SlideShare a Scribd company logo
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga
Pedikab Drivers
na Pumapasada sa iba’t-ibang lugar sa
Pilipinas
Prop. Jose A. Fadul, PhD
De La Salle-College of Saint Benilde
Ano ang Pilipino sa pedikab at sa pagpepedikab?
Ika-40 na Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Mga Katanungang Pananaliksik
– Anu-ano ang mga bukod-tanging Pilipino sa pedikab, at sa
orientasyon ng mga pedikab drivers sa kanilang punto de bistang
pang-indibidwal at kolektibong kaalamang Pilipino?
– Anu-ano ang maka-Pilipinong pananaw ng mga pedikab drivers
sa kanilang gawain, ang kanilang pamilya, at ang lipunan sa
pangkalahatan?
– Anu-ano ang mga posibleng programa at proyekto na maaaring
simulan at isustena para sa kanila bilang bahagi ng lipunang
Pilipino?
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Kahalagahan ng Pag-aaral
– Sa ating modernong mundo, maraming mga kaugalian at pag-iisip na may pagka-
Pilipino ang nakukubli sa ilang sektor ng lipunan.
– Maaaring may mga kaugalian ang mga pedikab drivers ang sumasalamin sa ating
pagka-Pilipino.
– Kailangan ng pag-unawa sa mga pedikab drivers ukol sa kanilang kaugalian at
paniniwala, bilang bahagi ng lipunang Pilipino.
– Kailangan ng kaagapay sa paghahanap ng equilibrium sa pagitan ng pag-aalala sa
kabuuan ng lipunang Pilipino, lalong-lao na sa mga pinakamahihina at
pinakamahihirap, sa kanilang paggalang sa kalayaang pantao, kasama na ang
karapatan sa edukasyon at kalayaan mula sa kamangmangan.
– Ang mga pedikab drivers ay isa sa mga marginalized members ng lipunang
Pilipino—ang pagtulong sa kanila ay isang imperative na sangkap ng mga
kasalukuyang kurso, at maging sa mga kurso sa kolehiyo sa hinaharap, gaya ng
Contemporary World at Science Technology & Society.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Pagrepaso sa mga May-kaugnayang Literatura
– Ayon kay Wieser (2012) “ang pagpepedikab ay isa sa pinakamahirap na trabaho sa buong mundo …. Ang
mga pedikab drivers ay madalas magkasakit dala ng pagkabilad sa init, nakapapagod na pagpipidal, at
tuluyang pagpapawis”.
– Isang first-hand account ng isang estudyante ng DLSU: isang 51-gulang na pedikab driver and inatake sa
puso, sa labas lang ng DLSU South Gate, sa harap ng maraming naglalakad-lakad. Namatay siya na hindi
gaanong natulungan, at ang kwento ng sirkumstansya ng pagkamatay ng pedikab driver na ito ang naging
mitsa ng mainit na debate at introspeksyon sa mga estudyante at guro ng DLSU at DLS-CSB, at pati na ng
ibang miyembro ng komunidad. (Aquino, 2013; Chanco, 2013; Testa, 2013a).
– Wala pang isang linggo matapos madetalye ang pagkamatay ng pedikab driver na nabanggit, isa pang
pedikab driver ang napatay habang tinutugis ang mga snatcher sa may La Salle. Ang 29-gulang na pedikab
driver na nagtatanod din sa gabi, ay iniharang ang kanyang pedikab sa motorsiklo ng dalawang riding-in-
tandem na magnanakaw. Bumagsak sila, at daliang tumakas. Nahuli ng pedikab driver ang isa, habang ilang
security officers mula DLSU ang humabol at tumulong; ngunit nakabunot ng patalim ang isa sa magnanakaw
at sinaksak ang bayaning pedikab driver (Testa, 2013b).
– May mga hilaw pang salaysay tungkol sa mga pedikab drivers na pumapasada sa may DLS-CSB at DLSU, na
mababasa sa mga police reports (Police Regional Office, 2011), blogs (PinoyExchange, 2009; The Taft
pedikab Secret Files, 2015), e-newspapers (Bajar and Lingad, 1990; Matutina, 1990; Fernandez, 2009) o
mapapanood sa YouTube (de Jesus and Daella, 2012; Lapeña and Dimpas, 2013).
– Ang mananaliksik ay naunang maglimbag ng isang aklat (Fadul, 2015) ukol sa kakaibang wika na ginagamit ng
mga pedikab drivers sa may DLS-CSB at kinoroboreyt nito ang kalagayan ng mga pedikab drivers. Samantala,
si Hudtohan (2012) ay nagsulat tungkol sa tagumpay ng negosyong pagpepedikab ng mag-asawang nakatira
malapit sa DLSU. Ito ay bahagyang tumalakay sa pagpapahalaga ng mga pedikab drivers sa kanilang gawain.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Balangkas ng Konsepto/Teorya
– Ang sapataha na ang wika ng isang tao ay naghuhugis kung paano siya mag-isip (Vygotsky, 1934/2003;
Caroll, 1956/1997; Sapir, 1983; Metcalf, 2002, Jaeger, 2005; Sire, 2004) ay hindi na bago, kundi mayroon pa
ngang panumbalik ngayong mga taon (Hiebert, 2008; Deutscher, 2010, 2011; Levelt, 2012).
– Ang prinsipyo ng Linguistic Relativity ay nagsasaad na ang struktura ng isang wika ay may kinalaman sa
pananaw sa daigdig ng mga gumagamit ng wika--ang kanilang world view; o samakatuwid ay, may
impluwensya sa kanilang mga prosesong kognitibo. Kilala rin ito bilang Sapir–Whorf hypothesis, ang strong
version ay nagsasabing and wika ay nagpapalakad ng pag-iisip, at iyang mga kategoryang panglingwistik ay
naglilimita at nagbibigay-kaalaman sa mga kategoryang kognitibo; samantalang ang weak version ay
nagsasabi lamang na ang mga kategoryang panglingwistik at paggamit ay nagiimpluwensya ng pag-iisip at ng
ilang mga non-linguistic behavior.
– Sa pagmamasid at pag-aaral ng wika ng mga pedikab drivers, ang kanilang konsepto ng pagka-Pilipino ay
higit na mauunawaan at makapagbibigay pa ng pananaw sa kanilang kalagayan. Dahil dito, higit na mabuting
disenyong pang-edukasyon ang maihahanda para sa kanila.
– Ito rin ay kaakibat ng kasalukuyang pilosopiya ng DLS-CSB ukol sa inklusyon at inobasyon. May mga ibang
paaralan at kaakibat na mga kagawaran dito at sa mga ibang bansa ang nagtangka sa mga kahalintulad na
proyektong may kinalaman sa mga pedikab drivers, na may iba’t-ibang antas ng napag-alaman at
pagtatagumpay (Textor, 1973; Adams, 2006; Gu and Ryan, 2008; Guillen, 2010; Andres et al., 2011; Rebling,
2011; Dewi, 2014).
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Metodo
– Ginamit ang engaged theory ni Paul James (2006) at iniakma sa lokal na kalagayan (Pe-Pua,
1989);
– Ito rin ang ginamit ng mananaliksik sa kanyang naunang pananaliksik sa pagtuklas sa kanilang
wika (Fadul, 2015: 88-94). Mangyari pa, ang metodo ay magkahalo (parehong kwantitatibo at
kwalitatibo) .
– Bahaging Kwantitatibo: Ang koleksyon ng mga datos ay sa pamamagitan ng serbey-
kwestyoneyr (tingnan ang Appendix 1—Ang Serbey Kwestyoneyr), na may purposive sampling.
• May mga datos na nakolekta sa pamamagitan ng sistematikong pagmamasid mula Disyembre 1, 2014
hanggang Nobyembre 12, 2015.
• Ang ibang datos ay nakuha mula sa Barangay Office records (tingnan ang Appendix 5—Mga Halimbawa
ng Datos Kwantitatibong Nahugot).
– Bahaging Kwalitatibo: Gaya ng nabanggit, engaged theory ang ginawa mula Disyembre 2014
hanggang Agosto 2015, (tingnan ang Appendix 2—Mga Halimbawang Tanong para sa
Panayam).
• Kinapanayam ang 42 na pedikab drivers, mula sa 21 hintayan/sakayan ng pedikab sa paligid-ligid ng
DLS-CSB, na unang iniulat ni Gomez (2012); 2 mula sa hintayan sa may University of St. La Salle sa
Bacolod; at 2 mula sa sa may La Salle University sa Ozamiz.
• Pinakitaan sila ng mga larawan ng pedikab mula sa iba’t-ibang bansa. Ipinapuna ng mga ito at
itinanong kung maaari ba itong tularan nila. Matapos ang bawat panayam, isang pagninilay ang ginawa
upang maisaayos at maging organisado ang mga napag-alaman.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Buod ng Metodo
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Mga Isyung Etikal
– Bulnerabilidad ng Mananaliksik. Isang hand-out ang ipinamahagi na
nagpapakilala sa pananaliksik at sa mananaliksik, at nagpaliwanag na
ang gawain ng mananaliksik ay limitado lamang sa pagtatanong at
pagkuha ng datos; tuwirang binanggit na ang mananaliksik ay hindi
makapagbibigay ng madaliang pagtulong. (Tingnan sa Appendix 3—
Pagpapakilala sa Pananaliksik at sa Manananaliksik).
– Bulnerabilidad ng Kalahok. Isang informed consent, na ipinatern sa
isang WHO form, ang siyang kinuha/hiniling mula sa bawat kalahok na
nakapanayam. Ito ay nasa wika at antas na nauunawaan ng pedikab
driver. (Tingnan ang Appendix 4—Ang Ipinagbigay-Alam na Pahintulot
[Informed Consent])
– Binayaran ng mananaliksik ang mga kalahok ayon lamang sa kanilang
direktang nagastos dahil sa pakikipagpanayam.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Ibang mga Isyu at Pag-aalala
– Deklarasyong Walang Conflict of Interest.
• Ang mananaliksik ay hindi kasapi sa alin mang negosyo
na may kinalaman sa mga pedikab o pagpepedikab.
• Ang mananaliksik ay walang nakabinbing kasong legal,
pabor man o laban, sa sino mang pedikab driver o
operator.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Mga Resulta at Diskusyon
Ang disenyo ng pedikab (“padyak”, “sikad-sikad”, o “saydkar”) …
– ay magkakahawig sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas;
– naiiba sa mga sasakyang de-padyak sa mga ibang bansa at ibang
kultura.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy)
– Ang disenyo ng pedikab (o “saydkar”, “padyak”, o “sikad-sikad”) na
pumapasada sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay ayon sa
pangangailangan:
Akma ito sa sukat ng mga kalye at makikitid na eskinita ng distrito,
at hawig sa bahay-kubo
(kompakto at di nagkakalayo ang sukat ng haba, taas, at lapad).
“ ‘Yong suggestion ni Celdran? ‘Yong nasa gitna ang bike at hila
ang kargada. Hindi pwede dito ‘yon. Mahirap imaneobra ‘yon …
