“Lubos na nadadama at nauunawaan ang isang akda kung nauunawaan ng mag-aaral ang iba’t ibang dulog at teorya na maaaring gamitin sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.”
Ito'y tumatalakay sa mga Kritikong Pilipino na kung saan malaki ang naiambag sa panitikan. Hindi lang ang buhay ang tinatalakay dito, pati narin ang kanilang nagawa sa nasabing panitikan.
“Lubos na nadadama at nauunawaan ang isang akda kung nauunawaan ng mag-aaral ang iba’t ibang dulog at teorya na maaaring gamitin sa pagsusuri ng isang akdang pampanitikan.”
Ito'y tumatalakay sa mga Kritikong Pilipino na kung saan malaki ang naiambag sa panitikan. Hindi lang ang buhay ang tinatalakay dito, pati narin ang kanilang nagawa sa nasabing panitikan.
J.Fadul - Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa i...Jose Fadul
A research on the worldview of pedicab drivers from selected in the Philippines (Luzon, Visayas, and Mindanao).Filipino pedicab drivers are in general social. Many of them long to converse with their passengers, and check on them from time to time during the course of transport. They prefer to have the distinct design where the passengers stay at the side, rather than being pulled at the back or pushed in front as in other Asian countries. When shown pictures of pedicab modes in other countries, most of them were amused, and their comments on why those designs “cannot be adopted” in the Philippines include: “because the passenger is too far from the driver” and “that is bad ... as if the driver is an animal”.
Air travel remains a large and growing industry. It facilitates economic growth, world trade, international investment and tourism and is therefore central to the globalization taking place in many other industries. The airline industry exists in an intensely competitive market.
This document outlines an assignment for an English class to write a compare and contrast essay analyzing two movies from the same genre. Students must choose between a disaster/adventure genre or science fiction genre. They are instructed to research the genre, view relevant movies, and write a 6 paragraph essay comparing or contrasting two movies based on selected elements. The essay must be 600-1000 words and follow APA style guidelines for citations and formatting. Students will submit a draft for feedback and the final version is due on April 3rd. The assignment aims to improve students' ability to analyze film genres and communicate ideas in academic English.
This document provides details of a financial ratio analysis report for Starbucks Corporation conducted by three students. It includes a table of contents, background information on Starbucks' history and recent developments, income statements and balance sheets for 2013-2014, and calculations and interpretations of various profitability and stability ratios. The ratios analyzed show improvements in Starbucks' profitability and ability to manage expenses from 2013 to 2014, with most ratios such as return on equity, net profit margin and inventory turnover improving during this period.
This document provides a summary of Denice LaCombe's work history and qualifications. She has over 30 years of nursing experience, including 20 years working in intensive care units. Her most recent role is as a staff RN in the intensive care unit at Dignity Health since 2012. Prior to that, she held various critical care leadership roles such as Director of Critical Care Services and Charge Nurse. She has a Bachelor's Degree in Nursing and licenses including BLS and ACLS.
The document summarizes that Rutgers' Master's Program in Industrial and Systems Engineering is drawing students sponsored by their employers, including 11 people from the Canadian Forces, Greek Air Force, and Schlumberger oil services firm. The program has built strength in quality and reliability engineering. Five students from Schlumberger are attending to gain expertise to apply quality principles to the oil industry. The program began over 20 years ago in response to growing importance of quality and reliability in industries. It has since built expertise in these areas and is in demand by various industries.
This document provides guidelines and instructions for a group assignment comparing two businesses in different geographical locations. Students must form groups, select two businesses (one in Penang and one in Klang Valley) in the same industry, conduct interviews and on-site observations of the businesses. They must then submit a 2000-word written report analyzing and comparing the competitive behaviors and traits of the two businesses, along with video links. The report will be assessed based on spelling/grammar, background information provided, analysis of competitive behavior, and video segments. Detailed requirements and assessment criteria are provided.
Mga Tungkulin ng mga Kadre sa Larangan ng Kultura
ng PAKSA at NPAA ni Jose Ma. Sison
Paglingkuran ang Sambayanan: Ang Sining at
Panitikan sa Gitna Rebolusyunaryong Masa tungo sa
Pambansang Demokrasya ni Epifanio San Juan Jr.
