si Tony. Unti- unti siyang lalapitan ng ama.) Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag! Luis : (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo… Tony : (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon 373 nang p-p patay ! Tony : Sayang lang ang inyong pagod! Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko… Tony : Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana.) Mula nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang – Tony :(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati pag-aaral ko’y natigil …Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong …Nang– agaw ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit …. nang dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang kapatid ko! Sa tulong – Luis : Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob … A-a alam ko na’ng lahat! … Tony : (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T.B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan …magtago sa ilalim ng tulay … Bok : (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony! Tony : (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto …Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?… Luis : H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman ! Tony : Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
  • 380.
    Luis : Nagbalikako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay … Tony : (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida? Luis : (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at nagliwanag ang nalabuan kong isip. Ngayo’y – Tony : Huli na ang lahat! Luis : Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang pinaghahanap?… At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong … Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ng parole. Tony : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama) Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo! Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy! Luis : Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya. Tony : Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos! Luis : (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-sama tayong muli! Tony : Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa 374 sumama sa senyo! Luis : (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming – ama. Isang matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod. Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak. Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak! Tony : (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan ang nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng
  • 381.
    kanyang ama. Mulingbabalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.) Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng iba’t ibang uri ng pagsubok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay. Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y – Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo ang dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay Bok) Pakitawag mo nga ang doktor…(Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka. Siguro’y maaampat ‘yan. 375 Tony : (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan. Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot) Hm… tsiken pid ‘yan. Doming : Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga ba… Bok : Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! …. Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi, sana’y – Tony : Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan) Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit – Ernan : (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “ Tony : (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.) Ernan : (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng dugo) Tony!(Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming! Bok! Pakitawag n’yung doktor! O nars! Madali kayo! … Bok : Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
  • 382.
    Doming : (Patikud–tikodna lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! Nars! Narrsss!…(Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony. Samantalang nagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng magkasamang P. Abena at Mang Luis.Walang imik silang magmamasid.) Nars : Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang 376 malakas. At huwag kang maggagalaw ha, Tony? Tony : Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala! Nars : Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm… Tony : Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena. Magpapalitan sila ng ngiti.) Nars : O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda siya sa pag-alis.) Tony : Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo na iyan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.) P. Abena : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang ‘yan. Paris mo… Tony : Siya nga po ang babaing handa kong … Bok : (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa, Padre. P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig) Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang - Tony : Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena. Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan si Tony. Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi sa namamalas na katigasan ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit. Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si Tony at masuyong pagsasabihan.) Nars : Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw ‘pagkat makasasama sa ’yo? Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
  • 383.
    Nars : (Tatanguansi Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na. (Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-ama. Matagal silang magkakatinginan. 377 P. Abena :(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes, nakapagpapatawad…. (Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan . Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may kakaiba ng sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap. Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan. Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-ama, titingala ng bahagya at pangiting bubulong.) Nagustuhan mo ba ang dulang iyong binasa? May nabago ba sa iyong saloobin at pananaw sa buhay matapos mong mabasa ang dula? Kaugnay ng akdang ito, iba’t ibang gawain ang inihanda ko para sa iyo. Higit nitong mapalalawak at mapalalalim ang iyong kaalaman.
  • 384.
    378 GAWAIN 2.3.2.e:Kasingkahulugan(Talasalitaan) Basahin ang mga pariralang hango sa dula. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Piliin sa ang kasingkahulugan ng mga ito at gamitin sa sariling pangungusap. Gawin sa papel. 1. nagbakbakan naman seguro. Pangungusap:____________________________________________ 2. masyadong kontrobersiyal Pangungusap:_____________________________________________ 3. nalalambungan ng dilim. Pangungusap:_____________________________________________ 4. paglililo’y nasa kagandahan Pangungusap:_____________________________________________ 5. walang pagkukunwari Pangungusap:_____________________________________________ naglabanan pagpapanggap pagtataksil natatakpan nakakubli Mainit na pinag-uusapan
  • 385.
    379 GAWAIN 2.3.2.f:Sa Antas ng Iyong Pag-unawa Bilang pagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong/gawain. Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 1. Ilarawan mo ang pagkilos, pananalita, saloobin at paniniwala ng mga tauhan sa dulang iyong binasa. Gawin mong batayan ang kasunod na tsart. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 2. Mga Tauhan PAGKILOS PANANALITA PANINIWALA SALOOBIN Tony Ernan Doming Bok 3. May katuwiran ba si Tony na itakwil ang kaniyang ama? Ipaliwanag. 4. Halimbawang nagkamali ka, paano mo ito maitutuwid? 5. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang napipilitang gumawa ng mga bagay na labag sa batas? 6. Kung ikaw si Tony, paano mo haharapin ang iyong ama sa likod ng kaniyang mga pagkukulang sa inyong pamilya? 7. Anong kalagayang panlipunan ang masasalamin sa dula? May pagkakatulad o pagkakaiba ba ito sa ngayon? Gawin sa papel. NOON KALAGAYANG PANLIPUNAN NGAYON
  • 386.
    8. Isa-isahin angmga bahagi ng dulang “Sinag sa Karimlan” na 380 nagpapakita sa katangian ng isang dula. Gawin sa papel. 9. Makatuwiran ba o di-makatuwiran na isisi ng isang tao sa kaniyang kapwa ang masaklap na nangyari sa kaniyang buhay? Bakit?Isulat sa papel ang sagot. 10. Sa iyong palagay, naging mabisang kasangkapan ba ng mga manunulat sa panahong ito ang Dula sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan? 11. Anong uri ng Dula ang iyong binasa? Ilahad ang mga katangian nito. URI NG DULA MGA KATANGIAN - - -
  • 387.
    12. Tukuyin angnais sabihin ng may-akda. Punan ang tsart. Gawin sa 381 papel. Sa Sarili Sa Ibang Tao Sa Lipunang Ginagalawan Ang binasa at tinalakay nating akda ay isang halimbawa ng Dula. Maliban sa Sarsuwela na isa sa uri ng dulang pantanghalan na ipinakilala sa iyo sa naunang aralin (Panahon ng Amerikano), may iba pang mga uri ang Dula. Basahin mo ang kasunod na karagdagang mga impormasyon tungkol sa dula at pagkatapos gawin mo ang kasunod na mga gawain. Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin at humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa sa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa tanghalan.
  • 388.
    Ang anumang uring dula ay binubuo ng mga sangkap na nagpapatingkad dito kung kaya’t nararapat lamang na ang isang dula ay hindi magkulang ng sangkap sapagkat ito ang nagsisilbing haligi nito upang lalong makatayo nang buong husay at makulay. Ito rin ang nagdudulot ng kawilihan sa mga manonood. a) Tanghalan-lugar- kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal; b) iskrip- itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip; c) aktor-gumaganap at nagbibigay-buhay sa dula, sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng mga aksyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood; d) direktor- nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip; e) manonood- mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal; f) eksena- ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa dula. Nakatulong nang malaki ang Dula sa pagpapasigla at pagpapaunlad ng panitikan sa Panahon ng Kasarinlan. Naging daan ito upang malinaw na mailarawan ng buo ang kulturang Pilipino at kanilang pangkasalukuyang kalagayang panlipunan. Naipakilala nila ang dula na hindi lamang para sa napakababaw na layuning magbigay kaaliwan kundi maaaring mabisang kasangkapan sa pagbibigay ng kamalayang panlipunan, sa paggising ng damdamin at sa pagpapakilos. Samantala, kaugnay nito ang pagiging interaktibo ng tao sa pagbibigay ng sariling opinyon o reaksiyon hinggil sa kaniyang naranasan, nakita o napanood, narinig at nabasa. Sa pagbibigay ng tiyak na reaksiyon sa mga ito, karaniwang humahantong sa pagsang-ayon o pagsalungat. Basahin ang mga impormasyon tungkol sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. 382
  • 389.
    383 Mga Pahayagng Pagsang-ayon at Pagsalungat Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya o kaisipan. Sa paraang ito, mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay makabubuting pag-aralan o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa isyu. Iwasang gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong itinutulak ng nakararami. Halimbawa: *Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng iniisip. Ganyan din ang palagay ko. Oo. Tunay *Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit. Ikinalulungkot ko ngunit. Nauuwaan kita subalit. Bakit di natin. Ayaw Upang matiyak natin ang iyong pag-unawa sa tamang paraan ng paggamit ng pahayag na pagsang-ayon at pagsalungat, maaari mo ng sagutin ang hinihingi ng tanong/gawain . GAWAIN 2.3.2.i: Reaksiyon 1 / 1 Isulat ang reaksiyon ng mga tauhan sa pangyayari mula sa dula.Gawin sa papel. a.Pananaw ni Mang Ernan sa buhay b.Pagbabago ng kaisipan ni Tony sa kaniyang ama c.Hindi naibigan ni Bok ang ginawang pagsampal ng ama ni Tony d.Naging tugon ni Padre Abena sa ginawa nina Tony at Mang Luis
  • 390.
    384 GAWAIN 2.3.2.j:Ilahad Mo, Opinyon Mo Pumili ng isa sa sumusunod na paksa at ilahad ang opinyon mo hinggil dito. Gumamit ng mga pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat at salungguhitan ang mga ito. Sa tulong ng debate, ilahad ang iyong opinyon sa sumusunod na paksa. a. Dapat basahin at pag-aralan sa klase ang maikling kuwento at dula. b. Dapat magkaroon ng tamang batas para sa mga inosenteng indibidwal na nakukulong c. Dapat magkaroon ng pantay na karapatan ang babae at lalaki GAWAIN 2.3.2.k: Sumasang-ayon…Sumasalungat Suriing mabuti ang mga pahayag. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa mga ito? Lagyan ng tsek ( / ) ang kahong katapat ng iyong sagot at saka ipahayag ang iyong pangangatuwiran sa patlang. a. Ang pagpapatawad ay mahirap gawin. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ b. Lubos na nakatutulong sa pagbabagong-buhay ng isang tao ang relihiyon. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________ ______________________________________________________________
  • 391.
    385 c. Angtao ay sumasama dahil sa kaniyang kapwa. Sumasang-ayon ako Sumasalungat ako Ang pangangatuwiran ko ay _________________________________ ______________________________________________________________ GAWAIN 2.3.2.l: Halaga ng Wika Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat? Pangatuwiranan. Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa gawain? Alam kong kayang-kaya mo ito. Minsan pa ay magkaroon ka ng pagtataya sa iyong kaalaman sa mga naging aralin sa tulong ng sumusunod na gawain. GAWAIN 2.3.2.m: Ilahad…Pananaw Mo Ilahad ang iyong pananaw sa tanong na nasa loob ng bilog Masasalamin pa ba ang kulturang Pilipino sa mga dulang pantanghalan sa kasalukuyan? Naging mabisa bang kasangkapan ng mga manunulat sa paghahayag ng kanilang damdamin, saloobin, opinyon at karanasan ang pagsulat ng Dula?
  • 392.
    386 Bakit mahalagang matutuhan mo ang tamang paraan ng pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat GAWAIN 2.3.2.n: Bisa sa Isip, Damdamin, Kaasalan Buuin ang pahayag batay sa bisang pangkaisipan, bisang pandamdamin at bisang pangkaasalan buhat sa dulang napag-aralan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Matapos mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa aralin, handa ka nang ilapat ang iyong mga natutuhan sa susunod na bahagi.
  • 393.
    387 GAWAIN 2.3.2.o:Buhay Ko, Buhay Mo Sa Likod ng Iskrip Subukin mo na ngayon ang panghuling gawain sa araling ito. Bilang pagtataya sa iyong natutuhan, isabuhay mo ito sa tulong ng gawaing ito. Bilang presidente ng Samahan ng Mandudula sa inyong paaralan, ikaw ay naimbitahang dumalo sa gaganaping seminar-worksyap tungkol sa “Dula at Dulang Tagalog sa Modernong Panahon”. Isa sa bahagi ng naturang seminar ang pagpapanood ng isang video clip tungkol sa buhay ng isang artistang nagwagi bilang pinakamahusay na aktres o artistang babae sa larangan ng indie film. Batay sa napanood, gagawa ka ng orihinal na iskrip na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng naturang aktres at pagkatapos itatanghal ito sa gitna ng mga manonood bilang awput. Tatayain ito batay sa mga kraytirya: a) kaangkupan, b) makatotohanan, c) masining, d) orihinal, e) kaakmaan ng tunog/props/costume, f) taglay ang mga bahagi ng dula, g) kahusayan sa pag-arte at h) nagagamit ang pahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat. Magaling! Naisagawa mo nang buong husay ang naturang gawain. Sa bahaging ito tapos na nating talakayin ang maikling kuwento at dula, mga panitikang maging sa kasalukuyan ay dapat na bigyang-pansin. Balikan mo ang naging mga gawain at ihambing ang iyong inisyal na ideya sa naging takbo ng talakayan. Ilan sa mga ito ang wasto? Kung halos lahat ay nakuha mo nang tama, binabati kita!. Kung hindi naman ay mayroon ka pang pagkakataon na muli itong balikan upang maiwasto ito. Ngayong alam mo na ang mahahalagang ideya/konsepto ng dalawang araling ito, ihanda mo naman ang iyong sarili sa susunod na gawain kung saan magkakaroon ng pagtataya kung paano mo naunawaan ang naging mga aralin.
  • 394.
    Ikaw ay opisyalng Sangguniang Kabataan (SK) ng inyong barangay na naimbitahang maging panauhing tagapagsalita sa gaganaping programa para sa Foundation Day ng iyong lungsod. Layunin mong makapaghatid sa kanilang kaalaman tungkol sa kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay na katatapos lamang tanghalin bilang Most Outstanding Barangay ng Taon. Gagamitin mo bilang presentasyon sa inyong pagsasalita ang photo documentary na naglalarawan ng kalagayan ng kultura at kalagayang panlipunan ng inyong barangay sa kasalukuyan. Tiyakin mo na ito’y a)orihinal/awtentiko; b) malikhain; c) makabuluhan ang mensahe; d) may pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari at larawan; d) nagtataglay ng elemento ng masining na pagkukuwento; e) masining; at f) may wastong gamit ng aspekto ng pandiwa. 388 IIIIlllliiiippppaaaatttt Layunin mo sa bahaging ito ang ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa dalawang aralin. Tatayain ito sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. Kumusta? Ano ang pakiramdam mo matapos mong magawa ang naturang gawain? Sabi ko na nga ba, kayang-kaya mo itong gawin. Nakumpleto mo na ang mga araling ito. Bago ka dumako sa susunod na gawain o bahagi, sagutin mo muna ang pangwakas na pagsusulit upang matiyak natin kung sapat na ang iyong kahandaan.
  • 395.
    Nakadama ako ng_____________________________________matapos mailahad ang aralin dahil: 1. 2. 3. 4. 389 X. Pangwakas na Pagtataya (Panahon ng Kasarinlan) Ano ang nalaman o natutuhan mo sa ating aralin? Ilahad ang naramdaman matapos itong matalakay. Matapos matalakay ang aralin, NALAMAN KO NA: 1. 2. 3. 4. Pinatunayan mong muli na sa sariling sikap at tiyaga, malalampasan mo ang lahat ng pagsubok sa modyul na ito. Sa kabuuan, naunawaan mo na ang tungkol sa tulong na hatid ng panitikan sa pagtatamo ng damdaming makabayan sa Panahon ng Kasarinlan at sa kahalagahan nito bilang salamin ng kultura ng isang bansa. Oops, huwag ka munang bibitiw. Upang mas lalo pa nating malaman na ganap at malalim na talaga ang iyong pagkaunawa sa buong Modyul 2, muling pagnilayan, suriin,at sagutin mo ang mahahalagang konsepto nito na matatagpuan sa unahang bahagi.
  • 396.
    390 PAGNILAYAN PPPAAAGGGNNNIIILLLAAAYYYAAANNNAAAATTTT UUUUNNNNAAAAWWWWAAAAIIIINNNN Ngayon subukin natin kung talagang naunawaan mo ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais kong matandaan mo. Masasagot mo na nang tama kung bakit kailangang pag-aralan ang panitikan sa iba’t ibang panahon? Tunay ba na ang panitikan ay naging salamin ng kultura ng isang bansa? 1. Ibigay ang konseptong inilalahad ng graphic organizer. Pag-aralan mo ito nang mabuti. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat Ang Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan (batay sa paksa, tema, layunin ng manunulat at uri ng akdang pampanitikan) Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad… Ang pagkakaiba ng Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay… Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad… Ang Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan ay may pagkakatulad… 2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan sa mga panahong ito? 3. Nakatulong ba ang panitikan upang maging daan ng pagpapahayag ng saloobin, opinyon at katuwiran? 4. Ano ang natutuhan mo sa kabuuan ng araling ating tinalakay? Sagutin ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga pahayag na nakasulat sa Speech Balloon. Gawin sa papel.
  • 397.
    Pagkatapos kong pag-aralanang mga akdang pampanitikan na sumibol at umusbong sa tatlong panahon, napag-alaman kong ______________________________________________ __________________________________________. Naramdaman kong ________________________________________ ______________________________________________ __________________________________________. Dahil dito, naunawaan ko ang kahalagahan ng __________________ ______________________________________________ __________________________________kaya_________ ______________________________________________ ______________________________________________. Nasisiyahan ako at nagagalak sapagkat natugunan mo ang lahat ng gawain na inilaan para sa iyo ng modyul na ito. Tunay na marami ka ng naipong kaalaman/impormasyon at higit na ang iyong kahandaan hindi lamang sa pagsagot ng modyul kundi higit sa mas makabuluhang patutunguhan nito. Bilang isang hamon, muli sikapin mong matugunan at mahigitan ang inaasahan kong magagawa mo sa susunod na bahagi. 391 IIIILLLLIIIIPPPPAAAATTTT Binabati kita! At ilang hakbang na lamang at tapos na ang iyong paglalakbay sa modyul na ito. Ang layunin mo sa bahaging ito ay ilipat at isabuhay ang iyong natutuhan sa Modyul 2 sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagbuo at pagtatanghal ng isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nananatili pa sa kasalukuyan, nagbago at nawala na. Unawain mong mabuti ang sitwasyon upang maisagawa mo nang buong husay ang gawain.
  • 398.
    Isa sa nakatutulongupang mapasigla ang ekonomiya ng bansa ay ang pagpasok ng dolyar sa pamamagitan ng turismo. Marami ang nabibigyan ng trabaho. Kaya naman patuloy sa pagbuo ng iba’t ibang programa ang Departamento ng Turismo upang higit na maipagmalaki ang kulturang Pilipino sa buong mundo. Naglalayon na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa kagandahang taglay nito. Bilang tagapangulo ng departamento ng lokal na turismo sa iyong probinsiya, layunin mo na hikayatin ang mga turista na balik-balikan ang Pilipinas dahil sa ating pamanang kultural. Kaya ikaw ay naatasan na bumuo at itanghal ang isang video presentation na nagpapakita ng kulturang Pilipino na nagpapatunay na “It’s More Fun in the Philippines” . Sa nasabing presentasyon ay makikita ang kulturang Pilipino na nananatili, nabago at nawala na sa inyong probinsiya. Ang presentasyon ay batay sa sumusunod na pamantayan: a) batay sa pananaliksik; b)makatotohanan; c)orihinal; d)malikhain; e) may kaugnayan sa paksa; f)napapanahon; g) taglay ang elemento ng pagbuo ng isang Napakahusay ng iyong video presentation! Maipagmamalaki na 392 kita! Nagagalak ako at natapos mo na ang araling ito. Inaasahan ko na marami kang natutuhan sa ating pag-uugnayan. Kaya bago ka dumako sa susunod na modyul, sagutin mo ang ating pangwakas na pagsusulit. Huwag kang matakot, kayang-kaya mo ito dahil marami ka ng alam.
  • 399.
