Ang Pagkakaisa
by agila
Hindi kaila sa maraming tao na ang Iglesia ni Cristo ay nagkakaisa. Ang katotohanang ito ay
lalong nahahayag sa kanila kapag dumarating ang halalan, sapagkat ang Iglesia ni Cristo ay
nagkakaisa sa pagboto. Bagaman ang pagkakaisang ito ay hinahangaan at kinikilala ng marami,
ang iba naman ay tinutuligsa ito sapagkat hindi ito nila nauunawa. Hindi nila alam kung ano ang
saligan ng kaisahan sa loob ng Iglesia ni Cristo.
Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo na aral ng Diyos ang pagkakaisa at masama na rito
ay magkaroon ng pagkakabahagibahagi. Ang pagkakaisa ay tinutunapad ng Iglesia ni Cristo
hindi lamang sa panahon ng halalan kundi sa lahat ng mga gawain nito sa paglilingkod sa Diyos.
Ano ang pinagsasaligan ng Iglesia ni Cristo sa isinasagawang pagkakaisa?
Aral ng Diyos ang batayan ng pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo. Ang Diyos mismo ang may
kagustuhan na ang Kaniyang mga lingkod ay makita Niya sa pagkakaisa. Sa Awit 133:1 ay
nakasulat:
“Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang
magkakasama sa pagkakaisa.”
Sang-ayon din ba sa mga simulain ng ating Panginoong Jesucristo ang pagkakaisa ng
Iglesia?
Oo. Ang katunayan na para kay Cristo ay napakahalaga ng pagkakaisa ng Kaniyang mga
hinirang ay idinalangin Niya ito sa Ama.
“Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin
ay ibinigay mo; sapagka’t sila’y iyo:
“At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako’y paririyan sa iyo.
Ama Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila’y
maging isa, na gaya naman natin.” (Juan 17:9,11)
Ano ang katangian o kaibahan ng kaisahan sa Iglesia?
Sa pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo ay kasama ang ating Diyos at ang Panginoong Jesucristo.
Sa Juan 17:21 at 23 ay nakasulat:
“Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y
sumaatin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo. Ako’y sa kanila, at
ikaw ay sa akin, upang sila’y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw
ang sa akin ay nagsugo, at sila’y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.”
Mayroon ding mga organisasyon sa mundo na nagsisikap magkaisa. Subalit hindi matutularan
ang kaisahan sa Iglesia ni Cristo. Sapagkat ang kaisahan sa Iglesia ay hindi lamang kaisahan ng
mga kaanib nito; kaisa rito ang Panginoong Diyos at ang Panginoong Jesucristo.
Itinuro rin ba ng mga Apostol ang aral sa pagkakaisa?
Oo. Ipinahayag ng mga apostol na ang mga hinirang ng Diyos ay malubos sa isang pag-iisip at
isang paghatol. Sa I Corinto 1:10 ay nakasulat:
“Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating
Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag
mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo’y mangalubos sa isa lamang
pagiisip at isa lamang paghatol.”
Hindi dapat ipagtaka kung gayon na sa Iglesia ni Cristo ay tinutupad ang pagkakaisa dahil sa ito
ay aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia na ipinahayag din ni Cristo at itinuro ng Kaniyang mga
apostol. Kung pinupulaan man ng iba ang kaisahang ito, mananatili pa rin tayong naninindigan
upang kailanman ay hindi natin malabag o masira ang aral na ito.
Ano ang kalagayan sa harap ng Diyos ng Iglesia ni Cristo kaya ito’y tinuruang maging isa?
Sa harap ng Diyos, ang Iglesia ay iisang katawan. Sa Roma 12:4-5 ay nakasulat:
“Sapagka’t kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at
ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:
“Ay gayon din tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa
isa’t isa.”
Ano ang katunayang ito ay tumutukoy sa Iglesia? Alin ang tinutukoy na katawan?
Ang katawan ay ang Iglesia na pinangunguluhan ng ating Panginoong Jesucristo. Sa Colosas
1:18ay nakasulat:
“At siya ang ulo ng katawan , sa makatuwid baga’y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang
panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.”