Mga Bagay-Bagay: Perspektibo, Realism at
Nasyonalismo ni Rolando B. Tolentino
2. NATURALISMO BILANG
PINAKASUKDULAN NG TEORYANG
REALISMO
May mga pagkakataong
nadodominahan ang isang uri ng
siyensiya; ang dominanteng
siyensiya ang nagiging pangunahing
batayan ng iba’t ibang sangay ng
mga karunungan.
3. Kung ang ika-20 siglo ay
nadominahan ng Pisika, ang
ikalawang hati naman ng ika-19 na
siglo ay nadominahan naman ng
Biyolohiya. Bunga ito ng
publikasyon ng librong Origin of the
Species (1859) ni Charles Darwin na
nagpakita ng siyentipikong batayan
ng teorya ng ebolusyon.
4. Natural Selection – ginamit
bilang aktuwal na modo at
proseso ng ebolusyon.
(sinasabi rin itong the
preservation of favored races
in the struggle for life.)
5. Social Darwinism – konseptong binuo ni
Hubert Spencer na ibinandila ang katiyakan
ng pag-unlad na panlipunan, pananatili ng
pinakamahusay at ng pakikitunggali para
mabuhay.
Kumalat ang mga ideyang ito sa
larangan ng sining kaya’t inadap ang
pananaw at prinsipyo ng likas na agham lalo
na ang pananaw ng kalikasan kaya’t nabuo
ang naturalismo.
6. Pinalawak ng naturalismo ang saklaw ng
realismo. Tinangka kasi ng naturalismo ang
mas matapat, di-pinipiling representasyon ng
realidad, isang tiyak na hiwa ng buhay na
ipinakita nang walang paghuhusga.
Scientific determinism – bingyang-diin ang
namana at pangpisikal na likas ng tao kaysa
mga katangiang pangmoral o rasyonal.
7. Hippolyte Taine – itinuturing na unang
maimpluwensiyang manunulat ng
naturalismo sa Pransiya.
History of English Literature (1871)
“May dahilan ang ambisyon, katapangan
at katotohanan, katulad ng galaw ng masel na
pantunaw o init ng katawang-hayop, ang
produkto nito, mga kabutihan at bisyo.”
8. Emile Zola – ang kinikilalang lider ng
Naturalist School.
Sa kanyang The Experimental Novel
(1880) na itinuturing na manipesto ng
naturalismo, sinabi ni Zola na ang
manunulat ay hindi lamang isang
tagamasid na nagbabala ng mga
penomenon o di-karaniwang pangyayari
subalit isang may batayang tagasubok….
9. ng kanyang mga tauhan upang makita
rito ang mg kaalaman tungkol sa lipunan
at emosyon ng tao, tulad ng “kimiko na
nagsusuri sa mga tinunaw na
komponent.” Sa gayong paraan,
magkakaroon ng mahahalagang
impormasyong praktikal tungkol sa mga
kahinaan at mga bisyo na pinagmumulan
ng kalungkutan at krimen.
10. heredity – itinakda ng kalikasan na ang mga
kahinaan at mga bisyo ay bunga ng
abnormalidad sa isang miyembro ng pamilya
na walang sablay na isinasalin sa lahat ng
kanyang mga angkan.
Suwerte na lamang kung maiiwasan ito.
Sa palagay ni Zola ay malulunasan pa ito sa
pamamagitan ng kumbinasyon ng medisina
at edukasyon.
11. Mga Naisulat ni Zola:
Therese Raquin (1867) – unang aplikasyon
ng kanyang teoryang siyentipiko.
Pradeleine Ferat (1968)
Monumental na Rougon-Macquart Cycle –
may subtitle na The Natural and Social
History of a Family Under the Second
Empire na binubuo ng 20 tomong sinulat
noong 1871-1892.