mahaba. ‘Di mo pa makakausap tuwi-tuwina ang pasahero mo.”
--isa sa grupo ng mga pedikab driver
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy)
– Ang disenyo ng pedikab o “padyak” ay ayon sa pangangailangan at
pandaigdigang pananaw:
Ang paggamit (at pagrecycle) ng trapal bilang panakip at panilong.
“ ‘Yong ipinakita mong de-padyak sa Bangladesh ba ‘yon?
Hindi rin pwede dito ‘yon.
Sandali lang e manlilimahid na sa dumi ‘yon dito.”
“Aamagin pa ‘ka mo.
Trapal talaga ang akma dito sa ‘tin.”
--dalawang pedikab driver
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy)
– Ang disenyo ng pedikab o “padyak” ay naayon sa kanilang pilosopiya
ng kapwa (Mercado, 1976; Enriquez, 1992)
“Ang pagpepedikab driver ko ay ugnay sa pasahero ko,
kasi ang biyahe ay biyahe naming magkasama ….”
“Sobra naman itong parang kung sinong hari[ng pasahero] ….”
“Huh?! Parang wini-wheel chair ‘yung si Ate. Pa’no kung
mabunggo? E di siya [ang pasahero] pa ang nasaktan.”
--magkumpareng
pedikab drivers
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy)
– Ang disenyo ng pedikab o “padyak” ay tila ayon din sa konsepto ng
malasakit sa kapwa (Mercado, 1976; Enriquez, 1992)
– Ang pasahero ay nasa tabi ng driver, hindi nasa likod o harap
Pasahero: “Dahan-dahan lang po.
Baka po tayo mabangga!”
Pedikab driver: “Kargo ko po kayo.
Hindi tayo maaano.”
Ang Pandaigdigang Pananaw
ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Paligid-ligid ng
De La Salle-College of Saint Benilde
• Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy)
– Ang buhay ng pedikab driver ay puno ng walang katiyakan:
“Bakit napakamahal ng singil ninyo kung baha o may bagyo?”
“Kasi doon lang kami bumabawi …. Pana-panahon lang ‘yan.
Kung maganda ang panahon ayaw namang sumakay sa amin ng
karamihan. Naglalakad na lang sila. Wala sa kanila kung di ko alam
ang kikitain sa maghapon.”
“Kasi mas mahirap magpidal kung baha ….
‘Di rin namin alam kung magkakasakit kami.”
“E kurot-kurot lang sa mga taga-La Salle ang
P100. Kung gumimik nga sila e mahina ang
P1000.”
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Konlusyon at Rekomendasyon
Ang disenyo ng pedikab ay Pilipino at kakaiba sa mga sasakyang de-
padyak ng mga ibang bansa’t kultura (Bumbay, Intsik, Indonesian, etc.)
Mainam na linangin ang mga aspeto ng pagpepedikab sa pamamagitan
ng pananaliksik, mga paligsahan, at pagpupugay na angkop sa mga
pam-Pilipinong kahalagahan, kasama na ang mga pagdiriwang.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Sanggunian
– Adams, K. M. (2006). Art as politics: Re-crafting identities, tourism, and power in Tana Toraja, Indonesia. University of Hawaii Press.
– Andres, N. S. Estrella P. B. and Magno, E. “Status of Pedicub Drivers in Dinalupihan: Basis for Extension Program”. Bataan Peninsula State
University. BPSU Extension Office, Dinalupihan Campus. Completed Sept. 2011.
http://www.bpsu.edu.ph/home/index.php?option=com_content&view=article&id=239:status-of-pedicub-drivers-in-dinalupihan-basis-for-
extension-program&catid=69:completed-research-abstract-category&Itemid=263 Retrieved Aug 13, 2015.
– Aquino, T. “WOULD YOU HAVE HELPED HIM: We’re desensitized, netizens say after pedikab driver dies on sidewalk.”
http://www.interaksyon.com/article/65151/would-you-have-helped-him--were-desensitized-netizens-say-after-pedikab-driver-dies-on-
sidewalk Retrieved June 28, 2013 5:36 PM.
– Bajar, J, V. R., and Lingad, B. B. Composite Profile of the Filipino pedikab Driver. DLSU-Manila. December 1990. Print.
– Carroll, J. B. (ed.) [1956] (1997). Language, Thought, and Reality: Selected Writings of Benjamin Lee Whorf. Cambridge, Mass.: Technology
Press of Massachusetts Institute of Technology. ISBN 0-262-73006-5.
– Centesimus annus (1991) Latin, “Hundredth year”. An encyclical written by Pope John Paul II in 1991 on the hundredth anniversary of Rerum
novarum, an encyclical issued by Pope Leo XIII in 1891. English trans. Vatican. Available at http://w2.vatican.va/content/john-paul-
ii/en/encyclicals/documents/hf_jp-ii_enc_01051991_centesimus-annus.html
– Chanco, C.J. “INHUMANITY OF INDIFFERENCE: ‘Padyak’ driver dies in front of passing pedestrians near DLSU-Taft.” INTERAKSYON: Online
news portal of TV 5. http://www.interaksyon.com/article/64936/inhumanity-of-indifference--padyak-driver-dies-in-front-of-passing-
pedestrians-near-dlsu-taft Retrieved June 27, 2013 8:03 PM. Earlier posted in C.J. Chanco’s Facebook page.
https://www.facebook.com/cjchanco?fref=ts
– Cresswell, J. (2013). Qualitative Inquiry and Research Design: Choosing among Five Approaches. 3rd ed. SAGE.
– Crossing Boundaries, Changing Lives: Philippines. Web 5, July 2011. http://columnban.org/8991/welcome/crossing-boundaries-changing-
lives/
– de Jesus, E. and Daella, M. Interview with Mang Ken, a pedikab driver plying the vicinity of DLSU-Manila and Vito Cruz. Uploaded in YouTube:
October 30, 2012. https://www.youtube.com/watch?v=5qbUH8XK8As
– Deutscher, G. (26 August 2010), “Does Your Language Shape How You Think?”, New York Times Magazine, Aug 26, 2010.
– Deutscher, G. (2011). Through the Language Glass: Why the World Looks Different in Other Languages. Arrow Books. ISBN 978-0-09-950557-0
– Dewi, V. S. (2014). An Analysis of English Language Learning Strategies of pedikab Drivers in Malioboro Yogyakarta (Doctoral dissertation,
Universitas Muhammadiyah Yogyakarta).
– Enriquez, V. (1992). From Colonial to Liberation Psychology. Quezon City: University of the Philippines Press, 1992.
– Fadul, J. A. (2015). An Illustrated Lexicon of the Language used by pedikab Drivers plying the Vicinity of De La Salle-College of Saint Benilde.
Lulu Press. ISBN 9781329180994.
– Fernandez, J. (20 August 2009). A pedikab Driver’s Life Story. Web. http://justinfernandez.wordpress.com/
– Gomez, A. (2013). Mapping Constellation of pedikab Stations of Downtown Manila. http://metroplexed.blogspot.com/#sthash.tzrzgOpt.dpuf
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Sanggunian (continued)
– Gu, H., & Ryan, C. (2008). Place attachment, identity and community impacts of tourism—the case of a Beijing hutong. Tourism
management, 29(4), 637-647.
– Guillen, M. D. V. (2010). A Study of Non-Motorized Public Transportation in Urban and Urbanizing Areas: The Case of pedikab Operations in
the City of Manila and in the Municipality of Los Baños, Laguna. Unpublished MA Thesis (Diliman: University of Philippines).
– Hiebert, P. G. (2008). Transforming Worldviews: an anthropological understanding of how people change. Grand Rapids, Mich.: Baker
Academic, 2008.
– Hudtohan, E. “Funes and Agno pedikabs.” Manila Standard Today. February 27, 2012. Simultaneously posted in
http://emilianohudtohan.com/funes-and-agno-pedikabs-la-salle-taft/ Retrieved June 12, 2015.
– James, P. (2006). Globalism, Nationalism, Tribalism: Bringing Theory Back In. Sage Publications.
– James,P.; Nadarajah, Y.; Haive, K.; and Stead, V. (2012). Sustainable Communities, Sustainable Development: Other Paths for Papua New
Guinea. Honolulu: University of Hawaii Press.
– Jaeger, J. J. (2005). Kid’s slips: what young children’s slips of the tongue reveal about language development.
Psychology Press. ISBN 978-0-8058-3579-3.
– Laborem exercens. (1981). On Human Work, an encyclical written by Pope John Paul II in 1981, on human work. English trans. Vatican.
Available at http://w2.vatican.va/content/john-paul-ii/en/encyclicals/documents/hf_jp-ii_enc_14091981_laborem-exercens.html
– Land Transportation Office. Web. 2010. http://www.lto.gov.ph
– Lapeña, P. and Dimpas, D. Interview with Ronaldo Lomibao, a 33-year old pedikab driver from Pangasinan, now plying the vicinity of DLSU-
Manila. Uploaded in YouTube February 3, 2013. https://www.youtube.com/watch?v=i4dW0ZDpE9M&sns=fb
– Levelt, W. (2012). A History of Psycholinguistics: The Pre-Chomskyan Era. Oxford University Press.
– Matutina, C. (1990). pedikabs. Lifestyle and Entertainment Section. The Manila Chronicles.
– Mercado, L. (1976). Elements of Filipino Philosophy. Tacloban: Divine Word University Publications.
– Metcalf, A. (2002). Predicting New Words — The Secrets of Their Success. Boston: Houghton Mifflin Company. ISBN 0-618-13006-3.
– Pe-Pua, R. (1989). Pagtatanong-tanong: A cross-cultural research method.International Journal of Intercultural Relations, 13(2), 147-163.
– “pedikab Driver gets another Lease in Life, Thanks to ‘Pinoy Health Pass’ ”. The Philippine Star. Web. 09 January 2003.
– PinoyExchange. “DLSU student raped by pedikab driver?” http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=389518 Retrieved Nov
8, 2009.
– Police Regional Office. Web. 2011. http://pro8.pnp.gov.ph/index.php?option=comcontent&view=category&layout
– Postrado, L D. “The Urban Kuliglig: A cheaper ride or a nuisance on metro roads?”. The Manila Bulletin. Web.
http://www.mb.com.ph/node/248631/the-urban-kuliglig-a-cheaper-ride-or-a-nui
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Sanggunian (pagpapatuloy)
– Rebling, B. W. (2011). Rise of the pedikab: Municipal Regulation of an Emerging Industry, The. Arizona Law Review, 53, 255.
– Rerum novarum. (1891). Rights and Duties of Capital and Labor, an encyclical issued by Pope Leo XIII on 15 May 1891. English trans. Vatican.