Bagaman maraming mga sangkap ang isang katawan na magkaiba ang mga gawain, gayunpaman
may pagkakaisa ang mga ito at hindi nagkakabaha-bahagi ang sangkap. Gumagawa ang lahat
tungo sa ikabubuti ng kabuuan. Sa katawan ng tao itinulad ang Iglesia ni Cristo, kaya dapat na
dito ay makita rin ang lubos na pagkakaisa.
Sino ang nag-ayos at gumawa na ang Iglesia ni Cristo na binubuo ng maraming sangkap o
kaanib ay maging isang katawan lamang?
Ang Panginoong Diyos ang naglagay ng mga sangkap sa katawan. Sa I Corinto 12:18 ay
nakasulat:
“Datapuwa’t ngayo’y inilagay ng Dios ang bawa’t isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa
kaniyang minagaling.”
Bakit minagaling ng Diyos na matipon sa isa lamang katawan ang mga kaanib sa Iglesia?
Upang huwag magkaroon pagkakabaha-bahagi. Sa I Corinto 12:25 ay nakasaad:
“Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay
mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa’t-isa.”
Bakit ayaw ng Diyos na magkabaha-bahagi ang Iglesia ni Cristo?
Kung mayroong pagkakabaha-bahagi ay walang kaayusan. Ang Diyos ay hindi sang-ayon sa
pagkakabaha-bahagi at sa kawalan ng kaayusan. Sa tao ang pagkakabaha-bahagi.
“Sapagka’t kayo’y mga sa laman pa: sapagka’t samantalang sa inyo’y may mga paninibugho
at mga pagtatalo, hindi baga kayo’y mga sa laman, at kayo’y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng
mga tao?
“Sapagka’t kung sinasabi ng isa, Ako’y kay Pablo; at ng iba, Ako’y kay Apolos; hindi baga
kayo’y mga tao.” (I Corinto 3:3-4)
Ano ang kasama ng pagiging sa laman?
Malinaw ang pahayag ng Banal na Kasulatan na hindi kay Cristo ang sa laman. Sa Roma 8:9 ay
nakasaad:
“Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang
Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa
kaniya.”
Sa Diyos pa ba ang sa laman dahil sa pagkakabaha-bahagi?
Hindi. Sa halip ay tinitiyak ng Biblia na sa diablo ang ganito. Sa Santiago 3:14-15 ay
nakasulat:
“Nguni’t kung kayo’y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong
puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.
“Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman , sa
diablo.”
Ano ang ipinapayo ng mga apostol upang manatili ang Diyos sa atin?
Dapat tayong manatili sa pagkakaisa. Sa II Corinto 13:11 ay mababasa:
“Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo;
mangagkaiisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng
kapayapaan ay sasa inyo.”
Bakit masamang magkaroon ng pagkakabaha-bahagi at mawala ang pagkakaisa sa
Iglesia?
Ang Iglesia ay itinulad sa katawan na si Cristo ang ulo. Ang katawang ito ay iisa na may isang
pananampalataya, isang bautismo, at iisang Diyos. Sa Efeso 4:4-6 ay nakasulat:
“May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng
pagtawag sa inyo;
“Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,
“Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat , at nasa
lahat.”
Samakatuwid, ang pagkakaroon ng pagkakabaha-bahagi ay sisira sa matibay at matatag na
kaisahan sa Iglesia na nakasalig sa aral ng Biblia. Kaya sa lahat ng sandali, dapat pamalagiin ang
pagkakaisa sa Iglesia. Ang pananatili ng ating pagkakaisa ay pananatili rin ng Diyos sa atin.
Bakit hanggang sa pagboto ay ipinatutupad ng Pamamahala ang pagkakaisa ng Iglesia ni
Cristo?
Ito ay aral din ng Biblia. Anuman ang gagawin ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, hindi dapat
magkaroon ng pagkabahagi-bahagi o kampi-kampi. Sa Filipos 2:2-3 ay nakasulat:
“Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo’y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay
ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;
“Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa
pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawat isa ang iba
na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili.”
Papaano maisasakatuparan ng Iglesia ni Cristo ang pagkakaisa kahit sa pagboto?