    VII.PANGWAKAS NA PAGSUSULIT(para sa Modyul 2) Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng pagtataya kung paano mo naunawaan ang aralin. Sagutin ang sumusunod na tanong. Tiyakin na nabasang mabuti ang panuto upang masagot mo ito ayon sa isinasaad nito. Maaari ka nang magtungo sa bagong aralin kung maipapasa mo ang huling pagtataya subalit kung hindi naman ay babalikan mo lamang muli ang mga gawain. Huwag kang mag-alala sapagkat bahagi lamang ito ng proseso upang matiyak na naunawaan mo ang aralin. 393 Pangkalahatang Panuto 1.Basahing mabuti ang bawat panuto sa pagsusulit. 2.Isulat ang sagot sa iyong notbuk. 3.Basahin at balikang muli ang mga tanong at ang iyong naging sagot upang matiyak na nasagot mo ang lahat ng katanungan at mapag-aralang muli ang iyong mga naging kasagutan. Simulan mo na ang pagsagot. 1. Sino ang tinaguriang ama ng maikling kuwento? a. Rogelio R. Sikat a. Deogracias A. Rosario b. Narciso Reyes c. Liwayway Arceo 2. Paano lubusang lumaganap ang Maikling kuwento sa Panahon ng Komonwelt? a. Nagkaroon ng samahan ng mga manunulat na tinawag na Panitikan. b. Nagkaroon ng paghihimagsik sa mga dayuhang manunulat c. Naglunsad ng mga makabagong pag-aaral sa pagsulat d. Ginawang instrumento ang pahayagang La Solidaridad ng mga kuwentista 3.Tinawag ni Alejandro G. Abadilla na “pagsasalaysay ng isang sanay.” a. salaysay b. komposisyon c. talumpati d. sanaysay
  • 400.
    394 4.Bakit angsanaysay ang may pinakakaunting bilang ng sumusulat at bumabasa? a. Malayo ito sa damdamin ng madla b. Napakahirap nitong gawin. c. Dahil nagmula ito sa ibang bansa. d. Ang paraan ng paglalahad ay hindi tinatangkilik. 5.Paano naiiba ang sanaysay sa iba pang akdang tuluyan? a. Ito lamang ang may pangunahing tauhan na naaapi subalit lumalaban. b. Mayroon itong isahang yugto. c. Tumutugon ito sa interes ng buhay, sa panitikan at iba pang sining. d. Ito ay maaaring pormal dahil nagbibigay ng impormasyon at pamilyar dahil nang-aaliw. 5. Anong bahagi ng kuwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapanabikan o interes sa mambabasa? a.kakintalan b.kasukdulan c.kakalasan d.wakas 7. Ano ang tawag sa mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais iparating ng mga manunulat sa Maikling kuwento? a. simbolismo b. pahiwatig c. kakintalan d. larawang-diwa
  • 401.
    Panuto: Basahin atunawain ang sumusunod na bahagi ng teksto upang masagot ang kasunod na mga tanong. 395 Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik. Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip; Datapuwa’t sa ano mang hangad nila’t iniibig, Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit; Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip, Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit. Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao, ang Puso at Pag-ibig o 8.Anong uri ng tulang patnigan ang binasa? a. Balagtasan b. Duplo c. Karagatan d. Batutian 9. Sino kaya ang nagsasalita sa hinangong akda? a. May-akda b. Lakandiwa c. Mambabalagtas 1 d. Mambabalagtas 2 10. Anong sukat mayroon ang akda? a. wawaluhin b. lalabindalawahin c. lalabing-animin d. lalabingwaluhin 11. Anong paksa kaya ang pagtatalunan sa akda? a. kalakasan at kahinaan b. kayamanan at karalitaan c. pag-aaral o pag-ibig d. puso at isip ang Isip at Katuwiran?” ni Bartolome del Valle
  • 402.
    Tony :Padre, posiblepo bang magkaroon ng dalawang ama-amahan? P. Abena :Bakit hindi? Mabuti ngang gayon at maraming titingin sa’yo. Pagdating naman ng araw ay…magugustuhan din ng tatay 12. “Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay!” ang 396 pahayag na ito ni Tony ay nagpapahiwatig ng _______________. a. pagngingitngit ni Tony sa ama b. pagkagalit ni Tony sa kalagayan niya c. pagtatampo ni Tony ke Padre Abena d. pagkainis ni Tony sa pangalang binanggit mo ang mangyayari. Tony :(Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre. Sinabi ko na seyong wala akong Tatay! P.Abena :Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang…A, di na nga bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony? Tony :Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka. P. Abena :Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong Maggagalaw at nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang Malakas na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik Ang lahat at makikinig sa narinig “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko sa Uhaw! Tubig!) P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na ‘yon (Susundan ito ng alis) Lahat : Adyos, Padre. Tony : (Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya. Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral kung sakali. Halaw sa akdang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio S. Salazar
  • 403.
    13. Ang pandiwangmay salungguhit sa pangungusap na “Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang napagibik na ‘yon.” ay nasa aspektong_____________ 397 a. perpektibo b. kontemplatibo c. imperpektibo d. perpektibong katatapos 14. Ano ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming mga tauhan sa loob ng isang dula. a.usapan b.diyalogo c.salitaan d.eksena 15. Sino ang kinikilalang bida sa isang akdang pampanitikan? a. antagonista b. ekstra c. kontrabida d. protagonista
  • 404.
    “Ilang dantaong tayoay napasakamay ng mga dayuhan. Naghirap at nagtiis. Ngayon, napasakamay na natin ang kalayaan at tinagurian na tayong malaya; subalit malaya na nga ba tayo…?” Unang hampas ang naramdaman mo nang ikaw ay hagupitin ng mga mananakop. Masidhing kirot ang dumapo sa iyo noon, at naganap ang unang latay sa iyong katawan. Ilang dantaon na ikaw ay nilagyan ng tanikala, pinagdusa sa sarili mong bayan, pinaranas ng kalupitan, at paulit-ulit na pinapatay. Nagpasalamat ka sa mga puti nang silain nila ang iyong mananakop. Subalit nagkamali ka dahil sila pala ang papalit, ang pangalawang hampas. Muling bumahid sa iyong katawan ang latay, ikalawang latay na sa buong akala mo’y di na masusundan. Pinilit ka pa nilang palitan din ng Ingles ang wika mo gayong iyan ang inihandog sa ‘yo ng iyong Inang-bayan. Iyon ay di mo matanggap kaya lalong hinigpitan nila ang iyong tanikala. Dumating ang pangatlong latay, mas mabagsik, mas matindi kung humagupit kaya lalong namilipit ang iyong katawan. Sa panahong iyon ka dinusta pati na ang iyong lupang sinilangan. Iyon ang nagpabuhay ng iyong dugo kaya ikaw ay bumangon at lumaban sa mga tampalasang yumapak sa iyong bayan. Walang takot kang humarap sa kanila hanggang malagot mo ang tanikalang gumapos sa ‘yo sa loob ng apat na raang taon. Ngayon, ikaw nga ay malaya na. Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. Mula sa “Latay ng Kahapon” ni Buenaventura S. Medina Jr. 398
  • 405.
    399 16.Anong kalayaanang tinutukoy sa akda? a. politiko b. mananakop c. kahirapan d. pagpapahayag ng saloobin. 17. “Wala na ang panlalait, wala na ang pandurusta, wala na ang paghihirap at wala na ang tanikala.” Ano ang sinisimbolo ng salitang may salungguhit? a. bilangguan b. kalayaan c. sakit sa katawan d. kadena 18. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagsang-ayon? a. Lumaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong isip. b. Malaya ka na nga sa salitang malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas. c. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan. d. Ahh…hanggang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon. 20. Ayon sa akda, bakit lalong hinigpitan ng mga puti ang tanikala sa mga Pilipino? a. dahil sa pagpipilit na palitan ang wikang inihandog ng Inang- Bayan na malaon nang ginagamit b. upang lalong tanggapin ang mga dayuhan sa kanilang pananakop sa bansa c. sapagkat hindi matanggap ng mga Pilipino ang wikang Ingles na pilit na ipinapalit sa sariling wika d. dahil unti-unti na tayong nakalalaya na ayaw naman nilang mangyari
  • 406.
    21. Alin sasumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging malaya mula sa mga dayuhan sa kasalukuyan? a. pagtangkilik sa sariling produkto kaysa sa mga gawang dayuhan b. pagpapahayag ng sariling opinyon laban sa ibang bansa c. pagtangkilik sa produktong dayuhan upang masabing in d. pag-aaral sa wika ng mga dayuhan na makatutulong sa sariling 400 pag-unlad Ngayon, tingnan mo ang iyong sagot sa pagtatapos ng modyul. Marami ka bang naging wastong sagot? Natutuwa ako at punong-puno ka ng kaalaman sa araw na ito! Alam mo ba na ‘di lamang sa Panahon ng Pananakop ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan lumaganap ang mga akdang pampanitikang natutuhan mo dahil sa kasalukuyan ay may tinatawag na tayong panitikang popular.. Gusto mo bang malaman ang mga ito? Ikaw, nasa uso ka ba? In ka ba ngayon? Kung oo, tiyak na makapag-aaral ka na sa ikatlong modyul na iyong pag-aaralan…ang Repleksiyon ng Kasalukuyan…Tungo sa Kinabukasan. Maligayang paglalakbay!!!
  • 407.
    401 MODYUL MMMOOODDDYYYUUULLL3333:::: RRRREEEEPPPPLLLLEEEEKKKKSSSSIIIIYYYYOOOONNNN NNNNgggg kAAAASSSSAAAALLLLUUUUKKKKUUUUYYYYAAAANNNN………… TTTTUUUUNNNNGGGGOOOO SSSSAAAA KKKKIIIINNNNAAAABBBBUUUUKKKKAAAASSSSAAAANNNN I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG Binabati kita! Ngayon ay magsisimula ka na sa Modyul 3 ng iyong pag-aaral sa Filipino! Sa modyul na ito, matutuklasan mo at mauunawaan ang kulturang popular sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga babasahing popular (tabloid, komiks, magasin at kontemporaryong dagli), bbbbrrrrooooaaaaddddccccaaaasssstttt mmmmeeeeddddiiiiaaaa (radyo at telebisyon) at pelikula. Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating bansa. Ang paglaganap ng Internet, pag-usbong ng iba’t ibang ssssoooocccciiiiaaaallll mmmmeeeeddddiiiiaaaa nnnneeeettttwwwwoooorrrrkkkk gaya ng FFFFaaaacccceeeebbbbooooooookkkk at TTTTwwwwiiiitttttttteeeerrrr, gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga wwwweeeebbbbssssiiiitttteeee gaya ng YYYYoooouuuuTTTTuuuubbbbeeee ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyunal na anyo nito. Paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-aaral. Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan kong makapagpapamalas ng iyong pag-unawa sa estilo, mekanismo, pamamaraan/ teknik at mga kaalamang teknikal ng mga panitikang popular tungo sa kamalayang panlipunan. Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay makikibahagi sa pagbuo ng kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (ssssoooocccciiiiaaaallll aaaawwwwaaaarrrreeeennnneeeessssssss ccccaaaammmmppppaaaaiiiiggggnnnn) sa pamamagitan ng alinmang midyum ng mmmmuuuullllttttiiiimmmmeeeeddddiiiiaaaa na iyong matututuhan sa modyul na ito. Magiging kaagapay mo rin sa pagbuo nito ang mga araling pangwika na iyong pag-aaralan.
  • 408.
    402 II. MGAARALIN AT ANG SAKLAW NITO Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito Mga Aralin sa Yunit Aralin 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na Babasahin • Pahayagan (Tabloid) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal Aralin 3.2: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Opinyon at Talakayang Panradyo b. Wika: Konsepto ng Pananaw a. Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon b. Wika: Mga Konseptong May Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3: Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong Panlipunan c. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza d. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang: Aralin 3.1: makapagbabahagi ng mga babasahing popular na sumasalamin sa kultura at tradisyon sa kasalukuyang panahon; Aralin 3.2: makalilikha ng isang akdang naglalahad ng sariling pananaw batay sa pamantayan ng isang mapanagutang mamamahayag;
  • 409.
    403 Aralin 3.3:makapagpapamalas ng pag-unawa sa estilo, mekanismo at kaalamang teknikal ng isang dokumentaryong pampelikula bilang midyum sa pagbabagong panlipunan. III. MGA INAASAHANG KASANAYAN Sa modyul na ito, malilinang sa iyo ang sumusunod na kaalaman at kasanayan Repleksiyon Ng Kasalukuyan Tungo Sa kinabukasan Mga Kasanayang Pampagkatuto Pakikinig Naililipat sa isang grapikong organayser ang mga impormasyong napakinggan (transkoding) dayagram grap grid Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinion at personal na interpretasyon ng nagsasalita at nakikinig Napag-iiba ang katotohahan (facts) sa mga hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig /nanonood Nailalahad ang mga pagkiling (biases, prejudices) at sariling interes ng nagsasalita Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa teksto o diskursong napakinggan/napanood Nailalahad sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag, mensahe at teksto Pagsasalita Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/ pag-aatubili o pasubali
  • 410.
    Pag-unawa sa Binasa Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: 404 paksa layon tono pananaw paraan ng pagkakasulat pagbubuo ng salita pagbubuo ng pangungusap pagtatalata Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod: Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng - paksa - tono - layon - estilo at - gamit ng mga salita Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga nangyayari sa: sarili pamilya pamayanan lipunan daigdig Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod: - HIV and Drug Prevention - Peace Education - Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad - Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa: Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag
  • 411.
    Napagsasama-sama ang magkakasalungatna ideya Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak 405 na bahagi nito Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa sa teksto; Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng: - paksa/tema - layon - gamit ng mga salita Pagsulat Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at panonood Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o impormasyong nagbibigay- kredibilidad sa mga kaisipan at opinyong ipinahahayag sa lathalain Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa pagsulat ng isang dokumentaryong panradyo Nakapipili ng isang napapanahong paksa Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon Nakabubuo ng maayos na balangkas Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyong nagbibigay-kredibilidad sa mga kaisipang ipinahahayag Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng konsepto ng pananaw Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng kaugnayang lohikal Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat
  • 412.
    Nasusuri ang mahalagangdetalye ng napakinggang impormasyon Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon Pakikitungo sa Wika at Panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Hinaharap ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may kasiyahan at kasiglahan Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral 406 ng wika at panitikan Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Estratehiya sa Pag-aaral/Pananaliksik Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/ pananaliksik Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga sanggunian sa aklatan/ internet Nalilikom ang kakailanganing mga impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik. Panonood Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong napanood Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood
  • 413.
    REPLEKSIYON NG KASALUKUYAN…TUNGO SA KINABUKASAN Aralin 3.2 Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng b. Wika: Konsepto ng Pananaw/Kaugnayang Lohikal Aralin 3.3 Dokumentaryong Pampelikula: Midyum sa Pagbabagong 407 IV. KONSEPTUWAL NA BALANGKAS Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling nakapaloob sa modyul na ito na iyong pag-aaralan. Aralin 3.1 Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular a. Panitikan: Popular na mga Babasahin • Pahayagan(tabloid) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-Pormal • Balbal Kulturang Pilipino . a. Panitikan: Komentaryong Panradyo Dokumentaryong Pantelebisyon Panlipunan a. Panitikan: Manoro (Ang Guro) sa Direksiyon ni Brillante Mendoza b. Wika: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag Upang maging matagumpay ka sa pagsagot ng modyul na ito, gawin mo ang sumusunod na gabay. 11. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul. 12. Sikaping makasunod sa mga direksiyon/panuto ng mga gawain. 13. Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi mo gaanong maunawaan. 14. Balikan ang mga bahaging hindi mo gaanong naintindihan. Gawin itong gabay sa mga bahagi ng aralin na dapat pang paglaanan ng oras sa pag-aaral. 15. Magsaliksik. Tumuklas pa ng karagdagang kaalaman na makatutulong sa lalong pag-unawa sa modyul na ito.
  • 414.
    (1) Nakikinig kaminglahat sa aming guro sapagkat mahusay siyang magturo. (2) Malinaw siyang magpaliwanag, laging handa at paminsan-minsan ay nagpapatawa kaya nawiwili kami sa kaniyang klase. (3) Marami kaming natututuhan sa kanya at sa lahat ng ito siya’y aming pinasasalamatan. (4) Sana’y marami pang tulad niya upang maraming mag-aaral 408 V. PANIMULANG PAGTATAYA Alamin natin kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman kaugnay ng mga aralin sa modyul na ito. Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit bago ka magsimula ng iyong pag-aaral. Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin at isulat ang letra na sa palagay mo ay tama. Matapos maiwasto ang iyong papel, tandaan mo ang iyong mga pagkakamali. Matutuklasan mo ang mga wastong sagot sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito. Simulan mo na. Teksto A. ang mahasikan niya ng karunungan. 1. Ang pamaksang pangungusap ay matatagpuan sa pangungusap bilang __________. a. 1 c. 3 b. 2 d. 4 2. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay __________. a. paghanga c. pag-asam b. pananabik d. kasiyahan 3. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay _____________. a. manghikayat c. magbigay-parangal b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman
  • 415.
    Tahan ka sa’kingsilid Halika’t manibasib apuhapin ang sakit sa katas ay sumipsip. nang naglatag na sugat, Nang panawan nglakas, sa banig, mutyang papag. kat’wang nais lumikas. Doo'y lasapin kata Pagsaluhan na kata nawaglit na gunita Utopia ng ideya. usapin sa ‘ting lupa, Nang lumagpak na sila, limot na alaala. sa ‘ting mga haraya. 409 Teksto B Tanaga ng Sakada Jayson Alvar Cruz Halikan mo ang langib, sugat sa aking dibdib. Haplusin mo ang hapdi. Isip, namimighati. 4. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan sa tula? a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta. c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa d. Tensiyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal. 6. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumulutang sa tula? a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikapagtatagumpay ng anumang layunin. b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan. d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan.
  • 416.
    Sa pelikula mano sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan. Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan. 410 Teksto C. 16. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal? a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan. b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin. c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao. d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman. 17. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda? a. walang masyadong iniisip b. hindi mapasisinungalingan c. walang katotohanan d. hindi angkop sa sitwasyon
  • 417.
    18. ‘Nahihimlay nakaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha 411 sa pahayag? a. Puro pangangampanya lamang ang mga politiko. b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral. c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin. d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala. 19. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________. a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema 20. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata? 21. a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan. b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan. c. Maging isang lider upang maging sikat. d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.
  • 418.
    Komentarista 1 :Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner! Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa panukalang batas na ‘yan! Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga re-electionist Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser 412 Teksto D Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill na ‘yan eh. Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kompanya ng sigarilyo at alak dahil dito. Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victor Ortega, magdurusa ang mga magtatabako dahil marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho. na senador na bumoto laban sa bill na ‘yan! sa baga, manalo lang sa eleksyon! Komentaista 2: Tumpak! 22. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag? a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado. b. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY! c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill. d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo. 23. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo? a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak b. Pagpasa sa Sin Tax Bill c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill 24. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal? a. Pati na rin c. Ayon kay b. Dahil dito d. Kaya naman
  • 419.
    25. Marami angmaaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag? 413 a. upang c. nang sa gayon b. dahil sa d. Kung 26. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon? a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado. b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill. c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill. d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas. 27. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam? a. I ulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon. b. Maging malinaw sa pagtatanong. c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin. d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam. 28. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media? a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon b. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan 29. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan? a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan. b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid. c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito. d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ng politika at showbiz.
  • 420.