Available at http://w2.vatican.va/content/leo-xiii/en/encyclicals/documents/hf_l-xiii_enc_15051891_rerum-novarum.html
– Sapir, E. (1983), David G. Mandelbaum, ed., Selected Writings of Edward Sapir in Language, Culture, and Personality, University of California
Press.
– Sire, J. W. (2004). T he Universe Next Door: A Basic Worldview Catalog. InterVarsity Press.
– Teddlie, C., and Yu, F. Mixed Methods Sampling: A Typology With Examples. Journal of Mixed Methods Research 2007; 1; 77. DOI:
10.1177/2345678906292430. SAGE. Online version available at http://mmr.sagepub.com/cgi/content/abstract/1/1/77 T.
– Testa, B. “HIS NAME IS REYNALDO CARCILLAR: the pedikab driver whose death has debate and introspection” INTERAKSYON: Online news
portal of TV 5. http://www.interaksyon.com/article/65086/how-he-died--the-story-of-reynaldo-carcillar-a-pedikab-driver-who-died-on-the-
streets-of-manila. Retrieved June 27, 2013 8:03 PM
– Testa, B. “HUMBLE HERO: pedikab driver dies chasing robbers preying on DLSU students” INTERAKSYON: Online news portal of TV 5.
http://www.interaksyon.com/article/65204/humble-hero--pedikab-driver-dies-chasing-robbers. Retrieved June 29, 2013 6:53 PM.
– Textor, R. B. (1973). From Peasant to pedikab Driver: a social study of Northeastern Thai farmers who periodically migrated to Bangkok and
became pedikab drivers (No. 9). University Microfilms.
– The Taft pedikab Secret Files. Facebook
https://www.facebook.com/TaftpedikabSecretFiles/photos/a.189450147927932.1073741825.189446194594994/189450154594598/
Retrieved Feb 22, 2015.
– University of the Philippines Manila. (2014). Compilation of Selected Guidelines for Health Research Ethics and Good Clinical Practice. 2nd ed.
Training Center for Health Research Ethics and Good Clinical Practice.
– Vygotsky, L. S. (1934/2003) Thought and Language. Textbook Publishers.
– Waibel, H. Working with the Poor for One Day. Web. (2011). http://www.scribd.com/doc/47163905/Working-with-the-poor-for-one-day
– Wieser, C. “Stories of Life: Manila Sidecar boys (English)”. YouTube video. Published on Jun 26, 2012.
https://www.youtube.com/watch?v=eNjL0yhVOzA.
■
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 1—Ang Serbey Kwestyoneyr
– Ang mga may-kulay na imahe ay ginamit sapagkat ito ay huhugot ng mga pagtugon na may mas
mataas na kalidad ayon sa ilang pananaliksik . Tingnan sa
http://www.sciencedirect.com/science/article/pii/0019850194900264.
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 2—Mga Halimbawang Tanong sa Panayam
– Ang mga tanong na ito, sa pananalita ng mga kalahok na pedikab drivers, ay base sa mga
naunang tanong na ginamit sa pagkakagawa ng An Illustrated Lexicon of the Language used by
pedikab Drivers plying the vicinity of De La Salle-College of Saint Benilde (Lulu Press, 2015).
• “Anu’ng pinakagusto mo, sa trabaho mo na pedikab driver?”
• “E, anu naman ang pinakaayaw mo sa pagpepedikab?”
• “Kailan kayo hinuhuli?”/ “Bakit kayo hinuhuli?”/ “Sino’ng humuhuli sa inyo?”
• “Magkano ang multa sa inyo?” “Masakit ba/ mahirap ba sa ‘yo ang mahuli?”
• “Magkano ba’ng karaniwang kinikita ninyo sa maghapon?”
• [“Kung malakas ang ulan at baha, magkano naman ang kinikita n’yo?”]
• “Marangal ba ang iyong trabaho, sa pagpepedikab?” [Bakit?] [Bakit hindi?]
• “Anu-ano ang mga pangarap mo sa buhay?”
• “Ano ang gusto mong maging?”
• “[Kung may anak ka] gusto mo rin ba magpedikab ang anak mo?”
• “[Kung may anak ka], ano’ng gusto mong maging ang anak mo paglaki?”
• “Anu’ng gusto mong iparating sa mga humuhuli sa inyo na pedikab driver?”
• [“Bakit?” / “Ipaliwanag n’yo naman.”]
• “Sa palagay mo pwede bang maging bayani ang isang pedikab driver?”
• [“Papa’no ba maging bayani ang isang pedikab driver?”]
• “Anu’ng gusto mong iparating sa mga taga CSB?”
• “Anu’ng mga pagbabago ang gusto mong [ninyong] maangyari ngayon sa lipunan?”
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 3—Pagpapakilala sa Pananaliksik at sa Mananaliksik
– Isang pulyeto na ipinakikilala ang pananaliksik at ang mananaliksik, at nagpapaliwanag na ang
gagawin ng mananaliksik ay limitado lamang sa pagkuha ng datos;
– tuwirang inilalahad na ang mananaliksik ay hindi makapagbibigay sa ngayon ng madaliang
tulong, pagpapa-aral, at iba pa;
– nakasulat ito sa wika na ginagamit ng mga pedikab drivers.
Ito ay ipinatern sa isang form mula sa Compilation of Selected Guidelines for Health Research
Ethics and Good Clinical Practice 2nd edition, Training Center for Health Research Ethics and
Good Clinical Practice, University of the Philippines Manila.
• “Ito po ay isang pag-aaral ni Propesor Jose Fadul ng College of Saint Benilde (CSB) tungkol sa
karangalan ng tao at pagpahalaga sa trabaho ng mga pedikab drivers na namamasada sa paligid-ligid
ng CSB.
• Si Propesor Fadul po at ang kanyang mga kasama ay magtatanong-tanong lamang at kukuha ng mga
sagot at palatandaan.
• Hindi po sila, sa ngayon, makapagbibigay-tulong sa inyong mga problema kung mayroon man.
• Hindi po sila Fadul nag-aalok ng scholarships.
• Kung hindi po ninyo nais na sumali sa pag-aaral na ito ay malaya po kayong tumanggi.
• Kung kayo naman po ay sumali sa pag-tatanungan, at ano mang dahilan ay ayaw nyo nang ituloy, ay
malaya po kayo na hindi tapusin ito at magpaalam upang umalis na.
• Maraming salamat po, at pasensya na kung kami ay nakaabala.”
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 4—Ang Ipinagbigay-Alam na Pahintulot (Informed Consent)
– Ipinatern ito mula sa isang WHO form, na siyang kukunin o hihilingin mula sa bawat pedikab
driver na kalahok at kakapanayamin.
– Ito ay nasa wikang nauunawaan ng mga pedikab drivers.
Ipinagbigay-Alam na Pahintulot
Naipaliwanag sa akin itong pag-aaral ni Propesor Jose Fadul ng College of Saint Benilde (CSB).
Nalaman ko na ito ay tungkol sa mga pedikab driver na pumapasada sa paligid ng CSB.
Napag-alaman ko na kung hindi ko nais sumali sa pag-aaral na ito ay malaya akong makakatanggi.
Ako ay hindi pinilit na sumali at malaya kong ibinibigay ang mga sagot ko sa mga tanong-tanong.
Nalaman ko rin na pagsali ko sa pagtatanungan, na kung ano mang dahilan na ayaw ko nang magpatuloy,
ay malaya akong hindi na tapusin ito at magpaalam upang umalis na.
Pangalan at lagda: _________________________________
Petsa: _________________________ ■
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 5—Mga Halimbawang Datos Kwantitatibong Nahugot
– Bilang ng mga pedikab na pumapasada sa paligid-ligid ng DLS-CSB
• mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 49
• tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 5
– Karaniwang bilang ng sunud-sunod na mga araw ng pagtratrabaho bago ang pedikab driver ay magpahingang maghapon : 3.5
– Karaniwang bilang ng pedikab na nakaparada sa Fidel A. Reyes Street
• mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 17
• mula Lunes hanggang Biyernes, pagsapit ng 6:00 ng gabi : 52
• tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 47
– Karaniwang bilang ng mga pedikab na nakapila sa may kanto ng kalye Estrada at Taft Avenue
• mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 7
• tuwing Sabado at Linggo mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 5
– Karaniwang bilang ng mga pedikab na nakapila sa may Pablo Ocampo, malapit sa St. Scholastica’s College
• mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 7
• tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 6
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 5—Mga Halimbawang Datos Kwantitatibong Nahugot (pagpapatuloy)
– Karaniwang bilang ng mga pedikab na nakapila sa may Pablo Ocampo malapit sa Philippine
Sports Commission/Rizal Memorial Colliseum
• mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 49
• tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 5
– Karaniwang bilang ng mga pedikab na nag-aabang sa may CSB Main Campus Taft Gate
• mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 2
• tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 1
– Karaniwang bilang ng mga pedikab na nag-aabang sa may CSB Main Campus Leon Guinto Gate
• mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 2
• tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 1
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 5—Halimbawa ng Datos Kwantitatibong Nahugot (pagpapatuloy)
– Karaniwang singil sa isang pasahero ng pedikab (taong 2015, sa Piso): 20
– Karaniwang bilang ng pakikipagtransaksyon sa pasahero ng isang pedikab
driver sa isang araw : 10
– Bilang ng mga hintayan/sakayan ng pedikab sa paligid-ligid ng DLS-CSB: 21
– Bilang ng mga babaeng pedikab drivers sa paligid-ligid ng DLS-CSB: 3
– Karaniwang arawang kinikita ng isang pedikab driver
(taong 2015, sa Piso): 400
– Karaniwang buwanang kinikita ng isang pedikab driver
(taong 2015, sa Piso): 6,500
– Karaniwang bilang ng mga aksidenteng may kaugnayan sa pedikab sa loob ng
isang araw sa paligid-ligid ng DLS-CSB: 2
– Bilang ng mga pedikab drivers na nagbabayad ng income tax: 0
■
Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers
na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas
• Appendix 6—Ilan sa mga Larawan ng Sasakyang de Padyak mula sa iba’t-ibang Bansa na
ipinakita’t ipinapuna sa mga pedikab driver na pumapasada sa paligid-ligid ng DLS-CSB
■