Ayon sa itinuturo ng Biblia – “Malubos sa isa lamang paghatol.” Sa I Corinto 1:10 ay
nakasulat:
“Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating
Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag
mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo’y mangalubos sa isa lamang
pagiisip at isa lamang paghatol.”
Maaring isipin ng mga di nakakaunawa lalo na ng mga tumutuligsa sa ating pananampalataya na
hindi na saklaw ang pagboto sa dapat pagkaisahan ng Iglesia. Yaon lamang daw mga bagay na
ukol sa Iglesia ang dapat na pagkaisahan. Itinuturo ng Biblia na ang mga Cristiano ay dapat
magkaisa sa paghatol. Ang pagboto ba ay paghatol?
Ano ba ang ginagawa ng isang mamamayan kapag siya’y bumuboto? Ano ba ang
kahulugan ng pagboto?
Ang pagboto ay pagpapahayag ng paghatol ayon sa pakahulugang ibinibigay ng diksiyunaryo.
SaWebster’s New International Dictionary ay nakasaad:
p.2295
“Vote – expression of judgment…” [Pagboto – isang pagpapahayag ng paghatol…]
Ano ba ang aral ng mga apostol kung ginagawa natin ang paghatol?
Ang mga Cristiano ay tinatagubilinang magkaisa sa paghatol. Sa I Corinto 1:10 ay nakasulat:
“But I urge you all, brothers, for the sake of our Lord Jesus Christ, to agree in what you say,
and not to allow factions among you, but to be perfectly united in mind and judgement.” [Subalit
ipinamamanhik ko sa inyong lahat, mga kapatid, na alang-alang sa ating Panginoong Jesucristo
ay mangagkaisa kayong lahat sa inyong sinasalita, at huwag ninyong itulot na magkaroon ng
mga pagkakabaha-bahagi sa gitna ninyo, kundi magkaisa kayong lubos sa pag-iisip at
paghatol.]
Kaya kahit sa pagboto ay nagkakaisa tayo sapagkat ang utos ay magkaisa sa paghatol. Ang
pagboto ay paghatol kaya dapat magkaisa sa pagboto. Bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo, sa
panahon ng halalan ay hindi tayo nagkanya-kanya ng pagpili ng ating ihahalal sapagkat masisira
ang kaisahan kapag ganito.
Upang magkaisa sa paghatol ang Iglesia, sino ang dapat magpasiya? Sa panahon ng unang
Iglesia, papaano ba sila nagkaisa?
Sa panahon ng Iglesia noong unang siglo, ang mga Cristiano ay sumunod at napasakop sa
Namamahala. Ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon ay si Apostol Santiango. Nang
magkaroon noon ng usapin sa Iglesia ay siya ang nagpasiya.
“At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid,
pakinggan ninyo ako:
“Dahil dito’y ang hatol ko. ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay
nangagbabalik-loob sa Dios.” (Gawa 15:13,19)
Nangangahulugan ba na sariling kapasiyahan lamang ng Tagapamahalang Pangkalahatan
ang inilalagda nilang hatol?
Hindi. Ang pagpapasiya ng Namamahala na inilalagay ng Ama sa Iglesia ay minamagaling o
kinakasihan ng Espiritu Santo. Ito ang katangian ng pagpapasiyang ginawa noon ni Apostol
Santiago. Sa Gawa 15:28 ay nakasulat:
“Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong
mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan.”
Ano ang dahilan ng pagbangon ng usapin o pagtatalo noon sa Iglesia? Bakit kinailangan
ang pagpapasiya ng Tagapa-mahalang Pangkalahatan sa unang Iglesia?
Nagkaroon noon ng pagtatalo sa mga kaanib sa Iglesia. Sa Gawa 15:1-2 ay isinasalaysay ng
Biblia:
“At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na
sinasabi, Maliban na kayo’y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo
mangaliligtas.
“At nang magkaroon, si Pablo at Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa
kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay
magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito.”
Mapansin natin na ang pagkakaroon ng pagtatalo sa Iglesia ay lumikha ng pagkakanaha-bahagi
dahil sa pagkakaiba ng mga isipan. Mayroong kani-kaniyang opinyon ang bawat isa . Kaya
upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia, nagtungo sila sa Jerusalem na
kinaroroonan ng Pamamahala sa Iglesia.