    414 30. Hindibale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinahihiwatig na opinyon sa pahayag? a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo. b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na eleksiyon. c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas. d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo. 31. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________. a. bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan b. bahala na ang kabataan kung kikilos sila c. manood palagi ng mga dokumentaryo d. tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo nang tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng mga panitikang popular na kinagigiliwan ng mga kabataang tulad mo. VI. YUGTO NG PAGKATUTO AAAALLLLAAAAMMMMIIIINNNN Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung gayon, simulan na natin ang iyong pag-aaral tungkol sa mga panitikang popular. Naisip mo na ba kung paano naiba ang mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng panitikan na iyong natalakay sa naunang mga aralin? Bakit nga ba nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang mga panitikang popular?
  • 421.
    415 GAWAIN 1:BUGTUNGAN, DUGTUNGAN! Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi ng panitikang popular? Batid mo rin ba ang iba’t ibang midyum na ginagamit upang maipahatid ang mga ito sa higit na nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle. Mga Bugtong: 1 – Pinipilahan ng mga manonood, Sa pinilakang tabing ito’y itinatampok! 2 – Kahong puno ng makukulay na larawan at usapan ng mga tauhan. Tunay na kinagigiliwan ng kabataan! 3 – Kuwadradong elektronikon kagamitan.Tampok ay iba’t ibang palabas na kinaaaliwan! 4 – Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag- Fb, Twitter o magsaliksik pa. 5 – Musika’t balita ay mapapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa! 6 – Maliit na diyaryong inilalako sa daan; balita, tsismis at iba paang laman. 7 – Pabalat nito’y may larawan pang sikat na artista. Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang paksa. 4 . 5 . 6 . B L T T D 3 . Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil 1 P . 2 . M G 7 . may ideya ka na sa iba’t ibang uri ng panitikang popular! Kung hindi naman, huwag kang mag-aalala dahil tutulungan ka ng modyul na ito upang maitama ang iyong mga maling akala.
  • 422.
    Alam mo bana... May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan? Ang ilan sa mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang popular ng mga Pilipino sa ngayon. Panitikang Popular __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ __________________ 416 GAWAIN 2: ALIN, ALIN ANG PAGKAKAIBA? Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga nabanggit na panitikang popular sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba ng mga ito sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin naman nating isa-isahin ang mga katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng kasunod na gawain . Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng panitikang popular at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito, wikang ginagamit at midyum na ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Tradisyunal na Panitikan ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ Paksang Tinatalakay Wikang Ginagamit Paraan/Midyum sa Paghahatid Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil may ideya ka na sa katangiang taglay ng tradisyunal na panitikan at panitikang popular. May napansin ka rin bang pagkakatulad ng mga ito? Bakit kaya nagkaroon ng transisyon mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa panitikang popular na kilala natin sa kasalukuyan? Huwag kang mag-alala, lalo pa nating pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga panitikang popular sa susunod na mga gawain.
  • 423.
    417 PAUNLARIPPPAAAUUUNNNLLLAAARRRIIINNNN Sabahaging ito ng modyul ay bibigyan natin ng pansin ang iba’t ibang uri ng panitikang popular at ang iba’t ibang midyum na ginagamit sa pagpapalaganap nito. Sa pamamagitan ng mga gawain na nakahanay sa mga aralin, matutuklasan natin ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga panitikang popular at ang papel na ginagampanan ng mga ito sa kamalayang panlipunan ng mamamayan ng isang bansa. Sa tulong ng mga araling pangwika, pagtalakay sa iba’t ibang pamamaraan sa pagbuo ng panitikang popular, pagsasagawa ng mga programang panradyo at maging ng pelikula, inaasahang magiging bahagi ka rin ng paghahanda ng isang kampanya tungo sa kamalayang panlipunan sa pamamagitan ng multimedia (social awareness campaign through the use of multimedia) sa katapusan ng iyong pag-aaral sa modyul na ito. Simulan na natin ang pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kakayahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa Aralin 3.1 ng modyul na ito - ang mga uri ng kontemporaryong panitikan. ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular IV. Panimula at Mga Pokus na Tanong Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga pocketbook, magasin at komiks? Maliban sa mga aklat na isinulat ni Bob Ong, nabasa mo na ba ang mga naisulat nina Eros Atalia, Ricky Lee, Edgar Samar at Jun Cruz Reyes? Eh, ang mga nakakikilig na Textstory ni Marcelo Santos sa Facebook, nabasa mo na? Paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga popular na babasahin ng kabataan? Malalaman mo ang mga sagot sa mga tanong na ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral. V. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito: Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin, at kontemporaryong dagli bilang bahagi ng panitikang popular upang maunawaan mo kung bakit mahalagang basahin ang mga ito. Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang pamantayang pangnilalaman na lilinangin sa araling ito.
  • 424.
    418 ARALIN 3.1:Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin (Tekstuwal Analisis) • Pahayagan(tabloid)/broad sheet • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli b. Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal VI. Mga Inaasahang Kasanayan Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito. Kon temporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Mga Kasanayang Pampagkatuto Pakikinig Naililipat sa isang graphic organizer ang mga impormasyong napakinggan (transkoding) dayagram grap grid Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang pahayag, mensahe at teksto Pagsasalita Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Pag-unawa sa Binasa Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay sa: • paksa • layon • tono • pananaw • paraan ng pagkakasulat • pagbubuo ng salita
  • 425.
    419 • pagbubuong pangungusap • pagtatalata Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod: • Nakabubuo ng balangkas ng binasang teksto • Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o ideyang nakapaloob sa teksto Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng • paksa • tono • layon • estilo at • gamit ng mga salita. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa mga nangyayari sa: • sarili • pamilya • pamayanan • lipunan • daigdig Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod: • HIV and Drug Prevention • Peace Education • Karapatang Pambata at Kanilang Responsibilidad • Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga Pilipino Pagsulat Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at panonood • Nakapagsasagawa ng rebisyon kung kinakailangan • Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad, organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o
  • 426.
    420 impormasyong nagbibigaykredibilidad sa mga kaisipan at opinyong ipinahahayag sa kaniyang lathalain Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o pasulat Pakikitungo sa Wika at Panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Nagagawa ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase na may kasiyahan at kasiglahan Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ng wika at panitikan Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Estratehiya sa Pag-aaral Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ng pag-aaral/pananaliksik • Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik • Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga sanggunian sa aklatan/internet Panonood Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o diskursong napanood • Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu na may kaugnayan sa napanood
  • 427.
    421 XI. Konseptuwalna Balangkas Narito ang grapikong presentasyon ng araling ito na makatutulong upang maiplano mo ang iyong mga gawain: Aralin3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Panitikan: Mga Popular na Babasahin • Pahayagan (tabloid/ broad sheet) • Komiks • Magasin • Kontemporaryong Dagli Wika: Antas ng Wika • Pormal • Di-pormal • Balbal Produkto/Pagganap: Literary Folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng barangay. Maaaring sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang tungkol sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin at kontemporaryong dagli. XII. Panimulang Pagtataya Crossword Puzzle Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Gabay sa Pagsagot 1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa) 2. Pahayagan ng masa. (pahalang) 3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang) 4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)
  • 428.
    422 VI .Yugto ng Pagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang popular. Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y malaman mo kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga babasahing popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa pamamagitan nito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga babasahing popular na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na pinag-aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahagi ng araling ito. GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo. Pagkatapos, iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat Broadsheet ___ Inquirer ___ Manila Bulletin ___ Philippine Star ___ Business Mirror ___ Manila Times Tabloid ___ Abante ___ Taliba ___ Pilipino Mirror ___ Pilipino Star Ngayon ___ Tempo ___ Aliwan ___ Pantastik ___ Halakhak ___ Pugad Baboy ___ Super ___ Manhwa Korean Comics ___ Archie ___ Marvel ___ Japanese Manga ___ Captain America ___ Liwayway ___ Yes! ___ FHM ___ Candy ___ T3 ___ Men’s Health ___ Metro ___ Entrepreneur ___ Cosmopolitan ___ Good Housekeeping ___ Mga Aklat ni Bob Ong ___ Florante at Laura ___ Noli Me Tangere ___ Mga Aklat ni Eros Atalia ___ Aklat- Kalipunan ng mga Tula ___ Teksbuk ___ HorrorBooks ___ Antolohiya ng Maikling Kuwento ___ Kalipunan ng Dagling Katha ___ Bibliya
  • 429.
    1 ------------------------------------- Pinakapopularsa Sa aling palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay ____________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng ____ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil _____________________________________________________________ 423 RANGGONG AYOS Pahayagan (tabloid/ broad sheet) Komiks Magasin Kontemporaryong Dagli GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha LEYENDA akin 2 ------------------------------------- Popular sa akin 3 ------------------------------------- Di-masyadong popular sa akin 4 ------------------------------------- Hindi popular sa akin Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon. Ngayo’y naunawaan ko na, ________________________ ___________________________________________________ __ ___________________________________________________ __ Nabago ang aking paniniwala sa ___________________ _____________________________________________________
  • 430.
    Bilang patunay nanauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Ipagpatuloy mo lang ang pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyong pag-unawa. 424 PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Tutulungan kitang alamin kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Maligayang araw ng pag-unawa! Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid. PAHAYAGAN (tabloid) Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid. Tabloid: Isang Pagsusuri William Rodriguez II “Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.” Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
  • 431.
    Iba't iba angdahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita? Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily 425 tabloid ang nagsi-circulate sa bansa. GAWAIN 3.1.c: Listing Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at broadsheet? Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula sa artikulo. Isulat sa papel ang sagot. Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag 1. 2. 3. 4. 5. Mga Gabay na Tanong: 1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa broadsheet? 2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan? Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na babasahing tabloid, dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng kabataang tulad mo – ang komiks.
  • 432.
    Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento Lobo ng usapan- Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan; may iba’t ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista. 426 KOMIKS Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon. Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito. Pamagat ng kuwento Kuwadro- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame) Kahon ng Salaysay- Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo Isinulat ni Carlo J. Caparas. Mula sa Komiklopedia.wordpress. com. Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon. Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
  • 433.
    Sa Pilipinas, Sinasabingang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing Trubner's Record sa Europa ang komiks strip niya na Pagong at Matsing. Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya. Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950. 427 Mga larawan mula sa Philippine Online Chronicles
  • 434.
    Sinasabing sa pagpasokng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa. Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang. Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba. Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.” Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na makipagsabayan sa buong daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, 428
  • 435.
    hindi ka banaaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang kasanayan sa larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan. …Wakas. 429 GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo ka ng isang kuwento. Isang araw, ipinakita at ikinuwento ng lola ni Cyrus ang mga sumikat na komiks noon na siya ang isa sa mga dibuhista nito. Mga Gabay na Tanong: Mga Gabay na Tanong 1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks? 2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular na babasahin sa kasalukuyan – ang magasin. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito.
  • 436.
    430 MAGASIN Hindimawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela. Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa. 1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. 2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan. 3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay. 4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa. 5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro. 6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. 7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
  • 437.
    kalusugan ang nilalamannito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan. 8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ 431 ng mga gadget. 9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas. Magmula sa Liwayway hanggang sa mga popular ngayong magasin. GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamitin mong gabay sa pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Gawin sa papel. Pamagat:_______________________________________ Mga Natuklasan sa Naunang Binasang Pananaliksik Mga Natuklasan sa Isinagawang Pananaliksik Mga Gabay na Tanong KONGKLUSYON _ 1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa’t isa? 2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan? Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga gawain. Ngayon naman, dumako na tayo sa pinakatampok na popular na
  • 438.
    babasahin na ituturosa iyo ng modyul na ito – ang kontemporaryong dagli. Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga tanong at gawain. 432 KONTEMPORARYONG DAGLI Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos. Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930. Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig. Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano. Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong
  • 439.
    kuwento sa mgatabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-in-the- life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).” 433 ANG DAGLI SA KASALUKUYAN Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan. Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga na ayon kay Aguila: Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng bansa. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles. Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.” Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.” Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”
  • 440.
    At ang pumapasoksa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa 434 pahayagan. (Sampagita, 8 Nobyembre 1932) Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag-uusap ay naisulat at nailathala ang aklat na “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi hihigit sa 150 salita. Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa 116 na salita. HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. (Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha) Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala. Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang Pilipino Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual Print Enterprises noong Disyembre, taong 2011. SKYFAKES
  • 441.
    435 Eros Atalia (Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na inilathala ng Visual Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha) Mga Gabay na Tanong/Gawain 1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng binasang teksto. Mga Unang Katawagan Mga Katangian ng Naunang Dagling Katha KONTEMPORARYONG DAGLI Layunin ng Naunang mga Dagling Katha Internasiyonal na Pag-aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli Lokal na Pag-aaral na Naisagawa Tungkol sa Dagli 2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon, estilo, at gamit ng mga salita. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. SKYFAKES EROS ATALIA
  • 442.
    Paano Nagkakatulad? PaanoNagkaiba? 3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. 436 ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ HAHAMAKIN ANG LAHAT Abdon M. Balde Jr. SKYFAKES EROS ATALIA Kaisipan: Kaisipan: 1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig: 1. sarili: 2. pamilya: 3. pamayanan: 4. lipunan: 5. daigdig:
  • 443.
    4. Gamit ang3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang 437 na kaalaman, at tanong nasa iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain sa aralin. 3-2-1 CHART 3. Mga Natuklasan 2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman 1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan 5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala, pagbabago sa sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa nakararami. 1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili 6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda? 7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika. Sino ang gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na wika? Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang ginamit ng manunulat. Maligayang pagbabasa!
  • 444.
    438 GAWAIN 3.1.f:Pahina ng Pagkilala (Pagbasa o Pakikinig) Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng manunulat. Ang Talangkang Nakaharap Lumakad (pabula) Jayson Alvar Cruz Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at ikinikilios ni Mokong Talangka. Hindi siya palakibo at madalas na hindi nakikihalubilo sa iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang siyang natatanawan sa kaniyang bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan, isang batang talangka ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa maliit na butas sa dingding ng bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking pagtataka ng batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si Mokong Talangka. Batid ng lahat sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong Talangka. Ang pagtatakang ito ng batang talangka ay napalitan ng pagkatulala at pagkagulat sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo nitong sarili habang nakaharap sa salamin. At ang lalong ikinagimbal ng batang talangka ay nang makita nito ang kakaibang paglakad ni Mokong Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi patagilid kagaya ng ibang talangka sa kanilang baryo. Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay matapos na ipagkalat ito ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na talangka sa baryo. Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa kakaibang paraan ng paglakad ni Mokong Talangka.
  • 445.
    “Nababaliw na sigurosi Mokong, palibhasa’y hindi sumasali sa mga usap-usapan dito sa ating baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga aklat,” wika ng isa sa mga purok lider na nasa umpukan. “Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait,” pambubuska ng 439 isa pang talangka. Laking gulat ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng pinto si Mokong Talangka. Tila patungo ito sa kanilang kinaroroonan. Nagulat ang karamihan nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong at hindi patagilid. “Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Mokong sa mga naroong lider talangka sa kanilang baryo. “ Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan namin?” Pagtataray ng isang babaeng talangka. “Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa akin. Ako’y walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na makapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka.
  • 446.
    Saglit na natulalaang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka sa kanyang bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na ni Mokong ang pinto ng bahay nito. “Hu, ang akala mo’y kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. 440 Siya lang ang mahusay”. Galit na winika ng isang purok lider na talangka. “At may sinasabi-sabi pang mabuti’t may nagkainteres sa kaniyang ginagawa. Walang may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili niya lamang,” inis na tinig ng isa pang purok lider na talangka. Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. Naisip bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang kakayahang mag-isip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga nasasakupan? Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa butas ng bahay ni Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran ay may kung sino ang kumalabit dito. Si Mokong Talangka. Nagimbal sa kahihiyan si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang talangka. Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay. Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong talangka. Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong-patong sa maliit na mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin din ang nakasubong papel sa makinilya ni Mokong talangka. “Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang maiibigan mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan.” Marahang alok ni Mokong talangka.
  • 447.
    “Talaga po!” Angbait n’yo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo dahil wala kayong kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang ko, huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw kayo.” Sunod-sunod na nawika ni Tikang. “Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama subalit paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan? Sinubukan ko na dati na makipag-usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga kababaryo natin. Ngunit, ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo sa katotohanan ang aking mga ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa anumang pagtitipon at pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga talangka sa baryo Talangkukay,” paliwanag ni Mokong talangka. “ Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng 441 paglalakad?” pag-uusisa ni Tikang. “Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko sa asal nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon ng hilahan kapag may dumarating na panganib sa ating baryo. At kung may nauuna namang mag-isip na isang talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-aralan ko ang lumakad nang paharap at hindi patagilid.” Dugtong ni Mokong Talangka. Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa
  • 448.
    ng kaniyang mgamagulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si Mokong at sinabing mali ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang sinasabing nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at agad na pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong. “Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko. Tinuturuang magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang iyan.” Galit na wika ng ama ni Tikang. “Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito!” Sigaw ng ina ni Tikang. Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng 442 bahay ni Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan. “Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo!” Sigaw ng isang purok lider. Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na talangka ay naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab sapagkat napakarami nilang nahuling talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka sa baryo Talangkukay maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay naiba ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang nangyari sa ibang kasama. Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig, isang kababaryo niyang talangka ang umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa naman si Mokong nang makita niya si Tikang gayundin naman ang batang talangka.
  • 449.
    “Ngayon po aynauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng 443 paglalakad ninyo”, nawika ni Tikang. “Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka. GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK. Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Ang Katibayan ng Pagpapahalaga Ang Talangkang AAAnnnggg TTTaaalllaaannngggkkkaaannnggg NNNNaaaakkkkaaaahhhhaaaarrrraaaapppp LLLLuuuummmmaaaakkkkaaaadddd Mga Gabay na Tanong (pabula) 1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda. 2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan. 3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot. Alam mo ba… Inihahandog para sa akdang Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________ ______________________________________________________. Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na ______________________________________________________ Pangalan at Lagda ng Mag-aaral
  • 450.
    444 Kabilang saAntas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ Lalawiganin 4. Teknikal at 5. Masining Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at balbal na antas ng wika. ANTAS NG WIKA Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal. Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal at ang Balbal 1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal. 2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga
  • 451.
    mababa ang katayuansa buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit. 445 Binabati kita! Ngayon ay natapos mo na ang bahaging Paunlarin. Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn Nakatitiyak na ako na taglay mo na ang mahahalagang konseptong nais kong maunawaan mo sa tulong ng mga tanong at gawaing iyong napagdaanan. Ipagpatuloy lamang ang ipinamamalas na sipag at tiyaga sa pagtugon sa mga gawain sa araling ito. Nakatitiyak ako na alam mo na kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Subukin ko nga. GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng iba’t ibang uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at mapanagutang gamit ng wika (pormal). ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA Jayson Alvar Cruz Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus. BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng kalat.”
  • 452.
    TIYO: “Masanay kana Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang pangkat ng mga kabataan. 446 BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!” BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-jam ako kahit konti.” BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na ko eh.” BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng dalagitang estudyante. Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng kaniyang tiyuhin. TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo na sila.” BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya tayo. TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.” Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito. BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.” TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang pamangkin ko.” BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang pananamit?”
  • 453.
    447 TIYO: “Malalamanmo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet. BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon palakihin ang mga pinsan ko? TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko, wala akong magawa Boyet, wala. Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang nauunawaan mo na ang mahahalagang konsepto sa araling ito. Gaya ng ating napag-usapan sa unahang bahagi subukin mong humalaw ng iba’t ibang akda gamit ang malikhain at mapanagutang wika (pormal) mula sa mga pangyayari sa diyalogo batay sa hinihingi ng mga kahon sa ibaba: Maaari kang gumamit ng ibang papel sa bahaging ito. BALITA Artikulo (Sanaysay)
  • 454.