More Related Content

What's hot

The Formation of Philippine Society
The Formation of Philippine SocietyThe Formation of Philippine Society
The Formation of Philippine Society
Jomar Urbano
 
wikang-pambansa-ni-manuel-l-quezon
wikang-pambansa-ni-manuel-l-quezonwikang-pambansa-ni-manuel-l-quezon
wikang-pambansa-ni-manuel-l-quezon
Bay Max
 
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstoMga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
majoydrew
 
Panitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng Kastila
Panitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng KastilaPanitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng Kastila
Panitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng Kastila
christinejjavier
 
Aralin 1 Barayti ng Wika
Aralin 1 Barayti ng WikaAralin 1 Barayti ng Wika
Aralin 1 Barayti ng Wika
Princess Joy Revilla
 
Footnote to Youth
Footnote to YouthFootnote to Youth
Footnote to Youth
Crisanta Leonardo
 
Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301
Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301
Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301
Nordic Innovation
 
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainFil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Jeffril Cacho
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonMara Maiel Llorin
 
Pakikinig
PakikinigPakikinig
Pakikinig
danbanilan
 
Designing a Device for Tourist information system
 Designing a Device for Tourist information system Designing a Device for Tourist information system
Designing a Device for Tourist information system
Fluttar Shy
 
Ang Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaAng Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaPersia
 
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoPamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoJared Ram Juezan
 
Karilyo
KarilyoKarilyo
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
abigail Dayrit
 
Filipino batayang uri ng diskurso (1)
Filipino   batayang uri ng diskurso (1)Filipino   batayang uri ng diskurso (1)
Filipino batayang uri ng diskurso (1)
Arneyo
 
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa aPaano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
Bryan Roy Milloria
 
K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016
K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016
K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016
Ehm Ehl Cee
 
MGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdf
MGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdfMGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdf
MGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdf
CharloteVilando2
 
What is educated filipino by francisco benitez
What is educated filipino by francisco benitezWhat is educated filipino by francisco benitez
What is educated filipino by francisco benitez
Melanio Florino
 

What's hot (20)

The Formation of Philippine Society
The Formation of Philippine SocietyThe Formation of Philippine Society
The Formation of Philippine Society
 
wikang-pambansa-ni-manuel-l-quezon
wikang-pambansa-ni-manuel-l-quezonwikang-pambansa-ni-manuel-l-quezon
wikang-pambansa-ni-manuel-l-quezon
 
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstoMga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
 
Panitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng Kastila
Panitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng KastilaPanitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng Kastila
Panitikang Pilipino Noong Panahon ng Katutubo at Panahon ng Panankop ng Kastila
 
Aralin 1 Barayti ng Wika
Aralin 1 Barayti ng WikaAralin 1 Barayti ng Wika
Aralin 1 Barayti ng Wika
 
Footnote to Youth
Footnote to YouthFootnote to Youth
Footnote to Youth
 
Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301
Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301
Opening Remarks, Certification of Services, Kari Winquist_20120301
 