Ano ang katunayang ang mga Cristiano noon ay nagpasakop sa Pamamahala? Ano ang
ginawa nila pagdating sa harap ng Pamamahala?
Matapos silang maghayag ng kani-kaniyang panig ay nakinig sila sa pasiya ng Tagapamahala.
SaGawa 15:12-13 at 19 ay isinasaad:
“At nagsitahimik ang boong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na
nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil sa
pamamagitan nila.
“At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid,
pakinggan ninyo ako:
“Dahil dito’y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yong sa mga Gentil ay nangagbabalik
– loob sa Dios.”
Sa lahat ng pagkakataon, dapat na nakikita sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia ang pagpapasakop
at pagsunod sa mga pasiya ng inilalagda ng Pamamahala ukol sa paglilingkod at maging sa iba
pang mga bagay katulad ng pagboto. Sa ganito’y natutupad sa atin ang aral ng Biblia na itoy ay
malubos sa pagkakaisa.
Gaano kahalaga ang pagkakaisa sa loob ng Iglesia ni Cristo?
Napakahalaga ng pagkakaisa sa loob ng Iglesia sapagkat sa pagkakaisang ito ay kasama natin
angDiyos at si Cristo. Masamang sirain ito. Kaya mahigpit na ipinababawal ng Diyos ang
pakakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi.Hindi lang sa pagboto nagkakaisa ang mga Iglesia ni
Cristo kundi lalo na sa mga gawang paglilingkod sa Diyos. Gawin natin ang lahat sa
ikapamamalagi ng pagkakaisa ng Iglesia, alang-alang sa ikaluluwalhati ng Diyos.
Huwag sisirain ang kaisahan ng Iglesia maging ukol sa pagboto o iba pang gawain sapagkat ito’y
kasalanan.

Ang pagkakaisa

  • 1.
    Ang Pagkakaisa by agila Hindikaila sa maraming tao na ang Iglesia ni Cristo ay nagkakaisa. Ang katotohanang ito ay lalong nahahayag sa kanila kapag dumarating ang halalan, sapagkat ang Iglesia ni Cristo ay nagkakaisa sa pagboto. Bagaman ang pagkakaisang ito ay hinahangaan at kinikilala ng marami, ang iba naman ay tinutuligsa ito sapagkat hindi ito nila nauunawa. Hindi nila alam kung ano ang saligan ng kaisahan sa loob ng Iglesia ni Cristo. Sumasampalataya ang Iglesia ni Cristo na aral ng Diyos ang pagkakaisa at masama na rito ay magkaroon ng pagkakabahagibahagi. Ang pagkakaisa ay tinutunapad ng Iglesia ni Cristo hindi lamang sa panahon ng halalan kundi sa lahat ng mga gawain nito sa paglilingkod sa Diyos. Ano ang pinagsasaligan ng Iglesia ni Cristo sa isinasagawang pagkakaisa? Aral ng Diyos ang batayan ng pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo. Ang Diyos mismo ang may kagustuhan na ang Kaniyang mga lingkod ay makita Niya sa pagkakaisa. Sa Awit 133:1 ay nakasulat: “Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya sa mga magkakapatid na magsitahang magkakasama sa pagkakaisa.” Sang-ayon din ba sa mga simulain ng ating Panginoong Jesucristo ang pagkakaisa ng Iglesia? Oo. Ang katunayan na para kay Cristo ay napakahalaga ng pagkakaisa ng Kaniyang mga hinirang ay idinalangin Niya ito sa Ama. “Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagka’t sila’y iyo: “At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako’y paririyan sa iyo. Ama Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, na gaya naman natin.” (Juan 17:9,11) Ano ang katangian o kaibahan ng kaisahan sa Iglesia? Sa pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo ay kasama ang ating Diyos at ang Panginoong Jesucristo. Sa Juan 17:21 at 23 ay nakasulat: “Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo Ama, sa akin, at ako’y sa iyo, na sila nama’y sumaatin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako’y sinugo mo. Ako’y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila’y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila’y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.” Mayroon ding mga organisasyon sa mundo na nagsisikap magkaisa. Subalit hindi matutularan ang kaisahan sa Iglesia ni Cristo. Sapagkat ang kaisahan sa Iglesia ay hindi lamang kaisahan ng mga kaanib nito; kaisa rito ang Panginoong Diyos at ang Panginoong Jesucristo.
