Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Imperyalismo sa Singapore. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang konsepto sa Imperyalismo sa Singapore.
Earth and Life Science - Minerals and Its Properties
AP 7 Lesson no. 30-G: Imperyalismo sa Singapore
1. Lesson 30-G: Imperyalismo sa Singapore
• Noong ika-17 na siglo, kinontrol ng mga Dutch ang mga himpilang pangkalakalan ng rehiyon ng
Singapore. Gumawa ang mga Dutch ng mga monopolyo ng monopolyo sa mga pampalasa sa buong
rehiyon.
• Noong 1818, naging Lieutenant-Governor ng Bencoolen, isang kolonya ng Britain, si Sir Stamford
Raffles. Naniniwala siya na ang British na ang papalit sa Dutch bilang pinakadominanteng Europeong
bansa sa rehiyon.
Sir Stamford Raffles – Isang siyang British Statesman, Tenyente-Gobernador ng British Java mula
1811-1815, at higit siyang nakilala sa pagdiskubre niya ng Singapore. Nakapagsulat din siya ng kanyang
librong nangangalang “The History of Java” (1817). Kinumbinse niya si Lord Hastings, gobernador-
heneral ng India at kanyang superior sa British East India Company, na pondohan ang kanyang
ekspedisyon upang maghanap ng iba pang base na pwede maging kolonya ng Great Britain.
• Dumating si Raffles sa Singapore noong Enero 28, 1819. May natagpuan siyang isang komunidad ng
mga Malay sa bukanan ng Ilog Singapore, na pinamumunuan ng Temenggong (gobernador) para sa
Sultan ng Johor.
• Nakipagkasundo ang Temenggong kay Raffles na ipuslit si Tengku Hussein, Kapatid ni Abdul Rahman
na kasalukuyang gobernador ng Johor, sa Singapore. Inoperan ni Raffles si Hussein na maging karapat-
dapat na sultan ng Johor at bigyan siya ng yearly payment, pero sa kapalit, na papayagan ni Hussein na
magtatag ng isang trading post sa Singapore.
Ito ay ni-ratify sa isang pormal na tratado na nilagdaan noong Pebrero 6, 1819 at ito ang araw na
Isinilang ang Singapore
• Anglo-Dutch Treaty of 1824 – Tinatawag din bilang “Treaty of London” na nilagdaan sa pagitan ng Gran
Britanya at ng Olandiya (Netherlands) noong Marso 17, 1824.
Mga Nilagdaang Probisyon ng Treaty of London:
• Nabigyan ng access ang mga British upang makipag-kalakalan sa Maluku Islands
• Pinakawalan lahat ng mga teritoryo sa Indian Subcontinent ng Netherlands
• Tinanggal ng mga Dutch ang oposisyon nila sa pagsakop ng mga Briton sa Singapore
• Tinanggal ng mga Briton ang oposisyon nila sa pagsakop ng mga Dutch sa Biliton
• Noong 1826, kasama ng Penang, Singapore, at Malacca, sila ay tinatawag na Straits Settlements na
pinamumunuan ng British East India Company
• Ang Singapore ang naging kabisera ng Malaya hanggang 1880s, kung saan Nilipat ang kabisera sa
Kuala Lumpur
2. • Noong 1880, halos 1.5 milyon tonelada ng mga produkto ang dumadaan sa Singapore. Ang pinaka-
komersyal na aktibidades ay ang pakikipag-kalakalan na walang pinapataw na buwis at Maliit na
restriksyon
• Karamihan sa mga taong naninirahan sa Singapore ay walang access sa pampublikong serbisyo para sa
kalusugan at tinatamaan sila ng mga sakit, tulad ng cholera, atbp.
• Noong Abril 1, 1867, sa utos ng Pamahalaang British, ay naging Crown Colony na ang Singapore