    KOMIKS DAGLING KATHA(Hanggang 150 salita) BINABATI KITA! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa bahaging Pagnilayan at Unawain ng araling ito. Mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa mga babasahing popular sa kasalukuyan. Gayundin, natutuhan mo na ang kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na naisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang na muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang huling pahayag sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito. Kinopya ko ulit ito para sa iyo. 448 GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon. Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng panitikan ay ________________________________________________ __________________________________________________________ Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng __________________________________________________________ __________________________________________________________ Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil __________________________________________________________ Ngayo’y naunawaan ko na, ______________________________ _____________________________________________________
  • 455.
    _____________________________________________________ Nabago angaking paniniwala sa _________________________ _____________________________________________________ Alam kong handa ka na para sa susunod na bahagi. Sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa ang Inaasahang Produkto- ang makabuo ka ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Bago iyan, nakatitiyak ako na makatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto – ang paggawa ng literary folio. 449 MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA NG LITERARY FOLIO Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayo ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Narito ang mga dapat isaalang- alang sa paggawa nito. 1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng pabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan. Halimbawa: Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales 2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi ng inyong literary folio. Lungsod ng Mandaluyong KALSADA-PASADA (Mga Akdang Napulot sa Kalsada) Literary Folio 2012
  • 456.
    3. Kinakailangang makitarin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula at iba pang akdang pampanitikan. 4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang 5 – 10 ………………………………………………. Hindi mahusay 0 – 5 ……………………………………………….. Nangangailangan 450 pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit. Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng literary folio Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing produkto. IIIIlllliiiippppaaaatttt Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita ng iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na natamo mo sa araling ito. Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod na pamantayan. Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 A. Malikhain B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap) C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang ginagalawan) D. Pormal at responsable ang gamit ng wika E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at bantas) LEYENDA 20 – 25………………………………………………... Napakahusay 15 – 20 ………………………………………………. Mahusay 10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang Husay ng rebisyon Binabati kita! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa Aralin 1 ng modyul na ito! Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon ka na ng mas malalim na pag-unawa sa ilang kontemporaryong uri ng panitikan. Natuklasan mo na ba kung ano ang
  • 457.
    pinagkaiba ng tradisyunalna uri ng panitikan sa kontemporaryong anyo nito? Bakit hindi mo subuking tayain ang iyong mga natutuhan? 451 XIII. Pangwakas na Pagtataya Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong sagutang papel. ___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. ___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita. ___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. ___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-araw na usapan. ___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit. Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng broadcast media. Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon sa pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong ang ating napakikinggan at napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa ating kamalayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang Pagtataya para sa Aralin 3.2. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral. Aralin AAArrraaallliiinnn 3333....2222:::: AAAAnnnngggg BBBBrrrrooooaaaaddddccccaaaasssstttt MMMMeeeeddddiiiiaaaa:::: MMMMeeeekkkkaaaannnniiiissssmmmmoooo nnnngggg PPPPaaaaggggbbbbaaaabbbbaaaaggggoooo aaaatttt PPPPaaaagggg-uuuunnnnllllaaaadddd nnnngggg KKKKuuuullllttttuuuurrrraaaannnngggg PPPPiiiilllliiiippppiiiinnnnoooo
  • 458.
    452 V. Panimulaat Mga Pokus na Tanong: Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan. Sino nga ba ang hindi nakikinig sa radyo upang mapakinggan ang paboritong awitin o kaya naman ay malaman ang mahahalagang anunsiyo mula sa PAGASA? Sino nga ba ang hindi nanonood ng telebisyon upang malaman ang mga kaabang-abang na tagpo sa paboritong telenobela o kaya’y malaman ang mahahalagang balita sa nakalipas na araw? Tunay ngang bahagi na ng ating buhay ang broadcast media. Ngunit paano nga ba nakatutulong ang broadcast media sa pagpapalaganap ng kulturang popular? Paano nagagamit ang radyo at telebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa? Ang kasagutan sa mga tanong na ito ang ating tutuklasin sa pamamagitan ng mga gawain sa araling ito. VI. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw ng mga Ito Sa araling ito ay tutuklasin ang sumusunod na paksa: Aralin 3.2 : Ang Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino A. Panitikan: Komentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon B. Wika: Mga Ekspresiyong Nagpapakilala s Konsepto ng Pananaw/ Mga Ekspresiyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal VII. Mga Inaasahang Kasanayan Narito ang mga kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo sa pagtalakay mo sa araling ito:
  • 459.
    453 Aralin Broadcast Media mekanismo Ng Pagbabago At Pag-unlad Ng Kulturang Pilipino Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Napauunlad ang kasanayan sa mapanuring pakikinig/panonood • Napag-iiba ang katotohanan sa mga hinuha, opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig • Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa mga hinuha (inferences), opinyon at personal na interpretasyon ng nagsasalita at ng nakikinig/nanonood • Nailalahad ang mga pagkiling (biases,prejudices) at sariling interes ng nagsasalita • Naisasaayos ang mga ideya o impormasyon mula sa teksto o diskursong napakinggan/napanood • Nailalahad sa sariling pamamaraan ang napakinggang mga pahayag, mensahe at teksto Pag-unawa sa Binasa Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasang teksto sa pamamagitan ng pagkilala sa: • Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag • Napagsasama-sama ang magkakasalungat na mga ideya • Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na bahagi nito Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa mapanuring pagbasa sa teksto • Nakapagbibigay ng impresyon sa teksto kaugnay ng: - paksa/tema - layon - gamit ng mga salita Pagsasalita Nakapagpapahayag nang wasto ng mga pag-aalinlangan/ pag-aatubili/pasubali Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,opinyon at saloobin Pagsulat Naisasaalang-alang ang mga kakailanganin sa
  • 460.
    454 pagsulat ngisang dokumentaryong panradyo • Nakapipili ng isang napapanahong paksa • Nakapagtatala ng mga kinakailangang impormasyon • Nakabubuo ng maayos na balangkas • Nababanggit nang wasto ang may akda, personalidad, organisasyong nagbibigay kredibilidad sa mga kaisipang ipinapahayag • Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng konsepto ng pananaw • Nagagamit ang mga ekspresiyong nagpapakilala ng kaugnayang lohikal Tatas Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at impormal na Filipino pasalita man o pasulat Nasusuri ang mahalagang detalye ng napakinggang impormasyon Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan ay may kabuluhan at kredibilidad Nakikipagkomunikasyon gamit ang wikang Filipino batay sa hinihingi ng pagkakataon/sitwasyon Pananaliksik Nalilikom ang mga kakailanganing impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian Nailalahad nang maayos ang nalikom na mga impormasyon sa isinagawang pananaliksik Nagagamit ang diksyunaryo at iba pang kagamitang sanggunian sa aklatan/internet
  • 461.
    455 VIII. Konseptuwalna Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng araling ito Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino RADYO TELEBISYON Panitikan: Komentaryong Panradyo Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Konsepto ng Pananaw Panitikan: Dokumentaryong Pantelebisyon Marahil ay nananabik ka nang simulan ang araling ito. Simulan na natin ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman! Wika: Mga Ekspresyong Nagpapakilala ng Kaugnayang Lohikal Dokumentaryong Panradyo/ Dokumentaryong Pantelebisyon
  • 462.
    456 IX. PanimulangPagtataya Ang bahaging ito ang makapag-uugnay sa iyo sa mga bagay na dapat mong malaman kaugnay ng Aralin 2 sa modyul na ito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot ng puzzle. Unawain at limiin ang isinaad na mga datos upang maibigay ang tamang sagot. Bilugan ang mga letrang bumubuo sa tamang sagot sa bawat bilang. Kopyahin at gawin ito sa papel. 1. Naghahatid ng balita at mga programang nakaaliw at kawili-wili. 2. Isang palabas na maaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid. 3. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man o sa nayon. 4. Isa sa mga naihahatid ng radyo na nagdudulot ng aliw sa marami. 5. Maaring marinig o mapanood ang mga ito maging sa radyo o telebisyon. T E L E B I S Y O N M V L M N H I E A Y O A U M E J O S H I D I E T S U L I R A B A L I T A I S E C A C R I S T Y S K A O M A R I C A R R O A K D O K U M E N T A R Y O Mahusay! Marahil nananabik ka nang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Nais kong ipakilala sa iyo ang broadcast media sa pamamagitan ng pag-anyaya sa iyo sa patuloy na pagbasa ng araling ito. Tara na!
  • 463.
    457 X. Yugtong Pagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Mahilig ka bang makinig ng radyo o manood ng telebisyon? Kung oo ang iyong sagot, isa ka sa maraming tumatangkilik ng broadcast media. GAWAIN 3.2.a: Paborito Ko! Isulat mo sa loob ng larawan ng telebisyon ang iyong kinagigiliwang palabas, at sa loob naman ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang programa. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan kung bakit mo pinanonood o pinakikingggan ang mga programang iyong nabanggit. Paboritong Palabas sa Telebisyon: _________________________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: _________________________________ _________________________________ _________________________________ Paboritong programa sa Radyo: ___________________ Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan: ____________________ ___________________ Mula sa gawaing ito, ating napatunayan na bahagi na ng ating buhay ang pakikinig ng radyo at panonood ng telebisyon. Ngunit paano nga ba nito nabago ang ating kultura at panitikan? Ano ang gampanin ng mga midyum na ito sa pagpapaigting ng kamalayan ng mamamayan sa mahahalagang kaganapan sa ating lipunan?
  • 464.
    Ano ang aking NATUTUHAN? 458 GAWAIN 3.1.b: Alam Ko ‘Yan! Alamin muna natin ang lawak ng iyong kaalaman kaugnay ng paksang ating tatalakayin. Isulat mo sa mga talahanayan ang mga kaisipang alam mo na, nais mong malaman at ang paraan kung paano ito matututuhan. Sagutin mo naman ang huling hanay sa katapusan ng pag-aaral mo sa araling ito upang iyong maitala ang mga kaisipang iyong natutuhan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Ano ang ALAM ko na? Ano ang NAIS kong MALAMAN? Paano ko ito MATUTUTUHAN? Talaga namang mayroon kang pagnanais na matuto! Binabati kita! Ipagpatuloy mo ang ganyang gawi upang ikaw ay magtagumpay! Sa katapusan ng araling ito, inaasahang makikibahagi ka sa paglikha ng iskrip ng isang komentaryong panradyo o kaya naman sa paglikha ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Huwag kang mag-alala. Matututuhan mo ang iba’t ibang mahalagang kaalaman upang maging handa ka sa pagsasagawa ng mga gawaing ito. PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Sa bahaging ito, bigyan muna natin ng pansin ang radyo bilang isa sa mga midyum ng komunikasyon na naglalayong magbahagi ng mga kaganapan ng mundo sa mas malawak na sakop nito. Sa modyul na ito, matutuklasan mo ang gampanin ng radyo bilang gabay sa kamalayang panlipunan.
  • 465.
    459 GAWAIN 3.2.c:RADYOrific Ang Hatid Tuklasin mo kung gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling ito. Gamit ang arrow ikonekta ang mga pahayag na may kaugnayan sa radyo sa larawang nasa gitna. Nasa loob ng malilit na kahon ang nasabing mga pahayag. Gawin sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat. naghahatid ng nagpalabas ng variety show musika nagpapakilala ng isang produkto naghahatid ng mga talakayan/pulso ng bayan nagpapalabas ng pelikula nagpapalabas ng teledrama nagpapahatid ng mga panawagan naghahatid ng napapanahong balita nakikinig ng mga awit nagbibigay ng opinyon kaugnay ng isang paksa Binabati kita sa mga tamang sagot na iyong nakuha! Ipagpatuloy mo ang iyong sigla sa pagsagot! Mapalalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng gampanin ng radyo sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Matututuhan mo rin kung paano makasusulat ng isang komentaryong panradyo gamit ang iba’t ibang konsepto ng pananaw. Sa ibaba ay mababasa mo ang ilang mga gabay na tanong na maaaring makatulong sa iyo upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa araling ito.
  • 466.
    Madali mo bangnatukoy ang kahalagahan ng radyo? Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap panitikang popular? Ipaliwanag. Mahusay ang iyong ginawang pagpapaliwanag. Ngayon naman nais kong punan mo ang kasunod na tsart. Unahing sagutin ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Sasagutin lamang ang huling kolum, na L pagkatapos na mapag-aralan ang araling ito. Masasabi mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang popular? Ipaliwanag. 460 K W H L Ano ang alam mo na? Ano ang nais mong malaman? Paano mo makikita ang nais mong maunawaan? Ano ang iyong natutuhan/ naunawaan? Sa bahaging ito ng aralin, nais kong basahin at unawain mo ang mga komentaryong panradyo. Unawain ang mga bagay sa likod ng isang isyung tumatalakay sa lipunang iyong ginagalawan, ang Freedom of Information Bill” bilang pokus ng isang komentaryong pagtalakay sa radyo, gayundin ang pakikinig sa isang programang panradyo na komentaryo ang lapat.
  • 467.
    461 Narito angisang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo. KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI) Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo. Roel: Magandang umaga sa inyong lahat! Macky: Magandang umaga partner! Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado. Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit ! Roel: Sinabi mo pa, partner! Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner? Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno. Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda doon! Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan. Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
  • 468.
    462 Roel: Satingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal. Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag- Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura. Roel: Naku! Naloko na! Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa: http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/ Gabay na Tanong Ano ang mga bagay na nakapukaw sa iyong isipan habang binabasa ang mga pahayag mula sa binasang halaw na pagtatalakayan sa radyo? GAWAIN 3.2.d : Radyopinyon Basahin ang mga pahayag ng mga komentarista. Alin sa mga ito ang nagsasaad ng positibo at negatibong pananaw? Isulat sa bituin ang positibo at sa bilog ang negatibo. Gawin sa iyong sagutang papel.
  • 469.
    Ang komentaryong panradyoayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw. http://www.tv5.com.ph/ click radyo5 http://www.interaksyon.com/article/42031 /teodoro-l--locsin-jr---why-theyre-afraid-of- tunein.com/radio/Radyo-Patrol-630- radioonlinenow.com/2011/02/25/listen-to- 463 GAWAIN 3.2.e : Radyomentaryo Bilang bahagi ng iyong gawain nais kong i-klik mo ang alin man sa mga link sa loob ng bilog. Makinig ng ilang napapanahong mga balita. foi s14674/ 92-3-news-fm-online/ Para sa mga walang Internet sa klase, maaaring makinig sa radyo sa anomang estasyon sa AM o kaya ay basahin ang kasunod na teksto na kuwentuhang media.
  • 470.
    464 Tandaan :Habang ikaw ay nakikinig, sikapin mong magtala ng iba’t ibang detalye tungkol sa: 1) Pamagat ng paksang tinalakay; 2) Mga batayan ng mga salaysay, at 3) Mga aral na natutuhan Mga Gabay na Tanong: 1. Tungkol saan ang iyong napakinggan? 2. Paano naging malinaw at kapani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista? 3. Paano nagiging makabuluhan ang isang komentaryo? BAGO MAKASULAT NG ISANG DOKUMENTARYONG PANRADYO NARITO ANG MGA DAPAT TANDAAN • Magsaliksik ng mga impormasyon • Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa mga detalye upang ipakita ang kredibilidad ng iyong isinulat • Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa KUWENTUHANG MEDIA Posted by Online Balita on Jun 2nd, 2012 Nakatutuwang makakuwentuhan ang mga kasapi at pinuno ng media sa okasyon ng kaarawan ng magaling na coordinator na si Liza Carreon sa isang forum na kung tawagin ay TUESDAY CLUB sa Pasig City. Magagaling, matatalas at analitikal ang kanilang mga pananaw sa halos lahat ng isyu o pangyayari sa ating bansa, gaya ng mga usapin ng Panatag Shoal at ni CJ Renato Corona. Kabilang sa media people na nakausap ko at nakapalitan ng kuro-kuro ay sina Manila Bulletin Editor-in-Chief Cris “Jun” Icban; Butch Raquel, GMA vice president for communications; BizNews Asia Magazine Editor-in-Chief Tony Lopez, Tony Katigbak (chairman ng Tuesday Club); Bong Osorio ng
  • 471.
    ABS-CBN, ex-MMDA ChairmanBayani Fernando at ex-Marikina City Mayor Marides Fernando; ex-Graphic editor Manuel Almario; columnist Boo Chanco; Pandan, Catanduanes Mayor Resty de Quiroz, dating reporter ng DZRH, at iba pa. Sa ganitong pagtitipon, hindi masasayang ang iyong oras dahil bukod sa tawanan, biruan at kumustahan, nakapupulot ka ng matatalino, magaganda at sariwang opinyon, analisis at personal na paniniwala na kontra o katig sa isang kontrobersiyal na personalidad o usapin. Ang Club na ito ay ipinundar ng yumaong sina Max Soliven at Art Borjal. Binigwasan ng China si US State Secretary Hillary Clinton dahil sa remarks nito tungkol sa gusot sa West Philippine Sea (South China Sea) na rito ay lantarang dinuduro ng dambuhalang bansa ang sisiw na Pilipinas sa Panatag Shoal. Ayon kay Hillary, lumalabis ang China sa pag-angkin nito sa nasabing karagatan kontra sa ipinahihintulot ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Nagbabala ang China na hindi dapat makialam ang US sa usaping ito. Well, maliwanag ang pahiwatig ni Ms. Clinton na tiyak na susugod ang US forces para tulungan ang ating bansa sa sandaling ganap na salakayin at agawin ng China ang Bajo de Masinloc. Sa kabila ng pagbatikos at pagsalungat ng mga makakaliwang grupo na sagad-hanggang-langit ang galit at pag-ayaw sa United States, walang magagawa o masusulingan ang Pilipinas kundi ang humingi ng tulong (kahit hindi diretsahan) o sumandal sa puwersa ng bansa ni Uncle Sam laban sa alinmang dayuhang lakas na ookupa at manduduro sa atin. 465 Mga Gabay na Tanong 1. Anong napansin mo sa mga pahayag mula sa tekstong iyong binasa o sa mga pahayag na iyong napakinggan? 2. May mga salita bang ginamit ang may-akda o ang mamamahayag upang maging susi sa paglalahad ng mga detalye? 3. Batay sa teksto, paano inilahad ang bahaging ginampanan ng radyo bilang salik ng panitikang popular sa pag-unlad ng kasalukuyang lipunan?
  • 472.
    466 GAWAIN 3.2.f:Radyopormasyon Pagkatapos mong basahin at unawain ang mga pahayag sa binasang teksto, punan ang kasunod na kahon ng tamang mga impormasyon. Gawin sa papel. Mga nagpapahayag ng impormasyon Mga pahayag ng mga personalidad Sariling pananaw GAWAIN 3.2.g: Radyotik na mga Titik Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa mga halimbawa ng iskrip panradyo na iyong binasa? Ang mga iyon ay tinatawag na”konsepto ng pananaw.” Mula sa binasang teksto na Kwentuhang Media, Hanapin ang mga salitang tumutukoy sa mga konsepto ng pananaw. Isulat ang iyong sagot sa mga bilog. Gawin sa sagutang papel.
  • 473.
    467 Ugnay-Wika Naritoang ilan pang dagdag na kaalaman upang lubos mong maunawaan kung ano ang tinatawag na Konsepto ng Pananaw. 1. May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito: Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at sistema ng edukasyon. Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na pinamumunuan ng mga dayuhan. Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang kanilang plano. Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa lugar na ito. 2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:
  • 474.