  • 2.
    Itinuro rin bang mga Apostol ang aral sa pagkakaisa? Oo. Ipinahayag ng mga apostol na ang mga hinirang ng Diyos ay malubos sa isang pag-iisip at isang paghatol. Sa I Corinto 1:10 ay nakasulat: “Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo’y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.” Hindi dapat ipagtaka kung gayon na sa Iglesia ni Cristo ay tinutupad ang pagkakaisa dahil sa ito ay aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia na ipinahayag din ni Cristo at itinuro ng Kaniyang mga apostol. Kung pinupulaan man ng iba ang kaisahang ito, mananatili pa rin tayong naninindigan upang kailanman ay hindi natin malabag o masira ang aral na ito. Ano ang kalagayan sa harap ng Diyos ng Iglesia ni Cristo kaya ito’y tinuruang maging isa? Sa harap ng Diyos, ang Iglesia ay iisang katawan. Sa Roma 12:4-5 ay nakasulat: “Sapagka’t kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: “Ay gayon din tayo na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa’t isa.” Ano ang katunayang ito ay tumutukoy sa Iglesia? Alin ang tinutukoy na katawan? Ang katawan ay ang Iglesia na pinangunguluhan ng ating Panginoong Jesucristo. Sa Colosas 1:18ay nakasulat: “At siya ang ulo ng katawan , sa makatuwid baga’y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.” Bagaman maraming mga sangkap ang isang katawan na magkaiba ang mga gawain, gayunpaman may pagkakaisa ang mga ito at hindi nagkakabaha-bahagi ang sangkap. Gumagawa ang lahat tungo sa ikabubuti ng kabuuan. Sa katawan ng tao itinulad ang Iglesia ni Cristo, kaya dapat na dito ay makita rin ang lubos na pagkakaisa. Sino ang nag-ayos at gumawa na ang Iglesia ni Cristo na binubuo ng maraming sangkap o kaanib ay maging isang katawan lamang? Ang Panginoong Diyos ang naglagay ng mga sangkap sa katawan. Sa I Corinto 12:18 ay nakasulat: “Datapuwa’t ngayo’y inilagay ng Dios ang bawa’t isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.”
  • 3.
    Bakit minagaling ngDiyos na matipon sa isa lamang katawan ang mga kaanib sa Iglesia? Upang huwag magkaroon pagkakabaha-bahagi. Sa I Corinto 12:25 ay nakasaad: “Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa’t-isa.” Bakit ayaw ng Diyos na magkabaha-bahagi ang Iglesia ni Cristo? Kung mayroong pagkakabaha-bahagi ay walang kaayusan. Ang Diyos ay hindi sang-ayon sa pagkakabaha-bahagi at sa kawalan ng kaayusan. Sa tao ang pagkakabaha-bahagi. “Sapagka’t kayo’y mga sa laman pa: sapagka’t samantalang sa inyo’y may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayo’y mga sa laman, at kayo’y nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao? “Sapagka’t kung sinasabi ng isa, Ako’y kay Pablo; at ng iba, Ako’y kay Apolos; hindi baga kayo’y mga tao.” (I Corinto 3:3-4) Ano ang kasama ng pagiging sa laman? Malinaw ang pahayag ng Banal na Kasulatan na hindi kay Cristo ang sa laman. Sa Roma 8:9 ay nakasaad: “Datapuwa’t kayo’y wala sa laman kundi nasa sa Espiritu, kung gayo’y tumitira sa inyo ang Espiritu ng Dios. Datapuwa’t kung ang sinoma’y walang Espiritu ni Cristo, siya’y hindi sa kaniya.” Sa Diyos pa ba ang sa laman dahil sa pagkakabaha-bahagi? Hindi. Sa halip ay tinitiyak ng Biblia na sa diablo ang ganito. Sa Santiago 3:14-15 ay nakasulat: “Nguni’t kung kayo’y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. “Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman , sa diablo.” Ano ang ipinapayo ng mga apostol upang manatili ang Diyos sa atin? Dapat tayong manatili sa pagkakaisa. Sa II Corinto 13:11 ay mababasa: “Sa katapustapusan, mga kapatid, paalam na. Mangagpakasakdal kayo; mangaaliw kayo; mangagkaiisa kayo ng pagiisip; mangabuhay kayo sa kapayapaan: at ang Dios ng pagibig at ng kapayapaan ay sasa inyo.”