12. Maraming mga manunulat ang na
sumunod sa naturalismo:
Guy de Maupassant
Jack London
Henrick Ibsen
Stephen Crane
Theodore Draiser
James T. Farell
John Stainbech
13. Sumapit ang naturalismo sa Pilipinas
matapos ang pangalawang Digmaang
Pandaigdig. Kung minsan, ito ay purong
namamayani sa kuwento tulad ng “Yaong
Tinatawag na Habag” ni Eduardo Bautista
Reyes. Kung minsan, nilalahukan ito ng
romantisismo (protestang romantiko laban sa
kalagayang panlipunan). Makikita natin ito sa
mga kuwentong Tondo at slum areas nina
Andres Cristobal Cruz, Dominador Mirasol
atbp.
14. Mga Pananaw o Kakanyahan ng Naturalismo
a. Ang buhay ay tila isang marumi, mabangis
at walang awang kagubatan.
Inuudyukan ang kalooban nito ng malalakas
na “instinctive devices” at nililigalig ng mga
puwersang pangkabuhayan at panlipunan ang
kanyang buhay. Nagpapakita ito ng
pakikipagsapalaran upang mabuhay.
15. b. Ipinapakita ng manunulat ang mga
kasuklam-suklam na mga detalye.
c. Ang indibidwal ay produkto ng
kanyang kapaligiran at
pinanggalingan.
d. Pesimista siya sa simula pa lamang.
Mahina ang hawak niya sa
kanyang buhay.
16. e. Ito’y may simpleng tauhan na may di
mapigil na mga damdamin ---
karaniwang nasa mga lugar (milieu) na
marurumi, masusukal at mapaniil tulad
ng slums.
slums – daigdig ng mga kriminal
19. Hindi na siya maaaring ibangon
Ng mga pahinang naging pananggalang
Sa kahubdan at matinding gutom.
Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon
At ipagsangga lang sa mga langaw
Sa huling pagkakataon.
20. Wala na siyang panahon upang gagapin
Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo.
Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal
Ng mga taong nahirati sa pagbasa
Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal.
21. Sayang at di na niya masisilayan
Ang sariling retratong naligaw.
Sa espasyong batbat ng anunsiyo ---
Newsboy na biktima ng isang kaskasero,
Gumulong ang ulo na na parang
sensilyo.
22. PAGSUSURI:
Hirap ng buhay sa lungsod --- na
para kumita, ayon nga sa isang
manunulat ay tila mga batang
matador na sinasalubong ng mga
newsboy ang mga dumadagundong
na torong sasakyan --- ang paksa ng
tulang ito na may malagim na wakas.
Sinulat ang tulang ito noong 1970.
23. Nasagasaan na ang newsboy sa umpisa
ng tula at ang makata na siyang higit na
nakadarama ng kasawian ng iba (sapagkat
siya ang konsiyensiya ng lipunan) ay tahimik
na nagdadalamhati.
Hindi na siya maaaring ibangon
Ng mga pahinang naging pananggalang
Sa kahubdan at matinding gutom.
24. Patay na ang bata, nababalot ng mga
tindang diyaryo. Kung saang bahagi ng
katawan siya nahagip ng sasakyan (dyip?
kotse? bus?) ay hindi pa muna sinasabi
ng makata. Tahimik, hindi histerikal ang
boses ng makata at sa katahimikan ding
ito tumitingkad ang ang kanyang
protesta.
25. Ginugunam-gunam ng makata:
Upang mabuhay (ipinapahiwatig na
“panangga lang”) at madamtan ang
sarili (kahubdan), kailangang
magtinda siya ng diyaryo. Ang
maghanapbuhay sa kalsada ng
lungsod ay isang gawaing laging
nakahantad sa panganib.
26. At sinamang-palad ngang nasagasaan
ang bata. Sino pa ang magbebenta ng
diyaryo? Ano pa ang magagawa ng mga
diyaryo kung wala na ang tagapagtinda?
Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon
At ipagsangga lang sa mga langaw
Sa huling pagkakataon.