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga SimulainFil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
Fil 201 -Ang Pagtuturo na Batay sa mga Simulain
 
namanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyonnamanang kaugalian at tradisyon
namanang kaugalian at tradisyon
 
Pakikinig
PakikinigPakikinig
Pakikinig
 
Designing a Device for Tourist information system
 Designing a Device for Tourist information system Designing a Device for Tourist information system
Designing a Device for Tourist information system
 
Ang Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng WikaAng Tungkulin Ng Wika
Ang Tungkulin Ng Wika
 
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipinoPamana ng mga kastila sa mga pilipino
Pamana ng mga kastila sa mga pilipino
 
Karilyo
KarilyoKarilyo
Karilyo
 
Filipino report-diskurso
Filipino report-diskursoFilipino report-diskurso
Filipino report-diskurso
 
Filipino batayang uri ng diskurso (1)
Filipino   batayang uri ng diskurso (1)Filipino   batayang uri ng diskurso (1)
Filipino batayang uri ng diskurso (1)
 
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa aPaano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
Paano ang tamang pagsulat ng sanaysay para sa a
 
K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016
K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016
K to 12 Curriculum Guide in Filipino 2016
 
MGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdf
MGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdfMGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdf
MGA URI NG BARAYTI NG WIKA.pdf
 
What is educated filipino by francisco benitez
What is educated filipino by francisco benitezWhat is educated filipino by francisco benitez
What is educated filipino by francisco benitez
 

Viewers also liked

THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
hm alumia
 
Mga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanMga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanElain Cruz
 
Paghahanda sa pananaliksik filipino 2
Paghahanda sa pananaliksik filipino 2Paghahanda sa pananaliksik filipino 2
Paghahanda sa pananaliksik filipino 2Cute_04
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISHK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH
LiGhT ArOhL
 
Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17Dang Baraquiel
 
Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....
Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....
Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....
Muel Clamor
 
Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.
Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.
Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.
Dante Teodoro Jr.
 
Pangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanPangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanDiane Rizaldo
 
Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )
Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )
Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )Ofhel Del Mundo
 
Quantitative Data Analysis
Quantitative Data AnalysisQuantitative Data Analysis
Quantitative Data Analysis
Asma Muhamad
 

Viewers also liked (11)

Pananaliksik
PananaliksikPananaliksik
Pananaliksik
 
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) TagalogTHESIS (Pananaliksik) Tagalog
THESIS (Pananaliksik) Tagalog
 
Mga batayang kaalaman
Mga batayang kaalamanMga batayang kaalaman
Mga batayang kaalaman
 
Paghahanda sa pananaliksik filipino 2
Paghahanda sa pananaliksik filipino 2Paghahanda sa pananaliksik filipino 2
Paghahanda sa pananaliksik filipino 2
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISHK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN ENGLISH
 
Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17Kabanata 2 group 1 pp.8 17
Kabanata 2 group 1 pp.8 17
 
Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....
Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....
Mga Teorya At Herarkiya Ng Pangangailangan ni Abraham Maslow At Ni Michael P....
 
Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.
Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.
Ang Teoryang Naturalismo ni Dante Menor Teodoro Jr.
 
Pangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhanPangangailangan at kagustuhan
Pangangailangan at kagustuhan
 
Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )
Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )
Kasaysayan ng Kompyuter ( EPP VI )
 
Quantitative Data Analysis
Quantitative Data AnalysisQuantitative Data Analysis
Quantitative Data Analysis
 

J.Fadul - Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa ibat-ibang Lugar sa Pilipinas