    Sa isang banda/Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapag-isip kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino. 468 ka nang husto. Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa GAWAIN 8: RADYOMENTARYONG MAKABAGO Mula sa mga gawaing iyong nabigyang-tugon mula sa simula ng araling ito, bigyang tugon ang tsart na kasunod sa bahagi ng L. K W H L Pagkatapos mong maitala ang mga bagay na iyong natutuhan, nais ko naman na iyong bigyang-pansin ang mga bagay na nagdulot sa iyo ng maling pag-unawa. Hingin ang tulong ng iyong guro upang mas malawak at mas komprehensibo ang mga bagay na iyong natutuhan. Sa huli, gumawa ng isang komentaryong tumatalakay sa isang napapanahong isyu gaya ng Cyber Bullying, Child Protection Policy at Kalagayan ng Edukasyon sa Bansa. Gawin ito ayon sa hinihinging pamantayan. 1. Isang talatang sanaysay na nagbibigay puna o nagsasaad ng iyong sariling pananaw. 2. Gamit ang mga salitang nagsasaad ng konsepto ng pananaw. Subukin mo namang makagawa ng isang bagay na noong una’y inisip mong mga kilalang mamamahayag lamang sa radyo ang nakagagawa. Mula sa iyong naipong kaalaman sa mga nagdaang gawain, alam kong handa ka na. Bilang Pangulo ng Interact Club ng inyong bayan; sa pamamagitan mo ay inanyayahan kayong magpakita ng pagtatanghal ng isang programang panradyo bilang pagbibigay-pugay sa isang “award winning radio broadcaster/ komentarista” na mula sa inyong bayan, nagdiriwang din siya ng kanyang ika-60, kaarawan; kasabay ng pagdiriwang ng pagkakatatag ng Interact Club.
  • 475.
    469 NARITO ANGMGA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG GINAWANG PAGTATANGHAL NG ISANG PROGRAMANG PANRADYO Pamantay an Napakahus ay 4 Mahusay 3 Umuunlad 2 Nagsisimu la 1 Kabuua ng Marka Masaklaw na paglalahad ng napapanah ong impormasy on Komprehen sibo at makabuluh an ang napapanah ong mga impormasy ong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Masaklaw, makabuluh an at napapanah on ang mga impormasy ong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Makabuluh an at napapanah on ang mga impormasy ong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok ngunit may mga detalyeng hindi nailahad na higit na makatutulo ng sa pagtatangh al May makabuluh an at napapanah ong mga impormasy ong inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok ngunit limitado ang mga ito. Masining at maingat na paggamit ng wika Natatangi ang paggamit ng wika ng kabataan nang higit pa sa inaasahang pamamaraa n sa materyal. Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa kabuuang pagpapaha yag sa nabuong materyal. Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal. Masining na ginamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal ngunit hindi maingat ang paggamit. Mahusay na aspetong teknikal Tipong propesyona l ang pagkakaga wa sa materyal dahil sa husay ng pagtatagpi- Taglay ang lahat ng kailangang elemento sa mabisang pagbuo ng materyal. Naipapamal Taglay ang mga susing elemento sa mabisang pagbuo ng materyal at naipamalas ang angkop Naipamala s sa materyal ang minimal na antas ng pagtatagpi-tagpi ng elemento at
  • 476.
    470 tagpi ng mga elemento nito. as ang kahusayan sa teknikal na pagganap. na teknikal na pagganap. teknikal na pagganap. Pagkaprakt ikal ng rekomenda syon Ang mga inilahad na rekomenda syon ay nagmumun gkahi ng kaisipang pangmatag alan sa kamalayan ng madla Malinaw at kapaki-pakinabang para sa lahat ang inilahad na rekomenda syon. Makabuluh an ang karamihan sa inilahad na rekomenda syon. May mga rekomenda syong inilahad ngunit hindi malinaw ang inimumung kahing mga kaisipan. Kabuuang Marka Naging madali ba para sa iyo ang paggawa ng isang iskrip panradyo? Paano nito naimulat ang iyong isipan sa katotohanan ng buhay? Gawin sa papel. SAGOT: _______________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Binabati kita sa iyong pagsasakatuparan ng mga gawain kaugnay ng iyong pagtuklas ng mga kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng broadcast media. Ngayon naman, ating aalamin ang mahahalagang kaalaman tungkol sa isa pang midyum ng broadcast media, ang telebisyon.
  • 477.
    Isa pang mahalagangmidyum sa larangan ng broadcast media at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon. Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa. Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang 471 dokumentaristang gaya nila? Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan? Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng bawat mamamayan. GAWAIN 3.2.1: Paborito Kong Palabas! Simulan mong pag-aralan ang tungkol sa telebisyon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga programang pantelebisyon sa ibaba. Alin- ang pamilyar sa iyo? Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung bakit.
  • 478.
    Weekend Getaway TVPatrol ART Angel XXX Talentadong Pinoy Rated K Matanglawin TV Patrol Tween Hearts i - Witness Umagang Kay Ganda Mahusay mong nakilala ang mga larawan, tunay ngang ikaw ay isang aktibong kabataan at mulat sa kamalayan ng mga pangyayari sa iyong paligid. 472 GAWAIN 3.2.j: Gulong ng Buhay Telebisyon Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang programang pantelebisyon. PAMAGAT NG PROGRAMA DAHILAN KUNG BAKIT PINANONOOD
  • 479.
    S. O. C.O. 473 GAWAIN 3.2.k: Telembistiga Pansinin ang mga pamagat ng palabas sa telebisyon na nakasulat sa kasunod na mga kahon. Ibigay ang pagkakatulad nila. STORYLINE KRUSADA INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES REEL TIME REPORTER’S NOTEBOOK Alam kong naging madali para sa iyo ang pagkilala at pagbibigay detalye sa mga larawan sa itaas. Oras na upang ipagpatuloy mo ang pag-unawa at pag-aaral ng araling ito. Mga Gabay na Tanong 1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Sino-sino ang tagapag-ulat sa mga programang nabanggit? 3. Paano nila tinatalakay ang kanilang mga paksa? 4. Ang telebisyon bilang salik ng panitikang popular ay maituturing bang isang malaking impluwensya sa paghubog ng bagong kabataan? Pangatuwiranan. Ano ang napansin mo sa iyong mga sagot? Tama! Mga pahiwatig na ikaw ay nakikisangkot sa mga usaping panlipunan gamit ang broadcast media tulad ng telebisyon. Ipagpatuloy mo ang pagtuklas ng karunungan sa susunod pang mga gawain. Nais kong bigyang-pansin mo ang bahaging ito ng aralin.
  • 480.
    Malaki ang maitutulongnito upang higit mong maunawaan ang kaugnayan ng naunang mga gawain sa mga susunod pa. 474 GAWAIN 3.2.l: Teleisipan ng Buhay Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan sa youtube. http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0feature=related.Kung wala nama’y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon. “Sa Gitna ng Dilim” ni MiL Adonis Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na “Gamu- gamo sa dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking naunang mga pangarap sa buhay. Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon. Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at
  • 481.
    paniniwalang ibinigay saakin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication. Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag. 475 Mga Gabay na tanong: 1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo? 2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan? 3. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito? Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain: Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon. Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
  • 482.
    Basahin at unawainmo ang ilang paraan upang tagumpay na 476 maisakatuparan ang gagawing pananaliksik para sa isang dokumentaryo. BAGO SINIMULAN ANG PANANALIKSIK BASAHIN MUNA ANG MGA DAPAT TANDAAN SA PAKIKIPANAYAM UPANG MAISAKATUPARAN ANG PAGBUO NG DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON 1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM *Magpaalam sa taong gustong kapanayamin *Kilalanin ang taong kakapanayamin *Para sa karagdagang kaalaman i-klik ang kasunod na site http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm Mga Dapat Gawin Bago Magpanayam Teknik sa Pakikipanayam Bago Magpanayam 2. PAKIKIPANAYAM *Maging magalang *Magtanong nang maayos. *Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa. *Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam. http://www.careerandjobsearch.com/interview_checklist.htm Teknik sa Pakikipanayam Tagumpay sa Pakikipanayam 3. PAGKATAPOS NG PANAYAM *Magpasalamat. *Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam http://www.careerandjobsearch.com/post_interview.htm Pagkatapos ng Panayam GAWAIN 3.2.m: Telehanayan ng Kasagutan Sa gawaing ito, ikaw mismo sa iyong sarili ang makapagtatala ng mga bagay na iyong natamo sa pag-aaral ng araling ito. Maging maingat at matapat ka sa pagtugon sa hinihingi nito. Gamit ang talaan ng paglalahat na nasa kabilang pahina nais kong sagutin mo ang unang apat na kolum, ang ikalimang kolum ay iyong sagutin sa pagtatapos mo sa kabuuan ng aralin kaugnay ng telebisyon.
  • 483.
    Paksa: “Ang telebisyonba bilang midyum ng panitikang popular ay may 477 malaking impluwensiya sa paghubog ng bagong kabataan?” MGA NAUNA NANG NALAMAN MGA NALAMAN AT NATUKLASAN MGA PATUNAY NG NALAMAN AT NATUKLASAN KATANGGAP-TANGGAP NA MGA KONDISYON PAGLALAHAT GAWAIN 3.2.n: Telementaryo Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood. Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang inilalahad nito. Gawin sa sagutang papel. 1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para ____________________. 2. Dahil _____________ kaya binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain. 3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y ______________. 4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, _________________________________________. 5. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim,” __________________________. Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga pahayag sa itaas? Ano ang iyong napuna? Tama, may mga salitang ginagamit upang makabuo ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng kaugnayang lohikal. Narito pa ang karagdagang impormasyon hinggil sa mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal.
  • 484.
    478 MGA KONSEPTONGMAY KAUGNAYANG LOHIKAL Ugnay-Wika May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan. 1. Dahilan at Bunga/ Resulta Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta nito. Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso) Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta) kaya/kaya naman natuto siya nang husto. Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may hinto dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at resulta) natuto siya nang husto. Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may hinto nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan) natuto siya nang husto. Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan) sapagkat/pagkat/kasi/ dahil nag-aral siyang mabuti
  • 485.
    Makikitang maipahahayag angrelasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito. 479 2. Paraan at Layunin Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso) Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos ng Layunin) Nag-aaral siyang mabuti upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin) matuto nang husto. Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon upang maihudyat ang layunin. 3. Paraan at Resulta Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa, nakaturo sa resulta ang arrow. Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta) nakatapos siya ng kaniyang kurso. Nakatapos siya ng kaniyang (resulta + paraan) kurso sa matiyagang pag-aaral. Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.
  • 486.
    480 4. Kondisyonat Bunga o Kinalabasan Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan:Una, tumbalik o salungat sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o kinalabasan ng arrow. Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga) sana’y natuto ka nang husto. Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon) kung nag-aral kang mabuti. At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito: Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon + bunga) nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto. Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon) kapag/ sa sandaling/ bastat nag-aral kang mabuti. Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.
  • 487.
    481 GAWAIN 3.2.o:Sinematotohanang Kaganapan Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal, sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin sa papel. kaisipan kaisipan kaisipan kaisipan kaisipan Pagkatapos mong makita ang mga larawan sa pahina sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang ipinakikita ng mga larawan? 2. Paano tinatalakay ang kanilang mga paksa? 3. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang maimulat ka sa katotohanan ng mga kaganapan sa iyong lipunan? kaisipan
  • 488.
    Binabati kita, alamkong naging madali para sa iyo ang pagkilala at pagbibigay-detalye sa mga larawan. Oras na upang ang mga natutuhan mo sa mga gawain sa araling ito ay mabigyan mo ng pagtataya. 482 GAWAIN 3.2.p: DokPantele Layunin mo sa gawaing ito na ilapat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentong pantelebisyon na iyong natutuhan. Basahin at unawain ang ipagagawa ko saiyo. Sitwasyon: Taon-taon ay idinaraos ang pagdiriwang para sa pagkakatatag ng inyong lalawigan. Ngayong taon, naatasan ang inyong Samahang Pangkabataan ng Lalawigan (SPL) upang magkaroon ng isang palabas sa gabi ng pagtatanghal. Bilang Pangulo ng inyong samahan, ikaw ang naatasang manguna sa pagpapalabas na may layuning maipabatid ang kasalukuyang kalagayan ng inyong lalawigan. Ito ay sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Ang dokumentaryong inyong itatanghal ay dapat a) gumamit ang wika ng kabataan sa kaslukuyan, b) may mga ekspresiyong nagpapakita ng mga konseptong may kaugnayang lohikal, at c) estilo ayon sa halimbawang iyong nabasa o napanood at sa panlasa ng kabataang tulad mo. Magaling! Natapos na nating talakayin ang tungkol sa radyo at telebisyon, at natitiyak kong naunawaan mo na rin ang mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Para makatiyak ako, gawin mong muli ang sumusunod na gawain.
  • 489.
    483 Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannnaaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn Sa bahaging ito, nais kong pagnilayan mo ang sumusunod na gawain upang higit mong mapalalim ang iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na nakapaloob sa araling ito. Inaasahan ko na pagkatapos ng mga gawain, ang lahat ng iyong maling akala o palagay ay naitama na dahil ito ang daan upang mabisa mong mailipat sa tunay na sitwasyon ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan. Ipaliwanag sa pamamagitan ng sumusunod na dayagram kung paano nakatutulong ang Broadcast Media sa iba’t ibang kaparaanan sa ating araw-araw na pamumuhay. BROADCAST MEDIA RADYO TELEBISYON • pagbibigay ng impormasyon • pagpapahayag ng mga pananaw at opinyon • pagpapabatid ng mga pangunahing suliranin • paglalatag ng mga solusyon sa mga pangunahing suliranin • aksiyong naisagawa/solusyon sa ipinahatid na mga suliranin (serbisyo publiko) Buuin ang pahayag Ang Broadcast Media ay nakatutulong sa ating araw-araw na pamumuhay sapagkat____________________________________________
  • 490.
    484 IIIIlllliiiippppaaaatttt Pagkakataonmo nang ilipat ang mahahalagang konsepto na iyong natutuhan sa araling ito. Alam kong kayang-kaya mo ito. Kung mayroon ka pang hindi nauunawaan, maaari mong tanungin ang iyong guro. Sa pamamagitan ng mga kasanayang iyong natutuhan mula sa mga aralin kaugnay ng broadcast media, tiyak kong matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawaing iyong isinagawa! Alam kong nabatid mo rin ang papel na ginagampanan ng broadcast media sa paghahatid ng mahahalaga at napapanahong impormasyon na nagdudulot sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ng mamamayan. Muli, subukin natin ang iyong galing at talino. Nasa ibaba ang isang gawaing tiyak kong kayang-kaya mong isakatuparan. Isa kang mamamahayag o journalist/ broadcaster. Ikaw ay naatasang magsaliksik kaugnay ng napapanahong isyu sa ating bansa. Binigyan ka ng kalayaan na pumili kung ikaw ay lilikha ng iskrip para sa isang komentaryong panradyo o kaya naman ay para maging bahagi ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Para sa pagsasagawa ng komentaryong panradyo, kinakailangan mong sumulat ng isang iskrip na magtatampok sa batuhan ng ideya at komentaryo kaugnay ng iyong napiling paksa o isyu. Inatasan kang manaliksik upang magkaroon ng wasto at mapanghahawakang impormasyon mula sa mga personalidad na may kinalaman sa paksa o isyu. Kinakailangang bumuo ka ng iskrip para sa dalawang mamamahayag na siyang magbabasa nito sa isang programa sa radyo – ang KABOSES. Kung ikaw naman ay makikiisa sa Pagbuo ng Dokumentaryong Pantelebisyon, kinakailangan mong makipanayam sa isang tao na makapagbabahagi ng impormasyon o kaya naman ay may mahalagang opinyon kaugnay ng paksa o isyung iyong napili. Ang iskrip na iyong mabubuo ay magiging bahagi ng isang dokumentaryong ipalalabas sa KABOSES Station Channel
  • 491.
    Narito ang ilansa mga isyu na maaaring maging paksa ng iyong komentaryong panradyo o dokumentaryong pantelebisyon: 492 Dagdag na Taon sa Hayskul, Kailangan Pa Ba? Ang mundo ba’y sadyang sa pera umiikot? Pamahalaan, Lagi Bang Handa Sa Panahon ng Kalamidad? Bagong teknolohiya sagot nga bas a pag-unlad? Isulat ang matatapos mong iskrip sa isang bond paper. Tiyakin na malinis at maayos ang pagkakasulat nito. Gagamitin sa pagtataya ng iyong gawa ang mga rubric na ginamit sa pagtataya ng komentaryong panradyo at dokumentaryong pantelebisyon sa naunang mga gawain. Narito ang rubrik kung paano mamarkahan ang iyong produkto: Rubrik para sa Multimedia Presentation Pinakamahusay 4 Mahusay 3 Umuunlad 2 Nagsisimula 1 Nilalaman: Layunin Ang presentasyon ay may tiyak na layunin o tema. Ang lahat ng ipinakita rito ay may tiyak na kaugnayan sa layunin at lubhang makabuluhan. Ang presentasyon ay may tiyak na paksa, at may kaugnayan ang mga ipinakita rito sa paksa. May tiyak na paksa ang presentasyon ngunit ilang bahagi lamang ang nagpakita ng kaugnayan sa paksa. Di malinaw na naipakita ang paksa at ang karamihan sa bahagi ay walang malinaw na kaugnayan sa tema. Nilalaman: Kongklusyon Ginamit ko ang aking natutuhan at mga dati ng kaalaman upang mailahad ang aking pag-unawa sa mga datos na nakalap. Nakapaghinuha ako nang maayos na kongklusyon mula sa mga datos na nakalap. Sa tulong ng iba, nakapaghinuha akong isang magandang kongklusyon. Di naging madali ang paghinuha ko ng kongklusyon. Katangiang Pang-Multimedia
  • 492.
    Binabati kita atmatagumpay mong natugunan ang mga gawain sa Aralin 3.2. Ngayon ay inanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga kaalaman at nalinang na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na ito. 493 Gumamit ng mga grapiko, video, tunog, at iba pang multimedia na makatutulong upang higit na maging makabuluhan ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features. Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features. Gumamit ng multimedia upang maisagawa ang presentasyon, ngunit may mga pagkakataong nalalayo sa tema. Sumunod sa batas kaugnay ng copyright sa paggamit ng multimedia features. Di- gumamit ng multimedia upang maisagawa ang Presentasyon Pagiging Malikhain Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood, makadaragdag sa pagpapalabas ng layunin at tema ng paksa. Ang presentasyon ay ginamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood. Sinubukang gamitan ng kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood. Walang ginamit na kakaibang mga likhang sining upang mahikayat ang mga manonood. Pagtatanghal Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita. Naipakita ang kabuluhan ng paksa at tema nito. Pinaghandaang mabuti ang bawat linya at malinaw na binigkas ang bawat salita. May mga ilang pagkakataong kinabahan habang nagsasalita. Di-napaghandaan ang pagsasalita at pagganap.
  • 493.
    494 XI. Pangwakasna Pagtataya Punan ang mga patlang sa bawat bilang upang mabuo ang mga kaisipang isinasaad. 1. Nababatid ng mga mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kaniyang paligid sa pamamagitan ng _____________________________________. 2. Sa pamamagitan ng mga programa sa radyo, ______________________________________________________________ ___________________. 3. Sa panonood ng mga dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan ay ___________________________________________________________. Buong husay mong naisagawa ang Aralin 3.2. Handang-handa ka na para sa huling aralin ng modyul na ito. Pag-uusapan naman natin ang tungkol sa dokumentaryong pampelikula.
  • 494.
    495 AAAArrrraaaalllliiiinnnn 3333....3333:::: DDDDooookkkkuuuummmmeeeennnnttttaaaarrrryyyyoooonnnngggg PPPPaaaammmmppppeeeelllliiiikkkkuuuullllaaaa: MMMMiiiiddddyyyyuuuummmm ssssaaaa PPPPaaaaggggbbbbaaaabbbbaaaaggggoooonnnnGGGG PPPPAAAAnnnnlllliiiippppuuuunnnnaaaannnn IV. Panimula at mga Pokus na Tanong Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at napanonood ay may malaking impluwensiya sa ating mga kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo na’t kung ang ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula na ating napapanood. Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o “pop culture”. Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyan ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Sa ganito ring konsepto, umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng kabataang tulad mo. Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print media, broadcast media at ang paksang iyong matututuhan ngayon, ang Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng Dokumentaryong Pampelikula ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong ekspresiyong biswal na nagtatampok ng katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan. Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon at paggamit ng ICT o Information and Communication Technology upang lalo pang mapalaganap ang ganitong mga akdang pampanitikan. Higit ka pang magkakaroon ng maraming kaalaman kung isasaalang-alang ang sumusunod na tanong 1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?