27. Aakitin ng dugo ang mga langaw at
ito ang unang naturalistikong detalye sa
tula at para siya huwag langawin, ang
mga tinda niya mismong diyaryo ang
itatakip ng iba sa kanya. Pananggalang
niya sa gutom, ang pinagkukunan niya
ng ikabubuhay (at maging ng pamilya rin
niya marahil) ang diyaryo, ngunit sa
pagkakataong ito, ang diyaryo ay hindi
na pananggalang sa buhay kundi panang-
28. galang sa langaw. Ang takpan ng diyaryo ang
huling silbi ng diyaryo sa kanya.
Kay batang namatay (musmos na
nawalan ng pulso) ng newsboy. Itutuloy ng
makata ang imahen ng pulso:
Wala na siyang panahon upang gagapin
Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa
mundo.
29. Ang paggagap (paghawak) ay akto ng kamay.
Ginagamit din ito sa pag-unawa. Akto ng isip.
Namatay ang newsboy nang hindi man
lamang nauunawaan ang mga bagay-bagay sa
mundo. Totoong mahirap ang buhay ngunit
bakit mahirap? Dahil ito sa antas ng ating
ekonomiya. Naiisip din kaya ng newsboy na
balang-araw ay manliligaw rin siya? Iya’y sa
antas na personal. Ngunit hindi niya inabot
ang gulang para maintindihan ang mga ito.
30. Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal
Ng mga taong nahirati sa pagbasa
Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal.
Umaga --- mga alas siyete o pasado marahil---
naaksidente ang bata. Hindi muna mahalaga sa
makata kung sino ang nakasagasa. Naiisip ng
makata ang mga mas masuwerteng taong
ngayong umaga’y hindi tatanggap ng diyaryo
ng kanilang ilaladlad sa mesa habang
nagkakape.
31. Ano kaya ang nangyari sa bansa at sa mundo
kahapon? Sino kaya ang nanalo sa basketball
o sa golf? At marami pang iba. Depende sa
kanilang interes ang pananabik sa sariwang
balita (“kasing init ng kape”).
Mula sa mga taong hindi tatanggap ng
rasyong diyaryo, muling pagninilayan ng
makata ang larawan ng nakabulagtang
newsboy:
32. Sayang at di na siya masisilayan
Ang sariling retratong naligaw.
Iniwang nakabitin ang huling linya (run-
on line) sapagkat tigtatatlong linya lamang
ang bawat saknong at sa porma ng tula’y di
dapat dagdagan pa. sayang, ngayon lamang
sana mareretrato ang newsboy sa diyaryo ---
Tempo, Abante, Philippine Daily Inquirer o
People’s Tonite? --- pero di na niya makikita.
33. Ang retrato niya’y isisingit sa mga
advertisement. Ang mga diyaryo ay kailangan ding
mabuhay at natutuwa ito kapag may advertisement.
Sayang at di na niya masisilayan
Ang sariling retratong naligaw.
Sa espasyong batbat ng anunsiyo ---
Newsboy na biktima ng isang kaskasero,
Gumulong ang ulo na na parang sensilyo.
34. Isisingit sa advertisement ang
kanyang retrato. Sino ba siya? Hindi
mahalaga kung sino siya. Ang
mahalaga ay ang paraan ng kanyang
pagkamatay. Hahanapbuhayin din ng
diyaryo ang kanyang kamatayan.
Ang kamatayan ng isa ay
hanapbuhay ng iba.
35. Kaskasero, drayber ng mekanikal na
toro, ang nakasuwag sa newsboy.
Sensilyo (“Barya po lamang”) ang
karaniwang ibinabayad sa pasahe. Kapag
nabitiwan ang sensilyo, gumugulong ito.
Nakita na ninyo ito. Sa
paghahanapbuhay o paghahanap ng
sensilyo (sagisag ng pera) naaksidente
ang newsboy. Gumulong ang ulo.
36. Ganyan ang naturalismo. Totoo
mang nangyayari ay malagim.
Nakakikilabot. Ibig nating tumili
ngunit preno-preno lang, kailangang
tingnan din natin ang kalagayan na
ito upang maalala man lamang natin
at tayo’y tablan ng sawimpalad na
buhay ng ating kapwa.