  • 1. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas Prop. Jose A. Fadul, PhD De La Salle-College of Saint Benilde Ano ang Pilipino sa pedikab at sa pagpepedikab? Ika-40 na Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino
  • 2. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Mga Katanungang Pananaliksik – Anu-ano ang mga bukod-tanging Pilipino sa pedikab, at sa orientasyon ng mga pedikab drivers sa kanilang punto de bistang pang-indibidwal at kolektibong kaalamang Pilipino? – Anu-ano ang maka-Pilipinong pananaw ng mga pedikab drivers sa kanilang gawain, ang kanilang pamilya, at ang lipunan sa pangkalahatan? – Anu-ano ang mga posibleng programa at proyekto na maaaring simulan at isustena para sa kanila bilang bahagi ng lipunang Pilipino?
  • 3. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Kahalagahan ng Pag-aaral – Sa ating modernong mundo, maraming mga kaugalian at pag-iisip na may pagka- Pilipino ang nakukubli sa ilang sektor ng lipunan. – Maaaring may mga kaugalian ang mga pedikab drivers ang sumasalamin sa ating pagka-Pilipino. – Kailangan ng pag-unawa sa mga pedikab drivers ukol sa kanilang kaugalian at paniniwala, bilang bahagi ng lipunang Pilipino. – Kailangan ng kaagapay sa paghahanap ng equilibrium sa pagitan ng pag-aalala sa kabuuan ng lipunang Pilipino, lalong-lao na sa mga pinakamahihina at pinakamahihirap, sa kanilang paggalang sa kalayaang pantao, kasama na ang karapatan sa edukasyon at kalayaan mula sa kamangmangan. – Ang mga pedikab drivers ay isa sa mga marginalized members ng lipunang Pilipino—ang pagtulong sa kanila ay isang imperative na sangkap ng mga kasalukuyang kurso, at maging sa mga kurso sa kolehiyo sa hinaharap, gaya ng Contemporary World at Science Technology & Society.
  • 4. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Pagrepaso sa mga May-kaugnayang Literatura – Ayon kay Wieser (2012) “ang pagpepedikab ay isa sa pinakamahirap na trabaho sa buong mundo …. Ang mga pedikab drivers ay madalas magkasakit dala ng pagkabilad sa init, nakapapagod na pagpipidal, at tuluyang pagpapawis”. – Isang first-hand account ng isang estudyante ng DLSU: isang 51-gulang na pedikab driver and inatake sa puso, sa labas lang ng DLSU South Gate, sa harap ng maraming naglalakad-lakad. Namatay siya na hindi gaanong natulungan, at ang kwento ng sirkumstansya ng pagkamatay ng pedikab driver na ito ang naging mitsa ng mainit na debate at introspeksyon sa mga estudyante at guro ng DLSU at DLS-CSB, at pati na ng ibang miyembro ng komunidad. (Aquino, 2013; Chanco, 2013; Testa, 2013a). – Wala pang isang linggo matapos madetalye ang pagkamatay ng pedikab driver na nabanggit, isa pang pedikab driver ang napatay habang tinutugis ang mga snatcher sa may La Salle. Ang 29-gulang na pedikab driver na nagtatanod din sa gabi, ay iniharang ang kanyang pedikab sa motorsiklo ng dalawang riding-in- tandem na magnanakaw. Bumagsak sila, at daliang tumakas. Nahuli ng pedikab driver ang isa, habang ilang security officers mula DLSU ang humabol at tumulong; ngunit nakabunot ng patalim ang isa sa magnanakaw at sinaksak ang bayaning pedikab driver (Testa, 2013b). – May mga hilaw pang salaysay tungkol sa mga pedikab drivers na pumapasada sa may DLS-CSB at DLSU, na mababasa sa mga police reports (Police Regional Office, 2011), blogs (PinoyExchange, 2009; The Taft pedikab Secret Files, 2015), e-newspapers (Bajar and Lingad, 1990; Matutina, 1990; Fernandez, 2009) o mapapanood sa YouTube (de Jesus and Daella, 2012; Lapeña and Dimpas, 2013). – Ang mananaliksik ay naunang maglimbag ng isang aklat (Fadul, 2015) ukol sa kakaibang wika na ginagamit ng mga pedikab drivers sa may DLS-CSB at kinoroboreyt nito ang kalagayan ng mga pedikab drivers. Samantala, si Hudtohan (2012) ay nagsulat tungkol sa tagumpay ng negosyong pagpepedikab ng mag-asawang nakatira malapit sa DLSU. Ito ay bahagyang tumalakay sa pagpapahalaga ng mga pedikab drivers sa kanilang gawain.
  • 5. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Balangkas ng Konsepto/Teorya – Ang sapataha na ang wika ng isang tao ay naghuhugis kung paano siya mag-isip (Vygotsky, 1934/2003; Caroll, 1956/1997; Sapir, 1983; Metcalf, 2002, Jaeger, 2005; Sire, 2004) ay hindi na bago, kundi mayroon pa ngang panumbalik ngayong mga taon (Hiebert, 2008; Deutscher, 2010, 2011; Levelt, 2012). – Ang prinsipyo ng Linguistic Relativity ay nagsasaad na ang struktura ng isang wika ay may kinalaman sa pananaw sa daigdig ng mga gumagamit ng wika--ang kanilang world view; o samakatuwid ay, may impluwensya sa kanilang mga prosesong kognitibo. Kilala rin ito bilang Sapir–Whorf hypothesis, ang strong version ay nagsasabing and wika ay nagpapalakad ng pag-iisip, at iyang mga kategoryang panglingwistik ay naglilimita at nagbibigay-kaalaman sa mga kategoryang kognitibo; samantalang ang weak version ay nagsasabi lamang na ang mga kategoryang panglingwistik at paggamit ay nagiimpluwensya ng pag-iisip at ng ilang mga non-linguistic behavior. – Sa pagmamasid at pag-aaral ng wika ng mga pedikab drivers, ang kanilang konsepto ng pagka-Pilipino ay higit na mauunawaan at makapagbibigay pa ng pananaw sa kanilang kalagayan. Dahil dito, higit na mabuting disenyong pang-edukasyon ang maihahanda para sa kanila. – Ito rin ay kaakibat ng kasalukuyang pilosopiya ng DLS-CSB ukol sa inklusyon at inobasyon. May mga ibang paaralan at kaakibat na mga kagawaran dito at sa mga ibang bansa ang nagtangka sa mga kahalintulad na proyektong may kinalaman sa mga pedikab drivers, na may iba’t-ibang antas ng napag-alaman at pagtatagumpay (Textor, 1973; Adams, 2006; Gu and Ryan, 2008; Guillen, 2010; Andres et al., 2011; Rebling, 2011; Dewi, 2014).
  • 6. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Metodo – Ginamit ang engaged theory ni Paul James (2006) at iniakma sa lokal na kalagayan (Pe-Pua, 1989); – Ito rin ang ginamit ng mananaliksik sa kanyang naunang pananaliksik sa pagtuklas sa kanilang wika (Fadul, 2015: 88-94). Mangyari pa, ang metodo ay magkahalo (parehong kwantitatibo at kwalitatibo) . – Bahaging Kwantitatibo: Ang koleksyon ng mga datos ay sa pamamagitan ng serbey- kwestyoneyr (tingnan ang Appendix 1—Ang Serbey Kwestyoneyr), na may purposive sampling. • May mga datos na nakolekta sa pamamagitan ng sistematikong pagmamasid mula Disyembre 1, 2014 hanggang Nobyembre 12, 2015. • Ang ibang datos ay nakuha mula sa Barangay Office records (tingnan ang Appendix 5—Mga Halimbawa ng Datos Kwantitatibong Nahugot). – Bahaging Kwalitatibo: Gaya ng nabanggit, engaged theory ang ginawa mula Disyembre 2014 hanggang Agosto 2015, (tingnan ang Appendix 2—Mga Halimbawang Tanong para sa Panayam). • Kinapanayam ang 42 na pedikab drivers, mula sa 21 hintayan/sakayan ng pedikab sa paligid-ligid ng DLS-CSB, na unang iniulat ni Gomez (2012); 2 mula sa hintayan sa may University of St. La Salle sa Bacolod; at 2 mula sa sa may La Salle University sa Ozamiz. • Pinakitaan sila ng mga larawan ng pedikab mula sa iba’t-ibang bansa. Ipinapuna ng mga ito at itinanong kung maaari ba itong tularan nila. Matapos ang bawat panayam, isang pagninilay ang ginawa upang maisaayos at maging organisado ang mga napag-alaman.
  • 7. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Buod ng Metodo
  • 8. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Mga Isyung Etikal – Bulnerabilidad ng Mananaliksik. Isang hand-out ang ipinamahagi na nagpapakilala sa pananaliksik at sa mananaliksik, at nagpaliwanag na ang gawain ng mananaliksik ay limitado lamang sa pagtatanong at pagkuha ng datos; tuwirang binanggit na ang mananaliksik ay hindi makapagbibigay ng madaliang pagtulong. (Tingnan sa Appendix 3— Pagpapakilala sa Pananaliksik at sa Manananaliksik). – Bulnerabilidad ng Kalahok. Isang informed consent, na ipinatern sa isang WHO form, ang siyang kinuha/hiniling mula sa bawat kalahok na nakapanayam. Ito ay nasa wika at antas na nauunawaan ng pedikab driver. (Tingnan ang Appendix 4—Ang Ipinagbigay-Alam na Pahintulot [Informed Consent]) – Binayaran ng mananaliksik ang mga kalahok ayon lamang sa kanilang direktang nagastos dahil sa pakikipagpanayam.
  • 9. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Ibang mga Isyu at Pag-aalala – Deklarasyong Walang Conflict of Interest. • Ang mananaliksik ay hindi kasapi sa alin mang negosyo na may kinalaman sa mga pedikab o pagpepedikab. • Ang mananaliksik ay walang nakabinbing kasong legal, pabor man o laban, sa sino mang pedikab driver o operator.
  • 10. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Mga Resulta at Diskusyon Ang disenyo ng pedikab (“padyak”, “sikad-sikad”, o “saydkar”) … – ay magkakahawig sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas; – naiiba sa mga sasakyang de-padyak sa mga ibang bansa at ibang kultura.
  • 11. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy) – Ang disenyo ng pedikab (o “saydkar”, “padyak”, o “sikad-sikad”) na pumapasada sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas ay ayon sa pangangailangan: Akma ito sa sukat ng mga kalye at makikitid na eskinita ng distrito, at hawig sa bahay-kubo (kompakto at di nagkakalayo ang sukat ng haba, taas, at lapad). “ ‘Yong suggestion ni Celdran? ‘Yong nasa gitna ang bike at hila ang kargada. Hindi pwede dito ‘yon. Mahirap imaneobra ‘yon … mahaba. ‘Di mo pa makakausap tuwi-tuwina ang pasahero mo.” --isa sa grupo ng mga pedikab driver