  • 495.
    2. Bakit maituturingna isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong pampelikula? 3. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag sa mabisang paghahatid ng mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula? 496 V. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito Bilang gabay, narito ang saklaw ng iyong pag-aaral na dapat mong matutuhan Aralin 3.3 : Dokumentaryong Pampelikula Midyum sa Pagbabagong Panlipunan a. Panitikan : “Manoro” (Ang Guro) Dokumentaryong Pampelikula ni Brillante Mendoza b. Wika : Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag VI. Mga Inaasahang Kasanayan Sa araling ito ang sumusunod na mga kasanayang pampagkatuto ay iyong maisasakatuparan. ARALIN Dokumentaryong Pampelikula Midyum Sa Pagbabagong Panlipunan Mga Kasanayang Pampagkatuto Pag-unawa sa Napakinggan Nailalahad ang pangunahing punto at mahahalagang impormasyon sa napakinggan Pag-unawa sa Binasa Nasusuri ang mahahalagang impormasyon para sa sariling pagpapakahulugan sa daigdig na kaniyang ginagalawan - Naiisa-isa ang katangian ng ugnayan ng tao sa lipunan na inilalahad sa akda - Nailalahad ang mga patunay, halimbawa at iba’t ibang damdaming ipinahahayag sa akda/tekstong binasa Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa : - sarili - kapwa - kapaligiran/ lipunan
  • 496.
    497 Pagsasalita Nasusuriang mga uri ng pagpapahayag Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin Pagsulat Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at panonood Tatas Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan o kredibilidad Pakikitungo sa Wika at Panitikan Naipahahayag ang mga saloobin at damdamin gamit ang mga uri ng komunikatibong pagpapahayag Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan Estratehiya sa Pananaliksik Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik Panonood Natutukoy ang kontradiksyon sa pelikulang napanood
  • 497.
    498 VII. Konseptuwalna Balangkas Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling dapat mong matutuhan na magsisilbi mong gabay sa iyong pag-aaral. ` DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA Ang Kaligiran ng Dokumentaryo Komunikatibong Paggamit ng Pahayag VIII. Panimulang Pagtataya Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot sa bawat bilang. 1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas maging makatotohanan. D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _ 2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak. S_ _ D_ _T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M. 3. Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _ 4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay si B_ _ll_ nt_ _e _do_a. 5. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng Indie Films. Paglikha: “Sequence Script” at “Multi-Media Arts Advocacy Campaign” Katuturan ng Dokumentaryong Pampelikula Kaligirang Pangkasaysayan Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula Mga Uri ng Pahayag Pagpapakahulugan ng mga Diyalogo Mga Pamantayan sa paglikha ng “Sequence Script” para sa Dokumentaryong Pampelikula at iba pang uri ng Media
  • 498.
    Sadyang ‘di maikakailaang laki ng impluwensiya ng pelikula sa buhay ng mga Pilipino, at ‘di maitatangging kabilang ka rito. Ipagpatuloy mo na ang pag-aaral ng araling ito. Natitiyak kong lubos kang masisiyahan.Tayo na! 499 IX. Yugto ng Pagkatuto AAAAllllaaaammmmiiiinnnn Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga dokumentaryo at pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular ngayon, ito ay pinagsama, kaya’t tinawag itong “dokumentaryong pampelikula”. Lubha kang magiging interesado sa paksang ito, lalo na sa isang katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay sa modernong panahon na laganap na ang mga modernong teknolohiya na naging bahagi na ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahalagang tanong na magiging gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan? Makatutulong sa iyo ang sumusunod na gabay na tanong upang sa pagtatapos ay masagot mo nang tama ang mga ito. Mga Gabay na Tanong: 1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito? 2. Paano mabisang maipahahayag ang mga saloobin at damdamin sa isang dokumentaryong pampelikula gamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag? Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin ang pormat.
  • 499.
    Sagot: _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay mabisang makapagpahayag ng iyong sariling damdamin, saloobin at pananaw sa pamamagitan ng pagsulat ng isang sequence script o iskrip na nagtataglay ng mga diyalogo gamit ang wastong pagpapahayag na pangkomunikatibo. Sa pamamagitan nito ay iyong maipararating ang mahahalagang mensahe sa kabataan na naghahangad ng pagbabago lalo na sa kasalukuyang panahon.Simulan na natin. 500 GAWAIN 3.3.a: Larawasyon (Imahinasyon Batay sa Larawan) Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng mga kahon sa 3-2-1 Chart. Gawin sa papel. IIII - WWWWiiiittttnnnneeeessssssss REEL TIME
  • 500.
    501 Mula sa:http:/www.google.com.ph 3 ______________________ ______________________ ______________________ AAAAnnnngggg PPPPaaaagggg ddddaaaaddddaaaallllaaaaggggaaaa NNNNiiii MMMMaaaaxxxxiiiimmmmoooo OOOOlllliiiivvvveeeerrrroooos Ano-ano ang eksena sa pelikula o palabas ang tumatak sa iyong isipan. Maglarawan ng dalawa (2) at ipaliwanag kung bakit. ______________________ ______________________ Kung bibigyan ka ng pagkakataon, ano ang isang tanong na nais mong tanungin sa mga tao sa likod ng mga pelikula o palabas na ito? ______________________ 2 1 Alin sa mga palabas o pelikula na nakalarawan ang iyong kinagigiliwan?Magbigay ng tatlo (3) at ipaliwanag kung bakit. Ang Babae sa Septic Tank
  • 501.
    A. Pagkakaiba B.Pagkakaiba 502 GAWAIN 3.2.b: Ihasip Natin (Ihambing at Isaisip) Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa Gawain 3.3.a. Subukin mong ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod na dayagram. Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay ng layunin, paraan ng paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. DOKUMENTARYO PELIKULA C. Pagkakatulad Inalam lang natin kung ano na ang alam mo tungkol sa aralin. Pagkatapos ng araling ito, balikan mo ang iyong sagot. Kung may mali kang akala, itatama natin ito, huwag kang mag-aalala.
  • 502.
    BRILLANTE MENDOZA 503 PPPPaaaauuuunnnnllllaaaarrrriiiinnnn Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang buong teksto, ang iskrip ng pelikula. Makatutulong ito upang malaman mo kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan? Maaari mo na itong panoorin bilang halimbawa ng isang dokumentaryong pampelikula. Pinamagatan itong “Manoro” (The Teacher). Ang salitang manoro ay nangangahulugang “tagapagturo” o “guro” sa katutubong wika ng mga kapatid nating Aeta. Ito ay may kinalaman sa isang batang katutubo, isang Aeta na nagtapos ng kaniyang elementarya sa isang mababang paaralan sa Angeles City, Pampanga at kung paano niya tinuruan ang kaniyang kababayan sa kabundukan na bumasa, bumilang at sumulat. Ngunit bago mo ito, kilalanin mo muna ang batikang direktor nito. Basahin ang kasunod. Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang popular. Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang “pinilakang-tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na pinarangalan sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo
  • 503.
    sa pedestal anggaling ng mga Pilipino sa larangan ng film-making at film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino. Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang mismong kanilang “mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na nakasulat sa wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig ang “Manoro” (The Teacher) o “Manoro” (Ang Guro). Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa. http:/www.google.com.ph/ http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang detalye nito para sa isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri. Patalasin mo ang iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang sa ganoon kapag ito naman ay iyong pinanood bilang isang pelikula ay mas malawak ang iyong magiging kaalaman sa isang dokumentaryong pelikula na katulad nito. 504
  • 504.
    505 “ MANORO“ (Ang Guro) (Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon) Hinalaw at Isinalin ni Jet Oria Gellecanao Mula sa: http://www.google.com.ph/ images “ MANORO ” (Ang Guro) Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong Pampelikula Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng “kamangmangan” o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula ng ating kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat. Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng matagal nang nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga, gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral sa mga paaralan na malapit rito.
  • 505.
    Alamin mo kungpaanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na baitang sa elementarya maging sa isang simpleng pamamaraan mula sa kaibuturan ng kaniyang puso ay gumawa ng isang pagbabago sa kasaysayan ng lahing katutubo. EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day) Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa iba’t ibang reaksiyon ng mga tao. Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Ito’y napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng elementarya. Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat. Maririnig ang ilang mga usap-usapan: 506 Babae1 : Dala mo ba ang camera mo? Babae 2 : Hindi eh, naisanla ko kahapon. Ina 1 : Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang seremonya. Batang Babae : Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up. Ina 2 (nakangiti sa anak) : Ang sampagita na ito ay para sa mga ga-graduate tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa ‘yo ‘to. Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga sanggol. Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan: Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa isang Intsik sa bayan. Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming magbasa ngayong summer para makuha niya na rin ang scholarship na gusto niya ngayong Hunyo. Babae 1 : Isa ka ba sa mga estudyante niya? Babae 2 : Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng eleksyon. SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS. Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid. Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit ang isa sa mga tanyag na linya: What you sow, is what you reap. Masaya ang buong paligid, ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay may maliliit na batang naghaharutan at nag-aaway. Medium close-up shot sa isang mensaheng nakadikit sa dingding:
  • 506.
    507 “Bawat Graduate,Bayani at Marangal na Pilipino.” Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro: Guro: Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy? Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon. (Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga picture-taking. Natapos na ang masayang graduation.) EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong Resettlement Area ng mga katutubo Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa resettlement area ng mga Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at nagtatawanan ang mga katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga kasamahan kung ilan lahat ang mga litrato niya at kung magkano lahat ang mga ito. Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo Namalyari. Jonalyn: Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang linggong sumama ang tiyan ni Lolo.” (sabay hagikhikan ang lahat) (Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, binabasa nila ang hawak na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang byahe, maalikabok ang daanan; Close-Up Shot sa kalawanging gulong ng jeep.) EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad (Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga batang katutubo na nagsisipaglaro) Bata 1 : Oy akin ‘yan, huwag kayong magulo, tingnan n’yo, magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel! (Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala ang balota papunta sa bahay nila) (Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga ito… “ Maaryong aga, mam.”) Jonalyn: O sige, bilisan n’yo dyan, baka sipunin kayo.
  • 507.
    508 (Samantala, nasalubongniya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila mabigat ang pasan-pasan sa likuran) Jonalyn: Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo? Lalaki: Oo, sinisikap ko Jonalyn: Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok? Lalaki: Hindi, hindi ko siya nakita, (Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad si Jonalyn patungo sa tindahan.) Babaeng Aeta: “Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.” (Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahaging bigas.) Jonalyn: Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya. Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa namang ibahagi ang ani ko sa lahat. EKSENA 4 – Sa Tahanan nina Jonalyn (Sa tahanan nina Jonalyn: Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa Diploma; pakakainin ng tinapay ang kaniyang mga kapatid) Jonalyn: Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna tayo ng tinapay, sabayan n’yo ako. Mga Kapatid: Isa…Dowa…Tatlo…Apat! (Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.) Nakakagutom lalo ang magbilang. Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto. Jonalyn: O, Mamang ba’t dito n’yo sinulat ang pangalan n’yo? (Sabay bura) Sino ho bang iboboto ny’o, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan niya,tingnan n’yo po at tandaan, ‘di po sapat na alam nyo lamang ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos ang antena ng telebisyon) Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng tao sa TV! (Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid) Jonalyn: Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo! (Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang
  • 508.
    pagkabagsak; nagulat siJonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang tatay ay tila walang nangyari) 509 Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok. Jonalyn: Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para makaboto. Mang Edgar: Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon! EKSENA 5 – Simula ng isang malayong paglalakad (Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan naroon ang mga Koreano, binati nila ang isa’t isa.) Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): “Yu nid to fill-up aplikey-shen form for your job”... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho) (Nagpasalamat ang mga ito.) Mang Edgar: Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa at magsulat. Jonalyn: O sige, para makaboto ka. Mang Edgar: Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon. (Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.) (Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang iba’t ibang eksena, ipinakita ang karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangkang sumakay ni Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na tinanong niya kung pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila isang munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay tanong ng ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong nila si Apo Almario...) Jonalyn: Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen? Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita! Ama: Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.
  • 509.
    510 Apo Almario:Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas. Jonalyn: O sige po, salamat, bomoto ka bukas! (Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at binati siya ng ‘magandang umaga’ ng mga ito, sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahagi ng bundok ay natanaw nila ang isang napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin) Jonalyn: :Sa ginagawa nilang ‘yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon (Malungkot ang mukha) EKSENA 6 – Patungo na sa Kabundukan (Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga tanawin sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila sila ay pumapasok na sa isang bagong daigdig) (Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kaya’t muli niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang siya ay sumandaling umihi, nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa isang bahagi ng ilog-ilogan; sa bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig mula sa kabundukan na umaawit...isang awit ng papuri: “Apo Namalyari Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon Dito sa aming taniman Kayo lamang ang makatutulong sa amin” (Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kaya’t siya’y napaawit rin): “Ako’y nagsabi kay tatay, Manghuhuli ako ng usa, “Ako’y nagpaalam kay nanay Para manghuli ng ibon Ngunit ako itong nahuli Ng katutubong Aeta” (Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, nakita nila ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng pagtugtog ng munting gitara ng isang babaeng Aeta) Mang Edgar: Nakita n’yo ba ang aking Ama?
  • 510.
    511 Mga Katutubo(nagsisipagtanim): Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga dalawang araw na ang nakalilipas. Mang Edgar: Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo. Jonalyn: Amang, tara munang magdasal. (Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga kamay) Apo Namalyari... Sana’y ligtas ang aming Apo Bisen Tatlong araw na po siyang nawawala Sana po ay amin siyang makita Sa lalong madaling panahon Jonalyn: Amang, mag-ingat ka! Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng pananghalian! EKSENA 7 – Ang Pananghalian (Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang pananim...) Katutubo: Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok! Katutubo: (Habang kumakain) ‘Dyuna, turuan mo kami uli kung paano magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!” Jonalyn: Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo. (Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang batang babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba, kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan): Batang Babae: Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit... Jonalyn: Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto! Batang Babae: Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna! (Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena: Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at halos magpambuno sila.)
  • 511.
    512 EKSENA 8– Araw ng Eleksyon (Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin ang araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo) Aling Carol (ina ni Jonalyn): Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at bantayan mo muna ang iyong mga kapatid para makaboto kami. Mang Edgar: Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn, isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi marunong siya. Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang magbabantay sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto. (Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at boboto ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen, ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.) (Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan, kelangang hanapin sa registerd voter’s list ang pangalan ng kanyang mga magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong iba raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto ang kaniyang ama) (Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.) Jonalyn: Lola, nakaboto na po ba kayo? Lola: Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at si GMA. EKSENA 9 – Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni (Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, may bahid ng kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga panahong yaon.) (Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kaya’t hindi na sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at kapulisan na sa
  • 512.
    akala niya’y sasaklolosa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na katutubo na buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kay Jonalyn, isang kabiguan sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang kaniyang mga pagsusumikap ng mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga mata ang butil ng mga luha...malayo ang tingin.) (Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang mula sa kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboy-ramo, sabay nagwika itong: 513 Apo Bisen: Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.) EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang (Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo. Apo Bisen: “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”. (Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang “Babangon ang Pilipinas”) (Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon) Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo. W A K A S GAWAIN 3.3.c: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw) Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong upang iyong makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong kaalaman, pagkilala sa sarili at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot sa papel.
  • 513.
    Paano nakapagpapamulat ngkamalayan ang isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong Pampelikula na bahagi ng ating kultura at panitikang popular? Ipaliwanag. Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong sarili bilang isang mahusay na lider at tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami sa kasalukuyang panahon? Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga kababayan mo na nagtataglay ng “kawalang-alam” (illiteracy) lalo na sa pagbasa at pagsulat? Ano ang naisip mong mga proyekto para sa kanila? Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo? Magbigay ng mga mungkahi Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa kaniyang edad, wasto ba ang hakbang na isinagawa ni Jonalyn para sa kaniyang mga kapwa katutubo? Maraming salamat sa buong husay mong pagsagot sa mga tanong na ibinigay sa iyo batay sa akdang iyong binasa at pinanood na pelikula. Mula sa dokumentaryong pampelikula na iyong napanood at iskrip na iyong nabasa, batid naming namulat ang iyong isipan sa tunay na kalagayan ng mga katutubo sa mga kabundukan, ang kanilang lagay sa lipunan at ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman, ang isang dokumentaryong pampelikulang tulad nito ay isang matibay na instrumento upang maipamulat 514 Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad ni Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo at ng bansang Pilipinas?
  • 514.
    sa bawat isasa atin ang katotohanan ng buhay. Higit pa nating palawakin ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan: Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang “aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng “travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”. Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na “Cinema Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng “filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga 515
  • 515.
    nabanggit, karaniwang nauusoang mga “Independent o Indie Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino. Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong 516 dokumentaryong pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento: Mga Elemento ng Pelikula a. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento. b. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera. c.Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at amdamin ng manonood. Iba pang mga Elemento a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas. b. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula. d. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.
  • 516.
    _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ 517 GAWAIN 3.3.d: Patinikan sa Panitikan Muli nating balikan ang iba’t ibang eksena mula sa dokumentaryong pampelikula na Manoro (Ang Guro), Para sa iyo, ano ang mga nais bigyang-tuon nito? Isulat ang sagot sa papel. Mula sa mga naunang gawain, nabatid natin na upang maging nakasisiya at mabisa ang isang dokumentaryong pampelikula, mahalagang isaalang-alang ang bawat kuha at anggulo ng kamera na tinatawag na camera shots and angles nito sapagkat lalo nitong pinagaganda ang screenplay ng isang obra maestra. Malaki rin ang bahaging ginagampanan nito sa emosyon, lalim at kakintalan at ang magiging implikasyon ng isang dokumentaryo sa mga manonood nito.
  • 517.
    518 Mga KaraniwangUri ng Anggulo at Kuha ng Kamera 1. Establishing / Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo. 2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye. 3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel. 4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha. 5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim. 6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. GAWAIN 3.3.e: Kuha Ko, Hula Mo 7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong Matapos mong matutuhan ang iba’t ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera at ang kahalagahan nito sa pelikula, ngayon ay pagmasdan mo ang kasunod na mga larawan ng mga aktuwal na kuha ng kamera sa pelikulang iyong napanood. Isulat kung anong uri ito ng camera shot at ipaliwanag ang nais nitong ipahiwatig. Uri ng Kuha: _______________________ Nais Ipahiwatig: __________________________________ __________________________________
  • 518.
    Uri ng Kuha:_______________________ Nais Ipahiwatig: __________________________________ __________________________________ Uri ng Kuha: _______________________ Nais Ipahiwatig: __________________________________ __________________________________ Uri ng Kuha: _______________________ Nais ipahiwatig: __________________________________ __________________________________ Mula sa: http://www.google.com.ph/images Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kaniyang mga pananalita. Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod na pangungusap. 519 a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin 1. “Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.” (pagtanggap) 2. “Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?” (pag-aalinlangan)
  • 519.
    3. “Nakalulungkot isipin,ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga 520 pananalitang yaon.” (pagtanggi) 4. “Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.” (pagsang-ayon) 5. “Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.” (pagsalungat) b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama 1. Pagbibigay-babala “Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.” (pagbibigay-babala) “Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.” 2. Panghihinayang “Sayang, tama sana ang aking kasagutan.” “Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.” 3. Hindi Pagpayag “ Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.” “ Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n’yong isagawa.” GAWAIN 3.3.f: Pahayag Ko, Tugon Mo Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood. Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin ang tamang sagot mula sa kahon sa itaas . Isulat sa papel ang mga sagot. Pagtanggi Pagsang-ayon Pagbibigay-babala Panghihinayang Panghihikayat Pagsalungat “Ama mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, mapanganib sa daan!” 1. “Hindi dapat maiwan si Jonalyn, dapat kasama natin siya sa pagboto.” 2.