  • 4.
    Bakit masamang magkaroonng pagkakabaha-bahagi at mawala ang pagkakaisa sa Iglesia? Ang Iglesia ay itinulad sa katawan na si Cristo ang ulo. Ang katawang ito ay iisa na may isang pananampalataya, isang bautismo, at iisang Diyos. Sa Efeso 4:4-6 ay nakasulat: “May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; “Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, “Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat , at nasa lahat.” Samakatuwid, ang pagkakaroon ng pagkakabaha-bahagi ay sisira sa matibay at matatag na kaisahan sa Iglesia na nakasalig sa aral ng Biblia. Kaya sa lahat ng sandali, dapat pamalagiin ang pagkakaisa sa Iglesia. Ang pananatili ng ating pagkakaisa ay pananatili rin ng Diyos sa atin. Bakit hanggang sa pagboto ay ipinatutupad ng Pamamahala ang pagkakaisa ng Iglesia ni Cristo? Ito ay aral din ng Biblia. Anuman ang gagawin ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo, hindi dapat magkaroon ng pagkabahagi-bahagi o kampi-kampi. Sa Filipos 2:2-3 ay nakasulat: “Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo’y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip; “Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawat isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili.” Papaano maisasakatuparan ng Iglesia ni Cristo ang pagkakaisa kahit sa pagboto? Ayon sa itinuturo ng Biblia – “Malubos sa isa lamang paghatol.” Sa I Corinto 1:10 ay nakasulat: “Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo’y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.” Maaring isipin ng mga di nakakaunawa lalo na ng mga tumutuligsa sa ating pananampalataya na hindi na saklaw ang pagboto sa dapat pagkaisahan ng Iglesia. Yaon lamang daw mga bagay na ukol sa Iglesia ang dapat na pagkaisahan. Itinuturo ng Biblia na ang mga Cristiano ay dapat magkaisa sa paghatol. Ang pagboto ba ay paghatol? Ano ba ang ginagawa ng isang mamamayan kapag siya’y bumuboto? Ano ba ang kahulugan ng pagboto? Ang pagboto ay pagpapahayag ng paghatol ayon sa pakahulugang ibinibigay ng diksiyunaryo. SaWebster’s New International Dictionary ay nakasaad:
  • 5.