  • 12. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy) – Ang disenyo ng pedikab o “padyak” ay ayon sa pangangailangan at pandaigdigang pananaw: Ang paggamit (at pagrecycle) ng trapal bilang panakip at panilong. “ ‘Yong ipinakita mong de-padyak sa Bangladesh ba ‘yon? Hindi rin pwede dito ‘yon. Sandali lang e manlilimahid na sa dumi ‘yon dito.” “Aamagin pa ‘ka mo. Trapal talaga ang akma dito sa ‘tin.” --dalawang pedikab driver
  • 13. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy) – Ang disenyo ng pedikab o “padyak” ay naayon sa kanilang pilosopiya ng kapwa (Mercado, 1976; Enriquez, 1992) “Ang pagpepedikab driver ko ay ugnay sa pasahero ko, kasi ang biyahe ay biyahe naming magkasama ….” “Sobra naman itong parang kung sinong hari[ng pasahero] ….” “Huh?! Parang wini-wheel chair ‘yung si Ate. Pa’no kung mabunggo? E di siya [ang pasahero] pa ang nasaktan.” --magkumpareng pedikab drivers
  • 14. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy) – Ang disenyo ng pedikab o “padyak” ay tila ayon din sa konsepto ng malasakit sa kapwa (Mercado, 1976; Enriquez, 1992) – Ang pasahero ay nasa tabi ng driver, hindi nasa likod o harap Pasahero: “Dahan-dahan lang po. Baka po tayo mabangga!” Pedikab driver: “Kargo ko po kayo. Hindi tayo maaano.”
  • 15. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Paligid-ligid ng De La Salle-College of Saint Benilde • Mga Resulta at Diskusyon (Pagpapatuloy) – Ang buhay ng pedikab driver ay puno ng walang katiyakan: “Bakit napakamahal ng singil ninyo kung baha o may bagyo?” “Kasi doon lang kami bumabawi …. Pana-panahon lang ‘yan. Kung maganda ang panahon ayaw namang sumakay sa amin ng karamihan. Naglalakad na lang sila. Wala sa kanila kung di ko alam ang kikitain sa maghapon.” “Kasi mas mahirap magpidal kung baha …. ‘Di rin namin alam kung magkakasakit kami.” “E kurot-kurot lang sa mga taga-La Salle ang P100. Kung gumimik nga sila e mahina ang P1000.”
  • 16. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Konlusyon at Rekomendasyon Ang disenyo ng pedikab ay Pilipino at kakaiba sa mga sasakyang de- padyak ng mga ibang bansa’t kultura (Bumbay, Intsik, Indonesian, etc.) Mainam na linangin ang mga aspeto ng pagpepedikab sa pamamagitan ng pananaliksik, mga paligsahan, at pagpupugay na angkop sa mga pam-Pilipinong kahalagahan, kasama na ang mga pagdiriwang.
  • 17. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Sanggunian – Adams, K. M. (2006). Art as politics: Re-crafting identities, tourism, and power in Tana Toraja, Indonesia. University of Hawaii Press. – Andres, N. S. Estrella P. B. and Magno, E. “Status of Pedicub Drivers in Dinalupihan: Basis for Extension Program”. Bataan Peninsula State University. BPSU Extension Office, Dinalupihan Campus. Completed Sept. 2011. http://www.bpsu.edu.ph/home/index.php?option=com_content&view=article&id=239:status-of-pedicub-drivers-in-dinalupihan-basis-for- extension-program&catid=69:completed-research-abstract-category&Itemid=263 Retrieved Aug 13, 2015. – Aquino, T. “WOULD YOU HAVE HELPED HIM: We’re desensitized, netizens say after pedikab driver dies on sidewalk.” http://www.interaksyon.com/article/65151/would-you-have-helped-him--were-desensitized-netizens-say-after-pedikab-driver-dies-on- sidewalk Retrieved June 28, 2013 5:36 PM. – Bajar, J, V. R., and Lingad, B. B. Composite Profile of the Filipino pedikab Driver. DLSU-Manila. December 1990. Print. – Carroll, J. B. (ed.) [1956] (1997). Language, Thought, and Reality: Selected Writings of Benjamin Lee Whorf. Cambridge, Mass.: Technology Press of Massachusetts Institute of Technology. ISBN 0-262-73006-5. – Centesimus annus (1991) Latin, “Hundredth year”. An encyclical written by Pope John Paul II in 1991 on the hundredth anniversary of Rerum novarum, an encyclical issued by Pope Leo XIII in 1891. English trans. Vatican. Available at http://w2.vatican.va/content/john-paul- ii/en/encyclicals/documents/hf_jp-ii_enc_01051991_centesimus-annus.html – Chanco, C.J. “INHUMANITY OF INDIFFERENCE: ‘Padyak’ driver dies in front of passing pedestrians near DLSU-Taft.” INTERAKSYON: Online news portal of TV 5. http://www.interaksyon.com/article/64936/inhumanity-of-indifference--padyak-driver-dies-in-front-of-passing- pedestrians-near-dlsu-taft Retrieved June 27, 2013 8:03 PM. Earlier posted in C.J. Chanco’s Facebook page. https://www.facebook.com/cjchanco?fref=ts – Cresswell, J. (2013). Qualitative Inquiry and Research Design: Choosing among Five Approaches. 3rd ed. SAGE. – Crossing Boundaries, Changing Lives: Philippines. Web 5, July 2011. http://columnban.org/8991/welcome/crossing-boundaries-changing- lives/ – de Jesus, E. and Daella, M. Interview with Mang Ken, a pedikab driver plying the vicinity of DLSU-Manila and Vito Cruz. Uploaded in YouTube: October 30, 2012. https://www.youtube.com/watch?v=5qbUH8XK8As – Deutscher, G. (26 August 2010), “Does Your Language Shape How You Think?”, New York Times Magazine, Aug 26, 2010. – Deutscher, G. (2011). Through the Language Glass: Why the World Looks Different in Other Languages. Arrow Books. ISBN 978-0-09-950557-0 – Dewi, V. S. (2014). An Analysis of English Language Learning Strategies of pedikab Drivers in Malioboro Yogyakarta (Doctoral dissertation, Universitas Muhammadiyah Yogyakarta). – Enriquez, V. (1992). From Colonial to Liberation Psychology. Quezon City: University of the Philippines Press, 1992. – Fadul, J. A. (2015). An Illustrated Lexicon of the Language used by pedikab Drivers plying the Vicinity of De La Salle-College of Saint Benilde. Lulu Press. ISBN 9781329180994. – Fernandez, J. (20 August 2009). A pedikab Driver’s Life Story. Web. http://justinfernandez.wordpress.com/ – Gomez, A. (2013). Mapping Constellation of pedikab Stations of Downtown Manila. http://metroplexed.blogspot.com/#sthash.tzrzgOpt.dpuf
  • 18. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Sanggunian (continued) – Gu, H., & Ryan, C. (2008). Place attachment, identity and community impacts of tourism—the case of a Beijing hutong. Tourism management, 29(4), 637-647. – Guillen, M. D. V. (2010). A Study of Non-Motorized Public Transportation in Urban and Urbanizing Areas: The Case of pedikab Operations in the City of Manila and in the Municipality of Los Baños, Laguna. Unpublished MA Thesis (Diliman: University of Philippines). – Hiebert, P. G. (2008). Transforming Worldviews: an anthropological understanding of how people change. Grand Rapids, Mich.: Baker Academic, 2008. – Hudtohan, E. “Funes and Agno pedikabs.” Manila Standard Today. February 27, 2012. Simultaneously posted in http://emilianohudtohan.com/funes-and-agno-pedikabs-la-salle-taft/ Retrieved June 12, 2015. – James, P. (2006). Globalism, Nationalism, Tribalism: Bringing Theory Back In. Sage Publications. – James,P.; Nadarajah, Y.; Haive, K.; and Stead, V. (2012). Sustainable Communities, Sustainable Development: Other Paths for Papua New Guinea. Honolulu: University of Hawaii Press. – Jaeger, J. J. (2005). Kid’s slips: what young children’s slips of the tongue reveal about language development. Psychology Press. ISBN 978-0-8058-3579-3. – Laborem exercens. (1981). On Human Work, an encyclical written by Pope John Paul II in 1981, on human work. English trans. Vatican. Available at http://w2.vatican.va/content/john-paul-ii/en/encyclicals/documents/hf_jp-ii_enc_14091981_laborem-exercens.html – Land Transportation Office. Web. 2010. http://www.lto.gov.ph – Lapeña, P. and Dimpas, D. Interview with Ronaldo Lomibao, a 33-year old pedikab driver from Pangasinan, now plying the vicinity of DLSU- Manila. Uploaded in YouTube February 3, 2013. https://www.youtube.com/watch?v=i4dW0ZDpE9M&sns=fb – Levelt, W. (2012). A History of Psycholinguistics: The Pre-Chomskyan Era. Oxford University Press. – Matutina, C. (1990). pedikabs. Lifestyle and Entertainment Section. The Manila Chronicles. – Mercado, L. (1976). Elements of Filipino Philosophy. Tacloban: Divine Word University Publications. – Metcalf, A. (2002). Predicting New Words — The Secrets of Their Success. Boston: Houghton Mifflin Company. ISBN 0-618-13006-3. – Pe-Pua, R. (1989). Pagtatanong-tanong: A cross-cultural research method.International Journal of Intercultural Relations, 13(2), 147-163. – “pedikab Driver gets another Lease in Life, Thanks to ‘Pinoy Health Pass’ ”. The Philippine Star. Web. 09 January 2003. – PinoyExchange. “DLSU student raped by pedikab driver?” http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=389518 Retrieved Nov 8, 2009. – Police Regional Office. Web. 2011. http://pro8.pnp.gov.ph/index.php?option=comcontent&view=category&layout – Postrado, L D. “The Urban Kuliglig: A cheaper ride or a nuisance on metro roads?”. The Manila Bulletin. Web. http://www.mb.com.ph/node/248631/the-urban-kuliglig-a-cheaper-ride-or-a-nui