  • 520.
    521 “Sa ginagawanilang iyan, inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon.” 3. “Hindi na ako bomoto, dahil naniniwala akong hindi naman ito makapagpapababa at makababawas ng aking 4. “Ang sampagitang ito ay para sa mga ga-gradweyt lamang, isuot mo, huwag kang mahiya, bagay sa iyo ito.” 5. “ O sige, mag-aaral tayo pagkatapos ng pananghalian natin.” 6. GAWAIN 3.3.g: Pahayag Ko, Interpretasyon Mo pagkatao.” Ngayon naman ay basahin mo ang Sanaysay na ito. Sa pamamagitan nito ay higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na paksang pangwika. Nakapaloob rito ang ilan sa mga pagpapahayag at pag-alam ng mga kaisipan, saloobin, paggawi at pagdama. Hanapin ang mga ito mula sa Sanaysay at isulat ang iyong mga kasagutan. Ipaliwanag din ang kahulugan ng bawat pahayag. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. Sundin ang pormat. PPPPiiiinnnnttttiiiigggg,,,, LLLLiiiiggggaaaalllliiiigggg aaaatttt DDDDaaaaiiiiggggddddiiiigggg Jet Oria Gellecanao “Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali, ng bawat puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa isang maligalig na daigdig.” Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang ito “Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,” wika ng isang lola. “Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!” Mas
  • 521.
    matigas na rinang ulo ng mga kabataan!” sambit naman ng isa. Sumagot naman itong si lolo: “Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas maabilidad na ang mga bata sa ngayon.” Kaya, kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga talento at taglay na kaalaman? Madalas rin silang magpayo sa atin: “Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka ika’y madapa, mas malalim ang sugat.” Dapat lamang na pakinggan natin ang mga payong ito sabay sambitin ang mga katagang “Taos-puso po naming tinatanggap ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan.” Kaisipang nagpapaalala sa atin na nawa’y tahakin natin ang tama at tuwid na landas. Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng pamumuhay ng bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na sa kanilang mga pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa sa mga higit na nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng modernong teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng “Globalisasyon” at ang paglitaw ng teoryang “Global Village” kung saan ang mundo, ang bawat bansa at bayan na naririto ay wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba pa upang mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon. Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw na ang mundo. Maaari kayang mangyari ang iba’t ibang mga hula ng mga tao tungkol dito? Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi upang gunawin at sirain lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng kanyang mga nilikha. Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulay-bulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? 522
  • 522.
    Higit sa lahat,ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kaya’t ito ang tamang panahon upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa isang araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang “Sayang, kung ginawa ko lamang sana iyon.” Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras, nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo ang hamon sa iyo! Pahayag: _____________________________ Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________ Pahayag: _____________________________ Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________ Pahayag: ______________________________ Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________ 523 Pahayag: ______________________________ Paliwanag/Interpretasyon:____________________________________ GAWAIN 3.3.h: Katutubo – Kapatid, Kapamilya’t Kapuso Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang mga kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop na komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat. Pagnilayan PPPaaagggnnniiilllaaayyyaaannn aaaatttt UUUUnnnnaaaawwwwaaaaiiiinnnn Mula sa mga nauna nating pinag-aralan, natutuhan mo ang mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentaryong pampelikula. Kabilang na rito ang pagsusuri sa nilalaman nito at kung ano ang panlipunang kahalagahan nito lalo na sa panahon ngayon. Alam mo rin na ang isang pinakamahalagang elemento ng dokumentaryong pampelikula ay ang iskrip kung saan nakapaloob ang mga diyalogo o mga pananalitang namumutawi sa bibig ng mga artistang gumaganap. Sa pananaw ng scriptwriter at ng direktor, ang mga diyalogong ito ay may mas malalim na pagpapakahulugan, sapagkat mula sa mga ito ay makukuha mo ang mga nakapaloob na mensahe upang magsilbi itong kamalayan upang buksan ang isipan ng bawat isa tungkol sa mga isyung panlipunan. Narito ang ilan pang gawain na may
  • 523.
    kinalaman dito upanghigit pa nating mapalalim ang iyong pag-unawa sa kung paanong ang isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao at pagbabagong panlipunan? ___________________________ ___________________________ ___________________________ _________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ _________ ___________________________ ___________________________ ___________________________ _________ 524 GAWAIN 3.3.i: INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo) Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. Paano mo ito bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa tunay na buhay at sa kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon. Isulat sa papel ang sagot “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao” “Huwag na, hindi na mahalaga ‘yon, pagsasayang lang ng oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko na mag-fill-up ng aplikasyon.” “Apo Namalyri Kami’y wala, kung hindi dahil sa ‘yo Makapangyarihang Isa Kami ngayo’y nangagtipon Dito sa aming taniman Kayo lamang ang makatutulong sa amin” Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa mabisang komunikasyon ang pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muli mong balikan ang ilang diyalogo sa dokumentaryong pinanood na sa palagay mo ay tumimo sa iyong isipan, bigyan ito ng pagpapakahulugan.
  • 524.
    525 GAWAIN 3.3.j:Pelskrip (Pelikula at Iskrip) Sa iyong naunang mga gawain ay nalaman mo ang uri ng mga pahayag na mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na nakatutulong upang magkaroon ng mas malalim na pagpapakahulugan ang mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman ay subukin mo ang iyong kakayahan sa bagay na ito. Ang sumusunod na larawan ay batay sa isang Indie Film na “Ang Babae sa Septic Tank” sa direksiyon ni Marlon Rivera, isang pelikulang nagkamit ng maraming parangal na ang pangunahing tema ay suliraning panlipunan. Subukin mong bumuo ng mga diyalogo mula sa mga ito na ginagamitan ng iba’t ibang uri ng mga pahayag na ating tinalakay sa mga naunang aralin. Gawin sa papel. Mula sa: www.starcinema.com.ph/ _________________________________ _________________________________ _________________________________ _____________________ _________________________________ _________________________________ _________________________________ ____________________
  • 525.
    526 GAWAIN 3.3.k:Dokyufil: Pelikula at Dokumentaryong Filipino – Epekto Sa Iyo Ang mga pelikulang katulad ng “Babae sa Septic Tank” at “Manoro” (Ang Guro) ay pangunahin at tahasang tumatalakay sa napapanahong mga isyu sa ating lipunan. Kaya’t ang matataas na uri ng mga obra-maestra na katulad ng mga ito sa larangan at industriya sa paglikha ng pelikula ay nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng kultura at panitikang popular sa ating bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi naimumulat nito ang ating kamalayang panlipunan, at kung ano ang naging implikasyon o bisa nito sa iyo bilang mag-aaral. Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng dokumentaryong “Manoro” (Ang Guro) batay sa sumusunod na aspeto. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. MANORO (Ang Guro) Dokumentaryong Pampelikula IMPLIKASYON Kaugnayan sa Tunay na Buhay SARILI PAMILYA LIPUNAN _____________ _____________ _____________ _____________ ____ _____________ _____________ _____________ _____________ ____ GAWAIN 3.3.l: Ako Mismo, Kikilos Ako! _____________ _____________ _____________ _____________ ____ Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda, panahon na upang ibahagi mo naman kung paano ka makatutulong sa iyong pamayanan bilang isang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga suliraning panlipunan na kinakaharap sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.
  • 526.
    “AKO MISMO, BATANG LIDER” Matapos mong maisagawa ang napakahalagang gawaing ito ay lubos 527 kitang binabati at pinasasalamatan! Mula pa lamang sa simula ng iyong pag-aaral ay nabanggit na sa iyo na mahalagang maunawaan mo na mahalaga ang bahaging ginagampanan ng dokumentaryong pampelikula sa lipunang ating ginagalawan at pati na rin sa iyong sarili. Batay rin sa mga gawaing iyong isinagawa, naging bahagi ka sa paglutas ng ilang mga suliranin sa inyong pamayanan bilang isang batang lider. Mula sa mga ito ay iyong mahihinuha ang kahalagahan ng media o anumang uri ng midyum sa paglutas ng mga suliraning panlipunan at ikaw bilang isang natatanging kabataan na nagtatalay ng matibay na personalidad sa pagharap mo sa marami pang hamon na darating sa iyong buhay. Kaugnay nito bumuo ka ngayon ng isang Repleksiyon batay sa lahat ng iyong mga natutuhan sa araling ito. Sundin ang pormat. Ang Aking Repleksyion … ________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________
  • 527.
    528 IIIIlllliiiippppaaaatttt GAWAIN12: Iskripkoto Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha ng isang iskrip para sa isasagawang dokumentaryong pampelikula gamit ang iba’t ibang uri ng mga pagpapahayag.Ngunit bago iyon, dapat mong malaman na bago ka gumawa ng isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong simulan sa pagbuo ng isang sequence script na magsisilbi mong pinakapundasyon at pinakagabay sa iskrip na iyong isusulat. Narito ang isang halimbawa, (halaw sa “Manoro”, Ang Guro) basahin, pag-aralan at unawain mo itong mabuti. ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (“SEQUENCE SCRIPT “) Eksena Bilang at Tagpuan Kuha at Anggulo ng Kamera Mga Detalye/ Paglalarawan at Kaisipan ng Eksena Mga Tauhan at Iba pang Datos na Kinakailangan Eksena / Sequence 1: School Grounds (Graduation Day) Establishing Shot sa “school grounds” Medium Shot sa mga taong nakapaligid (iba’t ibang senaryo) Close-Up Shot na ipakikita ang ilang eksena ni Jonalyn (pangunahing tauhan) Magbubukas ang eksena sa “school grounds” sa araw ng graduation. Hindi magkamayaw ang mga tao. Masayang-masaya ang lahat at lubos ang pananabik. Ngunit kasabay nito ay ang pag-iyak ng mga bata’t sanggol. Maririnig ang ilang mga usapan. Karamihan ng mga tao sa isang tipikal na “Graduation Day” (iba’t ibang eksena) Isa sa mga unang makikita ang pangunahing tauhan (Jonalyn Ablong) kasama ang ilang miyembro ng kanyang pamilya (matatapos nang masaya ang graduation) Eksena / Sequence 2: Sa isang Jeep na patungong Resettlement Area ng mga Katutubo Long Shot sa isang Jeep na papunta sa Resettlement Area ng mga Katutubo (tinatahak ang mababato at maalikabok na mga Ipakikita ang andar ng isang jeep sa mabato at maalikabok na daanan, may ilang batang lalaki na Mga ilang batang katutubo na gumradweyt, mga ina, sanggol at iba pang mga batang sumama sa graduation at
  • 528.
    529 daanan) MediumShot sa mga nagsisipagtawanang katutubo tungo sa Close-Up Shot sa nagsasalitang si Jonalyn (pangunahing tauhan) nakasakay sa itaas ng jeep Masayang nagtatawanan ang mga katutubo tungkol sa katatapos na Graduation hanggang sa pagdating sa kanilang lugar tampok ang pangunahing tauhan na si Jonalyn Ablong Gumawa ka ng isang iskrip pandiyalogo na maaaring isadula ng pangkat ng mag-aaral kabilang ka sa loob ng limang minutong pagtatanghal na may temang: “Tiwala ang Tanging Sandigan – Pagsisikap at Pagdarasal Upang Malampasan ang Kahirapan”. Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing inilaan ko para sa iyo, sagutin mo muna ang Pangwakas na pagtataya para sa araling ito. VII. PANGWAKAS NA PAGTATAYA: Isulat ang wastong sagot sa patlang. 1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting. ____________ 2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento. ____________ 3. May katuturang “pelikula totoo” at katangian ng isang dokumentaryong pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari. ____________ 4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject. Naging pamamaraan ng mga makabagong direktor sa kasalukuyan. ____________ 5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan. ____________
  • 529.
    Natapos mo naang huling aralin ng modyul na ito. Sa kabuuan naunawaan mo na ang tungkol sa iba’t ibang uri ng panitikang popular mula sa mga babasahing popular, radyo, telebisyon at maging pelikula. Ngayon, subukin natin kung talagang naunawaaan mo ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa modyul na ito na nais kong maiwanan sa’yo. At masasagot mo na nang tama kung paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular, at bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bago pa man kita pinasagot sa mga gawain sa bawat aralin ay tinanong ko na sa iyo sa simula pa lamang. Panitikang Popular 530 PAGNILAYAN PPPAAAGGGNNNIIILLLAAAYYYAAANNN AAAATTTT UUUUNNNNAAAAWWWWAAAAIIIINNNN Binabati kita at natapos mo nang buong husay ang tatlong aralin na nakapaloob sa modyul na ito. Natitiyak ko na naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto tungkol sa mga panitikang popular tulad ng iba’t ibang uri ng pppprrrriiiinnnntttt mmmmeeeeddddiiiiaaaa, radyo, telebisyon at pelikula. Natitiyak ko rin na alam mo na kung paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular. Napag-alaman mo rin na may iba’t ibang mga aspeto na nakaimpluwensiya at nakaapekto kung bakit unti-unting nabago ang mga anyo ng panitikan mula noong sinauna pang panahon tungo sa kasalukuyan. Kaugnay nito, nais ko muling subukin ang lawak ng iyong pag-unawa at ang taglay mong kaalaman tungkol sa bagay na ito. Ito ay masusukat sa sumusunod na gawain. Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod na aspeto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa tradisyunal na uri tungo sa mga panitikang popular. Lengguwahe/Wika Makabagong Teknolohiya Mga Suliranin at Kalagayang Panlipunan Prinsipyo at mga Paniniwala Tradisyunal na Anyo ng Panitikan Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag
  • 530.
    Napag-alaman ko nabilang anyo ng panitikan, ang tradisyunal ay _________________________. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa popular dahil sa ________________________. Nakatutulong ang panitikang popular upang __________________. Bilang isa sa mga kabataan, sisikapin kong ____________________________. Natugunan mo na ang lahat ng gawain na inilaan sa iyo ng modyul na ito. Tunay na marami ka ng naipon na kaalaman at higit na ang iyong kahandaan hindi lamang sa pagsagot ng modyul na ito, ngunit higit sa mas malalim na pagtingin sa mga kaganapan sa iyong paligid. Bilang isang hamon bakit hindi mo sikaping higitan ang inaasahan kong magagawa mo. Tunguhin mo ang panuto sa kasunod na pahina at isagawa ang iniaatang sa iyong gawain. 531 IIIILLLLIIIIPPPPAAAATTTT Dapat nating maunawaan na lahat ng mga midyum na tinalakay sa bawat aralin ng Modyul 3, kabilang ang Kompyuter o ICT bilang malaking bahagi ng Kulturang Popular tungo sa mga Panitikang Popular na umiiral sa kasalukuyan. Basahin at unawain mong mabuti ang nakaatang na gawain para sa iyo at ng iyong mga kamag-aral. Basahin ang nakasulat sa loob ng kahon: Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay na lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na maging kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong barangay at mga
  • 531.
    paraan upang masolusyunanang mga ito. Ang materyal na iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan: komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang teknikal at praktikal na mga rekomendasyon. Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t ibang midyum na iyong natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng mga kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari ka rin namang bumuo ng isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya namang ginagamit na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula. Maaari mo ring i-post sa internet ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang maitatampok sa iyong bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong baranggay at ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral na suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad. Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong mahahalagang mga plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang produkto. Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa mga eksena sequence script at iskrip na pandiyalogo 1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging 532 makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala. 2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang maging malikhain. 3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang iba’t ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito. 4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat ng mga diyalogo. 5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng isang mabisang iskrip.
  • 532.
    Narito naman angmagiging pamantayan sa iyong mabubuong 533 campaign material • Orihinalidad at Pagkamalikhain – 40 % • Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena - 20 % • Linaw ng Kaisipan at Mensahe - 10 % • Epektibong Gamit ng Wika - 20 % • Aplikasyong Teknikal - 10 % _______ 100 % Kaugnay nito, narito ang mga batayan at pamantayan sa pagmamarka ng iyong isasagawang proyekto MGA PAMANTAYA N Kapugay-pugay 4 Magaling 3 Umuunlad 2 Nagsisimula 1 M A R K A Masaklaw na paglalahad ng napapanahong impormasyon Komprehensibo at makabuluhan ang napapanahong mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Masaklaw, makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok. Makabuluhan at napapanahon ang mga impormasyong inilalahad sa materyal alinsunod sa paksang itinatampok ngunit may mga detalyeng hindi nailahad May makabuluhan at napapanahon g mga impormasyon g inilahad sa materyal ukol sa paksang itinatampok ngunit limitado ang mga ito. Masining at maingat na paggamit ng wika Natatangi ang paggamit ng wika ng kabataan nang higit pa sa inaasahang pamamaraan sa materyal. Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa kabuuang pagpapahaya g sa nabuong materyal. Masining at maingat na nagamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal. Masining na ginamit ang wika ng kabataan sa karamihan ng pahayag sa nabuong materyal ngunit hindi maingat ang paggamit. Mahusay na aspetong teknikal Tipong propesyonal ang pagkakagawa sa materyal dahil sa husay ng pagtatagpi-tagpi ng mga Taglay ang lahat ng kailangang elemento sa mabisang pagbuo ng materyal. Taglay ang mga susing elemento sa mabisang pagbuo ng materyal at naipamalas Naipamalas sa materyal ang minimal na antas ng pagtatagpi-tagpi ng elemento at
  • 533.
    534 elemento nito.Naipapamalas ang kahusayan sa teknikal na pagganap. ang angkop na teknikal na pagganap. teknikal na pagganap. Pagkapraktikal ng rekomendasyo n Ang mga inilahad na rekomendasyon ay nagmumungkahi ng kaisipang pangmatagalan sa kamalayan ng madla Malinaw at kapaki-pakinabang para sa lahat ang inilahad na rekomendasyo n. Makabuluhan ang karamihan sa inilahad na rekomendasyo n. May mga rekomendasy ong inilahad ngunit mabuway ang mga iminumungka hing kaisipan. KABUUANG MARKA Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing iniatang sa iyo bilang isang mag-aaral, binabati kita! Isang matagumpay na pag-aaral para sa iyo! Tunay na isa kang masipag at matalinong mag-aaral! X. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (PARA SA KABUUAN NG MODYUL 3) Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. Roel: “Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa senado.” Macky: “Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit pa nakapikit!’ Roel: “Sinabi mo pa, partner!” Macky: “Ano ba talaga ‘yang FOI, partner?’ Roel: “Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.”
  • 534.
    535 1. Alinsa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag? 2. a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit na nakapikit! b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno. c. Naku! Delikado naman pala iyan! d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon. 3. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit? a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan. b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas. c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas. d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito. 4. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa? a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista. b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga personalidad. c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa. d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig. 5. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng pananaw mula sa akda? a. naman pala c. sang-ayon sa b. sabi nga d. ng mga 6. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong panradyo? a. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin. b. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung tinatalakay. c. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu. d. Lahat ng nabanggit.
  • 535.
    Parami na nangparami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa kanila ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap sa kanilang mga anak. 7. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng 536 ___________. a. sanhi at bunga c. paraan at resulta b. paraan at layunin d. kondisyon at kinalabasan 8. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying? a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya. b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan. c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak. d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit. 9. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag? a. bunga + sanhi c. paraan + resulta b. sanhi + bunga d. resulta + paraan 10. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa? a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan. b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata. c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa. d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
  • 536.