    p.2295 “Vote – expressionof judgment…” [Pagboto – isang pagpapahayag ng paghatol…] Ano ba ang aral ng mga apostol kung ginagawa natin ang paghatol? Ang mga Cristiano ay tinatagubilinang magkaisa sa paghatol. Sa I Corinto 1:10 ay nakasulat: “But I urge you all, brothers, for the sake of our Lord Jesus Christ, to agree in what you say, and not to allow factions among you, but to be perfectly united in mind and judgement.” [Subalit ipinamamanhik ko sa inyong lahat, mga kapatid, na alang-alang sa ating Panginoong Jesucristo ay mangagkaisa kayong lahat sa inyong sinasalita, at huwag ninyong itulot na magkaroon ng mga pagkakabaha-bahagi sa gitna ninyo, kundi magkaisa kayong lubos sa pag-iisip at paghatol.] Kaya kahit sa pagboto ay nagkakaisa tayo sapagkat ang utos ay magkaisa sa paghatol. Ang pagboto ay paghatol kaya dapat magkaisa sa pagboto. Bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo, sa panahon ng halalan ay hindi tayo nagkanya-kanya ng pagpili ng ating ihahalal sapagkat masisira ang kaisahan kapag ganito. Upang magkaisa sa paghatol ang Iglesia, sino ang dapat magpasiya? Sa panahon ng unang Iglesia, papaano ba sila nagkaisa? Sa panahon ng Iglesia noong unang siglo, ang mga Cristiano ay sumunod at napasakop sa Namamahala. Ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon ay si Apostol Santiango. Nang magkaroon noon ng usapin sa Iglesia ay siya ang nagpasiya. “At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako: “Dahil dito’y ang hatol ko. ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios.” (Gawa 15:13,19) Nangangahulugan ba na sariling kapasiyahan lamang ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang inilalagda nilang hatol? Hindi. Ang pagpapasiya ng Namamahala na inilalagay ng Ama sa Iglesia ay minamagaling o kinakasihan ng Espiritu Santo. Ito ang katangian ng pagpapasiyang ginawa noon ni Apostol Santiago. Sa Gawa 15:28 ay nakasulat: “Sapagka’t minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan.” Ano ang dahilan ng pagbangon ng usapin o pagtatalo noon sa Iglesia? Bakit kinailangan ang pagpapasiya ng Tagapa-mahalang Pangkalahatan sa unang Iglesia? Nagkaroon noon ng pagtatalo sa mga kaanib sa Iglesia. Sa Gawa 15:1-2 ay isinasalaysay ng Biblia:
  • 6.
    “At may ibangmga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo’y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas. “At nang magkaroon, si Pablo at Bernabe ng di kakaunting pagtatalo at pakikipagtuligsaan sa kanila, ay ipinasiya ng mga kapatid na si Pablo at si Bernabe, at ang ilan sa kanila, ay magsiahon sa Jerusalem, sa mga apostol at sa mga matanda tungkol sa suliraning ito.” Mapansin natin na ang pagkakaroon ng pagtatalo sa Iglesia ay lumikha ng pagkakanaha-bahagi dahil sa pagkakaiba ng mga isipan. Mayroong kani-kaniyang opinyon ang bawat isa . Kaya upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa Iglesia, nagtungo sila sa Jerusalem na kinaroroonan ng Pamamahala sa Iglesia. Ano ang katunayang ang mga Cristiano noon ay nagpasakop sa Pamamahala? Ano ang ginawa nila pagdating sa harap ng Pamamahala? Matapos silang maghayag ng kani-kaniyang panig ay nakinig sila sa pasiya ng Tagapamahala. SaGawa 15:12-13 at 19 ay isinasaad: “At nagsitahimik ang boong karamihan; at kanilang pinakinggan si Bernabe at si Pablo na nagsisipagsaysay ng mga tanda at ng mga kababalaghang ginawa ng Dios sa mga Gentil sa pamamagitan nila. “At nang matapos na silang magsitahimik, ay sumagot si Santiago, na sinasabi, Mga kapatid, pakinggan ninyo ako: “Dahil dito’y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yong sa mga Gentil ay nangagbabalik – loob sa Dios.” Sa lahat ng pagkakataon, dapat na nakikita sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia ang pagpapasakop at pagsunod sa mga pasiya ng inilalagda ng Pamamahala ukol sa paglilingkod at maging sa iba pang mga bagay katulad ng pagboto. Sa ganito’y natutupad sa atin ang aral ng Biblia na itoy ay malubos sa pagkakaisa. Gaano kahalaga ang pagkakaisa sa loob ng Iglesia ni Cristo? Napakahalaga ng pagkakaisa sa loob ng Iglesia sapagkat sa pagkakaisang ito ay kasama natin angDiyos at si Cristo. Masamang sirain ito. Kaya mahigpit na ipinababawal ng Diyos ang pakakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi.Hindi lang sa pagboto nagkakaisa ang mga Iglesia ni Cristo kundi lalo na sa mga gawang paglilingkod sa Diyos. Gawin natin ang lahat sa ikapamamalagi ng pagkakaisa ng Iglesia, alang-alang sa ikaluluwalhati ng Diyos. Huwag sisirain ang kaisahan ng Iglesia maging ukol sa pagboto o iba pang gawain sapagkat ito’y kasalanan.