  • 19. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Sanggunian (pagpapatuloy) – Rebling, B. W. (2011). Rise of the pedikab: Municipal Regulation of an Emerging Industry, The. Arizona Law Review, 53, 255. – Rerum novarum. (1891). Rights and Duties of Capital and Labor, an encyclical issued by Pope Leo XIII on 15 May 1891. English trans. Vatican. Available at http://w2.vatican.va/content/leo-xiii/en/encyclicals/documents/hf_l-xiii_enc_15051891_rerum-novarum.html – Sapir, E. (1983), David G. Mandelbaum, ed., Selected Writings of Edward Sapir in Language, Culture, and Personality, University of California Press. – Sire, J. W. (2004). T he Universe Next Door: A Basic Worldview Catalog. InterVarsity Press. – Teddlie, C., and Yu, F. Mixed Methods Sampling: A Typology With Examples. Journal of Mixed Methods Research 2007; 1; 77. DOI: 10.1177/2345678906292430. SAGE. Online version available at http://mmr.sagepub.com/cgi/content/abstract/1/1/77 T. – Testa, B. “HIS NAME IS REYNALDO CARCILLAR: the pedikab driver whose death has debate and introspection” INTERAKSYON: Online news portal of TV 5. http://www.interaksyon.com/article/65086/how-he-died--the-story-of-reynaldo-carcillar-a-pedikab-driver-who-died-on-the- streets-of-manila. Retrieved June 27, 2013 8:03 PM – Testa, B. “HUMBLE HERO: pedikab driver dies chasing robbers preying on DLSU students” INTERAKSYON: Online news portal of TV 5. http://www.interaksyon.com/article/65204/humble-hero--pedikab-driver-dies-chasing-robbers. Retrieved June 29, 2013 6:53 PM. – Textor, R. B. (1973). From Peasant to pedikab Driver: a social study of Northeastern Thai farmers who periodically migrated to Bangkok and became pedikab drivers (No. 9). University Microfilms. – The Taft pedikab Secret Files. Facebook https://www.facebook.com/TaftpedikabSecretFiles/photos/a.189450147927932.1073741825.189446194594994/189450154594598/ Retrieved Feb 22, 2015. – University of the Philippines Manila. (2014). Compilation of Selected Guidelines for Health Research Ethics and Good Clinical Practice. 2nd ed. Training Center for Health Research Ethics and Good Clinical Practice. – Vygotsky, L. S. (1934/2003) Thought and Language. Textbook Publishers. – Waibel, H. Working with the Poor for One Day. Web. (2011). http://www.scribd.com/doc/47163905/Working-with-the-poor-for-one-day – Wieser, C. “Stories of Life: Manila Sidecar boys (English)”. YouTube video. Published on Jun 26, 2012. https://www.youtube.com/watch?v=eNjL0yhVOzA. ■
  • 20. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 1—Ang Serbey Kwestyoneyr – Ang mga may-kulay na imahe ay ginamit sapagkat ito ay huhugot ng mga pagtugon na may mas mataas na kalidad ayon sa ilang pananaliksik . Tingnan sa http://www.sciencedirect.com/science/article/pii/0019850194900264.
  • 21. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 2—Mga Halimbawang Tanong sa Panayam – Ang mga tanong na ito, sa pananalita ng mga kalahok na pedikab drivers, ay base sa mga naunang tanong na ginamit sa pagkakagawa ng An Illustrated Lexicon of the Language used by pedikab Drivers plying the vicinity of De La Salle-College of Saint Benilde (Lulu Press, 2015). • “Anu’ng pinakagusto mo, sa trabaho mo na pedikab driver?” • “E, anu naman ang pinakaayaw mo sa pagpepedikab?” • “Kailan kayo hinuhuli?”/ “Bakit kayo hinuhuli?”/ “Sino’ng humuhuli sa inyo?” • “Magkano ang multa sa inyo?” “Masakit ba/ mahirap ba sa ‘yo ang mahuli?” • “Magkano ba’ng karaniwang kinikita ninyo sa maghapon?” • [“Kung malakas ang ulan at baha, magkano naman ang kinikita n’yo?”] • “Marangal ba ang iyong trabaho, sa pagpepedikab?” [Bakit?] [Bakit hindi?] • “Anu-ano ang mga pangarap mo sa buhay?” • “Ano ang gusto mong maging?” • “[Kung may anak ka] gusto mo rin ba magpedikab ang anak mo?” • “[Kung may anak ka], ano’ng gusto mong maging ang anak mo paglaki?” • “Anu’ng gusto mong iparating sa mga humuhuli sa inyo na pedikab driver?” • [“Bakit?” / “Ipaliwanag n’yo naman.”] • “Sa palagay mo pwede bang maging bayani ang isang pedikab driver?” • [“Papa’no ba maging bayani ang isang pedikab driver?”] • “Anu’ng gusto mong iparating sa mga taga CSB?” • “Anu’ng mga pagbabago ang gusto mong [ninyong] maangyari ngayon sa lipunan?”
  • 22. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 3—Pagpapakilala sa Pananaliksik at sa Mananaliksik – Isang pulyeto na ipinakikilala ang pananaliksik at ang mananaliksik, at nagpapaliwanag na ang gagawin ng mananaliksik ay limitado lamang sa pagkuha ng datos; – tuwirang inilalahad na ang mananaliksik ay hindi makapagbibigay sa ngayon ng madaliang tulong, pagpapa-aral, at iba pa; – nakasulat ito sa wika na ginagamit ng mga pedikab drivers. Ito ay ipinatern sa isang form mula sa Compilation of Selected Guidelines for Health Research Ethics and Good Clinical Practice 2nd edition, Training Center for Health Research Ethics and Good Clinical Practice, University of the Philippines Manila. • “Ito po ay isang pag-aaral ni Propesor Jose Fadul ng College of Saint Benilde (CSB) tungkol sa karangalan ng tao at pagpahalaga sa trabaho ng mga pedikab drivers na namamasada sa paligid-ligid ng CSB. • Si Propesor Fadul po at ang kanyang mga kasama ay magtatanong-tanong lamang at kukuha ng mga sagot at palatandaan. • Hindi po sila, sa ngayon, makapagbibigay-tulong sa inyong mga problema kung mayroon man. • Hindi po sila Fadul nag-aalok ng scholarships. • Kung hindi po ninyo nais na sumali sa pag-aaral na ito ay malaya po kayong tumanggi. • Kung kayo naman po ay sumali sa pag-tatanungan, at ano mang dahilan ay ayaw nyo nang ituloy, ay malaya po kayo na hindi tapusin ito at magpaalam upang umalis na. • Maraming salamat po, at pasensya na kung kami ay nakaabala.”
  • 23. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 4—Ang Ipinagbigay-Alam na Pahintulot (Informed Consent) – Ipinatern ito mula sa isang WHO form, na siyang kukunin o hihilingin mula sa bawat pedikab driver na kalahok at kakapanayamin. – Ito ay nasa wikang nauunawaan ng mga pedikab drivers. Ipinagbigay-Alam na Pahintulot Naipaliwanag sa akin itong pag-aaral ni Propesor Jose Fadul ng College of Saint Benilde (CSB). Nalaman ko na ito ay tungkol sa mga pedikab driver na pumapasada sa paligid ng CSB. Napag-alaman ko na kung hindi ko nais sumali sa pag-aaral na ito ay malaya akong makakatanggi. Ako ay hindi pinilit na sumali at malaya kong ibinibigay ang mga sagot ko sa mga tanong-tanong. Nalaman ko rin na pagsali ko sa pagtatanungan, na kung ano mang dahilan na ayaw ko nang magpatuloy, ay malaya akong hindi na tapusin ito at magpaalam upang umalis na. Pangalan at lagda: _________________________________ Petsa: _________________________ ■
  • 24. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 5—Mga Halimbawang Datos Kwantitatibong Nahugot – Bilang ng mga pedikab na pumapasada sa paligid-ligid ng DLS-CSB • mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 49 • tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 5 – Karaniwang bilang ng sunud-sunod na mga araw ng pagtratrabaho bago ang pedikab driver ay magpahingang maghapon : 3.5 – Karaniwang bilang ng pedikab na nakaparada sa Fidel A. Reyes Street • mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 17 • mula Lunes hanggang Biyernes, pagsapit ng 6:00 ng gabi : 52 • tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 47 – Karaniwang bilang ng mga pedikab na nakapila sa may kanto ng kalye Estrada at Taft Avenue • mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 7 • tuwing Sabado at Linggo mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 5 – Karaniwang bilang ng mga pedikab na nakapila sa may Pablo Ocampo, malapit sa St. Scholastica’s College • mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 7 • tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 6
  • 25. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 5—Mga Halimbawang Datos Kwantitatibong Nahugot (pagpapatuloy) – Karaniwang bilang ng mga pedikab na nakapila sa may Pablo Ocampo malapit sa Philippine Sports Commission/Rizal Memorial Colliseum • mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 49 • tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 5 – Karaniwang bilang ng mga pedikab na nag-aabang sa may CSB Main Campus Taft Gate • mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 2 • tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 1 – Karaniwang bilang ng mga pedikab na nag-aabang sa may CSB Main Campus Leon Guinto Gate • mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 2 • tuwing Sabado at Linggo, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi : 1
  • 26. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 5—Halimbawa ng Datos Kwantitatibong Nahugot (pagpapatuloy) – Karaniwang singil sa isang pasahero ng pedikab (taong 2015, sa Piso): 20 – Karaniwang bilang ng pakikipagtransaksyon sa pasahero ng isang pedikab driver sa isang araw : 10 – Bilang ng mga hintayan/sakayan ng pedikab sa paligid-ligid ng DLS-CSB: 21 – Bilang ng mga babaeng pedikab drivers sa paligid-ligid ng DLS-CSB: 3 – Karaniwang arawang kinikita ng isang pedikab driver (taong 2015, sa Piso): 400 – Karaniwang buwanang kinikita ng isang pedikab driver (taong 2015, sa Piso): 6,500 – Karaniwang bilang ng mga aksidenteng may kaugnayan sa pedikab sa loob ng isang araw sa paligid-ligid ng DLS-CSB: 2 – Bilang ng mga pedikab drivers na nagbabayad ng income tax: 0 ■
  • 27. Ang Pandaigdigang Pananaw ng mga Pedikab Drivers na Pumapasada sa Iba’t-ibang Lugar sa Pilipinas • Appendix 6—Ilan sa mga Larawan ng Sasakyang de Padyak mula sa iba’t-ibang Bansa na ipinakita’t ipinapuna sa mga pedikab driver na pumapasada sa paligid-ligid ng DLS-CSB ■