    (1) “Nais konglinawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa akin. Ako’y wala ginagawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais na mapag-isa. Tama kayo. (2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat. (3) Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. (4) Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa iyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka. 537 11. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan? a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan. b. Natatalakay dito ang iba’t ibang panig ng isang isyu. c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin. d. Lahat ng nabanggit. 12. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa? a. 1 c. 3 b. 2 d. 4 13. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _____________. a. paghanga c. pag-asam b. pananabik d. kasiyahan 14. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay ___________________. a. manghikayat c. magbigay-parangal b. magpaliwanag d. magbigay-kaalaman
  • 537.
    Labis na naguguluhansi Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet. 15. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan 538 mula sa tekstong binasa? a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San Juan, Metro Manila. b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga katutubong Aeta. c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa usapin sa lupa d. Tensyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal 16. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto? a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng anumang layunin. b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin. c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan. d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan
  • 538.
    EKSENA 10 -Isang Natatanging Pagdiriwang Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo...Doon nagwika ang kaniyang Apo Bisen “Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao”. Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang “Babangon ang Pilipinas” 17. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging 539 nabasa? a. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas. b. Ipakita ang kahalagahan ng pagboto upang magkaroon ng pagbabago. c. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging maunlad. d. Darating ang panahon na uunlad din ang ating bansa. 18. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit? a. Maraming mamamayan ang hindi nakakaunawa ng kahalagahan ng pagboto. b. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong magsulat. c. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan. d. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa. 19. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang dokumentaryong pampelikula? a. pananaliksik c. pag-eedit b. pagdidisenyo ng produksyon d. lahat ng nabanggit 20. Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa? a. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa kamangmangan ng mga mamamayan. b. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi matapat. c. Mahirap ang maraming mga lipunan sa Pilipinas. d. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila ng kahirapan.
  • 539.
    21. Aling pangyayarisa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga 540 manonood batay sa bahaging nabasa? a. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay. b. Nagdiwang ang buong barangay at nagsaya ang lahat. c. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo. d. Nakasulat sa likuran ng mga bata ang katagang Babangon ang Pilipinas Binabati kita at matagumpay mong nasagot ang mga gawain sa bawat aralin ng modyul na ito. Naniniwala akong naunawaan mo ang mahahalagang konsepto na nais kong iwanan sa iyo na magagamit mo sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Nawa’y naging makabuluhan sa iyo ang ginawa nating pag-aaral. Handang-handa ka na para sa Modyul 4 – ito ang tungkol sa awit na FLORANTE AT LAURA. Muli, maligayang paglalakbay sa pagtuklas ng bagong karunungan.
  • 540.
    541 GLOSARYO Advertisement– Iba’t ibang mga anyo ng patalastas na matutunghayan sa iba’t ibang uri ng media, maging ito man ay sa print media, broadcast media, films at mg uri nito. Adhikain- layunin; gusto Advocacy – Isang salitang Ingles na ang katuturan ay “isang adhikaing dapat na maisakatuparan, suportahan o itaguyod para sa isang natatanging layunin. Agam-agam- hinala Analitikal – pagbuo ng mga ideya mula sa iba’t ibang ideya upang makabuo ng higit na estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay Angkinin- kunin Arestuhin- hulihin Babae sa Septic Tank – Isang Independent o Indie Film na nagtatampok ng mga isyung panlipunan at ang tunay na kulay ng “showbiz” na labis ang pagiging prestihiyoso ngunit may mga kabulukan sa likod ng tabing at kamera. Bajo de masinloc – parte ng Philippine Sea Balakid- hadlang Balangkas – pagkakasunod-sunod Beterano- datihan Bugso ng damdamin-napatangay sa nararamdaman Bulwagan – lugar na pagdarausan Camera Shots and Angles – Tumutukoy sa mga kuha at anggulo ng kamera para sa isang partikular na eksena. Sa pamamagitan nito, naipakikita ang emosyong nais idiin ng isang senaryo. Campaign Activity – Isang gawain ng pangangampanya para sa isang natatanging layunin. Sa gawaing ito ay isinasaalang-alang ang ilang mahahalagang tuntunin. Cinema truth – May katuturang “pelikula totoo”; katangian ng isang dokumentaryong pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari. Cinema Verite – Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Isang uri ng pagsasa-pelikula sa kasalukuyan. Coordinator – tagapangasiwa
  • 541.
    542 Corrupt –isang taong may posisyon at ginagamit ang pondo ng bayan sa sariling kapakanan Dambuhala – malaki Dedikasyon – pag-aalay Dialogue Script – Isang uri ng iskrip kung saan nakapaloob ang diyalogo ng mga aktor at aktres ng bawat eksena. Nakabatay ito mula sa “sequence script”. Dinuro-duro – minaliit Diyalogo- tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at maraming mga tauhan sa loob ng isang dula Documentary For Television – ito ay mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. Dokumentaryong Pampelikula – Ekspresyong biswal, nagtatampok ng realidad at katotohanan ng buhay ng isang lipunan. Nagbibigay ng impormasyon, nanghihikayat at nagpapamulat ng kaisipan at kamalayang-panlipunan. Elemento ng Pelikula – Mga sangkap o mga bahagi ng isang pelikula upang ito ay kilalanin bilang isang mataas na uri ng likhang-sining. Estratehiko – pamamaraan Ethnographic Film – Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok sa kultura, kalagayan at buhay ng mga katutubo sa isang lugar at lipunan. Film maker – Ang taong bumubuo at lumilikha ng isang pelikula. Film subject - Mga bagay o pinakapaksa sa pelikula na kinukunan ng kamera upang maidiin ang nais ipahiwatig ng isang film maker. FOI – Freedom Of Information Forum – pagtatalakayan, pakikipagtalastasan,pag-uusap, pagpupulong Gusot – problema Halakhak-malakas na pagtawa Himukin – hikayatin Hinuha – pagbibigay interpretasyon
  • 542.
    543 Illiterate –Nangangahulugang may “kakulangan ng kaalaman” sa isang bagay o mga bagay na nakapaligid sa kaniya. Sa ibang salita ay “kamangmangan” o pagiging “ignorante. Implikasyon – Epektong pandamdamin, pangkaisipan, pangkatauhan at panlipunan at pagkatapos nito ay ang kasunod na aksyon o resulta . Independent / Indie Films - Mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan. Information and Communication Technology (ICT) - Isa sa pangunahing midyum sa kasalukuyang panahon upang mas maging mabilis at patuluyan ang proseso ng gawaing pangkomunikasyon at pagbibigay-impormasyon. Interpretasyon – sariling pag-unawa Ipinipinid-isinasara Iskrip- pinakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito Kalumbayan-kalungkutan Kamalayang panlipunan – pagiging bukas ang isipan sa mga nagaganap sa paligid Kariktan-kagandahan Katig – kakampi, kinampihan, kapanalig Kawangggawa- libreng serbisyo Kinamihasnan-kinamulatan Komentaryo – pagbibigay-opinyon Komprehensibo – kumpleto at kapani-paniwala Kontrobersiyal – makulay, maraming usapin Kontrobersiyal- mainit na pinag-uusapan Kredebilidad – kapani-paniwala Kultura - ang kalinangan ng isang lipunan. Sinasalamin nito ang mga ideya, pananaw, kaugalian, kakayahan at tradisyong umunlad ng isang lipunan. Bahagi rin nito ang institusyong tagapaghubog ng kamalayan ng mamamayan tulad ng paaralan (edukasyon), pahayagan, midya, relihiyon, at mga establisimentong pansining. Kulturang Popular – sumasaklaw sa pag-aaral/pagsusuri ng iba’t ibang kulturang popular, halimbawa, pelikula, musika, komiks at pahayagan, mga
  • 543.
    programang panradyo, pantelebisyonna nakaiimpluwensiya sa paghubog ng sariling katalinuhan at identidad. Sinasabing kultura ng panggitnang uri at para sa marami (sangguniin sa introduksiyon nito ang malalim at malawak na talakay) 544 Kuro-kuro – opinyon, saloobin Lantaran – kitang-kita, bulgar Larawang-diwa o imahe- tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa, nagpapatalas ito ng pandama. Lihim-sekreto Likumin-kolektahin Lumalawig – lumalawak Lumuwas-nagpunta sa malayong lugar Mamamahayag – tagapagbalita, tagapag-ulat Manoro – Katutubong salita ng mga Aeta na ang ibig sabihin ay “guro”. Martial law – Batas Militar Masusulingan – matatakbuhan, mahihingan ng tulong Mauuntol- matitigilan Midyum – daan, instrument Minindal-miryenda Multi-Media – Tumutukoy sa iba’t ibang uri ng “media” o midyum na ginagamit sa komunikasyon. Karaniwang binubuo ng print media, broadcast media, film at information and communication technology. Munti-maliit Nagkakandirit-naglulundag na nakatingkayad ang paa Nagkukumahog – nagmamadali Nagtungo-nagpunta Nagugulumihanan-nalilito Nagugunita-naalala Nalalambungan- natatakpan Napopoot- nagagalit, matinding galit
  • 544.
    Newsreel – Nagsisilbingbalita ng bayan na nagtatampok ng iba’t ibang pangyayari sa kapaligiran. Obra-Maestra – Isang uri ng likhang-sining na napagkalooban ng mataas na uri ng parangal; kinilala; naging tanyag at kakaiba sa uri nito; may taglay na kariktan. 545 Pagaril-pagaralgal Pagbatikos – pagtuligsa Pagkiling – pagkampi, pagpanig Pagkukunwari- pagpapanggap Paglalayag- paglalakbay Paglililo- pagtataksil Pagod-hapo Pagpapahiwatig (foreshadowing) isang pagpaparamdam, pagpapakilala, pagbibigay ng mga babala o pahiwatig o pagpapauna sa unahan o kalagitnaan ng kuwento upang ihanda ang mambabasa sa maaaring mangyari sa hulihan ng akda Pagpapalaluan- pagyayabangan Pagsasahimpapawid – ang sistema ng pagpapakinig ng isang programang panradyo Pahiwatig- mga pahayag o ideyang hindi lantad o hayag ang kahulugang nais nitong iparating. May mga pantulong na palatandaan sa loob ng pangungusap o sa mga bahagi ng akdang makatutulong upang maunawaan ang kahulugang nais nitong sabihin Paksang-diwa o tema (theme)-itoy pangunahing kaisipan ng tula, katha, dula, nobela, sanaysay, kuwento ng isang pangkalahatang pagmamasid sa buhay ng may-akda na nais niyang ipahatid sa mambabasa. Hindi ito dapat ipagkamali sa sermon o aral. Hindi sapat na sabihing tungkol sa pagiging ina ang tema. Paksa lamang itong maituturing. Ilahad ito ng ganito; kung minsa’y puno ng pagkasiphayo kaysa kaligayahan ang pagiging ina Pananaliksik- isang masusing pag-aaral sa isang paksa o problemang inihahanap ng solusyon o kasagutan Panitikang Popular - Anyo ng panitikan na makabago ang mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago nitong mga pamamaraan, estilo at anyo. Partikular na ito’y binabasa at pinanonood ng mga kabataan sa panahong kasalukuyan.
  • 545.
    Panitikang Popular –sa orihinal na legal na kahulugan, pag-aari ng mamamayan. Kawing sa “populace” na ibig sabihi’y hindi aristokrata, aral - - ang mababang uri. May konotasyong inferior na uri ng literatura, hanggang sa tribyal (pop). Sa usaping ideolohikal, bagama’t tinatangkilik ng lahat ng uri ng lipunan, may pagkakaiba batay sa pang-ekonomiyang lagay (halimbawa; klase ng sineng pinapanood, klase ng komiks na binabasa. Kasalukuyan, nakakawing ang konsepto ng popular sa mas midya, kung ano ang naaabot nito, ang saklaw ang siyang may kakanyahang maging popular. Ang popular ay may oryentasyong komersyal, o sa pagkita (profit) 546 Pasubali – pag-aalinlangan, pagdadalawang-isip Punto-tono ng boses sa pagsasalita Rehas – harang, kulungan, hadlang Resettlement Area – Lugar na pinaglipatan upang doon tuluyang manirahan. Sagad-hanggang-langit – lubos, wagas, sukdulan,sobra, lubos Salik – bagay na naging daan Sanggunian – kalipunan Sarat-pango Senaryo – Termino sa pelikula na ang ibig sabihin ay “tanawin” o isang “eksena”. Sequence Script – Isang uri at bahagi ng iskrip na nagtatampok ng mga detalye at kaisipan ng bawat eksena ng isang pelikula o dokumentaryo. Gayundin ng bawat “camera shots and angles” nito. Short Films – Maiikling uri ng pelikula na naghahatid ng mahahalagang mensahe sa mga manonood. Simbolo- ito ang mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa, isang bagay o kaisipan na kumakatawan sa iba pang konsepto at maaaring bigyan ng maraming antas ng kahulugan Simpatika- malakas ang dating ng personalidad Sisiw – maliit, walang lakas, walang kapangyarihan Social Awareness – Sa tunay na katuturan nito ay “kamalayang panlipunan” batay sa kaisipan at umiiral na moral ng isang lipunan tungo sa pagkamulat sa katotohanan.
  • 546.
    Tabloid- Maliit atabot-kaya kumpara sa isang broadsheet. Sapagkat mas maliit ang espasyo sa tabloid, mas maliit rin ang inaasahang pagkonteksto sa mga balita. May puntong naisasantabi na ang mga pambansang isyu. Sa kaunting espasyong ito, nagkakasya ang maraming sambahayan para sa balita at impormasyon. Higit na binibigyang pokus ng mga tabloid ang mga police stories (panggagahasa, pananamantala/molestation, kidnapping, atbp.) at mga kuwentong ikamamangha ng mga mambabasa kumpara sa pambansang isyung inilalatag ng mga broadsheet. Sa anyo ng balita hanggang sa paggamit ng termino, pumapasok ang isyu ng tama o mali. 547 Tangan-tangan – hawak-hawak Tanglaw – liwanag, umiilaw Teksto – sa tradisyunal na gawi, ang nakasulat na anyo. Sa pag-aaral, ang teksto ay sasakop di-lamang sa nakasulat na anyo, pati na rin sa praktikal na gawi sa produksyon ng literatura. Teledrama – mga drama sa telebisyon Transaksiyon – kasunduan Travelogue – Isang uri ng dokumentaryo na nagtatampok ng iba’t ibang mga lugar kung saan maaaring maglakbay. Tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa kasalukuyang panahon, ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang ginagamit, pinanonood at maging binabasa. Utusan-katulong Video Advocacies – Mga adbokasiya, patalastas at mga propaganda na naglalayong manghikayat, magpabago ng pananaw, magpamulat ng kaisipan at kamalayan. Wartime propaganda – Ang mga Dokumentaryong Pampelikula noong unang panahon ay nagsilbing instrumento ng nasyonalismo, pakikipaglaban, deskriminasyon at pagkakabaha-bahagi. Yabag-tunog ng mga paa sa paglakad
  • 547.
    548 SANGGUNIAN *Aklat Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House, Inc., 2009 Arrogante, Jose A. et.al Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko. National Book Store. Mandaluyong City, 1991 Austero, Cecilia S., et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. UNLAD Publishing House. Pasig City. 2007 Evasco, Eugene at Ortiz Will. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. CE Publishing, Inc. Quezon City. 2008 Garcia, Lakandupil., et al, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, 2006. Glinofria, Maurita L. at Laxina, Teresita F., Kadluan ng Wika at Panitikan IV Makati City, Philippines, Diwan Scholastic Press Inc., 1999. Mag-atas, Rosario U et.al., Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo), Valenzuela, Metro Manila, Philppines, National Bookstore, Inc. 1994. Resuma, Vilma Mascarina. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino Komunikatibong Modelo. Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de Manila University Press. Quezon City. 1997 Rubin, Ligaya T. et.al., Panitikan sa Pilipinas, Sampaloc, Manila, Philippines, Rex Book Store: 2001. Santiago, Lilia Quindoza et al., Mga Panitikan ng Pilipinas, C E Publishing Inc., 2007
  • 548.
    549 Pahayagan PilipinoMirror. Eros Atalia. Dagling Katha, Oktubre 29, 2012 Magasin Awake! Magazine, Social Networking, Watchtower Society, September 2010 Magasing Gumising! Gabay sa Paggamit ng Kompyuter, Oktubre 2011 Internet Anonuevo, Roberto Alimbukad (http://alimbukad.com/2008/08/08/ang-editoryal- bilang-lunsaran-ng-panunuri/) http/www.youtube.com/watch http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf http://the1010project.multiply.com/journal/item/34/34?show_interstitial=1u= %2Fjournal%2Fitem http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph http://www.balita.net.ph/2012/06/kuwentuhang-media/#.UKseSO_QVyw http://www.cbcpworld.com/cinema/html/about_us.html http://www.cinemalaya.org/film http://www.gmanetwork.com/news/story/277577/ulatfilipino/balitangpinoy/free dom-of-information-foi-bill-namimiligrong-mamatay-pagsapit-ng-disyembre http://www.goodreads.com/author/show/562411.Liwayway_A_Arceodocid=A BGlKlbQ9ckHIMimgurl=http://photo.goodreads.com/authors/1285673744p5/ 562411.jpgw=200h=255ei=qcWYUIG4C-http:// www.google.com.ph/images http://www.google.com.ph/imgres?q=amado+v.+hernandeznum=10hl=filb iw=1366bih=586tbm=ischtbnid=ea4EYMmffqTL9M:imgrefurl=http://tl.wik ipedia.org/wiki/Amado_V._Hernandezdocid=4iKXVzDQtavxDMimgurl=http: //upload.wikimedia.org/wikipedia/tl/thumb/4/4d/Amado_V_Hernandez.jpg/200 px-
  • 549.
    http://www.google.com.ph/imgres?q=epifanio+matutenum=10hl=filbiw=13 66bih=586tbm=ischtbnid=ZLKmBTzQV0CoJM:imgrefurl=http://www.pan itikan.com.ph/authors/m/egmatute.htmdocid=_HCanklXMTkfgMimgurl http://www.google.com.ph/imgres?q=genoveva+edroza+matutenum=10hl= filbiw=1366bih=586tbm=ischtbnid=TGmUnIRphI7ZEM:imgrefurl=http:// banareskimberly.blogspot.com/2012/07/ang-kuwento-ni-mabuti-ni-http:// www.google.com.ph/imgres?q=manuel+l.+quezonnum=10hl=filbiw= 1366bih=586tbm=ischtbnid=hZL8VgvZzhW9CM:imgrefurl=http://www.ta kdangaralin.com/history/philippine-presidents-history/manuel-http:// www.google.com.ph/imgres?q=narciso+reyes+lupang+tinubuannum=1 0hl=filbiw=1366bih=586tbm=ischtbnid=CPphnem0zXRMpM:imgrefur http://www.123people.ca/s/narciso%2Breyesdocid= http://www.google.com.ph/imgres?q=rene+villanuevahl=filbiw=1366bih=5 86tbm=ischtbnid=ZtEk2Y6A4zEuuM:imgrefurl=http://eatingthesun.blogsp ot.com/2007/12/rene-o-villanueva-1954 http://www.google.com.ph/imgres?q=severino+reyeshl=filbiw=1366bih=5 50tbm=ischtbnid=LKWSzchujeP65M:imgrefurl=http://en.wikipedia.org/wik i/File:Severino_Reyes.jpgdocid=J7AUpzUBsdm2zMimgurl= 550 http://www.rymaec.org/node/412 http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0feature=related http:/www.google.com.ph images.cnhsteacheers.multiply.multiplycontent.com/.../Worksheet%2 Thefreedictionary.com Wordnetweb.princeton.edu/perl/webwn www.adobe.com/products/ www.audioenglish.net www.gmanetwork.com/news/video/shows/investigative documentaries www.screenaustralia.gov.com www.starcinema.com.ph www.wikipedia.com
  • 550.